You are on page 1of 2

Activity # 1

I. Sa aking sariling pananaw, malaki ang naitulong ng kasaysayan sa kasalukuyan.


Una sa lahat, nalalaman at naoobserbahan natin ang pag-unlad at pagbabago ng
ating bansa. Sa paraang ito, lumalawak ang ating kaalaman at nagkakaroon tayo ng
kamalayan sa mga bagay-bagay mula sa mga pangyayari noon. Halimbawa, sa
Malolos Constitution na ipinatupad noong 1899, nagkaroon ng libreng edukasyon at
nagkaroon ng unibersidad (Unibersidad ng Literatura ng Pilipinas). Sa
Commonwealth Constitution na itinatag o inaprubahan noong 1935 na kung saan
nagbigay karapatan sa mga kababaihan na bumoto at maaaring mahalal sa
puwesto. Sa Freedom Constitution naman ay nagkaroon tayo ng “Kalayaan” mula sa
“kalupitan” ng rehimeng Marcos. Dagdag pa rito, dahil din sa pananakop ng ibang
bansa sa atin, nabago at nahaluan ang ating orihinal na kultura at nabago ang ating
paraan ng pamumuhay. Dahil din sa tulong ng kasaysayan, nalalaman natin kung
ano ba ang dapat natin iwasan, palaguin at pagbutihin para sa ikagaganda ng
sistema ng ating bansa. Kung hindi dahil sa mga pangyayaring ito, ibang-iba siguro
ang buhay natin ngayon.

II. Opo, maaaring mahalin ng isa ang kanyang bansa at maging tapat o mapagmahal
sa kanyang paniniwala ng hindi kinakailangang bastusin o magpakita ng kawalang
galang sa kung ano ang pananaw o relihiyon ng iba. Lalo na’t kung alam mo sa sarili
mo kung ano ang tama at kung ano ang mali. Ngunit, kung ang pananaw/paniniwala
ng iba ay magdudulot ng hindi maganda o makasasama sa iyong sarili at ibang tao,
ito ang oras upang gumawa ng hakbang at akmang aksyon ukol dito.

III. Para sa akin, siguro si Rizal ay magiging dismayado sa mga makikita niya ngayon sa
kabataan. Hindi sa paglalahat, habang tumatagal mas lalong papangit ng papangit
ang ugali ng mga kabataan ngayon. Nagiging mapusok at marahas ang pag-uugali
nila, sa paraang maagang nagbibisyo at nabubuntis, kawalang respeto sa mga
nakatatanda, pagiging bastos at iresponsable at marami pang iba. Parang sobrang
layo sa kasabihan ni Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” kung titingnan
ngayon. Marahil ay mapapaisip din si Rizal na sulit ba ang kanyang kamatayan kung
ganitong uri ng mga kabataan ang kanyang mamamasdan o makikita. Hindi sa
pagiging negatibo, ngunit may mga pagpipilian naman tayo kung gugustuhin ba natin
na maging isang mabuting tao o hindi.

You might also like