You are on page 1of 3

Ikalawang Digmaang Pandaigdig Setyembre 1, 1939-Setyembre 2, 1945

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong ika-7 ng Hulyo
1937 sa Asya at unang araw ng Setyembre 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang
karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na
pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang
ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang
bawat kalaban.
Ano-ano ang naging sanhi kung bakit sumiklab ang WWII
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya at ng kanyang mga kasapi noong
1918. Nabago ang mapa ng Europa, at bilang resulta nito, nagsipagsulutan ang mga bagong bansa, kasama
na ang bagong nabuong Republika ng Weimar na kumakatawan sa nasabing bansa, dulot nito. Naniwala ang
mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan; sila ay ginamit bilang pambayad ng pera sa
Britanya at Pransiya na nagwagi sa digmaan. Binigyan ang naunang nasabing bansa ng mga pagbabawal at
sangksyon, kabilang na rito ang Kasunduan sa Versailles na nagbabawal sa bansa na magsanay ng
hukbong katihan na umabot sa mahigit sa sandaang libong kawal, para maiwas ang karagdagang gulo sa
Europa at upang hindi na maulit ang pagkawasak at kapighatiang dulot ng nasabing digmaan.

Ano-anong mga bansa ang sangkot sa WWII ?


Alyansang Allied
Soviet Union Netherlands
United States Belgium
United Kingdom South Africa
China Norway
France Czechoslovakia
Poland Brazil
Canada Denmark
Australia Luxembourg
India Mexico
New Zealand Southern Rhodesia
Yugoslavia Philippines
Greece Mongolia

Alyansang Axis
Germany Slovakia
Japan Vietnam
Italy
Romania
Hungary
Bulgaria*
Thailand
Finland
Iraq
Albania
Burma
Croatia
India
Mengjiang
Manchuria
Digmaan sa Europa
Simula ng Digmaan
Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland, isang lugar na
pinamumugaran ng mga Tseka. Nakipagsunduan rin siya sa pinuno ng Unyong Sobyet na si Joseph Stalin
para magtulungan at di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya,
sa tulong ng Unyong Sobyet noong 1 Setyembre 1939, dahilan upang magdeklara ng digmaan ang Britanya
at Pransiya sa unang nabanggit; dalawang araw ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang digmaan.
Gumagamit ang mga heneral ng Alemanya ng taktikang blitzkrieg o digmaang kidlat na malugod na
ginagamitan ng bilis ng paglusob ng mga iba't ibang yunit ng Wehrmacht, ang hukbong katihan ng Alemanya
noong panahong yaon. Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda, at Pransiya ay mabilis na napabagsak
ng blitzkrieg, habang dumadanas ng mga maliliit na mga kawalan sa tauhan at materyales.
Sa kabila ng pagkawala ng Pransiya sa kamay ng mga Aleman, tanging ang bansang Britanya na lang ang
nanatiling malaya at kung saan ay nasa digmaan pa laban sa kanila. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang
hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa. Noong 12 Agosto 1940, binomba ng
Alemanya ang katimugang baybayin ng Inglatera. Pinagsamasama ni Punong Ministro Winston Churchill ang
kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensiyon, ang radar, na ginamit
para malaman kung may hukbong panghimpapawid papunta sa bansa, at sa tulong nito natablahan ng mga
eroplanong panlaban ng bansa ang mga napakaraming eroplanong pambomba at panlaban ng Alemanya.
Ipinatigil ni Hitler ang panghimpapawid na pananakop sa Britanya sanhi ng malaking kawalan sa mga
eroplano, at hindi nasakop ng Alemanya ang pulo bilang kinalabasan.
Paglawak ng digmaan
Noong Hunyo 1941, sinimulan na ni Hitler at ng kanyang mga heneral ang pananakop sa Unyong Sobyet,
ang pinakamalaking bansa sa mundo. Ayon sa mga mananaysay at iskolar, ito ang pinakamalaking
pagkakamali ni Hitler. Gusto niya ng bakanteng lugar para sa kanyang lahi at makontrol ang kayamanan ng
rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang pinakamakapangyarihang karibal niya
na si Joseph Stalin. Umaabot sa apat na milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. Dahil dito,
nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan. Hindi nakapaghanda si Stalin sa
pagsugod ng Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga
Aleman, pero sa kabila nito, walang balak na sumuko ang mga Ruso sa pagtatanggol ng kanilang bansa.
Muntikan nang naagaw ng Wehrmacht ang Moscow na nagsisilbing kabisera ng bansa, ngunit sa pagsapit ng
taglamigang Ruso, naglunsad ang mga Sobyet ng isang malawakang pag-atake laban sa kanila, at lubos na
napaatras ang kanilang mga kawal mula sa mga tarangkahan ng lungsod.
Pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga Alyado
Sa unang bahagi ng taong 1942, naging matagumpay ang mga hukbong Axis sa Europa sa iba't ibang
larangan sa digmaan. Napasakamay ng mga Aleman at Italyano ang kuta ng mga Briton sa Tobruk sa Libya,
at pagkatapos ng pagpapangkatang-muli ng mga Aleman mula sa pagkatalo nila sa Moscow mga ilang
linggo ang lumipas ay bumalik sila sa paglulusob. Naagaw nila ang tangway ng Kerch at ang lungsod ng
Kharkov, at ipinagpatuloy nila ang pangunahing misyon nila -- ang maagaw ang mga masaganang
kalangisan sa Caucasus at ang lungsod ng Stalingrad. Dito nagsimula ang madugong Labanan sa Stalingrad.
Isang malaking insulto at kawalan para kay Stalin ang pagkawala ng lungsod lalu't lalo na't pangalan niya ang
nakaukit sa lungsod, kaya ang utos niya sa kanyang mga kasundaluhan na tumatanggol sa lungsod ay bawal
umatras nang walang utos sa kataas-taasan o kundi'y sila ay patayin. Habang nahihirapan ang hukbong Axis
sa pag-agaw sa lungsod dahil sa mga mamamaril na nakatago sa mga gusaling nasira ng mga kanyon at
eroplano at kagitingan ng mga lokal nitong mamamayan, lumusob naman ang mga Sobyet sa mga giliran ng
hanay ng hukbo at napakaraming yunit ng hukbo, kabilang na yaong mga Rumaniyano, Italiyano,
Unggaryano at iba pang kaalyado ng Alemanya, ang nawasak; napaligiran ang mahigit 300,000 Aleman sa
lungsod. Pebrero 1943, sanhi ng pagkaubos ng kanilang tauhan, materyales at pagkain kasama na ang
napakamapinsalang taglamigang Ruso, napilitan silang sumuko sa mga Sobyet; ito ang hudyat ng simula ng
pagbagsak ng hukbong Axis sa digmaan. Bagaman may kalakasan pa ang Wehrmacht sa labanan, hindi na
nito naibawing muli ang dati nitong sigla; pagkatapos ng Labanan sa Kursk na siyang pinakamalaking
labanan ng mga tangke sa kasaysayan na napagwagian ng mga Sobyet, napatunayan nang wala nang
kakayahan ang Alemanya na magsagawa pa ng mga panlulusob sa mga teritoryo ng Rusya.
Pagkawagi ng mga Alyado
Noong ika-6 ng Hunyo 1944, naglunsad ang mga sundalong Amerikano, Briton at Kanadyano ng pagsakalay
sa mga baybaying-dagat ng Normandy, Pransiya na sakop noon ng mga sundalong Aleman. Ito ay bahagi ng
operasyong itinawag na D-Day o Operasyong Overlord na siyang pinakamalaking paglusob mula dagat sa
kasaysayan; mahigit 175,000 Alyadong sundalo ang lumapag sa mga baybaying-dagat ng Normandy sa mga
unang araw nito, at lumagpas sa mahigit sa isang milyon pagkatapos ng ilang araw. Makalipas ang mga ilang
buwan, sa tulong ng mga Pranses, matagumpay na napalaya ng hukbong Alyado ang Pransya. Makalipas
ang ilang buwan, nagsagawa ang mga Aleman ng isang paglusob laban sa mga hukbong Alyado sa mga
kagubatan ng Ardennes, subalit pumalya ito at dahil nito ay halos matalo na ang bansa sa digmaan.
Noong 16 Abril 1945, pumasok ang Hukbong Pula ng Unyong Sobyet sa lungsod ng Berlin, ang kabisera ng
Nasyunalistang Alemanya, at nilabanan nito ang mga kahuli-hulihang mga yunit ng mga sundalong Aleman.
Nawasak ang kabiserang lungsod at may hihigit sa 700,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay,
nasugatan at nabihag sa kamay ng mga Sobyet. Noong 8 Mayo 1945, sumuko ang Alemanya at nagwagi ang
mga puwersang Alyado at ang Unyong Sobyet sa digmaan.
Digmaan sa Asya
Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, sinunod
ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong 3 Disyembre
1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa bansang Hapon, ngunit nagdeklara din
ang Alemanya at Italya ng giyera laban sa Estados Unidos.
Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa rin
nila ang pag-atake. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at
iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na
umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang USAFFE
at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. Wainwright.
Lumakas ang pwersa ng mga Hapon at nasakop lahat ng mga lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, French
Indochina, Myanmar, Malaya, Dutch East Indies, at ang Pilipinas.
Pagtatapos ng Digmaan
Noong 20 Oktubre 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong
Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng
puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng
pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya
noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Nagsimula ang Labanan ng
Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang 3 Marso 1945 ay nilusob ng magkakasanib na hukbong
Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa
hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa
kamay ng mga hukbong Hapones. Noong 2 Setyembre 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa
mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang
Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya
sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945.
Pagwawakas
Natapos ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa
sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong 6 Agosto 1945, sa
Look ng Tokyo, Hapon.
Umigting din ang digmaan nang bombahin ng mga Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 8,
1941. Ang Pearl Harbor ay isang malawak na base-militar ng United States. Dahil hindi pa lubusang lumalaya
ang Pilipinas sa United States, nadamay ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sumunod na
binomba ng mga Hapon ang iba't ibang lugar sa Pilipinas gaya ng Clark Field, Davao, Baguio, Aparri, Nichols
Field, at Sangley Point.

You might also like