You are on page 1of 2

123 Sunnycrest road

Lucao Dagupan City


Oktubre 25, 2018

Loan Processing Office


Customer Service Center
United National bank
P.O. Box 55
Magsaysay Labrador Pangasinan

Para sa Customer Service:


Para sa inyong kabatiran, nabayaran naming ang aming mortgage installment nang magkahiwalay na beses o halaga dahil sa pagkakamali ng
inyong empleyado.

Nakapagbayad kami ng dalawang ulit bago pa naming matanggap an gaming mortgage payment book, na dumating matapos na ang due date.
Dahil naghintay kami ng matagal bago dumating ang payment book, at ayaw naming masira ang aming pangalan sa inyo, pumunta kami sa isang
sangay ng inyong bangko noong Oktubre 28, 2014. Ang sabi sa amin ng tellet ay bayaran lamang ang halagang nasa taas ng form. Kinabukasan ay
tinawagan kami ng teller para sabihing hindi pa kasama sa halagang aming binayaran ang real estate taxes. Kaya’t bumalik kami sa bangko at
binayaran ang mga ito. Ang parehong transaksyon ay makikita sa account number na 7WJW80600, sa mga sumusunod: Oktubre 28, 2018, sa tseke
na may numerong #31,756.00; Oktubre 29, 2014, sa tseke #381, P5,674.50.

Upang maiwasan ang mga problema sa hinaharap, direkta naming ipadadala ang pangalawang bayad sa inyong opisina sa Brgy. Magsaysay
Labrador Pangasinan. Kung may tanong kayo tungkol sa transaksyong ito, maaari niyo kaming tawagan sa (043) 467-8976 o sa aming branch sa
Pasay.

Lubos na gumagalang,

Jaane at Joe Reyes


#66 Kalye Andres Castro
Brgy. 15, Lungsod ng Laoag
Abril 20, 2014

GNG. LIGAYA I. MENOR


Store Manager Jollibee Foods Corporation
Laoag-Bacarra Branch

Mahal na Gng.Menor:
Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Star petsang Abril 17, 2014, na nangangailangan ngisang cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala ako
na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sanaturang trabaho.

Ako po ay isang binata, labing anim na taong gulang, at nagtapos po ako ng sekundarya sa
Ilocos Norte National High School Special Science Class noong Marso 31, 2014. Ako po’y masipag,matiyaga at marunong makihalubilo sa kapwa. Sa
katunayan ako po ay nagkamit ng karangalan sa pagtatapos ng sekundarya.

Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya. Sa loob ng apat na taon, ako po ay naging opisyalng Supreme Student Government, ang pinakamataas
na organisasyon ng mga mag-aaral ng paaralan. Magaling ako sa matematika, agham at wika. Marunong din akong humawak ngkompyuter. Bunga ng
mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong produktibong manggagawa ng inyong kompanya.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Maaari rin po ninyo akong tawagan sa +639151410030 at handa po akong magtungo sa inyong tanggapan
parasa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.
Maraming salamat!

Sumasainyo,

MARK VINCENT P. DELA CRUZ


Aplikante

You might also like