You are on page 1of 3

Department of Education

Division of Camarines Sur


EDUARDO V. AGOMAA NATIONAL HIGH SCHOOL
Duang Niog, Libmanan, Camarines Sur

Araling Panlipunan 7
Ika-apat na Pamanahunang Pagsusulit

Pangalan: __________________________ Seksyon:________ Petsa: _________ Iskor:_______

I. Kumpletuhin ang sumusunod na salaysay sa pamamagitan ng pagpili ng mga tamang salita na nawawala.
Isulat ang titik na kumukuresponde sa mga salitang dapat ilagay sa patlang para makumpleto ang salaysay.

a. Boracay b. Cebu c. Gobernador-Heneral d. Homonhon


e. Maynila f. Pasig g. Polo y Servicio h. Portuguese

Isang Sulyap sa Kasaysayan ng Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

Noong Marso 15, 1521, dumating ang mga Español sa Pilipinas. Sila ay dumaong sa isla ng _____. Si Ferdinand
Magellan ang namuno sa grupo ng mga Español, ngunit sa katotohanan ang kaniyang nasyonalidad ay _____. Nabigo si
Magellan na masakop ang Pilipinas kaya nagpadalang muli ng hukbo ang España. Nagtayo sila ng unang pamayanang
Español sa _____. Nagpadala ang Hari ng España kinatawan sa Pilipinas upang mamuno, siya ang tinawag na _____. Ang
mga lumang Simbahan ay naipagawa sa pamamagitan ng patakarang _____.

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan ng pananakop ng mga Español sa Pilipinas?


a. Dahil magaganda ang mga Pilipina
b. Mayaman ang Pilipinas sa ginto at ito ay may mahusay na daungan tulad ng Maynila
c. Mayaman sa spices ang Pilipinas

2. Bakit itinuturing na mahalagang ekspedisyon ang paglalakbay ni Magellan?


a. Dahil sa ekspedisyon na ito nailapat ang Romanong kalendaryo
b. Dahil nagkaroon ng maraming suplay ng mga pampalasa matapos ito.
c. Napatunayan sa ekspedisyon na ito na ang mundo ay bilog, hindi patag.

3. Alin sa mga sumusunod ang maituturing ng magandang epekto ng Polo y Servicio?


a. Maraming Pilipino ang nalayo sa pamilya at namatay sa hirap ng trabaho
b. Nakapagpatayo ng mga Simbahan, gusali, kalsada, at iba pa
c. Natutong magbayanihan ang mga Pilipino

4. Sino ang Español na tunay na nakasakop sa Pilipinas?


a. Ferdinand Magellan
b. Miguel Lopez de Legazpi
c. William McArthur

5. Ano ang tawag sa tradisyon ng mga katutubo kung saan iniinom ng lokal na pinuno at pinunong Española ng alak
na hinaluan ng kani-kanilang dugo?
a. Sandigan
b. Sandatahan
c. Sanduguan

6. Bakit maliit na bahagi lamang ng Mindanao ang nasakop ng mga Español?


a. Masyado nang malayo ang Mindanao
b. Mahusay na nakipaglaban ang mga muslim
c. Walang yaman na makikita sa Mindanao kaya hindi nagka-interes dito ang mga dayuhan

7. Gumawa ng isang sistema ang mga Español upang mailipat ang mga katutubo sa kapatagan at sentro ng bayan.
Naglagay sila ng Simbahan, pamilihan, plaza at munisipyo sa bayan upang mahikayat ang mga katutubo. Ano ang
tawag sa sistema na ito?
a. Polo y Servicio
b. Reduccion
c. Tributo
8. Bakit nais ng mga Español na lumipat ang mga katutubo sa bayan?
a. Upang maturuan sila ng tamang asal
b. Upang matiyak ang kanilang kapangyarihan at mapalaganap ang Kristiyanismo
c. Upang madaling mautusan ng mga Española ng mga Pilipino

9. Sino ang may kontrol ng kalakalan sa patakarang monopoly na ipinatupad ng mga Español?
a. Katutubo b. Español c. Lahat ng Pilipino

10. Si Ulap ay isang katutubo na nabuhay noong panahon ng mga Español. Ano ang maaaring ipangbayad ni Ulap sa
mga Español bilang tributo?
a. Ginto, produkto, at mga ari-arian
b. Pera, ginto, at bahay
c. Ginto, bahay at lupa

11. Sino sa mga sumusunod ang kailangang magtrabaho sa ilalim ng Polo y Servicio noong panahon ng mga
Español?
a. Si Andres na 15 taong gulang b. Si Maria na 16 taong gulang c. Si Lolo Jose na 59 taong gulang

12. Kinontrol ng mga Española ng kalakalan noong unang panahon. Ngunit may ilang mga Pilipino na yumaman sa
Kalakalang Galyon. Sino-sino sila?
a. Illustrador b. Illustrado c. Elitista

13. Sa kasalukuyan, ang pinuno ng barangay ay tinatawag na Punong-Barangay. Ano ang tawag sa pinuno ng
barangay noong panahon ng mga Español?
a. Cabezzera de Barangay b. Cabezza de Barangay c. Cabazze de Barangay

14. Ang mga sumusunod ay mga pagdiriwang ng ipinamana ng mga Español sa ating kultura, maliban sa isa. Alin sa
mga sumusunod ang pagdiriwang na hindi ipinamana ng mga Español?
a. Araw ng mga puso b. Pasko c. Santacruzan

15. Anong bagong wika ang natutunan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Español?
a. Español b. Hapones c. Filipino

16. Ang mga Espanyol ay patuloy na nagpatupad ng mga instrumeno sa pananakop katulad ng
Kristiyanisasyon,Polo, Reduccion at Tributo sa kanilang nasasakupan. Ikaw ay isa sa mga naninirahan
sa mga lugar na ito at lubha kang nabahala sa mga pangyayari. Kung ikaw ay isa sa mga mamamayan ng
panahong iyon, anong hakbang ang marapat mong gawin?
a. Ipagwalang bahala ang mga pangyayari upang hindi na madamay pa
b. Protektahan ang sarili laban sa mga Espanyol
c. Bigyang pansin ang suliranin at makipag-ugnayan sa kapwa Pilipino

17. Noong pumunta si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong 1521, kasama niya si Antonio Pigafetta, isang
iskolar at eksplorador na mula sa Republika ng Venice. Habang naglalakbay gumawa si Pigafetta ng
talaarawan. Ang talaarawan ni Pigafetta ay isang halimbawa ng primaryang sanggunian. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit ito itinuturing na isang primaryang sanggunian?
a. Ang impormasyon sa talaarawan ay hinango sa ibang sanggunian
b. Galing mismo ito sa nakaranas o nakasaksi ng pangyayari o kondisyon
c. Nagmula ang impormasyon sa mga taong ang kaalaman ay galling o gawa ng mga saksi

18. Isa sa mga patakaran na ipinatupad ng mga Español ay ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan.
Ano ang estruktura ng pamahalaan sa ilalim nito?
a. Maraming pinuno ang namumuno sa iba’t ibang panig ng bansa at sila ay nagpapatupad ng iba’t
ibang batas
b. Mayroon lamang iisang pinuno na nagdedesisyon kung ano ng mga batas na ipatutupad sa buong
bansa
c. Ang mga katutubo ang siyang namumuno sa bansa

19. Upang maipalaganap ng mga Español ang kristiyanismo, ipinapatay nila ang mga pinuno ng mga
katutubong relihiyon. Bakit nila ito ginawa?
a. Upang mas madaling mapasunod ang mga katutubo ng magpabinyag sa Kristiyanismo
b. Dahil nag-away ang mga Español at mga katutubo
c. Mga inutil ang mga pinuno ng mga katutubong relihiyon kaya ipinapatay sila ng mga Español
20. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng pagkolekta ng tributo sa mga katutubo?
a. Maraming katutubo ang nagsumikap na makapagbayad ng tribute
b. Yumaman ang mga Pilipino, lalo na ang mga Español
c. Naghirap at nawalan ng kabuhayan ang mga katutubo

21. Ang ibig sabihin ng CEDAW ay,


a. Compilation on the Elimination of all forms of Discrimination against women
b. Convention on the Elimination of all forms of Discrimination against women
c. Concert on the Elimination of all forms of Discrimination against women

22. Ang mga sumusunod ay mga bansang kasapi sa ASEAN, maliban sa


a. Afghanistan b. Pilipinas c. Singapore

23. Ito ay pag-aalis ng asin sa tubig mula sa dagat sa bansang Saudi Arabia.
a. Desalinasyon b. pag-aasin c. evaporasyon

24. Ito ay di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya.
a. rebolusyon b. pananakop c. Neokolonyalismo

25. Tawag sa anumang transaksiyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o bansa na kabilang sa isang
pamilihan.
a. Import b. Export c. Kalakalan

You might also like