You are on page 1of 7

Pagsusuring Pampelikula

Bonifacio:
Ang Unang Pangulo

Inihanda ni: Abiera, Brix T.


Layunin:
Layunin nito na ihatid sa manonood ang mga
nagging karanasan ni Andres Bonifacio noong
siya ay nabubuhay pa. Ipinakita rin ditto ang
pamumuno niya sa himagsikan upang makuha
ang kalayaan mula sa mga kastila na matagal
na nilang hinahangad.

Moral Values:
• Sa kabila ng nakaambang panganib, dapat
lang nating ipaglaban ang sariling atin at ang
mga alam nating tama.
• Maging mapagmahal sasariling bayan gaya
ng ginawa ng ating mga bayani, kabilang na si
Andres Bonifacio.
Elemento ng Nobela
Tauhan:
• Robin Padilla bilang
Andres Bonifacio
• Vina Morales bilang
Gregoria de Jesus
• Jericho Rosales bilang
Jose Rizal
• Joem Bascon bilang
Emilio Jacinto
• Rommel Padilla, Isko Moreno, at Dennis Marasigan
bilang GomBurZa (Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora)
• Jun Nayra bilang Emilio Aguinaldo
• Erlinda Villalobos bilang Tandang Sora

Tagpuan:
• Pugad Lawin
• Punong-himpilan
• Kulungan
Banghay:
• Simula:
Nakita ni Andres Bonifacio ang pagbitay sa tatlong paring GomBurZa noong
kanyang kabataan. Pinararatangan sila na nagrerebelde sa mga kastila. Dahil sa
pangyayaring iyon, maagang namulat si Andres Bonfacio sa pang-aalipin ng mga kastila
sa bayan ng Pilipinas.

• Suliranin:
Nanakop ang mga kastila sa loob ng napakahabang panahon (300 years).

• Saglit na Kasiglahan:
Itinatag nila ang La Liga Filipina na may hangaring ipamulat sa lahat ng Pilipino ang
ginagawang pang-aalipin ng mga kastila.

• Tunggalian:
Tao laban sa Lipunan; Tao laban sa Tao

• Pataas na Pangyayari:
Dumating ang balita na namatay na si Dr. Jose Rizal kaya napagpasyahang itatag ang
katipunan upang ipaglaban ang mga Pilipino mula sa pang-aalipin.
SAbay-sabay nilang pinunit ang sedula na humahawak sa kanila simbolo ng pag-
aalsa.

• Kasukdulan:
Nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga kastila upang makamit ang kalayaan sa
pangunguna ni Andres Bonifacio.
• Kakalasan:
Nahuli si Andres Bonifacio at nilitas ng napakatagal na panahon. Nahatulan si
Andres Bonfacio na isang taksil kaya napapasyahan ng hukuman na sya ay lapatan ng
parusang kamatayan

• Wakas:
Namatay si Andres Bonifacio sa Cavite ngunit naiwan n’ya ang dadamdaming may
hangad ng kalayaan.

Pananaw:
• Pangatlong Tauhan - batay sa nakikita o obserbasyon ng
may-akda.

Tema:
• Kabayanihan ni Andres Bonifacio noong panahon ng
pananakop ng mga kastila.

Damdamin:
• Matapang, damdaming pagrerebelde, at malungkot.

Pananalita:
• Agresibo na kung minsan ay pabulong at minsan ay
pasigaw.
Simbolismo:
• Bolo
Sumisimbolo ito sa himagsikan
at tapang ng katipunan noong araw
ng pananakop ng mga kastila.

• Sedula
Sumisimbolo ito sa pang-aalipin ng mga
kastila sa mga Pilipino

• Pagpunit sa Sedula
Sumisimbolo ito sa pag-aalsa ng mga
Pilipino laban sa kastila.
Buod
Nagsimula ang lahat nang makita ng batang Andres
Bonfacio ang pagbitay sa tatlong paring GomBurZa. Dahil
sa pangyayaring iyon, maagan s’yang namulat at
nagkaroon ng hangarin na makuha ang kalayaan mula sa
kamay ng mga kastila.

Nabuo ang La Liga Filipina. Binigyan nila ng dahilan


ang bawat Pilipino na naalipin ng hangaring makuha ang
kalayaang matagal na nilang hinahangad. Kabilang na
rito si Dr. Jose Rizal. Kalaunan, namatay si dr. Jose Rizal
at doon na nabuo ang katipunan na pinamunuan ni Andres
Bonifacio.

Nagsimula ang himagsikan at dumaan ang digmaan sa


pagitan ng mga kastila at mga Pilipino.

Nadakip si Andres Bonifacio at nilitis ng napakatagal


na panahon. Sa bandang huli ay nahatulan din siya ng
kamatayan. Namatay siya sa Cavite ngunit iniwan n’ya ang
damdamin ng tunay na Pilipino na may hangarin ng
kalayaan.

You might also like