Compare Jose Rizal and Andres Bonifacio’s ideology on freedom
- Para kay Dr. Jose Rizal, ang kahulugan o kaisipan ng kalayaan sa kanya ay ang pag- alis, pag-iwas, o paglaya ng tao mula sa mga maling kamalayan at mapanupil na kaisipan. Patunay ang kaniyang mga naisulat na akda tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na talagang nagpamulat ng kamalayan ng mga Pilipino noon. Gusto rin ni Rizal na pagyamanin at mahalin ng mga Pilipino ang kaniyang sariling bansa, dignidad, kabutihan at dangal kahit buhay pa nila ang maging kapalit. Ayon sa kaniya, kung ang mga Pilipino ay marunong magmahal sa kaniyang sariling bansa at kapwa tao, ang mga Pilipino ay may halaga at tungkulin nilang pigilan ang kabagsikan at kasamaan na nangyayari sa bansa. Dagdag pa rito, kung hindi raw isasapuso ng mga Pilipino ang kalayaan at dignidad, wala silang magiging pagkakaiba sa mga malulupit na namumuno. Kung puro korapsyon at kauhawan sa kapangyarihan lang ang nasa isip ng mga Pilipino, hindi makakamit o magkakaroon ng kalayaan. Ayon din sa kaisipan ng kalayaan ni Rizal, ang mga Pilipino ay naghahangad ng kalayaan mula sa mahabang taon ng pagiging alipin at hindi dahil gusto nilang maging bagong manlulupig ng mga tao. Malinaw na ayaw ni Rizal na lumaban sa mga mananakop gamit ang mga armas. - Para naman kay Andres Bonifacio, ang kaisipan ng kalayaan para sa kanya ay kabaliktaran sa paraan ni Dr. Jose Rizal. Dahil sa katapangan na ipinakita at pagiging makabayan ni Bonifacio, bumuo siya ng isang grupo na tinawag na Katipunan. Naniwala si Bonifacio na isang sandatahang pag-aalsa at hindi reporma lamang ang kailangan upang baguhin ang kalagayan ng bansa noon. Ayon sa kanya, upang makamit ang kalayaan, kinakailangan na magkaroon ng digmaan, isang rebolusyon laban sa mga Espanyol. Ninais ni Bonifacio na tuluyang lumaya mula sa pang-aalipin ng mga Kastila. Kung kaya’t tinawag siyang Ama ng Himagsikang Pilipino.