You are on page 1of 3

I.

PAMAGAT

Ang pamagat ng pelikulang ito ay Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Ang kwentong ito ay umiikot
sa naging buhay ni Andres Bonifacio kung paano sya naging matatag at matapang sa kabila ng
pang aaping ginagawa sa atin ng mga kastila. Sya ang nanguna sa pagtatag ng KKK (Kataas-
taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) Itinatag ni Bonifacio ang KKK o
Katipunan bilang isang sikretong, armadong grupo laban sa mga kolonyalistang Espanyol para
kay Bonifacio para din sa pamilya nya ang laban ng katipunan ang naging tawag sakanya ng mga
miyembro nito ay Supremo na kung saan kinakailangan nilang itago ang kanilang binubuong
samahan para hindi ito malaman ng mga kastila dahil nung mga panahon na iyon mahigpit na
ipinagbabawal ang pag suway sa iniuutos ng gobyerno. Sinabi sa Pamagat na ito na si Andes
Bonifacio ang unang pangulo sapagkat sya ang nanguna sa pag punit ng sedula na sumisimbolo
na kumalas na tayo sa gobyerno ng mga kastila at ang katipunan ang naging unang gobyerno ng
pilipinas.

II. MGA TAUHAN

Andres Bonifacio

-Ang nag tatag ng KKK laban sa mga kolonyalistang Espanyol o mas kilala bilang supremo sya
ang tinaguriang ama ng katipunan isang mapagmahal sa asawa maging sa kanyang bayan isang
bayani na handang isakripisyo ang kanyang buhay para sa bayan.

Gregoria De Jesus

-Ikalawang asawa ni Bonifacio Lakambini o “First Lady” ng katipunan. Mapagmahal na asawa na


naghahangad din ng hustisya para sa mga inaabuso o inaapi ng mga kastila

Dr. Jose Rizal

-Isa ring bayani na ang layunin ang mapag kaisa ang bayan malabanan ang karahasan at
mabigyang hustisya ang mga naaapi sa mapayapang paraan. Sya rin ang nagsabi kay Bonifacio
na hindi patalim o pistol ang daan patungong kalayaan, na di kalaunan ay dinakip rin.

Ciriaco Bonifacio

-Kapatid ni andres Bonifacio na kasama sa pagtatag ng KKK isang tapat na kapatid na sumuporta
kay Bonifacio sa kanyang mga naging laban ngunit sya ay nabaril at namatay.
Procopio Bonifacio

-Kapatid ni Andres gaya ni Ciriaco isa din sya sa mga katipunero magkasam a sila ni Bonifacio ng
sila ay dakipin ngunit di kinalaunan hinatulan din sya ng kamatayan.

Espiridiona Bonifacio

-Kapatid n a babae ni Andres, at kasapi rin ng kaptipunan tumulong siyang magtago ng mga
kagamitan para sa kilusan

Emilio Aguinaldo

-Ang nag utos na dakipin at patayin si Andres Bonifacio sapagkat sinabihan sya na mataas ang
tyansa nyang matalo sa botohan bilang unang pangulo kung si Bonifacio ang magiging kalaban
nya.

III. BUOD NG PELIKULA

Nakita ni Andres Bonifacio ang pag bitay sa tatlong paring GomBurza


noong kanyang pagkabata .Pinaratangan sila na nagrerebelde sa mga kastila
dahil sa mga pangyayaring iyon, maagang namulat si Andres Bonifacio sa mg a
pang aalipin satin ng mga kastila nagkaroon na agad sya ng hangarin na makuha
ang kalayaan sa kamay ng mga mapang abusing kastila.

You might also like