Professional Documents
Culture Documents
Sa isang banda, ang panitikan ay isang kakaibang karanasan. Inilalantad nito ang mag
katotohanang panlipunan maging ang mga guni- guning likhang- isip lamang. Hinahaplos
nito ang ating sensorya. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag- iisip at maging ang sasal
na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw nito ang nahihimbing nating kamalayan. Lahat ng ito’y
nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na
dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin.
Ito ang panitikan… ang buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy
sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa
sangkatauhan! Ito ang panitikan.
Ano ang Panitikan?
- Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang
kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983)
-Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Salazar (1995:2)
-Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw.
Webster
Uri ng Nobela
Nobela ng Pangyayari- binibigyang- diin ang mga pangyayari
Hal. Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco
Nobela ng Tauhan- binibigyang- diin ang katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan.
Hal. Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña
Nobela ng Romansa- nakatuon sa pag- iibigan.
Hal. Salawahang Pag- ibig ni Lope K. Santos
Sanaysay- isang pagpapahayg ng kuro- kuro o opinyon ng isang may- akda hinggil sa
isang suliranin o paksa.
Uri ng Sanaysay