You are on page 1of 3

“Ang Legacy ni Zeus”

Noong ika-10 ng enero taong 2003, may batang ipinanganak na nag-ngangalang Zeus. Tuwang tuwa ang mga
magulang niya sa kanya dahil napakaliit at napakalusog niyang bata. Dumaan ang ilang taon, habang lumalaki
si Zeus, nakahiligan niyang maglaro ng basketbol. Lagi lagi siyang naglalaro nito, umaga, hapon o gabi man.
Pagkauwing pagkauwi niya galing klase ay rekta agad siya sa basketbol court. Lagi niyang kalaro ang mga
kababata niyang sina Jer at Rey. Minsan ay may nakakalaban silang mga dayo. Pero kadalasan nagshoshooting
lang sila.

Noong tumuntong si Zeus sa edad na 14, siya ay biglang tumangkad. Ang kanyang taas ay 5'5 ngunit siya ay
payat. Siya ay nag-aaral ng highschool non. Dun niya nakilala ang mga batang mahihilig din sa larong
basketbol. Napatropa siya sa mga yun. Araw-araw silang naglalaro ng basketbol. Halos 2 dalawang taon silang
laging ganon. Ngunit noong tumuntong na sila sa Grade 10. Nagbago ang lahat, ang dating laging
magkakasama ay bigla nalang nagkasiraan. Ang ilan ay hindi na nag-uusap at ang dating solid na tropa ay
nagwatak-watak. Nakalipas ang isang taon, nagkaayos ayos ulit ang tropang ito ngunit hindi na katulad noon na
laging nagbabasketbol at nagkakasiyahan sa lahat ng oras.

Noong tumuntung si Zeus sa edad na 16, tumangkad siya at naging 5'10 ang height niya. Biglang naisip niya na
napag-iiwanan na siya sa larangan ng basketbol. Kaya nagsikap siyang magpalakas. Araw-araw siyang
nagpapakondisyon. Kung ano-anong paraan ang kanyang ginagawa para lumakas. Nagtraining siya sa isang
gym. Pagkakatapos niya dun, nag-aaral naman siya at natulong sa kanyang mga magulang. Pero tuwing gabi ay
hindi parin siya tumitigil sa pagpapalakas. Nagtetraning parin siya sa gabi at minsan ay inaabot na siya ng 12
am. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagpapalakas sa larangan ng basketbol. Nagagamit niya ng tama ang
kanyang oras ngunit minsan hindi niya maiiwasan na hindi magawa ang mga gawain sa kanyang paaralan at
bahay. Kaya madalas siyang pagalitan ng kanyang magulang at lagi nalang mali ang nakikita sa kanya. Ang
hindi alam ng mga magulang niya ay nagpupursigi siyang mabuti para matupad niya ang kanyang pangarap.
Tinuloy niya parin ang pagtupad ng kanyang pangarap kahit na impossible, hindi parin siya nasuko.

Nakalipas ang 2 taon, nakatapos na siya ng senior highschool. Lalo siyang tumangkad at naging 6'2 na ang taas
niya at ang wingspan niya naman ay 6'6. Bagay na bagay siyang maging isang atleta. Nagbalak siyang
magpunta sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pangarap niya dun. Nung nasa bansang America na siya, agad
siyang naghanap ng paaralan na may athlete scholarship. Nakahanap agad siya at agad siyang nag apply. Buti
nalang agad siyang naaprobahan. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya dito kasabay ang paglalaro ng
basketbol. Araw-araw parin siyang nagtetraning para lalong lumakas.
Dumating ang araw ng kanilang laban sa iba’t ibang kuponan. Nung unang laro, hindi makita ang laro niya at
para bang wala lang siya para sa kanilang kalaban. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng laro nilang iyon sinabi
niya sa sarili niya na ‘hindi na ulit ako magpapaubaya at ipapakita ang lahat hanggang sa aking makakaya’. At
ito na nga, dumating na ang araw na kanyang hinihintay. Unang quarter palang, pumuntos na agad siya ng 25
points, at naka-assist ng 5 at naka-rebound ng 7. Nagpahinga muna siya nung second quarter. Pinasok ulit siya
nung third at fourth quarter. At sa araw na iyon, nakilala siya sa buong America dahil pumuntos siya ng 70
points, naka-assist ng 15 at naka-rebound ng 20.

Nagtuloy-tuloy ang kanyang laro at napakita niyang isa siyang magaling na manlalaro. Nung championship na,
mas lalo siyang gumaling. Halos lahat nang tira niya ay pumapasok at oonti lamang ang sala. Napanalo nila
iyon dahil sa pagdadala niya ng kupunan nila. Agad siyang napansin ng NBA. Kinuha siyang player sa NBA at
naglaro sa kupunang Chicago Bulls. At dun niya natupad ang pangarap niya dahil sa una’t una palamang ay
nangarap na siyang maging NBA player. Sobra siyang natuwa dahil matutulungan niya na ang kanyang mga
magulang at mapapaginhawa na niya ang buhay nila.

Nung naglaro na siya sa NBA, pinakita niya agad sa lahat na magaling siya. Naging star player siya ng Chicago
Bulls. Kapag nasa loob na siya ng court ay naganda ang laro ng buong team. Pero hindi maiiwasan ang
pagkatalo.nakaabot ang team nila sa semi-finals. Doon nila nakalaban ang Milwaukee Bucks. Umabot sila sa
game 7 at doon nakamit nila ang panalo. Nakatapat nila sa finals ang Los Angeles Lakers. Naging maganda ang
lahat ng laban nila at umabot nanaman sa game 7. Nung unang quarter palang ay dikit ang laban. Kada puntos
ng kalaban, pumupuntos din sila. Naging ganon ang laban hanggang pangalawang quarter. Pero nung inilabas
na si Zeus nung pangatlong quarter, natambakan ang Chicago Bulls ng 30 points.

Nung mga oras na iyon, nawawalan na nang pag-asa ang lahat ng player ng Chicago Bulls. Ngunit si Zeus ay
nanatiling positibo at sinabi niya sa team na kaya nila ito. Pumasok na si Zeus nung pang huling quarter.
Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. Hinabol nila ang tambak sa kanila at himila nahabol nga nila.
Tatatlong segundo nalang ang natitira, lamang pa nang isa ang kalaban nila. Ang score nun ay 127-126. Nasa
kalaban ang pa ang bola. Wala nang time-out ang parehas na kupunan. Nakuha ni Zeus ang bola sa kalaban at
itinira agad sa halfcourt. Yung mga oras na iyon, panandaliang tumigil ang mundo. Biglang pumasok ang tira ni
Zeus. At yun na nga, nanalo sila ng championship. Lahat ng players ng Chicago Bulls ay naging emosyonal pati
narin ang mga fans. Dahil matagal nang hindi nakakamit ng Chicago Bulls ang Championship. Ang naging
Finals MVP ay si Zeus. Siya rin ang naging MVP of the year at Rookie of the year. Siya ang kauna-unahang
player na nakakamit ng ganong karangalan sa unang taon lamang. At doon nagpatuloy ang kanyang legacy.
Engelbert A. Saulog Jessica C. Labao

STEM-R-MOSES February 19, 2020

You might also like