You are on page 1of 14

ANG EASTHER

VILLARO
MIS Grade 12 Honor

TER RUSTY JAE


YO VOL. 1
ESTRABELA
Grade 12 Honor

OKTUBRE
NATALIE
2019
DOLAR Grade 12 Honor

MGA KOLEKSYON NG

AKADEMIKONG
SULATIN
ANGMISTERYO.ORG
TALA
NG NILAL

ABSTRAK

BUOD

BIONOTE

TALUMPATI

PANUKALANG PROYEKTO

KATITIKAN NG PULONG
AAN
LAMAN

AGENDA

POSISYONG PAPEL

REPLEKTIBONG SANAYSAY

PIKTORYAL NA SANAYSAY

LAKBAY SANAYSAY
ABSTRAK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang
malaman ang kalagayan ng wikang Filipino sa
makabagong panahon ng mga estudyante ng
ikalabing -isang taon ng Cagayan de Oro City. Ang
mga baryabol na ginagamit dito upang malaman
kung ano na talaga ang nangyari sa ating wika sa
ngayon at paano nakakapekto sa mga tao ang
pagbabago nito. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan
ng survey kwestyuner, para makakalap ng
impormasyon at opinyon ukol dito. May kabuuang 15
respondente, 8 lalake at 7 na babae, at sila ay ang
mga taong nakatira sa Cagayan de Oro City. Ang
mga napili naming itanong ay: Bakit napapalitan ang
mga salita sa paglipas ng panahon?; Paano
nakakapekto ang impluwensiya ng ibang lahi o ibang
diyalekto sa wika ng mga Kagay-anon?; Ano ang
epekto nito sa mga mamamayan, pati nadin sa
Cagayan de Oro City?; at Mayroon bang relasyon sa
pagitan ng pagpapalit wika at paglipas ng panahon?
Sa pamamagitan nang pag-aaral na ito,
maliliwanagan at mabibigyan kayo ng mga ideya at
kaalaman ukol sa pagpapalit-wika ng mga Kagay-
anon.
BIONOTE
Ariel V. Fabrigas

Kilalabilang Special Science Teacher ng Gusa


Regional Science High School, si Ariel V. Fabrigas ay
ipinanganak noong May 10, 1996 at lumaki sa DS
Manuel Vega St. Consolacion, Cagayan de Oro City.
Nakapagtapos siya sa Consolacion Elementary
School ng elementarya at Angeles Sisters National
High School ng sekondarya. Isa rin siyang gradweyt
sa kursong Computer Engineering sa University of
Science and Techniology in the Southern Philippines.
Nakatanggap rin siya ng scholarship sa
Departamento ng Siyensya at Teknolohiya. Naging
top 3 performing student siya sa kanilang
Departamento ng Computer Engineering sa taong
2014-2015 at top 4 noong 2015-2016. Ang Gusa
Regional Science High school ang pinakaunang
paaralan kung saan siya ay nagturo. Dalawang taon
hanggang sa kasalukuyan siya nagturo rito.
BIONOTE
Jeany Grace S. Maglupay

Kilala bilang bagong guro sa Gusa Regional Science


High School, si Jeany Grace S. Maglupay ay
ipinanganak sa Mambatangan, Manolo Fortich.
Nakapagtapos siya sa Puerto Elementary School ng
elementarya at Agusan National High Schol naman
ng sekondarya. Siya ay naging iskolar sa
Departamento ng Siyensya at Teknolohiya at
nakapagtapos biang Cum Laude sa kursong Biology
sa Central Mindanao University. Ngayong taon,
nakapagtapos siya ng masteral degree sa Biology sa
Xavier University. Nakakuha siya ng ikalawang
puwesto sa Best Research Paper sa kategoryang
Applied Research sa Central Mindanao University
College of Education: Science Department noong
2017.   Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Gusa
Regional Science High School at isang buwan na
siyang nadestino dito. Kasalukuyan rin siyang
gumagawa ng Master’s thesis tungkol sa Biodiversity.
TALUMPATI
TALUMPATI PARA SA ATING
MINAMAHAL
NI RUSTY JAE B. ESTRABELA

Magandang hapon sa lahat ng ating mga tagapakinig, lalo


na sa ating pinakamamahal at magandang guro. Sana ay
pakinggan ninyo ang aking talumpati dahil ako ay
magsisimula na at sana naman ay magustuhan niyo ito.
Tungkol lang naman ito sa ating mga minamahal sa buhay.
Sila ang mga taong nasalikod ng ating tagumpay at
nagbigay inspirasyon sa bawat yugto ng ating buhay. Sila
ay walang iba kundi ang ating mga magulang.
Magulang, ang salitang may maraming ibig sabihin. Isa dito
ay, sila yung mga taong nagbigay buhay sa atin dito, dito sa
mundong ito. Sila yung mga taong   nagpalaki sa iyo. Sila
ang nagmulat sa mga innosente nating mga mata. Sila yung
mga walang pakialam sa buhay at lakas nila, na kahit
pagod na pagod na sila, mapakain ka lang. Ginagawa nila
ang lahat para lang mabigay sa’yo, ang buhay at ang mga
bagay na hinahangad mo. Napakaswerte mong tao kapag
ganyang klase ang mga magulang mo. Pero ano ang
ginagawa mo? Ano klaseng ugali yang pinapakita mo?
Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat sa’yo na sayo nalang lahat
napupunta ang sweldong galing pa sa dugo, pawis at
paghihirap nila? Hindi mo lang alam, kahit anong klaseng
hirap, kahit anong klaseng hiya ang hinarap, kahit na sila
ay nagpapatentero na sa laro ni kamatayan. Hindi mo
alam? O hindi mo lang talaga nakikita, kung gaano sila
kahalaga. “Wala raman, okay raman, kaya paman”.
Mga tao lang rin naman sila. Napapagod, nagkakasakit,
nagkaka-edad at namamatay. Dadating din yung araw na
huli na ang lahat. Ang mga taong ginawa ang lahat, para
sayo, ay iiwan ka sa mundong ito, na mag-isa. Kaya imulat
mo ang iyong mga mata, para iyong makita kung gaano
kahalaga ang pinakamamahal mong magulang. Mga
magulang na nagpalaki’t nagmamahal sa’yo nang todong-
todo. Dapat nating pasalamatan, dapat nating suklian, ang
mga ginawa nilang sakripisyo na ibinigay sila sa’yo. Dapat
rin nating pasalamatan ang Diyos dahil hindi niya
pinabayaan, ang ating mga magulang. Mga magulang na
hindi nagbabago, umulan man o bumagyo. Mga magulang
na hindi kumukupas ang pagmamahal. Dahil sabi nga nila
“Iwan ka man ng taong minamahal mo, at kahit talikuran
ka pa ng mundo, hindi magbabago ang pagmamahal sayo
ng pamilya mo”.

- MA, PA, SALAMAT SA LAHAT.


Panukalang
PROYEKTO

the healthier way to quench your thirst


KATITIKAN
NG

P U L

O N G
AGENDA
POSISYONG

PAPEL
PAGPAPATUPAD MULI NG PARUSANG
KAMATAYAN SA BANSANG PILIPINAS

Habang tumataas ang krimen, tumataas rin and populasyon


ng mga taong gumagamit ng droga. Isang solusyon na hindi
pa aprubado sa kongreso ay paksa parin ng pagtatalo.
“Dapat bang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa o
hindi?” Ang bilang ng mga senador at congressman na
hindi gustong ibalik ito sa ating sistema ay nalalampasan
na ang bilang ng ibang sumasang-ayon. “Mas mapapaayos
ba ng parusang kamatayan ang sitwasyon ng ating bansa?”
Pagsaalang-alang at pag-uunawa ng dalawang panig ay
makakapagbigay sa atin ng ideya upang makagawa tayo ng
kongklusyon kung ano ang karapat-dapat para sa ating
bansa.
Habang sinususi ang mga alintana at problema ng ating
bansa, kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na
ibalik ang parusang kamatayan. Nakikita niya ang
pagpatay sa mga taong gumagawa ng karumal-dumal na
krimen ay isang oportunidad ng pag-unlad at pagkamit ng
kapayapaan ng ating bansa. Nangangailangan ng tamang
hustisya ang pagpatay ng mga inosenteng tao. Ang layunin
ng pangulo kung bakit niya gustong ipatupad ang parusang
kamatayan ay hindi sa pagtatakot ng mga tao kundi upang
mabayaran nila ang kasalanang kanilang ginawa.
Ang mga tumututol sa pagpapatupad nito ay sa
kadahilanang nagsasangkot ng relihiyon at hustisya sa mga
taong inaakusahan sa mga kasalanang hindi nila ginawa.
Ang Pilipinas ay kilala bilang isang relihiyosong bansa at
dahil dito hindi talaga sang-ayon ang mga opisyal ng
simbahan na ipapatupad ang parusang kamatayan sapagkat
lumalabag ito sa batas na nakasaad sa ating Bibliya.
Nakasulat sa “Sampung Kautusan” ang mga salitang “Thou
Shall Not Kill”. Nakasaad rin sa Bibiliya ang pangungusap
na nagsasabing “Vengeance is not Ours, it’s God’s”. Wala
tayong karapatan na parusahan at patayin ang tao
sapagkat ang Panginoon lamang ang nagtataglay ng
karapatan para gawin ang mga ito. Dapat rin bigyan ng
pagkakataong mabuhay ang mga kriminal sa kabaila ng
kanilang ginawang kasalanan.
Ang ikalawang kadahilanan ay ang hindi pagbigay ng
hustisya sa mga taong inaakusahan sa mga pagkakamaling
hindi nila ginawa. May mga taong makasarili na
nagbabayad lamang upang matakpan at maipasa sa iba ang
kanilang kasalanan. Ang mga inosenteng pinagpasahan
lamang ng kasalanang hindi nila ginawa ay binabalewala at
naging responsibilidad na rin nila ang pagharap at
pagbayad ng mga kasalanang ito. Napakasakit man
pakinggan ngunti dahil hindi patas ang sistemang
panghukuman natin, wala tayong magagawa kundi
tanggapin nalang ang mapait na katotohanan dahil kahit
makailang reklamo tayo, hindi pa rin pinapakinggan ang
panig natin.
Sa kabila ng napakalaking bilang ng mga taong hindi
sumasang-ayon sa pagpapatupad muli ng parusang
kamatayan sa Pilipinas, may iilan ring pumapanig sa ideya
ng pangulo. Pero ang punto ng iilang sumasang-ayon ay
natatakpan lamang. Gawin nating halimbawa si Mr. Chito
Gascon, pangulo ng CHR. Batay sa kaniyang paniniwala,
kapag ibabalik ntain ang parusang kamatayan sa ating
bansa, hindi na mabibigyan ng oportunidad ang mga
nagkakasala na magbago at magsimula ulit. Ang kaniyang
opinyun ay tinutulan ni Sendor Sotto. Ayon sa kanya,
palubha ng palubha na ang krimen sa bansa kaya karapat-
dapat talagang ibalik ang parusang kamatayan.
Base sa naipong opinyun ng mga tao, dapat nating gawin
kung ano ang tama at pantay para sa ating bansa. Kahit
may hindi patas na panig sa pagpapatupad ng batas gaya
ng pag-aakusa ng mga inosenteng tao sa mga kasalanang
hindi nila ginawa kailangan pa rin natin piliin kung ano
ang pinakamainam na desisyon para sa lahat. Ang
pagbibigay ng oportunidad na mabuhay ang mga kriminal
na gumagawa ng mga karumal-dumal na gawain ang
nagpaparaya sa kanila na gawin ulit ang krimen dahil sa
paniniwalang kahit gawin nila ulit, makakalaya pa rin sila
pagkatapos ng ilang taon ng pagkabilanggo. Ang pataas na
populasyon ng mga inosenteng kinukunan ng buhay ay
nararapat lamang na bigyan ng patas na hustisya.
Obligasyon ng kriminal na pagbayaran niya ang kaniyang
nagawang kasalanan. Kapag naisakatuparan na ang
parusang kamatayan, ang sinumang makakagawa ng kahit
anong karumal-dumal na krimen, mapamamayan man,

You might also like