You are on page 1of 1

Sinuri ng pag-aaral na ito ang pag-iral ng Koreanolisasyon (Kolonisasyong Koreano) bilang

gahum ng kulturang popular ng Timog-Korea sa Pilipinas. Naging sandigan sa analisis ang


pagtukoy sa mga nangibabaw na elemento at/o katangian ng Koreanobela at musikang Koreano
bilang mga pangunahing salik kung bakit patuloy na umaangkin ng atensyon at/o pagtangkilik ang
Korean Wave sa mga panatikong Pilipino. Bukod sa Focus Group Discussion na nilahukan ng 28
panatikong babad sa Korean Wave, ginamit ding metodo ang document analysis mula sa datos
ukol sa ugnayang-pangkalakalan ng Timog-Korea at Pilipinas. Hanggang sa natuklasang nang
dahil sa Korean Wave, nakahihigit ang produktong ipinapasok ng Timog-Korea sa Pilipinas kaysa
sa inaangkat nito.

Sa huli, sa pamamagitan ng Soft Power ni Joseph Nye, sinuri ang elemento at/o katangian ng
Koreanobela at musikang Koreano maging ang kaunay na pangyayari ng Korean Wave sa Pilipinas
hinggil sa pagdatingan ng produktong Koreano. Ipinakita sa pag-aaral na ang hegemonyang
kaakibat ng kulturang popular ng Timog-Korea ay nagsisilbing estratehiya upang isakatuparan ang
kolonisasyon.

Mga Susing Salita: Koreanobela, Musikang Koreano, Kulturang Popular, Kore- anolisasyon,
Hallyu/ Korean Wave, Soft Power, Joseph Nye

This study examines the existence of Koreanization (Korean Colonization) as a power of South
Korean popular culture in the Philippines. The analysis identified the dominant elements and / or
characteristics of Koreanovela and Korean music as the main factors why the Korean Wave
continues to demand and / or support Filipino fanatics. In addition to the Focus Group Discussion
attended by 28 fanatics soaked in the Korean Wave, the document analysis method from South
Korean and Philippine trade data was also used. Until the discovery of the Korean Wave, South
Korea's products in the Philippines far exceeded its import.

Evetually, through Joseph Nye's Soft Power, examines the elements and / or character of
Koreanobela and Korean music as well as the co-occurrence of the Korean Wave in the Philippines
regarding the arrival of the Korean product. Studies have shown that the hegemony affiliated with
South Korean popular culture serves as a strategy to bring about colonization.

Key Words: Koreanobela, Korean Music, Popular Culture, Non-annotation, Hallyu / Korean
Wave, Soft Power, Joseph Nye,

You might also like