You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

BAITANG 10
MARKAHAN: IKAAPAT LINGGO: IKALAWA ARAW: 1

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNINILALAMAN
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang
isang obra maestrang pampanitikan.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
- Ang mag-aaral ay nakapagpalabas ng makabuluhang photo/video documentary na magmumungkahi
ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


- Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mga mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan.
F10PT-Ivi-j-86
- Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda. (Diyos, bayan, kapwa-tao, ) F10PB-Ivd-e-88
- Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda.
F10PS-Ivd-e-87

II. NILALAMAN
-Pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela (Kabanata
1-5).
-Pagsusuri sa mga kaisipang nakapaloob sa nobela (Kabanata 1-5).

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


MGA SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
-CG pahina 134-135

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral


-Ang Pinaikling Bersiyon El Filibusterismo ni: Jose Rizal
Nina: Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro
Pahina 5-24

3. Mga Pahina sa Teksbuk


-GANTIMPALA: Pinagsanib na Wika at Panitikan
Mga May-akda : Leonora DC. Oracion Marijane M. Obispo
Norma C. Mendoza Ryan C. Rivera
Pahina 351-389

4. Karagdagang Kagamitan Mula sa LR Portal

5. Iba Pang Kagamitang Panturo


-Laptop at Projector -Manila paper at marker - Ilang mga Kagamitan at bagay
-Mga Larawan - Cellphone at speaker

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin
SHOW and TELL
-Pagpapakita ng mga bagay ng guro at ipapalaiwanag ng mga mag-aaral ang koneksyon sa napag-
aralang kabanata.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
-Pag-iisa-isa ng mga layunin.

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin


-Pagpaliwanag ng isang tanyag na pahayag.
1. Sino ang nagwika nito? (Bilang 1)
2. Ano ang makabuluhang mensaheng nakapaloob sa pahayag na ito? (Bilang 2)
3. Paano nakatulong/makatutulong ang mensaheng ito sa sinumang nakarinig/makaririnig nito? (Bilang
3)

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


STOP! LISTEN AND THINK
- Pagtukoy sa tauhang nagwika ng mga pahayag na iparirinig ng guro. (Bilang 4)
- Malalim na pagtalakay ng kahulugan at kabuluhan ng matatalinghagang pahayag na narinig.

E. Pagtalakay ng Bagong konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2


CONNECT ME PLEASE!!!!!
- Pagsusuri ng mga kaisipang namayani mula sa mga pahayag ng tauhang lutang sa bawat kabanata.
(Bilang 5)

F. Paglinang ng kabihasaan
KAPAREHU
-Pag-uugnay ng mga karakter ng mga tauhan batay sa mensahe ng kanilang pahayag mula sa mga sikat
na tao sa kasalukuyan.

G. Paglalapat ng aralin sa Pang-Araw-Araw na Buhay


KAPAREHU... DI NGA????
-Pagsulat at pagpapaliwanag ng isang karakter na batid mong taglay mo at kapareho ng isa sa mga
tauhang nabanggit.
-Paano ka natulungan ng karakter na ito? (Bilang 6)

H. Paglalahat ng Aralin
COMPLETE ME...
- Dugtungan o buoin ang pahayag.
“ I believe, sa araw na ito natutuhan ko na mahalaga ang ____________________________ dahil
_________________________________. And I thank you!” (Bilang 7)

I. Pagtataya ng Aralin
IKAW ANG SAGOT (Pangkatang Gawain)
- Bawat pangkat ay bibigyan ng isang problemang pangkasalukuyan na kaugnay ng problemang
kinaharap ng mga tauhan sa kabanata. Kung ikaw ang tauhang humaharap sa nasabing problema
ano/mga anong posibleng paraan ang gagawin mo para mabigyan ito ng solusyon? Ipaliliwanag ng
kinatawan sa harap ng klase.(Team Leader)
Pamantayan sa Pagmamarka:
Makatotohanan ang inilatag na solusyon -20
May kahandaan sa pagpapaliwanag -20
Maayos at angkop ang mga salitang ginamit -10
Kabuoan 50

Inihanda ni:

AMABELLE B. AGSOLID
Guro sa Filipino

You might also like