You are on page 1of 1

Bitbit ang napakalaking pag-asa para sa kanyang sarili, pamilya at bansa, lumisan si Rizal at naglakbay sa

Espanya kahit lubhang napakahirap. Kaya’t sa kabanatang ito ng kanyang buhay, ako ay mas humanga sa
kanya. Sa kabila ng pagtungo sa dayuhang bansa, nanatili sa paglilingkod sa kanyang bansang sinilangan.
Habang nasa Espanya, ginugol ang panahon upang magkaroon ng hulistikong edukasyon. Sa pagiging
determinadong mag-aaral, hinubog ni Rizal ang kanyang intelektwal. Namulat sa liberal na ideya ng
kalayaan, pagkakapantay-pantay at modernisasyon. Mula dito, umusbong ang kaisipang pampulitika ni
Rizal, na nagsilbing kasangkapan upang ipaglaban ang ating mga karapatan. Siya ay naging isang
repormista na malayang ipinarating sa lipunan ang katotohanan. Lumikha ng mga akda na nagsilbing
tulay upang magising ang natutulog na diwa ng mga kababayang Pilipino. Masasabing ang pananaw ni
Rizal ay hiram sa ideyalismo na umiiral sa panahon ng kanyang pananatili sa Espanya. Ngunit, hiram man
o hindi ang balangkas na kaisipang pampulitka, ang katotohanan ay hindi maipagkakailang ito ang naging
daan sa kalayaan ng ating bayan

You might also like