You are on page 1of 1

Communication Script

Magandang umaga po, ako nga po pala si ___________ ako po ay ______________ ng Evo Gene Seeds
Corp. Nandirito po ako ngayon para po ipakilala kung sino si Evo Gene Seeds at kung anu-ano ang mga
layunin nito.

Ang Evo Gene Seeds Corp. po ay isang Pilipinong kumpanya na itinayo noong April 2010 sa General
Santos City. Ang may-ari ng kumpanya ay isa rin pong magsasaka mula sa kanyang pagkabata hanggang
sa pagtapos ng kolehiyo. Siya ay naging empleyado ng Department of Agriculture bilang isang technician,
naging bahagi ng Ayala Agri bilang Research Head, Pioneer Hybrid Seeds bilang Research Manager at
DOW Agrosciences bilang Research Head / Leader sa Asia Pacific operation. Pagkatapos nyang mag
retiro ay itinayo nya ang kumpanyang Evo Gene Seeds sa tulong na kanyang dating kasamahan sa
Pioneer na dating Production Manager, at kasama pa ang apat pang mga indibidwal.

Ang unang layunin ng Evo Gene Seeds Corp. ay ang makapagbigay ng kalidad na binhing mais sa
halagang abot-kaya ng mga kaibigan nating magsasaka. Alam naman natin kung gaano ka-mahal ang
presyo ngayon ng mga certified na binhing mais, na syang nag bibigay minsan ng kalituhan sa mga
magsasaka kung anong binhi ang bibilhin. Bilang isang lokal at pilipinong kumpanya ay nararamdaman
din namin ang hinaing nga mga pilipinong magsasaka sa mga nagmamahalang binhi. Kaya po kami ay
narito para i-handog ang aming mga producktong; mababang presyo, magandang kalidad, at palaban din
pag dating sa anihan. Tinatayang nasa 20 – 30% na mas mababa ang aming presyo kumpara sa mga
binhing nakasanayan.

Ang layunin ng Evo Gene Seeds Corp. ay hindi lang nagtatapos sa pagtulong sa mga magsasaka, kundi
pati na rin sa ekonomiya ng bansa. Ang pangalawang layunin ng Evo Gene Seeds Corp. ay ang
makapagbigay ng trabaho sa mga kapawa natin Pilipino. Sa paraang ito ay magkakaroon ng oportunidad
na magkaroon ng sahod na syang pangtustos sa araw-araw na pamumuhay. Mula nuong 2010 ay meron
pong anim (6) na empleyado ang kumpanya at ngayon namang 2019 tinatayang nasa pitumpo (70) na po
ang empleyado.

Ang komersyal na operasyon ng Evo Gene ay nag simula sa Mindanao at ngayon po ay meron na sa
Visayas, at Luzon. Nag papadala din po ang Research & Development Department ng Evo Gene seeds sa
mga kakilala natin sa ibat-ibang bansa, para sa testing ng binhi. Ito po ay preparasyon natin sa hinaharap
kung sakaling mag bebenta na tayo ng binhi sa labas ng bansa.

Dyan po nagtatapos ang aking maikling pagpapakilala sa ating kumpanyang Evo Gene Seeds Corporation.

Meron po ba tayong mga nais itanong? baka makaya ko po kayong sagutin..

Ok po, kung sa ganun ay maraming salamat sa inyong lahat. Basta po ay wag nating kalimutan na ang
Evo Gene Seeds Corp. ay patuloy na tutulong sa mga pilipinong magsasaka, at patuloy naming
pagbutihin ang kalidad ng aming mga binhi, gayon na rin ang aming serbisyo.

You might also like