You are on page 1of 188

ʕ•‫•ﻌ‬ʔLIKE ONLY A WOMAN CAN≧∇≦

Prologue

Mahirap sumugal sa isang bagay na hindi mo alam kung mananalo ka o madedehado.


Being happy doesn't means everything is perfect. It means you've decided to look
beyond imperfections. That's love. Hindi laging masaya, hindi laging malungkot.
Sakto lang. Lagi mong hinihintay, pero hindi mo inaasahan. Everyday may not be
good, but there's something good in everyday.

Hi! I am Phoebe Laine Madrigal, 3rd year Business Student from Tamara University.
Since I was a child, all I want is to have a complete family. Pero wala eh. Wala
ako n'on. Ulila na 'ko. Yaya ko na lang ang nag-alaga sa'kin since that bitch car
accident happen. Ahmm, monthly binibisita ako ng Tita ko, Dad's older sister. Ano
pa bang hindi ko nasasabi, sige, mamaya na ulit.

"Hoy Bez, ano bang ginagawa mo d'yan?"

"Ah, ginagawa ko lang yung story ko, yung entry ko para sa love story of the year
sa journal natin."

"Wow, sosyal. Alam mo Bez, hindi talaga 'ko mahilig magsulat ng mga ganyan, asahan
mo na lang ako pagbabasa, pero pagsusulat? Hay, stress."

"Yan ba yung parang ayaw mong magluto, at gusto mo kakain na lang. Tama ba?"

"Haha. Exactly. Pabasa naman Bez."

"Ay nakuh, saka na. Ipapabasa ko lang sa'yo 'to, kapag ito ang nanalo."

"Hmm, ang tagal, Bez mo naman ako eh, bakit hindi pwede?"

"Basta."

"Hay, damot."

"Bez, anong oras ang klase mo?"

"Now na. Ikaw ba?"

"Mamaya pa eh."

"Sige Bezzy una na ko hah. Mua mua."

Isang buwan after ng pasukan sa school, nakakapagod rin palang mag-isip ng kwentong
hindi ka naman nakakarelate. Pero okay lang, sana may mapala ako sa storyang 'to.

"Manhater!....PL!"

Napalingon ako sa boses na pamilyar.

"Ahmm?, Anu 'yon?"

"Hindi mo ba 'ko nakikilala??...Ano??"

"F.Y.I. lang hah, una, hindi malabo ang mata ko, pangalawa, wala akong amnesia, at
pangatlo, common sense, hindi ako magtatanong ng anu 'yon kung naaalala kita okay?"

"Tignan mo 'ko."

"Hah?"

"Tignan mo!"

"Chubb? Ikaw ba 'yan?"

"Oo, ako 'to."

"Oh my Goddd..Ang payat mo na ahh! Grabe anong exercise ang ginawa mo?"

"Just inspired."

"Sige na, alis na 'ko hah. Nagmamadali ako eh."

"Teka lang, galit ka pa rin ba sa'kin?"

"Hindi ah."

"Eh bakit umiiwas ka?."

"Iwas agad, may pupuntahan lang?"

"Tara, mamaya pa yata klase mo eh. Kain tayo."

"Di ba sabi ko ayoko? Hanggang ngayon ba makulit ka pa rin?"

"Hanggang ngayon ba masungit ka pa rin?"

"Ewan ko sa'yo."

Lumakad takbo si Phoebe hanggang sa naging takbo na nga, hindi lang maabutan ni
Sean.

BLAHHGG!!

"Ay! Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry talaga."

Hinawakan ni CJ sa b.

''Opps Teka, ganun na lang yon?"

"Sorry na. Please, nagmamadali lang ako."

"Hindi mo ba 'ko kilala?"

"Hinnndi. Artista ka ba? 'Di ako mahilig sa artista eh. Pasensya na."

"Hoy!"

"Phibbs!."

"Hoy hoy hoy! Teka, hinahabol mo ba 'yang syota mo? May atraso s'ya sa'kin."

"Ahm, s'an s'ya nagpunta?"


"Wag nyo kong idamay sa kalokohan nyo."

●︿● ●︿● ●︿● ●︿● ●︿●


From that, siguro may clue na kayo sa mga personality ng mga bida natin. Sana
subaybayan n'yo.. Hehe

-Nom de Plume

Chapter 1

CJ's POV

I'm Chrysler Johannes Lopez. CJ for short. Mainitin ang ulo, pero mabait naman
kahit papaano. Moody at walang pakialam sa sasabihin mo lalo na kapag sa tingin ko
walang kwenta. Sa States nakabase ang Daddy ko kasama ang babae n'ya. I hate the
way they ruin my life, the fact that I spend my days mostly with our maids than
them.

Shane's POV

Hello! I'm Marie Claire dela Paz. Bezzy ni Phoebe. Syempre pareho kaming maganda,
ang pinagkaiba lang, matalino at NBSB s'ya. Siguro 'yun ang ultimate opposite sa
amin. Ang sarap kayang mainlove. Syempre 'di ba kahit minsan broken hearted ka, may
bubuo at bubuo sa'yo. Hindi ako naniniwala sa 'kapag nasira na ay 'di na maibabalik
pa'. Hindi fragile ang heart, internal organ 'yun okay?. Hmm.

Sean's POV

I am Sean Lester Lopez. 60 days of having a strict diet, sobrang hirap, challenging
pero masaya, dedicated at inspirado siguro kaya nagiging madali. Hindi ako
naniniwala sa love at first sight, pero anong magagawa ko kung nangyari na sa'kin
'yon. Inlove ako kay Phoebe. Ang hirap lang, ayaw n'yang mainlove ako sa kanya.

"PL naman. Sorry na nga eh. Nagsisisi na 'ko sa ginawa ko. Patawad na."

"Hmm. 'Di mo na uulitin 'yon?"

"Oo naman. Please. Namimiss na kita eh."

"Miss na rin kita. Sige na nga, tutal naman ilang taon din kitang 'di nakita, ang
OA ko naman kung umarte pa 'ko, pero sa totoo lang, 'di naman ako dapat magalit e,
pero nagpromise ka kasi. Hmm."

"Sorry na. Sorry na talaga, luluhod ako."

"Sige lumuhod ka. Haha. Charot lang, okay na. Bawi ka hah. Libre mo na lang kami ng
Bez ko."

"May Bez ka ng iba?"

"Oo meron. Bakit? Teka ayan na pala s'ya."

"Bezzy! kanina ka pa?"


"Ahh hindi naman, hehe."

"Eh bakit ang gulo ng buhok mo?"

"Ay magulo ba? Ahmm, Bezzy, si Chubb, kaibigan ko nung high school, Chubb, si Bez,
forever bestfriend ko."

"Akala ko ex mo Bez. In fairness flattered aq sa forever bestfriend. Hehe. Hi


Chubb."

"Hi. Ahm, PL, bakit naman Chubb pa rin?"

"Eh gusto ko eh. Baka bukas mataba ka na ulit. Mahirap na, baka masanay agad kami.
Hehe."

"OP ako?"

"Mataba kasi s'ya dati Bez, kasing taba siguro ni Ms. Lapus."

"Talaga? OMG. Kailangan mong manlibre n'yan. Tara."

"Sino naman si Ms. Lapus?"

"Haha. Dean namin. Teka, anong itatawag ko sa'yo kung ang tawag sa'yo ni Bez ay
Chubb?"

"Ahmmm. Patts! Patts na lang." si Phoebe.

"Teka PL, hindi naman ako payat ah. Tama lang."

"Sige, mamili ka, Patts o Tamms?" tanong ni Claire.

"Tamms?" si Sean.

"Tama.., may tama sa utak, ganun. Sabi mo tama lang eh."

"Pwede rin namang Toys." si Phoebe.

"Toys?" sabay si Claire at Sean.

"Oo toys. May toyo. Haha."

"Hay, magbestfriend nga kayo. Tamms na lang maganda ganda pa."

Sa Canteen...

"Anong gusto n'yo?" si Sean.

"Ahm, kahit ano."

"Ikaw PL?"

"Katulad na lang nung sa'yo."

"Okay. Ako na bahala hah. Baka naman 'di n'yo kainin."


Naiwan si Phoebe at Claire sa table.

"Hoy, nakita mo na ba 'yung syota mong hilaw?" tanong ni CJ.

"Ahh, oo nagkita na kami. Tara, sama ka sa table namin." sagot ni Sean.

"Nagpapatawa ka ba?" tumawa ng marahan.

"Seryoso ako. Gusto ko lang magkaayos tayo."

"Hindi tayo magkakaayos, siguro kung aalis ka sa bahay.. Buti 'yung Nanay mo.."

"Ano? Sige ituloy mo!"

"Nasagot ka na?"

"Hindi, ituloy mo lang yung sasabihin mo."

"Tingin mo masasaktan ka sa sasabihin ko? Kung oo itutuloy ko na."

BLAHG!

Nagulat at nakiusyoso ang lahat sa nangyari.

Phoebe's POV

Bestfriend ko si Sean noong High School. Super close kami n'on hanggang sa inamin
na lang n'ya na mahal n'ya 'ko bago pa kami naging magkaibigan. Ayokong maging
kami, gusto kong maging kaibigan ko lang s'ya habambuhay. Natatakot ako na baka
kapag naging kami at magbreak lang, mawala na 'yung ilang taon na pinagsamahan
namin. Mahal ko s'ya, bilang kaibigan. Mahalaga s'ya sa'kin.

"Bez! Anu 'yon?"

"Hah? Alin? Ayun ohh. Nag-alisan lahat sa upuan. Parang may gulo. Tara lumapit
tayo."

"Ang chismunks mo. Huwag na, baka mamaya bumalik na si Chubb dito hindi n'ya tayo
makita."

"Anu ka ba, parang si Tamms yung may kaaway ohh."

"Hah??"

Dali-dali kaming lumapit para isure kung si Chubb nga 'yon.

"Patay."

"Bakit patay?"

"Si CJ."
"Sinong CJ?"

"Anak ng may-ari ng school."

"Kaaway ni Chubb?"

"Oo. Tara."

Paglapit namin, gumanti ng suntok si may-ari raw ng school.

"Bez, si Chubb.."

"Wag ka ng makialam, away lalaki 'yan."

"Anu ka ba. Walang kalaban laban 'yan. Sandali."

"Bezz!!"

Lumapit si Phoebe sa nagkakagulo.

"Chubb okay ka lang?"

"Tumabi ka PL. Okay lang ako."

"Sino ka ba para suntukin ako? Wala kang karapatan. Kayo...(itinuro ang mga
chismunks) kahit sino man sa inyo, walang karapatang saktan ako. Alam n'yo na'ng
mangyayari sa inyo."

PAKK!!

"How dare you?" matapang na sabi ni Phoebe.

Nagulat ang mga chismunks.

"Pasensya Miss hah. Hindi ako nananakit ng babae eh. Sisihin mo yang boyfriend mo,
hindi ka maipagtanggol oh. Mahina ang tuhod."

(Phoebe)Tinignan ko si Chubb. Noon ko lang s'ya nakitang liit na liit sa sarili


n'ya kahit mataba s'ya n'on.:p

"Sumosobra ka na..."

Sasampalin ko na sana s'ya ulit ng may kamay na pumigil sa braso ko, tila galing sa
isang matandang dalagang lapis ang kilay.

"Ms. Madrigal? What are you doing?!"


●︿● ●︿● ●︿● ●︿● ●︿●
Sana ituloy mo pa rin ang pagbasa.. Sorry sa mga typos :p

Chapter 3

"Nak, break na agad kayo? Hindi mo pa nga s'ya napakikilala sa'kin." sabi ng
katulong nila Hokage.

"Hindi ko s'ya boyfriend/girlfriend." sabay na sabi namin ni Hokage.

"Paano ka ba nakapunta rito hah?"

"Ahm, baka kasi may address at contact details ka sa school kaya nalaman ko. Common
sense." pabulong na sabi ko(CJ).

"Ano?"

"Halina kayo, kumain na at lalamig ang pagkain." si Nanay.

"Umalis ka na. Wala kang karapatang magmando dito dahil bahay ko 'to okay?"

"Pumunta lang naman ako dito para magpaalam sa parents mo."

"Magpaalam? Mamamanhikan ka na toy?"

"Nay??!"

"Ayy, sorry. Maiwan ko na nga muna kayo."

"Hindi na kailangan. Kaya kong magpaalam. Sige na umalis ka na."

"Sige ka, mamimiss mo sila."

"Matagal ko na silang miss, umalis ka na."

"Sa bahay ka namin ng one week."

"Ano?!!"

"Personal assistant kita for one week 'di ba?"

"Personal? Akala ko sa school lang?"

"Hindi ko na nasabi sa office e."

"Sobra naman yata 'yon."

"Sige na. Aalis na 'ko."

Bigla na lang sumulpot ang katulong nila na halatang kanina pa nakikinig, nagtago
pero kita pa rin.

"Teka Sir, ayaw mo bang kumain muna?"


"Hindi na po. Salamat."

"Hoy! Anu ba!, Sa school lang dapat effective yung parusa mo noh. Hmm."

"Hindi. Final na 'yon, 'di na mababawi."

"Hindi mo babawiin?"

"Hindi."

Humiga sa unahan ng kotse ko si Hokage. Baliw talaga.

"Sige. Hindi ako aalis dito."

"Bahala ka. Mamatay ka d'yan."

"Talaga!"

Inatras ko ang kotse para makaalis. Bigla s'yang bumangon at hinabol ang kotse ko.

"Nak, anong parusa yung sinasabi ni Mr. Pogi hah?"

"Nay, magiging assistant n'ya ko sa loob ng isang linggo. Bwisit, napagod pa 'ko
paghiga sa kalsada. Kainis!"

"Ang sweet n'yo."

"Sweet? Ano ka ba naman Nay. Anak ni Lucifer 'yon. Sa susunod, 'wag n'yo na pong
papapasukin 'yon hah."

"Bakit naman?..mukha naman s'yang mabait."

"Mabait? Salbahe 'yon Nay. Grabe, wala yata sa vocabulary n'ya ang maging mabait."

"Eh bakit ka ba kasi paparusahan."

"Nasampal ko kasi Nay eh."

"Ano? Bakit mo naman sinampal?"

"Eh kasalanan naman n'ya eh."

"Hay nakoh. Ako naman eh walang reklamo kung sa kanila ka muna, malay mo madevelop
ka sa kanya 'di ba?"

"No way."

Phoebe's POV

Lumipas ang weekend na wala akong naisip kundi 'yon. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Parang ayaw ko na pumasok sa school, 'pag nakikita ko si Luci parang ang init ng
paligid ko. Nakakairita, nakakainis, at nakakabwisit talaga.
-------

"Psst."

"Hmm, oo na, anong oras ba ang start para matapos na ang kalbaryo ko. Sa kabwisit
bwisitan, parang awa mo na, 'wag mo namang isasabay sa klase ko hah."

"Oo naman. 'Pag uwi lang naman kita kailangan eh."

"Whatever."

"Sige. Susunduin na lang kita."

Susunduin? Ano na namang kalokohan ng Luci na 'yon. Hay.

-------

Phoebe's POV

2pm, may debate kami sa school, ang topic ay tungkol sa kung sino ang mas effective
na employee at businessman in the future, babae o lalaki. Dahil walang naunang
magvolunteer para sa Girls Team, si Ma'am na lang ang pumili at ako ang unang
isinalang.

"No offense sa Boys Team o sa Neutral, pero kung ako ang tatanungin, babae man ako
o lalaki, mas magaling at mas madiskarte ang babae kaysa sa mga lalaki. Maaaring
mas matalino ang mga lalaki lalo na sa figures, pero mas angat ang babae pagdating
sa application at creativity."

Maraming sumalungat, lalo na ang Boys Team, syempre naman, sila pa ba. Hehe. Dahil
marami na ring hindi sumang-ayon sa opinyon ng bawat isa, dumami na ang
representative ng bawat team. May mga humuhugot pa nga, mga bitter yata. Lumawak ng
lumawak ang issue. Maya-maya ako na ulit ang nagsalita.

"Kakampi na sana ako sa mga lalaki kasi balita ko magaling daw silang mambola, ibig
sabihin siguro 'non mabilis silang makakabenta, pero iba pala 'pag sa business, tao
pala ang mga babae, hindi paninda. Ang galing..."

'Di ko na naituloy ang sinasabi ko nang sumabat ang isang nakakainis na boses na
tila nanggagaling sa isang nakakainis na tao.

Chapter 4

=Minsan kailangan na lang natin hilingin na sana hindi na lang nagmamahal ang tao.
Okay na nga kasi kaya ko namang bumili kung ang bilihin lang e pagmamahal, pero
kung tao, mahirap, minsan 'di naman nasusuklian.

Isa 'yan sa mga hard na linya ni Pamela sa storya ko. Kawawa s'ya no?

=Friend, baka naman kasi may Apeirophobia 'yang mga nagiging boyfriend mo.

=Apeirophobia?
=Takot sa infinity.

=Siguro nga. Baka nga kaya lang pumapatol sa'kin kasi may Anuptaphobia sila.

=Ano naman 'yon?

=Afraid of being single.

=May gan'on? Okay lang 'yan.

=Friend pangit ba 'ko?

=Nope! T*nga lang talaga 'yang mga lalaking 'yan.

=Hindi naman. Promise 'di na 'ko maiinlove ulit.

=Uy uy, tigilan mo 'ko. Ika-999 million times mo ng nasabi 'yan.

=Haha. Grabe naman. hindi naman ganyan karami ang naging bf ko no.

=Haha. Mga 50% lang n'on.

=Hay nakoh, tara na nga bago pa tayo maging Kuya Kim dito.

Hindi talaga mawawala sa storya ang bestfriend ng bida. Kaya 'yang si Claire, mahal
na mahal ko 'yan.

-------

"Talaga? Bakit niloko ka na ba? Pinaasa ka na? Pinaglaruan ka na rin ba? Para
kasing ikaw 'yung babaeng sinasabi mo eh."

Naglingunan lahat sa likod. Alam n'yo na. Si Luci, as usual, ang favorite ng mga
girls. Ewan ko ba, ang sama-sama ng ugali naging crush pa nila.

"Hi Sir." pacute na sabi ng isang defender ng Girls Team.

"Oh ano, bumaliktad ka na, kanina bitter na bitter ka ah." sabi naman ng isa sa
Boys Team.

"Ano na namang trip mo? Maaga pa ah."

"Ahm, excuse me Mrs. ..." hindi n'ya maituloy ang sasabihin dahil hindi naman n'ya
kilala ang prof namin. S'ya pa ba, nagpapalamig lang naman s'ya ng kape sa office
n'ya maghapon.

"Mrs. Granada po Sir."

"Ahh Mrs. Granada, please excuse Ms. Madrigal, may appointment lang kaming dapat
puntahan. Aware ka naman siguro sa meeting last week regarding that, lalo't
estudyante mo s'ya."

"Opo Sir.. Ms. Madrigal, I think you have an urgent appointment with Mr. Lopez, you
may go."

"But Ma'am, at this time, we're having our class."


Tumingin siya kay Luci.

"Tara na. Malelate tayo."

"Late? Eh sa bahay n'yo lang naman tayo pupunta ah."

May sumabat na pabebe.

"Uy, Phoebe, close pala kayo? Isama mo naman ako. Hehe."

"Hindi kami close. Gusto mo ikaw na lang ang isama n'ya?" inis na sabi ni Phoebe.

"Hoy, tara na."

"Later after class!"

"Tara na sabi eh."

Gumawa ng eksena ang loko at binuhat ako palabas na parang tuwalyang isinabit sa
balikat.

"Wuy, anu ba, ibaba mo nga ako."

Nagsigawan sa klase, lalo na ang mga lalaking mapangantyaw."

Maya-maya, dumating na kami sa kotse n'ya, nauntog pa nga ako sa pinto. Hay,
kainis.

"Ang aga pa ah! Payag na nga ako sa gusto mo't lahat napakademanding mo pa. Hmm."

"Sige, magalit ka pa. Mas gusto ko 'yan. Sobrang saya ko 'pag galit ka."

"Ahh talaga? Okay, eh 'di magpaparty ako. Hmm, pero hindi ko talaga kaya eh,
sobrang galit na galit ako sa'yo ngayon alam mo 'yon?" ngiting nakangiwi.

"Haha. Humanda ka sa'kin."

"Whatever. Baka naman pwedeng makita ko muna 'yung mga kaibigan ko."

"Alin, yung boyfriend mo? Hindi na kailangan, saka 'yung kaibigan mong babae
tawagan mo na lang, baka may klase pa 'yon."

"Ganitong oras ka ba lagi umuwi? Ang aga pa ah, talagang sa'yo pa ipinagkatiwala ng
parents mo 'tong school nyo hah. Hanga nga ako sa Dad mo kaya dito ako pumasok.
Kung alam ko lang na ganyan ka, e 'di sana hindi na lang ako dito nag-aral."

"Bakit? Kilala mo ba ang Dad ko? Huh, baka 'pag nakilala mo s'ya, talagang umalis
ka sa school na 'to."

"Hmmp. Ganyan ka lang talaga. Iba ka sa Dad mo, magkaiba kasi kayo ng ugali.. Oh
teka, ba't aalis na tayo. Hintayin ko muna 'yung Bez ko."
"Hindi na. Gusto ko ng magpahinga, nawalan na ko ng gana."

"Wait..! Pati ba naman pagpapaalam bawal?, sige na, bababa muna ako."

Nakakagulat, hinayaan n'ya lang akong bumaba sa kotse n'ya.

"Ahm, sige, pupuntahan ko muna si Bez."

CJ's POV

Noong una okay naman kami ng Dad ko. Hanggang sa nagbinata na ako, unti-unti ng
nagbago, lalo pa ng dumating ang half brother ko. Oo, tama, si Sean nga. Anak ng
naging katulong namin na namatay sa aksidente. Paborito n'ya 'yon, total opposite
kami para sa kanya. Mula ng magkaalaman na may anak pala s'ya kay Mary (nanay ni
Sean), sa bahay na tumira si Sean. Nang dumating s'ya, parang nakalimutan na 'ko ni
Dad. Badtrip ako sa kanya, para sa akin, kasalanan n'ya lahat.

"Bez, buti tapos na klase nyo. Aalis na ko eh."

"Saan ka pupunta Bez?"

Ipinaliwanag ko kay Bez ang sumpa sa akin ni Luci. Haha

"Talaga, OMG! Pwede ba kong makipajama party? Haha."

"Ay Day. Kung gusto mo ikaw na lang. Ano, deal? Sasabihin ko na kay Luci?"

"Ano ka ba Bez, ang daming nag-aasam sa pwesto mo no. Ienjoy mo na lang. Akala ko
dito lang sa school."

"Akala ko rin."

"Hoy! Tara na."

"Eto na. Nagpaalam lang eh."

"Bye Bezzy!"

"Goodbye!" laking ngiti ng Bez ko.

Sean's POV

Hindi ko nakita buong maghapon ang mahal ko. Sobrang hirap kasi gusto kong malaman
n'ya na mahal na mahal ko s'ya pero hindi naman pwede. Kung ayaw n'ya ng break up's
hindi ko naman ibibigay sa kanya 'yon. Mamahalin ko lang s'ya ng buong buo araw-
araw. Hayy.

"Mars, nakita mo ba si PL?" tanong ni Sean kay Claire. Mars ang tawag ni Sean kay
Claire, galing sa Marie, at Tamms naman para kay Sean dahil may tama nga raw..
Haha.

"Oo, umalis na eh."

"Hindi nagpaalam sa'kin? Saan daw pupunta."

"Wow, boss? Need ng permission?..Kila CJ."

"Bakit?"

"Eh 'di ba nga assistant s'ya. Holohh hindi alam?"

"Eh bakit dadalhin sa bahay?"

"Personal assistant daw eh. Hmp. Ikaw nga boy umamin ka sa'kin, typing works mo ba
ang Bezzy ko hah?"

"Hindi ahh, kaibigan natin 'yon. Bakit mo naman naisip 'yon? Hinahanap lang type na
agad? Syempre nakakapanibago lang."

"Eh 'di namimiss mo?"

"Hindi,.. oo naman. Syempre. Hay. D'yan ka na nga, may klase pa ko. Ikaw ba?"

"Hmm. Pauwi na 'ko eh, actually may lakad pa 'ko. Sige na nga. Nakalusot ka sa'kin
ngayon, mapapaamin din kita noh."

"Ewan ko sa'yo. Sige na. Bye."

Ayun, nakaligtas ako. Parang naging excited tuloy akong umuwi kasi nasa bahay s'ya.
Siguro naman hindi n'ya na ituturing na parusa y'on.

Chapter 5

Phoebe's POV

Ang laki ng bahay nila Luci. Mansion pero hindi pang horror ang dating. Dream house
ang peg. Malaki ang bahay namin pero ito? OMG, ginawang doll house 'yung s'amin.

"Uy!" iniwan ako ng sira ulo, nakakaligaw pa naman yung bahay nila(Phoebe).

"Ma'am."

Nagulat ako sa sumalubong sa'kin. Isang matandang babae na mga 57 years old na
yata. Maganda siguro s'ya nung kabataan n'ya, makinis pa.

"Ahm, ako po si Manang. Ako na po ang nag-alaga sa boyfriend n'yo habang


nagbibinata s'ya. Tuloy ka. Ipaghahanda kita ng meryenda. Maya-maya rin ipapasyal
kita sa bahay para maging pamilyar ka na dito. Ilang taon na ba kayo ng alaga ko
hah? Napakaganda mong bata. Saan ba kayo nagkakilala? Napakaswerte n'yo sa isa't
isa sa totoo lang."
Ang dami n'yang sinabi no?

"Ahm, hindi po n'ya 'ko girlfriend. Personal assistant n'ya po ako for one week."

"Ay, ganun ba? Nakuh, pasensya ka na hah. Ngayon lang kasi siya nagdala ng babae
rito kaya akala ko naman girlfriend ka. Jusko po, yari ako sa boyfriend mo n'yan.
D'yan ka lang hah. Eto't ipaghahanda na kita ng makakain mo. Sandali lang."

"Hehe. Salamat po."

"Waiiit laang.."

Hmm. Iniwan ako ni Luci, mukhang nabadtrip s'ya, nabanggit ko lang naman y'ung
Daddy n'ya.

"Ma'am eto na po oh. Pasensya na po kayo kung ganyan ang Totoy ko."

"Ehehe, Totoy po?"

"Oo, alaga ko 'yan eh, napakabait sa akin ng batang 'yan, pero sa Daddy n'ya,
parang hindi n'ya ama kung isnabin. Masyado kasing busy yun eh. Kapag badtrip yan,
kahit ako hindi rin pinapansin. Hehe. Nga pala, mamayang hapon try mong ikaw ang
magbigay ng pagkain. Kilala ko 'yan eh, 'di uubra powers ko kapag ako ang nagbigay,
hindi nga ako pinansin eh. May toyo yata. Baka kung sakaling ikaw ang nagbigay,
baka mahiya sa'yo."

(Phoebe)Hay nakuh Manang, sa totoo lang, baka itapon n'ya pa kapag ako ang
nagbigay. Hmm, nasa isip na sabi ko.

"Ako po talaga? Ahm, subukan ko po hah."

Hay nakuh, hangga't maaari nga ayoko s'yang kausapin. Hmp

"Oo, ikaw talaga. Ayaw mo ba? Tutal assistant ka n'ya 'di ba?"

(Phoebe)Assistant n'ya ko, pero 'di n'ya ko yaya. Halaah.

----------

"Sean!, may meeting daw mamaya. Parang paalis ka na yata at nagmamadali ka." sabi
ng classmate ni Sean.

"Ah oo may lakad ako eh, importante. Pakisabi kay Pres. hindi ako makakaattend."

"Gan'on ba, may date ka no?"

"Wala. Hehe. Sige. Pakisabi na lang."


"Okay, go. Baka mamaya masisi mo pa 'ko 'pag nalate ka."

(Sean)Kahit hindi ako marunong tumawid sa bakod ng garden ginawa ko na. Para naman
may effect yung pagmamadali ko 'di ba. Hehe

-------

"Ang sarap po ng luto n'yo. Salamat po hah. Andami ko po yatang nakain, minsan po
turuan n'yo 'ko kung p'ano lutuin 'to." hangang sabi ni Phoebe.

(Phoebe)Nakakagulat dahil hindi s'ya sumagot sa akin. Ang lakas pa ng boses n'ya at
sinabing..

"Sean! Halika may ipapakilala ako sa'yo."

"Chubb??"

"Ahhh. PL."

"Magkakilala kayo?"

"Opo Manang, kaibigan ko po s'ya." si Phoebe.

"Ahm, nabalitaan ko nandito ka raw sa bahay kaya nagmadali akong pumunta rito."

"Teka nga Chubb, paano mo naman nalaman yung bahay nila?"

"Ahhhmm.."

Biglang sumabat si Manang.

"Ay Ma'am, dito po s'ya nakatira, kapatid n'ya po si CJ."

"Hah?"

"Ahhh. Oo, kapatid ko s'ya."

(Phoebe)Niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"Hinndi ka galit?"

"Galit."

"Eh bakit niyakap mo 'ko? Saka bakit nakangiti ka?"

"Eh kasi, may savior na 'ko. Kapag inaway ako ng Lucing 'yon ikaw ang magtatanggol
sa'kin 'di ba? Saka may kasa-kasama na 'ko dito. Hindi ako masyadong mabobored.
Uhhm. Ang cute cute mo talaga."

"Araay! Masakit hah. Hindi na siopao ang pisngi ko ngayon."


"Oy, ang arte mo, may kasalanan ka pa sa'kin."

"Sino si Luci?" sabat ni Manang na kanina pa nakatingin at nakikinig sa amin.

"Excuse lang Manang. Ahh, tara PL. Upo muna tayo."

"Oh, anu na, bakit 'di mo man lang nabanggit na kapatid mo pala 'yung Lucing 'yon?"

"Ehh hindi ka naman nagtatanong eh."

"Ahh gano'n. Yan ba 'yung parang katulad ng ginawa mo sa'kin no'n? Kung hindi pa
kita nahuli patuloy kang magkukunwari na kaibigan lang ang tingin mo sa'kin gano'n
ba ha?" sabay hampas.

"PL naman eh, sorry na. Ang tagal na non. Wala na 'yon. Natakot lang naman ako na
baka 'di mo na ako kaibiganin ulit kapag nalaman mong kapatid ko s'ya. Eh 'di ba
galit ka sa kanya?"

"Gano'n na lang 'yon. Hindi ko man lang alam. Paano kung hindi ako naging assistant
ni Luci, hindi ko pa malalaman?"

"Hay, PL. Tama na please."

"Hay, sige na nga, baka mamaya 'di mo 'ko ipagtanggol 'pag inaway pa kita. Haha."

"Eto oh."

"Anu 'yan?"

"Kamay."

"Bakit nakaganyan?"

"Guguluhin ko 'yung buhok mo.. Ayan.. Haha."

Sean's POV

Sobrang pula siguro ng tenga ko nung niyakap n'ya 'ko. Para akong nakahiga sa ulap
habang pinapaypayan ni CJ at sinusubuan ng ubas. Haha. Nakakatuwa lang dahil
tagapagligtas ang tingin n'ya sa'kin, kahit hindi ko naman malabanan ang kapatid
ko. Sumabog na lang talaga ako noong nasa Canteen kami. Sana hindi na maulit 'yon.

Tuwang tuwa ako kapag sinasabi ni CJ na magboyfriend kami ni PL. Ang hirap lang,
parang hindi mangyayari 'yon sa totoong buhay.

"Hoy! Dito pa kayo naglandian. Magtrabaho ka na. Sumama ka sa'kin." si CJ kay


Phoebe.

(Sean)Bastos talaga 'tong kapatid kong 'to. The best.

"Ahm. Nakakain ka na ba? Tara sabayan mo 'ko." alok ni Sean.


"'Di ba sabi ko sa'yo hinding hindi ako sasalo sa'yo. 'Wag mong hintayin na
parusahan ko ulit 'tong girlfriend mo, baka suntukin mo na naman ako eh."

"Bakit, takot ka bang masuntok ulit?"

(Sean)Medyo nagulat ako sa sinabi kong 'yon. Haha. Bahala na.

Hindi na s'ya sumagot. Maya-maya, hinila na n'ya si PL papasok sa kwarto n'ya. Alam
ko naman na kahit gano'n s'ya, wala s'yang gagawing masama sa mahal ko. Humanda
s'ya sa'kin 'pag nagkataon.

"Aray! Makahila wagas?" si Phoebe.

"Iwasan mo 'yon hah."

"Ano ka? Nanay ko?"

"Ang ibig kong sabihin, magtrabaho ka ng maayos, hindi 'yang puro lalaki iniintindi
mo."

"Hmm. Wala ka ng pakiaalam sa personal kong buhay. Oh, ano bang gagawin ko sa
kwarto monggg.. Ang laki ng kwarto mo, parang tatlong kwarto ang katumbas, pero
bakit ang O.A ng kalat hah? Sinadya mo 'to no!" sabi ni Phoebe sabay tulak.

"Aray, sige na, simulan mo na."

Chapter 6

"Ahh, Sir Sean, magkakilala pala kayo ni Ms. Beautiful ano?"

"Si PL po ba? Opo. Kaibigan ko po s'ya simula pa ng high school kami. Sa Tamara rin
s'ya nag-aaral ngayon."

"Nakita ko kanina parang magkaaway 'yung dalawa, akala ko nga nung una magjowa.
Haha"

"Nakuh, malabo po yata 'yun. Galit sa isa't isa 'yang dalawang 'yan."

"Baka naman type mo si Ms. Beautiful? Kayong mga lalaki, tigilan n'yo ako sa style
n'yong bulok. Iba 'yung reaksyon mo nung niyakap ka n'ya eh."

"Nakuh, hindi po."

"Sa ganda n'yang 'yon?"

"Hindi po, magkaibigan lang kami."

"Sa tagal n'yo ng magkaibigan?"

"Hindi nga po, tama na 'yan Manang, baka marinig ka n'ya magalit ulit sa'kin 'yon."

"Ulit? Bakit naman?"

(Sean)Kinuwento ko sa kanya 'yung tungkol sa nangyari sa amin noon.


"Haha. Ikaw pala eh. Sabi na eh. Hindi ako naniniwala na wala ka ng nararamdaman."

"Ang kulit n'yo Manang. Kumain na nga po tayo."

-------

"Hoy! Ano 'ko, katulong ayoko." inis na sabi ni Phoebe.

"Ang tamad mo." si CJ.

"Sige, sinong mas tamad, 'yung inuutusan na ayaw sumunod o 'yung nag-uutos na ayaw
gumawa?"

"Hmm. Pagbalik ko dapat tapos na 'yan."

"Hoy anu ka. Ayoko nga sabi. Bahala ka d'yan. Sa'n ka pupunta?"

"Akala ko ba matalino ka?"

"Anong kinalaman ng talino sa paglilinis?"

"Alam mo ba 'yung salitang personal? Lahat 'to personal na gamit ko. Dahil personal
assistant kita, lahat ng 'to aayusin mo para sa'kin."

"Ahh. Wow. Congrats. Magandang logic 'yan...Trabaho pa rin ng Maid 'to, hindi ng
assistant. Row 4 ka rin eh."

Maya-maya, tapos na ring linisin ni Phoebe ang kwarto. Wala na s'yang nagawa kundi
sumunod.

"Ang linis ng kwarto ah. Huh, pwede ng maging katulong." pabulong na sabi ni CJ.

"Ahhh. Nandito ka na pala. Sige, ah, tanong ko na lang kay Manang kung saan ang
kwarto ko."

Nakalock ang pinto.

"Oy, ano 'to?"

"Pinto."

"Tsk. Alam kong pinto 'to. Bakit nakalock? Nasa loob tayo tapos nakalock?"

"Bukas pa mabubuksan 'yan. Matulog ka na ulit."

"Anong bukas?"

"Itong card na hawak ko lang ang makakapagbukas n'yan."

"Akin na 'yan."
Itinap ni Phoebe ang card sa pinto.

"Bakit ayaw bumukas? Paano ba 'to hah? Masyado naman kayong hightech dito, eh para
namang makalumang tao 'yang style mo."

"Bukas pa nga mabubuksan 'yan 'di ba? Hindi ka makaintindi."

"Hindi pwede. Kailangan ko ng umalis dito. May gagawin pa kong project."

"7:30am, pwede ka ng lumabas."

"7:30?! 8 am ang klase ko. Malelate ako. Ang dami ko pang gagawin anu ba!!?"

"Wag ka ngang maingay. Matutulog na 'ko. Magpahinga ka na rin."

"Gusto mo bang magbasag ako dito? Ano?!" paghahamon ni Phoebe.

"Haha. Sige. Gusto mo sa mukha ko pa basagin 'yan eh? Okay lang."

"Sorry hah. Hindi ako gan'on kasama. Pero malapit na."

"Haha."

Paiyak na si Phoebe sa sobrang inis.

CJ's POV

Naalala ko na naman s'ya. Kung anong nangyari bago s'ya magkagan'on. Miss na kita
Mommy ko. Mahahanap din kita.

"Sige na. Lumabas ka na."

"Hah?"

Itinap ko 'yung card at itinype ang password para makalabas na s'ya.

"Labas na."

------

"Nakakagulat ka naman. Kanina ka pa d'yan?" nagtatakang tanong ni Phoebe kay Sean


na nasa harap ng pinto ng kwarto ni CJ.

"Ahh. Napadaan lang ako. Ahm, magcC.R. kasi ako eh."

"Hah? Eh may C.R. naman bawat kwarto ah."

"Hindi naman ako galing sa kwarto, saka pupunta rin akong mini library. Sama ka?"

"Sige. Marami ka bang research work Chubb?"

"Ahh wala naman. Wala kasi akong magawa."


"Niloko ko nga 'yung kapatid mo na marami akong gagawin. Hehe. Ang weird n'ya
talaga."

"Bakit parang umiyak ka? May ginawa ba s'ya sa'yo?"

"Wala naman Chubb."

Sa library...

"Chubb, kung si CJ kaya 'yung kasama kong magbasa dito, ano kayang mangyayari?
Haha. Parang hindi ko man lang nakitang nagbuklat ng aklat 'yun eh."

"PL talaga, syempre, mas uso na ngayon ang E-books, kung may gusto rin s'yang
malaman siguro naggoo google google lang s'ya."

"Hmm. Ipinagtatanggol mo 'yung kapatid mong hilaw."

"Hindi naman, gan'un lang ang tingin ko."

"Mahal mo s'ya Chubb?"

"Sino?"

"Bangag ka rin no? Sino bang pinag-uusapan natin, si CJ 'di ba?"

"Ahh. Haha.. Oo naman mahal ko s'ya, kapatid ko s'ya eh."

(Sean)Akala ko kasi ikaw eh.

"Hmm. Salbahe naman 'yun eh." si Phoebe.

"Kahit na, at the first place ako pa rin ang may kasalanan kung ba't s'ya
nagkaganyan." si Sean.

"It's a matter of choice Chubb. Maarte s'ya no."

"Hay. Tama na nga 'yan. Eto, nakakatuwa oh.. Sabi, kapag ang swan ay nainlove sa
isa pang swan, hindi na s'ya maghahanap pa ng ibang mate, kahit mamatay pa 'yon."

"Single forever, ganern?"

"Oo. Ang sweet no?"

"Oo nga Chubb, sana gan'on din ang tao."

"Tingin mo meron ding mga torpe at manhid na swan?"

"Feeling ko wala. Silver meron."

"Ahaha. The best ka."

"Actually nagkachikahan pala kami kahapon, sabi nila meron daw.. Hahahaha..Tingin
ko naman meron Chubb, swan sila, may buhay 'yang mga 'yan. Hindi lang natin
napapansin kasi mas focus tayo sa mga sarili natin. Gawaing tao, hindi gawaing
hayop."

"Galit ka PL?"

"Hindi. Ba't naman."

"Ahh. Parang galit ka kasi. Ahm, pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong ka na."

"Hehe. PL naman. Seryoso."

"Oh ano nga 'yon?"

(Sean)Pagkakataon ko na 'to. Kami lang dalawa. Kaya ko 'to.

"Ahm, nagkaboyfriend ka ba nung mga panahon na 'di na tayo nagkikita."

"Ahm, hindi Chubb. Hindi naman swan ang tao eh. Ayoko. Ayoko pa. Mahirap na."

"Hehe.. Bitter ka no?"

"Hindi no. Ayoko lang 'yung pakiramdam na maiwan, sawa na 'ko sa gan'ong
pakiramdam. Mabuti pa 'yung wala na lang dumating, atleast walang mawawala. Walang
mang-iiwan, 'di ba? Saka andyan naman kayo ni Bez, kahit may mga asawa na naman
kayo hindi n'yo naman ako iiwan 'di ba?"

"Hindi ka tatandang nag-iisa ano ka ba."

(Sean)Napaiyak na lang sa balikat ko si PL. Naalala na naman n'ya ang pagkamatay ng


mga magulang n'ya.

"Chubb, tingin mo may plano pa si God para sa akin?"

"Oo naman. Hindi ka buhay ngayon para lang sa wala."

"Nalulungkot ako."

"Wag ka ng malungkot, siguradong masaya na ang parents mo sa heaven dahil alam


nilang lumaki ka ng maayos kasama si Nanay mo."

"I love you Chubb, 'wag n'yo kong iiwan hah."

"Ah-ay..I love you. I love you so much."

(Sean)Walang malisya sa kanya 'yun. Pero sa'kin, hay, mahal na mahal ko talaga
s'ya, kung pwede ko lang ipagsigawan. Napakasweet n'ya talagang kaibigan.
Nakakafall tuloy lalo. S'ya 'yung kaibigan na ipagtatanggol ka at makikipag-away
para sa'yo, kapag kaaway mo kaaway n'ya rin, walang arte sa pagkain, walang
pakialam kung maingay s'ya pero minsan mapapatakip sa bibig kapag sumobra na,
bigla-bigla na lang mangyayakap at manggugulat. Ayaw kong samantalahin lahat ng
'yon kaya hangga't kaya ko pinipigilan ko 'yung nararamdaman ko.
"Chubb, pasensya na hah. Nagdrama pa 'ko."

(Sean)Napansin ko na lang na hawak ko pala ang kamay n'ya, nang dumating si CJ.

"Hoy, ano 'to plaza? Dito pa kayo naglalampungan sa library?"

(Sean)Sabay kaming napatayo.

"Wala ka ng pakialam d'on."

"Oh, umiyak ka? Bakit, break na kayo? Haha."

"T*nga ka pala eh."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko t*nga ka."

"Sino, ako o 'yung nag-paiyak sa'yo?"

PAK!

"Wala kang alam. Wala kang karapatang t*ngahin ang mga magulang ko."

(Sean)Tumingin na lang ako kay CJ na parang humihingi ng sorry. Lumabas na kami ng


library.

●︿● ●︿● ●︿● ●︿● ●︿● ●︿●


Sorry sa typos o sa kung ano mang disturbances sa pagbabasa n'yo.. Hehe. Salamat.

Chapter 7

"Tara inom tayo?" aya ni Phoebe kay Sean.

"Inom? Bakit, may problema ka ba?"

"Haha. Wala. Kapag iinom may problema agad?"

"Eh hindi ka naman nainom ahh."

"Red wine naman. Anemic na ko sa sobrang highblood sa kuya mong baliw eh."

"Haha."

"Lika na."
Sean's POV

Isa 'to sa pinakamasayang part ng buhay ko. Sobrang saya ng puso ko dahil kasama ko
na s'ya ngayon.

Nakakatawa talaga s'ya. Nasasamid na nga s'ya sa pulutan naming chips, tuluy-tuloy
ba naman kasi sa pagsasalita nang puno ang bibig. Ako naman, walang sawa lang na
nakatitig sa ganda n'ya. Para tuloy naiimagine ko na kami na. Haha. Lasing na yata
ako.

"Huy! Nakikinig ka ba?" panggugulat ni Phoebe sa nakatulala ng si Sean.

"Oo naman. Ahh. PL may itatanong ulit ako sa'yo."

"Ahm, ano 'yon Chubb?"

Para akong bakla. Hindi ko alam kung magbablush ako, ang lapit n'ya sa mukha ko at
nagtititigan lang kami, ang pungay ng mga mata n'ya, sabay nagtawa.

"Hahahaha. Ang pogi mo pala talaga Chubb no? Haha."

"Hindi ko alam kung joke. Mas marami pa 'yung tawa mo eh. Ano PL? May itatanong nga
ako."

"Haha. Sige na nga ano ba 'yon hah?"

"Bago ang lahat, hindi nga. Pogi nga ako?"

"Hahahaha. I love you Chubb."

(Sean)Halaah. Ang sweet naman kasi. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kapag sumagot
ako sa kanya alam kong may meaning sa'kin 'yon, sa kanya wala. Hay.

"Hah?"

"Lab yu!"

"Ahm."

"Salamat hah. Ang sarap mong kasama. Seryoso. Ano bang itatanong mo?"

(Sean)Nakuh. Naging seryoso na s'ya. Baka magalit kapag itinanong ko pa 'yung gusto
kong itanong.

"Ahh. Wala."

"Ano nga Chubb?"


"Wala nga."

"Anu ba naman 'yun."

"Wala. Kalimutan mo na."

"Oo na."

"Hah?"

"Oo na."

"Anong oo na?"

"Oo na 'dun sa tanong mo."

"Ano? Hindi kita maintindihan."

(Sean)Kinikilig ako. Bakla na nga yata ako. Parang gusto kong sumigaw sa sobrang
kilig.

"Oo na ang sagot ko dun sa itatanong mo sa'kin okay?"

"Ahh aa-anong ibig mong sabihin?"

(Sean)Ang lawak ng ngiti ko. Kaya ng pag-abutin at iribbon ang dalawang dulo sa
tutok ng ulo.

"Oo na. Ang pogi mo na nga."

"Hah?"

Patay...

"Ang tanong mo e kung pogi ka 'di 'ba? Oh eh 'di oo na."

"Ahhh. Haha. Oo, 'yun nga ang tanong ko. Haha. Ang galing mo ah. Paano mo nalaman
'yon."

-------

"Look who's here."

"Wala akong balak manggulo. Gusto ko lang makita ang anak ko."

"Really? Or my husband?"

"Anong ginagawa mo rito?"

"Daddy. Pinapunta ko po s'ya. Namimiss ko na po si Mommy."


"Huhh. You're nothing without Rafael. I think you better go out and dig other old
man's gold."

"Hindi kayo ang ipinunta ko dito. At ikaw hah. 'Wag mo 'kong maingles ingles. Mas
matalino pa 'ko sa'yo noh? Maarte ka lang kaya nagienglish ka pa d'yan. Kala mo 'di
ko naiintindihan."

"Umalis ka na."

"Daddy! Bakit mo ba s'ya pinapaalis. Sasama na lang ako sa kanya."

"No CJ."

"Mas gusto n'ya kong makasama kesa sa inyo. Hayaan n'yo na s'ya."

"Wala kang ipapakain sa kanya. Tigilan mo na 'to. 'Wag ka ng babalik dito.


Nilalason mo ang utak ng anak ko."

"Anak mo? Talaga?..Hmmm. Nasaan ka nung unang beses na nakapagbigkas s'ya ng


salita?..Noong unang beses na nasugatan s'ya dahil sa paglalaro n'ya, nandito ka
ba?..Noong manalo s'ya sa quiz bee nasaan ka..Hindi mo nga alam ng matalino ang
anak mo eh. Ngayon mo sabihin sa'king ama ka n'ya."

"You're so dramatic. Muntik na kong maiyak. Umalis ka na nga. Hindi sasama si CJ


sa'yo. Magmumukha lang dusdusin 'yang batang 'yan. Tignan mo s'ya, then look at
you. Maawa ka sa kanya. Baka nga hindi mo pa mapag-aral 'yan eh."

"Guard, sige na. Palabasin n'yo na 'yan."

"Ahh. Ma'am Joanna, tara na po. Pasensya na po."

"Babalik ako. Kukunin ko ang anak ko ng 'di n'yo alam."

-------

"Hindi ka ba talaga bababa?"

Hindi nagsasalita si CJ.

"Magpapakamatay ka sa gutom?" Ulit ni Rafael, ang Daddy ni CJ.

"Ipapaayos ko na kay Manang 'yung mga damit mo. Pupunta na tayong America. Doon na
tayo titira."

Napalingon ng mabilis ang bata pang si CJ.

"Iiwan po natin si Mommy? Kawawa po s'ya. Wala s'yang kasama."

"May pamilya na s'ya. Iniwan na n'ya tayo. Hindi ka ba nagtataka? Hindi ka na n'ya
binalikan."

"Hindi totoo 'yan!"


CJ's POV

Mommy ko lang ang naramdaman kong nagmahal sa'kin ng totoo, bukod kay Manang. Wala
na s'ya sa tamang pag-iisip ngayon dahil sa walang kwenta kong ama. Ang pagpunta ko
sa America ang nagpalala lalo sa kondisyon ni Mommy. Nabaliw s'ya kakapunta sa
bahay namin sa Pilipinas noon. Sabi ni Manong Ben, ang naging pangalawang asawa ni
Mommy, araw-araw daw na nakaabang ang Mommy ko sa labas ng gate namin para makita
ako, hanggang sa mabalitaan nila na umalis na kami papuntang America. Wala na akong
nagawa n'on para pigilan ang pag-alis namin. Mahal na mahal ko ang Mommy ko higit
sa lahat.

Linggo linggo ko s'yang binibisita. Nagsasalita lang s'yang mag-isa, at bigla-bigla


na lang iiyak. Kilala n'ya ko minsan pero bigla na lang mag-iiba ang mood n'ya at
may isasangat na hindi related sa sinasabi n'ya noong una.

Sobrang tuwang tuwa ako noon nang mahanap ko kung saan s'ya nakatira. Ilang linggo
lang noong huli ko s'yang binisita, nawala na sila doon. Dinemolish na raw ang
bahay na tinitirhan nila ayon sa mga residente.

Simula noon wala na akong pakialam kay Daddy. Kapag dumarating s'ya o nakikita ko
s'ya, parang hangin lang s'ya na dumadaan sa harap ko. Kung tutuusin, kasalanan
naman n'ya lahat.

--------

"Hoy. Anong ginagawa mo rito hah? Pinapunta kita dito(sa kwarto ni Sean)?" galit na
tanong ni CJ kay Phoebe.

"Hindi. Dito nga ako natulog eh. Ang sarap kapag kasama mo 'yung mahal mo 'no?
Simula ng nalaman ko na kapatid mo pala ang Chubb ko, parang naging okay na sa'king
dito tumira eh."

"Sumunod ka na lang. Bilisan mo." umalis ng sabi ni Luci.

(Sean)Hay. Ano? Narinig n'yo ba 'yon? I mean nabasa n'yo ba? Mahal daw ako. Haha

"Chubb, pasensya ka na hah. Kailangan ko pa tuloy magsinungaling. Kapag sinasabi


n'yang magjowa tayo, sinasakyan ko na lang. Baka kasi sumagi sa isip n'ya na hindi
na ko patuluyin dito para 'di tayo magkasama. Eh 'di ba galit s'ya sa atin pareho.
Tingin mo okay ba yun?"

(Sean)Okay na okay.↖(^ω^)↗

"Ahh oo. Okay 'yon. Medyo nakakainis nga pero sige okay lang. Baka hindi na natin
mabawi eh. Haha. Joke."

(Sean)Ano ba 'yun, ayaw n'ya na dito, 'di ko na s'ya makakasama? :(Hmm.

"Haha. Ikaw hah. Feeling ka. Haha. Anu na? Wala ka bang klase?"

"Wala kaming klase ngayon. Kaya nga ako nagpakalasing kagabi eh."

"Hah? Lasing ka ba kagabi? Parang hindi ko matandaan?"


"Eh kasi nga parang mas lasing ka pa sa'kin. Isang basong red wine lang naman
ininom mo, grabe, talo mo pa ang nakaisang case."

"Haha eh kasi naman, tahimik ka lang. Parang normal lang, parang hindi nakainom.
Seryoso Chubb, 'yon ba talaga ang itatanong mo sa'kin?"

"A-alin?" naku patay.

"Haha. Kung pogi ka."

"Haha. Oo 'yun nga. Bakit may iniisip ka pa bang iba?"

(Sean)Halah. 'Wag n'ya sanang maisip na.. Hay.

"Uhm. Wala. Baka lang kasi meron 'di 'ba? Baka nahihirapan ka na dito. Pwede kang
tumira sa amin, marami namang kwarto d'on. Kami lang ni Nanay d'on 'di ba? Ano,
tara?"

(Sean)Ayun. Gusto n'yang makasama ako. Ano ba, papayag ba 'ko? A. OO, or B. OO.
Hahaha. Nakakahiya. Kung tutuusin dapat nga pigilan ko 'yung nararamdaman ko sa
kanya para 'di na 'ko masaktan eh. Hay.

"Ahh. Nakakahiya PL."

"Hanubayan, nahiya pa. Hmm. Ayaw mo n'on. Minsan bibisita si Bez 'don, nood nood
movie, 'yung mga ganun ba. Ayaw mo? Kesa nandito ka sa kapatid mong hell sent."

"Sinong hell sent?" sabat na naman ni alam n'yo na.

"Ahh. Sige na Chubb hah. Pag-isipan mo."

Sa kotse..

"Ang landi mo talaga no?" si CJ kay Phoebe.

"..Don't care."

Chapter 8

Sean's POV

Nag-iisip pa rin ako hanggang ngayon. 12 na ng tanghali hindi pa 'ko nabangon.


Walang ibang nasa isip ko kundi 'yung sinabi ni PL.

"Sean, gising na hijo. Abah tanghali na. 'Di mo na kinain 'yung inihanda kong
breakfast."

"Manang, may iniisip lang po ako."


"Hmm. Si Ms. Beautiful ba?"

"Paano n'yo po nalaman?"

"Hay nakuh. 'Di ba sabi ko sa'yo amoy na amoy na kita. Hindi man ako ang nag-alaga
sa'yo noong baby ka pa, dito ka na rin nagbinata ano. Saka iba ang ningning ng mga
mata mo kapag nandyan s'ya."

"Oo na nga po. Mahal na mahal ko po s'ya."

"Eh bakit kasi ayaw mo pang sabihin?"

"Alam naman po n'ya eh."

"Eh alam naman pala n'ya, anong problema 'don."

"Eh ayaw n'ya pong malaman eh."

"Ano? Ang gulo mo."

"Ayaw n'ya pong mahalin ko s'ya 'di 'ba?"

"Walang babaeng ayaw mahalin ng lalaki. Ano ka ba."

"Hah? Eh bakit po ako, ayaw n'ya kong mahalin?"

"Hindi ka kasi lalaki. Haha. Bakla ka yata eh."

"Manang naman eh."

"Halika na. Kumain ka na. Mamaya mo na isipin 'yan. Tuturuan kita ng mga tricks.
Haha."

(Sean)Napailing na lang ako. Si Manang talaga.

--------

"May pakialam ako dahil ako ang boss mo." si CJ.

"Hindi kita boss. Bossy ka lang talaga." si Phoebe.

"Gusto mo bang maextend ang parusa mo?"

"Ako tinakot mo? Go! Gusto mo forever pa eh."

(CJ)Ang tindi talaga nitong babaeng 'to. Grabe.

"Forever? 'Wag na. Gagawin n'yong motel ang bahay ko." si CJ.

"Ang kapal naman mukha mo oy. Hindi ako gan'on."

"Eh bakit magkatabi kayo kagabi?"

"Hah? Hindi ah. Saka kung magkasama man kami sa kwarto, hindi n'ya ko gagalawin.
Mabait 'yung kapatid mo. 'Wag mong igaya sa'yo."

(CJ)Hmm. Kasasabi mo lang kanina, magksama kayong natulog. Eh 'di nahuli rin kita.

"Mahirap ba kong mahalin?" seryosong tanong ni CJ.

(Phoebe)Natigilan ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit. Parang bigla akong
naawa sa kanya. Nagconclude agad ako na baka broken s'ya, then naiinggit s'ya sa
amin ni Chubb kaya s'ya ganyan. Nakuh, mukhang pangit 'yung plano ko na
magkunwaring magbf kami ni Chubb. Dahil bitter s'ya, baka lalo s'yang mainis sa
amin. Ano kaya. Hay. Ang hirap pakiramdaman nitong taong 'to.

"Ahahahah. Ahahahahaha.. Ahaha." malakas na tawa ni Luci.

"Baliw ka ba?"

"Hahaha. Oo. Bakit?"

"G ka pala eh."

"Bakit natulala ka sa tanong ko? Nadedevelop ka na ba sa'kin at gusto mong sabihing


'hindi CJ, ang totoo mahal na nga kita e'. Hahahaha."

"Ang kapal ng mukha mo."

"Kakaiba ka talaga no? Sa libu-libong babae na nag-aaral sa Tamara, akalain mong


makakatagpo ako ng gaya mo, 'yung hindi ako titilian, 'yung sisigawan ako hindi
dahil sa kilig kundi sa galit. Imba ka talaga."

"Whatever. Hindi dapat kakiligan 'yung gaya mo. Asa ka pa."

"Eh abnormal ka naman yata kaya hindi..."

(Phoebe)Kinabahan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro mga 3 inches na
lang ang pagitan ng mukha namin. Itinabi n'ya ang kotse n'ya at tumitig lang sa mga
mata ko.

"Ahh ahm, bakit?" si Phoebe.

"Ang ganda mo pala 'no?"

"Sira ulo!" sabay tulak kay CJ.

(Phoebe)Bumaba ako sa kotse para matakasan ang titig n'ya. Hay, parang ang lalim na
ng mga sinasabi ko. Haha. Panlumang pocketbook.

"Ohh, bakit bumaba ka? Natakot ka?" nakangising sabi ni Luci.

(Phoebe)Kung nagmumura lang ako baka namura ko na talaga tong hmmp na 'to.
"Ba't naman ako matatakot. Ikaw na nga ang nagsabing sa thousand na babae sa
school, ako lang ang kumalaban sa'yo. Hmp."

"Tara. Date tayo."

"Magdate ka mag-isa mo."

(Phoebe)Papasok na ako ng kotse nang bigla n'ya kong hinila sa restaurant kung saan
s'ya nagpark.

"Ano na naman bang kalokohan 'to hah?" pabulong na sabi ko(Phoebe), nakakahiya kung
mag-eskandalo ako. Pang class pa naman 'yung restau.

"Kakain lang tayo kalokohan na agad? Lika."

"Mag-isa ka."

(Phoebe)Nakatayo lang ako sa pintuan at medyo nakakahiya rin kasi nakatingin sa


akin ang lahat. Mukha kasi akong guard na nakadress sa pagkakatayo ko d'on. Maya-
maya umupo na rin ako.

Nakakapagtaka 'yung pagpasok n'ya sa loob ng counter ng restau. Hay. May tama
talaga tong Luci na 'to.

"Excuse me Ma'am. May I take your order?"

(Phoebe)Nakuh patay. Eh hindi naman ako oorder. Wala rin akong dalang pera. Nasa
kotse kaya yung bag ko. Hay

"Ahmm.."

"Waiter, halika lang saglit." tawag ni CJ.

"Sorry Ma'am, for a while lang po. Balikan ko po kayo."

"Okay.. " kahit hindi na. Haha.

(Phoebe)Maya-maya pumunta ang ugok sa table ko.

"Hoy, late na 'ko, aalis na 'ko. Magkocomute na lang ako." si Phoebe.

"Hindi. Hindi ka na papasok."

"Ano? 'Di ba usapan na natin 'yon. Payag na ako basta hindi lang makakaapekto sa
studies ko."

"Kumain ka muna."

"Ayokong kumain."
"Ano bang gusto mo?"

"Wala akong gusto."

"Gusto mo ng umalis?"

"Oo."

"Gusto mo ng pumasok sa school?"

"Oo."

"Gusto mo ng umuwi sa inyo?"

"Mas lalong oo."

"Gusto mo ko?"

"Oo... Ahh hindi." aww, nakakahiya ako. Medyo napalakas 'yung pagkakasabi ko ng
hindi.

"Hmp." si CJ na nakangiti lang pero halata mong pinipigilan.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" inis na tanong ni Phoebe.

"Hah? Hindi naman ah."

"Binabadtrip mo ko hah. Aalis na 'ko."

"Sige umalis ka. Gumawa ka lalo ng issue. Ang siseryoso ng mga tao dito oh. Mga
professional. Ikaw, para kang batang malapit ng maglupasay dahil sa kaartehan mo."

"Okay. Ano pa nga bang magagawa ko. Eh 'di ako na naman ang talo. Sino pa nga ba?"

(Phoebe)Maya-maya and'yan na yung waiter, ang daming dala. Maitsura 'yung waiter.
Mga type ni Bez 'yung ganitong itsura. Alam n'yo na. Chinito. Trend.

"Ayan, mamili ka na baby, ano bang gusto mong menu para sa kasal natin?"

"Kasal?!. Magpakasal ka mag-isa mo!". napatayo na ako sa sobrang galit.

(Phoebe)Hindi ko na naisip ang hiya. Wala na akong pakialam. Ang alam ko lang
sobrang inis na talaga ako sa mga trip n'ya. Kahit yung waiter nagulat din.
Nakakatawa nga 'yung reaksyon n'ya. Haha.

"Ano ka ba, nakakahiya. Sakyan mo na lang ako." si CJ.

"Sakyan mo mukha mo. Hay. Bakit mo ba kasi ginagawa 'to."

"Gusto ko lang."

"Hayop ka pala eh."

"Teka. 'Wag kang umalis."


"Ayoko na."

"Mahal kita."

(Phoebe)Nakatingin na lahat sa amin. Nakangiti pa sila at parang bet na bet ang


trip ni CJ.

CJ's POV

Kahit ako nagulat sa sinabi kong 'yon. Wala na kasi sa plano. Gusto ko lang
mapagselos si Sean pero sa pagkakataong 'to, wala naman s'ya dito. Ewan ko kung
paano ko nasabing mahal ko 'tong babaeng 'to. Nakakainis. Nabigla ako. Sigurado
namang hindi 'to ipapaalam ni Hokage sa boyfriend n'ya. Hay mali.

"Baliw." si Phoebe.

"Bakit namumula ka?"

"Nahihiya ako. Tama na. Please. Sobrang late na ko."

"Hello?.. Ms. Paghangaan.. Sir Lopez. Please excuse Ms. Madrigal in.. Yes yes. Okay
okay."

"Hmm."

"Naiexcuse na kita. Inalam ko na'ng schedule mo ngayong araw na 'to. Ano pang gusto
mo. Lalamig na 'yung pagkain. Mamili ka na."

Chapter 9

"Hello Tammy."

"Ayos yan, mas gusto ko 'yung Tammy. Napatawag ka Mars?"

"Si Bez ba nandyan pa?"

"Wala. Pumasok na sila. Kasabay niya si CJ. Bakit?"

"Tinanong ko 'yung classmate n'ya, wala raw kanina sa klase eh. Nasaan kaya 'yun.
Kanina pa 'ko natawag hindi naman sinasagot."

"Ganun ba. Malamang sa iba dinala ni CJ 'yon. Sige. Try ko rin s'yang tawagan."

"Sige Tammy. Salamat. Hindi ko alam kung mag-aalala ako o kikiligin sa kanila eh."

"Walang nakakakilig 'don. Malamang badtrip na badtrip na 'yung Bez mo."

"Selos ka naman?"

"Hindi ah. Sige na, 'wag ka na masyadong mag-alala."

"Haha. 'Di ako nag-aalala. I'm happy for her. Sa wakas nahanap na ni Bez ang One
and Only n'ya. Haha.. Sige na nga. Baka lalo ka pang magselos. Sorry. Hehe.
Natigilan ka na d'yan. Bye bye Tammy."

-------

Phoebe's POV

Sumosobra na talaga s'ya. Hindi na ko natutuwa. Mahal ako? Hay. Pero napaisip ako
'don. Hindi ko alam kung bakit. Ewan na lang talaga ang masasabi ko.

"Alam kong paborito mo ang pasta. Sige na baby....Hoy, s'an ka pupunta?" si CJ.

"Uuwi na 'ko."

"Bakit ka uuwi? Hindi ka pa kumakain."

"Wala akong gana."

"Kung gusto mo na talagang umuwi ihahatid na kita."

"Hindi. Uuwi na 'ko sa'min."

(Phoebe)Nagulat na naman ako sa sumunod na ginawa n'ya. Hinawakan n'ya ang kamay at
sinabing..

"Baka mapano ka pa 'pag wala kang kasama. Sige na nga."

(Phoebe)Nakuh, kanina pa pala tumatawag si Chubb. Nakasakay na kami sa kotse pauwi.


Bakit ba gan'on s'ya. Bipolar talaga. Minsan okay, minsan baliw. Minsan masaya,
minsan parang pasan ang mundo.

"Chubb, sorry hah. Pasensya ka na. Hindi ko kasi hawak 'yung cellphone ko eh."

"Ahh, ganun ba, okay ka lang?"

"Oo okay lang ako. 'Wag mo 'kong intindihin. Pauwi na 'ko."

"Sino ba 'yan? Akin na." si CJ na inagaw 'yung cellphone.

"Oy.. Wait."

"Hoy. Nagtatrabaho s'ya ngayon. 'Wag kang istorbo. Katatapos lang naming kumain sa
labas. Pag-uwi namin d'yan, may ipapagawa pa 'ko sa kanya."

Ibinaba na ni CJ ang cellphone. Muntik pa ngang mabangga. Hay.

"Pakisabi d'yan sa syota mo, 'wag kang binabantayan hah. Nagtatrabaho ka sa'kin."

"Ang sama talaga ng ugali mo. Pasalamat ka dalawa lang ang klase ko ngayong araw,
kung hindi binutas ko gulong ng kotse mo para 'di mo ko maisama pa kung saan."
"Hindi ka ba kinikilig?"

(P)Natigilan na naman ako. Hindi ako sanay ng kinakausap ako ng ganon. Hay.

"Oo, syempre naman kinikilig ako sa boyfriend ko."

Sa totoo lang hindi ko maimagine na maging boyfriend ko si Chubb. Kung tutuusin ang
gwapo naman n'ya at mabait pa. Lahat na yata nasa kanya na. Ewan ko ba. Pero kung
pagkukumparahin, mas gwapo si CJ. Sobrang sama lang talaga ng ugali.

"Hindi. Sa'kin?"

"Hindi. Kabaliktaran ang nararamdaman ko sa'yo."

"Naimagine mo ba minsan na maging boyfriend ako?"

"Never."

"Ayaw mong itry?"

"Kung hindi ka lang nagdadrive kanina pa kita nasapok."

"Hindi ba 'ko sweet?"

Nagsoundtrip na lang ako para hindi marining ang bola n'ya.

"Whoooooh! Yeaaaaah!"

"Ang ingay mo!" sigaw ni Luci.

"Haha. 'Di kita marinig. Ano 'yon?"

"Tanggalin mo 'yan."

"Haha."

"Tanggalin mo sabi 'yan eh."

"CJ mababangga tayo!!!"

Buti naagapan ni CJ yung manibela. Ang kulit ko. Muntik pa kaming maaksidente, pero
kinabahan ako d'on. Ayoko pang mamatay no.

"Ano ba?! Magpapakamatay ka ba!"

"Sino bang nagdadrive, hindi naman ako. 'Wag mo kong pakialaman sa gusto ko.
Magdrive ka ng maayos."

"Pa'no ko makakapagdrive. Ang ingay mo."


"Sinungaling ka naman."

Para kaming batang nag-aaway. Sa bagay, bata pa ako, matanda na s'ya. Hehe. Three
years ang tanda n'ya sa akin pero parang mas bata pa s'ya kung umasta dahil ayaw
n'yang magpatalo.

Sa wakas, nasa bahay na rin kami.

"Chubb! Namiss kita."

"Ahh. Ako rin. Kamusta?"

"Parang alalang alala ka ahh? Tingin mo may ginawa kaming hindi mo magugustuhan?
Nga pala nagdate kami. Minsan naman gusto ko ring maging kapatid sa'yo. Idinate ko
'yung syota mo, baka 'yun man lang hindi mo kayang gawin eh. Kawawa naman s'ya." si
CJ.

"Chubb, dinala n'ya lang ako sa restau n'yo. Gutom na nga ako eh. Hindi kasi ako
kumain. Bukas date tayo hah."

Pumasok na ng kwarto si Luci na parang badtrip. Haha

"Hah? Ahh. Sige. Saan mo ba gusto?"

"Pag-usapan na lang na natin mamaya. May klase pa 'ko hanggang hapon n'on eh."

"PL May ginawa ba s'yang masama sa'yo?"

Naalala ko bigla 'yung pagtitig n'ya(CJ) sa'kin at paghawak sa kamay ko.

"Wala, ano ka ba Chubb. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko 'no."

-------

Ngayon na lang ako ulit nakahawak ng laptop. Medyo nadelay na ang paggawa ko ng
storya. Habang tumatagal naman nagiging maganda ang takbo ng kwento. May mga
napadagdag din na characters.

"Pakiayos naman ng mga files ko."

"Kailangan hindi kumakatok? Paano kung nagbibihis ako, bastos mo."

"Bingi ka ba? Kanina pa ko kumakatok. Kung nagbibihis ka, sigurado namang ilalock
mo 'yan, maliban na lang kung gusto mo talagang ipakita."

"Baliw! Sige susunod na 'ko."

"Ayan. Pakifile. Bukas may meeting ako with Mr. Ballesteros."


"So what?"

"Kasama kita habang nag-uusap kami. Isa s'ya sa pinakamahalagang client ko. Walang
call na dapat mamiss mula sa kanya."

"Ano namang gagawin ko d'on? Saka maghapon ang klase ko."

"Sa school lang naman. Assistant kita 'di ba. Dapat kasama kita. Pagkatapos ng
klase mo."

Hmm..

Sean's POV

Binibigyan ako ng allowance ni Dad monthly. Sa totoo lang, kahit 'yung mismong
pagtawag ng Dad nahihiya ako, manghingi pa kaya ng allowance. Mabait s'ya, pero kay
CJ, masyado s'yang strikto, pero alam ko na mahal na mahal n'ya 'yon, anak n'ya eh.
Ako nga, kahit anak n'ya lang sa katulong nila ipinahanap pa at itinuring na
kapamilya. Medyo excited na ko sa date namin ni Phoebe. Higit sa lahat, mas hindi
na 'ko makapaghintay na maramdaman n'yang mahal ko siya at mahal n'ya rin ako, pero
ang layo sa katotohanan, mas malayo pa sa magkasundo kami ni CJ.

"Chubb? May ginagawa ka ba?"

"Ahh. Wala."

"Ano 'yan?"

"Alin?"

"Yang hawak mo."

"Ahh. Ito?"

"Wow. Ang ganda n'yan Bet ko 'yan. Bagay sa'yo Chubb. Ang pogi mo d'yan lalo. Sukat
mo nga dali, hindi ako titingin, tatalikod ako dali."

"Ahh. 'Wag na, nag-aayos lang naman ako ng damit..

(Sean)Ang totoo namimili ako ng isusuot para sa date namin bukas. Lagi n'ya kong
sinasabihan ng mabait at pogi pero 'di naman n'ya ko magustuhan. Haha

"..Hmm. Sige, 'yan na lang ang isusuot ko bukas para makita mo."

"Sige ba. Ayos 'yan Chubb."

Chapter 10

"Manang, ang sarap po talaga ng bake n'yong cake. Mananaba ako n'yan kahit isang
linggo lang ako dito."
"Ms. Phoebe, bakit kasi hindi mo pa iextend ang stay mo dito. Gawin mo ng 2 weeks.
Hehe."

"Nakuh, namimiss ko na rin po ang Nanay ko eh."

"Hayaan mo, papadalhan na lang kita ng cake."

Ringggggggg... Ringgggggggg

"Nakuh, naiwan ni CJ 'yung cellphone n'ya dito." si Manang.

"Si Mr. Ballesteros po 'yung tumatawag." si Phoebe.

"Hija, makikisuyo ako sa'yo, makikidala nga itong cellphone n'ya sa kanya, hindi ko
pwedeng iwan 'tong binebake 'ko eh. Okay lang ba? Kilala mo ba 'yang Ed Ballesteros
na 'yan? Nasa kwarto s'ya siguro ng mga ganitong oras."

"Hindi po Manang pero nabanggit n'ya po na mahalaga raw ang tawag nito. 'Di raw
dapat mamiss. Sige po." si Phoebe na nagmamadali ng pumunta sa kwarto ni CJ.

"Pakisagot na rin hija. Sabihin mo eh papunta ka na kay CJ para magkausap na sila


kamo." pahabol na sigaw ni Manang.

Dahil sa katagalan nila , naputol na ang call. Haha.

"Nakuh patay." si Phoebe na nasa harap na ng pinto ng kwarto ni CJ.

Wala pang 2 minutes, tumawag ulit si Mr. Ballesteros.

"Hello, Good Morning." magalang na bati ni Phoebe.

"Good Morning. Can I speak with Mr. CJ Lopez?"

"Yes Sir, for a while."

(P)Sinet ko muna sa mute 'yung call para hindi marinig ni Mr. Ballesteros 'yung
pagkatok ko sa pinto na ilang years na ay hindi pa rin binubuksan ni Luci.

"CJ ano ba?! Bubuksan ko na 'to! Tumatawag si Mr. Ballesteros." sigaw ni Phoebe.

(Phoebe)Nakakahiya kay Mr. Ballesteros, kanina pa naghihintay 'yun. Makapasok na


nga. Tsk.

"CJ, nasa'n ka ba?" si Phoebe na naghahanap sa malawak na kwarto ni CJ.

Hmm. Baka naman wala dito. Nasa pool siguro.

"Ahhhhhhhh!!!!!"
CJ's POV

Hindi ko alam kung ano'ng irereact ng makita n'ya kong walang suot kahit ano. Kung
bakit ba naman kasi hindi kumakatok.

"Ang bastos mo. Hindi mo man lang sinabi na naliligo ka pala. Kanina pa ko
kumakatok." parang maiiyak na paliwanag ni Phoebe habang nakatalikod at nakapikit.

"Ahahahahahahaha. Humarap ka na. Bihis na 'ko."

"Ang bilis naman."

"May takip na 'kong tuwalya."

"Eto, tumatawag si Mr. Ballesteros." si Phoebe na kirat pa rin ang matang nag-abot
ng cellphone sa kausap.

"Oh teka. 'Wag ka munang umalis. Bakit parang takot na takot ka? Haha."

"Siraulo."

"Wait lang." si CJ na humarang sa pinto, at kinausap na si Mr. Ballesteros.

"Hello Sir. Sorry po, ahh.. Ahh okay...Sige sige.....

...Mamaya na lang daw ako kakausapin. 'Yung secretary ang nakausap ko." si CJ kay
Phoebe.

"Okay. Alis na d'yan."

"Wait lang. Haha."

"Tsk. Tamo."

"Bakit ka natatawa?"

"Wala."

"Kinikilig ka?"

"Bastos."

"Anong bastos 'dun. Ikaw nga, naninilip ka eh."

"Hindi ako naninilip 'no."

"Siguro alam mo na naliligo ako ngayon noh? Pwede naman kasing sa living room ka
maghanap, o kaya naman, sa pool, o kaya sa gym, o kaya sa garden. Ang lawak ng
bahay. Dito mo unang naisip maghanap."

"Excuse me. Si Manang ang nagconclude na nandito ka. Saka hindi rin naman s'ya
sigurado, ako pa kaya. Pwede ba, concern lang ako sa transaction n'yo ni Mr.
Ballesteros. 'Wag ka ngang kung anu-anong iniisip d'yan."

"Wow. Concern ka rin pala sa'kin."


"Hindi. Mabait lang talaga ko."

"Okay lang naman sa'kin. Tayo lang namang dalawa dito. Wala namang makakaalam."

"Siraulo! Bastos!" si Phoebe na hinampas ang kausap at lumabas na ng kwarto.

--------

"Ms. Phoebe."

"Ay! Bastos..ay Manang, sorry po."

"Hehe. Sorry din po, nagulat ko kayo. Nakita n'yo po ba s'ya?"

"Ang alin po? Hindi ko po nakita. Wala po akong nakita."

"Ay nasaan naman kaya si CJ."

"Ahhhh. Si CJ po ba? Nasa kwarto n'ya po. Sige po Manang. Mag-aayos na po ako."

(Manang)Hmmm. Parang wala sa wisyo 'tong batang 'to.

Phoebe's POV

OMG. Hindi ko talaga kinaya 'yung nakita ko. Nakakainis talaga 'yung Luci na 'yon.
Hindi tuloy mawala-wala sa isip ko. Lalo na siguro t'wing makikita ko s'ya. Ang
lakas pa man din ng pang-asar n'on.

"Sumabay ka na sa'kin." si CJ.

"Hindi ka pa rin nakakaalis? Kanina ka pa nakabihis ah. " si Phoebe.

"Pa'no mo nalaman eh n'ung huling kita mo sa'kin nakahubad ako."

"Bastos mo talaga. 'Wag ka ngang maingay, marinig ka pa ni Manang."

"Ikukwento ko kay Manang 'yon. Haha. Sige. Umalis ka. Wala tayong driver. Umuwi
sila lahat sa probinsya."

"Baliw. Magkocommute ako."

"Sige. Maglakad ka ng malayo."

"Talaga." si Phoebe na direcho na paglalakad.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." si CJ na bumalik sa sasakyan at sinabayan ang


paglalakad ni Phoebe.

(Phoebe,tumatawag kay Sean)Chubb... Sumagot ka... Hmmm.

"Sumakay ka na." si CJ.


"Ayoko nga."

"Ang init oh. 'Di ka ba napapagod?"

Maya-maya, iniharang na ni CJ ang kotse n'ya sa harap ni Phoebe.

"Sumakay ka na. 'Wag mong hintaying kargahin pa kita." seryosong sabi ni CJ.

(Phoebe)Nakakatakot s'ya. Parang galit na. Ang kulit ko kasi. Haha.

Sa kotse...

"Nananadya ka talaga no?" galit na sabi ni Luci.

"Wala akong sasadyain para sa'yo."

"Pinagseselos mo ba ko hah?"

"Hah?"

(Phoebe) Ayan na naman po ang sakit n'ya..Hay.

"Ang sweet mo sa kanya, parang lagi kang excited makita s'ya, s'ya lagi ang gusto
mong kasama."

"Anong problema d'on. Boyfriend ko 'yon."

(P)Bipolar talaga. Hindi ko na s'ya maintindihan. Napakaseryoso ng mukha n'ya para


sa isang joke.

"Wag mo kong lokohin. Alam ko."

"Ang alin?"

"Na hindi kayo."

(Phoebe) OMG. Pa'no n'ya nalaman.

"Magboyfriend kami. Hindi ka na dapat nakikialam. Lahat naman ng gusto mo at utos


mo sinusunod ko."

"Sige. Magkiss kayo."

"Ayoko."

"Ayaw? Haha. Eh 'di hindi nga kayo."


"Bakit ba marunong ka pa sa'min hah? Hindi ka pari para magsabing magkiss kami.
Demonyo ka I think."

"Bata ka pa talaga."

"Hindi na 'ko bata. Oo sige bata pa 'ko, pero matured ako mag-isip. Hindi katulad
mo, baliw!"

"Kiss lang hindi magawa? May gan'on pa ba ngayon? 'Wag mo 'kong lokohin. Hindi lang
talaga kayo."

"Can you just shut up.?"

Chapter 11

Kanina pa talaga mainit ang ulo ko. Grabe. 'Yung makasama s'ya sa ikatlong araw
palang sa isang linggong parusa sa akin?, mamamatay na yata ako.

"Nagseselos ako."

"Tigilan mo na 'yang kalokohan mo. Hinding hindi ako sasakay d'yan."

"Narinig ko kayo. Niloloko n'yo lang ako na kayo para mainis ako at paalisin kita
sa bahay. Alam ko rin na nag-inom kayo nung isang gabi."

"Are you stalking us?"

"Hindi."

"Paano mo nalaman?"

"Nakita ko lang."

"Ayusin mo na lang 'yang pagdadrive mo, baka ibangga mo pa ayokong madamay."

"First boyfriend mo ba?"

(P)Hindi ako nasagot at nakasimangot lang.

"Bakit 'di ka makasagot, hindi totoo?"

"I don't have time to explain. Please. Tumahimik ka na lang."

"Haha. Mainit na ulo mo? Okay 'yan."

"Nakakabwisit ka na talaga. Magtatransfer na 'ko sa ibang school."

"Sige lang. Ibabagsak kita."

"Okay, eh 'di ikaw na si Duterte."

"Eh 'di wala ka pa palang first kiss kasi ayaw mong magpakiss kahit sa boyfriend
mo."
(P)Nakatingin lang ako ng diretso sa daan. Ang tagal ng oras. Hay. Traffic pa.
Kapag nga naman minamalas.

"Kapag ba kiniss kita magpapakasal ka na sa'kin?"

"Hah?"

Biglang nagkagat labi ang loko.

"Bipolar!"

"Bakit, hindi mo mapigilan kaya kinokontra mo."

"Pakibilisan late na 'ko. Ang korni mo."

Pagbaba sa school..

"Susunduin kita mamaya."

"Wag mo na akong sundan, alam ko kung saan ang room 'ko."

"Talaga?"

"Oo naman."

"Papunta sa Gym 'yan ahh."

"Hah?"

"Hmm."

"Ahhm. MagsiC.R. ako bakit, sasama ka. Pati pagsiC.R. ko nakikialam ka?"

"Hindi. Hatid na kita sa room mo."

"No need."

"Hintayin kita dito."

"Bahala ka." naiinis na sabi ni Phoebe.

(Phoebe)Hay, ano ba naman 'yan. Malelate ako sa ginagawa ng lokong 'to. Kung bakit
ba naman kasi dito ako napadpad. Sa sobrang init na siguro ng ulo ko kaya gan'on.
Sumilip ako para icheck kung nand'on pa s'ya. Sa kasamaang talampakan, nakatayo pa
rin s'ya sa labas, halatang naiinip na, napatingin na nga sa relo eh. Haha.

Pinalipas ko muna kahit naiinitan na ko sa C.R. Maya-maya pagsilip ko wala na s'ya


sa kinatatayuan n'ya kanina. Dahan-dahan akong lumabas at sumilip silip pa rin.
Hindi ko na s'ya natatanaw. Wala na siguro.
Paglabas ko..

"Ay anak ni Lucing baliww.."

"Ano? Ang tagal mo ahh."

(P)Oo, and'on pa pala ang loko, hinihintay pa rin ako. Nasa pader pala ng C.R. kaya
hindi ko nakita.

"Anong ginawa mo sa C.R.? Mga babae talaga. Kanina pa 'ko dito."

"Hindi ko naman sinabing hintayin mo ko ah. Hinihintay nga kitang umalis eh."

(P)Patay, nadulas ako.

"Kaya.. Tara na, akala ko late ka na."

"PL." kahit kailan talaga may savior ako. Hehe. Si Chubb as usual.

"Chubb. Tara. Anong oras ang klase mo?"

"Ahm, ngayon na, 9."

"Sabay na tayo."

"Hoy, ako maghahatid sa'yo." si CJ.

"Mr. Lopez."

"Sir."

"Ready for the presentation later?"

"Yes Sir."

"How's your Dad?"

"As of now he's on the States. Nagpapayaman pa rin. Hehe."

"Still a busy person huh."

"Excuse us." si Phoebe.

(Phoebe)Paalis na kami ng hilahin ako ni Luci.

"By the way Sir, she's my girlfriend, Phoebe."

"Ano?"

"Arghhh!"

"Ahh, Sir I think he still didn't take his med."


"Haha. How sweet."

"Sorry Sir, mapagbiro talaga 'tong girlfriend ko."

(P)Sabay akbay ni Luci na agad ko namang tinanggal. At sinikmuraan s'ya gamit 'yung
siko ko.

"Aroyygh.."

"Ano."

"Galingan mo naman ang acting."

"Ayoko." pabulong na sagutan namin.

"Magsaya lang kayo habang mga bata pa kayo dahil 'pag tanda n'yo, puro problema
naman ang aatupagin n'yo. Mahirap maging mayaman 'di ba CJ?"

"Ahh, opo Sir."

"You're beautiful, take good care of my godson. He'll take good care of you too,
right my next business partner?"

"Of course Nong."

"But Sir.."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may tumawag kay Sir ek ek at dumeretso
na paglakad pagkatapos magpaalam.

"Siraulo ka talaga!"

(P)Tinapik ko si Luci sa braso.

"Aray. Halikan na kita d'yan eh. Kanina ka pa."

"Lalo ka na. Namumuro ka na talaga. Hindi ko na trabaho idinadamay mo pa 'ko sa mga


kalokohan mo."

"Bakit ayaw mo ba?"

"Tara na Luci, este Chubb pala. Ang init dito."

"Teka PL, d'yan ba ang room n'yo? Sa tabi ng Session Hall kayo ngayon 'di ba?"

"Ay oo nga pala, tara na, late na 'ko."

CJ's POV

Mukhang maganda ang kinalalabasan ng plano ko. Mahirap man dahil napakatigas ng ulo
ng babaeng 'to, bibigay 'din s'ya. At ikaw Sean, kawawa ka. Kita ko sa mga mata mo
na gustong gusto mo si Hokage at hindi totoong kayo.

"Psst!"

(CJ)Nagpalingun-lingon si Hokage sa paligid n'ya. Hindi n'ya 'ko makita.

"Psst!"

Tahimik na ang buong hallway. Iilan na lang siguro ang may klase.

"Tara, pakasal na tayo." si CJ.

"Sabi na nga ba eh, kaya pala mainit." sabay paypay ni Phoebe.

---------

"Hello Chubb. Wait mo ko d'yan hah."

"Sige PL, nasa'n ka na ba?"

"Papunta na ko d'yan."

Sean's POV

Kanina pa 'yung papunta na 'ko d'yan na sinasabi n'ya. Hanggang ngayon wala pa rin
s'ya, nag-aalala na 'ko. Tinatawagan ko hindi s'ya nasagot.

Chapter 12

(Sean)PL. Please. Sumagot ka. Naka 150 missed calls na, wala pa rin.

"Ano ba CJ, bakit mo ba ko dinala dito? May lakad ako."

"Wag ka ng pumunta d'on, 'di ba sabi ko sa'yo may meeting tayo."

"Pumayag ba 'ko? Sa bagay, sa ayaw at gusto ko naman ikaw pa rin ang masusunod.
Hay."

Phoebe's POV

Nandito ako ngayon sa Conference Room kasama ni Luci at Sir ek ek na si Mr.


Ballesteros pala. Hay. Kailangan ko ng umalis. Hinihintay na ko ni Chubb. Maya-
maya, natapos na rin 'yung meeting. In fairness, mukhang matalino si CJ, marunong
s'ya, tamad lang. Nagbigay lang ako ng suggestions sa ibang topic, at ayun naman,
nagdeal si Mr. Ballesteros na maging buss. partner sila ni Luci. Ang totoo, wala
naman akong pakialam d'on, para alam n'yo lang 'di ba. Haha.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Aalis na, okay na 'di ba?"

"Kakain pa tayo."

"Kumain ka mag-isa mo."

"Tara, sasama ka sa'kin."

"Ayoko. Hindi pa ba sapat sa'yo na sumama ako dito?"

"Oo. Sapat na. Wag ka ng sumama sa walang kwentang 'yon."

BAHHGGG!

"Para 'yan sa mga parusang walang silbi at sa pagtawag ng walang kwenta sa kapatid
mo."

(Phoebe)Tumakbo ako dahil nakakatakot, nasuntok ko s'ya. Haha. Nakailang tapik,


suntok, at sampal na yata ako. Haha, well deserve naman n'ya anyways. OMG, 200
missed calls from Chubb. Halah.

"Hello Chubb, sorry. Papunta na 'ko."

"Ahh, Phoebe, pauwi na 'ko eh, pupuntahan sana kita sa bahay, baka kasi nandon ka
na."

"Wait, d'yan ka muna oh."

"On the way na 'ko."

"Chubb, alam kong galit ka, let me explain?"

"Okay lang. Mamaya na lang."

---------

"Pre, tara nag-aaya si Janus magbar."

"Sorry Pre, 'di ako malakas uminom eh. Baka mainip ako 'don."

"Okay lang 'yon. Masaya 'ron, maraming chicks."

"Ang totoo n'yan may date kasi ako."

"Abah. Kaya pala eh. Sige. Next time na lang hah. Sama ka. Masaya. Try mo namang
maging wild minsan. Hehe."

"Sige Pre."

Sean's POV

Si Pre, classmate ko sa Taxation. Hindi ko nga alam ang pangalan n'ya eh, pero
mabait s'ya. Naalala ko tuloy nung nag-inom kami ni PL. Sigurado kung magbabar
s'ya, napakakulit n'ya.

Ang tagal kong naghintay sa restau kasama ang pag-aalala at takot na baka kung
napano na s'ya. Noong sinabi ko na on the way na ko papuntang bahay, nasa school
ako n'on. Nagdecide na ko na puntahan s'ya doon. Naabutan ko sila ni CJ na
nagtatalo sa pinto ng Conference Room. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong magtampo
kay PL. Hindi ko naman kaya, hindi ko s'ya matiis. Isa lang ang nasa isip ko
ngayon, ang magpakalasing.

"Pre."

"Oh Pre. Kamusta date mo?"

"Ahh.. Okay naman."

"Nasaan s'ya. Hindi mo ba kasama?"

"Ahh hindi Pre, umuwi na."

"Oh tara na, free ka na. Anong gusto mo inumin?"

---------

"Chubb, sagutin mo naman. Sorry talaga. Hay. Kung may pagkakataon nga lang ako na
umalis d'on ginawa ko na. Pasensya na rin dahil 'di ko nabanggit na may meeting
kami. At the first place kasi wala naman talaga 'kong pakialam 'don. Pinilit lang
ako ng kapatid mo, wala na 'kong nagawa. Pero sisipot naman ako. Chubb, please." si
Phoebe, tinawagan si CJ.

"Bye Phoebe."

(Phoebe)Ramdam ko kapag galit o seryoso si Chubb, Phoebe na ang tawag n'ya sa akin.

"Oh Pre, sino 'yan? Kanina pa tumatawag ah."

"Ah, kaibigan ko."

"Naka 180 missed calls na ohh. 'Di mo ba kakausapin."

"Hindi."

"LQ?"

"Kaibigan ko nga lang."


"Mahal mo?"

"Hindi naman ako mahal eh."

"Ohhh..Iinom mo na lang 'yan.."

(P)Maya-maya, sinagot na n'ya ulit yung tawag ko.

"Ohh.. Bakit?"

"Chubb? Nasaan ka na? Kanina pa 'ko nasa bahay. Sabi mo nandito ka na."

"Sinagot ko na 'yung tawag mo nung 201 missed na. Haha. Ang galing mo ah, lumamang
ka ng isang tawag."

"Lasing ka?"

Hindi sumagot si Sean.

"Chubb. Sorry na oh.. Ipapasundo na kita kila Manong. Hindi ka pwedeng magdrive
n'yan."

"Wala tayong driver."

"Chubb. Sorry. Please. Pinilit kong umalis d'on. Pasensya na kung hindi ko nagawan
ng paraan."

"Sige na, lalo akong maaaksidente sa pangungulit mo."

"Chubb, sabihin mo na kung nasaan ka ngayon. Ayoko ng ganyan ka."

Hindi na sumagot at ibinaba na nga ang cellphone.

"Hoy. Matulog ka na. Anong oras na ah. Maaga pa pasok mo bukas." si Luci.

"Kasalanan mo 'to eh."

"Hindi na uuwi 'yon."

"Sinasadya mo 'to noh?"

"Wala akong pakialam sa lakad n'yo. Lalong wala akong pakialam sa kanya. Matulog ka
na."

"Pati pagtulog ko pinakailaman mo pa?"

Umalis na si Luci at mukhang tutulog na. Maya-maya, dumating na si Chubb.

"Chubb. Manang, patulong po."


(P)Lasing na lasing si Chubb, ayun, nahiga na pagdating.

"Manang, pakikuha po ako ng tubig at bimpo, pupunasan ko lang po s'ya."

"Sige po Ma'am."

"Chubb. Sorry. Bakit ka naman nagpakalasing. Hay, kung mapano ka wala na kong
bestfriend na pogi."

(P)Hagok lang ng hagok si Chubb.


Dinala ko s'ya sa kwarto n'ya.

"Oohhh. Anong ginagawa mo dito? Matulog ka na." sabi ng lasing.

"Chubb. Babantayan kita. Baka mamaya matumba ka na lang bigla kapag naisipan mong
tumayo."

"Kaya ko sarili ko. Nakauwi nga ako eh. Hahaha."

"Chubb. Ayoko ng ganyan ka. Sorry."

"Sorry rin. Masyado siguro akong assuming. Hahahaha."

Hindi ako sanay ng ganon siya. Para s'yang baliw at bigla na lang tatawa.

"Chubb, makinig ka sa'kin. Pakinggan mo ko."

(P)Hinawakan ko s'ya sa pisngi.

"Nandito lang ako. Kung hindi ako nakasipot agad pasensya ka na. Babawi ako."

"Umalis ka na. Hindi ako makakatulog n'yan."

"Galit ka pa rin ba?"

"Hindi."

"Please. Sige na. Kahit hindi mo muna ako patawarin. Magpahinga ka na lang muna."

"Lumabas ka na. Ang sakit ng ulo ko lalo 'pag nandyan ka."

"Sorry. Babawi ako sa'yo Chubb promise."

"Ayoko na."

(P)Nakatulog na s'ya. Kapag sobrang lasing pala s'ya, nagiging baliw at parang
bata. Maya-maya, nandyan na si Manang. Pinunasan ko s'ya at mukhang nahihimasmasan
naman. Haha. Ang cute n'ya. Ang kulit kulit tapos biglang mananahimik bigla.
Narelax na yata. Natahimik na lang ako bigla ng sabihin n'yang..
"I love you Phoebe. Mahal na mahal kita." sabay tulog.

Chapter 13

"Bez, namiss kita. Ngayon na lang kita ulit nakausap ahh." si Phoebe.

"Okay lang naman ako Bez. Kung akala mo magtatampo ako sa'yo, never. Haha. Alam ko
namang safe ka. Si CJ pa ba. Hay. Pangarap s'ya ng mga girls. Nakakainggit ka
talaga. Magkwento ka naman."

"Hay. Wala akong dapat ikwento. Disaster ang inabot ko sa bahay nila. Mas bagyo pa
nga kapag nasa labas kami. Nung minsan nga dinala n'ya ko sa.."

(Phoebe)Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng naisip ko bigla na 'wag na lang


ikwento kay Bez, maingay nga pala 'to madalas madulas. Sigurado pating aasarin ako
nito. Naiinis na nga ako kapag nababanggit n'ya eh. Hay.

"Uy Bez, ano? Saan ka dinala? Hahahaha. Eh 'di nagblush ka d'on. 'Di ba nagbablush
ka kapag nahihiya ka? Haha. Akala siguro n'on kinikilig ka. Eh ano nga ba,
kinikilig na o nabubwisit ka pa rin. Baka nadedevelop ka na hah."

"Never Bez."

"Ang tipid ng sagot. Haha. Saan ka nga dinala hah. Nadulas ka na rin naman."

"Nagdate kami." singit ni CJ.

Kahit kailan talaga chismoso tong Luci na 'to.

"What? OMG. Kwento mo sa'kin mamaya kung anong nangyari hah. Haha. Excited na ko."
pabulong na pang-aasar ni Bez.

"Oh, ano na naman?"

"May iuutos ako sa'yo."

"Sige. Mamaya may klase ako, baka naman sirain mo na naman ang schedule ko. Bukas
nga pala may lakad ako."

"Ang dami mong sinasabi."

Phoebe POV

Natapos na ang maghapon ng okay naman. Nasisira lang naman ang araw ko kapag
nakikita ko si Luci. Pero dahil saglit lang kaming nagkasama dahil sa klase ko,
okay na. Wala siguro s'yang maisip masyado na iutos kaya hinayaan n'ya kong
makapagklase.

Apat na araw na 'ko sa bahay nila CJ, at first time ko na nakatakas sa kanya sa
pag-uwi. Siguro busy 'yon ngayon. Nagulat ako sa pagsalubong sa'kin ni Chubb.
"PL, sorry."

"Anu 'to?"

"Ahh. Pinagluto kita."

"Bakit Chubb? Hindi ba ako ang may kasalanan sa'yo? Ibinili nga kita ng paborito
mong pizza."

"Talaga? Salamat. Sorry PL. Ako talaga ang may kasalanan. Nag-inarte pa 'ko. Wala
naman akong karapatang magreklamo, masyado nga siguro akong assuming. Hindi naman
tayo."

"Ahm, Chubb. Kahit na, 'yung date naman na 'yon eh hindi para sa magjowa. Syempre
umasa ka rin na darating ako. Sorry."

"Lika nga. Buksan mo na 'yang peace offering mo. Haha."

"Oy, masarap 'to. Cute mo talaga Chubb." sabay pisil sa pisngi.

"Aray. Hindi na 'ko mataba PL. Ang sakit."

"Eh 'di ikaw ng macho. Machobi. Haha."

"Ohh. Hindi na ko machobi. "

(P)Pinakita n'ya 'yung muscles n'ya sa braso, at pasimpleng pinahiran pa ako ng


icing galing sa cake na pinabake n'ya kay Manang. Ang sarap tumira dito, umuulan ng
cake, hehe. Kung wala lang lagi si CJ baka dito na 'ko tumira. Hahaha.

"Halah. Ah gan'on. Ohh."

(P)Nasayang yata 'yung cake, pero bahala na, basta okay kami. Haha.

"Nagkakalat na naman kayo." si CJ.

"Tara. Gusto mong sumama?" alok ni Sean.

Umalis na lang bigla si Luci. Mukhang nabadtrip yata.

"Dapat pinahiran mo eh." biro ni Sean.

"Chubb?"

"Bakit?"

"Sorry hah."

"Sorry rin. Okay na 'yon. Maghilamos ka na, kakain na tayo."

"Sige."
After kumain..

"Okay na agad kayo?" sabi ng kabuti, si Luci again.

"Panggulat?" si Phoebe.

"LQ kayo 'di ba?"

"Okay na kami. Sapat na siguro 'yung mahal namin ang isa't isa para hindi na kami
mag-away.

"Siguro hindi mo ko magugustuhan kasi lagi mo 'kong inaaway."

"Huh, ako talaga ang umaaway?"

"Bakit? Ayaw mong ikaw ang umaaway sa'kin? Ibig sabihin n'on may pag-asang
magustuhan mo 'ko kung sa tingin mo ako ang umaaway sa'yo. Matalino ka kapag nagets
mo."

Umalis na ang loko at napaisip ako. Mga ilang minuto rin akong natulala. Nagflash
back sa isip ko 'yung sinabi kong, "..Sapat na sigurong mahal namin ang isa't isa
para hindi na kami mag-away." Kung lagi kaming nag-aaway ni Luci ibig sabihin hate
namin ang isa't isa. Kung siya ang nang-aaway at hindi ako, ibig sabihin.. Hay.
Naisahan ako ng mokong na 'yon.

Kinaumagahan..

"Good morning PL."

"Good morning Chubb. Ang aga mo ah."

"Ah, may gagawin pa kasi kami eh. Sasabay ka na ba sa'kin?"

"Ahh, hindi Chubb, mamaya pa pasok ko. Ingat ka hah."

"Sige PL. Ikaw din."

Pag-alis ni Chubb..

"Hoy. Tinatamad kang pumasok noh?" sabi ni Luci.

"Hindi ah. Gaya pa sa'yo. Bakit nandito ka pa?"

"Sasabay ako sa'yo eh."

"Ako na siguro ang pinakamasayang tao kapag nakaalis ako dito."

"Bakit ang laki ng galit mo sa'kin hah?"

"Hindi naman ako galit sa'yo ah."

"Ibig sabihin mahal mo 'ko?"


"Kapag hindi galit mahal agad?"

"Oo, hindi mo pa rin ba gets?"

"Don't me. Ipupusta ko lahat, never akong magkakagusto sa'yo."

"Talaga? Never?"

"Never." proud na sabi ko.

"Okay, anong ipupusta mo."

"Wala na 'kong dapat ipusta pa, hindi mangyayari 'yon."

"Haha. Nakikipagpustahan ka, tapos wala kang ipupusta, ano 'yon."

"Pwede naman 'yon ah."

"Siguro naiisip mo na 'yung pakiramdam na maging tayo no? Haha."

"Baliw ka talaga." paalis na sabi ko.

"Aasa ako sa pustahan na 'yan. Ikaw na rin naman nagbanggit eh. Kung matalo ka,
'wag kang mag-alala, ako na ang iisip ng parusa mo. Saka, baka sa sandaling mahulog
ka sa'kin, mahal na mahal na rin kita."

(P)Kinabahan ako sa sinabi n'ya. Feeling ko nagbablush at nag-iinit ang pisngi ko.
Buti na lang nakatalikod na 'ko sa kanya.

Mamimiss ko nga ba s'ya? Hmm. Mamimiss kaaway siguro.

----------

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Luci.

"Saan pa ba. Hmm." si Phoebe.

"Hintayin mo na 'ko, maliligo lang ako."

"Sino ka? Ba't kita hihintayin? Hmp. Late na 'ko."

Sa school..

"Nga pala Bez, kamusta 'yung ginagawa mong storya?"

"Ayun, hindi ko na nga masyadong nadadagdagan pero nauuti-uti ko naman. Ay teka,


nasaan na nga pala 'yun. Halaah Bez, wala sa bag ko."

"Baka naman naiwan mo sa bahay?"

"Lagi kong dala 'yon Bez, nasaan na ba 'yun."

"Wala ka bang ibang kopya 'non?"


"Wala pa eh. Hindi ko pa matype sa laptop, hindi ko kasi dala sa impyerno. Hay,
nasaan na ba 'yun."

"Impyerno?"

"Oo, sa bahay ng.. (natitigilan magsalita dahil sa paghahanap ng nawawalang


notebook) demonyo."

"Hay ang hard talaga. Nalimutan mo lang sa bahay 'yon."

"Ay oo! Sa kwarto ni.."

"Nino?"

"Sas-sa kwarto ko. Hay Bez. Ano na naman 'yan?"

"Hmm. Eh bakit may ni?"

"Nagkamali lang, 'to naman. O.A."

"Hmm. Sa kwarto ni ano noh? Ahaha. Tara na Bez at baka mabuko pa kita."

Chapter 14

"Alaga ko."

"Oh Manang, bakit po?"

"Papasok ka na ba?"

"Ahh, opo. Bakit, may kailangan ba kayo?"

"Wala naman. Gusto lang kitang makausap."

"Tungkol po saan?"

"Halika."

Sa garden..

"Sigurado kang pwede akong magtanong ha?" napapangiting sabi ni Manang.

"Oo naman po. Tungkol nga saan, anong nginingiti-ngiti n'yo pa d'yan. Hehe."

"Ahm. Kursunada mo ba si Ms. Beautiful?"

"Sino pong Ms. Beautiful?"

"Si Ms. Phoebe, sino pa nga ba? Ramdam ko lang. Saka narinig ko usapan n'yo kahapon
eh. Ano hah? Itatanggi mo pa?"

"Joke lang po 'yon."

"Hmm. 'Yun ang gusto mong iparating sa akin pero hindi 'yon ang gusto mong
maramdaman n'ya 'di ba?"
"Hindi ko po kayo maintindihan."

"Niloloko mo lang s'ya pero sa puso mo mahal mo na pala? Eh ikaw din ang nabiktima
sa sarili mong pain eh."

"Ang labo mo Manang. Sige na po. Late na 'ko."

"Ang alaga ko. Binata na. Hmm. (kiss at kurot sa pisngi)."

"Manang naman. Hehe. Sige po. Alis na ko."

----------

"Hello Chubb?"

"Oh PL. Napatawag ka?"

"Nandito ako sa Canteen. Nasaan ka na?"

"Ahh, out na rin ako eh, teka, dito pala ang room ni Mars, nakaway, wait ko na raw
'sya."

"Hehe. Sige Chubb. Wait ko kayo dito."

"Sige sige Chubb. Babye."

"Bye PL."

"Bye PL." sabat na naman ni alam n'yo na, na nahulaan ang sinabi ni Chubb.

"Oh, early bird ahh. Out na ang mga studyante ngayon ka pa lang papasok."

"Anong gusto mong kainin?"

"Wala, kung ikaw ang nasa harap ko."

Tumabi si CJ kay Phoebe.

"Oh, ngayon, may gusto ka ng kainin?"

"Wala. Kapag nandito ka wala akong gana."

"Bakit, break na kayo ni Sean?"

"Hindi. Ikaw nga ang dahilan 'di ba? Wala akong gana dahil sa'yo?"

"Eh bakit bitter ka sa kanya?"

"Hindi ako bitter."

"Talaga?"

"Inlove ako. Hindi ako bitter."


"Eh bakit bitter ka dito?"

Inilabas n'ya ang Journal Notebook ni Phoebe. Totoo ngang naiwan ni leading lady
'yon sa kwarto ni CJ.

"Bakit nasa'yo 'yan hah?"

"Naiwan mo sa kwarto ko. Alam ko namang alam mo na naiwan mo 'to. Lagi mong dala
'to 'di 'ba?"

"Paano mo naman nalaman na lagi kong dala 'yan?"

Pilit n'yang kinukuha.

"Hinulaan ko lang. Nakakatulog ka na nga minsan pagsusulat eh. Naiwan mo siguro


'yan nung bigla kitang ipatawag sa kwarto ko."

"Whatever. Akin na 'yan."

Tumayo si CJ para lalong hindi maabot ng inaasar n'ya.

"Ano ba. Akin na."

"Ops. Opss."

"Ano ba, para ka namang bata, akin na kasi."

"Ohh ohhps. Ahaha."

"Suntukin kita eh."

"Kapag naabot mo, ibibigay ko sa'yo."

"Akin na."

Phoebe's POV

Hindi ko na napansin kung masakit na ba ang braso ko kakataas ng kamay. Ang tangkad
kasi nitong Luci na 'to eh. Nakakainis talaga. Para na 'kong baby na inagawan ng
laruan at pinaglaruan ng isang matangkad at salbaheng bata. Hindi ko namalayan,
napapayakap na pala ako sa kanya.

(Sean)PL.

Nagkatitigan kami. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Halaah. Ang gwapo pala
n'ya talaga. Anu ba 'yun. Bumalik ang katinuan ko ng nanlambot na ang braso n'ya na
unti-unting ng bumababa, ayun, nagkaroon ako ng pagkakataon para kunin 'yung
notebook ko.

"Chubb. Tara na? Bez, tara? Ahm, kanina pa kayo? Ang init dito."
"Mahal ko, gutom ka na ba? Sa labas na tayo kumain." sabay akbay ni Chubb.

Nagulat ako sa sinabi ni Chubb, pero alam kong joke joke n'ya lang 'yon.

"Something's cheesy hah." sabi ni Bez.

Sa Restau..

"PL, galit ka ba?" tanong ni Sean.

"Hindi ahh. Nagulat nga ako sa'yo eh. Salamat. Natutuwa ako lumalaban ka na."

"Lumalaban? Lumalaban ng papogian kamo. Tammy hah. Nakoh." sabat ni Bez.

"Hay nakoh Bez, ipinagtanggol mo pa 'yung Luci na 'yon."

"Hindi ah. Inaasar ko lang si Tammy."

"Promise PL hindi ka galit?"

"Hindi. Joke lang naman 'di ba? Mabuti na rin 'yon. Tameme nga 'sya kanina eh.
Haha."

"Yari ka Tammy, babalikan ka na naman ng kapatid mo."

"Okay lang. Sanay na 'ko. Mabait din naman 'yon minsan."

"Mabait? Hahaha. Saan galing 'yon." si Phoebe.

"Teka teka nga Bez, eh bakit nga pala niyakap mo naman kanina? Bet mo na noh? Haha.
Developer na 'yan. Haha. Ayy. Ang ingay ko, nagseselos si Tamms."

Pokerface(Sean).

"Bez. Never kong magiging bet 'yon. Ang sama ng ugali n'ya talaga." si Phoebe.

(P)Maya-maya, pasok na ulit sa school. Beso with my friends.

"Text na lang hah." sabi ni Bez.

"Sige Bez. Chubb, d'yan ka na."

(P)Paglingon ko. Nandon na naman ang bruho.

"Oh ano, papogi ka na naman d'yan? Sa tayo mo parang hindi ikaw ang may-ari ng
school."

"Pero sa itsura ko, anong masasabi mo?"


"Padaan. Late na 'ko."

"Late ka na naman, dahil gusto mo kong layasan, pupunta ka na naman ng C.R., tapos
aabutin ka na naman ng ilang oras, tapos akala mo wala ng naghihintay sa'yo sa
labas, pero magugulat ka nandito pa pala ako. Ano?"

"Ang galing ah, sinaulo mo talaga lahat 'yan. Hindi na 'ko para pumunta sa C.R.
ngayon. Didiretso na ko sa room ko, kahit sumunod ka pa. Alam ko na ngayon."

Bigla na naman s'yang naging seryoso.

"Nung niyakap mo ko, wala ka bang naramdaman?"

Chapter 15

"Wala. Tigilan mo na nga ako. Mamaya mo na lang ako kulitin okay?" si Phoebe.

"Okay baby. Mamaya hah. Mamimiss kita." si CJ.

(Phoebe)Bwisit.
Nakakahiya talaga s'ya. Ang daming nakatingin sa amin. Hay.

"Mars. Kamusta klase mo?" tanong ni Sean.

"Okay naman. Eh yung feelings mo kay Bez?" si Claire.

"Hindi mo na ko tinigilan."

"Eh kasi naman noh, aacting ka na lang 'di mo pa galing galingan. Palagi tayong
magkakasama. Kung manhid si Bez, not me, ramdam kita."

"Ang kulit mo. Nga pala. Midterm na next week ahh. 'Yon na muna isipin mo."

"Wow naman. Nag-aaral naman akong mabuti. Pero alam mo Tammy, long time crush ko
talaga si CJ. Tingin ko nga love na eh, meron ba namang long time crush, 'di ba
wala? Hmm. Sa haba man ng hair ko tingin ko hindi magkakagusto sa'kin 'yon. Kay Bez
pa malamang."

"Bakit naman sa Bez mo?"

"Oh, selos ka naman?

"Hindi. Eh kasi magkaaway sila."

"Yun na nga eh. The way na lagi silang magkaaway, magkaroon lang ng time na hindi
sila magkita, I'm sure, mami-miss nila ang isa't isa. 'Yon ang paraan na nakikita
ko kung saan sila madedevelop talaga. 'Yang away na 'yan oh oh."

"Basta, pag sinaktan lang ng kapatid ko si PL, talagang lalaban ako."

"Ngayon pa nga lang lumalaban ka na eh. Gusto mo ikaw ang gustuhin. Haha."
"Ewan ko sa'yo."

"Umamin ka na kasi."

"Wala akong dapat aminin."

"Mamatay man? Wala kang gusto kay Bezzy? Hmm."

"Sinong mamamatay?"

"Lahat ng tao."

"Hay para kang bata."

"Ano, nacoconscious ka kasi ramdam ko na typing mo talaga si Bez. Haha."

"Ano bang mapupurat mo sa pangungulit? Manang mana ka sa bestfriend mo eh."

"Ano nga kasi, mamatay man, lahat ng tao, wala kang gusto kay Bez?"

"Kasama si PL?"

"Tao si Bez."

"Tsk. Oo na. Sige na. S'ya ang buhay ko. Kung lahat ng tao mamamatay, ayokong
pumayag. Ako na lang, 'wag lang s'ya."

"Awww. Ang sweet. Hahahaha. Napaamin din kita. Ang swerte ng Bez ko. Andaming
nagmamahal.".

"Wag mong sasabihin hah. Yari ako. Hay. Pinipigilan ko naman. Ayaw kong maging
unfair sa kanya."

"Hay. Ang hirap naman n'yan Tammy. Hayaan mo. Malay mo madevelop sa'yo si Bez nang
hindi sinasadya 'di ba?"

"Kanino ka ba boto?"

"Ahm. Hindi 'ko alam sa ngayon eh. Pero baka sa'yo na rin kasi bet ko si CJ.
Hahaha."

"Paano kapag naging sila nga?"

"Oyy. Takot din. Haha."

"Hindi. Ayoko nga 'tong nararamdaman ko eh. Kung pwede lang lumayo sa kanya. Sana
pala hindi na lang ako lumapit ulit. Pero hindi ko matiis eh."

"Hmm. Mahal mo eh. Tiis tiis ka muna, kung talagang mahal mo s'ya, hintayin mo na
lang."

"Ehh ikaw. Gustung gusto mo ba si CJ?"

"Wow, heart to heart ang usapan ah. Ahm, hindi naman gustung gusto, kumpara sa
pagkagusto mo kay Bezzy. Crush na pangmatagalan lang, 'yung tipong okay lang kung
may gf na 'sya. Basta."

"Baka naman attraction lang 'yan? Pogi eh. Ehemm, kapatid ko yata 'yon."
"Haha. Grabe ka hah. Oo pogi nga kayo. Siguro ganoon na nga, dahil pogi s'ya. Hindi
naman ganoon kalalim 'yung pagkagusto ko."

"Salamat hah. Kahit papaano gumaan 'yung pakiramdam ko sa sikreto ko."

"Tingin mo ba hindi ramdam ni Bez 'yon?"

"Hindi ko alam. Pero sana hindi. Ayokong lumayo s'ya. Sa tingin mo ba pagiging
selfish ang hindi pagpapaalam sa kanya?"

"Ahm. Kung magagalit s'ya kapag nalaman n'ya 'yon, I think oo selfish nga, pero
kung hindi s'ya magagalit, I think, nag-iisip din s'ya kung pwede ka n'yang
iconsider as her suitor. Tingin ko naman alam na n'ya 'yun. Hindi ka na lang n'ya
ibinubuko kasi mabait ka naman. Ramdam n'ya siguro na irerespeto mo kung ano mang
magiging desisyon n'ya."

"Oyy! Anu 'yan hah. Masyado kayong seryoso." panggugulat ni Phoebe.

"Nakakagulat ka naman Bez." sagot ni Claire na napatingin kay Sean.

"Ahh. Haha. Nagrereview ako PL para sa exam next week. Kanina ka pa?" kinabahan
dahil baka narinig yung usapan nila ni Claire.

"Ngayon lang Chubb. Bakit?"

"Ahh. Wala lang."

"At ikaw naman Bezzy 'ko?"

"Ahh. Wala lang Bez. Still wandering dito sa guy na katext ko."

"Bez hah. Review review din."

"Hmm. Nagrereview naman ako. Ang cute kasi nitong katext ko eh. Saka parang mabait
s'ya."

"Ipakilala mo sa'min 'yan Mars hah ng makaliskisan."

"Kayo naman. Hindi pa naman kami. Nakakahiya. Haha."

"Nga pala Chubb, need kong umuwi sa bahay mamaya. Kukunin ko lang 'yung iba pang
mga naisulat ko nang chapters ng story ko. Medyo delayed na, kailangan ko ng
matapos 'yon."

"Sige. Ihahatid kita."

"Thanks Chubb."

"Bez, malakas daw ang ulan mamaya sabi sa balita, baka pwedeng bukas mo na kunin."
paalala ni Claire.

"Nakuh Bez, hindi naman kami maglalakad ni Chubb papunta sa'min. Okay lang 'yun."

"Kahit na. May bagyo kaya. Sige ikaw bahala Bez, ikaw rin."

(CJ)Natakasan na naman ako ni Hokage, kasabay na naman umuwi ng boyfriend n'yang


bubot.
Sa bahay..

"Saan kayo pupunta?" tanong ko(CJ) kay Hokage at sa kapatid kong bitungol.

"Uuwi na 'ko."

"Hindi ka pwedeng umuwi. Hanggang bukas ka pa dito ahh. Halika."

"Teka, anu ba, nasasaktan ako." naiiritang sabi ni Hokage.

(CJ)Ang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. Hindi ko sinasadya pero nagulat kasi


ako, parang ayokong umalis s'ya dito sa bahay.

"Hanggang bukas ka pa dito, bakit 'di ka makaintindi hah. Saka ang lakas ng ulan."

"May kukunin lang ako sa bahay."

"Bukas na lang. Sobrang lakas ng ulan."

"Babalik ako, 'wag kang mag-alala. Kasama ko naman ang kapatid mo, siguradong
babalik ako."

"Hindi. Ako ang sasama sa'yo para mas sigurado."

"Ayoko, ano ba." pigil ni Hokage.

"CJ hayaan mo na s'ya. Saglit lang naman kami." sabat ni Sean.

"Hoy. 'Wag n'yo kong pagtulungan hah. Baka may pinaplano na naman kayo. Hindi n'yo
ko maloloko."

"Hindi 'to panahon para maglokohan. Saka nabanggit ko sa'yo na may lakad ako ngayon
'di ba? Sige na. Aalis na kami, gagabihin kami."

"Baka mapano ka. 'Wag na kayong tumuloy."

Phoebe's POV

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga s'ya o ayaw pa
lang n'ya talaga akong paalisin sa bahay nila. Hay.

Lalong lumakas ang ulan.

"Ano ba? Ba't ba ang tigas ng ulo mo? Padilim na ohh." si CJ.

"Wala ka ng pakialam 'don." Tara na Chubb."

"PL, padilim na nga. Baka mahirapan tayo sa daan."

"Chubb, kaya nga aalis na tayo ngayon para hindi tayo abutin ng dilim."

"Kung gusto mo talaga, ako na'ng sasama sa'yo." sabat ni CJ.


"Oh eto, cellphone ko. Para masure ko na babalik talaga ko. Okay na ba?"

"Hindi. Basta ako ang sasama."

"Ako na lang mag-isa."

Hindi na napigilan at sumugod na si Phoebe sa ulan.

"Ba't mo ko sinundan? Magkocommute na lang ako. May kotse naman ako, 'yun na lang
ang sasakyan ko pabalik dito mamaya. Bumalik ka na 'don." malakas na sigaw ni
Phoebe pero mahina ang dating dahil sa sobrang ingay ng ulan.

Maya-maya, naabutan na s'ya ni CJ.

"Ano ba, bakit hindi ka man lang nagpayong?! Bumalik ka na 'don." gulat na sigaw ni
Phoebe.

"Tara na please. Mapanganib sa daan, baka maaksidente ka. Parang awa mo na." si CJ.

Sumunod naman si Sean na kumuha muna ng payong para sa kaibigan at kapatid n'ya.

Chapter 16

Phoebe's POV

"Please, parang awa mo na?" Wow, ngayon ko lang narinig sa kanya 'yon at para pa sa
kaligtasan ko. Sa mga oras na 'yon, alam kong seryoso s'ya. Bipolar talaga.

"Ano bang pumasok sa mga utak n'yo hah? Bakit ka naman sumugod sa ulan.
Magkakasakit ka sa ginagawa mo." galit na sabi ni Manang habang pinupunasan n'ya si
CJ.

"Sorry Manang. Kasalanan ko po. Sumugod pa rin ako kahit alam kong may bagyo. Pero
hindi ko naman po alam na susunod si CJ, hindi man lang po kasi nagpayong o ano."
si Phoebe.

"Kahit na. Mga bata pa talaga kayo. Hay, sige na. Maligo na agad kayo. . Bilisan
n'yo."

(Phoebe)Nanay na nanay talaga ang peg ni Manang kay Luci. Kapag may kasalanan naman
sinesermunan. Concern na concern s'ya. Namimiss ko tuloy si Nanay.

"Chubb, sorry hah. Nagtampo pa ako sa'yo."

"Okay lang 'yon PL. Sige na maligo ka na. Baka magkasakit ka n'yan."

Naiwan ang magkapatid..


"Wow. Ang sweet ah. Bakit hindi ka sweet sa'kin? Mas basa ako kesa sa kanya ah,
saka kapatid mo ko?" ngiting pang-asar ni Luci.

"Kamusta ka?" tanong ni Chubb.

"Ikaw, kamusta ka? Kamusta kayo?" tanong at sagot naman ni CJ.

"Okay kami. Kahit kailan magiging okay lang kami." sabi ni Sean.

"Guilty ka?" tanong ni CJ.

"Guilty?" si Sean.

"Wag kang mag-alala, hindi ko s'ya aagawin sa'yo."

"Salamat."

"..Dahil s'ya mismo ang lalapit sa'kin."

Sean's POV

Ang hangin ng kapatid kong 'to. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung mapapasakin
pa ang pinakamamahal kong babae. Ang hirap ng sitwasyon ko. Komplikado pero ano
bang magagawa ko kung hindi ko na talaga mapigilan. Baka mabaliw ako. Minsan
nakakaiyak na lang talaga pero naiisip ko na maswerte pa 'ko, kahit hindi n'ya
masuklian, may pagkakataon pa rin ako na ipakita kung gaano ko s'ya kamahal.

Kahit papaano, kahit alam kong ayaw n'yang maramdaman ko 'yon, nakakasama ko pa rin
s'ya, hindi dahil sa niloloko ko s'ya kundi dahil mahal na mahal ko talaga s'ya.
Gusto ko s'yang protektahan araw-araw, oras-oras, minu-minuto, at segu-segundo.
Hay, mababaliw na yata ako. Ang dami kong sinabi. Sige na nga, conversation na lang
ulit. Hehe. Ang lalim na. Haha.

"Eh 'di natauhan ka rin? Ayaw mo kasi makinig eh." sabi ni CJ.

"Mas pasaway ka naman, sumugod ka ba naman ng walang payong." si Phoebe.

"Syempre para protektahan ka. Ang kulit mo eh."

"Ba't mo naman ako poprotektahan, anu ka, superhero?"

"Hindi. Over protective lang. Walang taong gustong mapahamak ang mahal nila."

(P)Nakakatakot s'ya, parang paos na lasing. Haha.

"Baliw!"

"Sandali lang."

"Tsk. Anu ba. Magbibihis na 'ko."

"Ayaw mo bang sumabay sa'kin?"


"Bastos!"

"Anong bastos 'don, pipikit naman ako, tapos ikaw tatalikod ka. Hahahaa."

"Kung nagmumura lang ako kanina pa kita namura."

"Eh 'di murahin mo, mahal naman kita."

"Siraulo."

"Phoebe.." nanghihinang sabi ni CJ.

"Anong acting naman 'yan?"

Phoebe's POV

Lumapit s'ya sa akin. Parang magpapaakay, gan'un. Natakot naman ako dahil wala
akong tiwala sa lokong 'to, baka mamaya isa na naman 'to sa mga kalokohan n'ya.
Dahan-dahan s'yang lumapit sa'kin at biglang yumakap..

"Phoebe.."

"Ang init mo.. Teka sandali.." pag-aalalang sabi ni Phoebe.

Hindi ko s'ya kinaya dahil ang bigat n'ya, sobra. Tumumba tuloy kami. Ang taas ng
lagnat n'ya. Hindi ko na nga nagawang magalit dahil bago pa mangyari 'yon,
naramdaman ko na agad ang init ng katawan n'ya, sobrang init.

----------

"Sean, hijo, halika nga."

"Bakit po?"

"Ikaw nga, magtapat ka, 'yung totoo na talaga hah. Ang tagal na kitang tinatanong.
Gusto mo ba 'tong si Phoebe?"

"Hay nakoh Manang. Bakit n'yo naman po kasi itinatanong? Bakit po kayo concern
tungkol d'on? Sa amin na lang 'yon."

"Hindi ka ba natatakot na baka maging magkaribal kayo ng kapatid mo? Baka lalong
hindi na kayo magkasundo n'yan. Pinaaalalahanan lang kita. Kung ayaw mong aminin sa
akin, okay lang. Wala akong kinakampihan sa inyong magkapatid, pero tignan na lang
natin sa huli kung sinong magpaparaya sa inyo."

"Ang ibig n'yo po bang sabihin sure kayo na may gusto rin si CJ kay Phoebe?"

"Rin? Eh 'di nahuli rin kita."

"Oo na po Manang, makakapagtago pa ba 'ko."

"Kahit hindi mo sabihin alam ko na. Oh, ano na, handa ka bang magparaya? O tingin
mo s'ya ang magpaparaya?"
"Si Phoebe na po ang bahala 'don kung sino ang pipiliin n'ya. Marami pong
nagkakagusto sa kanya, hindi lang kami."

"Ang akin lang hijo maging handa ka, baka mabaliw ka, ang puso mo, minsan nahuhuli
kitang umiiyak, s'ya ba ang dahilan?" nakangiti pero naaawang sabi ni Manang.

"Opo." malungkot na sagot ni Sean.

"Kaya mo 'yan. Kaakibat na ng pagmamahal ang masaktan. Pero kung para sa'yo, sasaya
ka sa huli, ika nga, kung hindi pa happy, hindi pa ending."

"Manang!!" sigaw ni Phoebe habang hinahanap si Manang na hindi sumasagot ng tawag


sa cellphone, busy nga kasi sa heart to heart talk with Sean. Haha.

"Si Phoebe 'yun ah." sabi ni CJ.

"Nakuh, kanina pa pala s'ya tumatawag."

"Ma'am, ano pong nangyari't hinahanap n'yo 'ko?" nag-aalalang tanong ni Manang.

"Manang (hinihingal), si CJ po ang taas ng lagnat."

"Hah?" si Sean.

"Teka at ipaghahanda ko ng soup. Letty, pakiasikaso si CJ, nilalagnat."

Si Letty 'yung isa pa nilang katulong.

"Opo."

"Chubb, magbibihis muna ako hah. 'Di mo ba pupuntahan 'yung kapatid mo?"

"Hindi. Baka lalo lang mabadtrip sa'kin 'yon."

"Hmm, sabagay. Sige, mamaya na lang."

--------

Sa kwarto ni CJ..

"Alaga ko, bakit naman kasi antigas ng ulo mo eh."

"Manang naman eh, ginawa n'yo na naman akong bata. Ehem ehem."

"Ininom mo ba 'yung gamot na binigay sa'yo ni Letty."

"Opo. Sige na, lumabas na kayo. Kaya ko na mag-isa. Ayokong itratong may sakit,
lalo po akong hindi gagaling."

"Oh s'ya sige na. Pagaling ka anak, hindi ako sanay ng lalamya-lamya ka."

"Sige po, salamat." mahinang sabi ni CJ na pinahabulan pa ng..

"Manang.."

"Oh, ano 'yon anak?" nag-aalalang tanong ni Manang.


"Nasaan po si Phoebe?"

"Ahm, nasa kwarto siguro n'ya, nagbibihis, matutulog na rin siguro s'ya nak,
bakit?"

"Dito n'yo na po s'ya patulugin, s'ya po ang gusto kong mag-alaga sa'kin."

"Uhm-hmm. Ang anak ko pumapag-ibig pa rin kahit nilalagnat na. Nak??, baka kung
anong gawin mo d'on hah, kayo lang dalawa rito?"

"Manang naman, nakakalagnat po 'yung pang-aasar n'yo." nakangiti pero nanghihinang


sabi ni CJ.

Chapter 17

"Sige na nak, magpahinga ka d'yan at tatawagin ko ang darling mo."

"Sila na ba Manang?" tanong ni Aling Letty.

"Tara na Letty, napakachismosa mo." pabulong na sagot ni Manang.

---------

Sa text..

"Good night PL. Sweet dreams."

"Good night too Chubb. See you tomorrow."

"I love you my princess." hindi sinasadyang message ni Sean.

Napabangon si Sean sa pagkakahiga at maya-maya ay tumayo at nagpabalik-balik


paglalakad.

(Sean)Halah. Ang t*nga ko, bakit ko nasend. Hay. Hindi ko naman sinasadya eh,
napatype lang naman, 'yun kasi ang nasa isip ko, anong magagawa ko.

Maya-maya nagreply na si Phoebe.

":("

"PL sorry." sagot ni Sean. Wala na s'yang masabing palusot kaya nagplay safe na
lang s'ya ng sorry.

"Bakit hindi mo sinabi hah?"

"Eh kasi PL, baka magalit ka ulit." type, bura, type, burang message ni Sean.

"Bakit naman ako magagalit? Malungkot lang ako dahil nagsikreto ka sa'kin. Alam ba
ni Bez 'to?"

"Oo. Alam n'ya. Sorry PL."

"Okay lang Chubb. I'm happy for you. Ikaw hah. Madaya ka."

"Happy for me?"

Sean's POV

Medyo nahimasmasan ako nang maamin ko sa kanya. Hindi ko man sinasadya pero siguro
'yon na rin ang naging paraan para gumaan ang dinadala ko.

"Oo, I'm happy for you. Nahanap mo na kasi ang babaeng para sa'yo. Ipakilala mo
naman kami ni Bez kay Princess."

Patay. Akala ko naman alam na n'ya. Minsan bungol talaga 'tong mahal ko kahit
matalino. Magkukunwari na naman tuloy ako n'yan.

"Ah. Oo sige ba PL. Ipapakilala ko kayo kapag nagkita kami. Medyo malayo kasi s'ya
eh."

Sinabi ko na lang na taga-malayong lugar si Princess. Hindi n'ya alam na s'ya ang
tinutukoy ko. Akala ko okay na, hindi pa pala. Sabagay, parang nasa malayong lugar
na rin s'ya kung tutuusin, hindi ko maabot, hindi ko makuha, at kahit kailan hindi
magiging akin.

"Sige na PL. Goodnight. Inaantok na 'ko eh." pag-iwas na sabi ni Sean.

"Sige Chubb. Thank you for being a true friend to me. I love you so much. Mua!"

Hay. Ang sweet n'ya talaga. Bakit gan'on. Babae na lang ba talaga ang pwedeng
magsabi ng i love you sa kaibigan nila? Kapag lalaki ang nagsabi may malisya? Hmmp.
Parang mali.

"Ma'am?"

"Ay. Manang. Bakit po?"

"Sorry Ma'am, patulog na po ka'yo?"

"Ahm. Medyo po. :) Bakit po?"

"Eh kasi si CJ, ipinapatawag ka."

"Bakit daw po Manang?"

"Ahm, nagrequest s'ya na baka pwede kung ikaw daw mag-alaga sa kanya."
Phoebe's POV

Nakakahiyang tanggihan si Manang. Parang awang awa s'ya kay Luci pero ayaw ko
namang alagaan 'yung Mokong na 'yon. Hay. Sa totoo lang, may kasalanan din ako sa
nangyari, kung hindi naman matigas ang ulo ko hindi lalagnatin 'tong Luci na 'to.

"Please.?? Para lang gumaling na ang anak ko. Ikaw ang gusto n'ya eh. Maistress
'yon kapag hindi nasunod ang gusto." pakiusap ni Manang.

"Sige po. Susunod na 'ko."

Napilitan akong sumunod. Tingin ko rin naman okay lang kasi may sakit ang bruho,
hindi n'ya ko masyadong makukulit.

Nasa kwarto na n'ya ko ngayon. Tulog na tulog si Luci at balot na balot ng kumot.
Naupo na lang ako sa couch at nag-isip ng magagawa. Tinext ko si Chubb at sinabing
nandito ako sa kwarto ng kapatid n'yang demon pero parang tulog na yata. Saka hindi
rin naman siguro s'ya pupunta rito, mababadtrip lang 'yung kapatid n'yang Satan.
Haha. Hard.

"Hoy. Pagaling ka na, 'di bagay sa'yo eh. Saka, paalis na rin naman ako bukas.
Tamang-tama lang 'yan. Hmmp." mag-isang sabi ni Phoebe sa natutulog ng si CJ.

Makalipas ang isang oras.

"Inaantok na 'ko. Mukhang 'di ka naman yata gigising. Para saan pa ang pagbabantay
sa'yo. Kaya mo na 'yan. Mayaman naman kayo, dapat naghire ka na lang ng private
nurse. Hmmp."

Nilapitan ko s'ya at tinignan. Magkamukha talaga sila ni Chubb.

"Hindi bagay sa'yo. Akalain mo 'yon, si Satan, tinamaan ng lagnat. Siguro malamig
ka ngayon, kasi kapag wala kang sakit, automatic na mainit ka. Haha." pang-aasar na
sabi ni Phoebe.

(Phoebe)Bigla s'yang nagsalita noong paalis na 'ko.

"Dito ka lang Phoebe."

"Oh. Gising ka pala. Akala ko tulug na tulog ka na." kinakabahang sabi ko. Haha.
Narinig n'ya siguro 'yung mga sinabi ko. Haha.

"Kanina pa ko gising, tinatamad lang akong magsalita kasi nanghihina ako. Gusto
kong uminom."

"Hah? Ahm, beer, wine, vodka, ano?? Okay 'yan. Ikukuha kita."

"Salbahe. Ehem ehem."


"Wow. Salbahe talaga. Siguro nga. Ganti lang 'yan. Pasalamat ka medyo concern pa
'ko sa'yo."

"Wag mo na 'kong awayin, may sakit na nga ako."

"Paawa ka pa. Baka naman pwedeng si Manang na ang mag-alaga sa'yo. Hindi ka ba
naistress na nandito ako."

"Hindi. Kapag nandito ka, gagaling ako."

"Hmm. Sige na. Magpahinga ka na. Matutulog na rin ako. Kanina pa ako inaantok."

"Ayoko pang matulog. Kwentuhan mo naman ako."

"Magpahinga ka na. Ang kulit mo. Nilalagnat ka na ang daldal mo pa. Baka mamaya may
bawang ka lang sa kili-kili."

"Lika amuyin mo."

"Sira ulo. Oh, eto na tubig mo. Parang awa mo na. Matulog ka na."

"Ayoko." marahang sabi ni CJ.

"Grabe. Para kang walang lagnat."

"Ayokong isipin na may lagnat ako. Lalo akong lalagnatin. Dito ka lang, gagaling
ako."

"Oh s'ya sige. Dito lang ako pero matulog ka na, please?"

"Gusto kong sulitin 'yung panahon na nandito ka. Magkasama tayo ng magdamag. Bukas
baka iwan mo na 'ko eh."

"Iiwan talaga kita. Due date na 'di ba?"

"Please naman. Alagaan mo muna ako. Kahit hanggang bukas lang."

"Parang utang na loob ko pa sa'yo ahh."

Hindi na nagsalita si CJ at nakatulog na.

CJ's POV

Para akong masusuka sa sobrang hilo. Ang lamig ng pakiramdam ko, 'yung tipong hindi
ko maramdaman kung gaano ako kainit sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Hindi ko
na napansin na nakatulog na pala 'ko.

2 pm na ng madaling araw. Tumayo ako para kunin 'yung remote ng aircon. Para akong
matutumba. Hindi ko na kinaya, natumba na nga 'ko.

BLAHHGG!

"Luci, ano ba 'yon? Luci!" naalimpungatang sabi ni Hokage.


"Aray."

"Bakit ka kasi tumayo. Hay, okay ka lang? Kaya mo bang tumayo?"

"Hindi eh."

"Ano bang kailangan mo at tumayo ka pa?"

"Hihinaan ko sana 'yung aircon." nanghihinang sabi ko.

"Ako na kasi, sana ginising mo 'ko. Eh teka, hindi naman kita kayang buhatin.
Tawagan ko si Manang."

"Wag na. Pagod na si Manang. Hindi naman ako magpapabuhat sa'yo."

"Sandali lang. Hindi mo naman kaya eh. Hay."

"Aray.."

"Ayan na nga ba. Hindi ko rin kaya."

"Pipilitin ko." pilit ni ko. Hehe.

"Ayan."

(CJ)Maya-maya naihiga n'ya na rin ako.

"Ambigat mo. Huhhh."

"Good night. Salamat."

Chapter 18

(CJ)Hindi na s'ya sumagot. Atleast nalaman ko, concern din pala s'ya sa akin.

Phoebe's POV

Sa totoo lang, hindi ako concern sa kanya. Pakitang tao lang at malasakit lang
dahil nakakaawa. Somehow, may kasalanan din ako kung bakit ganyan s'ya ngayon.

"Teka. Oras na ng pag-inom ng gamot mo." si Phoebe.

"Ayoko." tanggi ni CJ.

"Uminom ka na. Oh.., hindi ka gagaling n'yan."

"Gusto ko ng matulog."

"Inumin mo na muna 'to."


(CJ)Lumapit s'ya sa'kin para ipainom 'yung gamot.

"Ayoko nga."

"Nganga."

"Ahh ahh." kunwaring naiinis na sabi ko.

"Sige na. Bumangon ka ng konti. Ayan. Ambigat mo talaga."

"Mahal mo talaga ko no?"

"Sira ulo." sabi ni Hokage sabay sapok.

"Aww."

"Ay sorry. Hmm. Kung wala ka lang sakit, mas grabe pa d'yan ang aabutin mo sa'kin.
Pinatagal mo pa. Iinom ka rin pala."

"Ibang gamot ang gusto ko."

"Ano, shabu?"

"Kisspirin."

"Korni mo. Sige na. Alas tres na oh. Hay."

"Good night na ulit baby."

"Hay. Ewan."

CJ's POV

6 am ng umaga ako nagising. Tulog pa si baby. Haha. Nakakatawa, baby ang tawag ko
sa kanya. Wala naman akong gusto sa kanya pero hindi ko maipaliwanag ang
nararamdaman ko, lalo na 'pag nakikita ko s'ya. Siguro dahil nasanay lang ako na
lagi s'yang nand'yan, kaaway ko. Hehe.

Pumikit ako dahil mukhang pabangon na s'ya. Palabas na s'ya ng pinto ng tanungin ko
s'ya.

"Aalis ka na?" mahinahong tanong ko.

"Ahh. Oo, last day ko na 'di ba?"

"Dito ka muna. Hanggang mamayang hapon ka pa naman."

Walang effort akong nakiusap sa kanya. Naisip kong kwentuhin s'ya para hindi s'ya
mainip.
"Pinabayaan ka na rin pala ng parents mo?"

Phoebe's POV

Nagulat ako sa kanya. Bigla na lang s'yang nag-open ng tungkol sa pamilya, parang
gusto ko tuloy ipagdasal na lagi na lang s'yang magkasakit. Haha.

"Wala na sila. Namatay sila sa isang car accident. Baby pa ako n'on, hindi ko na
maalala kung nakita ko sila sa personal."

"Sana katulad mo na lang ako."

"Haah?"

"Katulad mo. Wala ng magulang pero masaya pa rin."

Ngayon ko lang s'ya narinig na nagsalita ng may sense na walang sense. Anu daw?
Haha.

"Buti nga may mga magulang ka pa. Ako wala na. Bakit mo naman gustong maging
katulad ko?"

"Nak?"

Ayan na si Manang, may dalang breakfast.

"Oh Nak, kain ka na hah. Ahm, Ms. Phoebe, dinalhan na rin kita ng pagkain, dito ka
na rin kumain hah. Samahan mo s'ya."

"Hindi na po Manang. Sa labas na 'ko kakain."

"Dito ka muna please?"

"Ahh. May kukunin din ako sa kwarto ko eh."

"Ano ba 'yon hija ako na lang ang kukuha."

"Hindi ko rin po alam kung saan ko naipatong eh. Ako na lang po."

"Ako na ang kukuha. Alin ba, 'yung cellphone mo?"

"Ahm. Opo Manang ako na po."

Honestly, wala talaga 'kong kukunin sa kwarto ko. Dala ko 'yung cellphone ko. 'Yung
isa ko pang phone siguro ang tinutukoy ni Manang. Gusto ko ng umalis sa totoo lang.
Somehow, naaawa ako kay CJ kahit Luci s'ya noon.

"Hindi na Ma'am. Ako na talaga ang kukuha, kanina pa raw tumatawag si Sean sa'yo
eh. Ipapamissed call ko na lang sa kanya para malaman ko kung nasaan hah? Sige
babye. Enjoy. Hehe."
(Phoebe)Halaah.. Ano namang ikakaenjoy ko dito.
Tsk. Nakasilent pala 'tong cp na dala ko kaya naman pala 'don natawag si Chubb.
Hay.

After 10 minutes..

"Ang tagal ni Manang. Sandali lang hah, pupuntahan ko." si Phoebe.

"Dito ka lang. Salamat dahil nandito ka pa, sinasamahan mo 'ko."

"Eto na." nakakagulat na salubong ni Manang.

"Salamat po."

"Tawag ka lang 'pag may kailangan kayo hah."

"Opo."

Umalis na ulit si Manang.

"Sorry." si CJ.

"Oh, ano na naman 'yan? Bakit nagsosorry ka? Alam mo simula nung magkasakit ka,
naging madrama ka na."

"Sorry sa lahat."

"Hahahaha. Hahahaha."

(Phoebe)Napapalakpak pa ako at napaturo sa kanya.

"Anong nakakatawa?" nakakunot na pagtataka ni Luci.

"Hahahaha. Mamamatay ka na ba?"

"Hay."

"Haha. Eh kasi naman. Parang may pangitain na. Haha. Joke lang."

(Phoebe)Hay, 'di ko mapigil ang tawa ko. Pero sa totoo lang alam ko naman kung saan
s'ya nagsosorry.

"Matagal na ba kayo ni Sean?" seryosong tanong n'ya.

"Ahm, kami? Oo. Matagal na."

"Akalain mo 'yon. Natagalan mo s'ya."

"Bakit naman hindi?"


"Bakit, nababaitan ka ba sa kanya?"

"Oo. Bakit, nababaitan ka sa sarili mo?"

(Phoebe)Nag-iba bigla ang mood n'ya. Nainis ako. Hmm.

"Hindi. Tayo ba?" seryosong tanong ni CJ.

"Ahhh. Gan'on. Kasosorry mo lang kanina ang sama mo na naman ngayon. Hindi mo
kailangang magbait baitan para magustuhan."

----------

"Manang. Salamat po hah. Sobrang mamimiss ko kayo." nakangiting sabi ni Phoebe.

"Hmm. Ako rin. Minsan bumisita ka naman dito, marami akong ituturong recipe sa'yo."

"Ako ba PL hindi mo mamimiss?" sabat ni Chubb.

"Oo."

"Hindi mo ko mamimiss?"

"Ay hindi pala."

"Hindi?"

"Mamimiss kita. Loko ka talaga, parang hindi na magkikita sa school? Hmm."

"Wala bang kiss."

"Aba namimihasa ka na."

"Haha. Joke lang."

Phoebe's POV

Akalain mong matatapos din pala ang kalbaryo ko 'don. Kahit paano naman, bago ako
umalis nagkasundo na kami ni Luci. Hindi na siguro magbabago yung tawag ko sa
kanya. Hmm. Kahit naman nagsorry s'ya alam kong mauulit at mauulit pa rin ang mga
kalokohan n'ya gaya na lang kanina. Haha. Umiinit talaga ang ulo n'ya kapag
nabobrought up 'yung topic about sa Dad n'ya at kay Chubb.

Sa school..

"Chubb. Namiss kita."

"Isang gabi lang miss agad?"

(Sean)Kaya ako lalong nafofall sa'yo ang sweet mo eh. Hay.


"Oo naman. Hay. Kailan kaya magbabago ng tuluyan 'yang kapatid mo 'no? Pero mas
okay na naman kami ngayon kesa noon."

"Pagpasensyahan mo na 'yon. Nga pala PL, magreresign na raw si Sir Abustan."

"Talaga? Bakit?"

"Eh girlfriend daw kasi 'yung isa sa mga estudyante n'ya, eh 'di ba bawal."

"Alam mo para sa akin okay lang 'yon, kung 'di mo mapigil 'yung nararamdaman mo 'di
ba, na inlove ka eh, saka matalino naman talaga si Sarah, classmate ko s'ya dati
eh. Ang alam ko bago pa n'ya maging estudyante si Sarah sila na, 'di ba Bez?"

"Ahmm. Hah?" busyng sagot ni Claire.

"Bez?? Nakikinig ka ba?"

"Ahm. Oo."

"Oh sige. Anong topic namin?"

"Tungkol sa miss."

"Hah? Kanina pa 'yon. Sino bang katext mo hah?"

(P)Inagaw ko 'yung cellphone ni Bez.

"Bez teka lang, akin na 'yung phone ko."

"Aha. Honey pala hah. Bez?"

"Sorry na. Sasabihin ko rin naman sa'yo eh. Baka kasi pigilan mo 'ko. Hindi ko
naman papabayaan ang studies ko."

"Hindi naman kita pinagbabawalan Bez ahh. Ang akin lang, baka saktan ka ulit. Gusto
ko lang makilatis namin ni Chubb. 'Di ba Chubb? Makinig ka dito, lalaki rin 'to.
Alam n'ya ang manloloko at hindi."

"Oo nga naman Mars. Pero kung gusto mo talaga s'ya, wala naman kaming karapatang
pigilan ka." si Sean.

"Ang amin lang, gusto ka naming protektahan sa ilang beses na panloloko sa'yo."

Chapter 19

"Wow naman. Ang dramatizationakels. Opo Mommy, opo Daddy." si Claire.

"Seryoso kami hah." sabi ni Phoebe.

"Okay. Ganito na lang. Kapag masasama ko s'ya, labas tayo."

"Dito rin s'ya pumapasok?" tanong ni Chubb.


"Nope. Sa St. Jude. Tutal alam n'yo na, excited na kong ipakilala s'ya sa inyo. Ang
pogi talaga n'ya Bez. Promise."

"Anong sabi ko sa'yo Bez?"

"I know. Pero mabait naman s'ya eh. Give him a chance. In fact, bakit nga ba e
hindi pa naman n'ya ko niloloko, anong chance ang ibibigay ko."

"From the time na sinagot mo s'ya, binigyan mo na s'ya ng chance n'on, chance para
mas makilala ka."

"Sabagay. Basta Bez. Iba 'tong isang 'to. Sorry talaga. Hindi ko s'ya napakilala
sa'yo. Eh kasi naman busy ka rin kay CJ my past."

"Hmm. Ikaw ang busy noh, ahm, I mean 'yung phone mo pala ang busy. Ganito Bez, if
you'll passed all the exams, sige, ipakilala mo sa amin 'yang guruto na 'yan, pero
kapag hindi, 'wag na lang, I think bad influence s'ya for you."

"Bez?!"

"Ohh. Bakit?"

"Bez naman, ang rude mo. Malay mo naman hindi s'ya ang dahilan kung bumagsak man
ako. Saka hindi naman kita pinapakialaman sa love life mo."

"Eh kasi, wala naman akong love life. Saka magkaiba tayo Bez."

"Oo na. Sige na. Nagrereview naman ako. I can pass."

Nagkatinginan na lang kami ni Chubb at naglakad na papunta sa susunod na klase


namin. Opposite ang way ni Bez kaya kami lang ang nagkasabay.

"PL. Hindi ka nga ba masyadong mahigpit kay Mars?"

"Hah? Hindi naman ah. Sa bandang huli, s'ya pa rin naman ang masusunod. Gusto ko
lang s'yang protektahan."

"Okay. Pero ganoon din ba ang pagkakaintindi ni Mars d'on?"

"Siguro. Hayaan mo. Lilinawin ko sa kanya."

----------

"Oh anak. Kamusta ka na, hindi na tayo nakapagkwentuhan simula noong dumating ka
ahh."

"Pasensya na Nay hah, busy po, midterm na po kasi namin sa Wednesday, then
tinatapos ko pa rin 'yung ginawa kong kwento."

"Nakuh Nak, wala 'yon. 'Wag mo kong intindihin, namiss lang kita. Nga pala, tungkol
saan naman 'yang kwento ng alaga ko hah?"

"Tungkol po sa babaeng lagi na lang niloloko ng mga lalaking sobrang minahal n'ya.
Then, naisipan n'yang manloko rin.Hindi n'ya alam na 'yung ginantihan n'ya, 'yon
pala ang tunay na magmamahal sa kanya. Nalilito s'ya kung ipagpapatuloy pa ba n'ya
ang paghihiganti o tuluyan ng mahuhulog ang loob sa lalaking akala n'ya ay
paaasahin n'ya lang.."

Hindi na naituloy ni Phoebe ang ikinukwento nang sumabat si Nanay at sinabing..

"Yun pala, s'ya ang hopia sa huli?"

"Haha. Opo Nay, exactly. Ang galing n'yo."

"Ang anak ko inlove 'yan."

"Hindi po Nay."

Natigil ang kwentuhan namin ng may tumawag sa phone ko.

"Sandali lang Nay hah. Naiwan ko pala 'yung phone ko sa kwarto. Kaya pala parang
may tumutunog kanina pa."

43 missed calls. Sino naman kaya 'to.

"Hello." seryosong sabi ko.

"Ang sungit ah."

"Sino ba 'to?"

"Boyfriend mo."

"Sira ulo. CJ busy ako, 'wag kang mang-istorbo okay?"

"Haha. Paano mo nalamang ako 'to? Nakasave na siguro ang number ko sa phone mo, o
kaya naman, memorize mo na, o malamang miss mo na 'yung boses ko."

"Baliw. Sino bang hindi makakaalam sa boses ni Luci."

"Bakit 'di mo sinasagot ang tawag ko hah."

"Busy nga ako 'di ba. Ang kulit mo."

"Date tayo."

"Ay ewan. Sige na babye."

"Sa Sunday, 4 pm, sa Time Square."

Toot toot toot.

Phoebe's POV

Hmm. Umabot pa sa pagpatay ko ng phone 'yung sinabi n'ya. Eh ano nga bang pakialam
ko r'on. Hay.

Paglabas ko ng kwarto..

"Oh Nak. Sinong tumawag?"

"Ah, wrong person po Nay."

"Wrong person? Ang anak ko talaga." napapailing na sabi ni Nanay.

---------

"Bezzzzz!!!"

"Oh. Bakit? Anong nangyari Bez?"

"Guess what?!"

"Halah. Huhulaan ko pa."

"Oo. May premyo ako kapag mali ang hula mo. Haha."

"Hmm. Alam ko na."

--------

"Saan ka pupunta?" tanong ni CJ.

"Ahm. Kila Phoebe." sagot ni Sean.

"Akalain mo, nagustuhan ka n'on?"

Hindi sumagot si Sean na nakatalikod at paalis na.

"Paano kung agawin ko s'ya, magagalit ka ba?" napatayong sabi ni CJ.

Wala pa ring sagot pero nananatiling nakatigil at nakatalikod lang si Sean.

"Kung magagalit ka, sige, aagawin ko s'ya." muling sabi ni CJ.

(haha. Wagas maka'muli'.)

"Kung maaagaw mo." sagot ni Sean.

(Narrator)Kung hater ka ni CJ, matatawa ka sa kanya dahil nabadtrip s'ya sa sagot


ni Sean. Binasag ang basong hawak hawak sa sobrang inis.
----------

"Nak. May naghahanap sa'yo."

"Chubb. Napadalaw ka?" si Phoebe.

"Ang laki na pala ni Merle ano?" si Sean.

Alagang pomeranian ni Phoebe si Merle.

"Oo nga eh. Namiss ko s'ya. Ang bilis n'yang lumaki pero maliit pa rin s'ya. Haha."

"Kanino nga ba galing si Merle?" tanong ni Sean.

"Kay Steve."

"Yung manliligaw mo na binasted mo lang? Haha."

"Eh hindi ko naman matanggihan Chubb eh. Saka naging kaibigan ko na rin si Steve."

"Nasaan na nga pala yung Mokong na 'yon?"

"Makamokong ka naman. Nasa Canada na ulit. Eh teka, bakit ka nga pala napadalaw?
Hindi mo na sinagot ang tanong ko. Si Merle agad ang kinamusta mo eh."

"Ahm. Wala lang. Namiss lang kita. Parang naninibago lang ako. Wala na kasing
masungit sa bahay."

"Hindi mawawalan ng masungit 'don. Correction, demon pala. Nga pala Chubb, ano,
hanggang ngayon ba ayaw mo pa ring tumira dito? Kesa naman inaapi ka n'yang kapatid
mong maldita na parang kontrabida sa teleserye. Bakla siguro 'yon."

"Hindi 'yon bakla. Trip ka nga eh."

"Hmm. Kung ikaw pa, okay lang, eh s'ya.."

Parehong natigilan ang dalawa. Parang nagkamali yata ng nasabi si Phoebe.

"Ahh. Kainin na natin 'yang cake na dala mo. Ang sarap nito. Sinong nagbake Chubb?"

"Ahh. Si Manang."

"Ay Naku masarap nga. Tara. Nay, pakikulong na po si Merle."

Sean's POV

Ako yata ang bakla sa'ming magkapatid. Ang init na naman yata ng tenga ko. Pero
ayokong umasa. Ang ibig n'ya lang sigurong sabihin eh mas mabait ako kesa sa
kapatid ko.
"Chubb. May chika ako."

"Ano 'yon?"

"Wait lang. Ang sharap alaga niong eyk. Hay. Kakaiba." namumualan na sabi ni PL.

"Ang takaw mo PL."

Chapter 20

"Haha. Hindi naman. Kapag masarap lang talaga gaya nito. About sa chika ko, sasama
ka ba bukas Chubb?" si Phoebe.

"Saan?"

"Sa amin ni Bez saka nung boyfriend n'ya."

"Ahh, sige, pwede ba?"

"Oo. Kasama ka naman talaga eh. Tinatanong lang kita kasi baka mamaya may lakad
ka."

"Sasama ako. Saan ba?"

"Ahm. Hindi ko pa alam eh. Mamaya pala tatawagan ko si Bez. Ay, Chubb..daig ka ni
Bez, ang taas ng score sa exams. I hope good influence nga 'yung boyfriend n'ya."

"Malalaman natin bukas."

----------

Sa phone..

"Hon. Excited na kong ipakilala ka sa mga friend ko." kinikilig na sabi ni Claire.

"Ako rin. Ahm, sinu-sino ba sila?"

"Yung bestfriend kong girl saka 'yung friend kong boy."

"Friend mong boy?"

"Oo. Bakit?"

"Ahmm. Baka gusto ka n'on hah. Anong mga pangalan nila?"

"Grabe, hindi naman. Phoebe at Sean. Bakit?"

"Wala lang. Kailangan ko ba talaga silang imeet?"

"Oo. Bakit, ayaw mo na?"

"Hindi. Gusto ko. Nagseselos lang ako d'un sa lalaki mong kaibigan."

"Weh? Don't worry, 'yung bestfriend ko ang type n'on."


"Bakit, maganda ba 'yung bestfriend mo?"

"Oo naman. Para sa akin, s'ya ang pinakamagandang d'yosa sa balat ng langit. Proud
na proud nga ako na naging bestfriend ko s'ya. Total package s'ya to make it
short."

"Talaga? Para sa'kin, ikaw ang pinakamaganda sa lahat."

"Bola. S'yempre girlfriend mo 'ko."

----------

Kinabukasan..

"Bez. Nandito na kami ni Chubb. Nasaan na kayo?" sabi ni Phoebe.

"Ahm. On the way na kami. Ang aga n'yo ah. Haha. Double date ba ito?" sagot ni
Claire.

"Halaah. Hindi kami talo nitong Tamms mo, wala ka, pumoporeber na rin 'to. Manang
mana sayo, nagsikreto ng jowa. Haha."

"Ay. Eto na nga, ipapakilala na nga sa inyo. S'ya ba, may ipakikilala? Baka bago
natin makilala break na sila, o baka naman kilala na natin hindi lang nagsasalita
'yung isa d'yan. Haha."

"Haha. Oy Mars, 'wag mo kong idamay hah. Naririnig kita. Ikaw ang taya ngayon. May
dala na kaming itak pangkaliskis."

"Sige na, malapit na kami. Mga luko-loko." pagpapaalam ni Claire.

"Tingin mo Chubb. Okay kaya 'yung bf ni Bez?" si Phoebe.

"Pogi malamang, ewan ko lang kung mabait. Mahilig sa pogi 'yang Bez mo eh."

After 5 minutes, ayan na sila. Nagbeso muna ang magfriendship.

"Sorry, natraffic kami. Eto kasing si Hon, ang pogi ngayon oh, tinalo ang bagal ko
sa pag-aayos. Hehe."

"Nice to meet you. Sean nga pala, friend ni Claire."

"Phoebe. The Bestfriend. Kamusta?"

"Okay lang."

"For a while ladies and gentlemen, C.R. lang ako." paalam ni Claire.

"Ako rin Bez."

"Nope Bez. D'yan lang kayo, kwentuhin mo si Hon. Hindi siguro magandang tingnan
kung pareho silang Kris Aquino. Alam mo na, boys talk, ang boring. Hehe." bulong ni
Claire.

"Haha. Okay sige Bez. Mamaya na 'ko."

"Haha. Talagang pinigilan pa kita. Sige Bez."

---------

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano pang pwede kong itanong. Naikwento na yata
ni Hon sa akin lahat ng tungkol sa inyo." sabi ni Lance, bf ni Claire.

"Napakadaldal kasi n'yang si Claire eh." sabi ni Sean.

"That's why, masarap s'yang kasama." sabi naman ni Phoebe.

"Ahh. Oo. Kaya nga siguro mahal na mahal ko rin s'ya." si Lance.

"Saan mo naman s'ya nakilala?" si Sean.

"Ahh. Napadaan lang ako sa Tamara n'on para magpaayos ng kotse sa San Juan. Then
nakita ko s'ya. Hiningi ko 'yung number. Noong una ayaw n'ya. Katagalan ng
pangungulit ko, pumayag din." paliwanag ni Lance.

(Phoebe)Parang familiar s'ya sa'kin.

"Hay. Nakakainis." nagmamadaling sabi ni Claire.

"Oh. Anong nangyari Bez?" nagtatakang tanong ni Phoebe.

"Let's go." naiinis na sagot ni Claire.

"Teka Hon. Bakit?" tanong ni Lance.

Umalis sila sa restaurant na 'yon at lumipat sa paboritong restau ng magBez.

"I'm really sorry for that. I saw Liam kanina. I hate him. Nakikipagbalikan s'ya
sa'kin. Ngayon pa talaga hah, hmp. Wala na 'kong feelings sa kanya. Naiinis na lang
ako kasi bakit kailangan n'yang mangulit." mainit ang ulong sabi ni Claire.

"Hayaan mo na Hon."

-----------

"Hi Miss." tawag ng isang lalaking nakasakay sa kotse.

Dedma si Phoebe. Sumunod pa rin si Kuya black car.

"Ahm. Itatanong ko lang kasi kung saan 'yung pinakamalapit na Autoshop dito,
nasiraan kasi 'tong kotse ko eh."
"Ahh, doon po. Sa pangalawang kanto mula rito." naiiritang sabi ni Phoebe.

"Ang sungit mo naman, saka hindi pa naman ako matanda para i'po' mo." sabi ni Kuya
Autoshop.

"Okay." inis pa ring sabi ni Phoebe.

"Miss, pwede ko bang makuha number mo? Baka kasi hindi ko makita 'yung Autoshop."
pilit ni Kuya Autoshop.

"Alam mo hindi ako makakasakay ng taxi sa ginagawa mo eh. Pumunta ka na lang, doon
ka na magtanong, may mata at bibig ka naman siguro I think." naglalakad na sabi ni
Phoebe habang sinasalubong yung taxing padaan.

"Sige pero pwede ko na lang ba tanungin kung anong pangalan mo?" pangungulit ulit
ni Kuya A.

"Nakakita ka na ba ng demonyo?"

"Hah?"

"Nasuntok ko s'ya kanina, 'wag mong hintayin."

(Sabay na nangyari 'to at 'yung meeting nila with Mr. Ballesteros, if you still
remember)

"Haha. Ang astig mo pala."

"Nagmamadali ako ano ba?!"

"Eh 'di makisakay ka na sa'kin, mamaya ko na lang ipapaayos 'yung kotse ko, hindi
naman urgent."

"Pwede ba. Sobrang badtrip na 'ko ngayong araw na 'to. 'Wag mo ng dagdagan, please
lang."

"Please, number?"

Bwisit talaga. Pabulong na sabi ni Phoebe sa sarili.

"Oh ito na. Baka naman pwede ka ng umalis, masasagasaan mo pa ko sa sobrang kulit
mo."

"Okay. Excited to know you more Ms. Sungit."

Ulol! Sabi ni Phoebe sa isip.

----------

"Bez? Bez?! Uy!" tanong ni Claire sa natulala at parang may inaalalang si Phoebe.

"PL!" pangalawang tawag ni Sean.


"Bez. Nakikinig ka ba? Ang dami na naming napagkukwentuhan oh." tanong ni Claire.

"Ahh, oo, may naalala lang ako. Gutom na 'ko. Order na tayo. Kayo talaga, dapat
umorder muna tayo bago nagkwentuhan." sagot ni Phoebe.

"Hello. Kanina ka pa namin tinatanong Bez, hay nako, absent minded."

"Wait lang hah. C.R. lang ako." nagmamadaling sabi ni Phoebe.

Pabalik-balik si Phoebe sa C.R.

"Hay. Hindi s'ya 'yon eh. S'ya nga ba 'yon. Parang hindi naman. Oo nga hindi.
Nakashades kasi eh. Pero parang s'ya. Bakit ba naman kasi naibigay ko pa 'yung
number ni Bez. Ahm. Hahanap pa 'ko ng signs. Okay. Lalabas na 'ko."

"Bez, ano bang nangyayari sa'yo hah?" si Claire.

"Ahh. Nakakahiya mang sabihin, ay teka mamaya na lang, nakain kayo eh."

"Okay, alam na namin. Haha. Ano ba kasing nakain mo kagabi Bez?"

"Ahmm."

"Sige na PL, kumain ka na rin. Inom ka na lang ng gamot." si Sean.

Maya-maya, natapos na silang kumain.

"Hon, Bezzy, Tamms, stroll naman tayo sa Enthusiast. Ngayon na lang ulit ako
makakapunta d'on, hay, roller coaster, ang saya kaya." alok ni Claire.

"Sige." mag-isang sagot ni Lance, habang si Sean naman, napapansin na ang


katahimikan ni Phoebe.

"Gusto ko sana na magkakasabay tayo kaya lang hindi pwede, we have two cars, so,
tara na." excited na sabi ni Claire.

"Tara." si Sean.

"OMG." gulat na sabi ni Phoebe sa isip.

Chapter 21

"Paano mo naman nasiguradong s'ya nga 'yon? Ang dami-daming itim na kotse sa
mundo." si Sean, habang nagdadrive.

"Eh kasi naman Chubb, ayon sa kwento n'ya, ang pagkakakilala n'ya raw kay Bez eh
nung magpapaayos s'ya ng kotse, 'di ba sabi n'ya kanina."

"Napakarami ring pwedeng magpaayos ng kotse sa Karzon (autoshop), baka naman iba
'yon."

"Hindi eh, medyo natandaan ko s'ya. 'Yung bibig at ngiti n'ya, parang s'ya talaga.
'Yung kotse n'ya, 'yun 'yon eh, may sticker na eagle pa nga 'yon."
"Okay, kung si Lance nga 'yon, anong problema? Baka naman hindi lang ikaw ang
napagtanungan nung lalaking 'yon, pwede namang si Bez mo rin."

"Sabagay. Pero paano kung ako lang?"

"Hindi mo na kasalanan 'yon. Ganoon naman ang type ng Bez mo eh, mukhang babaero't
basagulero."

"Pero kasalanan ko pa rin. Ganyan din naman ang naisip ko noong una, magugustuhan
n'ya rin si 'possible Kuya A' dahil ganoon 'yung type n'ya, hindi ko naman akalain
na magiging boyfriend n'ya agad agad."

"Kilala kita Phoebe, alam ko kung anong tototoong pinoproblema mo."

"Ha? Ano?"

"May gusto s'ya sa'yo. Tara na. Ayun na sila oh."

----------

CJ's POV

Pupunta kaya si Hokage? Baka naman hindi n'ya naintindihan 'yung sinabi ko. Hay.
Magkukunwari na lang akong napadaan lang kapag nakita n'ya ko r'on. Hindi ko rin
alam kung bakit bigla ko na lang s'ya inayang magdate. Ewan.

----------

"Bez! Tara na, dali na. Iconquer mo naman 'yang fear mo kahit minsan lang." pilit
ni Claire na gustong sumakay sa roller coaster.

"Ayoko Bez, alam mo namang hindi talaga ako sasakay d'yan, mamaya atakihin pa 'ko
sige ka."

"Hay, sige na nga, ikaw Hon? You want?"

"Hindi na Hon, malulain din ako eh." tanggi ni Lance.

"Hay nakoh, ang ki-KJ halika na Tamms, tayo na lang dali."

"Hah? Ah, sandali."

Natirang nakatayo ang nagkakailangang si Phoebe at Lance.

"May acrophobia ka rin pala?" si Lance.

"Wala. Wala ako n'on. Phobia siguro sa pagpatay meron." sagot ni Phoebe.

"Astig mo talaga."
"Mahal mo ba talaga ang kaibigan ko?"

"Oo naman. Bakit mo naman naitanong?"

"Baka kasi saktan mo lang s'ya eh."

"Bakit ko naman s'ya sasaktan?"

Hindi sumagot si Phoebe.

"Dahil tingin mo babaero ako? Na baka namumunterya lang ako ng estudyante sa school
n'yo? Don't worry, ikaw lang naman ang pinagtanungan ko n'on, hindi 'yon style na
bulok, nagandahan lang talaga ako sa'yo. Then nagustuhan ko rin 'yung personality
mo. Saka nagkataon lang talaga na magpapaayos ako ng kotse."

"And so?" tanong ni Phoebe na halatang naiinis.

"Hindi naman siguro kasalanang magandahan ako sa'yo 'di ba? Ikaw kasi eh, hindi pa
'yung number mo ang ibinigay mo, 'yung kaibigan mo tuloy ang naging..

"Can you just shut up." galit na sabi ni Phoebe.

Natahimik si Lance.

"Ikaw hah. Ramdam ko na hindi mo mahal ang kaibigan ko. Sabihin mo sa kanya ang
totoo."

"Hindi ba ikaw dapat ang magsabi sa kanya ng totoo? Kung hindi dahil sa'yo hindi ko
naman s'ya makikilala."

"Sige. Sasabihin ko sa kanya ang totoo, pero maging totoo ka rin."

"Okay..Ikaw ang mahal ko. Kahit anong gawin ko hindi ko s'ya magustuhan, araw-araw
na kaming magkasama pero ikaw lang ang nasa isip ko, para bang naiimagine ko ikaw
s'ya."

"Isang araw mo lang ako nakita, mahal agad? Mahal ka n'ya Lance. 'Wag mo namang
saktan 'yung kaibigan ko."

"Masyadong mabilis na naging kami. Sinamantala ko na lang 'yung pagkakataon dahil


mabilis s'yang nafall sa'kin, akala ko ikaw 'yung nagreply sa'kin noon, pero nung
magkita kami iba pala, si Claire pala. Simula n'on araw-araw na kitang inaabangan
sa labas ng Tamara, pero hindi kita makita-kita."

"Sorry pero hindi ko naman akalain na magiging ganito. Ayokong masaktan si Claire."

"Ako rin naman. Kaya nga hindi ko s'ya maiwan. Dahil na rin siguro 'pag iniwan ko
s'ya, mawawala ka na rin sa'kin."

"Lance hindi mo 'ko pag-aari. Hinding hindi kita magugustuhan. Boyfriend ka ng


kaibigan ko. Bukas, sasabihin ko na sa kanya ang totoo, ayoko na ng nagtatago sa
kanya."
"Bez! Whooah! Ang saya, nakakaiinis, bakit ba kasi hindi kayo sumama. Mamaya nga
pipila ulit ako dun eh. Haha." hinihingal na sabi ni Claire.

Sa pagkakataong 'yon, si Claire lang yata ang jollyng jolly.

"Ahm, talaga Hon? Pasensya ka na hah, hindi kita nasamahan. Hayaan mo, sasamahan
naman kita habambuhay." banat ni Lance na bahagyang sinasakal si Claire gamit ang
braso.

"Suss. Nakuh, anong oras na pala?" nagmamadaling tanong ni Claire.

Agad na chineck ni Phoebe ang cellphone n'ya para tignan kung anong oras na.

(Phoebe)Sino na naman ba 'tong number na 'to, hay.

"Ano na naman bang problema mo Bez at nakakunot ang noo mo?" si Claire.

"May tumawag na naman kasi sa'kin eh, number lang."

"Ayan, natawag na naman, sagutin mo na Bez."

"Hello?"

Toot toot toot toot

"Eh bangag pala 'to eh, naka-50 missed calls na, pinatayan pa 'ko."

"Ay, alam ko na, one of your suitors."

"Suitor?" si Lance.

Maya-maya, tumawag ulit ang misteryosong eklat.

"Hoy! Kung sino ka man, tig.."

Toot toot toot toot

"OMG, 4pm na pala. Late na late na 'ko. Sorry guys, kailangan ko palang umuwi, may
appointment pa ko with my cousins. Nalimutan ko palang sabihin kanina. Sorry. Hon,
tara na?"

"Ahh. Okay Hon. Tara."

"Bez, Tamms, mua mua." si Claire.

"Bye." simpleng paalam ni Lance.

"Sige pre." sagot ni Sean.


"Ah, Phoebe, bye.. ingat kayo." nahihayang sabi ni Lance.

"Ge." tango at ngiting plastic ni Phoebe.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na may lakad si Bez, pero okay na rin para
iwas dun sa bf n'yang may tama.

Pag-alis ni Claire at Lance..

"Ano? Tama ba 'ko? 'Yon ang naiisip mo kaya alalang alala ka lalo na nang maconfirm
mo na s'ya nga 'yon?"

"Oo na. Kanina, umamin s'ya sa'kin. Hayaan mo, bukas naman sasabihin ko na kay
Bez."
"Anong inamin n'ya sa'yo?"

Hindi na nasagot ni Phoebe ang tanong ni Sean dahil tumawag na naman ang
misteryosong ek ek.

"Hoy! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo hah. Nakakapikon ka na. Please, 'wag ka ng
tumawag kung hindi mo lang din naman ako kakausapin."

Sa kabilang linya..

"Sir CJ, sarado po 'yung Flora's (tindahan ng flowers), galing na rin po ako dun
sa..."

Chapter 22

"CJ?! Sabi ko na eh. Tignan mo nga naman talaga, kahit sa cellphone amoy na amoy
kita..."

Toot toot toot

"Bwisit, ang bastos talaga nitong kapatid mo. Nakilala ko na binabaan na naman
ako?" inis na sabi ni Phoebe.

"Bakit daw s'ya napatawag?"

Biglang naalala ni Phoebe ang sinabi ni CJ.

"..4pm, sa 4 square.."

"Chubb. Tara sa 4 square?"


"May bibilhin ka?"

"Wala, magdedate tayo. Di' ba hindi pa 'ko nakakabawi sa'yo."

"Okay."

Sean's POV

Ito na naman kami. Ang sweet na naman n'ya. Ang saya ko, pero ayokong umasa for the
nth time.

------------

"Ang ingay mo! Hay. Tsk." sabi ni CJ sa driver n'ya.

"Sorry Sir. Hindi ko naman po alam eh. Pasensya na po."

"Sinira mo 'yung plano ko eh."

"Para kanino po ba 'yan Sir?"

"Wala. Tara na nga. Kumain muna tayo."

-----------

"Nagugutom ka ba Chubb?"

"Ahm, hindi naman masyado, medyo naalog lang kasi 'yung bituka ko pagsakay sa
rides."

"Haha. Dito na tayo magdinner, saan mo gusto, treat ko."

"Nakakahiya naman. Ako ang lalaki, ako dapat ang nanlilibre."

"Okay lang 'yon, hindi naman tayo magjowa."

(Sean)Aray.

"Saka kahit boyfriend kita, pwede rin naman akong manlibre, mas mayaman ka nga lang
sa'kin pero pwede naman. Hahaha. Joke lang."

"Ikaw na bahala kung saan mo gusto, basta, ako ang manlilibre, 'wag ka ng kumontra,
nasa mood ako ngayon."

"Ganito na lang, ahmm. Chubb, tingin ka sa CR ng boys. Kung 'yung lalabas d'yan e
nakalight color, ako ang manlilibre, kung dark, ikaw, game?"

"Sige na nga.. Ahmmm, game na ba?"

"Oo..One, two, three... Go."


Ilang saglit pa.

"CJ?" gulat na sabi ni Sean.

Phoebe's POV

Akalain mong totoo pa lang makikipagdate 'tong si Luci. Nawala na ang focus namin
sa kung sino mang Poncio Pilatong lalabas sa C.R. dahil nga sa demonyong nakita ni
Chubb. Dumaan sila sa harap namin, kasama ang driver n'ya.

"Sir. Sila Sir Sean po oh." sabi ng driver ni CJ.

"Hah? Nasaan?" kinakabahang tanong ni CJ.

"Ayun po ohh." turo ng driver n'ya.

"CJ. Kanina pa kayo dito?" tanong ni Sean.

"Opo Sir Sean, kanina poughhh." nasikong sabi ng driver.

"Ahh. Kadarating lang namin. Naghahanap kami ng makakainan. Naisipan kong ipasyal
'tong si Manong Ben, masyado ng madaldal, baka gutom na." paliwanag ni CJ.

"Ahh. Opo Sir Sean. Kayo po ni Ms. Phoebe, kamusta ang date n'yo?" napahiyang sabi
ni Mang Ben.

"Ahh. Okay naman po. As a matter of fact, galing kaming Enthusiast kanina. Eh itong
si PL.." hindi na naituloy ni Sean ang sinasabi ng sumabat si Phoebe.

"Nagutom na po kasi ako kaya naisipan kong dito na lang kami kumain tutal ito naman
ang pinakamalapit na mall dito. No choice lang po talaga." aww, parang ang guilty
ko(Phoebe) pala 'don.

"Defensive?" sabi ni CJ na halata mong nang-aasar.

"Hindi. Bakit naman ako magiging defensive sa taong huli na, lumulusot pa?"

"Magkaaway po kayo Sir?" tanong ni Mang Ben.

"Mabuti pa, kumain na lang tayo." alok ni Sean.

"Hindi kami sasama sa inyo." pigil ni CJ.

"Pero Sir." si Mang Ben.

"Sasama ka sa kanila? Sige. Kaya ko namang umuwi."

"Sige na Mang Ben, sumama na po kayo sa kanya, baka umiyak 'yan, hindi n'yo
mapatahan. Tara na Chubb. Sige na po. Alis na kami." pagpapaalam ni Phoebe.

"Ay, sige po Ma'am. Ingat kayo."

Pag-alis nila Sean at Phoebe.


"Bakit kinakausap mo 'yon hah?"

"Eh kinausap po ako eh. Bagay sila no Sir?"

"Hayop sila."

"Bitter."

"May sinasabi ka?"

"Ahh wala Sir. Sabi ko better ka kay Sir Sean. Makakahanap ka rin ng para sa'yo."

"Akin na 'yung susi."

"Po?"

"Yung susi ng kotse akin na."

"Ahh. Ito po."

"Bahala ka ng pumili ng pagkain natin. Una na ko sa kotse."

"Eh teka Sir.. Sir.."

-----------

"Hello?"

"Ano, iba na naman ang number mo hah?" sagot ni Phoebe.

"Ah, si Lance 'to."

"Ahmm. Sorry, ikaw pala.Bakit?"

"Namiss lang kita."

"Nagsorry pa 'ko sa'yo, hmm.. Bye." inis na sabi ni Phoebe.

"Sandali lang. Di' ba sasabihin mo na kay Claire 'yung tungkol sa'tin."

"Walang tungkol sa'tin. May kailangan lang s'yang malaman para matauhan."

"I love you."

Toot toot toot

"Ahhm, PL, sino 'yon?" tanong ni Sean.

"Ahh. Si Lance."

----------
"Nak, ang ganda mo."

"Nay naman, 'di pa nasanay. Haha. Joke lang."

"Parang ang aga mo yata."

"Oo nay eh. May meeting kasi kami ngayong umaga. Late na nga po ako n'yan. Bye po."
sabi ni Phoebe matapos kumagat ng hotdog.

"Anak ingat ka hah."

"Parang ang seryoso mo naman Nay."

"Eh kasi Nak, alam mo naman ang panahon ngayon, nakakatakot na, 'di ba?"

"Nasa school naman po ako. Saka kasama ko naman si Kuya Ronald(driver) the time na
lalabas ako."

"Oh s'ya sige na Nak, lalo kang malelate n'yan."

"Sige po Nay, mua."

------------

"Phoebe."

"Lance? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"

"Hindi ko rin alam eh, baka kilala na 'ko ng guard. Ikaw lang mag-isa?"

"Actually may kasama dapat ako. I thought super late na pero ako pa pala ang
pinakamaaga. Nasaan pala si Bez, hindi mo ba kasama?" naiilang na tanong ni Phoebe.

"Ahh. Hindi ko alam kung nasaan s'ya eh."

"Pwede ka ng umalis, baka kasi dumating na 'yung mga kameeting ko."

"Ayaw mo bang samahan kita dito? Baka may ghost or something."

"Hindi na. I can manage."

(Phoebe)Ghost mo mukha mo. Ikaw ang nakakatakot.

"Phoebe..ahh, sorry hah."

"Baka mamisinterpret ni Bez kapag ako lang ang nagsabi." wala sa pinag-uusapang
sagot ni Phoebe.

"Sige, sasamahan kita. Gusto ko na ring matahimik eh. Gusto ko ng magpakatotoo."

(Phoebe)Ang tagal naman nila.

"After ba na masabi natin kay Claire, pwede na 'yung tayo naman?"


"Alam mo, pinagpapasensyahan lang kita, 'wag mong hintaying mapuno na talaga 'ko
sa'yo."

"Bakit? May problema ba sa'kin? Nagustuhan nga 'ko ng Bez mo eh, malabo ba na
magustuhan mo rin ako."

"Oo, mas malabo pa sa'yo." sabay alis sa conference room.

"Teka. Phoebe, saan ka pupunta?" si Lance, lakad takbong humahabol kay Phoebe.

"Kung saan wala ka."

"Wait. Phoebe!"

"Ano ba. Tigilan mo na 'ko. Hindi ko alam kung kakayanin ng kaibigan ko. 'Wag naman
ako Lance. Makaintindi ka naman."

"Ako ba, naiintindihan mo? Sarili mo lang iniisip mo. Hindi mo na 'ko inisip."

"Hah? Nababaliw ka na."

"Mahal na mahal kita Phoebe."

"Ano ba, nasasaktan ako. Lance!"

Phoebe's POV

Sobrang nanlilisik 'yung mga mata ni Lance, nakakatakot, parang mangangain. Naalala
ko tuloy 'yung paborito kong horror movie, hay. Isinandal n'ya ko sa pader, malayo
na sa conference room. Actually sa 3 taon ko dito, ngayon lang ako nakarating sa
part na 'to ng Tamara. Maya-maya, kumalma na s'ya. Nagkaroon na ko ng chance para
tumakbo.

Chapter 23

CJ's POV

Hindi ko yata nakita si Hokage ngayong araw na 'to. Malapit na ang sembreak kaya
siguro busy na 'yon.

Tingin sa'kin ng marami emo ako. Nakakatawa lang kasi naiimagine kong may bangs
ako. Haha.

Roof top ng Management Department Building - I can call it 'The Sanctuary of My


Life'. Ito ang pinakabago at pinakamataas na building sa lahat kaya ito ang napili
kong rest place. Ang fresh ng hangin, tahimik, at higit sa lahat, 'yung ako lang
ang pwedeng makapunta. I used to spend wholeday here, mas madalas pa kesa sa
magstay ako sa office. Lagi lang akong nakatingin sa malayo. Parang t*ng*ng umaasa
na matatanaw ko si Mommy.

(Phoebe)Nasaan na ba 'ko. Hay, nakakainis naman. Masasapok ko talaga 'tong Lance na


'to once na mahimasmasan s'ya eh, nakakatakot talaga s'ya. Hay.

"Ay!" sigaw ni Phoebe.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo. Anong ginagawa mo dito hah. Wala ka bang
klase?" tanong ni CJ na kabababa lang sa roof top.

"Ahh. Wala lang namamasyal lang. Wala akong klase." kinakabahan paring sagot ni
Phoebe.

CJ's POV

Nakakapagtaka lang na nasalubong ko si Hokage dito. She's too old for hide and
seek. Pumasok muna ako sa pinakamalapit na room mula sa roof top. Dito ko ginustong
mag-office noon kaya lang parang mas malungkot dito. Sobrang tahimik nga, pero wala
naman akong nakikitang iba kundi pader at iba pang mga office furniture at
supplies. Naupo muna ako at strange na naisipang magbukas ng drawer.

Nakita ko doon ang ilan sa mga pictures ni Mommy. Bago pa lang ako makucute-an sa
mga baby pictures ko ng biglang may narinig akong ingay. Sigaw ni Phoebe.

-----------

"Tinataguan mo ba 'ko hah?" si Lance na galit na galit pa rin, nakadrugs yata.


Haha.

"Hi-hindi."

"Sinong ipinagmamalaki mo, si Sean? Eh bakla naman 'yun eh. Hindi mo ba


nahahalata?"

"Sumosobra ka na hah."

"Talagang sumosobra na. Sobrang mahal na mahal kita."

"Nababaliw ka na. Tigilan mo na 'to."

"Baliw na baliw na 'ko sa'yo. Please mahalin mo naman ako."

"Lance hindi hinihiling ang pagmamahal."

"Lahat gagawin ko para sa'yo. Ako na lang." maiiyak na sabi ni Lance.

"Hindi Lance. Si Claire na lang."

"Phoebe."

(Phoebe)Lalo pa 'kong kinabahan ng niyakap n'ya ko ng mahigpit. Minute to win it


'tong siraulo na 'to eh, mahal na mahal agad ako eh wala pa yatang 24 hrs. kaming
nagkasama, to sum it up, mula n'ung nagkita kami sa Tamara.

"Lance, hindi ako makahinga. Ano ba. Tulong! Tulong!"


(Phoebe)I felt helpless that time. Feeling ko malabong marinig kami ng mga nasa
baba. Napakalayo na nito sa conference room o kung saan mang classroom. Hindi pa
kasi ginagamit 'yung mga classrooms na malapit dito. Para namang si Cardo 'tong
peste na 'to at nahanap ako. Hay.

"Lance anong ginagawa mo?"

"Naghuhubad, papatunayan 'ko sa'yo, mas better ako d'yan sa kaibigan mong may gusto
rin sa'yo."

"Bastos! Tulong!"

(P)Naiiyak na 'ko. Takbo lang ako ng takbo pero parang ang bagal pa rin, parang
hindi ako nakakaalis sa pwesto ko.

"Nagpapagod ka lang, maaabutan at maaabutan din kita. Dito ka lang kasi."

(Phoebe)Naabutan n'ya ko. Yumakap na naman s'ya habang pilit na lumalapit sa mukha
ko. Iyak ako ng iyak habang hinahampas ko lang s'ya. Parang ang hina-hina ko at ang
lakas-lakas n'ya, parang nakashabu nga ang linyada ni kuya, ganern.

"Hayup ka..ang sama mo."

"Anong masama sa ginagawa ko? Nagmahal lang ako. Nakukulangan ka pa ba hah?"

"Tama na!. Tulong!" habang humahagulhol.

"Ano pa bang gusto mong gawin ko hah? Ano pang kulang?!"

"Ito. Ito ang kulang."

Baaahggg!
Baaahggg!
Baaahggg!

Bili na kayong bag. Haha. Charot lang. Ayan na. Ang tunay na Cardo. Haha. Si CJ,
The Knight in Shining Shimering Splendid Armor ni Phoebe.:p

(Phoebe)Sa awa ng Diyos, wala naman s'yang nagawa sa'kin, pero sa totoo lang,
dinaig ko pa sa sakit ng katawan ang 100 na construction workers, mapigilan lang
ang manyakitong si Lance.

Matapos suntukin, sipain, at tadyakan ni CJ si Lance, agad na yumakap si Phoebe sa


tinatawag n'yang Luci.

"Salamat." habang humahagulhol.


(Phoebe)Narinig siguro ng mga guard ang nangyari kaya sinabi ng director na
puntahan na kami at dalhin si Lance sa baba at turuan ng leksyon. Doon na nga
nagsimula ang Alamat ng Pulis na naging Guard. Late daw kasi. Haha :p. Oo korni na.

Ang tagal ng hug. Napasarap yata si Phoebe, or should I say CJ, dahil napahawak na
s'ya sa ulo ni leading lady at patuloy itong kinocomfort.

Nang makababa na si Lance kasama ang guard, pinili ni CJ na isama muna si Phoebe sa
office na pinanggalingan n'ya kanina lang.

CJ's POV

Nakakahiya sa part n'ya kaya dito ko muna s'ya dinala. Sinabihan ko rin 'yung guard
na 'wag ipagsabi ang nangyari, para iwas sa tsismis at gulo. Hindi ko sinasadyang
nasobrahan sa torture 'yung lalaking 'yon pero parang gusto ko s'yang patayin.

"Magpaalam ka na lang kapag gusto mo ng bumaba." si CJ.

(CJ)May kwarto 'yung office ko dito. Kapag umuulan, natutulog na lang ako, natural,
mababasa ako sa roof top.

"Salamat ulit." mahinahong sabi ni Phoebe.

"Nagpapaligaw ka kasi sa manyakis eh, ayan."

"Hindi ko manliligaw 'yon."

"Wala naman akong pakialam kung sino s'ya sa buhay mo. Pipili ka na lang kasi ng
boyfriend, 'yun pang hindi ka kayang ipagtanggol."

CJ's POV

Tumuloy na 'ko sa kwarto. Napapaisip ako sa nangyari kay Phoebe. Gusto kong
tanungin kung nagalaw ba s'ya nung hayop na 'yon. Naiinis ako kung bakit sumasagi
sa isip ko 'yung pagkaconcern sa kanya. Hindi pa s'ya nagkakaboyfriend. Alam ko
namang scripted lang 'yung sa kanila ni Sean. Worst nightmare n'ya kung sakaling
may nangyari sa kanila ng manyakis na 'yon. Napapamura at nanggigigil ako sa hayop
na 'yon habang binubugbog ko s'ya. Hindi ko maamin sa sarili ko pero ramdam ko, may
iba, ayokong maramdaman 'yon, lalo na kay Phoebe.

"Aalis na 'ko." sabi ni Phoebe.

"Sige."

"Salamat ulit."

Niyakap ni Phoebe si CJ.


"Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating. Sobrang salamat."
nahimasmasang sabi ni Phoebe.

"Kahit sino naman gagawin 'yon."

-----------

"Mars, 'di ba si Lance 'yon?"

"Hah? Nasaan?"

"Ayun, bitbit ng guard."

"Lance.. Lance."

"Tara, sundan natin."

Nakita ng dalawa na dinala ng guard si Lance sa President's Office.

"Manong guard, bakit n'yo po dinala dito 'yung lalaking kasama n'yo kanina?" tanong
ni Lance, kasama si Claire na nag-aalala sa labas ng Pres. Office.

"Nang-rape po ng studyante 'yon. Hindi ko nga alam kung p'ano nakapasok. Hindi
naman po dito nag-aaral 'yung manyakis na 'yon. Napagalitan tuloy kami ni Sir CJ."
sabi ng guard na napakamot na lang sa nangyari.

"Si CJ? Alam n'ya 'yung nangyari?"

"Opo."

●︿● ●︿● ●︿● ●︿● ●︿● ●︿●


'Yung kinilig sa sariling storya. Haha.
@Nom_de_Plume03
Pafollow po sa mga may wattpad acct. d'yan.

Chapter 24

"Kilala mo ba kuya kung sinong biktima?" tanong ni Claire.

"Sorry po, hindi ko po pwedeng sabihin, bilin sa'kin ni Sir CJ 'wag ko pong
ipagsasabi."

"Okay lang Manong." sabi ni Claire na nag-aalala pa rin kay Lance.

----------

"Ahh. Samahan na kita." si CJ.

"No need." sagot ni Phoebe.


"Baka makatakas 'yung lalaking 'yon, kung ano na namang gawin sa'yo."

"Salamat sa concern pero..."

"Hindi ako concern. Naiinis lang ako sa manyak na 'yon."

"Okay. Sige."

-----------

"Teka, si PL pala. Hindi ko s'ya nakita maghapon." si Sean.

"Isasama n'ya dapat ako sa meeting nila eh. Nakailang tawag na rin ako. Nasaan
naman kaya 'yon." si Claire.

"May nabanggit ba s'ya sa'yo?"

"Nabanggit? Tungkol saan?"

"Kay Lance."

"Wala s'yang nabanggit."

Sandaling natigilan si Sean.

"Sean, mayroon ba 'kong hindi alam."

"Ahm.. Hindi dapat ako ang magsabi sa'yo Mars eh."

"I have a right to know."

"Baka magalit sa'kin si PL."

"Hindi naman porke't mahal mo si Bez at friend mo lang ako, s'ya ang kakampihan mo.
Ako ang nasa tama ngayon Tamms."

Napilit din ni Claire si Sean na sabihin ang totoo.

"My God. Hindi kaya si Bez 'yung..." si Claire.

"Tara, hanapin natin s'ya."

Natigilan ang dalawa ng masalubong si Phoebe na bumababa sa hagdan.

"Bez..?" si Claire na maiiyak.

"CJ.." si Sean.

"Bez...." si Phoebe na umiiyak din.

"Bez..Sshhhh.. It's all my fault." sabi ni Claire habang umiiyak at pilit


pinatatahan ang kaibigan.

Matapos mag-iyakan ang magkaibigan...

"CJ, salamat." sabi ni Sean bago umalis ang kapatid.

As usual, napatigil lang si CJ, at tumuloy na pag-alis.

---------

Linggo, walang pasok kaya pumunta si Claire sa bahay ng kaibigan.

"Bez?.. Bez?? Gising na." pangugulit ni Claire na dumeretcho na after buksan ng


maid nila 'yung kwarto ni Phoebe.

"Bez, ang aga mo namaaann, inaantok pa 'kohhh." si Phoebe na antok na antok pa.

"Hah? 1pm na kaya bez, exage sa aga hah."

"Alam mo namang hindi ako makatulog."

"Sige na, bumangon ka na."

"Ang sakit ng ulo ko."

"Lalo sasakit ulo mo, hay. Uuwi na 'ko."

"Ang corny mo naman Bez eh."

"Tsk. Wake up na kasi, dali na, may dala akong cake."

"Hah? Anong flavor?"

"Ayon. Ayon ang katapat. Nadala sa pasalubong. Galing Bez. Husay."

"Hay oo na, ito na nga oh, babangon na."

"Ang ganda mo pa rin pala talaga kahit bagong gising ano?"

"Ay, nagsuklay lang gumanda na?"

"Kaya siguro ikaw 'yung mas ginusto ni Lance eh."

"Ay nako hah. 'Wag mo ngang mabanggit banggit 'yang boyfriend mo.. Ahh ex pala."

"Wala pa naman kaming closure, pero a big no need na, mapapatay ko lang kapag
nakita ko s'ya ulit."

"Kahit ako Bez, hindi ako makatulog dahil 'don, ilang araw siguro akong ganito."

"Sorry Bez."

"Wala kang kasalanan Bez, kung hindi.." hindi na naituloy ni Phoebe ng sumabat si
Claire.
"Hmm. Alam ko na. Nasabi na ni Sean....The day before yesterday, nagkaaway kami ni
Lance, sabi n'ya makikipagbreak na raw s'ya sa'kin. Hindi ako pumayag. After n'on,
hindi ko na s'ya nacontact. Magdamag ko s'yang tinawagan pero parang...ewan ko,
patay yata 'yung cellphone n'ya or what. Nacontact ko na lang s'ya noong ibang
number ang ginamit ko, then d'un ko na sinabi na gusto n'yo s'yang makilala."
naiiyak na paliwanag ni Claire.

"Bakit daw s'ya makikipagbreak?"

"Nasasakal na raw s'ya. Hindi ko naikukwento sa'yo 'yung mga gan'ong part ng
relationship namin, lagi na lang 'yung happy kami. Hindi naman ako manhid, t*ng*
lang talaga ako, alam kong hindi n'ya ko mahal."

"Don't blame yourself Bez. S'ya ang t*ng*. Ano pa bang gusto n'ya."

"Ikaw ang gusto n'ya. Ramdam ko 'yon Bez, nung nagdouble date tayo. Nahuhuli ko
s'ya, nakatitig lang sa'yo. Wala naman talaga 'kong appointment n'on eh, naisipan
ko ka na lang na umuwi agad kasi ayaw ko madamay ka sa galit ko. Napupuno na kasi
ako."

"Hay, 'wag na nga natin s'yang pag-usapan. Let's forget about him. Tara na, labas
na tayo ng kwarto."

-----------

"Saan ka pupunta?" tanong ni CJ na kagigising lang.

"Kila Phoebe. Kakamustahin ko lang. Ahmm. Sige."

Pag-alis ni Sean..

"Oh anak, kain ka na, alam kong gutom na gutom ka, hindi ka na kumain kagabi."

"Manang, ipagbake mo naman ako ng cake."

"Aba teka anak, kailan ka pa nahilig sa cake?"

"May pagbibigyan lang po ako."

"Nak, parang puyat ka, anong meron?"

"Wala po. Insomnia lang."

"Eh kanino mo ibibigay 'yang cake?"

"Sa kaibigan ko po."

"Sinong kaibigan?"

"Manang naman eh. Sige na po." sabay yakap sa likuran ng itinuturing nang nanay.

"Oh s'ya sige na, ipagbebake kita kahit naglilihim ka na sa akin. Sino nga ba naman
ako, eh yaya mo lang naman ako ng 22 years."
"Manang naman eh. Sikreto muna ngayon. Sasabihin ko na lang kapag sure na ko sa
feelings ko sa kanya."

"Ayyyy. Kinikilig ako. Haha." mahinang sigaw ni Manang na tumiteenager ang peg.

Napangiti lang si CJ.

"Akala mo naman wala akong ideya kung sinong pagbibigyan mo nito no. Gusto ko lang
marinig mula sa'yo kung sino 'yang espesyal na babaeng nanjan (sabay turo sa
kaliwang dibdib ni CJ)."

"Ang drama mo Manang. Haha."

-----------

"Nak, may isa ka pang cake oh." sabi ng Nay ni Phoebe.

"Chubb."si Phoebe.

"Hmm. Ang aga ng ligaw." si Claire.

"Pag may dalang cake ligaw agad?..Okay ka na Phoebe?"

"Seryoso? Buong pangalan eh." si Claire.

"Bagay kayo." pang-aasar ni Phoebe.

"Yuckk." si Claire.

"Ang arte. Ganda." sabi naman ni Sean.

"Oy Bez, ang gwapo kaya nitong Chubb ko. No Chubb? Ang cute cute mooo, hmmm (pisil
ang pisngi ni Sean). Magpataba ka na lang ulit, para may kama ako dali."

Napapatawa si Sean. Pabebe style, ganern.

"I-obvious mo paaahh, sige." pang-aasar ni Claire kay Sean.

-----------

"Manang." tawag ni CJ.

"Ay kabayo."

"Nakita mo ba 'yung shoes na isinuot ko n'ung isang araw?"

"Ahmm.. Baka nand'yan sa drawer mo nak."

"Nang, anong ginagawa mo d'yan?"

"Wala nak, ahh.. hinahanap ko 'yung kwan, 'yung belt mo 'di ba? Baka kako 'di mo
makita sa drawer mo... Oh, ito nga, sabi sa'yo eh. Sige na, magbihis ka na,
inaabangan ka na ng manliligaw mo."

Napailing na lang si CJ.

-----------

"Hmmm. Ang sarap naman, alam mo Bez, medyo naggegain na naman ako ng timbang ngayon
kakakain ng cake. Ang sarap kasi." ngumunguyang sabi ni Phoebe.

"Okay lang 'yan Bez, medyo bawiin mo lang sa exercise."

"Bumawi naman sa itsura, no PL?" si Sean.

"Haha. 'Yan ang gusto ko sa'yo Chubb."

"Sige, magbolahan na lang kayo forever." pang-aasar ni Claire.

"Bakit Bez, wala ba kayong balak magseryosohan (ni Sean)?" si Phoebe na tumingin
din kay Sean.

"Bakit kay Tamms bola, sa'kin asar." si Claire.

"Hehe. Kasi love kita. Love na love kita Bez. Salamat dahil kahit nagsecret ako
sa'yo natanggap mo pa rin ako." si Phoebe na hinug ang kaibigan.

Chapter 25

"Eee. Ang drama. Ayoko ng ganyan, naiiyak ako. Haha...By the way Bezzie, sino nga
palang nagligtas sa'yo kahapon?"

"Hah? Ahmm. Si.."

"Nak?? May isa ka pang bisita."

(Narrator)Oo, alam kong alam n'yo na kung sino. Si Lance, charot. Si CJ. Hehe.

"Ahm. Pinabibigay ni Manang. Para sumaya ka naman daw." sabi ng bagong dating.

"Talaga? Sabihin mo salamat. Thank you din sa pagpunta mo para ibigay 'to."

"Para namang gusto mo ng paalisin si babyboy." bulong ni Claire sa kaibigan.

"Hindi naman. Nagthank you lang 'to naman." sagot ni Phoebe.

"Maupo ka. Akala ko hindi makakapagluto si Manang kaya bumili ako ng cake para kay
Phoebe. Pupunta ka rin pala rito. Salamat sa concern sa girlfriend ko."

"Pooohhppppp." (naubo sa pagkakasamid si Claire).

"Ahh. Pinaabot lang talaga ni Manang 'yan. Alam mo naman si Manang. Nakakahiyang
tanggihan dahil may sakit."
"Ganun ba? Kailan pwedeng bumisita kay Manang?" nag-aalalang tanong ni Phoebe.

"Okay na s'ya ngayon PL. Mga tatlong araw s'yang may trangkaso. Para ngang
pumapayat na 'ko lalo eh, 'di ba gusto mo tumaba ulit ako?"

"Hay nako, lumala lalo." si Claire.

"Bez?"

"Hmm. Oh sino na nga 'yung savior mo?"

"Ahmm. Wait, I'll just get some plate for these mouth watering stuff. Haha. Ang
daming cake." patakas na sabi ni Phoebe.

Sa kusina..

"Hello?"

"Ahm.. Hello..Who's this?" si Phoebe.

"Ms. Phoebe, si Manang ito."

"Manang? Kamusta po?"

"Eto, kagagaling lang sa sakit pero ayos na naman ako. Ikaw?"

"Okay lang din po. Salamat nga po pala sa cake na pinadala n'yo kay CJ hah. Sobra
pong naappreciate ko."

"Sinasabi ko na nga ba."

"Ano po 'yon?"

"Ahh. Ibig kong sabihin e.. sabi ko nga kay CJ, dalhan ka kamo ng paborito mo. Buti
magkasundo na kayo."

"Oo nga po. S'ya po hindi ko alam kung okay na sa kanya."

"Alin ba, 'yung kayo?"

"Po?"

"Haha. Sige na Ma'am. Nangamusta lang talaga ako. Salamat. Punta ka rito sa bahay
'pag may panahon ka."

33

"Sure Manang. Take care po para hindi na kayo magkasakit ulit. Bye po."

"Ba-bye."

-----------

"Bakit ang tagal mo?" si CJ, nakasalubong si Phoebe na pabalik na sa living room.
"Tumawag kasi si Manang. Sa'n ka pupunta?"

"Si Manang?"

(CJ)Hindi na 'ko nagtanong pa ulit, baka magtanong pa s'ya tungkol d'un sa cake.

"Ahm, sa C.R. ako pupunta."

"Papunta 'yan sa kwarto ko. 'dun sa kanan ang C.R."

Pagtalikod ni Phoebe..

"Aalis na rin ako. Dinala ko lang talaga 'yung cake."

"Ahhmm. Gan'on ba. Ikaw bahala." si Phoebe.

Papunta na si CJ sa C.R. nang..

"..pero ayaw mo ba munang tikman 'yung cake na gawa ni Manang. Saka gusto ko ring
magkaayos tayo."

"Hindi ba tayo okay?"

"Ahmm. Okay ba tayo?"

"Okay naman tayo ahh."

"Eh 'di ba, dati. Alam mo na, medyo..nag-aaway tayo, gan'on."

"Wala 'yon...Lambingan lang 'yon."

"Haha. Marunong ka na palang maggay lingo ngayon."

"Hah?"

"Sige na. Tumambling ka muna kahit 1 hour lang." si Phoebe na bumalik na sa living
room."

CJ's POV

Ang weird n'ya. Ano bang sinasabi n'yang tumambling. Ang babaeng to, manhid na,
bingi pa. Pero mas weird pa rin 'tong nararamdaman ko. 'Pag kausap ko s'ya naiilang
ako, hindi katulad dati na kayang kaya ko s'yang asar asarin nang wala lang. Ang
isa pang tanong, bakit nandito 'ko.

"Ingat kayo hah. I love you all. Salamat sa pagbisita sa 'kin."

"Hmmm. Hahahaha." si Claire.

"Alam mo Bez para kang sira, kanina ka pa. Hindi ka na naman nakainom ng gamot mo."
si Phoebe.

"Sino..ang pipiliin ko..lala lala lala lala." pang-aasar ni Claire.

"Ano ba. Nakakahiya, tumigil ka na ano ba." bulong ni Phoebe.

"Ahm, sige na. Bye. Mua. Mua." si Phoebe kay Claire.

"Thank you Bez. Miss you Bez." si Claire.

"Chubb. Ingat kayo hah. Mua." si Phoebe kay Sean.

"Ayan, s'ya naman ngayon." si Claire.

"Anu ba Bez. Abno ka na naman."

"Sige na, quiet na nga."

"Ahh..CJ. Salamat." si Phoebe.

"Ehemm." si Claire na pang-asar na tumingin kay Sean.

Tumango lang si CJ.

---------

"Bez." si Claire

"Bez. Kanina ka pa?"

"Oo, late 'yung prof. namin. Beeezzz! Naalala ko 'yung kahapon. Kabog! Nagsabay pa
sa pagkocourt ang mga suitorness hah. Haha."

"Suitor? Hmm."

"Alam mo, amoy ko na 'yan si CJ,nagpaparamdam na eh. Awww. Nakakainggit. Pangarap


ko s'ya Bez, bakit ikaw ang umabot. Haha." sabi ni Claire habang inuuga ang braso
ni Phoebe."

"Hindi naman ligaw 'yung kahapon. Si Manang ang nagpabigay ng cake sa kanya.
Syempre hindi naman n'ya matatanggihan si Manang noh."

"Ay basta. Nasesense ko, he's falling for you. Oh my God. I will wait for a few
months pa siguro to confirm that. Ahaha. Sige na Bez, para hindi mo na ko makontra
aalis na 'ko. Haha. Bye."

"Gan'on. Hindi ako binigyan ng chance para magexplain?"

"Hindi explain ang tawag 'don, complaint. Haha. Joke lang, nanjan na si Prof. Bye
mua."

-----------

"Phoebe." humahabol na tawag ni CJ.


"Oh Luci, ah este CJ pala. (ano ba 'yan) Bakit?"

"Ohh." si CJ habang inaabot ang rose na dala.

"(Oh ehm) Ano 'yan.?"

"Rose."

"Alam kong rose 'yan. Bakit?"

"Ahhmm."

Tumaas lang ang dalawang kilay ni Phoebe na naghihintay ng sagot sa kausap.

"Ahhh. Pinabibigay niiii.. ni Sean."

"Wow. Salamat. Close na pala kayo ngayon."


"Sige."

"Ahh. Salamat ulit dito."

Phoebe's POV

Ang weird n'ya these past few days, para tuloy may angel at devil side ako na nag-
uusap sa utak ko.

Devil: Pinaglalaruan ka lang n'ya.

Angel: Bakit naman n'ya gagawin 'yon eh iniligtas ka nga n'ya kay Lance. Mabait na
s'ya ngayon.

Devil: Malay mo kasabwat n'ya si Lance. Pinapaasa ka lang n'yan. Kapag nafall ka,
saka ka iiwan n'yan tignan mo.

Angel: Give him a chance. Malay mo seryoso s'ya, eh 'di sayang naman.

Devil: Hindi s'ya sayang kung lolokohin ka lang n'ya.

Angel or devil? Or should I say puso o isip? Hay. Bakit ko ba iniisip 'to. Napaka
assuming ko naman. Hindi dapat ako nagoover think at nagbibigay ng meaning sa mga
actions n'ya. 'Di ba nga sabi n'ya si Sean ang nagpapabigay. Pero hindi naman
siguro para ipaabot n'ya 'yun kay CJ. Imposible. Hay.

-----------

"Oy. Kanina ka pa pabalik balik d'yan ah." si Neil, isa sa mga kaibigan ni CJ.

"Umalis na nga kayo, bakit ba kayo nandito?" si CJ.

"Chill lang bro. Bakit ba ang init ng ulo?" sabi naman ng isa pa n'yang kaibigan.
"Eh kanina n'yo pa ko pinagtatawanan eh."

"Eh ano ba kasing iniisip mo hah?" si Neil.

-----------

"PL." si Sean.

Si Phoebe, dire-direcho lang paglakad.

"PL! Uy!"

"PL!" pangatlong tawag ni Sean.

Chapter 26

Napalingon na si Phoebe.

"Uy. Saan ka nakatingin?"

"Ahm. Sorry Chubb ahh. Kanina mo pa ba ko tinatawag?"

"Oo. May problema ka ba?"

"Ehh kasi 'tong kapatid mo, binigyan ako ng flowers, how come 'di ba?, at ang sabi
pa n'ya, sa'yo raw nanggaling?"

"Ahh, oo. Sa'kin nga galing 'yan?"

"Really? Close na kayo?"

"Ahm. Gusto ko kasing ahh magkasundo na talaga kayong dalawa, ayon, sinabi ko na
lang sa kanya na bigyan ka ng flowers." napalunok na sabi ni Sean.

"Ganun ba? Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Parang okay na naman kami."

"Nagustuhan mo ba 'yung flowers?"

"In fairness. Ganda, fushia pink, favorite ko 'to. Lagay ko sa kwarto ko mamaya
para mareminisce ko 'yung mga pag-aaway namin. Haha. Joke."

"Alam kong paborito mo 'yan eh."

"Salamat Chubb hah."

"Yun lang ba ang problema mo?"

"Oo."

"Eh bakit tulala ka?"

"Tulala?"
"Oo, nakailang tawag nga ako sa'yo."

"Wala. There's no big deal. D'yan ka na nga. Magpapasign pa ko ng position paper."

"Kay CJ?"

"Ahm. Actually sa kanya din."

"Phoebe, nakapagpasign ka na ba kay Sir CJ?" tanong ng classmate ni Phoebe.

"Di pa nga e. Sa kanya na lang 'yung walang pirma."

"Ako rin kasi eh. Tulungan mo naman ako oh, 'di ba close kayo?"

"Ay, hindi kami close, 'yung kapatid n'ya ang kaibigan ko. Sige, akin na 'yan,
magpapatulong ako kay Sean hah?"

"Nakuh, salamat hah."

-----------

"Hello Chubb?"

"Oh bakit PL?"

"Ahm. Magpapatulong sana ako sa'yo."

"Tungkol saan?"

"Nasaan ka ba?"

"On the way na 'ko papuntang bahay."

"Uuwi ka na?"

"May babalikan lang akong requirements."

"Sige Chubb. Ingat ka hah. Hintayin na lang kita pagbalik mo. Bye."

------------

"Awww. Nakakakilig. Sobrang gwapo talaga ni Sir noh. Sana lagi na lang magsembreak
para matitigan ko s'ya. Eeee." sabi ng pabebeng nagpapirma siguro kay Luci.

Hay ewan ko. Parang naiinis na naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

"Kamusta term paper mo?" si Luci.

"Ahhh. Marami pang walang pirma eh."

Napangiti na parang nang-aasar, sabay diretso ng lakad.


"Pinagtatawanan mo ba 'ko?"

"Hindi. Bakit naman? May nakakatawa ba?"

"Wala. Baka nababaliw ka lang."

"Nahihiya ka ba kaya hindi ka makapagpasign sa'kin?"

"Bakit naman ako mahihiya sa'yo? Friends na tayo 'di ba?"

Ouch. Friends daw. Forever enemy yata. Ngiting pang-asar na naman at as usual, walk
out ang aura n'ya.

Ang totoo n'yan, nahihiya talaga 'ko. Parang feeling ko gagawin na naman n'yang way
'yon para utu-utuin na naman ako. Hay.

-----------

"PL. Wala sa bahay si CJ."

"Oo. Nandun s'ya sa office n'ya kanina."

"Oh. Nagpapirma ka na?"

"Hindi pa."

"Hah?"

"Eh, ipapabigay ko sana sa'yo."

"Okay. Hindi kita nagets kanina. Akala ko ang nasa isip mo nasa bahay s'ya."

"Please? Tulungan mo naman ako. Baka kasi pagtripan na naman ako ng kapatid mo eh."

"Anong trip?"

"Baka may dapat na naman akong gawin para lang pirmahan n'ya. 'Yung mga gan'un ba.
Kilala mo naman s'ya 'di ba."

"Eh hindi na naman kayo tulad ng dati ah."

"Kahit na. Please?"

"Oo na PL. Wala namang problema eh."

"Salamat. I love you. Hmm." hug sa kaibigan.

"Ahh. Sige na PL hah. Baka maiwan 'tong requirements ko."

"Sige. Thanks hah."

----------
"CJ."

"Oh."

"Ahh. Magpapasign lang ako."

"Hindi mo na naman kailangang magpapirma ah."

"Ahm. May nakiusap lang sa'kin."

"Sige. Ipatong mo d'yan." sabi ni CJ na katatapos lang magshower.

CJ's POV

Sabi ko na nga ba eh, kay Phoebe 'tong papipirmahan n'ya. Nakablank lang pero may
bura 'yung part ng clearance kung saan isusulat 'yung student's name.
Nakacorrection tape kaya sininag ko kung anong nakasulat. Hmmmm. Letterrr P. Ahaha.
Talagang binura mo pa hah. Akala ko ba matalino ka. 'Di mo pa ginaling galingan ang
diskarte mo.

------------

"Sean! Kamusta? Napapirmahan mo ba?"

"Ahh. Ito oh."

"Salamat hah. The best ka talaga." habang binubuksan 'yung folder na nakatape pa.

"Chubb?"

"Bakit."

"Samahan mo 'ko."

"Saan?"

"Sa kapatid mo."

"Bakit?"

"Walang pirma ohh."

Hindi na nakapagsalita si Sean at napatingin na lang sa kaibigan.

"Sasama ka ba?"

"PL sa'n ka pupunta?"

"Kay Luci sa'n pa ba?"

"Relax lang, baka nalimutan n'ya lang pirmahan tapos napabigay lang agad sa'kin."
si Sean habang umaakyat ng hagdan, kasunod ni Phoebe.

"Hindi eh. Sinasadya n'ya eh. Ayan oh, may pirma si Hannah (classmate n'ya)." galit
na sabi ni Phoebe.

"Eh teka, bakit dito tayo pupunta?"

Biglang huminahon si Phoebe.

Nagring ang phone ni Sean.

"Hello Earl...oo...hah?, bakit daw?...sige sige, pupunta na 'ko...Ahh. PL. Tungkol


kasi sa sinubmit kong requirements, may problema kasi eh."

"Okay lang Chubb. I can handle this."

"Sure?"

"Oo. Sige na, mamaya after nito tawagan kita."

"Sige hah."

Maya-maya nakarating na rin si Phoebe sa office ni Sean, malapit sa roof top.

Knock knock!

"Anong kailangan mo?"

"Ano 'to?" si Phoebe habang pinapakita ang papel na hindi pinirmahan ng kausap.

"Sinadya ko 'yan."

"Alam ko."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Pirmahan mo."

"Huhh. Boss? Sige na, sinasayang mo ang oras ko." si CJ na isasara na ang pinto.

"Teka nga teka. Anu ba, bakit ba hindi mo 'to pinirmahan?"

"Wala lang."

"CJ naman. Kung galit ka sa'kin, 'wag ka namang mamersonal. Kailangan ko 'to, 'wag
naman 'yung pag-aaral ko."

"Makakalabas ka na." sabay sara ng pinto.

"Ano? Gan'on na lang sa'yo? Ano bang problema sa'kin hah? ..Dahil ba sinasagot-
sagot lang kita kahit alam ko naman na ikaw ang mali?..Dahil ba mas kinakampihan ko
'yung kapatid mo kesa sa'yo? Ano? Oo na. Wala na 'kong galang sa'yo. Sabihin mo
lang. Bukas na bukas din magtatransfer na 'ko." si Phoebe na napapaluha na habang
sumisigaw sa harap ng pinto.
Maya-maya, lumabas na rin si CJ.

"Akin na. Pipirmahan ko na."

"Hindi CJ. Hindi na. Meron akong ibang papipirmahan sa'yo. Hintayin mo bukas."
sabay walkout.

"Phoebe."

"Ano, pagtatawanan mo 'ko?"

"Sorry."

Chapter 27

CJ's POV

Ang t*ng* mo CJ. Ang laki mong t*ng*. Bakit mo ginawa 'yon? Hmmmmmp! Mabubutas ko
yata 'tong lamesa sa sobrang lakas ng pagkakahampas ko.

"Bez. 'Wag ka ng umiyak. Tama na ohh."

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo PL?"

"Hindi pa." si Phoebe na sinisinok habang umiiyak.

"Hay nakuh naman. Bez, 'wag mo naman kaming iwan dito. Besides, magsesembreak na
oh. Magkukumpleto na lang tayo ng requirements for this sem tapos aalis ka pa."

"PL, baka naman nabigla ka lang."

"Hindi. Aalis na 'ko."

"Holoh, kasasabi mo lang na hindi ka sure sa decision mo, anu ba 'yun."

"Kasi naman Bez ee." si Phoebe na natatawa na habang umiiyak."

"Gusto mo bang kausapin ko si CJ?"

"Wow. Close na kayo ngayon?" si Claire.

"No need Chubb. Okay na 'ko. Tanggap ko naman na wala talaga akong galang sa kanya.
Basta nasabi ko na kay CJ 'yung mga gusto kong sabihin. Okay na 'yun. Hindi ko na
pati s'ya maintindihan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, lalo na nung
iniligtas n'ya ko, tapos ngayon, ganyan na naman s'ya sa'kin."

"Sorry Phoebe. I didn't mean that." si CJ na kanina pa nakikinig sa kanila.

"You heard us?" si Claire.

"Okay na 'ko CJ. Pasensya na rin. Um-oa yata ako." si Phoebe na hindi pa rin
maganda ang timpla pero pinipilit maging okay.

"Kasalanan ko. Binastos kita."


"Binastos?" si Claire.

"Uy, ang chismosa mo." bulong ni Sean.

"Sinaraduhan ko s'ya ng pinto. Hindi ko sinasadya. Nabigla ako."

"Tara na guys." aya ni Phoebe.

"Galit ka pa rin?" si CJ.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi ako okay.

"Please. Gusto kitang makausap."

"Ahh. CJ. May aasikasuhin pa 'ko eh."

"Hindi mo naman kailangang umalis."

Claire's POV

Oh my Gahhddd. Ako 'yung kinikilig para kay Bez. Pero hindi ko alam kung kinikilig
din s'ya. Gohhsshh, sobrang gwapo n'ya talaga. Buti kinakaya ni Bez makipagtitigan
sa kanya. Hay. Dapat pala inaaway ko na lang din s'ya para natitigan n'ya ko.
Ahaha. Lol.

Sean's POV

Nagseselos ako, sobrang selos na selos. Pero hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa


rin ang pagsisinungaling ko kay Phoebe. By this time parang gusto ko na s'yang
ipagdamot, pero wala naman akong karapatan.

"Pwede n'yo ba kaming iwan muna?" si CJ.

"Hindi na. Aalis na kami."

"No Phoebe please. I insist."

"Sige na Bez. Sunod ka na lang hah."

"Tawag ka PL."

----------

"Bakit mo 'ko dinala dito(sa office ni Sean, malapit sa rooftop)." si Phoebe.

"Sorry talaga. Ayokong umalis ka."

"Bakit?.. I mean bakit mo kasi isinara. Nagpapapirma lang naman ako."

"Inaasar lang naman kita."


"Grabe naman 'yung pang-aasar mo. Naiyak ako d'on."

"Hindi ka na ba aalis? Galit ka pa ba?"

"Hindi na. Nabigla lang din naman ako. Saka nafeel ko na sincere ka. Ngayon ko lang
naramdaman 'yon. Haha."

"Hmm(tipid na ngiti). Hindi ko lang naman pinirmahan agad kasi gusto kong ikaw
'yung lumapit sa'kin. 'Yun bang hihingi ng tulong sa'kin."

"Ah gan'on. Gusto mong magkaroon ako ng utang na loob sa'yo?"

"Hindi gan'on."

"Ang labo mo. Seryoso. May gagawin pa talaga 'ko. Dahil late mo pinirmahan 'yung
clearance ko, mahahagard ako n'yan. Hay. Sige na."

"Wait lang."

Napahawak si CJ sa kamay ni Phoebe.

"Ahh. Sorry." nahihiyang sabi ni CJ.

"Bababa na 'ko."

"Ako rin. Sabay na tayo?"

"Teka, nilalagnat ka ba?" si Phoebe sabay kapa sa leeg at noo ni CJ. Nang
mapatingin sila sa salamin na nasa harapan.

Aww. Ang sweet.

"Sige na. Alis na nga ako, totoo na 'to."

"Dito ka muna. Ako ng bahala sa mga requirements mo. Ohh. Gusto mo bang manuod ng
movie?"

"Bumabawi ka ba sa'kin dahil naguilty ka?"

"Hindi ah. Gusto ko lang may assistant dito. Haha

"Ahh gan'on. Hmm." si Phoebe na biglang napapisil sa ilong ni Sean, este ni CJ


pala. Haha.

"Aaa. Sorry. Kamukha mo kasi 'yung kapatid mo eh. Akala ko ikaw." si Phoebe ulit.

"Kanina pa tayo dito 'yung kapatid ko ang naiisip mo?"

"Hmm. Pwede ba tayo maging friends?"

"Tapos magiging tayo? Haha."

"Sira. Ayoko lang kasi ng may kaaway. Parang ang hirap."

"Para lang naman akong may kaaway na five years old kapag kaaway kita eh."
"Ewan ko sa'yo lolo."

"Lolo pala hah. Wala ka talagang galang."

"Haha. Sa'yo lang."

"Speaking of lolo. May lolo ka pa ba?" seryosong tanong ni CJ.

"Ahm. Wala."

"Tsk."

"Wala na 'kong lolo. Nasa heaven na silang lahat. Si Nanay Imee na ang nagpalaki
sa'kin 'di ba? Nasabi ko na sa'yo 'yun dati. Paulit-ulit?

"Ewan ko ba naman sa'yo. Ang tanong ko lang ay kung may lolo ka. Kung saan-saan ka
na pumunta."

"Uy. Hindi nga. Bababa na 'ko. Marami pa 'kong gagawin."

"Sige na po. Ingat ka."

"Haha. Ingat agad, bababa lang ng hagdan?"

"Baka masalubong mo 'yung rapist d'yan. Haha."

Biglang natahimik si Phoebe.

"Sorry Phoebe."

"Ahh haha. Wala 'yon. Sige bye. May mumo dito."

"Sige. Manunuod kami ng movie."

"Baliw."

"Phoebe."

"Oh?" sagot ni Phoebe na nakahawak na sa door knob.

"Ahh. Hatid na kita?"

"Ang kulit mo. Bumabawi ka sa'kin no? Siguro napaginipan mo si Kamatayan, sinusundo
ka na kaya naisipan mong magbago na. Haha."

"Ahmm. Demonyo talaga tingin mo sa'kin no?"

"Medyo. Haha. Sige na. Parang ayaw mo 'kong paalisin kanina pa nga ako paalis
lolo."

"Phoebe."

"Ay. What? Baka gusto mong mag-away na naman?"

"Bakit iba 'yung ngiti mo?"

"Hah?"
"Kinikilig ka eh. Nagbablush ka."

"Siraulo. Sige na."

"Phoebe."

Di na lumingon si Phoebe at lumabas na ng pinto.

"Phoebe." habol ni CJ sa kausap.

"Anu ba? Alam mo ang kulit mo. Pasalamat ka bati na tayo, nangungulit ka pa."

"Ayaw mo talagang magpahatid?"

"Babatuhin kita d'yan ta'mo. Haha. Ay. Alam ko na, takot ka mag-isa d'yan no?"

"Gusto lang kitang makasama kung anu-ano namang nasa isip mo. Hay." bulong ni CJ sa
sarili habang napapakamot na sa ulo.

"Hah?"

"Wala. Sige na. Text ko na lang sa'yo."

"Bahala ka sa buhay mo. Ang gulo mo."

---------

"Alam mo Bez patulog na 'ko. Ang dami mo pang tanong, sabing 'yun nga lang."
nakukulitang sabi ni Phoebe matapos ikwento sa kaibigan ang nangyari sa office ni
CJ kahapon.

"Eee. Parang may kulang Bez eh. Ayan ka na naman hah. Nagtatago ka na naman
sa'kin."

"Halah, ang kulit. 'Yun nga lang. Alangan namang dagdagan ko."

"Oh, ayan, may nagtext sa'yo."

"Haha. Napakachismosa mo talaga."

"Sinong nagtext sa'yo Bez?"

"Hindi ko kilala, number lang."

"Okay. I know na kung sino 'yan. Ahaha. Bukas na nga lang, hirap sa phone. Ihanda
mo na 'yung kwento mo bukas. Haha. Goodnight. Sweet dreams with.. Ahaha. I love you
Bez."

"I love you too Bezzy. Ang kulit mo. Haha. Night."

(Phoebe)Sino naman kaya 'to.

"Phoebe?"
(Phoebe)Bahala ka sa buhay mo, hindi naman kita kilala, inaantok na ko. Hay.

"Phoebe?"

(Phoebe)Kung mahalaga naman 'to, tatawag naman s'ya siguro.

"Phoebe. Pwede ba kitang makausap?"

Chapter 28

(Phoebe)Hay nako. This phone must be on silent mode para matahimik ka kung sino ka
man ha. Uhmm. Istorbo."

Maya-maya.

"Nak?" si Nanay.

Walang sagot siPhoebe.

"Nak. Mayro'ng gustong kumausap sa'yo."

"Po?" antok na sagot ni Phoebe.

"Kakausapin ka raw."

"Wait Nay."

Binuksan ni Phoebe ang pinto at nagkusot ng mata.

"Sino raw s'ya Nay?"

"Ayaw pasabi eh. Gusto ka raw makausap....Sa'yo na muna 'yang cellphone ko hah."

"Sige po Nay. Bukas na lang. Mua. Night."

Pagbalik ni Phoebe sa kama...

"Hello?"

Walang sumasagot sa kabilang line.

"Hello? Ano ba, inaantok na 'ko. 'Wag mo naman akong puyatin." inaantok at
makakatulog ng sabi ni Phoebe.
"Phoebe. Nand'yan ka pa ba?"

"Oh?"

"Uy?!"

"Oh?"

"Ano ba, kinakausap kita."

"Hah?" si Phoebe na inaantok at tila 'di na alam ang sinasabi.

"Hay." naiinis na sabi ni CJ.

"Salamat sa baso."

"Hah?"

"Oo."

"Hay. Pa'no ko kaya gigisingin 'to."

Maya-maya, naputol na ang call at tumawag na ulit si CJ.

"Hello?" si Phoebe.

"Hello."

"Wait lang."

(CJ)Hay. Ano na naman kayang gagawin nito.

Maya-maya..

"Hello?"

"Phoebe."

"Sino 'to?"

"Ahhh."

"Nice name. Alam mo bang sa ginagawa mo mapupuyat ako. Kapag napuyat ako, hindi ako
makakapagfocus sa mga MAHAHALAGANG (malakas) bagay na gagawin ko bukas. So please,
bukas na lang okay?"

"Siii CJ 'to".

"Jay? Wala akong kilalang gan'on."

"Phoebe."

"Ah ah. Paulit-ulit naman CJ eh. Bukas na lang please?"


"Konting oras lang naman. May ipapagawa lang ako sa'yo."

"Hindi mo na 'ko assistant ngayon."

"Basta. Tingin ka sa bintana."

"Ayoko. Inaantok na nga ako eh."

"Please. Phoebe? Sandali lang. After nito hindi na kita kukulitin, makakatulog ka
na."

"Hay. Sige na."

CJ's POV

8pm pa lang nasa labas na 'ko ng bahay nila. Ipinaayos ko na agad 'yung mga kasama
ko na magfoform ng mga letters na G-U-D N-Y-T .. C U 2M na may led lights sa
katawan para s'yempre makita ni Phoebe. Buti na lang hindi umulan.

"Nababasa mo ba?"

"Oo, nababasa ko. Grabe ang effort mo ah, baka magselos na 'yung kapatid mo. Okay
ka lang ba d'yan?"

"Okay lang ako. Alam ko namang hindi kayo. Friends na tayo 'di ba? Bakit
ipinagpipilitan mo pa 'yung sa inyo? Hehe."

"Hmmm. Kanina ka pa ba?"

"Ahm hindi naman."

"Uy, pwede mo na silang patayuin, nalalamigan na sa kalsada 'yung mga likod nila.
Maawa ka naman. Hindi porke't may..."

"Ssshhhhh (pigil ni CJ). Gusto naman nila 'yung ginagawa nila eh. Mas excited pa
nga sila kesa sa'kin. Ayaw mo ba?"

"Okay lang."

"Okay?"

"Haha. Oo, nagustuhan 'ko. Pero parang super effort ka naman."

"Gusto ko lang mapasaya ka."

"Teka anong nainom mo?"

"Ikaw? Anong ininom mo? Parang hindi ka na inaantok ah."

"Eh sino ba namang aantukin. Kanina ka pa nangungulit."

"Gusto lang kitang makita."

"CJ hah. Nako."

"Bakit? Haha."
"Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga."

"Tamo. Hindi kita patutulugin."

"Uy! Pumasok ka na. Naulan na ah.."

"Sige. Papasok na ko."

(CJ)Pesteng ulan 'to. Akala ko okay na.

Pagpasok..

"Ano na?" pangungulit ni CJ.

"Ano bang itinatanong mo?"

"Yung ibig sabihin nung sinabi mo."

"Anong sinabi ko?"

"Hmm. Wala."0

"Ang gulo mo."

"Ang saya mo rin palang maging kaibigan no?"

"Masaya? Bakit naman?"

"Masaya ako eh."

"Hmm. Alam mo, hindi kita talaga maintindihan. Bakit parang bigla ka na lang naging
mabait sa'kin?"

"Eh kasi naramdaman ko na.. Pwede naman pala tayo maging close. Saka nakakasawa na
ring makipag-away. Nakakapagod din. Bakit, gusto mo ba ng away ulit?"

"Hindi na, mahirap kang makaaway. Saka na kapag graduate na 'ko. Haha.Pumasok ka
na. Nauulanan ka yata."

"Oy, concern."

"Hindi ah."

"Aray. Friends na tayo, bakit naman hindi. Hindi ka pala true friend. Haha."

"Pumasok ka na nga kasi."

"Okay."

"Matutulog ka na ba?"

"Ahm. Oo, 11pm na pala. Marami pa 'kong gagawin bukas."


"Ahh. Good night."

"Night CJ."

"Ahh. Phoebe."

"Uhmm?"

"Pwede ka ba bukas?"

"Anong meron bukas?"

"Wala naman."

"Wala pala eh."

"Sa taas ulit tayo."

"Manunuod ng movie? Haha. Favorite ng Bez ko 'yan. Sige. Isama natin sila Chubb
bukas hah."

"Hah?"

"Oo, para marami tayo."

"Sige."

"Night na hah."

"Sige. Bye....Phoebe?"

"Ohh...Ang kulit mo."

"Good night. Sorry. Magiging mabait na 'ko sa'yo, promise."

"Wow. Salamat."

"Yun lang?"

"Hah?"

"Haha. Wala. Good night Hokage."

"Uy, umuwi ka na. Anong oras na."

"Oy, concern."

"Ginaya mo lang ako eh. Oo, concern. Friends na tayo, FRIEEEENDS okay?, kaya
matutulog na ako at ikaw, mag-iingat ka naman. Bye na. As in last na talaga 'to"

"Haha. I love you. Night." si CJ.

"Phoebe." si CJ ulit.

"Oh?"

"Night na nga. Hmm." napapangiting pagpapaalam ni CJ.


Nakatulog na si Phoebe.

--------

"Sige Bez. Susunod ako hah. Bye." si Phoebe na nagising ng maaga sa pagtawag ni
Claire.

"Oh nak. Ang aga mo yata nagising?"

"Nay, submission kasi ng mga requirements namin eh, saka nagkaproblema si Sean sa
sinubmit n'ya." si Phoebe habang nagtutoothbrush.

"Gan'un ba? Ay, nak. 'Yung cellphone ko pala?"

"Nay, nasa kwarto ko po."

"Ah sige, ako na lang kukuha mamaya."

----------

"Hello Chubb. Nasaan ka?"

"Ah. Nandito sa Lab. May sinesearch lang."

"Sige puntahan kita d'yan."

"Okay lang ako PL. Unahin mo na muna 'yung mga isasubmit mo."

"Tapos na 'ko Chubb. Sige na."

-----------

"Good Morning Phoebe." text ni CJ.

(Nanay)Abah, ay sino kaya ito.

Maya-maya, tumawag si CJ.

"Hello?" si Nanay.

"Phoebe."

"Sino sila?"

"(Ay. Iba nga pala 'to) Ahh. Si CJ po. Sorry po."

"Ay hijo, maagang umalis si Phoebe."

"Okay po. Salamat."


-----------

"Hello Phoebe?" si CJ.

"Oh?"

"Nasaan ka?"

"Nasa Lab ako."

"Ang aga mo yata."

"Busy lang. Sige na."

"Galit ka?"

"Hindi. Hehe. Sige na, mamaya na lang hah."

"Sige."

CJ's POV

Hindi n'ya kaya nagustuhan 'yung ginawa ko kahapon. Hay. Baka nagalit s'ya dahil
d'on. Dapat kasi nagdahan dahan ako.

"Hoy. Ikaw na lang ang walang girlfriend sa'tin ah." sabi ni Neil, friend ni CJ.

"Kaya siguro ganyan s'ya these past few days, natatakot s'yang magladlad. Ahahaha."
sabi ni Marcus, isa pa sa mga friend ni CJ.

"Mga sira ulo kayo. Ano na namang ginagawa n'yo dito?"

"Na naman? Eh ngayon na nga lang kami nakabisita dito. Hindi na nga natatandaan ng
mga readers kung sino kami sa sobrang tagal na wala kaming exposure eh. Haha." si
Neil ft. narrator.

"Alam mo pre, 'wag kang mahiya sa'min, true friends kami, hindi ka namin
huhusgahan."

"G*g*, 'wag n'yo kong igaya sa inyo hah. May mga girlfriend nga kayo, hindi n'yo
naman itinuturing na tao."

"Ano hayop? Haha. Ang drama mo."

"Hindi.. Gamit, damit, gan'on. Ilang oras lang kung magpalit. Wala kayong awa."

"CJ ikaw ba 'yan?" si Neil.

"Haha. In love 'yan Neil, matino na eh. Haha." si Marcus.

"Bahala nga kayo d'yan." si CJ na papunta na ng office.

Chapter 29
"Hoy. Ano ba. Magdahan-dahan ka naman!" sabi ng tumawid na muntik ng masagasaan ni
CJ.

"Sorry po!"

---------

"Chubb. Ito, magandang study 'to para sa title mo. Tignan mo oh."

"Oo nga no. Salamat PL hah. Sige. Ipopropose ko 'yan."

"Hanggang 11:30 na lang 'yung deadline noh?" si Phoebe.

"Oo eh."

"Kaya natin 'yan." si Phoebe na hinawakan ang kamay ng kaibigan. Syempre, si


kaibigan naman ginanahan.Haha.

---------

"Tsk. Traffic pa." naiinis na sabi ni CJ na napapatingin na sa relo.

---------

"Ano guys? Keri na ba 'yan? Anong oras na, baka hindi pa tayo umabot." si Claire.

"Ipopolish na lang namin 'to. Mga 10 minutes na lang siguro."

"Hmm. Sulitin mo na 'yung time, baka mabitin ka pa pagsilay sa mga boys." si Sean
na busyng busy pa rin.

"Grabe. Hindi naman. Puro nerd nga eh. Gusto n'yo ba tignan ko muna si Ms. Castro?
Baka mamaya wala pa s'ya d'yan masyado kayong magmadali."

"Sige Bez."

Maya-maya, natapos na ring magsearch ang dalawa.

"Faster Tamms, paalis na raw si Ms. Castro."

"Sige. Hintayin n'yo ko dito hah."

"PL."

"Ano. Kamusta?" nag-aalalang tanong ni Phoebe.

"May problema eh." malungkot na entrance ni Sean.

"Hah? Ano? Tara na, bilisan natin. Baka hindi tayo umabot sa pag-aayos n'yan."
"May problema, wala akong maisip kung saan kakain."

"Kakain?"

Nang bigla na lang silang nagkatawanan at nagets ang korning joke ni Sean.

"Congrats Chubb. Ang galing mo." si Phoebe na niyakap ang kaibigan at pinisil na
naman ang pisngi.

"Simply because of you." pang-aasar ni Claire.

"Uy Bez, ang galing din talaga ni Chubb no."

"Palibhasa may kapatid kang laude. Kung hindi, hmm, total opposite pa naman kayo.
Haha." ganti ni Sean.

"Ang yabang mo. Mas maganda naman ako sa kanya no. Haha." si Claire.

CJ's POV

l'm always stressed because of her.., or maybe because I love her. Hmm. Naiinis
ako. Wala akong magawa. Ayaw ko 'tong maramdaman pero bigla na lang eh, anong
gagawin ko? Hindi ko naman mapigilan. Ngayon pa nga lang na hindi ko ininda kung
ano mang nakita ko, ang sakit na, 'yung iwasan pa kaya s'ya. Bakit s'ya pa? Ahhhhh!

Masakit na makita ko silang ga'non. Muntik na 'kong makasagasa dahil sa pagkaexcite


kong makita s'ya tapos gan'on ang aabutan ko. Ito namang kapatid kong magaling,
feel na feel naman, nakakainis.

Nakakabaliw ka PHOEBE LAINE MADRIGAL. Bakit ba nafall ako sa'yo ng ganito.

"This calls for a celebration?" si Claire.

"Ahm. Pwede bang bukas na lang?" si Phoebe.

"Bakit PL, may lakad ka ba?" si Sean.

"Wala naman. Pero parang may gusto akong puntahan, at dahil kahit araw mo 'to
Chubb, ibigay na natin 'to kay Bez dahil sa paghihirap n'ya sa mga requirements
n'ya." si Phoebe.

"Ang yabang mo Bez hah, 'yang lalaki na 'yan pa ang kinampihan mo. Haha. Ano bang
regalo ko. Ang taray naman, ako pa ang may prize." si Claire.

"Tara. Sunod kayo sa'kin."

---------

Knock knock...

"Oh, Phoebe, bakit?" si CJ.


"Ahm. 'Di ba manonood tayo ng movie."

"Ahh. Sa labas?"

"Hindi. Dito lang ano ka ba. Nga pala, kasama ko si Sean at si Claire. Kilala mo na
si Claire 'di ba?"

"Hi." si Claire na halata mong tuwang tuwa.

"Hi." si CJ na halata mo namang nadisappoint nang makitang may kasama si Phoebe.

"Di ba sabi ko sa'yo pupunta kami?" si Phoebe.

"Ahmm. Wala akong nakareadyng movie d'yan eh." si CJ.

"Hah? Akala ko marami kang movie?"

"Mga bakla, may movie ako sa flashdrive, marami, iba't ibang genre." si Claire.

"Handang handa ka sa mga ganitong sitwasyon ah. Haha." bulong ni Phoebe kay Claire.

"Haha. Oo naman. Salamat Bez hah. My God. Gusto kong magpakakeme ngayon. Baka
maT.O. s'ya sa'kin eh."

"Haha. Diskarte mo 'yan Bez."

"Ohh CJ, hindi ka ba manonood?" tanong ni Sean.

"Ahm. Hindi eh. Inaantok ako." walang ganang sagot ni CJ.

"Ayan 'yan Bez, maganda 'yan." si Phoebe habang namimili sila ni Claire ng
papanuorin.

"Nasa'n si CJ?" si Claire.

"Masyado kayong busy d'yan. Nasa kwarto. Inaantok daw s'ya."

"Ang taray talaga ng office n'ya dito sa taas. So tayo lang pala ang manunuod?"
malungkot na sabi ni Claire.

"Lalabas din 'yon Bez, abangan mo, ikaw naman ang mag-alok manuod." si Phoebe.

"Okay."

Maya-maya, lumabas si CJ para magC.R.

"Nand'yan pa si Claire sa loob." sabi Sean sa kapatid na nasa tapat na ng pinto.

"Ay." si Claire na medyo nagulat noong binuksan ang pinto.

Si CJ naman, napangiti lang.

"Ahh. CJ. Tara, nuod naman tayo."

"Ahm, napanuod ko na 'yan eh." sabay pasok sa C.R.


"Guys, napanuod na pala ni CJ 'tong pinapanuod natin eh. Baka naman pwedeng iba
nalang panuorin natin?"

Maya-maya, lumabas na si CJ sa C.R.

"CJ. Nuod tayo?" alok ni Phoebe.

"Ahm."

Napataas ang dalawang kilay ni Phoebe na naghihintay ng sagot sa kausap.

"Sige."

"Ayan, tabi kayo ni Claire. (sa mahabang upuan, habang sila Sean at Phoebe naman ay
tig-isa sa maliit na upuan.

"Kalagitnaan na kami, okay lang ba sa'yo?" tanong ni Phoebe kay CJ.

"Ahh. Oo, napanuod ko na naman 'yung unang part n'yan eh." si CJ na napatingin kay
Claire, para siguro ipaalam dito na talagang napanuod na n'ya, 'yung unang part nga
lang.

Ang totoo, hindi n'ya pa talaga napapanuod 'yon. Haha. After 1hour, natapos na rin
ang pinanunuod nila.

"CJ. Salamat hah. May office ka pala dito sa taas?" si Sean.

"Oo, matagal na. Salamat din."

"Until next time CJ. Thank you." si Claire na pabebe pa rin. Haha.

"Thank you. Alis na kami." si Phoebe.

"Sige. Ingat kayo." si CJ na parang may gusto pang sabihin sa huling nagpaalam.

Pababa na silang tatlo nang hawakan ni CJ si Phoebe sa braso. Nauuna sila Sean at
Claire kaya hindi nila napansin na medyo naiwan ang isa pang kasama.

"Ahh. Bakit?"

"Ingat ka."

"Salamat. Sinabi mo na kanina 'di ba?"

"Oo, doble ingat dapat eh."

"Hehe. Salamat. Ikaw din."

"Pwede ba kong sumabay sa inyo?"


"Oo naman, tara na."

"Sandali lang, may mga aayusin pa 'ko eh. Pwedeng pumasok ka muna?"

"Hah? Ahh sige. Pero nauuna na sila eh."

"Sandali lang 'to, dito ka muna.


"

Kinuha ni CJ ang cellphone sa kwarto at tinawagan ang kapatid.

"Sean. Abangan n'yo na lang kami d'yan sa baba, may inaayos lang ako, nagpahintay
lang ako kay Phoebe, baka hanapin n'yo s'ya eh. Nandito pa s'ya... Oo.. Sige bye."
si CJ.

Chapter 30

"Hindi ka ba nagoovernight dito?" tanong ni Phoebe.

"Kapag sira ang araw ko dito ako natutulog." si CJ.

"Ibig sabihin hindi sira ang araw mo ngayon?"

"Oo."

"Pero bakit dati parang pasan mo ang mundo?"

"Dati 'yon. Iba na ang pinapasan ko ngayon."

"Haha. Ano?"

"Itong bag ko. Tara na."

"Haha. Akala ko krus eh."

"Bakit naman?"

"Eh, ang layo pa kasi ng Mahal na Araw parang nagpipinitensya ka na, ang bait mo na
kaya ngayon. Haha." si Phoebe habang bumababa sila ng hagdan.

-----------

"Uy! Kanina ka pa nakatingin sa taas. Mamaya pa 'yun." si Claire.

"Eh baka magbrownout eh. Makukulong sila sa elevator."

"Hello, wala pa namang elevator hanggang rooftop. Holooh."

"Ang tagal naman nila."

"Ay. Hindi ko kinakaya 'yang mga pag-iinarte mong ganyan. Hayaan mo nga sila. Selos
ka lang d'yan eh. Paulit-ulit ka."

"Ayan na sila."
"Bye bye na my dear fellas. Bez, mua mua, Tamms, mua. CJ bye(kaway)." si Claire.

"Bye." sabay-sabay ang tatlo.

"Sabay na tayo CJ?" alok ni Sean.

"Ahm. Una ka na siguro. Tinawagan ko na si Mang Ben, papunta na s'ya."

"Sige. PL. Ingat ka hah, mamimiss agad kita."

"Hmm. Ang sweet ah. Sige na Chubb. Miss you too. Mua...Bye! Ingat." si Phoebe na
kumakaway at nakangiting nakatingin kay Sean na nasa loob na ng kotse.

"Ahm, ikaw ba? May susundo ba sa'yo?" si CJ.

"Wala nga eh. Manganganak kasi 'yung asawa ng driver namin. Magtataxi lang ako."

"Hah? Eh 'di sa'kin ka na sumabay."

"Actually kay Sean sana ako sasabay, hindi naman n'ya 'ko inalok, tapos ikaw naman
na inalok n'ya, nagpaiwan. Haha."

"Is it my fault?"

"Hindi. Sira. Okay lang. Gusto mo maglakad na lang tayo eh. Haha."

"Sige. Kahit ga'no pa kalayo." bulong ni CJ.

"Hah?"

"Wala."

"Ayan na yata 'yung sundo mo. Si Mang Ben 'yan 'di ba?"

"Oo. Tara. Sabay ka na sa'kin."

"Hindi na CJ. Sayang, may parating ng taxi." si Phoebe na may napara ng taxi.

"Mas sayang kapag hindi ka pa sumabay sa'kin, sige na."

"Hindi na nga. Sige na. Uulan na ohh. Pumasok ka na."

"Ayan na naman tayo eh. Nahihiya ka pa ba sa'kin?"

"Ma'am, sasakay pa ho ba kayo? Nagmamadali po ako." sabi ng taxi driver."

"Hindi na po Manong. Dito na s'ya sasakay. Salamat po."

Umalis na ang taxi.

"Bakit mo pinaalis?" tanong ni Phoebe.

"Phoebe naman eh. Magkaibigan na tayo 'di ba?"

"Eh nahihiya ako eh."

"Bakit ka naman nahihiya?"


"Wala. Sige na nga."

Pagpasok sa kotse..

"Kuya, sa Victoria Homes muna tayo." si CJ.

"Okay Sir."

"Okay lang ba talaga?" si Phoebe.

"Oo naman."

"Kahit sa bandang gate mo na lang ako ihatid."

"Malapit na 'yung bahay n'yo d'on ah, bakit d'un kita ibababa?"

"Eh. Malapit na nga 'di ba. Kaya ko ng lakarin 'yun."

"Ang tigas ng ulo mo. Gusto mo pang mahirapan."

Natahimik na lang si Phoebe.

"Bakit ba kasi ayaw mong ihatid kita. Buti pa si Sean, s'ya pa ang gusto mong
maghatid s'yo."

"Halah, nagselos na. Basta."

"Alam ko naman, mas nauna mo s'yang naging kaibigan kesa sa'kin."

"Hindi 'yon sa kung sinong nauna. 'Yon eh kung sinong mas mahal mo."

"Ibig sabihin mas mahal mo s'ya kesa sa'kin?"

"Hindi."

"Hindi mo nga masabi kung bakit ayaw mong ihatid kita eh."

"CJ naman. Galit ka ba?.....Parang seryoso ka na yata d'yan. Ahm. I mean sa


relationship lang naman 'yon. Hindi sa kung sino 'yung nauna, kundi 'yung mahal mo
hanggang ngayon. Since friend ko kayo pareho, mahal ko kayo. Walang lamang o kung
ano man."

"Hindi. Ang assuming ko naman kung magagalit ako. Bago pa lang naman tayo naging
magkaibigan. Okay lang."

"Hindi nga gan'on ang ibig kong sabihin CJ. I'm talking about relationship."

"Bakit, boyfriend mo ba kami para ikumpara mo sa relationship?"

Nagkatitigan ang dalawa at bigla na lang nagtawanan.

"Ahahaha. Nakakainis ka naman CJ eh."


"Haha. Ikaw eh. Ang kulit mo."

"I'm just setting an example lang naman. Sorry hah. Ayaw ko namang mafeel mo na mas
importante sa'kin si Sean."

"Wala 'yon. Sanay na 'ko."

"Ay, ang pait."

Sandaling nagtext si CJ kay Mang Ben.

"Oh sige. Ganito na lang, paano kung pareho kami ni Sean na malalaglag sa bangin,
sinong sasagipin mo."

"Pareho."

"Isa lang."

"Ahhmm."

"Kuya, may nagtext sa'yo, basahin mo muna, baka emergency." utos ni CJ.

Binasa ni Mang Ben, at ang nakasulat...

-Medyo bagalan mo, sa traffic ka dumaan-

Nagkatinginan lang si Mang Ben at si CJ sa rear mirror.

"Wala." si Phoebe.

"Hah? Bakit wala?"

"Lahat tayo mahuhulog sa balon. Ayaw kong pumili dahil para sa akin, pantay lang
kayong dalawa. Kahit mas una ko s'yang nakilala, alam kong mapagkakatiwalaan kita.
Alam mo nga, kahit inaaway-away mo s'ya n'on, hindi masama ang tingin n'ya sa'yo.
Sabi n'ya, may naitatago ka pa rin naman daw na kabutihan."

"Talaga?"

"Oo."

"So mas mahal mo pa rin s'ya?"

"Haha. Ang kulit mo."

"Wala ka bang boyfriend?"

"Ehem." ubo ni Mang Ben.

Napatingin ulit si CJ sa rear mirror.


"Wala." si Phoebe.

"Suppose na may boyfriend ka, then silang 2 naman ni Sean ang mahuhulog sa bangin,
sinong pipiliin mo."

"Alam mo nakakatawa ka. 'Di ko alam, may ganyan ka palang personality."

"Hah?"

"I mean, tao ka rin pala. Marunong tumawa, marunong magjoke, at marunong mag-isip
ng mga tanong na gaya n'yan."

"Bakit, ano bang akala mo sa'kin dati hah?"

"Ahm. Para kang halimaw dati."

"At ikaw, si Beauty ka, ako 'yung Beast mo?"

"Hindi. Isa ako sa pitong duwende. Haha."

"Haha. Ano na. Sino ng pipiliin mo?"

"Ahm. Ang hirap naman."

"Alam mo, kung totoo 'yung sitwasyon na 'yon, kanina pa may nalaglag sa tagal mong
mag-isip."

"Si Sean."

CJ's POV

Si Sean.. si Sean.. Sean.. ann... nag-echo 'yan sa isip ko ng isagot 'yan sa'kin ni
Phoebe.

"Bakit naman si Sean?" seryosong tanong ni CJ.

"Ililigtas ko si Chubb at sabay kaming mahuhulog ng mahal ko, dahil ang pangako sa
kaibigan, ay pangako kailanman. Ang pangako sa kasintahan, ay pangako hanggang
kamatayan. Sabi ni Nanay 'yan, ohh 'di ba, ang taray. Galing pa sa baul."

Natulala lang si CJ.

"Wait. Nandito na pala tayo."

"Saan po ba ang bahay n'yo d'yan Ma'am?"

"Ah, 'yung white po kuya. D'yan na po kayo. Salamat po. Bye."

"Sige po Ma'am, sa susunod ulit."

"CJ, bye. Salamat sa mahaba-habang kwentuhan."


"Ahh. Salamat din. Bukas ulit hah."

"Okay. Bye."

----------

"Anong nangyari Sir? Parang natameme ka yata?"

"Chismoso mo, kalalaki mong tao."

"Type mo na Sir? Akala ko magkaaway kayo."

"Bagay ba kami?"

"Haha. Oo naman Sir. Pareho naman kayong single. Maganda s'ya, aba s'yempre pogi
ka, bagay na bagay kayo. Mabait s'ya, at kayo naman..."

"Sira ulo. Bilisan mo na nga. Inaantok na ko."

Nakangiting tagumpay si CJ all the way.


Chapter 31

Phoebe's POV

Sembreak na. Ilang araw na lang All Souls Day na, panahon na naman kung kailan mas
lalo kong namimiss ang pamilya ko.

"Yes CJ." si Phoebe, sa phone.

"Bakit parang malungkot ka?"

"May naiisip lang ako."

"Anong iniisip mo?"

"Wala."

"Friends?"

"Hmm. Yung family ko. Miss ko na." pilit ang ngiting sabi ni Phoebe.

"Kita tayo?"

"Saan?"

"Kahit sa'n mo gusto."

"Wow."

"I miss you."

Natahimik lang si Phoebe.


"Ano. Hindi ka na nakapagsalita?" si CJ.

"Ahm. Ikaw na bahala kung saan tayo magkikita hah?" si Phoebe.

"Bumabawi ka sa'kin?"

"Hah?"

"Wala. Sige na. Magbihis ka na."

Maya-maya, nakarating na rin sila sa restau nila CJ, kung saan doon nangyari 'yung
'first date' nila noon.

"Dito pala tayo pupunta. Nakakahiya sa mga waiters n'yo. Napahiya ako n'on 'di ba.
Ahaha." bulong ni Phoebe sa kasama.

"Eh. Alam kong paborito mo ang pasta eh. Specialty nila 'yon. Ayaw mo ba dito?"

"No no. Okay lang. Naalala ko lang 'yung mga panahon na lagi pa tayong nag-aaway."

"Namiss ko nga 'yon eh."

"Haha. Talaga? Malay mo maulit?"

"Wag na. Gusto ko na 'yung ganito."

Maya-maya, nagC.R si CJ.

"Sir, kayo na po ba nung kadate n'yo?" tanong ng waiter, si Waiter pogi n'ung
'first date' nila remember? Hehe.

"Hah? Ahm. Hindi. Bakit?"

"So pwede ko po pala s'yang ligawan?"

"Uy, ang kapal ng mukha mo, mayaman 'yun. Dito ka oh (sa baba daw)." saway ng isa
pang waiter.

"Masungit 'yon." sabi na lang ni CJ.

Nang makabalik si CJ sa table nila.

"Ang sarap talaga ng pasta n'yo no? Ang dami kong nakain grabe."

"Tara na." aya ni CJ.

"Hah? Katatapos lang natin kumain ah."

"Saan mo pa gusto?"

"Ahm. Ikaw ng bahala CJ. Medyo masakit kasi 'yung paa ko, hindi yata fit 'yung
nabili kong sandals."
"Tara. Halika."

"Saan tayo pupunta?"

"Di ba sabi mo bahala ako."

"Okay."

Pumunta sila sa Ford Santio Mall. Isa rin sa mga pag-aari ng mga Lopez.

"Wow. Seryoso? Sa inyo 'to?"

"Oo. Ayaw mong maniwala?"

"Naniniwala naman ako. Pero ang yaman n'yo pala talaga no?"

"Tara na."

"Teka. Aray, masakit nga 'yung paa ko 'di ba?"

"Gusto mo na namang magpabuhat?" ngiting tanong ni CJ.

"Hindi naman. Ang bilis mo kasing maglakad eh."

Maya-maya, nakarating na rin sila sa kanilang unang destinasyon.

"Ms., ipili mo s'ya ng sandals na babagay sa kanya., yung comfortable sa paa." utos
ni CJ sa sales lady.

"Sige po Sir."

Lumayo ng konti si CJ at namimili naman ng para sa kanya.

"Ma'am, ang swerte n'yo naman po. Kayo ba 'yung girlfriend ni Sir C (CJ)?"

"Nakuh hindi. Friends lang kami n'yan."

"Pero bagay po kayo Ma'am."

Maya-maya, lumapit na si CJ.

"Maganda 'yan. Okay ba sa paa mo?" si CJ.

"Okay naman."

After ng Cinderella in the making, sa Planet's Funniest Sanctuary (arcade) naman


ang next destination nila.

"Hindi ba puro bata lang ang nandito?" si CJ.


"Bakit. Bata pa naman ako ah, ikaw, ewan ko sa'yo kung bata ka pa. Lolo. Haha"

"Teka Phoebe. Baka mapilayan ka pa."

"Favorite game ko 'to dito."

"Basketball?"

"Oo. Ayaw mo ba?"

"Pambata naman 'yan."

"Lolo ka na kasi."

"Mamaya mapilayan ka na naman hah."

"Ohh. Kita mo 'yan, naka150 points ako, kaya mo ba 'yan?"

CJ's POV

Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. Nakuha pang magbasketball sa kabila ng pilay sa
paa, nakaheels at nakadress pa s'ya.

"Kayang kaya ko 'yan. Gusto mo bang makipagpustahan?" si CJ.

"Wag na. Siguradong mas magaling ka."

"Haha."

Nalibot na nila ang buong mall, at sa wakas, napagod na rin si Phoebe. Si CJ naman,
madalas na numininja moves, paakbay akbay at padaplis daplis ng kamay para
kunwaring pag-alalay sa 'kaibigan'. Haha. Gabi na nang magdecide umuwi ang dalawa.

"Hija. Pahingi naman ng kaunting limos."

"Ito po Nanay." si Phoebe na nagbigay ng pagkain sa matandang pulubi.

"Hija, kahiya-hiya man. Pera kasi ang kailangan ko pambili ng gamot ng anak ko. May
sakit kasi s'ya."

"Ganun po ba. Ito po." si Phoebe na nag-abot ng 500.

"Ineng, utang ko sa'yo ang buhay ng anak ko. Maraming salamat. Pagpalain ka ng
D'yos."

"Walang ano man po."

"Tara na sa sasakyan." aya ni CJ na nagtake out muna sa paborito n'yang restau sa


Mall nila. Balak n'ya kasing sa kanila patulugin si Phoebe.

"Nay!!!" si Phoebe na tumakbo para iligtas ang masasagasaang matanda.

"Phoebe!" si CJ na agad humabol para iligtas si Phoebe na muntik na ring


masagasaan.

CJ's POV

Sobrang kinabahan ako. Nandito lang kami sa gitna ng kalsada at yakap-yakap ko


s'ya. Yakap na mas lalong humihigpit dahil nagpapasalamat ako na hindi s'ya
nasaktan o kung ano man. Mahal na mahal ko s'ya, gusto ko s'yang protektahan sa
kahit anong paraan.

"Salamat CJ." si Phoebe na halata mong kinakabahan.

"Tara na."

"Sandali lang." si Phoebe na kinamusta muna ang matandang pulubi.

Sa kotse..

"CJ. Salamat sa pagliligtas mo sa'kin hah." si Phoebe.

Walang sagot mula kay CJ.

"Salamat din dito sa sandals, siguradong pagdating ko sa bahay aasarin na naman ako
ni Nanay."

Wala pa ring sagot si CJ.

"Hayaan mo, madalas ko 'tong isusuot kapag lalabas tayo."

Parang hangin pa ring dumaan lang ang mga sinabi ni Phoebe.

"CJ, may problema ba."

Itinigil muna ni CJ ang kotse sa pinakamalapit na pwedeng pagpark-an.

"She's just an alm." seryosong sabi ni CJ.

"Hah?"

"Hindi mo dapat ginawa 'yon."

"So galit ka pala? Akala ko nagbago ka na?"

"Hindi mo kailangang ibuwis ang buhay mo para sa kanya."

"Dahil ano? Dahil pulubi lang s'ya?


"Hindi ga'non ang ibig kong sabihin."

"Sa totoo lang, mas mahalaga pa ang buhay n'ya kesa sa'kin. May anak pang umaasa sa
kanya. Kapag nawala s'ya, kawawa 'yung anak n'yang may sakit. Wala ng umaasa sa'kin
CJ. Wala na. Okay lang na mawala ako para makasama ko na sila."

"Wag ka ng umiyak, sorry."

CJ's POV

Bigla akong naawa sa sinabi n'ya, sa part nung pulubi at lalo sa part n'ya. Naisip
ko na mas maswerte pa pala 'ko kasi buhay pa si Mommy, may pag-asa pa 'ko.

Hinayaan n'ya lang na ihug ko s'ya para icomfort. Buti na lang hindi s'ya galit,
akala ko magwowalk-out s'ya eh.

Nakatulog na s'ya sa byahe. Hinayaan ko munang magising s'ya bago ko s'ya pababain.
Medyo matagal din bago s'ya nagising, kaya matagal ko rin s'yang natitigan. I wanna
stole a kiss pero naisip ko parang ang manyak ng gan'on. Gusto ko alam n'ya. Haha.
Gentleman din naman ako paminsan-minsan. Isinandal ko s'ya sa balikat ko dahil
mukhang malalaglag na 'yung ulo n'ya.

Hindi ko na itutuloy 'yung plano kong sa amin s'ya matulog. Okay na rin 'yon,
quotang quota na naman ako. Baka pati magulat na lang s'ya kapag sa bahay ko s'ya
idinirecho.

Inaantok na ako ng nagising si Phoebe.

"CJ?"

"Yes?, ah, gising ka na pala." naalimpungatang sagot ni CJ na bago palang


nakakatulog.

"Sorry, nakatulog pala 'ko."

"Sorry din sa sinabi ko."

"Sige na, good night. Salamat ulit."

"Phoebe."

"Uhm?"

"I love you. Good night."

"I love you too. Ingat ka."


Chapter 32

Phoebe's POV

Nagulat ako sa kanya. May itinatago rin pala s'yang kasweetan. Bakit kaya gan'un,
kapag kay Chubb ako nag-a-i love you, wala lang, pero 'pag sa kanya parang iba.
Hindi ko s'ya maitrato ng katulad nung kay Chubb. Sabagay, lahat naman ng tao iba't
iba rin ang turing sa bawat kaibigan nila. Pero parang iba 'yung nararamdaman ko
kapag may kinalaman kay CJ. Hmm. Siguro dahil hindi lang ako sanay na okay na kami.

Dahil All Soul's Day ngayon, umuwi ng probinsya sila Chubb at Bez. Ako naman, dito
lang, nandito ang puntod nila Mommy at Daddy eh.

"Ingat kayo hah." si Phoebe sa dalawa n'yang kaibigan.

"Ingat ka rin PL hah. Mamimiss ka namin."

"Dalawang araw lang naman kami d'on. Mabubusog ka sa pasalubong Bez, promise."

"Sige na, baka matraffic pa kayo. Dapat kasi nag-isang sasakyan na lang kayo, iisa
naman kayo ng uuwian. Haha."

"Oy Bez, 'wag mo kong inaasar dito sa Chubb mo hah, hmm, kapag nagkalabasan kami ng
faults talo s'ya. Haha."

"Hmm. Alam mo, hindi pa nga naipapakilala sa'tin si Princess eh."

"Soon. Baka mapostpone pa, lalo akong walang naipakita sa inyo." si Sean na
pasimpleng tumingin kay Claire.

CJ' POV

Hindi ko alam kung pagsisisihan ko 'yung pagsabi sa kanya ng i love you. Baka kasi
masamain n'ya. First time ko lang nasabi sa kanya 'yon nang seryoso ako, 'yung
totoo, hindi trip. Sweet naman s'yang tao kaya tingin ko okay lang.

"Ahm. Phoebe. May pupuntahan ka ba ngayon?" si CJ.

"Oo CJ, bakit?"

"Pwede ba kitang samahan?"

"Hindi mo ba muna aalamin kung saan ako pupunta?"

"Eh kasi may idea na 'ko kung saan ka pupunta eh."

"Tara."

"Baka napipilitan kang isama ako."

"Haha ano ka ba, hindi no, nag-i love you ka lang naman kagabi kaya okay lang 'yon.
Haha."

"Bakit, ayaw mo ba?"

(CJ)Kinakabahan ako.

"Haha. Joke lang. Ang sweet nga eh. Hindi ko akalain na ga'non ka pala."

"Okay lang, baka kasi naiilang ka, alam mo na, baka bigyan mo ng malisya eh.
Hahahahaha."
"Oy ang kapal mo hah. Haha. Bihis na nga pala 'ko, ikaw?"

(Phoebe) Sa totoo lang, naisip ko nga 'yon, pero hindi naman ako assuming kaya no
way.

"Ahm, hindi pa eh, pero paalis na 'ko."

"Mauuna na 'ko 'don?"

"No. Susunduin kita."

"Wow. Ikaw na naman ang driver ko? Nakakahiya naman."

"Okay lang 'yon. Hindi tayo makakapagstroll ng maayos kapag dalawang sasakyan pa
ang gamit natin."

"Okay."

---------

"Alam mo, napaginipan ko sila kagabi..Pinapagalitan nila 'ko kasi hinihiling ko na


magkasama-sama na kami. Paggising ko, naisip ko agad kayo, sina Nanay, Chubb, Bez,
at ikaw, 'yung mga taong mahal ko. May dahilan pa pala kung bakit nandito pa 'ko."
si Phoebe na nakatingin sa puntod ng mga magulang n'ya.

(CJ)Nakakatuwa kasi isa ako sa mga taong mahalaga sa kanya.

"Alam mo, miss ko na rin 'yung Mommy ko." si CJ.

"Nasaan s'ya?"

"Hindi ko na alam eh. Pero hanggang ngayon ipinahahanap ko pa rin s'ya."

"Mahahanap mo rin s'ya. Hmm. Magustuhan n'ya kaya 'ko? 'Yung Mom kasi ni Bez
gustung gusto ako eh. Ang masaklap pa nga gusto akong manugangin. Haha."

"Oo, magugustuhan ka n'on, mabait 'yon. 'Yung idol mo lang naman ang hindi mabait
sa'kin eh."

"Ahaha. Pasaway ka siguro."

"Hmm. Alam mo, nagtataka 'ko sa'yo, kapag normal na araw, saka mo sila iniiyakan,
ngayong nandito tayo, hindi ka umiiyak."

"Eh s'yempre, kasama natin sila ngayon. Ayan nga oh, katabi mo si Daddy."

"Hi po Tito."

"Haha. 'Pag sumagot 'yan, baka mauna ka pang tumakbo sa'kin hah."

Maya-maya, umalis na sila.


Sa kotse..
"Phoebe, okay ka lang?"

"Hah? Oo naman."

Hindi na napigilan at umiyak na ng tuluyan si Phoebe.

"Gusto mo bang bumalik?" si CJ.

"No. Hindi ko dapat sanayin ang sarili ko ng ganito. Matanda na 'ko pero hanggang
ngayon hindi pa rin ako makamove on."

"Nandito lang kami Phoebe." si CJ na dumadamoves na naman for the nth time.

"Tara, kumain muna tayo bago kita ihatid sa inyo." si CJ ulit.

CJ's POV

Topaz Pasta, isa sa mga paboritong pasta restaurant ni Phoebe. Dito ko s'ya dinala
para mabawas-bawasan naman 'yung iniisip n'ya. Para sa kanya, pasta lang, solve na.

Kaya siguro hindi pa s'ya nagkakaboyfriend, takot s'yang hindi makapagmove on sa


sandaling iwan na naman s'ya. Sigurado akong mahal ko na s'ya pero sa ngayon, hindi
ko pa alam kung hanggang kailan at hanggang saan. Kapag dumating na 'yung panahon
na kaya ko ng gawin lahat para sa kanya, hinding hindi ko s'ya iiwan.

Bigla kong naalala 'yung pagligtas sa kanya sa muntik na n'yang pagkakabangga at


halos pagpatay sa lalaking muntik na s'yang rape-in. Hindi kayâ kaya ko ng gawin
lahat para sa kanya? 'Yung tipong ibubuwis ko 'yung buhay ko para sa kanya? 'Yung
walang ibang mahalaga sa mundo kundi s'ya lang?

"Phoebe." si CJ.

"Ohh?" si Phoebe na namimili na ng makakain.

"Pogi ba 'ko?"

"Haha. Ang kapal talaga ng mukha mo."

"Nagtatanong lang naman ako makapal agad?"

"Eh kasi, kapag sinabi kong hindi, sasabihan mo naman ako ng makapal ang mukha,
kaya inunahan na kita."

"Hindi ah. Kapag sinabi mong hindi, sasabihin ko, ang ganda mo."

"Haha. E pa'no kung sinabi kong pogi ka?"

"Eh 'di may kiss ka sa'kin."

"Haha. Sira ulo."


Maya-maya, dumating na ang waiter para kunin ang order nila.

"CJ, okay lang ba talaga? Alam mo, pwede namang ako ang magbayad, gumagastos talaga
ko dito sa Topaz."

"No, ako na. Isipin mo na lang, bumabawi ako sa lahat ng naging kasalanan ko sa'yo,
okay?"

"Ay basta, ako magbabayad."

Pauwi na sila nang...

"Halaah. Sobrang lakas ng ulan CJ, nakikita mo pa ba 'yung daan?"

"Hindi na masyado eh. Tsk."

"Ang layo pa natin. May bagyo na naman yata ngayon eh."

Tumigil muna sila sa isang kanto para magpatila pero mas lumakas pa ang ulan.

"Phoebe."

"Uhm?"

"Ibaba mo na 'yang upuan, dito na tayo tutulog."

"Seryoso ka?"

"Ayaw mo ba?"

"Nakakatakot, baka biglang mamatayan tayo ng makina."

"Alam ko na."

Chapter 33

"CJ, ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Phoebe.

"Halika, bilisan mo, mababasa na tayo."

Pumasok sila sa isang maliit at simpleng box type house, ilang metro lang ang layo
mula sa Topaz Pasta.

"CJ. Baka mahuli tayo ng may-ari nitong bahay."

"Ano ka ba, ako'ng may-ari nito." si CJ, habang pinagmamasdan ang bahay na
ipinatayo, para sana sa Mommy n'ya.

"Hah? Wow. Ang ganda, maliit lang pero pwedeng pwede na. Grabe ka, tambayan mo lang
'to?"
"Hindi. Para sa Mommy ko 'to."

"Gan'un ba? Baka ikaw naman ang umiyak hah."

"Hindi. Hindi naman ako iyakin gaya mo."

"Ang yabang mo."

"Oh, maligo ka na. Basang basa 'yung ulo mo oh." si CJ na nag-abot ng towel sa
kasama.

"Mauna ka na CJ." si Phoebe na nagpupunas ng ulo.

"D'on ako maliligo sa kwarto."

Nagbrownout.

"Ahhhhhhhhhh! CJ!"

"Hindi ka pa ba nagbibihis?"

"Nasa banyo pa 'ko, bakit namatay 'yung ilaw?"

"Ang bagal mo."

(CJ)In-off ko lang 'yung main switch para asarin s'ya. Hehe. Mga 10 minutes after
siguro binuhay ko na ulit.

"Oh, nakacouple shirt tayo ngayon." si CJ na nag-abot ng damit pantulog ni Phoebe.

"Salamat."

"Oh, s'an ka pupunta?"

"Magbibihis."

"Dito ka na magbihis. Pipikit naman ako."

"Haha. Naala ko 'yung dati."

"Bilisan mo na. Baka magbrownout na naman, tumakbo ka sa'kin ng walang damit sige
ka."

"Ewan ko sa'yo. D'un na lang kaya ako magbihis sa taas?"

"Gusto mo ba 'don? Kaya mong mag-isa?"

"Oo naman."

"Dalian mo na bago pa 'ko matawa sa joke mo.

---------
"CJ, tutulog na 'ko. Pwede bang humiram ng unan?"

"Bakit?"

"Pahiram po ako ng unaann.. Doon ako matutulog oh." si Phoebe na nakaturo sa inayos
na upuan sa living room.

"Tsk. Dito tayo matutulog sa kwarto."

"Hah?"

"Ayaw mo ba?"

"Hindi. Dito ako matutulog."

"Haha. Hindi kita gagalawin. Assuming ka naman."

"I mean it's your house. I want you to be more comfortable. 'Dun na lang ako sa
labas."

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi na 'ko natutuwa." seryosong sabi ni CJ.

"Eh kasi.."

"Ano? Nahihiya ka pa rin sa'kin?"

"Ilang weeks na rin tayong magkaibigan, nakakatampo ka na."

"Eee. Sorry na. Basta. Dito na 'ko sa labas."

"Sige. Oh. Unan mo." si CJ na isinara na ang pinto.

"CJ? Galit ka?"

"Hindi."

"Sure ka?"

"Matulog ka na."

"Sorry."

Wala pang 5 minutes..

"Ahhhhhhhh!" sigaw ni Phoebe.

(CJ)Nagbrown-out. Totoo na 'to.

"CJ. CJ... Tulog ka na ba? Wala akong ilaw, nand'yan 'yung phone ko." si Phoebe na
kumakatok sa kwarto."

"Oh." tipid na sagot ni CJ na agad sinara ang pintuan.

"CJ?"
"Ohhh.. Sabihin mo na lahat ng kailangan mo, tutulog na 'ko."

"Ahmm."

"Hmp. Halika na nga dito sa loob." si CJ na hinila na si Phoebe papasok sa kwarto.

"Kung anu-ano pang dahilan mo. Alam ko namang ayaw mo lang akong makasama."

(CJ)Pinipigilan ko lang pero kanina pa ko matatawa sa mga sinasabi ko.


'Nakakatampo', best word. Haha

"CJ naman eh. Hindi sa ayaw kitang makasama, nandito na nga ako oh."

"Dahil brownout lang. Buksan mo 'yang lamp, de battery 'yan."

"Tampo ka?"

"Hindi. Matulog na tayo."

"Sorry CJ."

"Wala ka sigurong tiwala sa'kin. Buti pa sa iba, buo na ang tiwala mo."

(CJ)Hindi ko na talaga mapigilan. Matatawa na 'ko.

"Meron naman. Sorry talaga CJ. Nahihiya lang talaga 'ko sa'yo."

"Tanggalin mo na 'yang hiya na 'yan."

"Sige." si Phoebe na tuluyan ng humiga.

(Phoebe)Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na okay na kami. Marunong na


rin namang magtampo 'tong si lolo.

"Good night Phoebe."

"Good night CJ." inaantok na sagot ni Phoebe.

CJ's POV

Kahit medyo madilim, nakatitig lang ako sa kanya. Wala na akong pakialam kung
makita n'ya ko. Hindi rin naman kasi halata kung nakatingin ako sa kanya. Madilim
din sa part ko eh. Hehe. Habang tinititigan ko lang s'ya, lalo kong naaappreciate
'yung kagandahan n'ya. Hindi ako nagsasawa sa mukha n'ya. Kung pwede lang hindi na
ko matulog para masulit 'yung pagkakataon.

Totoo namang mapagkakatiwalaan ako. Kahit in love na in love na 'ko sa kanya, hindi
'yon magiging dahilan para may gawin akong hindi n'ya magugustuhan.

"I love you." si CJ.


Walang sagot mula kay Phoebe. Tulog nga.

------------

"Hello?" si Sean.

"Ahh. Tulog pa s'ya eh." si CJ na sinagot na ang tawag ng kapatid sa cp ni Phoebe.

"CJ?"

"Oo. Ahh. Dito na kami nagpalipas ng gabi sa P. Garcia(lugar). Inabot kami ng bagyo
kahapon eh."

"Salamat sa pag-aalaga sa kanya CJ."

"Kahit nandito ka, aalagaan ko pa rin s'ya. Sige na. Bibili pa 'ko ng breakfast
namin. Baka magising na s'ya, hindi pa 'ko nakakabalik."

"Sige. Bye."

(CJ)Epal.

Phoebe's POV

8am na nang magising ako. Wala si CJ. Ang aga yata nagising ng loko.

Hinanap ko s'ya sa buong bahay, pati sa taas pumunta na 'ko. Wala s'ya. Baka naman
ginugood time n'ya lang ako. Hay.

"Oh. Gising ka na pala?"

"Sa'n ka galing?"

"Teka, bakit ganyan ang mukha mo hah? Parang takot na takot ka? Bumili lang ako ng
pagkain."

"Akala ko kasi iniwan mo 'ko."

"Wag kang mag-alala. Hindi 'to one night stand lang."

"Oy ang bastos mo." si Phoebe, sabay hampas sa kausap.

"Aray. Masakit 'yon."

"Baka kasi may makarinig, nakakahiya."

"Hahahahah. Joke lang. Hindi mo siguro naramdaman kagabi."

"Hah? Ang alin?"

"Hahahahaha. Wala. Tara, kain na tayo."


"Ang sama mo. Hmm."

Habang kumakain..

"Tumawag nga pala si Sean." si CJ.

"Oh? Ano daw sabi?" sagot ni Phoebe na agad tumayo pero napigilan ng kasama.

"Kumain ka muna. Wala naman s'yang nasabi. Tawagan mo na lang mamaya."

"Okay."

(Phoebe)Parang ang saya-saya n'ya kanina. Nabanggit lang 'yung tungkol sa kapatid
n'ya, nawala agad sa mood. Hmm.

"CJ, ang sarap nito ahh. Paborito ni Nanay 'to. Pwede ba tayong dumaan 'don mamaya?
Ibibili ko lang s'ya. Hindi s'ya nakakapagluto ng ganito eh."

"Sige."

Kalagitnaan na ng pagkain nila nang bigla na lang nagkahiyaan at nagkatinginan.


Parang noon lang nila narealize na magkasalo pala sila sa iisang bahay. Parang
common na mag-asawa lang gan'un. Ang tahimik kasi. 'Yung babae, nahihiya, 'yung
lalaki naman, badtrip pa rin sa karibal.

Chapter 34

"Marunong ka pa lang magkamay?" putol ni Phoebe sa pagkakatinginan nila.

"Oo. Sinanay ako ni Manang. Bakit, hindi ka marunong noh?"

"Hindi eh. Pero pinag-aaralan ko, as in ngayon na, tinitignan ko 'yung kamay mo.
Nakakahiya eh, ang yaman yaman mo tapos daig mo pa kong magkamay."

"Binebaby ka kasi masyado eh."

"Haha. Hindi naman."

(Phoebe)Ang weird n'ya. May mga times na gusto ko gan'un s'ya lagi, na sana lagi na
lang s'yang nasa mood. Hay.

"Phoebe.."

"Oh."

"Please, 'wag ka ng mahihiya sa'kin hah. Simula ngayon, lahat ng gusto mong itanong
at gusto mong malaman, sabihin mo lang sa'kin. Magiging honest ako sa'yo, basta
ikaw din. Mahalaga sa'kin lahat ng sikreto mo, at s'yempre lahat ng sa'kin, dapat
alam mo rin. Basta, ang lalim na, haha. Nakuha mo ba?"
"Wow. Watta bossy tune. Opo J."

"J?"

"Yes. CJ, J for short, ayaw mo ba?"

"Gusto ko B."

(CJ)B as in baby. Haha

"Ay. Okay 'yan J and B. Haha." si Phoebe na natuwa dahil nasa mood na ulit ang
kaibigan.

"B?"

(Phoebe)Oh my God. Baby 'yung naiisip ko sa B.

"Ahh. Bakit?"

"Inom tayo."

"Hah?"

"Bakit, ang sweet mo kay Sean?"

"Eh kasi.. Mabait s'ya. Saka close na close na talaga kami. Alam kong
mapagkakatiwalaan talaga s'ya, at ikaw naman.. Ahm.. ikaw 'yung tipo ng kaibigan
na ang sarap kilalanin. Kasi close na tayo ngayon eh, tapos ang mysterious mo,
parang ang dami ko pang matututunan sa'yo."

(Phoebe)Ang hirap mag-isip ng pambawi sa huli. Seloso 'tong lolo mo eh. Wala pa
kami masyadong napagdadaanan bilang magkaibigan pero totoo naman lahat ng sinabi ko
kanina.

(CJ)Sa totoo lang, hindi lang naman kasi kaibigan ang turing 'ko sa kanya. From
mortal enemy, ewan ko kung bakit umabot agad sa ganito. Isa pa, alam ko namang more
than friends din ang tingin ng kapatid ko sa kanya. Quits lang kami. Ang tanong,
mafafall din ba si Phoebe sa'min?

"Hmm. Bakit kasama pa 'ko sa sagot mo?"

"Eh kasi, siguradong sa'yo ang punta ng usapan kapag nabanggit mo na si Chubb."

-----------

"J. Salamat. Ang bilis ng oras. Ibig sabihin n'on masaya."

"Salamat din. Nag-enjoy ako."


(CJ)Sobrang enjoy. Kung pwede lang hindi na kami umuwi. Hay. Miss na agad kita
Phoebe.

-------------

"Manang. May sasabihin ako sa'yo."

"Ano 'yon hijo."

"Ahmmm."

"Teka, tungkol ba saan?"

"Ahhh."

"Sa school ba? Sa mga gamit mo? Sa kapatid mo? O baka naman sa lovelife?"

"Dun po tayo sa huli."

"Tungkol kay Phoebe?"

"Po? Ahmm. Pa'no n'yo nasabi?"

"Hmm. 'Wag na tayong maglokohan dito kung gusto mong tulungan kita."

"Hay. Oo na Manang, pa'no n'yo naman nalaman bukod sa obvious na."

"Natatandaan mo n'ung ipinagbake kita ng cake? Ang sabi mo n'on para sa kaibigan
mo. May pahabol ka pa nga na sasabihin mo lang sa'kin kung sino s'ya kapag may
feelings ka na sa kanya(chapter24)."

"Eh paano n'yo nga po nalaman na si... na si Phoebe(pabulong, baka raw marinig ni
Sean)."

"Magaling ako eh. Hindi na importante 'yon. Haha."

"Gusto ko po s'yang makita ulit eh."

"Eh 'di makipagkita ka sa kanya."

"Nahihiya ako Manang, baka makahalata na s'ya. Halos araw-araw na kaming


lumalabas."

"Bumisita ka sa kanila. Dalhan mo ng flowers, tsokolate, ga'non."

"Manang, ayaw ko ngang malaman n'ya tapos bibigyan ko s'ya n'on?"

"Papuntahin mo na lang dito."

"Hindi po ba awkward kung 'yung babae ang dadalaw?"

"Eh 'di ba 'magkaibigan' naman kayo? Hindi awkward 'yon. Ipagluluto ko s'ya hijo,
alamin mo muna kung anong paborito n'ya. Saka sunduin mo s'ya s'yempre para
gentleman naman ang datingan mo 'di ba?"

"Sige Manang. Babalikan kita hah. Tatawagan ko lang s'ya.


------------

Sean's POV

Narinig ko lahat ng usapan nila mula 'dun sa may gusto raw ulit makita si CJ. Hindi
kaya si Phoebe 'yon. Sila lang naman ang laging magkasama noong umalis ako eh.
Nafall na s'ya kay Phoebe. Alam n'yang gusto ko rin si PL, pati ba naman sa bagay
na 'to may pagaawayin pa rin kami.. Hmm. Bahala na.

"Manang, busy ka?" tanong ni Sean.

"Ahm, hindi pa naman bakit?"

"May irerequest po kasi sana ako."

"Ano 'yon?"

"Magpapaluto sana ako ng kare-kare?"

"Abah teka anak, ang alam kong may paborito n'on si CJ, hindi ka kumakain n'on 'di
ba?"

"Ahm.. May natikman po kasi ako sa probinsya noong umuwi ako. Masarap po pala 'yon.
Please Manang?"

"Gan'un ba? Walang problema, specialty ko 'yon, baka mas masarap pa sa natikman mo
sa probinsya 'yung lulutuin 'ko. Magiging paborito mo na 'to sigurado."

"Salamat Manang. Mapaparami ang kain ko ne'to."

Sean's POV

Kare-kare ang paboritong ulam ni Phoebe bukod sa Chopseuy. Mahilig s'ya sa gulay,
na ayaw na ayaw ko naman. Hindi ko gustong magsinungaling kay Manang pero parang
gusto kong pigilang mahulog ang loob ng kapatid ko kay Phoebe. Hay.

"B, pupunta ako d'yan hah. Susunduin kita." si CJ, sa phone.

"Hah?" si Phoebe.

"Dito ka na maglunch sa'min."

"Nakuh J, hindi ako pwede, darating 'yung Tita ko ngayon eh."

"Ganun ba? Ahm. So bukas na lang?"

(Sean)Nakuh, kailangang maipacancel ko agad kay Manang 'yung lulutuin n'ya. Hmp.

"Nak, tumawag si Tita mo, hindi raw s'ya makakapunta ngayon, may appointment daw na
pupuntahan." sabi ni Nanay.

"B, tama ba 'yung narinig ko?"

"Ahh. Oo hindi na raw pupunta si Tita. Sige. Sasama ako."

"Okay. Papunta na 'ko."

----------

"Manang, niluluto mo na ba 'yung kare-kare?" si Sean.

"Oo anak, bakit?"

"Ahm, wala lang, kanina pa po?"

"Oo. Malapit ng maglunch eh. Bakit, gutom ka na ba?"

"Medyo po. Pero okay lang Manang. Worth it naman 'yan.

(Sean)Sayang naman. Baka mapakain ako ng hindi ko naman talaga gusto. Hmm. Mabait
ako, tanong mo pa kay Phoebe, pero hindi talaga ako kumakain ng gulay, gustuhin ko
man, parang masusuka talaga ko.

------------

"Nak, goodluck."

"Goodluck talaga Nay?"

"Oo. Nararamdaman ko kasi inlove na si Sir CJ sa'yo. Alam mo, kung ako sa'yo,
sobrang saya ko na ngayon. Assuming din ako minsan eh. Hehe. Pero 'di ba, bakit ka
nga naman ba n'ya aayain ng madalas kung wala s'yang gusto sa'yo?"

"Kaibigan lang ang turing sa'kin n'yan Nay." si Phoebe habang tinitignan si CJ na
nakaupo sa living room.

"Eh ikaw? Baka ikaw 'yung may gusto na sa kanya?"

"Wala po." napalakas na tanggi ni Phoebe.

"Haha. Ang ingay ko Nay nakakahiya, ikaw kasiii, baka narinig n'ya tayo." bulong ni
Phoebe..

---------

Sa kotse..

"Pinag-uusapan n'yo ko?" si CJ.

(Phoebe)Ahmm. Sasabihin ko kaya sa kanya? Hay. Si Nanay kasiii. Sabi ni J maging


honest lang ako sa kanya. Bahala na.
"Ahh. Oo. Hehe. Bakit."

"Tungkol saan?"

"Ahmm. Naggoodluck lang sa'kin si Nanay."

"Yun lang?"

"Ahmm."

CJ's POV

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila. Nagkaroon lang ako ng
idea na baka ako kasi napatingin sa'kin si B kanina.

Nagkunwari ako na kumain last week sa Lot's a Foodie(restau na nadaanan namin) para
magkaroon ng pagkakataon na tanungin s'ya tungkol sa paborito n'yang ulam.

Kare-kare at Chopseuy daw ang favorite n'ya. Ang bait naman ng batang 'to, hindi
mahiral pakainin. Haha. Chopseuy na lang ang ipapaluto ko kay Manang. Buti na lang
medyo nagtraffic. Itinext ko muna si Manang nang palihim.

---------
Chapter 35

"PL. Namiss kita." (hug)salubong ni Sean kay Phoebe na para bang pinagseselos ang
kapatid.

"Wow. Ang sweet naman ng Chubb ko. Namamayat ka ah."

"Haha. Tara. Kain na tayo."

Iniwan ng dalawa si CJ na nakatayo lang sa pinto.

Salu-salo silang kumain ng lunch..

"Ang sarap. Sige na po Manang, umupo na po kayo. Sumabay na kayo sa'min. Bubusugin
ko kayo ng papuri sa luto n'yo." si Phoebe.

"Nakuh, wag mo kong intindihin hija. Mayroon pa kong gagawin d'on sa kusina,
susunod na lamang ako. Eat well." si Manang na kumindat pa kay CJ bago umalis.

"J, ngayon pa lang, thank you so much sa pag-invite. Gusto kong sumigaw sa sobrang
sarap. Pareho kong paborito 'to. Mapaparami yata ako ng kain."

"Buti na lang pala nagpaluto rin ako ng kare-kare."

"Salamat sa inyong dalawa hah. Kaya pala tinanong mo sa'kin J kung anong paborito
kong ulam. Ang sweet n'yo naman."
"Just for you B. Namiss din kita agad kaya inimbitahan kita dito. Baka kasi kapag
nagdate na naman tayo isipin mo nililigawan kita. Haha." bawi ni CJ.

"Hmm. Di ko na kailangan ng desert sa sobrang kasweetan n'yo. Pahug nga mga bes."
si Phoebe na inakbayan palapit sa kanya ang dalawang katabi.

Kalagitnaan ng pagkain nila..

"Chubb, tikman mo oh.. Masarap. Magiging paborito mo na 'to, promise." si Phoebe na


susubuan si Sean.

"Ayoko PL. Ayoko talaga."

"Haha. Sige na promise. Please. Haha."

"Haha. Ang kulit mo Phoebe. Hindi ko talaga kaya kahit pilitin ko."

"Isa langgg.. Haha." si Phoebe na hawak pa rin ang kutsarang may kalabasa at sitaw.

"Ehemm. Excuse me." si CJ na halatang naout of place.

"J? Tapos ka na?" si Phoebe.

"MagsiC.R. lang ako."

(CJ)Asungot 'tong bwisit na 'to.

----------

"J, bakit hindi ka na bumalik, hindi mo pa nauubos 'yung kinakain mo ah."

"Ahm. Sumama kasi tyan ko eh."

"Talaga? Okay naman ako. Siguro sa nakain mo kaninang umaga."

"Okay na naman ako ngayon. Nasaan 'yung magaling kong kapatid?

"Matutulog daw muna s'ya eh."

"Nuod tayong movie?"

"Sige. In fairness namiss ko 'tong bahay n'yo kahit lagi mo kong inaaway n'on.
Hehe."

---------

"Ohh. Magmeryenda muna kayo. Ano ba 'yang pinanunuod n'yo hah? Puro saksakan na
lamang yata 'yan. Wala bang love story. Hehe." si Manang

"Bitter po si Phoebe. Hindi pwede ang love story d'yan."

"Oy, hindi naman. Sige. After n'yan love story naman Manang."
"Sige. Maiwan ko muna ulit kayo."

Pag-alis ni Manang..

"J, kamukha mo 'yung bida."

"Talaga? Ang pogi n'yan ah."

"Haha. Ayan ohh. Kamukha mo nga."

"Ibig sabihin napopogian ka na sa'kin ngayon?"

"Haha. Pwede na rin."

Naka 3 movies din sila. Dalawang suspense at itong huli na love story. Halata mo
ang ilangan ng dalawa nang may isang eksena na relate si CJ.

==I love you, more than you do... I mean.. I mean more than friends.== (sabi ng
leading man sa pinapanuod nila.

(CJ)Ang awkward naman.

"Ehemm. Ehemm." si Manang na bumalik ulit para manuod ng love story.

Nilakhan ni CJ ng mata si Manang.


Medyo nahuli s'ya ni Phoebe kaya nagpasimple lang s'yang napupuwing kunwari.

"Bakit ka umiiyak? Haha. Manang mana ka kay Manang, tulo na uhog ohh. Haha." pang-
aasar ni CJ.

"Bato ka talaga." si Phoebe.

"Happy ending na nga nag-iiyakan pa kayo."

"Ganun talaga, ikaw kasi alaga ko hah, hindi ka pa naiinlove kaya hindi mo
alaammm." si Manang na bahagyang kiniliti si CJ.

"Talaga J? Never been loved and inlove? Hehe."

"Hindi ahh."

"Uhmm hmm. Sige na at magluluto pa 'ko ng hapunan."

"B, dito ka na magdinner hah."

"Hah? Uhmm."

"Please? Ang bilis ng oras eh."

"Okay."
"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman."

"Medyo lang?"

"Hindi."

"Napipilitan?"

"Haha. Hindi. Gusto ko nga dito magdinner okay? Masaya ka na?"

"Hmm. Medyo. Haha."

---------

"CJ. Salamat hah."

"Wala 'yon B. Ahh. Sa susunod ulit hah. Bye."

"Bye. Mag-iingat ka."

"Sige."

After 5 minutes, nand'on pa rin si CJ.

Sinilip na ni Phoebe si CJ sa loob ng kotse.


Dahil tinted ang salamin, hindi n'ya agad makita ang hinahanap nang..

"Waaah!" panggulat ni CJ na agad lumapit sa bintana at saka binuksan ito.

"Nakakagulat ka naman. Bakit hindi ka la umaalis?"

"Iniintay muna kitang pumasok ng bahay.

"Haha. Nag-iintayan pala tayo, sige na, okay na ko dito."

"Mauna ka na."

"Nyieh. Ayan lang 'yung bahay ko oh. Hindi 'yan aalis d'yan. Sige na. Umuwi ka na."

"Pinapauwi mo na 'ko?" kunwaring nagtatampo.

"Haha. Siraulo ka talaga. Sige na, matatraffic ka n'yan, anong oras na."

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka pumapasok, baka mapa'no ka."

"Haha. Ang O.A. na. Sige na. Okay na 'ko dito. Gagabihin ka na."

"Sige na nga. Aalis na 'ko para makapasok ka na."

"Bye. Ingat."

"I'll miss you Phoebe and...." seryosong sabi ni CJ


"And?..Hehehehe. Mamimiss din kita. Sige na bye." si Phoebe.

(Phoebe)Ang sweet naman n'ya.

(CJ)..and I love you. I love you so much.(nakatingin sa side mirror kung saan
nakikita n'ya ang reflection ni Phoebe.

"Ingat!" sigaw ni Phoebe.

---------

"Nak. Narinig ko 'yon." si Nanay.

"Ang alin po Nay?" si Phoebe.

"Yung 'I'll miss you Phoebe'. Eeee. Nakakakilig, may laman 'yung pagsasabi n'ya
Nak. May gusto na talaga s'ya sa'yo, hindi mo ba ramdam?"

"Ayokong maging assuming Nay. Saka magkaibigan po kami."

"Eh ano naman, minsan, d'on naman talaga nagsisimula 'yon."

"Ayoko pong maging unfair kay Sean."

"Ang ibig mo bang sabihin nahuhulog na rin ang loob mo kay CJ?"

"Hindi po Nay. Naninibago lang ako sa mga kilos n'ya, pero aaminin ko po, humahanga
ako sa laki ng pinagbago n'ya."

"Hanggang ngayon ba eh gusto ka pa rin nitong si Sean?"

"Hindi ko po alam Nay eh. On my part, talagang kapatid lang ang turing ko sa
kanya."

"Nak, 'wag mong isarado ang puso mo sa takot na baka mawalan ka ng kaibigan. Lagi
mong tatandaan, walang taong natuto nang walang pinagdaanan. Kung hindi pa happy,
hindi pa ending, 'wag kang matakot sumugal. Hayaan mo lang kung hanggang saan ka
dadalhin ng pagmamahal. Pero s'yempre, dapat may kontrol din naman. Hindi pwedeng
bigay ka na lang ng bigay. Dalaga ka na Nak, alam mo na 'yon."

"Salamat Nay."

\(-ㅂ-)/ ♥ ♥ ♥\(-ㅂ-)/ ♥ ♥ ♥\(-ㅂ-)/ ♥ ♥ ♥

Si Nanay, nag-ala DJ Cha-Cha. Hehe


Chapter 36

Sean's POV

Nakakainis, hindi ako nagising nung umalis si Phoebe. Hindi ko sinasadya pero
parang masaya ako na nagseselos sa'min si CJ. Sigurado na 'ko, nahulog na rin ang
loob n'ya kay Phoebe.

"Hello Chubb, napatawag ka?"

"Pasensya na hah, ang tagal kong nakatulog."

"Okay lang Chubb, alam ko namang napuyat ka sa byahe nung umuwi kang probinsya.

"PL.."

"Uhmm."

"Ang laki ng pinagbago ni CJ noh?"

"Oo nga eh. Good for him."

"Tingin ko nga pati feelings n'ya para sa'yo nag-iba na rin eh."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ahmm. Gusto ka na n'ya, nadevelop na, gan'un."

"Hah? Parang imposible yata 'yan Chubb."

"Hindi malabong magustuhan ka n'ya."

"Hmm. Alam mo, ganyan din ang sinabi ni Nanay. Sabi ko naman sa kanya ayokong
maging assuming, nakakahiya."

"Anong gagawin mo kung sakaling gusto ka nga n'ya?"

"Wala. Wala naman dapat 'di ba?

"Ikaw ang bahala d'yan PL, desisyon mo 'yan."

---------

"Buti na lang Bez pumunta ka. Kaaalis lang ni Tita eh." si Phoebe, beso with
Claire.

"Eh nasense ko kasing may problema ka kaya pumunta ako dito ng walang pasabi.
Haha."

"Actually wala naman akong problema. Pero may chika ako sa'yo."

"Okay. Whatta 'bout?"

"Ahmm. Tungkol kay.. Kay CJ."

"Oh my God. In love ka na sa kanya?"

"Wag kang maingay Bez, baka marinig ka ni Nanay."

"Eh ano naman, bet naman ni Nanay si CJ."

"Yun na nga eh. Saka hindi ako inlove sa kanya. Baka akalain pa ni Nanay, totoo
'yang sinasabi mo, isipin pa n'ya nagsisikreto na 'ko sa kanya."

"So ano bang tungkol kay CJ?"

"Pakiramdam ni Chubb at Nanay, nafofall na raw sa'kin si...." hindi na naituloy ni


Phoebe ang sinasabi nang..

"Ahhhhhhhhh! Oh my God Bez..Shocks. Whooah. Hindi ko na talaga kinakaya 'to. Oxygen


please. Medic..!"

"Ang O.A. mo Bez."

--------

"Manang." si Sean.

"Oh?"

"Pwede ba 'kong magtanong sa'yo?"

"Oo naman. Tungkol saan?"

---------

"Basta tawagan mo lang ako Bez hah. Pero I'm sure. He's falling for you."

"Hindi ko nga dapat pinoproblema 'yon eh. Pero hindi talaga mawala sa isip ko.
Nakakapanibago lang kasi."

"Masanay ka na, lalo na't friends na kayo. Hindi na 'ko makapaghintay..But don't
worry, hindi ako magiging mistress, UNLESS, iba ang maging forever n'ya. Hahaha."

"Loka ka talaga. Bye. Mwua!"

----------

"May naikukwento po ba sa inyo si CJ?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol po kay Phoebe."

"Ahm. Hijo, wala akong gustong kampihan sa inyong dalawa, alam mo 'yan. Pareho
kayong may itinatagong sikreto na sa akin n'yo lang sinabi, pero hindi ibig sabihin
n'on, pwede kong sabihin sa sino man sa inyo ang sikreto ng isa pa."

Sean's POV

Sa sinabi ni Manang, parang nagkaron na rin ako ng clue sa gusto kong malaman.
Naniniwala ako na hindi dapat madaliin ang pag-ibig(whatta word.haha), pero habang
tumatagal, parang mas lalong nawawalan ako ng pag-asa sa dami ng taong dumarating,
at darating pa sa buhay n'ya.

---------

"B."

"Oh J, napatawag ka?"

"Kanina pa 'ko tumatawag."

"May kausap kasi ako eh."

(CJ)Ang hirap magkunwari. Nagiging demanding na tuloy ako masyado. Buti na lang
napigilan ko 'yung sarili kong itanong kung sinong kausap n'ya. Hmp.

"Ganun ba. Ahmm. Miss na kasi kita eh."

(Phoebe)No malice. No MALICE Phoebe, okay? Hmm.

"Miss you too J. Ahh. Kamusta ka?"

"Okay naman. Ahmm. Malapit na 'yung birthday mo 'di ba?"

"Pa'no mo nalaman?"

"Alam ko na dati pa. Kumpleto ako ng mga files mo 'di ba? Luci times remember?
Hehe."

"Haha. Ang bait mo na talaga ngayon, not the same with the old Hokage times.
Hahaha."

"Hahaha. I love you."

(CJ)Nakuh patay hindi ko sinasadya.

"Hah? Napalakas 'yung tawa ko hindi ko naintindihan."

"Haha. Wala. Anong plano mo sa birthday mo?" pag-iiba ng topic ni CJ.

"Wala pa."

"Bakit naman wala pa?"

"Ahmm. Baka kasi hindi matuloy eh."

"Bakit naman hindi matutuloy? Hmm."

"Wala lang."

"Phoebe 'wag kang nagsasalita ng gan'on."

"Alin ba?"
"Yung sinabi mo."

"Alin 'don?"

"Sabi mo, hindi matutuloy, anong ibig mong sabihin?"

"Uy, wait lang, bakit parang galit ka? Ang ibig ko lang namang sabihin, kapag
pinaplano, hindi natutuloy."

"Hindi ako galit."

"Haha. Ang cute mo. Pero actually wala pa talaga 'kong plano, hindi ko nga napansin
na malapit na pala 'yung birthday ko eh."

"Ayaw mo bang mag-out of town, o kaya vacation sa ibang bansa, 'yung mga gan'un
ba."

"Ahm. Ayoko, maybe next year. Gusto ko ngayong taon na 'to, dito lang sa bahay."

"Sa bahay? Sure ka?"

"Oo. At syempre, gusto ko lahat kayo nand'on. Simplehan lang natin this year, gusto
ko bongga next year eh."

"Bakit? Anong meron next year?"

(CJ)Tayo na? Haha.

"Wala lang, may naaamoy lang akong good vibes next year. Hehe."

"Live life to the foolest. Panext year nexr year ka pa d'yan."

"Eh wala ako sa mood eh."

"Malay mo next year hindi mo na 'ko kaibigan, masaya ka pa kaya n'on?"

"Hmm. Kung hindi na kita kaibigan n'on, hindi ka kaibigan sa'kin ngayon. Kahit
nasaan ka pa, kung totoo ka talagang kaibigan..." hindi na naituloy ang sinasabi."

"Ssshhh. Joke lang, 'to naman."

"Eh para kasing mang-iiwan ka eh. Kung dati natatawa ako sa mga pagbabadya mong
ganyan, ngayon, hindi na."

"Haha. Sorry B. Excited na kasi ako sa birthday mo eh."

---------

"Bez, nakakabitin 'yung bakasyon. Inaantok pa 'ko."

"Kung sinu-sino na naman kasi siguro 'yang kapuyatan mo." si Phoebe na nakaturo sa
cellphone ng kaibigan.

"Atleast, I'm happy, life's too short Bez. Live life to the foolest."
Napangiti si Phoebe.

"Bakit naman ang O.A. ng ngiti mo bigla?"

"Haha. May naalala lang ako. Sino ba 'yang katext mo?"

"One of my collection."

"Hmm. Collection, eh ikaw nga ang ginagawang collection."

--------

"Collection? Hindi naman. Lovable lang talaga 'ko." sabi ni Neil, friend ni CJ.

"Ang kapal ng mukha mo." si Marcus(another friend) na binato ng unan si Neil.

"Wala ba kayong mapagkaabalahan? Lagi na lang kayong nandito."

"Hindi ko maintindihan, bakit lagi ka na lang atat paalisin kami kung saan ka man
nandon hah? Ano bang problema sa'min? Ang pogi ko naman, tapos s'ya(Marcus) mabait.
Hay ewan."

"Ang gulo n'yo. Bahala na kayo d'yan." si CJ na palabas na sa office n'ya nang
makita n'ya si Phoebe.

"Hoy. Bakit nakatayo ka lang d'yan?" si Marcus, kay CJ.

"Hah? Ahh." si CJ.

"Sinong tinitignan mo?" si Neil.

"Ahhhh."

"Ganda Pre." si Marcus, kay Neil.

"Kaibigan ko 'yon ano ba kayo, nagulat lang ako." si CJ.

"Weh. Sige nga tawagin mo." si Neil.

"Ayoko."

"Haha. Hindi mo naman kilala 'yun eh. Wala ka namang kilalang studyante dito. Ikaw
pa ba? Hahaha. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit hindi ka na sumasama sa mga
gimik natin, wala ka namang ginagawa dito." si Marcus.

"Uy Neil, sa'n ka pupunta? Neil!" si CJ, hindi na napigilan ang babaerong si Neil,
lumapit kay Phoebe.

"Hi Miss." si Neil, kay Phoebe.

"Ahh, B, Pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan ko hah. Wag kang maniniwala dito,


babaero 'to. Tara na(hila hila si Neil pabalik sa office n'ya)." si CJ.
"Okay lang. Hehe." sagot ni Phoebe.

---------

"My gosh Bez, ang cute naman n'ung friend ni CJ. Gusto ko na s'ya. What do you
think, hingin ko kaya kay CJ 'yung number n'ya?" si Claire.

"Ayan, ayan ang gawain mo. Kaya ka laging naloloko eh. Pahard to get ka naman kahit
minsan Bez."

"Malayo pa naman new year para magbago noh. Hmm. Basta. Ang cute n'ya talaga.
Supaaahh. Eeee."

"Ayy. Ang arte. Hopia ka na naman."

"Eh 'di ba sabi ni CJ chickboy daw 'yun. Ewan ko ba, masukista yata ako eh. Pero
actually, all I want is to be the reason of one's change, and that one is... him,
friend ni CJ. Exactly, like him."

"Ewan ko sa'yo. Basta, lagi lang akong nasa tabi mo, no matter what. Okay? So tara
na, late na tayo."

Chapter 37

"Pre, bakit mo naman ako pinigilan? She's the one." si Neil.

"She's the one mo mukha mo. Tigilan mo 'yon hah."

"Wait lang CJ, B ang tawag mo sa kanya, as in baby? Haha." si Marcus.

"No. Her name is Phoebe, kaya B, then J naman sa'kin. Hmm."

"Ang sweet n'yo ah. Siguro may hidden agenda ka rin sa kanya." si Neil.

"Ayoko lang s'yang mapasama sa mga collection mo, 'wag s'ya."

"Iba s'ya Pre, para akong nalove at first sight, 'yung gan'ong feeling."

"Siraulo, love at one night stand lang ang alam mo." si Marcus.

"Don't us Neil."

"Matagal mo na ba s'yang kaibigan? Parang wala ka namang naipakilala saming


maganda."

"Ahm. Siguro one month pa lang. Never ko s'yang ipapakilala sa'yo. Kilalang kilala
na kita, alam ko na ang mangyayari. 'Wag s'ya."

"Neil, nauna na si CJ, hayaan mo na. Hahah" si Marcus.

"Isa ka pa." si CJ.

"Basta. Kung ayaw mo kong iintroduce sa kanya, liligawan ko s'ya."


"Neil, tigilan mo nga 'yan, hindi mo gayahin si CJ, pasimple lang. Maniwala ka na
kasi sa forever. Haha."

"Ito(CJ) kasi eh, hinaharangan ako papunta sa forever."

"Ang korni n'yo. Bahala kayo." si CJ na umalis na sa office.

"Wahaahah." tawa ni Neil at Marcus.

--------

CJ POV

Nasaan kaya s'ya(Phobe). Kanina pa 'ko pasimpleng nag-iikot sa buong Campus, hindi
ko s'ya makita. Nahihiya na naman akong tumawag sa kanya, parang ang O.A. na kasi,
feeling boyfriend na 'ko. Sana. Hehe.

Sino naman kaya 'tong nerd na 'to na parang may inilalagay na letter sa locker ni
Phoebe. Hmm. Hahabulin ko sana pero hindi ko na inabot. Nakalagay sa sulat...

>>To my dearest Phoebe..

I hope you don't mind, but I would like you to know that since the day I saw you, I
can't get you out of my mind..

(CJ)Ano s'ya, ugat ng utak mo para hindi mo matanggal, bwisitt.

"Wuuuui!"

"Ohh? Ahm, B, ikaw pala."

"Are you looking for someone? Parang mapipilipit na 'yung leeg mo kanina, kitä kita
sa malayo eh, andun ako ohh(sa bench). Hehe."

"Ahh. Hindi. Papunta 'ko sa office ko sa taas."

"D'on 'yon 'di ba?"

"Ahh. Sorry. Hehe. Lampas na pala."

"J, okay ka lang?"

"Oo okay lang ako."

"Ano 'yang nasa likod mo?"

"Hah? Ahhh. Alin?"

(CJ) Lumapit ako sa mga locker na nand'on habang patalikod at pilit isinisingit
kung saan man mapasingit 'yung pesteng letter na hawak ko.

"Ahh. Wala, ohh wala akong hawak. Wala naman 'di ba?"
(CJ)Aww, ang guilty yata.

---------

"Anong kapalpakan na naman 'yan hah? Wala ka pa ring nagawa? You're so st*p*d!
Walang kwenta! Ano ng plano mo ngayon?!."

"Nag-iisip pa 'ko. Si CJ kasi eh."

"Don't blame it to others. You're a big b*llsh*t!"

~~Conversation ng characters sa Season II.

---------

"Sean."

"CJ."

"Ahh. Sorry." si CJ na makikipagshakehands sa kapatid.

"Nagsosorry ka? Para saan."

(Sean)Kunwari syempre hindi ko alam 'di ba, para naman mahaba ang conversation
namin. Hehe.

"Sa lahat ng nagawa kong masama sa'yo. Gusto ko ng magbagong buhay. Saka...
ginagawa ko rin 'to para kay Phoebe."

"Okay lang." kinamayan ang kapatid.

"Alam kong mahal mo rin s'ya more than friends, pero sa ngayon kasi parang gan'on
na rin ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong bumalik ulit 'yung galit ko sa'yo.
Bahala na. Other than that, gusto ko na ring kalimutang mahahanap ko pa si Mommy,
habang nasa isip ko kasi s'ya, naaalala ko 'yung galit ko sa Nanay mo. Sorry."

"Salamat. Ako ang dapat magsorry sa'yo." si Sean na niyakap si CJ.

"Ayokong makipagcompete sa'yo, hayaan na nating si Phoebe ang magdesisyon kung


sinong pipiliin n'ya."

"Do you know what's the hardest part?"

"Ano?"

"Yung dalawa na nga tayong malapit sa kanya, iba pa 'yung napili n'ya. Haha."

"Tara. Inom tayo."

"Sige."
(Narrator)Ang sarap nilang pag-untugin, kung kailan naging magkaribal sila, saka
nagkasundo. Haha.

"May plano ka na ba sa birthday ni Phoebe?"

"Balak ko sanang isurprise s'ya kaya lang hindi ko pa alam kung pa'no, gusto n'ya
kasi sa bahay lang."

(CJ)Ganun din ang sabi sa'kin ni Phoebe. Pareho lang siguro kami ng itinatanong
nitong si Sean.

"Ang balak ko naman, ahh, matutulog tayo sa kanila, maybe sa guest room para
syempre hindi tayo makita, kakasabwatin natin si Nanay."

"Okay 'yan. Sasabihin ko rin kay Mars, para matulungan tayo."

-----------

Sa phone..

"Oh my God, totoo?" si Claire.

"Oo. 'Wag mong sasabihing sinabi ko, lalo na kay Phoebe."

"Okay fine. I told you. Ang bagal mo eh, ayan, kapatid mo pa ang naging karibal
mo."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Mars. Mababaliw na yata 'ko. Wala na yata talagang
pag-asa."

"Dapat kasi nung una pa lang pinush mo na."

"Eh 'di ba nagalit nga s'ya sa'kin n'on."

"Malay mo magbago na ngayon. What if hindi na s'ya magalit after mong umamin?"

"What if magalit pa rin s'ya?"

"Hay. Ang duwag mo."

"Oo. Duwag talaga 'ko. Hindi ko kayang makita s'ya sa iba pero mas lalong takot
akong mawala s'ya dahil lang sa pag-amin ko. Hay."

"Holohh. Umiiyak ka ba? Ang O.A. na Tammy hah. Para ka ng bakla mainlove n'yan."

"Haha. Paulit-ulit ka kasi."

"Birthday po kasi ang pinag-uusapan, tapos bigla ka lang namang may inispluk
sa'kin, syempre ex ko si CJ, malamang concern ako about 'don. Ahahahahah. How I
wish, totoo. Wahaha."

"Bahala na. Walang katapusang bahala na. Aasa na lang siguro ako sa tamang
panahon."
"Pero pa'no magiging tama ang panahon, kung hindi naman ikaw 'yung tamang tao para
sa kanya? Come to think of it, ang tagal n'yo ng magkaibigan, mas matagal pa kesa
sa amin, pero one time ba nasabi o nabanggit n'ya na she's falling for you?..or
maybe, ganito, pasimplehin na natin, na hindi na s'ya sure sa nararamdaman n'ya, na
nalilito na s'ya. 'Di ba?.. Hindi mo ba nagegets?"

"Nakatattoo na 'yan sa utak ko, matagal na. Ayoko ng iba. Si Phoebe lang ang gusto,
masaktan man ako ng paulit-ulit, s'ya lang."

"May malapit bang hardware d'yan?"

"Ewan ko. Bakit?"

"Bibili kasi akong semento, ipagpapatayo kita ng rebulto. Kalerki ka, hindi ko
kinakaya 'yang mga pag-iinarte mong ganyan."

"Hay."

"Ano ng gagawin mo? Parang nagpaparinig si CJ na 'wag mo ng gustuhin pa si Bez."

"Parang hindi naman gan'on ang dating sa'kin n'ung sinabi n'ya. Basta, kung sinong
piliin, eh 'di 'yon. Magpapakamatay na lang ako."

"Haha. Suicidal BESTFRIEND?"

"Alam mo hindi ka nakakatulong."

"Eh kesa naman kunsintihin kita. I'm just being frank."

Chapter 38

"Hello?"

"Hello. Sino sila?"

"Si CJ po."

"Sir CJ, kayo pala. Wala si Phoebe dito eh, wala po ba kayong contact number n'ya?"

"Kayo po talaga ang sadya ko eh."

"Ganun ba. Alam mo nak, hindi mo na ko kailangang ligawan, hindi na uso 'yung
liligawan mo muna ang nanay bago 'yung anak. Boto naman ako sa'yo."

"Haha. Nay, may sasabihin lang po ako sa inyo."

"Haha. Ganun ba, pasensya na. Tungkol ba saan?"

"Sa birthday po ni Phoebe."

---------

"Bez, malapit na ang Christmas." si Phoebe.

"Yes. Pero mas malapit na ang birthday mo noh."

"Not that excited."


"Haha. Ang bitter mo. Pati ba naman birthday mo hindi ka masaya. Palibhasa ilang
years nang malamig ang Pasko mo."

"Hmm. Atleast I'm not like you na kada taon, may boyfriend."

"But! Atleast, kada Pasko meron. Haha."

"Ang bad mo Bez."

"Ikaw eh, ayaw mong magboyfriend. Seriously Bez, ayaw mo ba kay Tamms? Mabait naman
s'ya, responsible, sweet, gwapo, matalino, lahat na yata nasa kanya. Pero wala pa
ring tatalo kay CJ my ex, ang gwapo na, super gwapo pa. Ahahaha. Bakit kasi sa'yo
pa s'ya nagkagusto. Nakakainis."

(Claire)Oh my God, nadulas ako. Pero 'di bale na, lagi ko naman sinasabihang gusto
s'ya ni CJ, 'di na halata. Haha.

"Wala namang gusto sa'kin 'yon. Alam mo Bez, kahit magkasundo na kami. Parang may
gap pa rin, gusto kong maging fair 'yung treat ko sa kanya pero nahihiya pa rin
ako."

"Don't be shy. Bakit ka naman mahihiya kung wala ka namang ginagawang masama,
unless, meron na. Haha."

-------

CJ POV

Tonight is the night na parang gusto ko ng umamin sa kanya, pero dahil gabi na,
bukas na lang. Haha. Hindi rin pwede, baka masira ko pa ang birthday n'ya, pero
gwapo naman ako ah. Haha. Hindi ko talaga inakala na mahuhulog ang loob ko sa'yo
Phoebe.(habang nakatingin sa salamin).

10pm, papunta na sila Claire, Sean at CJ sa bahay ng birthday celebrant. Magkasama


ang magkapatid, solo namang nagdrive si Claire.

"Siguraduhin muna natin kung nasa kwarto na s'ya." si CJ, sa phone.

"Yes. As of now nasa kwarto raw s'ya. Patulog na yata." si Claire.

(Claire)My God, kausap ko s'ya. Haha.

"Mars, malapit ka na ba?" si Sean.

(Claire)Ano ba 'yan, sumingit pa si Tamms.

"Yes. Oo, nga pala guys, hindi tayo pwedeng magpark dito sa harap, makakahalata si
Bez. Sumunod na lang kayo sa'kin."
Nagpark sila sa isang relative ni Claire, malapit sa bahay nila Phoebe.

"Pagod na na kayo? Medyo malayo pa pala ang lalakarin natin." si Sean.

"Hindi. Kung para kay Phoebe, hindi nakakapagod." si CJ.

"Ang lalaki kasi ng bahay kaya nagmumukhang malayo, pero malapit lang naman." si
Claire.

"Bakit naman kasi nakaheels ka pa, alam mo na palang maglalakad tayo."

"Alam mo na, nagtatanong ka pa." pabulong na sabi ni Claire.

"Over dressed ka naman. Suot mo na yata 'yung pang party mo bukas eh. Matutulog
lang naman tayo ngayong gabi. Haha."

"Sige, lakasan mo pa.. Ahm, CJ, 'wag ka na masyadong magpapogi, hindi tayo
magpapakita kay Bez. Hehe." si Claire na nakitang nag-aayos ng damit si CJ.

Si CJ, nagsmile lang.

Maya-maya, nasa harap na sila ng bahay nila Phoebe.

"Hello Bez." si Claire, iniloud speak para marinig din ng dalawang gwapong kasama.

"Yes Bez? Buti na lang tapos na kong magshower. Actually, patulog na 'ko eh. May
problema ba?"

"Ahhm. Wala naman. Nasa loob ka ba ng kwarto?..

"Ano ka ba Mars, ang obvious mo." bulong ni Sean.

"Ahh, PL, ang ibig n'yang sabihin e baka nakakaabala na kami sa'yo since patulog ka
na."

"Magkasama kayo?"

(CJ)Patay.

"Ahm, nakaconference Bez. Sige na bye bye, love lots. Good night."

(Phoebe)Conference? Parang wala naman akong napansin na conference. Ang weird,


magkasama sila ng 10:00 pm na ng gabi? Hindi ko na tinawagan si Bez, inaantok na
rin ako eh.

"Tsk. Mahuhuli tayo n'yan." si CJ.

"Sorry." si Claire.

Si Nanay naman ang tinawagan nila.


"Ako na ang tatawag..
Nay, si CJ po ito."

"Okay na. Tulog na s'ya. Nasa kwarto. Nakikita ko na kayo sa harapan. Inaabang-
abangan ko lang si Phoebe, baka hanapin ako bigla e."

------------

Sean POV

4 am, gumising na kami lahat. Nagluto na rin si Nanay ng lahat ng paboritong


pagkain ni Phoebe. Kami naman, nag-ayos ng mga decorations na binili namin kahapon.

Hindi ako makatulog, dahil na rin siguro ititext ko pa si Phoebe mamayang 12am.
Hindi pa rin natutulog si CJ. Siguro igigreet n'ya rin si Phoebe ngayon. Pero ang
tagal, parang ang haba ng tinatype n'ya. Hindi ako mapakali. Hay. Nacucurious tuloy
ako. Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinext ulit si Phoebe. Magkasama kaming
natulog ni CJ sa iisang kwarto na may dalawang solo bed, para hindi masyadong
hustle sa pagtatago kung maghihiwalay pa kami. Si Claire naman, nasa kabilang
kwarto. Tuwang tuwa siguro 'yon kung kasama n'ya si CJ matulog. Haha.

7 am na n'ung matapos namin lahat ng kailangan. Tinawagan na rin namin lahat ng mga
common friends. Habang tumatakbo 'yung oras, kinakabahan ako, 'di dahil baka hindi
magustuhan ni Phoebe 'yung surprise namin sa kanya kundi dahil kay CJ, parang may
iba s'yang iniisip.

CJ POV

Hindi ako mapakali na simpleng happy birthday lang ang message ko. Alam ko naman na
hindi n'ya agad mababasa, tulog na tulog na siguro s'ya.

To make it short, eto 'yung message ko..

~~Happiest birthday sa'yo mortal enemy. Hehe. Nakakamiss no? Mas gusto ko na 'yung
ganito. Dati namimiss kitang kaaway, ngayon, namimiss kitang kausap. Sana hindi ka
magbago, lalo na sa treat mo sa'kin, baka awayin mo na naman ako eh. Haha.
Enjoy your special day.
I love you.

Hmp. Burahin ko kaya 'yung i love you? Hindi, wala namang malisya sa kanya 'yon.
Saka totoo naman, mahal ko naman talaga s'ya, pero baka kung anong isipin n'ya.
Hay. Bahala na.

---------

"Nak, Good Morning. Happy birthday."

"Salamat Nay. Good Morning po."


"Oh, magbirthday breakfast ka muna. Hehe."

"Wala po akong gana Nay."

"Hah? Bakit naman?"

"Joke lang po. Haha."

----------

(Phoebe)Hmm. Bakit kaya hindi nagrereply sa'kin 'yung mga 'yun. Hmp, sabagay,
ginusto ko naman na maging malungkot ang birthday ko, panindigan ko na lang.

"Nak. Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang lumabas tayo?"

"Tara Nay. Mag-aayos lang ako."

(Nanay)Mali yata 'yung pangrereverse psychology ko, hmm.

"O kaya, gusto mo magluto na lanf ako?"

"Wait lang Nay, parang napuyat po yata kayo? Okay lang ba kayo?"

"Ayun nga Nak eh, medyo masama kasi ang pakiramdam ko."

"Sige Nay, dito na lang po tayo sa bahay."

"Nak, pwede mo ba kong samahan?"

"Saan po Nay?"

"May gagawin lang ako, gusto ko sanang makipagkwentuhan sa'yo para gumaan 'yung
nararamdaman ko."

"Gusto n'yo po bang magpahinga muna."

"Hindi na Nak. Tara?"

"Kumain na kaya muna tayo Nay, parang namumutla na kayo eh."

"Ahh. Mamaya na Nak, sandali lang 'to."

"Ano po bang gagawin n'yo?"

Chapter 39

"Ang tagal naman nila. Baka gutom na si PL." si Sean.

"Baka hindi pa maisama ni Nanay si Bez dito." si Claire.

"Wag kayong mag-alala, baka papunta na sila. Dapat ready lang tayo." si CJ.
-------

Ding dong.. Ding dong..

"Ako na po Nay." si Phoebe.

"Hindi na Nak, ako na, d'yan ka lang hah. Wait lang." si Nanay.

Naiwan si Phoebe sa living room, si Nanay naman, papunta na sa gate.

"Ma'am, para po kay Ms. Phoebe." sabi ng delivery boy.

"Kanino galing?" si Nanay.

"CJ Lopez po."

"Ahm, Toy, doon mo ipareceive sa likod, 'wag kang mag-alala, walang aso d'yan. Nasa
kabila. Hehe."

Tumawag si Nanay kay CJ para papuntahin sa likod nila at ireceive ang bouquet ng
flowers na ibibigay n'ya kay Phoebe.

"Nay, parang ang tagal n'yo? Sino po 'yon?"

"Ah, eh delivery boy Nak, nagtanong lang kung saan 'yung bahay ni kwan ahh. Tara
na."

----------

"Yari ka Tamms, may pabouquet si Mayor, pangMs. Universe."

"Bakit, mahal naman 'tong regalo ko ah?"

Lumapit si CJ sa dalawa at sinabing malapit na ang magNanay.

----------

"Nak, samahan mo muna ako dito sa guest room hah, magtutupi lang ako."

"Sige po."

"Gutom ka na ba?"

"Medyo po."

"Tara, kain muna tayo."

Pagbukas ng pinto..

♪☆\(^0^\) ♪(/^-^)/☆
HAPPY BIRTHDAY Phoebe!!!
♪☆\(^0^\) ♪(/^-^)/☆

"Hhwwwwwow!" si Phoebe na natulala lang.

"Happy birthday Bez ko. I love you so much. Mua!"

"Happy birthday PL. Nagustuhan mo ba 'yung set up?

"Grabe kayo, nakakatouch naman. Nakakainis."

"Natouch ka na nga umiyak ka pa." biro ni CJ.

"Ahhhhh. Salamat J, nandito ka."

(CJ)Nagulat ako dahil bigla n'ya kong niyakap. Syempre, sinamantala ko na. Wahaha.

(Sean)Buti pa s'ya.

"Group hug guys. Uhmm. I love you all." si birthday celebrant.

(Sean)I love you too.

(CJ)I love you most.

"Kainan na!" si Nanay.

Maya-maya, dumating na rin ang mga bisita, mga common friends nila.

"Bez, Chubb, J, thank you so much sa effort n'yo hah. Hindi ko 'to inexpect talaga.
Paano n'yo nagawa 'to ng 'di ko alam. Ang daya n'yo hah. Kayo talaga."

"Secret. Haha." si Claire.

(CJ)Party Club ang set up ng birthday ni Phoebe. Medyo komplikado kasi kapos kami
sa oras pero mabuti naman, maganda 'yung kinalabasan. Ang mahalaga, nagustuhan
n'ya.

"Guys, bubuksan ni Phoebe lahat ng gift natin sa kanya. Ahh, excited ako." si
Claire.

"Nakakahiya, baka kasi mamisinterpret ng iba 'yung first reaction ko sa gift, pero
okay lang naman kahit ano, kahit nga wala ee."

"Okay lang 'yan Bez, para naman mas masaya tayo 'di ba. Naiinis pati ako 'dun sa
babaeng 'yun eh, pabebe."

"Hindi ko nga kilala 'yon. Hmm. Naiinsecure ka lang, mas maganda kasi sa'yo. Haha."
si Sean.
"Excuse me, mukha naman s'yang retokada noh, yuckk. Puting gluta."

"Haha. Ang Bez ko, hayaan mo na."

"Excuse me." si CJ.

--------

CJ POV

Nahihiya akong ipakita sa lahat ang regalo ko kay Phoebe. Ayokong malaman ng iba na
may something kami, este, ako lang pala. Hehe. Gusto 'ko, kami lang dalawa ang
makaalam. Mahirap na, baka marami pang mainsecure sa kanya, ang aarte pa naman ng
mga bisita n'ya.

"J?"

"Oh?"

"Okay ka lang? Anong ginagawa mo dito sa pool?"

"Ahm. Nagpaalam lang ako kay Manang."

"Tara na ulit 'don?"

"Ikaw, anong ginagawa dito?"

"Ahm, nag-C.R. lang ako, natanaw kita dito."

"Bumalik ka na 'don, baka hanapin ka nila."

"May problema ka ba?"

"Ahmm. Wala."

"Gusto mo ng kausap?"

"Okay lang ako."

(CJ)Ano ba 'yan, pa'no ko kaya maibibigay 'yung regalo, hindi ko alam kung pa'no
ttyempo. Tsk.

"Ahm, wala talaga 'kong problema. Bumalik ka na d'on. Wala ka na dapat iniisip
ngayon kundi 'yung birthday mo, hindi ako."

(CJ)Awww, mali.

"Galit ka ba? I'm just being concern."

"No! Ahh, I mean magsaya ka lang sa birthday mo. I'm fine."


(CJ)Sabihin mong hindi ka magiging masaya sa birthday mo ng wala ako. Please..?

"Hindi kumpleto 'pag wala ka 'don."

(CJ)Patay. Pero pwede na rin, atleast mahalaga ako sa kanya.

"Ahm. Gusto ko muna dito eh. Honestly, naiirita ako sa ibang bisita. Sorry."

(CJ)Halaah. Kung saan saan na napunta 'yung mga sinasabi ko. Haha. Sana hindi n'ya
ko iwan, pagkakataon ko na. Hay.

"Oo nga eh. Hindi ko nga kilala 'yung iba. Mga kasama siguro nung classmate ni
Bez."

(CJ)Yes. Umupo na s'ya sa katabing upuan ko.

"CJ, kailan ang birthday mo?"

"Next year pa eh."

"Matagal pa, mapaghahandaan pa namin. Alam mo, hindi pa rin talaga magsink in sa
utak ko na magkaibigan na tayo, tapos ngayon, nandito ka pa sa special day ko.
Hehe."

(CJ)Ang ganda talaga ni Phoebe. Nakakainlove habang tinititigan.

"Ahh, Phoebe."

"Yes?"

"Happy birthday."

"Haha. Kailangan may private na pagbati, nagreet mo na 'ko kanina ah."

"Haha. Bawal ba?"

(Phoebe)Nagulat na lang ako nang bigla s'yang tumayo at pumunta sa likod ko.

"Ano 'to? Bakit mo 'ko nilagyan ng blindfold?"

Phoebe POV

OMG. Woooww. Pagtanggal ng blindfold ko, ang daming flowers, ang daming panda stuff
toys, at 'yung isang nasa gitna, may umiilaw na 'HAPPY BIRTHDAY'. Natulala lang ako
sa sobrang pagkaamaze.

"One, two, three, four, five... Ang dami, CJ."

"Oh, ba't umiiyak ka?"

"Nakakinis ka."

"Bakit?"

"Pa'no mo nagawa 'yan?"

"Secret."

(Phoebe)Hindi pa pala 'don natatapos ang pabirthday ni Mayor.

"OMG! Daryl Ong? Grabe ka. Sobrang nakakainis ka."

(CJ)Inalam ko kay Claire lahat ng mga paborito ni Phoebe.

Phoebe POV

Super effort s'ya birthday ko. Akala ko wala s'yang gift sa'kin kasi nauna ng
magbigay sila Bez at Chubb, tapos walang galing sa kanya, pero okay lang naman.
Total opposite pala sa inakala ko.

Ang last song, LIKE ONLY A WOMAN CAN, version ni Papa Daryl. Bongga talaga si
Mayor. Hindi ko kinaya ang treat, pang Valentine's.

Ang lakas ng beat sa pinagganapan ng birthday ko, pero ito, kahit ang solemn lang,
pasok na pasok sa tenga ko 'yung mga lyrics ng kanta para sa'kin.

"Alam mo, nagtataka 'ko sa inyong mga babae. Sa'yo ko na lang itatanong, bakit idol
mo si Daryl, mas pogi naman ako 'don ah. Magaling nga lang s'yang kumanta."

"Yun na nga eh, nakakakilig kaya 'yung boses n'ya, lalo na 'yung last song n'ya."
walang ganang sagot ni Phoebe.

"Ako, hindi ba 'ko nakakakilig?"

(CJ)Easy ka lang, baka magbago mood n'ya.

CJ POV

Natulala na lang s'ya pagkatapos. Natuwa naman siguro s'ya. Lahat naman 'yon,
favorite n'ya. Nakakapagtaka lang, hindi na s'ya sumagot sa mga tanong 'ko. Nagulat
ako sa sumunod na ginawa n'ya...
Chapter 40

CJ POV

Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo. Hindi ko inakalang matutupad lahat ng
plano 'ko, 'yung aabot pa sa tipong ikikiss n'ya 'ko sa cheeks. Waaaah. Gusto kong
sumigaww. Hahaha.

"CJ. Salamat." si Phoebe na umiiyak pa rin.

(CJ)Matagal din akong natulala, bago nakasagot sa kanya.

"Ano ba 'yan. Ang gusto ko sumaya ka, hindi umiyak."

Niyakap ko s'ya. Feeling ko ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganito, na special s'ya,
na hindi s'ya nag-iisa, lalo pa sa birthday n'ya.

"Balik na tayo 'don, baka hanapin na tayo, baka isipin pa nila kung anong ginawa ko
sa'yo."

"Haha. Pa'no 'yung mga Pandas at flowers?"

"Ahm. Saan mo ba gustong ipalagay 'yan?"

"Sa kwarto ko para lagi kong nakikita. Ilan ba sila? Grabe, ano kayang ipapangalan
ko sa kanila, malilito yata ako."

"May pangalan pa? 100 pieces 'yan."

"Oo, kinakausap ko pa nga sila."

"Baliw ka talaga."

"Numbers na lang ang ipapangalan ko, si 100 'yung pinakamalaki. Bakit nga pala
100?"

"Eh kasi 100 years old ka na."

"Ang kapal mo, ikaw ang lolo na noh."

"Tara na nga." habang nakaakbay ako sa kanya na medyo nasasakal sa braso ko.

Maya-maya, nasa party na ulit sila.

"J, saan ka pupunta?"

"MagsiC.R. lang ako."

Pag-alis n'ya..
"Bez, anong ginawa n'yo hah? Kanina pa kayo wala ahh. Kanina pa nag-aalala si
Tamms. Haha. Hahanapin ka nga dapat, sabi ko naman, 'ano ka ba, sarili nilang bahay
'to, hindi mawawala 'yon. Ahahaha, ayon, hindi na s'ya nakaalis."

"Oh, nandito ka na pala PL. Saan ka galing?"

"Ahh. NagC.R. lang ako. Then may mga tumawag, sinagot ko muna. Mga bumati lang.
Hindi ko kasi marinig dito."

(Phoebe)Totoo naman 'yon, pero hindi ko na nabanggit 'yung tungkol sa gift ni CJ.

Phoebe POV

Ito na yata ang pinakamasayang birthday ko, ever. Hay. Sana laging ganito.

Dito ko na pinatulog 'yung tatlo. Nagtabi na lang kami ni Claire sa kwarto ko, at
syempre, oo, nakita n'ya 'yung mga Pandas na regalo ni CJ. Mas grabe pa yata 'yung
reaksyon n'ya kesa sa'kin. Naikwento ko rin na kinantahan ako ni Papa Daryl.

"OMG! Anong ginawa mo?"

"Naiyak ako."

"Yun lang?"

"Tapos, nagthank you."

"Tapos?"

"Tapos, ahm. Sabi ko sa kanya, naiinis ako sa kanya, ang bongga kasi 'di ba?"

"Yun lang?"

"Suss, ano pa ba? Hay. Alam mo, matulog na tayo. Magtu12 na oh. Hindi ko na
birthday."

(Phoebe)Noon ko lang naalala na naikiss ko pala s'ya sa cheeks. Halaah. Buti na


lang hindi ako nadulas kay Bez, siguradong hindi ako patutulugin nito 'pag
nagkataon. Haha.

"Ay, may tumatawag sa'yo Bez."

Si Sean, nagvideo chat.

"PL. Happy birthday."

"Haha. Buti naman hindi kayo nagpakalasing." si Phoebe.


"Hindi. Medyo lang. Baka masira 'yung birthday mo 'pag naglasing ako. Haha"

"Kaya pala ang kapal ng mukha mo Tamms, anong oras na oh, tutulog na kami. Haha. Hi
CJ, tutulog ka na rin ba?"

"Hmm. Nung nakita mo si CJ, nawala antok mo? Gan'on?"

"Ahh. Oo, tutulog na rin ako. Salamat hah." si CJ.

"Sige na nga. Good night. Bye girls." si Sean.

(Sean)Napilitan tuloy akong magbabye agad. Para kasing ayaw kong magkausap sila
Phoebe at CJ.

"Bez, bakit s'ya nagpasalamat sa'yo?"

"Wait. 'Wag kang mangseselos, kayanin mo, iprepare mo 'yung sarili mo sa aaminin ko
sa'yo."

"Ang O.A. mo, bakit nga?"

"Relax lang, nagseselos ka ba?"

"No, ba't naman ako magseselos. Haha."

"Kami na. Wahaha. Charot lang. Ahm, wala 'yon, sa'kin n'ya kasi itinanong 'yung mga
favorites mo. Kani-kanina ko lang naisip, kaya pala nagtanong s'ya noon, akala ko
pa naman magtatapat na s'ya sa'kin. Wahaha. Hindi ko naman inakala na extravagant
ang surprise n'ya. Ahhhhh. Parang girlfriend ka na n'ya Bez para gawin n'ya 'yon,
ang sweet n'ya noh?"

"Oo sweet nga s'ya, kaya matulog na tayo, sweet dreams my Bezzy. Mua. Antok na 'ko,
sobra."

CJ POV

Kung pwede lang na dito na ko tumira para lagi ko s'yang makasama. Hay. Mangyayari
lang 'yon kapag asawa ko na s'ya. Haha. Sana, in the future. Hahaha.

-------

Sa Canteen..

"Ang bilis ng araw noh? Isang araw na agad ang lumipas. Super thankful talaga 'ko
sa inyo." si Phoebe.

"For you Bezzy. Maraming nagmamahal sa'yo."

(Sean)Ang dami talaga. Ang dami kong karibal.


"Pwede ba 'kong makisit in?"

"CJ. Of course." si Claire na pabebe na naman. Haha.

Tumabi sa kapatid si CJ.

"Anong gusto n'yo, treat ko."

"Wow naman, buti hindi pa kami nakakaorder. Haha." si Claire.

"Ano ba Bez, nakakahiya."

"Tara, sa Topaz." si CJ na papunta na sa kotse.

"Kailangan walk out agad? Haha. Tara na guys, baka magbago ang isip ni ex. Haha."

"Nakakahiya Bez."

"Oo nga Mars, 'wag na lang, baka napagod din si CJ kahapon."

"Hello, s'ya nga nag-alok eh. Hay nakoh, ayan ka na naman Bez, hindi ka magiging
comfortable sa kanya kung lagi ka na lang mahihiya. Saka hindi ka naman n'ya
bibigyan ng bonggang gift kung wala sa isip n'ya close na kayo."

"Anong gift n'ya?"

"Ahmm. Flowers Chubb, 'di ba? Saka, stuff toys."

"Ahhm. Pang Valentine's ahh."

"Haha. Oo nga eh. Tara na?"

(Phoebe)Napasunod na rin ako para maiwasan ang tanong ni Chubb. Hay. Bakit gan'on,
bakit kailangang itago ko sa kanya.

Si CJ lang ang may dalang kotse sa amin. Sa likod kami ni Bez, magkatabi naman ang
magkapatid sa unahan.

Sa restau..

(Phoebe)Nagtext si CJ. Wrong sent yata. Sabi n'ya.. 'Anong order mo B?'. Ay hindi
pala wrong sent, haha. Hmm. Bakit naman nagtext pa, magkaharap naman kami. Lalo
tuloy akong mahihiya nito. Kung dati, ang kapal lang ng mukha kong away-awayin
s'ya, ngayon, kung kailan okay na kami, saka ako nahiya. Haha. Nagtataka nga ako
ngayon, nahihiya na rin s'ya sa'kin, bakit kaya. Hmm.

"Hindi na talaga 'ko magtataka kung paborito ni Bez ang food dito, kaya nga dito
tayo kumain, in favor of Bez, 'di ba CJ?"

"Ahhm, actually naging favorite ko na rin dito since nung huli kaming kumain ni
Phoebe."

"Ahh. Akala ko dahil favorite ni Phoebe eh. Hehe."


--------

Kinaumagahan..

"Alam mo Bez, something's weird about J."

"Watta about?"

"Eh kasi nakakapanibago s'ya, hindi na n'ya 'ko tinatawagan. Tapos kahapon tinext
pa n'ya ko para lang itanong kung anong order ko."

"Halaah. Baka may iba na Bez."

"Sira ka talaga."

"Hmm. Nadedevelop ka na noh? Bakit hinahanap-hanap mo? Ayan kasi ang problema sa
inyong mga M.U, malabo ang ugnayan, hindi n'yo malaman kung committed na ba kayo sa
isa't isa o simpleng fling lang. Yes lang kasi ng yes Bez. Hay nakuh."

"Ang layo naman ng litanya mo Bezzy. Hmm."

"Bakit, M.U. naman talaga kayo ah."

"Hindi naman s'ya nanliligaw eh."

"You mean s'ya lang ang hinihintay mo?"

"No. I mean bakit naman kami magiging M.U., he doesn't suits me anyway."

"That's what you called M.U. Hay naku, ayaw mo pang aminin sa sarili mo, in love ka
na rin sa kanya noh."

"Hindi s'ya in love sa'kin, lalo naman ako."

"Eh bakit concern ka sa absence n'ya? Kasi hindi ka sanay na wala s'ya?.. na hindi
kinakamusta man lang? Tsk. Ang labo n'yo kasing dalawa. Buti pa 'yung isa umamin na
sa amin na inlove s'ya."

"Anong sabi mo?"

Chapter 41

"Ahm, basta, in love s'ya sa'yo I think. D'yan ka na nga. May klase paaah 'ko....
Hiii CJ. Ahm, kanina ka pa?"

"Hindi. Napatigil lang ako kasi nakita ko kayo. Sige."

Phoebe POV
Nginitian n'ya lang ako. Ano bang problema n'ya. Bakit hindi n'ya ko kinakausap.
Hay.

Pumunta ako sa office n'ya sa taas, pero wala s'ya d'on. Tinext ko s'ya, hindi s'ya
nagreply. Sinubukan ko rin s'yang tawagan, pero wala ring sagot. I admit, namimiss
ko s'ya, pero hindi naman ako in love sa kanya. Baka.

CJ POV

Hindi ko alam kung kakayanin kong umiwas sa kanya ng tatlong araw. Sobrang miss ko
na s'ya.

"Ang korni mo, natuto ka na lang din magseryoso, sa may sabit pa." si Marcus, sa
office ni CJ.

"Buti nga sa'yo." si CJ.

"No, she's not taken. She's mine. Hindi pa naman sila mag-asawa eh. Saka ako ang
gusto n'ya, ramdam ko 'yon." si Neil.

"Karma mo na 'yan Pre." si CJ.

"Eh kung si Phoebe na lang kaya ligawan ko para umayos ka?" ganti ni Neil.

"Okay. I surrender. Relax." si CJ.

"Ganito na lang, what if magpamiss ka?" si Marcus.

"Hmm. Effective pa ba 'yon? Eh nahihirapan ngang magkar'on ng time sa kanya. Haha."


si CJ.

"Ganito lang 'yan, kapag hindi ka namiss, eh 'di hindi ka mahalaga, hindi ka mahal.
As easy as that. Tanggapin mo na lang." si Marcus.

Ayon, 'yon ang dahilan kung bakit iniiwasan ko s'ya. Pero ang hirap, hindi ko yata
kakayanin nang matagal. Baka tuluyang mawala sa'kin si Phoebe. Bakit ba naman kasi
sumunod ako sa payo na hindi naman para sa'kin. Hay. Nakakainis.

----------

"Bez, okay ka lang?" si Claire.

"Hah? Ahm. Yes. I'm fine. May quiz kami mamaya, nagrereview lang ako...ay, baligtad
pala(ballpen na isusulat sana pero baligtad ang pagkakahawak)." si Phoebe.

"Magbar naman tayo."

"Ayoko."

"Try mo naman kasing uminom, parang juice lang lagi 'yung gusto mo eh. Alam mo,
hindi naman masamang maging wild minsan. Ang sarap kaya sa pakiramdam na pagtanda
mo, may maaalala ka na once in your life, lumabas ka sa comfort zone mo."

"Hello, ginawa n'yo na ngang club ang set up ng birthday ko, nabitin ka pa?"
"Hindi naman. Gusto ko lang mamboys. Is there any problem? Haha."

"Oo. Malaki. Kaya lagi kang nasasaktan eh, addict ka sa womanizer."

"Correction, hindi lahat ng lalaki sa club, babaero, ang alam ko puro gwapo lang
sila. Haha."

"Hay. Basta. Hinding hindi mo 'ko mapapasama, wala ako sa mood. Hmm."

"Bahala ka, stress reliever din 'yun."

--------

"Nahanap mo na ba 'yung Mommy mo?" si Sean.

"Hindi pa. Hindi ko na naman s'ya hinahanap eh." si CJ.

"Gusto tulungan kitang maghanap?"

"No need. Sumuko na 'ko paghahanap."

"S'an ka pala pupunta?"

"D'yan lang, sa Taco(bar), sama ka?"

"Hindi na. Next time na lang."

---------

"Hay. Ang ingay naman dito. Saka amoy vape. Ayoko ng ganitong amoy, nakakasuka." si
Phoebe, na napilitan na ring sumama.

"Ang arte mo naman Bez. Hay. Nakakainis ka. Mag-eenjoy ka rin, ipapakilala kita sa
mga childhood friends ko. Wala pa sila eh."

--------

"Tayo lang tatlo?" si CJ.

"No. Kasama ko 'yung mga classmates ko." si Neil.

"Si Marcus?"

"May bago pa ba? Eh 'di kabuntot 'yung girlfriend n'ya, pa'no s'ya mag-eenjoy n'on?
Hmm."

"Palibhasa bitter ka eh."

CJ POV
Hindi successful 'yung plano ko na magpamiss kay Phoebe. Ang nangyari, ginantihan
n'ya pa 'ko. Hindi na s'ya nagparamdam after n'ung isang beses na tumawag at
nagtext s'ya. Hay. Bahala na. Magpapakalasing na lang ako. Marami naman pating
babae dito. Pero iba s'ya eh, s'ya lang 'yung gusto ko.

---------

"Pao, meet my Bezzy, Phoebe. Bez, si Paolo, kababata ko, neighbor namin sa Nueva
Ecija." si Claire.

"Hi Phoebe. Ang ganda mo. Bagay 'yung name natin."

"Ayyy, ang bilis, ginalingan eh. Taken na 'yang Bezzy ko, taken by my ex, ang
pinakacute na guy sa buong universe. Maliban na lang Bez kung nagkakamali ako.
Ehemm."

"Ahmmm."

"Ahh, okay lang, maghihintay ako."

"Wow.. 'yang mga diskarte mong ganyan hah, tigilan mo kami, 'wag kang maniniwala
d'yan Bez."

"Hehe."

"And she's Sirene, Cheska, Chrysler, and Carol, his cousins."

"Chrysler?"

"Oo, kapangalan nga ni ex. Hmm. Ay, sorry, I forgot, Yuan pala. Crush ng bayan 'yan
Bez,

---------

"Siguro naman makakamove on ka na. Andaming magagandang chikababe dito ohh. Hmm."
si Marcus, akbay ang girlfriend.

"Ikaw CJ, magmumove on ka na rin ba?" si Neil."

"Hindi ko naman kailangang magmove on. Hmm."

"Magmove on ka na, hindi na magiging kayo ni Phoebe. Ifefriend zone ka lang n'on.
Haha."

"Lalo namang malayong maging kayo. Haha."

"Nakoh, kapag nakita ko 'yong nag-iisa, yari sa'kin 'yon. Bantayan mo, baka bigla
ka na lang mawala. Haha."

"Hmm. Bakit naman ako mawawala."

"Ewan ko sa'yo, malay mo lang, mambabae ka."

"Charice, pasalamat ka, hindi babaero 'yang boyfriend mo, hindi kagaya nito,
nakarma tuloy. Haha."
Si Charice, girlfriend ni Marcus.

"Hoy CJ, pwede mo lang akong tawanan kapag kayo na. Pareho lang tayong broken
dito."

(CJ)Napaisip ako sa sinabi ni Neil. Broken nga ba 'ko? Parang hindi naman. Hindi ko
pa naman s'ya sinisimulang ligawan eh, nagpaparamdam pa lang ako. Nagpaparamdam na
nga lang ako, naisipan ko pang umiwas, ang t*ng* lang 'di ba?

"I'm not broken. 'Wag kang maghanap ng karamay."

(CJ)Hay. Nakakainis. Parang gusto kong magpakalango talaga sa sobrang kat*ng*han


ko.

Tawagan ko kaya s'ya? Aminin ko na kaya na nagpamiss lang ako. Hay, hindi ee. Mali.
Bakit ba naman kasi tinamaan ako ng sobra. Ang hirap, hindi ko na kayang ihandle
'yung feelings ko, gusto ko ng umamin. Bahala na. Baka kailangan ko pang mag-ipon
ng lakas ng loob.

----------

"Phoebe, labas naman tayo bukas." si Paolo.

"Hoy. Ang kulit mo. May boyfriend na nga 'yan 'di ba? Hmm."

"Cleng(Claire) naman eh, akala ko pa naman tutulungan mo ko. Hay."

"Ang korni kasi ng diskarte mo eh. Kung may papayagan man akong manligaw kay Bez,
si Yuan lang 'yon. Okay? Hindi ka pasado."

"Kapag si Yuan single, 'pag ako taken? Ang daya."

"Haha. Ayaw kasi ni Phoebe sa'yo."

(Phoebe)Sa totoo lang, cute sila pareho, pero lutang ako, nasa malayo ang isip ko.

"Sabi sa'yo Bez eh. Kaya mo naman uminom ng marami." si Claire ulit.

"Tama ma 'to, last na."

"Okay okay. D'yan muna kayo hah. Maghahunting lang ako."

--------

"Tama na 'yan Pre. Lasing ka na ah." si Marcus.

"Hindi pa 'ko lasing." si CJ.


"Haha. Ano, itatanggi mo pa? Camp Sawi ka rin eh." si Neil.

"Ulol."

(CJ)Gusto ko s'yang puntahan. Gusto ko ng sabihing mahal na mahal ko s'ya. May


lakas na 'ko ng loob ngayon.

---------

Nagsasayaw na ang lahat, si Phoebe at Yuan lang ang naiwan sa table nila.

"Hindi ka ba sanay uminom?" si Yuan.

"Hindi eh. Pero kapag nagbabar si Bez, lagi n'ya kong isinasama. D'un lang ako
napapainom, konti lang. Hehe." si Phoebe.

"Bakit naman konti lang, may nagbabawal ba?"

"Wala naman. Wala kasing aalalay kay Bez kapag nalasing ng sobra. Mag-iiyak pa
'yan. Haha. Para siguro kaming mga baliw kung pareho kaming maglalasing."

"Ang kulit talaga n'yang si Cleng eh. Alam mo ba nung bata pa kami, niligawan ako
n'yan."

"Haha. Talaga? Grabe talaga si Bez.... Lovable talaga kasi 'yan eh. Lalo na sa mga
pogi, nakuh.. Ubos ang mga gwapo sa school kapag s'ya ang kasama mo. Ayan, lagi
tuloy broken."

"Gan'on naman talaga ang buhay eh. Boring kapag steady lang."

"Ibig mong sabihin okay lang 'yon?"

"Not necessarily, pero hindi naman masama kung maghanap ka rin ng iba't ibang
putahe."

"Hah? Are you a womanizer?"

"No. Absolutely no. Hindi lang siguro ako against sa mga babaero. Naririnig ko lang
sa mga kapwa ko lalaki. Mahirap magkaron ng sabit 'no. Kung sino talaga 'yung mahal
mo, 'dun ka lang. Saka hindi naman putahe ang babae, tao kayo."

"Sino 'to?"

"CJ?!"

Epilogue

Phoebe POV

Anong ginagawa ni CJ dito. Kanina pa ko nag-iisip ng nasa malayo, nandito lang pala
s'ya. Oo, s'ya nga 'yung iniisip ko. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit
hindi na s'ya nagparamdam sa'kin. Namiss ko s'ya and I think, mahal ko na s'ya. 'I
think' kasi dati 'I felt lang', sa heart lang gumana, ngayon pati sa utak. Walang
ng argu-arguments between heart and brain, gusto pa nga yatang sumali ni soul e.
Pero saka na siguro kapag kami na. Pero hindi eh. Baka naman wala s'yang gusto
sa'kin. Assuming naman ako. Ahaha. Lasing na 'ko. Nahihilo na 'ko. Parang masusuka
ako. Hay. Ayan, napaamin na 'ko ng author. Kung bakit ba naman nalasing na 'ko.
Hay. Pero parang nawala na 'yung lasing ko n'ung nakita ko si CJ. Galit. Haha.

"Ahh. Kaibigan niii.. ni Bez."


"Yuan Pre."

Boohhgsshh!

(Phoebe)Nagkagulo na. Sinuntok ni CJ si Yuan ng wala lang. Ang weird 'di ba.

"Ano ba. Ang ganda ganda ng bati sa'yo n'ung taon eh."
"Pinagtatanggol mo? Kayo na ba hah?"
"Alam mo lasing ka na eh. Umuwi ka na."
"Hindi ako lasing."

Napatigil na ang DJ, pati ang mga sumasayaw.

"Bez, lumabas muna kayo. Baka pagkaguluhan si CJ dito."

---------

Sa labas ng Club.

"Ano bang problema mo hah?" si Phoebe.


"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Sino ba 'yon hah? Lalaki mo?"
"Eh ano kung lalaki ko 'yon. Anong pakialam mo?"
"Siraulo talaga 'yon eh."
"Ano ba. 'Wag ka ngang manggulo 'don, dito ka lang. Keep calm, ano ba!"

Bigla na lang umiyak si CJ.

"Ba't ka umiiyak?...Mahina ka pala eh. Alam mo, lasing din ako, pero wala akong
galas 'di tulad mo. First time ko ngang malasing ng gan'to eh. Talaga palang
nakakalakas ng loob no? Nasasabi mo lahat ng gusto mong sabihin. Nagagawa mo lahat
ng gusto mong gawin."

"Talaga?"

"Oo. Saka hindi ko nga rin maintindihan kung bakit........" hindi ko na naituloy
ang sinasabi ko nang..

(Phoebe)He's my first kiss, my first love. Pero hindi ko pa alam kung last kasi
iniwan n'ya 'ko.

All this long story happen 2 years ago. Umalis s'ya ng walang paalam. 'Pag nakita
ko s'ya ulit, World War II na 'to.

Peste ka Chrysler Johannes Lopez. Humanda ka sa'kin.

〒_〒
(✖╭╮✖)
(๑ •
‫ •و‬ω••)‫و‬

--------> END OF SEASON 1 <--------


Author's Postface

This is my first story kaya sobrang nagpapasalamat talaga 'ko sa lahat ng


sumubaybay dito. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na 'ko sa mga mag-aabang sa next
season ng LOAWC.

God bless and I love you all. Mua!

F.Y.I. guys.
(Forever Young and Inlove)

-Nom_de_Plume03

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Season II Title: LOVE THIS WAY AGAIN


Theme Songs:

-You and Love This Way Again by Jona Viray


-Hanggang Kailan by Michael Pangilinan
-Stay by Daryl Ong
-Hiling by Mark Carpio
-walang kamatayang Like Only a Woman Can by Brian McFadden
-I Was Made for Loving You by Tori Kelly ft. Ed Sheeran

Sinu-sino kaya ang mga bagong characters na mas magpapagulo lalo sa storya ng ating
mga bida. Hahahaha. Ang luma ng term ko. Basta, 'yun na 'yon. May mga mapapadagdag
na characters at meron naman na mga dating characters na, nagkaron lang ng
additional at important part.

Thank you very much.

Signing off from Season I.

Yours Trully,
Nom_de_Plume03

You might also like