Professional Documents
Culture Documents
Huling Tula
Huling Tula
Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa
isang piyesa,
ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito at posibleng hindi ko agad
makabisado pero pangako yan,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang
ito..
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko
sayo,
mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal,
kupal, hayop, pa, p*ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man ako ng
ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya
pangako,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san
ako nakatira.
hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na
biglang dumating sa iyong pagbisita..
pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong
natutulog din, at tangi ko noong kapiling.
Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong
"mahal kita.."
sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.."
at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na
ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga..
at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako..
dahil minsan may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay
hindi makapagsusulat
kaya mahal sa pagkakataong ito
sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo
gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung
san ako nakatira.
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako
Magsisimula ako uli sa umpisa,
Magsisimula ako uli...
Magsisimula ako....