You are on page 1of 19

PAMAHALAANG SULTANATO

Balitaan
Pagsasanay
Balik-Aral

Ano ang paksang tinalakay natin kahapon?


Pagganyak
Paglalahad

Itinatag ang pamahalaang sultanato sa Sulu noong


1450. Itinatag ito ng isang Arabe, si Sayyid Abu Bakr. Sa
pamamahala sa nasasakupan, sinikap ng mga pinuno na
ipatupad ang mga kaugalian, paniniwala, at batas ng
Islam batay sa banal na Koran.
Pagbuo ng tanaong

Ano ang pamahalaang itinatag ng mga Muslim?


Pangkatang Gawain
Pagtalakay

Sultanato ang uri ng pamahalaang itinatag ng


mga Muslim sa Mindanano. Sa Sulu itinatag ang
unang sultanato. May sultanato ring naitatag sa
Cotabato at Lanao.
Ang sultanato ay higit na malaki kaysa sa
barangay. Ito ay binubuo ng sampu hanggang
labindalawang nayon o higit pa. Sultan ang tawag sa
pinuno dito.
Pagtalakay

May dalawang paraan ng pagiging sultan. Una,


ang posisyon ng sultan ay namamana sa dahilang
naniniwala ang mga Muslim na isang sultan ay dapat
na magmula sa lahi ng propetang si Mohammed. Ang
ganitong mga sultan ay madaling sinusunod bilang
pagbibigay-galang sa mga lahi ng kanilang propeta.
Ikalawa, maaring maging sultan ang pinakamayan sa
lugar o pamayanan.
Pagtalakay

Bilang pinuno, ang sultan ang siyang punong


tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagahukom.
Tungkulin din niyang pangalagaan ang kapakanan ng
kanyang nasasakupan kaya’t siya ang namumuno sa
mga labanan gayundin ang mga tungkuling
panrelihiyon gaya ng panalangin sa moske, pagbasa
sa koran, at iba pang pagdiriwang sa Islam.
Pagtalakay

Ang Ruma Bichara ang konseho ng estadong


katulong ng sultan upang magpayo tungkol sa
usaping pananalapi, at paggawa ng batas.
Ang Qadi o hukom at ang ulema o iskolar
naman ang gumagabay sa sultan upang
magampanan ang mga gawaing panrelihiyon dahil
sila ay bihasa sa Koran.
Pagtalakay

Bukod sa mga nabanggit na katulong ng sultan


ay mayroon din silang tinatawag na raja muda-
tagapagmana ng trono; wazir, punong ministro; mulik
bandarasa, kalihim ng sultan; mukik cajak; kalihim sa
pakikidigma; pandita- iba pang tagapayong
panrelihiyon; at panglima, ang kumakatawan sa
sultan sa malalayong lalawigan.
Pagtalakay

Kaiba sa barangay, ang sultanato ay naging matatag


at sentralisado dahil sa pamumuno ng isang
makapangyarihang pinuno. Napagbuklod-buklod nito
ang hiwa-hiwalay na mga lugar sa Mindanao. Tumibay
ang pakikipag-ugnayang panrelihiyon, pampolitika,
pangkabuhayan, at pangmilitar sa lugar. Ito rin ang
nagpalawak ng pakikipag-ugnayan ng mga Muslim sa
iba pang bansa tulad ng Indonesia at Malaysia.
Pagtalakay

Isa rin ito sa malaking dahilan kung bakit


nahirapan ang mga Espanyol na sakupin ang
bahaging ito ng Mindanao.
Paglalahat

Pamahalaang Sultanato ang tawag sa


pamahalaang itinatag ng mga Muslim.
Paglalapat

.
Paglal

.
Takda

Magdala ng crayola, lapis, 2 bond paper


(long).

You might also like