You are on page 1of 3

Bansot

(Marnie C. Tungao)

Bulilit, bulilit

Babaeng maliit

Kanilang bukambibig

Sa tainga’y pumipintig

Nasaan ka?

Hanap ka

Nanjan ka lang pala

Ba’t hindi makita?

Kanilang mga tanong

Sa tainga’y umuugong

Iha anong grade mo na?

Iha ilang taon ka na?

Kung pupunta sa tindahan

Napagkakamalan kung minsan

Iha dito banda

Mga gamit pambata

Palagi na lang napupuna


Sa linya’y laging nauuna

Bawat hakbang ay bilang

Sa mga bata minsa’y kabilang

May pag-asa pa bang tumangkad?

Kabilang sa aking mga hangad

Katangakatran bakit ipinagkait?

Katotohanan tila ba kay pait

Umaasa sa bagong taon

Tatangkad pag tatalon

Taon-taon ginagawa

Ngunit di na nakakatuwa

Pagdating naman sa trabaho

Minsa’y nadedehado

Sa height requirement di pasado

Kawawang nuno sa punso

Ngunit masaya rin maging bansot

Hindi naman puno ng lungkot

Pisikal na anyo’y may magandang dulot

Kaya di dapat ikabagot


Kailangang maging positibo

Walang taong perpekto

Lahat ng tao may kahinaan

At may taglay ring kalakasan.

You might also like