You are on page 1of 2

Oxford Louise Academy of Dasma., Inc.

Government Recognition: PRE ELEMENTARY k-062 s 2004, COMPLETE ELEMENTARY E-016 s 2005, COMPLETE SECONDARY s-047 s 2013
P. Campos Avenue corner Emerald Crest Village San Jose, City of Dasmarinas, Cavite Philippines
TEL. NO. Admin (046) 416-3287; Registrar (046) 431-0171
oxfordlouiseacademy@hotmail.com

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO (LEARNING PLAN)


Edukasyong sa Pagpapakatao 8
Unang Markahan

Aralin 1: Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon July 30 (Seacow)


Aug 1 (Kandar)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon
ng lipunan.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.

Mga kasanayan sa Pagkatuto.

1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o


may positibong impluwensya sa sarili.

2. Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng bawat kasapi ng pamilya sa loob ng


tahanan at sa lipunang kinabibilangan nito.

3. Nakabubuo ng iba’t ibang pakahulugan tungkol sa pamilya gamit ang iba’t ibang
malikhaing pamamaraan.

Pamamaraan

1. Gamit ang flash cards ipabasa ang mga konsepto sa ibaba. Tumawag ng ilang mag-
aaral na magpapaliwanag ukol dito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Hilig Pamilya Pagpapasiya Talento Sekswalidad Pagpapahalaga sa pag-aaral

2. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob


ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya

Mahahalagang Tanong:
1. Sa paanong paraan nagiging Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon?
2. Paano nabubuo ang pinakamahusay na bilang Natural na Institusyon?

Kakailanganing Pang-unawa:

1. Ang mga kaisipang Ang Pamilya bilang Natural na Institusyonpang - ay nababatay


ba sa pangkalahatan?
2. Ang isang pamilya ay puno ng mga desisyong pangkalahatan.

Kakailanganing Pang-unawa:
3. Mababatid ang misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggagabay sa
pagpapasiya at paghubog sa pananampalataya.
4. Natutukoy and mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o
positibong impluwensya.

I. Pagtuklas
A. Pagganyak:
1. Magpapakita ang guro ng tatlong larawan. Tatayo ang mga mag-aaral at pipiliin nila ang nais
na larawan para kumpletuhin ang pangungusap na tumutukoy sa kanilang kapamilya. Bibilangin
ng guro kung ilan ang tumayo at pinili ang partikular na larawan para kumpletuhin ang
pangungusap at tatanungin kung bakit iyon ang kanilang mas pinili.

II. Paglinang
2. Babasahin ng buong klase ang makahulugang pag-alam mula sa aklat at tatalakayin ng guro
ang mahahalagang punto ng bawat kahulugan.
3. Matapos ito, tatalakayin ng guro ang mga pangunahing puntos mula sa binasa.

III. Pagpapalalim
4. Seat Work #1: Gumawa ng sariling kahulagan ng pamilya.
5. Seat Work #2: Gumuhit ng Editorial Cartoon na nagpapakita ng mga isyu na may kinalaman
sa pamilya. Sa likod ng papel, magbigay ng sahestiyon kung paano masusolusyunan ang isyu
na iyong iginuhit.

Inihanda ni:

EDILYN PAZ A. ACOL


Guro - ESP 8

You might also like