You are on page 1of 1

Diwang

(Marnie C. Tungao)

Puno ng kasiyahan
At nagdiwang
Ang mga mamayan sa Basilan
Upang idaos ang Ramadhan
Na taon-taon nang nakaugalian

Nang baril ay may kumasa


May mga ligaw na balang dumaan
Sa tahanan
Sa paligid ng bayan
Pinaghahagis nang kung saan
Ang Granada

Na kung sa lupa ay tumama


Kakalabog
Sa pagdiriwang ng Ramadhan

At dumanak
Ang preskong pulang likido
Sa kapaligiran ng buong bayan.

You might also like