You are on page 1of 3

Oratorical Speech – BSP

2018

PAGGALUGAD SA BILANG NG KAMANGHA-MANGHANG YAMAN NG


PILIPINAS: ESTADISTIKA NG KALINANGANG PANTURISMO

Lipunan, kalikasan, kultura, bansa at yaman. Limang salitang may malaking kinalaman
sa pagpapaunlad ng bayan. Mga salik na binabalik-balikan ng mga turistang tagaloob at
tagalabas sa mga lugar na kinikilalang tourist spots sa Pilipinas. Ngunit, anong mayroon at paano
tinitimbang ang turismo sa bansang papaunlad pa lamang? Usaping Turismo. Ito ang nag-uugnay
sa mga bansa, higit lalo sa mga taong nabibilang sa magkakaibang lahi. Turismo ang katuwang
ng ekonomiya upang labanan ang mapang-angking kahirapan. Nagsisilbi itong kapangyarihan
tulad ng pagpapatibay nito sa ugnayang loob o labas ng mga bansa. Ang magandang kalakalan
at/o palitan ng produkto sa anumang paraan ay nagpapahigpit sa pandaigdigang relasyon ng mga
lider ng bansa. Nakalilikha rin ito ng maraming trabaho para sa mga lokal na mamamayan. Hindi
lamang nito binabasag ang heograpikal na distansya, subalit pinaglalapit pa ang mga tawid-dagat
na hangganan sa pagtatanghal ng sariling yaman. Tagpuan din ang turismo ng dalawang blokeng
nakakatulong sa buhay at pamumuhay ng mga tao; una ay gumaganda at tumataas ang kita ng
mga taong nagbibigay serbisyo, pangalawa ay nakapagpapahinga ang mga taong lunod sa
trabaho. Sa puntong ito, masasabing susi ngang talaga sa pag-unlad ang turismo. Ngunit, ang
mahalagang tanong, ano bang yaman ang maipagmamalaki para masabing masigla ang
industriya ng turismo sa Pilipnas? Nawa, sabay-sabay nating galugarin ang yamang atin.

Nitong 2016 lamang, kinumpirma ni Ramon Paje, kalihim ng DENR sa kanyang


panayam mula sa Cable News Network o CNN na hindi na lamang 7, 107 ang isla sa bansa.
Dahil sa proyektong isinagawa ng National Mapping and Resource Information Authority
(NAMRIA) ay napag-alamang may 534 pang isla sa ilang panig ng bansa. Ngayon, may 7, 641
na kasalukuyang isla sa kabuuan ng Pilipinas. Samakatuwid, hindi na lamang ang mga madalas
mabanggit na Baguio, Boracay, Bohol, Palawan, Cebu, Ilocos at iba pang sikat na tourist spots
ang maaaring dayuhin ng mga turista. Nabigyan pa sila ng pagkakataong taluntunin ang mga
natatanging lugar mula sa kakatuklas lamang na mga isla. Patunay lamang ito na hindi
nalilimitahan ang mga turista sa mga lugar na maaaring lakbayin at kilalanin sa Pilipinas.

Naranasan ninyo na bang sumisid sa mayayaman nating dagat? Napuntahan ninyo na ba


ang Siargao Island na kinikilala ngayong Surfer Capital of the Philippines? Hindi ba’t ginawan
pa ito ng pelikula ni direk Paul Soriano na nagtatanghal hindi lamang ng isang napakagandang
isla, kundi maging sa tamang paraan ng pangangalaga sa yamang atin. Ipinakita sa pelikula na
bawat isa sa atin ay may malaking tungkulin para proteksyunan ang ating kalikasan – na dapat
lang tuparin. Dahil dito, pinaniniwalaang ang Pilipinas ay maaaring magkaroon ng Sports
Tourism. Ayon kay Villafuerte, inaasahang tataas ang sports tourism nang 6.1 % mula 2013-
2020, at 4.7% naman sa 2020-2030. Sa ulat naman ng Caraga Regional Tourism Office, nasa
15,000 turista ang bumisita sa Siargao nitong 2017 lamang, tumaas nang 25% mula noong 2016.
Idagdag pa ang mga sumisikat na isla dahil sa kaakit-akit na sandbar nito. Kung Luzon,
tampok ang Burias Island sa Masbate at Manlawi Sandbar sa Caramoan. Kung sa Visayas naman
ay nandiyan ang magaganda’t mahahabang sandbar tulad ng Kalanggaman sa Leyte at Pungtod
sa Bohol. Ipinagmamalaki naman ng Mindanao ang Vanishing Island sa Samal, Puting Balas sa
Pagadian, Panampangan Island sa Tawi-Tawi, Santa Cruz Island sa Zamboanga na may
malarosas na buhangin. Ilan lamang ito sa mga kinikilalang tourist spots sa Pilipinas na
lumilikha ng malaking atraksyon sa mga banyaga. Dahil nasa usapin tayo ng tubig, hayaan
ninyong isa-isahin ko ang mga yamang matatagpuan sa karagatan ng Pilipinas. Sa tulong ng mga
mananaliksik, naitala ang mga “pinaka” sa ating bansa. Mayroon tayong Pandaka Pygmeae o
iyong pinakamaliit na isda sa buong mundo. Butanding naman ang pinakamalaking isda.
Mayroon din tayong Dugong, kakaibang mamalia na makikita lang sa dagat ng Pilipinas at sa
Red Sea. Perlas ni Allah, ang pinakamalaking perlas sa buong daigdig. Tridacna Gigas
pinakamalaking kabibe sa buong mundo at pisidium naman ang pinakamaliit. Hindi ba’t
kamangha-manghang tunay?

Dumayo naman tayo sa matataas na lugar. Nakapag-hike na ba kayo? Aba, mayaman din
ang Pilipinas sa mga bundok na pwedeng akyatin. Sa mga bundok na ito, ayon sa estadistika,
matatagpuan ang 3, 500 na iba’t ibang uri ng punongkahoy.

Hindi lang din lugar ang dahilan ng pagsigla ng Turismo kundi ang ilang selebrasyon sa
bansa. Tulad na lang ng mga pagdiriwang ng pyesta. Kabilang sa mga dinarayong pyesta ay ang
Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan, Sinulog Festival sa Cebu, Panagbenga sa Baguio, Bangus
Festival sa Dagupan, Kadayawan Festival Sa Davao, Maskara Festival sa Bacolod, at Dinagyang
Festival sa Iloilo.

Nabanggit na ang mga katangi-tanging yaman ng Pilipinas hindi lamang sa mga lugar
panturista o ang mga likas-yaman dito, kundi maging ang tradisyon at kultura na matatagpuan
lang sa Pilipinas. Ngayon, paano naman nakatutulong ang Turismo sa bansa bukod sa mga nauna
nang nabanggit.

Sa naitalang estadistika ng Philippine Statistics Authority noong 2012, mahigit 3.5


milyon na mga turista o may katumbas na 1.8% na kabuuang banyagang turista ang pumunta sa
Pilipinas. Dahil dito, naisama ang Pilipinas bilang panlabing-apat na bansa sa pinakabinibisita
mula sa 25 bansa sa Asya. Mula naman noong 2008-2010, Metro Manila ang kaakit-akit para sa
mga bisita na nasa 5.6 milyong turista, sinundan ito ng Cebu, Camarines Sur, Baguio City, at
Boracay. Naagaw naman ng Camsur ang nangungunang pwesto ng Metro Manila mula sa
pinakapinupuntahang lugar noong 2010. Subalit nang maitala ang Puerto Princesa Underground
River sa Palawan bilang isa sa New 7 Wonders of Nature lalong dumami ang bilang ng mga
turista sa Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority para taong 2017, ang industriya ng
turismo ng Pilipinas ay may kontribusyong 12.2% sa ekonomiya kumpara noong 2015 na nasa
8.2% lamang. Tumaas ito nang 24.4 % kumpara sa mga nagdaang taon. Dahil sa pagsigla ng
turismo sa Pilipinas. Nakapagpasok ito ng mahigit 1, 929.3 bilyon sa Gross Domestic Product ng
bansa. Sa pahayag naman ni Gloria Guevara Manzo, Pangulo at CEO ng World Travel Tourism
Council, isa sa epekto ng Turismo ay ang pagkakalikha ng mahigit 313 milyong trabaho, o 9.9%
ng kabuuang trabaho nitong 2017 lamang. Umabot naman sa 3.2 milyon ang banyagang turista
sa Pilipinas na may katumbas na 10.2% nitong Enero-Mayo 2018, mas mataas kaysa sa mga
nakaraang taon. Sa talaan mula 2015-2018, nangunguna ang Korea sa pinakamalaking porsyento
ng mga turistang pumunta sa Pilipinas. Sumunod ang China, USA, Japan, at Australia.

Taong 2017 pa rin, ang estadistika ng banyagang turista sa Pilipinas ay nasa 2,349,980,
subalit sa unang apat na buwan ng 2018 umabot agad ito ng 2,640,231. Bukod sa mga
atraksyong taglay na ng mga lugar na mayroon tayo, nakadagdag din sa pang-akit ang pagsulong
ng teknolohiya, pagpapatupad nang mahigpit sa mga polisiya, at sa masigasig na pagtataguyod
ng responsableng sektor ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng turismo. Sa dami ng mga turistang
pumunta sa Pilipinas, masayang iniulat ng Department of Tourism ang estadistika ng Turismo sa
Pilipinas mula Enero-Abril 2018, nadagdagan nang 12.35% ang turista sa Pilipinas. Ipinahayag
naman ni Dr. Aekapol Chongvilaivan ng Asian Development Bank ang pangkabuuang pagtingin
sa ekonomiya ng Pilipinas, tinawag niya itong “rising star in Asia”. Naging udyok kay Tourism
Undersecretary for Tourism Regulation, Coordination and Resource Generation Alma Rita
Jimenez ang epekto ng Turismo sa panghihikayat sa banyagang investor na mamuhunan ng
negosyo sa Pilipinas.

Sa diskurso ng paglilinang sa Turismo, hindi lang nito natutulungang balansehin ang


ekonomiya, hindi lang naitatanghal ang nagkikintalalang tanawin o ang katangi-tanging yamang
dito lang matatagpuan, kundi nabibigyan identidad kung ano at sino tayong mga Pilipino. Bilang
kabataan, naniniwala akong ang kultura, kaugalian, tradisyon at paniniwala ang tulay na
nagpapatibay sa ugnayan ng turismo sa mga turista. At ito ang dahilan kung bakit nagsisimulang
lumikha ng sariling pangalan ang Pilipinas sa industriya ng Turismo.
Ang paggalugad sa bilang ng kamangha-manghang yaman ng Pilipinas ay paggalugad sa
pagka-Pilipino ng bansa. Dahil higit sa ano pa man, ang turismo ay nakakapagpadanas ng
kaakuhan nating mga Pilipino.

You might also like