You are on page 1of 3

Balagtasan: Sang-ayon kaba sa Deklarasyon

ng Batas Militar sa Mindanao?


Sang-ayon kaba sa deklarasyon ng Batas Militar sa Mindanao?
Balagtasang Isinulat ni Dominador C. Buya Jr. Ika-7 ng Agosto, 2017.

Isko Milenyo: Kahit di ko naranasan lagim ng Batas Militar ako nama’y nagsusuri,
patuloy ang pag-aaral. Kaya’t huwag huhusgahan itong aking kakayahan
kaya ko ring manindigan at yumakap sa katwiran.

Kaya’t ang gawaing ito, ay di katulad ng Tula, Debateng may katuturan


at hindi ordinaryong pagsasalita. Hayaan n’yong tawagin ko,
mandirigmang magtatalo gamit ang sukat at tugma, argumento’y
ibabato!

Taloy Loyalista: Taloy Loyalista ang aking pangalan, nation building ang pangarap
Magmoved-on na! O bayan ko, iyan ang aking sinisikap, Galit ako sa
Gintong kasaysaya’y ginugulo Dinudungisan ang ngalan, ni Duterte at
Marcos na mga idolo ko!

Pulang Araw: Pulang Araw kung tawagin, pakikibaka ang layon Pagbabago’y itutulak
sa apoy ng rebolusyon sa lansangan man ay palaging haharapin At ang
palagi kong sigaw, Nun quiam iterum! never again, never again!

Isko Milenyo: Ako itong si Isko Milenyo, magsisilbing lakandiwa Huhusgahan ang
diskarte ng mas astig na makata at ang paksa natin ngayon, tungkol sa
Batas Militar: Sang-ayon kaba sa deklarasyong ito sa Mindanao?

Ngunit bago pa simulan ang salpukan ng katwiran ang akin pong


kahilingan, kami muna’y palakpakan!

Taloy Loyalista: Ako ang nasa katwiran, kaya’t ako ang uuna. Tapos na ang isyung ito,
ayon sa Korte Suprema Extend na ang deklarasyon ng Batas Militar
hanggang ika-31 ng Disyembere upang linisin ang Marawi at tugisin ang
lahat ng bantang terrorismo sa ating bansa. Kahit ang Pangulong Digong
ang usapi’y nilinaw na hayaan natin na ang kapayapaan ang maghari
sa Mindanao at sa buong bansa.

Pulang Araw: Ang sugat ng ating bayan, lalong hindi maghihilom Kamao ng pag-
aaklas, nakataas, nakatikom Sapagkat ang katarungan ay kasamang
inilibing Si Digong ang Diktador ng Martial Law, hindi dapat purihin!

Taloy Loyalista: Dapat purihin si Digong, sa dami ng kanyang ambag Ang


Modernisasyong ng ting hukbong sandatahan, ang pakigpag-ugnayan sa
bansang Tsina, Europa at ang ekonomiyang pinatatag Sinong pangulo
ng bansa ang sa kanya ay hihigit? sa talino at diskarte, tanyag kahit sa
daigdig!

Pulang Araw: Tanyag sa daming ng tinortyur at ipinapatay? Si Hitler kung dumiskarte


dahil sa bakal niyang kamay at maliit niyang utak Sa isang taong
panunungkulan marami ng buhay ang nawala ni Hustiya ay parang
bula na kasamang naglaho.

Taloy Loyalista: Di mamamatay tao si Digong, pruweba mo ay nasaan? Hindi pa siya


presidente , marami nang kamatayan at pag aaklas at kung may’ron
mang tinortyur, dinukot o namatay Sila’y ang ayaw sumunod, sa
gobyerno ay pasaway!
Pulang Araw: tatlong libo ang tinortyur, pagkat sila ay pasaway? At lampas na
dalawanglibo ang na-salvaged o pinatay Higit isanlibong tao naging
desaparesidos Iyan ba ang karangalang ipinamana sa Presidente mong
panot?

Taloy Loyalista: Si Duterte ba ang nangtortyur, ang nandukot o pumatay? Sa kanyang


Programa ang lahat ay pantay-pantay Kung militar ang may sala, ay di
sa korte ihabla Si Digong ko ay inosente, masyado n’yong kinawawa!

Pulang Araw: Mas lalong umaabuso ang military dahil sa deklarasyon ng batas Militar
at sino ba ang nagbasbas? Ang gobyerno ay kumilos si Duterte ang
tagakumpas at ngayong may extra -judicial killing ang pangulo ang nag-
utos, pushers at addicts ay kitilin!

Taloy Loyalista: Ginagawa ni Duterte kung ano ang nararapat Pagkat ang salot na droga
sa bansa ay lumaganap?

Pulang Araw: Ngunit sinong natotokhang di ba’t pawang mahihirap mga mayayamang
drug lords malayang nagpapasarap!

Taloy Loyalista: Pinapatay ay kriminal mga salot ng lipunan Snatchers, mga rapists,
pushers lang ang natotokhang!

Pulang Araw: Ang paggalang sa human rights bakit hindi pinapansin Tayo ay
mayroong batas na nararapat na sundin!

Makoy Loyalista: Sinusunod nga ng pulis ang nararapat sa batas Kapag pushers ay
nanlaban ay talagang mauutas!

Pulang Araw: Si Duterte at si Taloy ay pareho ng paraan Bravo! Pinapaslang kahit


nasa bilangguan

Isko Milenyo: Sandali lang, sandali lang mga makata ng bayan Lubhang lumalayo
kayo sa daloy ng talakayan Huwag kutyain si Duterte at ang tokhang sa
usapan Isyung pinagtatalunan, pakiusap na balikan!

Pulang Araw relax ka lang, ikaw Taloy ay chill lamang Ilatag ninyo ang
pananaw nang malinaw at magalang Sa pagkakataong ito, muli’y aking
kahilingan Na ialay sa kanila, masigabong palakpakan

Taloy Loyalista: Si Digong ay di perpekto pagkat siya’y tao lamang Ang tangi niyang
kasalanan, ay minahal niya ang bayan Kung di niya naideklara agad
ang Martial law Malamang ay di nasupil, ang NPA, ang Maute at ISIS na
sa Marawi ay naghari.

Batas Militar ay kanyang idineklara upang supilin ang terrorismo sa


Mindanao na bayan niya. Tinugis ang umaalsa bakbakan sa Marawi
ang siyang dahilan upang druga, pera at baril ng kalaban sa gobyerno
ay nasamsam. Humihingi Siya ng Extendsyon upang mapigililan ang
pagtaas ng mga bilihin ngayon Sapagkat ang nais ni Digong, isang
bansang mapayapa at matiwasay!

Pulang Araw: Deklarasyon ng Martial Law, isa lamang ang motibo Ang nais lamang ni
Digong ay manatili sa puwesto Kung walang pagtaas sa bilihin ngayon
sa batas Militar Sapagkat di tinitingan, ang usapin ng inflation.

Isko Milenyo: Paumanhin kung putulin, itong ating balagtasan Palagay ko’y panahon
nang paksa natin ay husgahan Pagkat aking nakikitang forever ang
tunggalian Dalawang panig na kailan man ay hindi magbibigayan!
Tayo’y hindi naman mangmang, tayo’y lahi na marangal Sa bawat
pagkilos natin, bukas ang siyang nakasugal Mga Sang-ayon at disang-
ayon, may pagkukulang sa bayan Sa ngalan ng katarungan dapat
nilang pagbayaran!

Tama ang Korte Suprema kung usapin ay teknikal. Ngunit ito’y


nagkamali kung batayan ay ang moral deklarasyon ba ng Batas Militar
ni Duterte ay nararapat hangaan? Sa palagay ko kung may mali ito,
dapat natin itong tutulan!

Kaya’t bilang Lakandiwa, iwasto natin ang mali at babalikatin ang tama
maging masuri at mapagmatyag sa mga pangyayari sa ating lipunan at
sa buong bayan. Bayan natin ay ipagtanggol sa karahasan. Hustisya,
pagmamahalan at kapayapaan ang siyang maghari sa ating Inang
Bayan!

You might also like