You are on page 1of 384

YAYO

by PaulitoX

Isang binata na bigo sa pag ibig...

Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago...

Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas...

...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.

=================

Prologue

YAYO

Prologue

Isang dalaga ang nakaupo sa tabi ng kama at pinagmamasdan ang isang cute na bata
habang natutulog ito. "Dani, sasama ka ba o hindi?" tanong ng isang dalaga na
kakapasok. "Tsk, gusto ko talaga pero nahihiya na ako e. Kahapon iyak ng iyak tong
anak ko. Alam ko naman nairita sila" sagot ni Dani.

"Hay nako okay lang yon. Understood naman yon at grabe ka naman ang tatagal na
natin na magkakaibigan no. Get her ready kasi anytime aalis na tayo" sabi ni
Veronica. "Tsk baka maulit lang e" bulong ni Dani.

"So maiiwan kayo? Sama na kayo, saglit lang naman yon. Sabi ni Lester sobrang lapit
lang dito non" sabi ni Veronica. "Gusto ko talaga pero hiyang hiya na ako sa
kanila. Trip going here wala na ginawa anak ko kundi umiyak, then yung pasyal natin
kahapon ganon ulit" sabi ni Dani.

"Ay teka, si Ton maiiwan pala. Gusto mo iwan mo baby mo sa kanya?" tanong ni
Veronica. Kumunot noo ni Dani saka nagsimangot, "Girl din naman yon sa puso" banat
ni Veronica kaya natawa si Dani.

"Kaya niya kaya bantayan anak ko?" tanong niya. "Duh, siya yung parang nanay natin
kaya. Well I know di mo masyado kilala pero okay siya. Tawag nga sa kanya ng boys
Mama Ton. Sabi niya kasi kanina magpapaiwan kasi masakit daw ingrown niya. Di niya
daw mailakad masyado" sabi ni Veronica.

"Hmmm...saglit lang naman tayo diba? Diba?" tanong ni Dani. "Oo no, as in sabi ni
Lester yung windmills is nearby. And besides if dalhin mo baby mo useless kasi di
naman niya maalala. Kaya lang sayang din photos niyo together by the windmills"
sabi ni Veronica.
"Oo nga pero di pa naman ito last time na dadalaw kami sa Pagudpud no. When she
grows older babalik kami dito" sabi ni Dani. "Tara na kausapin natin si Mama Ton,
or ikaw nalang pala. Nandon siya sa kwarto sa dulo, malapit sa back door" sabi ni
Veronica.

Samalanta sa mga sandaling yon may isang binatang nakasuot ng masikip na pink shirt
ang nag inat sa likuran ng cottage. Pagewang gewang lakad niya dahil sa tindi ng
hangover. Nakita niyang bukas yung backdoor kaya pumasok siya at unang nakita ay
yung banyo.

Nakita niya yung timba na puno ng tubig kaya agad siya lumuhod saka nilublob ang
kanyang ulo. Medyo naginhawaan siya, nakita niya yung isang dilaw na twalya kaya
agad niya yon kinuha saka sinuot sa kanyang ulo.

Paglabas niya ng banyo medyo hilo parin siya kaya nakayuko lang ulo niya. "Uy Mama
Ton...favor naman" sabi ni Dani sabay agad humawak sa braso ng binata. Parang
binabarena ulo ng binata kaya nang makita niya yung isang monoblock agad siya naupo
saka yumuko ng husto para abutin mga paa niya.

"Mama Ton, favor please" lambing ni Dani na nakatayo sa tabi ng binata. "Ano?"
sagot ng binata sa papiyok na boses pero may isang binata ang lumapit. "Ton iiwanan
ko yung laptop, wag kang lalabas ng cottage ha. Kung lalabas ka ilock mo. Style mo
bulok, alak ko type mo yung isang guy diyan sa katabing cottage kaya gusto mo
magpaiwan" sabi ni Lester.

Inuga ng binata ulo niya saka hinaplos mga paa niya. "Dani tara na, yung anak mo
kunin mo na. Sa kotse kayo sasakay kasama si Veronica" sabi ni Lester. "Ah iiwan ko
sana kay Ton. Saglit lang naman diba?" sabi ng dalaga.

"Masakit ulo ko, please lumayo kayo" sabing paungol ng binatang naka pink. "May
pain meds ako don, ihiga mo nalang muna baka lumala yang ingrown mo" sabi ni Dani.
"Wow ingrown, bagong palusot yan Ton ha. Dani dalian mo, ilock ko na yung backdoor.
Hoy Ton ha iiwan ko yung laptop ko sa room" sabi ni Lester.

Tumayo yung binatang naka pink, si Dani naman agad umalalay. "Doon ka nalang sa
room namin" sabi niya. Pagkapasok nila ng kwarto naupo agad yung binata sa dulo ng
kama, balot parin yung buong ulo ng twalya kaya hindi nakikita ni Dani mukha niya.

Naupo si Dani sa tabi ng binata, "Eto yung bag, gumawa na ako ng mga gatas niya.
Saglit lang naman daw pero just in case I made four already. Tapos may diapers siya
tapos..." sabi ng dalaga. "Yeah yeah yeah" bigkas ng binata pagkat tumindi yung
sakit ng kanyang ulo.

"Uy salamat talaga.." sabi ni Dani. "Hmmm hmmm sige sige sige" bigkas ng binata
pagkat naiirita na siya. "Dani tara na" sigaw ni Veronica kaya ang dalaga nalito,
nilapitan anak niya saka hinalikan ito sa pisngi saka hinaplos likuran nung binata.
"Alis na kami, please ha...thank you so much" sabi niya.
Ilang minuto lumipas sa may Bangui windmills site hinila ni Veronica si Dani. "See
sabi sa iyo malapit lang e, after this ata babalik din tayo don sa resort. Tara na
dali photo taking na" sabi ni Veronica. "Yeah, teka gusto ko ata tawagan si Mama
Ton" sabi ni Dani.

"Alam mo number niya?" tanong ni Veronica. "No but may emergency phone doon sa bag.
Clumsy nga ako diba? Ang dami ko nang nawalang bottles and clothes ng anak ko
grabe" sabi ni Dani. "Mamaya na, grabe ka wala pang thirty minutes no" sabi ni
Veronica.

Isang oras lumipas sa katabing cottage laugh trip na lumabas ang apat na lalake.
"Grabe kayo, iniwanan niyo siya dito sa labas?" tanong ng isang dalaga. "Lasing na
lasing siya kagabi no, buti nga nahanap pa namin siya" sagot nung isang binata.
"Pero you left him out here?" tanong nung dalaga. "Will you relax Sly, Nof is a big
boy" biro nung isa.

"Dito namin siya iniwan e, bukas kasi tong bakod na to, dumiretso siya dito kasi
nga magkakamukha tong mag cottages. Hinayaan namin, akala namin kakatok siya sa
door pero bigla siyang humiga sa sand" kwento nung isa.

"You left him? Grabe naman kayo kawawa siya" sabi ni Sly na pumasok sa bakod pero
wala nang tao doon. "He is not here" sabi niya kaya sumugod yung apat na binata.
"Oh my God, will you go check sa security or front desk to ask. Bakit niyo kasi
iniwan?" tanong ng dalaga sa galit.

Sampung minuto lumipas nagising si Nof, pagmulat niya nagulat siya pagkat may bata
sa tabi niya. Agad siya tumayo saka lumayo sa kama. Paspas siyang lumabas ng
kwarto, hinaplos ulo niya, "Guys, okay tama na tong practical joke. Kaninong anak
yon?" tanong ng binata.

Lumabas siya ng cottage at sakto naman isang barkada niya ang lumabas sa katabi.
"Nof! Uy anong ginagawa mo diyan?" tanong nung binata. "Ha? Gago kayo nice joke"
sagot ng binata saka tumawa. "Nandito na si Nof! Guys I found him" sigaw nung isang
binata.

"Sus style niyo, I found him I found him ka diyan" sabi ni Nof. "Hoy Nof dalian mo
at punta na tayo sa windmills" sabi nung isang maskuladong lalake. "Ang aga pa,
bakit mawawala na ba mga yon? Di pa ako kumain at masakit pa ulo ko" reklamo ng
binata.

"Bahala ka, maiwan ka kung gusto mo" sagot ng kaibigan niya. "Fine fine, ligo lang
ako saglit pwede?" sabi ni Nof pero may narinig silang malakas na iyak ng bata.
"Hoy tawagin niyo na nanay nung bata" sabi ni Nof.

"Anong nanay?" tanong nung isang kaibigan niya. "Oh come on. Oo na knock out ulit
ako so stop the joke. Bata yon, di na magandang biro. Will you get the mommy and
make that child stop crying. Nakakairita na" sabi ni Nof.
"Di ko alam ano nakain mo pero walang practical joke. If meron man iniwan ka nila
dun sa likuran nung cottage" sagot nung isa saka umalis. Biglang may naalala si
Nof, hinaplos niya ulo niya saka napadabog. "Shee...are you kidding me?" sigaw niya
saka pumasok sa loob ng cottage at pinuntahan yung bata.

Nakita niya yung bag, naalala niya yung pakiusap nung isang babae kanina kaya
tinapik tapik niya mukha niya. "Kaninong anak yan?" tanong ni Sly kaya nagulat si
Nof. "Uy Sylvia..i don't know. Naalala ko pumasok ako sa likod then nag banyo ako.
I was dizzy then I can remember someone calling me Ton or Maton tapos nakikiusap na
bantayan ko tong bata"

"May mga bottles daw sa bag" sabi ni Nof. Biglang tumigil sa pag iyak yung bata
nang kargahin siya ni Slyvia. "Ang cute cute, are you hungry?" tanong ng dalaga.
"Mik" bigkas nung bata kaya binuksan ni Nof yung bag saka naglabas ng bote ng
gatas.

"Ikaw magbuhat baka hinahanap na ako ni Wilmer" sabi ni Slyvia. "Pano tong bata?"
tanong ni Nof. "Ewan ko sa iyo, nung nakiusap ba yung whoever that was did you say
yes?" tanong ng dalaga kaya tinapik ni Nof mukha niya.

"Well goodluck then" sabi ng dalaga saka lumabas ng kwarto. "Sly wait! Is this a
joke? Uy ano ba?" tanong ni Nof. Lumabas ng kwarto si Nof dala yung bata, lumabas
ng cottage saka nakita mga kaibigan niya. "Wow nalasing ka lang may anak ka na?"
biro nung isa.

"Ga.." bigkas ni Nof. "Hoy bawal badwords pag may kasama kang bata" sigaw nung
isang kaibigan niya. "Hoy! Wait naman. Pano to? Samahan niyo naman ako iwan ito sa
staff ng resort" sabi ni Nof.

Nainis ang binata pagkat iniwan siya ng kanyang mga kaibigan. "At least leave me
the key kasi I need my phone and my wallet" sigaw niya at sakto naman palabas si
Sylvia nung cottage nila. "Here I will leave it open, isara mo na yang cottage na
yan then dito nalang kayo sa atin" sabi ng dalaga.

"Sly help me" makaawa ni Nof. "You know what siguro mabuti yan sa iyo. Para
magtanda ka" sabi ng dalaga kaya di na sumagot ang binata pagkat makaramdam siya ng
matinding sakit nang napanood niya na inakbayan ni Wilmer yung dalaga.

Samantala sa windmills area tinuro ni Dani yung isang windmill na umandaar. "Video
nalang" sabi niya. "Mama Ton kunan mo nga kami ng video please" sabi ni Veronica
kaya lumapit yung isang bading na nakasuot ng masikip na pink shirt.

"Akin na, sana dala mo anak mo" sabi ni Ton kaya nanlaki ang mag mata ni Dani at
Veronica sa gulat. "Iniwan ko sa iyo yung anak ko" bigkas ni Dani. "Ano? Uy excuse
me nauna ka dito" sagot ni Ton. "No, I left my daughter with you. Diba pumasok tayo
sa room tapos you had a towel sa head mo" sabi ni Dani.

"Uy hindi ah, nagpuna kami sa clinic ng resort tapos ayan o, ang bait nung nars don
at inalis yung ingrown ko. Hahaha akalain mo pwede siyang magside line ha" sagot ni
Ton. "Oh my God..." bigkas ni Dani nang maalala na mas maskulado nga yung nakausap
niya kanina.

Sa loob ng cottage palakad lakad si Nof habang pinagmamasdan yung batang babae na
tutok sa tablet. Biglang nagring yung phone na nasa loob ng bag kaya paspas na
sinagot ito ng binata.

"Please tell me she is okay, please tell me you have my daughter" sabi ni Dani.
"Yes, iniwan mo sa akin kanina" sagot ni Nof. "I did?" tanong ni Dani. "Oo sabi mo
saglit lang kayo, so pabalik na ba kayo? Please say pabalik na kayo" sagot ni Nof.

"Is my daughter okay? Is she okay?" tanong ni Dani. "Yes, inubos niya yung isang
bote ng gatas tapos nainggit ata nung nakita na kumakain ano ng saging. So I gave
her some then now she is busy watching cartoons sa tablet. Pabalik na ba kayo? May
lakad pa ako e" sabi ni Nof.

"Oo ata. Thank God, thank God. Sino pala ito at do we know you?" tanong ni Dani.
"Onofre, you can call me Nof. Long story e pero wag kang mag aalala di ako masamang
tao" sabi ng binata saka narinig ni Dani yung pagtawa ng kanyang anak.

"Thank you Nof, please paki bantayan lang ha. Pabalik na kami" sabi ni Dani. "Sure,
kasalanan ko din naman so yeah she will be fine" sagot ng binata. Pagkamatay ng
tawag naupo si Nof saka tinignan yung bata.

"Ganda ng boses ng mommy mo" sabi niya. "Nana" sigaw ng bata saka tinuro yung tray
ng saging sa malayo. "No no no, enough. You are not a monkey" sagot ni Nof.
"Nanaaaaaaaaaa" sigaw ng bata kaya tumayo si Nof at kumuha ng saging.

"Taragis to, you don't need to shout" sabi ng binata. "Taragis" bigkas ng bata kaya
napanganga si Nof. "No no no...shhhh no no don't say that" sabi ng binata. "Tagis"
sabi ng bata, inuga uga ng binata ulo niya kaya tumawa yung bata ng malakas.

"Shhh eto eto be a monkey...yan good monkey..eat banana" sabi ni Nof.

-------------------------------------------------------

Hey peeps, 

I have one month of free time so i decided to write a free story. Sana lang wala
magpost nito o magnakaw. Well automatic tigil nalang pag may magnanakaw at pirata
ulit. Nakakawalang gana din kasi sa totoo pag may taong ganon e. 

Tulad ng dati, i will update daily ng walang halong arte hahaha. Walang putol putol
or added inarte. Basta pag meron ipopost ko ng buo. 
Ginamit ko pala yung ibang names na hiningi ko sa page ko. Kaya mga characters dito
galing din lang sa inyong mambabasa. 

Medyo start palang to so may mga haka haka na ba kayo? 

=================

Chapter 1: Crush

Chapter 1: Crush

"Bakit ang tagal?" tanong ni Nof habang nakadungaw sa bintana. Nilabas niya yung
cellphone sa bag saka tinignan yung oras nung pagtawag ng nanay ng bata. "Isang
oras na ah. Ano ba yan?" bigkas niya sa inis saka tinignan yung bata natutulog sa
sofa.

Tumayo ang binata saka binuhat yung bata at pinasok sa kwarto. "Teka lang ha, dito
ka lang ha maliligo lang ako" bulong niya saka kinuha ang lahat ng unan mula sa
lahat ng kwarto saka pinalubutan yung bata.

"Stay...maliligo lang ako...wag kang gigising. I command you not to wake up" sabi
niya sa mahinang boses saka lumabas ng kwarto. Di pa siya nakakalayo bumalik siya
para sumilip. Nang makita yung bata na tulog tumakbo siya papunta sa banyo pero
nalito siya. "Bwisit naman e" bigkas niya saka bumalik sa kwarto saka tinignan yung
relo niya.

Pabirong hinarap ni Onofre palad niya sa batang natutulog, "I command you to sleep.
Deep sleep" bigkas niya saka paspas na nagtungo sa banyo. Limang minuto sa shower,
tumigil siya saka tumayo sa may pintuan ng banyo para makinig. Tinuloy ng binata
ang pagligo niya kaya pagkatapos ng sampung minuto paspas siyang nagtungo sa
kwarto.

"Good girl, now stay that way" sabi niya saka paspas na nagtungo sa kabilang kwarto
para magbihis. Pagbalik ni Onofre sa kwarto gising na yung bata at naaupo lang ito.
"Milk?" tanong ng binata pero tinignan lang siya ng bata.

"Ah cartoons" sabi niya saka tumakbo palabas ng kwarto para kunin yung tablet.
Pagbalik niya agad niya nilapitan yung bata, "no" bigkas nito kaya napakamot si
Onofre. "E ano? Ah banana?" tanong niya pero biglang tumayo yung bata saka yumakap.

"Okay okay" sabi ni Onofre saka tumayo at nagtungo sa may bintana. Umihip ang
hangin, yung bata natili at napangiti kaya napangiti narin si Onofre. "Oh kasi
mainit dito ano? Gusto mo lumabas tayo? Yung nanay mo kasi walang isang salita e.
Diba?" banat niya pero biglang nagturo yung bata.

"What is it? Oh are you pointing at that guy? Ikaw ha ang bata bata mo pa" biro ni
Onofre. Walang tigil na nagtuturo yung bata kaya nalito na yung binata. "Okay lets
go out, badtrip naman kasi mama mo e" bulong ng binata.

Sa may pintuan ng cottage napatigil si Onofre, "Gugutumin ka kaya? Okay one bottle
we bring" sabi niya kaya binulsa niya yung isang bote ng gatas. "Teka baka tumawag
mama mo tapos punas kasi mainit...oh my God" bigkas ni Onofre.

"Omagaaa" bigkas ng bata. "No no no, don't follow what I say. Tsk naman dadalhin ko
tong bag. Tsk male nanny ang peg bwisit" bulong ni Onofre. Paglabas nila ng cottage
super ngiti at tili ng tili yung bata kaya si Onofre napapangiti narin. "Ah gusto
mo lang pala lumabas" sabi niya.

Di pa sila nakakalayo sa cottage may dalawang magandang babae ang nakasalubong


nila. "Ay ang cute" sabi nung isa sabay turo sa bata. Nagulat si Onofre pagkat
lumapit pa talaga yung dalawang dalaga sa kanila. "Hello cutie" bigkas nung isa
saka inabot pisngi nung bata.

Yumakap yung bata kay Onofre saka tinago mukha niya sa leeg ng binata. "Ang cute
naman ng anak mo" sabi nung isang babae. "Ah..hindi ko anak" sagot ng binata. Yung
isang dalaga tumayo sa likuran ni Onofre, "Uy don't be shy cutie pie" bigkas niya.

Natili na yung bata saka tumawa, nagtawanan yung dalawang babae kaya lalong tumawa
yung bata. "Hala ang cute niya sobra" sabi nung isa. "Bye bye na cutie may lakad pa
kami e" paalam nung isa. Nag waive yung mga babae, "Oh come on waive ka rin" udyok
ni Onofre saka kumaway. Biglang gumaya yung bata kaya nagtawanan yung mga babae
kung saan natawa nanaman yung bata.

Habang palakad palayo lingon ng lingon si Onofre, "Ang gaganda non ah, parang lucky
charm kita to meet girls pero iisipin nila daddy mo naman ako" sabi ni Onofre. "Oh
baka gayahin mo, tito tito tito tito tito" banat niya kaya tinignan siya ng bata.
"Tiwooo" bigkas niya. "Yes good girl, ti-to...ti-to.." sabi ni Onofre. "Tiwooo"
hiyaw ng bata saka nagbungisngis.

Pilyong Onofre dinala ang bata sa beach front, aliw na aliw yung bata na nakikita
yung tubig habang yung binata gustong gusto yung atensyon mula sa mga babae sa
buong paligid. "Lucky charm kita baby ah, ngayon lang ako nakakita ng sobrang
daming babae na nakangiti sa akin" bulong ng binata.

Natili ng malakas yung bata saka tinuro yung mga nasa tubig. "Oh you want to go
there? Sige tara kasi may maganda don" bulong ni Onofre. Pagkalapit nila don sa
magandang babae nainis si Onofre pagkat may nakipagholding hands sa kanya. "Cute
baby hon o" sabi ng babae, ang pilyong Onofre tumalikod saka naglakad palayo kaya
napahiyaw yung bata.

"Yes yes I know dito tayo, toxic doon" sabi ng binata. Turo ng turo yung bata sa
tubig kaya pinatayo siya ng binata. Nung papalapit na yung tubig nagsisigaw ito.
Tinaas ng bata mga kamay niya kaya natawa si Onofre. "O yan na yung tubig" banat
niya pero umiyak yung bata kaya napilitan siyang kargahin agad ito.

"Tsk ano ba yan, kanina mo pa tinuturo tapos ngayon iiyak iyak ka" reklamo ng
binata. Tumigil sa pag iyak yung bata, natili nung nakita na palapit yung tubig
kaya napaisip si Onofre. Humakbang siya palapit sa tubig, yung bata todo yakap sa
kanya at sigaw ng sigaw.

Sobrang dami ang napatingin sa kanila, mga babae sa tubig sa malapit napapangiti
kaya pilyong Onofre naglakad paatras. Humarap yung bata para tignan yung mga paa ng
binata. Nung lumapit yung tubig sa mga paa ng binata nagsisigaw ulit yung bata.

Umatras yung tubig, si Onofre humakbang, nung pabalik na yung tubig tumakbo siya
kaya sigaw ng sigaw yung batang babae. Nung malayo na sila sa tubig tumawa yung
bata saka tinuro ulit yung tubig kaya natawa si Onofre. "Kakaiba din trip mo pero
sige pagbibigyan kita" bulong niya.

Nakipaghabulan si Onofre sa munting alon na kinatuwa sobra ng batang babae. Ilang


minuto lumipas lumilim muna sila sa ilalim ng isang puno. Napansin ni Onofre na
parang nakasimangot yung bata at may dinadamdam. "Water again?" tanong niya kaya
lumapit ulit sila sa tubig pero nakasimangot parin yung bata.

"Milk?" tanong ng binata. "Hungry?" dagdag niya kaya nagtungo sila sa resort
restaurant. Sa labas palang nagsimula nang umiyak yung bata kaya nagpanic si
Onofre. "Tell me what you want then, don't just cry. Milk? Banana? Ah..please tell
me what you want" sabi ng binata.

May narinig siyang bungisngis kaya pagalit siyang napalingon. Humupa agad galit
niya nang makita niya yung isang magandang babae na balingkinitan. "Try diaper
change" sabi ng dalaga sa sobrang cute na boses kaya napangiti si Onofre.

"Ah.." bigkas ng binata. "What? Wala pamalit?" tanong ng dalaga. "Hindi ko anak to"
sabi ni Onofre kaya biglang natawa yung dalaga. "Hindi ko naman tinatanong kung
anak mo o hindi, check mo diaper" sabi ng dalaga.

"How? I mean wala akong alam sa ganito" sabi ni Onofre. "Wala ka alam o tinatamad
ka lang?" tanong ng dalaga. "Honest wala ako alam, this is not even my kid" sabi ng
binata. "Tara don sa shower area mas malawak banyo don" sabi ng dalaga kaya
sinundan ni Onofre yung magandang dalaga hanggang sa nakarating sila sa likuran ng
pool area.

Pumasok yung dalaga sa habang si Onofre naiwan sa may pintuan. "Hey come on" sabi
ng dalaga. "Ah di ata pwede, ikaw nalang pwede ba? Please" sabi ng binata. "Bakit
ako? Anak mo yan kaya kailangan matuto ka" sagot ng dalaga. "Hindi ko nga anak ito,
inaalagaan ko lang" sagot ni Onofre.

"Fine, e di goodluck then" sabi ng dalaga. "Tsk, okay pero I cannot enter kasi
pambabae yan" sabi niya. "Halika na, basta humarap ka lang sa lababo. Dalian mo na
baka magkaimpeksyon yung bata" sabi ng dalaga. Paspas na pumasok si Onofre, "Teka
di ko siya pwede ipahiga diyan" sabi niya.

"Ay buti naman nag iisip ka. Does she have a towel in that bag?" tanong ng dalaga.
"I don't know, pamunas ata then may diaper and three bottles of milk kasi naubos
niya yung isa kanina" sabi ni Onofre. "Akin na let me check" sabi ng dalaga.

Nilatag ng dalaga yung maliit na twalya, sakto may dalawang babae ang pumasok at
napatigil sila sa may pintuan nang makita si Onofre. "Diaper change lang" pacute
nung dalaga. Lumapit yung dalawang babae pagkat sakto pinahiga na siya ni Onofre.
"Wow ang cute ng baby niyo" sabi nung isa.

"Thank you" sagot ni Onofre kaya yung kasama niyang dalaga nagpigil saka nag uga ng
kanyang ulo. "See that she stopped being moody kasi alam niya papalitan na" sabi ng
dalaga. "Okay what next?" tanong ni Onofre. "Hahaha alisin mo na" sabi ng dalaga.
"E I am a guy" bulong ni Onofre.

"My God she is just a kid, dalian mo na. At ikaw yung daddy diba?" landi ng dalaga.
"Hindi ah" sagot ni Onofre. "Oh tapos kanina nag thank you ka nung sinabi nilang
cute ng baby mo" hirit ng dalaga. "That was just a joke" sabi ni Onofre. "Dalian mo
na kung ayaw mo magka impeksyon yung baby mo" sabi ng dalaga.

Binuksan na ni Onofre yung diaper, "Oh men" bigkas niya kaya umatras yung dalaga
dahil sa mabahong amoy. "Carry her then wash her, akin na yang diaper. Grabe ka ang
arte mo" sabi ng dalaga. "If I wash her then mahahawakan ko yung ano niya" sabi ni
Onofre. "My God she is just a kid, dalian mo na" sabi ng dalaga.

Limang minuto lumipas todo punas si Onofre gamit yung baby wipes. "Powder then
diaper" sabi ng dalaga. "Alam na alam mo, so may anak ka narin?" tanong ni Onofre.
"Wala pero nursing student ako" sagot ng dalaga. "Well salamat pero let me just say
you look so familiar" sabi ni Onofre.

"Alam ko hindi pick up line yan" sabi ng dalaga. "Hindi naman pick up line yon"
sabi ng binata. "I know. Of course I look familiar because we already met last
night" sabi ng dalaga saka ngumiti. "Last night?" tanong ni Onofre.

"Uhummm...remember doon sa beach front, sa ilalim nung pink giant umbrella. Umiinom
ka don mag isa" sabi ng dalaga. "Oh my God" bigkas ni Onofre. "Omagaaa" gaya nung
bata kaya natawa yung dalaga. "No baby don't follow" sabi ni Onofre. "Omagaaaa"
ulit ng bata kaya lalong natawa yung dalaga.

"Omagaaa" hirit nung bata saka natili at natawa. "Grabe ka stop laughing kasi para
umigil siya" reklamo ni Onofre. "Ang cute cute niya, o dalian mo na. Not too tight
then lets go" sabi ng dalaga.

Limang minuto lumipas pabalik na sila sa resort restaurant. "Uy happy na siya" sabi
ni Onofre. "Alam mo hindi mo kamukha anak mo" biro ng dalaga. "She is not my
daughter" sabi ni Onofre. "Sabi mo e" pacute ng dalaga. "Pero wait, last night I
blacked out" sabi ng binata.
"I know" sabi ng dalaga. "Oh my God" bigkas ni Onofre. "Omagaaaa" sabi nung bata
kaya muling natawa yung dalaga. "Oh men" bulong ng binata. "O bakit?" tanong ng
dalaga. "Wala, kilala ko na sarili ko pag lasing ako so I am totally embarrassed
even if I don't remember" sabi niya.

Pagdating nila sa restaurant tinignan ni Onofre yung dalaga. "I have no eaten
breakfast, ah can I least treat you to early lunch? For helping me out and for
whatever I didn last night because I am sure nagkalat ako kagabi" sabi ng binata.

"Actually I was about to do early lunch when I saw you two" sabi ng dalaga. "Oh
okay, so ayon..my treat nalang for helping me out" sabi ni Onofre. "Okay" sagot ng
dalaga saka ngumiti.

Pagkaupo nila agad nagturo yung bata. "What is it?" tanong ni Onofre. "Tinuturo
niya ata yung ice cream na order nung isang bata don" sabi ng dalaga. "Pwede na ba
siya mag ice cream?" tanong ni Onofre. "Ilang taon na ba siya?" sagot ng dalaga. "I
have no idea pero may ipin na siya tapos she can say words a bit. She can stand on
her own" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

Sumigaw yung bata kaya agad tinawag ni Onofre yung waiter. Umorder sila agad ng ice
cream para lang mahinto yung pagwawala ng bata. "You know what di naman niya kaya
ubusin yung ice cream so share nalang kami" sabi ng dalaga. "No, please mamili ka.
Ako nga gutom na gutom e. Please order something" sabi ni Onofre.

Ilang minuto lumipas hindi din lang nakakin si Onofre pagkat abala siyang
nagpapakain sa bata. "Oh my God ang takaw niya" sabi niya. "Akin na, para makakain
ka na" sabi ng dalaga. "No, sige lang ako na" sabi ni Onofre. "Hey look nakahalati
ko na sandwich ko, ikaw you have not started yet. Come baby" sabi ng dalaga at
sumama naman sa kanya yung bata.

"Salamat ha, grabe gutom na gutom na ako talaga" sabi ni Onofre. "So ano name ng
anak mo?" tanong ng dalaga. "Hahaha grabe di ko anak yan pero wait may nakita akong
parang ID card" sabi ng binata kaya binuksan niya yung bag.

"Maria Prinsesa Niña...ang dami naman" bigkas niya. "So ano nickname niya?" tanong
ng dalaga. "I have no idea pero it says here that in case of emergency contact
Sophia Danielle parenthesis mom" basta ng binata. "Ano surname?" tanong ng dalaga.

"Well siguro card" sabi ni Onofre. "Card?" tanong ng dalaga. "Oo kasi initials niya
is SD so surname na bagay don ay Card para SD Card" banat ng binata kaya biglang
natawa ng malakas yung dalaga. Ang daming napatingin sa kanila pero nung gumaya
yung batang babae lahat napangiti.

"Nakakahiya pero kahit corny napatawa mo ako don" sabi ng dalaga. "Well at least I
did something right. Kilala ko na sarili ko pag lasing ako, well based on what my
friends tell me ha. Black out kasi ako lagi, so I am sure na madami ako nagawa na
hindi maganda kagabi o madami akong nasabi na hindi din maganda" sabi ng binata.
"Hmmm teka I remember you telling me dadalaw kayo sa windmills today. O bakit
nandito ka?" tanong ng dalaga. "Super long story, sa sobrang haba ng kwento eto I
ended up agreeing to babysit this baby. Di ko pa nga kilala nanay nito e. I ended
up inside the wrong cottage. Pinagtripan ako ng mga barkada ko e" sabi ni Onofre.

"Well at least mas maganda na ito kesa na nakikita mo sina Sly at whats his name?"
pacute ng dalaga. "Oh my God" bigkas ng binata. "Omagaaaaa" hiyaw ng batang babae
kaya natawa ulit yung dalaga. "Oh my God, did I tell you about Sylvia?" tanong ni
Onofre.

"Oo kaya" sabi ng dalaga. "Oh my God" ulit ni Onofre saka hinaplos mukha niya.
Biglang gumawa yung bata kaya laugh trip na yung dalaga. "Oh men, what did I tell
you? Anong nasabi ko?" tanong ni Onofre. "Hmmm well nung kausap mo yung payong ang
daming nasabi about her actually" sabi ng dalaga.

"Payong? Kausap ko yung payong?" tanong ng binata. "Yup, I think someone took a
video of you. Antayin mo baka mag viral ka" sabi ng dalaga. "Oh my God, are you
kidding me?" tanong ng binata pero natawa yung dalaga pagkat muling gumaya yung
bata.

Di na umimik si Onofre sa tindi ng hiya kaya focus nalang siya kumain ng sandwich
niya. "Hey...may extreme bad words?" tanong ni Onofre. "Sobrang dami" sagot ng
dalaga. "Oh men..." bulong ng binata. "Umiiyak ka pa nga e" dagdag ng dalaga kaya
tinakpan na ni Onofre mukha niya gamit dalawang kamay.

"Bulaga" bigkas nung bata kaya super halakhak yung dalaga. Pati si Onofre natawa
bigla kaya yung bata nagtakip din ng mukha niya. "Bulaga" bigkas ng binata kaya
natili yung bata at tawa ng tawa.

"Totally embarrassing. Teka pala, kanina pa tayo nag uusap pero di ko alam name mo"
sabi ng binata. "I know you are Onofre, how did you say it...ah ganito. Hi my name
is Onofre but you can call me the One" sabi ng dalaga kaya nagtakip ulit ng mukha
yung binata at gumawa yung bata.

"Hiyang hiya ako...can I least get your name?" tanong ng binata. "Why?" tanong ng
dalaga. "Well kahit papano para naman sana malaman ko yung pangalan ng crush ko"
sabi ng binata kaya napatigil yung dalaga at nagpigil ng ngiti.

"Hmmmm...alam mo kagabi sabi mo din yan sa akin" sabi ng dalaga. "Sinabi ko crush
kita?" tanong ng binata. "Uhuhmmm...maniniwala na sana ako kasi imagine a drunk guy
telling you that then nung di na siya lasing sasabihin ulit sa iyo"

"Diba? Pero pano ako maniniwala kung pangalan ko nakalimutan niya" sabi ng dalaga.
"Wait you already told me your name? Teka so we spoke?" tanong ng binata. "Hmmm we
did, ang tagal nga e. Kaya try to remember, kaya mo yan" sabi ng dalaga saka
tumawa.

"Wala ba clue?" tanong ni Onofre. "Sylvia" landi ng dalaga kaya tinapik ng binata
noo niya. "Sibiaaaaaa" hiyaw ng bata kaya napasimangot si Onofre. "Baby don't say
bad words please" sabi niya kaya super bungisngis yung magandang dalaga.

oxr�ߵ���

-------------------------

Ayan nagamit ko na names na sinubmit niyo sa page ko. Yung iba siguro isama ko
parin since madami dami characters din dito sa story.

So may mga hinala na ba kayo sa takbo ng kwento? 

I will do my best to post one chapter a day. Full chapter at hindi chop chop paasa
chapter na post one third umaga, one third sa hapon at one third sa gabi. Basta isa
chapter isang araw pero pag di kaya magpopost din naman ako if busy ako at may
gagawing iba.

=================

Chapter 2: Mommy

Chapter 2: Mommy

Alas tres ng hapon pagkalabas palang ng kotse nina Dani at Veronica tumakbo agad
sila papunta sa reception area ng resort. "Tsk naka off na yung phone" sabi ni
Dani. "Ano ba sinabi niya?" tanong ni Veronica. "I told him pabalik na tayo pero
badtrip naman kasi lumay pa tayo e"

"Di naman ako maka reklamo kasi nahihiya ako. I didn't text him anymore kasi
nahihiya narin ako" sabi ni Dani. "Relax, sabi mo sa akin he sounded like a nice
guy so hanapin nalang natin siya" sabi ni Veronica. "Okay magtatanong ako dito, uy
please naman help me" sabi ni Dani. "Sige dito ka tapos try ko maglibot" sabi ni
Veronica.

Sumugal si Veronica at nagtungo siya sa beach front. Nakita niya yung isang binata
na may hawak ng payong na dilaw, bitbit ang isang batang babae at may bag na
nakasabit sa kanyang braso. Tumakbo ang dalaga, humiyaw yung bata kaya lumukso puso
niya pagkat namukhaan na niya ito.
"Niña!" sigaw ni Veronica kaya napalingon si Onofre. Lumapit ang dalaga saka
inaabot mga kamay niya sa bata. Tinignan lang siya ng bata saka yumakap ng mahigpit
kay Onofre. "Come baby, nandon na mommy mo" sabi ng dalaga. Umatras si Onofre, "Ah
excuse me miss by the looks of it she does not know you" sabi ng binata.

"She does, ako yung bestfriend ng mommy niya" sabi ni Veronica. "I am sorry I need
proof. Can you show some proof or better yet call her mom here" sabi ng binata.
"Wait lang" sabi ni Veronica saka nilabas phone niya.

Humiyaw yung bata nang nakikipaghabulan si Onofre sa tubig. "Dani I found her,
nandito kami sa beach. Basta dumiretso ka lang from the reception area. Diretso
lang tapos makikita mo yung guy na may hawak ng payong" sabi niya.

"Thank God, is that her voice? Siya yung tumatawa?" tanong ni Dani. "Oo grabe ang
saya saya niya ha. Dalian mo kasi medyo mataray tong guy na ito. He needs proof daw
kasi naman nung inaabot ko si baby aba tinalikuran ako tapos niyakap yung guy"
kwento ni Veronica.

Pinatay ni Dani yung tawag saka tumakbo papunta sa beach front. Malayo palang siya
nakita niya na anak niya na tumatawa at kapit na kapit sa lalake habang tumatakbo
siya pabalik sa buhangin.

"Niña" bigkas ni Dani saka inusli mga braso niya. Natulala saglit si Onofre habang
pinagmamasdan yung maganda at long legged na tisay. "Mamaaaa" hiyaw ng bata saka
tinuro si Danny kaya naglakad si Onofre papuna sa nanay ng bata.

Lumapit narin si Veronica, pagkalipat ng bata kay Dani ang binata napakamot ng ulo.
"Sorry kanina if I was rude pero I hope you understand" sabi niya. "Okay lang"
sagot ni Veronica. "Thank you so much. Sobrang thank you talaga" sabi ni Dani.

"Ah okay lang, wala naman akong lakad and I had fun. Para akong nag work out ng
arms at extra cardio" biro ni Onofre. "Tagaktak ka nga ng pawis e" sabi ni Dani.
"Ah its all good, para malabas mga toxins sa katawan ko. Ah she just finished one
bottle of milk, napalitan yung diaper niya minsan...and" sabi ni Onofre.

"One bottle only?" tanong ni Dani. "Ah yeah kasi ah she ate a lot of banana then oh
my God..." bigkas ng binata. "Omagaaaa" hiyaw ng bata saka hinaplos mukha niya kaya
napanganga sina Dani at Veronica saka nagtawanan. "Oh my God, ayon I am sorry about
that she seems to have adapted my mannerism' sabi ng binata.

"Omagaaaa" bigkas ng bata saka tinakpan mukha niya gamit dalawang kamay kaya di
makapigil sa pagtawa sina Dani at Veronica. "Ah sige na pala, eto na pala yung bag.
Ah itong payong gamitin niyo lang, hiniram ko lang sa front desk. Pakisoli nalang
if ever but if di niyo na gagamitin soli ko na" sabi ni Onofre.

"Ay teka naman, I am so thankful. Let me treat you naman to kahit meryenda" alok ni
Dani. "I am fine, no need to thank me kasi kasalanan ko naman yon to be honest.
Pwede niyo nga ako kasuhan ng illegal entry kasi nagkamali ako ng pinasukan na
cottage" sabi ni Onofre.
"They all look the same right" sabi ni Veronica. "Oo nga e lalo na pag lasing ka"
sabi ng binata. "Wait, lasing ka kanina?" tanong ni Dani. "No, nung umaga? Hangover
na matindi" sabi ng binata. "Kasalanan ko din kasi sabi nila suot ni mama Ton is
pink e ikaw yung naka pink na nakita ko" sabi ni Dani.

"Oh the pink shirt, pinagtripan talaga nila ako kagabi e. Ang sikip sikip non at
pambabae ata" sabi ni Onofre. "Kaya nga akala ko ikaw yung gay friend namin" sabi
ni Dani. "Ah okay all good. O sige na at punta muna ako doon" saib ni Onofre.

"Snacks? Please accept" sabi ni Dani. "Ah sure pero kasi..ah eh nayoyosi na ako"
sabi ni Onofre. "Oh okay ganito nalang then, alam mo yung kainan don sa dulo? Yung
may ihawan, meet us there after say fifteen minutes" sabi ni Dani. "Oh so fifteen
minutes that means ilang hours?" biro ni Onofre.

"Hala sorry naman, long story talaga" sabi ni Dani. "Okay okay, sige see you there
later then" sabi ni Onofre. "Uy ha magpakita ka ha" sabi ni Dani. "I will, bye bye
Niña" paalam ng binata kaya tinignan siya ng bata. Inaabot siya ng bata kaya si
Onofre nagtaas ng mga kamay saka dahan dahan lumayo.

"Later anak, you will see him later" sabi ni Dani per umiyak na yung bata. Lumayo
si Onofre, "Omagaaaaaa" hiyaw ng bata kaya ang binata napatigil saka bumalik.
"Come" lambing niya at agad sumama yung bata sa kanya. "Oh no, anak naman e" sabi
ni Dani.

"Okay lang" sabi ni Onofre. "Pero you have to smoke diba?" sabi ni Veronica.
"Natiis ko naman so far so why kaya pa siguro. Sige lang" sabi ng binata. "Balik
lang kami sa cottage saglit to freshen up. Ah doon nalang tayo mag meet" sabi ni
Dani. "Sure at tamang tama may malaking aquarium doon. Sige see you there" sabi ni
Onofre.

Habang pabalik sa cottage lingon ng lingon si Dani. "He seems to be a nice guy"
sabi ni Veronica. "Hiyang hiya ako sobra, sa tingin mo matakaw kaya yon? Ano kaya
oorderin niya mamaya?" tanong ni Dani. "Alam mo ang tanong ano kaya orderin natin?
Sa bait niya sure ako baka siya pa manlibre" sabi ni Veronica.

"Uy grabe ka naman na. Ako manlilibre. Magkano kaya? Don naman yung cheapest na
kainan diba? Does he look matakaw to you?" tanong ni Dani. "Ganito nalang, di
nalang ako sasama at if ever matakaw siya pahiraman muna kita ng pera" sabi ni
Veronica.

"May pera naman ako, pero sige pahiram muna kasi baka matakaw siya e. Tapos remind
mo ako daan tayo ATM para makakuha ako ng pera" sabi ni Dani. "No probs tara dali.
Pero feeling ko lang ha matakaw siya" sabi ni Veronica.

Bente minutos lumipas sa may outdoor restaurant sa dulo ng resort nakarating si


Dani. "Ayan na si mommy o" sabi ni Onofre kaya pinagtuturo ng bata ang nanay niya.
"Did you order already?" tanong ni Dani saka naupo at agad lumipat sa kanya yung
anak niya.
"Hindi pa except for this bottomless ice tea na gustong gusto niya" sabi ni Onofre.
"Wait para formal, my name is Danielle, pero Dani nalang" sabi ng young mom.
"Onofre but you can call me Nof" sagot ng binata. "Nooof" bigkas na sobrang cute ng
bata kaya nagtawanan yung dalawa.

"Grabe gaya gaya siya" sabi ni Onofre. "Oo nasa stage siya na lahat ng naririnig
niya ginagaya niya. "She is cute, kitang kita pinagmanahan. So you are also going
to be tall like your mommy ha" sabi ni Onofre saka kinurot yung pisngi ng bata.

"Order na tayo, uy treat ko to ha" sabi ni Dani. Di sumagot si Onofre, kinuha agad
ng binata yung menu saka nagtingin ng oorderin. "Bulaga" bigkas ng binata saka
binaba yung menu kaya napahiyaw sa tuwa yung bata. Hinampas nung bata yung isang
menu kaya tinaas yon ni Dani.

"Bugaaaaa" sigaw ng bata pagbaba ni Dani ng menu. Umakting na gulat si Onofre kaya
super hiyaw yung bata. "Bugaaaa" bigkas ng bata at todo akting na nagkukumbulsyon
si Onofre. Ang tindi ng tawa ng mag ina lalo na yung bata na halos mauubusan na ng
hininga.

Umubo na si Niña kaya agad tumayo si Onofre at pinaunom ang bata ng tubig.
"Dyuusss" bigkas ng bata kaya natawa si Dani. "Okay enough na" sabi ni Onofre.
"Grabe ang galing mo, do you have a younger sibling?" tanong ni Dani. "Wala pero
yung ate ko may anak narin. Ilang taon na ba si Niña? Kasi yung anak ng ate ko
is...oh my God nakakahiya akong uncle" sabi ni Onofre.

"Omaygaaaa" bigkas ng bata kaya laugh trip si Dani at pinaghahalikan anak niya.
Ilang minuto lumipas habang kumakain tumayo si Onofre, "Akin na, para makakain ka
din" sabi ng binata. "Hindi okay lang, sanay na ako" sabi ni Dani.

"Sige na akin na" sabi ng binata kaya sumama naman yung bata sa kanya. "Salamat"
sabi ni Dani. "Tama lang kasi baka maubos ko ulam. At least pag buhat ko siya
mahihirapan ako kumain" sabi ni Onofre kaya natawa ng husto si Dani. "Excuse ha,
kuha lang kami ng dessert. Kasi pansin ko ituturo na niya yung ripe mango" sabi ng
binata.

Napalunok si Dani, napalingon at gusto sana humingi ng menu para makita presyo ng
mga dessert. Limang minuto lumipas naupo si Onofre at may waiter na naglapag ng
isang banana split sa lamesa. "Siya namili, tanong ko lang favorite ba niya banana
at ice cream?" tanong ng binata.

"Banana kasi business namin yon. Family business na napasa from my lolo and lola.
Yung ice cream naman, favorite ko. Pinapagalitan nga ako lagi ng mom ko e kasi she
is too young daw at madami daw sugar masyado yung ice cream" sabi ni Dani.

"Thank God, I felt so guilty kanina. Wala naman ako choice kasi baka umiyak siya"
sabi ni Onofre. "Yeah I know, grabe tantrum niya or iyak if she does not get what
she wants. Sabi ng mom ko wag daw ispoil pero nakakaawa e" sabi ni Dani.
"Well ako naman kanina more on takot baka di ko mapigilan pag iyak niya. So wait it
seems hindi mo kasama family mo" sabi ni Onofre. "Yeah, sumama ako sa barkada. Hay,
grabe taong bahay lang ako ever since pinagbubuntis ko siya"

"So when I heard my friends were going here...ayun sabi ko I need this at gusto ko
din ipasyal anak ko" kwento ni Dani. "I see" sabi ni Onofre. "Gets mo ba? Parang I
got bored, di naman sa bored pero parang natigil yung buhay ko e. I needed to get
back" hirit ni Dani.

"Oo naman, ako nga isang araw lang makulong sa bahay di ko kakayanin e" sabi ng
binata. "Ayun, at ininvite din naman ako ng friends ko. Lahat sina ninong at ninang
ng anak ko no hahaha except for the new ones" sabi ni Dani.

"E di madami regalo pala to e" sabi ni Onofre. "Sad to say wala nga e" bulong ni
Dani. "Wala?" tanong ng binata. "Si Veronica lang, yung iba wala. Well ano ba kasi
inexpect ko diba? Lahat sila students, medyo frustrated din ako nung first birthday
niya. Syempre I was expecting na bongga siya with so many gifts"

"Ayun" sabi ng dalaga. "Okay lang yan, ang importante you have a lot of friends.
Wag ka nalang mag eexpect sa material gifts for her. If meron then thank you, if
wala then isipin mo nalang na basta meron sila na kaibigan mo"

"Ang importante a lot will look out for her. Wala man siguro sila maibigay na
material na bagay pero paglaki niya then makita siya nung friends mo, oy pamangkin
ko yan, sagot ko yan. Parang ganon lang, tropa tropa din. Dasal mo nalang mag
graduate mga kaibigan mo" banat ni Onofre kaya natawa ng husto si Dani.

"Medyo aaray ako don, I have stopped school for a year now" sabi ng dalaga. "Huh, e
ako umulit ako ng one year. I wasted one whole year, third course ko na nga e" sabi
ng binata. "So pareho pala tayo" bulong ng dalaga.

"Hindi ha, ikaw may rason bakit ka nag stop kasi you gave birth and had to raise
this super cute little girl. E ako? Di walang magandang rason o palusot. So don't
feel bad because you stopped, ako I should feel really bad kasi pinagbantaan na ako
ng parents ko"

"If di daw ako umayos papatigilin na daw talaga ako. Kaya eto ako trying to change.
Ang hirap pala mag aral, dinudugo ilong ko" sabi ni Onofre kaya muling natawa si
Dani. "Bakit saan ka daw ba itatapon if di ka umayos?" tanong ng dalaga.

"Well wala na daw allowance and I would have to work daw. Pero sabi nila bibigyan
nila ako ng work but below minimum wage daw. Wala daw special treatment. So nag
research ako magkano ba minimum wage, and oh my God balak pa nila mas mababa pa
don?" sabi ni Onofre. "Omagaaaa" bigkas ng bata kaya laugh trip yung dalawa.

"Kaya eto barely hanging on. Medyo maganda grades ko last sem so here I am with the
barkada on a vacation pero honestly sana di nalang ako sumama" sabi ng binata.
"Why? Is there something wrong?" tanong ni Dani. "Well there is girl I really like,
as in mula pa nung high school kami"

"Barkada siya at kasama siya pero pagdating dito nagulat ako kasi she is now with
my other barkada. Funny thing I was the last to know. Grabe no, nagfocus lang ako
sa studies saglit tapos ganon na" kwento ni Onofre.

"Awww...wait may something na ba kayo noon?" tanong ni Dani. "Wala, tuwing


liligawan ko siya sasabihin niya tigil tigilan ko daw siya. Ganon lagi" sabi ng
binata. "So wala pala" sabi ni Dani. "Oo pero masakit parin, di mo ata gets e pero
okay lang ibang level kasi pag lalake siguro" sabi ni Onofre kaya natawa yung
dalaga.

"At isa pa, kanina grabe lucky charm ko anak mo. I met a girl, super crush as in
yung tipong dream girl ko sa itsura. Kasi kanina umiiyak eto, di ko alam bakit.
Then si crush lumapit, suggest niya palitan diaper. Sinamahan pa ako to do that
huh. As in super crush then while changing diaper boom, nag meet na daw kami
kagabi"

"Oh men I was totally drunk last night" sabi ni Onofre. "Omen wadyashanay" bigkas
ng bata kaya laugh trip ulit si Danny. "Hindi ko siya maalala pero alam ko sirang
sira na ako kasi whenever I get drunk, black out ako tapos di ko na alam ginagawa
ko"

"Kahit na ganon I still invited her to lunch, game naman siya so kahit papano I got
to spend time with my crush. Mala slang, black mark agad sa first meeting" kwento
ni Onofre. "Baka naman nagbibiro lang siya" sabi ni Dani.

"Hindi, she told me about Slyvia, siya yung barkada crush ko na, wag nalang natin
pag usapan kasi sariwa pa ang sugat" landi Onofre sabay haplos sa puso niya kaya
biglang nakihaplos yung bata. "Awwwww bait mo naman baby" lambing ng binata.

"Well at least you spent lunch with her" sabi ni Dani. "Yun na nga e, tapos eto pa
ha. Since sirang sira na ako, inamin ko sa kanya crush ko siya. Natawa siya kasi
daw sinabi ko din daw sa kanya yon kagabi. Maniniwala na daw sana siya talaga sa
akin pero I forgot daw her name. Grabe di niya binigay"

"Kaya may alam ka bang hypnotist? Yung tutulungan ako to remember kasi kanina while
playing on the beach I tried to mention all the girl names I know pero walang ring-
a-ling dingdong bells e" sabi ng binata.

Napahalakhak ng husto si Dani, gumawa yung anak niya kaya si Onofre nakitawa narin.
"You want to try? I know a lot of girl names" sabi ni Dani. "Hindi na, siguro its
her way of saying not interested siya sa akin. Maybe she was just being nice to me"

"Alam ko turn off siya sa akin. I know myself, pag lasing ako wala talaga ako sa
sarili ko. Then nagkwento daw ako sa kanya about Sly so parang di pa naka move on
tapos I was hitting on her agad. So sa tingin ko she never gave her name, sinasabi
lang niya yon to be nice to me"
"Baka naawa siya kasi narinig niya drama ko kagabi so para di na ako ma double
black eye sinabi nalang niya yon" sabi ni Onofre. "Hmmm well di ko masabi pero for
me you are a good guy, I can tell you are" sabi ni Dani.

"Grabe ka, sapat na yung thank you no. Ikaw talaga wag mo na ako bolahin" sabi ng
binata. "Totoo no, kasi pag masamang tao ka nga then amoy yosi na siguro anak ko
then siguro iniwan mo nalang siya sa cottage but you didn't, pagdating ko she even
smells like food lang" banat ni Dani kaya laugh trip silang dalawa.

"Pinaalala mo pa, nayoyosi tuloy ako" sabi ni Onofre. "Akin na, sige na you can go
ahead and smoke outside. Bayaran ko lang" sabi ng dalaga. "Are you done?" tanong ni
Onofre. "Yes" sagot ng dalaga. "Lets go then" sabi ng binata. "You go ahead, I will
just pay" sabi ni Dani.

"Bayad na, tara na" sabi ni Onofre saka tumayo buhat buhat yung bata. "What do you
mean its paid?" tanong ni Dani. "Kanina, when we went to get dessert. Its okay,
come on lets go. Yung pera ibili mo nalang siya ng shirts pero bigger size para
pagtanda niya pwede pa niya isuot"

"Wala siguro siya maalala now but at least in one year or two masusuot parin niya
yung shirts from here" sabi ng binata. "Bayad na talaga?" tanong ni Dani sa hiya.
"Yeah, tara na. Medyo busog kaya ilakad ilakad baka maipon ang taba" sabi ng binata
na nauna nang naglakad kasama yung bata.

Humabol si Dani at binangga konti yung binata. "Salamat" sabi niya. "You are
welcome, nag ipon din ako for her. Had so many plans like treating her sa zip line
at water rides, pero ngayon gusto ko nalang siya itulak e" biro ni Onofre kaya
natawa si Dani.

"At least napunta sa maganda yung naipon ko. At dahil sa anak mo I got to spend
time with a sudden crush. Grabe funny how life works ano? You finally meet your
super crush, e nag meet na pala kayo last night nung lasing na lasing ka. Ang
lupet, ang hapdi...oh..my..God" bigkas ni Onofre saka tinignan yung bata.

"Omaygaaaaaa" hiyaw ni Niña kaya tawang tawa si Dani. "Oh look sunset baby" sabi ni
Dani. "Tara tara kunan ko kayo photo. Hanap tayo magandang pwesto tapos kunan kayo
photo" sabi ng binata.

"Sige nga, kahapon sana pero yung mga kuha ko kasi ang papangit. Tapos ang engot
engot pa nung isang friend ko, sabi niya alam niya pano kunan pero paglabas duh di
na kami makita" sabi ni Dani.

"Ex ng isang ate ko photographer, kahit slow ako may natutunan din ako sa kanya
kahit papano. Pano naman ang dami niyang models na magaganda kaya masaya siyang
kasama" landi ni Onofre. "Kaya pala ayaw sa iyo ni Sylvia ba yon?" banat ni Dani.

"Omaygaaaa pinaalala pa" bigkas ni Onofre. "Omaygaaaa lalaaaaaa" gaya nung bata
kaya tawang tawa si Dani. 
-----------------

Maaga naka pag post kasi may lakad. So ano naman hula niyo sa takbo ng kwento na
ito?

=================

Chapter 3: Friends

Chapter 3: Friends

Kinabukasan ng alas sais ng umaga magkasama sina Dani at Veronica sa beach front.
"Hahaha hingal ka na" kantyaw ni Veronica pagkat ginagaya ni Dani yung ginagawa ni
Onofre sa bata kahapon.

"Tama na anak, pagod na si mama" sabi ni Dani. "Joel! Joel lika dito!" sigaw ni
Veronica kaya lumapit yung isang barkada nila. "Ayan go to ninong" sabi ni Dani.
"Bakit? Lalangoy kayo?" tanong ni Joel. "Hindi, kargahin mo tapos magpahabol ka sa
alon, gustong gusto niya yon" sabi ni Veronica.

"O sige, come baby" sabi ni Joel pero yumakap yung bata sa nanay niya ng mahigpit.
"Nooofff" bigkas niya kaya natawa si Veronica. "Wala si tito Noff anak, si tito
Joel muna" sabi ni Dani. "Come baby" sabi ni Joel pero binaon ng bata mukha niya sa
leeg ng kanyang ina.

"Ayaw niya, thanks nalang Joel" sabi ni Dani. "Hala ka, may attachement na ata siya
kay Nof" sabi ni Veronica. "Oo nga e, pero alam mo he is an okay guy" sabi ni Dani.
"Naks, what do you mean okay?" tanong ni Veronica. "Baliw, okay as in okay na tao
no" sagot ni Dani.

"Uy siya nga pala magkano nagastos mo sa dinner?" tanong ni Veronica. "Tsk wala nga
e" sabi ni Dani. "See that I told you. Diba sabi ko sa iyo" sabi ng kaibigan niya.
"Oo pero nakakahiya sobra pero uy icheck mo pala FB ko, bago profile photo ko don.
Grabe ang ganda ng kuha niya sa amin against the sunset" sabi ni Dani.

"Wait photographer siya? Or hobby niya lang" sabi ni Veronica. "Hindi, sumasabit
lang daw siya sa ex ng ate niya na photographer kasi daw madaming models" sabi ni
Dani. "Ay so he is that kind of guy" sabi ni Veronica.
"Parang, pero parang hindi naman ata" sagot ni Dani. "Well sama ka na, tapos iwan
mo ulit si Nins sa kanya" biro ni Veronica. "Uy grabe ka nakakahiya na ano" sabi ni
Dani. "Ikaw din, sabi mo nasa bucketlist mo ang zipline at banana boat" sabi ni
Veronica.

Biglang natawa si Dani kaya nagtaka kaibigan niya. "Sorry kasi kahapon he mentioned
na pinag ipunan daw niya tong trip to be with his long time crush. Kaya lang yung
crush niya e naging sila na nung isang barkada niya. Kaya daw buti nalang naiwan
siya or else baka tinulak daw niya sa zipline yung dalawa" kwento ni Dani kaya
natawa si Veronica.

"Aray, so you mean to say dito niya lang nalaman na naging sila?" tanong ni
Veronica. "Yeah, bale the other night naglasing daw tapos pinagtripan siya ng mga
barkada niya so he ended up at our place" sabi ni Dani. "Oh take advantage na,
mabait naman siya so try mo kausapin na alagaan niya ulit si Nins for today para
makasama ka" sabi ni Veronica.

"Gusto ko talaga sumama pero nahihiya na ako sa kanya. Baka may plans siya for
today" sabi ni Dani. "Tara lets go ask" sabi ni Veronica. "Hmmm what if ikaw kaya
magtanong?" tanong ni Dani. "Hahaha baliw, mas kilala mo siya no. Bring Nins para
di siya makatanggi" biro ni Veronica.

"Hmmmm wag na, nakakahiya na masyado" sabi ni Dani. "Tara samahan kita. Akin na si
Nins tapos ikaw yung kumatok sa cottage nila" sabi ni Veronica. "What if ikaw yung
magsabi, nahihiya na talaga ako sa kanya e" sabi ni Dani. "Sige tara, akin na ako
bubuhat kay Nins" sabi ni Veronica.

Sa may pintuan ng cottage nina Nof kumatok si Dani, biglang tumakbo si Veronica
dala yung bata kaya natili ng malakas at natawa si Niña. "Uy Nica!" sigaw ni Dani
sa inis pero bumukas na yung pintuan. Isang matangkad na kulot na binata ang
bumukas ng pintuan at natulala sa kagandahan ni Dani.

"Ay hello good morning, is Nof there?" tanong ng dalaga. "Nof? Si Nof? Ah teka
lang" sabi ng binata saka tumakbo papunta sa dining area. "Uy guys, may magandang
babae na naghahanap kay Nof. As in ang ganda niya, tisay na matangkad" sabi niya.

Takbuhan yung boys sa pintuan kaya si Dani biglang nahiya na. "Nof! Nasan si Nof?
Hoy tawagin niyo nga. Hi miss teka lang ha" sabi nung isang lalake. "Nasa likod!"
sigaw nung isa. "Ah miss nasa likod siya, ah pasok ka daan ka nalang sa back door"
alok nung isa.

"Ah dito nalang ako dadaan" sabi ni Dani at nagsimulang maglakad papunta sa gilid
ng cottage. Pagdating niya sa likuran natawa siya konti nang makita si Onofre sa
may bubungan na topless. "Nof" bigkas niya kaya ang binata napadungaw. "Uy Dani!"
sigaw ng binata.

"Ano ginagawa mo diyan?" tanong ng dalaga. "Ah..eh.." bigkas ng binata kaya natawa
ang dalaga. "You don't have to hide it, nakikita ko usok no" sabi ni Dani na
lumapit. Sa isang bintana naninilip yung ibang barkada ni Onofre at gandang ganda
talaga sila kay Dani.

"Yeah, so eto nga feeling kapre ako" biro ni Onofre kaya bungisngis si Dani.
Bumukas yung backdoor at may isang magandang babae ang lumabas. "Hello" bati ni
Dani kaya tinignan siya ni Sylvia ng matagal. Tinuro ni Dani si Onofre kaya
tumingala si Sly at tinignan ang binata.

"What are you doing up there?" tanong niya. "Tinetesting ko lang pag pwede maging
karir ang pagiging kapre" banat ni Onofre. Natawa si Dani kaya tinignan siya ni
Sylvia saka tinaasan ng kilay. "Har har har, bumaba ka nga diyan" sabi ng dalaga.

"Pano ako bababa e tinago ng magaling mong boyfriend yung ladder" sabi ni Onofre.
"Grabe ka hindi naman ganon kataas ha" sagot ni Sylvia. Tumayo si Onofre saka
lumapit sa dulo, "Hoy be careful" sigaw ni Sylvia. "Wow concern ba yan Sly? Baka
magselos boyfriend mo ha" landi ni Onofre kaya nagtakip ng bibig si Dani. "Siraulo,
will you move back" sabi ng dalaga.

Tumayo na mala oblation si Onofre saka tinignan si Sylvia. "Ayan pagmasdan mo yung
katawan ng hindi mo pinili. Sana panaginipan mo, magisisi ka
mwahahahahaha...magsisi ka" bigkas ni Onofre kaya nagtakip ng husto ng bibig si
Dani pero hindi na siya makapigil ng tawa.

Tinignan ni Sylvia ng masama si Dani saka tinignan si Onofre. "Che! Gago!" sigaw
niya saka pumasok na ng cottage. "Nakita ko ilang beses ka nagsara bukas ng mata mo
meaning kinunan mo ako ng screenshot gamit ang iyong isipan" sigaw ni Onofre.
"Mabalian ka sana" sigaw ni Sylvia.

Naupo si Onofre, si Dani pulang pula na sa tindi ng tawa. "Baba ka nga" sabi niya.
"Ang taas e, gago naman kasi sila tinago yung ladder" sabi ni Onofre. "Its not that
high" sabi ng dalaga. "Really? Ah sige wait" sabi ng binata.

Nagpipigil na si Dani pagkat napansin niyang nagpapanic ang binata. Bumigay na siya
nung dumapa si Onofre saka lumapit sa dulo. Muling lumabas si Sylvia, si Onofre
takot na takot na pinauna isang paa niya. "Ay" bigkas ni Sylvia nang lumambitin ang
binata.

Bumitaw si Onofre saka naglanding sa lupa. Nakataas parin mga kamay, "He lands
perfectly! The crowd goes wild, hear them roar! Perfect execution! He wins the gold
medal. The Philippines first ever gold medal in the Olympics" sigaw ni Onofre na
tumalon para humarap sa dalawang dalaga.

Nag bow siya saka kumaway kaway kaya si Dani super laugh trip. "Alam mo ang korny
mo talaga" sabi ni Sylvia. "Natural black hair ko, yung korny yung brown yung buhok
na di naman bagay tulad ng boyfriend mo. Yun ang korny, bilhan mo ng jumper na
yellow" banat ni Onofre.

Nagwalk out si Sylvia kaya si Dani tumalikod at inuga ulo niya. "Uy napadalaw ka"
sabi ni Onofre. "Ah yeah kasi ah..." bigkas ng dalaga. "Hulaan ko, may lakad
barkada mo at gusto mo sumama ano?" tanong ng binata kaya naglakad si Dani palayo.

"Uy is that it?" tanong ni Onofre. "Yeah, nakakahiya pero hmmm sana.." sabi ni
Dani. "Sure, ayaw ko din sumama sa kanila e. Tuwing nakikita ko sila nagkakaroon
ako ng murderous intent" sabi ni Onofre. "Grabe ka, is the guy inside? Baka narinig
ka niya sa pinagsasabi mo kanina" sabi ni Dani.

"Aware naman siya, niyurakan niya yung bro code e. He cant even look at me or talk
to me" sabi ni Onofre. "What bro code?" tanong ni Dani. "Well, say for example sa
barkada, you said outright that you like this girl. Automatic yon na give respect
at wag ka na umahas"

"If type mo din say so. Di naman siya talaga written pero understood na yon dapat
e. They all knew I liked Sly noon pa. I asked them before if may gusto din sila sa
kanya, wala daw. Basta nilabag niya yung bro code pero di ko naman sinasabi na
pagmamay ari ko si Sly"

"Its just that barkada kayo e. Umamin ako I liked her, so if he liked her too then
sana naman nagsabi siya at wag yung...surprise kami na" sabi ni Onofre. "So Bitter
ka" biro ng dalaga. "Oo, kunan mo ako ng photo, iupload mo dali at bansagan mo ako
Ampalaya man" banat ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

"Maliligo lang ako tapos sunduin ko na siya. Tamang tama kasi sabi ni crush na ayaw
din niya sumama sa mga barkada niya. Huh, is that a sign? Di ko alam bakit basta
alone siya kahapon, tinanong ko bakit alone siya pero ayaw niya sabihin. Baka may
chance na magkita ulit kami" sabi ni Onofre.

"Hmmm so okay lang ba?" tanong ni Dani. "Okay lang, kasi tignan mo kesa na uminom
lang ako no. Yeah yeah yeah masakit parin no. Imagine long time crush tapos ganon
nalang mangyayari? Diba?" sabi ng binata.

"Pero may new crush naman na" sabi ni Dani. "Tsk, wala ako pag asa don. She saw my
worst agad e. Turn off agad yon alam ko pero sa akin lang she seems okay being
friends naman. Parang ganon yung message kahapon sa akin so if hanggang don lang
then so be it diba?" sabi ni Onofre.

"Parang may pinagdadaanan din siya so maybe I can be that friend" dagdag ng binata.
"Naks, sa pagkakaibigan naman nagsisimula ang lahat" landi ni Dani. "Oo nga, diba?
Kaya maliligo lang ako then puntahan ko na kayo sa inyo" sabi ng binata. "Okay, so
sige na balik ka na" sabi ni Dani.

"Malapit naman na e hatid na kita" sabi ni Onofre. "Hmmm alam mo pansin ko kay Sly
na.." sabi ng dalaga. "Ganda niya ano?" sabi ng binata. "Yeah she is pero pansin ko
na concerned siya sa iyo" sabi ni Dani. "Mabait naman talaga yon e, kaya nga
nagkagusto ako don" sabi ng binata.

"The way she looked at me, the way she acted towards me...parang may hidden message
na back off" sabi ni Dani. "Hahaha baliw wag mo na ako lokohin" sabi ni Onofre.
"Hmmm just saying, kasi bakit pa siya lalabas? The other girls didn't come out.
Tapos she gave a head to foot stare down"

"Babae ako so trust me on this" sabi ni Dani. "Wag ka nga ganyan, baka maniwala pa
ako" sabi ni Onofre. "Ang gusto ko lang sabihin is that you lost your chance. Baka
may nagawa kang mali. I can see that she kinda likes you too" sabi ni Dani kaya
napatingin si Onofre sa dalaga.

"Kaya lang you lost your chance" ulit ng dalaga. "Alam mo, I change my mind. Sige
goodluck sa paghanap ng mag aalaga sa anak mo" banat ni Onofre. "Uy to naman o.
Sinasabi ko lang naman observation ko kaya if I were you...if you still like her be
nice to her. Wag mo siya aasarin like what you did kanina. You will never know what
can happen" sabi ni Dani.

"Di mo na kailangan sabihin yon kasi kilala ko sarili ko. Turn off siya syempre
kasi bagsak ako sa school ilang beses. Basta nakita niya na lahat ng masama sa
akin. Honestly I lost her a long time because of myself, siguro ngayon nagkaroon
lang ako ng outlet na iba na pwede sisihin"

"Been trying to change for her pero siguro damage done na. Ako talaga may kasalanan
pero nakakasawa din pagbintangan sarili mo. Naging outlet ko lang yung barkada ko,
mas matino yon sa akin pero siyempre ego din and basta it's a guy thing" sabi ng
binata.

"Just be nice to her, malay mo mamatay bigla yung guy. Malunod bigla" banat ni Dani
kaya natawa ng malakas si Onofre at inabot kamao niya. Naki fist bump si Dani,
pinagtuturo siya ng binata saka muling natawa. "Nasan ang anak mo, ako bahala sa
kanya" sabi niya.

"Diba? Malunod o kaya malaglag sa zipline" hirit ni Dani. "Uy umoo na ako no. Tama
na baka bumukas bigla yung lupa tapos kunin ka na si Satanas. If that happens baka
ako pa yung kunin niya. Kasi syempre pag nakita niya ako, aha! Mas madami kang
kasalanan, ikaw nalang o kaya bigla niya ako yakapin, anak! Long time no see!" sabi
ni Onofre kaya natawa ng huso si Dani.

"Uy pero favor naman, pwede ba purgahin mo na muna anak mo. Ayaw ko kasi magpalit
ng diaper na. If makita ko si crush okay lang pero what if wala siya? Kaya pajebs
mo na siya para comfy yung diaper niya hanggang bumalik kayo" sabi ng binata kaya
tawang tawa si Dani.

Pagdating nila sa harapan ng cottage humarap bigla si Joel at Lester. "Dani who is
this?" tanong ni Joel saka tinitigan si Onofre. "Uy eto pala si Nof, siya yung nag
alaga kay Nins. Nof this is Joel and Lester" pakilala ni Dani.

"So why are you with him?" tanong ni Lester kaya medyo naiirita na si Onofre.
"Excuse nalang at ihahatid ko siya sa pintuan para makabalik na ako sa amin ano"
sabi ni Onofre saka dumaan sa gitna nina Joel at Lester.

Napatabi yung dalawa, si Dani nagulat pagkat magrereact yung mga barkada niyang
lalake. "Noooffff" dinig nilang sigaw ni Nina. Natili yung batang babae saka
nagsisigaw at pinagtuturo si Onofre. Lumapit si Veronica saka pinasa yung bata kaya
todo yakap naman si Nina sa binata.

"Nooooffff" hiyaw niya kaya lumapi si Dani at umatras na ng tuluyan sina Joel at
Lester. "Sorry ha, protective talaga sila sa akin" bulong ni Dani. "Okay lang,
medyo di ko lang nagustuhan yung asta nila" sabi ni Onofre. "Kaya nga lumabas na
ako e, palaaway pa naman yung dalawa" sabi ni Veronica.

"Well sad to say pati ako" bulong ni Onofre. "Nooofff! Noofff!!" sigaw ni Nina saka
tinuro yung beach. "Mamaya, maliligo muna ako tapos sunduin kita ha. Ligo muna ako
ha" sabi ni Onofre. "Noooofff" sigaw ng bata saka turo sa beach.

"Omaygaaaaaa" sigaw ni Onofre. "Omaygaaaaaa" hiyaw ng bata. Pagtawa ng binata


tumawa din yung bata. "Sino ba yang sigaw ng sigaw!" bigkas ni Ton na sumulpot sa
may pintuan. Humarap si Onofre, "Waaaahhhhhh" hiyaw niya saka tumakbo kaya natili
si Nina at napasigaw narin.

Pagbalik nila sa front door tinignan ni Nina si Ton saka sumigaw, "Waaaaahhh" kaya
tumakbo ulit si Onofre. Pagbalik nila pinasa ni Onofre yung bata kay Veronica.
"Sorry Ton" bulong ng dalaga. "Waaaahh" sigaw ng dalaga kaya gumaya yung bata.
Tumakbo si Veronica kaya si Onofre hingal na humarap kay Dani.

"Give me ten minutes ligo lang ako tapos balik ako. Make it fifteen siguro" sabi ng
binata. "Uy salamat talaga ha, sige timpla na ako ng mga gatas niya" sabi ni Dani.
Pagkaalis ng binata tinitigan ni Ton si Dani. "Hmmmm...cute siya" sabi ng bading.
"He is just a friend" sabi ng dalaga. "Pano ka naman malilito, ang laki ng katawan
niya kumpara sa akin" sabi ni Ton.

"Pero he was wearing the same pink shirt, fitted pa nga e" sabi ni Dani. "Hmmm at
siya din kasama mo hanggang anong oras yon kagabi?" tanong ni Ton. "Grabe ka, kasi
ayaw bumitaw sa kanya si Nins. He had to wait for her to fall asleep saka siya
umalis" sabi ni Dani.

"Uhuh..." landi ni Ton. "Ay grabe ka ha" sabi ni Dani. "Joke lang, kaya pala Nof ng
Nof si baby girl. Siya pala yung Nof. Imbes na iwanan mo sa kanya yung anak mo why
not invite him to join us" sabi ng bading.

"Oo nga no...pero may balak na siya. Balak niya hanapin yung crush niya" sabi ni
Dani. "Hurt ka?" landi ni Ton kaya natawa si Dani. "Grabe ka na ha, sabi ko friend
lang siya. Taking advantage na nga ako e, nakakahiya pero gusto ko talaga sumama sa
inyo" sabi ni Dani.

"Gusto ko magpaiwan, samahan ko nalang sila" sabi ni Ton. "Oh my God, type mo
siya?" tanong ni Dani. "Hmmmm cute, kahawig niya yung ex ko" sabi ni Ton. "Sad to
day baka mafrustrate ka lang" sabi ni Dani. "O sabi mo friend lang, bakit
sasabunutan mo ako?" banat ni Ton kaya natawa si Dani.

"Baliw, kasi medyo gets ko na yung taste niya. I have seen his long time crush. Ang
ganda niya so naiimagine ko na yung sinasabi niyang super crush niya" sabi ni Dani.
"Hay bruha tinetesting lang kita. Sabi ko cute lang siya pero hindi siya boyfriend
material. Excuse me no" landi ni Ton. "Tinetesting?" tanong ni Dani. "Oo malay ko
ba kung baka may secret relationship kayo tapos gawa gawa lang pala yung kwento
about yesterday na naiwan yung anak mo sa unknown guy"

"Like its so impossible tapos close sila agad? Diba?" sabi ng bading. "Hala,
kahapon ko lang siya nameet" sabi ni Dani. "Oo nga, sinasabi ko lang sa iyo yung
haka haka ko"

"First time magsama close agad sila ni baby. E di wow. Ang alam ko ganon ka close
parang it needs time" landi ni Ton. "Omaygaaaaa" bigkas ni Dani saka natawa bigla.
"Nahawa na ako tuloy sa kanila, ikaw kasi" sabi niya.

"Uhuh...iniwan ang baby sa unknown tapos hindi nagpapanic kahapon sa windmills..."


landi ni Ton. "Grabe ka he sounded like a good guy, and he is a good guy" depensa
ni Dani. "Excuse me this is just me talking out loud, kung maka react ka soooo
defensive" landi ni Ton kaya natawa nalang si Dani.

=================

Chapter 4: Lucky Charm

Chapter 4: Lucky Charm

"Ikaw maldita ka, kaya mo naman na pala maglakad. Buong araw kita kinarga kahapon"
sabi ni Onofre. "Sikat na sikat ka o, everyone is looking at you. So many pretty
girls but they all think you are my daughter...hay naku" bulong ni Onofre saka
tinignan yung bata na nakangiti at tila naeenjoy yung paglalakad nila.

May nakita si Onofre na magandang babae, ngumiti ang binata, ang dalaga ngumiti
din. "Uy come Ninny let us follow her" sabi ng binata. Sinundan nila yung dalaga
papunta sa pool area pero nadismaya si Onofre nang may sumalubong sa kanyang
gwapong binata na matangkad.

"Malas" bulong niya pero biglang tumalon yung bata at natili saka tinuro yung pool.
"Oh you want to swim? Di ata pwede Ninny pero come may kiddy pool doon" sabi ng
binata. Walang bata sa kids pool kaya napalingon si Onofre. "Sit sit, lets take off
your shoes pero Ninny you just stand in the water ha or..sige sige okay you can get
wet or...teka baka magkasakit ka" sabi niya.

Dalawang minuto lumipas naupo sa edge si Onofre habang si Nina tuwang tuwa na
nakaupo sa tabi niya. "Kick the water like this o" sabi ng binata kaya sumigaw ang
bata sa tuwa at ginaya yung pagsipa ng binata sa tubig.

Ilang minuto lumipas, "Let her in" sabi ng boses kaya napangiti si Onofre at
napalingon. "Uy hello crush" bati niya. Napalingon si Nina, "Kyassss" bigkas niya
kaya natawa yung dalaga saka inabot yung pisngi ng bata. "Hello cutie pie. Why
don't you let her in the pool?" tanong ng dalaga.

"E baka magkasakit e tapos naka diaper siya. Wala siya shorts or undies man lang"
sabi ng binata. Well naman kasi ito sa plano" sabi ni Onofre. "Ang cute niyo nga e,
orange dress siya tapos ikaw orange shirt. Awww father and daughter bonding" landi
ng dalaga.

"Crush ang kulit mo ha" sabi ni Onofre. "Kyasss! Sit sit" bigkas ng bata saka
tinapik yung espasyo sa tabi niya. Nagtanggal ng sandal yung dalaga at game na game
naman na nakilaro sa bata. "Family bonding" banat ni Onofre kaya napalahakhak yung
dalaga.

"Kapal much" sabi niya. "Bantayan mo nga saglit, alam mo may store sa front desk e.
Parang may nakita ako shorts for kids" sabi ni Onofre. "Ah yeah pero its expensive
there, don ka sa labas may parang maliit na bangketa don" sabi ng dalaga.

"Oh yeah I think I saw that. Can you watch her for me?" tanong ng binata. "Sure"
sagot ng dalaga. "Salamat, eto pala yung bag. Pag tumawag mom niya magpakilala ka
nalang. Sabihin mo ikaw yung crush ko, basta nakwento na kita sa kanya" sabi ni
Onofre. "Hahaha kinuwento mo ako sa asawa mo?" biro ng dalaga. "Ay bruha ka" sabi
ni Onofre.

Bente minutos lumipas nakabalik ang binata. "Baho mo, amoy yosi ka" sabi ng dalaga.
"Ah hindi kasi may mga nakatambay sa parking area, pinainit ko lang kotse ko"
palusot ng binata. "Palusot ka pa, oh bakit ka pa bumili ng floaters? Para kang
baliw, ang baba na nga dito e" sabi ng dalaga.

"Huh, gusto ko din lumangoy kaya doon kami sa big pool. "Talagang ginastusan ang
anak" biro ng dalaga. "Hahaha u yang mura don sa bangketa pero pinapaalis sila nung
guard. Hinabol ko pa yung nagbebenta. I got the shorts for twenty five each so I
got her two then this floaters are really cheap. I know low quality pero minsan
lang naman gagamitin e"

"Come on lets go get her changed" sabi ng binata. Nag antay si Onofre sa pintuan ng
ladies shower room, pag labas ng dalaga at nung bata laugh trip sila. "Bakit
bakit?" tanong ni Onofre. "Maluwag" sabi ng crush niya. "Oh no pero wait" sabi ng
binata saka lumuhod at gumawa ng paraan.

"Very wise" sabi ng dalaga habang pinapanood ang binata na pinapaikot yung likuran
ng shorts saka tinitiklop papasok. "Ayan fitted na" sabi ni Onofre na naatat na
sinuot yung mga arm floaters sa bata. "Ay wait.." sabi niya. "Its okay, doon ako
shade bantayan ko yung bag...dali pasok mon a wallet at phone mo para makaalis na
ako" biro ng dalaga kaya nagtawanan sila.

Naunang pumasok sa pool si Onofre, si Nina tili ng tili sa tuwa kaya lumapit sa
edge ang binata at pinapalapit yung bata sa kanya. "Come, swim tayo" sabi niya.
Paglapit ni Nina bigla itong umayaw, "Sit nalang, sit here o tapos kick water" sabi
ni Onofre. Naupo yung bata, bigla siyang kinarga ng binata kaya humiyaw ito.

Grabe yung iyak ni Nina kaya lahat ng nasa pool napatingin sa kanila. "Hush...shhhh
look o, everything is okay. Ninny look...omaygaaaa" bigkas ng binata. Habang
humagulgol napagawa bigla yung bata kaya mula sa malayo natawa ng malakas yung
crush ng binata.

Natawa narin si Nina kaya humupa ang kanyang iyak. "Ninny look, weee we are in the
water...you do this with your hand" sabi ni Onofre saka nagpaddle gamit isang kamay
sa tubig. Naaliw si Nina at pinagpapalo yung tubig kaya mga tao sa pool napapangiti
na.

"See that no need to be afraid...lets walk ha. Slowly" sabi ni Onofre saka
naglakad. Aliw na aliw na si Nina, sigaw siya ng sigaw at tili ng tili. Pagbalik
nila sa dating pwesto kumaway si Onofre, "Hi Crush" bigkas niya. "Kyaasss" sigaw ni
Nina saka kumaway din kaya aliw na aliw yung ibang tao sa pool sa kanya.

Naglakad ulit si Onofre palayo paglingon niya nawala crush niya kaya medyo nagpanic
siya pagkat wala narin yung bag. "Hoy" bigkas ng boses sa likuran niya. Paglingon
niya nasa pool narin yung dalaga. "Kyassss" sigaw ni Nina. "Uy nasan yung bag?"
tanong ni Onofre.

"Relax its with my friend over there" sabi ng dalaga. "Your friend?" tanong ng
binata. "Oo kaya, duh. Di naman ako pumunta dito kanina for nothing no. Sinamahan
ko friends ko" sabi ng dalaga. "Huh? Bakit di mo sinabi? Akala ko pa naman
sinusundan mo ako" landi ng binata.

"Kapal!" sabi ng dalaga. "Oh I get it, I am not worthy to be in your friends
circle. Okay lang" drama ni Onofre saka naglakad palayo. "Hahaha drama mo ha, basta
wag ka nang makulit. Nina come baby" sabi ng dalaga at sumama naman yung bata. "O
yan sige na lumangoy ka na" sabi niya.

"Ninny watch ha" sabi ng binata saka sumisid. "Oh my God" sigaw ng dalaga pagkat
gumaya bigla yung bata nilubog din ulo sa tubig. Pag ahon ni Onofre sa malayo agad
niya nilingon yung dalawa, "Ninny hell..." bigkas niya pero nakita niya na umiiyak
si Nina at umuubo.

"What happened?" sigaw ni Onofre na paspas na lumangoy pabalik. "Ginaya ka e,


pagsisid mo she dipped her head underwater. Sorry di ako naka react agad" sabi ng
dalaga. Agad sumama si Nina sa binata saka yumakap ng mahigpit. "Shhhh tahan na
tahan na" lambing niya.
"Sorry talaga, hala I didn't expect na gagawin niya yon" sabi ng dalaga. "Actually
tinuruan ko siya umakting, tignan mo hinahaplos mo na ako" landi ni Onofre kaya
hinampas siya ng dalaga sa likod. Natawa bigla si Nina kaya muling nahampas yung
binata. "Sadista" sigaw ni Onofre.

"Wait I have an idea" sabi ng binata. Pinaupo niya sa edge ang bata, "Dito ka sa
tabi ko" sabi niya kaya tumabi ang dalaga sa kanya. "Baby watch me, gayahin mo ako
crush" sabi niya. Pigil hininga yung dalawa, si Nina naintriga kaya gumawa naman.
"Very good" sabi ni Onofre saka pumalakpak at gumawa yung bata.

"Don't tell me tuturuan mo siya?" tanong ng dalaga. "Why not? Tara ulit, hanggang
masanay siya to hold her breath" sabi ni Onofre. Isang minuto lumipas nag deep
breath si Onofre saka lumubog sa tubig. "Noooffff" sigaw ng bata kaya umahon ang
binata na nakangiti.

Ang dalaga naman ang lumubog, salitan yung dalawa hanggang sa mukhang naiinggit na
yung bata. "Ikaw din Ninny? Try mo gusto mo? Come sabay tayo" lambing ng binata at
sumama naman agad yung bata. "Inhale.." sabi ni Onofre kaya pigil hininga sila ng
bata saka dahan dahan nagpailalim sa tubig.

Agad din lang umahon si Onofre, "Very good" sigaw ng dalaga saka pumalakpak kaya
napangiti ang bata, nagpunas ng mukha saka natili. "O ikaw" sabi ni Onofre kaya
crush naman niya yung lumubog. Limang minuto lumipas panay ang kurot ng dalaga sa
pisngi ng bata. "Now at least she knows that if she goes under she holds her
breath" sabi ni Onofre.

"So now what?" tanong ng dalaga. "Atras ka konti" sabi ni Onofre. "Ninny go to
tita. Inabot ng bata mga kamay niya, "Eeeehhh kyassss" bigkas niya pagkat medyo
malayo yung dalaga. "Crush ready ha" sabi ng binata saka tinulak yung bata. Sumigaw
si Nina pero agad din naman siya nasalo ng dalaga.

"Very good" sabi agad ni Onofre kaya nalito yung bata at napayakap sa dalaga saka
natawa. "Oh come Ninny" sabi ni Onofre na umatras konti. "Weeee" bigkas ng dalaga,
natili si Nina pero nasalo siya agad ng binata. "Very good" sigaw ng dalaga saka
pumalakpak kaya pumalakpak din yung bata at siya na at handa na siya agad bumalik
sa dalaga.

Limang minuto lumipas labis na natuwa yung dalaga, "Oh my God medyo lumalangoy na
siya" bigkas niya. Pagyakap ni Nina, nagpunas ito ng mukha, "Omaygaaaaa" hiyaw niya
saka natili. "Kasi one time lasing ako nanood ako ng video ng mga baby na
tinuturuan, imagine mo yon baby ha as in wala pa one year"

"Nasa instinct din daw ng tao yan e. O diba we didn't teach her how to paddle or
kick her legs. Pero tama na yon, ayaw ko mag risk kasi di ko naman anak" sabi ni
Onofre. "Pero gusto pa niya o" sabi ng dalaga. "Dapat kunan natin ng video pala"
sabi ni Onofre. "Baby go to tito" sabi ng dalaga. "Wow tito na? Anyare?" landi ng
binata.

"Pag sinabi ko daddy baka gumanti ka at sabihin mo mamaya go to mommy" sagot ng


dalaga na lumabas sa pool. Isang oras lumipas sa ilalim ng isang maliit na kubo hut
abala si Onofre na nagtitingin sa menu. "Order ka na" udyok niya. "Ikaw na bahala,
grabe o she looks tired and hungry" sabi ng dalaga.

"Salamat pala ha, kung wala ka e di hindi sana siya mag eenjoy ng ganon. I could
not have done it if ako lang" sabi ni Onofre. "Anong salamat, eto yung bayad. Mag
antay ka at madami ako oorderin" sagot ng dalaga kaya natawa yung binata. "Pero di
mo parin ako pinakilala sa mga friends mo" sabi ni Onofre.

"Hmmm yeah, o sige dahil don bawasan ko nalang ng isang order ng kanin" landi ng
dalaga. "Hahahaha you are funny" sabi ni Onofre. "Pero sorry ha I have to say this,
the mommy is some kinda...di ko alam pano ko sasabihin. Dapat nandito siya e" sabi
ng dalaga.

"Cut her some slack, kaedad natin yon tapos nagkaanak agad. Nine months din niya
dinala then sabi niya taong bahay siya. Ngayon nalang ulit lumabas, so let her be.
Kasi ganon din ate ko e, nawitness ko mismo ano nararamdaman nila" sabi ni Onofre.

"She got preggy early din?" tanong ng dalaga. "Yeah, magkaedad siguro sila kasi
ganyan din pamangkin ko e. Nakita ko pano siya nadepress, oo parang feeling niya
patay na siya. Kaya hinanap ko yung ex niya tapos binugbog ko. I almost went to
jail kasi kinasuhan ako e" kwento ng binata.

"Oh hala, o pero malaya ka naman" sabi ng dalaga. "Oo kasi doon lang nalaman ng
parents nung guy e. Nagkaroon ng arbritration. As in doon lang nila nalaman na
nakabuntis anak nila. They offered kasal, my dad and mom didn't want, even my ate
didn't want kasi diba?"

"He got her pregnant tapos tatakbuhan niya. So if kinasal parang pilit lang. So nag
offer sila na monthly subsidy, ma pride din daddy ko e pero my uncle who is a
lawyer found a better solution. Kailangan sustentuhan nila yung bata monthly until
he reaches twenty one ata. Di ko na alam basta di ginagalaw yung pera nandon lang
sa bank kasi daddy ko...well para nalang daw sa future ng bata" kwento ni Onofre.

"Sabagay" bulong ng dalaga. "So don't judge the mommy of Ninny, di ko naman siya
pinagtatanggol but naiintindihan ko siya" sabi ng binata. "Swerte siya at nandito
ka lang" sabi ng dalaga. "Huh, alangan na sasama ako sa barkada ko. It hurts seeing
them together" sabi ng binata.

"Move on na" landi ng dalaga. "Kaya nga kasama kita e" bawi ni Onofre kaya natawa
yung dalaga. "Joke lang to naman. Kanina umaga naghahanap ako ng palusot na maganda
para hindi sumama sa kanila. Yung gabi na nakita mo ako, sadya ako naglasing para
di ako makasama sa kanila"

"Kanina di ako lasing, yan kasi ayaw bumitaw kagabi. Grabe inantay ko pa makatulog
saka ako nakauwi sa amin. So kanina di ko magamit hang over palusot, pero buti
nalang dumating mom niya at eto may rason ako" sabi ni Onofre.

"Bwisit, I had it all planned out. Ilibre ko siya dito, o kaya sa Vigan at mag food
trip doon. Pero pagdating dito ayon holding hands agad paglabas ng kotse" sabi ng
binata pabulong. "E may kotse ka naman, you could have gone back home" sabi ng
dalaga.

"Oo nga e, naisip ko yon. Tipong nakasalang ang Aegis CD tapos umiiyak mag isa
while driving" sabi ni Onofre kaya napahalakhak yung dalaga at nagising tuloy si
Nina. "Ay sorry baby, hala order na pala tayo" sabi niya. "Oh shoot oo nga, tawagin
ko na waiter" sabi ng binata.

Pagkatapos umorder tinignan ng binata yung crush niya. "Ikaw whats your story?
Bakit parang may dala dala ka din sa balikat mo" sabi niya. Ngumiti lang yung
dalaga at tinuka sa noo yung bata. "Grabe to, magshre ka naman" sabi ni Onofre.

"Share? Di naman tayo close" sagot ng dalaga. "E di wag ka kumain" sabi ni Onofre.
"Kakain kasi alam ko mabait ka" pacute ng dalaga. "Hoy babae, wag mo gagamitin yang
charms mo ha. Porke alam mo crush kita gagamitin mo yan sa akin. Wag kang madaya"
sabi ni Onofre. "Nakalimutan ko umorder ng..." sabi ng dalaga.

"Sure sure, teka" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Ay bwisit, alam mo
madaya ka e" reklamo ng binata. "Pano ako naging madaya?" tanong ng dalaga.
"Magkaibigan na tayo tapos ang daya mo e" sabi ng binata. "Excuse ang
magkaibigan...alam nila pangalan ng isa't isa" landi ng dalaga.

"Oh men, did you even really tell me your name that night?" tanong ni Onofre. "I
did, para ka nga sirang plaka na inulit ulit mo e. Then nilait mo pa name ko" sabi
ng dalaga. "Talaga? Tsk, so hindi pa tayo magkaibigan?" tanong ni Onofre. "Anong
klaseng kaibigan ang makakalimot sa pangalan ng kaibigan niya?" sagot ng dalaga.

"Wow naman, I was drunk so I forgot" sabi ni Onofre. "Sige na nga, let me help you
remember. It starts with the letter S" sabi ng dalaga. "S...niloloko mo naman ako
e. Sylvia?" tanong ni Onofre. "Hindi, honest ako S din name ko" sabi ng dalaga.
"S...Sharmaine? Susan? Sandra? Sasha? Sidney? Shelly?" anong ng binata.

"Hmmm sorry" pacute ng dalaga. "Huh kahit na basta S" sabi ni Onofre. "I have a
video of you drunk" sabi ng dalaga. "Oh men, gagamitin mo pang black mail sa akin
ano?" tanong ng binata.

"Ay oo nga no, thank you for giving that idea. Tamang tama very controversial pa
naman yung video" landi ng dalaga. "Huh? What did I do?" tanong ng binata.
"Something bad" sabi ng dalaga. Niyuko ng binata ulo niya saka inuga ito. "How
bad?" tanong niya.

"Basta bad. Malaking chance maging viral" sabi ng dalaga. "Tsk, kaya pala you don't
want to be friends with me. I get it now" sabi ni Onofre. "Baliw, if ganon man then
sana wala ako dito. Sana ayaw ko nakikita na kasama ko kayo in public" sagot ng
dalaga.

"Ayaw mo ibigay pangalan mo so if hiningi ko copy ng video I am sure hindi mo din


ibibigay" sabi ni Onofre. "Kasi pag binigay ko name ko, susunod hihingiin mo number
ko. E ang kulit kulit mo pang tao ka baka kulitin mo lang ako" sagot ng dalaga.
"What if I promise to never ask for your number. Name lang para naman may pangalan
yung crush ko" sabi ni Onofre. "Talaga? Tapos mamaya drama ka ulit to ask for my
number" sabi ng dalaga.

"I swear, sige gumawa tayo ng kasunduan. I will not ask for your email, I will not
ask for your number. I will not ask for anything to be able to contact you" sabi ni
Onofre kaya nagulat yung dalaga. "O ano deal? O sige wala din apelyedo baka isipin
mo istalk kita sa FB o magtanong tanong ako" sabi ni Onofre.

"Shirley" sabi ng dalaga kaya napatigil ang binata. "Shirley?" tanong niya
pabulong. "Yeah" sagot ni Shirley. "Ah nung lasing ako did we shake hands?" tanong
ni Onofre. "Nope" sabi ng dalaga.

"Hi Shirley, may name is Onofre but you can call me Nof" sabi ng binata saka inabot
kamay niya. Natawa ang dalaga saka inuga ang kanyan gulo at nakipagkamay naman.

"In love nanaman si Shirley.." birit ng binata kaya natawa yung dalaga. "Ganyan na
ganyan, after I told you my name ganyan agad kinanta mo" sabi ng dalaga. "Demet, di
ko na magagamit yung palusot na yung guy na kasama mo that night ay impostor" banat
ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

"Don't worry too much, I just needed a name to match the face of my crush. Di ako
susuway sa usapan natin" sabi ng binata. "Uy grabe ka ang drama mo ha" sabi ng
dalaga. "Totoo, I am a man of my word. Uy eto na yung food, its time to wake her
up" sabi ni Onofre.

"O929..." bigkas ng dalaga palandi pero ngumiti lang yung binata. "Man of my
word...you don't need to tease me. Alam ko saan ako lulugar pag ayaw ng isang tao
sa akin" sabi niya saka kinuha na si Nina.

------------------------

#ouch

=================

Chapter 5: Barkada

Chapter 5: Barkada

Bandang alas tres ng hapon pinaghihila ni Veronica at Dani si Onofre papasok sa


kanilang cottage. "Sige na kasi, we bought so much food. Di kami kumain kanina so
early dinner narin ito. As in ang daming food" sabi ni Dani.

"Ah oo sige ah babalik ako" sabi ng binata. Yumakap si Nina sa isang paa ng binata
at sigaw siya ng sigaw. "O yan sige ka, sige na kasi" sabi ni Veronica. "Okay sige
pero nahihiya ako sa friends niyo" sabi ni Onofre. "Tsk ano ka ba, yung nangyari
kanina wala yon. Lika na pakilala ka namin sa lahat" sabi ni Dani.

Pagpasok nila nakilala ng binata ang lahat ng mga barkada ni Dani. "Maupo ka muna
kasi bibili pa sila" sabi ni Ton. "You lied, sabi mo meron na" sabi ni Onofre.
"Para umoo ka na agad, mama Ton wag mo papaalisin" sabi ni Veronica kaya kumandong
pabiro yung bading.

"Shoooooo!" hiyaw ni Nina, tumakbo siya pasugod saka tinulak si Ton paalis sa hita
ni Onofre. Nagtawanan ang magbabarkada, pinanood nila yung bata na sumusubok
umakyat sa hita ng binata. "Nooofff..Noffff up up" bigkas niya kaya bumigay na si
Onofre at kinandong yung bata.

"Ay may ipapakita pala ako sa inyo" sabi ni Onofre. "Uy ano ka ba! May bata, tara
sa kwarto" biro ni Ton kaya natawa ng malakas si Onofre na ginaya naman ni Nina.
"Eto video, Dani you should see this" sabi ni Onofre.

"Ay si Nins! Lumalangoy!" sigaw ni Veronica. "Omaygaaaa is she really swimming?"


tanong ni Dani. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Nina saka tinuro ang sarili niya sa video.
"Hala lumalangoy! Guys look! Hala" sigaw ni Veronica habang si Dani naupo saka
naging teary eyed.

"Hindi naman langoy as in langoy, parang tatawid lang. Basta long story" sabi ni
Onofre. "Wow ang galing galing ni Nins" sabi ni Joel. "Hoy mamaya na yan di naman
mawawala ang video. Pumunta na kayo at bumili" sabi ni Ton kaya biglang tumayo si
Onofre at dinukot wallet niya.

"Pre kami na" sabi ni Joel, hinila din ni Dani si Onofre para maupo kaya ang binata
napakamot nalang. Nakakandong si Nina kay Ton at pinapanood nila yung video kaya si
Dani napatingin kay Onofre. "How? Did you teach her?" tanong niya.

"Ay sino tong pretty na ito?" tanong ni Ton. "Kyassss" sigaw ni Nina saka tinuro si
Shirley sa video. "Patingin nga" sabi ni Dani kaya nagpalit sila ng pwesto ni
Onofre. "Ayan siya Dani, that is her" sabi ng binata.

"Ay oo ang pretty niya. Mas maganda pa siya kesa kay Sly" sabi ng dalaga. "She
helped, wala naman talaga balak lumangoy pero me and Ninny ended up by the pool
area e. Una nagbabad lang kami sa kiddy pool then biglang dumating si Shirley" sabi
ni Onofre.

"Wait, she gave you her name? Wow, yiheeee congrats" landi ni Dani. "Tsk lets not
talk about it. Wala na yon, as I was saying nung nandon siya nagka idea ako so I
went to buy floaters and shorts, buti meron nagtitinda sa labas na mura kaya ayan.
At first grabe iyak niya sa tubig pero umokey naman" kwento ni Onofre.
Biglang inagaw ni Dani anak niya saka pinaghahalikan ito sa pisngi at labi. "Ang
galing galing mo anak, I wish I was there. Tsk..hay" sabi ng dalaga. "Ay sorry if I
went overboard. Biglaan lang yon talaga, I didn't mean to..." sabi ni Onofre pero
humarap si Dani sa kanya saka ngumiti.

"Ang daming pictures pero karamihan si Shirley at Nins" sabi ni Veronica kaya
biglang natawa si Onofre. "Para paraan lang yan" sabi niya kaya natawa narin bigla
si Dani. "Habang nauto kuha ng kuha ng photo, sabi ko hawakan niya si Ninny para
may photo siya sa pool. Hahahaha pero sa totoo wala ako balak kunan si Ninny" sabi
ni Onofre kaya doon na natawa si Ton.

"O meron pa kayong kuhang tatlo...ay bad ka di na nakuha si Nins" sabi ni Veronica.
"Nilihis ko, tsamba shot, check mo yung iba blurred...chance na kaya hala sige
pindot ng pindot" sabi ni Onofre.

"Uy she is pretty" sabi ni Dani. "Naman, lagyan mo naman ng very" sabi ni Onofre.
"Di pwede kasi sa akin yung very" banat ni Dani kaya nagtakip ng bibig si Veronica
saka inuga ulo niya. "Ah okay" sabi ng binata. "Masanay ka na sa kanya, ganyan
talaga yan bilib na bilib sa sarili" sabi ni Veronica.

"Hahaha nagbibiro lang ako. Pero Nof she is really pretty. She told you her name,
naglunch ulit kayo so ano na?" tanong ni Dani. "Wala, hanggang kaibigan nalang.
Imagine this, her friends were in the pool area pero never niya ako pinakilala sa
kanila"

"Alam ko di naman kailangan pero who does that? Diba kahit naman na you just met e
tapos may kaibigan kang nakita automatic ipapakilala mo din diba? Pero ayon she had
friends sa pool area pero wala e, kahit si Ninny lang sana diba? Yung tipong
buhatin niya tapos dalhin niya to her friends"

"So di naman ako slow pagdating sa ganon" sabi ni Onofre. "Ay masamang tao yan,
iwasan mo na" sabi ni Ton. "Crush ko e, kaya kanina sabi ko sa kanya na kung pwede
ibigay niya name niya. I promise na hindi ko aalamin number niya or email, basta
sabi ko sa kanya na bigyan lang ng tamang name yung mukha ng crush ko"

"She gave it so again understood" sabi ni Onofre. "Yaan mo na yon" sabi ni


Veronica. "Nooofff swim nooofff" bigkas ni Nina. "Again? Tomorrow nalang" sabi ni
Onofre. "Noooff eeehhh swim" sabi ng bata saka naglakad papunta sa binata.
"Tomorrow anak, mommy will come" sabi ni Dani saka kinandong anak niya.

"Nooofff! Swim" sigaw ng bata kaya binuksan ni Onofre yung bag saka nilabas yung
isa pang shorts at floaters. "Okay okay lets go" sabi ng binata. Humiyaw yung bata
nang makita yung floaters. "Now?" tanong ni Dani. "Yeah, kanina knock out na yan e.
Kumain ng leche flan naging hyper"

"Ah pakibihisan nalang siya pala. Si Shirley nagbihis sa kanya kanina" sabi ni
Onofre. "Sama ako" sabi ni Ton kaya nagtitigan sina Veronica at Dani. "Tara" sabi
ni Veronica. "Good, kayo nalang tapos ako nalang kukuha ng video or photos" sabi ng
binata.
Ilang minuto lumipas sa pool teary eyed talaga si Dani habang pinapanood anak
niyang nagsasaya. Palipat lipat si Nina kina Ton at Onofre habang si Veronica ang
kumukuha ng video. "Now go to mama, sige na go to mommy" sabi ni Onofre. "Uy Nof
masyado malayo" sabi ni Ton.

"Wag kang lalapit Dani, kaya niya yan. Kaya mo yan Ninny, go to mommy" sabi ni
Onofre. "Come baby" sabi ni Dani kaya pinakawalan na ni Onofre yung bata. Nag dog
paddle talaga si Nina, si Dani napapalakpak sa tuwa sina Ton at Onofre lumapit para
umalalay.

Pagdating ni Nina sa nanay niya super yakap agad si Dani. Nagsisigaw si Veronica
habang yung ibang tao sa pool nagpalakpakan kaya super ngiti yung bata at tili ng
tili. "Hinawakan ko ba?" tanong ni Ton. "Hindi, ikaw ba?" sagot ni Onofre. "Hindi
din, diyos ko kinaya niya?" tanong ng bading.

"Oh Ton go to Nof" biro ni Veronica kaya game na game naman lumangoy yung bading
papuna sa binata. Halakhakan sina Veronica at Dani kaya sa inggit nakitawa narin si
Nina.

"Uy nandito sila" sabi ni Dani nang makita yung ibang barkada nila. Tumalon si Joel
at nagdive sa tubig kaya nanalaki ang mga mata ni Nina. Nung si Lester yung sumunod
humiyaw yung bata at natili. "Oh no" sabi ni Dani. "Uy kayo kasi e, now she wants
to dive too" sigaw ni Veronica.

"Ay teka bakit nandito na kayong lahat?" tanong ni Dani. "Mamaya na daw yung kain
kain" sabi ni Grace saka tumalon din kaya nagsisigaw na si Nina. "Uy stop, gusto
niya kayo gayahin" sabi ni Dani pero nagdive narin yung ibang mga kaibigan niya.

Nagsisigaw na talaga yung bata at pinagtuturo yung edge ng pool. Umahon si Onofre
kaya lahat napatingin sa kanya. "Akin na" sabi niya kaya natili si Nina at
pinagtuturo yung binata. "Its too dangerous" sabi ni Dani. "Trust me, akin na" sabi
ng binata.

Buhat buhat na ni Onofre si Nina, nakatayo sila sa edge ng pool kaya lahat tutok sa
kanila. "Uy Nof, wag nalang" sabi ni Dani. "Ninny..hoooop" bigkas ng binata sabay
pigil hininga kaya gumaya yung bata. Exhale si Onofre kaya exhale din yung bata.
"Ninny hoooop" bigkas ni Onofre, pagpigil ng bata ng hininga agad siya yumalon
papunta sa tubig.

Kita naman ng lahat yung pagyakap ni Onofre sa bata kung saan isang kamay niya
nasa likuran ng ulo ni Nina. Lumubog yung dalawa pero agad din umahon. Pumalakpak
si Ton, gumaya yung iba kaya si Nina nagtitili at nagsisigaw sa tuwa.

"Di ko pala nasabi I taught her how to hold her breath" sabi ni Onofre pero
pinagtuturo ni Nina yung dulo ng pool. "Ulit?" tanong ng binata kaya pinatayo muna
ng binata yung bata sa dulo saka siya lumabas ng pool.
Nakailang ulit din sila kaya pagod na pagod na si Onofre. "Noofff dyamp" sabi ng
bata. "Tama na Ninny, tired na ako" sabi ng binata at nagulat naman ang lahat
pagkat parang naintindihan naman ito ni Nina.

"Mas masaya pa tayo dito compared don sa zipline" sabi ni Lester. "Oo nga e,
badtrip don ang dami tao" sabi ni Ton. "So hindi kayo natuloy?" tanong ni Onofre.
"Natuloy pero not all kasi badtrip na e, singitan tapos palakasan" sabi ni Lester.

"So banana boat ride?" tanong ni Onofre. "Hindi din, dami din tao. Too dangerous
kasi ang dami masyadong banana boat sa water. So picure picture nalang. E sana dito
nalang tayo mas masaya pa pala" sabi ni Irene.

"Uy malapit na sunset, Nof kunan mo din kami ni Les mamaya" sabi ni Grace. "Sure"
sabi ng binata. "Kami din ha" sabi ni Irene. "Up to when ka ba dito Nof? Balak
namin mag Vigan tomorrow then libot the whole day then diretso sa Pangasinan" sabi
ni Lester.

"Ewan ko sa kanila" sagot ng binata. "Sama ka na sa amin" alok ni Dani bigla kaya
napaisip yung binata. "Oo nga, nasa cottage niyo yung crush mong syota na ng
barkada mo tapos nandito lang sa resort yung crush mong auto basted ka" banat ni
Ton kaya natawa si Onofre.

"Sama ka na Nof pero don ka sa likod" sabi ni Veronica. "Ah I have a car" sabi ni
Onofre. "Oh yun naman pala. Thank God!" bigkas ni Ton kaya nagtawanan yung
magbabarkada. "Yeah why not and speaking of Pangasinan may kilala ako sa Bolinao,
may magandang resort don" sabi ni Onofre.

"Bolinao! Dun kami nagbabalak, you know someone there?" tanong ni Irene. "Yes
actually, family friend namin yung mayor" sabi ng binata. "Oh wow, come with us"
sabi ni Veronica. "Yeah sure, pumunta ako dito planado sabay surprise! Bakit di ka
crush ng crush mo kasi syota niya pala barkada mo" banat ng binata kaya napatawa
niya ang lahat.

Bandang alas otso ng gabi nakatambay sina Dani, Onofre, Ton at Veronica sa harapan
ng cottage. "Grabe busog ako" sabi ni Onofre. "Ako nga din e, pero knocked out si
Ninsy ko" sabi ni Dani. "Pero Nof sure ka sasama ka?" tanong ni Veronica.

"Yup, e aminado naman ako I am hurting so mahirap din makipag plastikan sa kanila.
They all knew about it except me. Di naman sa tatalikuran ko na sila.." sabi ng
binata. "Pero ganon narin yon" banat ni Ton kaya natawa yung binata.

"Lets just say I am leaving Pagudpug with new friends" sabi ni Onofre. "Baka gusto
mo rumonda para mag goodbye ka din sa crush mong maganda" landi ni Ton. "Hindi na,
sapat na nalaman ko name niya" sagot ng binata.

"Major eye opener tong bisita ko dito. Hidden message I need to change. Imagine
super crush e turn off agad dahil di ko alam ano ginawa ko hahaha. Lasing ako e,
kaya lesson learned" sabi ni Onofre. "Wag iinom pag alam mong maaaring magkaroon ng
babae sa lugar" banat ni Ton kaya laugh trip silang dalawa.
"Bakit malakas ka ba uminom?" tanong ni Veronica. "Girl kung malakas uminom yan
hindi sana nagblack out" sabi ni Ton. "Tama siya, steady lang kaya lang pag
nakainom na konti parang kaya ko na lahat. Yeah I am that kind of guy na pag
nakainom e out of control na" sabi ni Onofre.

"Then don't do it, siguro self control lang kailangan mo" sabi ni Dani. "Oo nga e,
teka pala inom ba kayo?" tanong ni Onofre. "Not really" sabi ni Ton. "Good, sila
kasi parati. Siguro eto na yung sign" sabi ni Onofre.

"Na lalake nalang hanapin mo, I can guide you" landi ni Ton kaya laugh trip yung
apat. "So who is riding with me tomorrow? Ikaw ba Ton? Kwento ni Dani kasi sa likod
ka daw umupo papunta dito e" sabi ni Onofre.

"Hmmm kaskasero ka ba?" tanong ni Dani. "Hindi naman ata" sagot ng binata. "Kami
siguro ni Ton lang" sabi ni Veronica. "Ah okay" sabi ng binata. "Bakit papanik ka
na?" tanong ni Ton. "Hindi maglalakad lakad lang saglit" sagot ng binata. "Halika,
kanina pa ako nayoyosi" sabi ng bading. "Hahaha ako din e, tama ikaw yung sasabay
sa akin para pwede magyosi sa kotse...ay" bigkas ni Onofre saka tinignan si
Veronica.

"Okay lang I don't mind" sabi ng dalaga. "Mauna muna kami, kayong dalawa pasok na"
sabi ni Ton. "Nof goodnight, bukas ha" sabi ni Dani. "Yup, goodnight din" sagot ng
binata.

Samantala sa loob ng isang kwarto kasama ni Shirley ang mga kaibigan niyang babae.
"Wow two days in a row you spend the day with him" tukso nung isa. "Hahaha baliw,
chance encounters" sabi ni Shirley.

"Di ko makalimutan talaga nung lasing na lasing yon, ang daldal sobra" sabi ni
Liza. "Yung sagutan nila nung guard doon ako talagang natawa, hindi mob a ako
namumukhaan? Akin to, akin lahat ito pero ang tinuturo niya yung mga bote ng beer"
kwento ni Shirley.

"Ah oo, we were supposed to run away kasi nga akala namin trouble. Pero nung
narinig namin yon hala grabe tawa namin. Pati yung guard grabe imbes na sawayin
siya ride on at nakipag usap" sabi ni Liza.

"Kilala ko yung may ari dito kaya wag mo ako pagbawalan. Nagpaalam ako sa mga
syokoy at nagbigay sila ng go signal na pwede ako uminom dito" kwento ni Shirley
kaya laugh trip silang lahat. "Show them the video kasi" sabi ni Liza.

"Hahahaha wag na" sabi ni Shirly. "Anong video?" tanong nung isa. "Sige na kasi,
sabi mo iuupload mo diba" pilit ni Liza. "Nakakaawa naman siya, pero eto sige just
watch it" sabi ni Shirley.

Sa video harap ni Onofre yung guard na nagpipigil ng tawa. "Boss boss, gusto mo
marinig yung sosi version ng kantang yon? Alam ko yon. Theres this three bibe that
I saw" birit ng binata kaya doon palang tawanan na yung mga dalaga pagkat pakendeng
kendeng yung lasing na binata.

"One was fat...one was thin and one was uh..whatever" hirit ni Onofre kaya tumindi
yung tawanan nung apat pagkat sobrang taray yung mannerism ng binata na parang sosi
na bading.

"And uh the nerve she said kakaw..kakawwww...kakawwwww...taragis bossing....hindi


pala bibe...angry birds pala sila gets mo? Kakaaawww..." bigkas ni Onofre kaya
naiyak na sa tawa yung mga dalaga.

"Tapos yung mga baboy nila green, bossing kahit madami kainin mo na ganon okay
lang. Green siya kaya healthy yon. Sabi nila basta green food healthy kaya yung
green na baboy magsawa ka bossing" sabi ni Onofre saka napaluhod.

"Wala na?" tanong nung isa. "Show them the other video" udyok ni Liza. "Wag na no,
basta that is the reason why we stayed kasi comedy siya" sabi ni Shirley. "Madaya
ka pakita mo na" sabi nung isa kaya napilitan si Shirley ipakita yung isa pang
video.

"That was him nung iniwan na yung guard, kausap na niya yung payong. Forward mo
kasi" sabi ni Liza. Nilipat ni Shirley yung video, sa screen nakita na napalingon
si Onofre.

"Hey are you taking a video of me?" tanong niya saka tinuro yung mga dalaga. "Oh
hello...crush" biglang sabi ng binata saka dahan dahan tumayo. "Hindi ikaw miss
naka green kaya wag kang ngingiti ngiti diyan...I was talking to miss naka
yellow...hi crush" sabi ng binata.

"Sino yung naka yellow?" tanong nung isa. "Si Shirley" sagot ni Liza. "My
apologies, I was actually practicing for a stage play. Ahem...my name is Onofre but
you can me the One" landi ng binata saka inabot kamay niya.

Dinig yung bungisngisan nina Shirley at Liza at nakita din na nakipagkamayan naman
si Shirley. "Hindi ako bibitaw hanggang di mo sabihin pangalan mo...pero okay lang
wag mo na sabihin pala name mo" landi ng binata kaya laugh trip yung mga dalaga.

"Shirley" sabi sa video. "In love nanaman si Shirley..." birit ng binata saka
napaatras ng malayo hanggang sa napaupo siya. "Grabe ka first meeting palang ang
lakas na ng tama ko sa iyo...wow" sabi ni Onofre kaya pinatay na ni Shirley yung
video.

"Bakit mo pinatay?" tanong ni Liza. "Ay wag na kasi, tara sa labas lakad lakad
tayo" sabi ng dalaga.
----------

#bitin hehehe

=================

Chapter 6: Road Trip

Chapter 6: Road Trip

Alas sais ng umaga sa loob ng kotse ni Onofre abala si Ton na namimili ng CD. "Veh
ano gusto mo?" tanong ng bading saka nilingon yung dalaga sa likod. "Kahit ano,
bakit hindi pa sila umaandar?" tanong ni Veronica. "Nauna na yung two cars e, may
naiwan siguro sila" sabi ni Onofre.

Nakita nila bumukas yung pintuan saka lumabas si Dani buhat si Nina na uiiyak.
Tinuro ng bata yung kotse ni Onofre, inuga ni Dani ulo niya kaya lumabas na ng
kotse sina Ton at Onofre. "What's wrong?" tanong ni Ton.

"Gusto niya diyan" sabi ni Dani kaya lumabas narin si Lester para buksan yung likod
ng SUV niya. "Okay lang maluwag pa actually" sabi ni Onofre kaya paglapit ni Dani
sa kotse ng binata natigil yung iyak ni Nina at agad ito napangiti. "In mama! In
mama" sigaw ng bata saka pumalakpak kaya natawa nalang si Lester.

Dalawang minuto lumipas nauna na kotse ni Lester, nakabit na ni Onofre seatbelt


niya nang sumigaw si Nina at nagtuturo. "What is it now anak?" tanong ni Dani sa
inis. "Mama...mamaaaaa" hiyaw ng bata saka tinuturo yung harapan. "Gusto ata dito"
sabi ni Ton.

"Hay naku naman anak, o sige go to tita Ton" sabi ni Dani. Lumipat yung bata sa
harapan pero nagsisigaw ito, "Mama here! Here!" hiyaw niya. Tatlong minuto lumipas
walang kumikibo at lahat nakatingin sa bata na nakangiti. "Okay na ata" sabi ni
Veronica. "Lets go" sabi ni Onofre kaya pag andar ng kotse natili ang bata at
pumalakpak.

Ilang minuto lumipas umingay sa kotse, "Look baby it's the ocean" sabi ni Dani.
Biglang tinabi ni Onofre yung kose kaya lahat napatingin sa kanya. "Take photos and
videos" sabi ng binata. "Pwede ba? Di ata pwede kasi highway ito" sabi ni Ton.

"Pwede yan, wait here" sabi ng binata saka lumabas. Sinet up ni Onofre yung mga
early warning devices saka pinalabas na yung iba. "O game, sige lang at ako
magbabanay kunwari dito" sabi niya. "Grabe nilabas mo pa yung gulong at tools?"
tanong ng bading.
"Syempre para maniwala naman sila, para paraan lang yan" sabi ng binata. Limang
minuto lumipas lumapit si Onofre kay Ton, "Panorama mo kasi, ganito akin na" sabi
ng binata. Pagkatapos ng isang minuto natuwa yung bading. "My God ngayon ko lang
alam na pwede ang ganyan na kuha" sabi ni Ton.

"Uy ikaw wala ka photos, give me your phone at kunan kita" sabi ni Veronica. "Wag
na, photo bomber nalang ako" sabi ng binata. "Actually inaantay ka namin para ikaw
kumuha sana" banat ni Dani. "Ah bakit di niyo sinabi? Akin na" sabi ni Onofre.

Bente minutos lumipas tuwang tuwa sila habang tinitignan yung mga photos. "Hala
baka hinahanap na nila tayo" sabi ni Dani. "Okay lang, di naman mawawala ang Vigan
and besides ang dami niyo. Di din lang kayo mag eenjoy if sama sama kayo gagala.
Hayaan mo na sila mauna then tayo mamaya"

"Aantayin nila tayo kasi ako may kakilala sa Pangasinan" pasikat ni Onofre. "Hahaha
oo nga, and we got really nice photos" sabi ni Veronica. "Di lang tayo maka upload
kasi ang hina ng signal" sabi ni Ton.

Ilang minuto lumipas nagring phone ni Veronica. "Hello, oh malapit na kami. Hindi
kami nasiraan, nag stop kami at nag picture taking. Basta mamaya pakita ko. Mauna
na kayo mamasyal, sunod nalang kami" sabi ng dalaga.

Pagpatay ng tawag natawa siya, "Akala nila naaksidente tayo kasi di daw tayo
matawagan" sabi ni Veronica. "Paunahin mo na sila kasi di ko kayo kaya ilibre
lahat. Pag tayo tayo kaya ko" sabi ni Onofre kaya natawa si Ton.

"Uy grabe ka naman" sabi ni Dani. "Hay naku I told you pinag ipunan ko tong trip na
ito. Its just lunch naman" sabi ng binata. "Teka pala ano sabi nila nung nagpaalam
kang mauuna ka? Did you tell them sasama ka sa amin?" tanong ni Veronica.

"Akala nila nagbibiro ako so kanina I snuck out early morning tapos tumambay nalang
ako dito sa kotse" sabi ng binata. "What do you mean akala nila nagbibiro ka?"
tanong ni Veronica. "Sabi ko kasi mauuna na ako pauwi, ayon tumawa lang sila"
kwento ng binata.

"Grabe bakit naman ayaw nila maniwala?" tanong ni Dani. "Nakalimot siguro sila,
akala siguro nila tulad ng dati na single pa si Sly...alam nila na di ko siya kaya
iwa....Ninny Jack and Jill went up the hill to fetch a pail of water.." biglang
kanta ng binata kaya humiyaw ang bata at sinundan siya.

"Ja je jil we up da hil to fe a pe of wooo ooo" birit ni Onofre para gayahin yung
bata. "Hugot" sigaw ni Ton kaya lalong nilakasan ni Onofre yung pagkata niya. "Ah
dati kasi you stick around always habang meron siya" sabi ni Veronica.

"Excuse me di kayo makakarelate kasi ako lang yung lalake dito" sabi ni Onofre.
"New friends nga e so let us help you move on. Kasi abrupt yung ginagawa mo so
maybe you need closure" sabi ni Veronica. "Oo nga mahirap yung padalos dalos" sabi
ni Ton.
"Vigan! Ninny we are going to eat a lot!" sabi ni Onofre kaya pumalakpak yung bata.
"Ang galing nito umiwas" sabi ni Dani kaya natawa yung binata. Ilang minuto lumipas
tinabi ni Onofre yung kotse niya. "Wait, eto na ba yon? Akala ko ba may brick roads
siya tapos may mga kalesa at mga ancestral houses?" tanong ni Ton.

"Ay doon pa yon, dito muna tayo kakain. Nabasa ko kasi sa karatula empanada at
Vigan longganisa. Sabi nila kasi dapat matikman mga yon pati na yung..ah..well
basta may tawag sila don na di ko pwede banggitin kasi it sounds like the female
organ in Tagalog repeated twice" sabi ni Onofre kaya natawa sina Dani at Veronica.

Sa loob ng isang karinderya nakatayo si Onofre buhat si Nina at pinapanood nila


yung isang matandang babae na nagluluto ng empanada. "Wow look they are putting
what is that baby?" lambing ni Dani. "Eeeg" bigkas ng bata. "Egg, its egg" sabi ni
Onofre. "Eeeg" sabi ni Nina. "Egg...Egg" sabi ng binata. "Egg" bigkas ni nina kaya
palakpakan sina Ton at Veronica.

"Tara na upo na tayo, ate sampu na empanada ha tapos yung kanina ate kulang ito"
sabi ni Onofre. "Grabe ka its too much" sabi ni Dani. "Malakas ako kumain, uy kuha
lang kayo ng ulam na gusto niyo. Mas maganda yung di niyo pa natikman sana" sabi ng
binata.

Ilang minuto lumipas naaliw si Ton pagkat ang siba kumain ni Onofre. "Uminom ka
kaya muna" sabi ng bading. "Uy wag mo gagawin yon kasi pag uminom ka mabilis ka
mabusog, gawain yon ng mga gusto pumayat. Ate ganon ginagawa niya before meals.
Iinom ng tubig para feeling busog" sabi ni Onofre.

"Grabe pang apat na kanin mo na yan" sabi ni Dani. "Tatlong empanada pa kamo" sabi
ni Veronica. "Wag niyo naman na kasi ako pansinin, just eat. Pero bakit si Ninny
ayaw ba niya yung food? Is there something else I can get her?" tanong ng binata.
"Grabe ka ang dami na niya nakain. Nof bata yan, don't compare her to us no" sabi
ni Veronica.

"Nakaka engganyo ka kumain" bulong ni Dani. "Eat, madami pa pagkain. Ano ba


problemamo? Look walang ganito sa Manila, well if meron man sana di ko alam saan or
else. Minsan lang magbakasyon sa magandang lugar like this, make it count"

"Ay shoot inopen ko yung topic...ah basta. Nice place, good food, walang bad vibes.
Good memories lang so eto good memory ito, mabubusog ako ng husto. So next time pag
sinabi nilang Vigan...ah yes hindi lang flashback sa memory pati na tummy memory
magrereact if ever may tummy memory" sabi ni Onofre kaya nagtawanan yung tatlo.

"Dani kain pa, Veron kain pa. Figure figure na yan, kain lang. O Ton wag kang
susuko, sabayan mo naman ako" sabi ni Onofre. "Fine, what the heck, sige nga.
Nakayanan ko naman nag slim down after ko pinagbuntis si Nins e" sabi ni Dani. "Oh
you grew fat? Ate ko grabe lumubo noon as in lumubo pero back to normal na siya
except for her well the upper chest area" sabi ng binata kaya natawa si Dani.

"Tapos nung nagbubuntis siya kawawa ako sobra. Ako yung bumibili ng pagkain, she
would wake me up and go ask me to buy food. Ang bad trip yung mga gusto niya yun pa
yung mag ang hirap hanapin. Mga wala sa seven eleven o kahit anong store. Tapos pag
wala ako pa aawayin niya" reklamo ni Onofre kaya laugh trip yung tatlo.

"Ang daldal mo pala" sabi ni Dani kaya natawa ng sobrang lakas si Onofre. "Oo nga"
sabi ng binata. "Pero yung daldal mo very lively kasi may hand gestures ka pa at
facial reactions" sabi ni Veronica. "Noooofff" bigkas ni Nina kaya lahat napatingin
sa kanya.

Sinundan nila yung tingin ng bata hanggang sa makita nila yung isang babae na
kumakain ng halo halo. "You want that?" tanong ni Onofre. "Tama na you are spoiling
her" sabi ni Dani. "Spoiling? Ngayon lang naman siya humiling" sabi ng binata.

"Hindi na, baka maano yung tiyan niya" sabi ni Dani. "Then you tell her" sagot ng
binata. "Away mag asawa" banat ni Ton kaya biglang natawa si Onofre at naglabasan
yung kanin sa bibig niya. Napatawa si Nina, pinagtuturo yung binata kaya si Onofre
game na game na sumubo ng konting kanina, pumeke ng tawa para lang lumabas sila sa
bibig niya at napatawa yung bata.

Isang oras lumipas hinahaplos ni Onofre tiyan niya gamit kanan na kamay habang
kaliwanag kamay hawak yung kamay ni Nina. "Nins look o brick road" sabi ni Ton saka
tinignan yung bata na nakasimangot. "Uy Nof tignan mo siya" sabi ng bading.

Pagtingin ng binata nakita niya si Nina na nakatingala at tinitignan siya. May


simangot sa mukha ng bata, tinaas nito mga kamay niya pero pilyong Nof nilayo titig
niya. "Uy buhatin mo, pagoda ta" sabi ng bading. "Hindi, sumasamba lang siya.
Thankful for the food lang yan" biro niya.

"Buhatin mo kaya" sabi ni Ton. "Basta wag mo titignan titigil yan" sabi ni Onofre
kaya nagpigil ng tawa yung bading. Tinignan ni Nof yung bata at bigla ito naawa
kaya bumigay siya at binuhat na ito.

Napangiti agad yung bata kaya natawa na si Ton. "Grabe ka Ninny ha, teka dito sa
kabila para pantay yung pagtigas ng muscles ko. Libre work out in fairness kaya
siguro malakas sumuntok si mama mo no?" lambing ng binata kaya napahalakhak si Ton.

"Grabe naman ang tagal nila, sabi ko kasi sa inyo dapat hindi na tayo nakipag meet
sa iba e. Ayan nagsama sama ang mga babae. Nakita ang shop ng damit, wala na sira
na ang lakad" sabi ni Onofre. "Ganon ba lahat ng ex mo?" tanong ni Ton.

"Sus never pa ako nagka girlfriend kaya" sabi ng binata. "Weh, ikaw? Imposible"
sabi ng bading. "Wala no, bago si Sylvia nabasted ako. First year high school yon.
Tapos si Sylvia naging kaklase ko ng second year. Niligawan ko konti ng third year
kami, tigilan ko daw siya"

"Fourth year may niligawan akong iba, okay na e. Tapos isang araw biglang naging
cold sa akin. As in wala ako ginawang masama, basta nalang cold na siya. E sabi ko
di wala, parang di pa naman kasi ako seryosong maka move on kay Sly non. Naging
okay okay kami ni Sly up to...hay change topic" sabi ng binata.
"Sorry ha pero akala ko kasi secret something ka ni Dani" sabi ni Ton. "Anong
secret something?" tanong ni Onofre. "Kasi naman napaka unusual na maiwan yung anak
tapos oo nagpanic siya pero after niya tumawag parang umokey agad"

"We were all willing naman to come back pero sabi niya okay lang kasi mukhang
mabait ka naman daw" sabi ng bading. "Ang problema sabi niya saglit lang tapos
babalik na. Grabe yung saglit ha" reklamo ni Onofre. "Ayon kasalanan na namin yon,
we forgot kasi all about the issue. E parang di naman siya affected, saka lang
nagpanic na ulit nung pabalik na kami"

"Tapos nung gabi na yon magkasama kayo so hinala ko magkakilala talaga kayo pero
ayaw niya magsabi na may someone new siya. Wait kasi di naman kami magkakilala
talaga, bago ako sa barkada so ganon hinala ko" sabi ng bading. "Hindi ha, funny
accident talaga yung nangyari" sabi ni Onofre.

"But you are still here" sabi ni Ton kaya nagulat si Onofre. "I am, bakit?" tanong
ng binata. "Kaya nga you are sill here. Bakit kaya?" landi ng bading kaya natawa si
Onofre. "Uy wag kang gagawa ng issue ha" sabi ng binata.

"Tayo tayo lang" hirit ng bading. "Uy Ton, kayo nag imbita sa akin tandaan niyo
yan" sabi ng binata. "Ay oo nga, sorry naman akala ko kasi may something" sabi ni
Ton. "Does it look bad? I mean tulad ng iniisip mo, do you think I am here for
Dani?" tanong ni Onofre.

"Are you?" tanong ni Ton kaya natawa yung binata. "Hindi e, you just invited me so
I am here. Yung second day, totoo yung sinabi ko kay Dani. Umoo ako agad na alagaan
tong si Ninny kasi I was really lost. Di ko talaga kaya sumama sa kanila"

"Gets mo ba? Long time crush na barkada tapos surprise sila ng isang barkada mo.
Kaya naparami inom ko nung first night. Nakakatawa nga e, dahil kay Ninny nameet ko
si crush, it happens that I met her when I was drunk and basta sira ako agad sa
kanya" sabi ni Onofre.

"You could have stayed, malay mo nagkita ulit kayo ni crush" sabi ng bading. "Wala
na yon, mabait siyang tao alam ko yon kasi kahit na sirang sira ako sa kanya she
still helped me out with Ninny. Tapos second day with Ninny nakasama ko pa sa
swimming, dami nga pictures pero nung lunch ayon luminaw na"

"She said I did something bad nung lasing ako. Di ko alam anong bad yon pero gets
ko na kasi kilala ko na sarili ko pag lasing ako. Ayaw ako ipakilala sa friends,
understood na yon, saka lang binigay pangalan nung nag promise ako na hindi ko siya
kokontakin o aalamin number or email...oh well..." sabi ni Onofre.

"Mama" bigas ni Nina kaya napalingon yung dalawa. "Look Nins a horse" sabi ni Dani
habang tinuturo yung kalesa. "Hose!!! Hose!" hiyaw ni Nina saka tinuro yung kabayo
kaya napatingin yung kutsero. "Sakay kayo?" tanong niya.

"You want? Ride horse?" tanong ni Onofre kaya tumabi yung kalesa. Napasigaw bigla
si Ton at nagtago sa likuran ni Onofre. "Ilayo niyo yan, diyos ko ano ba yan" sigaw
ng bading. "Hoy ano ka ba?" sabi ng binata.

"Ay ayaw ko sa ganyan" sabi ni Ton. "Hose! Noof hose" sabi ni Nina. "Dani sakay
kayo, tawagan mo si Veronica" sabi ni Onofre. "Ayaw ko kayo nalang" sabi ni
Veronica. "O Dani kayo ni Ninny" sabi ni Onofre. "Kami lang? Sama ka na" sabi ni
Dani.

Habang nakasakay sa kalesa palakpak ng palakpak sa tuwa si Nina. "Nakunan mo kami?"


tanong ni Dani. "Oo grabe kayo alangan na susundan ko yung kalesa" reklamo ni Ton.
"Ilang seconds?" tanong ni Onofre. "Eto ongoing" sabi ng bading. "O sige na manong,
sige na Ton" sabi ng binata.

Nang bumilis na konti yung kalesa natili si Nina sa tuwa. Aksidenteng napasandal si
Dani kay Onofre kaya napatingin yung binata sa kanya. "Ay sorry, napagod ako
kakalakad" sabi ng dalaga. "Okay lang, sandal ka lang. Funny pero first time ko
sumakay ng kalesa kaya naeenjoy ko siya" sabi ni Onofre.

"Siya nga pala we were talking kanina lang about Pangasinan, ang gusto nila is
parang rest and relaxation nalang daw sana. They just want to enjoy a peaceful
place tapos beach lang ganon" sabi ni Dani. "Oo sure ako bahala, kakatawa din kasi
punt aka resort tapos lalabas ka din lang to visit other places" sabi ni Onofre.

"Yeah tama so gusto lang nila yung two days na pure rest and relaxation lang sana
daw" sabi ng dalaga. Nilabas ng binata phone niya saka inabot sa dalaga. "Icheck mo
sa gallery, may saved photos ako diyan" sabi ni Onofre. "Cant open may code ka"
sabi ni Dani.

"Its zero six five zero" sabi ng binata. "Hala bakit mo sinabi?" tanong ng dalaga.
"E pano mo titignan yung gallery ko?" sagot ng binata. "E pano yung ibang private
stuff mo?" tanong ni Dani. "Anong private stuff? Sige na tignan mo sa gallery. Yung
may photo na blue pool" sabi ng binata.

Isang minuto lumipas nahanap ng dalaga yung photo, "Dito tayo pupunta?" tanong ni
Dani. "Yeah" sagot ng binata. "Ay teka, teka lang...did you plan to bring her
here?" tanong ni Dani. Di sumagot si Onofre kaya siniko siya ng dalaga.

"Bakit?" painosenteng tanong ng binata. "Hahaha galing mo umiwas, pero ang ganda
naman dito. Grabe they will love it here. Oh wow eto pa, grabe naman dito. Baka
mahal masyado dito" sabi ni Dani.

"Makakakuha tayo discount, family friend may ari" sabi ni Onofre. "Wow, gusto ko
dito" sabi ni Dani. "Here hawakan mo si Ninny at tatawagan ko na dad ko. Para siya
nalang umattorney sa atin" sabi ng binata.

"Nof magkano kaya?" tanong ni Dani sa mahinang boses. "Ninny hose" bigkas ng
binata. "Hose!" sigaw ng bata kaya napangiti nalang si Dani saka niyakap ng
mahigpit anak niya.

-----------

#babytalk

=================

Chapter 7: Change

Chapter 7: Change

Tatlong araw lumipas sa loob ng isang malaking bahay may isang dalaga ang paspas na
lumabas sa garahe para salubungin mga magulang nila. "Ma, pa dali. Something is
wrong with Oni" sabi ni Olive. "What is wrong? Lasing nanaman ba? Ang aga aga pa
ha" sabi ni Criselda, ang ina nila.

"No, please come dali. Dali dali" sabi ni Olive kaya nagtungo silang lahat sa
likuran ng bahay. "Shhhh dahan dahan lang, do you hear that?" tanong ng dalaga.
Narinig nina Criselda at Patricia ang boses ni Onofre na kumakanta. "Now look" sabi
ni Olive kaya sumilip yung mga magulang niya.

Nakita nila si Onofre kandong yung isang batang lalake at kinakantahan niya ito
habang nanonood sila sa tablet. "Do you see that? Grabe parang hindi siya" sabi ni
Olive saka pinaatras mga magulang niya.

"Kasi I went out saglit, pagbalik ko nagulat ako wala si Karlo sa room. Pero eto
ha, Diony said Oni took him tapos kinalaro daw niya. Tapos mama, papa, si Oni pa
nagpalit ng diaper ni Karlo" sabi ng dalaga.

"You are kidding right?" tanong ni Tomas. "No, siya talaga daw. Come lets go ask
Diony" sabi ni Olive kaya pumasok sila ng bahay. Nacorner nila yung kasambahay
nilang si Diony sa isang kwarto kaya agad naupo yung babae.

"Ate ikwento mo sa kanila" sabi ni Olive. "Opo, nagulat nga din po ako. Sabi ko ako
na magpalit pero siya nagpalit. Alam po niya tapos siya pa namili ng isusuot ni
Karlo. Pinakain pa niya ng peaches tapos naglaro po talaga sila" sabi ni Diony.

"Amoy naka inom ba siya?" tanong ni Tomas. "Hindi po" sabi ni Diony. "Sigurado ka?
May kakaibang amoy ba siya? Alam mo ba yung amoy ng marijuana?" tanong ni Tomas.
"Daddy grabe ka naman, he drinks but he does not do drugs" sabi ni Olive. "Then the
end of the world is nearing" biro ng matanda kaya natawa si Criselda.
Paglabas nila ng kwarto nagulat sila pagkat nasa loob ng bahay si Onofre at Karlo.
"Oh look its lolo and lola and mommy" sabi ni Onofre. "Son are you okay?" tanong ni
Tomas. "Yes dad, why? Oh my God umabot na sa inyo yung balita ano? Who told you?
Sino nagsabi sa inyo?" tanong ng binata.

"Told us what?" tanong ni Olive. "Oh come on, someone told you about me and Sly.
Yeah its true, sila na ni Wilmer. But I am fine, please if you are worried about me
I am perfectly fine" sabi ni Onofre. "What?! Sly and Wilmer? Bakit ganon?! What
happened?" tanong ni Olive.

"Aysus ate wag ka nga. Kaya siguro kayo nagtago sa room para mag usap kayo na
suportahan ako. I am fine. Yes I admit it hurts but I am okay. Come Karlo let us go
outside again because they are reminding me of bad vibes. Kakaaaaooooo" sigaw ni
Onofre. "Kakaaoooo kakaooooo" sigaw ng bata saka tumawa ng malakas.

"You are close to your brother so later talk to him" sabi ni Tomas. "Daddy it's a
guy thing so dapat ikaw" sabi ni Olive. "Diyos ko ano ba tawag don? He might be
undergoing denial or nagbago na siya kasi natrauma. We need to get him checked,
tawagan mo nga si doc Leo" sabi ni Criselda kaya natawa ng husto si Olive.

Isang oras lumipas nakiupo si Olive sa sofa, dumikit siya kay Onofre saka hinaplos
pisngi ng anak niya. "Lalabas ka ate? Sige lang, ako mag aalaga sa kanya" sabi ng
binata. "Hindi, makikinood lang ako. I didn't know may palabas na cartoons at this
time" sabi ng dalaga.

"Ah ginamit ko yung Chomecast ate, Youtube yan e. I learned recently that this is a
good cartoon show at tignan mo o he likes it" sabi ni Onofre. "Oo nga e, behaved na
behaved siya" sabi ni Olive. "Ate I am fine, oo masakit yung nangyari pero okay
lang ako" sabi ng binata.

"You want to talk about it?" lambing ni Olive. "No ate, there is nothing to talk
about naman e. Hindi naman naging kami. So I am not really hurt" sabi ng binata.
"Yeah right, patay na patay ka sa kanya. Nahihiya ka lang siguro pero I know what
you are going through" sabi ng dalaga.

"Oh ate narinig mo yon?" tanong ng binata. "Ano?" tanong ng dalaga. "Sabi ni
Karlo...mama shut up" sabi ng binata sa mala dwende na boses. "Okay, sige pero if
you want to talk I am here ha" lambing ni Olive.

"Ate...kilala mo naman si Sly at si Wilmer...tanong ko lang if di mo ako kapatid


ha. What will make you choose Wilmer over me?" tanong ng binata. "Di ko masasagot
yan kasi kapatid kita" sabi ni Olive. "Sige na ate, be honest with me. I need to
know e. Yun nalang kulang e, kasi pag dating sa itsura ang layo naman ng agwat
namin"

"Leading man ako habang siya extra lang" biro ng binata kaya natawa si Olive. "Uy
gwapo din naman si Wilmer pero grabe ano ba yon? Di niya bagay yung kulay ng buhok
niya" sabi ng dalaga. "I know right, ang itim itim tapos ganon ang buhok. Pero ate
kidding aside, please tell me" sabi ni Onofre.
"Di ko masasagot yan kasi una you are my brother, second I am not Sly. Okay" sabi
ni Olive. "Ayaw mo lang sabihin yung totoo, you can say it. Masama ugali ko ano?
Obvious naman e, ako yung black sheep dito" sabi ni Onofre.

"Hey don't say that. Ang bawat tao may ibang preferences, baka yung gusto ni Sly e
nahanap niya kay Wilmer. Ganon lang yon" sabi ni Olive. "Ate talaga sugar coat pa
e" reklamo ng binata. "Look kahit na may mga bad traits ka if a girl really likes
you too she will still like you" sabi ni Olive. "Ate I met my super crush pala pero
alam mo minamalas talaga ako"

"I learned from her that we already met when I was drunk. Ate ang ganda niya
talaga. Super friendly siya at ang bait pero ate nasense ko na agad na parang aloof
siya. Then she told me nga na we met na pala nung lasing ako so...ayon tsk..."
bigkas ng binata.

"Ah yan pwede ko sabihin tumatak yung first impression. Pero alam mo if basis niya
lang first impression ang babaw naman niya. Malay ba niya if ikaw yung itim na bato
pero pag nilinisan ay malinis na itim na bato pala" banat ni Olive kaya natawa yung
binata.

"Bwisit, nice talking to you ate ha" sabi ni Onofre. "I am just cheering you up.
Tara labas tayo, tatlo tayo at treat kita" sabi ni Olive. "Ate look at my tummy,
grabe ate ang sarap ng pagkain sa Vigan. Ate yung longganisa nila super, naka pito
ako na kanin. Tapos yung empanada naka anim ako"

"Ate gusto ko bumalik don pero dapat tayo tayo nina mommy at daddy" sabi ni Onofre.
"May gana ka pa kumain after the heart break?" biro ni Olive. "Hahaha ate I was
with new friends" sabi ng binata. Biglang sumigaw si Karlo saka tinakpan ang mga
tenga niya kaya natameme at napahiya yung dalawa. "Okay sorry na baby...quiet na
kami" sabi ni Onofre.

Ilang minuto lumipas bumalik si Olive sa salas, nakapatay yung TV, anak niya
nakahiga sa sofa at sobrang daming mga unan ang nakabalandra. Nakaupo si Onofre sa
rug at nakasandal din sa sofa para siguradong hindi malaglag yung bata. Paglapit ng
dalaga nakita niya tulog ang kanyang kapatid kaya pinulot ni Olive yung phone nito.

Ilalapag niya sana yung phone sa lamesa nang naintriga siya. Naupo sa sofa si
Olive, pinasok yung code ng kapatid niya saka dumiretso sa messages. Nagualt si
Olive nang may kumalabit sa kanya, "Why do you have his phone?" tanong ni Criselda
kaya agad tumayo yung dalaga at hinila nanay nila palayo. "Ma I want to check if he
is into drugs. Baka may messages dito about drug dealing" sabi ni Olive. "Sige
icheck mo nga" sabi ng matanda.

Isang minuto lumipas inuga ni Olive ulo niya. Aksidenteng nabuksan yung gallery,
"Let me see that, ang ganda ah" sabi ni Criselda. Panorama photo ng karagatan ang
nakita nila kaya nagdikit yung mag ina at sabay napangiti.

Pag lipat ng photo nanlaki ang mga mata nila nang makita si Onofre may kasamang
cute na batang babae. "Sino sa barkada niya ang may anak?" tanong ni Criselda. "Ma
wala po" bulong ni Olive kaya nagtitigan sila. Sunod sunod na litrato ni Onofre at
Nina ang kanilang nakita, inagaw ni Olive yung phone kaya aksidenteng nag play ang
isang video.

"Video ni Nina habang lumalangoy papunta kay Shirley kaya napataas kilay ni
Criselda. Pagkatapos ng video bumalik sila sa gallery at nakita naman yung mga
litrato nina Onofre, Nina at Shirley. "Ma..hawig konti yung eyes nung pretty girl
sa eyes ni Onofre" sabi ni Olive.

"I know napansin ko nga...how old is she? She could be two right?" tanong ni
Criselda. "Parang pareho sila ni Karlo e, oh my God, baka gusto niya sabihin noon
pero I was preggy too. Kaya di na niya sinabi siguro" sabi ni Olive.

"Cute girl, kaya siguro bumagsak bagsak kasi nagfocus siya dito right? Tapos hingi
siya ng hindi ng pera pero hindi naman ginagastos" sabi ni Criselda. "Pero ma diba
look at their eyes, halos same diba? Diba?" kulit ni Olive. "Oo e, halika ipakita
natin ito sa papa niyo" sabi ni Criselda. "Kaya pala marunong magpalit ng diaper"
bulong ni Olive.

Samantala sa loob ng isang mini office nakakandong si Nina sa kanyang lolo Martin.
""Bonikaaaaa" sigaw ng bata kaya natawa si Dani at nanay niyang si Sarah. "Bonikaaa
mama Bonika" sabi ni Nina. "Veronica baby" sabi ni Dani.

"Oh I like this photo" sabi ni Martin. "Si Nof kumuha niyan dad" sabi ni Dani.
"Noooofff! Nof! Nof!" sigaw ni Nina saka pinaghahampas yung screen ng laptop.
Lumapi si Dani para ilipat yung mga photos, "Noooofff!!" hiyaw ni Nina saka natili
at pinagtuturo ang binata.

"Lolo Nofff...lola lola Nooofff" sabi ng bata. "Yes baby we know, siya yung
naghatid sa inyo" sabi ni Sarah. "Yes ma, and wait eto pa. Wait lang...wait...here
the video" sabi ni Dani. "Oh my God is she swimming?" tanong ni Sarah.

"Omaygaaaaaaa!!!" sigaw ni Nina kaya natawa ng malakas si Martin. "Did you hear
that?" tanong ng matanda. "Dadi talaga sinigaw e" sabi ni Dani. "Omaygaaaaaaa" ulit
ni Nina at tawa ng tawa ang kanyang lolo.

"Martin tignan mo lumalangoy siya" sabi ni Sarah. "Nof taught her" sabi ni Dani.
"Wow you know how to swim already?" tanong ni Martin saka tinuka tuka pisngi ng apo
niya. "Swim! Nooof? Nooof! Swim! Mama swim! Mama swim. Noooof!!" sigaw ng bata kaya
napakamot ng husto si Dani.

Tumayo si Martin karga yung bata, "Tumaba ka, big tummy na o" sabi ng matanda kaya
natili si Nina at natawa. Nilabas ng matanda yung bata kaya naupo si Nina saka
inayos yung mga mga photo folders sa laptop niya.

"That Nof, is he..." tanong ni Sarah. "No ma! Grabe si mama. It's a long story and
if I tell you I am sure papagalitan mo ako" sabi ng dalaga. Naupo din si Sarah saka
tinignan anak niya. "Its okay, you can tell me. Is he your boyfriend?" tanong ng
matanda.

"Hahaha mama! Hindi po. Hala si mama, when I say get mad ibang reason. Sige na nga
ikwento ko na pero sana wag mo ako pagalitan" sabi ni Dani. Nagkwento yung dalaga
at nang matapos siya napatayo si Sarah. "My God Sophia! Napaka irresponsible mo
naman!"

"I cannot believe that iniwan mo anak mo sa taong di mo kilala?" sigaw ng matanda.
"Ma naman, it turned out fine" sabi ni Dani. "Yes it did but my God, you don't do
that. Anak mo yan Sophia. Kahit na di ganon nangyari, iiwan mo siya kabarkada? If
its Veronica I would understand but still hindi mo dapat iniiwan anak mo"

"Kahit anong lakad yan, unahin mo anak mo. My God anak, its good that Nof was good
guy" sabi ni Sarah. "See I told you he is a good guy" banat ni Dani. "Ay naku! Be
very thankful that he is. Hay naku tsk.." sabi ni Sarah saka naupo.

"Ma sorry na, di na mauulit yon. Yeah I know mali pero thankful din ako na it
turned out fine. Now let me tell you naman kasi the story of Nof" sabi ni Dani.
Ilang minuto lumipas nanlaki ang mga mata ni Sarah, "Kawawa naman" sabi ng matanda.

"Kaya nga po, so Veronica, Ton and I decided to invite him nalang to come with us.
Grabe ma buti sumama siya kasi ma ang laki ng discount na nakuha namin sa resort sa
Pangasinan. Grabe ma punta tayo don ha please. Gusto ko bumalik don, eto yung
photos" sabi ni Dani na parang bata.

"Ay wow, magkano diyan?" tanong ni Sarah. "I don't know pero yung room namin ni
Veronica at Nins nilibre niya kami. Sabi niya gusto daw niya ubusin yung inipon
niyang pera for Sly. Grabe ma Nins loved it there kasi may area don na hanggang
tuhod lang yung water. Super clear ma tapos si Nins doon siya talaga nag enjoy"
kwento ng dalaga.

"Pero Sophia, you and Nof..." sabi ni Sarah. "Grabe ka naman ma, wala talaga. Super
bait niya lang. I don't know why Nins got so attached to him so quickly pero he
spoiled her. Grabe lahat ng gusto ni Nins sige lang, kaya siguro gustong gusto
siya" sabi ng dalaga.

"Spoil?" tanong ni Sarah. "Ay opo ma, pag may tinuro si Nins hala sige naman si
Nof. I told him not to spoil her, sinusumbat lang ako na e gusto daw ni Nins e.
Funny parang di niya ata alam meaning ng spoil" sabi ni Dani.

"Kaya pala bumagsak bagsak" sabi ni Sarah. "Grabe ka naman ma, pero I think type na
siya ni Veronica" sabi ni Dani. "E ikaw?" biro ng matanda kaya natawa si Dani. "Ma
he is a friend, funny kasi sina Joel at Lester very protective sa akin at first
pero now they like him too"

"Ang daldal niya grabe pero most of his humor are for the boys. Magtatayo daw siya
ng business, parang gym with a twist daw. Loko lokong yon, papabuhat daw si Nina ng
whole day. Kasi daw tumigas daw arms niya kakabuhat kay Nina" sabi ni Dani kaya
natawa si Sarah.
"Ay ma! Tapos ang loko niya grabe. Nung nasa resort kami sa Pangasinan he arrived
with Nins. May kinakain silang ice cream. Sabi niya buti pa ako Ninny ano? Kahit
di mo ako ninong or ninang nililibre kita ano? Balita ko daw di nagbibigay ng gifts
ninong at ninangs mo. Walang kwenta he said then Nina followed him"

"Wala kwenta, as in ma ang linaw kaya you should have seen my friends. Hey laughed
but they all looked guilty hahahaha. Grabe ma ang lakas ng loob niya. Bulgaran
talaga, he didn't stop. Tinabihan niya si Joel, hoy ninong give me gift. Give gift
ninong sabi ni nina kaya grabe later itry mo banggitin yung word na give gift"

"Nins walked to my friends. Give gift ninang, give gift ninong, ay grabe ma hiyang
hiya ako pero lahat sila guilty hahaha" kwento ni Dani. "Well di naman talaga
importante pero he is an interesting guy" sabi ni Sarah.

"Ay ma, Nins does not want to be called Nins na pala. Ninny na gusto niya. Ask her
name later, sasagot siya Ninny. Ang dami niya ginaya from Nof e" sabi ni Dani.
"Kaya pala kanina pa tawa ng tawa papa mo. Dinig na dinig from here" sabi ni Sarah.

"Nina give me my phone" sabi ni Martin. Tumakbo papasok yung bata dala yung phone
ng lolo niya. "Give it to lolo anak" sabi ni Dani. Dinikit ng bata yung phone sa
tenga niya saka ngumiti. "Hello Noff" bigkas niya kaya nagulat yung tatlo. Naupo sa
floor ang bata, tumawa mag isa at todo acting na may kausap talaga sa telepono.

"Omaygaaaaa" sigaw ni Nina, tumawa ng malakas saka tinakpan bibig niya.


Napahalakhak si Martin saka tinuro si Dani, "Ikaw na ikaw" sabi ng matanda kaya
nagtakip ng bibig si Dani saka tumawa.

Nabitawan ng bata yung phone, "Ay shet" bigkas niya kaya napatigil yung tatlo.
"Taragis" hirit ni Nina kaya nanlaki na ang mag mata ni Martin. "Baby no, no don't
say those. Bad words" sabi ni Dani na paspas na lumuhod sa harapan ng anak niya.

"No bad words Nina" sabi ni Sarah. "Ay shet" ulit ng bata saka tumawa kaya
napakamot si Martin. "Well..i guess she does not know what she is saying yet but
did you see her? When she dropped my phone yung reaksyon niya e parang yung
reakyson talaga ng mas matanda. I admit I say that often but not in front of her"
sabi ni Martin.

"Nof" sabi ni Sarah kaya tumingala bigla si Nina. "Nof? Tumayo yung bata, yumakap
sa paa ng lola niya saka tila may hinahanap. "Nof lola? Nof? Lola saan?" tanong ng
bata kaya naaliw yung tatlo.

"Did she just ask saan? Wow I didn't teach her that" sabi ni Dani. "San Nof lola?
Nof? Nooooof?" bigkas ni Nina na tumakbo palabas ng kwarto kaya hinabol siya ni
Martin.

"If you are going to see Nof tell him to watch his words" sabi ni Sarah. "Yes ma"
bulong ni Dani. "Ang lutong nung mura niya" sabi ni Sarah saka tumawa ng sobrang
lakas kaya nalito si Dani. "Ay shet! Ang lutong lutong, it looked so funny" hirit
ni Sarah.

"Ay shet!" sigaw ni Nina mula sa labas. "Sarah! She heard you!" hiyaw ni Martin
kaya nagtakip ng bibig si Sarah at nagbungisngisan sila ni Dani.

ink.netJZg

-----------------------------------

Uulitin ko lang wala ako kinalaman diyan sa mga code code sa huli. Si wattpad
naglalagay niyan lol. 

Wag masyado mag expect agad hehe...kilala niyo na ako

=================

Chapter 8: Chance Encounter

Chapter 8: Chance Encounter

Sa tapat ng isang parlor sa isang mall inis na inis na si Nina. "Anak naman e,
mommy needs a hair cut" lambing ng dalaga pero nagsisigaw yung bata. Nagtungo sila
sa isang fastfood, umorder ng fries si Dani at doon na natuwa si Nina.

Habang kumakain ang bata may naisip ang dalaga kaya nilabas niya phone niya. "Nof
mama?" tanong ng bata. "Yes anak, well sana sumagot siya at di siya busy" bulong ni
Nina.

Sa isang carwash kababalik ni Onofre pagkatapos siya bumili ng car wax para sa
kotse niya. "There, kaya ako natatakot iwan kotse ko dito kasi tignan mo yan.
Nilabas niya yung kotse" sabi ng isang customer saka tinuro si Onofre. Nagpipigil
na ng tawa yung ibang staff, yung manager nakapamot na ng ulo pero si Onofre
lumapit.

"Hoy! Gago! Kotse ko yan! Bumili lang ako ng wax kasi itong wax na ito yung laging
ginagamit sa kotse ko! Ayaw mo maniwala? Ha? Eto pitaka ko! Gusto mo makita
rehistro? Ha? Porke nakapambahay lang ako feeling mo taga carwash ako? Tignan mo
nga may uniform sila o"

"Naghahanap ka lang ng rason para umalis kasi di mo afford ang bayad dito. Umalis
ka na nga" sigaw ni Onofre kaya pumasok yung lalake sa kotse niya. "Dami mo
excuses, napahiya ka kasi naipasok mo na kotse mo e. Nung nakita mo karatula ng
presyo saka ka magpapalusot. Umalis ka, sama titig epek ka pang nalalaman di mo
naman kaya panindigan. You are welcome, nakalusot ka sa mamahaling bayad sa
carwash" sigaw ni Onofre.

Pagkaalis ng kotse inuuga ng manager ulo niya. "O ang mahal naman talaga dito e.
Pero sulit naman, ikaw naman o. Na hurt ka ba?" landi ni Onofre kaya natawa yung
manager. "Iba ka talaga pare" sabi ng matanda. "Uy naarouse ako, naarouse ako,
nagvivibrate phone ko, aaahhh.." landi ni Onofre kaya nagtawanan yung mga staff.

Sinagot ng binata phone niya sabay itsa don sa wax sa isang staff. "Uy Dani hello"
bati ng binata. "Hi Nof" sagot ng dalaga. "Kumusta? How is Ninny?" tanong ng
binata. "Eto nga e, not cooperating, magpapagupit sana ako" sabi ni Danny. "Ah
okay, goodluck" sabi ng binata sabay tawa. "Hahaha uy Nof" sabi ng dalaga.

"Bakit Dani?" landi ng binata. "Hahahaha wala, sige na nga bye" sabi ng dalaga.
"Hahaha nasa carwash kasi ako tapos naka pambahay lang ako" sabi ni Onofre. "Ah ay
sorry. Sige then" sabi ni Dani. "Wait, pwede naman ah. Saan ba kayo? Give me your
location" sabi ng binata.

Trenta minutos lumipas napasigaw si Nina. "Noooof" hiyaw niya saka paspas na bumaba
ng lap ng nanay niya. Tumakbo yung bata kaya napatayo si Dani. Agad kinarga ni
Onofre yung bata, si Dani nahiya agad pagkat tinuro ng bata yung ice cream.

Pigil tawa si Dani nang lumapit yung binata. "You were not joking" sabi niya. "Oo
nga pambahay lang pero okay lang naman diba?" tanong ng binata. "Baka isipin nila
kinidnap mo anak ko, come Nins" biro ni Dani. "Ah ganon ha, sige eto anak mo" sabi
ng binata. "Hahaha joke lang, uy favor naman" sabi ng dalaga.

"Sure, sige na pumunta ka na. Pero di ko magets, what is wrong with your hair? It
looks nice naman ah" sabi ni Onofre. "Ay naku, basta di ako comfortable" sabi ng
dalaga. "Oo na oo na sige na go. Ako na bahala kay Ninny...ano gusto mo? Yon?"
tanong ng binata.

Nagulat si Dani pagkat basta nalang sila umalis, lumingon si Onofre saka sumenyas
na umalis na yung dalaga. Kumaway si Dani pero natawa siya nang irapan siya ng
binata pagkat nakapila na sila sa may counter.

Trenta minutos lumipas litong lito na si Onofre habang nasa tapat sila ng toy store
ng bata. "Ninny nanaman e, saan tayo tatambay? Sabi ng mama mo matagal pa siya. You
don't like dolls? There o so many dolls" sabi ng binata.

"Ay ang cute, father and daughter bonding" sabi ng boses kaya nanigas ang binata
pagkat hindi siya makapaniwala sa boses na narinig niya. Unang lumingon si Nina,
"Kyassss" sigaw niya saka sinugod yung dalaga. Yumuko naman si Shirley saka
hinalikan ang bata sa pisngi.

"Uy Shirley, wow..you are here" sabi ng binata. "Hey Juan" sagot ng dalaga. "Wow
naman, Nof ano" sabi ng binata. "Sabi mo nung lasing ka, Onofre but you can call me
Juan" landi ng dalaga. "The One" nilinaw ng binata. "Uy alam niya, that means pick
up line mo sa lahat ng girls yon ano" banat ni Shirley kaya natawa na si Onofre.

"Kyasss wok wok" sabi ng bata. "No Ninny baka may lakad siya" sabi ng binata. "Its
okay, bakit daw ba?" tanong ng dalaga. "Walk daw, as in libot libot. Inaantay kasi
namin mom niya, nasa parlor. E dinala ko siya dito thinking maeenjoy niya seeing
toys pero grabe dedma" sabi ng binata.

"That is odd, tara subukan natin ulit" sabi ng dalaga. "Uy baka may lakad ka sige
lang. Ako nalang" sabi ni Onofre. "Wala no, inindian ako ng friends ko. Small world
huh, sa laki ng Manila dito pa tayo magkikita. Sorry pala if I spoiled your father
and daughter bonding time" sabi ng dalaga.

"Dibale complete family na, nandito na yung mother" biro ni Onofre kaya natawa yung
dalaga. "O ano? I told you she is not my kid so if you insist then you must be the
mommy since you are always wih us" paliwanag ni Onofre.

Sa loob ng toy store nalito silang dalawa pagkat wala talaga interes si Nina sa mga
dolls. "Don't tell me robots" sabi ni Onofre. "Ay nakatuwa na bata ito. Tipid sa
gastos kasi ayaw sa toys" sabi ni Shirley.

"I wish she could speak, kanina sa resto after the ice cream wala na siya gusto. I
am totally lost now" sabi ni Onofre. "Sabi niya walk e di walk" sabi ni Shirley.
"Uy you really don't have to do this" sabi ni Onofre. "Kaya nga so sige tell her to
let go off my hand then" sabi ng dalaga.

"Ninny come, walk tayo" alok ng binata pero inuga ng bata ulo niya. ."Ah gusto mo
kay mommy, okay" landi ni Onofre kaya natawa si Shirley. "Gumaganti ka ata sabi
niya. "Ikaw nagsimula so deal with it" landi ng binata.

"We were supposed to watch a movie pero tinamad sila bigla" sabi ni Shirley.
"Kanina nga naisip ko to watch a movie pero naalala ko attention span niya kakaiba
e. Like when she watches cartoons, pag ayaw na niya ayaw na niya. So sabi ko pag
sine baka sayang lang pera. Sakto kasi may cartoons na palabas" sabi ni Onofre.

"Pero look at her, kakaiba, she is actually enjoying the walk" sabi ng dalaga. "She
reminds me sometimes of Sly, parang ganyan lang e. Kasama mo thinking everything is
okay then boom, iba na gusto bigla" sabi ni Onofre.

"Iba gusto like your barkada diba?" landi ni Shirley kaya natawa si Onofre.
"Whatever, naka move on na ako sa kanya" sabi ni Onofre. "I know, you are with
Ninny's mom now" biro ng dalaga. "Hahahahaha naman, just because I am with Ninny
you think that I am dating her mom now?"

"Bakit di ka makaisip ng something positive first for me like I am just being a


good friend" sabi ni Onofre. "Sabi mo e, sige good friend. Awww ang bait bait mo"
landi ng dalaga. "Kyassss ano" bigkas ni Nina saka tinuro yung isang bata sa malayo
na may hawak na pagkain. "Oh that one? Uy Juan ano tawag don sa kinakain nung
bata?" tanong ng dalaga.
"Juan talaga? Nof naman" sabi ng binata. "Oo na pero ano na tawag don?" sagot ng
dalaga. "Nof ano?" tanong ni Nina kaya umalis yung binata. Nabilib si Shirley
pagkat nagtanong talaga si Onofre sa nanay ng bata pero natawa nang tinago ng
matanda yung bata sa likuran.

"Bruhang nanay yon, mukha ba akong snatcher? Nagtatanong lang ano yung kinakain ng
anak niya. Grabe ang mga tao ngayon napaka judgemental, porke ganito suot ko. Di na
ba sapat maging gwapo para pagkatiwalaan?" banat ni Onofre kaya biglang
napahalakhak si Shirley.

"Its just a twisted donut" sabi ng binata. "Ah iba pala nasa isip ko" sabi ng
dalaga. "Kyaasss..kyasss" bigkas ni Nina saka tumingala at nagpapacute. "Awww gusto
niya ng ganon" sabi ni Onofre. "Bilhan mo na" sabi ni Shirley. "Who is holding her
hand? Ay ikaw at sa iyo nakatingin" banat ni Onofre.

"Gusto kyaassss...piissss" sabi ni Nina kaya natawa ang dalaga. "Please" sabi niya.
"Pissss" bigkas ng bata. "Okay tell daddy to buy, there o si daddy" sabi ni Shirley
saka tinuro si Onofre. "Uy grabe ka don't do that, alam mo naman she follows what
you say" sabi ng binata.

"Daddy please, sige na go" sabi ng dalaga. Tumakbo yung bata saka yumakap sa paa ni
Onofre. "Nof pissss...Nof..gusto.." sabi ni Nina. "Mwahahaha di mo siya mauuto.
Hehe. Come Ninny we buy" sabi ng binata saka binuhat na yung bata.

Pagkalabas nila ng donut shop sarap na sarap si Nina. "Usually girls would choose
the pink icing, kakaiba siyan ha" sabi ni Shirley. "Oo nga e, yung pamangkin ko he
always chooses the colorful stuff. Baka color blind tong si Ninny pero wag naman
sana" sabi ni Onofre.

"Alam ano gusto ko sa iyo? Lagi ka nanlilibre" biro ng dalaga. "Hahaha well anong
klaseng ama naman ako kung di ko mapakain asawa ko" banat ni Onofre kaya napahiyaw
yung dalaga at biglang pinalo pwet ng binata.

Humiyaw si Nina, nagwala siya kaya binaba siya ng binata. Biglang pinalo ng bata
yung pwet ng binata saka natawa kaya tawang tawa si Shirley. "Tsk men, may
pagkasadista to e. If nagreact kang gulat or nagulat gustong gusto niya yon. Shoot
now I have to act surprised every times she slaps my butt. Its not gonna look good
sa mga dumadaan if they don't see her" sabi ni Onofre kaya halos masiraan ng bait
sa tindi ng tawa si Shirley.

Binuhat agad ni Onofre yung bata saka tinakbo, "Di natin kilala yan, siraulo yan"
biro niya kaya napahiyaw yung bata sa tuwa. Nagpunas ng luha si Shirley saka
hinabol yung dalawa kaya si Nina lalong nagsisigaw sa tuwa.

"Ang sama mo, iniwan mo ako don" sabi ng dalaga. "Grabe ka kasi makatawa e, its
very scandalous" sabi ng binata. "Uy Ninny careful baka mabulunan ka. Grabe ka di
mo tinitignan ang laki ng sinubo niya" sabi ni Shirley. "Let me bite, quick" sabi
ni Onofre kaya pinakagat ng dalaga ang binata sa donut niya.
"Ninny" bigkas ni Onofre saka mala slow motion na ngumuya. Gumaya naman yung bata,
lalo pang binagalan ni Onofre kaya natawa na yung bata. "Kaya nga ako hindi na
kumuha kasi I thought hati na kami pero wow ha, mag isa niya" sabi ng binata.

"Gusto mo pa ba? Eto o" sabi ni Shirley. "Di na, ubusin mo na. Siguro gutom na ito.
Sakto matatapos narin siguro mom niya. Ninny chicken?" tanong ng binata. "Chicken
nof chicken" sabi ng bata. "Okay, saan ba masarap na fried chicken dito? Favorite
daw niya manok e" sabi ng binata.

"Ahem, ano to libre lunch din ba ako?" tanong ni Shirley. "Yeah its high time you
meet the mom so you could stop teasing me already" sabi ni Onofre. "Wala na ako
naintindihan sa sinabi mo except yes" biro ng dalaga kaya natawa ang binata.

"Oh wait daan nga muna tayo sa bookstore. Magtitingin ako ng books ko for this
semester" sabi ng dalaga. "Sure, sige at magtitingin kami ng kid books" sabi ng
binata.

Sa loob ng bookstore nakahinga ng maluwag si Onofre pagkat aliw na aliw si Nina sa


mga naka display na libro. "Red nof...red" sabi ng bata saka tinuro yung kulay red.
"Yes very good, how about this, what color is this?" tanong ng binata.

"Geeennn" sabi ng bata. "Green, very good. Green" sabi ng binata. "Blue" bigkas ng
bata. "No Ninny, that is brown, this is blue" sabi ng binata. "Bawn?" tanong ng
bata saka tinuro yung brown. "Very good, yes that is brown" sabi ni Onofre.

Di napansin ni Onofre na nasa likuran na niya si Shirley. Ang dalaga nakangiti


habang pinagmamasdan yung binata na nagtuturo sa bata. Lumingon si Nina saka tinuro
si Shirley, "Red" bigkas niya. "Very good girl, yes this is red" sabi ng dalaga.

Humarap si Nina kay Onofre, "Blue" bigkas niya. "Very good ah" sabi ni Onofre. "Ang
galing mo magturo, ang tiyaga mo" sabi ni Shirley. "Ngayon nga lang ito e, I feel
guilty kasi I should have been doing this to my pamangkin at home"

"Nagstart ako pagkauwi ko actually. Tsk I should have been there for my ate from
the start. I was naman pero taga bili lang ng pagkain nung naglilihi siya. Si Karlo
mahirap turuan konti compared to Ninny" sabi ng binata.

"Now help me find a good book, bibilhan ko sila. One for Karlo ang one for Ninny.
Coloring book sana pero baka kainin nila yung crayons" sabi ni Onofre. "E di
bantayan mo" sabi ni Shirley. "Oo nga no, sige tulungan mo nga ako. Bili narin ng
crayons pero yung wala lead dapat ata" sabi ng binata.

Habang namimili inabot ni Nina yung buhok ni Shirley. "Black" sabi ng bata. "Yes
very good" sabi ni Onofre. "Ninny her watch what color" sabi ni Onofre kaya tinaas
ni Shirley braso niya. Nanlaki ang mga mata ng bata, "Oh no" bigkas ni Onofre kaya
pati si Shirley napalunok.
"Nof buy..Noofff buy" sabi ng bata kaya natawa si Shirley. "Di ka pa pwede mag
watch baby" sabi ng dalaga. "Kanina sabi natin ayaw niya sa pink, ayan nasilaw sa
pink Hello Kitty watch mo" sabi ni Onofre.

"Nooof meow o" sabi niya. "Very good, yes this is a cat" sabi ni Shirley. "Hey why
are you taking it off?" tanong ni Onofre. "Okay lang, luma na ito actually. She can
have it" sabi ni Shirley. "Hey you don't need to do that. We can just buy her a toy
like that" sabi ni Onofre.

Sinuto na ni Shirley yung relo sa kamay ng bata. "Hala maluwag ata, last hole na
yan e" sabi ng dalaga. "Hey papalitan ko nalang, palitan ko ng mas bago" sabi ni
Onofre. "No need, really old na siya. Ganon kasi ako e, sinusuot ko hanggang masira
na talaga. Saka ko lang gagamitin yung mga bago" sabi ng dalaga.

"Hala, tsk..." sabi ng binata. "Okay lang ano" sabi ni Shirley. "Ninny say thank
you, sige na" sabi ng binata. "Thank you" sabi ng bata na sobrang linaw kaya naaliw
yung dalawa. "Awwww" bigkas ni Shirley nang yumakap pa yung bata at humalik sa
kanyang pisngi.

"You are welcome, pabutas nalang natin later. Nof daan tayo sa watch center mamaya.
May nadaanan tayo pabutasan natin or bilhan natin ng new strap for her" sabi ni
Shirley. "Wow you called me Nof" sabi ng binata.

"Pinansin pa kasi, bahala ka ibabalik ko sa the Juan" landi ng dalaga kaya natawa
yung binata. "Look gustong gusto niya talaga" sabi ni Shirley. "Oo nga e, therefore
its Hello Kitty coloring book for her and for Karlo its...hmmm Hello Kitty din kaya
ano? Wag na baka pag nalihis siya kasalanan ko pa" sabi ng binata.

Pagkalabas nila ng book store dumiretso sila sa store ng mga relo. Labis na natuwa
ang bata nang fitted na yung relo sa kanya. Muli niyang hinalikan si Shirley saka
niyakap ito ng sobrang higpit.

Sa loob ng restaurant sila naupo habang inaantay si Dani. "Hala ayaw na bumitaw sa
iyo o" sabi ni Onofre. "Uy grabe ha, sa susunod hindi na ako magsusuot ng Hello
Kitty" sabi ni Shirley.

"Ay may susunod pa ba?" tanong ni Onofre kaya napatigil yung dalaga. "Next chance
encounter no. Hala baka isipin mo stalker niyo ako" sabi ni Shirley. "Oo nga no, oo
nga. Bigla nalang sumusulpot ka e" sabi ni Onofre.

"Uy excuse me, check my phone if you want. Pero gulat nga din ako talaga. Small
world sabi ko pero yung issue e kasama mo parin si Ninny" sabi ni Shirley. "Wow
bumabawi o, pero siguro sanayin mo na kasi magkaibigan na kami ng mom niya.
Kaibigan ko na nga din yung barkada ng mom niya e"

"Balak ko na talikura muna barkada ko, I need time to heal" sabi ni Onofre. "Naks,
time to heal ka pang nalalaman diyan" sabi ng dalaga. "Ganon na yon, they all knew
except me so that says a lot about them. Iwasan ang bad vibes" sabi ni Onofre.
"Oo nga, kasi if they were really your friends dapat sinabi na agad. Kahit isa lang
sana. O baka naman ayaw ka talaga nila ha" banat ni Shirley kaya natawa si Onofre.

"Grabe ka kakampi na nga kita kanina apos biglang kabig ka ha" sabi niya. "Sorry
naman, sinasabi ko lang naman ang possibility e. O diba?" sabi ng dalaga. "Yeah, uy
pero salamat sa regalo mo kay Ninny ha" sabi ni Onofre.

"Oo naman, now I have reason to let that watch go and use my newer one" sabi ng
dalaga. "Grabe ka din pala, say may ex ka, aantayin mo pa pala siya mamatay bago ka
maghanap ng bago" biro ni Onofre kaya natawa ng husto si Shirley.

=================

Chapter 9: Tukso

Chapter 9: Tukso

Napatigil si Shirley nang may magandang lumapit kaya napalingon si Onofre. "Mommy"
sigaw ni Nina kaya agad tumayo yung binata. "Ah.." bigkas niya at nalito siya bigla
pagkat di niya alam saan niya papaupin yung nanay ng bata.

"Mama look...look" sabi ni Nina saka pinasikat agad yung relo niya. "You bought her
a watch?" tanong ni Dani. "No, teka nga, Dani this is Shirley.." sabi ni Onofre.
"Ay oo nga, siya yung crush mo diba?" bigkas ni Dani kaya namula si Onofre habang
si Shirley nagtakip ng bibig para matawa.

"Kyaassss" bigkas ni Nina saka tinuro si Shirley. Lumapit si Dani saka inabot kamay
niya, "Hello" bati niya. "Dito na ako, tabi na kami" sabi niya saka naupo sa
bakanteng upuan sa tabi ni Shirley.

Naupo narin si Onofre saka inabot yung menu sa nanay ng bata. "Wala naman nagbago
sa buhok mo, I mean mahaba parin. I was expecting it to be shorter" sabi ng binata.
"Di ka babae kaya di mo alam" sabi ni Shirley kaya natawa si Dani. "Uy wait, are
you two supposed to be on a date? Hala alis nalang kami ni Nins" sabi ni Dani.

"Geez, no date" sabi ni Onofre. "Chance encounter lang, inidian ako ng mga friends
ko kasi at sakto nakita ko sila sa toy store sa taas" sabi ni Shirley. "Sure?"
hirit ni Dani kaya tinapik na ni Onofre noo niya na ginaya naman ni Nina.

"Oh sorry, buti napaupo mo siya sa chair" sabi ni Dani. "Humiram kami ng boxes,
ayaw niya dun sa high chair. Sabi ko kandong pero gusto sariling upuan" sabi ni
Onofre. "Uy sorry ha, nag window shop pa ako konti. Sana nag order na kayo" sabi ni
Dani.
"Sabay sabay na, basta kay Ninny its chi..." bigkas ng binata. "Chicken!" sigaw ng
bata. "Ano ba yan Ninny, they both look pretty no tapos look at me I look like your
driver" biro ni Onofre. "Uy Shirley sorry if he looks that way ha, kasi naman
tinawagan ko siya bigla"

"Nins was not cooperating and I needed the haircut. So ayan, ganynan na siya" sabi
ni Dani. "Okay lang summer pa naman" sagot ni Shirley. "U yang bait ng sagot mo ah,
ineexepect ko sabihin mo bagay ko" sabi ni Onofre. "Well, si Ninny ang nagdala.
Karga mo siya kaya di nahalata ng ibang tao suot mo. Try mo tumayo don sa labas
ngayon na wala si Ninny" banat ni Shirley kaya natawa si Dani.

Ilang minuto lumipas nakatanggap ng text si Shirley pero agad din niya tinago phone
niya. "Mga friends mo?" tanong ni Dani. "Yeah, bukas nalang daw kami manood ng
sine" sabi niya. "Ay alam mo ang tagal ko nang hindi nanood ng movie...gusto
mo...ay hindi nalang pala" sabi ni Dani saka tinignan si Onofre.

"Sauce, nahiya ka pa. Nandito na nga e, if you want to watch a movie then go watch
a movie" sabi ng binata. "Hindi na nakakahiya na sa iyo, tapos iniwan mo pa car mo
sa carwash diba?" sabi ng dalaga. "Okay lang kilala ko naman sila" sabi ng binata.

"Lets go, pambawi ko sa friends ko. Panoorin ko na tapos ikwento ko sa kanila sa


chat at text" sabi ni Shirley kaya natawa si Dani. "Ikaw may pagkamaldita ka din
talaga ano" sabi ni Onofre. "E they stood her up so tama lang" sabi ni Dani. "Ay
magkakampi na kayo bigla, Ninny give it to me" sabi ng binata saka hinarap kamao
niya sa bata.

Tinignan lang ito ni Nina kaya laugh trip sina Dani at Shirley. "Ay may napahiya o"
sabi ni Shirley. "Ay hindi ko pa pala naturo sa kanya. Kay Karlo pala naturo yon"
sabi ng binata. "Nof so pwede ba?" tanong ni Dani. "Hala to, if you want then okay
lang. Wala naman ako gagawin e kaya lang si Ninny ayaw sa toys, sabi ko tatambay
kami sa toy store pero di siya interesado" sabi ng binata.

"Next time nalang siguro yung movie" sabi ni Dani. "Grabe ka nandito na, go for it.
Me and Ninny can go get my car then drive around a bit maybe then balik kami dito"
sabi ng binata.

"Tara, gusto ko narin kasi mapanood yung movie na yon and I am sure the movie I am
talking about is the one you want to watch kasi nandon si..." sabi ni Shirley at
sabay sila nagtilian kaya si Nina nagtitili din. "Okay, pero Nof uy sure ka okay
lang?" lambing ni Dani.

"Grabe ka Dani ang kulit mo, I said its okay. "Okay pero sure kayo I didn't ruin
your date ha" tukso ni Dani kaya natawa si Shirley habang si Onofre kumain nalang.

Tatlong oras lumipas sa parking area nakita ni Onofre si Dani na hinihila si


Shirley. Lumabas yung binata saka kinuha yung mga buhat ni Dani na shopping bags.
"Sorry ha nag shop narin kami pala" sabi ni Dani. "Yeah sure, tulog si Ninny" sabi
ng binata.
"Sige na, mauna na ako" sabi ni Shirley. "Don't be silly, ihahatid ka namin. Diba
Nof" sabi ni Dani kaya nalito yung binata at nagtungo na sa likuran ng kotse. "Nof
diba?" ulit ni Dani. "Yeah sure, Shirley dalhin mo na dito yung pinamili mo para di
malukot sa loob" sabi ng binata.

Nung nasa loob na sila ng kotse nagising si Nina, "Nof wash" bigkas niya. "No baby,
next time" sabi ng binata. "What wash?" tanong ni Dani. "Ay kanina nung kinuha
namin tong kotse aliw na aliw siya sa mga naghuhugas ng kotse"

"Then they let her hold the hose, tuwang tuwa siya. Relax she didn't get wet. Tapos
may photos and videos siya of course. Grabe halos ayaw na niya umalis don e" sabi
ni Onofre. "Did you have fun baby? Ha? Wash kayo?" tanong ni Dani saka
pinaghahalikan yung pisngi ng anak niya.

"Para kayong mag asawa" biglang banat ni Shirley kaya natawa ng malakas si Dani.
"Ikaw Shirley nagsisimula ka nanaman ha" sabi ni Onofre. "Sabi ko parang, if di ko
alam yung kwento niyo then at first look para kayong young couple" sabi ni Shirley.

"Ninny go to yaya Shirley" biro ni Onofre. "Yan sira ulo yan, she took a photo of
our tickets then ininggit niya friends niya. Then while inside she took a short
video of the movie hahaha. Grabe to pagkalabas namin ang bilis magtext hahaha" sabi
ni Dani.

Tumawa si Shirley saka napangisi, "Di naman nila babasahin, they will be tempted"
sabi niya. "Pero kinuwento mo talaga?" tanong ni Dani. "Oo kaya, kasalanan naman
nila e. Oh Nof favor naman pala, on the way can we stop over sa isang shop kasi my
mom texted me and she wanted some chocolate muffins" sabi ng dalaga.

"Nagliliho mom mo?" biro ni Onofre. "Hahaha baliw, menopause na yon no" sabi ng
dalaga. "Muffins, alam mo Nins never ate muffins. Sige nga bili din ako" sabi ni
Dani. "On the way sa amin meron shop don ang sarap ng muffins nila" sabi ni
Shirley. "So if magcocommute ka pauwi pano yon two rides?" tanong ni Onofre.

"Yes, no choice pero worth it naman" sabi ni Shirley. "So its just a shop?" tanong
ni Dani. "Oh no, para siyang coffee shop actually. Maliit lang siya pero specialty
nila talaga yung muffins and cupcakes" sabi ni Shirley.

"Nof can we stop there and grab coffee? My treat" sabi ni Dani. "Okay lang" sabi ng
binata. "Pero my treat talaga, mag promise ka naman" sabi ng dalaga. "Okay lang
nga" sabi ng binata. "Tsk, mag promise ka kasi. Last time sabi ko my treat pero you
paid. Mag promise ka" sabi ni Dani.

"Ganyan talaga mag asawa daw, laging nag aaway" banat ni Shirley kaya natawa ng
malakas si Dani habang si Onofre napailing nalang. "Okay I promise" sabi ng binata.
"Totoo yan ha" sabi ni Dani. "Ay grabe kayong mga babae, bakit ang kulit niyo?"
reklamo ni Onofre.

Sa maliit na coffee shop naenjoy ni Onofre yung muffin. "Huy huminga ka naman,
tignan mo ginagaya ka ni Ninny" sabi ni Shirley. "Ganyan talaga yan, may pagka
babsy pag type niya pagkain" sabi ni Dani. "Uy grabe ka huminga ka" sabi ni Shirley
kaya tumigil si Onofre saka ngumiti.

"Ikaw Shirley pag tumaba ako kasalanan mo, grabe I have never tasted this kind of
muffins. Grabe ang soft tapos ang galing sa loob may chocolate cream. Teka yung iba
ganito din ba? Parang donut na may stuffings e" sabi ng binata.

"Mag uuwi nga ako, excuse me" sabi ni Onofre saka umalis. "Grabe ganon ba talaga
yon? Nakakatakot panoorin" sabi ni Shirley. "Yeah, nung first time ko mapanood
grabe shocked ako pero nakaka engganyo din" sabi ni Dani.

"Ang laki nung muffin grabe wala pang one minute. Parang tatlong hiwa tapos tatlong
subo lang niya" sabi ni Shirley kaya natawa si Danny. "Nung nasa Vigan kami grabe
yan. Eto pa ha, if the food is close to his plate wag mo na galawin. Titignan ka
niya ng masama" sabi ni Dani.

"Vigan? Nag Vigan kayo?" tanong ni Shirley. "Ay oo, we invited him" sabi ni Dani
pabulong saka hinawakan kamay ni Shirley. "Kasi nga si Sly, alam mon a yon diba?
Long time crush tapos pagdating sa Pagudgud e sila na pala nung isang barkada" sabi
ni Dani.

"Yeah he told me about it" sabi ni Shirley. "So ayon, kasi he told me na thankful
siya na pinapaalaga ko si Nins sa kanya. So sabi ko if maiwan siya kawawa naman at
baka uminom lang. So we invited him to come with us. So ayun we went to Vigan then
we went to a resort sa Pangasinan" kwento ni Dani.

Nagpakita ng photos ang dalaga kaya si Shirley namangha. "Wow, dito talaga ito?"
tanong niya. "Oo, as in. Bago palang na resort yan pero ang ganda as in ang ganda.
I told my parents na pupunta kami nga e habang di pa siya sikat. Sobrang enjoy kami
don" sabi ni Dani.

"May details ka nung place, grabe ang ganda dito ah. Pero busy na ako so siguro sa
sem break if ever" sabi ni Shirley. "Yeah pero nasa bahay, palit tayo digits tapos
text ko sa iyo or better yet add kita sa FB" sabi ni Dani.

Nakabalik si Onofre na may dalang tatlong supot. "Eto sa bahay namin, three boxes.
Tapos eto sa inyo ni Ninny" sabi ng binata. "Oh my God naman" bigkas ni Dani.
"Omaygaaaaa" hiyaw ni Nina kaya natawa si Shirley. "Ano ka ba? She likes it at two
boxes lang yan. Tapos eto isa sa inyo naman Shirls" sabi ng binata.

"Uy hala to" sabi ng dalaga. "Basta kunin mo na. Chocolate muffin lahat yung isang
box tapos assorted yung isa" sabi ng binata saka naupo at sinilip na yung supot
niya. "Yung assorted sa kanila, akin yung isang assorted tapos all choco box" sabi
pabulong kaya tawang tawa si Dani at Shirley pagkat parang natatakam na agad yung
binata.

Ilang minuto lumipas sa tapat gate ng bahay nina Shirley hiyang hiya yung dalaga.
"Eto o" sabi ni Onofre saka inabot yung shopping bags at supot ng muffins. "Uy
grabe salamat ha" sabi ni Shirley. "You are welcome, so okay ka na?" tanong ng
binata. "Yeah, thank you" sabi ng dalaga pero agad tumalikod ang binata at naglakad
na palayo.

"Bye Ninny" sabi ni Shirley. "Bye bye" sagot ng bata. "Say thank you anak" udyok ni
Dani. "Thank you" sabi ng bata saka pinasikat yung bagong relo niya. "You are
welcome" sagot ni Shirley, bumisina yung kotse saka umandar na kaya kumaway yung
dalaga.

Nung makalayo konti, "You are welcome" landi ni Dani. "Huh?" tanong ng binata. "Now
you know where she lives" sabi ni Dani kaya natawa ng sobrang lakas si Onofre.
"Grabe ka, wala na ako balak don. Chance encounter lang talaga yon ano" sabi ng
binata.

"Malay mo, at least now alam mo saan siya nakatira" sabi ng dalaga. "Grabe ka,
tapos ang kulit mo kanina insisting we were on a date. Wala naman sa lugar sinasabi
mo kasi alam mo mismo wala ako balak lumabas" sabi ni Onofre kaya natawa ng malakas
si Dani.

"Grabe ka I am helping you out. Gustong gusto mo naman, o aminin mo I saw you
blushing" landi ng dalaga kaya todo bungisngis si Onofre. "Aminin mo na kasi, tapos
nakikit ako pa yung mga pasulyap sulyap mo. Whooo style mo hahahaa" sabi ni Dani.

"Grabe ka will you stop it. Wala na yon. Sabi ko nga sa iyo if ever just a friend.
Okay naman siyang kaibigan e" sabi ng binata. "Just a friend ka diyan. Naks first
regalo is two boxes of muffins. Yiheeeee" hirit ni Dani. "Yiheeeeeee" gaya ni Nina
kaya super natawa si Onofre.

"Hey syempre nakakahiya naman if kayo lang kinunan ko diba? Of course binilhan ko
narin sila" sabi ng binata. "Nakahanap ka ng paraan, mag thank you ka naman sa akin
at nabigyan kita ng opening" landi ni Dani kaya pulang pula na ang binata.

Pagdating sa bahay nina Dani pinilit nila na pumasok si Onofre. "Daddy this is
Onofre, Nof this is my dad. Daddy invite mo nga siya sa loob muna. Look he gifted
us with muffins" sabi ni Dani.

Todo hila si Nina sa binata kaya napakamot si Onofre. Inabot niya kamay niya sa ama
ni Dani saka nakipagkamayan. "Sir" bigkas niya. "Lolo...Nof Nof" sabi ni Nina. "Oh
so this is Nof, sige invite him inside" sabi ni Martin.

"Lika na kasi, wag kang mahihiya. Daddy naka pambahay siya kasi dinistorbo namin
siya. He took care of Nins kanina" sabi ni Dani. Sa may salas naupo si Onofre,
"Dani nakakahiya naman, look at me" bulong ng binata. "Bakit manliligaw ka ba?"
biro ng dalaga.

Napnganga si Onofre kaya si Dani tawa ng tawa. "Will you relax, may gusto ako
ipakita sa iyo. Diyan ka muna at bibihisan ko lang si Nins" sabi ng dalaga. Limang
minuto lumipas tumakbo si Nina papunta kay Onofre saka nagpakandong.
"Grabe ayaw na niya alisin yung watch" sabi ni Dani na tumabi sa binata saka
binuksan laptop niya. "Ninny pag sleep remove watch ha" lambing ni Onofre. "No"
bigkas ng bata.

"Ninny ganito o.." sabi ng binata saka inalis yung relo niya at umakting na tulog.
"Sleep nof mama sleep nof" bigkas ng bata. Nagising kunwari si Onofre saka sinuot
na relo niya. Inalis niya uit ito saka umakting na tulog.

"Ninny ganon" sabi ng binata kaya napatingin yung bata sa relo niyang bago. "Ninny
sleep" sabi ng binata kaya napatingin yung bata. Inaalis ni Nina yung relo niya
kaya tumulong si Dani. "Sleep nof" sabi ng bata kaya nagtulog tulugan naman yung
dalawa.

"O wake up" sabi ni Dani. Naupo yung dawala, sinuot naman ni Dani yung relo ng bata
kaya sinuot din ni Onofre relo niya. "Ganon, very good girl" sabi ni Onofre kaya
nagclap naman yung bata. Sa malayo napangiti si Martin kaya napalingon si Dani at
nakipagtitigan sa ama niya.

"So eto" sabi ni Dani kaya nanlaki ang mga mata ni Onofre. Natawa yung binata saka
nagtakip ng mukha. "Tignan mo na, we added each other kanina e. Uy gusto niya
tignan. Sige na tignan mo na" sabi ni Dani.

"Hahahaha grabe ka, I made a promise to her na I will never contact her" sabi ng
binata. "Di naman contact ito, stalk siya. Sige na enjoy" landi ni Dani. "Wag na,
thanks" sabi ng binata. "Hahaha o dikit ka, I will browse her profile tapos ikaw
bahala ka kung gusto mo maki browse" sabi ni Dani kaya tawang tawa na si Onofre.

"Okay, her recent post was this morning. Oh mahilig siya mag update ng status niya"
landi ni Dani kaya napasilip ang binata. "Huli ka" sabi ng dalaga kaya hinaplos ng
binata ang mukha niya saka tumawa.

"Grabe ka tinutukso mo ako e" sabi ni Onofre. "Well kanina sabi mo wag na, then
right there you could have left na. But you are still here so that means" sabi ni
Dani kaya natawa ulit si Onofre. "Tsk, its like cheating kasi e" sabi niya.

"Cheating? Ang sinabi mo lang sa kanya you will not make an effort to know her
number or email. O no effort to contact her. E eto naman titignan mo lang profile
niya, learn more about her ganon" sabi ni Dani.

"Ah sige...ah kunwari wag mo ako pansinin" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani.
"Okay, sige. Ninny look o who is this?" tanong niya. "Kyassss!" sigaw ng bata kaya
napapasilip na si Onofre.

"Oh look she is pretty right pero not that much because mommy is prettier right"
lambing ni Dani. "Ninny" sigaw ng bata saka tinuro yung isang photo. "Oh may photo
sila ni Nins" sabi ni Dani.
"Ay oo nag selfie din naman sila pero sila lang" sabi ng binata. "Oh look Nins, she
wrote something about you. The daughter of Onofre it says here" banat ni Dani.
"Ano?" tanong ng binata saka napatingin.

"Hahahaha joke lang. Look Ninny super plenty likes o, then they all say you are
super cute. O Nof may photo ka din dito" sabi ng dalaga. "Baliw kanina pa ako
nakatingin" sabi ng binata kaya super halakhak si Dani.

<ެA

=================

Chapter 10: Tuliro

Chapter 10: Tuliro

"Nof do you know a lot about cars?" tanong ni Dani. "Anong ibig mo sabihin? Di ako
expert pero alam ko alagaan yung kotse ko" sabi ng binata. "Kasi iniisip ko if
magpapabili narin ako. Kahit second hand lang sana" sabi ng dalaga.

"Marunong ka ba magdrive?" tanong ni Onofre. "Oo naman" sabi ng dalaga. "My sister
knows how to drive but my dad does not let her drive if kasama si Karlo. Dani di
sapat yung marunong" sabi ng binata.

"Marunong ako no. Gusto ko lang sana yung maliit lang" sabi ni Dani. "Is that
Ninny? Boses niya yon?" tanong ni Onofre. "Yup, habang kausap kita nandon sa bed
nagkukunwari kausap ka din" sabi ng dalaga.

"Alam mo ba Karlo does that too, pag mag isa siya he talks. Ganyan na ganyan,
walang sense pero daldal ng daldal" sabi ni Onofre. "Wait is Karlo there?" tanong
ni Dani. "Hahaha nabasa mo utak ko ah, teka kunin ko" sagot ng binata.

Nung kasama na ni Onofre si Karlo, nakakandong narin si Nina kay Dani. "Say hello
baby, sige na" sabi niya. "Hello" bigkas ni Nina. "Speaker phone para marinig
natin" sabi ni Onofre at satko narinig naman ni Dani yung sigaw ng binata.

"Noofff" hiyaw ni Nina. "Hello" bigkas ni Karlo kaya nanlaki ang mga mata ni Nina
saka tinignan nanay niya. Nagsimulang mag baby talk si Karlo, si Nina sumigaw at
nag baby talk din kaya laugh trip sina Dani at Onofre.

Palitan ng sigaw yung dalawang bata kaya tawa ng tawa si Onofre. "Dani may idea
ako, what if we let them play. Pero wala ako alam na play area for kids" sabi ni
Onofre. "Dito sa amin may park" sabi ni Dani.
"Ay shoot oo nga no, nadaanan ko last time nung sinubukan ko yung long route. May
swing at slides don na maliit" sabi ni Onofre. "Yeah, pag di ako tinatamad I bring
Nins there" sabi ni Dani.

"Busy ka ba? Wala kayo lakad?" tanong ni Onofre. "Wala naman, you coming over?"
tanong ni Dani. "Oo ipapasyal ko si Karlo. Okay lang ba?" tanong ng binata. "Yeah
sure, sige ba para for a change makalaro din si Nins" sabi ng dalaga.

Bandang alas diyes narinig na ni Nina yung busina. "Mama! Mama! Noff!" hiyaw ng
bata. "Yes yes wait lang anak" sabi ni Dani. "Mama! Nof! Nof!" sigaw ni Nina saka
hinampas yung pintuan. "Oo anak, grabe ka nag aayos pa si mama e" sabi ng dalaga.

Pagbukas ng gate napatigil si Nina nang makita na may kasamang batang lalake si
Onofre. Nagtago si Karlo sa likuran ng binata kaya si Dani natili. "Ang cute cute
niya" bigkas niya. "Mama sino? Sino mama?" tanong ni Nina saka tinuro yung bata.

"Karlo naman e, sige na don't be shy" sabi ni Onofre. Lumapit na sina Dani at Nina,
yumuko yung dalaga saka inabot yung batang lalake. "Hello there cutie" sabi niya.
"Nof sino?" tanong ni Nina. "Karlo" sagot ng binata. "Kalo?" bigkas ng dalaga kaya
natawa si Onofre.

"Kaloy nalang, Kaloy" sabi ng binata. "Kaluuuuyyyy" bigkas ni Nina kaya sumulip
yung batang lalake. "Uy there you are, hello Kaloy. This is Ninny" sabi ni Dani.
"Kaloy sige na, this is Ninny and tita Dani" sabi ni Onofre kaya tumingala yung
batang lalake para tignan si Dani saka tinignan si Ninny.

"Good sila Kaloy, play kayo ni Ninny gusto mo?" lambing ni Onofre. "Play" bigkas ng
bata. "Play!" sigaw ni Nina saka tumalon talon kaya si Kaloy tumalon talon narin.
Natuwa sobra si Dani lalo na nung humarap na si Karlo kay Nina.

"Nice, get in the car" sabi ni Onofre. "Wag na, lakarin nalang natin no. Malapit
lang yon" sabi ni Dani. "Ikaw bahala" sagot ng binata. "Come on lets walk. Go to
the park" sabi ni Dani. "Park! Yehey! Park! Park! Swing mama! Swing" sabi ni Nina.

"Yes anak" sagot ni Dani. "Kaloy swing! Swing!" sigaw ni Nina kaya nagtalunan yung
mga bata. Limang minutong lakad biglang tumakbo si Nina. "Ninny! Uy Kaloy! Madapa
kayo" sigaw ni Onofre kaya si Dani napangiti. Si Nina dumiretso sa swing habang si
Karlo napatigil sa tabi ng slide.

"You want here?" tanong ni Onofre at nag nod naman si Karlo. Binuhat ng binata yung
batang lalake saka pinaupo sa itaas. "Hold my hand" sabi ni Onofre at humawak naman
yung batang lalake. Sumigaw si Karlo, si Nina nanlaki ang mga sa inggit pagkat
tuwang tuwa yung batang lalake pagka slide niya.

"Takot na takot si Nins diyan, ayaw na ayaw niya noon pero look at her" sabi ni
Dani. "One more Kaloy?" tanong ni Onofre. "Up up" bigkas ng batang lalake kaya si
Nina dahan dahan nang lumapit. "Dani favor naman o, kindly take a video of him,
here use my phone" sabi ng binata.
Pagkaslide ni Kaloy sumigaw sa tuwa si Nina saka tinignan si Onofre. "Ninny you
want? Slide ka din?" tanong ng binata. Tumalon yung bata at tinaas agad mga kamay
niya kaya binuhat siya ng binata at pinaupo sa itaas.

"Wait, Nof dito ko narin kunin ha tapos paki send later" sabi ni Dani. "Sure sige
lang. Hold my hand Ninny, ready...set.." sabi ng bata saka nagsisigaw na yung
batang babae. Sobrang lakas ng sigaw niya pero pagdating niya sa baba tumawa siya
ng sobrang lakas. Nang makita si Karlo na tumatalon sa tuwa. Nagtalunan at tilian
yung mga bata, si Karlo naman sumunod saka si Nina.

"Uy Nof mapapagod ka" sabi ni Dani. "Okay lang, libre work out to. Pero ang bigat
ni Karlo grabe" sabi ng binata. "I think they can climb naman the steps sa likod"
sabi ni Dani. "Wag na, delikado. Ganito nalang para sure" sabi ni Onofre.

Ilang minuto lumipas biglang hinawakan ni Nina kamay ni Karlo. "Kaloy swing" sabi
niya sabay turo sa mga swing. Tumakbo yung dalawang bata, "Oh thank God" bigkas ni
Onofre saka haplos sa kanyang mga braso.

"Here magpunas ka" sabi ni Dani. "May panyo ako, mauna ka na don, habol ako" sabi
ng binata. "Nina no! Wait for mommy" sigaw ni Dani. Naignorante si Karlo, "Here o
sit. Sit" sabi ni Nina kaya napangiti ang nanay niya. Lumapit narin Onofre kaya
tinignan siya ng dalaga.

"Akala ko yoyosi ka" sabi ni Dani. "Ah maya na" sagot ng binata. "Kaloy sit o" sabi
ni Nina saka naupo sa swing. Umatras si Karlo, sinimulan na itulak ni Dani yung
swing kaya si Nina nagtitili. Napapangiti na si Karlo kaya tinitigan na niya yung
isang swing.

"Gusto mo din?" tanong ni Onofre. "Kaloooooy" hiyaw ni Nina kaya paspas na naupo si
Karlo saka tinignan si Onofre. "Nof push mo" sigaw ni Nina. "Ay bossy yang anak mo
ha" sabi ng binata.

Naaliw narin si Karlo kaya pareho silang nagsisigaw ni Nina. "Simple joys" sabi ni
Onofre. "Kaya nga e" sagot ng dalaga. "Alam mo natry ko naman na alagaan noon si
Karlo pero nabwisit ako kasi I could not make him stop crying. So nung naiwan sa
akin si Ninny I was really scared"

"Pero she is a good girl. Siguro tama mga naisip ko at that moment kasi there were
no toys hahaha. Pagkain lang ang nandon at buti nalang gusto niya banana. Then
cartoons sa tablet and that's it" sabi ng binata.

"Napalapit nga agad siya sa iyo kasi you spoil her and she likes it" sabi ni Dani.
"Funny kasi pati si Karlo napapalapit na sa akin. Inapply ko natutunan ko kay Ninny
sa kanya. Simple joys lang, siguro dahil sa age nila. Mas madali mag alaga ng bata
kesa manligaw" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani.

"Kayong mga babae hard to please, buti pa tong mga bata simple lang" sabi ng
binata. "Magkaiba yon" sabi ni Dani. "I know, pero pag palpak ka lagi sa buhay
itong mga pagpapaligaya sa kids e pambawi naman. Kahit papano masabi ko din ay may
talent din pala ako or ay may nagagawa naman pala akong tama" sabi ni Onofre.

"Tayo ka ng day care" banat ni Dani kaya super natawa si Onofre. "Salamat ha, akala
ko kaibigan kita" sabi niya. "Kaibigan nga, o diba business. Magkasosyo tayo if you
want" landi ni Dani. "Tapos may slide? No thanks" banat ni Onofre kaya tawang tawa
si Dani.

Tinigil ni Onofre yung swing, pinababa niya si Karlo at siya naman yung naupo.
"Kaloy push me" sabi niya at game na game yung bata na nagsisigaw saka tinulak yung
binata. "Mama down! Stop!" sigaw ni Nina. Bumaba din yung bata saka sigawan sila ni
Karlo habang sinusubukan nilang itulak si Onofre.

"Wag ka pagtigas" sabi ni Dani. "Tama lang yan, kunan mo sila ng video" sabi ni
Onofre. Biglang hinampas ni Karlo yung likod ng binata, "Aray masakit yon" sabi ng
binata kaya napahalakhak si Dani. "Grabe itsura niya galit na galit. May temper
itong si Kaloy" sabi niya.

Dalawang hampas natanggap ni Onofre, "Aray ko, sige na nga" sabi niya kaya ginamit
niya pwersa niya para gumalaw yung swing. Tilian at sigawan yung mga bata, tinuloy
nila sa pagtulak kay Onofre pero si Dani ninerbyos. "Baka umatras ka masyado
matamaan sila" sabi niya.

"Relax, nagpipigil naman ako, pero mag video ka dali" sabi ng binata. Pagtulak sa
kanya nung mga bata magpalaglag yung binata. Umariba sa tawa si Dani, "Sorry di
ikaw tinatawanan ko, yung reaksyon nila nung nalaglag ka" sabi ng dalaga.

Laugh trip bigla yung mga bata, "Nof sit sit" sigaw ni Nina. "Tignan mo yan Dani,
sadista tong anak mo" sabi niya. Naupo yung binata, sabay na tumulak yung mga bata
kaya umakting na nalaglag ulit si Onofre at nagsakit sakitan. Grabe yung tawa ng
mga bata, pero naaliw si Dani pagkat tinulungan nila tumayo yung binata at
ginabayan pabalik sa swing.

"Uy one more time then tama na, you are hurting yourself" sabi ni Dani. "Okay lang,
basta kunan mo sila ng video. Simple joys Dani, at testing ko narin sarili ko if
kaya ko maging stunt man" biro ng binata.

Matapos ang ilang laglag, pagkalapit nina Nina at Karlo hinila sila ni Onofre.
Sigawan yung mga bata pagkat napahiga sila sa damuhan. "Noooo dirty" sigaw ni Nina
kaya tumayo agad siya. Si Karlo at Onofre nanatili na nakahiga kaya ang batang
babae napatingin sa nanay niya.

"Sit on his tummy" sabi ni Dani. "Oy" bigkas ni Onofre. "Tummy mama?" tanong ng
bata. "Yes sige na sit on his tummy. Like how you sit on my tummy" sabi ni Dani
kaya natili si Nina saka pwersahan na naupo sa tiyan ni Onofre. "Diyos ko po"
bigkas ng binata.

Tumayo si Karlo "Oh no please...ay naku" bigkas ni Onofre nang pati si Karlo naupo
na sa tiyan niya. "Please don't bounce" bigkas ni Onofre kaya lumapit si Dani at
lumuhod para kunan ang facial reaction ng binata. "O ano magtatayo ka day care?"
tanong niya. "Hindi!" sigaw ni Onofre pero biglang umalis sa tiyan niya si Karlo,
lumuhod ang bata sa tabi saka yumuko at yumakap sa binata.

Gumaya si Nina kaya napangiti ang binata. "Lay down, look at the sky o. Look clear
blue sky then white clouds" sabi ni Onofre. "Kawds" bigkas ni Kaloy. "Bird Nof
look" bigkas ni Nina. Tinuro ni Karlo yung ibon kaya palakpakan yung mga bata.
"That cloud is the...nimbus, sa totoo nakalimutan ko na pero okay lang kasi di niyo
naman maalala tong pinagsasabi ko" banat ni Onofre kaya laugh trip si Nina.

"That one there is the chakanimbus because its so kalat kalat. That one naman the
thick one is the kapalanimbus and that small one beside is anaknikapalanimbus" sabi
ng binata kaya halos mamatay na sa tawa si Dani.

Ilang minuto lumipas naglalakad na sila pabalik, "Mag lunch kayo sa bahay" alok ni
Dani. "Hindi na, nakakahiya at baka hanapin na siya ni ate" sabi ni Onofre. "Sige
na, nandito na kayo and its almost twelve" sabi ng dalaga. "Next time siguro" sabi
ng binata.

"Sige na, ang arte mo naman. You can easily call up your ate and say you two are
having lunch here" sabi ni Dani. "Next time" sabi ni Onofre. "Sige na para magamit
ni Nina yung regalo sa kanyang play table. She has always wanted to eat on her play
table so now she has that chance kasi dalawa sila ni Karlo" sabi ni Dani.

"Fine, pero at least let me go get something naman" sabi ni Onofre. "Grabe ka wag
na. Alam ko naman gusto mo kasi hihiramin mo laptop ko diba?" landi ni Dani kaya
natawa ng malakas si Onofre. "May bago siyang post, bagong gupit din siya" hirit ng
dalaga.

"Sus, bagong gupit pero wala nagbago. Tulad mo, ano naman pinagupit mo noon?"
tanong ng binata. "Ay oo never ka nagka girlfriend so you will never get it" banat
ni Dani. "Alam mo dahil sa iyo I could not stop thinking about her" sabi ni Onofre.

"If I know kaya ka nag isip na mag play sina Karlo at Nins kasi gusto mo mag stalk"
sabi ni Dani kaya muling natawa si Onofre. "Wala ako pag asa don no" sabi ng
binata. "Ikaw lang nagsasabi niyan. You two seem to be okay naman e, as a girl I
don't see anything wrong with you naman" sabi ng dalaga.

"Yan ang akala mo, pero siya she already saw the dark side" sabi ng binata. "Do you
like her?" tanong ni Dani. "I think so" sabi ng binata. "Bakit think so?" tanong ng
dalaga. "E it all starts sa crush tapos getting to know each other pero sa amin
wala na siguro yung getting to know each other" sabi ni Onofre.

"Duh, everytime you are together getting to know stage na yon no" sabi ni Dani.
"Medyo pero chance encounters lang mga yon. Sa lahat ng chances na yon if wala si
Ninny sure ako di naman mag aaksaya ng oras yon sa akin e" sabi ng binata.

"Sure ka? Gusto mo tanong ko siyan?" tanong ng dalaga. "Ay grabe ka walang ganyanan
naman" sabi ni Onofre. "Para magkaalaman na" sabi ni Dani. "Teka are you two
communicating? I mean friends na ba talaga kayo?" tanong ni Onofre.

"Well we did chat one time" sabi ng dalaga. "About what? Ikaw nag start?" tanong ni
Onofre. "Nope, siya yung nagchat sa akin. Nagulat nga ako e, she just made kwento
about how her friends unfriended her muna sa FB kasi she really posted major
spoilers hahaha" kwento ng dalaga.

"Grabe din yun ano? May pagka maldita" sabi ni Onofre. "Pero kahit na ganon you
still like her naman" sabi ni Dani. "Yeah but..." sagot ng binata. "Wait, stop
there, o alam mo may maldita side siya pero you still like her. What makes you
think na yung nalaman niya about you will stop her from liking you? I mean if
niligawan mo what makes you think she cannot look past yung nagawa mo na noon?"
tanong ng dalaga.

"Nasabi ko na sa iyo diba? She didn't bother to intro me to her friends o kahit si
Ninny man lang sana. That says a lot, yung tipong no need kasi who you ka naman sa
akin. Parang I was just there, baka wala lang siyang magawa at focus lang siya kay
Ninny talaga" sabi ng binata.

"Oh well bahala ka, pero you still want to look at her profile?" tanong ng dalaga.
"Yes please" sagot ng binata kaya umariba sa tawa si Dani. "O ano? Honest na nga e"
sabi ni Onofre. "Torpe ka siguro" sabi ni Dani.

"Di ah, makapal mukha ko no. Ay teka nasan na sila?" tanong ng binata kaya nagpanic
si Dani. "Hala ayon, grabe nauna na sila" sabi ng binata. "Oh my God, I didn't even
notice nauna na sila. Hala grabe sorry" sabi ni Dani.

"Okay lang kasi nandon pala dad mo o, and he has goodies" sabi ni Onofre. "Napansin
mo ba?" tanong ng dalaga. "Medyo, alam ko they were ahead of us pero ilang hakbang
lang. Parang nag gagayahan pa nga sila ng steps e pero tsk I too got lost sa usapan
natin" sabi ng binata.

"Well buti nalang malapit lang, lets not talk about this. Mapapagalitan ako" sabi
ng dalaga. "Duh, lalo na ako no" sabi ni Onofre. "And who is this is little boy?"
tanong ni Martin. "Kalooooooy" bigkas ni Nina palandi kaya yumuko yung matanda saka
inabot yung pastillas sa batang lalake.

"Open lolo, open" sabi ni Nina. "Good noon sir" bati ni Onofre. "Oh Nof, is this
your kid?" tanong ng matanda. "No sir, anak ng ate ko po" sagot ng binata. "Thank
you" sabi ni Karlo kaya napangiti yung matanda. "Look at that Nina he knows how to
say thank you. No one even reminded him" sabi ni Martin.

Inirapan ni Nina yung lolo niya saka kumagat sa pastillas. Hinila niya kamay ni
Karlo saka pumasok sila ng gate. "Hala" bigkas ni Onofre kaya natawa si Dani. "May
pinagmanahan, pag pinapagalitan si Dani ganyan na ganyan ginagawa. Tignan mo
ginagaya ka ng anak mo" sabi ni Martin.

"Si daddy talaga. Ay dad kakain sila ng lunch dito pala" sabi ng dalaga. "Sure. Nof
this car is 2013 model right?" tanong ni Martin. "Ay yes sir, pero second hand na
nabili to. Bale rush sale po siya kaya malaking natipid po namin" sabi ng binata.

"Nina the one you wanted was something like his right? Because you could not stop
talking about his car" sabi ni Martin. "Daddy! I just said maganda car niya. Its
too big, gusto ko lang yung maliit" sabi ng dalaga. "Maliit? Aanhin mo yung maliit
pag lumaki na si Nina?"

"Its either an SUV like this or a hatchback" sabi ni Martin. "Sir gusto niyo itest
drive?" tanong ni Onofre. "Bakit binebenta mo ba?" tanong ng matanda kaya napakamot
ang binata. "Hindi po" bulong ni Onofre kaya natawa yung matanda.

"Ganyan talaga si daddy, palabiro yan. Masanay ka na" sabi ni Dani. "May
pinagmanahan ka" banat ni Onofre kaya natawa yung matanda.

gJqA'_k�,n

=================

Chapter 11: Hinala

Chapter 11: Hinala

Bago dinner time kinabit ni Onofre yung laptop sa TV nila. Nakaupo si Tomas,
Clarisa at Olive sa sofa at si Karlo nakakandong sa kanyang lolo. "Okay so this is
where we went today. Karlo who is that?" tanong ng binata saka tinuro si Nina sa
screen.

"Ninny!" sigaw ng bata. "Yes that is Karlo's new playmate. Grabe enjoy na enjoy
niya yung slide" sabi ng binata. "Saan yan?" tanong ni Tomas. "Ah sa park sa
malapit kina Dani. Eto po si Dani, wait mamaya kasi siya yung kumukuha ng video"
sabi ng binata.

"Bale saging business nila kaya madami kaming inuwing banana chips. Gustong gusto
ni Kaloy actually kasi sakto lang tigas niya. Crunchy siya pero not that hard" sabi
ng binata. "Wow Kaloy you had fun ah. Hala o sigaw ng sigaw ha" sabi ni Olive.

"Okay so you enjoy watching at maliligo lang ako" sabi ni Onofre. Pagkaalis ng
binata napatingin si Criselda kay Olive. "I think inuunti unti niya" sabi ng
matanda. "Oo nga po, pero maybe lets tell him that we know already" sabi ni Olive.

"Will you let him be. Let him be a man. Look the young girl is healthy and looks to
be doing fine. At least I know where his money is going to. And what did you notice
lately? He has not been drinking and naglessen yung pag smoke niya"
"Di niyo ba napansin yon? Dati e labas siya ng labas sa garden to smoke pero now he
barely goes out" sabi ni Tomas. "Para di na siya mahirapan" sabi ni Criselda. "Hon,
at least he is showing that he is responsible. Let us wait for him to tell us the
truth. Siguro nga dinadahan dahan niya so antayin natin siya" sabi ni Tomas.

"Sabagay, today is the birthday of Ferds and Nof is at home. Dati dati pag may
barkada siyang may birthday umaga palang wala na siya. Kanina tawag ng tawag sina
Sly dito looking for him. They even came over to pick him up pero wala pa sila"
kwento ni Olive.

"You see that, he is changing on his own" sabi ni Tomas. "Pustahan tayo ma anytime
soon may bisita tayo" sabi ni Olive. "Awww ang cute niya e ano? Tignan mo halos
pareho sila ng mata din ni Karlo" sabi ni Criselda.

Samantala sa loob ng kwarto ni Dani abala ang dalaga sa kakaupload ng mga photos at
videos nang makatanggap siya ng private message.

Shirley: O dalawa na pala anak niyo

Dani: LOL. That is Karlo his pamangkin

Shirley: Joke lang. Ang cute ng reaction nila nung nalaglag si Nof

Dani: IKR! Pause video nga ako tapos screen grab ko e, ang cute nila

Shirley: Well yun lang. I just found them so cute

Dani: Uy wait do you have the number of Nof?

Shirley: LOL wala no. Ikaw meron non

Dani: He changed e. Dito lang kami Messenger nag uusap pero off siya now

Shirley: Baliw we kami friends dito or we don't each others numbers

Dani: Ah okay, ang slow naman na manligaw non

Shirley: Hahaha wag kang gagawa ng issue ha

Dani: Issue? E tuwing magkasama kami ikaw binabanggit niya e


Shirley: Hahaha baliw.

Dani: Totoo no. Akala ko naman nanliligaw na talaga siya sa iyo

Shirley: Nope.

Dani: Why di mo sya type ba? Okay naman siya ah

Shirley: He is okay.

Dani: Pero kulang, okay I get it

Shirley: Uy wala ako sinabi. Okay naman siya

Dani: Ah whatever, I hope you two end up together

Shirley: Hahahaha wish ko nga din yon sa inyo e

Dani: Baliw! Gusto mo kunan ko siya ng secret recording next time?

Dani: To prove na he really likes you? Sige gagawin ko nga yon

Shirley: Hala to, para kang sira ahahaha.

Dani: Ayaw mo kasi maniwala e

Shirley: Change topic hahaha.

Dani: O sige na pala, dinner na kami. Bye

Shirley: Bye! Say hi to Ninny for me

Bandang alas nuebe ng gabi habang nakaharap sa laptop biglang nagka private message
si Onofre. "Busy?" tanong ni Sly pero di sumagot ang binata. Kinuha ni Onofre phone
niya saka tinawagan si Dani.

"You awake?" tanong ng binata. "Obvious ba? O napatawag ka" sabi ni Dani. "I have
been ignoring the message of Sly the whole day and just now nag send siya ng pm"
sabi ng binata. "Hahahaha grabe ka ano ako MMK hotline mo?" tanong ng dalaga.

"Excuse me ikaw ang closest friend ko as of now. I cant ask my ate for advises
about this stuff nakakahiya" sabi ng binata. "Ah sa akin hindi ka nahihiya?" tanong
ni Dani. "Ah okay sige sorry" drama ng binata. "Uy wait, grabe ka di ka na mabiro.
Wait kaya pala lagi off messenger mo ano?" tanong ni Dani.

"Oo kuripot yon e. Di nagtetext, gusto lagi messenger or Viber. Alam ko naman
birthday ng barkada ko today e at di ko sila sinipot" sabi ng binata. "Ah kaya pala
pumunta kayo dito. Para may excuse ka" sabi ni Dani.

"Di naman, well siguro partly. Namiss ko di si Ninny. Tapos Karlo needed a
playmate. They had fun so it was a good day" sabi ni Onofre. "E ako di mo ako
namiss?" biro ni Dani kaya natawa si Onofre. "Yung laptop mo ba pinag uusapan natin
dito?" tanong niya. "Uy naka chat ko siya kanina" sabi ni Dani.

"Wait lang, ako nauna. So please me first" sabi ng binata. "Okay sige go" sabi ni
Dani. "So ayon whole day I have been ignorning her and also my other friends. Di ko
na alam ano sinasabi nila sa messages kasi di ko sila inoopen para di nila masabi
na seenzoned ko sila" sabi ng binata.

"Well di man seenzone pero nakikita naman don kung kailan ka last online so they
will know that you are still ingorning them" sabi ni Dani. "Oh shoot oo nga no"
sabi ni Onofre. "Like now, Nof status online now" sabi ng dalaga.

"Well so sagutin ko na?" tanong ng binata. "Ikaw ba, kung bitter ka pa e di wag
hahaha" sabi ni Dani. "Obvious ba? Kailangan pa ba ispelling yon? Di naman bitter,
hurt lang. Nakaka offend na ako pa yung last to know" landi ni Onofre.

"Wow arte mo ha" sabi ng dalaga. "Ah basta ganon. Bakit pa niya ako kinokontak
kasi? To add insult to injury?" tanong ni Onofre. "Ayaw mo kasi maniwala sa akin e,
you almost won her but may kulang lang talaga kaya di ka napili. Pero wag sasama
loob mo kasi she likes you and concerned siya sa iyo"

"Ganon na ganon ang reaksyon ng babae pag nanliliit siya kasi may mas maganda sa
kanya hahaha" sabi ni Dani. "Wait tinangay na ata bubong namin" banat ni Onofre.
"Hahaha sira, I am just saying na hindi dapat ganon reaksyon niya nung nakita niya
ako. Naka defensive mode siya e, if wala siyang feelings for you then she could
have smiled and felt happy kasi may magandang kang friend pero hindi e"

"She felt tensed hahaha" hirit ni Dani. "Tinangay na yung kotse ko. Sige lang Dani
okay lang basta nag eenjoy ka" sabi ng binata. "Hahaha grabe ka. Being honest lang"
landi ng dalaga.

"So ano sasagutin ko ito o hindi?" tanong ni Onofre. "Wag na" sagot ng dalaga. "Wag
na?" tanong ng binata. "Oo wag na, saksak niya sa baga niya concern niya" sabi ni
Dani kaya napalakas yung tawa ng binata.

"Joke lang, pero if you want open it then read her messages. Reply ka nalang" sabi
ng dalaga. "Dati sabi mo sa akin be nice to her kasi we may never know what could
happen" sabi ni Onofre.
"I did say that. Totoo yon e. Pero ikaw halatang bitter na bitter ka na at ayaw mo
maniwala kaya sige buksan mo, basahin mo tapos seenzoned mo. Ayos ba?" sabi ng
dalaga. "What if important lang pala sasabihin?" tanong ng binata.

"Abay sagutin mo. Grabe ka naman pati yon itatanong mo. Common sense na yon ha"
sabi ni Dani. "Oo nga no. Pesteng babae to, kinabaliwan ko ng sobrang tagal. Ang
dami tuloy pinalampas e"

"Tsk alam mo ba yung isang crush ko sasali ng binibining Pilipinas na. Grabe kami
dapat non e. Grabe parang ang daming nakapila noon para lang makilala ako" sabi ni
Onofre.

"Nof wait lang ha kasi tinangay ng malakas na hanging si Nins" banat ni Dani kaya
natawa yung binata. "Feeling ko nga babaero ka e" sabi ni Dani. "Ano? Grabe ka
naman" reklamo ng binata.

"Yup, feeling ko lang. Di ko lang sure kung kinder or nursery mga chicks mo kasi
sila yung kaya mo utuhin" sabi ng dalaga kaya super tawa si Onofre. "Harsh, very
harsh" sabi ng binata. "Joke lang, so ano sinagot mo ba?" tanong ng dalaga.

"Yung sasali ng pageant? Hindi no. Niligawan ako pero tsk...sayang nga e" landi ni
Onofre. "Hahahahaha sige pagbibigyan kita. O ano may artista ka din bang muntikan
nang naging girlfriend?" tanong ni Dani.

"Lima ata" sagot ni Onofre kaya tawang tawa yung dalaga. "Sagutin mo na si Sly. If
I know naka open profile niya e" sabi ng dalaga. "Nope, profile mo naka open.
Ninanakaw ko yung photos na di mo sinend sa akin" sabi ng binata.

"Ay oo nga no. Hala wait. Sorry naman. Wag mo na kunin diyan. Pangit na quality pag
kuha sa FB. Send ko nalang sa email mo. Bakit di mo kasi pinaalala sa akin?" sabi
ng dalaga.

"Kasi nakalimutan ko din, ngayon ko lang naalala pag open ko ng profile mo" sabi ng
binata. "Ah okay, wait as I was saying teka lang ha. May kukunin lang akong
screenshot to prove nag chat kami ni Shirls" sabi ng dalaga.

"Please wag na, ano ba sabi niya?" tanong ng binata. "Hahaha kaloka ka. Wait send
ko sa iyo screenshot para ikaw mismo magbasa. Baka sabihin mo gumagawa lang ako ng
kwento e" sabi ni Dani.

"Wait so your dad is going to buy you a car?" tanong ni Onofre. "Yup pero mag
refresher daw muna ako. Kasi last time nag drive ako was two years ago pa" sabi ng
dalaga. "So mag eenrol ka driving school?" tanong ng binata.

"Hindi ah, sabi ko sa dad ko ikaw magtuturo sa akin. Di naman need magturo pero
parang driving buddy lang. Automatic naman kukunin ko e" sabi ng dalaga. "Ako? Pero
yeah sure okay lang naman" sabi ng binata.
"See sabi ko nga. Now the debate is hatchback or compact SUV. Ano sa tingin mo?"
tanong ng dalaga. "Well pag ako SUV kasi madami masasakay. Kinuha ko lang naman yon
thinking about her and of course her friends pero okay narin hatchback" sabi ni
Onofre.

"Parang ang laki kasi pag SUV" sabi ni Dani. "Matangkad ka naman at bongga kaya
tignan if pretty chick driving big cars" sabi ng binata. "Naks, ulitin mo nga
sinabi mo" landi ng dalaga. "Pretty chick na malinis tenga" sabi ng binata.

"Hahahaha grabe ka. Ay wait yung isang pinsan ko pala nagtatanong sino ka daw. Sabi
ko a friend, then sabi niya cute ka daw" kwento ng dalaga. "Ahem, cousin Dani so
kailangan ka magpapaturo?" banat ni Onofre. "Hahahaha wait his name is Mark" sabi
ng dalaga.

Di sumagot si Onofre kaya napahalakhak si Dani. "Joke! Babae! Icheck mo yung photo
na post ko yung bukang buka yung bibig ni Nins tapos nandon ka sa tabi niya. Look
for the name Mariel" sabi ng dalaga.

"Uy...hello" bigkas ni Onofre. "O diba? You want to meet her?" tanong ni Dani. "Ah
Dani...e kasi I was thinking about what Ton said. May pinsan kang lalake? Pwede don
nalang ako?" banat ni Onofre.

Super halakhak si Dani kaya biglang umiyak si Nina pagkat nagising ito. "Hala ka,
ayan kasi" sabi ng binata. "Wait hahaha wait wait" sabi ng dalaga saka namatay yung
tawag.

Nagpop up yung incoming call notification sa screen ni Onofre kaya agad niya
sinagot yung Skype video call. "O ayan siya o" sabi ni Dani. Sa screen nakikita si
Nina na umiiyak pero nang makita mukha ni Onofre nagpunas ito agad ng luha.
"Nooooffff" bigkas niya sa tuwa.

"Oh she looks so scary" biro ng binata. "Hindi nakaayos ang hair. Nins say good
evening Nof" turo ng dalaga. "Gobning Nof" sabi ng bata. "Good evening Ninny" sagot
ng binata. Nooofff mama" sabi ng bata saka tinuro ang binata sa screen.

"Yes anak, video call siya" sabi ni Dani. "Nooof" sabi ni Nina saka hinaplos yung
screen. Natawa si Onofre pagkat nalito yung bata. "Anak video call e, he is not
really here" sabi ni Dani. "Ninny kinulong ako ng mama mo, help me Ninny" biro ni
Onofre.

"Baliw, look she looks confused. She understands a phone call kasi nag usap na kayo
lagi sa phone pero now lang sa video chat" sabi ni Dani. "Go back to sleep na
Ninny" sabi ni Onofre. "Hindi ganon kadali pag nagising tapos may nakitang
interesting. Puyat mode nanaman to" sabi ni Dani.

"Sorry pero it was your fault" sabi ng binata. "Okay lang no, may technique ako, we
watch cartoons and eventually she falls asleep. Pero ngayon mulat na mulat siya
which is bad kasi naintriga kasi nakita ka sa screen" sabi ni Dani.

"Ninny sleep..sleep o" sabi ni Onofre saka pumikit. "Sleep mama" bigkas ng bata.
"Sleep Ninny...sleep" sabi ni Onofre saka sumulip at nakita na kinukulit ng bata
nanay niya para matulog na. "Thanks, sige na bye" sabi ni Dani. "Youre welcome"
sagot ng binata saka namatay na yung tawag.

Pinatay na ng binata laptop niya, pagkahiga niya sa kama biglang nagring phone
niya. "Uy Dani" sabi niya. "May Skype ka sa phone? Vid chat nga, bigla siyang
nagwala nung di ka na makita" sabi ng dalaga. "Okay okay on ko then tawagan kita.
Gamit mo phone mo?" tanong ng binata. "Yeah" sagot ng dalaga. "Sige patayin mo na"
sabi ni Onofre.

Nakivideo chat ang binata, "Nooof sleep" sabi ni Nina. "Tignan mo to katatawag ko
lang sleep agad?" biro ng binata. "Sige na para matulog na" bulong ni Dani. "Sleep
Ninny o, o sleep" sabi ni Onofre. Bungisngis si Dani kaya nagtaka yung binata.

"Ganda ng pillow case mo ah" sabi ng dalaga. "Kasi favorite ito ni Karlo, he
sometimes sleeps here" palusot ng binata. "Hahaha talaga? You told me pagkabalik mo
lang saka mo inalagaan si Karlo e. O ano?" sabi ni Dani kaya natawa na si Onofre.

"Patingin ng bedsheet" sabi ni Dani. "Naman o" reklamo ng binata saka tumayo at
kinunan ng video kama niya. "Look Ninny o, who is that?" tanong ni Dani. "Sester!
Bas banny" sigaw ng bata. "Sylvester, Bugs Bunny and who is that bird?" tanong ni
Dani.

"Tuti bird mama" bulong ng bata pagkat hindi siya sigurado kaya natawa si Onofre.
"Tweety bird, ganda ng bedsheet ni tito Nof ano?" landi ni Dani. "Luma na ito, as
in nung bata pa ako pero pwede pa naman e" sabi ng binata. "Uhuhmmm...let me see
your closet, may hunch ako"

"I am guessing you have Taz shirts tapos yung Martian" sabi ni Dani. Paspas na
binuksan ng binata closet niya saka pinasikat yung mag binanggit ng dalaga. "Teka!
Stalker ka din ng profile ko ah" sabi ng binata. "Hahaha oo, bored ako so nag
browse ako ng photos mo"

"Astig kaya porma mo. Kahit na cartoons shirt, jeans then Chucks lang kaya mo naman
dalhin e" sabi ng dalaga. "Really?" tanong ng binata. "Yeah, grabe ang dami mong
cartoons shirts kaya, at isa pa lalakeng lalake ka" sabi ni Dani.

"What do you mean?" tanong ng binata. "Basta, hindi ka pagkakamalan na girly" sabi
ni Dani. "Sinusuot ko lang ito pag family outings pero never sa school" sabi ng
binata. "Okay lang kaya, try mo yung yellow shirt then jeans" sabi ng dalaga.

"Itong yellow? May ate gave me this as a joke. Tignan mo it's a giant Tweety bird
face. Never ko pa sinuot" sabi ng binata. "Wear it, tapos blue jeans, ewan ko if
meron ka nung yellow shoes kasi sina Joel meron ata. Collectors daw ata Kobe
something" sabi ng dalaga.
"Meron ako non hehe, bagay ba?" tanong ng binata. "Yeah, para minion na tawag namin
sa iyo" banat ni Dani. "Salamat ah..uy tulog na siya" sabi ng binata. "Ay oo nga
no" sagot ng dalaga. "You better get some sleep too" sabi ni Onofre.

"You too, salamat ha. If di ako makatulog pa itetext kita" sabi ng dalaga.
"Well...sige pero pag di ako sumagot in between tulog na ako. May tendency akong
ganon e" sabi ng binata. "Ows sino naman katext mo?" tanong ni Dani.

"Lalake" sagot ng binata. "Ahahaha okay I get it, si Sly. Sige na. Text nalang"
sabi ni Dani. "Goodnight" sabi ng binata. "Anong goodnight, text muna. Di pa ako
inaantok. Be fair, isleep Dani mo din ako" landi ng dalaga. "Haha fine, sige sa
text" sabi ng binata.

=================

Chapter 12: Dark Side

Chapter 12: Dark Side

Sa loob ng grocery panay ang bangga ni Veronica kay Dani. "Ano ba?" reklamo ni
Dani. "Wala lang, lagi kayong magkasama ni Nof" landi ni Veronica. "Selos ka?"
banat ni Dani kaya natawa si Veronica.

"So ano ba? Meron ba?" tanong niya. "Wala gagi to. Parang second BFF ko lang, bakit
interested ka? Sabihin mo lang bes pero alam mo if ever interested ka naku go for
it. Di ka magsisisi" sabi ni Dani. "O bakit mo pinapasa sa akin?" landi ni
Veronica.

"Ang kulit mo ha. Ayaw mo maniwala? Tara tara itanong natin siya" sabi ni Dani. "Uy
grabe wait, nagbibiro lang ako no" sabi ni Veronica. "Wag kasi ganon na joke no.
Just because he is a guy hindi ko na siya pwede maging BFF din?" tanong ni Dani.

"Ganon naman diba? If may BFF kang guy laging may issue" sabi ni Veronica. "Kay Nof
wala, ang bait niya pero malakas tama ng katamaran minsan" sabi ni Dani. "What do
you mean?" tanong ni Veronica.

"Look at him, nakapambahay lang. Ayaw niya actually lumabas today pero pinilit ko
siya na samahan tayo no" sabi ni Dani. "Pinilit mo lang? Bakit mo pinilit?" tanong
ni Veronica. "Para after this we can go around for a while" sabi ni Dani.

"Wow user ka na" sabi ni Veronica. "Friends nga e at wala naman daw siya ginagawa
so now meron na" sabi ni Dani. "Grabe ka, taking advantage ka naman na" sabi ng
kaibigan niya. "Last na talaga, kasi naman pag lalabas ako gusto sumama ni Nins
lagi e" sabi ni Dani.
"Babayaran naman e" narinig nilang sigaw ni Onofre kaya napatakbo sila. "Ayan o
ayan o, nandyan lahat ng kinain namin o. Regular naman ako dito ah. Ayan umiyak na
yung bata kasi tinakot mo gago!" sigaw ng binata saka kinarga si Nina.

"Sir baka kasi di niyo bayaran" sabi ng isang undercover guard. "Bago ka siguro
dito! Tawagin mo manager, dalian mo!" sigaw ni Onofre. "Nof what happened?" tanong
ni Dani. "E gago yan e, akala niya siguro di ako magbabayad. Kaya nga nilalagay
parin sa cart yung wrapper at mga box ng juice e" sabi ni Onofre.

Inabot ng binata si Nina sa nanay niya nang makita niya yung assistant manager. "O
diba you know us? Regular kami diba? Tapos ngayon sisitain ako nitong bagong tauhan
niyo. Ayan o mga pinagkainan. A lot are doing it at wala naman napaskil na rule na
bawal kumain or tikman before di pa bayad"

"Look around, kaya nga sikat kayo kasi you allow this to happen pero just because I
look like this now sinita ako? Discrimination na ito" sigaw ni Onofre. "Sir please
calm down. Sir I apologize for the misunderstanding" sabi ng assistant manager.
"Anong misunderstanding? Porke ganito suot ko sinita ako pero yung super sexy chick
na naka pipi shorts kanina na kumakain ng cheese balls okay lang kasi maganda"

"Ayon o! Nakapila na, pabukas mo yung can at makikita mo dami nang bawas" sabi ng
binata. "Nof tama na, let it go" sabi ni Dani. Kinuha ni Onofre si Nina saka
pinaupo ulit sa loob ng cart. "Nakakasira ng grocery experience, nyeta" sabi ng
binata saka tinulak yung cart palayo.

"Hey what the hell was that?" tanong ni Dani. "Tsk sorry pero di naman ako
magrereact ng ganon if hindi niya pinaiyak si Ninny" sabi ng binata. "What did he
do?" tanong ng dalaga. "Inopen ko yung bagong chocolate tapos yung kupal na yon
inagaw sa akin kaya ayon umiyak si Ninny" sabi ng binata.

"Grabe ka, ang dami mo na pinakain sa kanya" reklamo ni Dani. "O wag mo papalitan
yung issue. Stick to one issue" sabi ni Onofre kaya pigil tawa si Veronica. "Fine
pero sana naman nag tone ka, kawawa naman yung guy" sabi ni Dani.

"Kawawa? Discrimination yon. Talagang hinayaan niya yung sexy chick, she ate cheese
balls tapos uminom pa ng Gatorade" sabi ni Onofre. "Baka hindi niya nakita" sabi ni
Dani. "Impossible, he followed her and yes we followed her too" landi ng binata.

Natawa na si Veronica kaya si Dani nahawa bigla. "O what? She was really hot. Yes I
know I am already with two pretty girls, you and Veronica pero grabe yon e. Ang
iksi ng shorts tapos basta. It's a guy thing" sabi ni Onofre.

"Kaya pala nagreact" sabi ni Veronica. "O diba? Ano gusto niya mag pipi shorts din
ako para di ako mahuli. Porke ganito itsura ko ngayon kaya niya ako laitin? May
CCTV to prove it, makikita naman nila na he followed her and saw her eating pero
hindi niya sinita" sabi ni Onofre.
"Grabe ka di na makuntento sa amin and yung tinuro ang layo ng ganda namin don ha"
banat ni Dani kaya natawa si Onofre. "Ninny kapit, lumakas ang wind. Kapit Ninny"
sabi ng binata saka pinatakbo yung karto ng sobrang bilis palayo kay Dani.

Pagka pasok ng mga groceries sa kotse nagpacute si Dani. "Yeah yeah nagets ko na"
sabi ni Onofre. "Lilibot lang kami saglit" sabi ng dalaga. "Come on tell me the
truth, if manlalake kayo nandito naman ako ah" biro ni Onofre kaya nagatawanan yung
mga babae.

"Derma" sabi ni Veronica. "Derma, why? May infection ba or skin disease?" tanong ni
Onofre. "Wala but...we just want to look pretty" sabi ni Dani. "Pretty? You two are
already pretty. My God" bigkas ni Onofre. "Omaygaaaaa" hiyaw ni Nina saka tumawa
kaya inayos ni Onofre yung pagkarga sa kanya. "Di mo maiintindihan kasi lalake ka.
Tulad ng sinabi mo kanina about the alleged hot chick, it's a guy thing. Eto naman
it's a girl thing" sabi ni Dani.

"Ah ewan ko sa inyo, ganda ganda niyo na nga e. Come Ninny yosi tayo doon" sabi ni
Onofre. "Yosiiii" bigkas ng bata. "Hoy wag naman" reklamo ni Dani kaya natawa ang
binata. "As if naman gagawin ko, sige na punta na kayo. Hoy wag masyado baka
mainlove ako sa iyo" banat ng binata.

Pagkalayo ng mga dalaga biglang siniko ni Veronica si Dani. "Namula ka ah" landi
niya. "Huh? Anong namula?" tanong ni Dani. "Blushed, yiheee. Kinilig ka don e I
know" sabi ni Veronica. "No, grabe ka ang taas ng araw no. Alam mo naman may royal
skin ako na pag naarawan namumula agad" sabi ni Dani.

"Sabi mo e" sagot ni Veronica. "What is that supposed to mean? Grabe ka nagkokonek
ka nanaman ha" sabi ni Dani. "Wala ako sinabi no. Tara na" sabi ng dalaga.

Dalawang oras lumipas sa parking area nagpanic si Dani pagkat wala na don yung
kotse ni Onofre. "Oh no, umalis na sila?" tanong niya. "Tawagan mo" sabi ni
Veronica. Agad tumawag si Dani at agad naman sumagot si Onofre. "Nof san kayo?"
tanong ng dalaga.

"Mama" sigaw ni Nina kaya napangiti ang dalaga. "Hello baby, where are you?" tanong
ng dalaga. "Hello, nandito kami sa bahay niyo. Kasi naman di ka nag iisip na bumili
ka ng frozen goods and ice cream. So pag nag antay kami e d tunay na mga yon" sabi
ng binata.

"Ay oo nga, hala I forgot" sabi ng dalaga. "So nandito kami. Uuwi na dapat ako
kanina pero ayaw ako paalisin ni Ninny. So we are playing with her cooking set"
sabi ng binata. "You are?" tanong ng dalaga.

"I think that is what we are doing, ewan ko di ko siya maintindihan. Para siyang
host ng isang cooking show" sabi ni Onofre. "Hahaha yeah kasi mama ko mahilig
magluto tapos ineexplain niya kay Nins mga ginagawa niya" sabi ng dalaga.

"Okay, pauwi narin ako mamaya" sabi ni Onofre. "Teka, uuwi na kami. Diyan ka na
kumain ng lunch" sabi ni Dani. "Hindi na, uuwi na ako" sabi ng binata. "Mag uuwi
kami ng pizza" sabi ni Dani. "Thanks but alam mo naman matakaw ako" sabi ni Onofre.

"I know that is why we are getting two boxes of the biggest ones kasi sleep over si
Veronica diyan and we are gonna do some movie marathons so...." sabi ng dalaga.
"You need someone to eat the pizza" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani. "Parang
ganon at si Nins sana...last na promise kasi naipon yung mga DVD" sabi ni Dani.

"Fine, I hate mushrooms and those green and red pepper. Yun lang para alam mo" sabi
ng binata. "Okay noted, triple cheese?" tanong ng dalaga. "Oh yes please" sabi ng
binata. "Okay sige bili na kami then uwi na kami" sabi ng dalaga.

Bandang ala una sa dining area medyo nakataas kilay ni Sarah habang pinapanood si
Onofre na kumakain. Aliw na aliw si Nina pagkat yung mahabang hibla ng cheese
nakalaylay sa bibig ng binata.

"Gagayahin ka, she is going to play with the food" sabi niya. Parang napahiya si
Onofre pero si Nina gumaya. "See that" sabi ni Sarah. "But she is eating it. Oh
come on let the kid have fun. At least kumakain siya" sabi ni Martin.

"Oh Nof parang humina ka kumain ah" biro ni Dani. "Baka kasi gayahin ako ni Ninny"
sagot ng binata kaya bungisngisan sina Dani at Veronica. "Nof mamaya ipakita mo
yung video ni Nina" sabi ni Martin.

"What video?" tanong ni Sarah. "Ginagaya ka ng apo mo. Basta mamaya" sabi ni
Martin. "What is it about? Is it me cursing again?" tanong ni Sarah. "Tita hindi
po, she was like doing a cooking demo" sabi ni Onofre. "Really? Let me see, I wanna
see it now" sabi ni Sarah.

"Ma mamaya na" sabi ni Dani. "I want to see it now, will you show it to me now Nof"
sabi ni Sarah kaya napilitan ang binata na ipakita yung video sa phone niya. Super
halakhak si Sarah, "Tita mahabang video po yan" sabi ni Onofre.

"Its okay, just eat. Hon lets watch this" sabi ni Sarah kaya sumama si Martin sa
salas. Bumalik sa upuan si Onofre, kumuha ng bagong slice ng pizza saka kumagat ng
sobrang laki. Super tawanan sina Dani at Veronica, "Kanina pa nagpipigil" sabi ni
Dani na inagaw plato ng binata para lagyan niya ng hot sauce yung slice ng pizza.

"Nof ketsap" sabi ni Nina. "No, anak this is hot sauce" sabi ni Dani. "Eeeeehhh
Nof...dito o dito o" sabi ng bata saka tinuro yung slice niya sa plato. "Tsk anak
its not catsup" sabi ni Dani. "Ganito yan" sabi ni Onofre na kumagat sa pizza niya.

"Ha ha ha whooo" bigkas niya sabay pinaypayan bibig niya. Tumawa si Nina, todo
acting si Onofre na hindi maganda yung nakain niya. "O ano gusto mo pa?" tanong ni
Dani. "Patikman natin konti, as in konti to make her know naman" sabi ni Onofre
kaya pumahid siya ng konting konti lang.

"Ninny o" sabi ng binata. Inuga ng bata ulo niya pero tinuro yung pizza ng binata
na puno ng hot sauce. "Eat nof" sabi niya. "Sadista talaga to, sinasabi ko na siya
ata yung nasa prophecy. Check natin mamaya kung may 666 siya sa ulo" biro ng
binata. Kumagat si Onofre saka nag acting ulit kaya tawang tawa si Nina. "You are
so good with kids" sabi ni Veronica.

"Yes, pero on older girls not so much" banat ni Onofre. "Kasi bata lang kaya mo
utuin" banat ni Dani. "Aray ko, akala ko ba kakampi kita? How harsh naman" sabi ni
Onofre. "Joke lang, parang di ka na nasanay" lambing ni Dani.

Tumayo sa upuan si Nina, "Uy Ninny" sigaw ni Onofre na agad umalalay. "Open!" sigaw
ng bata kaya napanganga sina Dani. "Hala" bigkas ni Vernica. "Open!!" sigaw ng bata
saka pinagtuturo yung hotsauce. "Put mama, put" sabi ng bata kaya sumunod sa utos
si Dani.

"Baby look meron pa o, may pizza pa ako o" sabi ni Onofre. Hinila ng bata yung
plato kung saan may bagong slice ng pizza. "Nof eat! Ubos! Eto pa o" sabi ng bata.
Laugh trip sina Dani at Veronica, "Uy bawasan mo yung hot sauce" sabi niya.
"Magagalit siya" banat ni Dani.

"Masarap to pag tuloy tuloy kain pero pag may acting sa gitna...tumatagal yung
kagat ng anghang e" bulong ni Onofre na napilitan nanaman na umakting para lang
matuwa si Nina.

Ilang minuto lumipas magkatabi sa sofa sina Onofre at Veronica, "Ayan accept mo na"
sabi ng dalaga. "Wait wala naman e" sabi ng binata. "Delayed siguro pero nagsend na
ako" sabi ni Veronica. "Ay eto na, accept. Talagang ginamit mo yung sunset photo
din" sabi ng binata.

"Oo naman pero ang dami nagtatanong about sa resort. Di ko sinasagot baka mapahiya
lang ako" sabi ng dalaga. "Oooh nice photo, bakit hindi ko nakita ito?" tanong ni
Onofre kaya natawa si Veronica at tinadtad ng kurot ang binata.

"Feeling model, iniiwan ko yan diyan para alam ko kailangan ko pa magpapayat" sabi
ni Veronica. "Grabe, alam mo ang labo niyo. Ang ganda niyo na tapos gusto niyo pa
magpaganda. You are fit pero you say mataba ka. Ganyan ba talaga kayong mga babae?"
tanong ni Onofre.

"Bakit si Sly di ba ganon?" tanong ng dalaga. "Hindi naman, wait let me try to
remember...hindi e. Parang steady lang siya, I mean parang dedma lang. Kakain kung
kakain, mag aayos kung kailangan. Kayo ni Dani naman fashionista kayo kasi e" sabi
ng binata.

"Di naman masyado" sabi ng dalaga. "Grabe ano ka tambay ng FB? Ang dami mong post.
Grabe ka lahat nalang ipopost mo, wait siguro mas malala Instagram mo ano?" tanong
ni Onofre. "Hahaha bakit ba kasi? E madami akong friends e" sabi ng dalaga.

"Grabe, isang post...wow ang daming likes. Pero kasi maganda ka e. Sure ako madami
kang followers na boys. Si Sly ganon din e, one time nagulat ako kasi may photo
siyang maganda, alam ko naman two hundred plus lang friends niya pero yung photo
niya naka kuha ng four hundred likes" sabi ni Onofre.
"Stalker much?" landi ni Veronica. "Very much pero hindi na. Ano sense magstalk ako
if makit ako lang sila ng barkada ko. Sa FB pwede pala yung friends kayo peo do not
follow feed para di mo makita posts niya. Pero friends parin kayo" sabi ni Onofre.

"Di ka pa ata naka move on talaga" sabi ni Veronica. "Busy daw yung moving company
kaya di pa daw makarga tong puso ko palayo. Madami daw sawi" biro ng binata kaya
natawanan sila. "Benta sa akin yon ha" sabi ni Veronica.

"Ikaw ba naexperience mo na mag move on?" tanong ni Onofre. "Hahahaha what a


question. Yes twice na pero yung una parang wala naman yon, three days lang kami.
Second yeah high school yon. Then fourth year high up to last year" sabi ni
Veronica.

Tinignan ng binata yung magandang dalaga pero nagulat sila pagkat nandon sa likuran
ng sofa si Dani. "Dito nga muna siya" sabi niya saka siningit sa pagitan nung
dalawa si Nina. "Akala ko ba tulog siya?" tanong ni Onofre.

"Nagising e, paki nga saglit at may kukunin lang ako. Veronica isalang mo na yung
DVD so we can start" sabi ni Dani. "Why did you wake up baby? Oh inaantok ka
pa...sleep" lambing ng binata saka niyakap yung bata.

Biglang natawa si Veronica habang lumalapit siya sa TV. "Whats so funny?" tanong ni
Onofre. "Wala, not you. May naalala lang ako" sabi ng dalaga. "Share mo naman" sabi
ng binata. "Wala, hayaan mo na" sabi ni Veronica.

"Ano yon?" tanong ni Dani na naupo sa tabi ni Onofre kaya pigil tawa si Veronica.
"Wala no, may naalala lang akong kaibigan. Remember Heidi?" tanong niya. "Oo,
kumusta na pala yon? Bakit mo naman sia naalala?" tanong ni Dani.

"Okay naman, pero naalala mo nung nag away kayo? Remember she liked Anthony" sabi
ni Veronica. "Hahaha oo nga, grabe yon kinausap ko lang tapos kung ano na naiisip.
My God binantayan niya ako the whole time thinking type ko din siya" sabi ni Dani.

"Right, wala lang naalala ko lang. Kasi she made up reasons to make you stay away
from him. Ano pa ginawa niya? She sat in between the two of you hahaha. Diba?
Ginawa niya yon diba?" tanong ni Veronica.

"Oo hahaha, grabe yon tapos feeling close sa akin na sumandal? Gusto ko nga sabihin
sa kanya na wala ako balak don. Antipatikang babae" sabi ni Dani. "Wala lang
naalala ko lang siya. So what are we going to watch?"

"Makikinood ka ba Nof?" tanong ni Veronica. "Hindi, uuwi na ata ako. Mukhang long
sleep si Ninny e" sabi ng binata. "You can stay, watch with us kung wala ka naman
gagawin at madami pa naman pizza" sabi ni Dani.

"Ewan ko, tignan ko first movie then I will decide" sabi ng binata. "Stay" sabi ni
Dani kaya humarap sa TV si Veronica saka napangiti.

----------------------------

How is the story going so far? Ayos lang ba takbo niya? 

=================

Chapter 13: Sly

Chapter 13: Sly

"Finally sumagot ka" basa ni Onofre kaya tinapik niya ulo niya saka napamura ng
pabulong. "Sorry naka silent tong phone ko for a long time. Busy taking care of my
nephew habang bakasyon pa" palusot ni Onofre.

"You missed two parties, we all miss you" sabi ni Sly. "Oo nga e, well wala e busy"
sagot ng binata. "Busy e ang dami kong nakikitang posts tagging you. Yo are with
that girl and her daughter" sabi ni Sly.

"So? She is a friend" sabi ng binata. "May anak na yon" sagot ng dalaga. "So what?
Porke may anak na di ko na pwede maging kaibigan?" sabat ng binata. "I didn mean it
that way, I am just reminding you that she has a daughter already" sabi ni Sly.

"I know that. What are you trying to say?" tanong ni Onofre. "Wala, nevermind.
Parang nagbago ka na" sabi ng dalaga. "Change is constant. Everyone, everything
changes" sagot ni Onofre.

Di sumagot si Sly kaya paspas na tinawagan ni Onofre si Dani. "Dans, badtrip


nagkamali ako nasagot ko sa messenger si Sly. Nalito ako, kasi halos same DP sila
ni Verons" sabi ng binata.

"Ano? You and Veronica are chatting?" tanong ng dalaga. "Yeah why?" sagot ng
binata. "Ay mali, I mean you and Sly?" kabig ng dalaga. "Oo nga e, badtrip kasi.
Akala ko chat head ni Veron, halos same kasi sila ng DP. Badtrip talaga" sabi ng
binata.

"So how was it? Memories ba? Bakit ngayon ka lang" biglang birit ng dalaga kaya
natawa ng malakas si Onofre. "Nag away kami" sabi ng binata. "About what?" tanong
ng dalaga kaya nautal yung binata.
"Basta nagbago na daw ako so I said everyone changes. Badtrip di ko lang madiretso
na pati naman siya nagbago. Meaning may boylet na siya" sabi ni Onofre. "Di mo
masabi kasi mahal mo pa siya" landi ng dalaga.

"Not true" sabi ng binata. "Oh come on, if you don't love her I am sure mas masahol
pa away niyo. Naging mala words of wisdom reply mo kasi mahal mo pa siya" sabi ni
Dani. "Babagsakan kita" banta ng binata. "Do it" sagot ng dalaga.

"Uy tumunog, may message siya" sabi ni Onofre. "Basahin mo" sagot ng dalaga. "Pano
ko sasagutin e kausap kita? Nakadikit sa tenga ko yung phone ko" sabi ni Onofre. "E
di basahin mo, read it aloud so I can hear it" sabi ng dalaga.

"Okay wait...eto..I broke up with him because I realized I am madly in love with
you" basa ng binata. "Hahahaha imbento ka!" sabi ni Dani. "Anong imbento, sinabi
niya talaga. Gusto mo screenshot ko?" tanong ni Onofre.

"Hahaha yeah right. Hoy nabasa ko na yang reply mo na ganyan sa isang post mo" sabi
ng dalaga kaya natawa si Onofre. "Stalker ka!" sigaw niya. "Hindi ah, it was post
on a photo. Ewan ko na basta alam ko photo yon. Ano sinabi niya?" tanong ni Dani.

"She changed the topic and is now asking kumusta ako" sabi ng binata. "Sagutin mo
na" sabi ng dalaga. "If sinagot ko hahaba usapan namin. Pag humaba ako din lang
masasaktan, pero may pahabol na message. If you are free may get together later.
Sama ka na, para sure na sasama ka ikaw sumundo sa akin" basa ng binata.

"O yun naman pala e, go" sabi ni Dani. "Ayaw ko. Ayaw ko ilagay sarili sa sitwasyon
na mapapainom ako after" sabi ng binata. "E di wag ka uminom, if you are pissed
later punta ka dito and we talk. Wag mo idaan sa inom kasi"

"Kaya nga may friends" sabi ni Dani. "Wag na, sabihin ko nalang busy ako. I know
myself, I am just going to get pissed tapos iinom nanaman ako. Ayaw ko na uminom.
Malay mo biglang dumating si miss right tapos lasing nanaman ako" sabi ng binata.

"Well sige balitaan mo ako later" sabi ng dalaga. "Why may gagawin ka?" tanong ni
Onofre. "Wala naman pero you have to chat with her, o baka di mo a sinasagot si
Veronica. Iba na talaga chick boy o" biro ni Dani kaya natawa si Onofre.

"Di ko ata narinig si Ninny ah" sabi ng binata. "She is with mama" sabi ng dalaga.
"Ano kaya punta ako? Get together daw pero...invite ko kaya si Veronica? Para
sasaglit lang kami" sabi ng binata. "Wow si Veronica pa unan mong naisip, ahem
nandito naman ako" landi ni Dani.

"Pero if ikaw sasama si Ninny. E what if maipit at pinilit mag stay?" tanong ng
binata. "E di ako lang, pero if you want Veronica...uy..so you two are chatting
huh" landi ng dalaga. "Hahahaha so if I tell you me and Ton are chatting too
tutuksuin mo din kami?" tanong ni Onofre.
"You and Ton are chatting?" tanong ni Dani. "Yup inadd niya ako lately tapos okay
naman siya kachat" sabi ng binata. "What do you usually chat about?" tanong ni
Dani. "Kahit ano, mahilig din siya sa sapatos e. Tapos interested siya sa
photography, sabi ko di naman ako expert" sabi ng binata.

"Bilib nga ako sa iyo e, I don't notice you doing anything fancy pero mga shots na
kuha mo kahit yung last time na nandito ka ang gaganda" sabi ng dalaga. "Ewan ko,
siguro na adapt ko yung mga turo nung ex ni ate pero pag ako nag magtuturo di ko na
kaya kasi di ko alam yung tamang terms. Wait lang replayan ko to" sabi ng binata.

"Punta ka na, baka magtampo sila lalo" sabi ng dalaga. "Hindi, wag na. Magkikita
naman kami sa school. Okay lang kung magtampo sila, ganti ko na siguro yon" sabi ng
binata. "Masama ang ganyan. Wag kang ganyan. Sunduin mo na kami ni Ninny at pasyal
nalang tayo" sabi ng dalaga.

"Wait lang, not sure" sabi ng binata. "Gusto mo pumunta ano?" tanong ni Dani. "Part
of me does, ewan ko ba. Alam ko naman sakit lang idudulot nito pero...I want to see
her" bulong ng binata. "Wag na Nof" sagot ng dalaga sa mahinang boses.

"Wag na?" tanong ng binata. "Oo wag na, libre nalang kita sa ice cream parlor. Well
sabit ka lang actually" sabi ng dalaga. "Sabit ha, tapos ako susundo sa inyo" sabi
ng binata. "Oo ililibre naman kita e" pacute ng dalaga kaya nagtawanan sila.

"Pwede ko ba dalhin si Karlo?" tanong ng binata. "Oo naman, much better if dala mo.
Pero wait its too late na ata. Di na sila makakalaro. What if tomorrow? Okay lang
if tomorrow? Para we go out early tapos dalhin natin sila don sa...may nakita ako
sa net na palaruan ng kids e" sabi ng dalaga.

"Sige bukas, tamang tama tinatamad ako" sabi ng binata. "Pero pupunta ka ano?"
tanong ng dalaga. "Hindi no, kahit tumawag ka every hour to check on me if you
want. Pero balak ko patayin messenger ko at phone ko para di ako matawagan sana"
sabi ng binata.

"Oh come on, if you want to go then just go" sabi ni Dani. "Samahan mo nga ako"
sabi ng binata. "Ang kulit mo, ano ba talaga?" tanong ng dalaga. "Ay di na, sige
bukas nalang tayo. Magpapasama nalang ako ata kay Veronica. Tawagan ko nga" sabi ng
binata.

"Wag na, sunduin mo ako. Ano oras ba yan?" tanong ng dalaga. "Sabi dito three, I
promise sasaglit lang tayo. Ikaw palusot ko, sasabihin ko may lakad tayo. Okay lang
ba sa iyo? I just want to show up for some of my friends para wala sila masabi"
sabi ng binata.

"Sure, so pick me up around one thirty then" sabi ng dalaga. "Yeah, okay lang?
Promise sasaglit lang talaga tayo at syempre if they force me to stay gamitin mo
powers mo kunwari to make us go hahaha" sabi ng binata. "Sige, wait is that your
final answer?" tanong ng dalaga. "Oo no, sige na and thank you in advance" sabi ng
binata.
Bandang alas tres ng hapon natatawa si Onofre pagkat pareho sila ng suot na shirt
ng dalaga. "Porke sinabi ko okay yung Tweety, di ko naman inexpect isusuot mo na"
sabi ng dalaga. "E I chose this to be funny, para pag dating ko doon e di mahalata
yung badtrip mood ko. O ang laki na mukha ni Tweety" sabi ni Onofre.

"Hahaha oo nga pero now they would think we are a couple" sabi ng dalaga kaya laugh
trip sila. "Sabi ko kasi sa iyo magpapalit muna ako e" dagdag ng dalaga. "Whats
wrong ba? Pero seeing your shirt nagsisisi na ako sa suot ko. Sana ganyan lang suot
ko yung nakikita full body ni Tweety"

"Yung akin naman buong shirt mukha niya. I look so yellow" sabi ng binata kaya
super laugh trip si Dani. "Oh later selfie tayo ha" sabi ng dalaga. "Wag naman,
nauto mo ako kasi sabi mo okay lang isuot to. Pero habang pinagmamasdan ko suot mo
parang sising sisi ako bigla" sabi ni Onofre.

Pagdating nila sa bahay ng isang barkada ni Onofre medyo gulat yung mga kaibigan
niya. "Nof" bigkas ng isa. "Uy guys. Ops teka, bago niyo ako tawanan let me
introduce...Dani.." sabi ng binata saka pinakilala sa dalaga ang lahat ng kaibigan
niya.

"Yung iba nakita mo na ata sa Pagudpud pero yung iba hindi sumama. Guys di kami
tatagal kasi may lakad kami" sabi ni Onofre. "No its okay we can stay" biglang
kabig ni Dani kaya nalito yung binata.

Habang kumukuha ng pagkain dumikit si Onofre. "What do you mean we can stay?"
tanong niya. "Yeah, be with your friends for a change" sabi ni Dani. "Ang usapan
ikaw excuse ko para makaalis tayo agad. Pero ikaw naman yung rason bakit ako
tatagal dito" sabi ng binata.

"Basta we can stay for an hour and besides masarap tong food" bulong ni Dani.
"Bakit may type kang barkada ko?" tanong ni Onofre kaya natawa si Dani. "Baliw, I
am doing this for you. You wanted to see her so now you have the chance to stare at
he for an hour or so"

"Ngayon imbes na masakit e katabi mo ako to tell you its all gonna be okay. O diba?
Pero sa totoo nakita ko kasi tong food so we are staying" sabi ng dalaga kaya
napahalakhak si Onofre. "Okay na e, ang ganda na ng sinabi mo tapos kabig sa food"
sabi ni Onofre.

"E di saan ka masaya dun ka maniwala. Damihan mo nga ganito sa plate mo tapos
kukunin ko mamaya" bulong ni Dani kaya pigil tawa ang binata. "Eto pa yung
embotido, kuha ka nga ng madami then yung breaded pugo" bulong ni Dani.

Sa malayo nakikita ni Sylvia yung bulungan nung dalawa kaya bigla siyang nainis at
lumapit. "O Sly kain" sabi ni Onofre. "Hi" bati ni Dani kaya napangiti si Sylvia.
"I didn't know you were bringing someone" sabi ni Sylvia.

"Ay sorry di ko alam kailangan pala magpaalam sa iyo" sabi ni Onofre. "Hey don't be
like that" lambing ni Dani at nagulat ang binata nang sumandal ang dalaga sa kanya.
"Sorry" kabig ni Onofre kaya nagulat si Slyvia.

"Wow, so you two are a couple now?" tanong niya. "Oh no, is it because of the
shirts?" tanong ni Dani. "Yes and more" sagot ni Sly. "No, Nof is such a good guy.
He is just helping me back on my feet. Tagal ko din nakulong sa bahay kasi nga I
have a kid now"

"Nof is a really good guy and if ever we are its non of your business anyway" sabi
ni Dani. "I didn't mean it that way, I was just asking" sagot ni Sly. Ngiti lang
sinagot ni Dani kaya nagkunwari naman si Onofre na busy na kumukuha ng pagkain.
"Sige pala" paalam ni Sylvia saka umalis.

"Holy shit, astig yung ginawa mo. Ang taray mo" bulong ni Onofre. "Are you hurting?
Sorry if sumobra" sabi ng dalaga. "Hindi, okay nga e. First time ko nakita na umamo
yon, usually bossy type yan e" sabi ni Onofre.

"Well nakahanap siya ng katapat niya. Uy yung sinasabi kong kunin mo. Damihan mo
naman" sabi ni Dani. "Sinong bossy? Ikaw ata super bossy. Pero astig yung ginawa
mo. Alam mo gusto ko din ma in your face yung syota non, kaya mamaya dalhin kita
don" sabi ni Onofre.

"Ano ako attack dog mo?" tanong ni Dani. "Please" lambing ni Onofre. "Fine, damihan
mo yung sauce. Pero bilisan mo kumain later para makabalik ka kasi paubos na yung
isa o" sabi ni Dani. "Magpapalit tayo ng plato ano?" tanong ni Onofre. "Yup pero
don tayo sa tago kumain" banat ni Dani.

Malapit sa hardin sila pumwesto, tulala si Onofre kaya si Dani biglang nahiya. "Wag
kasi, ito naman o. I really like the food" sabi ng dalaga. "Parang hindi lang mag
match kasi ang fit mo...okay sexy in a good sense tapos ganyan ka katakaw" sabi ng
binata.

"Tsk, wag na nga. Sige ikaw nalang kumain" sabi ni Dani. "Ito naman o, nagsasabi
lang ng saloobin" sabi ng binata. "Hahaha wrong term, saloobin ka diyan. Saloobin
ata pag feelings ang pinag uusapan na" sabi ni Dani.

"Ah, e di being honest" sabi ni Onofre. "Ayon mas tama ata yon. Kumain ka narin
kasi" sabi ni Dani. "Maya konti, in shock pa ako" sabi ni Onofre kaya napahalakhak
si Dani. "Sorry talaga kasi di mag match e, punong puno yung plato mo tapos you
look like that"

"As in you look like that para kang...model or beauty queen pero yung plato mo pang
babaeng makikilaban sa MMA o kaya URCC e" sabi ni Onofre kaya pinaghahampas siya ng
dalaga na palambing.

Ilang minuto lumipas may mga kaibigan si Onofre na lumabas. "Pre tara sa loob shot"
sabi nung isa. "Sorry he wont be drinking" sagot ni Dani saka tinignan si Onofre.
"Right?" lambing ng dalaga. "Right, next time pre" sabi ng binata kaya medyo gulat
yung kanyang mga kaibigan.
"Sure ka pre?" hirit nung isa. "Yes, final answer" sabi ni Onofre. Pagkalayo nung
mga binata tinignan ni Dani si Onofre. "But if you want to go ahead" sabi niya.
"Hindi na, baka once nagsimula ako di nanaman ako makapigil" sabi ng binata.

"Control yourself, sabihin mo one or two shots lang then that's it" sabi ng dalaga.
"Lagi ko sinasabi na isang shot lang, tapos mamaya isang shot nalang natitira at
ako nalang natira na umiinom" sabi ng binata.

"Kaya nga disiplinahin mo kasi sarili mo. One shot then that's it" sabi ni Dani.
"Mas maganda no shot and I stay normal" sabi ng binata. "Are you sure? One shot or
two basta kaya mo pa mag drive" sabi ni Dani. "Mabuti pa lets go for a walk para
matunawan ka" sabi ni Onofre.

Lumabas sila ng bahay at naglakad lakad, "Sige lang sumindi ka na" sabi ng dalaga
kaya nahiya pa si Onofre. "Its okay no" hirit ni Dani. Sumindi ng yosi si Onofre
saka nagpaiwan konti. "Uy bakit ang layo mo?" tanong ng dalaga.

"E baka mausukan kita, galing sa harap yung hanging so sakto lang nandito ako para
paatras yung usok" sabi ni Onofre. "Dito ka nga, para tayong may LQ e" sabi ng
dalaga kaya natawa si Onofre.

Tumabi yung binata sa dalaga at nag ingat sa pagbuga ng usok. "Okay naman pala
friends mo" sabi ni Dani. "Yeah okay naman sila" sagot ng binata. "Thanks pala for
bringing me, nakwento ko naman na sa iyo diba" sabi ng dalaga. "About you missing
out on a lot of things?" tanong ni Onofre.

"Yeah and yung tipong napag iwanan na ganon. Honestly this is the first party I
attended after giving birth" sabi ni Dani. "Bakit kasi? Okay lang naman mag attend
ng party ha" sabi ng binata. "Basta" sagot ng dalaga.

"Feeling mo naiiba ka?" tanong ni Onofre. "Medyo" bulong ng dalaga. "Wag naman,
normal ka naman ah. Teka correction, ang takaw mo" sigaw ng binata kaya
napahalakhak si Dani. "Kanina mo pa gusto sabihin yon ano?" tanong ng dalaga.
"Nasingit din sa wakas" sabi ng binata.

"Maling pasok" sabi ng dalaga. "Shoot oo nga no, wait tama lang kasi sabi mo you
feel different. Oo naiiba ka kasi look at you tapos ang siba siba mo. Unang tingin
sa iyo, maiisip ah vegetarian yan, ah di kumakain ng kanin yan, ah di umiinom ng
softdrinks yan, she works out, she drinks two gallons of water a day..bla bla bla"

"Pero sa totoo..ang takaw takaw. Ang sibaaaaaaa" bigkas ng binata kaya super
halakhak yung dalaga. "Grabe ka, ang intense ng pagkasabi mo" sabi ni Dani. "Para
damang dama. Alam mo Dani wag mong isipin naiiba ka just because you had a kid
early"

"Ako late ako natuli, oo noon feeling ko naiiba ako" sabi ng binata kaya bumigay na
yung dalaga at pinagpapalo pwet ng binata. "Makinig ka kasi muna, like I was
saying, oo pagpasok ng elementary most of the boys cut na habang ako hindi pa kasi
takot na takot ako"

"Yeah I did feel different so napressure ako to have it done. Parang hindi related
ano? Kasi napasubo na ako sa example, tinuloy ko nalang para at least may lesson
pero alam ko wala" sabi ng binata kaya super halakhak si Dani at muling pinagpapalo
pwet ng binata.

"Tangi..tsk..why the hell did I even start talking about tuli?" bigkas ni Onofre
kaya napatigil na yung dalaga at nagpunas ng luha. "Basta Dani wag kang mag isip na
naiiba ka. Wag kang mahiya. Porke may anak ka na does not mean naiiba ka na"

"To hell with tradition or whatever values, ang importante mahalin mo si Ninny and
be the best mom you can be. Kahit bata ka pa show them that you can be a good mom
to her. You are not different"

"Matakaw ka lang" 

=================

Chapter 14: Troops

Chapter 14: Troops

"Nof ang dami palang gwapo dito sa school niyo" sabi ni Ton. "Nagtataka ka pa e
tignan mo nalang ako" sagot ni Onofre kaya natawa si Veronica. "Nakakabaliw kayong
kasama. As in first time ko naka experience na isang gay at isang guy kwelang kwela
sa isa't isa" sabi ng dalaga.

"Di mo ba kasi naisip na si Nof ay kalahi ko pala" landi ni Ton. "Hindi mo din ba
naisip na nagpapanggap lang si Ton para mapalapit sa iyo?" bawi ni Onofre kaya
muling natawa yung dalaga.

"So this is my school, parang di pa ako ready pumasok. Di ko alam parang bitin yung
bakasyon pero pag nag iisip ako ng pupuntahan pa wala naman ako maisip" sabi ni
Onofre. "Two weeks pa bago pasukan. Full load ka ba?" tanong ni Ton. "Sa wakas oo,
kaya nga di ako nag summer class kasi reward ko yon. Regular na ako this sem pero
one year delayed pero regular na" sabi ni Onofre.

"At least desidido ka na mag aral" sabi ni Ton. "Oo kailangan din e. Di naman sa
natakot ako sa dad ko pero tama siya. I need to graduate and get a nice job. Well
bibigyan daw nila ako ng nice job if my grades are good. Wala daw favoritism, pag
mababa daw grades ko doon daw ako itatapon sa trabaho na match sa grades ko" sabi
ni Onofre.
"Well at least may trabaho, ang dami kayang graduates kahit na maganda grades e
wala makuha" sabi ni Veronica. "Ah basta swerte ka, lalo na si Dani kasi kahit di
na mag aral yon e mamanahin naman niya yung business nila" sabi ni Ton.

"Kailangan parin niya, I will encourage her to go back to school" sabi ni Onofre.
"Kayo na ba?" tanong ni Veronica kaya nagulat yung binata. "Grabe saang galing yung
tanong na yan?" tanong ni Onofre. "Just a question, are you two dating or seeing
each other" sabi ng dalaga.

"Dating? No. Seeing each other yes, I mean lagi kami lumalabas. So mamaya itatanong
mo din ba si Ton if nag date kami. Or siya ba magtatanong if we are dating? Grabe
ka naman Veron, porke lagi kami lumalabas dating agad?" sagot ni Onofre.

"Nagtatanong lang naman" sabi ng dalaga. "After today labas tayo bukas, tayong
dalawa lang tapos tignan ko nga kung ano din isasagot mo if may nagtanong sa iyo"
sabi ng binata. "Sabihin ko barkada" sagot ng dalaga.

"O yan, bakit pag kami ni Dani e may issue agad?" tanong ni Onofre. "Nagtatanong
lang po kasi parang ang close close niyo na sa isa't isa" sabi ni Veronica. "Ang
labo mong babae ka, ang goal mo sa barkada at tropa maging close sa isa't isa
diba?"

"Ano naman sense na sabihin mo tropa ko yan pero di naman kayo close or wala ka
alam about him or her? Diba? Nainggit ka lang ata kasi lagi ko sila nililibre, alam
mo Veronica sabihin mo lang" lambing ng binata kaya natawa si Ton. "Hindi inggit,
try mo yung term na selos" sabi ng bading.

"Hoy" reklamo ni Veronica. "Veron totoo ba?" tanong ni Onofre. "Hindi no,
pinagsasabi mo naman Ton" sabi ng dalaga. "Aba e di mali ako" landi ng bading.
"Syempre bestfriend ko si Dani so I wanted to know. Concerned din naman ako sa
kanya no" sabi ng dalaga.

"Veron never pa ako nagka girlfriend at wala pa ako nilokong babae. Relax ka lang
but I am not saying I am dating Dani. If it looks that way then I am sorry, wala
ako alam sa ligawan stages or whatever so if I am crossing boundaries I apologize"
sabi ng binata.

"Uy don't be like that, nagtatanong lang ako" sabi ni Veronica. "Hindi talaga, yes
we do go out and yes naging close kami at sana ganon sa inyo. Dani met my old
friends, its time for me to grow, naks. Time for me to join new friends" landi ng
binata. "Dami mong alam, sabihin mo bitter ka parin" sabi ni Ton. "Aminado naman
ako pero seryoso ako sa pagiging close sa inyo"

"Madami din ako mali sa dating tropa ko at sana dito sa bago gusto ko gawin tama.
Karamihan sa kanila nag start kami magkakilala dahil sa kalokohan, oo high school
classmates pero dahil sa kalokohan. Kaya most of the time lagi ako pinagtritripan"

"E ngayon sa inyo we started off by an accident pero mababait kayo sa akin. So
gusto ko magsimula ng tama. Labo no? Pero tignan niyo yung nangyari sa akin, they
kept a big secret and they thought I would just be okay. Bait ng dating tropa ko
ano?" sabi ni Onofre.

"Kasi sanay na sila siguro sa iyo" sabi ni Veronica. "True pero tao parin naman
ako. Hanggang ngayon wala sa kanila nagtanong kung okay lang ba ako. As in wala,
kahit nung party na pinuntahan namin ni Dani walang lumapit to ask how I was doing"

"Baka feeling nila nag move on na ako kasi I was with Dani. Oh well, siguro if
sinama ka namin Veron baka isipin nila naging chick boy na ako" biro ng binata. "O
ilibre mo na kami sa sinasabi mong masarap na kainan" sabi ni Ton. "Ay oo tara"
sabi ni Onofre.

"Wait, bakit wala si Dani?" tanong ni Veronica. "Bakit mo siya hinahanap kung ikaw
ang gusto ko makasama? Nandito si Ton para di halata na date ito" biglang banat ni
Onofre kaya napatigil yung dalaga. Natawa ng malakas si Ton saka kinurot ang binata
sa tagiliran. "Ayan ogag naniwala" sabi niya.

"Uy joke yon, uy Veron that was a joke. Di ka pa ba sanay sa akin?" tanong ni
Onofre. "Nof kami lang binibiro mo ng ganon" sabi ni Ton. "Ay oo nga no, pero Veron
naniwala ka?" tanong ni Onofre. "Ah nabigla lang ako, ikaw wag ka naman kasi
nagbibiro ng ganon" sabi ng dalaga. "Hahahha okay sorry, akala ko najoke ko na sa
iyo or narinig mo na" sabi ni Onofre.

"Teka that means lumabas na kayo nina Ton?" tanong ni Veronica. "Oo kaya, I even
told you both nung nag movie marathon kayo" sabi ng binata. "Ay oo nga no, hala
sorry naman" sabi ng dalaga. "Malapit lang kasi yung amin sa kanila at may mutual
friend kami' sabi ni Ton.

"Mutual friend na crush niya hahahaha. Ginagawa akong tulay" sabi ni Onofre. "Kaya
pala ang bait bait mo kay Nof" biro ni Veronica. "Balak niya lumipat dito dahil
lang don hahaha" sabi ni Onofre. "Bakit mo naman sinabi?" reklamo ni Ton.

"Follow your heart Ton, that is what I did and look what happened. Surprise! Sa iba
napunta" sabi ni Onofre kaya nagtakip ng bibig si Veronica. "Nof tanggapin mo na
kasi. Magpakalalake ka naman at tanggapin mo na talo ka" saib ng bading.

"Tanggap ko na pero ayaw magprocess. One minute tanggap ko, next minute galit ako.
It should be me! Me! Pero naisip ko din naman na mas mabait yung gago sa akin pero
hindi din e" sabi ni Onofre.

"Mahirap talaga lunukin yung pride lalo na pag bareta siya" hirit niya kaya natawa
yung dalawang kaibigan niya. "Kung pipiraso pirasuhin mo naman mamatay ka din kasi
nakakalasok yung pride, bubula bibig mo at mamatay ka ng soap poisoning" sabi ni
Onofre.

"Ang dami mo alam, move on. You are surrounded by very pretty girls" sabi ni Ton.
"I know that, Veronica and Dani are very pretty. I am very attracted to them but
wala e. Alam mo yon wala yung tsug tsug feeling, yung push na magsasabi sa iyo na I
like her. No offense Veron ha pero gets mo din naman at sinasabi ko" sabi ni
Onofre.

"Non taken" sabi ng dalaga. "O so yung super crush mo, pano yon?" tanong ni Ton.
"Ayun! Ewan ko ba bakit may tsug tsug feeling agad. Pero enough kasi bad mark ako
agad don. Look ha halatang ayaw ako maging friend non kasi friends na sila ni Dani
sa FB, di man lang ako iadd e"

"Matic na yon, ibig sabihin wala man lang interes. Oo mabait siyang kaibigan. Ilang
beses ko nakasama pero meron naman ganon diba? Yung mga magaling lang makisama pero
sa totoo ayaw ka naman talagang kaibigan. Tulad niyo, automatic inadd niyo ako sa
FB"

"E si Shirley, my God wala. Ako natetempt ako mag add sa kanya pero I made a
promise to her na hindi ako gagawa ng paraan to contact her. I know her cellphone
number, lokong Dani kasi nilagay sa phone ko. Dani makes me stalk her profile"

"Sinasabi kong bad mark ako don pero gusto ko parin siya. Labo ko ano?" tanong ni
Onofre. "Hindi! Madaldal ka lang" banat ni Ton kaya umariba sa tawa si Veronica.
"Don't you worry Nof, one day mahahanap mo din yung para sa iyo. Yung kayang tiisin
kadaldalan mo, yung kaya tiisin yung slight kayabangan mo...like me" banat ni
Veronica.

Napatigil si Onofre kaya tawang tawa si Ton. "Ano feeling? Ginantihan ka niya"
landi ng bading kaya tumawa narin si Onofre. Ngumiti si Veronica saka naunang
naglakad.

Habang kumakain nagring phone ni Veronica kaya sinagot niya ito. "You are with
Nof?" tanong agad ni Dani. "Yeah, how did you know?" tanong ng dalaga. "I saw the
post of Ton" sabi Dani. "Yup naglulunch kami now. We visited the school of Nof kasi
itong si Ton pala..." sabi ni Veronica. "My God wag mo na sabihin" sabi ni Ton.

"Bakit si Ton?" tanong ni Dani. Nagulat si Veronica nang nilapit ni Onofre mukha
niya. "Veron wag mon a sabihin please. To naman, secret nga e. Sasabihin namin ni
Ton na kami na in due time" banat niya.

Muntikan nagdikit mukha nila pagkat natawa si Veronica. "What?! He is kidding


right?" tanong ni Dani. "Sorry di ko kaya" sabi ng dalaga kaya kinuha ni Onofre
yung phone. "Hello Danielle" landi niya. "Hoy! Anong pinagsasabi mo ha?" reklamo ng
dalaga.

"Joke lang to naman. Kumakain kami, pinasyal ko sila sa school ko kasi si Ton nga
gusto lumipat sana kasi dito nag aaral yung soon to be special someone niya" sabi
ng binata. "Ah, why didn't you invite me?" tanong ni Dani. "You said last night may
lakad kayo ng mom mo" sagot ng binata.

"But you never told me about that last night" reklamo ng dalaga. "Ah biglaan ito
no, kanina lang umaga talaga. Then naisip ko si Veron kasi sabi niya bored daw siya
so we invited her" paliwanag ni Onofre. "Ah okay, saan kayo pupunta next? Isama
niyo naman ako. Tapos na appointment namin ni mommy" sabi ni Dani.
"E si Ninny nasan?" tanong ng binata. "Nandito pero wag nalang pala. Sige enjoy"
sabi ni Dani. "O bakit?" tanong ng binata. "Basta madaya ka, sige na tuloy mo na
pagkain mo" sabi ng dalaga saka namatay yung tawag.

"Ano sabi?" tanong ni Veronica. "Wala naman, tapos na daw appointment nila" sagot
ng binata. "So magkikita kayo?" tanong ng dalaga. "Nope, sabi ko naman sa kanya ka
date kita" landi ng binata. Halakhak ang sinagot ni Veronica saka kurot sa braso.

"Aray ko" reklamo ni Onofre. "Diyan nagsisimula yan" landi ni Ton. "Isa ka pa" sabi
ni Veronica. "Pero Ton, kung lilipat ka dito baka mapilitan ako lumipat kasi...di
ko kakayanin makita ka na...kasama siya" sabi ni Onofre.

Natawa si Veronica at naglabasan yung kanin mula sa bibig niya. Paspas na dumikit
si Onofre kay Ton at umakting yung dalawa na diring diri sa dalaga. Lalong natawa
si Veronica kaya nagsisipa siya. "Ang daming lumabas na kanina" sabi ni Onofre.

"Bwisit ka, kakasubo ko e" sagot ni Veronica. "Sorry di ko napansin at di ko naman


alam na ganon magiging reaction mo" sabi ng binata sabay haplos sa likod ng dalaga.
"Ton am I making you jealous?" landi niya kaya muling natawa si Veronica at
pinagsisiko yung binata.

"O hindi ka naman sumubo ah" sabi ni Onofre. "Oo pero iinom sana ako" sabi ng
dalaga. "Hey, sorry.." lambing ni Onofre pero natawa yung dalaga saka tinuro si
Ton. "Yung itsura mo bwisit ka, parang intrigang intriga naman" sabi ng dalaga.

"Alam mo bagay kayo, seryoso ako bagay talaga kayo" sabi ng bading. "Alam mo Ton
tignan mo si Veronica, ang ganda niya. Mataas standards niyan sa lalake. Swerte ang
magiging boyfriend nito kasi hindi siya matakaw" sabi ni Onofre kaya natawa yung
dalaga at tinadtad ng kurot ang binata.

"Excuse me sino nagsabing mataas standards ko sa lalake?" tanong niya. "Feeling ko


lang, kasi pag hindi matagal mo na ako niligawan" sabi ni Onofre. Pigil tawa si
Veronica, tinadtad ulit ng kurot ang binata kaya si Ton napangiti. "Kaya pala
napunta sa iba si Sly, inaantay mo siya na ligawan ka?" tanong ni Veronica.

"That was a joke grabe ka. So hindi mataas standards mo?" tanong ni Onofre. "Ano
ako maarte? Basta mabait at kaya ako intindihin" sabi ng dalaga. "Veron...e di that
means may chance.." bigkas ng binata kaya natense ang dalaga pagkat lumapit ito ng
husto.

Pigil hininga si Ton, kitang kita niya yung pamumula ni Veronica, "that means...may
chance sa iyo si Ton" banat ni Onofre kaya natawa ng husto yung bading. "Di naman
kami talo ni Ton e, baka magiging magkaribal pa kami sa iyo" banat ni Veronica.

Laugh trip yung tatlo kaya si Onofre napahaplos sa likod ng dalaga. "Okay ka, kaya
mo makipag sabayan sa biruan. As in okay ka Veron" sabi ng binata. "Who said I was
joking ba?" tanong ng dalaga saka nagtaas ng kilay pero agad din lang tumawa.
"Oy psst pinagtitignan na tayo ng mga tao" sabi ni Ton. "Relax ka lang, wag mo sila
pansinin. Sagot ko kayo" sabi ni Onofre. "So youre some kind of siga siga here?"
tanong ni Veronica. "Hindi no, pag ganyan wag kayo magpapasindak. Kasi pag
nagpasindak kayo sa mga titig that means weak ka"

"Pag pinagtitignan kayo just chill, stare at them too to tell them na di ka push
over at tumatawa ka ng malakas kasi kaya mo. Di naman sa pakikipag away pero steady
lang" sabi ni Onofre. "Expert ah, siguro may gang ka dito" sabi ni Ton.

"Sus ang gang gang para lang sa mga walang bayag yon. Mga kulang ng isang itlog
kaya yung gang nila ang pumupuno ng isa pa para feeling nila buo sila. Wag kayong
matakot sa mga gang gang na yan, sa totoo duwag mga yan. Malakas lang sila pag
madami"

"Kahit yung mga siga sigahan, sus wag kayong matakot don. If you show fear the more
sila lalakas. Kami ng barkada ko tinatawanan lang namin yung mga siga, next thing
you know mapapaisip na yung iba bakit tinatawanan lang sila. Eventually nawawala na
yung kamandag ng mga siga kasi nasira na sila e"

"Example may siga, if you show fear then lahat ng makakakita sa iyo na nagpakita ng
fear mapapagaya. Mapapaisip sila bakit siya takot don, oh siga pala. So kakalat
lang yon, makikilala siyang siga pero sa totoo they don't know why siya siga. So in
short yung mga takot lang naman ang gumagawa sa mga siga e"

"Kaya if you know one try niyo kasi, dedmahin niyo or ismolin niyo. Yung tipong
astang you are nothing to us. If people see you doing that then when they see the
siga parang bale wala na, maiisip nila the other group just laughs at him...kakalat
yung ganon na aura so the siga epek of that person will die out" daldal ni Onofre
kaya natawa si Veronica.

"Sige nga, hanap nga tayo ng siga" hamon ng dalaga. "Sure, alam mo tao din mga yan.
Tao din lang gumagawa sa image nila na siga sila. Malakas lang loob nila dahil sa
image nila pero pag hinamon mo yan takot din sila. Sige hanap ka tapos turo mo sa
akin at hamunin ko" sabi ni Onofre.

"Sure ka?" tanong ni Veronica. "Yeah, it's the same concept naman e. If there is a
girl who thinks she is super pretty then all the people around thinks the same then
she becomes known as super pretty"

"Pero sige gather one group or two then ikalat nila pokpok siya, teka harsh yon,
lets say retokada. O masisira image niya, now if she fights back then super bad
image niya kasi masyado na siyang mafeeling pag ganon. Result she either tones
down, bawas yabang and ayon she becomes miss simple pretty girl nalang"

"Yung pokpok example yeah harsh pakinggan pero it can bring good results pero itong
example pala para sa mga malalandi. If they fight then they say she is guilty. If
she lessens down on the kalandian then nakatulong pa sa kanya, oo maaring hurtful
yung pokpok image but if its not true then why be affected"
"Positive effect masasala yung manliligaw niya. Syempre may bad image siya tapos
may nagpursige o diba? Pero bad example yon. Now back to the sigas, if kinalat na
duwag siya or weakling then if he tries to prove na siga talaga siya then back fire
yan"

"He will be forced to do something bad to prove siga siya pero nega effect.
Ikakasira niya yon. Mag aantay yon ng kakalaban sa kanya, he will get easily
irrirated kasi gusto niya patunayan siga siya e. In short goodluck sa kanya" daldal
ni Onofre.

"Nof ayun ata siga o, kasi kanina ka pa pinapakinggan at parang galit" sabi ni
Veronica. Paspas na lumingon si Onofre, "Hi pogi" landi niya saka pabebe waive kaya
umariba sa tawa sina Ton at Veronica.

press. ��1�FT

-----------------------------

#GameOn

=================

Chapter 15: Oninny

  Chapter 15: Oninny

Kinabukasan ng bandang alas nuebe sa dating paaralan ni Dani, ang dalaga panay ang
bangga kay Onofre. "Grabe dami nakwento ni Veronica sa akin, aliw na aliw siya sa
iyo kahapon" kwento ng dalaga. "Ewan ko don, normal naman ako" sagot ng binata.

"She could not stop talking about you, ligawan mo kaya" banat ni Dani kaya natawa
si Onofre. "Ligaw agad? Just because we had a good day ligaw agad? Kaya siguro ang
daming bad relationships kasi konting spark akala nila yun na forever spark" sabi
ng binata.

"Wow ano ka love guru? Pano nangyari yon never ka nagka girlfriend?" biro ng
dalaga. "Di ko na talaga alam kung kaibigan kita o hindi e" sabi ni Onofre.
Bumangga si Dani saka dumikit sa binata, "Galit ka?" lambing niya. "Hindi, teka ano
ba ginagawa natin dito? Mag eenroll ka ba?" tanong ng binata.

"Di ko nga alam e, parang gusto ko na bumalik sa pag aaral pero ayaw ko naman
iwanan si Nins" sabi ng dalaga. "Iniwan mo nga e" sabi ni Onofre kaya natawa yung
dalaga. "Parang gusto ko nga umuwi to go get her" sabi ni Dani. "Yeah, its kinda
weird talaga e. I mean you and me only, parang may kulang. Remember nung pumunta
tayo sa party na tayo lang?"

"Ayun parang may kulang kasi everytime magkasama tayo kasama si Ninny" sabi ng
binata. "Kaya nga e" sabi ng dalaga sabay nagulat nang nagsquat yung binata saka
humawak sa braso niya. "I can be your Ninny" pacute ni Onofre sa saliang bata kaya
super halakhak si Dani.

"Uy tumayo ka nga" sabi ng dalaga. Nagthumb suck si Onofre saka humawak sa kamay ng
dalaga kaya si Dani nanigas at medyo namula. "Hahaha uy tumayo ka nga, nakakahiya"
sabi niya. "My name is...Oninny" banat ni Onofre kaya si Dani tawang tawa na.

"Uy Nof people are looking at you na" sabi ng dalaga. "Food mama, food" banat ni
Onofre kaya ang dalaga napatadyak at nagpigil ng tawa. Tumayo si Onofre saka
ngumiti, bumitaw ang mga kamay nila kaya ang dalaga nakahinga ng malalim.

"Tara na nga, mag inquire lang ako then alis na tayo" sabi ni Dani. "Ilang years pa
ba bago ka mag graduate?" tanong ni Onofre. "Nof...I only finished a year of
college" sabi ni Dani sa mahinang boses. "So three more, siguro ayusin mo nalang
schedule mo so that Ninny wont miss you too much"

"Okay lang kung maprolong yung last three years, kahit wag ka mag full load. Kasi
sayang if di mo makita yung paglaki niya. I mean minsan niya lang dadaanan yung two
years old, three years old, four years old...pag tanda niya konti e matigas na ulo
niya"

"So habang cute pa siya sana spend much time with her. If ang reason mo bumalik ng
schooling is to be socially active again then wag ka nalang mag enroll...enjoyin mo
nalang time mo with her"

"You can continue your college when she starts kinder maybe para maengganyo din
siya. Pero mas kailangan ka niya actually when she starts schooling too. Nakakalito
ano? Pero ewan ko, naisip ko lang yon" sabi ng binata kaya dahan dahan dumikit ang
dalaga sa binata.

"You never asked me" sabi ni Dani. "Asked you what?" tanong ng binata. "Nasan daddy
niya" sagot ng dalaga sa sobrang hinang boses. "Nakikita ko naman na wala siya so
bakit pa ako magtatanong. Private matter na yon" sabi ni Onofre.

"Di ka ba curious?" tanong ni Dani. "Curious saan? Hoy Dani ha, I know it takes a
guy and a girl to make a baby. Ano ka virgin Mary?" banat ng binata kaya natawa at
napangiti yung dalaga.

"Nakakaintindi naman ako, di ako katulad ng iba na magtatanong pa. Actually


inaantay ko si Ninny na maglakad sa tubig noon pero hindi niya nagawa so ayon I
know may tatay siya" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani at nakapakit konti sa braso
ng binata.
"Dani kung opening itong usapan na ito para ikwento mo ano nangyari wag. Don't do
it, di ko na kailangan malaman yung kwento...kung gusto mo siya saktan ituro mo
lang. Tropa tayo e, di na kailangan ng kwento o paliwanag basta ituro mo. Check ko
nga kung may taste ka" banat ni Onofre kaya napahalakhak si Dani.

"Buti nalang si Ninny kagawig mo, di naman carbon copy pero malakas yung dugo ng
mom mo" sabi ng binata. "Napansin mo din pala" sabi ng dalaga. "Oo kaya, well
that's good para di mo siya maalala, I mean the guy" sabi ni Onofre.

"Kaya nga e, I don't why I brought that up. Sorry" sabi ng dalaga. "Dani, alam ko
bakit mo nailabas yon. Alam mo hindi ganon tingin ko sa iyo, you wanted to get my
impression about you I know. Tandaan mo may ate ako at same kayo" sabi ng binata.

"So siguro if wala kang ate siguro ganon iisipin mo ano?" tanong ng dalaga. "Grabe
ka naman, tagal narin natin magkaibigan di mo pa ako kilala? Ganito nalang, isave
mo tong usapan natin, next month sige tanungin mo ulit ako niyan" sabi ng binata
kaya binangga siya ng dalaga.

Isang oras lumipas sa loob ng kotse tinitignan ni Dani yung mga schedules. "Half
day lang, just get the morning subjects. Parang after lunch kasama mo na si Ninny.
So what kung tatagal schooling mo? Mas malaki mawawala sa iyo no. The school will
always be there, you can afford to go to school anytime pero you cannot afford to
miss moments of Ninny growing up"

"So what kung mag six years or ten years ka diyan sa course mo? Ang importante wala
ka mamiss sa paglaki ni Ninny" sabi ni Onofre. "Tama ka...naka enroll ka na ba?"
tanong ng dalaga. "Yup, ahem regular na ako hahaha. Oo one year delayed pero
regular na ako" sabi ni Onofre.

"Mag eenroll ata ako" sabi ni Dani. "Pag isipan mo maigi. Like I said its okay
kahit ilang units lang. Half day lang, bahala ka na if morning or afternoon pero
pag ako mornings para diretso mo makasama si Ninny. Or pwede naman hapon kasi mag
nap siya ng hapon so tamang tama pag gising niya nakauwi ka na"

"You can still play with her sa morning, kasama mo lunch then pag nap time niya off
to school ka. Pag gising niya nandon naman siguro mom and dad mo, sakto dinner time
you are with her again. I know its going to be tough now kasi kailangan mo mag
review at gumawa ng school stuff pero alam ko kaya mo yan" sabi ng binata.

"Now I don't understand why di ka napili ni Sly" sabi ni Dani. "Oh bakit napunta
nanandon ang usapan?" tanong ng binata. "Just saying, di ko maintindihan bakit
hindi ikaw napili niya. Ang bait mo tapos..basta. Yeah we barely know each other at
kayo ang tagal na magkakilala...so I don't get it"

"Ang point ko e...boyfriend material ka naman" sabi ni Dani. "Wow ha, lakas mambola
nito" sabi ni Onofre. "Maniwala ka, baka kasi late bloomer ka lang" sabi ni Dani
kaya nagtawanan sila. "So anong ibig sabihin non? If now ako manligaw baka may
mapasagot ako?" tanong ni Onofre.
"Hmmm...nag start ka palang mag bloom pero siguro. Try mo, wag kang matakot mag
fail kasi nandito ako para ipush kita" landi ng dalaga. "Sa bangin?" tanong ng
binata kaya napahalakhak yung dalaga.

"Wala ka bang ibabalita sa akin tungkol kay Shirley? Ahem, baka pwede natin silipin
profile niya sa phone mo" landi ng binata. "Do you really like her?" tanong ni
Dani. "Yes" sagot ng binata. "Then break your promise, text her or add her sa FB"
sabi ng dalaga.

"Tsk ang pangako ay pangako" sabi ng binata. "O di para kang ulol. Hanggang sa
imagination mo nalang siya. If you say you like her then be a man and break your
promise and court her" sabi ni Dani.

"Tsk, blackmark na ako don" sabi ni Onofre. "Hay naku, kaya ka ba nagiging close
kay Veronica kasi good mark ka sa kanya agad? So you choose her kasi akala mo may
lamang ka na kasi good mark sa simula?" tanong ni Dani. "Huh, uy hindi ko
nililigawan si Veronica. Hala ito" sabi ng binata.

"Ah kasi kung makapag kwento siya parang date yon. Ewan ko, kasi yung kwento niya
parang wala si Ton" sabi ng dalaga. "Look, I learned my lesson already. Parang di
ata maganda kung katropa ang liligawan mo e" sabi ni Onofre.

"Ay..oh..dahil kay Sly" sabi ng dalaga. "Oo pero siguro may mali nga ako talaga. If
ever maiinlove ako sa katropa ko, ikaw na yon" biglang sabi ni Onofre kaya nagulat
si Dani at labis siyang nautal.

Pinilit ni Dani tumawa, hinampas niya kamay ng binata saka kinurot ito. "Hoy, I was
just thinking out loud. Para itigil mo panunukso sa akin kay Veron. If ever lang
naman kasi yon, at if ever ikaw talaga" sabi ni Onofre.

"Hahahaha baliw, may anak na ako" sabi ni Dani. "So? Bakit porke may anak ka na di
ka na pwede mahalin? O kaya di ka na pwede mag mahal? Anong klaseng pag iisip yan?
At tulad ng sinabi ko I was just thinking out loud, if ever between you and Veron,
ikaw syempre kasi...eto ha ilista mo"

"Isa...yung beauty mo e yun ang type ko. Obvious naman siguro, ahem Sly, Shirley
tapos ikaw...o diba? Si Veron naiiba pero oo maganda din yon" sabi ng binata.
"Excuse me, Sly, Shirly tapos ako? How dare you, akala ko friend kita? Bakit mo
naman ako nilalagay sa level nila? I should be higher" landi ni Dani.

"Sabi ko nga" sagot ng binata kaya natawa yung dalaga. "Second, yung ugali mo trip
ko. I mean swack na swack e. Di ka yung pretty na super hot girl na pademure,
paarte, pabebe...ikaw yung sakto ba. Oo may times na galaw mo pang beauty queen,
pero may times din na galaw normal at galaw tamad"

"Yung ibang kilala ko kasi lalo na yung alam nilang maganda sila, hala sige
project. Pademure sa lahat ng gagawin. Pati pagtawa dapat may proper projection.
Lagi pa nakapose sa strong side nila para mahalata yung ganda"
"Gets mo ba ako? Nakakabwisit yung mga magagandang ganon. Badtrip ang mga ganon.
Saka lang sila rerelax pag panay pangit na kasama nila" sabi ng binata kaya laugh
trip si Dani. "Ikaw okay ka e, oo may ere ka din minsan pero nasa lugar at maganda
yung pag punchline mo sa ere mo kaya lumalabas na joke"

"Basta kwela kang kasama" sabi ni Onofre. "Well I am flattered" pacute ng dalaga.
"Kahit na sinabi ko mayabang ka?" landi ng binata. "Hahahaha aminado naman ako pero
maganda naman pag explain mo. Di naman ako mayabang na mayabang diba?" tanong ng
dalaga.

"Oo, steady lang at if ever may karapatan ka naman actually. I have a friend na
girl, she is..well..okay pero feeling niya diyosa siya. As in grabe, tapos
nagbabalak pang sumali sa pageant. If ikaw nagsabi sasali ka sa pageant automatic
agree ako. E yung kaibigan ko na yon napakatinding deliberasyon pang magaganap sa
aking isipan" sabi ni Onofre kaya super natawa si Dani.

"So di ka na friends with her?" tanong ng dalaga. "Friends parin, alam mo maaring
laitin kita dahil sa mga mali mo pero I will still be your friend. Sasabihin ko
lang sa iyo ang mga ayaw ko pero rerespetuhin parin kita sa trip mo. She feels she
is super pretty then I will support her kahit di ako agree" sabi ni Onofre kaya
halos maiyak na si Dani.

"Kaya nga she thinks I am her BFF kasi feeling niya bilib na bilib ako sa ganda
niya. I protected her twice already from bullies who called her pangit. Pag nilait
siya about stuff she did I wont defend her, if mali siya then pagbayaran niya mali
niya. Pero nilait siya dahil sa itsura niya e"

"Pinagtanggol ko siya talaga. Look, laitin mo ang tao dahil sa masamang nagawa niya
I am fine with that because that person can change his or her ways. Pero pag nilait
mo siya dahil sa itsura niya, naku ipagtatanggol ko siya" sabi ng binata kaya
nakabwelo ng tawa si Dani pero di niya alam kung tatawa siya o hindi.

"Ilabas mo yan or else mauutot mo pa" sabi ng binata kaya napahalakhak yung dalaga.
"Lalo na yung mga totoong di na kaya baguhin itsura nila...ako ang tagapag tanggol
nila" bigkas ni Onofre sa pagalit na boses kaya maiyak iyak na si Dani sa katatawa.

"Tsk, the sad part is hindi kita maipagtatanggol kailanman. Look at you. So I
cannot be your Superman or Batman..." drama ng binata. Halos mabaliw na si Dani
pero napatigil siya konti nang abutan siya ng binata ng panyo.

"Uy pinapatawa lang kita kasi parang nung napag usapan natin yung issue kanina para
lumungkot ka bigla. I even noticed how you would move away from me tuwing madaming
tao. If you are doing that for me then stop"

"Kaya ko protektahan sarili ko. If you are doing that for yourself then stop ka
din. Nagmahal ka, nagbunga yung pagmamahal na yon. Screw them if they make lait
you. Takot ka na sabihin nila may anak na nga naglalandi ulit? Wag kang magpaapekto
don"
"You have the right to love again...ay teka...hoy I am not saying na ako ha" sabi
ni Onofre kaya natigil luha ng dalaga pagkat napabungisngis siya. "Alam naman natin
na judgemental ang mga tao nowadays. You have the right to love again. Wag na wag
mo iisipin na damaged goods ka"

"Hey hindi original tong sinasabi ko, this is what my father told my ate. It helped
my ate so I hope it can help you too. Dani sabi ko kanina you have the right to
love again, pero sana if may makilala kang guy..."

"Tell him right away you have a very pretty daughter. Sabihin mo agad para masala
na agad yung mga katulad nung dad ni Ninny. Be proud you have a daughter. Mas
mahirap na ngayon kasi that lucky guy should be willing to love you both. Tang
iinumin niya pag ikaw lang pinili niya"

"Makakatikim siya ng kaliwa at kanan ko" banta ni Onofre kaya napangiti ng husto
ang dalaga. "Nof may anak ako" sabi ni Dani. "Alam ko, ano tingin mo sa akin
ulyanin?" sagot ng binata.

"Practice lang yon...para masanay na ako if ever may mameet akong guy. Nof may anak
ako" sabi ni Dani. "Oo dalawa sila. Si Ninny at...si Oninny" landi ng binata kaya
umating bata ulit siya.

"Oninny" lambing ni Dani. "Yes mama?" sagot ng binata. "Let mommy drive" sabi niya
kaya napaisip si Onofre. "Hmmm sige tara" sabi ng binata. "Uy joke lang yon" sabi
ng dalaga. "Hindi, tara you drive" sabi ng binata saka lumabas ng kotse.

Bumukas yung passenger side door, "Nof I was just kidding" sabi ng dalaga. "Sige
na, dalian mo lipat ka na" sabi ng binata. "E saan tayo pupunta?" tanong ng dalaga.
"ikaw bahala, ikaw driver. I am just your Oninny for today" sabi ng binaa.

Natense si Dani nung nakaupo na siya sa driver's seat. "Dala mo license mo?" tanong
ng binata. "Yeah its in my wallet" sagot ng dalaga. "Okay good, tara na" sabi ng
binata. "Nof pano kung mabangga?" tanong ng dalaga.

"Ay diyos ko! Wag mo naman ibabangga. Marunong ka ba o hindi?" tanong ng binata.
"Marunong pero matagal na ako walang practice" sabi ng dalaga. "Drive, siguro first
five minutes magegets mo na. Dasal ka ng traffic para galaw pagong tayo para
matagal tagal ensayo mo" sabi ng binata.

Ilang minuto lumipas napahinto sila dahil traffic, "No don't, wag mo na ilagay sa
N, pag matic leave it as is. Kasi if nilipat mo pa sa neutral then shift mo ulit
pag gagalaw na additional strain sa makina ng matic yon"

"So just step on the brake or mag hand brake ka if matagalan na hinto talaga" turo
ng binata. "Okay, pero how I am doing?" tanong ng dalaga. "buhay pa tayo so you are
doing good" sabi ng binata kaya natawa ng husto si Dani.
Sa tapat ng bahay nina Dani pinarada ng dalaga yung kotse. "O ha, so how was it?"
tanong ni Onofre. "Grabe, ang saya ko. From school to home" sabi ng dalaga.
"Tomorrow you enroll right? Sige sunduin kita then you drive from here to school
naman"

"Para magets mo na yung feeling at masanay mo yung rota papunta sa school. Then
samahan narin kita maghanap ng kotse unless nakahanap na dad mo" sabi ng binata.
"Wala pa pero gosh naatat ako bigla to have my own car" sabi ni Dani.

"Sabihin ko sana commute but ang goal mo is to get home at once to spend time with
Ninny so its worth it. Pero don't let her ride until you are really confident that
you can drive safely" sabi ni Onofre.

"Oo naman, so magkano ba gas? How much do I need to pay you para araw araw
practice?" tanong ng dalaga. "Well gas lang no" sabi ni Onofre. "Until I find a car
then you still come with me right?" pacute ng dalaga.

"Oo naman" sabi ng binata. "Okay come on, you are eating lunch here" sabi ng
dalaga. "May lakad pa ako Dani" sabi ng binata. "Wala kang lakad, dali na. Di ko
ibibgay tong susi mo. After lunch ko ibibigay" sabi ng dalaga.

"Pero may lakad ako ng one" sabi ng binata. "With whom?" tanong ni Dani. "Barkada,
ibang barkada" sabi ng binata. "Saka na yon, Oninny be a good boy" banat ni Dani
kaya natawa si Onofre. 

=================

Chapter 16: Chance Encounter 2

Chapter 16: Chance Encounter 2

Isang araw sa tapat ng isang shoe store sa loob ng mall humarang si Shirley sa
daanan ni Onofre. "Uy hello" bati ng binata. "Anong uy hello ka diyan? Nakita mo na
ako kanina pero hindi mo ako pinansin" sabi ng dalaga.

"Ah e ayaw ko mapahiya e. Kasi madami kang kasama kanina tapos naalala ko nung nasa
Pagudpud tayo. You didn't introduce me to your friends so naisip ko if binati kita
baka dedmahin mo lang ako. Kaya I didn't bother anymore. Nakita mo pala ako" sabi
ng binata.

"Wow matampuhin ka grabe" sabi ng dalaga. "Ayaw ko lang mapahiya. Madami ka kasama
kanina, if binati kita baka tinignan mo lang ako" sabi ni Onofre. "May rason naman
kung bakit hindi kita pinakilala sa friends ko sa Pagudpud pero yung mga kanina
sila yung mga super close friends ko so if binati mo ako of course ipapakilala kita
pero sayang hindi mo na makukuha yung chance na yon"

"Tamang tama ang ganda pa nung isang friend ko, I saw you looking at her" landi ng
dalaga. "Yung maiksing buhok?" tanong ni Onofre. "Oo, nilingon mo siya two times"
sabi ni Shirley. "Yeah, cute niya" sabi ng binata.

"Her name is Micah, pareho kaming nursing student" sabi ni Shirley. "Okay, noted"
sabi ng binata. "Noted?" tanong ni Shirley. "Oo noted, actually I just find her
cute. Sabihin mo na interested ako konti pero kaibigan mo e. Parusa yon" sabi ni
Onofre.

"Wow, so if di ko siya kaibigan go ka pero since kaibigan ko ayaw mo kasi you think
she is like me. Mabait yon" sabi ni Shirley. "Wala ako paki kung mabait, kaibigan
mo e. Pano ako mag seseryoso sa kanya kung ikaw ang kaibigan niya? I would be
cheating on her everyday kasi ikaw lagi ko titignan" sabi ng binata kaya natawa si
Shirley at napalo ang binata sa tagiliran.

"O ano? Sinabi ko na sa iyo crush kita, lasing at di lasing so hanggang ngayon
naman. Kaya lang alam ko saan ako lulugar" sabi ni Onofre. "What do you mean alam
mo saan ka lulugar?" tanong ng dalaga. "Basta. O baka may lakad kayo, pero did you
come here just to tell me dinedma kita?" tanong ni Onofre.

"Hindi, magpapalibre ako sa iyo. Mabait ka diba?" pacute ng dalaga. "Wow user" biro
ng binata. "Che" sabi ng dalaga saka tumalikod at naglakad na palayo. Humabol si
Onofre, tinignan siya ng dalaga sabay todo pacute. "Ililibre mo na ako?" tanong
niya. "Hahahaha bwisit ka, pano ko naman tatanggihan yan?" tanong ng binata.

"To naman, don't tell me nagtatampo ka parin dahil sa Pagudpud. Kaya kita hindi
pinakilala kasi kaka break lang namin ng boyfriend ko tapos ano I introduce a guy
to them agad? Diba? Ang pangit naman tignan" sabi ni Shirley.

"Oh..you just suffered a break up?" tanong ni Onofre. "Yeah, kaya nga I stayed to
listen at you ranting kasi nakaka relate ako. Kahit na magkaiba e parang may
connection tayo konti at nakakatawa ka kaya ayon nakinig ako" sabi ni Shirley.

"Oh sorry, tsk di ko naman alam na ganon pala" sabi ni Onofre. "So ngayon ililibre
mo na ba ako?" tanong ng dalaga. "Teka totoo ba yung sinabi mo? O niloloko mo lang
ako?" tanong ng binata. "Totoo" sabi ng dalaga sa mahinang boses kaya di alam ni
Onofre kung ano gagawin niya.

"Samahan mo ako muna, bibili ako sapatos tapos sige kain tayo" sabi ng binata.
"Your shoes are still okay naman" sabi ng dalaga. "Pero tag ulan na so I need new
ones. Kailangan ko yung may grip, yung ibang shoes ko pudpud na konti soles" sabi
ng binata. "Okay, pero let me just say...yang porma mo..." sabi ng dalaga.

"Kid stuff?" tanong ng binata. "Okay siya, oo kid stuff pero nadadala mo naman"
sabi ng dalaga. "Gwapo kasi e" banat ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Abuso ka
din e, pinagbigyan na kita sa porma mo tapos ihihirit mo pa itsura mo? Wow ha, dali
na para makabili na tayo ng sapatos mo. Gutom na ako e" biro ng dalaga.
Habang namimili ng sapatos siniko ni Shirley yung binata saka tinuro yung sobrang
kintad na orange na sapatos. "Eto maganda" sabi niya. "Oo type ko din yan pero
parang mahirap bagayan ang orange" sabi ni Onofre. "Eto pag binili mo ito tapos
sinuot mo ako naman manlilibre sa iyo" sabi ng dalaga.

Super natawa si Onofre habang pinagmamasdan yung pink na sapatos. "On sale yan sir"
sabi ng saleslady. "Natural kasi wala gusto bumili niyan" sabi ni Onofre.
"Seriously, sino naman kasing shoe company gagawa ng pink na sapatos for guys? Oh
wait sorry baka ang target marke nila is yung LGBT" sabi ni Shirley.

"If I buy this now ililibre mo ako?" tanong ni Onofre. "No, bingi ka ata my friend.
Sabi ko if you but this tapos sinuot mo ililibre kita. Madali naman bumili diba?
Pero sabi ko if sinuot mo" nilinaw ng dalaga.

"Hmmmm" bigkas ni Onofre saka napaisip ng matagal. "Sige miss, size twelve please"
sabi ng binata kaya natawa si Shirley. "Ate wag, nagbibiro lang yan" sabi ng
dalaga. "Miss pati itong orange then yung red na sinukat ko na kanina" sabi ng
binata.

"Huy, tama na yung red. Okay na yon" sabi ng dalaga. "Type ko din yung orange.
Etong pink nachachallenge ako. Kasi I buy it today, hindi ko siya isusuot pero pag
sinuot ko that means I get to see you again. O diba? Manlilibre ka pa non" landi ng
binata.

"Hey, masyadong madami" sabi ni Shirley. "Naka sale yung red, pati tong orange
thirty off, yung pink naman sobrang bagsak presyo parang makaawa sale na siya. Okay
lang, the last time I bought shoes was three years ago. Lumaki narin mga paa ko so
tamang tama lang" sabi ng binata.

Pagkalabas nila ng shoe store nagpaalam yung binata, "Tatakbuhan mo ako e" biro ng
dalaga. "Hahaha hindi, ilalagay ko lang mga ito sa kotse. Babalikan kita" sabi ng
binata. "Bakit pwede mo naman bitbitin ha" sabi ng dalaga. "Sigurista ka din pala,
wala kang tiwala sa akin" sabi ni Onofre.

"Hmmm boys in general. Siguro ganon ang epekto ng heart broken" sabi ng dalaga. "Oh
tsk tsk nanlalake siya ano?" tanong ni Onofre kaya natawa ng husto ang dalaga.
"Nanlalake kasi sabi mo all boys in general. So that means your boyfriend cheated
on you with another boy. Kaya ka galit na galit sa boys" biro ni Onofre kaya lalong
natawa yung dalaga.

Sa tapat ng isang restaurant sila tumayo, "Dito? Di naman masarap dito" bulong ng
binata. "Dito nalang" sabi ng dalaga. "Hey, may pera pa ako no. Come on doon nalang
sa kabila, di talaga masarap food diyan. Well at least I got to know maalalahanin
ka pala" sabi ng binata. "Kaya nga kita pinipigilan bumili ng madami shoes para
doon ako magpapalibre sa mahal e" banat ni Shirley kaya umariba sa tawa si Onofre.

Nung makaupo na sila sa loob ng restaurant inayos ni Onofre yung pagtabi ng


shopping bags niya. "O at least nakita nila madami kang dala, babait sila kasi alam
nila may pera ka" sabi ni Shirley kaya muling natawa yung binata. "Alam mo okay ka"
sabi ni Onofre.

"Oo na oo na, we are not here to talk, we are here to eat so please let me
concentrate at madami dami masarap dito sa menu" sabi ng dalaga. Pagkatapos mag
order napangiti si Onofre, "Akala ko ba madami ka oorderin?" tanong niya. "I am not
like Dani" sabi ng dalaga kaya nagulat yung binata.

"How did you know?" tanong ni Onofre. "Duh friend ko siya sa FB. I read your
comment sa isang post niya. Kinakantyawan mo siyang matakaw" sagot ng dalaga.
"Totoo naman kasi" sabi ng binata. "So ayon after I read your comment ininstalk ko
profile mo" sabi ng dalaga.

"You did?" tanong ng binata. "Yes, at alam mo ba may mutual friend tayo aside from
Dani. That mutual friend is one of the close friends of my ex" sabi ni Shirley.
"Whoa, really? Oh so kaya di mo ako inadd" banat ni Onofre. "Hahahaha ako mag add
sa iyo? Tapos ano iisipin mo type kita ganon?" sabi ng dalaga.

"Flattered lang kasi inadd ako ni crush" pacute ng binata. "Ikaw mag add sa akin
tutal alam ko na crush mo ako. Feeling diyosa ang peg" banat ni Shirley kaya
nagtawanan sila. "Sayang, I made a promise" sabi ni Onofre.

Nilabas ni Shirley phone niya saka nagpipindot, "Hoy wag kang mafeeling ha, ayan
inadd kita" sabi niya kaya nilabas ng binata phone niya at labis na napangiti. "You
really did" sabi niya. "Duh, wag mo accept kung ayaw mo. Pero if you do tandaan mo
mataas ang chance na mauulit ang mga ganitong panlilibre" sabi ng dalaga.

"Accepted!" bigkas ng binata. Tinago na ni Shirley phone niya, si Onofre di


mapakali pero gumaya at binulsa narin phone niya. "O ano?" tanong ng dalaga. "Wala
naman, salamat" sabi ng binata. "Sorry about Pagudpud"

"I was not myself. Parang nakalutang ako noon" sabi ni Shirley. "I understand, well
not really kasi never pa ako nagka girlfriend" sabi ng binata. "Hmmm almost the
same sa iyo pero mas masakit kasi naging kami. Yung sa iyo naman mas madami wishful
thinking, e kami naging kami talaga" sabi ng dalaga.

"Still I got hurt" sabi ni Onofre. "Alam ko no, I was there when you were drunk
remember? Nagbuhos ka talaga non e" sabi ng dalaga. "Okay tama na nakakahiya
nanaman" sabi ni Onofre. "Di naman, sabi ko nga sa iyo naka relate ako e. Ganon
naman daw kayong guys, dinadaan sa inom while kaming girls minsan kinimkim or sa
friends na babae nagbubuhos" sabi ni Shirley.

"I didn't know that you were hurting too, sorry talaga" sabi ng binata. "Alam mo
yung hate na hate ko yung feeling na nakakaawa ka. Kaya nagsisisi ako bakit ako
sumama sa Pagudpud. Kasi my friends made me feel that way. Yes I was hurt pero
kinakaya ko. I came with them to escape and enjoy sana pero they made me remember
the pain"

"Gets mo ba ako?" tanong ng dalaga. "Yeah, pero ganon naman ang mga kaibigan diba?
They would check how are you, make sure kung okay ka" sabi ng binata. "Oo alam ko
pero sana nakaintindi na din sila na sobra naman na. Kaya ayon I was trying to
avoid them, gusto ko magsolo to enjoy the place and to be able to get used to being
single again" sabi ni Shirley.

"Okay, sorry talaga" sabi ni Onofre. "No need to be sorry. Kaya now gets mo na
bakit di kita pinakilala? I did konti, syempre diba pinabantay ko yung bag. Basta
matatawa ka kung ano sinabi ko sa kanila" sabi ng dalaga.

"What? What did you tell them?" tanong ni Onofre. "E kasi I was not with my friend
who was with me when you were drunk. Wala din yung mga iba na nakapanood ng video.
So I told my other friends na single dad ka tapos iniwan ka ng wife mo then sabi ko
dating school mate ka" sabi ng dalaga.

"What? Single dad na iniwan ng asawa?" tanong ni Onofre kaya tumawa yung dalaga. "E
yun ang una kong naisip. Like I said I just could not say na ah yan nakilala ko
nung isang gabi. Diba? Buti sana kung pangit ka pero...ayan may itsura ka. Tapos
may bata pang involved so ano nalang sasabihin nila sa akin desperada? Papatol sa
may anak na?" sabi ni Shirley.

"O bakit ka nakangiti?" tanong ng dalaga. "Wala naman. Akalain mo ang daming
misunderstanding" sabi ng binata. "E ikaw drama boy, at least give me your name so
I can put a name on the face of my crush hahahaha. Pang Oscars ang drama mo" sabi
ni Shirley kaya humaplos sa mukha ang binata saka natawa.

"Binigay mo naman" sabi ni Onofre. "E gusto ko talaga tumawa non pero naisip ko
baka masyado harsh kasi nga you too just got hurt. So binigay ko, e binigay ko din
naman nung lasing ka" sabi ng dalaga.

"Oo nga e, di ko talaga maalala. Pero you said I did something bad e. Pwede malaman
ano yon?" tanong ng binata. "Basta" sabi ng dalaga. "Sige na para alam ko ano yon.
How am I supposed to be friends with you when I know I did something bad?" sabi ni
Onofre.

"Basta nga, let it go nalang. As long as alam mo may nagawa ka then magpaabait ka
na nalang. Ilibre mo ako ng ilibre" banat ni Shirley kaya natawa si Onofre. "Pero
wait, did I hurt you?" tanong niya. "Oh no, lets not talk about it nalang. Eto na
yung food" pacute ng dalaga.

Pagatapos kumain nagtungo sila sa isang shop ng mga men's shirts. "This one for the
orange shoes" sabi ni Shirley. "Its too bright pero oo nga no" sabi ng binata. "Oo
okay to kasi look if traffic sa daan you can help the MMDA. Kahit pa gabi" sabi ng
dalaga kaya laugh trip si Onofre.

"Sir eto lang yung pink namin" sabi ng saleslady saka nagpakita ng mga pink shirts
na may collar. "Yeah, those are good" sabi ni Shirley. "Miss kunin ko tong orange
at itong pink" sabi ng binata. "Get something na black pero may pink" sabi ni
Shirley.
"Okay pero eto nalang daw pink nila" sabi ng binata. "Next time" sabi ng dalaga.
"Okay, miss yan lang" sabi ni Onofre saka tinignan yung dalaga. "O ano?" tanong ni
Shirley. "Inaantay ko na tawanan mo ako" sabi ng binata.

"Bakit kita tatawanan?" tanong ng dalaga. "Kasi pink" sabi ni Onofre. "So? E ano
kung pink. Dalian mo magbayad at bibili pa tayo ng kikay kit mo. Okay naman kutis
mo so kahit face powder, then sa lips mo magstart ka muna sa lip gloss or if you
want light shade of red" banat ni Shirley.

"Hahaha bwisit, sabi ko na e. Grabe sabi ko na" sabi ni Onofre. "Wag ka na mag bag"
sabi ni Shirley na yumuko saka tinadtad ng kurot yung braso ng binata. "Bwisit ka,
iniimagine mo talaga na bading ako?" tanong ni Onofre.

Sa may parking area kinarga ni Onofre ang lahat ng nabili niya sa likod. Pagpasok
nahuli niya si Shirley na nagkakalkal sa glove compartment. "What are you looking
for?" tanong ng binata. "Just checking out your CD collection" sabi ng dalaga.

"Konti lang music ko, pero eto dito madami" sabi ng binata saka pinakita yung USB
drive. "Hala ang ignorante ko, pwede nga pala. High tech tong car mo" sabi ng
dalaga. "Di naman, yung stereo ang high tech" sabi ng binata. "So mahilig ka sa
music?" tanong ng dalaga.

"Steady lang, ikaw ba?" tanong ni Onofre. "Mahilig, lagi ako nagreregister ng
Spotify pero yung nine pesos for three months" sabi ng dalaga. "May ganon? Akala ko
one hundred plus a month" sabi ng binata. "Meron no, parang promo nila pang
engganyo sa bagong registrants"

"After three months back to regular price so what I do is cancel subscription then
register ako new account para nine pesos ulit" pacute ng dalaga. "Hahaha wise ka
ha" sabi ni Onofre. "E wala naman nagsabi na bawal e. Hilig ko talaga makinig ng
music e" sabi ni Shirley.

"So that does mean you sing too?" tanong ng binata. "Gusto mo basira ear drums
mo?" tanong ng dalaga. "Alam ko kumakanta ka kasi ang cute ng boses mo" sabi ni
Onofre. "Lahat naman ng tao kumakanta e, depende na siguro pano maappreciate yung
pagkanta na yon" sabi ni Shirley kaya muling natawa yung binata.

"Patawa ka talaga" sabi niya. "Uy di naman, ginagawa ko lang lahat ng kaya ko para
makalimutan mo yung usapan natin kanina" pacute ng dalaga. "Hahahaha isusuot ko yon
at ililibre mo ako?" tanong ni Onofre. "Shit naalala pa niya" sabi ng dalaga kaya
super natawa ang binata.

"Hey daan ulit tayo sa muffin store" sabi ni Onofre. "Oo ba, may bago silang drink
don maybe you wanna try it" sabi ng dalaga. "Wow parang tambay ka lagi don ha" sabi
ng binata. "Its cheaper than Starbucks and other coffee shops tapos malapit sa
amin. Pag wala ako ginagawa nilalakad ko papunta don lalo na sa morning then
breakfast ako don then lakad ulit pauwi" sabi ni Shirley.

"Really? Fitness buff ka ano? Kasi you are physically fit" sabi ni Onofre. "Nahiya
ka pa, sexy na sabihin mo para flattering" landi ng dalaga kaya nagtawanan sila.
"Well yeah ganon nga" sabi ng binata. "Me and ex we used to go biking and jogging"
sabi ng dalaga.

"Ah.." bigkas ni Onofre. "Kaya nung binawi niya yung bike na bigay niya sa akin I
knew it was over" sabi ng dalaga. "Gago naman, binawi talaga? Indian giver siya?"
tanong ng binata. "E kasi mahal yung bike e diba?" sabi ni Shirley.

"Kahit na, binigay mo nga e. Tapos babawiin? Sus indian giver" sabi ni Onofre.
"Hayaan mo na, mas mabuti nang ganon para di ko siya maalala" sabi ng dalaga.
"Siguro di niya nakayanan ugali mo" biro ng binata kaya natawa si Shirley.

"True, minsan naiirita siya sa akin. Kaya siguro nung may nakasama siyang ibang
biker ayon sumama don" sabi ni Shirley. "Ay sorry" sabi ni Onofre. "Kasalanan ko
din, that day nag inarte ako. I felt so lazy as in alam mo ba yung days na you feel
brain dead at parang wala kang gusto gawin?"

"Yeah it was that day, dumating na siya para sunduin ako e. Ganon kasi we get the
bikes on his car then we go sa trail. Pero that day ewan ko ba, I felt so lazy.
Then I learned that it was that day he met the other girl" sabi ni Shirley.

"Di mo naman kasalanan yon, we all meet people anytime. Nasa kanya parin if he
cheats or not" sabi ni Onofre. "Still I made it possible for them to meet. If
kasama niya na ako noon they would have never met" sabi ng dalaga.

"So you blame yourself?" tanong ni Onofre. "Yeah" sagot ng dalaga. "If sumama ka sa
kanya that day then kayo pa sana. Di ka sana pumunta sa Pagudpug, di sana kita
nakilala. Wala sana tayo dito na nag uusap"

"If sumama ka sa kanya that day then may chance na di ko naturuan si Ninny
lumangoy, di siguro ako ininvite nina Dani sumama sa kanila so I would be stuck
with my barkada and would be bleeding inside and maybe drunk again and again.."

"I stopped drinking...so thank you Shirley kasi di ka sumama sa kanya. I met new
friends so thanks for that too. Pasensya ka na kung kamalasan dinala ng desisyon
nung araw na yon pero sa akin madaming magandang nadulot ng desisyon mo"

"So if you blame yourself isipin mo din yung magandang nadulot nung desisyon mo
para sa iba. I am only speaking for myself pero I am sure madami din naapektuhan ng
desisyon mo" sabi ni Onofre kaya napangiti si Shirley.

=================

Chapter 17: Ebiesbi


Chapter 17: Ebiesbi

"Noff! Noff!" sigaw ni Nina pinagdadabog yung lamesa. "Basta makarinig ng busina
akala niya si Nof" sabi ni Dani. "Well because its him" sabi ni Martin na
nakadungaw sa bintana. "Si Nof?" tanong ng dalaga. "Yes" sagot ng ama niya.

"Hala, nakapambahay ako. Nakakahiya. Kayo po muna bahala sa kanya" sabi ni Dani
sabay paspas na umakyat sa second floor. Lumabas si Martin para buksan yung gate,
ilang saglit nagsisigaw na si Sarah pagkat lumabas ng pintuan si Nina. "Nooofff"
hiyaw ng bata saka pinagtuturo yung binata sa may gate.

"Sir" bati ni Onofre, "Come in" sabi ni Martin. Nagtatalon si Nina kaya agad siya
kinarga ng binata. "Hello Ninny, how are you?" lambing ng binata. "Noff! Lolo si
Noff...lola si Noff si Noff" bigkas ng bata sa tuwa. "Iho samahan mo nalang siya
kasi she is still eating breakfast" sabi ni Sarah.

"Ay sorry po" sabi ni Onofre. "No its okay, come inside at ikaw nalang magtuloy"
sabi ni Sarah. "Eat Ninny?" tanong ng binata. "Eat! Eat!" sigaw ng bata saka tinuro
yung pintuan. Pagdating sa dining table napalingon si Onofre, "Nasa taas naliligo"
sabi ng kasambahay. "Ay sige po" sagot ng binata saka naupo.

Ilang minuto lumipas sa may hardin sumulpot ang bagong ligong si Dani. "Hello" bati
ng dalaga kaya ang binata napalingon at pansamantalang nanigas. Pinagmasdan niya si
Dani habang nagpupunas ito ng buhok, suot niya matingkad na orange na sleeveless
blouse with matching shorts.

"You look so vibrant" sabi ni Onofre. "Hahaha nasilip kita sa window, type ko yung
kulay ng orange shirt mo so nainggit ako. Naalala ko may mga di pa ako nasusuot na
damit so eto" sabi ng dalaga. "Vibrant and I must say you look very pretty today"
sabi ng binata.

"Hahaha wala naman nagbago, namiss mo lang siguro ako" biro ng dalaga. "Siguro nga,
ah speaking of shirt etong shirt ko, hulaan mo sino namili nito for me" tanong ng
binata. "Ate mo?" tanong ni Dani. "Nope, not family related" sabi ng binata.

"Don't tell me you went out on a date with Veronica" sabi ni Dani. "Nope, di ka
maniniwala pero si Shirley" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Sa panaginip
mo?" tanong ni Dani. "Seryoso, magkasama kami kahapon" sabi ng binata. "Wow,
another chance encounter" sabi ni Dani.

"As in grabe nagulat ako. Tapos ginamitan niya ako ng super powers niya. Nilibre ko
siya pero sinamahan niya ako muna to buy shoes" sabi ng binata. "Oh, so happy ka
pala kahapon" sabi ni Dani na dinaanan ang binata para puntahan ang kanyang anak na
naglalaro sa damuhan.

"Very happy" sabi ng binata kaya napalingon ang dalaga. "At bakit?" tanong niya.
"Di ka ba nagcheck ng FB? Inadd niya ako" sabi ni Onofre. "Hahahaha oh come on, di
mo natiis kaya inadd mo siya ano?" tanong ni Dani. "Seryoso, she added me. While we
were waiting for the food she added me"

"Tapos eto pa, may rason bakit di niya ako pinakilala sa friends niya" sabi ni
Onofre kaya nagkwento na siya. Nung matapos ang kwento niya binuhat ni Dani si
Nina saka dinala sa loob. "Uy naglalaro pa siya" sabi ni Onofre. "Ayaw ko siya
maarawan tapos may nakita akong lamok, nakakainis ang mga lamok. Badtrip" sabi ng
dalaga.

Sa salas naupo si Dani pero nagulat siya nang dumikit sa kanya yung binata saka
inagaw si Nina. "Happy ako kahapon Dani, di ko maexplain" sabi ng binata. "Good for
you, so ligawan mo na. Ano pa inaantay mo?" tanong ng dalaga. "Nope, di pa siya
naka move on. Masaya na ako na real friends na kami at yung mag iniisip ko noon e
mali pala ako" sabi ng binata.

"So why are you here? Just to tell me that news?" tanong ni Dani kaya tinignan siya
ng binata. "Di naman, namiss ko si Ninny e" sabi ng binata. "O di kayo mag usap"
banat ni Dani kaya natawa yung binata. "Ninny selos mama mo o" sabi ng binata.

"Seyosh" bigkas ng bata kaya natawa si Dani. "Syempre namiss din kita, namiss ko
kakulitan mo" sabi ni Onofre. "Ah ganon kakulitan lang" sabi ng dalaga. "Bakit ano
pa ba pwede mamiss sa iyo e isang araw lang tayo di nagkita habang si Ninny ilang
araw ko di nakita e" sabi ni Onofre kaya napangiti ang dalaga.

"Kumusta naman lakad mo kahapon? Did you meet someone new?" landi ng binata. "Ninny
o selos si Nof" banat ni Dani. "Nof seyosh" sigaw ng bata saka tumawa. "Hahaha di
mo ba napansin na most of the time na nag uusap tayo she just listens to us. Di man
siya nakatingin pero parang nakikinig siya"

"Unlike Karlo na if say for example nakaupo lang tayong ganito tapos nakakandong
siya, mangungulit siya to get down or maghahanap ng magagawa. Pero si Ninny look at
her, nakaupo lang siya or nakatingin lang sa atin" sabi ni Onofre.

"Nagtataka ako bakit kaya iba ang reaksyon niya pagdating sa iyo. She gets all
excited, tulad kanina narinig lang busina alam niya agad na ikaw. Well lahat ng
busina she thinks its you" sabi ni Dani. "Marunong lang kumilala si Ninny ng tunay
na gwapo" banat ni Onofre kaya super halakhak si Dani.

Gumaya yung bata kaya lalong natawa yung dalaga. "Grabe ka, pati pagtawa mo na todo
bigay ginagaya niya. "Ninny will grow up to be a beauty queen, siya yung tutupad sa
mga pangarap ko" sabi ng dalaga. "Really? Dream mo maging beauty queen?" tanong ni
Onofre.

"Lahat naman ng mga babae ganon pangarap e" sabi ng dalaga saka hinalikan anak nya
sa pisngi. "Kiss mama" sabi ng bata saka tinuro bigla yung pisngi ni Onofre kaya
nagtawanan yung dalawa. "No Ninny, cannot be" sabi ng binata.

Ang binata nalang ang humalik sa bata, "Kiss Noff dito oh" sabi ng bata saka tinuro
pisngi ng nanay niya. "Ayan kasi, dapat di mo na siya hinalikan" sabi ni Dani.
"Madali lang yan, lilituin natin siya, Ninny look....brown" sabi ng binata saka
tinuro yung isang wooden display.

"Brown" bigkas ng bata saka lumingon at tinuro yung suot ng nanay niya. "Red"
bigkas niya. "No, its orange. Look orange" sabi ni Onofre saka tinuro sapatos niya.
"Wow pasikat, oo na bago shoes mo" sabi ni Dani. "Orens...Orends Nof?" tanong ng
bata saka tinuro suot ng binatang pantaas.

"Yes! Good girl" sabi ng binata kaya todo palakpak ang bata. "Eto Nof" sabi ni Dani
saka inabot yung pulang unan. "Ninny this is red" sabi ng binata. "Red! Pillow"
sabi ni Nina. "Very good" bigkas ng binata kaya hinalikan ni Dani anak niya sa
pisngi.

Palakpak si Nina, "Dito mama" sabi niya saka tinuro pisngi ni Onofre. "Bakit mo pa
kasi hinalikan?" bulong ni Onofre. "E sorry I was proud of my daughter" sabi ng
dalaga. "Dito o" ulit ni Nina kaya natawa si Dani. "Its improper, Ninny look o red"
sabi ni Onofre pero ang bata nangulit na.

"Pwede naman kunwari lang" sabi ni Dani. "Its really improper, mabuti nalang if ako
kung okay sa iyo that is" sabi ng binata. "How is it improper?" tanong ni Dani.
"Basta, para sa akin di maganda na yung babae pa hahalik sa binata. As if naman
madami ako alam, enbiesbi hello" sabi ni Onofre.

"Ebiesbi" bigkas ni Nina kaya super halakhak si Dani. Super tawa din si Nina kaya
si Onofre nakitawa. "Do you know what you just said?" tanong ni Dani. "NBSB, no
boy...oh..no" bigkas ng binata. "Ebiesbi" bigkas ni Nina kaya laugh trip si Dani.
"Ninny no, it should be engeeesbi" sabi ng binata. "Ebiesbi Nof hahahaha" banat
bata kaya halos maiyak na si Dani sa tuwa.

"I just should have kissed you" sabi ni Onofre kaya napatigil bigla si Dani.
Hinalikan ni Onofre si Nina sa pisngi, ang bata agad tinuro pisngi ng nanay niya
kaya nanigas si Dani pagkat nilapit naman ng binata mukha niya.

"Hey.." bigkas niya. "Oh for her" sabi ng dalaga saka hinarap pisngi niya. Dinampi
lang konti ni Onofre mga labi niya, si Nina pumalakpak kaya agad nilayo ng binata
mukha niya. Inagaw ni Dani anak niya saka dinikit mukha sa leeg ng bata para itago
yung kanyang pamumula habang si Onofre napakamot saka natatawa konti.

"Bakit?" tanong ni Dani habang nagtitili ang anak niya sa kiliti. "First time I
kissed a girl aside from my ate or mom" sabi ng binata. "Sus, it was like a beso
lang. To naman kung maka bigkas ng kiss...ay oo ebiesbi ka pala" banat ni Dani.
"Ebiebi Nof" sabi ni Nina kaya natawa nalang si Onofre.

"Ninny soon hindi na" sabi ni Dani. "Not very soon, ayaw ko na maulit yung mga
kamali ko kay Sly" sabi ng binata. "Meaning?" tanong ng dalaga. "Ayaw ko naman
maging predator, alam ko she is still recovering so I want to be a friend to her
pero ayaw ko din maisip niya na predator ako"

"Kasi alam niya na crush ko siya, so baka isipin niya nagbabait baitan lang ako sa
kanya. Ang hirap Dani" sabi ng binata. Nagulat ang dalaga nang sumandal ang binata
sa kanya at hiniga pa ulo niya sa kanyang balikat. Di makakibo si Dani, kiniliti
kiliti ni Onofre si Nina kaya ang bata hiyaw ng hiyaw.

"Buti pa si Nina simple lang ang buhay, simple joys lang as of now pero pagtanda
nito naku. Just call my name Ninny and tito will protect you. Sure na ako maganda
siya e, so madaming predator diyan. Dadaan muna sila kay tito Nof" sabi ng binata
kaya napangiti si Dani. "E pano yung mga predator ko?" tanong ng dalaga.

"Kasama ka na sa protection coverage ni Ninny" sabi ng binata. "Naks, parang


insurance lang ha" sabi ng dalaga. "Simple lang naman yung sa iyo e, wise ka naman
na e. If may peste na makulit just tell me and dikitan kita para lumayo layo siya.
Swerte mo gwapo ako kaya maniniwala yon agad na ako ang chosen one"

"Pero pag type mo naman yung guy at sure ka okay siya, didikit parin ako konti.
Syempre maiinsecure siya sa kagwapuhan ko, aba magpursige siya kung talagang
seryoso siya sa iyo" sabi ng binata kaya tawang tawa nanaman si Dani.

"Ang kapal, as in ang kapal" sabi ng dalaga. "Bakit Dani, you don't find me
attractive?" tanong ng binata. "Huh?" bigkas ng dalaga sa gulat. "Yun ba kulang ko?
Kasi naniniwala ako sa ate at nanay ko tuwing sinasabi nila gwapo ako e. I can see
myself sa mirror pero am I handsome or steady lang?" tanong ng binata.

"Hala to, huy anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Dani. "You are my friend, so tell
me" sabi ng binata. "Huh..eh..honestly? You want the truth?" tanong ng dalaga.
"Yeah, tell me" sabi ni Onofre. "I really don't want to hurt your feelings e" sabi
ni Dani. "Ah I see" sagot ng binata.

"Hahahaha baliw, gwapo ka kaya" sabi ng dalaga. "Sinasabi mo lang yan kasi nahurt
mo na ako" landi ng binata. "Baliw, gusto mo lang paulit e. You are good looking.
Di naman yung saksakan ng gwapo, di naman yung slight, siguro sakto lang yung term
na gwapo"

"Hindi ka yung type na titilian talaga pero ikaw yung tipong mabibigyan ng second
look, third look, fourth look basta ganon" sabi ng dalaga. "Dapat kasi naniwala na
ako nung una, parang lalo ako nasaktan nung nag explain ka na" sabi ni Onofre kaya
nagtawanan sila. "If worried ka about Shirley then don't kasi sa looks you pass,
ugali nalang kailangan mo patunayan" sabi ng dalaga.

"Hindi pa, just a friend for now" sabi ng binata saka huminga ng malalim. "Baka
maunahan ka nanaman" sabi ni Dani. "Siguro it took me a long time to change kaya
nakapili ng iba si Sly. Bakit pag ikaw Dani...teka sabi mo sa akin Sly likes me
pero I did something wrong...if you were her...would you have waited?" tanong ng
binata.

"Mahirap na tanong yan, bias magiging sagot ko kasi from the moment I met you ang
bait bait mo na sa amin. Kaya pag ako sasagot niyan syempre sasagot ko is oo mag
aantay ako. Bias answer yon Nof kasi so far wala ka pang nagagawang mali sa amin
and look at how I answer, sa amin, I have to consider Nins"
"Pero hypothetical thinking, yeah I would wait for you" sabi ng dalaga. Napangiti
si Onofre saka napapikit, "Sleep si Nof" sabi ni Nina. "Magiging tsismosa ata tong
anak ko" sabi ni Dani kaya natawa si Onofre. "No Ninny nag close eyes lang ako"
sabi ng binata.

"Hmmm hmmmm" bigkas ng bata saka hinaplos haplos ulo ni Onofre kaya pigil tawa si
Dani. "What is she doing?" tanong ng binata. "Pikit ka, kasi ganyan ginawa ko to
make her sleep. I hum or sing" sabi ng dalaga. "Di naman ako inaantok" bulong ni
Onofre. "Basta play along" sabi ni Dani kaya hiniga ng binata ulo niya sa balikat
ng dalaga saka pumikit.

"Sleep Nof mama...hmmm hmmm" bigkas ng bata. "In fairness may tono yung hum niya"
bulong ni Onofre kaya nakiliti konti ang dalaga sa pagbulong ng binata sa kanyang
tenga. "Shhhhhhh sleep na Nof mama" sabi ni Nina.

"Yes baby, shhhhh kiss mo Nof" sabi ng dalaga kaya humalik ang bata sa noo ng
binata. Ilang minuto lumipas nagising si Onofre dahil sa tawa nung mag ina. "Yuck"
sigaw ni Nina saka nagtitili habang si Dani tawa ng tawa. Naupo ang binata saka
napangiti, "Grabe naka idlip talaga ako" sabi niya.

"Laway Nof" sabi ni Nina saka tinuro yung balikat ng nanay niya. "Oh my God" bigkas
ng binata. "Omaygaaaaaa yuck!" sigaw ni Nina na tumakbo takbo sa salas. "Hahahaha
nilawayan mo ako. Naglalaway ka pala pag natutulog ka" sabi ni Dani.

Paspas na naglabas ng panyo si Onofre saka pinunasan balikat ng dalaga. "Oh my God,
I am so sorry" sabi niya. "Akala ko si Nins na nagsuka kasi I usually put her to
sleep on my shoulder while watching TV. Nakalimutan ko she was on my lap watching
along hahaha" sabi ni Dani.

"This is so embarrassing" sabi ng binata. Sumulpot si Nina hila hila si Martin kaya
lalong natawa si Dani. "Lolo yuck o..Nof yuck o" sumbong ng bata. Niyuko ni Onofre
ulo niya, si Dani tawang tawa parin kaya kinuha niya si Nina at pinakandong sa lap
niya.

"Akala ko kung ano na, itong batang ito talaga" sabi ni Martin saka umalis. "Dear
future girlfriend, do not, I repeat do not let me sleep on your shoulder or else"
sabi ng binata kaya napahalakhak si Dani. "Sorry talaga, pero grabe naidlip talaga
ako don ah. It felt so nice"

"Parang preview ng pagkakaroon ng girlfriend" landi ng binata. "Sana naman hindi sa


akin nag practice ng paglaway" biro ni Dani. "Oh my god, hiyang hiya na ako sa iyo"
sabi ng binata. "Okay lang no, it happens" lambing ng dalaga.

"It just felt so nice" sabi ng binata. "Sige higa ka ulit" sabi ni Dani. "No thanks
baka maulit lang" sabi ng binata. "May masking tape kami" biro ni Dani kaya natawa
si Onofre at biglang sinudot tagiliran ng dalaga. Napahiyaw talaga si Dani, si Nina
humiyaw din at umalis sa lap ng nanay niya. "Sorry, hala I thought you were Sly, I
would do that to her if she teases me to make her stop" sabi ni Onofre.
Pilyang Nina gumawa kaya humiyaw ulit si Dani, "Nof" sigaw ng bata, "Hoy tama na!
Nof wag!" sigaw ni Dani pero sinundot ng binata yung tagiliran ng dalaga.
"Stop...hahaha please stop" hiyaw ni Dani na sinubukan na tumayo.

"No! Nof Nof!" sigaw ni Nina kaya niyakap ni Onofre si Dani para panatiliin sa
sofa. Namula si Dani, nag init mga pisngi niya pero sigaw sya ng sigaw pagkat si
Nina walang tigil na tusok ng tusok sa kanyang tagiliran.

"Sige Ninny, sundot pa" udyok ni Onofre. "Nof wag mo siya turu...hahahaha Ninny
stop...please stop..malakas kiliti ko Nof ano ba" reklamo ng dalaga. Hinigpitan ni
Onofre yakap niya, si Nina sigaw ng sigaw at walang tigil na pinagsusundot nanay
niya.

Halong sigaw at tili si Dani pero sa totoo naeenjoy niya yung pagyakap ng binata sa
kanya. Ilang minuto lumipas hingal na hingal si Dani, si Nina nakakandong kay
Onofre habang kumakain sila ng ice cream. "Dani if you want ice cream go get in the
kitchen" sabi ni Sarah. "Yes ma" sagot ng dalaga.

"Nof is that enough for the two of you?" tanong ni Sarah. "Opo tita" sagot ng
binata. "Grabe I am so tired" sabi ni Dani habang inaayos suot niya. Hinaplos ni
Onofre yung espasyo sa tabi niya saka ngumiti kaya si Dani mala slow motion na
lumapit at tumabi sa binata.

"Your mom gave too much, tatlo nalang tayo dito" bulong ng binata. "Pagdating sa
ganyan madamot si Nins" sabi ni Dani. "Hindi, ako bahala" sabi ng binata. "Ninny si
mama din ha. Give natin ha" sabi ng binata kaya nagulat si Dani nang nag nod ang
bata.

"No" sigaw ni Nina. "See I told you" sabi ni Dani. "Spoon mama" sabi ng bata.
"Ah...okay okay" sabi ni Onofre. "Ako na, subuan daw kita" sabi ng binata. Sinubuan
ni Onofre si Dani ng ice cream, si Nina napangiti at nag antay ng turn niya.

Nung turn ni Dani super ngiti si Onofre, "Practice nanaman to para kay future GF"
landi niya kaya natawa yung dalaga. "Dahan dahan baka pagdating ng araw na meron ka
na ako yung maiisip mo" biro ni Dani.

"Ah ganon? O sige preview ito kung naging tayo na" banat ni Onofre kaya napatigil
yung dalaga. "Basted ka na agad, ang liit ng subo. Unfair, kay Nins puno yung spoon
tapos sa akin half" banat ni Dani.

"O eto higop ka mula dito sa bowl" biro ni Onofre kaya pacute na nagsimangot ang
dalaga. "Hahahaha basted kamo e, gusto mo kunin yung gallon? Gusto mo sandok?"
hirit ni Onofre kaya natawa na yung dalaga at nakiliti.

-----------------------------------

#Seyosh
=================

Chapter 18: #FreShi

Chapter 18: #FreShi

"O ano nagustuhan mo yung kanta?" tanong ng dalaga. "Okay naman, sikat ba yon?"
tanong ng binata. "Not really pero listen to the lyrics, its really good" sabi ng
dalaga. "Di ko type yung tunog" sabi ni Onofre. "Ay ganon ka? Nakikinig ka kasi
maganda yung tunog?" tanong ni Shirley.

"Ganon naman diba?" tanong ng binata. "Well for some, ako kasi mahalaga sa akin
yung laman din. Alam ko na mga type mo, Gangnam Style no?" sabi ng dalaga. "Di rin,
basta kung ano uso pinapakinggan ko" sabi ng binata.

"I see, hey tambay ako sa muffin shop later maybe" sabi ni Shirley. "Ano gagawin mo
don?" tanong ng binata. "Wala, chill lang. Malapit na pasukan e. Unwind lang so I
was thinking if you wanted to come" sabi ng dalaga. "Ah..aha! Ikaw ha, alam ko
punchline nito e, wear the pink stuff para makamura ka" sabi ni Onofre kaya natawa
ng malakas yung dalaga.

"Gipit e and I wanted to get it done kasi ako yung tipo na ayaw ko yung may utang
ako" sabi ni Shirley. "Di naman utang yon e and nagbibiro lang ako. You don't have
to continue that deal" sabi ni Onofre. "Tuloy pero gipit lang kasi I am saving for
a bike. Hinahanap hanap din kasi ng katawan ko yung biking" sabi ng dalaga.

"Miss mo siya?" landi ng binata. "Hello no! Nasanay na katawan ko sa biking so


ganon lang yon" sabi ni Shirley. "I see, tara chill out tayo pero wag naman sa
muffin shop. Actually may alam akong magandang location ng isang coffee shop" sabi
ni Onofre.

"Libre mo?" pacute ng dalaga. "Oo, kasi tamang tama sa area na yon icheck ko yung
isang binebentang kotse. Bibili kasi sina Dani ng car" sabi ni Onofre. "Oh so
magsasama kayo ni Dani?" tanong ni Shirley. "Hindi, I was at their place yesterday"
sabi ng binata.

"I see, so san ba yung sinasabi mo?" tanong ng dalaga. "No, you get ready then I
will come pick you up" sabi ni Onofre. "Ano oras na ba?" tanong ni Shirley. "Almost
eight" sagot ni Onofre. "Sige, bihis na ako actually so ikaw na mamili ng time"
sabi ng dalaga.

"What? Bihis ka na?" tanong ng binata. "Oo, actually papunta na dapat ako don. It
opens at eight e, pero nung lalabas ako e nakita ko yung kapitbahay kong
kinakainisan ko, nandon sa tapat kausap yung manliligaw niya. Eesh pesteng babae
yon" sabi ni Shirley kaya natawa si Onofre.
"Kaya tinawagan mo ako ganon?" tanong ng binata. "E kasi nabasa ko yung good
morning mo. Tinamad ako mag reply so eto messenger call" sabi ng dalaga. "Okay,
give me fifteen minutes. Ligo at bihis lang then puntahan na kita" sabi ni Onofre.
"Hey..you don't need to wear the pink stuff" sabi ng dalaga. "I know kasi ako naman
maglilibre" sabi ni Onfore kaya super natawa si Shirley.

Isang oras lumipas sa loob ng isang coffee shop napangiti si Shirley pagkat sobrang
ganda nung lugar. "Parang malaking bahay lang tapos madaming salas" sabi niya.
"Dati walang tao dito, konti lang pero ngayon laging puno ito" sabi ni Onofre.
"Laging puno pero nakakuha tayo ng spot" sabi ni Shirley.

"Well nagpareserve na ako sa kaibigan. He works here, siya nag introduce sa amin
nitong place. Dati half lang tong lugar pero nag expand sila so now ang lawak na ng
place. Unlike the other coffee shops na pila ka counter then get your own order
dito parang typical restaurant siya" sabi ni Onofre.

"I am sure mahal dito" sabi ni Shirley. "Diyan ka nagkakamali, in order to compete
mas mura prices nila. Mas mura ng thirty pesos pero bawi ka naman sa ambience" sabi
ng binata. "True pero di ko type music nila" sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre.

"Alam mo nilalait lait ko lang tong lugar na ito dati. Pero nung nagbagsakan grades
ko tapos tinakot ako ng dad ko na mas mababa pa sa minimum makukuha sus na
appreciate ko tong lugar. Well inggit ako sa nakaisip nitong place. Imagine
magtatayo ka ng ganito e yung Starbucks nandon lang sa kanto"

"Diba? Sugal yon pero look at this place now. Yung friend ko regular na siya at
parang part owner narin. Basta parang ganon" sabi ni Onofre. "Ganon naman ang tao
e, saka lang nakaka appreciate ng ibang bagay if nasa panganib sila or nasa
delikado. There are people who laugh at people who have small time jobs pero pag
sila walang trabaho pati pala sila papasukin yung ganon" sabi ni Shirley.

"So ikaw, nursing ka that means you are aiming to go abroad" sabi ni Onofre. "Bakit
ba yan lagi iniisip ng tao pag nalaman nila nursing student ang isang tao?" tanong
ni Shirley. "E kasi ganon naman diba? Mas mataas sahod sa abroad" sabi ng binata.

"True, pero I chose nursing kasi my mom used to be a nurse" sabi ni Shirley. "Oh
carry on the legacy ganon" sabi ng binata. "Parang ganon, tapos step mom ko nurse
din" sabi ng dalaga kaya nagulat ang binata. "Ah..oh..sorry I didn't know that your
parents separated" sabi ng binata.

"Nurse na mommy ko sa heaven" sabi ni Shirley sabay napangiti. "Ay..hala..I am so


sorry" sabi ni Onofre. "Its okay, she went to work there when I was five years old"
sabi ng dalaga. "Really sorry" bulong ng binata. "Uy wag, tanggap ko na yon. Tapos
si daddy naman remarried when I was twelve na pero matagal na naging sila ng step
mom ko"

"Mabait step mom ko, actually naging sila na since eight years old ako. They waited
four years to ask my permission. Sabi nila they waited until daw I was aware of
things" sabi ng dalaga. "So only child ka?" tanong ni Onofre. "Nope, I have two
siblings, after they got married hala sunod sunod na mga kapatid ko" biro ni
Shirley kaya natawa si Onofre.

"Ah kaya pala marunong ka sa kids" sabi ng binata. "Hahaha yeah, sinabi ko lang na
nursing student ako pero honestly yes tumutulong ako noon sa mga kapatid ko" sabi
ng dalaga. "Grabe ka nag imagine pa ako talaga noon kung ganon talaga tinuturo sa
nursing courses hahaha. Iniisip ko actual kaya yung baby or dummy lang" sabi ni
Onofre kaya nagtawanan sila.

Ilang minuto lumipas dumating orders nila at labis na nagustuhan ng dalaga yung
kanyang kape. "Wow ha, ang sarap nito" sabi ni Shirley. "Wala ako alam sa paglasa
ng kape kung masarap o hindi, kasi pag ako naman tumatambay sa lugar na ganito
pinagtitingnan ko lang yung girls" sabi ni Onofre kaya natawa si Shirley.

"Kaya ako iinom tapos titignan kita" landi ng binata kaya lalong natawa yung
magandang dalagang kasama niya. "Very honest of you" sabi ni Shirley. "Totoo yon,
di ko magets sa totoo bakit tumatambay sa ganito ang mga tao. Unwind unwind sabi ko
pero ngayon na may kausap ako like you aba parang I see it now" sabi ni Onofre.

Muling natawa si Shirley, inayos niya upo niya saka tinitigan yung binata. "Ganito
lang, relax and for now may kasama ako so magkwentuhan. Pag mag isa ako I just sit
back, relax my mind and wala lang. Think of anything, mga needs, wants, goals, or
kahit ano" sabi ng dalaga.

"E yung iba like sa Starbucks pumunta lang don para mag charge hahaha. Grabe one
time I was there there was this pretty chick, super turn off. Maglabas ba naman ng
extension cord. Nagulat ako talaga, dinaan sa ganda e. Hala isaksak ang laptop,
isaksak yung charger ng phone tapos ewan ko na ano pa sinaksak e"

"Kulang nalang magdala ng microwave oven, toaster, grabe naman ang mga ganon. Sorry
ha pero ano yon squatter ang peg?" biro ni Onofre kaya natawa nanaman si Shirley.
"Totoo nakakita na ako ng mga ganon" sabi ng dalaga. "Turn off, sabi ko if ever
naging kami baka ganon gawin niya sa bahay. Isipin ko na she wants to spend time
with me pero makikicharge lang pala" sabi ng binata kaya todo pigil na sa tawa ang
dalaga.

"Shirls may lakad ka ba later?" tanong ng binata. "Wala naman, uy wait diba
magpapasama ka about sa car?" tanong ng dalaga. "Yun na nga e, maya pa one yon.
Icheck lang natin then alis na. Kumakain ka ba ng shawarma ganon?" tanong ng
binata. "Oo naman" sagot ng dalaga.

"Good, kasi may alam ako lugar kung saan masarap yung ganon. Favorite customer nila
ako don kasi pag nakita nila ako automatic dapat mag ready na sila ng apat agad"
sabi ng binata. "Wow ha" sabi ni Shirley. "Ewan ko pero ang lakas ko kumain but I
don't grow fat. Etong tiyan na ito konti beer yan at alak pero ahem, alcohol free
na ako ng matagal" sabi ng binata.

"Wow congrats, wala ka lang siguro mayaya" biro ng dalaga. "Hahahaha di rin. Trying
to change lang. Imagine if I was not drunk sa first meeting natin, o diba?" sabi ng
binata. "If you were not drunk then hindi tayo mag meet. The only reason why we met
that night because we found you so funny" sabi ng dalaga.

"Oh..oo nga no. Mas okay ang kape, naalala ko ang lahat ng ginagawa ko tapos eto
kausap pa kita" sabi ng binata. "Naks, tara shot" biro ni Shirley. "Wag, sabihin na
natin sa pag move on ko kay Sly, pinabaon ko na sa kanya yung pagiging alcoholic
ko" sabi ni Onofre.

"Di ka alcoholic, kasi if you were e di sana nag withdrawal ka na. Wala ka lang
disiplina" sabi ng dalaga. "Yeah, aminado naman ako" sabi ni Onofre. "Did I hurt
your feelings?" tanong ni Shirley. "Hindi e, masakit yung sinabi mo pero ang ganda
mo kasi kaya parang nasupress yung sakit" banat ng binata kaya napatawa niya yung
dalaga ng malakas.

"Iba na usapan pag pangit ka, baka pinatulan kita at nilait lait din. Buti nalang
maganda ka kaya sige punain mo pa ako" biro ng binata. "We don't know each other
that well for me to do that pero it can start here" sabi ni Shirley kaya napatigil
si Onofre at nagkatitigan sila ng matagal.

"Teka, let me guess your dad is a doctor ano?" tanong ng binata. "Yup, bakit
papatuli ka?" tanong ng dalaga kaya napahalakhak si Onofre. "Tapos na po, so anong
specialty niya?" tanong ni Onofre. "Anesthesiologist" sabi ng dalaga. "Oh yung
pampatulog" sabi ng binata.

"Commonly yes, basta yon" sabi ng dalaga. "Malaki kita ng ganon ha, I know kasi
uncle ko ganon" sabi ng binata. "Hmmmm no comment, basta okay lang kami" sabi ng
dalaga. "Parents ko naman dating mga drug pusher, that is how they met" sabi ng
binata kaya napatigil yung dalaga.

"Youre kidding right?" tanong niya. "Totoo, different companies sila pero laging
same schedule sila pag visit sa hospitals" sabi ni Onofre kaya natawa na si
Shirley. "Med rep" bigkas niya. "Oo nga, tapos si daddy nainlove kay mommy, lumipat
siya sa company ni mommy tapos now medyo mataas na sila sa company pero mas mataas
si mommy kasi si daddy pumasok two years after" kwento ng binata.

"Sabi mo may mga ate ka diba?" tanong ng dalaga. "Oo, yung eldest namin now working
for the same company, si ate Patricia ko. Yun ang matalino sa amin kasi she is back
to school for her masters degree. Pinagsasabay niya work and studies"

"Si ate Olive ko siya yung nabuntis pero one more year graduate narin siya at
malamang doon narin siya magwork. Ako ang black sheep, malamang hindi ako doon mag
work" sabi ng binata. "Ipapasok ka din don" sabi ni Shirley.

"Only if you have high or good grades. I don't so eto nagseseryoso ako sa studies
kasi takot ako na baka wala ako makuhang magandang work. Kasi naisip ko si ate Pat
ko one year palang sa work may kotse na siya. Yung kotse ko sa kanya yon e. Naawa
sa akin kaya binigay sa akin tapos she got her own car" sabi ng binata.

"Biniro ko nga sabi ko trade kami, sabi niya promise niya pag graduate ko daw
bibilhan niya ako ng bago" kwento ng binata. "Well eto sa akin, my dad and his
bestfriend set up a special care facility. They specialize in cancer patients. So
yan yung goal ko, to be able to work with my dad and of course si step mom kasi
right now doon na siya permanently habang si dad kasi he is still needed sa
hospital" sabi ng dalaga.

"Oh wow, so parang all set ka na pala. Everythig is planned" sabi ni Onofre. "Yan
din akala ko until...ayon. Tama ka, parang planado na lahat e, tapos di ko alam
yung katamaran ko ang sisira sa lahat" sabi ng dalaga. "Hey, di naman nasira yung
pag aaral mo ah" sabi ng binata.

"Oo nga, parang gumuho kasi mundo ko when we broke up" sabi ni Shirley. "Sorry di
ako makarelate" sabi ng binata. "Nasanay na ako nandon siya lagi, by my side, at
akala ko hanggang sa huli ganon na e. Ganon naman ata pag nainlove ka" sabi ni
Shirley.

"Again, I cannot relate but that does not mean you stop talking. Kung kailangan mo
magbuhos sige lang. Makikinig ako pero wala ako matinong ipapayo sa iyo kasi wala
pa ako karanasan sa ganyan" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga.

"O bakit ka natawa?" tanong ng binata. "May binebenta sa SM tara bili tayo para
maka relate ka" sabi ng dalaga. "Hahahaha bruha ka, sige nga ano tawag sa item na
yon?" tanong ni Onofre. "Aba'y broken heart syempre. Nagbebenta din sila don ng
common sense" pacute ng dalaga.

"Meron bang bentang pagtingin don?" banat ni Onofre. "Hahaha ubos na ata" sabi ng
dalaga. "Para tayong mga baliw, may drugs ata tong kape nila" sabi ng binata. "Uy
kanina nahihiya ako pero kapalan ko na mukha ko ha, baka gusto mo ako ilibre din ng
pambara" pacute ni Shirley.

"Ay bakit di ka umorder kanina?" tanong ng binata. "Nahiya ako e" sagot ng dalaga.
"Nahiya? Grabe ka, ako naman nag aantay na umorder ka cake or what pero naisip ko
baka figure conscious days kasi yung suot mo"

"Naka skinny jeans ka at fitted top so naisip ko baka one of those days" sabi ni
Onofre. "Hahaha may ganon?" tanong ng dalaga. "Oo yung ate kong eldest ganon. If
loose yung suot niya kakain ng madami pero pag ganyan na medyo fit e slight slight
kain" sabi ng binata.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo ako ilibre" banat ni Shirley kaya natawa si Onofre.
Paglapit ng waiter umordre si Shirley ng isang slice ng cake kaya gumaya ang
binata. "Hey malayo layo pa yung one so how about another order of drinks?" tanong
ng binata. "Sure, I am having the same" sabi ng dalaga.

Pagkalayo ng waiter tinignan ni Onofre phone niya. "Bakit mo nireject?" tanong ng


dalaga. "Si Sly yon" sabi ng binata. "Oh, so bakit mo nireject?" tanong ni Shirley.
"I don't want to talk to her. If may importante siyang sasabihin she could just
text me" sabi ni Onofre.
"Malay mo break na sila" biro ng dalaga. "Hahaha I don't care. Ayaw ko na
magpakatanga. The past is the past" sabi ni Onofre. "Sinasabi mo lang yan" biro ng
dalaga. "Bakit Shirls, if your ex calls you and says he wants you back e...bibigyan
mo siya ulit ng chance?" tanong ni Onofre kaya natahimik yung dalaga.

"Sorry sa tanong pero okay lang kung di mo sagutin. Parang napaka insenstivie ko
ata" sabi ng binata. "No, actually that is a good question. Thank you for that
question but first, hello world" sabi ng dalaga kaya super natawa si Onofre pagkat
sagot beauty queen yung dalaga.

"If my boyfriend will call me and telle me he wants me back then I am going to tell
him that I do miss him. Yes I will tell him that because my wounds have not healed
yet, the good memories inside my head are still there but sooner or later I now
they shall be replaced with better ones"

"By leaving me he showed me how valuable I am to him, by wanting to come back the
more he showed my true worth. Sad to say if I am going to love again then my heart
is going to the person who would really value me, the person who would not even
think of leaving me and that person is not him. I thank you" sabi ni Shirley kaya
pumalakpak si Onofre.

"Grabe, di ko alam kung harsh yung sagot mo o hindi e" sabi ng binata kaya natawa
si Shirley. "So is that your final answer?" tanong ng binata. "Yeah, narealize ko
na if ever he wants me back may chance na maulit yun e. Siguro blessing narin yung
nangyari for me to try somethings new"

"Siguro not everything is meant to be planned. Some things are better if


spontaneous. Ewan ko, siguro sabi sabi ko lang yon" sabi ng dalaga. "Tulad ng
sinabi ko makikinig lang ako pero sang ayon ako sa desisyon mo" sagot ng binata.

"Call her back, ask her why she was calling you" udyok ng dalaga. "No thanks, dapat
masanay na siya na wala na ako sa buhay niya. Well as friends we can remain but
beyond that, who you siya sa akin" landi ni Onofre kaya natawa ang dalaga bigla. "O
baka as a friends she needs something, like help maybe" sabi ni Shirley.

"May boyfriend siya, diba ganon ang standard operating procedure? Pag may kailangan
ka sa boyfriend ka muna" sabi ni Onofre. "What if that task she needs e alam niya
you do it better" hirit ni Shirley. "Pwes pagsisihan niya desisyon niya ano. Oo may
bitterness and I don't care. Isip bata na kung isip bata pero...thank your for your
wonderful question, I thank you" banat ni Onofre kaya nagtawanan yung dalawa.

"Let us move on together" landi ni Onofre. "Hoy ano meaning non ha" sabi ng dalaga.
"Duh, you hurt, I hurt, we move on. Ang lungkot mag move on na nag iisa, kaya tara
sabay tayo. Ibang level ng moving on nga lang sa akin at iba din sa iyo" sabi ni
Onofre.

"Pero kahit na ganon pwede parin naman magsabay diba?" hirit niya. "Oo naman, akin
na phone mo" sabi ng dalaga. "Sus, itetext mo siya e" sabi ni Onofre. "Gagi hindi,
input ko digits ko tange" sabi ng dalaga kaya paspas na inabot ng binata phone niya
saka ngumiti.
-----------------------------------

Wooot!! Hahaha madaming galit ata ngayon at madami din natutuwa. Happy happy lang
tayo lahat

=================

Chapter 19: Sheyos

Chapter 19: Sheyos

Sa isang pribadong subdivision pumarada si Martin, tinignan niya una anak niya na
nasa front passenger seat saka nilingon si Onofre na nasa likuran. "You two are
silent, are you two fighting?" tanong ng matanda. "No daddy" sagot ng dalaga na
naunang lumabas ng kotse.

"Di ko po alam bakit nagkakaganyan yan" sabi ni Onofre. "Daddy kasi I told you
dalawa nalang tayo. Bakit mo pa kasi siya tinawagan" sabi ni Dani na nasa labas.
Lumabas narin sina Martin at Onofre kaya ang dalaga lumayo at dumikit sa kanyang
ama.

Pinunatahan nila yung isang bahay sa malapit, bumukas naman agad yung gate at may
isang binata ang lumabas. "You must be Dani" sabi agad niya kaya lumapit naman ang
dalaga. "Eto siya. Ayan o" sabi ng binata sabay lalong binuksan yung gate para
ipakita yung asul na hatchback na kotse.

"See daddy ang ganda" sabi ni Dani habang pinagmamasdan nila yung sobrang kintab na
asul na kotse. Basta nalang lumapit si Onofre sa kotse saka kinatok yung hood.
"Brod buksan mo" sabi niya. "Okay alagang alaga ito pero di ko na pinag gastusan
kasi yung pagpapalinis nung makina ganon" sabi ng binata.

"Buksan mo" sabi ni Onofre kaya nagsimangot si Dani pagkat medyo nagiging mayabang
na yung binata. Pagbukas ng hood tumambad ang di kaaya ayang tanawin kaya si Martin
napailing din. "Pero the car is working fine, it just looks dirty pero napapalinis
naman yan" sabi ng may ari.

"Brod ano mga tama nito? Come on be honest" sabi ni Onofre. "Wala, everything is
working fine. Itest drive niyo kung gusto niyo" sabi ng binata. "Brod siya yung
bibili, babae siya and she has a two year old daughter. Brod be honest, dalawa sila
lagi dito sa kotseng ito at obviously she does not know much kasi nakayanan mo
siyang utuhin" sabi ni Onofre.

"Hey, sino ka ba? I am dealing with her" sabi ng binata. "Hey eyes on me. Ano
sira?" tanong ni Onofre. "Wala naman masyado.." sabi ng binata. "Tito, Dani, lets
go" sabi ni Onofre. "Dani would like to test drive it?" tanong ng binata.

Nagulat sina Martin at Dani nang humarap si Onofre sa binata at nakipagdikitan ng


dibdib. "Tuwang tuwa ka siguro kahapon nung nag message siya ano? Siguro entrada
palang niya napansin niya na totally clueless siya sa mga kotse"

"Dinaan mo sa sweet talk? Oh look ang porma mo, of course nagporma kasi ang ganda
ganda niya. So ano planado ba? Na madadaan mo sa sweet talk? Kunwari babawasan mo
ng thirty thousand later yung presyo para good image ka? E yung presyo nga nito
dapat nasa one hundred pero binibigay mo sa kanya ng one eighty. Overpriced ka na
e, bagong hilamos lang to para tumaas konti sales value"

"Wag ako brod. For the past few days I have been looking for a car for her so medyo
alam ko yung presyuhan. Jurassic na tong hatchback mo brod, bagong hilamos lang to
tapos iprepresyo mo as if medyo bago pa. Loob ng hood ancient na nga e" sabi ni
Onofre kaya niyuko ni Dani ulo niya saka nagpigil ng tawa.

"Nof lets go" sabi ni Martin. "Nakita ko yung post mo e, langya ka bobo ka din e.
Sabi sa group na yon ipost narin presyo pero ikaw hindi. Gusto mo pa
magpaimportante na PM me for price. Kasi pag pinost mo presyo mo dedma aabutin mo
or mga uto uto lang kakagat. Wag ako brod" sabi ni Onofre.

"Ikaw mayabang ka, akala mo kung sino ka" sagot ng binata. "Nof enough" sabi ni
Martin pero diniin ni Onofre dibdib niya sa dibdib nung may ari ng kotse, "Ano?
Pikon ka kasi nabuking ka? Ha? Tara" sabi ni Onofre kaya lumapit na si Martin saka
hinawakan ng madiin si Onofre sa balikat. "Enough" bigkas niya ng madiin kaya
umatras na si Onofre.

"Onofre pare, yeah that's my name. Come look for me and I will be waiting for you"
sabi ni Onofre. "I said that is enough" sigaw ni Martin saka inakbayan na yung
binata.

Sa loob ng kotse tahimik si Dani, si Martin inaayos rear view mirror niya para
tignan si Onofre. "Bakit ka kasi nagpauto don?" tanong ng binata kaya nagsimangot
si Dani. "Grabe I already told you naghahanap ako. Tapos papatol ka sa FB post?
Madaming predator sa online, pag natunugan na wala kang alam idadaan ka sa sweet
talk and you fell for it" sermon ni Onofre.

"Daddy" bigkas ng dalaga sabay tinignan ama niya. "He is right" sabi ng matanda.
Todo simangot si Dani pero kinalabit siya ng binata. "Ano?" tanong ng dalaga na
pagalit. "Ayan yung tinignan namin ni Shirley" sabi ng binata. Ayaw humarap ng
dalaga, "Oh an SUV" sabi ni Martin kaya pagalit na kinuha ng dalaga yung phone ng
binata.

Napangang ang dalaga, tinabi ni Martin yung sasakyan para matignan din yung mga
litrato. "Ayan yung tinignan namin, saktong sakto favorite color ni Ninny pa na
dark green. That SUV is owned by a lady, manager siya ng bangko. Only been long
driven twice when they went to Ilocos. City driving siya mostly and casa
maintained"
"She is migrating to Canada kasi doon na sila titira ng fiancé niya. Di ko naman
kaya makipagtawaran sa kanya kasi di ko alam magkano budget niyo talaga pero I
already told her na ikaw yung biibli at may anak kang super cute. I showed her
photos of you two at medyo nakakuha ako ng promise from her na first priority ka"
sabi ni Onofre.

"Really? Can we go see it now?" tanong ni Dani. "How much is this?" tanong ni
Martin. "Sir she is selling it for four hundred sana kasi 2010 model naman. Pero
she is willing to go a little bit lower daw. Nung pinuntahan namin sa parking area
ng bank nila e pero Sabado ngayon so she might be at her home which is very far
from here" sabi ng binata.

"Four hundred...ang mahal pala" sabi ni Dani. "Well if you but a brand new one its
going to cost you one million for an SUV like that. 2010 is a good model already
and if its casa maintained it's a good deal already. Usually something like that
could cost around seven hundred" sabi ni Martin.

"But daddy four hundred is too much, okay na yung tig two hundred" sabi ni Dani.
"Long term Dani, yang kotse na yan parang six years old lang which is good. Yung
tinignan natin kanina fifteen years old na yon" sabi ni Onofre. "He is right, lets
go check it out. Nof can you try to contact her now?" tanong ng matanda.

Isa't kalahating oras ang lumipas nakarating sila sa parking area ng isang
condominium building. "Ayan siya o" sabi ni Onofre kaya paspas na nilapitan ni Dani
yung berdeng sasakyan. "Oh my God daddy I love it already" sabi ng dalaga. "She was
so honest, may listahan siya ng mga gasgas pero minor lang. Mga gawa ng mga walang
kwentang mga tao. Meron sa likod then sa driver side na gawa daw ng namamalimos"
sabi ni Onofre.

Ilang saglit dumating yung may ari, "Ay hello po madam Mildred, this is Dani and
her father. Dani, tito eto po si ma'am Mildred Santos" sabi ng binata. "Where is
your daughter?" tanong ni Mildred. "Ay naiwan po sa bahay" sabi ni Dani. "Sayang,
ang cute cute niya. Here is the key, you can test drive it if you want" sabi ni
Mildred.

Binuksan ni Onofre ang ilang mga pintuan kaya natuwa si Dani. Sa isang sulok nag
usap si Mildred at Martin habang sa loob ng kotse di mapakali si Dani. "Grabe ang
ganda nito pero its quite expensive" sabi ng dalaga. "Hey look, a brand new car
will cost you one million or more, sabihin mo 2015 model makakamura ka ng one or
two hundred thousand but you are not sure saan na nasabak yung kotse but still it's
a 2015 model"

"Go lower to 2014, mas mura ng konti pa. This is a 2010 model, its only four
hundred kasi rush sale. Alam mo ba yung bentahan ng CRV na 2004 model is three
hundred plus" sabi ni Onofre. "Ows?" tanong ng dalaga. "Yeah, rush sale na ito e,
paalis na siya and sa presyong ganon talagang gusto na ibenta. Swerte talaga
nasabihan ako ng kaibigan ko agad"

"Nung pinuntahan namin to ni Shirley tatlo na prospective buyers nagcheck dito.


Yung dalawa buy and sell business at binabarat pa siya grabe so she didn't give in.
Yung isa naman gusto financing pa so medyo di siya sumagot. When I went to her I
begged her na give chance to you and Ninny and buti nalang cute si Ninny at pumayag
siya"

"Alam mo sa presyong ganyan parang kidlat na mabibili ito. So swerte talaga as in


swerte" sabi ni Onofre. "Pero parang ang bigat nung four" sabi ni Dani. "Yeah but
super worth it. I saw a Ford Escape SUV na 2004, benta is two eighty, oh this is
newer and you only add one twenty. O kahit gawin nalang natin basis yung CRV na
2004 na binebenta sa halaga na three thirty. O diba?" sabi ng binata.

"Yeah, pero nag date kayo ni Shirley ha" sabi ni Dani bigla. "It was not a date,
she was just bored and wanted to unwind so nagkape kami. Nagpasama ako after to
check this out, di ko sinabi ito sa iyo kasi I was going to look at another car pa
sana pero honestly super good deal na ito" sabi ni Onofre.

"Saw your photos together, ganda ng place na yon" sabi ng dalaga. "Yeah, it's a
coffee shop. E ikaw di ka naman nagkakape e" sabi ni Onofre. "Says who? Did you
invite me to coffee?" tanong ng dalaga. "No kasi parang di ka naman ata tambay sa
ganon, well I am unaware maybe" sagot ng binata.

"So did you test drive this?" tanong ni Dani. "Nope" sabi ng binata. "Pwede ba
talaga itest drive ito?" tanong ng dalaga. "Oo ayan na nga susi e, tara" sabi ng
binata. "Uy hala nakakahiya, pwede ba talaga?" tanong ng dalaga. "Pwede yan, tara
tara sara mo na door" sabi ni Onofre.

Sa may kalsada sigaw ng sigaw sa tuwa si Dani. "Oh my God, its so smooth like your
car. Tapos may mga controls narin siya sa steering wheel. Ang gaan gaan" sabi ng
dalaga. "Oy di pa sa iyo ito" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Nahihiya ako
kay Daddy sobra" sabi ni Dani.

"Happy din siya alam ko, he knows jackpot ito. Kesa naman bilhan ka nung brand new
na compact car na hatchback, that's like eight hundred pero mas okay na ito. Its
bigger, pang family ito talaga" sabi ni Onofre. "Its just me and Ninny no, well
yeah si mama at papa din if pasyal pasyal maybe" sabi ng dalaga.

"E pano naman ako?" tanong ni Onofre kaya medyo nagulat yung dalaga. "Oninny is
deprived..." banat ni Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga. "Pano kita invite
e baka patayin naman ako Shirley" bawi ng dalaga.

"Bakit ka naman niya papatayin? Uy grabe ka naman wag mo naman pangunahan baka
malasin ako" sabi ni Onofre. "Just saying, baka mag sheyos siya" hirit ni Dani.
"Ikaw ata ang nagseselos e" sabi ni Onofre. "Huh? Ako? Bakit naman ako magseselos?
Hello" bigkas ng dalaga.

"Sure ka? Di ko alam bakit bigla kang badtrip sa akin e. Halos di mo ako kausapin
kanina. Ano ba nagawa ko?" tanong ni Onofre. Natatameme si Dani pero ngumit siya
dahan dahan. "Inggit lang siguro...kasi ang ganda nung place na yon. It looks so
cozy tapos yung mga sinasabi ni Shirley na ang ganda ng lugar, babalik at babalik
daw don"
"Sabi ko bakit ako di pa ako nilibre ni Nof don? Yun lang" palusot ng dalaga.
"Grabe ka yun lang ba?" tanong ng binata. "Sorry baka mood swing lang, it's a girl
thing" sabi ni Dani. "Grabe ka naman, pag ganon just tell me"

"Wag mo naman ako biglang dedma o biglang galit mode. Like I said yung pagpunta
namin don sa coffee shop na yon biglaan. She messaged me, she asked me if I wanted
to go for coffee so I said yes. Naisip ko para something new dinala ko siya doon"

"If I knew type mo din pala pakape kape na ganon then I would have brought you
there too. Ang alam ko lang sa iyo matakaw ka e" sabi ni Onofre kaya natawa ng
malakas si Dani. "Hey siguro isa yon sa mga kulang ko ano? May pagka insensitive
siguro ako" sabi ng binata.

"Uy di naman, I was just being a kid" sabi ni Dani. "Hindi rin, may point ka din e.
I should be aware and be sensitive. Siguro isa yon sa hinahanap ni Sly sa akin
ano?" tanong ng binata. "Nof you are fine, I was just being childish" sabi ng
dalaga.

"Uy ang layo na natin, baka isipin nila itatanan mo na ako" biro ng binata kaya
super natawa ang dalaga. "Ang kapal mo, usuall yang babae ang tinatanan" sabi ni
Dani. "New age na, patas patas rights so pati kami maaring maging biktima narin ng
tanan" biro ng binata.

Nung pabalik na sila siniko ni Dani si Onofre. "O bakit?" tanong ng binata. "Di ko
nagustuhan yung inugali mo kanina dun sa sellers house" sabi ng dalaga. "E gago
siya e" sabi ng binata. "I know but sana iwasan mo ganon. Yung gusto mo makipag
away agad"

"If you already know something is wrong then just keep quiet. Pwede mo naman
sabihin sa amin later on" lambing ng dalaga. "E para sa kanya narin yon at isa pa,
nakita mo ang porma niya. Grabe nasa bahay lang tapos ang porma. Ang bango bango
pa, ang lakas ng pabango parang nag spray hanggang pwet e" sabi ng binata.

"Hahahaha sheyos" landi ng dalaga. "Sheyos? No! Seriously, look at madam Mildred,
di naman nakaporma yon, she just came down wearing something decent. Pero yung guy
na yon, type ka pa ata. Imagine lolokohin ka na nga ganon pa. Gago e" sabi ng
binata.

"Mas maporma lang siya sa iyo e" landi ng dalaga. "Tsss di naman ako nag cocompete
pero grabe yung purpose niya. Oo super ganda mo I get it pero lolokohin ka tapos
siguro balak niya sweet talk, sabihin sige para sa iyo babaan ko pa konti kahit
palugi na. Wow, style niya bulok" sabi ng binata.

"Why, if you were in his situation would you do the same?" tanong ng dalaga. "No.
Of course not. Pag ako yon tapos may nag PM na katulad mo, e syempre automatic
attracted" sabi ng binata kaya napangiti ng husto ang dalaga.
"Magiging honest ako, please buy, need money to date you" banat ni Onofre kaya
super napahalakhak si Dani pero sa totoo kinikilig siya. "Ganon sasabihin mo?"
tanong ng dalaga. "As if kaya ko naman sabihin yon ng diretso. Basta gago yon. Hey
look pag nakita ikaw yung buyer automatic magpapakabait e, syempre baka may chance"
landi ng binata kaya natili yung dalaga at natawa ng husto.

"O ano? Being honest lang. Syempre smooth talk, may offer pa guide or pakilala sa
trusted mechanic. Offer ng twenty four seven car support ganon" landi ng binata
kaya laugh trip na talaga yung dalaga. "Basta full works, baka buwis buhay support
pa kasi naman look at you" sabi ni Onofre.

Namula na ng husto si Dani pero dinaanan nalang ito sa tawa. Pagkaparada ng kotse
nanatili sila sa loob pagkat nawawala si Martin at Mildred. "Nasan na si daddy?"
tanong ng dalaga kaya chineck niya agad phone niya.

"Oh my God, antayin daw natin at inaayos na nila yung terms" sabi ng dalaga. "Wow,
so kukunin na talaga" sabi ng binata. Lumabas si Onofre saka kinunan ng litrato ang
dalaga. "Uy grabe ka, wag muna at nakakahiya" sabi ni Dani. "Oh come one, sabi ni
tito fixing terms na that means sa iyo na ito" sabi ng binata.

"How I wish Ninny was here" sabi ng dalaga. "Pose ka naman, teka atras ako para
makuha buong side ng kotse. Dani it's a really nice car" sabi ng binata. "I know,
uy Nof sorry kanina ha" sabi ng dalaga. "Wala yon, pero we have to get proper seats
for Ninny" sabi ng binata.

"Yeah I know" sabi ng dalaga. "Ako na bahala don, I know a friend who knows a
friend. Basta sagot ko na yung seat ni Ninny" sabi ng binata. "Pumasok ka nga, sige
na para selfie tayo" sabi ng dalaga.

Bumalik sa loob ang binata saka inusli braso niya para kumuha ng litrato nilang
dalawa. "Post mo na tapos tag mo ako" sabi ng dalaga kaya ginawa yon ng binata. "Ay
ay teka isa pa pero dito ka dali" sabi ni Dani. "Saan?" tanong ng binata. "Basta
labas ka ulit" sabi ni Dani.

Binuksan ng dalaga yung pintuan sa driver's side, "wow gusto mo kunan kita para
makita body mo?" tanong ni Onofre. "Hindi, tayo ka dito, sandal ka" sabi ng dalaga.
"I don't get it, nakaharap ako doon tapos ikaw kunwari nagdrive?" tanong ng binata.

Nagulat si Onofre nang may brasong umakap sa kanya, "e di ganito, dami mo arte"
banat ni Dani saka pinatong baba niya sa balikat ng binata. Kumuha si Onofre ng
litrato, "Sana nandito si Ninny" sabi ng dalaga. "Kaya nga e, so ano next pose?"
tanong ng binata. "Di ata maganda ayos ng ngiti ko, ulitin mo" sabi ng dalaga

Lalo umakap isang braso ng dalaga, "Okay na?" tanong ni Onofre. "Yeah okay na"
bulong ni Dani saka ngumiti. "Ready? One...two..say Oninny" bigkas ni Onofre kaya
sabay silang napangiti.

----------------------------------------------
#ParaParaan

=================

Chapter 20: Inside Debt

Chapter 20: Inside Debt

Sa isang garahe todo daldal ng isang binata habang hinahaplos yung kanyang pulang
bike. "The tires are new, the brakes are new tapos tignan mo magaan siya" sabi
niya. "Shirley ganyan ba yung hinahanap mo?" tanong ni Onofre. "Yeah but that's
expensive" sabi ng dalaga.

"Oy Froilan, presyong kaibigan naman" sabi ni Onofre. "Yes its expensive but its
worth it. Alam mo naman yon diba?" sabi ng binata at sumang ayon si Shirley. "Froi
pare, wag mo naman na kami pagkakitaan, to naman o. Presyong kaibigan naman. Parang
wala tayong pingsamaan" banat ni Onofre.

"Oo pare, pero wag naman yung presyong taga na. She knows how much this is so I am
willing to sell it for..." sabi ng binata. "Ten pesos, thank you so much pare"
banat ni Onofre kaya natawa ng malakas si Shirley.

"Yan na sinasabi ko e, ten pesos ka diyan" reklamo ni Froilan. "Huh! Ayusin mo


presyo mo or else isusumbong kita kay Wilfredo" banta ni Onofre. "Hoy foul na yan
ah. Wag naman ganyan pre" sabi ni Froilan. "Can I know how much?" tanong ni Shirley
kaya huminga ng malalim si Froilan.

Nagbigay ng presyo ang binata at nanlaki ang mga mata ni Shirley. "Is that a good
price?" tanong ni Onofre. "Sobra, hala totoo ka?" tanong ng dalaga. "Yeah umoo ka
na bago pa magbago isipan ko" sabi ni Froilan. "Oh my God thank you so much" sabi
ni Shirley.

"Pare she looks happy so let me give you a hug" landi ni Onofre. "Tumigil ka nga,
alang alang sa pagkakaibigan natin" sabi ni Froilan. "To naman o, ako bahala sa iyo
pre" sabi ni Onofre. "Alam ko at happy din ako sa iyo kasi ahem" landi ni Froilan
kaya natawa si Onofre habang si Shirley nagpigil.

"Miss yung binigay kong presyo sa iyo parang abuloy ko na kasi taasan mo talaga
pasensya mo dito" sabi ni Froilan. "Grabe ka naman, what kind of friend are you?"
tanong ni Onofre. "Hindi ako nagbibiro miss" hirit ni Froilan.

"Ulyanin ka na ba? Shirley pangalan niya. "S din kasi, mahirap na baka madulas ako
at Sylvia masabi ko" biro ni Froilan. "Anak ng! Past is past! Wag na wag mo nang
banggitin yon sa akin" sabi ni Onofre. "Sakit non bro, whooo shet sinagot yung
katropa imbes na ikaw" landi ni Froilan.

"Tangna naman o, tara na nga Shirls" sabi ni Onofre. "Nof..i like the bike" sabi ng
dalaga kaya natawa si Froilan. "Badtrip tong gago na to e" sabi ni Onofre. "O ano?
Pakabait ka or else taasan ko presyo" biro ni Froilan. "May araw ka din, o nasan
yung helmet? Dapat may helmet tapos yung mga pad or ano ba tawag don?" tanong ng
binata.

"Ha? Bike lang usapan" sabi ni Froilan. "Gago ka ba? E pano kung may mangyari sa
kanya? Ha? Ikaw nagbenta niyan tandaan mo, papalabasin ko may depekto kaya ikaw
babalikan namin" sabi ni Onofre. "Nof...meron na ako. Bike lang kinuha niya" sabi
ni Shirley.

"Ah okay, good tama lang kasi baka mahawa ka sa kuto nito" sabi ni Onofre. "Tado
wala akong kuto" sabi ni Froilan. "So pano yan kukunin namin ito tapos sunod nalang
bayad" sabi ni Onofre. "Ah no..we can go withdraw now" sabi ni Shirley. "Ah hindi
sige sige, kilala ko naman si Onofre e" sabi ni Froilan.

"Tignan mo ito, pag ako kausap ang gago pero pag si Shirley ang bait. Hoy! Back
off!" sigaw ni Onofre sabay pabirong tinulak kaibigan niya. Napangit si Shirley
saka pinalo pwet ng binata. "So ano naman unit mo pre?" tanong ni Froilan.

"Wala" sagot ni Onofre. "Tamang tama may alam akong nagbebenta" sabi ni Froilan.
"Pare siya lang naghahanap ng bike" sabi ng binata. "Huh? E pano yan? So siya lang
nagba bike?" tanong ni Froilan. "Yup" sagot ni Onofre.

"Ang labo mo naman pre, dapat pati ikaw. You are letting her bike on her own?"
tanong ni Froilan. "Pare, e ano kung siya lang? Kaya ko naman tumakbo. I got two
legs...simple lang yan bro. Mag bike man siya o hindi hahabol habulin ko siya with
my own two legs. Effort tawag don bro" banat ni Onofre kaya nagtakip ng bibig si
Shirley saka medyo nagtago sa likuran ng binata.

"Wow Nof ikaw pa ba yan?" tanong ni Froilan. "Dude, pag isipan mo yon. Yan ay isang
word of wisdom na impart ko sa iyo" sabi ni Onofre. "Hahaha langya ka, hoy! Ano
nakain mo?" tanong ni Froilan. "Dude, kailangan mo maabot ang rock bottom para
marating mo ang enlightened state"

"Kailangan mo dumaan sa matinding sakit para malinawan ka. Parang sine lang, pag
may bida na nasaktan, pagbalik niya super duper hero na siya. O siya ikarga mo na
kotse ko yung bike" sabi ni Onofre. "Tado ka, ikaw na ang laki laki mong karne"
sabi ni Froilan.

"E pano kung magasgasan e di ako aawayin niya. At least pag nagasgasan ikaw may
sala. Di ka naman niya kilala e, mumurahin ka lang niya syempre sasang ayon ako sa
kanya kaya pag nakagat kagat mo dila mo mamaya alam mo na ako yon" banat ni Onofre
kaya natawa ng malakas si Shirley.

"Dude, tools isama mo na" sabi ni Onofre. "Pare naman, bibili ulit ako bago
kailangan ko pa sila" sabi ni Froilan. "Dude naman, bumili ka nalang ng bago. To
naman o walang pakisama talaga. Sabi ko naman sa iyo ako bahala sa iyo mamaya e.
Ibigay mo na" sabi ni Onofre.

"Uy Nof wag na nakakahiya na masyado" sabi ni Shirley. "Ibibigay niya yan, mabait
yan. Alam mo tong si Froilan genius ito e, siya yung number one namin nung high
school pero noon parang robot ito e"

"Ako yung bad influence niya, tinuruan ko siya uminom, tinuruan ko siya mag yosi.
Langya tinuruan ko to mag bulakbol pero pasado parin e" kwento ni Onofre. "Pero
thankful ako kasi kung di sana dahil dito sa damulag na ito hindi ko sana nakilala
girlfriend ko" sabi ni Froilan.

"Yes yes, he has internal debt to me" banat ni Onofre kaya nagtaas ng kilay si
Shirley. "Internal debt sa Tagalog ay utang na loob" sabi ng binata kaya doon na
natawa yung dalaga. "Totoo yon, kasi if di ako sinama sama nito then school uwi
lang ako, pero dahil dito nakilala ko girlfriend ko" sabi ni Froilan.

Isang oras lumipas sa loob ng kotse lingon ng lingon si Shirley kaya natawa si
Onofre. "Hey is that a good bike?" tanong ng binata. "Yes it is, grabe nakamura ako
sobra. As in ang laki ng natipid ko tapos grabe ka pati tools binigay na niya
tuloy" sabi ng dalaga.

"Basta ang importante tama yung bike at happy ka, ako na bahala sa kanya" sabi ng
binata. "What do you mean ikaw na bahala?" tanong ng dalaga. "It's a guy thing,
basta understood na yon" sabi ni Onofre. "Ililibre mo siya ganon ba?" tanong ng
dalaga.

"Basta di naman kailangan ilibre, basta mahirap explain. Guy thing nga e" sabi ng
binata. "Malaki natipid ko so I can give you money" sabi ng dalaga. "Wag, basta wag
ka nang makulit. Understood na yon okay? Kung ano man mangyari sa amin, I mean
ilibre ko man siya or may hilingin siyang favor tapos gagawin ko, matic na yon"

"Di na kailangan pag usapan basta understood na. Wala din expectation kung kailan o
ano basta automatic yon" sabi ni Onofre. "Internal debt?" tanong ng dalaga kaya
natawa yung binata.

"Sa aming guys yang utang na loob kahit hindi siya spoken much of e meron yan e.
Though hindi naman obligated na magbayad basta parang nasa ego yon e. Yun para bang
he helped you out now, kung mga babae uy thank you, mwah mwah hug hug mwah mwah
then okay na"

"Walang ganon sa amin. Sa amin oo may thank you pero as a guy kulang yon. Kusa sa
loob na kulang kasi ego thing namin e. So kahit okay na sa thanks, you have this
urge to do more sa susunod. Its not like your ego tells you na hoy bayaran mo
internal debt"

"Hindi ganon, pero sa next time na magkita kayo ayon matic yan na lalabas. O kaya
pag siya naman may kailangan matic na go ka tulong all the way. Basta ganon yon,
mahirap explain pero ganon yon so umoo ka nalang" sabi ng binata.

"I see, pero we can treat him out naman. Sige na kasi ang laki ng discount. Halos
half na pagbili ko sa kanya" sabi ng dalaga. "Tsk wag mo na isipin yon tapos wag mo
naman planuhin yung treat. Sabi ko nga sa iyo ako na bahala sa kanya" sabi ng
binata.

"Okay, ako nalang yung may internal debt sa iyo" sabi ng dalaga. "Ay grabe ka, wag
din ganon. Pero tama siya e, so magbike ka mag isa? So pano yon?" tanong ng binata.
"Pwede naman ah but of course siguro doon nalang sa amin" sabi ng dalaga.

"Gusto man kita samahan pero di ako makapag commit sa ganyan e" sabi ni Onofre.
"Awww it's the thought that counts. Okay lang ano, nasanay na ako sa ganito to stay
in shape so mahirap narin alisin sa sistema ko" sabi ni Shirley.

"Pero pag nag bike ka then maalala mo lang siya" sabi ni Onofre. "Oo pero pag
tingin ko naman sa bike ko ikaw maalala ko" banat ni Shirley kaya nagulat yung
binata. "Oy wag kang mafeeling, siyempre maalala kita kasi you helped me score a
really good bike for a cheap price" sabi ng dalaga.

"Nag explain pa kasi. It's the thought that counts, awwww how thoughtful of you at
iniisip mo ako" landi ng binata kaya super natawa si Shirley. "Mamaya selfie kami
ng bike ko tapos ipopost ko sa FB" sabi ng dalaga.

"Magfriends parin kayo sa FB?" tanong ng binata. "Oo, hahaha nakikita ko nga photos
nila e" sabi ng dalaga. "I know the feeling hahaha, nakikita ko lagi photos nina
Sly...ang inunfollow ko lang yung barkada kong lalake, gusto ko sana unfriend pero
baka sabihin isip bata ako"

"Unfollow nalang para di ko makita posts niya. Kaya lang mga post ni Sly naman
nandon din siya. Bwisit" sabi ng binata. "It helps in moving on, the more you see
them the more mag sink in" sabi ng dalaga.

"The more I see them the more nalalapit ako magsuot ng orange na shirt na letter P
e" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Ganon din ako noon pero you just have
to learn and let go. Walang maganda naidudulot ang pagiging bitter" sabi ni
Shirley.

Pagdating sa tapat ng bahay ng dalaga nilabas ni Onofre yung bike at agad ito
sinakyan ng dalaga. "Ay mataas yung upuan" sabi niya. "Adjust natin" sabi ni Onofre
tapos biglang bumukas yung gate. "Oh I was right, I heard your voice" sabi ng isang
magandang babae.

"Hi Mom. Look mom my new bike" sabi ni Shirley kaya umayos agad si Onofre. "Oh wow,
it looks expensive" sabi ng matanda. "Ma, ang laki ng discount ko thanks to Nof. Ay
Ma eto pala si Nof. Nof this is my mom" pakilala ng dalaga. "Hello po" bati ni
Onofre saka inabot kamay niya. "Nice to finally meet you Nof" sabi ni Anabel.
"Ma as in ang laki ng natipid ko" sabi ni Shirley. "So you better invite Nof for
lunch then" sabi ni Anabel. "Ah next time nalang po" sabi ng binata. "Ngayon na,
tatlo lang kami ni ate Sally" sabi ni Shirley.

"Oh where are your siblings?" tanong ni Onofre. "Nandon sila sa bahay ni lolo at
lola. Si Daddy naman at work pa" sabi ni Shirley. "Oh, okay then" sabi ni Onofre.
"Okay I will leave the gate open" sabi ni Anabel.

"Test ride ko lang to ma then papasok na kami" sabi ni Shirley. "Nakakahiya naman
ata" sabi ni Onofre. "Para tipid, kesa ilibre kita sa labas dito nalang" sabi ng
dalaga kaya natawa ng malakas yung binata. "Uy wag ka masarap mag luto mama ko. Off
niya kasi today" sabi ni Shirley.

"I see, saan mo naman itest ride yan?" tanong ng binata. "Dito lang, ikot ikot.
Bagalan mo nalang para makasabay ako sa lakad. Nahihiya ako maiwan dito" sabi ng
binata kaya natawa si Shirley. "Arte mo, wait lang. Saglit lang ito talaga. Gusto
ko lang siya itry now" sabi ng dalaga.

Limang minuto lumipas nakabalik si Shirley, "Look" sabi ng binata. "Hala you took a
photo of me?" tanong ng dalaga. "Video no tapos screen grab lang yan. You look
really happy" sabi ni Onofre kaya inagaw ng dalaga yung phone ng binata.

"Kasi ang sarap sakyan nito, ang gaan. This is much better compared to the bike her
gave and he took back" sabi ni Shirley. "Sinasabi mo lang yan kasi bitter ka" biro
ng binata. "Hahaha baliw, totoo as in ang gaan nitong bike. Super worth it yung
pagbili kaya internal debt to you" pacute ng dalaga.

"Aysus walang internal debt. Masaya na ako na nakikita kang masaya" sabi ng binata.
"Sus hindi naman totoo yan. Kalokohan yan" sabi ng dalaga kaya nagtawanan sila. "E
alam mo pala, ilibre mo ako sa steak house or don ulit sa Shawarma" sabi ng binata.

"In due time" banat ni Shirley kaya laugh trip ulit sila. Pinasok na nila yung bike
at tools, napalakas yung tawa ni Onofre pagkat kinabitan pa ni Shirley yung bike ng
dalawang kadena. "Grabe ka naman" sabi ng binata. "E dirty yung tires e, maya
linisan ko yan then sa loob siya" sabi ng dalaga.

"I guess I would do the same" sabi ni Onofre. Lika sa loob" sabi ng dalaga.
Pagpasok sa bahay namangha si Onofre. "Wow its so clean" sabi ng binata. "May pagka
OC kami when it comes to kalat" sabi ni Shirley.

"You two take a seat, lunch will be served in thirty minutes. Shirley come get your
drinks here" sabi ni Anabel. "Dito ka lang, upo ka, nandyan yung remote ng TV" sabi
ng dalaga.

Naupo si Onofre saka pinagmasdan lang yung family photo nina Shirley. "Uy bakit ka
nakatanga?" tanong ng dalaga na naupo sa tabi ng binata. "Eto juice mo" sabi niya.
"Salamat, bakit pala nandito ka e mga kapatid mo nandon sa lolo at lola mo?" tanong
ni Onofre.
"Nandon ako kahapon, I slept there, dapat doon pa ako pero tumawag ka saying may
alam kang bike so umuwi ako kasi naiwan ko ATM ko dito" sabi ng dalaga. "Sinira ko
pa ata bakasyon mo" sabi ng binata. "Sira, pag summer mas gusto ng mga kapatid ko
doon kasi malapit sa mall tapos may pool" sabi ng dalaga.

"Wow naman" sabi ng binata. "Sinira mo talaga bakasyon ko kasi nandon pa naman
crush ko..ayaw ko sana iwanan pero mas malakas ka e" landi ng dalaga kaya natawa si
Onofre. "Sinasabi mo lang yan kasi nakamura ka. If siguro hindi maganda yung bike
pinagmumura mo ako" sabi ng binata. "Grabe ka, di naman ako ganon. Baka next time
magkita tayo inject kita gamot para maparalyze ka" biro ng dalaga.

"Natatakot na tuloy ako sa iyo" sabi ni Onofre. "Hahaha baliw joke lang yon. As if
naman kaya ko gawin yon no" sabi ng dalaga. "Di mo na kailangan ng injection, isang
titig with matching ngiti mo lang paralisado na ako" banat ni Onofre.

"Ikaw may alam kang ganyan ganyan ha" sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre pagkat
inatake siya ng kurot ng dalaga. "Aray ko tama na, ang sakit ng kurot mo" reklamo
ni Onofre. "Ikaw kasi e, wag kang ganon kasi" sabi ni Shirley.

"Ay sorry, my bad" sabi ng binata. "Uy inumin mo yung juice, walang lason yan" sabi
ng dalaga. "Wala naman ako sinabi" sabi ng binata saka humigop na. "Pampatulog
meron" sabi ni Shirley saka kumindat kaya biglang natawa si Onofre at lumabas yung
juice sa ilong niya.

Super halakhak si Shirley, tumayo ang dalaga saka binomba yung kamao niya sa ere.
"Huh! You have been trying to do that to me hahaha. Akala mo hindi ko napapansin
yon ha" sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre at nagtakip ng mukha. "Punas uy"
bigkas niya.

"Hahahahaha gotcha! Akala mo ha, don't me Nof" sabi ng dalaga saka tumakbo sa
kusina. Pagbalik niya tawang tawa parin ang binata at inuuga ang kanyang ulo.
"Bruha ka, nakakagulat yung ginawa mo. Sabihin mo pampatulog sa seductive voice
tapos kindatan mo pa ako"

"I choked then natawa ako kasi nakita ko tatawa ka na e" sabi ng binata. "Hahaha
style mo, nung kumakain tayo timing lahat ng joke mo tuwing iinom ako e. Hahahaha
alam ko na yan uy. O ano masaya ba?" pacute ng dalaga.

Nagpunas ng mukha ang binata saka muling natawa. "Bruha ka, parang nakakagulat yung
ginawa mo" sabi niya. "Para paraan lang yan, o ano susubukan mo pa? Next time pag
kumakain ka naman ng kanin" pacute ng dalaga. "Di na kita titignan" sabi ni Onofre.

"You started it, akala mo ha. Honestly sanay na ako diyan. Uso yan sa amin kasi
noon e kaya I know how to control it. Natatawa lang ako sa iyo kasi subok ka ng
subok, kahit korny jokes sige...o ano?" landi ng dalaga.

"Sorry na, napansin mo pala yon" sabi ni Onofre. "Oo kaya, so titigil ka na?"
tanong ng dalaga. "Opo" sagot ng binata kaya natawa si Shirley. "Anyway sorry about
that, pero Nof maraming salamat talaga" sabi ng dalaga.

"Sure ka dito ka lang mag bike ha. Okay lang sana sa malayo basta may kasama ka.
Sorry talaga di ako maka commit sa ganyan" sabi ng binata. "Opo dito lang po ako.
If ever gusto ko mag try ng trail sabihan kita para samahan mo ako" sabi ng dalaga.
"Sure! Ayan magcocommit ako diyan. Anytime basta pasok sa class schedule. Weekends,
sure yan" sabi ng binata.

"Talaga mo ha" sabi ng dalaga. "Oo basta ikaw, malakas ka sa akin e" banat ni
Onofre. "I hate people breaking their promises" sabi ni Shirley.

Ŋa!

-------------------------------

#GameON

=================

Chapter 21: Daddy Shorts

Chapter 21: Daddy Shorts

Kinabukasan sa may garahe nina Dani nakaupo si Onofre habang kandong si Nina.
"Imbes na tulungan mo ako para matapos to agad" sabi ni Dani. "Ayaw ko kasi grabe
ka e. The other we already washed your car and now you are doing it again. Isang
araw palang lumipas" sabi ng binata.

"E lumabas kami ni Ninny at mommy kahapon" sabi ni Dani. "Hindi tao yan na
kailangan na naliligo araw araw" sabi ni Onofre. "Di mo ako tutulungan?" tanong ni
Dani. "Hindi, nag eenjoy ako dito pinapanood ka. Lahat ng lalake na mas gusto
manood kesa tumulong sa ganitong oras" biro ni Onofre kaya natawa ng malakas si
Dani.

Tumawa si Nina kaya tinuka tuka siya ng binata sa gilid ng noo. "Ninny you take
care of yourself ha so that you will become like your mama. You might be a super
model. But Ninny look at your legs, dami kagat ng lamok...look at mommy o flawless
parang siya yung nagtatago sa kulambo habang ikaw iniwan para katayin ng mga lamok"
sabi ni Onofre.

Natawa ng husto si Dani kaya anak niya nakitawa din bigla. "Ang sama mo, kasalanan
ni daddy yan kasi hilig niya kalaro si Nins tuwing hapon sa garden. Spoiled kay
lolo" sabi ng dalaga. "Pumapalusot pa ano Ninny? You tell her, mommy...sige na"
sabi ni Onofre. "Mommy" gaya ng bata kaya natuwa si Dani.
"Mommy umayos ka...mommy umayos.." sabi ni Onofre. "Mommy...mayos" bigkas ng bata.
"Very good. Mommy umayos ka" sabi ng binata. "Mommy mayos ka" bigkas ng bata. "Very
good girl!" sigaw ni Onofre kaya pumalakpak si Nina habang si Dani tawang tawa na
talaga.

"Mommy mayos ka!" sigaw ng bata. Fake laugh si Onofre kaya inulit ulit ng bata yung
mga salitang yon. "So that is how you teach her" sabi ni Dani. "O bakit? It works
diba? Ganon naman e, if she sees me laughing she thinks its good. Mommy mayos ka"
sabi ni Onofre. "Mommy mayos ka!" sigaw ni Nina kaya tinadtad ng halik ng binata
yung bata sa pisngi.

"Like this Ninny, you point..ganito point. Mommy mayos ka" sabi ni Onofre kaya
tinuro ng bata nanay niya. "Hala, hoy grabe ka na baka gawin niya sa iba" sabi ni
Dani. "Its gonna look funny naman at mas maganda na ito kesa sa pagmumura.
Nakakagulat e nagmumura si Ninny" sabi ni Onofre.

"Sorry about that" sabi ni Dani. "She may not know what the word means pero alam
niya kailan gagamitin e. Like kanina when she dropped the candy I gave her, sabi
niya ay S word tapos she looks pissed pa" sabi ni Onofre. "You gave her candy
again? I told you to stop giving her candy" sabi ni Dani.

"Isa lang yon, its like everytime she sees me inaantay niya yon e. To naman pag
bigyan mo and besides kung ano man ngipin niya now peke parin mga yan. Diba? Saka
palang tutubo yung mga totoo later on" sabi ng binata.

"Nof, tulungan mo naman ako dito. Tinatamad ako e" sabi ng dalaga. "Tsk ikaw kasi
e, dito ka at ako na magtutuloy" sabi ng binata. "Yes!" sigaw ng dalaga sa tuwa. "I
am sorry wala ako magandang legs na tulad mo at wala din akong magandang upper
body" landi ng binata.

"Ninny, Nof umayos ka" sabi ng dalaga. Parang nalito yung bata, tinignan si Nof
pero dahan dahan din lang bumalik tingin niya sa kanyang nanay. "Mommy mayos ka"
bigkas ng bata. "Bwahahahahahahaha! Very good Ninny, very good!" sigaw ni Nof kaya
nagsisigaw yung bata saka nagpalakpak.

Lumapit si Nof saka inabot kamao niya, nagulat si Nina nang naki fist bump naman
yung bata. "Oh my God! You taught her!" sigaw ni Dani. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Dani.
"She knows fist bump" sabi ni Dani sa tuwa saka tumayo at dinala ang anak niya sa
loob ng bahay.

Sa salas abala si Martin na nagbabasa sa tablet niya nang sumulpot sina Dani.
"Daddy quick, fist bump kayo. She knows" sabi ni Dani sa tuwa. Inusli ni Martin
kamao niya, naki fist bump naman agad si Nina kaya tumawa ng malakas yung matanda.
"She knows" sabi ni Dani.

"Very good girl, Nof taught her?" tanong ni Martin. "Yes, do it again daddy" sabi
ni Dani at tuwang tuwa naman si Nina na paulit ulit na nakikipag fist bump. Bumalik
sila sa garahe sana naupo, "Tuwang tuwa si daddy" sabi ni Dani. "Mama pasyal" sabi
ng bata. "You want to go there again baby?" tanong ni Dani.

"No Ninny because if you go out tomorrow mommy will wash the car again" sabi ni
Onofre. "Grabe ka naman, hindi na. Sorry naman kung medyo na OC ako...syempre my
first car and I want it to be always clean" sabi ni Dani. "Okay pero once a week is
enough, okay?" lambing ng binata.

"Okay" sabi ni Dani saka nagpacute na simangot. "Nof o.." sabi ni Nina saka tinuro
yung isang gilid ng kotse na wala pang sabon. "Wow she knows" sabi ni Onofre. "Very
good girl" lambing ni Dani saka hinalikan anak niya sa labi.

"She understands a bit, she can see na sinasabon ko yung kotse. Akala niya siguro I
have to make it all white but still she knows. Wait lang Ninny at maglalaro tayo"
sabi ni Onofre. Nung nasabon ng binata yung buong kotse tinawag niya si Nina.

"Come baby, hold the hose with me" sabi ng binata. "Nof mababasa siya, baka
magkasakit" sabi ni Dani. "Hello, she is just holding the hose. Okay baby, game na
ha, squeeze...ako nalang pero you hold my hand" sabi ng binata.

Nagsisigaw at nagtitili si Nina habang iniisprayan nila ng tubig yung kotse.


Lilipat na sila sa kabila nang lumapit si Dani. "Nof ako nga din please" sabi niya
kaya kinarga niya si Nina para sila naman dalawa ang mag enjoy.

Dalawang minuto lumipas nalungkot si Nina, "Wala na" bigkas niya pagkat wala nang
sabon yung kotse. "Meron pa, ayan o" sabi ni Dani saka tinutok yung hose kay
Onofre. "Hoy Dani!" sigaw ng binata pero tumama na yung tubig sa may hita ng
binata.

Nanlaki ang mga mata ni Nina saka napanganga pero nung tumawa yung nanay niya
nakitawa narin siya bigla. "What the hell are you doing?" tanong ni Onofre sabay
pagpag sa hita niya. "Dani!" hiyaw niya nang tumama yung tubig sa kabilang hita
niya at doon na nagtitili at nagsisigaw si Nina.

"Hoy stop!" sigaw ng binata. "She is enjoying" landi ni Dani at nung natamaan sa
harapan si Nof napasigaw ni Nina. "Wiwi si Nof! Ay! Wiwi!" sigaw ng bata kaya
natawa narin bigla si Onofre.

"Dani hoy tumigil ka na" sigaw ng binata saka tumakbo pero humabol si Dani at
binasa na yung pwet ng binata. Grabe yung tawa ni Nina kaya napatigil si Nof at
nakipagtitigan kay Dani. "Oh what the heck" sabi ng binata kaya umakting lang
siyang tumatakbo kaya sigaw ng sigaw ni Nina.

Limang minuto lumipas basang basa na si Onofre habang si Nina pagod na sa katatawa.
"Nag enjoy talaga siya Nof" lambing ni Dani. "You think hindi pa nag enjoy yan?"
tanong ng binata kaya natawa yung dalaga. "Wet..change" sabi ni Nina kaya napakamot
yung binata.

"May spare shirt ako sa sasakyan pero do you have any loose shorts?" tanong ng
binata. "Well try natin, go get your shirt" sabi ng dalaga. "Buti nalang iniwan ko
yung phone ko sa kotse" sabi ng binata. "Of course you did kasi ayaw mo na kalkalin
ko photos niyo ni Shirley" sagot ni Dani.

Bumalik agad si Onofre dala shirt at phone niya, hinila niya yung kamay ni Dani
saka pinausli isang daliri. "Uy joke lang" sabi ng dalaga. "It's a new phone, it
opens by fingerprint so I need to register your finger print" sabi ng binata.
Namumula si Dani kaya tinatago niya mukha niya konti sa likod ng ulo ng anak niya.
"Ayan, so now you can unlock my phone anytime and you have my permission" sabi ng
binata.

"Nof.." bigkas ni Nina. "Oh of course baby, give me your finger" sabi ng binata.
"Are you really going to add it?" tanong ni Dani. "Yes, she already saw the
animations nung ikaw nag eenter ng print mo so di natin siya pwede utuhin" sabi ng
binata.

Sa loob ng bahay nauna si Nina sa salas, "Lolo wiwi si Nof o" sumbong niya kaya
natawa si Dani. Napatingin si Martin sa binata kaya hiyang hiya si Onofre. "He got
wet" sabi ni Dani. "I saw what happened, I heard Nina and you laughing so hard.
Will go get him a towel already" sabi ng matanda.

"Wait here Nof, Ninny stay with lolo okay" sabi ni Dani. Umakyat sa sofa ang bata
saka nakitabi sa lolo niya. "Lolo si Nof wiwi" sabi niya. "Yes iha, nag wiwi si
Nof" sabi ni Martin kaya kamot ulo na talaga ang binata sa hiya.

Nakababa si Dani, inabot agad yung twalya sa binata saka pinapili sa dalawang
shors. "Maroon so okay ito then dark blue but...not sure sa size" sabi ni Dani. "I
think those are too small, wala ka ba shorts nung buntis ka?" banat ni Onofre kaya
natawa ng sobrang lakas si Martin kaya gumawa naman si Nina sa lolo niya.

"Nag maternity dress ako, so ano gusto mo hiramin yung dress ko? Ha? Wait lang"
sabi ni Dani saka bumalik sa taas. Isang minuto lumipas nagbaba talaga yung dalaga
ng mga dress kaya lalong natawa si Martin. "O ano? Gusto mo mga eto?" biro ni Dani.

Biglang tumayo si Martin saka nagtungo sa kanilang kwarto sa first floor. "Oh my
God" bulong ni Onofre kaya natatawa na si Dani. Isang minuto lumipas inabot ni
Martin ang isang checkered shorts sa binata. "Here Nof you can borrow mine, sige na
bago ka pa magkasakit" sabi ng matanda kaya nag nod yung binata habang si Dani
nagpipigil ng tawa.

Limang minuto lumipas lumabas ng banyo si Onofre, todo pigil ng tawa si Dani kaya
ang binata tumakbo papunta sa back door saka lumabas ng bahay. Narinig ni Nina yung
mga yapak kaya paspas siya bumaba ng sofa saka tumakbo. "Do not run" sigaw ni
Martin pero tumakbo parin yung bata.

Sa hardin na natawa si Dani habang si Onofre sumalubong kay Nina at agad ito
binuhat. "I honestly feel so...ewan ko" sabi ng binata kaya halos maiyak na si
Dani. "Hindi naman ako nandidiri no pero it just feels so wrong in many levels.
Grabe shorts ito ng papa mo" sabi ng binata.
"Nasan na pants mo?" tanong ng dalaga. "Ay oo, wait kunin ko" sabi ng binata. "No
ako na, stay here with Nins" sabi ng dalaga. Naglakad ang binata kaya si Nina
nagtuturo ng kung ano ano. "Bown Nof" sabi ng bata. "Yes, brown then this is..."
sabi ng binata saka hinaplos yung isang dahon. "Green" sigaw ni Nina.

"Very good! This one is..." sabi ng binata saka humaplos sa ibang dahon.
"Nof...red.." bigkas ng bata saka tinignan yung binata. "Very good, yes red but
when you grow older its maroon" sabi ng binata.

Pagbalik ni Dani inuga ng binata ulo niya. "Why did you take my photo?" tanong
niya. "Picture niyo ni Nins, bakit ba kasi?" tanong ng dalaga. "Grabe ka naman, now
you have proof. Uy wag naman" sabi ng binata.

"Bakit ba? Wala naman problema ah" sabi ng dalaga saka nagpipindot sa phone ng
binata. "You uploaded it?!" sigaw ni Nof. "Hahahaha sorry....lagyan ko nalang ng
cute caption" sabi ni Dani. "Oh my..." bigkas ng binata. "Omaygaaaaaa" sigaw ni
Nina.

"Dear ate Charo..." landi ng binata kaya natawa na si Dani. "Itago mo nalang ako sa
pangalan na One, hindi ko alam pano ako magsisimula...pero it feels so awkward tita
Charo" landi ng binata kaya halos masiraan na ng bait si Dani.

"Tapos diba pinapahula nila yung title ng episode, yung sa akin daddy shorts" sabi
ni Onofre kaya napahiyaw na si Dani. "Promise hindi ako nandidiri, pero it just
does not feel right. Grabe shorts ito ng daddy mo" sabi ng binata.

"Alam mo mas gusto ko pa isuot yung maroon shorts mo kahit na sobrang sikip siguro.
Mas kaya ko pa yon dalhin kasi alam ko ikaw pero ito, oh my God its like I am one
with your dad" sabi ng binata. Tawa ng tawa si Nina pagkat nanay niya halos mamatay
na sa katatawa.

"Parang pag suot ko shorts niya he is always beside me...creepy" sabi ni Onofre
kaya pinagpapalo na siya ng dalaga sa pwet. "Tama na" sabi ng dalaga. "Note to
self, always bring spare shorts in car" sabi ni Onofre.

"So why do you bring spare shirts?" tanong ng dalaga. "Dati kasi pag napasubo na
diretso na sleep over sa bahay ng barkada. Kung saan uminom doon narin ako
matutulog. It must be that way or else my dad will really get mad. Kasi sabi niya
may choice ako, leave the car and go drink then take the taxi home or take the car,
drink and sleep at friends house" sabi ng binata.

"Ah, so may shirt ka meaning may balak ka uminom?" tanong ng dalaga. "Hindi no,
this is an old shirt. Grabe nakarating na ito sa Pagudpud. Siguro kinarga ko ito sa
kotse mga one month na" sabi ng binata.

"So why do you say mas okay kung suot mo shorts ko? Diba mas mag gaganyan ka kasi
girly shorts yung isusuot mo?" tanong ng dalaga. "E kasi dikit na tayo e. I mean we
are close friends now right? Or assuming lang ako?" tanong ng binata. "We are" sabi
ng dalaga sa mahinang boses. "So ayon, I will feel more comfortable wearing your
clothes kasi yun nga we are close friends. Kahit na pambabae pa siya pero pag
ganito naman grabe, siguro hindi mo maiintindihan pero if lalake ka super awkward
ito" sabi ng binata.

"Ah ewan ko, tara sa loob" sabi ni Dani. "No thanks" sabi ng binata kaya nagtawanan
sila. "Tara nalang sa park" sabi ng binata. "Park mama" sabi ni Nina. "Okay, lets
go" sabi ng dalaga. "Hoy, yang suot mo is too short. Go wear something more decent"
sabi ng binata.

"Huh? More decent? Why?" tanong ng dalaga. "Its too short" sabi ni Onofre. "E
gustong gusto mo naman kanina nung naghuhugas ako ng kotse at lagi naman ako ganito
sa bahay" sabi ng dalaga. "Ibang tao ang mga nasa labas, if ako lang well thank
you" landi ng binata kaya natawa si Dani at napalo ang binata sa pwet.

"Grabe ka I grew up here, I know all the people here" sabi ni Dani. "Kahit na,
magalit ka kung magalit ka. Overprotective na ang peg kung gusto mo" sabi ng binata
kaya napangiti ang dalaga. "Kasama naman kita ah" sabi ni Dani.

"Hay bahala ka" sabi ng binata kaya lumabas na sila ng gate. "O yan didikit ako sa
iyo...o yan" sabi ng dalaga sabay nagpigil habang yakap niya yung isang braso ng
binata. "Di ko kayo maintindihan, magsusuot kayo ng ganyan tapos if may nambastos
sa inyo kayo ang galit"

"Sa umipas kasalanan niyo na e, nagsuot kayo ng ganyan so you opened yourself up to
animalisitic behavior of others" sabi ng binata. "Lalake ka, you will not
understand. We want to feel comfortable and always pretty. If may asset ka then
flaunt it. Ganon kami" sabi ng dalaga.

"Pero pag may nambastos sa iyo wag mo ako pipigilan ha. Alam mo na nga may pagka
hot headed ako tapos ganyan pa suot mo. Parang magnet ng away yan" sabi ng binata.
"Fine e di uuwi ako para magbihis" sabi ng dalaga.

"Wag na, malapit na tayo sa park e, dito ka sa kabila. May mga bahay diyan baka
tuwang tuwa na yung guys masyado sa nakikita nila" sabi ng binata. "Like you
kanina" sabi ni Dani. "Yes of course" sagot ni Onofre kaya nagtawanan sila.

Pagdating sa park agad tinuro ni Nina yung slide kaya doon sila nagtungo. Sampung
minuto sa slide at pinagpawisan na ng husto si Onofre. "Ninny enough na ha, tired
na si Nof o" sabi ni Dani. "Swing mama" sabi ng bata. "Okay" sagot ni Dani saka
biglang hinaplos yung pawis ng binata sa noo.

Nagulat si Onofre kaya nagkatitigan sila ng matagal, "Ninny ah help mommy o wipe
natin" sabi ng dalaga kaya gumaya ang bata. "Then make punas here" banat ni Dani
saka punas ng kamay sa dibdib ng binata kaya natawa si Onofre. "Salamat ha, buti
nalang extra shirt ito" sabi niya.

Naupo si Dani sa isang swing kaya pinatong ni Onofre yung bata sa mga hita ng nanay
niya. "Ayaw niya ata ganito" sabi ng dalaga. "Gusto yan" sabi ni Onofre na nagtungo
sa likuran at nagsimulang magtulak. "Weeee" bigkas ng binata kaya nagsisigaw na si
Nina.

"Yakapin mo siya with one arm, ako bahala sa iyo" sabi ng binata. "I trust you"
sagot ni Dani. Isang minuto lumipas steady yung pagtutulak ng binata, "Dani nag
iimagine ka din ba about the future?" tanong ng binata.

"Yes, why?" tanong ng dalaga. "Are you ready when she asks?" tanong ni Onofre.
"Tsk..naglaro na yan sa isipan ko madaming besees pero each time di ko alam ano
yung tamang isasagot ko" sabi ng dalaga.

"Same kayong problem ng ate ko" sabi ng binata. "You two talk about stuff like
this?" tanong ni Dani. "One time she opened the topic and asked me for advice, so
sabi ko madami naman ganon e, I mean madami situations like her"

"I told her that eventually she will find the right one at yun na makikilala na
bilang dad ni Karlo...if nagkatuluyan sila. Pero sabi ko sa kanya, the next time
she falls in love make sure siya na talaga. Kasi baka malito si Karlo"

"Siguro I would give you the same advice" sabi ni Onofre. "Tama ka" sabi ng dalaga.
"In the mean time nandon naman daddy mo as the guy figure in Ninny's life and of
course I will always be here for her" sabi ng binata.

"You would?" tanong ng dalaga. "Of course, for her and you" sabi ni Onofre kaya
napapikit ang dalaga at kinilig. "For her and me?" tanong pabulong. "Yep, kaya
yakapin mo siya ng mahigpit kasi eto na" sabi ng binata. "Nooooofff" hiyaw ni Dani
nang matulak sila ng malakas.

Sabay humiyaw yung mag ina per pagatras ng swing agad yumakap ang binata sa kanila
mula sa likuran. "Did you enjoy that Ninny?" tanong ng binata. "Push Nof!" sigaw ng
bata kaya napangit si Dani.

"Killjoy ka anak" bulong niya.

-----------------------------------------------------

#killjoy

=================

Chapter 22: Reconnect

Chapter 22: Reconnect


Unang araw ng klase papunta si Onofre sa canteen nang makita niya si Sylvia. Paspas
na tumalikod ang binata at maglalakad na sana palayo nang narinig niya yung boses
ng dalaga. Lumingon ang binata at nagkunwaring gulat pero ang magandang dalaga todo
simangot at nagtaas ng kilay.

"So its true, iniiwasan mo kami" sabi ni Sylvia. "Huh? Hindi no" sagot ni Onofre.
"Anong hindi? Nakita mo lang ako then tumalikod ka agad to walk away, anong tawag
don?" sabi ng dalaga. "Pwede naman na naihi ako, kailangan mag unload bago magpunta
ng canteen kasi imagine if nakapila ka tapos wiwing wiwi ka na" palusot ng binata.

"Yeah right, nagbago ka na talaga" sabi ng dalaga. "Sabi ko nga sa iyo change is
constant. Kung hindi ako magbabago pano na ako mag iimprove? Alangan na Nof version
one nalang ako forever. I need to adapt to things to make myself better" banat ni
Onofre.

"I see, sorry for bothering you" sabi ni Sylvia. "Uy ano ba problema?" tanong ni
Onofre. "I get it already, nagbago ka na talaga. Wala na yung Nof na kilala ko"
sabi ni Sylvia. "Tsk naman to o. Huy wag kang ganyan" sabi ni Onofre saka tinabihan
ang dalaga saka palambing na binangga.

"Change for the better so you mean to say kami yung masama?" tanong ng dalaga. "Sly
naman e" reklamo ng binata. "Ano?" tanong ng dalaga. "Its more complicated than
that" sabi ni Onofre. "How is it complicated?" tanong ni Sylvia. "Fine, para
malinaw na at matapos na tong issue. I am hurt, ayan plain and simple answer. Di ko
na kailangan mag explain. Alam mo na bakit" sabi ng binata.

Huminga ng malalim si Slyvia saka nagsimangot. "If you feel sad then imagine what I
feel. Kung kaya mo magsimangot, ako yung simangot ko umikot na, nag three sixty
degrees na kaya di na halata sa mukha ko kasi parang normal na. And yes galit ako
sa iba, alam naman nila e pero no one even told me. Lalo na yang boyfriend mo, sana
naman siya na nagsabi sa akin"

"Or maybe mas maganda if it came from you...yeah it would have hurt but at least
ikaw na nagsabi mismo. It really sucks being surprised like that" sabi ni Onofre
kaya niyuko ng dalaga ulo niya.

"I thought it would be better that way" bulong ng dalaga. "Better what way?" tanong
ng binata. "Na wala magsabi at if makita mo na kami na that you would be able to
accept us. Kasi ganon kita kilala e, diba? Ikaw yung magaling umintindi lagi" sabi
ni Sylvia.

"Umintindi pagdating sa iyo. Kaya ko intindihin ang lahat basta tungkol sa iyo"
sabi ni Onofre. "Kaya nga, iintindihin mo yung happiness ko" sabi ng dalaga. "Sly,
ever since yung ang hinangad ko, your happiness. Lahat para sa iyo pero may I am
only human. I hurt and I really got hurt"

"Di mo ba inisip yon? Robot ba ako sa tingin mo? I don't want to argue with you.
Its lunch time so...hay..tara canteen" sabi ng binata. "Hindi na, wala na ako gana"
bulong ng dalaga. "You need to eat...teka nga nasa ba yung boyfriend mo? You should
be together" sabi ni Onofre.

"Nakiusap ako sa kanya na kung pwede e ayaw ko sana palitan yung lunch schedule ko"
sabi ni Sylvia. "Tsss..lunch with me everyday? Di ko alam kung sadista ka o
manhid...surprise ganon pala si Sly" sabi ng binata kaya lalong nagsimangot yung
dalaga.

"Alam ko naman may mali ako so maybe I was thinking na makakausap kita ng maayos
during our lunches" sabi ni Sylvia. "Hoy, if you think inayos ko schedule ko para
sabay tayo lunch mali ka. I tried my best to find a schedule na malaki break before
lunch pero wala e, regular na ako" sabi ni Onofre.

"Parang ang laki naman ng kasalanan ko sa iyo" sabi ng dalaga. "Wala kang
kasalanan, its your right to choose. I lost, oo siguro sore loser ako pero ang ayaw
ko yung tinago ng lahat sa akin. Lalo na ikaw, if it came from you earlier e di
sana natanggap ko, siguro lang yon"

"Pero surprise! Kami na! All this time I thought you were just not ready. Ako naman
si tanga umasa. Along the way sana sinabi mo na sa akin na hanggang friends lang
para sana naman habang magkaibigan tayo e naka move on na ako agad" sabi ni Onofre.

Tahimik ang dalaga habang nakapila na sila sa may counter, "So what do you want
from me? You want to torture me?" banat ni Onofre. "Grabe ka naman" bulong ng
dalaga. "Balik sa dati as if walang nangyari?" tanong ni Onofre. "Sana" sabi ni
Sylvia.

Hinaplos ni Onofre mukha niya, humawak ang dalaga sa braso ng binata kaya
nagkatitigan sila. "I told you to stop doing that" paalala ni Sylvia. "E ano kung
madeform mukha ko e di naman pala ako type mo" biro ni Onofre kaya todo simangot
ulit yung dalaga.

"Gago di yang boyfriend mo e, imagine pumayag naman na makipag lunch ka lagi sa


akin. Wow di ako threat sa kanya? Anway ano gusto mo?" tanong ng binata. "Libre ko
sana Nof" sabi ni Sylvia. "Ano peace offering?"

"Pili ka na" sabi ni Onofre. "E hindi na tayo magkasama tuwing dismissal so di na
kita malilibre" sabi ni Sylvia. "Di ko naman sinabi na araw araw tayo magkasama sa
lunch. You say we need to talk so today we talk" sabi ng binata.

Nung nakaupo na sila nilalaro laro lang ni Sylvia pagkain niya habang pinapanood si
Onofre. "O bakit hindi ka kumakain?" tanong ng binata. "What do you mean today we
talk, so tomorrow you don't want to be friends with me anymore?" tanong ng dalaga.
"Alam mo Sly kahit na nasaktan ako may kapangyarihan ka parin sa akin"

"Kaya lang di ako tanga. I must resist your power over me. Kung araw araw tayo
magkasama then pano naman ako makaka move on? Maawa ka naman sa akin, kahit yun
lang. Isipin mo din naman yung nararamdaman ko" sabi ni Onofre kaya nalungkot na
yung dalaga.
"Nof ang hirap non. I don't want to lose my best friend" sabi ng dalaga. "Aray ko
po. Insert theme song...kaibigan lang pala..kaibigan lang pala" birit ng binata
kaya natawa konti yung dalaga. "Ganyan..i will miss you being that way" sabi ni
Sylvia.

"Oh your boyfriend is very serious, hindi sya marunong magpatawa" landi ni Onofre
kaya simangot ulit yung dalaga. "Compromise?" tanong niya. "Ganito nalang, imagine
mo ikaw yung may gusto sa akin. Sige na imagine mo lang, tapos ang sinagot ko yung
isang kaibigan mong babae"

"Tapos sasabihin ko sa iyo gusto ko walang magbabago sa atin. O yan game, pag
isipan mo yan. Then analyze mo yang hinihiling mo sa akin" sabi ni Onofre. "So wala
na talaga?" tanong ni Sylvia. "Bwisit ka Sly ha, wag mo gagamitin yang cutey lonely
eyes mo sa akin" sabi ng binata.

"So what do you want me to do? Say sorry? Okay I am sorry" sabi ng dalaga. "Sorry
for what? Tulad ng sinabi ko wala kang kasalanan. Siguro isip bata ako, ewan ko
pero the bottom line is I got hurt. Lantad naman na gusto kita"

"You never got your heart broken so Sly listen to me...ang sakit..sobrang sakit"
sabi ng binata kaya medyo naluha na yung dalaga. "Tsk wag ka naman iiyak...fine
compromise. Bwisit ka Sly...friends still but we cant do this everyday" sabi ng
binata.

"Why?" tanong ng dalaga. "Bakit ba ang daming sadista sa buhay ko? Para ako yung
babae sa Fifty Shades pero walang kasamang saya ah, parang brutal na Fifty Shades.
Do you know the word hurt? Ha?" tanong ni Onofre na pabiro.

"So you want to hurt me too by not being friends with me anymore" sabi ng dalaga.
"Ay grabe ka Sly" reklamo ni Onofre. "Oo gets ko, binibiro lang kita. He wants to
talk to you din sana" sabi ng dalaga. "Actually may ibibigay dapat ako sa kanya e"
sabi ni Onofre.

"Ano yon?" tanong ng dalaga. "My middle finger" landi ni Onofre kaya natawa si
Slyvia. "O bakit ka tumawa?" tanong ng binata. "He knew you would say that" sabi ng
dalaga. "Oh really? Well sabihin mo sa kanya special middle finger, dalawa pa.
Tapos gyrating middle fingers pa" sabi ni Onofre.

"He said that hindi mo siya mapapatawad and he accepts that" sabi ni Sylvia. "Good!
Wala ako balak kausapin yang boyfriend mo. Isip bata na kung isip bata, you want to
be friends? Fine pero ikaw lang. The rest capital F then capital Y...tanga yung
ibang tao na F and U, mga jejemon e" daldal ng binata kaya nagtakip ng bibig si
Sylvia saka nagpigil ng tawa.

"Araw araw lunch, alternate maglibre" pacute niya. "Tsk, why are you so hard
headed?" tanong ni Onofre. "Because" sagot ng dalaga. "Yan ka nanaman sa because
answers mo. Uy Sly bago na president natin starting July one"
"Kailangan ko na mag move on para ko na kantahin yung Adik sa yo. Bawal na ang mga
adik kaya kailangan ko mag move on sa iyo baka huliin ako ni Digong" sabi ni Onofre
kaya doon na natawa yung dalaga.

"Pero mas kawawa ka kasi ikaw yung pusher" banat ni Onofre. "Nof naman kasi e" sabi
ng dalaga. "Ano nanaman?" tanong ng binata. "Yung tulad ng dati sana" sabi ng
dalaga. "I don't get you, may boyfriend ka na. Dapat siya na lagi kasama mo"

"Get to know each other. O diba? Ang ganda ng payo ko pero sa totoo hirap na hirap
kong sinasabi mga ito kasi nilalabanan ko utak ko kasi gusto niya lahat negative"
sabi ni Onofre kaya muling natawa yung dalaga. "Nof" bigkas ni Sylvia kaya hinampas
ng binata noo niya.

"What do you want?" tanong niya. "Yung dati" sabi ng dalaga. Di sumagot ang
binata, nilipat niya yung extra rice sa plato niya saka nagtuloy sa pagkain. "Nof"
palambing na bulong ni Slyvia kaya tinignan siya ng binata. "Ano?" tanong ni
Onofre. "Yung dati" ulit ng dalaga.

"E di yung dati" sabi ng binata saka sumubo ng dalawang sunod sunod. "Tsk, Nof
naman e" sabi ni Sylvia. "Ano ba? E di yung dati" sabi ng binata. "Yung walang
galit" sabi ng dalaga. "Grabe ka naman, hinay hinay ka naman sa hinihiling mo.
Intindihin mo din kaya ako?" sabi ni Onofre.

"Okay sorry. So pwede ko na makuha new number mo?" tanong ni Sylvia. "Awww what a
wonderful feeling ang babae pa humihingi ng number ko. Pero naudlot yung saya kasi
alam ko may boyfriend siya. Ang saya saya. You have my number" sabi ng binata.

"Nagpalit ka" sabi ni Sylvia. "Pano mo alam nagpalit ako?" tanong ni Onofre. "I
have been trying to call you" sabi ng dalaga. "Awwwww...a girl has been trying to
call me. Wow feeling ko naman super pogi ako" landi ng binata kaya napangiti yung
dalaga.

"Di ako aware nagpalit ako, nagpalit ba ako? Nasira ata SIM ko" palusot ng binata.
"You changed it, give me your number" sabi ni Sylvia. "Demanding ka, hoy if you
want me back...ahahayyy parang ang sarap sabihin yon, it makes me feel sooooo
important" landi ng binata kaya doon na natawa yung dalaga.

"As I was saying I will remain as your friends but changes have to happen. "Kahit
galit ako sa boyfriend mo kailangan ko parin respetuhin yung bro code. Kahit na
nilabag niya yon, iba ako. There are limits now kung ayaw mo masaktan boyfriend mo"
sabi ni Onofre.

"What do you mean?" tanong ng dalaga. "Ay syempre, baka magselos siya tapos aawayin
ako bigla. If that happens he is going to get hurt and you know that" sabi ng
binata. "What limits?" tanong ni Sylvia. "Simple lang, di mo na ako pwede yakapin"
sabi ng binata.

"Yakapin? Kailan naman kita niyakap?" tanong ng dalaga. "Sa imagination mo" landi
ng binata kaya natawa ng husto yung dalaga. "Ang kapal" sabi ni Sylvia. "May
distance na dapat, siguro one feet apart para walang issue" sabi ng dalaga.

"Grabe naman, one feet?" tanong ni Sylvia. "Sabi ko na nga ba magrereklamo ka e. Di


mo ako matiis kasi ano?" landi ni Onofre kaya napahalakhak yung dalaga. "Ililista
ko nalang later" sabi ni Onofre. "So kumusta ka na?" tanong ni Sylvia.

"Ganito parin but with new friends" sabi ni Onofre. "Oo nga nakikit ako nga sa
posts mo" sabi ni Sylvia. "E ikaw, kumusta naman ang in a relationship status?"
tanong ng binata. "Steady lang" sabi ng dalaga. "Pano naging steady lang? Kaya mo
nga sinagot kasi you like him and he likes you too. Dapat happy" sabi ni Onofre.

Huminga ng malalim si Sylvia saka tinitigan ang binata. "Remember one time I told
you may makulit akong suitor?" sabi ng dalaga. "Siya pala yon pero teka parang last
year pa yon ah" sabi ng binata. "Yeah" sagot ng dalaga. "Tsss wow men, so more than
one year ka niligawan"

"Grabe, ang manhid ko naman. Pero pwede ba wag na natin pag usapan yan. Bakit ko pa
kasi tinanong" sabi ng binata. "Di ko naman inexpect that I would like him or fall
for him" sabi ni Sylvia. "Fine tama na. Okay? Idagdag mo yan sa rule, wag na pag
usapan" sabi ng binata.

"Have you been drinking again lately?" tanong ni Sylvia. "No and that is me being
honest" sabi ni Onofre. "Good. How about your smoking? Binawasan mo na ba?" tanong
ng dalaga. "Amazingly yes pero I still smoke" sabi ni Onofre. "That is a start. So
tumawag na ba yung mga talent managers?" tanong ng dalaga kaya natawa yung binata
ng malakas.

"Uy pinapasaya mo ako ha" sabi ng binata. "Ang hirap Nof, ngayon palang I can sense
na may gap tayo. Kahit magkaharap tayo ngayon nararamdaman ko na may malaking wall
between us" sabi ni Sylvia.

"Just so you know di ako nagpatayo non" sabi ng binata kaya natameme yung dalaga.
"Tsk, alam mo naman na ayaw na ayaw kitang nakikitang nasasaktan e. But I am just
telling you the truth, I am jus telling you how I feel and its making you sad. Di
ko alam kung magsosorry ako pero its what I do whenever I hurt you" sabi ni Onofre.

"Gusto ko din naman na ibalik yung dati pero parang ang hirap. So maybe lets just
see how it goes. Sana lang you be mindful of how I feel pero nasabi ko naman na sa
iyo na nasaktan ako so maybe aasahan kita na alagaan mo din ako" sabi ng binata.

"Nof" bulong ni Sylvia. "Don't say it, tara kain. Lapit na time" sabi ng binata.
"So bukas ba.." sabi ng dalaga. "Sagot mo" sabi ni Onofre kaya todo ngiti na yung
dalaga. "Sly pagsabihan mo yang boyfriend mo" sabi ni Onofre.

"He knows, takot siya sa iyo" sabi ni Sylvia. "Huh you told him ano?" tanong ng
binata. "Para di ka nila lokohin at pagtripan" sabi ng dalaga. "Pano mo sinabi? Did
you say it was a lucky punch?" tanong ni Onofre. "No, sabi ko talagang ginulpi mo"
sabi ni Sylvia. "O tapos? Ano reaction nila?" tanong ng binata sa tuwa. "Ayon they
were all amazed and then scared" sabi ni Sylvia.

"Hahahaha pero alam mo naman na lucky punch yon. Nasa iyo pa yung video diba? Lucky
punch, kasalanan ko ba kasi yung bakit natisod siya? Ayon sakto yung pagforward
niya sa suntok ko" sabi ni Onofre. "I know, kitang kita ko sa video na nakapikit ka
talaga tapos basta sumusuntok ka" sabi ng dalaga.

"Hahahaha bwisit, first ever suntukan experience. I was super scared. As in grabe
yung takot ko. Pero nasa lugar naman ako e, I was protecting you" sabi ni Onofre.
"I know Nof...kahit na ganon yung nangyari I still found you amazing kasi you stood
up for me" sabi ni Sylvia.

"So bakit hindi mo ako sinagot?" landi ng binata kaya napangiti nalang yung dalaga
saka hinaplos gilid ng ulo niya. "Joke lang, you don't need to answer kasi alam ko
lalo lang ako masasaktan"

"Basta nasabi ko sa iyo ang nararamdaman ko" sabi ni Onofre. "Iniiba mo lang ba
usapan o ayaw mo talaga ibigay number mo?" tanong ng dalaga. "Wag kang atat,
ineenjoy ko yung pagpapakipot. Ang sarap sa feeling pag hinihingi number mo e"
landi ng binata kaya napalo ng dalaga yung kamay niya.

"Ikaw talaga nahiya ka pa, papalo palo ka kunwari. Sabi mo nalang namiss mo ako
kasi and you want to hold my hand" hirit ni Onofre kaya nagtakip ng bibig ang
dalaga saka natawa. "Oh come on Sly, say it" sabi ni Onofre.

"Oo na, namiss kita" sabi ni Sylvia. "Namiss mo ako?" tanong ng binata. "Oo naman.
I went to your house several times nga e pero lagi kang wala" sabi ni Sylvia. "Huh,
wala naman sila sinasabi sa akin" sabi ng binata. "Sinisilip ko lang kung nandon
kotse mo, if wala umaalis na ako" sabi ni Sylvia.

"Ah, eh well I was actively going out. Inaaliw ko sarili ko kesa na nagkukulong
lang ako or nakikipag inuman. Try mo din kasi minsan masaktan para maka relate ka"
biro ng binata kaya pacute na nagsimangot yung dalaga.

"Joke lang, pero Sly bakit parang pumangit ka?" tanong ng binata kaya totoong
simangot na yung nasa mukha ng dalaga. "Mali siguro term ko, maganda ka parin pero
parang may kakaiba sa face mo" sabi ni Onofre.

"Been stressed lang lately" sabi ni Sylvia. "Stressed saan? Nagkaboyfriend ka lang
stressed ka na? Is he pressuring you to do something? Ha? Do you want him to meet
my left and right knuckles?" banat ni Onofre kaya napangiti yung dalaga.

"No he is not, we have not even kissed yet" sabi ni Sylvia. "Ah bakit mo pa
kailangan sabihin yan? Tuloy mag iimagine ako kayong dalawa kissing. Change topic
so why are you stressed?" tanong ni Onofre.

"Knowing you are gone made me very lonely...school wont be the same without you...a
lot of things wont be the same...oo selfish reasons" sabi ni Sylvia. "If you kiss
me right now then all is forgiven" landi ni Onofre saka tinuro pisngi niya.

Tumayo si Sylvia saka lumapit sa binata. "Uy Sly nagbibiro lang ako" sabi ni
Onofre. "I really want us to patch things up" sabi ng dalaga. "Uy no need, uy okay
na. Balik na sa dati, joke lang yung hiling ko" sabi ni Onofre saka namula ng
husto.

"Sure?" tanong ni Sly. "Yeah" sagot ng binata kaya naupo na ulit yung dalaga. "As
if naman hahalikan mo talaga ako" sabi ni Onofre. "I really was. Kung yung ang
paraan para maging maayos tayo then I would really do it. Kahit pa sa lips, kahit
ikaw pa first kiss ko basta maging maayos tayo"

V�O

=================

Chapter 23: BFF

Chapter 23: BFF

Kinabukasan ng hapon sa loob ng kotse ni Dani abala sa pagkain ng fries si Onofre.


"Grabe ang sarap ng buhay pag may sumusundo sa iyo. Gosh I feel like a girl right
now" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga.

"Sure ka ba half day ka?" tanong ni Dani. "Yup, may emergency meeting yung profs sa
college namin. I just missed my lunch with Sly, ewan ko kung ano nanaman sasabihin
niya" sabi ng binata.

"Yeah nakwento mo nga kagabi na you reconnected. So saan tayo mag lunch?" tanong ng
dalaga. "Kahit saan, so how was school today?" tanong ng binata. "Okay lang, medyo
naka adjust na ako compared to yesterday na nahihiya talaga ako" sabi ng dalaga.

"Tsk bakit ka nahihiya?" tanong ni Onofre. "Wala, sana nag enroll nalang ako sa
school mo para tayo nalang magkasama" sabi ng dalaga. "Oo nga, sayang. Si Ton pala
nakita ko kanina, kasama niya yung crush niya hahaha. Buti pa siya" sabi ni Onofre.

"Kasama mo naman ako ah" biro ni Dani. "Sana hindi awkward kung sabihin ko na you
look very pretty today. Kanina ko pa gusto sabihin pero di ko sure if tama sabihin
pero ayan nasabi ko na. Gandang ganda ako sa iyo ngayon" sabi ni Onofre.

Namula si Dani, nagpipigil ng kilig pero ngumiti nalang siya saka inabot ang binata
para paluin ng malambing. "Ikaw talaga" sabi niya. "Totoo, I know it's a new look,
basta okay siya" sabi ni Onofre. "Tried something new with my kilay then a new
shade of lipstick and konting bagong hair style" paliwanag ni Dani.
"Oo ganyan ka nalang lagi" sabi ni Onofre. "You like this? I mean okay ba talaga?"
tanong ni Dani. "Oo kaya, buti nga ikaw yung nagmamaneho e kasi pag ako baka
nabangga na tayo kanina pa" sabi ng binata. "Naks, sige saan mo gusto kumain?"
pacute ng dalaga.

"Kahit saan. Kulang pa ata pambobola ko" banat ni Onofre. "Oh my God so nagbibiro
ka lang?" tanong ni Dani. "Hindi ako nagbibiro, seryoso ako" sagot ng binata kaya
super ngiti ang dalaga. "Eto na nagtetext na si Sly" sabi ng binata. "You gave her
your number? Diba sabi ko magpalit ka?"

"Bakit mo binigay?" tanong ni Dani. "She asked for it nicely" sagot ni Onofre.
"Diba sabi ko sa iyo na its okay to be friends but dumistansya ka na. So how are
you going to move on? Grabe ka pinaparusahan mo naman sarili mo e" sermon ni Dani.

"I know but kaya lang naman ako bumigay kasi alam ko nandyan ka" sabi ng binata.
"Huh?" tanong ng dalaga. "Oo mahina ako when it comes to her, so sabi ko bahala na
pero now I know that you are there for me...right?" tanong ng binata. "Yeah..of
course..always here for you" sagot ng dalaga sa nanginginig na boses habang
nagpipigil ng kilig.

"I tried my best to resist her pero wala e. Tsk, naipit ako Dani kaya sabi ko alam
koi tong papasukin ko its gonna bring pain...pero sabi ko may karamay naman
ako...tama ba ako?" tanong ng binata. "Tama, I understand you now. So kalimutan mo
na yung mga sinabi ko"

"If di mo talaga siya matiis then just be careful. Know your limits and anytime you
need someone to talk to nandito ako" sabi ng dalaga. "I know kaya nga malakas loob
ko e. Ikaw na yung BFF ko" sabi ni Onofre.

"Ikaw din naman yung new BFF ko" pacute ng dalaga. "Boy friend forever?" landi ni
Onofre kaya medyo nagswerve yung kotse. "What did you say?" tanong ng dalaga. "Boy
na friend tapos forever" nilinaw ni Onofre.

"Ah ikaw talaga" sabi ni Dani. "Si Veronica ang GFF mo, girl friend forever. Bago
palang tayo so me and her will fight for the right to be the best friend forever
title" sabi ni Onofre. "Hahahaha ang dami mong naiisip" sabi ni Dani.

"Oo nga e, pero don't worry sa dami ng naiisip ko nandon ka naman" sabi ni Onofre
kaya todo kapit ang dalaga sa manubela. "Nandon din si Ninny of course. Dani I
really cannot let her go, I just realized that I still care for her kahit na ganon"

"Ako ay nasa delikadong estado, tulungan mo ako ha. I want to remain friends with
her but can you be my guide. I will tell you everything, as in everything. I just
want to be a good friend to her, I don't know my limits so I will listen to you"
sabi ni Onofre.

"Yeah sure...I can do that. Pero you have to be very open to me" sabi ni Dani. "Ay
grabe ka Dani di pa ba ako open sa iyo?" tanong ng binata. "Ewan ko pero enough of
that nonsense. Saan tayo?" tanong ng dalaga.

Isang oras lumipas sa may park malapit kina Dani natatawa yung dalaga habang
kumakain sila. "O diba ang saya, on the spot picnic" sabi ni Onofre habang
binubuksan yung sandwich niya. "Yeah pero we could have eaten sa resto kanina" sabi
ng dalaga.

"Para maiba, wala kasi ganito sa amin kaya gustong gusto ko dito sa inyo. Even
Karlo is looking for the slide and swing tapos pati yung grass at mga puno" sabi ng
binata. "Then bring him over so they can play" sabi ni Dani.

"Wala sa timing lang, try ko this weekend" sabi ni Onofre. "As you can see walang
kalaro si Nins dito. Kaya siguro tuwing meron ka tuwang tuwa siya" sabi ni Dani.
"Para mo naring sinabi na bata ako ah" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga.

"Ang konti pala ng inorder mo, diyeta ka?" tanong ni Dani. "Sabi ko sa iyo yung
pera mo ipunin mo for you and Ninny. Pero di ako tumanggi sa paglibre mo kasi baka
awayin mo nanaman ako e. Yes Dani you and your family is doing well pero still mag
ipon ka for you and Ninny"

"Sanayin mo yung imbes na gastusin sa ibang bagay, unahin si Ninny. Anything can
happen e, di natin masasabi talaga so mas maganda prepared lagi" sabi ni Onofre.
"Tapos isisingit mo nanaman yung nangyari sa iyo, surprise" biro ng dalaga kaya
nagtawanan sila.

"Exactly, o diba? Di ako prepared non. Kaya utak ko parang naka self destruct mode.
Pero okay na ang lahat, you lose one but you gain a lot. Mahirap din mag imagine
what if di naging sila, then that would mean never tayo nagkakilala diba?"

"So I admit I have thoughts like that, mga what if hindi naging sila. Alam mo
parang utak ko naghahanap ng paraan in order to meet you and Ninny. Tipong hindi
nagka boyfriend si Sly, tapos iniisip ko na kasama ko si Karlo then sa isang play
area nandon din si Ninny then we would meet"

"Pero if di ko nakilala si Ninny hindi ko naman aalagaan masyado si Karlo e. Hindi


ako matatauhan to do that. So remedy ulit utak ko until I told myself that certain
things have to happen to open up windows and doors for other to come in your life"
sabi ng binata.

"Why do you have to imagine that far kasi? If hindi naging sila then happy ka na
non ano" sabi ng dalaga. "I need you and Ninny, I cannot explain it but parte na
kayo ng buhay ko" sabi ng binata.

"Nof, if Sly and he who should not be named didn't happen you would be happy. You
would not need me or Ninny" sabi ng dalaga. "Now that I know you two exist I want
you two in my life, yun ang sinasabi mo. Kaya mahirap na mag whats if now since I
know merong katulad mo at si Ninny"
"Isa pa si Shirley syempre" sabi ng binata kaya muntikan nang natuwa ang dalaga.
"Flattered na ako pero siningit pa kasi yung Shirley, akala ko naman na very
special na kami ng anak ko" sabi ni Dani. "You are special to me, di ko maexplain
basta importante kayo ni Ninny sa akin"

"Si Shirley naman isa pa yon parang sabi ni Lord eto nalang iho" banat ni Onofre
kaya lalong nalungkot ang dalaga. "O dagdagan ko blessings mo, dalawa pa" hirit ng
binata. "Sino naman yung dalawa pa?" tanong ni Dani.

"Ikaw at si Veronica" sagot ng binata kaya kinilig yung dalaga at siniko ang binata
palambing. "Siraulo to, bakit mo ako sinasama?" tanong ni Dani. "Bakit Dani...if
ever lang naman wala bang chance?" tanong ng binata.

"Huh? Ah anong klaseng tanong yan hahaha. Umayos ka nga" sabi ng dalaga. "Just
asking" sabi ni Onofre. "Of course..meron" sabi ni Dani sa nanginginig na boses. "O
kaya nga! E di tatlo yung kapalit ni Sly"

"Siguro mali ako, siguro ang intention ni Lord e ipakilala kayong tatlo sa akin to
tell me that there are others out there at hindi lang si Sly. Pwedeng hashtag
Shirfre...ang bantot ata...Onoley? Ah basta"

"Pwede din hashtag Verofre" hirit niya kaya tawang tawa na yung dalaga. "At syempre
pwede din hashtag...tayo" sabi ni Onofre. "Grabe ka ganon lang? Tayo? Walang effort
mag isip?" tanong ni Dani. "Ang dami mong pangalan e tapos yung pangalan ko di ata
pang hashtag" sabi ng binata.

"SoFre...SoDaFre?" pacute ng dalaga kaya laugh trip sila. "Kaya nga hashtag tayo
nalang e" sabi ng binata. "E di tayo" banat ni Dani kaya muli sila nagtawanan.
"Seriously Nof you don't have to include me just to make me feel good. I mean I can
sense what you are trying to do"

"Thank you. Oo alam ko I can love again at di dapat ako mahiya kasi may anak na
ako" sabi ni Dani. Nahiga si Onofre sa damuhan saka tinitigan yung langit. "Sinama
kita kasi there is chance I could fall in love with you" sabi ni Onofre kaya
nanigas yung dalaga at tanging nagawa niya ay kumagat sa sandwich.

"Dani" sabi ng binata. "Hmmmm" sagot ng dalaga saka pinatunog yung wrapper. "Just
voicing out or thinking out loud, alam mo naman mataas respeto ko sa iyo" sabi ng
binata. "Uhuhmmm" sagot ng dalaga.

"Mabait ka, kalog din, basta swak ugali mo e" sabi ng binata. Parang sasabog na si
Dani kaya tinapat niya yung sandwich niya sa bibig ng binata. "Sa iyo na, busog na
ako" sabi niya. Kinuha ni Onofre yung sandwich saka sinumulan kainin, "Dani" sabi
ng binata.

"Oh" sagot ng dalaga. "E ako? If ever lang, may chance ako?" tanong ng binata. "Nof
don't talk with your mouth full" lambing ng dalaga. Di na nagtanong yung binata,
inubos niya yung sandwich saka hinaplos tiyan niya.
"Higa ka din" sabi niya. "No thanks" sabi ng dalaga. "Hahaha kayo talagang mga
babae ang aarte niyo. "Konting germs lang yan if ever, di makakabawas sa ganda
niyo" sabi ni Onofre. "No thanks" ulit ni Dani.

"Ganito, harap ka sa right tapos dikit ka dito sa right side ko then sandal ka
konti" sabi ng binata. Napaisip si Dani, hinaplos haplos niya mga hita niya saka
slow motion na gumalaw. Sumandal siya tumad ng sinabi ng binata saka napasigaw nang
hilaan siya para mahiga.

"O yan, swerte mo may kutson ka" sabi ni Onofre. "Hahaha in fairness ang ganda ng
view, blue sky" sabi ni Dani. "Arte arte kasi, konting dumi lang sa grass e" sabi
ni Onofre. "Ganito nalang pero you just ate" sabi ni Dani. "Okay lang yan, you need
to chill from time to time" sabi ng binata.

"So ganito ba ginagawa mo lagi?" tanong ni Dani. "Dati, basta lasing ako ganito
lagi ako ahahaha. Hapon man o gabi, parati ako napapahiga kahit saan" kwento ng
binata. "Tsk, no more drinking sana for you" sabi ni dalaga.

"Uy ever since I met you and Ninny never na ako uminom ano" sabi ng binata. "Well
that is good, promise me na if ever nakainom ka kahit konti wag kang magpapakita sa
amin" sabi ng dalaga. "Wag kang mag aalala wala na ako balak uminom. Well yan yung
balak ko gawin kasi parang nonsense naman na e"

"Pinag iisipan ko if I take biking" sabi ni Onofre. "For Shirley, Nof wag mo
pipilitin sarili mo gawin ang isang bagay na ayaw mo. Di din maganda yung pilit e"
sabi ng dalaga. "Oo nga, I told her naman na I cannot commit to biking. Do you
think I need a hobby?" tanong ng dalaga.

"No, you need a wifey" biro ng dalaga kaya natawa si Onofre. "Hobby as in H and O"
sabi ng binata. "I know I was trying to be funny. So saan ka ba magaling kasi?"
tanong ng dalaga. "Ewan ko, sports is out of the question. Walang hilig ang sports
sa akin, kahit yung sipa grabe di pa ako maka sampo"

"Ewan ko ba bakit basta nahihirapan ako sa sipa" kwento ng binata. "Ah magaling ako
don, I want Ninny to experience all the old games. Buti nalang nandyan ka" sabi ng
dalaga. "Hahaha oo nga si Oninny. Di ako magaling sa drawing, wala din ako tyaga sa
computer games..."

"Grabe wala ako hobby" sabi ng binata. "Lalake ka e, you don't need one" sabi ng
dalag kaya nagtawanan sila. "At bata pa ako para magka hobby" biro ni Onofre.
"Aanhin mo ba ang hobby? Kung wala e di wala" sabi ng dalaga.

"Ewan ko, para may ginagawa ako sa free time ko. Kung magkalapit lang tayo ng bahay
hobby ko maging tutor nina Ninny at Karlo e. Oo pagtyatyagaaan ko sila turuan" sabi
ng binata. "Yan siguro talent mo, magturo ng bata. Kasi ang dami mo natuturo kay
Ninny" sabi ng dalaga.
"Hindi kaya kayo yung sign ni Lord sa akin para mag open talaga ako ng day care
business?" tanong ng binata. Super slow motion humarap ang dalaga sa binata saka
nakipagtitigan. "I saw the dad of Ninny sa school" sabi niya pabulong.

"Oh shit, really? So what happened? Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ng binata.
"There is nothing to tell. He just looked at me then that's it" sabi ni Dani. "Tsss
gago din talaga e. Bukas nga punta ako don at ituro mo nga" sabi ni Onofre.

"No need, nandon lang siya para dalawin ibang friends niya. Some say that sa abroad
na siya nag aaral" sabi ni Dani. "Turo mo, para pagbalik niya sa States lumpo na
siya" sabi ni Onofre. Hinaplos ng dalaga yung dibdib ng binata saka dahan dahan
hiniga ang kanyang ulo doon.

"May I?" tanong niya pabulong. "Sure sure" sagot ni Onofre saka hinaplos yung ulo
ng dalaga. "I think I am not going to tell Ninny about him. Since wala man siya
pinakitang interes kilalanin si Ninny o kumustahin man lang" sabi ni Dani. "Sorry
ha, pero that guys is an a-hole pero wala ako masasabi sa issue na yan"

"Ninny will need a guy figure and I already told you I am willing to be that guy.
Pero mas maganda parin sabihin mo sa kanya pagtanda niya. Pero in the course of our
friendship where we happen to end up with each other then kahit sabihin mo ako
nalang siguro" sabi ni Onofre kaya napalunok yung dalaga.

"In the course of the friendship huh, hahaha ang dami mo talagang alam" sabi ni
Dani. "Just saying ano. Kahit naman sino magiging next boyfriend mo I am sure he
would say the same so Dani choose wisely"

"Di lang ikaw dapat ang mamahalin niya, dapat pati si Ninny. If you found that guy
I am one hundred percent sure he would say the same. Pero wag kang magmamadali,
focus ka lang sa studies mo kasi if ever that guy does no arrive...surprise!!
Nandito ako" banat ni Onofre kaya hinaplos ng dalaga mukha ng binata saka kinurot
pisngi nito.

"Sylvia is the stupidest girl in the world. I cannot believe why she didn't choose
you" sabi ni Dani. "Baka di talaga siya para sa akin, baka hinanda niya lang ako
for someone else" sabi ni Onofre.

"So ano gusto mo na mag bike ganon?" tanong ni Dani. "Gusto ko maging ama" biro ng
binata kaya sinakal bigla siya ng dalaga. "Hahahahaha gagi ka" sigaw ni Dani.
"Urong ka nga" sabi ni Dani. "Hello! Ang luwag luwag, mahiga ka lang" sabi ng
binata.

"Gusto ko yung nahigaan mo para napisa na yung ibang germs" sabi ni Dani kaya
laughtrip ulit sila. Ilang segundo lumipas pagkaurong ni Onofre ayaw parin mahiga
ng dalaga. "Unan naman, gosh kaya pala di ka niya pinili" sabi ni Dani. "Arte mo,
unan pa talaga. O yan braso" sabi ng binata.

Nahiga si Dani, ulo niya sa braso ng binata pero dahan dahan umurong paakyat
hanggang parang inaakbayan na siya ng binata. "Hmm in fairness this feels good"
sabi ni Dani.

"O diba? Paminsan minsan let loose. Lesson learned from too much drinking" sabi ni
Onofre kaya tawanan ulit sila. "Mas mahaba braso mo, take a photo of us" sabi ni
Dani.

"Alam mo ba one time when I was texting with you nabitawan ko phone ko. Solid
landing sa mukha ko" kwento ni Onofre. "Happened to me too, twice tapos yung second
nakita pa ni daddy. Imagine tinawanan lang niya ako" sabi ng dalaga.

"Uy ipopost mo?" tanong ni Onofre. "Yeah, why?" tanong ng dalaga. "Wala naman" sabi
ng binata. "Don't worry I wont tag you baka makita pa ni Shirley or Sly...hashtag
babaero" sabi ni Dani kaya natawa yung binata.

"Tag me" sabi ni Onofre. "Sure ka? Baka masaktan feelings nila. Baka manliit sila
pag nakita ako" banat ni Dani. "Dali na, tag mo na ako para makita din ako ng ex
mo. Teka mas gwapo ako don ano?" tanong ng binata. "Hindi" sagot ng dalaga.

"BFF ha! Tapos di pa ako kampihan" sabi ni Onofre. "Hahaha sorry naman pero that is
the truth. Don't worry, what you lack in face value you have..." sabi ng dalaga.
"Have what?" tanong ni Onofre. "Basta you have, wag ka na matanong meron ka nga e"
banat ng dalaga kaya laugh trip ulit sila.

=================

Chaper 24: Katotohanan

Chaper 24: Katotohanan

Sabado sa loob ng kotse ni Tomas abalang nakikipagkulitan si Onofre kay Karlo sa


likod. "Son, so where are you taking Kaloy?" tanong ni Tomas. "Sa bahay ng kaibigan
dad, Kaloy will play with Ninny" sabi ni Onofre. "Ninny! Ninny!" sigaw ng batang
lalake.

"Anka slide" hirit ng bata. "Wow he remembers, grabe ha" sabi ni Onofre. "Whats
anka?" tanong ni Tomas. "Dad, its uncle. Kaloy who is that?" tanong ng binata.
"Lulu" sigaw ng bata natawa yung matanda. "Did you teach him?" tanong ni Tomas.

"Of course dad, eto pa dad. What is your name?" tanong ng binata. "Come on what is
your name" ulit ng binata. "Kaluy" sigaw ng bata saka nagsisigaw kaya tawang tawa
si Tomas. "So son, is there something you want to tell me?" biglang tanong ni
Tomas.
"Like what dad?" tanong ng binata. "I am going to be frank with you, your mom has
been bugging me. She wants me to ask you about that cute baby girl" sabi ni Tomas
kaya natawa na si Onofre. "Oh my God, I cannot believe it. She thinks I am the
father of Ninny?" tanong ni Onofre.

"Are you?" tanong ni Tomas kaya natawa nalang si Onofre. "Son, is she your
daughter?" tanong ng matanda. "Dad mamaya kita sasagutin" sabi ng binata. "Come on,
just between us. Tell me so I can help you" sabi ng matanda. "Dad, mamaya ko
sasagutin yan pagdating natin don. I will let you meet Ninny" sabi ng binata.

Pagdating sa bahay nina Dani naaliw si Tomas pagkat pagkalabas palang ng gate ni
Nina ay agad na siya nagsisigaw. "Kaloy!" sigaw ng batang babae habang si Kaloy
naman nagturo. "Swing" bigkas niya. Pagkalabas ng gate ni Dani bigla siyang nahiya
nang makita yung katabi ni Onofre na matanda.

"Dad this is Dani and her daughter Nina. Dani this is my dad" pakilala ni Onofre.
"Hello po" sabi ng dalaga saka lumapit at nakibeso sa matanda. "Okay dad repeat the
question please" banat ni Onofre. "No need, we can talk later" sabi ng matanda.

"Dani they think that Ninny is my daughter" sabi ni Onofre. "Ninny bless to lolo"
banat ni Dani kaya natawa si Onofre at napakamot sa ulo. "Bwisit ka Dani ha" sabi
ng binata. "Dad hindi po" sagot ni Dani kaya muling natawa si Onofre pero sumabay
na yung dalaga.

"I am so sorry po, I was just kidding. He is not but sometimes how I wish he was"
biglang sabi ni Dani kaya napatigil si Onofre habang si Tomas napangiti. Nangulit
na yung dalawang bata, "Dad punta na kami sa park" sabi ni Onofre. "Okay, you know
what why don't you invite them over next week. Matutuwa mama mo. We don't have a
park in our area but they can play in the house and in the garden" sabi ni Tomas.

"Dani" sabi ni Onofre. "Yes that sounds like a good idea para change of venue naman
si Ninny" sagot ng dalaga. "Alright then, we shall be expecting you next week okay"
sabi ni Tomas. "Okay po tito" sabi ni Dani.

Nung nasa park na sila nagsigawan yung mga bata kaya si Onofre nagsimulang mag
inat. May isang babae na nagtutulak ng stroller ang dumating kaya ang mga bata
napatingin sa kanya.

"Oh look it's a baby" sabi ni Dani kaya basta basta nalang lumapit yung dalawang
bata doon sa stroller. "Ganyan din kayo noon, maybe after one year kalaro niyo na
siya" sabi ni Dani. "Doooog!" sigaw ni Nina nang makita yung isang matandang babae
na may dalang aso.

"Cute little kids" sabi ng matandang babae. "Doog" sabi ni Nina. "Its okay you can
touch it, hindi siya kumakagat" sabi ng matandang babae. Lumuhod si Onofre saka
hinaplos yung aso kaya naaliw yung mga bata.
Tuwing hahaplos si Onofre sigaw ng sigaw si Nina kaya si Karlo gumagawa. "Ang cute
cute nila" sabi ng matanda. "Thank you tita" sabi ni Dani. "Last time I saw her she
was still in a stroller. Now look at her so cute and pretty" sabi ng matanda.

Kumahol yung cute na aso kaya nagtago yung dalawang bata sa likuran ni Onofre. "Oh
no, natakot sila. Kindly take off his leash. Gusto niya tumakbo. Do not worry hindi
kumakagat yan" sabi ng matanda kaya pinakawalan ni Onofre yung aso.

Pagtakbo nito nagtilian yung dalawang bata. Bumalik yung aso, nagpanic si Karlo
pagkat yung aso nagpaikot ikot sa mga paa niya. "Don't be afraid, look Kaloy" sabi
ng binata na lumuhod saka hinaplos haplos yung aso.

Naglakas loob si Nina na humaplos kaya si Karlo gumaya na. Naaliw yung dalawang
bata kaya dahan dahan tumayo si Onofre. "Get a video" sabi niya. "Ay oo nga" sabi
ni Dani. "Kindly watch over my dog, I just need to make a few calls. Here take
this, its his goodies" sabi ng matanda.

"Ikaw loko loko ka kanina" sabi ni Onofre. "Joke lang yon grabe ka" sabi ni Dani.
"Pero why did you say na...sometimes you wish I was?" tanong ni Onofre kaya nautal
yung dalaga. "Ah..eh ninerbyos ako sa totoo. I really didn't know why I was joking
your dad"

"As in nautal ako and I was like so nervous. What I meant to say kanina e..ah
parang ganito na sometimes parang ikaw nga. Gets mo ba? Basta ninerbyos ako,
nahihiya ako, ewan ko basta wala ako sa sarili ko" palusot ng dalaga.

"Ah ganon din ako sa parents mo nung una. Wala ako sa sarili ko" sabi ng binata. "O
diba?" sabi ng dalaga na nakahinga ng maluwag. "Pero flattered ako" sabi ng binata.
"Bakit naman?" tanong ng dalaga.

"Maganda yung sinabi mo, its like saying I am not useless. Kasi nga bumagsak bagsak
ako tapos nadelay, basta alam mon a yon" sabi ni Onofre. "I don't know why I said
it basta siguro yung gusto ko sabihin e you are a good guy and you are very good to
Nins"

"Basta ganon, gets mo naman diba?" sabi ng dalaga. "Yeah, you two make me feel
special. Oh tama na tong drama na ito. Thank God for the dog" bulong ng binata kaya
natawa si Dani. "Nakalimutan nila yung slide" sagot ng dalaga.

Isang oras lumipas natawa si Dani pagkat problemado si Onofre sa likod ng kotse.
"Please behave you two, nahihilo na ako sa inyong dalawa" reklamo ng binata.
"Excited sila, kasalanan mo kasi you told them we are going to eat ice cream" sabi
ni Dani.

"Wala ako maisip to keep them calm" sabi ni Onofre. "Wanna trade?" tanong ng
dalaga. "Nope, kaya ko to. Okay listen to me you two, behave or no ice cream.
Behave first" sabi ni Onofre. "Fast mama" sabi ni Nina kaya natawa si Dani.
Pagdating nila sa ice cream parlor si Karlo ang kumandong kay Dani habang si Nina
kumandong naman kay Onofre. "Okay behave ha" sabi ng binata. "Kaloy bave" sabi ni
Nina kaya tawang tawa si Dani pagkat ang taray ng itsura ng anak niya.

"Wow, behave sila o. Ang taray ni Ninny, itong si Kaloy naman tsk mukhang under to"
sabi ni Onofre. "Buti naman pumayag ate mo" sabi ni Dani. "Pumayag talaga at
maghahabol ng tulog tapos lalabas ata sila saglit ng ibang friends niya later" sabi
ng binata. "Nagyayaya nga ibang friends ko din e parang get together" sabi ni Dani.

"Get together?" tanong ni Onofre. "Ah ibang friends, school friends ko noon. Yung
mga nameet mo na sila talaga yung friends ko" sabi ng dalaga. "Ah okay, so why
didn't you go meet with them?" tanong ng binata.

"Kasi may usapan na tayo" sabi ng dalaga. "Grabe e di sana sinabi mo, pwede ka pa
ba humabol?" tanong ng binata. "Baliw, I would choose this over them. Look at Nins
very happy, pati ata si Kaloy happy din" sabi ng dalaga. "Baka sumama loob nila sa
iyo" sabi ni Onofre.

"E di sumama loob nila, oh look eto na o. Eto na" sabi ng dalaga at nagpalakpakan
yung dalawang bata. "Teka nga lipat kami, magtabi nalang tayo" sabi ng binata.
"Ha?" tanong ng dalaga.

Lumipat sina Onfre at Nina, mga bata atat na kumain pero si Dani naiilang pagkat
dikit na dikit yung binata sa kanya. "Kasi sure ako gusto ni Ninny tikman yung
chocolate tapos si Kaloy naman titikim sa keso" sabi ni Onofre.

"The sacrifices of being a parent, sila muna then yung natira yung ang kakainin mo"
sabi ni Dani. "For now Dani, they do grow up din. Pag dating ng araw labo labo na
sa pagkain" biro ni Onofre kaya nagtawanan sila.

"Ganda sana if we go to the movies pero di parin nila maiintindihan or baka di sila
magbehave bigla" sabi ni Onofre. "They do grow up Nof, if you want tayo manood ng
sine" sabi ni Dani. "Movie date?" tanong ng binata kaya nautal ang dalaga. "Yeah
sure why not" sagot niya.

"Ano ba showing ngayon? Usually pag sine ang ginagawa ko lang kumakain" sabi ng
binata. "Di ko sure, di ako updated. Diba every Thursday e maaga dismissal mo?"
tanong ng dalaga. "Yup pero you need to spend time with Ninny no" sabi ng binata.
"Grabe ka one time lang naman, or once a month. Or if you like to watch a certain
movie then samahan kita then pag ako naman may type na movie e samahan mo naman
ako" sabi ng dalaga.

'Ahhh you will make me watch love stories?" tanong ni Onofre. "And you will make me
watch violent action movies?" bawi ng dalaga. "Pero I didn't say yes yet" sagot ng
binata. "You will say yes, diba? Kasi look if sa bahay I have to wait for Ninny to
sleep. Once a month lang naman or if ever may new movies na gusto ko na panoorin"

"If I go wih my friends baka magkayayaan pa, baka mamaya di ako makatanggi. So it
would be much better if ikaw kasama ko. Sakto sabi mo naghahanap ka ng gagawin mo
sa free time mo...its jus once a month or twice..." pacute ni Dani.

"So okay, parang every Thursday is our movie dates I guess" sabi ni Onofre kaya ang
dalaga napayuko ng ulo at nagkunwaring sinusubuan si Karlo. "So is it a yes?"
tanong ng dalaga. "Yes, okay so now I will make sure bakante ang Thursdays ko" sabi
ng binata.

"Ikaw is there something you want to try pero takot ka lang. You can tell me" sabi
ng dalaga. "Huh? Like what? Huy anong klaseng tanong yan?" tanong ni Onofre. "Gagi,
for example cross stitching, sabihin mo lang para samahan din kita" banat ni Dani
kaya natawa ng malakas si Onofre.

"Grabe ka, cross stitching?" tanong ng binata. "Naghahanap ka ng hobby diba? Malay
ko ba" sabi ng dalaga. "No thanks pero natakot ako sa tanong mo ha. Akala ko naman
try something like kiss you or what" sabi ng binata. Super natawa ang talaga,
sumandal sandal siya sa binata saka pinagsisiko ito.

"Why would you even think of that?" tanong ni Dani. "E yung tanong mo e. Is there
something you like to try na takot ka lang subukan. Grabe parang ano yon? Magnakaw
ng halik ganon? Magnakaw ng panty or manilip. Magnakaw sa bangko, parang ganon
naisip ko" paliwanag ng binata.

"Hahaha ay hala! Ano to nag contest sila?" tanong ni Dani. Nagulat sila pagkat
halos maubos na nung dalawang bata yung ice cream. Laugh trip sina Dani at Onofre
pagkat ang dungis ng mga mukha nina Nina at Karlo pero ayaw parin nila umawat sa
pagkain ng ice cream.

Sa loob ng mall naglakad lakad sila, "Ninny you hold the hand of Karlo" sabi ni
Dani. "Kaloy hold" sabi ng batang babae. Ang daming nakyutan sa dalawang bata
habang naglalakad sila kaya si Onofre nagbiro. "Dapat turuan natin na maging
independen sila" sabi niya.

"Para di mo sila bubuhatin" sabi ng dalaga. "Hahaha exactly, pero wait why are we
here? May bibilhin kayo?" tanong ng binata. "Wala, window shop lang if may makita
then maybe" sabi ng dalaga. "Sorry pala kanina sa tanong, ewan ko ba ano naisip
nila" sabi ng binata.

"Its okay, to tell you frankly madami din nagtatanong sa akin e na kung ikaw ba
yung dad ni Ninny. Kasi nakikita nila yung posts sa FB kaya ang dami kong PM from
those who don't know the real story" sabi ng dalaga.

"Oh so what do you tell them?" tanong ng binata. "The truth of course" sabi ni
Dani. "You can just say I am her yayo" sabi ni Onofre. "You are more than that
trust me" sagot ni Dani. "I am fine with yayo, para walang issues" sabi ng binata.

"If I met you sooner then sana ninong ka" sabi ni Dani. "Swerte ko nga ligtas ako
sa Christmas gifts, birthday gifts na mandatory" biro ng binata kaya natawa yung
dalaga. "I know you, mabait kang tao. Baka ikaw pa mauna magbigay sa Christmas"
pacute ng dalaga kaya tawang tawa si Onofre. Lumingon si Nina saka tinignan yung
dalawa, "Mama hold Nof" sabi ng bata kaya nagulat si Dani.

"No Ninny, me and your mama are big na. No need to hold kasi di naman kami
mawawala" sabi ni Onofre. Lumapit si Nina saka pinalo yung kamay ni Dani. Sumama na
si Karlo at humawak sa kamay ni Onofre. "Hold" bigkas niya.

Natawa si Onofre habang si Dani namumula at natetense. "Anak no need kasi big na
kami" sabi ng dalaga. "Ayan na nag German na anak mo" sabi ni Onofre pagkat biglang
nagdaldal si Nina na tila nagsesermon habang pinipilit na magholding hands yung
dalawa.

Inabot na ni Onofre kamay niya kaya tinignan ito ni Dani. "Come on" sabi ng binata
kaya humawak na yung dalaga saka nagpigil ng husto. Humarap na si Nina, "Kaloy
hold" sabi niya at agad nagholding hands yung dalawa.

Habang naglalakad diretso lang tingin ni Dani habang si Onofre dumikit sa dalaga.
Sabay sila natawa nang lumingon si Nina kaya tinaas ni Onofre yung magkahawak
nilang kamay. "Sorry" sabi ni Dani.

"For what? If ever here are people we know who see us we can easily explain naman.
Right?" sabi ng binata. "Yeah, now I understand what being a parent is. Gagawin
natin lahat para maging masaya sila" sabi ng dalaga.

"Kaya lang baka isipin ng mga tao ang bata natin na mag asawa tapos dalawa na agad
anak natin" bulong ni Onofre kaya natawa si Dani. "Its my first time holding hands
with a girl to be honest and it feels nice. So ganito pala yon" landi ni Onofre
kaya tawang tawa si Dani.

"Mas maganda ikaw kaholding hands ko, I mean mas madali kasi sometimes pag si Ninny
e medyo tumatagilid ako or squat konti" sabi ng binata. "Gagi kasi di ka pwede mag
girlfriend ng bata talaga" biro ng dalaga kaya laugh trip si Onofre.

"Am I holding your hand too tight? Sakto lang or what? Just tell me" sabi ng
binata. "Okay lang" sabi ng dalaga. "Mama fays please" sabi ni Nina saka nagturo
din si Karlo bigla. "Fries? You already ate ice cream" sabi ni Dani. "Yes we go eat
friends" sabi ni Onofre kaya natuwa yung dalawang bata.

"Nof they just ate ice cream, they need real food" sabi ni Dani. "Oh come one di
naman lagi e at gusto naman nila" sabi ng binata. "Tsk you are spoiling them too
much. Its not good" sabi ng dalaga. "Diba pag mag asawa nag aaway hindi nag holding
hands?" biro ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

"Away kaibigan to no gagi. Try mo bumitaw baka magwala si Ninny" sabi ni Dani. "No
thanks, masakit kumurot yan. O di ko tinuturo yon ah" sabi ng binata. "Its my mom
who pinches my dad. Nakikita niya siguro" sabi ni Dani.

"Dapat pala kinausap ko dad ko, sabihin na hindi kami nag usap para next week
pagpunta niyo lokohin natin mom ko at sabihin na anak ko si Ninny" sabi ng binata.
"And I am what your wife?" tanong ng dalaga.

"Girlfriend, ano ka ba? Pag wife baka nagtampo lalo yon kasi di ko siya ininvite sa
kasal ko" banat ng binata kaya laugh trip yung dalawa. "So lolokohin mo talaga mom
mo?" tanong ni Dani.

"Ewan ko, if di pa sila nag usap ni daddy then maybe pero pag nag usap na sila
pwede parin naman. Nakakatuwa kasi pag niloloko namin mama ko. Uto uto din yon kasi
e pero in a good way naman. Kaming magkakapatid hilig namin siya lokohin most of
the time kasi epic lagi reaction niya" kwento ng binata.

Biglang dumikit si Dani saka inakbayan ang binata kaya nagulat si Onofre. "Baka
hindi maniwala sa holding hands so this is better...babe" banat ng dalaga saka
natawa pagkat in shock yung reaction ng binata.

"O what? Nagpapatawa lang ako, if you want to trick your mom then I am just saying
ganito dapat" pacute ng dalaga. "Oo nga no, gosh I cant wait to see the epic look
on her face. Dapat pala mag set up ako ng video" sabi ng binata.

"Hmmm you should. Basta game ako tulungan kita if you are okay with it" sabi ni
Dani. "Teka I need to text my dad" sabi ng binata. "Look ginaya tayo" sabi ni Dani
kaya natawa yung dalawa nang magkadikit yung dalawang bata at nakaakbay din si Nina
kay Karlo.

"Grabe baka maging sila" sabi ni Onofre. "Hahaha gosh Nof they are kids, if ever
baka mauna pa tayo" sabi ni Dani. "That would make them cousins right?" tanong ng
binata. "Right, gusto mo sanayin na nila?" biro ng dalaga kaya natawa yung binata
ng malakas.

--------------------------

At ang dami atang natuwa hahahaha

#MagalitSiNinny

=================

Chapter 25: Pagtanggap

Chapter 25: Pagtanggap

Biyernes ng gabi habang nanonood ng video sa Youtube nagring yung phone ni Onofre.
Nakita niya na si Shirley yung tumatawag kaya paspas niya itong sinagot pero
namatay din lang ito agad.

Napangiti ang binata kaya tinawagan niya agad yung dalaga. "Bakit mo sinagot?!"
sigaw ni Shirley. "Huh? E you called me" sabi ng binata. "Pinaparing lang kita to
check if naka on phone mo then itetext kita" sabi ng dalaga. "Ah ganon ba yon? I am
sorry di ko naman alam na ganon sabi ni Onofre.

"Sayang load ko" sabi ng dalaga. "Grabe ang kuripot mo naman" biro ng binata.
"Nagtitipid nga diba?" sabi ni Shirley. "Ay oo, pero ano ba kasi bibilhin mo next?"
tanong ni Onofre. "Dildo" sabi ng dalaga kaya napalakas yung tawa ng binata.

"Are you serious?" tanong ni Onofre. "No, pinapatawa lang kita. Anyway may bagong
trail akong nalaman pero busy kasi si daddy bukas so I was wondering if free ka. I
will pay for your gas if you would accompany me to check out the new trail" lambing
ng dalaga.

"No need to pay kasi wala ako lakad tomorrow. Teka check out the trail pero
dadalhin mo na bike mo?" tanong ng binata. "Natural, check out nga e. Oh wait I
should be good to you kasi baka magbago isip mo. Yes Nof I will bring my bike"
lambing ng dalaga kaya natawa ulit yung binata.

"Ikaw madaya ka din e, nakikipag meet ako sa iyo kanina pero ayaw mo" sabi ng
binata. "Its complicated nga, alam mo ba kasi may three month rule e sabi ni Popoy"
sabi ni Shirley.

"Sino si Popoy?" tanong ni Onofre. "Basta rule ni Popoy. O wag ka nanaman magdrama
mode. Ayaw ko lang kasi may nasasabi tungol sa akin" sabi ng dalaga. "Sure I get it
so hindi din tayo pwede magkita bukas ganon" biro ng binata.

"Pwede kasi konti lang naman makakakita sa atin. Hindi sa ikinahihiya kita ha, pero
sana maintindihan mo" sabi ni Shirley. "Yes I get it, actually I am learning. In
the future if nakipag break ka sa akin may three month rule bago ako pwede makipag
date ulit sa iyo" banat ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

"Hey I saw the latest post of my ex, too much PDA na sila" sabi ni Shirley. "Selos
ka?" biro ng binata. "Hmmm honestly may kirot pero not that much already" sabi ni
Shirley. "I see, mayron parin ba wish na magkabalikan?" tanong ni Onofre.

"Honestly wala na. As in walang wala. Though I am willing to be friends with him
kasi it's the right thing to do. I can be civil and mature" sabi ni Shirley. "Aray
ko, sapol ako don ah" sabi ng binata. "Oh why? Did you break up with someone or
inunahan ka nanaman ng isang barkada mo hahahaha" banat ni Shirley.

"Ang sakit mo magsalita ha" reklamo ng binata. "O ano suntukan tayo?" hamon ni
Shirley kaya napahalakhak si Onofre. "Sabihin mo lang bro, kala mo ha. Wag me bro,
wag me" hirit ni Shirley kaya halos masiraan ng bait si Onofre.

"Ganon si ex ko pag feeling tough siya or mas maliit sa kanya yung kalaban niya.
Pero pag malaki at di niya kaya tara babe let it go, lets take the higher road and
be the mature ones" kwento ng dalaga kaya laugh trip na talaga si Onofre.

"Ikaw ganon ka ba?" tanong ni Shirley. "Most of the time pero wala ako pinipili"
sabi ng binata. "Ay turn off" biro ng dalaga. "Turn off ang ganon?" tanong ni
Onofre. "Pag OA oo, pag nasa tamang lugar then not much. Mas hahanga ako sa guy na
cool lang at nag iisip kesa sa kahol ng kahol to prove he is right" sabi ni
Shirley.

"Oh sorry, mali yung narinig mo. Tanong mo kung ganon ako? Hindi ha" banat ni
Onofre kaya natawa si Shirley. "Pero gusto ko din yung mga honest" sabi ng dalaga.
"Ganon ako most of the time" kabig ni Onofre kaya laugh trip yung dalawa.

"Ang cute talaga ng boses mo" sabi ni Onofre. "Next week pa schedule ng tuli ko,
antayin mo lang matapos yon tignan mo magbabago na tong boses ko pre" biro ni
Shirley kaya super halakhak si Onofre. "Grabe ka" bigkas niya.

"Matutulog ka na ba?" tanong ni Shirley. "Not really" sagot ng binata. "U yang laki
na ng gastos mo, wanna transfer to a Skype call?" tanong ni Shirley. "Sure, pero
with video ba?" landi ng binata. "Sure" sagot ng dalaga. "Okay I will call you"
sabi ng binata saka namatay na yung tawag.

Agad nag video call si Onofre, sumagot ang dalaga pero black screen lang nakikita
ng binata. "Uy can you see me?" tanong ni Onofre. "Yup" sagot ng dalaga. "Bakit sa
iyo black screen lang?" tanong ng binata. "Ay bakit two way ba? Akala ko ikaw lang
yung makikita e" sagot ng dalaga.

"Hahaha nice one, ang daya mo" sabi ng binata. "Bakit ba kasi? Nakikita naman kita
so that is okay" sabi ni Shirley. "Fine, patayin ko narin tong video then" sabi ni
Onofre. "Grabe ka ang tampuhin mo, matuto kang manlambing" sabi ng dalaga at
biglang sumindi narin yung video niya.

"Sorry" sabi ni Onofre. "O yan can you see me?" tanong ni Shirley. "Yes, ah ano
yang nasa mukha mo?" tanong ng binata. "Don't mind this one, pampaganda chorvah"
sabi ng dalaga. "Ano yan?" tanong ng binata.

"Ay ang kulit mo, it's a facial mask. Basta tanggal yung mga blackheads and anek
anek" sabi ni Shirley. "Is that the same thing as yung green stuff na pinapahid sa
mukha? Yung mga nasa movies ganon" sabi ng binata. "Something like that" sabi ng
dalaga.

"Okay, tsk e di pag inalis mo yan lalo kita magiging crush" biro ni Onofre.
"Malamang" sagot ng dalaga kaya nagtawanan sila. "I don't get it, maganda ka na
bakit ka pa nagpapaganda? Or kahit in general kayong magaganda bakit pa kayong
nagpapaganda?" tanong ni Onofre.

"Thanks ha, gusto ko sana sagutin yan pero ayaw ko naman magtunog mayabang or baka
sabihin mo mafeeling ako" sabi ni Shirley. "Answer it, enlighten me" sabi ng
binata. "Hmmm okay, pero hindi sa nagmamayabang, di ko din sinasabi na maganda
talaga ako pero ikaw nagsabi e so naniniwala ako"

"Ang sagot ko sa tanong mo, if yung mga pangit nga nagpapaganda e pano na kami kung
nakahabol na sila?" sabi ni Shirley kaya super halakhak si Onofre. "O diba? Tell
them to stop para tigil din kami" hirit ni Shirley kaya halos masiraan na ng bait
ang binata.

"Shit pag nakahabol na sila e di ako na yung nagsusulat sa diary ganon? Crush mo pa
kaya ako non? O diba? So eto papa pretty para crush mo parin ako" landi ng dalaga
kaya inuga ni Onofre ulo niya saka napangiti. "Kakaiba ka" sabi niya.

"So kumusta school mo?" tanong ni Shirley. "Okay lang, trying something new" sabi
ng binata. "Anong something new?" tanong ng dalaga. "Yung pala aral for a change,
advance reading daw para pagturo sa classroom medyo may idea ka na at makikinig ka
nalang for the expaination ganon. Tapos pag uwi konting light browsing. Honestly
ang hirap pala ng ganito" sabi ng binata.

"Totoo ba yan?" tanong ng dalaga. "Oo no, parang re inventing myself" sabi ng
binata. "I see, wag masyado sa re invent kasi baka magbago ka ng tuluyan. Pero if
its for school then go ahead" sabi ng dalaga. "Bakit as a person okay na ba?"
tanong ng binata.

"So far okay naman" sabi ni Shirley. "Pero you have seen my dark side" sabi ni
Onofre. "Hahaha nung lasing ka? Alam mo ganon naman talaga epekto ng alak. Lahat ng
natamaan ng ganon e halos ganon din ginagawa. Magulat nalang ako if lasing na
lasing ka tapos humusay ka nag ballet" sabi ni Shirley kaya laugh trip si Onofre.

"Or sobrang lasing ka pero groomed na groomed ka tapos may British accent ka. Now
that is abnormal and you should be worried. Alcohol affects the brain so if sobrang
tamado ka expected out of control ka. Anong dark side ba?"

"You didn't hurt anyone. Nag usap pa nga tayo e. Siguro if may dark side ka e wala
ka lang control sa pag inom. Yan ang real turn off" sabi ni Shirley. "E di halos
ganon parin pala" sabi ng binata. "Hmmm may rason naman bakit ka uminom e"

"You got hurt, pero if araw araw kang ganon ng walang rason then iba na yon" sabi
ng dalaga. "Occassionaly naman" sabi ng binata. "Is that your final answer?" landi
ng dalaga. "Yeah aminado ako may problem ako sa control" bulong ng binata.

"As long as aware ka that is good. Are you doing something about it?" tanong ni
Shirley. "I have not touch alcohol ever since. Last yung Pagudpud" sabi ng binata.
"Good, sana maintain mo. Kung social drinking like one bottle maybe then that's
fine pero if one case each e wag ka na magbalak mag girlfriend"

"Sus if nag asawa kayo then maaga mo din iiwanan dahil sa sakit" sabi ni Shirley.
"Aray ko" sabi ni Onofre. "Totoo naman, sorry ka kasi Nursing ako so aware kami sa
mga ganyan" sabi ng dalaga. "Kaya ka ba health buff?" tanong ng binata.
"Halos ganon narin at isa pa I want to be healthy para...you know" sabi ng dalaga.
"Oh sorry..oo you don't need to say it" sabi ng binata. "So ayon, I wanna be
healthy as much as possible para di madapuan ng sakit" sabi ni Shirley.

"So ang mga type mo pala health buffs" sabi ni Onofre. "Grabe ka konek ka agad? So
its like this, if ever may choice ako, one guy I like steady lang, another guy I
like medyo health buff. Yes I would go with the health buff unless gustong gusto ko
talaga yung isa"

"Hirap explain e, pero tunog mayabang naman na ata ako. As if naman ang dami kong
manliligaw" sabi ng dalaga. "For sure madami" sabi ni Onofre. "Not really, kokonti
lang may kaya ng ugali ko. Mahilig ako mambara, palabiro ako at may pagkamataray
ako kaya" sabi ng dalaga.

"Mataray? Ikaw? Parang hindi naman" sabi ni Onofre. "Really? Di mo napapansin yon?"
tanong ni Shirley. "Trust me I know what mataray is kasi mom ko ganon tapos nagmana
ate kong isa" sabi ni Onofre. "Hmmm odd, even my ex said I was mataray. Oh well
inaantok ka na ba?" tanong ng dalaga.

"Hindi pa, nag eenjoy nga ako kausap ka e" sabi ni Onofre. "Really?" tanong ng
dalaga. "Oo kaya" sagot ng binata. "O e di tigil na natin to" biro ng dalaga kaya
natawa si Onofre. "Wait lang tinext ako ng bestfriend ko" sabi ni Shirley.

"Shit tumawag, wait lang" sabi ng dalaga at sinagot yung tawag. "Uy hi, may kausap
ako sa Skype. Bakit ba?" tanong ni Shirley. "Its okay, end ko na tawag?" tanong ni
Onofre. "Hahaha yeah it's a guy. The one I told you about, si Nof" sabi ni Shirley.
"Teka, pano ba ito, ah video call sa Messenger" sabi ng dalaga. "I can end the call
then tawag ako ulit later" sabi ng binata.

"Wait lang diyan ka lang" sabi ni Shirley saka nagring phone niya. "Eto siya o,
ayan Bianca meet Nof. Nof meet my bestfriend Bianca" pakilala ng dalaga. "Hello"
sabi ni Nof. "Hoy ingatan mo puso ng kaibigan ko ha" sabi ni Bianca kaya super
natawa si Shirley.

"Ano daw?" tanong ni Onofre. "Gaga ka, sige na sige na at inuuto ko pa siya para
samahan niya ako bukas" banat ni Shirley. Di narinig ni Onofre usapan nung dalawa
pero nakita niya tumalikod si Shirley at walang tigil na tumawa.

Pagharap ng dalaga huminga siya ng malalim saka ngumiti. "Ay wait! Lampas time na,
wait lang alisin ko na to" sabi ng dalaga. "Ay parang balat lang" sabi ni Onofre.
"Oo naman. So that was my bestfriend Bianca. O yan ha, pinakilala na kita sa
bestfriend ko, wala nang drama drama dark side chorvah" sabi ni Shirley.

"Thanks, I didn't hear what she said to me" sabi ng binata. "Wala yon, gagita din
yon e. Shit eto na nagpost siya, hahahaha bwisit to. Broadcast mode siya sa FB.
Gaga talaga to" sabi ni Shirley. "Bakit ano sabi niya?" tanong ni Onofre.

"Ibroadcast niya na may kausap daw akong guy sa Skype" sabi ni Shirley. "Oh, pano
na yan? Yan yung iniiwasan mo diba?" tanong ni Onofre. "Hmmm its okay basta galing
sa kanya. Bestfriend ko yon e at nakwento na kita sa kanya many times" sabi ni
Shirley.

"Really? Many times?" tanong ni Onofre. "Yes, kasi di siya nakasama sa Pagudpud e.
So pagbalik ko I met with her and doon nakwento na kita. Then after our coffee date
nakwento ulit kita" sabi ng dalaga. "Ah..coffee date?" tanong ni Onofre.

"Yeah, we had coffee diba?" sabi ng dalaga. "Date?" tanong ni Onofre. "Oh so you
are that kind of person. Grabe porke date may konek agad? O sige we had coffee, so
okay na?" tanong ng dalaga. "Mas maganda yung coffee date" landi ng binata.
"Hahahaha baliw tapos magkokonek ka"

"Its like Bianca and I went on a movie date, o ano magkokonek ka about me and her?
Oh well basta nakwento kita after we had coffee" sabi ng dalaga. "Oh no...she added
me sa FB" sabi ng binata. "Okay lang accept mo" sabi ng dalaga.

"Sure ka?" tanong ng binata. "Bestfriend ko yan no" sabi ng dalaga. "Okay, ayan
accepted" sabi ng binata. Biglang tumawa si Shirley kaya nagtaka yung binata.
"Gagaaaa!! Shit she has a new post" sabi ng dalaga. "Oh no, nag alert sa phone ko,
she tagged me" sabi ni Onofre. "Hala, ang gaga nito. Teka nga" sabi ni Shirley.

"Naka move on na si Shirley, ka Skype na si Onofre" basa ng binata kaya super


natawa ito. "Shit wala na, ang dami nang nakakita" sabi ni Shirley. "Grabe naman,
dapat di ko na inaccept" sabi ni Onofre. "Hayaan mo na...teka nga. Uy with your
permission I will take a screenshot ha" sabi ng dalaga.

"Ha? Ano gagawin mo?" tanong ng binata. "Basta, para matigil na sila" sabi ng
dalaga. Nakita ni Onofre post ni Shirley sa thread ni Bianca at nagulat siya pagkat
pinost ng dalaga yung screenshot kung san nakikita yung mga mukha nilang nag uusap
sa Skype.

"Why did you do that?" tanong ni Onofre. "Basta, mute mo nalang notifs mo. Sorry
about that" sabi ni Shirley. "Uy sabi mo ayaw mo ng issue diba?" sabi ng binata.
"Hayaan mo na, medyo fed up din ako sa pagtrato nila sa akin na kawawa ako. So
ayan, siguro naman they will finally see I am okay now" sabi ni Shirley.

"Okay, pero tutuksuin ka" sabi ni Onofre. "I can handle it, malay mo maging tayo sa
tukso" biro ng dalaga. "Wait lang, PM ko si Bianca to thank her" bawi ng binata
kaya nagtawanan sila. "Uy sorry in advance ha, kasi may pagkakalog ang close
friends ko lalo na yan si Bianca"

"I really hope hindi ka pikon" sabi ni Shirley. "Pikon? Bakit ano ba gagawin nila?"
tanong ni Onofre. "Hay naku trust me, so I am warning you now na sana wag kang
pikon. Si ex pikon yon hahaha, kaya if may get together kami ng friends ko ayaw
niya sumama kasi asar talo siya" sabi ni Shirley.

"Di naman ako pikon, I think I can handle it" sabi ni Onofre. "Sabi mo yan ha, at
wag kang mafeeling kung biglang inaad ka ng mga babae ha" sabi ni Shirley. "Of
course, gets ko naman why Bianca added me e" sabi ni Onofre. "Sira ulo din kasi yan
e" sabi ni Shirley.

"Iba talaga kamandag ng gwapo, she could not resist adding me" sabi ni Onofre.
"Hahahahaha ang kapal! Teka nga, teka lang" sabi ni Shirley. "Bakit?" tanong ng
binata. Isang minuto lumipas nanlaki ang mga mata ni Onofre. "Oh my God! Bakit
ganon ang post mo?" tanong ng binata.

"Hahahaha o ano? You said it naman ah" sabi ng dalaga. "The reason why Bianca added
me is because she found me handsome – Onofre" basa ng binata kaya tumawa ng
malakas si Shirley. "Grabe ka! Take it down" sabi ng binata. "Too late hahaha, nag
reply na siya ang kapal mo daw hahaha. Oh yung mga nagrereply na iba friends ko
lahat yan, ayan siguro ayaw ka na iadd tuloy" biro ni Shirley.

"Why would you even post that? Hala parang secret lang tong usapan natin. I mean
it's a private conversation" sabi ni Onofre. "Akala ko ba you can handle it? Sabi
mo kaya mo. Ganyan kami e, o ano suko ka?" pacute ng dalaga.

"Well at least two of your friends agree" banat ng binata. "Hahaha uy flattered, uy
lilipad na siya sa tuwa" tukso ng dalaga. "Hahaha inadd nila ako hahaha" bigkas ng
binata. "Check mo muna if mutual friend ako at si Bianca, if isa lang sa amin wag
mo add. Dapat mutual kaming dalawa" sabi ni Shirley.

"Okay, so sure ka pwede ko sila iadd?" tanong ni Onofre. "Up to you, if you can
handle it then go ahead. Pero pag pikon ka wag nalang" sabi ng dalaga. "Gwapo daw
ako e di add ko" sabi ni Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga.

"Hey ang bait ng friends mo" sabi ng binata. "Bakit mo nasabi?" tanong ng dalaga.
"I get what they are trying to do. They want him to see the posts that you have
moved on. Siguro pag nakita niya yung mga posts e he will check my profile...wait
lang magpapaphoto shop ako ng photos ko"

"Sabihin ko sa friend ko gawin akong muscle man" banat ni Onofre. "Hahaha hey you
don't need to do that. Sorry kung ginagamit ka ng friends ko" sabi ng dalaga.
"Naiintindihan ko Shirls, I am fine with it. Basta para sa iyo game ako" sabi ng
binata.

"You are a good guy. Nung lasing ka nagkwento ka, I listened and doon palang I
could tell you were a good guy. Stop worrying about the dark side chorvah...I
didn't see it...that night I was speaking to a guy that was hurt...a good guy..i
could tell and I was right" 

-------------------

#ShirFe ALIVE!!! hahahahahaha

=================
Chapter 26: Backfire

Chapter 26: Backfire

Sabado ng bandang alas sais nagising si Onofre dahil sa malakas na iyak ni Karlo.
Nainis yung binata, babalik sana sa tulog pero nakita yung LED notification ng
phone niya umiilaw. Bumangon siya para kunin phone niya, may dalawang SMS siyang
bago at una niyang binasa ay yung galing kay Dani.

"Punta na kami diyan after breakfast" basa ng binata kaya nagising siya ng husto.
"Oh shoot" bigkas niya pagkat naalala niya may usapan na sila nina Dani. Binasa
niya yung mensahe na galing kay Shirley at medyo nakahinga ng maluwag ang binata.

"Hi Nof, postpone natin pala. Kasi I cannot go biking with only three to four hours
sleep. No regrets because I had fun chatting wih you. Yun lang, sleep tight" sabi
ng dalaga kaya agad chineck ng binata yung time stamp ng mensahe at nakita na halos
ilang minuto lang napadala ng dalaga yon pagkatapos nila mag usap.

Alas otse sa labas ng gate nakita na ni Onofre yung kose ni Dani na paparating.
Kumaway kaway na yung binata kaya bumusina si Dani. Pagtigil ng kotse nagsisigaw si
Nina at naatat na lumabas kaya sinundo na siya ng binata.

Pagbukas palang kotse tila nag dive na si Nina papunta sa binata. "Sige na ako na
magsasara" sabi ni Dani. "Wow Ninny you look so pretty ha" sabi ng binata. Konting
hakbang palang palayo ng kotse napalingon yung binata at napatigil ng husto nang
makita si Dani.

Suot ng dalaga sobrang tingkad na kulay kahel na maisking dress, ngumiti ito kaya
ang binata napanganga. "Wow..sorry pero wow" sabi niya. Natawa si Dani, lumapit at
pinalo ang binata sa braso. "I remember I bought matching dresses for us, ngayon
lang namin nasuot" sabi ng dalaga.

"Wow..bakit ganyan naman suot mo?" tanong ng binata. "Para sa role, grabe ka naman
ipapakilala mo ako sa mom mo so I should look my best" sabi ni Dani. "But its just
role playing" sabi ng binata. "Kahit na, parang practice narin no. For one day this
might happen again pero pag eto na e di eto na" pacute ng dalaga.

"Ha? Wala ako naintindihan sa sinabi mo parang narattle utak ko dahil sa ganda mo.
Muntikan ko pa nabitawan si Ninny" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga at
tinadtad yung binata ng kurot sa braso para itago ang kanyang kilig.

Sa dining area abala si Criselda kumakain kasama si Tomas at Olive. "Kalooooyy"


bigkas ni Nina kaya ang batang lalake napalingon at napasigaw. "Ninny!" hiyaw ng
bata kaya napalingon narin sina Olive at Criselda habang si Tomas at Onofre
nagsenyasan.
"Good morning po" bati ni Dani. Nabighani sina Criselda at Olive sa ganda ng dalaga
pero mga mata nila napatitig ng husto sa holding hands nila ni Onofre. "Ninny!
Ninny!" sigaw ni Karlo saka bumaba sa lap ng nanay niya at nagtatalon. Si Nina
lumapit sa kanyang kalaro at nakipagtalunan sa kanya.

"Ma, ate...and dad" sabi ni Onofre kaya nagpunas ng bibig si Criselda saka dahan
dahan tumayo. "What is it?" tanong ng matanda kaya si Tomas nag fake cough saka
tumayo narin. Sumandal si Dani kaya dahan dahan umakbay ang binata at humawak sa
baywang ng dalaga.

Nakiliti si Dani at labis na kinilig, ang kamay ng binata nanginginig at wala din
pumapasin sa dalawang bata na walang tigil na nagsisigawan sa tuwa. "What is it
anak?" tanong ni Criselda. "Nof speak" sabi ni Olive. "Ah..ma..ate.." sabi ng
binata kaya tinignan na ni Criselda si Nina.

"Is she my grand daughter?" tanong niya. "Ninny bless lola" sabi ng binata kaya
tumingala ang batang babae at tinignan si Criselda. "Ganto o" sabi ni Karlo at
nagmano siya sa kanyang lola kaya si Nina dahan dahan lumapit sa matanda at nagmano
din.

"Oh Diyos ko such a cute baby girl. Hello apo" sabi ni Criselda saka hinaplos
haplos pisngi ng batang babae. "Mama lola?" tanong ni Nina kaya naging teary eyed
si Criselda, si Dani nagpipigil talaga kaya di makapagsalita kaya si Onofre
napatingin sa kanyang ama.

"Why only now?" tanong ni Olive. "Ma, Pa, ate, this is Dani and this is our Nina.
Dani, this is my mom, my dad and my ate Olive" pakilala ni Onofre. "Hello" bati ni
Olive saka nakipag beso kay Dani. "Why only now?" tanong ni Criselda kaya nalito si
Onofre at napatingin sa ama niya.

"It does not matter, he has his own reasons. What is important they are here now"
sabi ni Tomas. "Luluuuu" sigaw ni Nina saka tumakbo papunta sa matanda at
nagpabuhat. Ninerbyos sina Dani at Onofre pagkat maari sila mabuking. "Lolo carry"
bigkas ni Karlo kaya doon na natawa si Criselda.

"Dad kaya ba?" tanong ni Onofre. "Well lets try" sabi ng binata kaya kinarga ni
Onofre si Karlo saka pinasa sa kanyang ama. "Oh my God, I can but I cannot walk
anymore" sabi ni Tomas. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Nina na ginaya din ni Karlo kaya
nagtawanan ang lahat.

"She has your eyes" sabi ni Criselda sabay haplos sa pisngi ng batang babae. "I am
so sorry" sabi ni Dani saka binaon mukha niya sa dibib ni Onofre. Inuuga ni Tomas
ulo niya pero si Onofre nagpipigil na talaga ng husto. "What is wrong?" tanong ni
Olive.

"Its not true" sabi ni Onofre kaya nalito si Criselda at Olive. "What do you mean
its not true?" tanong ni Criselda. "Grabe kayo, you really thought she was my
daughter? Grabe last week daddy asked me. Natawa nalang ako e" sabi ni Onofre. "Ate
alam ko ikaw yung nakaisip non e, tapos na brain wash mo sina mama at papa" hirit
niya kaya lalong nalito si Criselda.

"Wait, you are kidding right? She has your eyes" sabi ni Olive. "Grabe even Keanu
Reeves has my eyes so anak ko din siya or is he my true dad?" landi ng binata kaya
natawa si Dani. "Onofre! Tell us the truth" sabi ni Criselda.

"Ayan na yung dragon" biro ng binata kaya humarap na si Dani. "Let me explain" sabi
niya kaya naupo sina Criselda at Olive. Hinila ni Karlo si Tomas papunta sa garden,
"Oh you want to show her your new swing. Samahan ko lang sila" sabi ng matanda kaya
naupo si Onofre sa tabi ng nanay niya.

Ilang minuto lumipas nagtakip ng mukha si Olive, "Ayan kasi tsismosa much ka ate.
Ever since ganyan ka" sabi ni Onofre. "Oh I am so sorry, tsk sayang ang cute cute
niya. Gusto ko siyang apo talaga" sabi ni Criselda.

"Gawan nalang kita ng bago" biro ni Onofre kaya nagulat si Dani nang piningot
talaga ni Criselda tenga ng anak niya. "Your manners. You cannot talk that way. Its
unbecoming" sabi ng matanda. "It was a joke, grabe ka ma" reklamo ng binata.

"Well naniniwala ako, kasi parang beauty queen si Dani e so napaka impossible na
sasagutin niya yung katulad ni Nof" banat ni Olive. "Too harsh ate...Nof is a
really good guy" depensa ni Dani kaya biglang dumilat yung binata kaya tawang tawa
yung dalaga.

"Pasensya ka na iha. Bunso kasi ito at ang kulit sobra" sabi ni Criselda. "Okay
lang po" sagot ni Dani. "Pero teka, you two are a couple right?" tanong ni Olive.
"Oh no ate, me and Nof.." sabi ni Dani. "Are married" banat ni Onofre.

Napingot ulit yung binata, "Married? Then why didn't you invite me? I am your
mother" sabi ng matanda. "See I told you magtatampo yan, I told you" sabi ng binata
kaya natawa si Dani.

"Ano paborito mong pagkain? What does Nina want?" tanong ni Criselda kaya biglang
nagdaldal si Onofre. "Uy Nof..hindi po" sabi ni Dani. "Lorena! Magbihis ka at
lalabas tayo. Magluluto tayo. Anong klaseng ice cream ang gusto ni Nina?" tanong ni
Criselda.

"Hala..hala" bigkas ni Dani. "Kahit ano ma" sabi ni Onofre. "Okay, Lorena dalian mo
para makabalik tayo agad. Gusto ko makalaro yung mga bata" sigaw ng matanda. "Tomas
ihanda mo yung kotse" hirit niya pero dinig na dinig yung tawa ni Tomas.

"He sounds busy" sabi ni Olive kaya sumulip sila sa labas at nakita nila na aliw na
aliw si Tomas sa pagtutulad kina Nina at Karlo sa swing. "Nof get your car ready
then" sabi ni Criselda. "Ma, I need to stay para may kasama si Dani" reklamo ng
binata. "Nandito naman ako ah, bakit natatakot ka kasi ibubulgar ko lahat ng
sikreto mo?" landi ni Olive.

"Oh secrets? Really? Tara ate" biro ni Dani. "Wala ako sikreto, tsk Dani okay ka
lang? Ingat sa ate ko kasi sinungaling yan at tsismosa" sabi ng binata. "Wait, kayo
ba yung magkausap up to two in the morning?" tanong ni Olive. "No..oh so may kausap
siya up to two in the morning" sabi ni Dani.

"Tara na nga ma, ate Lorena bilisan mo. Kailangan natin makabalik agad or else"
banat ng binata. Ilang minuto lumipas sa loob ng kotse tinignan ni Criselda anak
niya habang nagmamaneho ito. "Anak, nililigawan mo ba siya?" tanong ng matanda.

"Ma! You heard her story, we are just friends" sabi ng binata. "Oo narinig ko yung
kwento pero di ko naman narinig na magkaibigan lang kayo. Nakita ko yung akbayan
niyo, yung pagyakap niya sa iyo. Lorena nakita mo din yon diba?" sabi ni Criselda.
"Nof maganda siya, kahit na may anak na. Wag ka na mahiya umamin kasi" sabi ng
kasambahay.

"Hahaha, kaibigan lang po talaga ate" sabi ng binata. "Why are you ashamed to admit
that you are dating her? So what if she has a daughter already. Is that the issue
why you don't want to tell the truth?" tanong ni Criselda.

"Ma kaibigan lang talaga. Hala tong si mama" reklamo ng binata. "Hay naku anak if
you tell the truth then it will be easier. If siya talaga ang gusto mo at mahal mo
kaya ko siya tanggapin. Mas magiging proud ako sa iyo kasi you saw beyond her being
a single mom"

"So let me ask again, are you dating her? Kayo na ba?" hirit ng matanda kaya tawang
tawa na talaga si Onofre. "Ma, hindi po. Kami ni Dani ay magkaibigan lang" sabi ng
binata. "Why? Bakit hindi mo ligawan? She seems nice and lagi kayo magkasama" hirit
ng matanda.

"Oh my God, nagsisisi na ako bakit ko naplano pa ang ganito" sabi ng binata. "She
is very pretty, she looks decent and well mannered. Dahil ba anak siya?" tanong ni
Criselda. "Diyos ko po ma, magkaibigan lang talaga kami" sabi ng binata. "Okay but
tell me why?" tanong ng nanay niya kaya natapik na ni Onofre ang kanyang noo.

Isang oras lumipas sa may kusina pinapanood ng mga bata si Criselda habang
nagluluto. "Natutuwa ako sa batang ito, alam niya yung vegetables niya" sabi ng
matanda. "Ma kasi cooking buddy ng lola niya yan. Magaling magluto yung mama ni
Dani" sabi ni Onofre.

"Spatula" bigkas ni Nina kaya napasigaw si Criselda sa tuwa at pinaghahalikan yung


batang babae. "Very intelligent girl, Nof I still want the truth. Sinasabi ko na sa
iyo tanggap ko sila" sabi ni Criselda kaya inuga ng binata ulo niya saka inalalayan
nalang yung dalawang bata sa pagtayo nila sa upuan.

Sumulpot sina Dani at Olive, "San kayo galing?" tanong ni Onofre. "Sa taas, nasan
si Daddy?" tanong ni Olive. "Pagod" sagot ng binata. "Doon nga kayo, too many
people here but these two apos of mine can stay" sabi ni Criselda.

"Ako na, sige na Nof itour mo naman si Dani" sabi ni Olive. "Okay, wait you showed
her my room ano?" tanong ng binata. "Yes and a lot of photos, mommy and her three
daughters" banat ni Olive kaya tinakpan ni Onofre mukha niya.

Sa may hardin naglakad sina Dani at Onofre, ang binata hiyang hiya habang yung
dalaga nagpipigil ng tawa. "What do you expect? Dalawa ate ko, pinagtripan nila ako
nung bata ako" sabi ng binata. "Wala naman ako sinasabi ah" sabi ng dalaga.

"Ano pa ba mga nakita mo?" tanong ni Onofre. "Not much, ang daldal ng ate mo pero I
like her" sabi ni Dani. "Yeah mabait siya pero mas mabait yung ate namin. Busy na
tao yon pero I look up to her, sa kanya ako spoiled" sabi ni Onofre.

"I saw the photo sa room mo, kayo ni Sly" sabi ni Dani kaya natawa ang binata.
"Halata ba blown up lang tapos pinutol yung iba?" tanong ng binata. "Hahaha oo nga
e, bakit wala ba kayong selfie with each other?" tanong ni Dani. "Wala no, hindi
siya yung taong mahilig mag photos" sabi ni Onofre.

"Napansin ko nga sa profile niya kokonti photos niya" sabi ni Dani. "Why are you
stalking her?" biro ng binata. "Wala lang, curious. Nakwento ng ate mo na she is
nice naman pala to you" sabi ng dalaga.

"She is, sobrang bait naman talaga ni Sly. Parang ikaw, halos pareho nga kayo e"
sabi ng binata. "Bakit halos? You mean mas masama ugali ko?" tanong ni Dani.
"Hindi, sinabi ko halos kasi isisingit mo nanaman later na you are prettier than
her e" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga.

"Totoo naman diba?" pacute ng dalaga. "Totoo, lets not talk about her anymore" sabi
ng binata. "Nagpagawa pala kayo ng swing" sabi ni Dani. "Ay oo, si papa ko
nagpagawa kasi nakwento ko Karlo loves it" sabi ng binata. "Parang gusto ko din
magpagawa pero common sense tells me wag na kasi doon magbabad si Nina"

"Mas maganda na yung nasa park para she knows that its far a bit" sabi ni Dani.
"Sorry pala sa mom ko ha, lalo na sa ate ko" sabi ni Onofre. "Okay lang naman no,
pero grabe ate mo ang kulit. Hinuhuli ako e" sabi ng dalaga. "What do you mean
hinuhuli ka?" tanong ng binata.

"She really thinks tayo no" sabi ng dalaga. "Ah, backfire nga ata tong plano natin.
Yeah the joke worked pero hindi nila tayo tatantanan" sabi ng binata. "I can sense
that too, baka magkatuluyan tayo dahil sa pressure" biro ng dalaga kaya nagtawanan
sila.

"Alam mo ba if di tayo nadulas ang plan ko is di ako aamin basta introduce lang
dapat sa inyo then may hinanda pa ako talaga photo natin nina Ninny. Remember yung
nagjoke ka na family picture sabi mo" sabi ng binata. "Hahaha yeah bakit yon?"
tanong ng dalaga. "Pinaprint ko tapos nilagay ko sa frame. Ang balak ko e di
syempre pag uwi niyo ilalagay ko yon sa salas" sabi ni Onofre.

"Hala baliw ka" sabi ni Nina. "Oo, balak ko talaga long term joke sa mom. Pero wala
e, we didn't plan it well, parang si daddy lang yung poised kanina" sabi ni Onofre.
"Overdressed ka nga e, parang natanong ko pa sarili ko totohanin nalang kaya" banat
ng binata kaya natili yung dalaga at inatake ng kurot ang binata sa tagiliran.
"Kidding aside you really look stunning" sabi ni Onofre. "Salamat, I just wanted a
dress sana na match kami ni Ninny. Eto lang kasi meron" sabi ng dalaga. "Gandang
ganda ako sa iyo ngayon, lampas crush level" sabi ni Onofre kaya natawa ang dalaga
saka nagsimangot.

"Oh sorry, did I say something wrong?" tanong ng binata. "Oo you did. Nakakainsulto
kasi ngayon lang? Bakit ngayon lang? Diba araw araw?" banat ni Dani kaya natawa
yung binata. "Oh I heard from ate that may niligawan ka dati na kapitbahay? Nasan
siya? Lika turo mo" sabi ni Dani.

"Wag na no, nakita ko siya kanina pagbalik namin" sabi ng binata. "Saan? Lika na"
sabi ng dalaga. "Wag na" sabi ng binata. "Tsk isa!" bigkas ng dalaga kaya napakamot
si Onofre sa ulo. Lumabas sila ng gate, "House on the left, nandon siya sa terrace"
bulong ng binata.

Biglang hinawakan ni Dani kamay ng binata, "Tara lakad tayo" sabi niya. "Uy baka
isipin ng mga kapitbahay may girlfriend na talaga ako" sabi ng binata. "That is the
point. Sabi ng ate mo mayabang daw yung girl at feeling pretty ha" sabi ng dalaga
kaya napapangiti na si Nof. "What the heck, tara" sabi ng binata.

Pagtapat nila sa target house pilyong Onofre napatingin sa dating niligawan niya.
"Hi Claire" bati ng binata. "Uy Nof" sabi ng dalaga. Nagpakita si Dani saka ngumiti
at nag waive kaya si Claire napakaway din. "Lakad lakad kami" sabi ng binata.
"Sige.." sagot ni Claire na parang tulala.

Nakangisi si Onofre kaya binangga siya ng dalaga. "Tuwang tuwa ka naman" bulong ng
dalaga. "Aakbayan kita para true kunwari" sagot ng binata kaya pigil kilig ang
dalaga nang akbayan siya ng binata. "Did you see her face? She really looked at you
at parang naliit siya. Mali ata linya ko kanina, dapat pala sinabi ko thank you.
Syempre pag sinagot niya ako then hindi sana naging tayo" sabi ng binata.

"Hahaha wow mafeeling na siya o" sabi ni Dani. "To naman o, ride on ka lang. Ay ang
di alam ni ate may niligawan pa ako taga doon. Yung chinita doon si Charlene" sabi
ng binata. "Hahahaha ah talaga? O tapos mamaya commute na tayo tapos pupuntahan na
natin yung ibang niligawan mo pa" sabi ng dalaga.

"Di no, tatlo lang sila. Si Sly yung isa. Now you know pero passing rate ko zero
out of there" sabi ng binata. "One out of four" sabi ni Dani. "Sino naman?" tanong
ng binata. "Duh, e di ako. Kung makaakbay ka naman kasi parang true na" sabi ni
Dani kaya laugh trip sila.

"Uy sorry if you think I am taking advantage pero ikaw naman kasi nag suggest e. So
since nagawa na natin kay Claire, tuloy na natin kay Charlene, sana nandon din siya
sa kanila" sabi ng binata.

"So sino mas maganda si Claire or si Charlene?" tanong ng dalaga. "Syempre ikaw"
sagot ni Onofre. "Very good answer, actually that is a common trick question we
girls like to ask" sabi ni Dani. "So that means pasado na ako sa iyo?" tanong ng
binata kaya napatigil ng husto ang dalaga.

"Huh pasado saan?" tanong ni Dani pero agad siya nagsisi. "Hahaha joke lang to
naman" sabi ni Onofre. "Okay, pero sino pala yung kausap mo hanggang two in the
morning aber?" tanong ng dalaga. "Si Shirley, may lakad nga dapat kami e" sabi ng
binata. "Ah si Shirley, so may lakad ka pala" sabi ng dalaga.

"Babe wag kang magselos, eto o, you got me" banat ni Onofre kaya namula si Dani,
pinisil pisil ng binata yung kamay niya kaya ang dalaga natili, pinaghahampas yung
dibdib ng binata palambing saka pinagtutulak ito. "Hahaha ayaw ko ng babe, he used
to call me that" sabi ng dalaga. "Ay sorry, so hon? Oh ah..love?" hirit ni Onofre
kaya lalong natili yung dalaga at panay ang diin sa katawan ng binata. 

----------------------------------------

last four chapters siguro kasi need ko mag work. baka ON HOLD ko tong story. Sensya
na kailangan magtrabaho para kumita ng pera. Wala naman kinikita dito sa Wattpad,
nandito lang ako magpasaya. Not sure if ON HOLD or end ko as book one pero most
likely ON HOLD STATUS

Sensya na need magwork para kumita ng pera. Already sacrificed 26 days so isarado
ko na 30 days para sakto one whole months writing for free :)

=================

Chapter 27: Past Tense

Chapter 27: Past Tense

Lunes ng gabi inis na inis si Onofre habang nagbabasa siya ng notes. Humarap siya
sa laptop niya, nag update ng status ngunit agad agad din niya ito binura. Isang
segundo lumipas nakatanggap siya ng private message sa Facebook kaya agad ito
binuksan ng binata.

Sylvia: Give me five minutes then I will help you

Nof: Uy hindi, mali yon

Sylvia: Anong mali? Its our distress call, you posted a sad smiley. Oh don't deny
it because even if you deleted your post I can still see it sa email
Nof: Kaya ko nga binura kasi nga iba na ngayon diba

Sylvia: Nothing has changed, give me five minutes then tulungan kita.

Limang minuto lumipas nagring phone ng binata kaya agad niya ito sinagot. "Ako
nalang tatawag" sabi ni Onofre. "No need, madami ako minutes remember. Ikaw nagturo
nung bug sa akin and don't worry di ko tinuturo sa iba" sabi ng dalaga. "Sly thanks
pero kaya ko to" sabi ng binata.

"Wala naman ako ginagawa, so tell me whats your problem" sabi ng dalaga. "Hindi
lang nag cocooperate tong utak ko. May quiz ako bukas pero parang bigla ako
nablablanko now" sabi ni Onofre. "Alam mo napapagod din utak pag sobra aral, alam
ko di ka sanay sa ganyan so calm down" biro ni Sylvia kaya natawa ng husto ang
binata.

"Salamat ha" sabi ni Onofre. "Joke lang to naman, so break ka kasi muna. Tara usap
tayo. Wait are you doing the techniques I taught you?" tanong ng dalaga. "Yes, I do
advance reading tapos pag nasa classroom na mas okay na kasi may idea na ako sa
sinasabi ng prof tapos pagkauwi browse konti sa notes" sabi ni Onofre.

"Good, up to now di mo parin na overcome yung kaba mo tuwing may quizzes or exams
ka" sabi ni Sylvia. "Syempre takot na ako bumagsak no" sabi ng binata. "Just give
your brain a rest, baka naman over studied ka na" sabi ng dalaga.

"I ate dinner then nag aral na ako agad" sabi ni Onofre na parang bata na
nagsusumbong sa nanay niya. "I see, so you stop now and review early in the
morning" sabi ng dalaga. "Takot na ako bumagsak Sly" bulong ng binata.

"Nof, ever since you started to change ganyan ka. Para na tayong sirang plaka. Look
you managed to turn your studies around, o diba nakahabol ka na sa regular. Do you
remember the last time you failed a quiz? Tagal narin diba?"

"Pero okay din yan para di ka over confident. Listen to me, I am so proud of you
nung naging palaaral ka konti" sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre. "To naman di
pa sinagad, konti pa talaga e" sabi niya. "E totoo naman kasi, may katamaran ka
parin" sabi ni Sylvia.

"Guilty, pero I did well naman diba?" sabi ng binata. "Yes you did, regular ka na
nga e. Naalala ko pa nung pumunta ka sa bahay tapos umiiyak ka" sabi ni Sylvia. "Uy
hindi ako umiiyak non, naka open yung window tapos maalikabok yung daanan" palusot
ng binata.

"Hahahaha kilala na kita no. Anyway there is nothing to be ashamed of naman. That
night naramdaman ko naman yung willingness to change mo so I am not sorry if naging
strict ako sa iyo. Para sa iyo naman yon e" sabi ng dalaga.

"Yeah I know, hey diba nine pa class mo bukas?" tanong ng binata. "Yes Nof I will
help you, sa library na tayo magkita ng seven thirty?" sagot ng dalaga. "Teka
nakakahiya naman, magpapasundo ka sa kanya baka magtaka siya" sabi ng binata. "No
he does not pick me up, hinahatid parin ako ni daddy" sabi ni Sylvia. "Kung okay
lang sana" sabi ni Onofre.

"Of course, seven thirty sa library. Ano oras ba quiz mo?" tanong ng dalaga.
"Second subject pa naman" sabi ng binata. "Okay good, for now you rest. Then wake
up around five in the morning then review a bit tapos tuloy natin sa library" sabi
ng dalaga. "Okay, uy Sly salamat ha" sabi ng binata. "Anything for you Nof.
Goodnight, hey goodnight as in goodnight na you sleep" sabi ng dalaga.

Kinabukasan sa library nakasimangot si Sylvia habang pinapanood si Onofre na


palapit sa kanya. "Aga mo ah" biro ng dalaga. "Sorry, pero sakto naman seven thirty
palang ah" sabi ng binata. "You forgot ano?" tanong ni Sylvia. "No, I went to buy
your favorite...eto o" sabi ng binata saka pinasilip yung dalaga sa loob ng bag
niya.

"Oh my God saan ka bumili?" tanong ni Sylvia sa tuwa. "Secret. So ayon I had to
wait for it to open pa" sabi ng binata. "Tara dali dali" sabi ni Sylvia saka naupo
sila. Hinila ng dalaga yung bag ng binata saka pinasok dalawang kamay niya. "O mag
review ka na" sabi niya.

"Wow, tapos ikaw kakain, sumbong kaya kita?" biro ng binata. Super pacute na
simangot ang dalaga, niyuko niya ulo niya saka sinubo yung isang piraso ng
Gumibear. "Did you tell him?" tanong ni Onofre.

"Nope, he does not need to know this. Bakit lahat nalang ba kailangan niya malaman?
Di porke couple na kailangan mag report na lagi" sabi ng dalaga. "Pero diba ganon
dapat yon?" tanong ng binata. "Ewan ko" sagot ng dalaga.

"Oy naka dalawa ka agad? Ngingunguya yan Sly, baka nakalimutan mo" biro ni Onofre.
"I missed it so much, uy mag review ka na" sabi ng dalaga. "Eto na nga po, parang
old times" sabi ng binata. "Sabi naman sa iyo nothing has to change" pacute ng
dalaga saka sumubo ulit. Biglang kumapit si Sylvia sa braso ng binata saka lumapit,
"Uy wait pala, tama ka si Roel nga yung magnanakaw" bulong ng dalaga.

"Ows? How did you know?" tanong ng binata. "Grabe you were right, dapat naniwala
ako sa iyo. Akala ko sinisiraan mo lang siya kasi mas gwapo siya sa iyo" sabi ng
dalaga. "Aray ko ha, masakit yon ah" sabi ng binata kaya nagbungisngisan sila.

"Ganito kasi yon, so last Saturday get together kina Vivs. Alam mo naman si Vivs
careless at tila walang paki diba sa gamit. She has a new phone just like mine. So
the party was going along just fine, I saw Vivs leave her phone sa divider nila
then a minute later I saw Roel he was umaaligid and so I asked him bakit nakatayo
siya"

"Sabi niya kabag daw. Naalala kita talaga tapos yung sinabi mo na si Roel may pagka
clepto. So I kept my eyes on him, he just stood there then later naupo na siya. I
forgot about it na then siguro after an hour he said he needs to go, I don't know
if Vivs had her phone but I wanted to know if she left it at another place lang"
"Takot na takot ako talaga non, I was like looking around for you. Pero naglakas
loob ako, sabi ko kay Vivs na I wanted to compare the photos kasi parang may sira
ata phone ko. Shit grabe I was so scared"

"So Vivs stood up, she looked around and then nagtawanan na lahat. So everyone
helped her to look for her phone, then si Roel binantayan ko talaga. I really saw
him, as in nakita ko he took the phone out tapos mabilis na nilapag sa rug tapos
pasimple niya sinipa under the sofa"

"Sabi ko check under the sofa so ayun nahanap. Then alam mo ba Roel changed his
mind, di na daw uuwi muna kasi daw wala daw susi. Grabe Nof" kwento ng dalaga.
"Tsk, did you tell Vivs?" tanong ng binata. "No, I was so scared and after ang sama
ng tingin ni Roel sa akin, di naman masama pero ang cold niya tapos dinededma niya
ako" sumbong ng dalaga.

"I told you naman e, pero ayaw mo maniwala. Kaya nga tuwing may party or get
together nilalayo kita sa kanya. That is why I always tell you to give me your
phone and wallet" sabi ng binata. "Oo nga e, tsk, yun lang sige na review ka na"
sabi ng dalaga. "Sly if Roel does something to you or tries to do something you
tell right away" sabi ni Onofre.

"Oo ikaw yung nasa number two speed dial ko no" sabi ng dalaga. "Dati ba number
one?" landi ng binata. "Gagi number one si papa no" sabi ni Sylvia. "Oh good news,
teka ginanahan ako mag review" hirit ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

Pagsapit ng lunch sa loob ng canteen binangga bangga ni Sylvia si Onofre. "I think
naperfect ko, not sure sa last two answers" sabi ng binata. "Naks, lumabas ba yung
ibang na Q and A ko kanina sa iyo?" tanong ng dalaga. "Oo as in ang dami kaya nga
ang bilis ko pero nag slow down ako sa last five questions na" sabi ng binata.

"Solved, okay its my treat today right?" tanong ng dalaga. "Kahapon ikaw kaya, ako
ngayon" sabi ng binata. "Ay oo pala, naalala ko you had the adobong liver as in ew"
sabi ng dalaga kaya natawa yung binata. "Pili ka na" sabi ni Onofre kaya humarap
ang dalaga sa counter at aksidenteng napahawak ang binata sa baywang ng dalaga.

"Ay sorry" bigkas niya kaya tinignan siya ng dalaga. "Sorry for what?" tanong ni
Sylvia. "Ah eh..inakbayan kita..sorry sorry" sabi ng binata. "Ay you did? Funny di
ko napansin or nasanay lang ako lately" sabi ng dalaga. "Sorry, di ko
sinasadya...dito nalang" sabi ng binata saka nilagay kamay niya sa likod ng dalaga.

"Not a big deal Nof, alam mo naman if it was kasi kinung fu na kita" sabi ng dalaga
kaya laugh trip sila bigla. "Did you tell him about that kung fu joke?" tanong ni
Onofre. "Of course not, inside joke natin yon"

"Yung atin e atin lang. Pero lahat ng problema ko sa kanya sa iyo ko isusumbong"
sabi ng dalaga. "Yeah sure, kahit na bitter parin ako why not diba?" sabi ng
binata. "Hay are we going to have that talk again?" tanong ng dalaga. "Just being
honest, to naman o" sabi ni Onofre.
"Okay, just so you know matagal din ako nag isip bago ko siya sinagot. If ever may
sala ako it was keeping it from you" sabi ng dalaga. "Ayan gumagaan na loob ko,
pinag isipan mo pala ng matagal e. Mas masaya pa ako if ako yung rason" landi ng
binata. "Sino pa ba?" sagot ng dalaga pabulong pero narinig yon ng binata kaya
napangiti ito.

"So Besly, ano sa iyo?" tanong ng binata. "Besly?" tanong ng dalaga. "Yes,
bestfriend Sly, shortcut Besly" sabi ni Onofre. "So ikaw naman yung Besfre ko
ganon?" tanong ng dalaga kaya napahalakhak sila ng sabay kaya lahat ng tao
napatingin sa kanila.

Nung nakaupo na sila agad sila kumain. "I noticed a different shade in your hair
ah" sabi ng binata. "Wow you did?" tanong ng dalaga. "Yeah, dark red something or
dark brown. Pasensya na lalake lang" sabi ng binata.

"Buti ka pa napansin mo, siya hindi" reklamo ng dalaga. "Grabe ka Besly, ang tagal
natin tayo" landi ng binata kaya natawa yung dalaga. "Sige pagbibigyan kita" sabi
niya. "O diba? Parang memorized ko na itsura mo kahit tulog ako" hirit ni Onofre.

"Mama is asking why di ka na daw pumupunta sa bahay so ayon umamin ako may
boyfriend na akong iba" sabi ni Sylvia. "May boyfriend nang iba, so you mean naging
tayo?" banat ni Onofre kaya napatigil si Sylvia. "Hala ano sinabi ko ba?" tanong ng
dalaga. "Sabi mo sa mama mo may boyfriend ka nang iba" ulit ni Onofre.

"Ay gagi, hahaha hala...I really said that to her. Oh my God baka isipin niya
naging tayo talaga. Hala ngayon ko lang narealize yun ah, kaya pala she kept
comparing you and him" sabi ng dalaga. "She did? Awww, so boto pala mom mo sa
akin?" landi ni Onofre.

"Panong hindi e ikaw lang nasasarapan sa brownies niya. Its too dry I keep telling
her that pero sasabihin niya Nof does not think so" kwento ng dalaga. "Sinasawsaw
ko sa hot choco e" bulong ng binata kaya laugh trip yung dalaga. "Di ko na sinabi
yon baka mahurt siya" sabi ni Sylvia.

"Ano naman sabi ni kuya Jerry?" tanong ni Onofre. "He does not like him, as in ewan
ko. Di niya pinapansin si ayon" sabi ng dalaga. "Huh, sorry ha pero sumasaya ako"
banat ni Onofre. "Sige lang, pati ata si dad di niya gusto si ayon...eventually
they will learn to resepct my decision maybe" sabi ni Sylvia.

"Of course they will" sabi ng binata. "Parang sarcastic ng pagkasabi ah" sabi ni
Sylvia. "Of course it is" landi ng binata kaya laugh trip ulit sila. "Nof do you
think I made a mistake?" tanong ng dalaga. "In saying yes to him?" tanong ng
binata. "Yeah" sagot ng dalaga.

"Gusto mo ng biased answer?" tanong ng binata. "Wag mo na sagutin pala. Oy teka


pala, I wanted to tell you this earlier pero ngayon ko lang naalala. I have a
friend who has a friend who is asking about you" sabi ng dalaga. "Really? Sino?"
tanong ni Onofre.
"Kilala mo pa si Janine?" tanong ni Sylvia. "Hmmm parang kapitbahay mo yon diba?"
tanong ng binata. "Oo pero kapitbahay sa house ni lola" sabi ng dalaga. "Ay oo,
siya yung may father na American" sabi ni Onofre kaya super natawa ang dalaga.

"Alam mo ang gago mo, maitim lang yon. Shit naalala ko nanaman yung tanong mo sa
kanya. Is your dad American? Hahaha ang gago mo. Tapos humirit ka pang African"
kwento ng dalaga kaya nagpigil ng tawa yung binata.

"Buti nalang hindi pikon yon, o bakit yon?" tanong ng binata. "One of her friends
daw is asking about you" sabi ng dalaga. "Really? Teka shit baka killer friends ha"
sabi ng binata. "Gagi hindi babae daw" sabi ni Sylvia.

"I am not surprised. Lately kasi nung nalaman ng mundo na may boyfriend ka na
parang naging popular ako sa public view ng mga girls. Parang sumaya ang mundo ng
kababaihan nang malaman na hindi pala naging tayo" banat ng binata.

"Hahahaha baliw ka talaga. So I asked sino yon, ang name daw nung friend niya is
Francesca" sabi ng dalaga. "Francesca? Never heard" sabi ni Onofre. "Ayon, I just
wanted you to know. Ah isang mali ko pa is I gave the wrong number. Ang nabigay ko
yung old number mo" sabi ni Sylvia.

"Sinadya mo yon e, alam ko sinadya mo yon" sabi ng binata. "Sira hindi no. Kasi
yung ang naka save sa phone ko. Yung new number mo sinave ko sa ibang name" sabi ng
dalaga. "Ano ba dati boyfie? Tapos yung new sa Exie?" landi ng binata kaya natawa
yung dalaga.

After lunch di maalis ni Onofre sa isipan niya yung pangalang Francesca. "Seryoso
wala ako kilalang ganon. Wala naman ako nameet na bago lately" sabi niya. "Naks,
let it go. Don't worry I will ask Janine more about that Francesca" sabi ni Sylvia.

"Bakit ako hinahanap non?" tanong ng binata. "Gagi talaga to, obviously baka type
ka" sabi ng dalaga. ""Oooosh wag ka nga" sabi ng binata kaya natawa si Sylvia
pagkat kinikilig yung kaibigan niya. "O bakit ba? You have the looks and you are
good guy. Uy may nagkakagusto sa kanya" tukso ni Sylvia. "Uy mas matutuwa ako pag
ikaw yon" banat ni Onofre.

"Nof alam mo may nabasa ako lately, I forgot where pero sabi don the secret for a
good and long friendship daw e if yung both parties may gusto sa isa't isa" sabi ng
dalaga. "What are you trying to say?" tanong ng binata.

"You expressed a lot of times that you like me so maybe its high time you know that
I like you too. There I said it but Nof..." sabi ng dalaga. "Stop there, tumigil ka
na. Wag mo na dagdagan pa" landi ng binata kaya natawa yung dalaga.

"But.." sabi ni Sylvia. "Oo I get it pero please wag mo na dagdagan para intact
yung memory. A good memory" sabi ni Onofre. "Kasi nung nabasa ko yon napaisip ako
at ikaw naisip ko. I asked myself do I like him?"
"And the answer is yes, there are so many things to like about you but syempre
there are somethings to dislike too. Still the likes outweigh the dislikes. Dati
nakokornihan ako sa mga magkaibigan na may usapan na if wala pa tayong asawa pag
forty na tayo e tayo nalang ha"

"I used to laugh at those pero narealize ko na its possible, kasi you both wont
agree to that arrangement if you don't like each other. They like each oher pero
parang may kulang. Parang humanga ako konti kasi both are letting each other go in
seach for their happiness tapos pag wala talaga they both embrace each other"

"Alam ko parang twisted pero I kinda get it now" sabi ni Slyvia. "Shit ang layo pa
ng forty" sabi ni Onofre kaya natawa si Sylvia at binangga yung binata. "I get it
now Sly" sabi ng binata. "So sana wag kang magagalit sa akin" lambing ng dalaga.

"Hindi ako galit, bitter lang ako" sabi ng binata. "Wag ka narin sana bitter,
honestly I enjoyed today kasi parang dati lang e" sabi ni Sylvia. "Me too, pero
malinaw na ang lahat Sly. Yeah siguro tama na pagiging bitter ko" sabi ng binata.

"Steady lang, tulad ng dati" bulong ng dalaga. "Oo nga, so ano thirty five?" landi
ng binat kaya natawa yung dalaga. "Thirty? Twenty five?" hirit ni Onofre.
"Nof...bukas zipper mo" bulong ng dalaga. "Exhaust yan kasi madami ako kinain"
palusot ng binata.

"Baliw ka talaga as always" sabi ni Sylvia. "Kaibigan lang pala...kaibigan lang


pala" birit ng binata with feelings kaya super halakhak yung dalaga. "Uy brave na
siya o kumakanta in public" tukso ni Sylvia.

Biglang gumiling si Onofre sa isang usong sayaw kaya napahiyaw ang dalaga at
natili. "Ano nagsisisi ka na ba? Huh ngayon ko lang nilabas yang alas kong yan"
pasikat ng binata. "Gagi I always knew you were a good dancer" sabi ni Sylvia.

"Pano naman?" tanong ng binata. "Duh sa prom. Kunwari ka di ka marunong pero I


sensed marunong at magaling ka" sabi ng dalaga. "Alam mo pala" sabi ng binata.
"Syempre, maybe that proves what I told you a while ago was not a lie" pacute ng
dalaga.

---------------------------------------

Closure na ba yon? Hahahahaha

=================

Chapter 28: Mitsa


Chapter 28: Mitsa

Miyerkules ng hapon sa loob ng isang coffee shop walang tigil na kinukulit ni


Bianca si Shirley. "O nasan na loverboy mo?" landi ni Bianca. "Gaga ka, he is just
a friend. He will come don't worry, ikaw kasi atat kaya tignan mo ang aga aga natin
dito" sabi ni Shirley.

"Just a friend? Friend na kasamang nagpupuyat up to two in the morning?" landi ni


Bianca. "It was just a one time thing, nagkataon lang na nag enjoy kami" sabi ng
dalaga. "Uhuh, so tell me bakit hindi natuloy yung date niyo nung Saturday?" tanong
ni Bianca.

"Grabe ka it was not a date" sabi ni Shirley. "So bakit hindi natuloy?" tanong ni
Bianca. "Hay kasi po I could not sleep so I checked my phone. Nag FB ako tapos
nakita ko isang post kung saan nakatag siya. Excited daw si Ninny to go Nof's place
so ayon"

"Siguro Nof forgot may appointment siya, ayaw ko naman maging sagabal so I texted
him and said I need eight hours sleep at nagpostpone ako" paliwanag ni Shirley. "Oh
yung karibal mo" sabi ni Bianca kaya tumawa ng malakas si Shirley.

"Karibal ka diyan, kaibigan ko din yon. Sa totoo I miss Ninny too" sabi ni Shirley.
"E di gawa din kayo ni Nof" biro ni Bianca kaya nagtawanan yung dalawa. "Grabe ka
tumigil ka nga, he is jus a friend okay?" sabi ni Shirley saka tinignan phone niya.
"Ayan naghahanap nalang daw ng parking" sabi niya.

"Oh bakit ka nag aayos?" landi ni Bianca. "Hala to, di naman ako nag aayos" sabi ni
Shirley. "You just fixed your hair, oh wag kang magdeny" sabi ni Bianca. "I did
not, hoy ikaw magbehave ka naman" sabi ni Shirley. "Tell me again bakit mo siya
ininvite dito?" hirit ni Bianca.

"Sabi mo you wanted to meet him, wag mo ako babaliktarin naman" sabi ni Shirley.
"Is that him?" tanong ni Bianca sabay turo sa lalakeng kapapasok sa coffee shop.
"That's him" bulong ni Shirley sabay napangiti.

Kumaway si Onofre saka lumapit na, tumayo ng sabay yung mga dalaga kaya agad agad
inabot ng binata kamay niya. "Nof" sabi niya. "Bianca" sagot ng kaibigan ni
Shirley. "Nof eto yung bestfriend ko" sabi ng dalaga. "O bakit wala kayong kiss?
Nahiya kayo kasi nandito ako?" banat ni Shirley kaya napakamot si Onofre habang si
Shirley natawa at tinadtad ng kurot ang braso ng kaibigan niya.

"Order lang ako, teka can I get you both something else?" tanong ni Onofre. "Ay
kanina pang gutom si Shirley, inaantay ka para manlibre ng makakain" banat ni
Bianca. "Hahaha ang gaga mo" sagot ni Shirley saka pinalo sa braso kaibigan niya.
"Treat mo kami Nof?" tanong ni Bianca.

"Sure" sagot ng binata. "Galante, check!" bigkas ni Bianca kaya hiyang hiya na si
Shirley. Pagkaalis ng binata inatake ng kurot ni Shirley ang bestfriend niya. "Uy
grabe ka stop it please" makaawa niya. "Hahaha fine, to naman nagbibiro lang ako e"
sabi ng dalaga.

"Nanghuhuli ka lang e, sinabi ko naman sa iyo friend lang" sabi ni Shirley. "Look
at him, okay naman siya ah. So why don't you like him?" tanong ni Bianca. "Oh my
God, ang kulit mo" sabi ni Shirley. "Dami mo arte, mag move on ka na. May karapatan
kang mag move on agad, we all know you loved him naman. Wala ka na dapat patunayan"
sabi ni Bianca.

"Hay naku ang kulit mo. He is just a friend. Period. Okay?" sabi ni Shirley.
Pagbalik ni Onofre panay ang titig sa kanya ni Bianca kaya natatawa si Shirley.
"Gwapo, check. Matangkad, check..." bigkas ng dalaga. "Will you stop it" sabi ni
Shirley. "Gaga hindi para sa iyo, para sa akin. Sa checklist ko no. Hi Nof, so
single ka ba?" pacute ni Bianca.

"Since birth" sagot ni Onofre. "Si Shirley single din" biglang banat ni Bianca kaya
napatawa ng husto sina Onofre at Shirley. "Akala ko ba ikaw?" tanong ni Shirley.
"Sinasabi ko lang, at oo Nof single din ako. Grabe ka kung maka react ka e, stating
a fact lang" sabi ni Bianca.

"Nof sorry ha, kalog talaga to e" sabi ni Shirley. "Okay lang, nakaaliw siya" sabi
ng binata. "Nof alam mo ba nangyari sa kanya?" tanong ni Bianca. "If you are
talking about the break up then yes she told me" sabi ni Onofre. "Wow, impressive
diretsong Ingles yon, may pinag aralan" sabi ni Bianca.

"One year delayed ako actually kasi bagsak bagsak ako" sabi ng binata. "Oh look
honest pa siya. Kaya niya aminin ang ganon o, if ever mag cheat ka aamin ka ba?"
hirit ni Bianca kaya natawa ng husto si Shirley. "Yes" sabi ni Onofre kaya nagulat
yung mga dalaga.

"Wow, so may balak ka mag cheat" sabi ni Bianca. "Well, if maging tayo man meron.
With your bestfriend pero don't worry I will tell you" banat ni Onofre kaya natili
si Bianca kaya si Shirley inabot yung binata at pinagpapalo sa braso.

"Biancs kasi e, will you stop" sabi ni Shirley. "Okay, sorry. Nakikipag biruan lang
naman ako. Its called breaking the ice" sabi ng dalaga. "So Nof how was your day?"
tanong ni Shirley. "It was good actually but now it just got even better" sabi ng
binata kaya natili si Bianca.

"Uy tumigil ka narin kasi, baka mamaya magstart ulit ito" sabi ni Shirley. "Okay
sorry, ikaw kumusta naman araw mo?" tanong ng binata. "Pagod kaya eto need to chill
out" sagot ng dalaga. "Buti nga tumawag ka kasi iniinvite ako sa inuman. Before I
could say no e sakto nabasa ko text mo so may palusot ako para di sumama" sabi ng
binata.

"Nof just so you know I saw your video" sabi ni Bianca kaya nanlaki ang mga mata ni
Shirley. "What video?" tanong ng binata. "The one where you were..." sabi ni Bianca
pero kinurot na siya ni Shirley. "Bianca what video?" tanong ng binata.
"Hahaha ayaw niya pasabi e" sabi ni Bianca. "Anong video yon?" tanong ni Onofre kay
Shirley. "The one were you two made out sa Pagudpud" sabi ni Bianca kaya napahiyaw
si Shirley habang si Onofre natulala. "We made out?" tanong niya.

"Gaga to, imbento ka" reklamo ni Shirley kaya natawa si Bianca. "Joke lang hahaha,
it's the video where you were singing Tatlong Bibe pero ibang version. Galing mo
pala kumembot" sabi ni Bianca kaya napanganga si Onofre saka hinaplos mukha niya.

"Nagbibiro siya ano?" tanong ng binata. "No" sagot ni Shirley kaya lalong napahiya
ang binata. "Are you kidding? I sang that song when I was drunk?" tanong ng binata.
"Wag kang mag alala nasa tono ka naman at magaling ka kumembot" sabi ni Bianca.

"So embarrassing, eto ba yung sinasabi mong I did something bad?" tanong ni Onofre.
"No, anong embarrassing? It was really funny" sabi ni Bianca. "Show him" sabi ni
Bianca. "Hindi na, hindi na mauulit yon kasi hindi na siya umiinom. Right?" sabi ni
Shirley. "Talagang hindi na ko iinom, pero please tell me yun lang ginawa kong
nakakahiya" sabi ng binata.

"Listen diba we already had a talk about this? Na pag lasing ka its normal to loose
control. Honestly you were so funny, even the guard who came over stayed with you
because you were really funny. Maski ako nga nagpaiwan ako kasi tawa ako ng tawa e"
sabi ni Shirley.

"E may sinabi ka dati I did something bad" sabi ng binata. "Wala yon, forget about
it" sabi ni Shirley. "Alam mo Nof pagkauwi niya dito nagmeet kami tapos una sinabi
niya I met an interesting guy" kwento ni Bianca kaya si Shirley natawa at inabot
kaibigan niya.

"O ano sinabi mo naman yon ah" sabi ni Bianca. "Oo nga, I did and so?" sagot ni
Shirley. "So ayon Nof, interesting ka daw" landi ni Bianca kaya natawa yung binata
at napangiti. "Interesting" sabi niya kaya napangiti din si Shirley.

"So ah into sports ka din ba?" tanong ni Onofre. "Alam ko kanina mo pa ako gusto
laitin, oo na maliit ako" sabi ni Bianca. "Di naman, parang regular Filipina ka
kasi average height ng female is about your size ata" sabi ni Onofre.

"Taller Nof" saib ni Shirley. "Gaga to o, okay na nga e, sabi niya average na ako
kinorek mo pa kasi" reklamo ni Bianca. "And look you are pretty too, malaki chance
mo makapag star sa isang TV series. Game of Thrones, kasi may sikat na unano don,
pwede kang asawa niya ganon" banat ni Onofre.

"Ah ganon" bigkas ni Bianca kaya nagtakip ng mukha si Shirley at di nakayanan yung
pagipil ng tawa niya. "I hope di ka nainsulto, it was meant as a compliment. Pretty
wife of that midget character, at tignan mo yon starring din yon last X-Men" sabi
ni Onofre.

"Hahaha ayan kasi, o ano? I already warned him about you" sabi ni Shirley. "Uy Nof
its okay, walang pikunan sa amin. Midget ha" sabi ni Bianca saka umirap kaya tawang
tawa si Shirley. "Smurf sana pero di naman blue" bulong ni Onofre kaya halos
mabaliw na si Shirley sa tindi ng tawa.

"I am starting to hate you" sabi ni Bianca. "Good, para wala ako rason mag cheat.
Diretso na ako sa kanya" banat ni Onofre kaya natili si Bianca at pinagkukurot si
Shirley. "Ang bilis ng mood swing nito, from pikon to salty bulations" sabi ni
Shirley.

"Bianca I apologize for the things I said earlier, like you said breaking the ice"
sabi ng binata. "All good, at least now I know kaya mo mambato, ang tanong nalang
if kaya mo sumalo kasi pag kumpleto kaming magkakaibigan lagot ka" banta ng dalaga.

"I think kakayanin ko naman, if hindi malalaman niyo kasi iiyak ako" saib ni Onofre
kaya napatawa niya yung dalawang dalaga. "Bakit hindi kayo kumakain, come one lets
eat" sabi ng binata sabay slice sa cake niya. "Okay ka, I can see why she likes
being friends with you" sabi ni Bianca.

"Salamat, so kinder one ka or two?" banat ni Onofre kaya napahalakhak talaga si


Shirley. "Nof ha, masakit yon" sabi ni Bianca. "Ay sorry, grade school ka na ba?"
tanong ng binata kaya naiyak na si Shirley sa katatawa. "Grabe ka wala lang ako
kasi pambawi sa iyo right now e. Mag antay ka lang Nof" sabi ni Bianca.

Inabot ni Onofre panyo niya kay Shirley at ginamit naman agad yon ng dalaga. "In
fairness masarap tong choco cake nila ah" sabi ni Bianca. "Gusto mo pa?" tanong ng
binata. "Grabe ka kakasimula ko palang, maya tanong mo ako pag nakita mo paubos na"
banat ni Bianca.

"Try ko kung kaya nila lagyan ng Growee" sabi ni Onofre. "Whats that?" tanong ng
dalaga pero si Shirley napahiyaw nanaman sa tawa. "Gamot para sa ...hahaha bata
pampatangkaaaad" bigkas ni Shirley at tumulo pa laway niya at luha. Imbes na mainis
si Bianca natawa siya ngunit nabilib nang paspas na lumuhod si Onofre para punasan
bibig ni Shirley.

Pinaghahampas ni Shirley ang binata palambing, "Ikaw kasi" sabi niya kaya natawa si
Onofre pero tuloy niyang pinunasan bibig at baba ng dalaga.

Bandang alas otso ng gabi ka video call ni Shirley si Bianca, "Bes I like him" sabi
ni Bianca. "You want his number?" tanong ni Shirley. "Gaga, not for me but for you"
sabi ni Bianca. "Ay grabe ka ang kulit mo bes. He is just a friend. Okay good
friend na maybe" sabi ni Shirley.

"Ayaw mo pa ba mag move on? Ayan na nga o. He seems to be a good guy naman" sabi ni
Bianca. "Grabe ka, porke good guy e siya na? Like I said Nof is a good friend.
Relate lang siguro kami sa isa't isa kasi pareho kaming nasaktan"

"We are both at a weak state so wag mo kami tuksuin. Di maganda yung nadadaan sa
tukso" sabi ni Shirley. "Bilib naman ako walang arte yung tao, grabe yung laway mo
sa bibig at baba kanina pero walang arte na pinunasan niya using his hand" sabi ni
Bianca.
"He used his hand? Tissue kaya yon" sabi ni Shirley. "Gaga hand nung una then nag
tissue later. Yung ex mo korny, pikon at di marunong makisama pero si Nof kwela. He
can make you laugh bes, your ex could not do that" sabi ni Bianca.

"Bes stop comparing, hay Nof is a good friend. Amazed parin ako on how we met then
mga chance encounters, then now good friends" sabi ng dalaga. "Soon more than
friends" landi ni Bianca. "Hahaha ang kulit mo talaga bes, wag kang mag aalala if
ever ikaw unang makakaalam" sabi ni Shirley.

Samantala sa kwarto ni Onofre abala ang binata sa pagbabasa ng notes niya. Biglang
nagpop up ang isang Skype chat window kaya napangiti siya. "Thanks for the treat
kanina" basa niya kaya agad siya nagreply.

Onofre: You are welcome, sorry pala nasobrahan ko ata pagbiro kay Bianca

Shirley: Okay lang yon, carry niya yon. Grabe napatawa mo ako ng bongga

Onofre: Can I be honest? Pagdating ko in shock ako talaga kasi bakit ang liit niya?
Oo namukhaan o siya na siya si Bianca pero yung photos niya sa FB e parang normal
height naman siya e. So yeah gulat ako kasi ang liit pala niya

Shirley: Hahahaha I saw your face pero nagpigil ako. Yeah maliit siya pero alam mo
yung mga kapatid niya ang tatangkad

Onofre: Ows? Ano nangyari sa kanya? Nadaganan ng piano?

Shirley: Hahahahaha sumbong kita. As in her mom and dad are tall too

Onofre: Ampon ba?

Shirley: Hahahahaha teka nga screenshot ko tapos send ko sa kanya

Onofre: Uy wag naman, hey tawagan kita pwede?

Shirley: Sige game

Pagkabit ng Skype call nag ayos ng sarili si Onofre. "Wait video call pala, eto can
you see me?" tanong ng dalaga. "Yes, no black mask ata ah" sabi ng binata. "Not
today, kaloka ka kanina grabe" sabi ni Shirley. "Sorry, baka galit siya sa akin ah"
sabi ng binata.

"No, kausap ko lang kanina" sabi ni Shirley. "O ano sinabi?" tanong ng binata.
"Wala naman, okay ka daw. Siya yung nagturo sa akin ng kape kape na yan. Same as me
mahilig kami sa music" sabi ng dalaga. "Ay teka lang, wait lang may ipopost ako sa
FB. Wait lang" sabi ni Onofre.

Refresh ng refresh si Shirley hanggang sa sumabog siya sa katatawa. "Ang gago mo"
sigaw niya kaya natawa narin si Onofre. Nagpost ang binata ng isang larawan ng
isang bike ng bata saka tinag si Bianca na may caption na "Biancs nakahanap ako ng
sale, para pwede mo na samahan si Shirls sap ag bike". "Hahahaha grabe ka, teka
benta to sa akin" sabi ni Shirley.

"Ayan nagreply na siya" sabi ni Onofre. "Gagoooooooooo" reply ni Bianca kaya laugh
trip sina Shirley at Onofre. "Teka bakit kanina hindi nakatali hair niyo? Diba pag
nursing students nakatali ang hair" sabi ng binata.

"If mag duty pero wala duty so okay lang" sabi ng dalaga. "You looked so angelic in
white" banat ng binata. "Hahahaha ulol, wag ka nga" sabi ni Shirley. "Totoo no,
pero pag kasama mo si Bianca para kang yung yaya ng mga mayaman" banat ng binata.

"Hahahahaha aray ko...ahahahaha hala ka" sabi ni Shirley. "Sorry, joke lang yon.
Wag mo na ako isusumbong" sabi ng binata. "Aray ko, uy tama kasi. Sumakit na tiyan
ko kanina e. Baka mamaya di nanaman ako makatulog" sabi ng dalaga.

"Samahan kita, late naman klase ko bukas. If di ka makatulog samahan kita" sabi ni
Onofre. "Makakatulog ako, kantahan mo ako" sabi ng dalaga. "Oh men, pinaalala mo pa
talaga" sabi ni Onofre. "Hahahaha in fairness may tono naman, sinave ko sa USB
drive yon then sa hard disk para sure na di mawawala. Epic yon" sabi ng dalaga.

"Epic? Pano naman naging epic?" tanong ng binata. "Its how our friendship started"
sabi ni Shirley. "Oh..oo nga no" bulong ng binata. "Oo may pagka sentimental ako to
be honest and you know what I kept the stone you gave me that night" sabi ng
dalaga.

"What stone?" tanong ng binata. "Basta binigyan mo ako ng bato" sabi ng dalaga. "Uy
umayos ka baka nakikinig ang government. Linawin mo na real stone baka isipin nila
shabu yan" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

"Hey I found a site nag aadvertise ng device to quit smoking. Binasa ko yung
reviews at testimonials at mukhang effective" sabi ng dalaga. "Really? Give me the
link" sabi ng binata. "No need kasi I ordered one for you" sabi ni Shirley.

"Huh? You ordered for me? How much do I owe you?" tanong ng binata. "Wala, bibigay
ko siya sa iyo pero sana gamitin mo. Sabi don one week lang daw maalis mo talaga e"
sabi ng dalaga.

"Wow, ireregalo mo sa akin?" tanong ni Onofre. "Yup, pero dapat willing ka talaga
or else sayang naman pera ko" sabi ni Shirley. "Yeah willing ako talaga" sabi ng
binata. "Good, bigay ko sa iyo pag dumating. Inorder ko kaninang umaga nung nasa
school ako. Was bored so nag browse ako sa phone" sabi ni Shirley.
"Uy salamat talaga ah" sabi ni Onofre. "Sus wala yon, I wanna help you quit. Look
sayang yung oras mo sa pag yosi at health effects pa. Diba? Imagine the time you
spend for smoking e gamitin mo nalang sa ibang bagay na mas productive and of
course hahaba pa buhay mo" sabi ng dalaga.

"Touched ako...sobra" sabi ng binata. "Sus wag ka nga, itong device na ito ikakabit
mo daw sa balls mo e, parang danggling chains" sabi ng dalaga. "What the.." bigkas
ng binata kaya umariba sa tawa si Shirley. "Gagamitin mo diba? Gusto mo magquit
diba?" landi ng dalaga.

"Yeah but..seryoso ka ba?" tanong ng binata. "Haahaha joke lang yung sa balls.
Totoo siya, maliliit na magnet tapos kinakabit sa tenga. Three hours a day lang
daw. Kaw talaga, as if naman ipapasubo kita at future generation natin" sabi ng
dalaga kaya laugh trip silang dalawa.

"Teka future generation natin?" tanong ni Onofre. "Oo kasi ikaw daw yung liligtas
ng mundo. Ikaw ang sugo! Ikaw yung nakatakda. Iligtas moa ng mga Smurfs" kabig ng
dalaga kaya tuloy ang tawanan nila. 

---------------------------------

Take cover!! Violent reactions from Team Dani incoming!!! Hahahahaha. 

Pano ba yan nadudulas na e. Imagine last two chapters left....before i go to work


ha...

Kung umuulan lang ng pera sana itutuloy ko ito pero alam ng karamihan we need to
work. Yung isang project ko pa naman 1000 plus pages na ebook. Tapos isang sequel
pero actually book five na siya e hahaha. Tapos sabi kahapon humirit sila isabay ko
pa daw pagbabalik ng alamat. Oh well...who knows. try niyo mag petition hahahahaha.
good luck

=================

Chapter 29: Figurine

Chapter 29: Figurine

Sabado sa salas nina Dani nakakandong si Nina sa kanyang lolo. "See that the rain
is strong, Kaloy cannot come" sabi ni Martin. "Rain bad lolo" sabi ni Nina. "Yes
very bad the rain" sabi ng matanda. "Lolo si Nof?" tanong ng bata. "Nof cannot come
because the rain is strong" sabi ng matanda.

Biglang umiyak yung bata kaya nagulat sina Dani at nanay niya. "Did she just
understand what you said?" tanong ni Dani. "Siguro she based it on my facial
reaction and I did shake my head" sabi ni Martin.

Nakarinig sila ng busina, lahat natawa pagkat yung bata napatigil talaga sap ag
iyak, nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga ito. "Nof! Nof mama!" sigaw ni
Nina pero tuloy ang tawanan sa tuwa nina Dani, Martin at Sarah. Bumaba ng sofa si
Nina saka tumakbo papunta pintuan nila, "Mama open! Open!" sigaw ng bata.

"Si Nof" sabi ni Belen na kasamabahay nila. "Siya ate?" tanong ni Dani na napasugod
sa may bintana. "Ate pakibukas" sabi ng dalaga kaya si Nina talon na ng talon sa
tuwa. Binuhat ni Dani anak niya at tumambay sila sa may bintana.

"Nof!!" sigaw ng bata nang makita yung binata na pumasok sa gate. "Oh look Ninny he
brought food" sabi ng dalaga. Sigaw ng sigaw yung bata at nakatok niya yung bintana
kaya napatingin si Onofre. Inabot ni Onofre yung karton ng pagkain kay Belen saka
nagtungo sa may bintana.

"In! In! Nof in!" sigaw ng bata pero ang binata todo pakenkoy at dinidikit niya
mukha niya sa bintana. Tawa ng tawa si Nina kaya sumenyas na si Dani na pumasok
yung binata. Biglang nagkiss si Nina sa bintana kaya natawa si Dani. "Mama kiss"
sabi ng bata kaya at nakita ng binata na tinuturo ng bata ang nanay niya.

Pilyong Onofre dinikit ang pisngi niya sa bintana, "Kiss mama" sigaw ng bata kaya
si Dani yumuko at game na game na hahalik. Biglang humarap si Onofre at nagsabay
yung pagkiss nung dalawa salamin. Nanlaki ang mga mata nina Onofre at Dani na
kinatuwa ni Nina, ang dalaga nanginig pa kaya napahiyaw at natili ang bata.

Nagkatitigan yung dalawa sa bintana, ang binata napakamot agad sa ulo habang si
Dani hiningaan yung salamin para maghamog upang itago yung pamumula ng kanyang
mukha. Kinatok ni Nina yung bintana, "Nof in!" sigaw niya.

Pagkapasok ng binata agad yumakap si Nina sa isang hita niya habang si Dani nag
aabot ng towel. "Uy..di ako basa" sabi ng binata. "Kahit na, to be sure" lambing ni
Dani kaya binalot ng binata yung twalya sa likod ng balikat niya. "Hello po tito at
tita" bati ng binata.

"These are a lot of donuts" sabi ni Martin kaya binuhat ni Nof si Nina saka sila
nagtungo sa dining area kasama si Dani. "Home made po yan, ginawa po ng eldest ate
ko" sabi ni Onofre. "Tsuklit" sabi ni Nina. "Yes Ninny there is chocolate. She came
home very happy kasi naperfect niya yung shape ng donut daw. Grabe ang dami niya
ginawa, siguro fifty so I brought here the two dozens" sabi ni Onofre.

Nag abot ng plato si Sarah saka nilagay don yung chocolate donut. Naupo si Onofre
kandong si Nina. Super ngiti ang bata nang masubuan ng donut, "Nof toons" sabi
niya. "Ninny don't talk when your mouth is full" sabi ng binata kaya naaliw sina
Martin at Sarah nang gayain ng bata yung binata na ngumunguya habang nakasara ang
bibig.

"Toons come doon tayo sa salas" sabi ni Dani. "No actually maybe you would like to
take a video of this. Dalian mo Dani kasi last time I forgot to tell you about
this" sabi ng binata. Nung ready na phone ng dalaga nilabas ni Onofre phone niya
saka nilapag ito sa lamesa. Lahat titig kay Nina na diniin thumb niya sa home
button, nabuksan yung phone, nahanap ng bata yung Youtube saka nakapili na ng
mapanood na cartoons.

Napahiyaw sa tuwa sina Sarah at Dani habang si Martin napapalakpak. Super palakpak
din si Nina kaya ang binata bumulong sa tenga niya, "Good girl, very good girl"
sabi niya saka tinuka sa pisngi ang bata. "Wow, oh my God, she knows how to operate
your phone" sigaw ni Dani. "Omaygaaaaaaa" hiyaw ni Nina saka lalong pumalakpak.

"Do it again, I want to take a video too" sabi ni Martin kaya naupo siya sa malapit
at naghanda ng phone niya. Si Dani pumwesto sa likuran ni Onofre saka sumandal
paharap para makunan ng husto si Nina sa gagawin niya.

"Lapit ka" sabi ni Onofre kaya nailang yung dalaga pero tuluyan na siyang sumandal
paharap at pisngi niya dumikit sa pisngi ng binata. Diniin na ni Nina thumb niya
pero biglang nag error, "Shit" bigkas ng bata kaya napatawa ng malakas si Martin.

"Nina that is bad word" sabi ni Sarah pero diniin ng bata yung thumb niya saka
tinaggap na ng phone yung kanyang fingerprint. Palakpak yung bata, naaliw ang lahat
pagkat alam na alam niya pano pumasok sa app drawer. Pati sa pagpasok sa Youtube
alam niya at pagkapili ng video tinignan ng bata si Onofre.

"Big Nof" sabi niya. "You know how to do it, sige na Ninny" sabi ng binata.
Tinignan ng bata yung phone saka daliri niya dahan dahan nagtungo sa kanan.
Tinignan ng bata yung binata, "Yes" sabi niya kaya pumindot yung bata sa icon at
lumaki na yung video.

Super palakpak si Sarah, pareho sila ng asawa niya na teary eyed pero si Nina
pinagilid yung phone saka sumandal kay Onofre. "Tsuklit Nof" bigkas niya. "Eto lang
ang probelma, senyorita Ninny" sabi ng binata saka sinubuan ang bata na titig na
titig sa video. "What if maling video mapili niya?" tanong ni Sarah. "Tita di ko na
ginagalaw Youtube ko so halos lahat ng pinapakita niya pagkaopen mo is cartoons"

"She really does not know how to choose pero after she finishes one meron kasing
mga suggestions so she flicks down chooses. Kahit anong cartoons papanoorin niya
naman" paliwanag ng binata. "Matalinong bata" sabi ni Martin. "Shhhhhhhh" sabi ni
Nina kaya pinalakasan ni Onofre yung volume.

"Si Karlo kaya niya yan?" tanong ni Dani na dahan dahan naupo sa tabi ng binata.
"Choosy si Karlo, ayaw niya sa phone, gusto niya laptop or TV lang. Ayaw pa nga
niya sa tablet e" sabi ng binata.

Ilang minuto lumipas nagsawa si Nina kaya bumaba siya at hinila hila ang binata. Sa
playroom sa first floor sila pumasok, "Oh no" sabi ng binata kaya natawa na si
Dani. May maliit na luto lutuan si Nina, si Dani tumakbo sa labas para tawagin
parents niya.
"Shhhhhh she only does this with Nof or me, ayan ma, ginagaya ka" bulong ni Dani
kaya nagtakip ng bibig si Sarah habang pinapanood ang apo niya na tila may cooking
show kung saan habang nagluluto siya at pinapaliwanag niya kay Nof. "Parang ikaw"
bulong ni Martin kaya naging teary eyed ulit yung dalawang matanda.

Tumigil si Nina nang makita lolo at lola niya, nahiya yung bata kaya lumuhod ito
saka yumakap kay Onofre. "Atras tayo, I don't know why but she only does that to me
or Nof. Pag ibang tao na nahihiya siya" bulong ni Dani. "Here take my phone, iwanan
mo nga sa loob tapos hayaan mo mag take ng video" sabi ni Martin.

Nakiupo si Dani sa binata, si Nina napatingin sa pintuan saka dahan dahan nang
tumayo at tinuloy ang cooking show niya. "Ang tiyaga mo makinig sa kanya" bulong ng
dalaga. "Its what makes her happy, kahit hindi maintindihan pero she is happy doing
this so suportahan mo dapat" sabi ni Onofre.

"You still came kahit malakas ulan" sabi ni Dani. "E para di masira yung routine.
Pero I wont force you to come at our place next Saturday if malakas ulan. Aawayin
kita if pumuna kayo" sabi ng binata kaya napangiti yung dalaga. "Si Kaloy naiwan na
sa bahay kasi ayaw siya payagan umalis ng eldest ate ko"

"FYI basta may bagyo umuuwi ate ko, or if malakas ulan umuuwi siya" sabi ng binata.
"Takot?" tanong ni Dani. "Yeah as in takot sa malakas na ulan yon" sabi ni Onofre.
Humiyaw si Nina kaya yung dalawa tumahimik at nakinig sa bata. "Sana magkapitbahay
nalang tayo" bulong ni Dani.

"Ayaw mo magkabahay?" biro ng binata kaya nagulat yung dalaga. "Baliw" sagot niya
saka siko sa binata palambing. "If nastranded ako mamaya di niyo ako papatuluyin
dito?" drama ng binata. "Of course we would" sagot ni Dani pero lumapit si Nina
saka sinigawan yung dalawa. "Okay sorry sorry" sabi ni Dani.

Bored na si Onofre kaya bigla siyang sumigaw, nagulat si Nina, ang binata umakting
na monster sa pamamagitan sa paghila sa shirt niya para takpan mukha niya. Super
sigaw ni Nina, tumakbo yung bata papunta sa nanay niya kaya nagtilian yung dalawa.

"Ninneeehhhhh" hiyaw ni Onofre kaya nagsisigaw si Nina pero ang bata tumitili at
tumatawa din lang. Gumapang si Onofre saka niyakap ang bata. Super sigaw si Nina,
nagkunwari si Onofre na nanghina kaya nabitawan ang bata.

"Mama" hiyaw ng bata kaya nagtago ito sa likod ng nanay niya. "Nineeeeehhh" bigkas
ni Onofre sa mababang boses kaya lalong umingay yung bata. Si Dani nagpipigil ng
tawa pero nanigas siya nang yakapin siya ng binata saka pilit inaabot si Nina.

"I am going to bite you" bulong ng binata. "Huh" bigkas ni Dani saka nagkatitigan
sila. Kumagat agad si Onofre sa balikat ng dalaga, pumikit si Dani pagkat nakiliti
siya. Si Nina sigaw ng sigaw, tili ng tili.

Nahuli siya si Onofre, ang binata umakting na kakagat na sa braso ng bata kaya
napahiga si Nina at ubod ng lakas yung sigaw niya. Pumasok sa kwarto si Martin,
biglang nahiya si Onofre kaya si Nina ang lakas ng tawa. "Moster lolo" sabi ng
bata.

"Ah..akala ko kung ano na" sabi ng matanda. "Meow" bulong ni Onofre sa hiya kaya
super halakhak si Dani. "Out lolo" sabi ni Nina kaya lumabas si Martin.
"Nineeeeehhh" hiyaw ni Onofre kaya nagsisigaw na ulit yung batang babae.

Kinagat ni Onofre si Dani sa braso, ang dalaga umakting na patay kaya nung si Nina
naman yung kinagat umakting din siyang patay. Laugh trip yung mag ina, si Nina
hinila pantaas niya at ginaya yung pagtakip sa kanyang mukha. "Nooooooffff" bigkas
ng bata pero natawa lang sina Onofre at Dani.

"Noooooooofff" ulit ng bata sa mala multong boses kaya si Dani nagkunwari na


nagsisigaw. "Delikado wala siya makita" sabi ni Onofre. "She can see, nakasilip
siya o" sabi ni Dani. "Okay, aayyyy..help help" bigkas ni Onofre kaya tumawa yung
bata.

Nang mahuli si Onofre napaaray yung binata, "Shooot tinotoo niya...aray koooo"
sigaw ng binata kaya si Dani natawa pagkat kinagat talaga ni Nina yung braso ng
binata. Napanganga si Onofre sa tindi ng sakit kaya nagpatay patayan agad siya.
Tumawa si Nina saka tinignan nanay niya, "Ninny no, anak don't" sabi ng dalaga.

Parang natakot si Nina pero bumangon si Onofre at tumabi sa bata. "Nof wag" sabi ng
dalaga. "Daniiiii" bigkas ng binata. "Mommeeeehh" sabi ng bata kaya sigaw na ng
sigaw si Dani pagkat sabay siyang inatake nung dalawa.

Napahiga si Dani, sa kaliwa niya nahiga si Onofre at inipit ang dalaga. Umangat ulo
ng dalaga para tignan anak niya at sakto kumagat si Nina sa kanyang braso.
"Araaaayyy kooooo" bulong niya sa sakit at biglang sumagi yung mukha niya sa mukha
ng binata na tatawa sana.

Tila namanhid si Dani, nagkatitigan sila ng binata kaya diniretso ng dalaga mukha
niya sa leeg ng binata para itago ito. "Good Ninny, bite pa" sabi ni Onofre kaya
nanggigil si Nina pero bale wala ito kay Dani pagkat nagkaroon siya ng rason para
yumakap sa binata.

Tumigil si Nina, si Onofre naman yung kumagat kaya si Dani nag kuwnari na
nasasaktan pero sa totoo nakikiliti siya sa kagat ng binata sa kanyang balikat.
Sumali na si Nina at kumagat sa kabilang balikat ng nanay niya kaya yumakap ulit si
Dani sa tindi ng sakit.

Bumitaw si Onofre saka tinignan yung mukha ng dalaga. "Ang sakit" bulong ni Dani
kaya ngumiti si Onofre at dumilat. "Ninny enough" sabi ng binata kaya tumigil si
Nina, tumawa yung bata saka tinignan din ang nanay niya. Nagpatay patayan si Dani,
"Kiss mommy so she wakes up" sabi ni Onofre.

Nagkiss si Nina pero si Dani umakting na tulog parin. Umulit yung bata, "Noff kiss"
sabi niya kaya nanigas si Dani. Humalik si Onofre sa pisngi ng dalaga pero lalo
itong hindi gumalaw. Nagkiss sa lips si Nina, si Dani ninerbyos, di niya alam kung
gagaya si Onofre kaya agad siya namulat saka tumawa.
Niyakap niya anak niya saka siya naman ang kumagat palambing. Niyakap ni Onofre si
Dani mula likuran saka hinila palayo. Paspas na binuhat ng binata si Nina saka sila
lumabas ng kwarto. "Ang daya niyo!" sigaw ni Dani na humabol palabas ng kwarto.

Tili ng tili si Nina, sa salas sila naghabulan hanggang sa hiningal na sina Onofre
at Dani. Naupo sila sa sofa, naglabas ng panyo si Onofre saka inabot kay Nina,
"wipe mo pawis mama" sabi ng binata saka ginabayan kamay ng bata na punasan yung
pawis sa noo ng ina niya.

"Good girl" sabi ni Onofre. "Thank you Ninny" sabi ni Dani. "Wipe Nof?" tanong ng
bata kaya yung binata naman ang pinunasan niya. Biglang sumulpot si Sarah, naglapag
siya ng juice sa lamesa saka tinignan si Nina. "Tired? You want juice?" tanong ng
matanda. Tinaas ng bata mga kamay niya saka nagpakarga sa kanyang lola.

"Sunod kami don ma" sabi ni Dani. "No need, parating na meryenda niyo" sabi ng
matanda. Pinakita ni Dani yung mga teeth marks sa braso niya kaya natawa si Onofre.
"Nanggigil e, grabe napagod ako don ah" sabi ng binata. "Yeah pero it was fun, how
come di ko naiisip yung mga ganyan pag kami lang?" sabi ng dalaga.

"Syempre busy ka na masyado sa pag iisip sa sobrang daming bagay. Did she eat, is
she okay, do I need to change her diaper, is she really okay, basta busy na utak mo
kakaisip ng sobrang daming bagay e. E ako isip bata din ako kaya ayan" sabi ng
binata.

"Hindi rin, pag nag iisip ako ng games or what she could like blanko ako. Ikaw
kanina instant" sabi ni Dani. "Siguro its what the guy figure does, so relax I can
be that figure in her life. Ako yung figurine sa buhay niya" banat ni Onofre kaya
napangiti yung dalaga.

"What if wala na ako mahanap na..." sabi ng dalaga. "Oh shut up, ako na yon. Gusto
mo ng kasunduan? Pero no need, basta itaga mo sa bato what happens, makahanap ka
man o hindi ako na yung figurine na yon na kailangan ni Ninny" sabi ni Onofre.

"That would be too unfair, may sariling buhay ka din" sabi ni Dani. Biglang
sumandal si Onofre sa dalaga saka hiniga ulo niya sa balikat nito. "I know, coming
here was my decision pero alam mo bakit nandito ako kahit malakas yung ulan?"

"Parang may attachment na si Ninny sa akin...I don't know. Di ko maexplain e. Di


naman tayo related or what pero I have feelings for her...shit teka baka isipin mo
type ko anak mo" sabi ng binata kaya natawa si Dani. "I love Karlo, I care for him,
parang ganon narin ako kay Nina"

"Di ko nga maexplain bakit o pano. Basta parang ganon na e, I care for her and
basta ang hirap explain" sabi ng binata. "E sa nanay niya?" tanong ni Dani kaya
tinignan siya ng binata. "Bakit yung nanay niya?" tanong ng binata.

"Ang sama mo" sabi ni Dani palambing kaya natawa yung binata at muling sumandal sa
balikat ng dalaga. "Swerte mo, damay ka" sabi ng binata. "Ah ganon" sabi ng dalaga.
"Yeah ganon nga, pag naiisip ko si Ninny automatic I think about you too. Okay ba
kayo? Nasan kaya kayo?"

"Lumabas ba kayo? Pauwi na ba kayo?" daldal ng binata kaya kinikilig na sobra yung
dalaga. "Kaya lang nahihiya ako mag text para matganong baka iba maisip mo kasi. So
medyo may sistema ako, di ka masyado nag mobile data so if ever makita ko online na
status mo sa Viber or messenger that means nakauwi na kayo" sabi ng binata.

"Hahaha ganon ba ako?" tanong ng dalaga. "Yeah, sa wifi ka umaasa" banat ni Onofre
kaya natawa yung dalaga ng malakas. "So when I see your Viber status as online or
online two, three, four minutes ago then kamapante na ako na nakauwi ka na" sabi ni
Onofre kaya biglang humalik yung dalaga sa pisngi ng binata.

"Oh what was that for?" tanong ni Onofre. "It feels good knowing someone is caring
for us aside from my parents and it really feels good knowing that someone cares
for Ninny. Sana nakilala kita ng mas maaga" sabi ng dalaga.

"Kulit mo din, di ko kailangan maging Ninong niya, itaga mo sa bato hihigitan ko pa


yung mga ninong niya. Ako nga yung figurine e, basta ako yon...you can count on me
like one two three..i will be there" birit ng binata kaya nanlaki ang mga mata ng
dalaga sa gulat.

"Oh my God you can sing" sabi ni Dani. "You can count on me like one four
three...teka mali ata yon oh well..i will be there bla bla cho cho wariwariwap tok
tok" banat ng binata kaya super natawa yung dalaga.

"Nof" bigkas ni Dani kaya nagkatitigan sila. "Bakit?" tanong ng binata. Di


nakasagot ang dalaga, ang tagal nilang nagkatitigan kaya si Dani mala slow motion
na sumandal sa binata saka niyakap ang isang braso niya.

Napapikit si Dani nang tukain siya ng binata sa pisngi saka hinaplos kamay niya.
"Kung may Wolverine ang X-men...kayo ni Ninny may Figurine" sabi ni Onofre kaya
biglang napahalakhak ng super lakas si Dani. "Guy figure, brother figure, ninong
figure, kuya figure, super hero figure...in short the Figurine"

"I will be who you need me to be and even if you don't need me to be...I will still
be"

----------------------------------------

#BOOM!!

So ano kaya laman ng next chapter....last pa naman yon bago magkakaroon ng pause
itong story hahahaha. Any ideas? Kailangan magtrabaho e hahaha, di naman kaya
bayaran ni Wattpad ang bills at di niya kaya magpakain hahahaha. 
=================

Chapter 30: Flash

Chapter 30: Flash

(Flashback – Where it all began)

"Tara na kasi" sabi ng isang dalaga. "Sige you go ahead" sagot ni Shirley. "Tsk
don't tell me dito ka pa, uy baka mapano ka dito" sabi ng kaibigan niya. "Hindi, he
is harmless and he makes me laugh. I need it. Sige na mauna ka na. Malapit lang
naman cottage natin dito at nandyan naman si kuya guard" sabi ni Shirley.

"Thirty minutes lang then babalikan ka namin" sabi ng dalaga. "Oo, he makes me
laugh and it helps sis. Sige na I will be fine" sabi ni Shirley. Pagkaalis ng
kaibigan niya nilapitan ni Shirley yung lasing na binata.

"Crush! Binalikan mo ako, does that mean you like me too?" tanong ni Onofre kaya
natawa ng malakas yung guard. "Gago to kung makatawa parang sinasabi na wala ako
pag asa sa kanya. Pero may point ka kasi yung bestfriend ko na babae na halos
kasing ganda niya e iba yung pinili, tangke ng gasul yung barkada ko pinili"

"It hurts kuya" sabi ni Onofre sabay kinabog dibdib. "Feel mo ba yon kuya? Ang
sakit diba? Sinaad ko naman ang intensyon ko sa kanya na ako ay labis na humahanga
sa kanya at prangkahan ko nang sinabi na gusto ko siya pero waley kuya. It hurts so
much...comfort me?" landi ni Onofre kaya natawa ng malakas si Shirley pagkat
umatras yung guard.

"Kuya comfort me...wala ka pakisama. Alangan na sa kanya ako humingi ng comfort edi
sabihin niya bastos ako at taking advantage. Bakit kuya may chance ka ba? Ang maton
maton ng itsura mo hindi ka pagkakamalan" sabi ni Onofre kaya nagtakip na ng mukha
si Shirley.

"Sige na may trabaho pa ako, bumalik ka nalang sa cottage mo. Ihatid na kita" sabi
ng guard. "Nagbayad ako ah. Di naman ako lalangoy ah at tinago mo na yung natirang
beer ko. I have rights you know, fully paid kami kaya may karapatan ako mag tambay
dito"

"Natatakot ka na nakawin ko yung buhangin dito? Hello dalawa lang bulsa ng shorts
ko no. Pag pinuno laglag na siya makikita na ng lahat yung golden jewels ko. Sige
ipagdamot niyo yung buhangin" sabi ni Onofre kaya inuga ng guard ulo niya pero
natawa pagkat todo tawa si Shirley.

"Kuya ako bahala sa kanya" sabi ng dalaga kaya nagualt si Onofre at napatingin sa
dalaga. "Crush...really? You will care for me? I am so touched" landi ng binata.
"Miss bawal lumangoy ha at di na siya pwede uminom" sabi ng guard. "Opo kuya,
samahan ko lang hanggang mahimasmasan siya" sabi ni Shirley.

Pagkaalis ng guard naupo si Onofre saka niyuko ang kanyang ulo. "Crush okay lang
umalis ka na. I will be fine" sabi ng binata. "Wag mo na inumin yung tinago mong
beer" sabi ng dalaga. "Anong tinagong beer? Wala ah. O kapkapan mo ako" sabi ng
binata.

"Nakikita ko, inuupuan mo na sila. Pasimple ka pa kanina tinatago mo sila using


your feet" sabi ni Shirley. "Wala...ay shit meron nga, oh my God it's a miracle!
Nangingitlog ako ng beer! Crush itago mo ako kasi pag aagawan ako ng beer
companies. Papatayin nila ako kasi nangingitlog ako ng beer" sabi ni Onofre kaya
natawa ng husto yung dalaga.

"Nakita mo pala, isusumbong mo ba ako? Dalawa nalang ito, pwede ko ba ubusin?"


tanong ni Onofre kaya biglang naawa yung dalaga. "Lasing ka na e" sabi ni Shirley
palambing. "I know but it still hurts" sabi ng binata. "Kasi you are doing it
wrong, if you want to forget kailangan kainin mo din yung bote" banat ni Shirley
kaya napanganga si Onofre at tinitigan yung dalaga.

"Hahahahahaha" bulyaw ng dalaga kaya ang binata napakamot. "Sorry it was a joke"
sabi ng dalaga. "Okay lang, sige na umalis ka na" sabi ng binata. "Grabe to pikon
masyado. Hey di nadadaan sa inom ang problemang ganyan, if ever nadaaan sa inom e
di sana pati ako lasing na" sabi ni Shirley kaya tinitigan siya ng binata.

"Inahas ka din?" tanong ni Onofre. "Pinagpalit sa iba" sagot ng dalaga. "Ay mas
masakit yang sa iyo kasi naging kayo. Ay teka, mas masakit sa akin kasi ayaw ako
sagutin tapos iba yung sinagot. Wait kanino ba yung mas masakit?" tanong ng binata.

"You cannot compare" sabi ng dalaga. "Akin kasi yung akin everlasting pain.
Naiimagine mo ba yung ginawa mo na lahat, inipon mo na yung kapal ng mukha mo para
magtapat tapos wala parin then biglang surprise! Kami na ni barkada natin" sabi ng
binata.

"Mas masakit pag naging kayo" sabi ni Shirley. "Ay ganon ba? Sorry. Di ako
makakarelate kasi siya sana yung una kong girlfriend e. Oh crush wait wait" sabi ng
binata nang makitang teary eyed yung dalaga.

"Ganito gawin mo, pahid ka bunahin sa face mo konti para pag may nakakita sa iyo
sabihin mo napuling ka lang. Okay lang pag sinabi mo ako nagsaboy" sabi ng binata
kaya napangiti si Shirley at imbes na maiyak natawa siya.

"Kasi pag umiyak ka baka isipin ng mga tao na sinaktak kita emotionally. E di naman
ako ganon crush. Kaya okay lang isipin nila sinabuyan kita buhanging kasi eto
lasing ako at may chance na gagawin ko talaga yon sa ibang tao" sabi ni Onofre.

"You are funny" sabi ni Shirley. "Thank you pero wala bang pahabol yon?" tanong ni
Onofre. "Anong pahabol?" tanong ng dalaga. "You are funny, I like you naaaaa" landi
ng binata kaya natawa ng husto yung dalaga. "Ay wala pa, dibale eeffort pa ako. The
night is still young" banat ni Onofre saka kinabog dibdib niya saka naubo kaya
halos mabaliw na si Shirley sa katatawa.

"Crush okay lang, ilabas mo. Makikinig ako. Hey look we don't know each other. I am
drunk so I will not be able to remember whatever you will say. Ganon kasi ako daw
or so they say" sabi ng binata. "Pero for a drunk person bilib ako kasi parang okay
ka naman" sabi ng dalaga.

"Crush super effort na ako sa pagbebehave ko dahil kaharap kita. Pag ibang tao
kaharap ko ewan ko nalang. Syempre kaharap ko crush ko so dapat may proper grooming
pero shit ha ang hirap umeffort ng ganito. Ang hirap magbehave" sabi ni Onofre kaya
muling natawa si Shirley.

Lumakas yung tugtog mula sa bar sa malayo, isang boses ng babaeng kumakanta at
bumibirit. Biglang humawak dalawang daliri ni Onofre sa tenga niya saka isang kamay
kumakabig sa hanging at umakting siyang bumibirit kaya super halakhak si Shirley.

"Hahahaha ang kulit mo pero kuhang kuha mo grabe" sabi ng dalaga kaya tumayo yung
binata at todo acting talaga siya sa pagbirit. Pakabig kabig sa ere, kamay na todo
pisil sa tenga tulad ng ginagawa talaga ng mga biritera. Naluha na si Shirley at
halos mahiga pero may mga dumaan na nakitawa din kaya tinuloy ni Onofre yung pag
aacting niya.

Nung natapos yung kanta sa bar nagbow si Onofre at pumalakpak naman yung mga
dumadaan kaya si Shirley lalong natawa. "Naks ang galing may lip synch ah" sabi ng
dalaga. "Katuwaan lang" sabi ng binata. "Pero may napansin ako" sabi ni Shirley.

"Ano yon?" tanong ng binata. "Perfect yung lip sycnch e, that means memorized mo
yung kantang yon hahahaha" sabi ng dalaga. "Ha? Hindi ah, parang Dubsmash lang
ginawa ko. Coincidence" sabi ni Onofre.

"Wushooooo kakabilib for a guy naman na alam niya yung song na yon" sabi ng dalaga.
"Tsamba lang" sabi ng binata. "Oh come on" pacute ng dalaga kaya natawa na si
Onofre. "So imbes na lip synch kanta ka nalang talaga" sabi ng dalaga.

"Will it make you happy?" tanong ng binata. "If hindi mo masira ear drums ko then
yes" sabi ng dalaga. "Game, ano gusto mo kanta? Pero wala ako alam masyado sa mga
bago, kasi yung mga ate ko mahilig kumanta e kaya ako napapagaya lang pero secret
natin ito ha"

"Ayaw ko madiscover" sabi ni Onofre kaya natawa si Shirley. "Yan sabaya mo yung
kanta" sabi ng dalaga. "Hindi ko alam yan" sabi ng binata. "Weh, alam mo yung
kanina e, I am sure alam mo din yan" sabi ng dalaga.

Muling nag lip synch ang binata with matching birit movements kaya todo aliw muli
ang dalaga. Pagkatapos ng kanta hinampas ni Shirley ang binata sa likod, ang daya
mo talaga, its obvious you knew the song e" sabi niya.
"Maiiyak lang ako, masakit yung kantang yon" sabi ng binata. "Sabagay, malas mo
talaga. Ganyan na nga nangyari sa iyo tapos ganyan pa tugtog sa bar" biro ni
Shirley. "Oo nga e, ang malas ko pa nandon sila sa cottage. That is why I don't
wanna go back there" sabi ng binata.

"Oh..magkasama sila sa room?" tanong ng dalaga. "Di naman, girls with girls then
boys with boys. Pero ang point ko nandon sila, dito nila ako sinurprise e. Bullshit
ano? I saved up for this trip para ilibre ko siya pero pagdating dito...hay buhay"
sabi ni Onofre.

"If nalaman mo earlier sana di ka sana pumunta" sabi ni Shirley. "Crush naman e,
pag alam mo bang balon ng apoy yon tatalon ka parin papasok?" tanong ng binata.
"Syempre hindi" sabi ng dalaga. "Tanga ako e, ako oo parin basta alam ko nandon
siya sa loob" bulong ng binata kaya lalong naawa ang dalaga sa binata.

"Lucky I am in love with my bestfriend" biglang birit ni Shirley kaya super sama ng
tingin ng binata sa kanya. "Hahahaha sorry" pacute ng dalaga. "Hahaha bwisit ka
naman crush, dinikdik mo pa e" sabi ng binata. "Lucky I am in love with my
bestfriend" hirit ng dalaga.

"Sorry na. Parang ang sarap mo asarin thinking you are him" sabi ni Shirley. "Huh?"
tanong ng binata. "Sorry, iniisip ko ikaw siya. I can see you are hurting so
iniimagine ko ikaw siya at hurt din siya. Ang sama ko ano?" sabi ng dalaga.

"Okay lang yan, go ahead nakakatulong pala ako sa iyo. I guess he really did hurt
you" sabi ng binata. "Surprise! May iba na ako" sabi ng dalaga. "Pareho tayo,
nadaan sa surprise. Do you want to talk about it?" tanong ng binata.

"No, I came here to forget him" sabi ng dalaga. "It's a sign, tignan mo pumunta ka
dito to forget him kaya nakilala mo ako. O diba? Pag pinagsarhan ka ng pintuan
maghanap ka ng bukas na bintana para malimas mo laman ng bahay. Motto ng akyat
bahay" sabi ni Onofre kaya biglang natawa ng malakas yung dalaga.

"Ang gago mo hahaha akala ko naman related na sa break up" sabi ni Shirley. "Aba
malay ko diyan, never ako nagka girlfriend so ano naman mapapayo ko sa iyo sa break
up? At lalake ako ah, hoy crush kung may lalake na nag comfort sa iyo tapos
pinagusapan ang break up break up"

"Wag kang maniwala, may ibang gusto lang mga yon sa iyo. Oo nilalahat ko para wag
kang mag entertain ng guys, ako lang dapat" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga.
"And what makes you so special?" tanong ni Shirley.

"Lumabas ako bago due date, o diba? Naatat na talaga mundo sa paglabas ko e. Di na
nila maantay yung tamang oras, yung sinasabing tamang panahon ng pagdating ko...the
heavens heard them all so pinagbigyan sila kaya nilabas ako two days earlier" sabi
ng binata kaya super natawa nanaman yung dalaga.

"Ay tignan mo you got hurt, you came here to forget me. O swerte mo o, sinara din
ng heavens yung isang pintuan ko in order for me too meet you. O diba? Imagine if
pinangaak ako sa tamang panahon, e di in two days pa sana ako nandito that means
siguro ikaw ewan ko nasan n aka" sabi ng binata kaya walang tigil ulit natawa yung
dalaga.

"You and me, right here right now, that means something. Nagsara ang mga pintuan
natin, pareho tayong tanga kasi di tayo nagdala ng susi pero yung katangahan natin
it made us meet each other. You and me, we were meant to be" landi ng binata kaya
naiyak na talaga si Shirley sa tindi ng tawa.

"Crush where are you going? Uy crush wait naman o. don't leave" sabi ni Onofre
habang pinapanood umalis yung dalaga. Limang minuto lumipas nagulat si Onofre
pagkat bumalik yung dalaga. "You came back for me" landi niya. "Isuot mo muna ito"
sabi ng dalaga saka inabot yung isang pink na shirt.

"Maliit to e, sa iyo ba ito?" tanong ng binata. "Sige na suot mo na. Maginaw na e


baka magkasakit ka pa" sabi ni Shirley. "Awwww you care for me" landi ng binata
saka tumayo at sinuot yung pink shirt. "Crush okay to kasi feeling ko maskulado
ako. Teka kinunan mo ako shirt kasi pangit katawan ko ano?" tanong ng binata.

"Sira, eto dalawa lang nakuha ko pero kasama lighter" sabi ni Shirley kaya nagulat
ang binata nang makita yung dalawang stick ng yosi. "Ah.." bigkas ng binata. "Oh
come on, nakita ko yung mga upos and ilang beses mo chineck yung empty pack. Go
ahead I don't mind" sabi ng dalaga.

Di gumalaw si Onofre, tinitigan niya lang yung magandang dalaga saka nginitian ito.
"In love ka na ba sa akin?" tanong niya kaya natawa si Shirley. "Hindi, I just
wanted to stay a little bit longer kasi so far ikaw palang yung nakatulong"

"I mean all my friends with me here..they always check up on me. Parang naawa sila
sa akin lagi. Bawat galaw ko they check on me. So they are not helping because the
more I remember. Pero ikaw kahit stranger ka you helped me forget" sabi ni Shirley.

"Forget may titi ka din?" tanong ni Onofre kaya super halakhak bigla si Shirley.
"Just like that, gagi ka talaga" sabi ng dalaga. "Hahahaha o diba? Pasalamat ka na
two days early ako lumabas" sabi ng binata. "Oo na oo na sige na" sabi ng dalaga.
"Crush alam ko turn off ito pero sisindi na ako ah. Kanina ko pa gusto magyosi"

"Don't worry crush pag naging tayo na, pag sinabi mo quit mo yan, iquit ko talaga
to. I swear pag tayo na di na ako magsusuot ng pink" sabi ng binata kaya umariba
ulit sa tawa yung dalaga. "Alam mo crush meron talagang mga lalake na manloloko
kaya biglang isang nilalang na may nakasabit between the legs I ask for forgiveness
in behalf of him" sabi ng binata kaya halos masiraan na ng bait si Shirley.

"Sana wag mo generalize ang mga lalake dahil sa ginawa niya. Pero pooootaaaa ikaw
pinagpalit? Kanino naman? Sa babaeng may tatlong boobs? Lasing ako pero nakikita ko
naman na para kang beauty queen oh well anyway sana wag mo lahatin ang mga lalake"

"Kasi yung iba lalakero din, oo madami na ganon" sabi ni Onofre kaya napalo ng
dalaga yung binata sa tindi ng tawa. "And there are those like me, na walang kaalam
alam pa masyado"

"Crush alam mo rason bakit masakit?" tanong ng binata. "Bakit?" tanong ng dalaga.
"Kasi imagine mo naman inejctionan ka sa pototoy mo tapos gugupitin yung balat. May
chance pa mangamatis" sabi ni Onofre kaya super halakhak ulit si Shirley. "Gagi ka,
pano napunta sa tuli?" tanong ng dalaga.

"Ganon talaga if you are undergoing change, masakit talaga. Sorry kasi wala ako
experience sa totoong break up. Nirerelate ko nalang tong nararamdaman ko sa past
experience ko. Change is most of the time painful, pero minsan kailangan din
talaga"

"Nag skirt din ako noon, siguro sa ngayon nasa suot skirt stage ako. Pati ikaw
siguro ganon. Pero soon masusuot ko narin brief ko at makaka move forward, ganon ka
din. Pasensya na kung ganito yung sinasabi ko pero siguro naman may kamag anak kang
natuli ka o may kalaro ka non maybe"

"I really don't know much crush pero if we are feeling like shit now what else
could go wrong? May sarili silang desisyon, they didn't find us suited for their
life, yeah it hurts but we have to take as it is"

"Let us now join hands and cry together" sabi ng binata kaya nagulat ang dalaga
pagkat lumuluha talaga yung binata. Dumampot ng buhangin yung bianta saka pinahid
sa mukha niya saka nag abot sa dalaga. Ngumiti lang si Shirley kaya ang binata
humarap sa dagat.

"Di ako uminom para makalimutan yung sakit, uminom ako para pagbalik ko doon tulog
ako agad at pag gising ko may hang over ako para di ako sumama sa lakad nila"
bulong ng binata. "I see, I am so sorry" sabi ng dalaga. "Sorry din sa nangyari sa
iyo" sagot ng binata.

"Lets hold hands and cry together" biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. "I would
like to think that I was meant to be at this place at this moment" sabi ng binata.
"Somehow parang naniniwala ako sa iyo" sagot ng dalaga.

"Really?" tanong ni Onofre. "Yeah, ewan ko bakit pero for selfish reasons yes I
believe we were both meant to be here at this moment" sabi ni Shirley. "I was meant
to get hurt in order to meet you ganon?" banat ng binata. "O bakit pati naman ako
nasaktan ah" sagot ng dalaga.

"Oo nga no, mag join forces tayo tapos maghihiganti tayo. Parusahan natin sila"
sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Sobrang bitter mo naman" sabi ni Shirley.
"Pain is bitter, love is sweet but the tongue will never know that. Panlasa ng puso
yon e"

"Crush its getting late you should go" sabi ng binata. "I want stay to a little bit
longer" sabi ni Shirley. "Okay, crush wag mo itatanong sarili mo ano kulang mo.
Tandaan mo wala ka kasalanan. Isipin mo nalang hindi niya nakita kung ano meron ka,
hindi siya nag antay para makita yon"
"Para sa ating mga bigo o sawi wag natin idown sarili natin. Mga ate ko nagka heart
breaks na sila at lagi nila minamaliit sarili nila. Mga ate ko they are wonderful
people. I believe you are a wonderful person too crush kaya wag mo itanong ano
kulang mo kaya napili niya iba"

"Its his loss, he didn't hold on a bit longer to see how amazing you really are.
Lagi ganon isipin mo crush" sabi ni Onofre. "E bakit ikaw?" tanong ng dalaga.
"Tagal na naming magkaibigan e, sa tagal e talagang wala sigurong makita" sabi ng
binata.

"Be fair, she didn't hold on a bit longer din" sabi ni Shirley. "Thanks crush"
bulong ni Onofre.

Bandang alas dos ng umaga nakabalik si Shirley sa cottage nila. "Uy sis, ngayon ka
lang?" tanong ng kaibigan niya. "Yes, don't worry I am fine. I am totally fine"
sabi ng dalaga.

"Are you sure?" tanong ng kaibigan niya. Ngumiti si Shirley saka nahiga sa kama at
napangiti. "I am fine, I am more than fine pero something bad happened" bulong
niya.

"Tell me when we wake up later...antok much sis" sabi ng kaibigan niya.


"Okay...something really bad sis...tsk" bulong ni Shirley saka napangiti ulit.
Huminga ng malalim yung dalaga saka pumikit.

"Sis...naka move on na ata ako agad...this is bad..too fast..impossible"

(End of Flashback)

MX�R

=================

Chapter 31: Yayo

Chapter 31: Yayo

Sa loob ng isang opisina nakaupo si Onofre sa manager's chair habang nakakandong sa


kanya si Nina. "Ninny wow, the office of your lolo is very nice. Ninny I have to
study well so that I can become a boss like him" sabi ng binata pero yung bata
abalang nanonood sa laptop ng lolo niya.
"Oh look who is this?" tanong ng binata saka nilapit yung picture frame. Sumigaw
yung bata saka ngumiti, "Si Ninny" sabi ng bata saka tinuro yung sarili niya sa
litrato. "Love na love ka na ni lolo o ang dami mong picture" sabi ng binata.

Biglang inuga ng bata ulo niya, "What is it Ninny? Hungry?" tanong ng binata saka
nilapit yung cupcake. Inuga ng bata ulo niya saka pinagtuturo yung laptop. "Oh okay
change cartoons" sabi ni Onofre pero pagsalang ng ibang video sumigaw ulit yung
bata.

"What do you want? Tell me nicely, don't shout" lambing ng binata. "Nof
wooowoowooo" sabi ng bata. "Huh? Ambulance? Okay wait, search ambulance...enter"
sabi ng binata saka lumabas mga video ng ambulansya. Nagplay siya ng isa pero
nagsisigaw yung bata saga inuga ulo niya.

"Okay, owl, whooo whooo like that?" tanong ng binata. "Wooowhooo" bigkas ng bata
kaya pinalitan ng binata yung search sa kuwago. Nagwala yung bata saka binaon mukha
niya sa dibdib ng binata. "Ninny naman e, what is it? Wag kang ganyan kasi di ako
maka intindi ng German" sabi ng binata. "Nof wowoooo" sabi ng bata kaya napatigil
yung binata saka may naalala.

"Oh..the song?" bigkas niya saka mabilis siya nagtype sa search. "Akin ka nalang
song" bigkas ng binata saka namili ng isang video. "Why do you like this song? This
is dedicated to tita Sly and her monster" sabi ni Onofre. "Moshter" bigkas ng bata
kaya natawa yung binata at pinaghahalikan yung bata sa pisngi. "Yes moshter, the
boyfriend of tita Sly is a moshter" sabi ng binata kaya tumawa yung bata.

Pinatugtog na ng binata yung kanta, sinabayan niya yung kanta nung lalake pero nung
babae na kumanta tinignan niya si Nina, "Sige na just talk" sabi ng binata saka
inulit yung video. "Ninny ha, after me then you okay?" lambing niya saka umulit.

"Ninny naman e, after me ikaw. Again ha" sabi ng binata pero pagplay sa video
tumunog phone niya kaya nagbasa muna siya. Habang nagbabasa ng text narinig niya si
Nina na sinasabayan yung intro nung kanta. "Wooowhooowhooo" birit ng banat sa
tamang tono kaya nanigas ng husto yung binata.

"Oh my God" bigkas ni Onfore saka tinayuan ng balahibo. "Omaygaaaaa" hiyaw ni Nina
saka tumawa. "Oh my God, wooowhooo Ninny? This is wooowooo? Oh my God" bigkas ng
binata walang tigil kaya ang bata gaya ng gaya sa kanya.

Sinet ng binata yung phone niya sa video saka inulit yung music video sa laptop.
Sumabay ulit si Nina sa intro ng kanta kaya ang binata kinilabutan ng husto.
Humarap ang bata sa binata saka sumigaw saka nag salita sa German at pinagtuturo
yung laptop. "Ha? What now?" tanong ni Onofre.

"Nof Nooooof o Nof o" sabi ng bata saka inindak indak ulo niya. Inulit nila yung
music video, sumabay si Nina sa intro kaya pagkatapos niya sinabayan ni Onofre yung
kanta na nagpasaya sa bata. Sa tuwa todo bigay si Onofre sa pagsabay sa kanta pero
muli siyang kinilabutan nung sabayan ni Nina yung second voice na panay
"Wooooooowhoooooo" lamang.
"Oh my God" bigkas ni Onofre kaya nagwala yung bata at nagalit. "Wait Ninny,
wait...oh my God. Whooo oh my God, video natin Ninny ha. Okay wait. Oh my God, they
need to watch this later. Oh my God very memorable moment ito okay okay Ninny
ready? Lets do this" sabi ng binata.

Ilang minuto lumipas pagpasok sa opisina nina Dani, Martin at Sarah pasipol sipol
si Onofre habang si Nina tumatawa. "Sorry ha, tumagal yung meeting. Mom and dad
wanted me to get a good feel of the real deal already" sabi ni Dani. Tumayo si
Onofre saka lumayo sa manager's chair, "You should sit" sabi ng binata kaya natawa
yung dalaga.

"Si daddy parin no" sabi ng dalaga. "I insist, you three should gather around the
laptop" sabi ng binata saka naupo sa sofa. "Why?" tanong ni Dani. "Sige na tapos
open Youtube, then search for Ninny and Yayo" sabi ni Onofre. "Hahahaha is this a
joke?" tanong ng dalaga.

"Do it" sabi ni Onofre kaya ginawa naman ng dalaga yon. "Oh one video, naks naman
profile name mo YAYONof" sabi ng dalaga. "Is that a video? I can see Nina's photo"
sabi ni Sarah. "You uploaded a video?" tanong ni Dani. "Secret, you should watch
it" sabi ng binata.

Lumapit sina Sarah at Martin, sinimulan na ni Dani yung video at agad napaindak
sila sa magandang intro pero tatlo sila agad kinilabutan at nanigas.

Nina: Wooooo whooooo whooooo (intro)

Onofre: Wag kang maniwala diyan di ka niya mahal talaga

Onofre (Boses babae): Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya

Nina: Whoooooooooooooo

Onofre: Iingatan ka lang niyan mag ingat ka

Onofre: Dagdag ka lamang sa milyon na milyon na syota niyaaaaa

Nina: Whooooooooo

Onofre: Akin ka nalang

Nina: Whooooo whoooooo

Agad agad naluha sina Sarah at Dani habang si Martin teary eyed sobra na nakangiti.
"Nof pleae" sabi ni Dani na umiiyak na talaga kaya lumapit ang binata at inabot ang
bata sa kanya. Natili si Nina pagkat pinaghahalikan siya nina Dani, Sarah at
Martin.

"Is this real? Is this really her?" tanong ni Dani. "Yup, pati ako gulat. Panoorin
niyo hanggang huli" sabi ng binata. Pinanood nilang yung buong video, palakpak si
Nina habang tinatadtad ulit siya ng halik mula sa tatlo.

Dalawang beses pa nila inulit yung video, si Martin kumuha ng ballpen at papel,
"Kindly write it down, I want to show the others" sabi niya. "Daddy talaga, just
tell them to search for Ninny and Yayo" sabi ni Dani. "Then they will find it
right?" tanong ng matanda. "Ay wait daddy, ganito nalang, share natin then ayon
sakto naka konek FB mo sa laptop. Ayan daddy o, lagyan mo nalang ng caption" sabi
ni Dani.

"Ikaw na maglagay, write there watch my Nina in concert" sabi ni Martin kaya natawa
si Dani. "Nof how did you teach her?" tanong ni Sarah. "Honestly po I don't know,
kasi last time po kasi kandong ko siya tapos naka open FB ko then that song was
playing from my music player"

"Long story po pero I was showing Ninny the one who got away. Then kanina I didn't
know what she wanted, she kept saying whooo whooo then I remembered the first time
I played that song...okay I admit I repeated it many times before...sinabayan niya
noon yung whoo pero once lang" kwento ng binata.

"Whooo mama whooo" sabi ni Nina kaya nalito si Dani. "Kayo din daw" sabi ni Onofre
kaya natawa si Dani. "No baby mommy does not sing, ikaw yung pag asa ng family
natin sa pagkanta" sabi ng dalaga.

"Wait" sabi ni Martin. "Hala si daddy, you already shared it sa FB mo" sabi ni
Dani. "Its not enough" sabi ng matanda saka lumabas ng opisina. "Mama whoooo" sabi
ni Nina. "Nof mas maganda kung live" sabi ni Sarah kaya natawa yung binata. "Ninny
you and Nof whooo" sabi ni Dani kaya tinuro ng bata si Onofre saka natili.

Naupo si Onofre sa manager's chair saka kinandong si Nina. Pasimple si Dani na


pumasok sa Facebook niya saka nag Live feed nung live performance nung dalawa. Nung
matapos yung performance bumukas yung pintuan, nagulat sila pagkat pumasok si
Martin pero madami siyang kasama.

"Oh my God" bigkas ni Onofre. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Nina. "Di tayo kasya dito,
doon tayo sa conference room" sabi ni Martin kaya natawa na si Dani. "Look at her,
she likes the attention" sabi ni Sarah kaya lahat napatingin kay Nina. "Nof please,
bring Nina to the conference room" sabi ni Martin kaya tumayo yung binata at
tinignan si Dani.

Pagkauwi kina Dani biglang nahiya si Onofre. "Grabe naman ang dami naman nilang
binigay" bulong ng binata. "Okay lang, you made them very happy" sabi ni Dani. "E
ikaw?" tanong ng binata kaya nagkatitigan sila. "Syempre lalo na ako pero sana
naman you didn't use the word yayo. It could have been Ninny and Nof" lambing ng
dalaga.
"Okay lang yon pero grabe si Ninny ha, she loves the spotlight. Nakita mo sa
conference room? Pag si Kaloy yung humarap sa madaming tao nagtatago siya pero si
Ninny grabe kumaway pa" sabi ni Onofre. "Hahaha my fault, dream ko nga sumali ng
pageant diba so I admit tinuturuan ko siya mag pose at kumaway" sabi ng dalaga.

"Kaya naman pala, grabe she does yung sa hair, yung ginagawa ng mga babae. Flick ba
tawag don? Basta yung ipush yung buhok" sabi ng binata. "Hahahaha oo nakuha niya sa
akin yon" sabi ni Dani. "Geez, pero nasa tono siya. Pag nasa tono yung ganon kahit
humming lang kaya kumanta" sabi ng binata.

"You can rest, matagal pa sila sa loob. Tatawagan nila lahat ng relatives namin sa
States tapos ipapasikat si Nina. Ganyan sila, everytime Nina learns something new
ipapasikat nila" sabi ni Dani. "They are very proud of her, uy sagutin mo na kaya
phone mo kanina pa ilaw ng ilaw" sabi ng binata kaya kinuha ng dalaga phone niya
saka muling naupo at sumandal sa binata.

"Oh wow, ang daming likes and comments na pala" sabi ni Dani. "Basahin mo, ano
sabi? May sinabi ba tungkol sa golden voice ko?" biro ng binata kaya natawa yung
dalaga at lalong dumikit. "Ang cute ni Ninny! Siya talaga nagdala" basa ng dalaga
kaya nagsimangot si Onofre. "Gago yang Ton na yan ha" reklamo niya kaya laugh trip
si Dani.

Nilabas ni Onofre phone niya saka nagulat. "Dani, may friend request yung daddy mo"
sabi ng binata kaya sumilip yung dalaga sa phone ng binata. "Ay ako nagsend niyan
kanina kasi inedit ko post niya gusto kita itag pero di ka pwede itag unless
friends kayo" sabi ng dalaga.

"Ikaw nga mag accept, parang nakakahiya" sabi ng binata. "Hahahaha baliw, its just
a friend request" sabi ni Dani. "E di alam na niya lahat ng posts ko" sabi ng
binata. "So? I saw that you are friends with your dad and mom" sabi ni Dani. "But
they don't Facebook much, parang formality lang na meron sila" sabi ng binata.

"Accept then share his post since tinatamad ako pumasok sa Youtube. Ayan then enter
your profile. Dani palitan mo nga profile pic mo, di ka maganda diyan. Mas maganda
ka ngayon" sabi ng binata kaya namula yung dalaga at napatigil. "Sabi mo noon
maganda ako sa photo na yan kaya lang nilagay ko" sabi ng dalaga. "Noon yon, mas
maganda ka ngayon, kilala kita lagi ka may selfie kaya palitan mo ng latest" sabi
ng binata.

Super ngiti si Dani, sumandal sa binata saka pinakita gallery niya. "Alin dito?"
tanong niya. "Kahit ano diyan basta bago, ayan tapos na reply ko. Basahin mo" sabi
ng binata. "Akin na phone mo, ikaw mamili dito tapos ikaw na magpalit" sabi ni
Dani.

"Cute cute kayo diyan, hoy mga ninong at ninang ni Ninny gampanan niyo naman
responsibilidad niyo oy" basa ni Dani kaya super halakhak siya. "Galit na yung
yayo. Lagot kayo. Nice one Nof. Alam namin lahat bakit wala si Dani sa video. Di na
kami nagtataka" basa ng dalaga kaya lalo siyang natawa.
"Dani gusto ko nakawin tong photo mo" sabi ng binata kaya napatingin yung dalaga.
"Bakit naman?" tanong ni Dani. "Ewan ko, gandang ganda ako sa iyo dito. Parang ang
simple ng itsura mo pero napaka angelic mo" sabi ng binata. "Set mo nalang as prof
pic ko yan" sabi ng dalaga.

"Ayaw ko" sabi ni Onofre. "Eto ang profile pic mo tapos etong gusto ko nanakawin
ko" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga. "Ano ba kasi meron diyan?" tanong ni
Dani. "I don't know, simple ka dito pero gandang ganda ako" sabi ng binata. "Sige
take it" sabi ng dalaga.

"Ang dami mong PM ah, ooh panay boys" sabi ng binata. "Hayaan mo mga yan, dinededma
ko lang sila" sabi ng dalaga. "Bakit naman? Malay mo isa dito si mister right" sabi
ng binata. "Hmmmm true isa nga siguro diyan" banat ng dalaga. "O e di sagutin mo,
nakikipag kilala lang naman sila e" sabi ng binata.

"Nof why don't you delete all of those tapos iblock mo narin sila" sabi ng dalaga.
"Sige" sabi ng binata kaya nakiliti yung dalaga sa bilis ng sagot ng binata. "Ay
teka, bakit itong isa sinagot mo?" tanong ni Onofre. "Ay yan, long time suitor ko
na sobrang kulit yan"

"Hindi maka gets yang tao na yan" sabi ng dalaga. "Ah ganon, teka nga" sabi ng
binata kaya nagulat yung dalaga nang todo dikit ang binata sabay yumakap pa konti.
"Smile" sabi ni Onofre kaya ang dalaga napalunok, ngumiti nang magdikit ang
kanilang mga pisngi.

Kumuha ng photo yung binata kaya ang dalaga sumilip, "Ayan gago para tumigil ka"
sabi ni Onofre. "You sent him our photo?" tanong ni Dani. "Yes...ay okay lang? Di
naman na siguro magtatanong yon diba?" sabi ng binata kaya si Dani nakangiti lang.

Tumunog yung messenger kaya nagulat si Onofre. "Aba sasagot pa talaga? Hindi pa ba
sapat yung photo? Tignan mo tong gago na to, as if wala nakita. How are you daw?
Wow kita naman kanina see e, tsk tsk" sabi ni Onofre. "It could be just a photo
kasi" sabi ni Dani. "So ano gusto niya masaktan talaga? Ano gusto niya photo of us
kissing?" tanong ng binata.

Dinaan sa tawa ni Dani yung kilig niya saka pinagsisiko palambing yung binata.
"Ignore him" sabi ni Dani. "Sorry kung pakialamero ako pero ganito din mga ate ko.
Nakakairita ang mga bastos na ganito" sabi ni Onofre.

"Sabi ko nga ignore mo e, bakit ikaw di ka mahilig mag picture. Mga photos lang
dito panay si Ninny at Kaloy" sabi ng dalaga. "Bago pa kasi yan diba? Wala pa ako
time mag make up and stuff" banat ni Onofre kaya laugh trip sila. "Badtrip kasi tag
ulan na e" sabi ni Dani. "Oo nga e, ay eto news pala. Si eldest ate ko overstaying
sa bahay so nag investigate ako"

"Ayon buking siya, heart broken pala" sabi ni Onofre. "Ay! Totoo ka?" tanong ni
Dani. "Yeah, pero she does not want to talk about it. Kaya pala overstaying siya.
"Bad break up?" tanong ni Dani. "Ewan ko pero sabi ko sa kanya pag ready na siya
bumalik sa place niya I will go stay with her. She just hugged me so yeah I feel
pissed kasi ayaw na ayaw ko na ganon mga ate ko e" sabi ng binata.

Tumunog phone ng dalaga kaya nagbasa agad si Onofre. "Dani ang gwapo naman ng yayo
mo" reply don sa live video. "I know right" basa ng dalaga habang nagtype si Onofre
kaya super halakhak siya. "Ang kapal" sigaw ng dalaga kaya natawa si Onofre.

"Ay di ko pala phone ito, sorry" landi ng binata. "Ah ganon ha, sige sasagot din
ako using your phone" sabi ng dalaga. "Sige bahala ka, teka may nagreply pa dito e,
maganda daw boses ko...saan na yon?" tanong ng binata.

"Loko ka look ang dami nagreply sa I know right na sinagot mo" sabi ng dalaga.
"Siya na ba?" basa ni Onofre kaya nagulat ito. "O yan sige sagutin mo yan" sabi ni
Dani kaya natawa yung binata. "Uy sumagot ka din kasi" sabi ng binata.

"Wait..teka nag iisip ako" sabi ng dalaga. "Oh si Veron sumagot o...complete family
na ba? Hahaha gaga din ito e" sabi ng binata saka nagreply. "Vi shut up ka diyan.
Diba crush mo si Nof?" basa ng binata saka nagsend kaya humiyaw si Dani. "Oh my God
you sent that?" tanong ng dalaga saka refresh sa phone ng binata.

"Hala nireply mo talaga" sabi ng dalaga. "Hahahaha pinagsasabi mo Dani ha. So ano
na ba talaga?" tanong ni Veronica. "Excuse me po, yayo lang po ako" sagot ni Dani.
"O bakit ganon sagot mo? Sabi mo ayaw mo na gamitin ko yung yayo?" tanong ng binata
kaya natawa ng malakas si Dani.

"Alam ko magkasama kayo, selfie nga kayo" sabi ni Veronica kaya natawa si Dani pero
nagulat siya pagkat nagreply yung account niya. "Nof!!" sigaw ng dalaga pagkat
inupload ng binata yung bagong selfie nila kanina. "O ano? Sabi niya selfie daw
tayo o yan" sabi ng binata kaya humiyaw yung dalaga saka tinadtad ng kurot ang
binata.

"Hal aka, baka ano na maisip nila" sabi ni Dani. "Chill, katuwaan lang naman. To
naman o" sabi ng binata. "Sabagay" sabi ng dalaga saka nagtakip ng bibig saka
nagbungisngis. "O bakit?" tanong ni Onofre. "Wala, teka nga" sabi ni Dani.

Super natawa si Onofre nang nagreply ang dalaga gamit account niya, tinag ni Dani
lahat ng ninong at ninang ni Nina saka humihingi siya ng regalo. "Hahahaha wise ka!
E di lumabas din yung totoo hahaha. Ginamit mo pa account ko talaga" sabi ng
binata.

"E alam naman nila na ikaw yung nagpaparinig na sa kanila e. Wait lang, ano na ba
shoe size ni Ninny?" biro ng dalaga kaya laugh trip sila. Ilang minuto lumipas
sumandal si Dani sa binata saka naglakas loob na yumakap dahan dahan.

"Nof...salamat ha" sabi niya. "Salamat saan?" tanong ng binata. "Basta salamat.
Wala ako maisip na specific basta salamat" sabi ni Dani. "You are welcome whatever
that is, ang tagal nila sa kwarto" sabi ng binata. "Kaya nga e, very happy sila
sobra" sabi ni Dani.
"E ikaw?" tanong ng binata. "Syempre lalo na ako. I am thankful for the happy
accident sa Pagudpud" sabi ng dalaga. "Yeah me too, a lot has changed. For the
better" sabi ng binata. "Funny how life works ano? Basta thankful ako sa iyo" sabi
ni Dani.

Niyuko ni Onofre ulo niya para humalik sa noo ng dalaga pero sakto naman tumingala
ang dalaga pagkat may gusto pa sabihin. Naglanding tuloy yung mga labi ng binata sa
mga labi ng dalaga, pareho silang nanigas, nanatiling magkadikit konti mga labi
nila, parehong hindi makagalaw pero mga mata nila nagkatitigan.

Nagkiskisan at nagkadiinan ang mga labi nila, sabay pa sila napasipsip konti
hanggang sa di nakayanan ni Dani kaya tumawa siya at palambing na hinampas ang
binata sa dibdib.

"Oh my God Dani I am so sorry! Hala teka hindi ko sinasadya yon" sabi ni Onofre
kaya ang dalaga naupo ng maayos saka tinakpan bibig niya. "Dani please, it was an
accident. I was just aiming for your forehead" sabi ng binata.

Tinakpak ni Onofre mukha niya saka inuga ang kanyang ulo. Si Dani namumula at
nagpipigil ng kilig habang pinapanood ang binata. "Sorry talaga" sabi ng binata.
"No fang layo ng forehead sa lips" landi ng dalaga.

"I know but you looked up, shit sorry talaga. I am really sorry di ko talaga
sinasadya yon Dani" sabi ng binata. Naramdaman ni Onofre na sumandal yung dalaga
kaya namulat siya. "Dani" bigkas niya. "Ikaw talaga I was just kidding, its okay"
sabi ng dalaga.

"What do you mean its okay?" tanong ni Onofre. "You give Ninny smacks sometimes so
ganon lang yon. No big deal" sabi ni Dani habang nakatingin sa malayo pero
nakasandal sa dibdib ng binata. "Are you sure?" tanong ni Onofre.

"Grabe ka, alam ko naman accident yon no. Nof I just found your reaction funny. If
I knew di accident yon nasampal kita pero di naman diba?" lambing ng dalaga. "Okay,
pero Dani that was my first kiss...sana tumagal konti pa" banat ni Onofre kaya
napahiyaw ang dalaga saka pinagsisiko yung binata.

"Joke lang" kabig ng binata. "Joke lang ba talaga?" landi ng dalaga. "Slight"
bulong ni Onofre kaya laugh trip sila.

-----------------------------

SURPRISE!!

Inabangan niyo naman talaga yung whooo whooo parts sa MTV haha

Dear mga makasarili, mapaglinlang, walang pusong pirata...


STOP. Please stop. Kung di kayo makagawa ng sarili niyong kwento wag niyo naman
angkinin yung gawa ng iba. Wag niyo naman na ipost pa ibang FB page, forum, etc etc
ang mga kwento ko. Kahit nga dito sa Wattpad ang dami niyo. Hassle yung file ka ng
file ng complaint, sayang oras. Imbes na makagawa ako ng kwento kayo pa inaasikaso
ko.

Kung gusto niyo sumikat e di gawin ko kayong character para ipasikat niyo. Dami
diyan magpopost para sila yung purihin. Kung ako nga di ako humihingi ng papuri o
kung ano sa pagshare ng kwento  e kayo....tigil niyo na yan.

Dito sa Wattpad uso yung nanakawin kwento mo, papalitan mga pangalan sa kanilang
mga idol...

Sana tigil niyo na yan. Ang masakit pati yung ebooks na hanap buhay ko pinipirata.
Eventually I will stop writing because of that. 

Anyway, sana nagustuhan niyo tong chapter na ito. Kung may update akong mapost e di
masaya. Kung wala baka nabadtrip na ako sa mga piratang yan

=================

Chapter 32: Pagtibok

Chapter 32: Pagtibok

Sa outdoor area ng isang restaurant magkasama sina Onofre at Shirley. "Grabe ang
galing ni Ninny, pinasikat ko yung video sa lahat ng classmates ko and they loved
her. Ang dami nakapansin pa ng relo ko hahaha" kwento ng dalaga.

"E ako? Di ba ako napansin?" tanong ni Onofre. "Hmmmm nandon ka ba?" biro ng
dalaga. "Salamat ha" sabi ng binata. "Joke lang no, pero grabe suot parin niya yung
relo ko" sabi ni Shirley. "Paulit ulit na ah, parang gusto mo ata bawiin" sabi ni
Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga.

"Honestly oo, at least honest. Parang nagsisisi ako konti. Iniisip ko kung sira na
ba siya or what" sabi ng dalaga. "Grabe ka naman" sabi ng binata. "Sorry naman
ganon ako e. Sentimental din yung relo na yon" sabi ni Shirley. "Mas maganda naman
yang bago na suot mo ah" sabi ni Onofre.

"Really?" tanong ng dalaga. "Yeah, yung binigay mo is more kid stuff. Yan at least
it matches your age" sabi ng binata. "Sabagay pero di kami talaga maka get over kay
Ninny. So pano mo siya tinuruan?" tanong ng dalaga. "Sa totoo hindi e, honest ako
ah. As in di ko tinuruan" sabi ng binata saka kinuwento yung nangyari.

"Wow, sayang bilib na bilib na sana ako sa iyo pag sinabi mo ikaw nagturo" pacute
ng dalaga. "Well I cannot take credit for something I really didn't do. Basta
nagpaka bitter ako, I kept playing that song and I didn't know she liked it or she
was even listening to it" sabi ni Onofre.

"Other guys would take credit para bumango sila or magkaroon ng pogi points" sabi
ni Shirley. "Oo alam ko pero pag pinaulit na sa kanila wala na sila ibubuga. Sila
din lang mapapahiya later on. Bobo ang mga ganon pero madaming tao na ganon" sabi
ng binata.

Biglang sumulpot si Bianca saka naupo sa tabi ni Onofre. "Uy paki antay nalang kasi
inuuna pa yung ibang orders" sabi ng dalaga. "Grabe ka okay lang no" sabi ni
Shirley. "Biancs sa inyo talaga ito?" tanong ni Onofre. "Yup, balak nga namin
magpatayo ng funeral home din kasi lahat ng pagkain dito pampa high blood" sabi ng
dalaga kaya nagtawanan sila.

"Figure conscious na ang madaming tao" sabi ni Onofre. "I know but our resto is
still doing well. Ayan o si Shirley, fitness buff pero lagi nagpapalibre dito" sabi
ni Bianca kaya natawa si Shirley. "Uy pag naging kayo dito mo siya lagi idate ha"
banat ni Bianca kaya si Onofre naman ang natawa.

"O bakit? Kaya nga kita ininvite dito para matikman mo food namin para pag dates
niyo dito nalang. May VIP reservations pa, basta itext niyo ako" hirit ni Bianca.
"Ang bata bata mo pa ang dami mo nang alam" banat ni Onofre kaya super natawa si
Shirley.

"Che, teka nga palagyan ko lason yung food mo" sabi ng dalaga saka umalis. "Alam mo
without make up she is pretty" sabi ni Onofre. "Ewan ko ba diyan, I keep telling
her that too pero make up ng make up" sabi ni Shirley. "Nakakatawa bakit yung ibang
babae pag nag make up pumapangit sila?" tanong ng binata kaya natawa si Shirley.

"Napansin ko din yan, lalo na sa mga kasal" sabi ng dalaga. "Oo grabe, like my
cousin who got married. Maganda yung pinsan ko pero sa wedding day niya oh my God
pumangit dahil sa make up. Then mga ate ko din dahil sa make up di ko na sila
marecognize" sabi ng binata.

"Hahahaha nasa make up artist din yon no" sabi ni Shirley. "Isa pa yung pageant sa
school dati, e alam mo na boys will be boys so nakapasok kami sa back stage hahaha.
Ang papangit na nila grabe, parang iba na itsura nila tapos ang kakapal ng make up"

"From crush material naging ewan bigla e" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga.
"So ganon ka pala ha, pumupunta pa sa back stage ha" sabi ni Shirley. "Yeah, pero
wala din kami nakita masyado it was total chaos" sabi ng binata. "Ano ba ineexpect
mo makita?" tanong ng dalaga kaya natawa nalang si Onofre.

"Nahiya ka pa, umaamin ka na nga so why not spill the beans" sabi ni Shirley. "You
know, basta yon its embarrassing" sabi ni Onofre. "Ngayon ka pa nahiya, sige na
tell me. Bakit kayo pumunta sa back stage?" tanong ng dalaga.

"Para sana makakuha ng tips sa make up ganon" landi ni Onofre kaya super natawa
yung dalaga. "Nice save" sabi ni Shirley. "Thanks, basta yon na yon. Boys will be
boys" sabi ng binata. "Okay lang, just so you know kami din naman" sabi ni Shirley
saka tumawa ng malakas.

"Really?" tanong ng binata. "Duh, di lang kayo yung curious beings no. Unfair lang
yung mundo kasi if kayo its easily said as boys will be boys, pero pag kami na e
grabe yung dinidikit na hashtag sa amin" sabi ng dalaga.

"True, if a guy cheats then parang its common pero if babae magcheat grabe na yung
pagtingin sa kanya, dinidikit pa yung P word" sabi ni Onofre. "Kaya wala talagang
equality, well siguro meron pero meron at meron parin mali" sabi ni Shirley.

"Napapadalas na pagkikita natin, may gusto ka ba sabihin sa akin?" tanong ng dalaga


kaya napanganga ang binata at nanigas ng husto. May nagflash kaya super natawa si
Shirley habang si Onofre napakamot at nalito. "Look, epic facial reaction" sabi ng
dalaga kaya lumipat siya ng upuan para tabihan yung binata.

"Grabe ka, why would do that?" tanong ng binata. "Hahaha wala lang, para ka kasing
ewan mula kanina pa e. Para kang natetense na ewan. Is something bothering you?"
tanong ng dalaga. "Wala naman, naninibago lang ako sa itsura mo" sabi ng binata.

"Bakit ano nagbago? Lumipat ba isang mata ko? Umurong ba?" tanong ng dalaga kaya
natawa si Onofre. "Hindi e, litaw na litaw mukha mo kasi nakatali buhok mo. Naisip
ko lang na kahit pala kalbo ka maganda ka" banat ng binata kaya super natawa si
Shirley at tinadtad ng kurot ang binata.

"So in short nagagandahan ako sa iyo sobra" sabi ni Onofre. Ngumit si Shirley saka
tinignan yung binata, "di kasi nag cooperate buhok ko kanina so tinali ko nalang"
sabi ng dalaga. "Napaka complicated maging babae" sabi ni Onofre. "Sorry naman kung
naartehan ka pero ganito kaming mga babae" sabi ng dalaga.

"Sana laging di mag cooperate buhok mo" sabi ni Onofre kaya napatingin si Shirley
sa binata saka natawa. "Uy wag masyado baka matuluyan" sabi ng dalaga. "Sorry, sabi
ng mga ate ko flattered daw sila if a guy stares at them from time to time. Pero
pag yung diretsong stare na daw as in di na daw inaalis yung titig e nakakatakot na
daw yon" kwento ng binata.

"Hahahaha totoo yan, its creepy na" sabi ni Shirley. "Okay so every three seconds
nalang kita titignan" sabi ni Onofre kaya napalo ng dalaga yung braso niya. "Oy
magkatabi na sila o. Uy ano yan? May something na ba?" landi ni Bianca saka nilapag
nung mga waiter yung pagkain sa lamesa.

"Lumapit lang ako para di na kami nagsigawan" sabi ni Shirley. "Bianca alam mo ang
ganda ganda mo pag wala kang make up. You have a pretty natural face" sabi ni
Onofre kaya namula si Bianca saka nagtakip ng bibig. "Kasi pag may make up ka para
kang grade school na maagand lumandi" hirit ni Onofre.

Napahalakhak ng husto si Shirley, yung isang waiter tumalikod agad kaya si Bianca
nagsimangot. "Ganon ba yon?" tanong niya. "Oo, no offense meant pero mas okay ka if
ganyan. Siguro konting shade sa lips maybe...pero ganyan ka nalang kesa sa may make
up" sabi ni Onofre.

"Shit ka, grade school na maagang lumandi ka diyan" sabi ni Bianca kaya si Shirley
nagtakip ng bibig. "Sensya na kung masyado ako prangka pero I grew up with two
ates. Both of them did experimenting on makes up and grabe yung laitan nila"

"Aaminin ko marunong ako maglagay ng lipstick sa babae" sabi ni Onofre kaya


nagtawanan yung dalawang dalaga. "Oo I help my ates look pretty kasi daw I have
steady hands. I know what light make us, I know what concealers are, marunong pa
ako magbunot ng kilay at marunong ako mag paint ng nails" sabi ng binata.

Bungisngisan yung dalawang dalaga pero si Onofre napangiti lang. "So I kinda know
when a girl is trying hard to make papansin to her boylet kasi ganon din mga ate
ko. Di naman kagandahan mga ate ko, oo maganda sila pero steady lang, alam ko din
madaming insecurities ang mga babae"

"Like my eldest medyo di siya nabibiyayaan sa chest so naging problem niya yon at
naiinggit siya sa middle ate ko kasi siya medyo blessed don. Middle ate ko naman
feeling niya maliit siya kasi elder ate ko matangkad. So I understand you Bianca,
you are trying to compensate kasi maliit ka"

"Ang ganda ganda mo kaya at ang bait mo. Wag kang mainsecure kay Shirley, ang
pangit pangit ng buhok niya compared sa buhok mo" sabi ni Onofre kaya nanlaki ang
mga mata ni Bianca sa gulat. "Totoo naman, kaya Bianca steady ka lang, pag may time
ka din kasi tingin ka din sa baba. Di mo kasi napapansin siguro yung mga dwende na
humahanga sa iyo" sabi ni Onofre.

"Bwahahahahahaha" hiyaw ni Shirley saka pinalo yung binata sa dibdib, "Gaguuuuuhhh"


bigkas ni Bianca saka natawa narin bigla. "Okay na e tapos babanat ka ng ganon?"
sabi ng dalaga. "Baka maiyak ka na e, pero Biancs seryoso ako ganyan ka nalang"

"Yeah you will look young but ugali mo na magdadala. You don't need make up to make
you look older. Swerte mo nga you look young, well damay damay na kasi maliit ka
pero steady ka lang" sabi ni Onofre. Super ngiti si Bianca saka nagbeautiful eyes.
"Speechless ka?" tanong ng binata.

"Hindi naman, bagay talaga kayo" landi ni Bianca. Natauhan si Shirley pagkat kanina
pa pala siya nakasandal sa binata at nakayakap sa kanyang kaliwang braso. Ang
binata naman ngayon lang din napansin yon pagkat nasanay na siya nag anon gawain ni
Sylvia at Dani sa kanya.

"O bakit ka bumitaw? Buking na kayo. So let me ask kayo na ba?" tanong ni Bianca.
"Hahaha gaga wala yon, nung tumawa ako napasandal ako tapos I wanted to make him
stop pero I got caught up sa speech niya" sabi ni Shirley. "Yeah right..kayo ha.
Hoy sis bestfriend mo ako wag kang magtatago ng sikreto sa akin" sabi ni Bianca.

"Lalamig yung pagkain, tara lets eat" sabi ni Onofre. "Hahaha lulusot pa e, babalik
ako. Huh kayo ha" sabi ni Bianca. Nung naiwan nalang yung dalawa medyo nailang si
Shirley. "Sorry about that, medyo gawain ko yon and I forgot..." sabi ng dalaga.
"Its okay, no big deal naman. She was just acting like a kid" sabi ni Onofre.

"Yeah pero sorry din kasi force of habit ko na dati pa. I mean.." sabi ng dalaga.
"Oo gets ko don't worry about it" sabi ni Onofre. "Okay, uy huminga ka naman uy"
sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre. "Grabe ang sarap ng timpla dito sa inihaw.
Kulang ang rice" sabi ng binata.

"Hinay hinay ka naman, lasapin mo naman yung food" biro ng dalaga. "Shirls, sensya
na ha pero gano kayo katagal ni ex?" tanong ng binata. "One year one month" sagot
ng dalaga. "I see, tagal din pala. Kami ni Sly magkasama since ewan ko na so
aaminin ko ang hirap din e"

"Hahanap hanapin mo yung nakasayanan mo. So I understand you" sabi ng binata. "Uy
gagi hindi, baka iniisip mo panakip manhole ka. Gagi ka pag ganon iniisip mo" sabi
ni Shirley. "Wala naman ako sinasabi, ang sinasabi ko lang its okay if you are
suffering from withdrawals"

"Tulad kanina nasanay ka siguro clinging to him like that, mahirap din naman alisin
kasi yung ganon lalo na nagtagal kayo" sabi ng binata. "Baliw, I get really clingy
to...people who I feel comfortable with" sabi ni Shirley kaya napatigil si Onofre.

"Like my dad, my brother, sister, si Bianca, my pinsan ko at ibang close


friends...ikaw I feel comfortable with you" sabi ng dalaga. "Oh..well okay. Pero
ang sinasabi ko if you miss holding his hand then ahem I have two hands" landi ng
binata kaya super natawa si Shirley.

"Para kang sira, if ever I will hold your hands its because I want to hold your
hand. If I want to lean on you will lean on your because I want to. Di ka magiging
manhole cover no. Kung may butas lalagtawin ko, di ako mag aantay ng maglalatag ng
tulay para lang makatawid ako"

"Kung masyado malaki yung butas then I will hold your hand or simply close my eyes
then jump. Magtitiwala nalang ako na sasaluhin mo ako" sabi ni Shirley. "Sasaluhin
kita" sabi ni Onofre kaya nagkatitigan sila. Biglang tumawa si Shirley saka siniko
yung binata, "In general yon, nagkataon lang ikaw yung kausap ko. In general,
meaning ganon ako" sabi ni Shirley.

"In general din sagot ko, sasaluhin kita. Well kung di nasalo e di sundan kita sa
butas. It could get lonely in the butas so yeah I am that guy who jumps after you"
sabi ni Onofre kaya nagtawanan sila. "Kumain ka na nga" sabi ng dalaga.

Bandang alas sais ng gabi sa tapat ng bahay nina Shirley, palakad lakad ang dalaga
kaya sinundan siya ng binata. "Tara lakad lakad muna tayo, busog na busog ako ikaw
kasi nakakahawa ka" sabi niya. "Sure, di ka ba hahanapin?" tanong ni Onofre.

"Di naman, if ever my mom will see your car parked there so..." sabi ng dalaga.
"She will know na you took a walk kasi you two used to do that" sabi ng binata.
"Yeah but di naman kita niyaya kasi..." sabi ng dalaga. "Niyaya mo ako kasi gusto
mo" sabi ng binata.

"Oo" sabi ng dalaga. "Hey okay lang no kasi syempre di lang ikaw yung mag aadjust.
Pati din family mo kasi nasanay na sila you were with him. At fitness buff ka kaya
alam ko you would like to take a walk kasi madami nga tayo nakain" sabi ni Onofre.

"Yeah and I want to spend more time with you. O ano yun ba ang gusto mo marinig?"
landi ng dalaga kaya nagtawanan sila. "Maganda boses mo" biglang sabi ni Shirley.
"Finally! Finally! May nagsabi ng katotohanan" bigkas ng binata kaya super natawa
ulit yung dalaga.

"Uy totoo yon ah, kaya lang sinapawan ka ni Ninny" sabi ni Shirley. Tinaas ng
binata dalawang kamay niya saka tumingala sa langit. "Hahaha hoy over acting ka na"
sabi ni Shirley. "Sobra na ba?" tanong ng binata. "Oo no" sabi ni Shirley kaya
umayos yung binata.

"Whatever I am now kasalanan ng mga ate ko. You asked if music lover ako, sabi ko
di masyado pero tsk..hay dahil sa mga ate ko I am forced to listen and sing along
with them" sabi ng binata kaya nagtakip ng bibig ang dalaga.

"Dalawa sila, they have control of the sound system sa bahay. They have control of
the remote control, so yes nanonood ako ng Gossip Girl, Greys Anatomy, at kung ano
ano pang mga drama series. Oo updated ako sa showbiz lalo na sino ang gwapo pero
hindi ako tumawid, lalake parin ako" sabi ng binata kaya super halakhak si Shirley.

"Imagine ako ang practice buddy ng dalawang ate ko para sa prom nila kaya medyo
marunong ako sumayaw. Do I have a choice? Buti nga di mo pinatugtog yung USB drive
sa kotse ko or else nabuking na ako. Playlist ng ate ko yon and I am sure you would
laugh at me"

"So yeah, I sing and dance. Pag di ako pinalad sa buhay kayang kaya ko mag parlor,
salamat mga ate they prepared me for life" sabi ni Onofre kaya napakapit yung
dalaga sa binata sa tindi ng tawa.

"Nof bakit ganyan suot mo? Magbihis ka para kang walang pera. Nof bakit ganyan face
mo? Tanggalin mo nga balbas mo para kang matanda. Nof lika dito, di pantay yung
kilay mo, halika dito sabi" bigkas ng binata kaya parang nasisiraan na ng bait ang
dalaga.
"Nof I told you to wait, ate isang oras na ako nag aantay, e namimili pa ako
sapatos. Pano na pag may GF ka? Ha? Nof you have to be patient, Nof you have to be
this and that. Kaya Shirley battle tested and battle ready na ata to" sabi ng
binata saka kinabog dibdib niya.

"Hahaha kaloka ka, aray ko ang sakit na ng tiyan ko" sabi ng dalaga. "So this is
me. Pero kahit na nagdaan ako sa training sa dalawang ate kulang parin. Life is
more complicated than it seems"

"You really cannot get ready for life because it keeps on surprising you. Sinaktan
niya ako sa Pagudpud pero pinasaya niya din ako kasi nakilala kita. Nakilala ko din
sina Ninny at pag nag viral yung video damay damay na, pambansang yayo" sabi ng
binata.

"Totoo yan, I went to Pagudpud to forget" sabi ni Shirley. "But you didn't forget"
sabi ng binata. "Kaya nga e pero..." sabi ng dalaga. "Pero ano?" tanong ng binata.
"I met you too, damay damay na. Pag sumikat ka damay damay na, pambangsang friend
ng pambansang yayo" banat ng dalaga kaya laugh trip sila.

"Shirls, damay damay diba? So if ever pwede naman na pambansang tayo" banat ni
Onofre. "Hahahaha alam mo ang korny mo minsan e pero natatawa parin ako sa iyo"
sabi ng dalaga. "Alam mo Shirls, pano ka magiging magaling na patawa kung di mo
alam ano ang korny. Dapat alam mo din yon"

"Malay mo tinetesting lang kita sa pagiging korny ko" banat ni Onofre. "Hahahaha
ewan ko sa iyo basta masaya kang kasama" sabi ng dalaga kaya pareho silang
napatigil.

"O bakit tahimik ka?" tanong ni Shirley. "Sunduin kita bukas?" tanong ng binata sa
nanginginig na boses. "Hmmm sige, three sa back gate" sagot ni Shirley. "Okay" sabi
ni Onofre saka ngumiti kaya ang dalaga sumimple saka dumikit konti sa binata saka
ngumiti narin.

-----------------------------------------

Masakit? Awwwww....hahahaha

Last na ba ito? Depende sa mga kaibigan nating walang puso :)

=================

Chapter 33: Bagyo

Chapter 33: Bagyo


Isang maulan na araw sa bahay nina Dani nagpipigil ng tawa si Sarah pagkat
nagwawala si Nina na parang maliit na boss. "Okay Nins one more time" sabi ni Dani
saka pinatugtog yung isang kanta.

"Whoooo whoooo" birit ni Nina saka kumanta si Dani. Sumigaw yung bata saka tinakpan
bibig ng nanay niya kaya si Sarah super halakhak. Daldal ng daldal si Nina na tila
pinapagalitan ang kanyang ina kaya si Dani nagsimangot. "Anak ha, dapat
kinakampihan mo ako" sabi ng dalaga.

"You never learned how to sing" sabi ni Sarah. "Wow thanks a lot ma ha. Bakit kasi
di niyo ako tinuruan?" tanong ni Dani. "Di rin ako marunong, daddy mo ang marunong"
sabi ni Sarah. "Wag niyo ako idadamay diyan, ayaw ko makurot ni Nina" sabi ni
Martin.

"Dadi ikaw nga. Please dad" sabi ni Dani kaya tinignan ni Nina ang kanyang lolo.
"Lolo whoooo" sabi ni Nina kaya natawa na si Sarah. "Di ko kabisado yang kanta"
sabi ni Martin. "Kinakanta mo nga non stop bago tayo matulog" sabi ni Sarah kaya
natawa si Dani. "Okay, sige start mo" sabi ni Martin.

Nagsimula na si Nina, sina Dani at Sarah napapangiti pagkat bumirit bigla si


Martin. "Nooooooo" sigaw ni Nina saka kinurot lolo niya sa kamay. Nakarinig sila ng
busina, si Nina nanlaki ang mga mata niya saka napatingin sa nanay niya. "Nof mama"
bigkas ng bata. "No baby, malakas yung bagyo kaya tito Nof cannot come" sabi ni
Dani.

"Si Nof" sabi ng kasambahay nila, "Oh my God" bigkas ni Dani. "Omaygaaaaa! Nof!
Nof!" sigaw ni Nina saka tumakbo papunta sa pintuan nila. Paspas si Dani sa may
bintana, nakita niya yung binata na may hawak na sobrang laking payong.

"Ate paki bukas please" sabi ng dalaga. "Why is he here? Ang lakas lakas ng bagyo"
sabi ni Martin. "I don't know, wala naman siya sinabi sa akin" sagot ni Dani na
tumakbo paakyat ng bahay habang si Nina hinila lolo niya para samahan siya pumunta
sa pintuan.

Binuhat ni Martin si Nina saka nag antay sila sa may pintuan, ang bata nagsisigaw
na nang makita si Onofre na papasok ng gate. "Ay di siya basa" sabi ni Dani na
pasimple na tinago yung twalya sa likuran niya. "Good morning po" bati ni Onofre.
"Nof why did you come? Ang lakas ng bagyo" sabi Martin.

Di nakasagot yung binata pagkat nagtitili si Nina at gustong magpabuhat sa binata.


"Wait Ninny fix ko muna payong ko ha, ay mauna na kayo sa loob habang mainit pa
yung mga cinnamon" sabi ng binata. "Oh look Nina, he brought food" sabi ni Martin.

"Nof grabe bumabagyo ha" sabi ni Dani saka inabot yung twalya sa binata. "Hindi ako
basa" sabi ni Nof pero ang dalaga lumapit at pinunasan noo ng binata saka sinabit
yung twalya sa likuran nito. "Salamat, malapit lang naman kasi kina ate papunta
dito so I said why not. Bored ako don e" sabi ng binata.
"Bored? Bakit nasan ate mo?" tanong ni Dani. "She went to work" sabi ni Onofre.
"Work? Ang lakas ng bagyo" sabi ng dalaga. "Dani di pa siya boss like your parents"
bulong ng binata. "Oh sorry" sabi nI Dani.

Pagdating sa dining area napasimangot si Dani nang makita anak niyang madungis ang
bibig. "She loves it" sabi ni Martin. "Nof this is delicious" sabi ni Sarah. "Sige
lang po habang mainit kasi malapit sa place ni ate may shop that specializes on
cinnamon. Favorite niya yan actually" sabi ni Onofre.

"Pinapataba mo naman kami ni Nina e" reklamo ni Dani saka tumikim. "Mama" hiyaw ng
bata saka nilayo yung plato kaya nagtawanan ang lahat. "Ay ang damot" sabi ni Dani.
"Madami naman e, two dozens yan. Pag lumamig reheat nalang later bago kainin" sabi
ni Onofre. "So is your ate okay now?" tanong ni Dani. "Okay naman na kaya lang
takot kasi pag bumabagyo"

"So I am staying with her hanggang lumipas yung bagyo. Twenty minutes drive from
her place to here" sabi ni Onofre. "Balita ko sunod sunod daw na bagyo" banat ni
Dani. "Oo nga e pero lilihis naman daw yung isa. So instead of being along sa place
ng ate ko dito muna sana ako" sabi ng binata.

"Sure, you are welcome here anytime" sabi ni Sarah. "Hala anak, hinay hinay" sabi
ni Dani. "I think we found a new favorite for her" sabi ni Martin. "Hala mauubos na
niya yung isa" sabi ni Dani. "Hayaan mo na, let her eat" sabi ni Onofre. "Baka
tumaba siya grabe" sabi ni Dani.

"She is just a kid, let her be. Mas maganda na yung healthy baby kesa sa payatot.
Sige lang Ninny, sarap diba" lambing ni Onofre. "Rap" sabi ng bata saka nagpasubo
ulit mula sa lolo niya. "Baka hanap hanapin na niya yan later on" sabi ni Dani.
"Then I will be here to bring more" sagot ni Onofre kaya napangiti si Sarah.

"Why don't you go to Nof and lolo will eat also" sabi ni Martin kaya lumipat si
Nina sa binata. "Hahahaha did you see her? Ang sama ng tingin sa iyo" sabi ni
Sarah. "Oo nga e, grabe ka anak iuurong ko lang plate mo" sabi ni Dani. "Ninny
water, come on" sabi ni Onofre. "She does not know how to drink from the glass yet"
sabi ni Dani.

Lumapit yung kasambahay para magbigay ng straw pero tinanggihan ito ni Onofre. "She
will drink from the glass. I got this" sabi ng binata. "Ninny drink" sabi ni Martin
saka uminom yung matanda mula sa baso. Si Onofre uminom din mula sa baso kaya ang
bata tila hinahanap yung straw.

"Water" sabi ng bata pero nilapit ni Onofre yung baso. "Here" sabi niya. "Come on
baby" sabi ni Onofre saka nilapit yung baso sa bibig ng bata. "Sip konti" sabi ng
binata kaya sumubok yung bata. "Hala natapon" sabi ni Dani saka dumikit para
punasan bibig ng anak niya.

"Wag mo pansinin kahit natapon, she will think its wrong. Let her learn" sabi ni
Onofre na sumubok ulit. Nakahigop konti si Nina kaya pumalakpak sina Sarah at
Martin. Ang bata naaliw kaya tinignan yung baso. "Water pa?" tanong ni Onofre at
nag nod yung bata.

Medyo maingay yung paghigop, magrereact sana si Dani pero tinignan siya ng binata.
"Hayaan mo lang" sabi niya kaya paglunok ni Nina palakpakan ulit ang lolo at lola
niya. "Very good girl, now we eat again" sabi ni Onofre. Todo ngiti si Dani na
titig na titig sa binata, "Very good girl" sabi niya saka tinuka ang anak niya sa
pisngi.

"Nof ano?" tanong ng bata saka tinignan yung pagkain. "Cinnamon" sabi ng binata.
"Samon" bigkas ng bata kaya natawa ang lolo at lola niya. "Cin na mon" sabi ng
binata. "Samon" banat ni Nina kaya natawa yung binata at agad nakitawa yung bata.
"Kumain ka nalang nga" sabi ni Onofre kaya si Dani yung natawa.

Ilang minuto sa salas tinatambol ni Onofre yung tiyan ni Nina kaya ang bata tawa ng
tawa at tili ng tili. "Ang laki laki ng tummy, happy bulate" sabi ni Onofre.
"Excuse me wala siya bulate" sabi ni Dani. "Di ko naman sinabi meron siya, diba pag
malaki tyan ang joke e puno ng bulate" sabi ng binata.

"Ah okay. Buti maaga sila nag suspend ng classes no" sabi ng dalaga. "Yeah, medyo
napuyat ako kasi kachat ko si Shirley" sabi ng binata. Nagbago ang mood ni Dani
pero tumabi siya sa binata saka tinitigan ito. "Oh so kayo na ba?" tanong ng
dalaga. "Hindi no pero...ayaw ko paunahan baka maudlot but we are getting closer"
kwento ng binata.

"Congrats" sabi ni Dani kaya tinignan siya ng binata. "Bakit parang pilit?" tanong
ng binata. "Huh? Anong pilit, sabi ko congrats kasi diba super crush mo siya?" sabi
ni Dani. "Kyaaaaas?" bigkas ni Nina saka pinasikat relo niya. "Yes Ninny we are
talking about Shirley" sabi ni Onofre.

"Ligawan mo na" sabi ni Dani pero nagulat ang dalaga nang sumandal yung binata sa
kanya. Nanigas si Dani nang hiniga ng binata ulo nito sa kanyang balikat. "Hay, wag
muna. Pag ready na siya siguro kasi parang she just misses her ex and maybe ako
lang yung nandon kasi" sabi ng binata.

"Well at least make your intentions clear" sabi ni Dani. "She just needs a friend
for now so I will be her friend. Diba Ninny, big tummy badum badum badum" sabi ng
binata saka pinagtatambol namanan tiyan ng bata. Tawa ng tawa si Nina, si Dani
mixed emotions habang tinitigan yung mukha ng binata.

"Turuan kita manligaw kasi NBSB ka e" banat ni Dani kaya natawa si Onofre. "Excuse
me, porke ganon ako marunong din ako" sabi ng binata. "Zero winning percentage nga
lang" hirit ni Dani. "Aray ko ha, pero I might take your offer" sabi ng binata kaya
nalungkot lalo yung dalaga.

"Teka nga, dito lang kayo" sabi ni Dani saka umalis. Pagbalik ng dalaga dala niya
yung coloring book at crayons. "Nof color" sabi ng bata saka agad siyang dumapa sa
rug. "Marunong siya?" tanong ng binata. "Hindi, she just watches me. Wala ako sa
mood so ikaw nga" sabi ni Dani.
Dumapa si Onofre sa tabi ni Nina, "Ay grabe manonood lang talaga siya?" tanong
niya. "Yup, kasi sinisira niya lang yung crayons" sabi ni Dani. "Okay Ninny lets
see, this one? Lets color this one" sabi ng binata. "Tree" bigkas ng bata. "Very
good" sabi ng binata.

Nagsimulang magkulay si Onofre, si Dani tulala at nagpipigil ng tawa kaya tinignan


siya ng binata. "What?" tanong niya. "Wala lang" sabi ng dalaga kaya tinuloy ng
binata ginagawa niya. "Nof o" sabi ni Nina pagkat medyo malabnaw yung pagkulay sa
isang parte ng puno. "No Ninny, kasi we have to leave different shades so that it
will be realistic" sabi ng binata at doon na natawa si Dani.

"Bakit?" tanong ng binata. "Para kang babae magkulay" sabi ni Dani. "Tsss...what do
you expect, i have two ates. Now watch Ninny, look how I hold the crayon. Kailangan
ikutin mo din para di mapudpod pero ingat ka kasi minsan if nagturn ka medyo dark
yung unang salang so pag turn mo dapat doon mo siya ikulay sa parts na gusto mo
dark" sabi ng binata.

Nagpipigil talaga si Dani, si Nina naman nakikinig at naaliw sa pagkulay ng binata.


Dumapa narin si Dani pero sa tapat ng binata kaya napatigil si Onofre. "Excuse me,
you are distracting me" sabi ng binata. "Wala naman ako ginagawa" sabi ng dalaga.

"At sa tingin mo makakafocus ako sa pagkulay pag nakaharap sa aking magandang mukha
mo? Umayos ka nga Dani at dito ka nalang sa tabi ko" sabi ng binata kaya ang dalaga
super ngiti. Mala slow motion siyang lumipat sa tabi ng binata saka dumikit.

"Grabe seryoso" bulong ng dalaga. "Shhhh para mainspire si Ninny, do you know that
children do learn just by watching" sabi ng binata. "Mas magaling ka pa magkulay
kesa sa akin" sabi ni Dani. "Sa tingin mo I should start courting boys nalang?"
tanong ni Onofre kaya napahalakhak bigla si Dani at gumawa naman si Nina.

"May chance ba Nof?" landi ng dalaga. "Joke lang yon, oo madami ako feminine traits
because of my ates pero lalake ako no" sabi ng binata. "I know kasi hinalikan mo
nga ako e" biro ng dalaga. "Hahahaha oy it was an accident nga e, sabi ko na nga ba
di mo papakawalan yon e" sabi ng binata.

"Joke lang, ito talaga defensive agad" lambing ng dalaga. "Dani sorry talaga" sabi
ng binata. "Hey stop it. We already talked about it and accident or not basta ikaw
okay lang" sabi ng dalaga saka napalunok dahan dahan pagkat di niya alam bakit niya
nasabi yon.

Nagturo si Nina kaya nainis si Dani pagkat di na tuloy sumagot yung binata. "Oh you
want to color the cow next?" tanong ng binata kaya nag nod si Nina. "Eto ang masama
e, bakit sila magbebenta ng coloring books na may cows e wala naman ganitong mga
cow dito. Honestly I have never seen a cow in my whole life pero sa coloring books
ang dami"

"Dapat umayos ayos yung mga nagbebenta ng coloring books. Dapat naman realistic
based on our culture. Yung aso dapat askal din itsura kasi most often yun talaga
makikita ng mga bata. Diba?" sabi ni Onofre kaya super natawa si Dani.
"Moooo...moooo" bigkas ni Nina. "Very good Ninny, would you like to try?" tanong ng
binata saka inabot yung crayon pero umayaw yung bata. "Ano ka senyorita? Hoy Dani
nahahawa na anak mo sa katamaran mo" sabi ng binata. Lalong dumikit ang dalaga saka
hiniga niya mukha niya sa nakausling braso ng binata.

Biglang gumaya sa kabila si Nina kaya natawa si Onofre. "Pano na ako gagalaw
ngayon? Ha?" tanong ng binata. "Kaya mo, sige na tuloy mo" lambing ng dalaga.
"Dani" bulong ng binata. "Bakit?" tanong ng dalaga. "Bibigay na siya o, look at her
eyes nilalabanan nalang niya antok niya" bulong ng binata.

"Hayaan mo" sabi ng dalaga. "Pero ihiga mo naman ng tama para maganda tulog niya"
sabi ng binata. "Okay lang yan, she looks comfortable naman" sabi ni Dani. "Baka
aksidente ako gumalaw at magising...o yan na o..look" sabi ni Onofre pagkat pumikit
na talaga si Nina.

"Let her sleep" bulong ng dalaga. Hininto ng binata ang pagkulay saka pinagmasdan
si Nina. "Buti nalang carbon copy mo siya" sabi ng binata. "Ay teka lang, wait
here" sabi ng dalaga saka umalis.

Pagbalik ng dalaga may dala siyang maliit na kumot na pinantakip niya sa lower body
ng anak niya saka bumalik sa tabi ng binata. "This is my album, wag kang tatawa"
sabi ng dalaga. "Wow, sabi ko na nga e, parang si Nina lang o" sabi ni Onofre.
"Excuse me ako ang original" sabi ni Dani.

"Wow naman, naiimagine ko na si Ninny habang lumalaki. Ano grade mo diyan?" tanong
ng binata. "Grande one, I was the tallest in my class" sabi ng dalaga. "Oo nga e,
super ngiti ka pa. Maganda ka na pala noon" sabi ni Onofre. "Inborn nga e, o eto
pa" sabi ng dalaga.

Pigil tawa si Onofre kaya kinagat siya ng dalaga sa braso. "What the hell did you
do to your hair?" tanong ng binata. "Tsk uso nga e, umuso non yung one length tapos
nagkamli yung gumugupit. I was so pissed kasi she had to cut it really short. As in
umiyak ako talaga kasi eeeh" sabi ng dalaga.

"Ah..pero nung tumubo na...ang ganda mo diyan ah" sabi ng binata. "Really?" tanong
ng dalaga. "Yeah, crush material" sabi ni Onofre kaya muling kumagat yung dalaga.
"Dani di ako nagbibiro, nagagandahan ako sa iyo diyan sa photo na yan" sabi ng
binata. "Bagay ko ba?" tanong ni Dani.

"Oo diyan sa photo na yan bagay tayo" biro ng binata kaya natawa si Dani ng malakas
saka kinagat yung binata. "High school ka diyan ano? Shit nasan ba ako noon?"
tanong ng binata. "With Sly" sabi ng dalaga. "Tsk oo nga no, siguro pag nakilala
kita noon malamang ikaw yung naging crush ko" sabi ng binata.

"Bolero, ingat sa pinagsasabi mo baka magalit si Shirley" sabi ni Dani. "Di ko


maintindihan kung she just misses her ex or nagiging close talaga kami. I don't
want to rush kasi ayaw ko naman maging panakip manhole" sabi ng binata. "Then just
be there for her, let it play out" lambing ng dalaga. Natense si Dani nang titigan
siya ng binata ng matagal. "Kung makatitig ka naman" bulong ng dalaga.
"Takot ako sumubok" sabi ni Onofre. "Ano?" tanong ng dalaga. "Yung nangyari sa amin
ni Sly, parang di naman ako directly nireject ata. I don't know, ngayon takot ako
if I try with Shirley baka doon na ako mareject. Of course you don't know what that
feels kasi babae ka, kayo yung nagrereject" sabi ng binata.

"Nof mas mahirap din sa aming girls, may times din na may gusto kaming guy pero as
a girl di naman kami like guys na magpakita ng intensyon or go to him and tell him
I like him" sabi ng dalaga. "Yeah I know what you mean, mga ate ko ganyan din,
funny kasi may guys na patay na patay sila tapos they would gets o pissed kasi di
sila pinapansin ganon" sabi ng binata.

"Exactly, or kahit pinapansin, kahit friend na pero as a girl you have to wait na
pansinin ka na niya, pansin na gets mo yon diba? Di tulad niyo na, its normal for
you to tell the girl you like her. Sa amin parang its wrong...di naman talaga wrong
pero basta parang...basta yon" sabi ng dalaga.

"Yeah I understand, bakit may ganon na ba sa iyo noon?" tanong ng binata. "Secret"
sabi ng dalaga saka tinitigan yung binata. Biglang dumikit yung binata at nagka
cheek to cheek ulit sila. "Eto sikreto lang ha, pero kaming guys alam mo laman ng
day dreams namin?" bulong ng binata.

"Ano?" sagot ng dalaga sa nanginginig na boses. "Na yung crush namin ang lalapit
tapos aamin na they like us" sabi ng binata kaya napatawa si Dani. "Oo, wag kang
tatawa pero ako ganon ako. Kasi naman if that happens it would be easier. Di mo
lang alam ang hirap namin para mag confess ng like or love for someone. Halos
umikot na bituka namin"

"Mababago talaga mundo namin, napaparanoid kami at ewan ko basta ang hirap. Kayo
parang ang dali lang kasi tradition-wise yung guys liligaw sa inyo so kayo mamimili
nalang kayo e" sabi ng binata.

"Kulit mo din, may times nga na meron na kaming gusto e" sabi ng dalaga. "Ay oo
nga, sorry naman" sabi ng binata. "Nof" sabi ni Dani kaya tinignan siya ng binata.
"I like you" sabi ng dalaga kaya natulala yung binata saka di nakagalaw.

"Hahahaha gagi, diba day dream niyo nga. Sabi mo kanina crush material ako sa photo
so ayan pinagbigyan kita sa day dream wish mo" kabig ng dalaga na natetense na
talaga. "Ah..oh..grabe ka naman Dani, wag kang ganon naman" sabi ng binata.

"Haha bakit ba? Ang drama mo kanina tapos may pabulong bulong ka na kaming guys ang
day dream namin e yung crush namin magsasabi na like kami" hirit ng dalaga. "Hahaha
I know but you cant do that to me" sabi ng binata na kinalungkot ng dalaga.

"I mean, wag ikaw magbibitaw ng joke na ganon kasi baka maniwala ako. Alam mo na
nga gandang ganda ako sa iyo tapos babanat ka ng joke na ganon. Hello!" bigkas ng
binata kaya ang dalaga napapangiti. "Nof" pacute ng dalaga. "Ano?" tanong ng
binata.
"I meant it..." sabi ng dalaga. "Huh?" tanong ng binata. "But you know what I mean
right? Right? Ah..diba nga. Basta yon" sabi ng dalaga saka lalo nalang dumiin sa
binata at naglambing. "Oh oo naman, I feel the same" sabi ni Onofre.

--------------------------

#HITandRUN

=================

Chapter 34: Sandalan

Chapter 34: Sandalan

Isang maulan na araw sa loob ng isang mall biglang nagtago si Shirley sa likuran ni
Onofre. Lumingon yung binata pero kumapit yung dalaga sa shirt niya sa likuran saka
siya hinihila papunta sa isang tabi. "Uy whats wrong?" tanong ni Onofre.

"Basta tara don dali" sabi ni Shirley. "No, bakit ba?" tanong ng binata. Niyuko ng
dalaga ulo niya saka sumentro para maitago siya ng katawan ng binata. "Tsk nandyan
sila" sabi ng dalaga. Lumingon si Onofre saka tinignan yung bawat mag nobyo na
dumadaan. "Saan?" tanong niya.

"Doon sa tapat ng bookstore" sabi ni Shirley. "Wow ha, matang lawin ka? Ang layo pa
nakita mo na. O baka naman naka on pa GPS ng niya sa puso mo" banat ni Onofre kaya
natawa yung dalaga. "Tara na, akyat nalang muna tayo sa second floor" sabi ni
Shirley.

"Shirls ano ba talaga? Bakit ka nagkakaganyan?" tanong ng binata. "Basta ayaw ko


sila makita" sabi ng dalaga. "Sa inaasta mo para bang ikaw yung may sala. He
cheated on you. Sorry ha I never experienced a break up pero sa tingin ko hindi
naman ata tama yan" sabi ng binata.

"Basta can we just go upstairs" sabi ng dalaga. "No, tara" sabi ng binata. "Nof
naman e, please naman o" sabi ni Shirley. "Ano ba talaga? Gusto mo mag move on?
Tara humarap ka don o baka natatakot ka kasi mahal mo parin siya" sabi ng binata.

"Hindi na no" sabi ng dalaga. "O yun naman pala e, tara. Ano ba masama if magkita
kayo? Tara, ako bahala sa iyo" sabi ni Onofre. "Nof please, wala din naman ma
accomplish if we do this" sabi ng dalaga. "Meron, face the problem head on nga e.
Ayaw mo lang kasi baka paglapit sa kanila bigla mo siya yakapin at paghahalikan"
sabi ni Onofre.

"Kadiri ka, baka buntalin ko pa" sabi ni Shirley. "Ayan, tara tara" udyok ng binata
kaya natatawa si Shirley pero labis na natetense. Habang papalapit sa bookstore
nanganatog na mga tuhod ng dalaga, "Shirls aakbayan kita" sabi ni Onofre.

"Ha?" tanong ng dalaga. "Aakbayan kita" sabi ng binata saka inakbayan agad ang
dalaga. "Don't bow your head, poker face ka. Look at them straight on. Be civil and
smile, if you cannot then poker face ka lang. Kung pinansin ka pansinin mo din pero
wag ikaw ang unang mag initiate" sabi ng binata.

Pagkalapit sa bookstore natense si Shirley pagkat nakita na siya ng ex niya. Maski


yung bagong nobya nung binata tinignan si Shirley. "Uy bigkas nung lalake, bago
makasagot si Shirley binangga ni Onofre yung kalahiting dibdib nung binata. "Hey"
bigkas nung lalake.

Mala slow motion yung pagtingin ni Onofre sa kanya, "What? You are partially
blocking the entrance" sabi niya saka humarap na nagtuloy ng lakad tangay tangay si
Shirley. "Wag kang lilingon, diretso lang tingin as if they don't matter" bulong ng
binata kaya si Shirley medyo napangiti.

Sa isang section sila tumigil kung saan natatanaw yung entrance. Pacute na sinuntok
ni Shirley sa tiyan yung binata kaya si Onofre napatingin. "What?" tanong niya.
"Loko loko ka" sabi ng dalaga. "O bakit tama naman ako ah, nakaharang siya,
tinatamad ako umurong e" sabi ni Onofre.

"Siya una pumansin, di ako naka reply man lang" sabi ni Shirley. "O you wanted to
reply? Tara reply ka samahan kita" sabi ng binata. "Wag na, pero honestly it felt
good" sabi ng dalaga. "Seeing him?" tanong ng binata. "No, what you did" sabi ni
Shirley saka natawa. "Really? Para sa iyo yon pero alam ko kulang yon"

"Gusto mo saktan ko talaga siya?" hirit ng binata. "No, basta it felt good. Di ko
maexplain e. So now what? Nandon parin sila sa entrance" sabi ni Shirley. "Yun na
nga e, pasubo din mga yan. Bili nalang tayo ng coloring books, ireregalo ko kay
Ninny at Karlo ulit. Oh educational book siguro" sabi ng binata.

"Tinitignan ka" bulong ng dalaga. "Really? Ang style diyan e I should look tough.
Kumusta pose ko? Mukha ba akong tough guy?" tanong ng binata saka pinalaki konti
katawan niya. Nagtakip ng bibig ang dalaga saka tinungo ang kanyang ulo. "Urong
tayo dito para nakikita ka din, tumawa ka din naman para malaman niya kaya kita
patawanin"

"Alam na niya I can protect you, naramdaman na niya kapangyarihan ko" banat ni
Onofre kaya natawa talaga si Shirley. "Ganyan, para naman mapikon siya. Huh gawa
kaya ako book? Moving On Guide by Onofre"

"Kaya ko naman magpanggap na expert e. Tignan mo ang daming Feng Shui experts bigla
e. Kaya ko din naman ginagawa nila. Pala ikaw swirti lagay ka magic balls sa bulsa
kasi kulang swirti danggling balls mo. Wag masyado maraki baka isipin nira may
tumor ka"

"At baka maragrag ang pantaron mo" banat ni Onofre at napahalakhak talaga si
Shirley kaya halos lahat ng nasa loob ng book store napatingin sa kanila. "Para
paraan lang yan" banat ni Onofre na humaplos sa likod ng dalaga saka inakbayan ito
kaya lalong natawa si Shirley.

Ilang minuto lumipas paglabas nila ng bookstore tumigil si Onofre sa may entrance.
"Wala na sila" sabi niya. "Kanina pa sila umalis nung nagbabayad tayo, inaantay
pala nila yung isang friend namin" sabi ng dalaga. "Oh, yang friend na yan
pinapansin mo pa?" tanong ng binata.

"Di na kasi mas loyal yon sa kanya e" sagot ng dalaga. "Yan din marihap pag may
break ups ano? Parang kawawa yung mga kaibigan kasi di nila alam saan kakampi. So
how are you feeling?" tanong ni Onofre.

"I am fine" sabi ng dalaga. "Be honest, you just saw your ex and the girl he chose
to replace you" sabi ni Onofre. "Syempre masakit parin kahit paano" sabi ng dalaga.
"Ayan now you are honest, siguro kailangan mo din yon para lalo mo matanggap" sabi
ng binata.

"I know" sabi ni Shirley. "Tignan mo ako, pagka surprise sa akin aba I had to stay
at the same cottage with them. O diba? Pwersahang move on pero magkaibang level
naman yung atin. Sa iyo real break up, sa akin ewan ko ano tawag don" sabi ni
Onofre.

"Hay hayaan mo na, I am fine" sabi ni Shirley. "Pero ang gwapo pala ng ex mo" sabi
ng binata. "Di naman masyado" sabi ng dalaga. "Grabe ka naman, di pa masyado yon so
ano na ako? Pangit na ako ganon?" tanong ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

"Wow tumawa pa, di makapagsabi ng katotohanan kaya dinaan nalang sa tawa" sabi ni
Onofre. "Gagi, you are funny. You are mabait" landi ng dalaga. "Salamat ha, you are
too kind" sabi ni Onofre. "Baliw, gusto mo naman kasi marinig na sabihin ko gwapo
ka" sabi ni Shirley.

"Syempre, boost sa confidence din namin yon. Parang kayo din mga babae, gusto niyo
din lagi nasasabihan na maganda kayo. Mga ate ko ganon e, dami ko natutunan sa
kanila actually" sabi ng binata. "Oo na, sige na. O ano happy ka na?" sabi ng
dalaga.

"Wag mo pilitin sarili mo" sabi ni Onofre. "Di pilit yon, uy totoo ba yung balita
na ililibre mo daw ako?" tanong ni Shirley kaya natawa yung binata. "Saan mo
narinig? Di ako updated sa mga chismis" sagot niya. "Ay baka nga sabi sabi lang
talaga. Grabe nag expect pa naman ako" pacute ng dalaga kaya lalong natawa si
Onofre.

"What do you want to eat ba?" tanong ng binata. "Hmmm do you know a place where
they serve adobong atay?" tanong ng dalaga kaya nagulat yung binata. "Meron pero
you might not like the place" sabi ng binata. "Sige na tara na, nakakatikim ako non
pati na yung bopis" sabi ng dalaga.

"Hoy pinagloloko mo ba ako?" tanong ng binata. "No, why?" tanong ng dalaga.


"Paborito ko mga yon e" sabi ng binata. "Huh? Really?" tanong ni Shirley. "Oo, two
of my favorites yan. How did you know?" tanong ng binata. "Hello! Pano ko naman
malalaman yon. Duh" sagot ni Shirley.

"Stalker ka ano?" biro ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Sabihin mo lang kung
ayaw mo manlibre" sagot ng dalaga. "Gusto pero grabe naman na coincidence yan. Two
of my favorite foods yan e" sabi ng binata. "E di sa iyo na, solohin mo. Apply ka
ng trademark para iyong iyo na sila" banat ni Shirley.

"Okay sorry, nakakagulat lang" sabi ni Onofre. "So ano may alam kang place o wala?
Manlilibre ka o hindi?" banat ni Shirley. "Hahaha I like you being bossy, you
remind me of my ates kasi sobrang bossy sila" sabi ng binata. "That is how my
friendship goes, take it or leave it. Ano maghahanap ako ng iba?" hirit ni Shirley
kaya tawang tawa si Onofre.

Sa loob ng isang simpleng kainan sila napadpad. Naunang kumain si Shirley kaya
super ngiti ang binata. "Wow" bigkas niya. "O ano?" tanong ng dalaga. "Fitness buff
ka, di ka worried sa kinakain mo ngayon?" tanong ni Onofre. "Nope, ah wait kasi
liver ganon ba? Ang next na sasabihin mo is nagpapataas ba siya ng blood pressure?"

"Kahit anong food nagpapataas ng blood pressure tandaan mo yan. Usually after you
just ate mataas blood pressure mo kasi busy ang mga laman loob mo na process ng
food and stuff. They say if you eat liver tataas dugo mo, grabe ka isang kainan
lang no, if inaraw araw mo tapos three times a day ayan delikado ka talaga. Like
some patients na mababa dugo, hala sige kain agad malunggay then later complain na
hindi pa din daw tumataas dugo"

"Duh, as if nakukuha yon sa isang kainan. Tapos mga maarte, iwas sa lechon kasi
high blood. In moderation its okay, pero pag inubos mo buong baboy then goodbye"
pacute ng dalaga kaya natawa si Onofre. "Ako matakaw ako, di naman ako tumataba"
sabi ng binata.

"Tumaba ka konti" sabi ni Shirley kaya nagulat ang binata. "Really?" tanong ni
Onofre. "Yes, dati nakikita ko purong puro cheekbones mo, ngayon parang may padded
layer ng fat na siya" sabi ni Shirley. "Shit, di nga?" tanong ng binata.

"Yup, so for sure lumaki din tummy mo or basta tumaba ka konti" sabi ng dalaga.
"Pero okay lang naman ako right?" tanong ng binata. "Oo naman kasi nilibre mo ako
e" banat ni Shirley kaya natawa ng husto si Onofre. "Don't worry too much, I
noticed naman mahilig ka maglakad which is good kahit na may kotse ka. Kasi yung
ibang kilala ko porke nagkakotse lang ayaw na maglakad which is bad" sabi ni
Shirley.

"Salamat kay elder ate, siya yung nagturo sa akin na maglakad for at least thirty
minutes a day. Sabi nga niya sundin ko daw yung ten thousand steps pero tamad ako
magbilang. Teka, nakapag bike ka na ba? As in sa trail?" tanong ni Onofre.
"Di pa nga e, nakakainis na weather kasi ito. Imbes na magbike ako ikaw lagi kasama
ko" banat ni Shirley. "Aray ko po" sagot ng binata. "I am not saying its bad,
actually masaya nga e. Wait, do you play table tennis?" tanong ng dalaga. "Ah..i
tried pero di ko siya type" sabi ng binata. "Hmmm how about badminton?" tanong ni
Shirley.

"Natry ko narin yon kasama si Sly" sabi ni Onofre. "You wanna try it? Kasi
nagyayaya si Bianca. Yun ang sport niya kasi e" sabi ni Shirley. "Me against her?"
tanong ng binata. "Gagi syempre mag partner tayo. Tapos si Bianca at pinsan niya"
sabi ng dalaga. "Tara! Kailan yan?" tanong ng binata sa tuwa.

"Usually Sundays siya nagyayaya e pero sometimes Wednesday ng hapon" sabi ni


Shirley. "Sige tara, pero wala ako racket" sabi ni Onofre. "Okay lang yon, hihiram
tayo sa kanila" sabi ng dalaga. "Wait, don't tell me you play table tennis din"
sabi ng binata.

"He plays it, he taught me" sabi ni Shirley. "Oh so you miss playing table tennis?"
tanong ng binata. "No, natanong ko lang ano. Ikaw wala ka ba talaga sport?" tanong
ng dalaga. "Wala e, usually ang mga laro namin is bilyar o kaya duckpin bowling,
alam mo yon yung maliliit na bola lang" sabi ng binata.

"Billiards hilig ng daddy ko yan so medyo marunong ako. Duckpin bowling I natry ko
na pero di ko siya type" sabi ng dalaga. "So marunong ka magbilyar?" tanong ni
Onofre. "Hmmm mahirap na magsabi, hamunin mo ako at tignan natin" sabi ng dalaga.
"Aba aba, wag ako Shirls kasi tumatambay kami dati sa mga bilyaran" pasikat ng
binata.

"Like I said that is my dads favorite past time" sagot ng dalaga. "Huh, mamaya then
tignan natin kung may ibubuga ka talaga" hamon ng binata. "Ingat sa paghahamon,
baka mapahiya ka lang" pacute ng dalaga. "Hahaha teka marunong ka so that means
walang chance na turuan kita, yung may akbay akbay ganon" landi ng binata.

"Hahahaha you wish. So ano laro mo straight? Eight ball or nine ball?" tanong ng
dalaga. "Wow, alam mo ha" sabi ni Onofre na nakikilit na ang utak niya. "Ilang plus
gusto mo? Plus ten? Name it" sabi ng dalaga. "Hahahaha ikaw ha, sige mamaya tignan
natin. Mag one game tayo tapos tignan ko ilang plus ibibigay ko sa iyo" sabi ng
binata.

Dalawang oras lumipas sa loob ng isang sports center kamot ulo si Onofre. "Four
all" sabi ni Shirley sabay ngisi. "Wow, pero madaya ka e, naka ilang touch move ka
e" sabi ni Onofre. "Wow ngayon lang mag rereklamo, pinagbigyan mo ako tapos reklamo
ka" pacute ng dalaga.

"Fine, pero bilib ako as in. Talo mo ako sa pagtira ng diresto lalo na yung long
shot. Damn, delikado kang kalaban pag diretso ang tira" sabi ng binata. "Ano tara,
dami mo pa satsat, irack mo natalo ka e" sabi ni Shirley. "Hahaha ang yabang o,
pahirapan nga kita. Di ako mag iiwan ng diretso" sabi ni Onofre.

"To naman masyadong seryoso" tampo kunwari ng dalaga. "Uy joke lang, sige tara laro
lang" sabi ni Onofre. "Madali lang naman yung diretso, maya turuan kita para
matsansingan kita" banat ni Shirley kaya super natawa ang binata. "Pero Shirls
bilib ako, as in hands down bilib ako" sabi ni Onofre.

"Si papa talaga ang magaling. He can do the shot where the mother ball goes to
reverse. Tulad ng ginawa mo kanina. He tried to teach me pero lumilipad yung mother
ball ko, foul daw pag ganon e" sabi ni Shirley.

"Madali lang yon, tisa ka muna kasi then...maya turo ko sa iyo" sabi ni Onofre. "So
ano yan with tsansing moments ba?" landi ng dalaga kaya laugh trip sila. "Baliw, I
will never do that to you. Honestly sa magbabarkada ako yung weakest maglaro nito,
if matalo ko sila dahil sa tsamba" sabi ni Onofre.

"This is fun. If you want we can do this often" sabi ni Shirley. "Really? Trip mo
talaga ang ganito?" tanong ng binata. "Yeah, pero next time wag dito kasi ang mahal
mahal dito no. Overpriced naman masyado dito. If you other places pero sana wag
yung mausok" sabi ni Shirley.

"Sige" sabi ng binata. "Nof, mas malakas ka so ikaw magbreak para sa akin" pacute
ng dalaga. "Ay madaya yan ah" sabi ng binata. "Sige na, mas malakas break mo e.
Aaralin ko pano magbreak, baka mamaya lumipad nanaman mother ball papunta sa next
table nakakahiya na" sabi ni Shirley. "Okay pero pag may mashoot score ko yon ah"
banat ni Onofre.

"Mine" pacute ni Shirley kaya napakamot ang binata. "Fine, oo don't worry di ko
dadayain" sabi ni Onofre saka tumira. "Ayan kalat kalat pero wala kang nashoot.
Nakakainis ka, naka linya pa sa butas yung and fifteen, eeehh Nof ako titira" sabi
ng dalaga.

"Oy pinabreak mo lang, wala nashoot so ako na" sabi ng binata. "Noooofff...nandon
na sa butas yung fifteen e...pleae" lambing ng dalaga kaya huminga ng malalim ang
binata saka inuga ang kanyang ulo. "Yes, thank you Nof" sabi ni Shirley.

Sa loob ng kotse pinapasikat ni Shirley yung photo ng final score kaya si Onofre
natatawa. "Twelve-ten, madami ka pang kakainin na bigas" sabi ng dalaga. "I had so
much fun" sabi ni Onofre. "Of course you did kasi panay ang titig mo sa pwet ko
while tumitira ako" biro ng dalaga kaya laugh trip sila.

"Di ako ganon" sabi ni Onofre. "Ay di ka ganon? Ako ganon ako. Ang cute ng pwet mo
nga e. Muntik ko na pinalo at kinurot kanina" sabi ni Shirley kaya super halakhak
si Onofre. "I had fun" sabi ni Shirley. "Me too, nachachallenge ako" sabi ng
binata.

"Eto nag react si Bianca sa post ko" sabi ni Shirley. "Ano sabi niya?" tanong ng
binata. "Cute daw ng pwet mo" sabi ni Shirley. "Huh? Ano ba pinost mo?" tanong ni
Onofre. "Photo of you while you were taking a shot" sabi ni Shirley. "You took a
photo? Why would you do that?" tanong ng binata.

"Kunwari lang yon, pero sa totoo gusto ko ipasikat yung pwet mo. Para paraan nga e"
sabi ni Shirley. "Hokage ka!" sigaw ng binata kaya nagtawanan sila. "Wait lang,
naglaro kami billiards. Pauwi na" bigkas ng dalaga habang nagtetext. "Si Bianca?"
tanong ng binata.

"Nope, dad ko asking nasan ako" sabi ni Shirley. "Hala, bakit late na ba? May
family outing kayo?" tanong ni Onofre. "No naman, ganon siya. He asks where I am
from time to time lalo na ngayon he knows I am out with a guy" sabi ni Shirley.

"Oh.." bigkas ng binata. "Dont worry too much no, ganyan din siya nung we were
dating" sabi ni Shirley. "Oh so pag dumami na dates natin masasanay na siya ano?"
banat ni Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga.

"O bakit?" tanong ni Onofre. "Wala, naaliw ako sa iyo. Strict si daddy, aaminin ko
ininstalk na niya profile mo" sabi ni Shirley. "Ha? Kilala na niya ako?" tanong ng
binata. "E kasi I left my laptop open tapos nagulat ako nakaupo na siya tapos
nagbrowse sa FB ko"

"Okay lang ako sa ganon kasi wala naman ako tinatago sa kanya. Tapos nakita niya
photo natin, nakita niya yung name mo sa tag so nagclick siya then ayon he checked
your posts" sabi ng dalaga.

"Oh my God, ano nakita niya?" tanong ni Onofre. "Wala naman, as in nagbrowse lang
siya then tumayo na siya, he kissed me sa cheek then lumabas ng room ko" kwento ni
Shirley. "Oh my God, tinatakot mo naman ako" sabi ni Onofre.

"Hahaha baliw, siguro ganon lang ang mga daddy pag nahihiya silang magtanong. Wala
yon no" sabi ni Shirley.

-----------------------------

Oh no...si Shirley na kaya?

=================

Chapter 35: Tita Pat

Chapter 35: Tita Pat

Sabado sa isang hallway sa isang condo unit residences naglalakad sina Onofre, Nina
at Dani. "Sana naiwan nalang kami sa car" sabi ng dalaga. "Okay lang yan, mabait
ate Pat ko and I wanted to show you the view from her unit" sabi ng binata.

Tumapat sila sa isang pintuan, kumatok agad si Nina kaya nagulat si Dani. Bumukas
agad yung pintuan, isang magandang babae ang agad sumigaw saka lumuhod at
pinagkukurot yung pisngi ni Nina. "Hello there baby.." sabi ni Patricia saka
nagbaby talk kaya tumawa agad agad si Nina.

"Wow" bulong ni Dani sa gulat pagkat yumakap agad agad anak niya kay Patricia.
"Ate" sabi ni Onofre. "Uy hello" sabi ni Patricia na agad tumayo karga karga si
Nina. "Ate eto si Dani and that is Ninny. Dani this is my eldest ate Patricia" sabi
ni Onofre.

Nakibeso si Patricia kaya si Nina nagtaka at biglang gumaya. Super natawa si


Patricia pagkat dinidikit ng bata yung pisngi niya sa kanyang pisngi. "Oh my God
she is so adorable" sabi ni Patrica. "Omaygaaaa" bigkas ni Nina kaya lalong natawa
si Patricia.

"Come in, ang aga niyo naman. Sorry pala if I ruined your date ha. Yung car ko kasi
na bago di pa binigay ng company e" sabi ni Patricia. "Ate we are not going on a
date, lalabas lang kami" sabi ni Onofre pero di na siya pinansin ng ate niya at
dinala si Nina sa may malaking bintana.

"Buildings, so many buildings" sabi ni Patricia kaya lumapit narin sina Onofre at
Dani. "Mas maganda sa labas pero I will not allow you to bring her with your. Wag
din muna kayo lumabas sa balcony baka she might want to follow. Naku delikado na"
sabi ni Patricia.

"Ate magbihis ka na" sabi ni Onofre. Muling nadedma ang binata, dumiresto si
Patricia sa kusina saka naglabas ng chocolate mula sa ref. "Sorry ha ganyan talaga
yan. Pag nasa bahay yan solo niya si Karlo" kwento ni Onofre.

Basta nalang sinama ni Patricia si Nina sa kwarto niya kaya napakamot yung binata.
"Sorry talaga" sabi niya. "Okay lang, pero ang ganda ng place niya. Maganda ba dito
pag gabi? I mean makulay yung view?" tanong ni Dani. "Yeah at first okay siya pero
pag nasanay ka na it gets boring"

"Tara upo muna tayo" sabi ni Onofre. "Alam ko mahal ang place na ganito e" bulong
ni Dani. "Oo nga, nagtalo nga kami e, sabi ko dapat bahay nalang. She said dual
purpose ito, its closer to work and then if ever nagka family siya ito pwede
iparent or ipalease. Basta talo ako sa usapan namin" sabi ng binata.

"Malaki siguro sweldo ng ate mo" bulong ni Dani. "Yeah, matalino kasi yan tapos may
masters degree pa. Some say dahil daw sa parents ko kaya nakuha niya pwesto niya so
si ate she wants to prove them wrong" sagot ng binata. "Ah sabagay" sabi ng dalaga.

"Kaya lang they recalled her old company car, di pa dumating yung bago. Sabi ko nga
palit kami pero di daw pwede baka kasi hanapin daw sa kanya. She chose the Ford
Ecosport nab ago, ang ganda as in" sabi ng binata. "Yeah I saw that too dati, I
find it cute na SUV" sabi ni Dani. "Sana isang araw ganito din ako, I mean may nice
work din ako para mabili ko din mga gusto ko on my own" sabi ni Onofre.

"Mag asawa ka ng matandang mayaman na malapit na mamatay, yung cougar" biro ni Dani
kaya natawa yung binata. "Salamat sa inspiration ha" sagot niya. "Joke lang, may
tita akong single parin" hirit ni Dani kaya napakamot yung binata habang yung
dalaga tawa ng tawa.

Isang oras lumipas sa loob ng isang mall nahiya si Dani na kunin si Nina. "Oh can I
take her with me? Ninny you want to come with tita?" tanong ni Patricia. "Ate, baka
umiyak yan" sabi ni Onofre. "Hindi, akin na yang bag mo, is her change of diaper
there?" tanong ni Patricia.

"Yes" sagot ni Dani. "Akin na, take your wallet then akin na yang bag. Sige na you
two enjoy at kami naman ni Ninny ang mag date" sabi ni Patricia. "Ate" reklamo ni
Onofre. "What? I said go already. So baby where do you want to go? There? You want
to go there? Oh yes lets go there" sabi ni Patricia saka umalis nalang bigla dala
si Nina.

"Ano ba yan?" bulong ni Onofre. "Its okay, Nins looks comfortable with her naman.
So I guess its just you and me" sabi ni Dani. "So where do you wanna go?" tanong ng
binata. "Advanced movie date?" tanong ng binata. "Oh yeah may bago diba? Tara lets
go see ano showing" sabi ni Dani.

Nakatayo sila sa tapat ng poster ng isang horror movie, "Ano?" tanong ng dalaga.
"Ewan ko, ikaw ba" sagot ni Onofre kaya nagbungisngisan sila. "Sabi nila this is
scary e" sabi ng dalaga. "Oo nga e, iba nalang" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani.
"Di sa takot ako ah, game ako diyan pero baka may mas maganda pa" sabi ni Onofre.

"You choose, kung ano gusto mo yun na" sabi ni Dani. "Okay then lets see" sabi ng
binata kaya habang naglalakad kumapit ang dalaga sa braso ng binata. "Actually wala
ako sa mood manood ng movie, ikaw gusto mo ba talaga?" tanong ng binata. "Not
really, wanna go window shopping instead?" tanong ng dalaga.

"Sure tara, pero teka I am planning to buy Ninny her own bed na" sabi ng dalaga.
"Really? Tara meron store dito nagbebena ng ganon" sabi ng binata. Ilang minuto
lumipas sa loob ng home depot pareho sila nakaupo sa isang maliit na kama. "Think
long term, this bed is for the size of...yeah kids but kung bibili ka narin lang e
di long term na diba?" sabi ni Onofre.

"Teka di pa ata ako ready for her having her own bed. Saka na ata" sabi ni Dani.
"Okay, canvass nalang tayo ng bagong sofa set niyo kasi yung sofa niyo lubog na"
sabi ni Onofre. "Hahaha napansin mo pala. Last year sabi nila bibili ng bago then
nakalimutan, pag tamad si daddy sasabihin niya pwede pa daw"

"Lets go para masabi ko na kay daddy ano gusto ko" sabi ng dalaga. Habang namimili
ng sofa biglang nahiga si Onofre kaya natawa si Dani. "O bakit ang sama ng tingin
mo? Alangan na pag nabili saka nalang itesting. Dani okay ito, very comfy siya kaya
lang yung kulay ang pangit" sabi ng binata.

"Sir may iba kaming color, eto yung brochure" sabi ng salesman. "Sinabi ko lang yon
kasi ang mahal, may ibang kulay pala kaya Dani pangit ito" sabi ni Onofre saka
inakbayan yung dalaga para ilayo na ito. Tawang tawa si Dani habang si Onofre
nagmamadali na ilabas yung dalaga sa store.
"Ang loko mo" sabi ni Dani. "Ang mahal, grabe don sa isang mall may nakita ako mas
mura na ganyan. Overpriced naman masyado dito" sabi ni Onofre. "I know, pero that
sofa was good" sabi ng dalaga. "Yes it was, siguro sa kabilang mall e less five
thousand. O diba? Madami ka na mabibili sa five thousand no" sabi ng binata.

"Oh I know na, help me look for a good laptop nalang pala" sabi ni Dani. "Sure,
bakit sira na ba laptop mo?" tanong ng binata. "Tsk oo ata. Ang bagal na niya tapos
lagi naghahang na. Pwede pa naman pero yung old para kay Ninny nalang for her to
watch cartoons then yung new one para sa studies ko" sabi ng dalaga. "Good idea,
tara sa taas nandon yung shops for that" sabi ng binata.

Sa loob ng computer shop parang estatwa si Dani pagkat si Onofre nasa likuran niya
at isang kamay nakaakap sa kanyang tiyan. "Wag yan, pangalan lang yan. Wag kang
magpapauto sa name brand kasi ang binibili mo diyan yung name" bulong ng binata
kaya nakikiliti yung dalaga na nag nod.

"How big ba? You plant to bring it to school?" tanong ni Onofre. "Of course not,
pero if needed maybe. Basta yung sakto lang kung saan pwede ako mag browse, gumawa
ng reports of whatever" sabi ng dalaga sa nanginginig na boses.

"Ah okay, pwede na ang katorse or thirteen for that. At lagi mo tignan, dapat
minimum four gig na RAM, eto tignan mo mauuto ka kasi ang mura pero look no OS
meaning ikaw pa mag install ng OS which you will buy, additional five thousand din
yan ata" sabi ng binata.

Nod ng nod ang dalaga, sumandal siya ng husto saka napangiti. "Eto okay eto, kasi
look. Four gig RAM, one Tera na memory, then yung battery niya is six cell which is
the highest they have here. Yes mas mahal siya konti compared don sa red one pero
yun two gig RAM lang tapos four cell lang yung battery. Importante din yung battery
cell, if six okay na yon, pabili ka nalang sa relatives sa States ng twelve cell if
meron" sabi ng binata.

Wala naintindihan si Nina, nakangiti lang siya at enjoy na enjoy sa yakap ng binata
sa kanya. "At Dani, pag bumibili ka wag kang maniniwala sa sales talk, syempre you
will ask ano maganda, yung ibang honest magbibigay sila ng tama pero yung iba
ituturo yung di mabenta para mabenta or ibebenta yung mahal para malaki kita"

"Don't worry ako bahala sa iyo. Canvass lang muna diba?" tanong ng binata. "Yeah"
sagot ng dalaga saka tumabi at pasimple na sumandal at yumakap sa braso ng binata.
"Okay lets go around, basta number one prospect mo na yan. Libot pa tayo to find
another" sabi ni Onofre. "Okay" sagot ni Dani na napatingin sa kamay ng binata.

Naglakad si Onofre, naiwan si Dani kaya humabol siya. "Eto Dans this one is good"
sabi ng binata at sakto may humarap na sales man sa kanya. Ang dalaga dahan dahan
lumapit, tumayo sa may likuran ng binata saka naglakas loob na sumandal at niyakap
ang isang braso niya. "Look at this" sabi ni Onofre. Ang dalaga nagside step
pakaliwa pero nanatili yung kanan na braso niya nakayakap. Hiniga ng dalaga ulo
niya sa balikat ng binata saka kaliwang kamay humawak narin sa tiyan ng binata.
"Is that good?" tanong ni Dani pabulong. "Yes, better than the first pero mas mahal
siya konti kasi mas maganda processor nito" sabi ng binata. "Naka sale po siya up
to the end of the month. May libre narin siyang anti virus na license good for
three years" sabi ng salesman.

"Bakit sale? Di mabenta?" tanong ni Onofre. "Hindi sir, lahat ng ganyan brand sir
naka sale sila. Anniversary kasi nila" sabi ng salesman. "Hanggang end of the
month?" tanong ni Onofre. "Yes sir" sagot ng lalake. "O Dans eto pwede to, mura pa
pero syempre mas mura yung isa ng three thousand pero pag ako eto na" sabi ng
binata.

"Sige pero not now, magpapasama ako sa iyo next time, siguro next week" sabi ni
Dani. "Boss balikan namin yan" sabi ni Onofre at sakto humarap sa dalaga kaya si
Dani paspas na humarap palayo bago sila tuluyang magkaharap.

Nauna si Dani palabas pero nagulat siya pagkat humawak ang binata sa kanyang
baywang sabay akbay. "Eto may text ate ko" sabi ni Onofre habang abala na natitig
sa phone niya. "Ano sabi niya?" tanong ni Dani na sumandal sa binata. "Sunod daw
tayo para kumain, nandon na daw sila" sabi ng binata.

Bumitaw si Onofre kaya lumayo din konti yung dalaga, habang naglalakad lumapit si
Dani saka pasimpleng kumapit sa braso ng binata. Paslide down kamay ni Dani pero
natetense siya. Pagsakay nila ng escalator nangatog tuhod ng dalaga pagkat ang
binata mismo ang humawak bigla sa kanyang kamay.

Pagdating nila sa baba di mapakali si Dani pagkat daldal ng daldal yung binata. Ang
dala walang maintindihan pagkat labis siyang kinikilig sa paghawak ng binata sa
kamay niya. Pagdating nila sa tapat ng isang restaurant saka lang bumitaw yung
binata para paunahin pumasok yung dalaga.

Pagkaupo nila titig na titig si Paricia kay Dani. "Are you sick? Namumula ka" sabi
niya. "Oo nga, are you okay?" tanong ni Onofre saka pinakiramdama noo ng dalaga.
"Are you okay ka diyan e kanina mo pa kasama ngayon mo lang napansin?" sabi ni
Patricia.

"Di naman kanina, nagtingin kami ng laptop" sabi ng binata. "Hala, ano mga yan?"
tanong ni Dani pagkat may pinapasikat si Nina na mga supot. "I bought her some toys
and clothes. Tuwang tuwa ako dito sa batang ito" sabi ni Patricia.

"Hala nakakahiya" sabi ni Dani. "Oh its nothing" sagot ni Patricia. "Grabe, bakit
nung pinasyal ko siya wala siya magustuhan?" tanong ni Onofre. "Alam niya wala kang
pera" banat ng ate niya kaya natawa si Dani. "Harsh ate" sabi ng binata. "Show
mommy your toys later let us eat first. Grabe pagkaupo namin sabi niya agad iced
tea, kaya ayan I ordered a full pitcher at inubos niya agad isang full glass" sabi
ni Patricia.

"Buti pa siya iniispoil mo, pano ako?" tanong ni Onofre. "Ah ganon hindi ka spoiled
sa akin? Baka gusto mo magkwento ako" banta ni Patricia kaya natawa nalang si
Onofre. "Hala ate ang dami mo binili" sabi ni Dani. "Its okay, tuwang tuwa ako sa
kanya e"

"So order lang kayo. Ninny is a very good girl, nung may kausap ako behaved siya.
Tapos bigla kang hinanap kanina Nof nung may nakita siyang Tweety Bird doll" sabi
ni Patricia. "Ah kasi yung mga shirt ko" sabi ng binata.

"Akala ko tuloy gusto niya yon at inaantay ka para bilhin yon for her so binili ko
na. O san kayo nagdate aside from the laptop shop?" tanong ni Patricia. "Ate"
bigkas ni Onofre. "Window shop lang ate" sabi ni Dani.

"Ninny do you want to go to mommy now? Or to daddy" landi ni Patricia sabay turo
kay Nof. "Ate!" bigkas ni Onofre. "Mommy then daddy" hirit ni Patricia kaya parang
nalilito na yung bata. "Daddy?" bigkas ni Nina. "Tsk ate" reklamo ni Onofre kaya
tumawa si Patricia sabay niyakap yung bata.

"Just kidding" bawi ni Patricia. "Di ba pwede dumaan muna sa tito bago daddy" banat
ni Onofre kaya biglang natawa si Dani at tinadtad ng kurot ang binata. Tinaas ni
Nina mga kamay niya at nagtitili, tumayo si Patricia saka pinasa yung bata sa
kanyang nanay.

Pagkaupo ni Dani biglang pinagkukurot ni Nina si Onofre kaya tawang tawa si


Patricia. "Aray ko Ninny ang sakit" reklamo ni Onofre kaya ang bata biglang yumakap
sa binata saka nanggigil. "Did you say thank you?" tanong ni Onofre. "Tinkyu" sabi
ni Nina.

"Not to me, to tita Pat" sabi ng binata saka tinuro ate niya. "Tinkyu" sabi ng
bata. "You are welcome" sagot ni Patricia. Pagdating ng pagkain pumalakpak si Nina,
"Teka nga kunan ko kayo ng family photo" sabi ni Patricia. "Ate! Ano ba?" reklamo
ni Onofre.

"Joke, basta come on" sabi ni Patricia. "O Ninny picture o" sabi ni Dani. Nagposing
yung tatlo, naaliw si Patricia pagkatapos kumuha ng litrato. "Grabe marunong siya
magpose" sabi niya. "Natural tignan mo naman kasi yung nanay, beauty queen
material" sabi ni Onofre kaya tinadtad ng kurot ni Dani ang binata at sumali pa
yung anak niya.

Habang kumakain nang asar ulit si Patricia, "So matagal na ba kayo?" banat niya.
Tumawa si Dani saka inuga ulo niya, "Ate we are just friends, may nililigawan
siyang iba. Si Shirley" sabi ng dalaga.

"Ah yung nurse" sabi ni Patricia. "Ang dami niyong stalker sa profile ko grabe.
Pati tatay ni Shirley stalker ko" sabi ni Onofre. "See ate" sabi ni Dani. "Dati Sly
lang, ngayon ang dami na ah" sabi ni Patricia. "Ate ano ka ba?" reklamo ni Onofre.

"Buti nga di siya sinagot ni Sly kasi may gusto kita" sabi ni Patricia kaya
nagtakip ng bibig si Dani. "Oh my God" sabi ni Onofre saka hinaplos mukha niya.
Super natawa si Patricia pagkat ginaya siya ni Nina. "Ate you are embarrassing me
already" sabi ni Onofre.
"O what? Ang tagal mong nagpaulol don sa Sly na yon. Di mo kasi matanggap na friend
zoned ka lang. Pero mabait naman yon si Sly, so Dani labas nga tayo minsan dalawa
lang tayo" sabi ni Patricia. "Oh no" sabi ni Onofre.

"Sure ate, kailan?" tanong ni Dani. "Ay tatlo tayo ni Olivia. Tapos si Nof mag
aalaga kina Karlo at Ninny. Next week, siguro Sabado kasi busy ako pag weekdays.
Here give me your digits, sama mo na e-mail mo. Sorry I don't Facebook much" sabi
ni Patricia.

"Stalker ka lang" sabi ni Onofre. "Ay tamang tamang may mga GC ako sa Spa Centre,
sige tayong tatlo. Ilalagay ko na dito ha sa calendar ko" sabi ni Patricia. "Sure
ate" sagot ni Dani. "Ninny did you hear that? That means tayong tatlo lang ni
Karlo" sabi ni Onofre.

"Kalooooy?" bigkas ni Nina. "Yes, next Saturday we are going to eat a lot of ice
cream" landi ni Onofre. "Para kang bata, gumaganti ka agad. Hihiramin ko lang si
Dani ng isang araw" sabi ni Patricia. Super natawa si Dani at kinilig habang si
Onofre napahaplos ulit sa mukha kaya humarap sa kanya si Nina at yung bata ang
humaplos sa mukha niya.

Biglang sinubuan ni Dani si Onofre kaya si Patricia napangiti, "Note to self, wag
nang lalabas kasama si ate" sabi ng binata. "O bakit? I just smiled" sabi ni
Patricia. "Pero yung ngiti mo loaded ate"

"Sige ka ate pag kami nadaan sa tukso" banta ng binata. "Ano?" tanong ng ate niya.
"Ikaw sasagot sa kasal namin" banat ni Onofre kaya napahiyaw si Dani, inatake ng
kurot ang binata kaya si Nina natili at ginaya ang nanay niya kaya si Patricia tawa
ng tawa.

)Zq0

=================

Chapter 36: Interogasyon

Chapter 36: Interogasyon

Isang hapon pagkahatid ni Onofre kay Shirley sa kanilang bahay agad agad bumukas
yung gate at isang lalake na madungis ang nagpakita. "Daddy" bigkas ni Shirley kaya
si Onofre nanigas at dahan dahan sinara pintuan ng kotse niya.

"Ay daddy this is Nof. Nof eto madungis kong daddy" sabi ng dalaga. Lumapit si
Onofre saka inabot kamay niya, pinakita ni William yung magrasang kamay niya saka
tinignan ang binata.
Naglakas loob parin si Onofre na makipagkamayan sa matanda kaya si Shirley
napanganga. "Daddy naman kadiri ka sana nagpunas ka muna" sabi niya. "So I finally
meet you" sabi ni William. "Yes nice to meet you too sir" sagot ng binata.

"Si daddy kasi hilig niya mag restore ng old cars tapos ibebenta niya after he
plays with it for a month" sabi ni Shirley. "Oh wow, car enthusiast" sabi ni
Onofre. "Would you like to see my project?" tanong ni William. Inuga ni Shirley ulo
niya pero si Onofre tumungo at ngumiti.

"Follow me" sabi ng matanda kaya sumama si Onofre kay William habang si Shirley
napailing. Sa likod ng bahay may special na garahe kung saan may isang sobrang
lumang kotse ang nakaparada. "Oh wow it's a Land Cruiser" sabi ni Onofre.

"Oh so you know cars too" sabi ni William. "Hindi po sir, may nakita ako post sa
Facebook ng Land Cruisers through the years tapos nakita ko po yung ganito don"
sabi ng binata. "I see, make yourself useful" sabi ni William. "Daddy" reklamo ni
Shirley. "Okay lang" sabi ni Onofre.

Ilang minuto lumipas naiwan sina William at Onofre sa garahe. "So you are dating
may daughter" sabi ng matanda. "Oh no sir, we are just friends" sagot ng binata.
"Just friends?" tanong ng matanda. "Well, I like your daughter and I told her that
already but I am giving her space because she just underwent a break up. I am not
here trying to take advantage of her state but I am here as a friend" sagot ng
binata kaya tinitigan siya ng matagal ng matanda.

"Hand me the wrench" sabi ni William kaya napalunok si Onofre at tila natutunaw na
siya sa nerybos. "So are you graduating?" tanong ni William. "Not yet sir, I am one
year delayed" sabi ng binata. "Why is that?" tanong ng matanda. "Because I screwed
up, no other excuses. I am making up for it and I am not a regular student but one
year behind my real batchmates" sagot ng binata.

Di sumagot si William kaya si Onofre nadismaya na. "Tinalo ka daw niya sa


billiards" sabi ng matanda bigla. "Opo sir, mahusay siya sa long shot" sabi ni
Onofre. Ngumiti si William saka tumayo ng tuwid at nagpunas ng pawis. "Can I help?"
tanong ni Onofre. "No you cannot" sabi ng matanda saka bumalik sa pag aayos ng
makina.

"May anak ka na diba?" tanong ni William. "Wala po" sagot ng binata. "Wala?" tanong
ng matanda. "Wala po, yung nakikita niyo po sa Facebook ay anak ng kaibigan ko po.
Close lang kami" sabi ni Onofre. "I see, do you drink?" tanong ni William.

"I do but I am trying to quit" sabi ng binata. "Why?" tanong ni William. "Because I
easily black out sir" sabi ng binata. "Maybe you drink too much, that is bad" sabi
ni William kaya niyuko ni Onofre ulo niya. "Do you smoke?" tanong ni William. "Yes
sir but I am trying to quit too...Shirley is helping me" sabi ng binata.

"Oh yes the magnets. So do they really work?" tanong ng matanda. "They do sir, I
have lost the urge to smoke but sometimes its still there so I continue wearing the
magnets when I am at home" sabi ni Onofre.

"Nagsisigarilyo din ako dati e, pero nung nakilala ko mama ni Shirley tumigil ako.
That was a long time ago" sabi ng matanda. "Sorry about what happened to her"
bulong ng binata. Tinungo lang ng matanda ulo niya saka yumuko at bumalik sa pag
aayos ng makina.

"My daughter has been through a lot. I don't like her seeing sad or hurt" sabi ni
William kaya napalunok si Onofre. "Yung dating boyfriend niya gago yon. Well its
good they broke up because I really didn't like him. He was too showy, mayabang ang
gago" sabi ni William kaya nagulat si Onofre.

"Do you know him?" tanong ng matanda. "Personally no sir but lately we saw him at
the mall" sagot ng binata. "You did?" tanong ng matanda. "Yes sir" sagot ni Onofre.
"And what happened?" tanong ni William. "I forced Shirley, she wanted to walk away
but I forced her to walk past by him and so we did" sabi ng binata.

"Then what?" tanong ni William. "I purposely bumped him, I didn't mean to pick a
fight. I just wanted to make a statement that she is okay" sabi ni Onofre kaya
tinitigan siya ng matagal ni William. "Hmmmm hold this" utos ng matanda kaya
lumapit ang binata at tumulong.

Sa malayo sumilip si Shirley saka hinila si Anabel. "Please mom make him stop. Its
getting late and Nof has to go home" sabi ng dalaga. "He is helping out your dad,
let them be" sabi ng matanda. "Pero ma, sige na. Nakakahiya na kay Nof. Baka kung
ano ano na sinasabi ni daddy sa kanya" sabi ni Shirley.

"That is how boys bond iha, this is actually good because daddy never bonded that
way with your ex" landi ni Anabel kaya natawa si Shirley. "Ma, he is just a friend"
sabi ng dalaga. "Uhuh, come inside and help me. Let them be, Nof will be fine" sabi
ni Anabel kaya muling sumilip si Shirley sa garahe bago sinundan papasok ang step
mom niya sa loob ng bahay.

Ilang minuto lumipas pumasok si William sa loob ng bahay para uminom ng tubig.
"Daddy nasan si Nof?" tanong ni Shirley. "In the garage, do not disturb him at may
pinapalinis ako sa kanya" sabi ng matanda. "Grabe ka naman daddy, bakit mo naman
inutusan?" tanong ng dalaga.

"He asked me if he could help so I let him help" sagot ng matanda. "Daddy naman e,
he is a guest" sabi ni Shirley. "I know but he offered" sabi ni William. "So what
did you two talk about?" tanong ni Anabel. "Nothing much, Shirley are you two
dating?" tanong ni William.

"No daddy, he is just a friend" sabi ng dalaga. "Yan din sinabi mo dati" sabi ng
matanda. "Daddy I just had a break up" sabi ng dalaga. "He told me you two saw him
at the mall" sabi ni William. "Opo dad, loko loko si Nof, pinilit niya ako to
confront him" sabi ni Shirley. "Oh my, did you?" tanong ni Anabel.

"No ma, dinaanan lang namin pero si Nof grabe loko loko binangga niya e. Of course
he reacted but Nof looked at him and told him that he was blocking the entrance. Ay
grabe ma I so loved the scared look on his face, Nof was like super tough" kwento
ng dalaga.

"Well at least invite him to have dinner here" sabi ni Anabel. "No" sagot ni
William. "Daddy, ang sama mo. Pinag trabaho mo tapos di mo papakainin?" tanong ni
Shirley. "No is no Shirley. Actually its time to send him home" sabi ng matanda.

Sinudan nina Shirley at Anabel si William sa garahe. "Sir tapos na po" sabi ni
Onofre. "Good, you can go now" sabi ng matanda kaya nainis si Shirley. Nagpunas ng
kamay si Onofre saka tinignan yung matanda. "Sir alis na ako then" sabi niya.
"Okay" sagot ni William. "Shirls, tita Anabel, mauna na po ako" sabi ng binata.

"Ma" bulong ni Shirley pero ngumiti lang si Anabel pagkat nakatitig sa kanya si
William. Pagdating ni Onofre sa may gate biglang sumigaw si William. "Nof" sabi
niya. "Yes sir?" tanong ng binata. "I can use your help again tomorrow" sabi ng
matanda.

"Of course sir, tomorrow then" sabi ng binata kaya si Shirley inirapan ama niya.
"Bring change of clothes and dito ka na mag dinner bukas" sabi ni William. "Ho? Ano
po?" tanong ni Onofre pero tumalikod na si William saka bumalik sa likod ng bahay.

"Ah.." bigkas ni Onofre, si Shirley napangiti saka nagtago konti sa likuran ng step
mom niya. "Tomorrow Nof" sabi ni Anabel. "Ah okay po sige po" sabi ng binata saka
lumabas na ng gate.

Pagkaalis ng kotse sinara ni Shirley yung gate saka tinignan si Anabel. "O ano
happy ka na?" lambing ng matanda. "Hala si mommy, loko loko talaga si daddy din"
sabi ni Shirley. "Why don't you to go to him and tell him to stop so he can wash up
already" sabi ni Anabel.

Pagdating ni Shirley sa garahe nadatnan niya ama niya nakaupo sa loob ng kotse at
umiinom ng beer. "Hala ka, lagot ka kay mommy" sabi ni Shirley. "Isa lang naman
iha, happy lang ako at madami ako naayos sa kotseng ito ngayon" sabi ni William.

"Did he help a lot?" tanong ni Shirley. "Naghugas lang siya ng pyesa para bukas. He
seems to be a good guy, one year delayed pala" sabi ni William. "He told you?"
tanong ng dalaga. "Yes he did, let me ask you anak, do you like him?" tanong ni
William.

"Hahaha daddy talaga, he is just a friend. A very good friend" sabi ng dalaga. "Be
honest with me" sabi ng matanda. "Hmmmm a little, tsk daddy basta I am not ready
yet. Nof is a very good friend. As in very good friend, lagyan natin ng period
right there for now" sabi ng dalaga.

"I see" sabi ng matanda saka uminom mula sa bote. "So you really beat him in
billiards huh" sabi ni William. "Hahaha daddy, mag antay ka lang. Maglalaro pa kami
then tayo naman maglalaro. I will beat you soon" sabi ng dalaga. "Hahahaha well you
need a lot of practice" sabi ng matanda.
"No daddy, he will teach me how to do the reverse thing then the ball dancing
thing" sabi ni Shirley. "Oh really? Well let us see. You saw my trophies in the
mini office? So where are your trophies?" landi ng matanda. "Huh, just wait daddy"
banta ng dalaga.

Bandang alas otso pumasok si William sa kwarto ni Shirley. "Daddy what are you
going to do? Stalk his profile?" biro ng dalaga. "Yes, I want to see if he posted
something" sabi ng matanda. "Hahaha daddy hindi siya ganon. He does not broadcast
everything, here I am texting with him, eto magtext kayo" biro ng dalaga.

"What are you two texting about?" tanong ni William. "You" sagot ng dalaga. "Ako?
Bakit niyo ako pinag uusapan?" tanong ng matanda. "Takot na takot daw siya sa iyo"
sumbong ng dalaga. "Well mabuti yan, that is the plan actually" sabi ng matanda.

"Grabe ka daddy, gusto mo matakot siya sa iyo?" tanong ni Shirley. "Dapat lang.
Para di ka niya lolokohin" sabi ni William. "Hahaha daddy he is just a friend" sabi
ni Shirley. "O pano kung nabura na yung period? Mas mabuti pa yang Nof na yan at
napapansin ko may respeto di tulad ng ex mo na saksakan ng yabang"

"Taas noo lagi ang sarap lagyan ng permanent neck brace" sabi ni William kaya
natawa ng malakas si Shirley. "Hala si daddy ang harsh" sabi ng dalaga. "Totoo
naman, mayabang yon. Sorry ngayon lang ako magsasalita pero that is how I feel
about him. Mayabang siya, remember when he saw me fixing the old Lancer?"

"Nagdaldal lang siya at nagyabang. Daldal ng daldal e mali mali naman sinasabi
niya. Si Nof alam ko may alam sa kotse pero tahimik lang siya at nagtanga tangahan.
Yung ex mo bastos, kahit hindi invited pumapasok sa bahay, si Nof pag sinabi uwi,
uuwi agad" hirit ni William kaya natatawa na talaga si Shirley.

"Yung ex mo parang reporter, ang daming post sa Facebook. Pati pagkain niyo
pinopost. Bakla ba siya? Pati pimples niya ibroadcast niya. Parang hindi lalake.
Nagpopost pa ng picture na nasa parlor, di ba dapat barber shop?" sabi ni William.

"Hahahaha daddy! Super stalker ka na" sigaw ng dalaga. "Mas maayos pa kilay nung ex
mo kesa sa iyo. Konting talsik ng sauce todo punas akala mo mamatay na. Di pa
marunong magpalit ng flat tire" sabi ni William.

"Daddy! Aminin mo, ikaw yung nag flat ng gulong niya ano?" tanong ng dalaga.
"Because he took my parking spot. Alam naman niya tuwing Saturday I park project in
front of the house" sagot ng matanda kaya napahalakhak si Shirley. "I knew it, you
were acting strange that day" sabi ng dalaga.

"Huh, pasalamat siya isang gulong lang. Ginasgasan ko pa kotse niya, did you see
his reaction? Akala mo end of the world na. Pero nung nagulasan ka parang no big
deal sa kanya. I cannot believe he just said galos lang. Punuin ko ng galos mukha
niya" sabi ni William kaya super laugh trip si Shirley.
"Anak I am not a stalker, I am just your dad" sabi ni William kaya yumakap yung
dalaga sa ama niya. "You invited him to dinner" pacute ng dalaga. "Oo bukas, kasi
kanina wala ako lason. Bukas ng umaga bibili ako" sabi ni William kaya laugh trip
yung mag ama.

"Wag ganon dad, he is a good guy" sabi ng dalaga. "According to you. Yan din sinabi
mo sa ex mo. Kaya this time, ako magsasabi pag good guy ang isang lalake. Sa ngayon
he is no one, sabi mo just a friend so makiki friends din ako sa kanya. Its time I
get involved, ayaw na kita masaktan" sabi ni William.

"Daddy naman, wag naman ganyan" sabi ng dalaga. "Do not argue with me. Pero pag
binigyan ka ng chocolates tabihan mo ako ah" landi ng matanda kaya laugh trip si
Shirley. "Mahilig siya manlibre sa labas daddy" sabi ng dalaga.

"Kaya pala tumataba ka" sabi ni William. "Oh my God, really? Tumaba ako?" tanong ng
dalaga. "Medyo, maybe its because you stopped biking" sabi ng matanda. "Eeeeh tsk
tumaba pala ako" sabi ni Shirley. "Di ko sure, its either tumaba ka or mali lang
ako kasi namumula lagi cheeks mo tuwing umuuwi ka. Tulad kanina ang pula pula ng
cheeks mo" sabi ng matanda.

Natili si Shirley saka pinagpapalo ng palambing ama niya. "Daddy stop, you are
teasing already" sabi ng dalaga. "Hahahaha oh maybe you were just blusing" hirit ni
William kaya parang bata si Shirley na tinakpan bibig ng ama niya.

"Anak he shook my hand right away" sabi ni William kaya napatigil si Shirley. "That
itself says a lot, period or no period I can tell he is a good guy. So your mom
wants to ask ano favorite niya kainin" sabi ni William.

"Ay grabe daddy matakaw yon. As in ang takaw niya" kwento ng dalaga. "Really?"
tanong ng matanda. "Yes dad, he is trying to change, lasenggo yan dati e tapos
malapit na niya maquit ang pagyosi" sabi ni Shirley.

"Well that is good, is it because of you?" tanong ni William. "Hmmm parang ganon
daddy basta long story e" sabi ng dalaga. "O may text ka, ano sabi niya?" tanong ng
matanda. "Matulog na daw ako" sabi ni Shirley.

"Why he does not want to talk to you anymore? May iba siyang kakausapin?" tanong ni
William kaya natawa si Shirley. "Daddy he knows maaga ako bukas" sabi ng dalaga. "I
see, so what are you going to reply?" tanong ni William.

"Mamaya pa konti, kasi may stalker pa ako kasama" biro ng dalaga. "Sorry iha I was
not there much the first time, akala ko kaya mo pero I was wrong. I don't want my
baby girl to get hurt again so this time he has to go through me" sabi ni William
kaya super natawa si Shirley.

"So what does Bianca think about him?" tanong ni William. "Eeesh ang kulit ni
Bianca daddy. Tinutukso niya kami lagi. Pero daddy pikon na pikon siya kay Onofre
hahaha. He calls her little girl, nagulat nga ako kasi yun din tawag mo kay Bianca"
sabi ng dalaga kaya nagtawanan yung dalawa.
"He is very witty daddy, you think he wont make tukso to Bianca but he suddenly
blurts out something funny. Like Game of Thrones daw, pwede daw queen si Bianca
don, di ko gets basta Bianca understood it" sabi ni Shirley.

"Oh so he watches that too, good. May pag uusapan kami. Di tulad ng ex na iniiwasan
ko baka matangay ako ng hangin" banat ni William. "Hahahaha daddy talaga. Honestly
daddy I like him too but I am not ready yet"

"I don't know if I really like him or its just my emotions fooling me. Daddy I
think I moved on too quickly because of him. So I don't want to make a mistake too
daddy, I want to take my time and really find out if he is the one" sabi ni
Shirley.

"Anak there is no need to rush. If you say right now you are just friends then stay
as friends. And when you are ready then so be it" sabi ni William. "There is so
much to like about him, ayaw ko sana mag compare like what you are doing but I
cannot stop myself sometimes"

"Daddy kwento ka pa, ano pa ayaw mo sa ex ko" lambing ni Shirley. "Ah mapupuyat
tayo anak" biro ni William kaya nagtawanan sila. "Sige na daddy, kwento ka pa" sabi
ng dalaga.

b20vayC=~

=================

Chapter 37: Tamporado

Chapter 37: Tamporado

Huwebes ng bandang alas tres nakasimangot si Dani nang makita si Onofre sa gate
nila. Lumabas ang dalaga para buksan yung gate, ang binata ngumiti saka pinasikat
yung dala niyang supot. "Why are you here?" tanong ni Dani. "Its Thursday" sabi ni
Onofre.

"I already told you I am not feeling well" sabi ng dalaga. "Ito naman nagtatampo
agad. Sorry na if di kita mapuntahan kahapon" sabi ng binata. "Minsan lang ako
hihiling kasi e, nakakatikim talaga ako ng brownies kahapon" sabi ni Dani. "Sinabi
ko naman sa iyo nandon ako kina Shirley e" sabi ni Onofre.

"Yeah whatever, I am not feeling well" sabi ni Dani. "I brought ingridients for
champorado, paluto nalang natin tapos kainin. Sakto bed weather tapos you are not
feeling well. Aroz Caldo sana pero di ko alam ingridients non kaya eto mas madali
at baka magustuhan ni Ninny" sabi ng binata.

"She is asleep" sabi ni Dani pero biglang bumukas yung pintuan, "Noooof" sigaw ni
Nina saka nagtatalon kaya binuhat siya nung kasambahay. "Gising na. Pero sige kung
ganyan kalalim tampo mo sa akin eto kunin mo nalang" sabi ng binata. "Tssss...lika
na. Minsan lang talaga hihiling di pa mapagbigyan" bulong ng dalaga saka nauna
papunta sa bahay.

Nagpakarga si Nina sa binata kaya agad sila naupo sa may dining area habang iluluto
ng kasambahay yung tsamporado. "Nof Poo" sabi ng bata saka tinuro yung cartoon
character sa dibdib niya. "Uy ang ganda ng pajama mo, yes that is Pooh, Winnie the
Pooh. This one is?" tanong ng binata saka nagturo.

"Tiga" sabi ng bata kaya natawa si Onofre. "Tigger, Ti-gger" sabi ng binata. "Tiga"
sigaw ni Nina saka pumalakpak. "Dani bakit ang layo mo? Dito ka din" sabi ng
binata. "Gusto ko mahiga" sigaw ng dalaga na nakahiga sa may sofa.

"Ninny, your mommy is tamporado" sabi ni Onofre. "E ikaw e, isang hiling lang di mo
maibigay" sabat ni Dani. "See that Ninny, she is mad at me. Baka last na pagkikita
na natin ito. Bye bye Ninny" drama ni Onofre. "E di umalis ka" sabi ni Dani.

"Eto ate paki karga si Nina, aalis na ako" sabi ni Onofre kaya bumangon si Dani
para tignan ang dining area kaya tumawa ang binata. "Che! Umalis ka na kung gusto
mo" sabi ng dalaga. Tumayo ang binata at nagtungo sa sofa, "O eto kunin mo si
Ninny" sabi ng binata pero ayaw magpapasa ng bata.

"Come Nins" sabi ni Dani. "Noooooo" sigaw ng bata saka yumakap kay Onofre ng
mahigpit. "So I guess I have to stay" landi ng binata. "E di stay, dun ka nga" sabi
ni Dani saka nahiga kaya si Onofre naupo sa may rug. "Look at her Ninny, she is mad
o" sumbong ng binata kaya tinignan ng bata nanay niya.

"Ninny bad si Nof" sabi ni Dani kaya tinignan ng bata yung binata saka kinurot sa
tenga. "Aray ko" bigkas ni Onofre. Nag German bigla si Nina na tila pinapagalitan
ang binata kaya si Dani tumawa. "Sige anak pagalitan mo yan" udyok niya.

Tumayo yung bata saka pinalo ang binata sa braso saka tinuro turo. "Sorry Nof" sabi
niya saka tinuro mama niya. "Wow she knows" sabi ng binata saka tinignan si Dani.
"Sorry" sabi niya. "Hmmph" bigkas ni Dani saka pumikit. "Ninny ayaw o, mad parin o"
sumbong ng binata.

Nalito yung bata kaya pigil tawa si Onofre. "She already heard I said sorry, now
she does not understand why you are still mad at me" bulong niya. "Ninny bad si
Nof" hirit ni Dani kaya pinagkukurot ng bata yung binata. "Aray ko, nag sorry na
ako ah" reklamo ni Onofre. Muling nag German si Nina kaya ang binata lumuhod at
nagsorry ulit. Tinignan ni Nina ang nanay niya pero si Dani pumikit.

"Sorry" narinig ni Dani saka nakaramdam ng halik sobrang lapit sa mga labi niya.
Natili yung dalaga ng sobrang lakas kaya si Nina napatalon at natili din saka
tumawa. "Nof" sigaw ni Dani kaya ang binata paspas na tumakbo papunta sa dining
area.

Humabol si Dani, si Nina sigaw ng sigaw sa tuwa at nakihabol din. "Nof!" sigaw ni
Dani. "Noooof!" sigaw ni Nina kaya umingay ng husto sa loob ng bahay dahil sa mga
tili at sigawan nina Dani at Nina. "Ano ba kasi? I said sorry and kissed you para
mapakita sa kanya na dapat sincere yung pagsorry" sabi ng binata.

"Hahahaha Nof!" sigaw ni Dani pero ang binata nakalusot at tumakbo ulit siya
papunta sa salas. Pagpahuli na si Onofre, lumuhod siya saka tumiklop pagkat inatake
siya ng kurot ng mag ina. Tinignan ng binata si Nina, "Raawrrr" hiyaw niya kaya
nagsisigaw yung bata.

Paspas na niyakap ni Nof si Nina saka kunwari na pinag kakagat. "Help mommy" hiyaw
ng bata saka tumawa. Ilang minuto lumipas tumigil si Nof, "Mama!" sigaw ng bata
saka tinuro nanay niya. "Don ka Ninny, dito ako at icorner natin siya" sabi ng
binata.

"Wag na ako" sabi ni Dani na nagsisigaw at nagtitili na. Nahuli ni Nina nanay niya,
yumakap ang bata sa isang paa ng dalaga kaya lumapit na si Nof dahan dahan. Grabe
yung tili at sigaw ni Nina habang si Dani natatawa na nakikiliti.

"Nof okay na tayo, promise" sabi ni Dani. "Rawrrr" hiyaw ni Nina kaya gumaya ang
binata saka niyakap ng sobrang higpit ang dalaga. Bumitaw si Nina pagkat binuhat ni
Onofre si Dani. Super tili si Dani at napasigaw talaga nang ibody slam siya ng
binata sa sofa. Napaibabaw si Onofre konti, "Did I hurt you?" tanong niya. Halos
maduling si Dani pagkat sobrang magkalapit ang mga mukha nila. "No" bulong ng
dalaga saka napasigaw nang kagatin siya ni Nina sa braso.

Palambing na tinackle ni Onofre ang bata, si Nina nagsisigaw hanggang sa pareho


silang napahiga sa rug. Hinila ni Onofre si Dani kaya ang dalaga napahiga narin sa
rug kung saan natawa pagkat kinagat siya ni Nina sa braso ulit. "Aray ko Ninny"
reklamo niya, "Galit ka pa sa akin?" tanong ni Onofre na palambing.

"Hindi na" sagot ng dalaga. "Yung totoo" sabi ng binata. "Hindi na talaga" sabi ni
Dani. "Sorry na" sabi ni Onofre. "Okay na tayo, sorry din at nagpaka childish ako"
sabi ng dalaga. "Okay lang, sorry talaga naipit ako kahapon. Alam mo naman I would
if I could, even if I could not I still would try pero naipit talaga ako kahapon"
paliwanag ng binata.

"Okay na tayo" sabi ni Dani. "Look at her, she is just watching us. Curious siguro
siya" bulong ng binata kaya napatingin si Dani kay Nina. "Good na Nof baby" lambing
ng dalaga kaya nag dive yung bata para yakapin yung binata.

Limang minuo lumipas sa dining area, "Blow Nof! Blow" sigaw ni Nina. Nagustuhan ng
bata yung tsamporado pero mainit pa ito masyado. "Wait lang Ninny naman" reklamo ng
binata. "So kayo na ba ni Shirley?" tanong bigla ni Dani. "Of course not, her dad
asked for help to rebuild the car tapos niyaya na ako mag dinner don" kwento ng
binata.
"Ahhhh...so close na kayo ng dad niya" sabi ng dalaga. "Hindi din, strikto ang papa
niya. Di ko pa naman nililigawan si Shirley ah. Like I said I am being her friend
kasi di halata naman di pa siya nakapag move on talaga" sabi ng binata. "Okay"
sagot ng dalaga.

"Grabe ka pala magtampo" sabi ni Onofre. "Oh tignan mo si Ninny" sabi ng dalaga.
"Ay baboy Ninny" sabi ng binata pagkat subo ng subo yung bata. "Ninny hala hinay
hinay lang, di mauubos yan" sabi ng kasambahay na natatawa. "Grabe nagustuhan niya
o" sabi ni Onofre.

"Uy ate kumain ka din" sabi ni Dani. "Kumain na ako kanina, naka dalawang bowl na
ako" sabi niya. "Niluto mo lahat?" tanong ni Onofre. "Oo sabi mo e" sabi ng
kasambahay. "Hala ang dami pala, di ko alam na ganito karami pala magagawa. Pero
Ninny baboy ka nanaman ah" sabi ng binata.

"Rap" sabi ng bata saka tinignan bowl ng nanay niya saka ito inabot. "Hay naku"
sabi ni Dani. "Hayaan mo na, mas maganda yung batang matakaw kesa sa hindi kumakain
o walang makain. Let her eat now, pagtanda niya pag naging figure conscious siya
saka mo siya turuan"

"She needs to be healthy at okay lang tumaba siya kasi look when she starts having
friends or going to school lalo siyang magiging active sa paglaro. Papayat siya if
ever lumubo siya" sabi ng binata. "Fine, so ano naman kinain niyo kagabi?" tanong
ni Dani.

"Liempo tapos nilagang baboy" sabi ni Onofre. "Wow liempo, so nag enjoy ka naman?"
tanong ni Dani. "Bakit ba parang nagseselos ka?" tanong ni Onofre kaya nagtakip ng
bibig ang kasambahay saka lumayo. "Anong selos? Nagtatanong lang ako grabe ka
naman. Selos ka diyan" sabi ng dalaga.

"Dani dikit tayo kaya kung may major changes sa buhay ko ikaw unang makakaalam"
sabi ni Onofre. "Major change such as?" tanong ng dalaga. "Status change ganon from
single into in a relationship" sabi ng binata. "Oh okay, so para akong nanay mo
ganon?" biro ng dalaga.

"Hindi, kasi pag nagka status change ako baka ikaw yung involved. In a relationship
with Dani" banat ng binata kaya napahiyaw yung dalaga saka kinurot yung binata ng
sobrang lakas sa tagiliran.

"Gagu" sabi ng dalaga saka natawa, "Gagu" gaya ni Nina kaya napatigil yung dalawa.
"Ayan, hala ka. May natutunan ulit siya" sabi ni Onofre. "Ninny, no that is bad
word" sabi ni Dani pero ang bata tinignan si Nof, "Gagu" bigkas niya kaya natawa na
si Onofre. "Goodluck Dani, lagot ka sa mom and dad mo later" sabi ni Onofre.

"Ikaw kasi, its your fault" sabi ni Dani. "O bakit ako nanaman?" reklamo ng binata.
"Yang mga pinagsasabi mo kasi e" sabi ni Dani saka natawa. "Grabe to pabiro lang
yon at wishful thinking lang yon. Masyado kang affected" sabi ng binata.

"Nambibigla ka, out of nowhere ganon sasabihin mo kasi e. So nagsend ka na ba ng


request?" tanong ng dalaga. "Request ng ano?" tanong ng binata. "Relationship
status request" banat ni Dani saka natawa. "Nirerequest ba yon? Akala ko alam na ni
FB sino yung mag on" banat ni Onofre kaya nagtawanan sila.

"Baliw, may request ang ganon, then pag totoo approve ng involved party" sabi ng
dalaga. "Ah okay, sige sendan kita mamaya" sabi ng binata kaya napahiyaw si Dani,
kinurot ang binata pero si Ninny tumawa saka sumigaw. "Gagu" bigkas niya ng
malutong kaya lalong natawanan yung dalawa.

Isang oras lumipas dumating na mga magulang ni Dani. Sa sofa naupo si Onofre kasama
si Nina habang nanonood sila ng TV. "Nof dito ka daw mag dinner" sabi ni Dani na
nakitabi sa binata. "Okay, sila nagsabi o ikaw namilit?" tanong ng binata. "Hala
gusto mo ask mom ko, wait lang" sabi ni Dani.

"Uy grabe ka joke lang no. Oo na" sabi ni Onofre. "Ay Nof wait" sigaw ng dalaga
bigla saka umalis. Pagbalik ni Dani may nilabas siyang box ng cellphone mula sa
isang bag. "Wow is that new?" tanong ng binata.

"Oo dumating auntie ko from the States, niregalo niya sa akin eto pero ayaw ko
gamitin unless nalagyan siya nung parang glass like yours. Siya din nag regalo kay
Ninny ng clothes and tablet" sabi ni Dani. "Tabet! Mommy tabet" sigaw ni Nina kaya
inuga ng dalaga ulo niya.

"Oh no, tsk dapat di ko pinaalala" sabi ng dalaga. "Why?" tanong ng binata. "Medyo
naadik siya manood ng cartoon doon. Ninny ubos pa battery, charge pa" sabi ng
dalaga. "Kay mama" sagot ng bata saka humarap ulit sa TV. "Wow at least she
understands drained battery" sabi ng binata.

"Oo no, kasi nadrain talaga so I showed her na hindi na sisindi. Then pinakita ko
pano icharge then later sumindi na. So yon parang gets na niya yung process na yon"
sabi ng dalaga. "Ang galing galing ni Ninny, so may tempered glass ka na ba?"
tanong ng binata.

"Yeah, dumating kanina kasi inorder ko online" sabi ng dalaga saka nilabas yung
tempered glass package. "Wow, ganda nito ah" sabi ng binata. "Yeah one for the
front and then one sa back. Five hundred pesos lang siya plus one hundred pesos
delivery fee" sabi ng dalaga.

"Sana yung 6s Plus pinakuha mo" sabi ng binata. "Ano ka ba regalo lang yan no.
Kabit mo naman o" sabi ng dalaga. "Ganda nitong glass mo ah, 3D design, tara kabit
natin pero pano si Ninny?" tanong ng binata. "Ninny come, Nof fix niya eto o.
Okay?" lambing ng dalaga.

Sa dining table sila naupo, "Grabe natetense ako kasi one mistake lang sira na"
sabi ng binata. "Uy wag naman" sabi ng dalaga. "Yeah, unahin natin yung back, lapag
ng cloth para di magasgas ang new phone, okay distansya" sabi ng binata. "Ninny
come, akin na baka maglikot siya bigla" sabi ni Martin kaya ang bata sumama sa lolo
niya.
Lumapit si Dani sa binata, "Nof please" bulong niya. "Oo will you relax, pupunasan
muna talaga siya nito o. Then dry wipe tapos kabit na ng glass" sabi ng binata.
Nung ikakabit na ng binata yung glass lalong lumapit yung dalaga, "Nof please"
bulong niya.

"Ayan na o" sabi ng binata. "O bakit hindi dumidikit lahat o" sabi ni Dani. "Hahaha
will you relax, pupumasan pa yan, didikit lahat yan. Mauuna talaga sa gitna...ayan
o perfect" sabi ng binata saka nagpunas punas. "Ayan, yes! So sa harap na" sabi ni
Dani. "Atat ka, di minamadali ito no" sabi ng binata.

Nung ikakabit na harapan natawa si Onofre pagkat nagnenerbyos yung dalaga. "Dani
may tiwala ka sa akin o wala?" tanong ng binata. "Meron pero sabi mo kasi one
mistake lang sira na e" sagot ng dalaga. "Relax ka nga lang at dumistansya ka konti
baka mahalikan kita ulit" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga.

"Sige tawa ka pa para magkamali ako" sabi ng binata. Tumahimik si Dani pero
tiningnan siya ng binata. "Sabi ko lumayo ka konti, gusto mo talaga e" biro niya.
"Baliw, ikabit mo na" sabi ni Dani. "Distracted ako, lumayo ka" sabi ng binata.
"Arte mo, idikit mo na. Mamaya mo na ako halikan" banat ni Dani kaya nagulat yung
binata.

"Hahaha ride on lang ako sa iyo no, grabe ka naniwala ka naman" sabi ng dalaga pero
sinundan ng dalaga titig ng binata kaya napalingon siya. Nandon pala si Martin na
karga si Nina, "Daddy" bigkas ni Dani pero ang matanda tumalikod lang at naglakad
palayo.

Natawa si Dani at kinurot ang binata ng malakas. "Pahamak ka, now he things I am
kissing you" sabi ng binata kaya lalong natawa si Dani. "Shit, nakakahiya na ako
dito. Oh my God, now I am afraid of your dad too" bulong ng binata kaya walang
tigil na natawa ang dalaga. "E totoo naman ah, you kissed me a while ago" sabi ng
dalaga.

"It was to teach Ninny something, pero shit narinig niya yon. Hala baka nag iisip
na siya ng masama. Tsk pahamak ka Dani" sabi ng binata. "Gagi wala yon, baka di
naman niya narinig talaga" sabi ng dalaga. "Anong hindi narinig, he was just behind
us"

"Oh my God, baka mamaya iniisip niya na we are really dating already" sabi ng
binata. "Hindi, sige na ikabito mo na yan" sabi ni Dani. Nang makabit ni Onofre
yung glass napangiti ang dalaga. "Wow, grabe your phone looks so expensive. Kakaiba
itsura niya bigla o" sabi ng binata.

"O game na" sabi ng dalaga kaya nagtawanan sila. "Sira ulo ka talaga, natatakot na
talaga ako sa dad mo. Uy ayusin mo naman yon, sabihin mo joke lang yung narinig
niya" sabi ng binata.

"Tsk ang arte mo, wala yon. Ano kasi big deal if totoo? E totoo naman hinalikan mo
ako kanina" sabi ng dalaga. "Ay ang kulit mo, I said I was teaching Ninny
something. At oo sinadya ko din para ayun nga sumigaw ka, ang hirap mo kasi suyuin
e" sabi ng binata.
"Hahaha aha! So sinadya mo pala" sabi ni Dani. "Medyo, oo, hindi, para paraan lang
yan" landi ng binata kaya nagtawanan sila. Kinurot ng dalaga yung binata sa
tagiliran ng matindi kaya napayuko si Onofre. "Aray ko po Dani" bigkas ng binata sa
sakit.

"Nof" sabi ni Dani kaya tinignan siya ng binata. "Thank you" sabi ng dalaga saka
nagpakita ng sobrang tamis na ngiti. Nagulat si Onofre nang tukain siy ang dalaga
sa labi. Si Dani agad tumayo, kinuha phone niya pero pagtalikod niya nagulat siya
pagkat nandon ulit tatay niya.

"Daddy...oh look at my new phone o" kabig ng dalaga. Hinawakan ng matanda yung
phone, si Dani napalingon kay Onofre at muntikan nang natawa pagkat parang estatwa
ang binata na nakaharap sa lamesa.

"Lulu!!!" sigaw ni Nina. "Coming darling" sagot ni Martin kaya nagsabay sila ni
Dani magtungo sa salas. Lumingon si Dani, nakita niya si Onofre na di talaga
gumagalaw kaya nagpigil siya ng tawa saka hinaplos labi niya.

Nahuli si Dani na humahaplos sa labi niya kaya nagpasimple siya, "Wind burn ata,
wait kuha ako lip gloss" bulong niya saka tumakbo paakyat. 

=================

Chapter 38: Weakling

Chapter 38: Weakling

Nakatayo si Onofre at Shirley sa tapat ng isang malaki at magarang building na


itsurang bahay. "Wow, parang bahay ng artista ng Hollywood" sabi ng binata. "Nof
you are not allowed to take out your phone and take photos lalo na yung mga patient
sa loob" sabi ng dalaga.

"Yeah I get it, they want privacy" sabi ng binata. "Correct, most of the patients
don't want to be called patients, they want to be called clients. Sila yung ayaw
ipagsabi na may sakit sila na malubha" sabi ni Shirley. "So parang ospital narin
ito ano?" tanong ng binata.

"Care facility, one day this is where I will be working" sabi ni Shirley. "Grabe
yung mga nakaparadang kotse o, alam mo talaga big time mga clients dito" sabi ni
Onofre. "Sinabi mo pa, yung ibang bisita dadating through chopper no. May helipad
sa likod good for two. Meron kami isang emergency chopper just in case meron isang
kailangan ng emergency operation due to complications" sabi ng dalaga.
"Grabe may ganito pala sa Pinas" sabi ng binata. "Meron no, mas bongga pa nga yung
isang rehab center for the rich, I have been there once with my dad" sabi ng
dalaga. "Bakit may relative kayo don?" tanong ng binata. "Oh no, yung isang head
don classmate ng dad ko sa med school. Ang yabang niya grabe, todo pasikat about
that place"

"Anyway lets go in" sabi ni Shirley. Pagdating nila sa lobby may magandang
receptionist na sumalubong sa kanila. "Shirley is that your new boyfriend?" tanong
niya kaya natawa yung dalaga. "Ate Susan meet Nof. Nof meet ate Susan. Ate he is my
new bestie" sabi ng dalaga.

"Hello, let me remind you that you are not allowed to take photos. If you need to
answer a call or send e text message you have to do it outside or in a designated
area" sabi ni Susan. "Understood" sabi ni Onofre saka inabutan siya ng guest ID.
"Sige ate, ipapasyal ko lang siya sa loob" sabi ni Shirley. "Mas mabait ito kesa
dun sa ex mo" banat ni Susan kaya natawa si Shirley habang si Nof napakamot.

"Mayabang yung isa" singit nung guard kaya nagtakip na ng bibig si Shirley.
Pagpasok nila sa main entrance tumigil yung dalaga, "Oh wow, ang lawak" sabi ng
binata. "Nof eto ha, if ever may naka open na door wag na wag kang sisilip sa loob.
Respect their privacy" sabi ng dalaga.

"Got it, pero ang ganda dito hindi amoy ospital. Amoy hotel" sabi ni Onofre kaya
natawa yung dalaga. "Yes, each room is like a big suite. Most of the patients here
may mga care giver pa silang personal pero yung mga wala kami nagproprovide. They
will stay with the patient twenty four hours so parang diyan narin sila nakatira"
sabi ng dalaga.

"Ang mahal siguro ng bayad dito" sabi ng binata. "Hmmm lets just say kaya nila
magbayad" sabi ng dalaga. Habang naglalakad may nagbukas na pintuan sa dulo, "Mama
mo" sabi ng binata. Kumaway si Shirley, si Anabel sumenyas kaya nagmadali yung
dalawa lumapit.

"Prep up and assist me with room one o four and two o seven. Minda had to go early
because of her son not feeling well in school" sabi ni Anabel. "Okay, akin na
charts ma" sabi ng dalaga. "Hello Nof, sorry medyo busy kami" sabi ni Anabel na
biglang umalis.

"Emergecny ba? Can I help?" tanong ni Onofre. "No its just routine procedures, tara
I need to get sterile. Ikaw narin if you want to come" sabi ng dalaga. Ilang minuto
lumipas sa tapat ng room 104 bitbit ni Onofre ang isang plastic containter.
"Ready?" tanong ng dalaga. "Yup, this is so exciting" sabi ng binata. "Remember,
all smiles ha and don't look around the room. Focus on the patient, all smiles"
sabi ni Shirley.

Pagpasok ng kwarto super ngiti yung dalawa, "Shirley" bigkas ng isang matandang
babae. "Hello po tita Ramona, how are you today?" tanong ng dalaga. "Eto wala parin
buhok" biro ng matanda saka inayos wig niya. "Tita we are here to get your blood
ha" sabi ni Shirley kaya doon na napailing si Onofre.
"Okay" sagot ng matanda saka naupo. "Who is this handsome man? Is he your
boyfriend?" tanong ng matanda. "Tita talaga, he is my friend. His name is Nof. Nof
this is tita Ramona" pakilala ni Shirley. "Hello po" sabi ng binata saka inabot
kamay niya kaya napikagkamayan din yung matanda.

"Nasan na yung isa? Yung mayabang" banat ni Ramona kaya natawa ng malakas si
Shirley. "Pinagpalita ako tita" sabi ni Shirley. "Ay sorry iha, pero don worry
mukhang mas mabait naman ito" sabi ng matanda kaya tawa ng tawa si Shirley.

Nalito si Onofre, kinabit na ni Shirley yung rubber sa braso ng matanda saka


nahanap na yung pulso nito. Nung nilabas ni Shirley yung injection huminga ng
malalim si Onofre. "Shirley" bulong ng matanda. "Yes tita?" tanong ng dalaga.

"Palabasin mo na ata muna siya" sabi ni Ramona kaya pagtingin ni Shirley sa binata
napansin niya na parang nahihilo ito at namumutla. "Nof" sabi ng dalaga. "Yes?"
tanong ng binata. "Labas ka muna, sige na ako na bahala dito" sabi ni Shirley. "Ha?
Hindi samahan kita" sagot ni Onofre.

"Nof, sige na. Its okay you can wait for me outside" sabi ni Shirley. "Sige na iho,
antayin mo nalang siya sa labas baka pag nag collapse ka di ka namin mabuhat" sabi
ni Ramona kaya hiyang hiya si Onofre na lumabas ng kwarto.

Sampung minuto lumipas lumabas si Shirley, "Are you okay?" lambing niya saka
hinaplos noo ng binata. "I am, sorry talaga" sabi ng binata. "Okay lang no, sorry
din nakitsika pa konti si tita. Ganito nalang, wait for me nalang sa may garden.
Diretso dito then may mga upuan don. Wait for me there at tapusin ko lang yung sa
second floor" sabi ng dalaga.

"Tsk nakakahiya" sabi ni Onofre. "Di no, sige na go to the garden at magpahangin ka
muna. I will be with you in a moment" sabi ng dalaga kaya naglakad na palabas si
Onofre. Nakakita siya ng bakanteng shade at mga upuan kaya naupo siya at don nag
antay.

Pagdating ni Shirley niyuko ng binata ulo niya. Tumabi yung dalaga, sumandal saka
pabirong pinagbabangga ang binata. "So embarrassing" sabi ni Onofre. "Wala yon no,
I have something for you pala. Eto siya" sabi ng dalaga saka naglabas ng isang
bagong injection.

"Uy parang sira to" reklamo ng binata kaya natawa yung dalaga. "Nof" sabi ni
Shirley saka nilapit yung injection. "Uy ano ba?" sabi ng binata. "Hoy umayos ka
nga, ano ba problema mo dito ha? Ang liit liit nito ah" sabi ng dalaga. "Tsk, basta
ilayo mo nga baka makatusok ka pa" sabi ng binata.

"Hahaha weakling ka, ayan hawakan mo nga kasi" sabi ng dalaga. Hinawakan ni Onofre
yung injection, "O yan happy ka na?" tanong niya. "Nope, eto pa may mas malaki pa
ako" sabi ni Shirley at naglabas pa siya ng mas malaking injection. "Shit naman o"
reklamo ng binata na napatayo.

"Hahahaha will you sit. Upo ka nga" sabi ng dalaga. "Ilayo mo muna yan kasi" sabi
ng binata. "Duwag, umupo ka nga" sabi ni Shirley. "Tsk, itago mo muna yan" sabi ni
Onofre. "If you sit I will kiss you" banat ng dalaga kaya tila nalito ang binata.
Super laugh trip si Shirley kaya si Onofre natawa narin at biglang naupo. "O yan
nakaupo na" sabi niya.

"Lapit ka to get your kiss" landi ni Shirley. "Itago mo muna yan" sabi ni Onofre.
"Ah hindi, eto ang deal, I will kiss you pero dapat lalapit din ito sa iyo" sabi ng
dalaga. "Ah kahit walang kiss, saksak mo kiss mo sa baga mo" sabi ng binata kaya
halos masiraan ng bait yung dalawa sa katatawa. "Hay Nof, when was the last time
you had your blood test?" tanong ni Shirley.

"Ewan ko, basta tinusok finger ko" sabi ni Onofre. "Blood typing lang yon hahaha.
Kailan lang blood test mo?" tanong ng dalaga. "Never" bulong ng binata. "Tara ako
kukuha ng blood mo tapos pa blood test kita, don't worry free naman siya" sabi ng
dalaga.

"No thanks" sabi ng binata. "Nof alam mo ba sa blood test you can tell if may sakit
ka o wala. Like if mataas sugar mo, createnin and other stuff makikita don. Come on
ako kukuha ng blood mo" sabi ni Shirley. "Saka na, di ko kailangan yan" sabi ng
binata.

"Nof" lambing ng dalaga kaya ang binata natawa at napakamot ng ulo. "Lika na, ako
kukuha ng blood mo" sabi ng dalaga. "Tsk badtrip ka ginagamit mo super powers mo sa
akin" sabi ng binata. "Come on, mabilis lang siya. Lika na" lambing ni Shirley kaya
si Onofre napahaplos sa mukha saka sumama sa dalaga.

Sa loob ng isang kwarto ninenerbyos na si Onofre kaya tawang tawa si Shirley.


Biglang hinawakan ng dalaga kamay ng binata kaya si Onofre napangiti. "I wont hurt
you" sabi ng dalaga. "Pwede ba ganyan muna ng matagal?" landi ng binata. "Sige
basta pumayag ka magpakuha ng dugo" sabi ng dalaga.

"Oo papayag ako, five minutes" hirit ni Onofre. "Sige" sagot ng dalaga kaya pareho
silang natatawa. "Ikakabit ko na rubber" sabi ni Shirley. "Sa bilis ng pulso ko
ngayon kailangan pa ba?" banat ni Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga. "Para
di ako magkamali, gusto mo ba magkamali ako?" tanong ni Shirley.

"Ayos lang, basta may five minute na holding hands bawat try" sabi ni Onofre kaya
natawa si Shirley, bumitaw ang dalaga para ikabit yung tourniquet sa braso ng
binata. "Wait wait, ano ba kasi hinahanap mo?" tanong ni Onofre. "Si Nemo or di
Dory" biro ng dalaga.

"Eto, akin na daliri mo, dito o. That is your pulse, so that means diyan ako
tutusok" sabi ng dalaga. "Okay okay pero timing muna kasi" sabi ng binata. "Nof
para matapos na, ganito lang siya o" sabi ng dalaga saka kumurot. "Imposible ka,
niloloko mo ako. Di ako bata uy" sabi ng binata.

"Ay ayaw kasi maniwala, magtiwala ka naman sa akin. Di ako katulad ni Sly" banat ni
Shirley kaya super natawa si Onofre. "Nof trust me" sabi ng dalaga kaya
nagkatitigan sila ng matagal. "Sige, tara" sabi ng binata.
"Close your fist, look away" sabi ng dalaga. "Oh shit, okay. Kagat langgam ha" sabi
ng binata. Napapikit si Onofre nang makaramdam ng kagat ng langgam. Ilang segundo
lumipas narinig niya yung upuan kaya napatingin siya. "Tapos na?" tanong ng binata.
"Yup, this is your blood. Pasama ko sa blood test. O diba libre" sabi ng dalaga.

"Teka, binibiro mo ako e" sabi ng binata. "Oh don't open your arm yet, hayaan mo
siya nakaclose" sabi ng dalaga. "Shirls di nga" sabi ng binata. "Ang kulit mo, ayan
sige open your arm, see may dugo pa. So keep it closed. Wait lagyan ko nalang ng
tape, teka lang label ko lang tong blood mo" sabi ng dalaga.

"Hahaha grabe ganon lang yon?" tanong ng binata sa tuwa. "Nof the test wont be that
accurate kasi dapat di ka kumain. Best time to take blood test is sa morning at
dapat empty stomach pero its okay. I just wanted you to overcome your fear" sabi ng
dalaga kaya napangiti ang binata.

Sa hardin nakangiti si Onofre, "So how are you feeling?" tanong ng dalaga. "I feel
stupid, all this time takot ako sa ganyan pero wala pala dapat katakutan" sabi ng
binata. "Tulad ko, dati dati kasi pag bad boy iiwas na ako"

"Pero nung sa Pagudpud, I dared myself, eto lasing na badboy kausapin ko kaya for a
change" sabi ng dalaga. "Badboy ako?" tanong ng binata. "Yeah, ganon ako e, if may
lasing na super lasing iniisip ko na basagulero at bad boy. To my surprise hindi ka
pala ganon"

"You changed me somehow, dapat kasi wag ako masyado judgemental. Everything is not
what they seem to be. That is what I learned from you and here I am returning the
favor. See there is nothing to be afraid of diba?" lambing ng dalaga.

"Except your dad" bulong ng binata kaya natawa si Shirley. "Matanong ko lang, kayo
na ba ng dad ko?" banat ng dalaga kaya super natawa si Onofre. "Di ako maktanggi sa
kanya, Nof dito tayo, Nof eto tikman mo, Nof try this and that..." kwento ng
binata.

"Kaya nga e, para kayong magsyota" banat ni Shirley. "Grabe ka, takot ko lang sa
kanya na tumanggi no. Ikaw naman di mo pa ako sinamahan. Iniwan mo ako with him"
sabi ng binata. "Hahaha sorry naman" sabi ng dalaga. "Ano sinasabi ng dad mo about
me?" tanong ng binata.

"Hmmm wala naman, he just asks everyday kung magkikita ba tayo ganon" sabi ni
Shirley. "Really? Ano naman sinasabi mo?" tanong ng binata. "The truth, di naman
tayo araw araw nagkikita e" sabi ng dalaga. "Gusto mo ba araw araw? Pwede ba araw
araw?" banat ni Onofre kaya nagkatitigan sila.

"Kung pwede lang why not pero our schedules forbid it. Okay na yung ganito para
mamiss mo din ako" banat ni Shirley kaya natawa yung binata. "Sabagay, pero this
place is really nice" sabi ni Onofre. "Nof its not, as much as possible make
yourself physically fit to avoid places like this. Buti nga nagquit ka na mag
smoke, drinking well if social drinking its okay. Kasi Nof dito madami yung cancer
sa lungs, cancer sa atay..."
"Nandito na lahat, pero yung iba naman dito minalas lang kasi nasa genes nila
talaga yung cancer. Si tita Ramona CA of the breast yon, late na nag manifest.
Maganda mag work dito kasi the pay is really good pero marerealize mo din how
people neglect their health" sabi ng dalaga.

"Kaya pala fitness buff ka" sabi ni Onofre. "Yeah pero dahil sa mama ko talaga.
Anyway from time to time I am here, I help out here at parang training ko narin"
sabi ni Shirley. "Dinadala mo din pala siya noon dito" sabi ng binata.

"Correction, sinusundo niya ako dito. Wala kasi tiwala yon e, seloso pa" sabi ng
dalaga. "Pero tita Romana knows him so that means ang tagal na niya dito" sabi ng
binata. "Nof, matagal talaga pag CA, it takes months to finish the whole chemo
session. Yung iba naman they prefer to stay here after at dito na magpapalakas"
sabi ng dalaga.

"I see, siya nga pala nasan na yung kiss ko?" banat ni Onofre kaya natawa yung
dalaga. "Ay grabe sisingilin mo talaga ako?" tanong ni Shirley. "A promise is a
promise diba? Pero okay lang kung ayaw mo" landi ni Onofre.

"Hahaha sira ka talaga, o sige na nga. Game saan mo gusto?" tanong ng dalaga. "Uy
joke lang, to naman di ka na mabiro" sabi ng binata. "Ay tignan mo to, game na nga
e. Saan mo gusto? Forehead, cheek, lips, name it" sabi ni Shirley.

"Hahaha wag na, joke lang yon. Thankful na ako na natulungan mo ako overcome ko
yung fear of needles" sabi ng binata. "Huh, ikaw din, going once...twice..." sabi
ni Shirley. "Apply ko lang yung sinabi mo noon, gusto ko yung halik na kusa, yung
gusto mo talaga ibigay at hindi yung reward" sabi ni Onofre.

"Kusa na nga, ay ano ba yan nawalan ako ng gana. Inarte pa kasi" sabi ni Shirley
kaya nagtawanan sila. "Happy na ako kasi nahawakan ko kamay mo" sabi ni Onofre.
"Ang babaw mo" banat ni Shirley kaya muli sila nagtawanan.

"Usually pag pumupunta ako dito I get really sad and lonely. Ngayon hindi, masaya
ka kasi kasama e" sabi ni Shirley. "Really?" tanong ni Onofre. "Yes really, Nof may
tanong ako sa iyo" sabi ng dalaga. "Sure ano yon?" sagot ng binata.

"Bakit ang smooth ng kamay mo, di ka marunong magtrabaho sa bahay ano? Buhay
senyorito ka siguro ano? Sino na magsisibak ng kahoy panluto natin? Ako ba?" banat
ni Shirley kaya super natawa si Onofre. "Joke lang, napansin ko lang smooth yung
kamay mo at malambot"

"Yung kamay niya kadiri minsan kasi ang daming peklat. Nasobrahan ata siya ng alone
time" banat ni Shirley kaya halos masiraan ng bait si Onofre sa tindi ng tawa. "Oh
come on, nasa medical field ako so I know about those things"

"Pero Nof turn off ba ako?" tanong ni Shirley. "Of course not, naaliw nga ako sa
iyo e" sabi ng binata. "Sinasabi mo lang yan kasi crush mo ako, be honest" sabi ng
dalaga. "Oo crush kita pero okay ka nga talaga e. Kwela ka, may serious side then
may playful side, may kalog side then may super kalog side" sabi ng binata.

"Grabe ka naman, ano ako kwardrado? Mukha ba akong ref? Wag naman side. Curve naman
para kunawri sexy talaga ako" landi ni Shirley kaya laugh trip silang dalawa. "So
you ganito ka lang dito? You just wait until they need your help?" tanong ng
binata.

"Oh no, inaantay ko allowance ko. Kasi binibigyan din ako allowance from here for
helping out. Its not much, its like one thousand every two weeks lang. I am going
to get one thousand today pero mamaya pa konti daw so lets just wait"

"Tapos ililibre kita sa restaurant nearby" sabi ng dalaga. "Huh?" tanong ng binata.
"Tsk wag ka na maarte, I have been planning this since Monday. Wag ka narin
kokontra. Akala ko nga masisira yung plano, akala ko mahihimatay ka kanina" sabi ng
dalaga.

"Ah..pero pag nahimatay ako masaya kasi may chance for CPR" sabi ni Onofre.
"Hahahaha oo nga, sayang ano?" landi ng dalaga. "Pero Shirls di mon a ako need
ilibre, yung mga kapatid mo nalang. Buy some goodies for them" sabi ng binata.

"Wag kang nakikialam ha, gusto ko e. Ano suntukan tayo? Tara" hamon ng dalaga
katawa ng husto si Onofre. "Are you taking me out on a date?" landi ng binata.
"Ikakatuwa mo ba pag date ang tawag sa magaganap mamaya?" bawi ng dalaga with
matching beautiful eyes. "Syempre" sagot ng binata.

"O edi date, doon ka masaya e" sabi ni Shirley. "E ikaw?" tanong ni Onofre. "Ang
dami mong tanong grabe ka. Nof ha wag kang makulit" sabi ni Shirley.

D}0

=================

Chapter 39: Kels

Chapter 39: Kels

Pagpasok palang ng bahay nina Dani sumalubong na agad si Nina at pinapasikat ang
mga kuko niya. "What the..." bigkas ng binata. "Color Nof o" sabi ng bata. "Yes
baby, wow so colorful" sabi ng binata at sakto sumulpot si Dani.

"What the hell are you doing to her?" tanong ng binata na pagalit. "Bakit ba? She
saw me coloring my nails, nainggit siya so ayan kinulayan ko din" sabi ng dalaga.
"She is just a kid" sabi ni Onofre. "I know, kesa magtantrum pinag bigyan ko na"
sabi ni Dani. "What if she puts it in her mouth? Baka malason siya" sabi ng binata.

"Binabantayan ko naman e" sabi ni Dani. "Nof blow o" sabi ng bata kaya yumuko ang
binata at hinipan ang mga daliri ng bata. "Nakabili ka?" tanong ni Dani. "Opo meron
po" sabi ng binata. "Yes! Dali dito dito, bring Ninny" sabi ng dalaga saka nagtungo
sa dining area.

"Wow Ninny o" sabi ni Dani nang buksan ng binata yung karton ng brownies. "Wow!
Mama o" sabi ng bata. "Yes Nof will feed us" sabi ni Dani. "Ano?" tanong ng binata.
"Basa nails namin, I can eat but if I do she will follow. So ano gusto mangyari?"
pacute ni Dani.

"Wow, Ninny ang mudrakels mo ha" sabi ni Onofre kaya biglang tumawa si Nina. "Nof
gawan mo kami hot choco narin" sabi ng dalaga. "Umaabuso ang mudrakels mo Ninny"
reklamo ng binata. "Mukels" sabi ng bata kaya natawa yung binata.

"Mudrakels, mudra kels, mudrakels" sabi ni Onofre. "Mudrakels" sabi ng bata todo
palakpak si Onofre. "Eto this is your mudrakels" sabi ni Onofre. Tinuro ni Nina ang
nanay niya, "Mudrakels" bigkas niya saka tumawa. "Sige turuan mo, daddy heard the G
word and he thought she learned it from you" sabi ng dalaga.

"Ha? She learned that from you, bakit di mo sinabi?" tanong ng binata. "Wala"
pacute ni Dani. "Wow, so ano did he ask about us?" tanong ni Onofre. "Nope, dalian
mo sa hot choco para makakain na kami" sabi ng dalaga. "Ninnykels ang mudrakels mo
mega utos anetch" bigkas ni Onofre at napaariba sa tawa si Nina.

"Hala anak" sabi ni Nina kaya humirit si Onofre at nagpilit na mag gay lingo na
kinatuwa ng bata. "As if naiintindihan mo ha" sabi ni Dani pero pag lingon niya
natatawa pala si Nina sa pag kilos ng binata na todo wagayway mga kamay at pakembot
kembot habang nagsasalita.

"O there hot chocokels. Come Ninnykels kandongbells ka initch" sabi ni Onofre kaya
maluha luha na si Dani sa katatawa. "Ninny don't use hands ha, like this only
okay?" sabi ni Dani na nagpakita na nakausli lang mga daliri niya.

"Alipin ang peg, okay Ninny bite, say ah" sabi ng binata. Paglapit sa brownies sa
bibig ng bata kumabig ang binata at siya ang kumagat. Sumigaw si Nina kaya paspas
na dinikit ng binata yung brownies sa bibig nito. "Ayan kasi" sabi ni Dani.
"Antipatika, di makaantay" sabi ni Onofre.

"Rap" bigkas ng bata saka ngumiti. "O si mudrakels naman, natetempt ako mag breezy
move" sabi ni Onofre. "Anong breezy move?" tanong ni Dani na kakagat na dapat pero
nilayo ng binata yung brownies saka nilapit mukha niya. "Hahaha gagu" sigaw niya
saka kinurot yung binata. "Gagu" gumaya yung bata saka tumawa.

"Joke lang" sabi ng binata. "Ikaw nakakahalata na ako ha" biro ng dalaga. "Joke
lang nga e, grabe ka naman. Napanood ko lang sa FB yung ganon no" sabi ng binata.
"Mudrakels" sabi ni Ninny kaya natawa si Onofre. Tinuro ni Dani yung binata saka
nag isip, "Ano ba tawag don?" tanong niya. "Ninny who is that?" tanong ni Onofre
saka tinuro si Dani.

"Mudrakels" sagot ng bata saka tumawa. "Ah Ninny that is testicles" sabi ni Dani.
"Hoy" bigksas ni Onofre. "Tetekels" sabi ng bata kaya umariba sa tawa sina Dani at
Onofre. "Tsk ayan tinuruan mo, bakit naman yon? She is just a kid" sabi ng binata.

"E di ko alam ano tawag nung isang term so yon nalang meron ka naman e. Tama ba o
wala?" banat ng dalaga. "Hahahaha wow insulto yon ah. Grabe, mudrakels is okay, its
funny, pero yung tinuro patay nanaman ako sa tatay mo" sabi ng binata.

"Hayaan mo na she wont remember it" sabi ni Dani. "Anong she wont, matalino tong
anak mo and the other term is pudra" sabi ng binata. "Ayun, pudrakels" sabi ni
Dani. "Tetekels Nof" sabi ni Nina kaya nagtakip ng bibig si Dani habang si Onofre
natawa nalang.

"So ano di tayo lalabas?" tanong ng binata. "Tinatamad ako e, dito nalang tayo"
sabi ng dalaga. "Saan sina mom and dad mo?" tanong ng binata. "Naki attend ng
bunyag ata yon. Sinasama kami pero tinatamad talaga ako. Ay Nof someone gave me a
rose yesterday" sabi ng dalaga.

"Wow, suitor?" tanong ng binata. "Ewan ko, basta hinatid sa classroom ko kahapon.
Wala note e" sabi ng dalaga. "Suitor siguro, uy naks may suitor" landi ng binata.
"Tumigil ka nga, wala ako panahon sa ganyan right now" sabi ni Dani.

"Bakit naman? Suitor lang naman ah. Nagtataka lang ako bakit ngayon lang. Sa ganda
mong yan I was expecting a lot actually" sabi ng binata. "Hello they all know may
anak na ako, alam mo naman nag iiba tingin ng mga tao sa mga babaeng ganon" sabi ng
dalaga. "Wag mo lahatin, wag ka nga ganyan. Basta di maganda usapan ito" sabi ng
binata.

"Which one? Yung may suitor ako? Selos ka?" landi ng dalaga kaya natawa ng malakas
yung binata. "No I am not jealous" sagot ni Onofre kaya nalungkot konti yung
dalaga. "Sino kaya yon?" tanong ni Dani. "Wala bang note man lang or sana tinanong
mo sino nagpapaabot" sabi ng binata.

"Wala e, anyway hindi naman siya buhay" sabi ng dalaga. "What do you mean hindi
buhay?" tanong ng dalaga. "Ano ba tawag don yung pinatigas na. Basta pang display
e" sabi ni Dani. "Still it's a rose" sabi ng binata. "Kaya nga, so iniwan ko lang
siya don sa room namin. Ang nakakatawa nasira ko ata kasi nilagay ko sa vase na may
tubig tapos naalala ko hala patay pala" sabi ni Dani.

"Malay mo mabuhay, water of life" banat ni Onofre. "Harharhar" sabi ni Dani. "Mama
color o" sabi ni Dani saka tinuro kuko ng binata. "Ay no, Ninny only for girls the
color" sabi ni Onofre. "Color Ninny?" tanong ni Dani. "Uy Dani ano ba? Do not
encourage her" sabi ng binata.

"Ito o, color mama" sabi ng bata saka pinagtuturo na talaga mga daliri ng binata.
"Oh pano ba yan?" landi ni Dani kaya humaplos ang binata sa mukha niya. "Mama
color" sigaw ni Nina kaya inuga na ni Onofre ulo niya habang si Dani tawang tawa.
"Fine, do it. Ikaw Ninny ha di kita matiis e" sabi ng binata saka niyakap yung bata
at tinuka sa pisngi.

Limang minuto lumipas abala si Dani sa pag kulay sa mga daliri ng binata. "Nag
eenjoy ka naman" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani. "Blow Nof" sabi ni Dani.
"Later pag tapos na lahat" sabi ng binata. "Blow" sigaw ng bata kaya tumigil si
Dani para hipan ng binata daliri niya. "Nakakatakot tong anak mo" sabi ng binata
kaya natawa si Dani.

"Lagyan mo na ng singsing" biro ni Onofre. "Baliw ka talaga" sabi ni Dani pero


kinilig siya. "Sige na ilabas mo na yung tinatago mong singsing" hirit ni Onofre.
"Hahaha san naman ako kukuha?" tanong ng dalaga. "Oy ayusin mo naman, Ninny o look
o" sumbong ng binata kaya pagtingin ng bata nakita niya may lumampas.

Kinurot ni Nina si Dani kaya tumawa ng malakas si Onofre. "Traydor ka anak, dapat
ako kampihan mo" sabi ni Dani. "Color ganto o" sabi ng bata saka pinasikat yung
maayos na pagkulay sa mga kuko niya. "Opo boss, sorry po boss" sabi ni Dani.

Nung makulayan na lahat ng kuko ni Onofre blow ng blow si Nina saka palakpak ng
palakpak. "I feel so pretty now" landi ng binata. "O yan Ninny same na o" sabi ni
Dani saka pinasikat mga kuko niya. "O Ninnybells majonda na ang pudrakels mo" banat
ni Onofre.

Tumawa yung bata, "Ninnykels" hiyaw niya saka lalong umariba. Si Dani nagpipigil
dahil sa sinabi ng binata pero natatawa na pagkat anak niya tila nababaliw at
naloloka sa pagbabakla baklahan ng binata. "Ninnykels iblow itech may I fooooo
fooooo bongga" bigkas ni Onofre.

"Hala ang Ninnykels may I crysong sa laughsong" banat ng binata kaya natawa na si
Dani at pinagpapalo yung binata pagkat hindi na natigil yung tawa ng bata. Kinunan
ng video ni Dani yung anak niyang walang tigil sa katatawa, "Ay kalurkey ka
Ninnykels, may I beautify nailsung, I am your new mudrakels" banat niya.

Grabe yung hiyaw ni Nina, napaubo na ito kaya nagpanic si Onofre at hinaplos haplos
likod ng bata. "Okay enough baby" sabi ni Onofre. "Teka kuha ako tubig" sabi ni
Dani. Pagbalik ng dalaga uminom agad si Nina mula sa baso. "Wow drinking from the
glass na" sabi ng binata.

"Oo, eversince you taught her gusto na niya glass except her milk of course" sabi
ni Dani. "Very good girl, drink some more" sabi ni Onofre kaya uminom pa yung bata.
"Grabe ang pula niya, na exercise ng husto tiyan niya katatawa" sabi ng binata.

"Water" sabi ng bata. "Oy nagpapakitang gilas ka na ha, baka di na kaya ng tiyan
mo. Gusto niya nasasabihan ng good girl e pansin ko" sabi ni Onofre. "Oo nga kaya
di ko pinuno yung baso" sabi ng dalaga. "Very good girl Ninny" sabi ng binata saka
humalik sa noo ng bata.

"Buti nalang weekend, mabilis lang ba maalis to?" tanong ni Onofre. "Yeah, patulong
ka sa ate mo" sabi ni Dani. "Malamang pag uwi ko pagdududahan ako. I can imagine ng
looks and questions" sabi ng binata. "Kaya pala wala ka pang girlfriend. Kaya ka
siguro lagi kina Dani kasi nagpapaturo ka pano gumanda sa kanya" banat ni Dani kaya
laugh trip yung dalawa.

Nagkaroon ng moment of silence pagkat biglang humarap si Nina sa binata saka


yumakap. "Tired baby?" bulong ni Dani. Pumikit ang bata kaya niyakap ng binata
isang braso niya. "Let her sleep" bulong niya.

"Napagod ng maaga" sabi ng dalaga. "Don't worry when she wakes up maglalaro ulit
kami" sabi ng binata. "How about Kaloy?" tanong ni Dani. "With his lolo and lola
and mom, shopping sila ata" sabi ng binata. "O hala, baka dapat nandon ka" sabi ni
Dani.

"Nope, si ate ngayon. Iba yung akin. Pag ganon understood na yon. Walang inggitan"
paliwanag ni Onofre. "Ah, sorry only child e" sabi ni Dani. "Bakit pala ganon?"
tanong ng binata. "Kasi my mom could not get preggy anymore. Well she did actually,
pero both times miscarriage tapos don nalaman na di na pwede" sabi ng dalaga.

"Ay sorry" sabi ng binata. "Okay lang, kaya now they have me and Ninny" sabi ng
dalaga. "Sama mo naman ako" landi ng binata. "Hahaha fine" sabi ng dalaga. "Nasira
ba talaga yung rose?" tanong ng binata.

"No, why?" tanong ni Dani. "Para pag sira palitan ko siya" sabi ni Onofre. "Hahaha
baliw, bakit mo naman papalitan?" tanong ni Dani. "E kasi ako nagbigay non" sagot
ni Onofre. Nanigas si Dani, kinikilig siya pero nagdududa din sa sinabi ng binata.

"Tumigil ka nga, ikaw nagbigay non?" tanong ng dalaga. "Yeah, it so happens I have
a friend who studies at your school so sabi ko idaan niya sa classroom mo. Diba you
gave me your schedule? So ayon" sabi ng binata. "Oh come on, nagpapatawa ka na"
sabi ng dalaga na yumakap sa isang unang sa tindi ng kilig.

"I did, alam ko pa magkano yung rose na yon at saan nabibili. Diba scented siya na
parang matamis" sabi ng binata. "Oo..you have to be kidding me" sabi ng dalaga.
"Nope" sabi ni Onofre. "Bakit mo naman ako bibigyan ganon?" tanong ni Dani.

"Gusto ko, di ko sana aaminin. Kasi gusto ko sana na mafeel mo na its okay. Gusto
ko mainspire ka at maalis sa isipan mo na porke may anak ka na e naiiba ka na. Yun
lang, did it work?" tanong ng binata saka tinignan yung dalaga. Hindi nakayanan ni
Dani yung titig ng binata kaya humarap siya saka lalo niyakap yung unan.

"Felt flattered" bulong niya. "Good, mission accomplished pero tsk dapat di ko
inamin but still sana kahit alam mo na galing siya sa akin e flattered ka parin"
sabi ni Onofre. "Sobra" bulong ng dalaga. "What did you say?" tanong ng binata.
"Sabi ko salamat" sabi ng dalaga.

"Sorry din sa kulay, red and orange" sabi ng binata kaya lalong kinilig yung dalaga
pagkat yun na yon yung kulay ng rosas na natanggap niya. "Ganda nga niya e, I like
it, sana di ko siya nasira" sabi ni Dani.
"Papalitan ko pag sira, gawin kong tatlo" sabi ng binata kaya di na nakapagsalita
ang dalaga. "Para naman pag nakita nila aba aba, o diba?" sabi ni Onofre. "Baliw,
if ever may makakita sasabihin ko naman galing sa iyo" sabi ng dalaga.

"Wag mo sabihin ako" sabi ni Onofre. "Why?" tanong ng dalaga. "E kasi alam nila
friends lang tayo e, gusto ko pag may makakita maisip din nila na aba may suitor si
Dani, as expected" sabi ni Onofre. "Oh shut up, sasabihin ko ikaw" sabi ng dalaga.

"E di sira na purpose nung rose" sabi ng binata. "Bakit masisira? Napangiti mo
naman ako. You made me happy already" sabi ng dalaga. "Ganon ba?" tanong ng binata.
"Yeah, mission accomplished nga e. Pero aasahan ko na gagawin mong tatlo yon" banat
ni Dani.

"Para I love you ganon?" tanong ni Onofre. "Hahaha gagi, diba sabi mo para pag
makita nila e maisip nila as excepted" sabi ng dalaga. "E sabi mo sasabihin mo na
galing sa akin mga yon" sabi ng binata. "Oo nga no, e di so what?" sabi ni Dani.

"Sabihin mo nalang sila yung the Kels. Ninnykels, Tetekels and Pepekels" banat ni
Onofre kaya napahiyaw si Dani, humarap sa binata saka sinakal ito bigla. "Joke
lang, Ninnykels, Mudrakels and Tetekels" hirit ng binata.

"Hahaha gagi" sabi ng dalaga saka sumandal sa binata. "Aga napagod" bulong ng
binata. "Actually she woke up very early" sabi ng dalaga. "Ows? E di puyat ka pala"
sabi ng binata. "Its called being a mom" bulong ng dalaga.

"Pikit ka, iglip ka if you want. Sige na go, itulog mo muna at ako bahala kay
Ninnykels" sabi ng binata. "No na, I can nap here...okay lang ba?" lambing ng
dalaga saka niyakap braso ng binata saka todo sandal. "Sure, pero dapat ata iniga
natin si Ninny para mas comfortable" sabi ng binata.

"Hindi na no, nap lang yan sa kanya. Pag gising niya hyper ulit yan" sabi ni Dani.
"Ang iksi pala ng alone time natin" biro ng binata kaya natawa ng husto si Dani.
"Just kidding, sige nap ka din" sabi ng binata.

"Salamat sa rose" bulong ng dalaga. "If someone gives you a rose tama lang ba mag
thank you? Sorry kasi I really don't know. I have given Sly roses pero like you she
asked bakit ko siya binigyan. Diba automatic na yon dapat?"

"Na pag binigyan ka e dapat alam mo na bakit" sabi ng binata kaya napakagat labi si
Dani at muling kinilig. "Minsan we have to ask to make sure...syempre mahirap mag
assume" sabi ng dalaga. "Ah,pero sya tanong ng tanong, dapat pala noon palang
bumitaw na ako sa kanya" sabi ng binata.

"Di rin" sabi ni Dani. "Bakit naman?" tanong ng binata. "If bumitaw ka noon then
for sure may girlfriend ka nang iba. Manhid lang yun, tanga in my opinion. If nagka
GF kang iba then sana di ka namin nakilala"
"Selfish reasons but I am happy we met. Isipin mo nalang you took one for the team"
banat ni Dani kaya natawa si Onofre. "Took one for the team, anong team?" tanong ng
binata. "Kels teams, tayong tatlo. Ninnykels, Tetekels and Pepekels" banat ni Dani
kaya bungisngisan yung dalawa.

"Tama ka, pero Dani itong pagiging close ni Ninny sa akin okay lang ba? Baka naman
may boundary na akong nilalampasan ha" sabi ng binata. "Wala naman, why would you
think that?" tanong ng dalaga.

"I really don't care what people say, pero iniisip ko si Ninny. Baka isipin niya na
ako talaga. Will that be bad?" tanong ng binata. "When she gets older we can
explain it to her naman pero for now you are still going to be that guy right?"
sabi ng dalaga.

"Of course, sa gusto mo o ayaw mo I will that guy. Diba sinabi ko na sa iyo yon?"
sabi ng binata. "Nof sa aming mga babae...oo nagiging makulit kami pero ang gusto
lang namin is assurance" bulong ng dalaga.

"Makahanap ka man o hindi, you wont raise her alone. You will always have me.
Pagkatapos mo ako halikan sa harapan ng tatay mo saka mo ako itatakwil? Wow men,
foul" banat ni Onofre kaya napahiyaw si Dani, naatake niya yung binata ng kurot
kaya nagising bigla si Nina.

"Hala ka ang sama ng tingin niya. Ninny bad si mama mo, ayaw niya ako panagutan"
banat ni Onofre kaya natawa ng husto si Dani at kinagat ang binata sa braso. "Ninny
o" sumbong ng binata pero ang bata humikab saka muling hiniga ang ulo niya sa
balikat ng binata.

"More alone time for us" landi ni Onofre kaya super halakhak si Dani na nakiliti.

15.com,Ņ6��R 

July 14, nabuo ang KELS NATION!!! Change of name na ang team Dani? KELS NATION!
Hahahahahaha

Biglang napamura kasi bukas Team Shirley hahahahaha

=================

Chapter 40: Inner Circle

Chapter 40: Inner Circle


Isang Miyurkeles sa parking area ng paaralan nina Shirley nakatayo si Onofre sa
likuran ng dalaga. "Uy so outreach nalang tayo?" tanong nung isang nursing student.
"Yeah, ano pa nga ba? Pero yung unique naman sana" sabi ni Shirley. "Like what?"
tanong nung isa.

"Libre tuli" bulong ni Onofre kaya super halakhak si Shirley. "Ano sabi niya?"
tanong ng kaklase ng dalaga. "Wala" sagot ni Shirley. "Share mo naman sinabi ng
boyfriend mo" udyok nung isang bading. "Libre tuli" sabi ni Onofre kaya laugh trip
yung lahat.

"Game ako diyan pero nursing students lang kami. Sayang" sabi ng bading. "Uy
seryoso na kasi, wag naman feeding feeding o linis kalye. Yung related naman sana
sa course natin" sabi nung isa. "Gutom program, yung kukunin mo pagkain nila" banat
ni Onofre kaya halos masiraan na sila ng bait katatawa.

"Hay naku kaloka yang BF mo girl" sabi nung isang dalaga. "Game serious na" sabi ni
Shirley. "Pass on knowledge, wag barrio barrio. Aim for schools. Kasi pag baryo
lang how do you know that they are willing to learn? They might be after the
freebies only then that's it"

"Aim kayo ng school, coordinate kayo sa isang public school and there you can
augment their health subject for one lecture. Mga simple lang na kaya nila gawin sa
bahay. Like how to know if may lagnat, what to do if wala pang gamot. Basic illness
lang, mga sugat which is common, mga kati kati, lagnat, ubo, sipon"

"Then ano pwede nila gawin if wala pa pera to buy medicine or better yet what they
can do to avoid getting sick. Aim for the schools kasi the kids are going there to
learn. Then later on we can give them med kits" sabi ni Onofre.

"Maganda idea mo pero med kits? Saan kami kukuha ng funds for that?" tanong ng
bading. "Ako na bahala don, my mom and dad works for...basta kung willing kayo
don't worry about the med kits, focus on the lecture that you are going to give"
sabi ng binata.

"Seryoso ka?" tanong nung isang babae kaya napatingin na si Shirley sa binata. "Of
course, basta focus kayo sa lecture. Yung med kit part sagot ko na yon" sabi ni
Onofre. "Uy sure ka?" tanong palambing ni Shirley. "Yup, sige na figure out if you
can manage to teach them, pero dapat magandang lecture naman"

"Honestly its best if wag sila magrely sa mga gamot. Prevention is still better
than cure so focus on that. Then last resort na yung gamot kung may sakit na
talaga" sabi ni Onofre. Natuwa yung grupo kaya napag usapan nila na mag meeting
nalang ulit bukas.

Sa loob ng kotse nakangiti lang si Shirley habang hinahaplos mga hita niya.
"Tahimik ka ata" sabi ng binata. "Grabe, totoo ba talaga yon?" tanong ng dalaga.
"Yes, diba dad and mom ko e alam mo na. Sus matutuwa pa sila pag ganon kasi parang
advertising narin yon"
"Don't expect much naman sa med kit, laman lang non is temperature strip pangkuha
ng temperature, one roll gauze, plaster, medyo madami din pala at may gamot of
course but again not that much. Uy baka sabihin mo taking advantage ako para sa
advertisement, hindi ha. I just wanted to help"

"They already did the same before I remember kasi sumama ako sa pagdalaw nila don
sa liblib na baryo. Bad move, kasi parang galit pa yung mga taga don. They were
expecting food and cash, so ayan kaya ko sabihin na aim for a school and dapat sa
health subject nila ang focus" sabi ng binata.

"Tsk, galing mo" sabi ng dalaga. "Awww wala yon no, para sa iyo yon" sabi ng
binata. "Salamat talaga, sa totoo late na kami e. Yung ibang groups nag outreach
na. Grabe Nof hulog ka ng langit" sabi ni Shirley.

"Tumigil ka nga, you are acting weird" sabi ng binata. "Basta thankful ako sobra.
Lahat sila umaasa sa akin porke doctor dad ko at nurse mom ko. Busy naman si daddy
para makasama sa amin sa outreach at ayaw namin gumaya sa iba" sabi ng dalaga.

"Relax, basta ayusin niyo yung lecture tapos sagot ko na yung mga medkits" sabi ng
binata. "No strings attached, gusto ko lang makatulong" dagdag ng binata kaya super
ngiti ang dalaga. "Kakaiba ka talaga, nakakainis ka" sabi ni Shirley.

"Nakakainis?" tanong ng binata. "Oo, basta wag kang nakikialam. Umoo ka nalang"
sabi ni Shirley kaya natawa yung binata. "Nof may tanong ako sa iyo" sabi ng
dalaga. "Sure ano yon?" tanong ng binata.

"Ano magandang iregalo sa daddy ko? Birthday niya soon. Tagal ko na nag iisip,
kanina you impressed me e so sa iyo ako magtatanong" sabi ng dalaga. "Ahem, let me
think. First reply ko isang piyesa don sa new project niya pero goodluck naman sa
paghahanap ng ganon"

"Second ano pa ba hilig niya? Mahirap na mag isip when you have it all" sabi ni
Onofre. "Uy grabe ka naman, wag naman ganon" sabi ng dalaga. "Okay, mahirap mag
isip pag really blessed na. Siguro bigyan mo siya ng apo" biro ng binata kaya super
natawa si Shirley.

"Bwisit pareho kayo ni Bianca ng sinabi" sabi ng dalaga. "Joke lang yon, alam ko
wala kang hilig sa cars pero eto gawin mo, before his birthday offer yourself to be
his assistant sa project niya. Listen he wont let you do hard work naman trust me"

"Basta tulungan mo lang like just be there, ask questions, basta be with him. He
enjoys rebuilding cars so join him. Mas maganda pag lahat kayo, or much even better
if tumulong talaga kayo lahat sa pagrebuild ng latest project niya"

"Like me with my dad, wala naman ako maibigay na material kasi wala ako pera. If I
ask my mom he will know, if I ask my ate he will know too. So pag birthday nina
mommy or daddy, I behave" banat ng binata kaya tawang tawa si Shirley.
"Nof kailan birthday mo?" tanong ng dalaga. "Malapit na" sagot ng binata. "Good,
paalala mo ha para magbehave ako" pacute ng dalaga. "Hahaha sure, akala ko naman
bibigay mo na matamis mong oo" landi ng binata. "Bakit ba laging gusto matamis na
oo?"

"Will it matter if sinagot kang pagalit? Kung sinagot kang in shock? Ang point don
sinagot ka. Cant you be happy? Kailangan ba talagang sweet pagkasabi?" landi ng
dalaga kaya tawang tawa si Onofre.

"Grabe ka memorable moment so mas maganda pag sweet pagkasabi" sabi ng binata. "E
what if near death sila pareho, tapos gusto na niya sagutin before they die. O
tapos magkalayo sila, may comet na pabagsak, gusto mo pa sweet pagsabi? Ibabaon mo
din lang sa afterlife yung sinagot ka, kayo na sa afterlife" hirit ni Shirley kaya
nagswerve yung kotse sa tindi ng tawa ng binata.

"Nof the barkada of my ex is asking me out on a date" sumbong ni Shirley kaya


nagulat yung binata. "Nagpapatawa ka ba? Naka move on na ako kay Sly" sabi ng
binata. "Seryoso, nagulat nga ako e kasi nakita ko siya kanina tapos ayon nakapag
usap kami. Then all of a sudden hala naging seryoso yung loko tapos niyaya na ako
mag date" sabi ng dalaga.

"Ow so ano sinabi mo?" tanong ng binata. "E di sinabi ko na I am seeing someone"
sabi ng dalaga. "You are?" tanong ni Onofre kaya tinignan siya ng dalaga. "Duh,
ikaw kaya" sabi ni Shirley kaya nanigas si Onofre, humarap siya agad at kumapit ng
husto sa manubela.

"Para kang engot hahaha, sino pa ba? Ikaw lang naman lagi ko kasama" sabi ni
Shirley kaya di maipaliwanag ng binata nararamdaman niyang matinding tuwa.
"Tinetesting lang kita" banat niya. "Well anyway, so ayon, grabe the nerve of that
guy asking me out"

"FYI mabait lang ako sa kanya kasi kaibigan siya ng ex ko. Ay grabe baka feeling
niya may gusto ako sa kanya or may chance. Haller! At grabe barkada niya ex ko,
hell no" sabi ng dalaga kaya napangiti si Onofre. "Buti pa ikaw ganyan, si Sly
hindi" sabi ng binata.

"Uy naman kwento ko ito, gumawa ka nanaman para isingit story mo, respeto naman"
banat ni Shirley kaya natawa yung binata. "Sorry po, please continue" sabi ng
binata. "So ayon I said I was seeing someone, aba ayaw pa maniwala ang gago e.
Presko pa siya as in turn off sobra. Parang gusto niya sabihin na he is better"

"My God ang layo! Ugali palang mas cool ka ng sobrang layo. Siya na siguro unang
guy na mabubuntal ko if ever. Tapos sa itsura naman ang layo ng laman mo. Hoy wag
mong ikakatuwa pero honestly lamang ka ng benteng paligo don no. Ayaw niya maniwala
hahaha kapal din yon e"

"Bakit ganon lagi boys? If you say you are seeing someone parang dedma sila at they
show an attitude that they are the better option" sabi ni Shirley. "Ewan ko, wag mo
naman lahatin" sabi ng binata. "Di rin, its common like our friends if someone says
ay si ganito magaling sa DOTA, then our guy friends would start acting ewan, basta
parang gusto nila sabihin na mas magaling sila" sabi ng dalaga.

"Kayo din naman ah, if may maganda dumaan you start to fix yourself then grabe ang
titig to the other girl" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga. "Fine, siguro
ganon lang tayo ginawa. Pero ang kapal nun talaga" sabi ni Shirley.

"So.." bigkas ng binata. "So ano?" tanong ng dalaga. "So where do you wanna go?"
kabig ng binata. "Hala Nof, ulyanin ka na ata. We are going to Bianca's resto to
taste their new salads" sabi ng dalaga. "Ay oo nga no, shit salad, akala ko liempo,
ang sarap non" sabi ng binata.

"Para daw may balance. Kasi sabi ko only guys would visit their resto. If may
salads then isasama na nila girlfriend nila. O diba? Dapat nga bayaran niya ako for
that idea e pero okay lang friend ko naman siya" sabi ni Shirley.

"Parang tayo, I love liempo tapos ikaw not much so sa salad ka" banat ni Onofre.
"Wow ha, parang may hidden message yon ah" landi ng dalaga kaya nagtawanan sila.
"Ay isa pa pala, may suitor si Bianca and she is asking for your help" sabi ng
dalaga.

"Huh? Pano?" tanong ng binata. "Double date" sagot ni Shirley kaya pigil ngiti yung
binata. "Sure, kailan yan?" tanong ng binata. "Di ko pa alam, its your fault, she
changed dahil sa sinabi mo at agad agad may serious suitor na siya bigla. So you
have to agree" sabi ng dalaga.

"I already said yes, double date e" landi ng binata kaya natawa yung dalaga. "Nof
she is like my sister, I love her so please use your magic and find out if the guy
has real intentions" sabi ni Shirley. "Sure, pero you can give her that advice
naman ah" sabi ng binata.

"I know but its easier now with you. May real guys perspective kami. O yan may
silbi ka diba?" biro ni Shirley kaya natawa yung binata. "Shirley matanong ko lang,
tomboy ka ba dati?" tanong ng binata.

"Hahahaha nope, sorry naman. Diba nga it was only me and my dad for some time. What
do you expect?" pacute ng dalaga. "Just asking" sabi ni Onofre. "Girl ano, may
chance na magiging tayo. Uy natuwa siya, uy uy are you blushing?" landi ni Shirley
kaya super natawa si Onofre sa tindi ng kilig.

Pagdating sa restaurant nina Bianca naupo agad sina Onofre at Shirley. Ang dalaga
dumikit sa binata saka pinakita yung isang text. "Yan o nangungulit nanaman siya"
sumbong ng dalaga kaya pasimpleng umakbay ang binata at nakisilip sa phone ng
dalaga.

"Dial mo" sabi ng binata. "Kakausapin mo?" tanong ni Shirley. "Yeah, dial mo dali"
sabi ni Onofre kaya agad sumunod ang dalaga. Dinikit ni Onofre yung phone sa tenga
niya, "Lipat mo para marinig ko" sabi ng dalaga kaya halos mag cheek to cheek na
sila.
"You called" sagot ng binata sa kabilang linya. "Yeah I did, I don't appreciate you
bothering Shirley. So I will just ask you this once to stop" sabi pagalit ni
Onofre. "Sino to?" tanong nung binata. "Wag mo na paabutin sap unto na makikilala
mo ako. Ano pre, lubayan mo na siya ha"

"Malinaw ba ako o kailangan pa natin mag harap para mag usap ng masinsinan?" tanong
ni Onofre kaya kagat labi si Shirley na kinikilig. "Sure, sure okay" sagot nung
binata saka namatay na yung tawag. "There you go" sabi ni Onofre kaya natili konti
si Shirley saka binangga bangga yung binata.

Tumunog phone ng dalaga kaya sabay sila napatingin. "Ikaw naman nagsumbong ka pa"
basa ni Shirley saka tumawa ng malakas. "Kulit mo e" sagot ng dalaga. "To naman o,
uy sabihin mo na sa kanya I was just kidding. To naman o" sabi nung binata kaya
laugh trip sina Onofre at Shirley.

"Oh my God natakot siya sa iyo" sabi ng dalaga. "Huh that was just basic. Tignan mo
yan, tangina liligaw ligaw tapos duwag pala. Pano ka naman ipagtatanggol niyan if
ever" sabi ni Onofre. "Shit astig, sana nirecord ko para iparinig ko kay Bianca"
sabi ng dalaga at sakto naman dumating si Bianca. Napatayo si Shirley, sinugod
kaibigan niya saka nilayo ito at silay nag usap.

Pagbalik nila sabay sila naupo, "So she told you already pala, Nof ha samahan niyo
ako ha. Tapos if you sense na di siya yung pwede pagkatiwalaan gawin mo yung ginawa
mo kay Reginald" sabi ni Bianca. "Reginald yung kausap ko kanina?" tanong ni
Onofre.

"Oo, matagal na niya kinukulit si Shirley kaya. Sabi ko sa babaeng yan magsumbong
sa iyo. Ewan ko ba bakit ngayon lang nagsumbong kasi yan" sabi ni Bianca. "Matagal
na pala e" sabi ni Onofre. "Tsk, basta...tapos na diba?" pacute ni Shirley.

"Uy Nof may sasabihin pala ako sa iyo, alam mo sabi ni.." kwento ni Bianca pero
tumayo agad si Shirley at tinakpan bibig ng kaibigan niya. Parang bata yung dalawa
kaya si Onofre napapangiti at nakikiliti ang utak niya.

"Gagi to, wag kang mag imbento kasi" sabi ni Shirley. "Bakit sinabi mo naman kasi
yon talaga" sabi ni Bianca. "What did she say?" tanong ni Onofre. "Ako na magsasabi
baka dagdagan mo pa yung sinabi ko" sabi ni Shirley.

"Ano ba yon?" tanong ng binata. "Kasi nga yung isang pinsan ko ikakasal" sabi ng
dalaga. "Weh di naman yan yun e" sabi ni Bianca kaya natawa si Shirley at inabot
bestfriend niya para paluin. "Teka lang kasi, fine okay fine"

"Nagwagwapuhan ako sa iyo sa bagong gupit mo. O yan sinabi ko na" sabi ni Shirley
kaya napangit si Onofre habang si Bianca nagtitili. "O tapos ikakasal yung pinsan
ko, kinuha ako para don sa candle thingy, tapos partner ko yung ewan ko sino yon
pero sabi ko may partner ako" kwento ni Shirley.

"Me?" tanong ng binata. "Yeah...sana" sabi ng dalaga. "Sure..sure..when?" sagot ni


Onofre. "Three weeks" sabi ng dalaga. "Oo ba" sabi ng binata. "Yiheeeee" landi ni
Bianca kaya binato siya ni Shirley ng tinidor.

"E kesa naman makitabi ako sa di ko kilala, mas gusto ko na ikaw nalang para
magkwentuhan tayo habang di pa natin sila pinaapoy" banat ni Shirley kaya natili si
Bianca habang si Onofre natawa. "Ikaw para kang sira, nasan yung salad?" tanong ni
Shirley.

"Oo parating na, shit naiimagine ko na talaga" sabi ni Bianca. "Ikaw bwisit ka ha,
o ano nasabi ko. O ano di mo na pwede dagdagan yung kwento" kantyaw ni Shirley.
"Ang tanong, in three weeks ba e..." hirit ni Bianca kaya muling napatayo si
Shirley at sinugod kaibigan niya.

Si Shirley lang ang bumalik, pagkaupo niya sumandal siya agad sa binata saka
ngumiti. "Nasan si Bianca?" tanong ng binata. "Pinalayas ko para may alone time
tayo. Ayaw mo ba? Wait tawagin ko ulit" biro ng dalaga kaya laugh trip silang
dalawa.

"Nakaaliw kayong dalawa, para kayong mga bata" sabi ni Onofre. "Wait until you meet
your other friends. Actually gusto ka nila mameet so sabi ko Sunday sana. Sa
badminton natin with Bianca" sabi ng dalaga.

"Sino sila?" tanong ni Onofre. "Yung mga real friends ko, taga ibang school kasi so
bihira na kami magkita kita lately. Pero sa Sunday kung free ka sana gusto kita
ipakilala sa kanila" sabi ni Shirley.

"Sure, do they bite?" biro ng binata. "Baliw, pero like I said, wag kang mapipikon
kasi grabe sila as in" sabi ng dalaga. "Kaya yan, so Sunday?" tanong ng binata.
"Oo, tagal na nila ako kinukulit e so its high time I introduce you to them"

"Sila yung inner circle ko. Sila ang real friends ko at sila yung may kilala talaga
sa akin. Kami talaga yung close group" sabi ng dalaga. "Oh okay, grabe naman para
kayong mafia" biro ng binata.

"Hahaha gagi, pero tulad ng sinabi ko sila na talaga yung inner circle ko" sabi ni
Shirley. "Panay babae?" tanong ng binata. "May two guys" sabi ng dalaga.
"Pagseselosan ko ba?" banat ni Onofre.

"Nope" sagot ng dalaga kaya napangiti yung binata. "So Sunday" sabi niya. "Ang
kulit mo ah, tara itattoo natin sa dibdib mo para di mo makalimutan" biro ng dalaga
kaya tawanan ulit sila.

=================

Chapter 41: Killing Instinct


Chapter 41: Killing Instinct

Habang nakatapat sa isang movie poster inis na inis si Dani. "Nagulat talaga ako,
seeing someone sabi niya tapos ako pala" sabi ni Onofre. "Geez, ilang beses mo na
sinabi yan ah. I already congratulated you" sabi ng dalaga. "To naman, can't you be
happy for me? Ngayon ko lang nararamdaman yung ganito" sabi ng binata.

"Eto, panoorin natin ito" sabi ng dalaga. "Huh, bakbakan yan. Diba ayaw mo ng
ganyan?" tanong ni Onofre. "Madaming patayan, gusto ko ito. Paminsan minsan maganda
din manood ng patayan e, yung puno ng anger and violence" sabi ni Dani. "Why? We
can watch another movie, ayun o may bagong love story" sabi ng binata.

"Di ako makakarelate, ikaw baka maka relate ka. Gusto mo yon? Ako gusto ko itong
patayan, madaming patayan, madaming madaming patayan" sabi ni Dani. "Dani are you
okay?" tanong ni Onofre. "I am fine, so ano would you like to watch this movie with
me or mas prefer mo yang love story kasi in love ka" tanong ng dalaga.

"Ikaw nalang mamili, yung gusto mo nalang" sabi ng binata. "O ano nanaman? Turn mo
mamili today, nag suggest lang ako ng patayan pero ikaw parin masusunod" sabi ni
Dani. "Well I just thought I could open up to you" sabi ng binata. "Nof, can't you
see I am teaching you a lesson?"

"Pag may kasama mo yung mahal mo...wait this is a lesson okay?" sabi ng dalaga.
"Yes" sagot ng binata. "Okay, as I was saying pag kasama mo nga basta yon o do not
talk about other girls. Kasi look baka mamaya magkasama kayo tapos nasanay ka na
with me talking about anything"

"Tapos may mabanggit ka na girl, naku that is going to be a big problem lalo na pag
manhid ka" banat ni Dani. "Manhid ba ako?" tanong ng binata. "Sinasabi ko lang, so
consider this training. Do not talk about her when you are with me. O diba? Para
masanay ka na later on na pag kasama mo siya you also don't talk about me or else
baka mamatay yan sa selos" banat ni Dani kaya natawa yung binata.

"O bakit ka tumawa? Akala ko ba close tayo? Dapat kakampi mo ako ah. Why don't you
find me pretty?" tanong ni Dani. Biglang hinaplos ng binata yung pisngi ng dalaga
saka ngumiti, "I always found you very pretty Sophia" sabi ng binata kaya niyuko
agad ng dalaga ulo niya pagkat ramdam niya yung biglang pag iinit sa mukha niya.

Kinurot niya yung binata sa tiyan kaya si Onofre napailing. "Aray ko" sabi ng
binata. "Why did you call me Sophia?" tanong ng dalaga bilang palusot. "Ha? Its
your name" sabi ng binata. "Alam ko pero nasanay na ako sa Dani, biglang Sophia ka
with matching haplos. Pinagprapraktisan mo ba ako? Kasi S name niya so Sophia din
gagamitin mo sa akin?" tanong ng dalaga.

"Hala, S si Sly, S si Shirley, S ka din. Wow imagine that lahat ng babae na malapit
sa akin letter S" sabi ng binata. "Oo nga, pero sino ang closest?" tanong ni Dani.
"Hmmm dati si Sly pero nagka falling out, si Shirley naman...ikaw" sabi ng binata.
"Ako? Alam ko si Shirley" sabi ng dalaga. "Ikaw nga, ganito yan from a friend level
standpoint. You or Shirley, so its going to be you. Yup ikaw talaga" sabi ng
binata. "From another standpoint?" tanong ni Dani. "Anong standpoint?" tanong ni
Onofre.

"Ewan ko sa iyo, ikaw nagpapauso ng standpoint e" sabi ng dalaga. "Hahaha wala
naman iba so far. So my very beautiful friend what movie would you like to watch,
you choose" lambing ng binata kaya paspas na humarap si Dani sa isang poster pagkat
kinikilig siya.

Nanigas si Dani nang dumikit yung binata saka yumakap mula likuran. "Ikaw ah,
nahiya ka pa eto pala gusto mo cartoons" sabi ni Onofre. Di nakasagot si Dani lalo
na nung hininga ng binata baba niya sa balikat ng dalaga. "How I wish Ninny was
older a bit to understand movies para kasama natin siya to watch this" bulong ng
binata.

"Kaya nga e" sagot ni Dani. "Hmmm you smell nice, new perfume?" tanong ni Onofre
saka bumitaw. "Okay ba?" tanong ng dalaga. "Yeah, ang bango niya at sakto lang
siya. Di tulad nung lagi mong gamit medyo malakas" sabi ni Onofre.

"Why didn't you tell me sooner?" tanong ng dalaga. "Baka ano pa maisip mo no. Baka
sabihin mo lagi kita inaamoy" sabi ng binata kaya natawa si Dani. "Baliw, so you
like this one better?" tanong ng dalaga. "Yeah, you know what wag nalang kaya
manood today?" sabi ng binata.

"E ano gagawin natin?" tanong ng dalaga. "Tambay, kape, kwentuhan, chillax lang"
sabi ng binata. "Tapos makikinig ako sa kwento mo about Shirley ganon?" tanong ni
Dani. "Fast learner ako no, sabi mo don't talk about other girls. Lika na para
maiba naman" sabi ng binata sabay akay sa dalaga. Labis na kinilig si Dani pagkat
mala slow motion na nag slide kamay ng binata mula mid lower back niya papunta sa
kanyang baywang.

Sa loob ng isang bagong coffee shop sila tumambay, "So trip mo ba na ganito lang?"
tanong ng binata. Inayos ng dalaga upo niya saka lumingon sa buong paligid. "Yeah
okay lang" sabi ng dalaga. "If di mo type na nagsasayang ng oras at nagkwekwentuhan
lang ubusin lang natin tong drinks then we can go" sabi ni Onofre.

"For a change" sabi ni Dani kaya sumandal narin ang binata. "So parang ako ang
pumalit kay Sly sa buhay mo ha" sabi ni Dani bigla. "Bakit sasaktan mo din ba ako?"
sagot ni Onofre. "Hahaha baliw, I mean as your girl na BFF" sabi ni Dani.

"Walang pwede pumalit kay Sly" sabi ni Onofre kaya nalungkot yung dalaga. "Wala din
pwede pumalit sa iyo. Magkaiba naman kayo e. Ay sa tingin mo kaya I am being
friends with you kasi I am filling the void that was left by Sly? Of course not,
diba pwede na friendly lang ako?" sabi ng binata.

"Okay sorry naman" sabi ng dalaga. "At diba pwede may hidden motive pala ako?
Kunwari friends sa umpisa tapos liligawan pala kita sa huli" sabi ni Onofre kaya
napaubo si Dani saka namula. Pinagsisiko niya yung binata saka kinurot ng malakas.
"Stop making me feel good" sabi ng dalaga.

"Sinasabi ko lang naman ah, it's a possibility" landi ng binata. "Oh shut up Nof, I
know what you are trying to do. Nof I am fine already, di na ako ganon. Salamat sa
iyo at okay na ako" sabi ng dalaga.

"Kulit mo, sabi ko it's a possibility" sabi ng binata. "Fine, so gagalawin mo ba


yang double choco cake mo o hindi?" tanong ng dalaga. "Hahahaha mamaya, bakit gusto
mo na tikman?" landi ng binata. "Its rude to ask for a taste if di pa ginalaw ng
may ari" sabi ni Dani.

"O ikaw na first taste" sabi ng binata. "Di ah, ikaw muna" sagot ng dalaga. "Tsk,
eto say ah" sabi ng binata saka napangiti ang dalaga nang subuan siya ng binata.
"Sarap" sabi ni Dani. "Oy di ikaw si Ninny ha, magsalita ka ng maayos" sabi ni
Onofre.

"Hahaha gagi, my mouth was full, sarap lang kaya ko sabihin baka lumabas pa sayang"
sabi ni Dani. "Bakit kaya feeling ko sa akin mapupunta yung croissant?" biro ni
Onofre kaya natawa si Dani saka palambing na sumandal sa binata. "Palit tayo"
pacute niya.

"As if kaya kita tanggihan, sige na sa iyo na yung cake akin na yung croissant"
sabi ni Onofre. "Too much calories nga lang ito, oh well" sabi ng dalaga. "Dani
kahit dumoble ka pa ng size o pumangit ka, laging mong tandaan na meron at meron
parin magmamahal sa iyo" sabi ng binata. "Ikaw?" tanong ng dalaga. "Si Ninny, anak
mo yon e" sabi ng binata kaya biglang nahiya yung dalaga kaya natawa nalang.

"Yeah ako din" pahabol ni Onofre kaya nastuck yung cake sa lalamunan ng dalaga,
nahirapan siya lumunok pero paspas si Onofre na humaplos sa likod ng dalaga. "Takaw
takaw kasi, ang laki ng sinubo mo. Eto take a sip from my drink since it's a cold
one" lambing ng binata.

Ngumiti na si Dani nang makalunok siya, "Indirect kiss" landi ni Onofre nang nagsip
din siya sa kanyang straw. "Hahaha, ang gagi mo talaga" sabi ng dalaga. "O bakit?
Yung iba as if naman big deal kasi, porke nakisip yung guy tapos nagsip yung girl,
kinikilig na sila, indirect kiss na daw yon"

"Ang babaw diba? Looks who is talking naman daw, as if naman daw expert ako sa
halikan. I have only kissed one girl at ikaw pa yon pero flattered ako kasi
ninakawan mo ako ng halik last time" banat ni Onofre kaya napahiyaw yung dalaga at
inatake ng kurot yung binata.

"Aray naman, ang sasakit na ng kurot mo" reklamo ng binata. "Ikaw kasi e, smack
lang yon no and it was a thank you" sabi ng dalaga. "Kiss parin yon, iniba mo lang
pangalan" sabi ng binata. "Hahaha ang kulit mo, fine so it was a kiss. BFF nga e so
its okay to smack from time to time" sabi ni Dani.

"Ganon ba yon? Akala ko para sa mga gay BFF lang yon. So yun ang ginamit mong
paliwanag sa dad mo right?" tanong ng binata. "Nope, we never talked about it" sabi
ng dalaga. "Ha? He might be thinking that we are dating" sabi ng binata. "Ano ba
tawag mo sa ginagawa natin ngayon?" landi ng dalaga.

"Tsk, yung date as in real date na may holding hands and kissing maybe" sabi ng
binata. "We do hold hands, we have kissed" landi ng dalaga. "Oo nga no, they know
we go out every Thursdays, tapos your dad saw you kiss me...oh my God they must
that we are dating" sabi ng binata. "Wala pa naman sila sinasabi or di pa naman
sila nagtatanong sa akin" sabi ng dalaga.

"What if they start asking?" tanong ni Onofre. "Then I will tell them the truth"
sabi ni Dani. "Which is?" tanong ng binata. "Na friends lang tayo at girlfriend mo
si Shirley" sabi ng dalaga. "She is not my girlfriend yet, nabigla lang ako kahapon
sa pinagsasabi niya" sabi ng binata.

"Bakit ka nabigla? Dapat happy ka" sabi ni Dani. "I felt happy, I felt butterflies,
Bago lahat sa akin pero parang may kulang" sabi ng binata. "Kulang? Ano naman
kulang?" tanong ng dalaga. "Ewan ko nga e, pagkauwi ko don ko lang narealize na
parang may kulang" sabi ng binata.

"Baka masyado ka naatat, the holding hands and kissing come later" sabi ni Dani.
"Hindi yon grabe ka naman, basta parang may kulang talaga. I don't know, siguro
ganito lang talaga or baka masyado mataas expectations ko. Pasensya na noob ako sa
relationships" sabi ni Onofre.

"I think ganon talaga, madami ako nabasa na sabi nila is whatever yung kulang mo
siya magpupuno. Basta ganon, give and take, you fill each other's pagkukulang
chorvah" sabi ng dalaga.

"Oh well whatever, siguro ganon na nga. Maybe I was just comparing kasi iba pag
ikaw kasama ko. Pag ikaw kasama ko parang everything is okay" sabi ng binata sabay
higop sa inumin niya. Napatigil si Dani, halos mabali yung tinidor sa sobrang diin
niyang paghawak.

Para na siyang matutunaw nang titigan siya ng binata kaya pinilit niyang humiwa sa
cake. Pagkasubo niya nakatitig parin sa kanya yung binata, muntikan na siya
mabulunan nang hawakan ng binata kamay niya, inalis lang pala nito yung pantali ng
buhok. "Tali ko buhok mo" sabi ng binata kaya parang robot si Dani na mala slow
motion na humarap sa malayo.

Habang tinatali ng binata buhok ng dalaga napahaplos si Dani sa kanyang puso pagkat
sobrang bilis ng tibok nito. "Tingin nga" sabi ni Onofre kaya humarap yung dalaga
sa kanya. "Ayan, prettier" sabi ng binata kaya ngumiti si Dani saka agad yumuko at
nilaro yung cake.

"So ano na pinag uusapan natin?" tanong ni Onofre. "Sabi mo ata oorder ka ulit ng
ganito" biro ng dalaga. "Hahaha, Dani just ask next time. Wait here" sabi ng binata
saka umalis. Nakahinga ng maluwag si Dani, nilabas niya phone niya, sinet yung
camera to selfie para pwede siya magsalamin.
Nung makita niya yung binata na pabalik na tinago niya agad phone niya saka nag
ayos ng sarili. "Oh sino yung katext mo?" tanong ni Onofre pagkaupo. "Just checked
my phone" sabi ng dalaga. "Suitor?" tanong ng binata.

"Suitor ka diyan, ikaw nagbigay ng rose so ikaw suitor ko ganon?" banat ng dalaga.
"Grabe nagbigay lang ng rose suitor agad?" sabi ni Onofre. "Did you give Shirley a
rose?" tanong ni Dani saka dumikit sa binata. "Nope, ikaw lang naman why?" sagot ng
binata.

"E bakit di mo binigyan?" tanong ng dalaga. "I don't know, nung nakita ko yung rose
na yon ikaw naisip ko bigyan. Funny, I should have given her a rose too ano? Hmmm
bakit ngayon ko lang naisip yon?" tanong ni Onofre kaya napangiti si Dani. "Wag
kang madaya, you cant give her the same kind" sabi niya.

"Why? Mas tipid yon kasi di nalalanta" banat ng binata saka natawa. "Para naman I
feel special kasi ako lang binigyan mo ng ganon" sabi ni Dani saka napalunok at
dahan dahan tinignan ang reaksyon ng binata. "Is that a lesson for me?" tanong ni
Onofre.

"No, I am just saying para naman feeling ko special ako sa iyo" sabi ng dalaga.
"Special ka naman talaga sa akin. You are my first kiss, how the hell will I ever
forget that?" landi ng binata.

"Hahaha salamat ha, dahil lang pala don" sabi ni Dani. "Di rin, diba napag usapan
na natin ito noon. Ninny is close to my heart already, she has grown on me. Ganon
ka din e, you are somewhere here" sabi ng binata saka tinuro ulo niya. "And here
syempre" pahabol niya saka tinuro ang kanyang puso kaya parang sasabog na talaga si
Dani.

"Tapos dito pa" hirit ni Onofre saka tinuro mga labi niya kaya humiyaw yung dalaga
at tinadtad ng kurot ang binata. Laugh trip yung dalawa, aksidenteng nagdikit mga
mukha nila, "Para paraan ka talaga Dani ano? Gusto mo nanaman ako nakawan ng halik"
biro ng binata.

"Hahaha ang gagi mo. Baka ikaw yung nag eexpect" bawi ng dalaga. "Sorry naman. It
felt good so parang hinahanap hanap ko siya" landi ng binata kaya lalo silang
natawa pero si Dani labis nang kinikilig. "It was just a thank you" diin ng dalaga
at sakto dumating yung barista para dalhin yung cake.

Pagkaalis ng barista tinignan ni Onofre ang dalaga, "Ayan cake o" landi niya kaya
nagtakip ng bibig ang dalaga. "So ano gusto mo mag thank you?" tanong niya. "Hindi
naman, ayan o cake" hirit ni Onofre. Hinalikan ng binata dalawang daliri niya saka
dinikit mga yon sa mga labi ng dalaga.

Titili dapat si Dani pero kinabig niya ito sa tawa saka kinurot ang binata. "Kadiri
ka baka may germs fingers mo, diniretso mo nalang dapat" banat ni Dani. "Hey,
imagine if nanood tayo ng sine. Tahimik lang tayo tapos in the end its either
badtrip tayo kasi pangit yung movie or maganda siya kaya may pag uusapan tayo"
"Buti nalang ganito kasi mas masaya" sabi ng binata. "Oo nga e...you miss Ninny?"
tanong ng dalaga. "Shhhh bawal pag usapan ang ibang babae nga e" sabi ni Onofre.
"Gagi anak ko yon" sabi ni Dani. "Kahit na babae parin yon, your rules Dani"

"Pero lalake pwede pag usapan?" hirit ng binat akaya laugh trip ulit sila. "Dati si
Ninny lang, ngayon parang dalawa na anak ko, yung isa damulag" biro ni Dani. "Ako
ba tinutukoy mo?" tanong ni Onofre. "Sino pa nga ba?" sagot ng dalaga.

"Grabe ka naman, anak talaga? Diba pwede suitor?" landi ng binata. "Hahahaha hoy
Nof ah, suitor ka diyan. Teka nga, roses then suitor, hey..." bigkas ng dalaga.
"Wag kang mag konek Dani, to naman o" sabi ng binata.

"Ah okay, sayang kasi if ever sasagutin kita agad" sabi ng dalaga. "Huh? If ever
sasagutin mo ako agad?" tanong ng binata. "Hala Nof anong pinagsasabi mo? Are you
going to make ligaw me?" landi ng dalaga. "Hahaha para kang baliw, nambabaliktad ka
ah" sabi ng binata.

"Ikaw Nof ha, baka may hidden feelings ka talaga para sa akin. Ilabas mo na bago
manganak sa loob mo yan" hirit ng dalaga. "Mas maganda manganak para di na siya
hidden paglaki" sagot ng binata kaya napatigil si Dani.

"Kita na ba ang mga baby bumps?" tanong ni Onofre. "Huh? What are you trying to
say?" tanong ni Dani. "I really don't know. Lets just enjoy the coffee and cake"
sabi ng binata saka dumikit sa dalaga saka sinubuan ito.

Ngumiti si Dani saka sumandal sa binata. "So lapit na exams, musta grades?" lambing
ng dalaga. "Doing well, ikaw totally naka adjust ka na?" sagot ng binata.

Pagkauwi sa bahay nag dive si Dani sa kanilang sofa saka humawak sa kanyang puso.
"I think I just died" sabi niya. "What are you saying?" tanong ni Martin saka inabo
si Nina sa dalaga.

"Hello baby, sorry mommy is late ha. I missed you so much" sabi ni Dani saka
pinaghahalikan ang anak niya. "What do you mean you just died?" tanong ni Martin.
"Wala yon daddy, its just an expression" sabi ng dalaga saka napangiti.

"If you are sick you better tell me. Are you sick?" tanong ng matanda. "Daddy hindi
po, I am fine. More than fine. Expression lang yon. Example bigla kang natuwa,
something unexpected happened, so sinasabi na I think I just died kasi parang di
kinaya yung saya ganon" sabi ng dalaga.

"Sus you kids nowadays. So why are you happy?" tanong ni Martin. Huminga ng malalim
ang dalaga saka niyakap anak niya. "Si Nof daddy...si Nof" sabi ng dalaga.

=================
Chapter 42: Risks

Chapter 42: Risks

Magkatabi sina Shirley at Onofre, nakatingala sila at pinagmamasdan nila yung rock
climbing wall. "Ano Nof, tara?" tanong ng dalaga. "Tara!" sigaw ng binata. "Hahaha
ang yabang nung dalawa o, hoy basic wall yan" sabi ni Bianca. "Pagdating namin sa
taas lalo kang liliit" banat ni Onofre kaya natawa si Shirley.

"Che! Malaglag ka sana" sabi ni Bianca. "Tara na Shirls, lets do this" sabi ni
Onofre kaya nagsimula na sila umakyat. Pagdating sa gitna pareho silang napatigil,
"Tired?" tanong ni Shirley. "Hindi ah, just checking on you" sabi ng binata. "Nof
basic ito, tara dali bilisan natin" sabi ng dalaga.

Pagdating sa taas sabay sila napatingin sa baba. "Happy na sana pero basic nga e,
so does this mean lipat na tayo sa mag advanced?" tanong ni Onofre. "I don't know,
assess pa nila tayo for proper tips" sabi ng dalaga kaya sabay sila bumitaw at
nagpalaglag.

Matapos ang isang lecture sa medyo advance wall sila pinasubok sa kanila. Gitna
palang hingal na yung dalawa kaya nagtawanan sila. "Ang lalayo ng gaps, grabe
masusubukan talaga lakas mo dito" sabi ni Onofre. "You wanna quit?" tanong ng
dalaga. "Hindi ah, pero grabe di ako makapaniwala gitna palang grabe na pawis ko
habang ikaw para ka lang naduraan" biro ng binata kaya laugh trip sila.

Pagkababa nila pareho silang hingal kaya todo ngisi si Bianca. "There is no right
way up, sariling diskarte yan talaga. You choose the path that you are comfortable
with pero syempre diskarte din. So parang challenge din siya, you have to plan
ahead" sabi ng dalaga.

"Oo nga e, akala ko easy way up yung napili ko pero napasubo ako" sabi ni Onofre.
"Ginaya kita hahaha bwisit" sabi ni Shirley. "Pansin ko nga, kaya ang lesson diyan
tignan niyo din yung path ahead para maka plano kayo. Di ko sasabihin yung easy
way, ganyan din ako noon pero trust me you will get it. Dali try ulit" sabi ni
Bianca.

"Di ba pwede mag rest?" tanong ni Onofre. "Nof three hours lang ito" sabi ni
Bianca. "Wow, so kailangan sulitin yung bayad for three hours" sabi ng binata.
"Yup, kaya niyo yan. Sa ngayon di niyo pa kasi kilala sarili niyo, learning process
palang kayo now. Next time medyo alam niyo na so mas magaling na kayo dumiskarte"
sabi ni Bianca.

"Nof you ready?" tanong ni Shirley. "Yeah tara" sagot ng binata kaya muli silang
sumabak. Pagkalipas ng isang oras nagpahinga sina Shirley at Onofre habang sina
Bianca naman ang sumabak sa advanced wall. "Grabe ang galing niya, look at her
determination" sabi ni Onofre.
Napasigaw si Shirley nang tumalon talaga si Bianca. "Oh shit" hiyaw ni Onofre pero
nabilib sila pagkat nakakapit naman sa mas mataas na hawakan yung dalaga. "Whoa,
damn super cool. Gusto ko ng ganon" sabi ni Shirley. "Ngayon mo lang alam ito?"
tanong ni Onofre.

"Di naman, ilang beses na sila nagyaya pero nga busy ako with my love life" sabi ng
dalaga. "Kasi biking kayo" sabi ng binata. "Hmmm yeah, iba kasi taste niya. Ewan ko
don. Dami sacrifices din kasi pag nasa relationship ka. You cannot simply do what
you want, kailangan mutual" sabi ng dalaga.

"Ganon ba yon?" tanong ng binata. "Ganon ata, pero syempre gusto ko din mag spend
time with him. Kaya pag may lakad ang bardada lagi ako naiipit" sabi ng dalaga.
"Diba doon papasok yung pag uusap, yung understanding at ewan ko" sabi ng binata.
"Oo nga dapat pero ewan ko ba. Parang yung control was with him"

"Parang ganon kasi majority ng ginagawa namin e yung mga gusto niya. Syempre
minahal ko siya so I gave way" sabi ni Shirley. "Di naman na ata tama yon, dapat
give and take. Nagsalita yung magaling na naging tuta ni Sly" sabi ni Onofre kaya
natawa yung dalaga.

"Narealize ko nalang yon nung wala na siya sa akin, I mean napunta sa iba. Pero no
regrets. Di ko sasabihin na sinayang ko oras ko or effort ko, ganon ang buhay e.
You win some, you lose some. Tulad nitong rock climbing, its all about choices"
sabi ng binata.

"Hugot ah, iiyak ka ba?" biro ng dalaga. "Hahaha hindi no" sabi ni Onofre. "Ay
sayang sana umiyak ka para ihug kita" landi ng dalaga. "Wait, try ko" banat ng
binata kaya laugh trip silang dalawa.

Pagkatapos sumubok sa advanced wall sumuko sina Onofre at Shirley. "Di ko na kaya,
nanghihina na ako" sabi ng dalaga. "Okay lang bes, you two did good" sabi ni
Bianca. "Did good? Panay laglag kami. Di man lang kami naka kalahati" sabi ni
Onofre.

"Okay lang yon, para next time alam niyo na ano expect niyo. Parang imposible pero
nakita niyo naman ako diba?" pacute ni Bianca. "Wow binida ang sarili, pero bilib
ako sa iyo grabe. Ang lakas ng loob mo" sabi ni Onofre. "Its all about risks, kayo
may takot pa kayo but that's okay"

"O diba now we can go to the spa and have a massage" sabi ni Bianca. "At sa tingin
mo kaya ko pa mag maneho?" biro ng binata. "Di mo na kaya?" tanong ni Shirley.
"Joke lang, kaya ko no. Grabe tong work out na ito, napa twist ng husto katawan ko
ng mga posisyon na di ko pa nagagawa"

"Parang total work out ito, lahat lahat na. Siguro matagal mo na ginagawa ito no?
Tapos nalaglag ka at naglanding ka sa ulo mo kaya di ka na lumaki" banat ni Onofre
kaya super halakhak si Shirley. "Nof I am starting to hate you na" sabi ni Bianca.
"Lambing lang, pero kailangan pa ba ako sumama sa pupuntahan niyo next?"
"I can make hatid then wait outside" sabi ng binata. "Ano ka ba? Makakatulong din
sa pag relax ng muscles mo yon. And you will get to see Shirley in a bikini" landi
ni Bianca. "I have already seen her in a bikini" sagot ni Onofre.

"Pagudpud sis" sabi ni Shirley. "Ay oo nga, wag ka na maarte Nof" sabi ni Bianca.
"Sana ininvite mo din suitor mo" sabi ng binata. "Gusto ko sana pero hindi pa siya
close sa atin. Ano siya swerte makita niya ako agad naka bikini?" landi ni Bianca.

"We are not like you guys na gusto agad ipasikat na may girlfriend sila. O wag kang
magdeny kasi that is what he did to me. Grabe pinakilala niya ako sa lahat ng mga
kaibigan niya. It was like three days of going around" sabi ni Shirley.

"Kahit naman ako siguro, gusto kita ipakilala sa lahat" sabi ni Onofre kaya natili
si Bianca. "Well kami hindi kami ganon, even if we want to shout out to the whole
world we cannot do that" sabi ni Bianca. "NBSB ka diba? So pano mo alam yan?" banat
ni Onofre kaya natawa ng malakas si Shirley.

"Hoy so bakit hindi mo pa pinapakilala si Shirley sa mga barkada mo aber?" tanong


ni Bianca. "Gaga ka" sabi ni Shirley. "Ipakilala ko siya sa mga ahas? No thanks"
sabi ni Onofre. "Ay shit sorry, hala sorry Nof" sabi ni Bianca.

"Its okay, kaya I really don't have much friends left. In short pag sinagot niya
ako I am all hers" landi ni Onofre kaya natawa si Shirley saka pinalo braso ng
binata habang si Bianca nagtitili ng malakas. "Oh kilala na niya naman si Dani e,
parang yun nalang natirang kaibigan ko" sabi ng binata.

"Uy kumusta na pala sila? Sana ininvite mo sila" sabi ni Shirley. "Okay naman,
balik school siya. Si Ninny ang kulit sobra" kwento ng binata. "You are like her
dad" sabi ni Bianca. "Ay grabe itong si Shirls sa Pagudpud pinipilit na ako ama ni
Ninny"

"Pano naman naka rare instance na nag alaga ako ng anak ng di ko kilala. Its hard
to explain that lalo na sa crush mo. Sirang sira ako nito sabi ko" sabi ni Onofre
kaya natawa si Bianca. "Single mom siya diba? So ikaw na yung parang daddy talaga
nung bata" hirit ng dalaga.

"I am not but I told her I will be the guy figure that Ninny needs. Kailangan ng
bata ng guy figure. Kasi nga ate ko ganon din, so kay Karlo ako din tumatayong guy
figure sa buhay ni Karlo" sabi ng binata. "Bait mo naman" sabi ni Bianca.

"Di rin, naisip ko lang kasi if my mom was a single mom tapos she raised us alone.
Malamang naging bading ako. Thank God for my dad at nanatili akong guy" sabi ng
binata kaya laugh trip yung mga dalaga. "Imagine dalawa ate ko, I was really
bullied by them. Di naman bullied pero sila ang boss. Pag wala sila kalaro ako yung
kalaro nila"

"Kaya kay Sly noon ay grabe whatever she needs I know. Sabi ko salamat mga ate, you
trained me well to be the perfect boyfriend kasi nga diba in touch ako sa feminine
side ko para lalo ko maintindihan yung girls. Pero badtrip, perfect training lang
to be a bestfriend" daldal ni Onofre kaya halakhakan yung mga dalaga.

"Kaya yang powder, blush on, eye liner at ano pang mga chorvah niyo hanggang
tampon, panty liner, alam ko mga yan. Blouses, skirts, fashion, sus alam na alam ko
yan" pasikat ng binata kaya lalong nagtawanan yung mga dalaga.

"Bagay na bagay kayo, si Shirley may pagkalalake yan e" sabi ni Bianca. "I know
right" landi ni Onofre saka naki appear sa dalaga kaya si Shirley nagtakip ng bibig
pagkat tawang tawa siya. "Minsan mas lalake pa to sa akin e" sabi ni Onofre.

"Ligawan mo na kasi ng pormal" banat ni Bianca. "Biancs, tama na panunukso mo okay?


Me and Nof are enjoying whatever this is. Getting to know each other nga e. Alam mo
naman last time I didn't have this, kaya siguro ganon nangyari"

"O para matigil ka na, yes we are dating" sabi ni Shirley kaya super natili si
Bianca habang si Onofre napangiti ulit ng husto. "Tara na sa spa, magpapahiram kaya
sila don ng bikini for me?" landi ni Onofre kaya laugh trip yung mga dalaga.

Ilang oras lumipas sa loob ng isang malaking Jacuzzi super relax yung tatlo. "Shit
mamalat ulit ako" sabi ni Bianca. "Damn pagtatawanan ako ng ate ko nito, ngayon
lang ako pumayag sa ganito" sabi ng binata. "Nakakatawa to kanina, ayaw talaga baka
daw isipin bading siya"

"Pero nung nakita niya yung ibang guys aba gusto na bigla" sabi ni Shirley. "Ay
grabe Nof, totoo na mas madami babae sa ganito pero magugulat ka ang dami din
lalake na vane, isa na don yung ex niya pero never namin siya nakasama sa ganito"
sabi ni Bianca.

"Ay eto pala, nag suggest si Nof kasi ng birthday gift, sabi niya tulungan ko si
daddy. Nagulat si daddy, he suddenly asked me if Nof was gay and if I like girls
hahaha" kwento ni Shirley kaya tawanan yung tatlo. "Totoo ka?" tanong ni Onofre.

"Oo, kasi naman nauna na ako, I opened the hood of the car like you taught me tapos
yung sinabi mong knot na di napansin ng dad ko na loose pinahigpitan ko siya. So
when he arrived he shouted na lumayo daw ako sa kotse. Di ako lumayo kaya lumapit
siya, grabe nagpapanic talaga siya pero sabi ko pinahigpitan ko lang yung knot"
kwento ng dalaga.

"Then I said I wanted to help him. Grabe parang in shock siya. With the help of Nof
inimpress ko siya, nagtatanong tanong ako and thank God tama yung mga tinuro kong
parts. At first nagdududa siya then later on aba we were having a nice conversation
already"

"He was lecturing me already about the parts and what they do. Tapos may kailangan
siyang linisan, sabi ko ako na. Ayaw pa niya pero sinabi ko yung mga sinabi ni Nof.
First he asked pala, why do you want a car of your own? Hahahaha grabe tawa ko
sobra" sabi ng dalaga.
"Daddy alam ko to sabi ko so he watched me. It was so kadiri pero sabi ni Nof dapat
daw hindi ako mandiri kasi grasa lang yon. So sige kahit diring diri ako hugas ng
husto and he smiled. Grabe I felt so happy talaga tapos ayun na, is Nof gay? Do you
like girls? Kaloka" sabi ni Shirley kaya laugh trip silang tatlo.

"So sabi ko, daddy I don't know what gift to give you so eto gusto kita tulungan sa
nagpapasaya sa iyo. I will rebuild this car with you. Nof is not gay, he is a guy
and we are dating" sabi ni Shirley kaya napanganga si Onofre habang si Bianca
nagtakip ng bibig.

"Dati kasi sabi ko friends lang kami, so inamin ko na that we are dating. Felt a
bit awkward kasi kakabreak up lang but it is what it is already" sabi ng dalaga.
"Oh my God, Nof is blushing" kantyaw ni Bianca kaya nagpalubog sa tubig ang binata.

Pag ahon niya nginitian siya ni Shirley, "Speechless" sabi ni Onofre. "Ano sabi
niya?" tanong ni Bianca. "Wala, he smiled tapos ayon nagpatulong siya sa akin.
Project daw namin dalawa yung kotse, gusto ko sana isama sina mommy pero ewan ko
medyo naging selfish ako konti. Basta thankful ako kay Nof sa pagsuggest non" sabi
ni Shirley.

"Wala yon no, pero lalo ata ako natakot sa dad mo ngayon" sabi ng binata. "Don't
be, basta you need to keep teaching me car things then gusto ko sana ikaw pero Nof
kay daddy ako magpapaturo mag drive ha" lambing ni Shirley.

"Sure, of course" sabi ng binata. "Naisip ko kasi ayaw ko gawin one time thing yon.
How will I be able to keep up our conversations if wala naman talaga ako alam so
ayan, nagka interes tuloy ako sa pagmamaneho" sabi ng dalaga.

"Magpapabili ka ano?" tanong ni Bianca. "No, e di nawalan ng silbi yung future BF


ko if may kotse narin ako" banat ni Shirley sabay tinignan si Onofre. Ang binita
nagpalubog ulit sa tubig kaya si Bianca tili ng tili. "Ang cute niya namumula
talaga o" kantyaw niya.

"So does this mean pwede na sabihin sa iba na you two are dating?" tanong ni
Bianca. "Yup, wala na ako paki ano sasabihin nila. Di ko narin maitatago kasi kasi
it is what it is. I just wanted to tell my dad first, last time kasi siya yung
huling nakaalam"

"This time I wanna do it right, I needed him to know then of course ikaw yung next.
So yeah me and Nof are dating" sabi ni Shirley. Pinaypayan ni Onofre sarili niya,
"This is too much to take in" landi niya kaya tawanan yung mga dalaga.

Alas nuebe ng gabi sa may salas, tumabi si Onofre sa ate niya. "Ate" sabi niya. "O
ano?" tanong ng dalaga. "Ate, Shirley said we are dating. Ano dapat ko gawin?"
tanong ng binata. "Huh? What do you mean ano dapat mong gawin?" tanong ng dalaga.

"Ate, sabi niya we are dating, yun ang sinabi niya sa dad niya tapos sa bestfriend
niya. Teach me what to do. I don't want to screw this up. Ate malaking level up ito
compared to Sly" sabi ng binata.

"Hahaha grabe you are blushing, oh my God. I am so happy for you" sabi ni Olive.
"Ate naman e, turuan mo nga ako. Ano ba dapat expect ko or ano yung tama na
pagtrato ko sa kanya if we are dating" sabi ng binata.

"Nof, its just a formal term that means you are courting her. At para sa kanya
naman ikaw lang ineentertain niyang suitor" sabi ni Olive. "Oh shit, really?"
tanong ng binata. "Tsk bad words, tignan mo si Karlo marunong na mag shit" sabi ng
dalaga.

"Sorry ate, pero yung totoo ate? Malapit na ba?" tanong ng binata. "Nof it's a good
sign but it does not mean kayo na. Grabe para kayong showbiz ha. We are dating ang
peg parang pang artista lang yan ah" biro ni Olive.

"Hahaha ate naman, wow, as in wow ate. So what do I do?" tanong ng binata.
"Continue what you are doing, court her. Tuloy mo panliligaw mo sa kanya" sabi ng
dalaga. "E di pa nga ako nagstart e" sabi ng binata. "Hahaha hay naku Nof, just by
being with her and treating her nice parang ganon narin panliligaw"

"Nof new age na, hindi na kailangan na you give her this or take her to this place.
Di na ganon ngayon, just by being with her is already panliligaw because the
greatest gift you can give someone is your time" sabi ng dalaga.

"Look she said you two are already dating that means umepekto sa kanya yung
ginagawa mo. Being nice to her, being there for her, Nof just being with her is
enough sometimes" sabi ni Olive. "Oh my God, wow...that is why I feel lost" sabi ng
binata.

"So pano na yung pamilya mong isa?" biro ng dalaga. "Anong pamilya?" tanong ng
binata. "Sina Ninny" sabi ng dalaga kaya biglang nag slouch ang binata. "Isa pa yan
ate...si Dani" bulong ng binata.

"O what about her?" tanong ng dalaga. "Ewan ko ate, she is now my bestfriend
aaminin ko pero..." sabi ng binata. "You like her" bulong ni Olive. "Ate, hindi
ganon" sabi ng binata.

"Oh come on" sabi ng dalaga. "Sabi ko sa iyo I wanna be the guy figure for Ninny
din. Napamahal na yung bata sa akin ate" sabi ni Onofre. "Pati yung ina" landi ng
dalaga.

"Tsk..ate naman e. Si Sly mahal ko na naging bestfriend ko. Si Dani, out of nowhere
we became close friends because of Ninny. Pero.." sabi ng binata. "She is becoming
Sly the second" sabi ng dalaga.

"No, tsk...pero parang reverse Sly, I am starting to have feelings for her too
ate...ata" sabi ng binata. "Hmmm...its normal. Usually happens between best of
friends. Nof you have to take risks and you have to make tough choices. Kung
nagsisimula palang yan you have to put a stop to it if seryoso kay Shirley" sabi ng
dalaga.

"I know" bulong ng binata. "Alam mo naman pala e" sabi ng dalaga. "Pero ayaw ko
sila mawala ate e" 

=================

Chapter 43: Yanig

Chapter 43: Yanig

Isang Sabado talon na ng talon si Nina nang makita yung kotse ni Onofre. Si Dani
todo ayos sa sarili saka kinarga na anak niya para lumabas sila ng gate. "Kaloy"
sigaw ni Nina nang makita yung batang lalake na karga ni Onofre.

"Ay ang cute naman ni Kaloy today" sabi ni Dani pero nagulat siyang nang tutuka
sana si Onofre sa kanyang pisngi. Napatigil si Onofre kaya naging beso nalang yung
nangyari. "Ah kiss tita" banat ng binata kaya humalik si Karlo kay Dani. "Wait,
paki bantayan saglit may ilalabas lang ako" sabi ni Onofre.

Nagpababa din si Nina saka nagtalunan sila ni Karlo. "Bike" sabi ng batang lalake.
Dalawang bike ang nilabas ni Onofre mula sa kotse kaya si Karlo talon ng talon.
"Binili ng ate ko, one for Karlo and one for Ninny" sabi ni Onofre.

"Wow, Ninny o look. Tita Pat bought you a bike" sabi ni Dani. "Pooh" bigkas ni
Nina. "Yes this Pooh bike is yours, kay Karlo naman tong Cookie Monster bike" sabi
ni Onofre. Naatat yung batang lalake pero tinaas ni Onofre yung dalawang bike. "Not
here, doon tayo sa park" sabi niya.

Pagdating sa park agad sumakay si Karlo kaya nainggit si Nina. "Ride mo din bike mo
o. Ayan o loo at him" sabi ni Dani. Sumakay si Nina pero di niya alam pano
patakbuhin yung laruan niyang bike. Si Karlo sigaw ng sigaw kahit patigil tigil
yung pagbike niya kaya si Nina inggit na inggit na talaga.

"Ninny eto, feet mo dito o. Tapos kick mo, ayan try mo...ayan ayan o moving" sabi
ni Onofre. Naaliw ang batang babae pero bigla ito tinamad. "Oh no, sige push kita
ha pero lagay mo feet mo sa pedals" sabi ng binata.

Biglang bumilis si Karlo kaya napasigaw si Dani at humabol. Natuwa si Nina, tili
siya ng tili pero labis na nainggit kaya nakawawa ng husto si Onofre pagkat
kinailangan niya itulak yung bike ng batang babae para bumilis din siya. "Wait
Ninny kakapagod, ang tamad mo ha" reklamo ng binata. "Prinsesa anak ko e" pacute ni
Dani.
Isang oras lumipas sa may garahe nina Dani pawis na pawis si Onofre kaya todo punas
naman si Dani sa kanya gamit ang twalya. "Look at them so cute washing their bikes,
manang mana sa iyo talaga si Nina" biro ni Onofre.

"May change of shirt ka?" lambing ni Dani. "Yeah meron, kunin ko mamaya" sabi ng
binata. "Now, baka magkasakit ka" sabi ng dalaga kaya umalis ang binata. "Lulu
wash" sabi ni Nina. "Oh very good. Hello Karlo" sabi ni Martin kaya lumapit yung
batang lalake saka biglang nag bless.

"Wow" bigksas ni Dani. "Bakit bakit?" tanong ni Onofre na kababalik. "Tinuruan mo


mag bless?" tanong ng dalaga. "Oh yeah, nag bless siya?" tanong ng binata. "Oo"
sabi ni Dani. "Very good boy Karlo" sabi ni Onofre saka hinalikan ang bata sa noo.

Naiinggit si Nina kaya tinignan niya yung binata. "Ninny come, if you see your lolo
or lola you bless. Karlo bless lolo" sabi ng binata kaya nagbless yung bata. Ginaya
ni Nina yung ginawa ng bata kaya si Martin natuwa ng husto at hinalikan ang mga
bata.

"Go bless lola" sabi ni Martin. "Lula bless" sigaw ni Nina saka hinila si Karlo.
Pumasok yung dalawa sa bahay para hanapin si Sarah habang si Martin pinagmasdan
yung mga bagong bike. Nagbiro si Onofre na nakatayo sa likuran ng matanda, natatawa
si Dani pagkat nagkukunwari ang binata na inaabot kamay ng matanda.

"Bless..dad..ay" bigkas ng binata kaya napahiyaw si Dani saka inatake yung binata
ng kurot. "Tito pala" kabig ni Onofre. Narinig nila yung hiyaw at tawa ni Sarah
kaya napakamot si Martin. "Mukhang buong araw na pagmamano ang mangyari" biro niya
saka pumasok ng bahay. "Paki sabi kay ate salamat" sabi ni Dani.

"Ikaw na ano, message mo nalang later" sabi ng binata. "Okay, pero ang porma ata
natin ngayon ah. Pogi" landi ng dalaga. "Syempre dadalaw ako dito, alangan na
magpambahay nanaman ako" sabi ng binata.

"Pinopormahan mo ba ako?" tanong ng dalaga. "Epektib ba?" biro ng binata. "Oo e"
pabirong sagot ng dalaga. "Dad bless" banat ni Onofre kaya humiyaw yung dalaga at
muling tinadtad ng kurot yung binata.

"Nof are you four going out?" tanong ni Sarah. "No tita, dito lang po sana kami"
sagot ng binata pero pilyang Dani bumulong sa tenga ng binata. "Mommy hindi tita"
biro niya kaya nagpigil ng tawa yung binata.

"Oh very good, I will bake for them. Do you want cookies or cake?" tanong ni Sarah.
"Kik!" sigaw ni Karlo kaya gumawa din si Nina. "Hahaha okay kik, we shall bake kik"
sabi ni Sarah.

"Come on kids cartoons" sabi ni Dani pero yung dalawang bata yaw na umalis sa
kusina. "Dito sila, papanoorin nila ako. Go sit with lolo over there first" sabi ni
Sarah. "Kakandong ako kay dad" bulong ni Onofre kaya humalakhak si Dani kaya lahat
napatingin sa kanya.
"Nof! Si Nof kasi e" sabi niya saka hinabol ng kurot yung binata. Naupo sa sofa si
Onofre kaya tumabi ang dalaga na tawang tawa pa. "Ay amazing hindi sila sumunod. I
was expecting to get super pinched" sabi ng binata. "Kasi mommy gave them
chocolates, wise din si mama e"

"She secretly gives Ninny chocolates para makuha atensyon niya" sabi ni Dani. "Di
ba nadadaan sa ngiti?" tanong ng binata. "Ngiti?" tanong ni Dani. "Tulad mo,
ngitian mo lang ako nakukuha mo na atensyon ko" banat ng binata kaya natili yung
dalaga at kinagat ang binata sa braso. "Ikaw talaga, pinag prapraktisan mo nanaman
ako ah" sabi ni Dani.

"Duh, that was the truth. May paparating na bagyo ulit, sa condo ulit ako soon"
sabi ng binata. "Oo nga daw pero dadaan lang naman daw ata" sabi ni Dani. "Takot
talaga si ate, pero okay lang para mas malapit ako dito" sabi ng binata.

"Since they are here maybe we can have pizza" sabi ni Martin. "Hay naku magluluto
nalang ako. Hindi healthy yang Pizza" sabi ni Sarah kaya lumapit si Martin at
kinalabit si Onofre. "Po?" tanong ng binata.

"Favorite ni Nof yon" sabi ni Martin kaya nanlaki ang mga mata ng binata. "Nof is
that true? If that is the case sige umorder ka na" sabi ni Sarah. "Ah uy tita
nakakahiya naman, yung luto niyo nalang" sabi ni Onofre pero kinalabit siya ng
madiin ni Martin.

"O yan pareho kayong mahilig sa pizza. Sige na you call already. Order two big
ones" sabi ni Sarah kaya inabot ni Martin yung brochure at wireless phone sa
binata. "This one and this one tapos samahan mo ng two packs of mojos and then this
one" sabi niya pabulong kaya pigil tawa si Dani.

"Lakas mo kay mama ah" sabi ng dalaga. "Syemps" sagot ng binata saka mister pogi
pose kaya super natawa si Dani. "Bakit favorite ba ni dad ang pizza?" tanong ni
Onofre kaya super halakhak ulit si Dani. "O you started it, favorite ba niya?"
tanong ng binata.

"Yeah, pero si mama kontra lagi. Wise ni daddy nakahanap ng rason" sabi ng dalaga.
"Ano na ulit tinuro niya? Eto ba? Mahirap na magkamali baka mabawi yung
pagpapalakas ko kay dad" landi ng binata kaya laugh trip silang dalawa.

"So kumusta yung babae mo?" tanong ni Dani saka nagtaas ng kilay. "Ewan ko kumusta
ka ba?" sagot ng binata kaya natili konti ang dalaga saka kinurot ang binata sa
tiyan ng malakas. "Aray ko po" sabi niya. "Si Shirley, officially dating na ang peg
niyo diba so ano na balita?" tanong ng dalaga.

"Ewan ko, nothing has changed. Next week na yung kasal ng pinsan niya" sabi ni
Onofre. "Di ka pa sinagot?" tanong ni Dani. "Di pa naman. Di naman ako nag eexpect,
mahirap masaktan at umasa. Yeah we are dating, getting to know each other more"
sabi ng binata.
"I see, kapit ka lang" sabi ng dalaga pero biglang humawa si Onofre sa kamay niya.
Natawa si Dani, palambing na hinampas yung binat sa dibdib saka palambing din na
kumurot. "Sinabi ko ba sa akin?" tanong niya.

"Para paraan lang yan" banat ni Onofre kaya palambing na hinampas ng dalaga ang
binata sa dibdib gamit ang isang unan. "Nakatawag ka na ba?" tanong ni Martin kaya
nahiya yung dalawa pagkat huling huli yung holding hands nila.

"Ay dad busy kanina..teka po uulit ako now" sabi ni Onofre habang si Dani nagtakip
ng bibig saka tinignan daddy niya. Medyo kumunot noo ng matanda pero napangisi
konti. Pagkalayo niya inatake ng kurot ni Dani si Onofre kaya ang binata tumiklop.
"Aray ko, ano ba? Teka lang tatawag ako ng pizza" sabi niya.

"You just called my dad, dad" sabi ng dalaga. "Shit, ano?" tanong ni Onofre. "Gagi
you did" sabi ni Dani kaya natauhan yung binata. "Oh my God, oo nga no. Oh my God,
oh my God" bigkas ni Onofre saka tinakpan mukha niya sa hiya.

Pagkatapos mag order inuga ni Onofre ulo niya. "So ano magtatawagan na tayong
sweetey ganon ba?" biro ng dalaga kaya natawa si Onofre. "Yun ba ang gusto mong
term of endearment natin if ever?" tanong niya. "Gagi to it was a joke" sabi ng
dalaga. "I know but if ever lang naman, it does not have to be me, sweetey ang
gusto mo na tawagan?" tanong ng binata.

"Hmmm ewan ko, ikaw ano prefer mo?" tanong ni Dani. "I really have no idea.
Honestly di ko makita yung point sa ganyan pero if I imagine it kinikilig din ako.
Nag iimagine din ako calling someone hon or babe or love" sabi ni Onofre.

"Pero pag ikaw siguro it will be Phi" sabi ng binata. Pigil kilig ang dalaga saka
nagtaka, "Bakit naman Phi? Ano meaning non?" tanong ni Dani. "Duh, Sophia, shortcut
is Phi. So ano gusto mo Sop, Sops, ganon ba? Nickname mo is Dani, alam ng lahat
yan. So para unique I wanna call you Phi para ako lang nagtatawag sa iyo non" sabi
ng binata.

Super ngiti si Dani saka palambing na tinutulak yung binata. "Phi Phikels" bulong
ng binata kaya umariba sa tawa ang dalaga saka pinaghahampas ang binata sa dibdib.
"Sabi ko na nga e joke yon e" sabi ni Dani. "Joke yung huli peo seryoso ako sa Phi"
sabi ng binata.

"Ayaw ko na, ganon pala yung buo" sabi ng dalaga. "Di no, naisip ko lang bigla yon.
Phi...ano epekto?" tanong ng binata kaya nagkatitigan sila. "Try mo nga" sabi ni
Dani. "Phi" ulit ng binata. "Hmmmm ewan ko" sagot ng dalaga. "Love.." bigkas ng
binata kaya natili yung dalaga at hinampas ng malakas yung binata sa dibdib.

"Aray ko ang sakit" reklamo ng binata. "Hahaha gagi ka e, sineseryoso mo naman e"
sabi ni Dani. "Experiment nga e, so syempre in the zone ako. Iniisip ko talaga what
if ikaw nga talaga. Ano naman point ng experiment pag di mo seryosohin?" tanong ng
binata.
"Fine, success. O yan happy ka?" tanong ng dalaga. "Really? So if ever pag naging
tayo e...love what did you with hair today?" landi ng binata kaya natili ang dalaga
saka sinakal ang binata sa leeg palambing. "Aray ko po, try mo nga din sa akin
tignan ko kung may epekto" sabi ng binata.

Natatawa si Dani, walang tigil na pinaghahampas ang binata gamit ang unan.
"Titiisin ko ang lahat ng sakit basta ikaw" banat ni Onofre kaya lalong nagwala ang
dalaga. Lumuhod na sa sofa si Dani, sinabunutan ang binata sa tindi ng kilig kaya
biglang sumulpot si Martin.

"Daddy" sabi ni Dani saka natawa nalang basta saka umakyat sa second floor. "Were
you two fighting?" tanong ng Martin. "Hindi po, basta nalang po napossessed siya"
sagot ni Onofre. "She has been acting strange lately" sabi ni Martin saka nila
narinig yung malakas na tawa ni Dani mula sa second floor.

Alas nuebe ng gabi nakaharap si Onofre sa laptop niya. "Ninny why are you awake?"
tanong ng binata. "Nagising tapos nag bike" sabi ni Dani. "Nagbike?" tanong ng
binata. "Oo, naalala niya yung bike then dinala siya ni daddy sa labas, she wanted
to ride it so pinasok ni daddy"

"Marunong na siya konti pero parang nagtataka siya bakit tatlo lang gulong. Tapos
kumain ng cake kaya eto hyper nanaman" sabi ni Dani. "Well ako busog na busog parin
ako" sabi ni Onofre. "Pano naman parang naghati kayo ni daddy don sa isang box"
sabi ng dalaga.

"Alok siya ng alok e, parang ginagawa talaga akong excuse para kumuha pa siya. Ang
lakas niya mag hot sauce" sabi ni Onofre. "Mama wipe" sabi ng bata saka bumaba.
"Wipe? Is the bike there?" tanong ng binata. "Ayan o, grabe ayaw niya ipaiwan sa
labas. Gusto niya lagi niya nakikita" sabi ng dalaga.

"E bakit kanina parang ayaw niya yung bike?" tanong ni Onofre. "Baka nahihiya or
kasi nandon si Karlo. Sorry if tinawagan kita ha" sabi ni Dani. "Okay lang no, di
pa naman ako tulog. So pano yan magpupuyat ka ulit?" tanong ng binata. "Ewan ko, if
malambing ko siya to sleep then swerte ko" sabi ni Dani. "Kung magkapitbahay lang
tayo punta ako diyan pero ang layo e" sabi ni Onofre.

"Ninny come talk to Nof" sabi ni Dani kaya lumapit yung bata saka kumandong sa
nanay niya. "Ninny sleep" sabi ng binata. Lumingon ang bata saka tinuro yung kama
kaya natawa si Dani. "Sleep na" sabi ng binata. "Sleep mama" sabi ng bata.

"Totoo ba yan? Baka pagpatay ng Skype e maglikot ka ulit" sabi ni Dani. "Sleep Nof"
sabi ng bata kaya pumikit ang binata. Natawa si Nina saka pingtuturo yung screen
kaya pumikit din siya. "Ayan ginaya ka nanaman" sabi ni Dani.

"Goodnight Ninny" sabi ni Onofre. "O goodnight daw. Say goodnight. Good night" sabi
ni Dani. "Gunayt" sigaw ng bata saka pumikit at nagtulugtulugan kaya natawa si
Onofre. "Goodnight Ninny" sabi ng binata. "Gunayt Ninny" gaya ng bata kaya laugh
trip silang tatlo.
"You say good night Nof" turo ni Dani. "Gunayt Nof" sabi ng bata. "Goodnight Ninny.
Goodnight Dani" sabi ni Onofre. Biglang nag flying kiss si Nina kaya nagulat si
Onofre. "Wow, was that for me?" tanong ng binata.

Umulit yung bata kaya nag flying kiss din yung binata. "Good night Ninny, love you"
sabi ni Onofre kaya napatigil si Dani saka napangiti. "O I love you daw, say I love
you Nof" sabi ni Dani sa nanginginig na boses. Sumigaw lang si Nina saka nag flying
kiss ulit. "Say I Love you Nof" utos ni Dani pero hindi siya makatingin sa screen.

"Abyu Nof" sabi ng bata kaya natawa si Onofre. "Awww, I love you Ninny" sabi ng
binata. "Ayabyu Nof" sagot ng bata. "Ninny its i..love..you..Nof" sabi g dalaga. "I
Nof" sabi ng bata kaya laugh trip si Onofre. "Tinatamad ka nanaman ah. I love you
Ninny" sabi ng binata. "I love you Nof" sabi ni Dani. "Ayabyu Nof" sabi ni Nina
kaya pumalakpak yung binata.

"O sige na, I think she is serious" sabi ni Dani. "Okay, goodnight Ninny" sabi ng
binata. "Gunayt! Yabyu" sabi ng bata. "Good night Nof, come on say it properly"
sabi ni Dani. "Gunayt" sigaw ng bata. "Tamad ka nanaman ha, okay say...I love you
Nof" sabi ni Dani saka tinitigan ang binata sa screen.

"Yabyu Nof" sigaw ng bata. "Bye bye, love you Ninny" sab ng binata. Tumayo si Dani
buhat ang anak niya saka pinahiga ito sa kama. Pagbalik ng dalaga tinignan niya
yung binata sa screen, "Pinainom mo pa ng milk?" tanong ni Onofre. "Yes" sagot ng
dalaga na tila natetense.

"Yabyu" sigaw ni Nina kaya natawa si Onofre. "Anak sleep" sabi ni Dani. "Gunayt"
hirit ni Nina. "Goodnight Nina" sabi ni Onofre. "I have to turn this off, look
nakaupo siya at nakatingin dito" sabi ng dalaga. "Of course, you get some rest too"
lambing ng binata.

"Ikaw din, salamat pala sa bike" bulong ng dalaga. "Ay oo baka marinig niya at
maisip niya ulit. Sige na, good night. Salamat sa foods. Grabe busog na busog ako
sobra" sabi ng binata.

"Today was fun" sabi ni Dani. "Yeah it was, siguro if only Karlo could really speak
I am sure yung ang dinadakdak niya kanina pagdating namin dito. He just would not
stop talking" sabi ni Onofre.

"O sige na" sabi ni Dani. "Gunayt" sigaw ni Nina kaya natawa si Onofre. "Hay naku
anak, sleep na" sabi ng dalaga. "Good night Ninny. I love you" sabi ni Onofre.
"Yabyu" sigaw ng bata. "Sige na tabihan ko na siya para matulog na" sabi ni Dani.

"Okay, good night Ninny" sigaw ng binata. "Gunayt" sagot ni Nina. "Nof naman e"
reklamo ng dalaga kaya natawa yung binata. "Ang cute niya e, naka dede siya tapos
pipilitin sumagot" sabi ng binata.

"Sige na good night" sabi ng dalaga. "Good night Dani" sagot ni Nof. "Good night
Nof. Kung busog ka pa wag ka muna hihiga. Sige na, good night Nof" sabi ng dalaga.
"Good night Dani" sagot ng binata.
"I love you Nof" sabi ng dalaga saka biglang nanigas pagkat di niya alam bakit niya
nasabi yon. "I love you too Dani" sagot ni Onofre saka pinatay yung tawag. Hindi
nakagalaw si Dani, nayanig ng husto ang utak niya sa sagot ng binata.

Mala slow motion niya pinatay yung laptop niya saka dahan dahan tumayo at basta
nalang natili ng malakas. Naupo si Nina saka nagtitili din kaya si Dani biglang
tumawa ng malakas saka nag dive sa kama at pinagyayakap yung anak niya. "Oh my
God!" sigaw ni Dani. "Omaygaaaaaa" hiyaw ni Nina at nakitili ulit sa nanay niya.

Samantala sa kwarto ni Onofre habang nagchecheck ng email napatigil siya. "Oh my


God...what the hell did I just say?" bulong niya nang maalala bigla yung sagod niya
sa dalaga. "Oh my God..what have I done?" 

=================

Chapter 44: Wedding Day

Chapter 44: Wedding Day

Sa labas ng isang simabahan inaayos ni Anabel yung suot ni Onofre. "There you go"
sabi ng matanda. "Thank you tita" sabi ng binata. "Mauna na kami sa loob" sabi ni
William kaya tumabi si Shirley sa binata.

"Susunod kami, matagal pa naman" sabi ng dalaga. Pagkalayo nila napabulong si


Onofre. "Ang cute ng sister mo" sabi niya. "Sus, diretsuhin mo na ako, sesegway ka
pa e" biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. "You look stunning" sabi ni Onofre.

"Stunning ka diyan, baka marinig ka nung pinsan ko biglang umatras" biro ng dalaga
kaya tawanan ulit sila. "Hanggang ngayon ba naman para ka parin uranggutan tumawa"
sabi ng isang binata kaya ang bilis lumingon ni Onofre.

"Ako ba pinagsasabihan mo non?" tanong ng binata sa galit. "Uy Nof wait" sabi ni
Shirley. Tinaas nung isang binata dalawang kamay niya saka umatras. "Buhay ka pa
pala, ano nangyari niluwa ka ng impyerno?" sabi ng dalaga kaya nagpigil ng tawa si
Onofre.

"Excuse me, a face like this from hell? Inutusan ako ng langit bumalik para daw may
balance. Habang nandito ka daw sa lupa imbalance e, malakas ang pwersa ng impyerno
habang nandito ka" sagot nung binata. "Ayus ayusin mo pananalita mo brod" sabi ni
Onofre.

"Miss Shooli may attack dog ka na. Ano siya disciple mo sa school of karate mo?"
tanong nung binata kaya nalito si Onofre. "Oooh look Boolbs is scared hahaha" landi
ng dalaga saka niyakap si Onofre.

Super ngiti si Onofre pero pinatigas niya katawan niya a pinalaki sa tuwa. "Oh
totoo ba itong nakikita ko? Miss Shooli may love life ka? Oh my God this is
amazing. Pare di kita kilala pero congrats at buhay ka pa" sabi nung binata kaya
natatawa na si Onofre. "Gago ka Boolbs, musta ka?" tanong ni Shirley. "Eto we just
moved back from abroad" sagot nung binata.

"Saan naman sa abroad?" tanong ng dalaga. "Cebu" sagot nung binata kaya natawa ng
malakas si Onofre. "Hay Boolbs di ka parin nagbabago, o wait. Nof this is Boolbs,
tao yan" banat ni Shirley kaya tawang tawa si Onofre na inabot kamay niya.

"Berns pre, or Bernard" sabi nung binata. "Onofre, or Nof. Kaya Boolbs kasi kulot
ka?" sagot ni Onofre kaya super halakhak na si Shirley. "You see that my student is
intelligent, gets niya agad" sabi niya. "Yeah" sagot ni Bernard.

"Ang di ko magets Shooli? Pero familiar yung mister Shooli" sabi ni Onofre. "Tawag
niya sa akin Shooli, di niya kaya Shirley kasi walang ipin sa harapan yan noon
hahahaha. As in wala" kantyaw ng dalaga.

"Maaga naman ako nagpapustiso, yeah so what false teeth ako" sabi ni Bernard. "Uy
pikon na o, iiyak na yan" hirit ni Shirley. "It was nice seeing you again" sabi ni
Bernard. "Wait, bakit ka nandito? Bakit nakasuot ka din ng motif ng kasal ng pinsan
ko?" tanong ng dalaga.

"Oh pinsan mo ba yung mapapangasawa ng anak ng boss ng daddy ko?" tanong ni Bernard
kaya super natawa si Onofre. "I know the feeling, dami din namin napuntahan na
events kasi ang daming anak ng boss ng parents ko" sabi niya. "Joke lang, I saw
your name sa invitation. Kaya sa likod ako uupo kasi baka sunugin mo yung
simabahan" sabi ni Bernard.

"Ang gago nito" sabi ni Shirley. "Pare parang madami kang alam tungkol sa kanya, we
are going to be good friends" sabi ni Onofre. "Nof subukan mo lang, lets go. Di ko
kaibigan yan. Sige Boolbs" sabi ni Shirley saka inakay si Onofre palayo.

"Bakit ba yon?" tanong ng binata. "Basta nakakairita yon" sabi ng dalaga.


"Nakakairita e ngayon nalang ata ulit kayo nagkita" sabi ni Onofre. "He is not a
friend" sabi ng dalaga. "Imposible, parang close nga kayo e" sabi ng binata. "Keep
your enemies close...mortal enemy ko yon Nof" sabi ni Shirley kaya nagulat yung
binata at napalingon kay Bernard.

"How? I mean what did he do to you?" tanong ng binata. "Basta, ayaw ko na pag
usapan" sabi ng dalaga. "Okay, sabihin mo lang if I need to do something so he wont
bother you" sabi ng binata. "Don't worry I can handle myself. Alam ko magtatanong
ka, yes nag aral ako ng karate noon at ako yung reason why nawalan siya ng mga
ngipin. Sinipa ko face niya" sabi ng dalaga.

Napanganga si Onofre kaya tila nahiya yung dalaga. "You are so cool, panong sipa?
Kwento mo" sabi ng binata. "Tsk, I still feel bad honestly pero its his fault. Gago
yan e, nagbiro siya noon na may dala siyang balloon tapos heart na pillow. Para sa
akin daw, tumakbo siya papunta sa akin"

"Basta gago yan. He shouted in campus na...eeeh basta nag trip yan. It was a joke
to humiliate me. So alam mo yung takbo na pabiri na papuna sa akin. Huh, pagkalapit
niya binigyan ko siya ng high kick. Di ko naman sinasadya talaga, parang gusto ko
lang mag high kick to scare him pero di ko natantya at tumama talaga e" kwento ng
dalaga.

"Oh my God, as in sapol?" tanong ni Onofre. "Yeah, I almost got expelled" sabi ni
Shirley. "Wow" bigkas ni Onofre. "So ayon, I thought he will stop pero ang kulit
parin niya. I was trying to be good to him already kasi nga sa nagawa ko pero ewan
ko ba diyan. Bwisit na yan" sabi ng dalaga.

"Baka type ka" biro ni Onofre. "Hahaha Nof that was grade two" sabi ng dalaga.
"Karatista ka na ng grade two?" tanong ni Onofre. "Yeah, up to now naman" sabi ng
dalaga. "Are you kidding me? Di nga?" tanong ng binata.

"Hahaha oo no, nag stop lang ako dahil sa break up kasi baka mabuhos ko galit ko sa
ka sparring ko. My dad told me to take a break so he also took a break" sabi ng
dalaga. "Oh my God, pati daddy mo karatista?" tanong ni Onofre kaya super halakhak
yung dalaga dahil sa facial expression ng binata.

Dalawang oras lumipas sa may reception area di makatigil sa katatawa sina Anabel at
Shirley habang si Onofre nakayuko lang sa hiya. "Ang lakas pa ng pagkasabi niya,
happy honeymoon. Ang sama ng tingin ni Uncle George kay Nof tuloy" kwento ni
Shirley kaya pati si William natatawa narin.

"E kasi tapos na yung kasal so di ko alam kung tama yung congrats lang" sabi ng
binata sa mahinang boses. "Okay lang sana pero my uncle was there" sabi ng dalaga.
"I am so sorry" sabi ni Onofre. "Its okay dear, come on eat" sabi ni Anabel.

"Kuya Nof is going to help me build my computer" sabi ni Arthur. "Really? And where
are you going to get the money?" tanong ni William. "Dad you promised, you said if
I get first honor I can have my own computer" sabi ni Arthur. "Did I say that?"
tanong ni William.

"Daddy is madaya" sabi ni cute Wendy. "Congratulations, you are first honor?"
tanong ni Onofre. "Yes kuya" sagot ng batang lalake. "Me too kuya" sabi ni Wendy.
"Ahem may pinagmahan sila. Ahem" banat ni Shirley. "Nakakahiya, I feel so small"
sabi ni Onofre.

"Nof you know a lot about computers? My friend told me its better to build your own
instead of buying a whole set which is expensive" sabi ni William. "That is true
sir, we can save a lot of money if we built the computer" sabi ng binata. "Okay
then, and how about you Wendy what would you be having?" tanong ng matanda.

"Hmmmm my own room" bulong ng batang babae saka ngumiti. "Why you don't want to
share my room anymore?" tanong ni Shirley. "You and kuya are going to get married
soon so where do I sleep? On the floor?" tanong ni Wendy kaya napanganga sina
Shirley at Onofre.

Natawa si Anabel habang si William napahaplos sa kanyang noo. "Hahaha Wendy! We are
not getting married yet. Oh my God, why did you even think of that?" tanong ni
Shirley. "Because he is your boyfriend and then you two are going to get married.
You are supposed to live together so that kuya will not be going home anymore every
night" sabi ni Wendy.

Super natawa si Anabel at Shirley habang si Onofre napayuko. "Wendy, listen to me,
your ate and kuya are just together. Boyfriend and girlfriend only, for a long
time. They are not going to get married yet" sabi ni William.

"Oh so daddy buy me a dog" pacute ni Wendy. "Yes I will buy you a dog" sabi ni
William. "Nof samahan mo nga ako kuha tayo ng cake pa" sabi ni Shirley. Pagkalayo
nila hinaplos ng binata puso niya, "Bakit di ka nag react, your father thinks tayo
na" sabi ng binata.

"Hahahaha sorry about that, grabe nakakagulat si Wendy" sabi ng dalaga. "Sobra,
pinagpawisan ako don. Iniimagine ko mawawala din mga ipin ko" sabi ni Onofre.
"Grabe the other night she was just asking pano daw ba ikasal. So inexplain ko na
dadaan muna yung boy and girl sa pagiging boyfriend and girlfriend"

"Siguro she got lost in the way kasi nagbigay ako example ng couples dating, sabi
ko tayo. Basta ganon, di ko naman sinabi sa kanya na tayo na no" sabi ng dalaga.
"Grabe, I was totally shocked" sabi ni Onofre. "Ako din kaya, out of nowhere ganon
sasabihin niya. Baka ano pa maisip ng dad ko na tinuturo ko sa kanya" sabi ng
dalaga.

"Miss Shooli and student Nof" bati ni Bernard na biglang sumulpot. "Hey Bulbol"
sabi ni Onofre kaya super halakhak si Shirley. "Oh shit, sorry pre, Boolbs lang
pala" sabi ng binata pero si Shirley yumakap kay Onofre at naiyak talaga sa tindi
ng tawa.

"All good bro" sabi ni Bernard. "Ang lutong non haaha. Hey bulbol...hahaha" kantyaw
ni Shirley kaya nagpipigil na talaga si Onofre habang nakatingin kay Bernard.
"Ganyan talaga tumawa yan parang nasa jungle lang. Parang pahiwatig sa ibang hayop
na nandito yung uranggutan" banat ni Bernard.

"Hey bro tone down on the monkey calling, its obvious she does not look like one"
sabi ni Onofre kaya napatigil si Shirley, niyakap braso ng binata saka napangisi ng
malaki. "Oh sorry, no offense meant bro but ganon na kami mula noon" sabi ni
Bernard.

"Noon yon, wala ako noon. Nandito na ako ngayon kaya pakiusap ko you get rid of the
monkey calling, find other ways to retaliate" sabi ni Onofre kaya inabot ni Bernard
kamao niya at nakifist bump naman si Onofre.

"Shirls tawag ka ata don o" sabi ni Onofre kaya nagpaalam yung dalaga at pinuntahan
ang mga pinsan niya. Dumikit si Bernard kaya Onofre at pareho nila tinignan si
Shirley mula sa malayo. "Buti natiis mo ugali niya" sabi ni Bernard.

"Okay naman siya ah, let me just ask. Sabi niya mortal enemies kayo. What did you
do to her?" tanong ni Onofre. "Become more intelligent than her" sagot ng binata.
"Huh? Yun lang?" tanong ni Onofre. "Yeah, nag start ng grade two kasi di niya
matanggap nag number one ako ng first and second grading" sabi ni Bernard.

"Are you kidding me? Dahil lang don?" tanong ni Onofre. "Oo e pero is really hard
keeping up with her. Parang robot yan kung mag aral" sabi ni Bernard. "Grabe, so
lumipat kayo Cebu after grade school?" tanong ni Onofre.

"Hindi, magkaklase pa kami sa science high school, and you know what we lost a
national competition dahil sa sa pag aaway namin. First year high school yon, we
both were being kids siguro and we didn't see the value of winning the championship
for our school. In short nag kanya kanya kami imbes na mag team work" sabi ng
binata.

"Grabe naman, pero siguro malalim din galit mo dahil sa nangyari sa ngipin mo" biro
ni Onofre. "Well oo nung grade school yon. Aaminin ko talagang mortal na magkaaway
kami. Araw araw asaran, dirty tactics, pero I matured ahead of her" sabi ni
Bernard.

"Malamang kasi bata ka palang nag pubery na sa ulo mo" banat ni Onofre kaya natawa
ng malakas si Bernard at naki fist bump. "That was a good one bro. Kaya naman pala
naging kayo kasi ganyan na ganyan siya mang asar" sabi ni Bernard.

"I am still getting to know her, araw araw may surprise. I met her by accident pero
long story yon" sabi ni Onofre. "She is okay trust me, ang hirap pikunin niyan.
Ilang beses niya ako pinaiyak noon, minsan ko lang siya pinaiyak pero foul yung
nagawa ko" sabi ni Bernard.

"Her mom" sabi ni Onofre. "Yeah, my bad yon" sabi ng binata. "Gago" sabi ni Onofre.
"Oo mali ako doon, bata e. Siguro dinibdib niya yon up to now" sabi ni Bernard.
"Basta pre, okay lang mag asaran kayo pero if she gets hurt and I notice that I am
coming after you" sabi ni Onofre.

"I know, you don't have to remind me" sabi ni Bernard. "Good, so tell me more about
her. Nahihiya ako magtanong sa mga kaibigan niya kasi e. Alam ko mortal enemy ka
pero sure ako madami kang alam sa kanya kasi ganon ang enemies e. Diba?
Kikilalalanin mo talaga kalaban mo" sabi ni Onofre. "What do you want to know? Sino
first crush niya?" tanong ni Bernard.

"Oh may ganon? Sino?" tanong ni Onofre. "His name was Terrence, grade five
classmate natin siya. Transferee yon and yun ang naging bala ko against her kasi it
was obvious she liked him" kwento ni Bernard. "Aha, Terrence pala ha. So what
happened?" tanong ni Onofre.

"Binuntal niya" sabi ni Bernard. "Huh? Binuntal niya crush niya?" tanong ni Onofre.
"Yup, Terrence said she was ugly" sabi ni Bernard. "Gago ba siya? Ang ganda ganda
ni Shirley ah" sabi ni Onofre. "True pero noon kasi she had a lot of freckles tapos
yung buhok niya parang dry e"

"Things started to change naman nung high school" kwento ni Bernard. "Gago yun ah,
as in binuntal siya ni Shirley?" tanong ni Onofre. "Yup, I was there. I heard
Terrence say she was ugly and she had a funny name then boom. Right straight to the
face, bagsak talaga si Terrence"

"Pero wag mo sasabihin ah, I saved her ass. I made up a story as a witness, sinabi
ko binastos ni Terrence si Shirley about her mom. Naki ride on si Shirley later and
it worked. Syempre everyone knew magkaaway kami e, so no one would expect I was
saving her ass"

"They just think I was telling the truth. So she didn't get expelled" kwento ni
Bernard. "Oh, wow, salamat don" sabi ni Onofre. "Wala yon, minsan nga nagsisisi ako
e. If na expel siya ako sana number one hahahaha. But its all good, yung
competition namin nakatulong" sabi ni Bernard.

"Pero teka, galing ka Cebu so pano pag aaral mo? Lilipat ka?" tanong ni Onofre.
"Sinasabi ko lang yon, we didn't move. Only my dad had to work in Cebu" sabi ni
Bernard. "Oh, so why would you lie about that?" tanong ni Onofre. "We both had to
stop or else we would end up as robots. As long as she knows I am around she is
going to work her ass off"

"Same with me. If that is the case sira ang social life namin. So I just cut off
ties with her, di ako nag attend ng reunions para kunwari wala na talaga ako" sabi
ni Bernard. "Nagpapatawa ka ba? May Facebook na, madali nalang malaman ang lahat"
sabi ni Onofre.

"One of the sacrifices I had to make, cut off ties with former classmates too. Iwas
iwas, start new para naman magkaroon din ako ng social life. Grabe pare you don't
know how tough it is to compete with her. Mortal enemy nga e, so if aware ka about
what score she is getting the more you work your ass off"

"Pareho pa kami nursing pare" sabi ni Bernard. "Oh, so pano mo alam nursing siya?"
tanong ni Onofre. "The other day ko nalang nalaman actually after ko mabasa name
niya sa invite. I did some research pero don't worry, wala na siya sa sistema ko"

"I am the king in my school now hahaha sorry sa pagmamayabang" sabi ng binata.
"Yabang nga e, well baka iniisip mo matalino din ako, excuse me delayed ako ng
isang taon" sabi ni Onofre. "Excuse me pare" sabi ni Bernard saka nagtago sa isang
sulok.

"Ano yan? Inaheler? May asthma ka?" tanong ni Onofre. "Oo, please wait" sabi ni
Bernard. Isang minuto lumipas ngumiti yung binata saka nag ayos ng sarili. "Kaya
talo din ako sa kanya sa PE" sabi ni Bernard.

"Pre, payo ko lang, the things she does not know and you know, you act dumb.
Pretend to learn it with her. Kung napansin mo may gusto siyang gawin na alam mo,
magtanga tangahan ka pare or else ayaw na niya matutunan yon"

"She is built that way pre. Pero later on okay lang na gumaling ka sa kanya, kaya
niya tanggapin yung ganon. Payo ko lang naman" sabi ni Bernard. "Salamat, pero alam
mo pre..." sabi ni Onofre pero bigla siyang napatigil pagkat nakita niya sa malayo
na may kumuha sa cake ni Shirley mula sa kanyang plato.

Ang bilis ng binata na tumabi sa dalaga saka tinulak yung lalake palayo. "Gago ka
ah, that is her cake" sabi ni Onofre. Sinubo nung siga yung cake, humarap kay
Onofre saka palanding ngumuya ng dahan dahan. "Tsss gago to ah" sabi ni Onofre pero
bago siya pumurma dumikit yung siga at nakipag dinitan ng noo sa kanya.

"Nof its not worth it" sabi ni Shirley. "You are worth it" sagot ni Onofre na
nakipag banggann na ng dibdib. "King ano ba?" reklamo ng isang petite na babae.
"Wag kang makikialam Bonsai...ano? Tara?" sagot ng siga.

"Anton!" sigaw ng petite na babae saka hinila yung siga palayo. "I am really sorry,
sorry talaga. Uy sorry talaga. Sinusumpong kasi tong kaibigan ko" sabi ng dalaga.
"Okay lang, sige na" sabi ni Shirley na tumayo sa harapan ni Onofre para humarang.

Tinuro ng siga si Onofre, "Ano? Anytime bro, gago ka e" sagot niya. Humarap si
Shirley saka humawak sa mukha ng binata. "Nof tama na, please" lambing niya kaya
agad agad huminahon ang binata. "Under ang gago" bulong ni Onofre kaya napalingon
si Shirley at nakita na pingot pingot ng petite na babae yung siga palabas ng
venue.

"Tulad mo" sabi ni Shirley. "Ano? Hindi ah" sagot ni Onofre. "O ano?" tanong ng
dalaga. "Fine, konti lang siguro" kabig niya.

(K^R

=================

Chapter 45: Ground Zero

Chapter 45: Ground Zero

Lunes ng hapon nagising si Dani, agad siya nagpanic pagkat wala si Nina sa tabi
niya. "Ninny?! Ma! Pa! Ate! Nasan si Ninny?" sigaw niya sa nerbyos. "She is here
with me" narinig niya boses ni Onofre mula sa salas kaya paspas siyang bumaba at
nakita si Nina nakakandong sa binata habang kumakain ng donut.

"Oh nandito ka pala" sabi ng dalaga na nauapo sa may hagdanan. "Doon ako kay ate
uuwi starting today. Wala pa siya don so dumaan muna ako dito" sagot ng binata. "Be
right back" sabi ni Dani na tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Onofre.

"Duh, mag aayos naman konti. Nakakahiya sa bisita" sabi ng dalaga. "Wag na, lika na
dito mainit init pa tong donuts. Maganda ka parin naman kahit magulo yung buhok.
Seriously still very pretty with your woke up like this look" sabi ni Onofre kaya
napangiti yung dalaga at dahan dahan bumaba.

Pagtabi niya sa binata pinasikat ni Nina yung box ng donuts. "Bakit lahat may
kagat?" tanong ni Dani. "Tinikman niya lahat" sabi ni Onofre. "Oh naku naman anak"
sabi ng dalaga. "Okay lang yan, I three boxes, nandon yung dalawa. Sorry pala I
took her" sabi ng binata.

"Gulat nga ako pag gising ko wala na. Di man lang ako nagising" sabi ni Dani. "Kaya
nga e, triny ko pa naman yung fairy tale move, hinalikan kita pero di ka naman
nagising" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani at nahampas yung binata. "Bola" sabi
ng dalaga.

"Totoo, si Ninny nga isang tuka sa cheeks nagising na. Ikaw naka dalawang kiss na
ako sa lips mo ayaw mo magising, so that means we are not meant to be" landi ng
binata kaya natawa ng malakas si Dani. "Mama shhhhh nosy" sabi ng bata kaya si
Onofre naman yung natawa ng malakas.

"Madaya ka! Bakit siya tumawa din ng malakas? Wow ha, anak naman kinakampihan mo si
Nof" reklamo ni Dani. "Hehe eat Ninny, bite" lambing ng binata. Kumuha ng isang
donut si Dani saka nag cross legs at nag slouch. "Saw your photos, gwapo mo
kahapon" sabi ng dalaga.

"Inborn" banat ni Onofre kaya natawa si Dani. "Wag masyado Nof baka tangayin ng
hangin ni Ninny" sabi ng dalaga. "Wow naman, puri sabay laglag" sabi ng binata.
"You two look perfect for each other" sabi ni Dani.

Di sumagot si Onofre kaya lumapit yung dalaga at siniko ang binata palambing. "Did
you hear what I said?" tanong ng dalaga. "Yup, masarap ba yang napili mo?" tanong
ng binata. "Okay naman, bakit iniiba yung topic?" tanong ng dalaga.

"Sa kasal kahapon there was this guy, Shirls said mortal enemy niya yon. I got to
talk to the guy kasi nga di ko nagustuhan yung mga mga asar niya kay Shirls. Sabi
niya din mortal enemies nga sila, paligsahan daw sila sa grades pero alam mo I feel
something else" sabi ng binata.

"What something else?" tanong ng dalaga. "Ewan ko, doon sa guy ko naramdaman. I
think he likes her. Yeah I really think he likes her" sabi ng binata. "Grabe ka,
Shirley is pretty, its normal for pretty girls like us to have lots of suitors"
landi ng dalaga.

"Hahahaha nasingit mo pa talaga yon" sabi ng binata. "So what if he likes her? Sabi
mo nga you two are dating e" sagot ni Dani. "Matalino yon Dani, palitan daw sila sa
number one. Tapos he saved her from being expelled before. At eto pa ha, he lost a
lot of teeth because she kicked him" kwento ng binata.

"What?" tanong ng dalaga. "Karatista pala sila ng papa niya. Basta naglokohan sila
noon grade two ata yon, he lost his teeth pero alam mo parang bale wala sa kanya.
Then he made a big sacrifice pa, kasi daw para daw silang robot. Sabi niya as long
as they co exist they will remain as robots trying to be the best so nag sacrifice
siya at nag off the grid" sabi ni Onofre.

"The terms naman, explain" sabi ni Dani. "Hindi siya nag Facebook, hindi siya
nagparamdam sa classmates, basta ganon para daw magka social life si Shirls. Kasi
daw if she knows he is just around then robot mode daw si Shirley trying to reach
the top or trying to be always better than him" sabi ni Onofre.

"Oh..grabe naman" sabi ni Dani. "Hindi simple yon, he did that for her. He likes
her" sabi ng binata. "So? Bakit ka nagkakaganyan? He likes her lang, does Shirley
like her?" tanong ng dalaga. Humarap si Nina saka sinubuan yung binata ng donut,
pati si Dani pinakain kaya bungisngis yung dalawa.

"Shut up daw..." sabi ni Onofre pero tinakpan ni Nina bibig ng binata. Nag German
si Nina kaya super bungisngis si Dani. "Ahhh o baby o, don't talk when your mouth
is full. She knows" pacute ng dalaga.

"Ahhhh o yan, basta naiinsecure ako sa kanya" sabi ng binata. "Grabe naman Nof, one
sided lang yon. Lamang ka because you and Shirley are dating" sabi ni Dani. "I know
but may isa pa" sabi ng binata. "Anong isa pa?" tanong ng dalaga.

"Wala, nevermind. Change topic please" sabi ni Onofre. "Come on lets talk about it"
sabi ni Dani pero nagulat ang dalaga nang subuan siya ng binata. Humarap si Nina
saka natawa kaya si Dani paspas na ngumuya pero sinubuan ulit siya ng binata.

"Hoy..madaya.." sabi ng dalaga pero tinakban ng bata yung bibig niya. "Mama matigas
ang ulo no, talking with mouth full" landi ni Onofre. "Hoy Nof tataba ako nito"
bigkas ni Dani. "Wag kang mag aalala may magmamahal parin sa iyo" sabi ng binata.

"Oo naman diba Ninny" sabi ng dalaga sabay naki nose rub sa anak niya. "Ako" sabi
ni Onofre kaya napatigil ng husto si Dani saka tinignan yung binata. "Hahahaha
grabe naman reaction mo, parang in total shock ka naman" sabi ni Onofre.

"Nagsisimula ka nanaman ha, sige practice pa more. Pero in fairness if you did that
line her to her effective siya" sabi ni Dani. "Can we not talk about her, can we
just focus on the now. I know he likes her, I know me and Shirley are officially
dating pero naiinsecure parin ako don. Saka na yon, I wanna be happy. I came here
to be happy" sabi ni Onofre.

Dumikit si Dani saka inagaw anak niya. "Being here makes you happy?" tanong niya.
"Yeah, naeenjoy ko company niyo" sabi ng binata. "Pero I think I came here today to
talk to you" dagdag niya. "Talk to me?" tanong ni Dani.
"About yun nga, ewan ko its either that or gusto ko mawala yun sa isipan ko. Teka
nga nasa bahay ka lang ang bango bango mo parin?" tanong ng binata. "Duh, nag
school ako kanina" sabi ng dalaga. "Oh right, so Dani may pumoporma na ba sa iyo?"
tanong ng binata.

"Madami" sagot ng dalaga. "Ows? Do you like one of them?" tanong ng binata. "Nope,
wala naman yung serious na lumalapit to ask me out ganon. Mga halatang nagapapacute
or nagpapaimpress. Lalake ka so alam mo yon" sabi ni Dani kaya natawa si Onofre.

"Alam mo naman na kung sino man magustuhan mo dadaan sa akin yon diba?" sabi ng
binata kaya napangiti si Dani ng huso. "I know, pinipili ko nga yung mga kaya mo
lang, yung iba kasi maskulado" biro ng dalaga. "Hahahaha, how thoughtful of you"
sabi ng binata.

Tumayo si Nina saka biglang ginulo yung buhok ng binata. "What are you doing baby?"
tanong ng binata. "Water" sabi ng bata. "Ah, sorry wait wait" sabi ng binata saka
kumuha siya ng baso ng tubig.

Pagkabalik niya kumandong sa kanya yung bata saka uminom mula sa baso. "Did you
really kiss me a while ago when I was sleeping?" tanong ni Dani. "Si Ninny lang"
sabi ng binata. "Pero ang tagal ko lang nakaupo don staring at you kasi para kang
anghel. Hectic day in school?" tanong ng binata.

"Medyo" pabulong na sagot ni Dani saka sumandal sa binata. "Dani" sabi ng binata.
"O" sagot ng dalaga. "Wala" sabi ni Onofre. "Ano yon? Is about the guy again?"
tanong ng dalaga. "No, forget it, magulo lang isipan ko" sabi ng binata. "Kaya nga
nandito ako e, lets talk about it" lambing ng dalaga.

"Alis na ata ako" sabi ng binata. "Agad agad? You just arrived, uy anong nangyayari
sa iyo?" tanong ng dalaga. "Ewan ko, maybe I need some time to sort things out"
sabi ni Onofre. "Nof please, lets talk" sabi ni Dani. "Hahaha wow grabe itong
palitan natin para tayong couple na may problema" sabi ng binata kaya natawa yung
dalaga at nakigaya anak niya.

"Nof isa, I am here for you, alam mo yon diba?" sabi ng dalaga. "Basta ayaw ko pag
usapan, can you respect that?" tanong ng binata. "Okay, maging masayahin ka then,
di ako sanay na ganyan ka" sabi ni Dani. "Sorry" sabi ni Onofre.

"Dani I kissed you sa cheek kanina" sabi ng binata. "Uhuh" sagot ng dalaga. "I did,
pero si Ninny nauna then I kissed you too. Siya lang nagising. Actually pinilit ko
siya gisingin then we went down here and started eating" sabi ng binata. "Bakit mo
pa sinabi e cheeks lang naman, not important" biro ng dalaga kaya natawa yung
binata.

"Bagay ba kami talaga?" tanong niya. "Yeah" sagot ng dalaga. "E tayo bagay ba
tayo?" tanong ni Onofre. "Hahaha what kind of question is that?" tanong ni Dani.
"Just asking, how do you know if bagay ba ang isang couple? May selfie tayo diba? O
bagay ba tayo?" tanong ni Onofre.
"Huh? Nof, will you stop" sabi ni Dani. "Just asking, kaya mo sabihin na bagay
kami. O may photo din kami ni Sly, bagay ba kami?" hirit ng binata. "Biased answer,
hindi kayo bagay kasi sinaktan ka niya" sabi ng dalaga. "Naks, I have to agree. E
tayo?" hirit ni Onofre.

"Hmmm bagay" sagot ng dalaga pabulong. "Wow pilit, salamat ha" sabi ng binata.
"Hahahaha grabe ka naman kasi, what kind of question is that?" sabi ng dalaga na
nakikiliti na. "Wala lang, e kami ni Veronica?" tanong ni Onofre. "Mas bagay naman
tayo ah" sabi ni Dani.

"Hala nilaglag ang bestfriend niya" biro ni Onofre. "Loko loko, kanina parang gusto
mo maging honest ako, ngayon honest ganyan ka" sabi ng dalaga. "So bagay pala tayo"
landi ng binata. "Hahahaha para kang baliw" sabi ni Dani.

"Ewan ko ba, wala ako sa sarili ko" sabi ni Onofre. "Something is bothering you.
Ramdam na ramdam ko e. Pero I respect you, sabi mo wag pag usapan so wag pag
usapan" sabi ng dalaga.

Bago mag dinner umakyat si Dani sa kwarto nila para kumuha ng sweater para kay
Nina. Napatingin siya sa study desk niya, dahan dahan siya lumapit at labis na
napangiti nang makita yung Heart Shaped box ng Ferrero Rocher chocolates sa lamesa.

Labis na kinilig yung dalaga nang makita yung note, "To Dani...From Nof" basa siya
saka natili pero nung napatingin sa maliit na vase nakita niya dalawa na yung rosas
doon. Super natili si Dani, napatalon siya saka kinuha yung box saka paspas na
bumaba.

"Dani! Will you be careful" sabi ni Martin. Ang dalaga parang sumasayaw habang
pinapasikat yung hawak niyang box. "Oh wow, chocolates" sabi ni Sarah kaya
napalingon si Nina saka tinaas mga kamay niya. "Tsoklit mama" bigkas niya,

"Bleh, this are mine baby" sabi ni Dani. "Tsokliiiit! Lulu tsoklit. Lulu!" sigaw ng
bata pero si Dani lumayo saka niyakap yung box. Umiyak na yung bata kaya si Dani
napasimangot. "Alam mo naman magkakaganito anak mo, sana di mo nalang pinakita"
sabi ni Martin.

"Baby naman e, sige na nga eto o. One only ha. This is for mama" sabi ni Dani. "Who
gave you that?" tanong ni Sarah. "Nof" pacute ni Dani. "Hmmm it's a heart shape"
sabi ng ina niya. "It is" sagot ng dalaga.

"Sarap" sabi ni Nina kaya naaliw si Martin. "So what does that mean?" tanong ni
Sarah. "Ha? Ah..wala po. Maybe he just wanted to give me this" sabi ni Dani. "And
why are you so happy then?" hirit ng ina niya kaya natawa si Dani.

"Because these are my favorite" palusot niya. "Dani since when did you love
chocolates?" hirit ni Sarah. "Ma!" sigaw ng dalaga saka nakiliti. "I know some
things, I have seen them for myself" banat ni Martin kaya napahiyaw si Dani at
sinugod agad ama niya saka tinakpan bibig nito.
"Is he courting you?" tanong ni Sarah. Naupo si Dani saka nagsimangot. "I don't
know ma, he is officially dating Shirley" sabi ng dalaga. "Now that is not good"
sabi ni Sarah. "They are just chocolates" sabi ni Dani. "Are they just chocolates?"
tanong ni Martin kaya super ngiti si Dani na namula ng husto.

Samantala sa condo unit ni Patricia tulala si Onofre sa may salas. "And what is
bothering you?" tanong ng dalaga. "Ate I think I did something wrong" sabi ng
binata. "What did you do?" tanong ni Patricia.

"Ate..may natanggap sila mama at papa na thank you basket tapos may box of
chocolates doon. I took it" sabi ng binata. "Then you gave it to Shirley? So whats
your problem? That wont make you look cheap. Wag mo nalang sabihin na galing sa
thank you basket" sabi ng dalaga.

"To Dani" sabi ng binata kaya nanlaki ang mga mata ni Patricia. "Talaga? You gave
it to Dani?" landi niya. "Tsk..ewan ko ba. Nung nakit ako sa bahay una kong naisip
si Dani. Nung papunta na ako dito I stopped over and bought her a rose, yung
pinatigas ate"

"Then para akong zombie mode, basta dumiretso ako sa kanila. Iniwan ko sa study
table niya then kinalaro ko si Nina sa salas nila kasi she was asleep. Then while
playing with Nina I realized what I just did" kwento ng binata.

"So whats your problem?" tanong ni Patricia. "Ate, I gave the chocolates to Dani
instead of Shirley" sabi ng binata. "So they are just chocolates? Ano ba big deal
kasi? Chocolates lang yon" sabi ng dalaga. "Tsk ate you are not helping" sabi ng
binata.

"O bakit ba? Chocolates lang yon, they mean nothing unless you really give them
meaning. So ang tanong, may meaning ba yon?" tanong ni Patricia kaya si Onofre
napahaplos sa mukha niya. "O bakit di ka makasagot? May meaning ba sila?" tanong ng
dalaga.

Di sumagot yung binata kaya si Patricia nanlambing. "Nof si Dani palang nakilala
ko. I like her pero I respect you so I am taking sides. Si Shirley di ko pa kilala
pero pag magkwento ka about her I can see that you are happy"

"You already learned from your mistakes, alam ko hindi ka tanga" sabi ni Patricia.
"Aray ko ate ha" sabi ng binata kaya bungisngisan sila. "I wont take sides, kahit
si Olive I am sure she wont" sabi ni Patricia. "Teka nga, how do you know she
wont?" tanong ni Onofre.

"Because we talk about you, concerned kami sa iyo kasi tang aka" banat ng dalaga.
"Aray ko talaga ate. Sapol na yon" reklamo ng binata. "Hahahaha lambing lang bunso.
Hirap talaga maging biased, kapatid kita so payo nalang"

"Hindi pwede dalawa. Nof someone will end up hurt with what you are doing" sabi ni
Patricia. "Pero ate, wala ako sa sarili ko kanina. Well lately parang ganon ako
towards Dani" sabi ng binata. "Sige tanggapin ko yang excuse mo na yan. Nof mag
isip ka ng mabuti"

"Siguro there are hidden feelings that manifested, siguro frustrated ka kasi the
other one is taking too long. Nof focus, emotions are very tricky. You already got
hurt once, instinct na is ayaw mo masaktan ulit kaya paglalaruan ka talaga ng
emotions mo"

"Know the boundaries of bestfriends. Patingin nga mukha mo, ay di ka naman gwapo
masyado ah" biro ng dalaga kaya natawa yung binata. "Hoy Nof, suportahan ko
kalokohan mo wag lang pagiging babaero. Ako unang sasampal sa iyo. Do not take
advantage"

"I am already warning you, kami ni Olive unang mananakit sa iyo if maging babaero
ka. Pero little bro I know you are not. Maybe you are just confused. Like I said
emotions are very tricky Nof, trust me. I have been there"

"If you continue someone is going to get hurt" sabi ni Patricia. "Ate di ko naman
sinasadya. I swear, I was not thinking straight" sabi ng binata. "Okay so you have
to make it clear what the cholocates mean. Think hard Nof" sabi ng dalaga.

"Ate kahapon I met this guy, mortal enemy daw ni Shirley pero ate when I got to
talk to him I could feel he likes her. Ate sobrang talino niya ate" sabi ng binata.
"Nof! Is that the reason why you gave Dani chocolates?"

"Diyos ko! Nainsecure ka lang kaya naghanap ka agad ng iba?" sigaw ng dalaga. "No!
I gave her the chocolates because I wanted to give them to her!" sigaw ng binata
pagalit kaya napangiti si Patricia.

"Oh shit" bigkas ni Onofre saka tinakpan mukha niya. "There is your answer. Now you
have a big problem little bro"


v

=================

Chapter 46: Step Closer

Chapter 46: Step Closer

Isang araw sa isang bike trail inaayos ni Onofre yung upuan ng bike na hiniram
niya. "Shirls akala ko naman trail na mala daredevil, ganito lang pala" sabi ng
binata. "Away ko pa naman mamatay o masaktan no, ganito lang siya. Simple, mix ng
simple, rough road konti, madaming pasikot sikot. Konting adrenaline rush lang
naman" sabi ng dalaga.

"Be gentle on me" landi ng binata. "Hahaha oo first run natin we explore the trail
then second run dapat mas mabilis na tayo" sabi ng dalaga. "Okay, so para bang
practice ito tapos next time sa mas daring trail tayo?" tanong ng binata. "Lets
see, ano tara?" tanong ng dalaga.

"Grabe ka naman, para kang si Baron, di ba pwede ano tara with cuteness?" biro ng
binata. "Ano ka sirena? Tara na" sabi ng dalaga saka iniwan yung binata. Nung
makahabol yung binata hingal ito, "Sabi mo check out the trail, bakit ang bilis
mo?" reklamo niya.

"Grabe hingal ka agad?" tanong ng dalaga na nagpabagal. "Ewan ko, the bike is not
cooperating" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga at tumigil. "Adjust mo naman
kasi yung gears, hahaha grabe" sabi ng dalaga. "Excuse me marunong ako mag bike
pero walang gears, di ba automatic ito?" tanong ni Onofre.

"No, here gayahin mo gears ko" sabi ng dalaga. "How?" tanong ng binata kaya
napangiti nalang yung dalaga. Pag andar nila natawa si onofre. "Grabe akala ko sira
tong bike, nagtataka ako bakit todo effort na ako parang di kumakagat o umaandar ng
maayos" sabi ng binata.

"Hahaha kasi po yung gear mo kanina naka set siya for the tamad climbing. Basta how
is that?" tanong ng dalaga. "Okay na, grabe feeling ko kanina weakling ako o nasira
ko na tong bike. Sorry naman ignorante e" sabi ng binata. "Dikit ka lang, I will
teach you when to shift if needed" sabi ng dalaga. "Okay" sabi ng binata. "Nof wag
lang enjoy sa ride, be aware of the trail. Tulad mo alam mo saan dadaan, alam mo
saan may butas lalo na dun sa papunta sa amin. Ganito din dito" sabi ng dalaga.

"Got it, pero Shirley sorry ha. Imbes na enjoyin mo ng husto ito e may inaalala ka
pa" sabi ng binata. "Don't be silly Nof, mas maganda pag may kasama. Nof may
butas..oh" bigkas ng dalaga at napaaray yung binata saka napatigil.

"Aray ko may balls" bigkas ng binata kaya laugh trip yung dalaga. "I told you to be
aware" sabi ni Shirley. "Oh my God, natagtag...pag kotse okay lang pero bike ito
and it freaking hurts" sabi ni Onofre na namilipit konti.

"And you thought it was easy huh" pacute ng dalaga. "Okay I get it now, okay na
ako" sabi ni Onofre kaya nagsimula ulit sila. Pagbalik nila sa starting area nila
tumigil muna sila. "May mga paahon din pala tapos pababa, grabe so ito pala ang
trail" sabi ng binata.

"Yup, pag dito ka at titignan mo parang its not much ano? I am excited about the
sharp curve doon tapos yung double curve near the end. Dati mahina ako sa ganon e"
sabi ni Shirley. "Pero bakit tayo lang ang nandito?" tanong ng binata.

"Kasi old trail na ito actually, for me its quite new pero para sa mga dati nang
bikers this is kinda super old. Baka nagsawa na sila" sabi ng dalaga. "Oh, e saan
kayo dati?" tanong ni Onofre. "Doon sa may bago" sabi ni Shirley.

"Huh, if mas bago that means its much better right?" sabi ng binata. "True pero mas
madami din tao. Kaya nga nagkatagpo sila e, diba? Tinamad lang ng isang araw
napalitan na" sabi ni Shirley. "Uy don't think of it that way naman" sabi ng
binata.

"I know, everything has a reason. So ano gusto mo don tayo sa bago para habang nasa
trail naalala ko siya? Gusto mo mag beast mode ako at maging daredevil sa galit
ganon?" biro ng dalaga. "Hahaha pero up to now you are mad?" tanong ni Onofre.

"That was just a joke, wala na siya sa sistema ko" sabi ng dalaga. "One more round
please, getting to know the trail better" sabi ni Onofre. "Sure" sagot ng dalaga
kaya umandar na sila. "You know what Nof, I rushed into that relationship" sabi ng
dalaga.

"What do you mean?" tanong ng binata. "Kasi its been all books, studies, yeah I
have friends and barkada and maybe I got pressured. Not really pressured kasi naman
dami ko narin nabasted no" sabi ni Shirley. "Lumakas ang hangin" biro ng binata.

"Hahahaha pagbigyan mo na ako" sabi ni Shirley. "Okay lang may katotohanan naman,
kitang kita" sabi ng binata. "So when I met him and he started courting me, sabi ko
sige na nga, let me give it a try since type ko din naman siya at mabait naman"

"Totally clueless, pero happy narin kasi it was something new to me. I felt normal
like my other friends who had boyfriends. It was challenging" sabi ng dalaga.
"Challenging?" tanong ni Onofre. "Yes kasi my life was organized, may time for
this, time for that, with him I had to make extra time" sabi ng dalaga.

"Ganon naman talaga diba kung mahal mo yung tao" sabi ni Onofre. "Yes, you have to
re organize pero the truth is nagsawa ako sa ganon na buhay. My life was so
organized before him, when he came akala ko mababago pero dumagdag lang pala.
Everything with him was on schedule, biking days, eat out days, go here and go
there, basta may schedule lahat so parang routine lang"

"That is why I am enjoying this, mga walang plano na lakad natin, mga walang
katuturan na kwentuhan...ikaw ba?" tanong ng dalaga. "Nag eenjoy, tagal ko din
nakabuntot kay Sly. Umikot lang sa kanya mundo ko noon sa totoo lang"

"Pero in the end...well lets just say I took care of her until she found the one
who she wanted to take care of her" sabi ni Onofre. "Hashtage the care taker" biro
ni Shirley kaya nagtawanan sila. "Uy naiwasan niya yung butas" landi ng dalaga.
"Hahaha of course, kasi ayaw ko na ulit masaktan"

"Parang sa love, pag alam mo na ano makakasakit sa iyo iwasan mo na pero pag tanga
ka sige lang ng sige. Cycle of pain" landi ni Onofre kaya laugh trip sila. "Sakit
sa balls ba?" banat ni Shirley kaya natawa ng husto si Onofre.
Sa pangatlong ikot mabilis na sila, "Whooooo...I know I know there is hole" sigaw
ng binata. "Hahaha dali Nof habol" sigaw ni Shirley sa tuwa. "Hahaha nandyan na
ako, walang shift shift, tayo kung tayo" sigaw ng binata sa pataas na parte ng
trail. Natili si Shirley pagkat nakahabol na talaga yung binata sa kanya.

"Hi Shirls...bye Shirls" pasikat ng binata nang malampasan niya yung dalaga. "Slow
down" sigaw ni Shirley. "Ay shit..whoohoooooo" hiyaw ni Onofre pagdating sa steep
na pababa. "Nof youre too fa...oh my God" sigaw ng dalaga nang makita ang binata na
napatapon mula sa bike.

Paspas si Shirley na pinuntahan ang binata, si Onofre nakahiga sa damuhan pero


tumatawa ito. "Are you okay?" tanong ng dalaga. "Front brake hahaha, bwisit dalawa
ang preno, yung harapan ang napreno ko" sabi ng binata kaya nagpigil ng tawa yung
dalaga.

"Nof are you okay?" tanong ni Shirley ulit. "Yes, whooo grabe lumipad ako don ah"
sabi ng binata. "Galos lang, pero do you feel any pain?" tanong ni Shirley. "Wala,
I am fine. Whoo tara tuloy" sabi ng binata kaya natawa si Shirley. "Are you sure
you are okay?" tanong ng dalaga.

"Chill, I am so pumped up. Grabe this is so much fun" sabi ng binata saka sila
nagtuloy. Sa finish line tinaas ni Shirley ang mga kamay niya kaya si Onofre
hiningal saka inuga ang kanyang ulo. "Wag masyado, tara isa pa" hamon niya. "Sure,
sayang di ko nadala yung Go Pro ko sana nakunan ko yung paglipad mo" sabi ng
dalaga.

"Hahaha, memorized ko na yung brakes. Part of learning yon, parang sa pag ibig,
alamin mo din alin preno gagamitin mo kung harap o likod" sabi ni Onofre. "Hahaha
pinilit maging hugot...hahahaha" kantyaw ng dalaga kaya todo kamot nalang si Onofre
na nakitawa.

Isang oras lumipas nakaupo yung dalawa sa trunk ng kotse ng binata habang umiinom
ng tubig. "Damn, wala ako panalo sa iyo ah" sabi ng binata. "That was so much fun,
natalo ka lang don sa sharp curve at double curve" sabi ng dalaga.

"Grabe para kang halimaw, pagdating don I slow down na e kasi ayaw ko ulit
dumiretso" sabi ng binata. "Hahaha ganon din ako dati sa mga curves, masasanay ka
din. And we are not here to compete naman" sabi ng dalaga. "It was so much fun, as
in grabe. Alive na alive buong katawan ko, di ko na ata isosoli tong bike na to"
sabi ni Onofre.

"Uy grabe ka, kanino ba yan?" tanong ng dalaga. "Sa ex ng ate ko" sabi ni Onofre.
"Hala, so you asked your ate to borrow it for you?" tanong ng dalaga. "Nope, kasi
nabanggit ni ate na ex niya nagbibike din daw ngayon. Galing no? Stalker ng ex ate
ko e" banat ni Onofre kaya natawa si Shirley.

"So ayon pinuntahan ko siya tapos hiniram ko. Alam ko kasi patay na patay yon sa
ate ko so I know di niya ako tatanggihan" sabi ng binata. "Grabe ka, taking
advantage ka" sabi ni Shirley. "Di naman, I really liked him for my ate Pat pero
ewan ko ano nangyari sa kanila" sabi ng binata.
"E di sana naging kayo nalang" banat ni Shirley kaya laugh trip sila. "Usually
ganyan ang society, pag nag break kayo may magsasabi na sayang I really liked him
for you. Sayang bagay na bagay kayo. Parang mapapaisip ka e" sabi ni Shirley.

"But he hurt you, wait...iniisip mo din ba na makipag balikan ganon if ever?"


tanong ni Onofre. "Never, final answer. Ayaw ko na bumalik sa organized life, I
don't want to be a robot anymore" sabi ng dalaga. "Robot..i heard that from
Bulbu...oops Boolbs" sabi ni Onofre kaya natawa ng malakas yung dalaga.

"Up to now tawa parin ako ng tawa, grabe ang lutong ng pagkasabi mo" sabi ng
dalaga. "Buti nga di siya pikon e, we got to talk pala noon" sabi ni Onofre. "Ows?
Siniraan ako siguro non" sabi ng dalaga. "Di naman, did you know he was lying about
being in Cebu?" tanong ni Onofre.

"At first naniwala ako then it just didn't add up e. If they went to Cebu then came
back here, pano na pag aaral niya. Medyo naintriga ako thinking ganon na ba siya ka
genius na graduate na siya agad? Pero hindi e, walang ganon dito sa Pinas"

"So I figured he was lying but I would not care less" sabi ng dalaga. "Aray
talagang mortal enemy ha" sabi ng binata. "Sa buhay ganon e, Superman has Lex
Luthor, Charles Xavier has Magneto, Thor has Loki tama ba?" sabi ng dalaga.

"Oo ata" sabi ng binata. "So I am sure pati ikaw may ganon ka din na tao sa buhay
mo" sabi ni Shirley. "Dahil kay Sly nagkaroon bigla" banat ni Onofre kaya natawa si
Shirley. "Bitterness lang yan pero still meron at meron kahit ano pang rason basta
meron and you will not be complete without that person" sabi ni Shirley. "I will be
happy if wala yung gago na yon" sabi ni Onofre. "Then we could have not met" sabi
ng dalaga kaya natameme bigla si Onofre.

"Bwisit ka bigla ako naging thankful sa kanya" sabi ni Onofre kaya laugh trip si
Shirley. "Pero hindi yon ang akin, kasi di naman kami mag kaaway talaga, yeah I am
just bitter. I should thank him kasi nakilala kita. Life is so complicated. Parang
tong trail na ito, pag titignan mo parang ang simple"

"Pag sumabak ka na the first time, daming mali. Second time you get used to it but
still meron at meron mangyayari na di maganda dahil na yon sa iyo. Like kanina I
almost lost my future descendants" sabi ng binata kaya super hiyaw si Shirley sa
tawa.

"Next run, my descendants were safe pero I fell. Next run I didn't fall but
dumiretso ako sa kurba. O diba? Life is full of surprises pero steady lang at
kapit" sabi ng binata. "True, kahit naman na masanay mo tong trail meron at meron
pwede mangyari, yung maliit na bato na hindi mo nakita pwede niya ibahin takbo ng
gulong mo"

"Yung konting pag kabig mo para maiwasan yung bato madami nang pwede mangyari. Yung
isang araw na gusto mo lang magpahinga magdudulot na pala ng sakit pero tiisin mo
lang yon kasi tignan mo ako ngayon masaya na ako" sabi ni Shirley kaya napangiti
yung binata.

"Tulad nung nasa tabi mo na, gusto mo na halikan pero madaming pwede mangyari.
Maari akong mawalan ng ngipin, maari akong mabalian ng buto, maari akong masampal
at higit sa lahat maaring mabastusan siya at ayaw na ako makita" banat ni Onofre
saka sila nagkatitigan ng matagal.

"But I believe that patience is a virtue. Kung ano man meron tayo parang butil yan,
alagaan pa at isang araw bubunga din. Baka sa araw na yon mas matamis pa yung halik
na makukuha ko. Parang alak, pag mas maedad mas masarap daw so I think I can wait"
kabig ng binata kaya napangiti yung dalaga.

"Kalimutan mo nalang may sinabi ako" sabi ni Onofre. "Hmmm sayang" sabi ng dalaga.
"Bakit sayang?" tanong ni Onofre. "Iniimagine ko na ano itsura mo pag wala kang
ngipin e" biro ni Shirley kaya natawa yung binata.

"Lets get the bikes inside then lets go for a walk you want?" alok ng dalaga.
"Sure" sabi ni Onofre kaya pagkatapos mapasok yung mga bike sa kotse nagulat siya
nang hawakan ng dalaga ang kamay niya.

Di mapigil ang tuwa ng binata, pagtingin ni Shirley sa kanya pareho silang


nagbungisngis. "Ano ba kasi?" reklamo ng dalaga saka nakiliti narin ng husto.
"Wala, nature walk" sabi ni Onofre. "Kaya nga" sabi ng dalaga saka nagbungisngis at
pinagbabangga yung binata.

Nung pabalik na sila pareho parin silang bungisngis at nagngingitian hanggang sa


nakarinig sila ng busina. Tumabi yung dalawa pero yung kotse tumigil, pagbaba ng
salamin napataas kilay ni Shirley. "Boolbs" bigkas niya. "To naman I come in peace,
ang sweet niyo naman love birds having a stroll" landi ni Bernard.

"O pakilala mo naman kami sa boyfriend mo" banat ni Shirley saka sumilip sa loob ng
kotse at tinignan yung driver pero bigla itong natakot pagkat masama ang titig
nito. Napansin ni Onofre yung takot ng dalaga kaya yumuko siya at nakita niya yung
masamang titig nung driver.

"Uy" bigkas ni Onofre saka umatras at inakbayan nalang bigla si Shirley. "O siya
dumaan lang kami dito kasi shortcut, may puputahan kaming debate contest e" sabi ni
Bernard. "Sana matalo kayo" sabi ni Shirley.

"Hahaha you wish, oh look hindi ka kasama sa debate contest. Awww...tsk tsk tsk.."
landi ni Bernard. "Wala ako oras para sa ganyan, at kailan pa sumasali ang nursing
students sa debate?" sagot ng dalaga.

"Oh its not about the course, nursing ako at Poli Sci siya. We are part of our
debate school debate team. National contest ito actually" pasikat ni Bernard.
"Pasalamat ka di ako kasali" sabi ng dalaga. "Yeah kasi bawal don interpreter,
walang may kaya mag translate ng Uranggutan language" banat ni Bernard.
Basta nalang umalis yung kotse kaya napatingin si Shirley kay Onofre. "And you just
stood there" sabi niya. "Shirls, di mo ba kilala yung kasama niya? That was Diablo"
sabi ng binata. "Diablo? What kind of name is that?" tanong ng dalaga.

"Tawag lang yon sa kanya, his real name is Xavier. Stay away from that guy. Shirls
wag mo naman isipin duwag ako, ipaglalaban kita ng patayan basta wag lang dun. Sana
isipin mo nalang naging wise ako kasi that guy is really scary" sabi ng binata.

"Wait lang...he looks familiar. Ano sabi mo Xavier? Siya ata yung ex ng kaibigan
kong Poli Sci din e, oo ata siya yung ex ni Jasmine ata. Oh I also hate that girl
buti nalang iba course namin" sabi ng dalaga.

"So you know him?" tanong ni Onofre. "Not really, naririnig ko lang mga kwento
about Jas. Naging sila ata then her ex nagsumbong sa parents ng girl. Basta long
story yon" sabi ni Shirley.

"I was talking about Bernard" sabi ni Onofre. "Huh? Ah what do you mean?" tanong ng
dalaga. "You knew he was nursing din" sabi ng binata kaya naipit bigla si Shirley.
"Hay..yeah. Ganon ako e" bulong ng dalaga.

"So all this time you knew about him" sabi ni Onofre. "Oo, bakit?" tanong ng
dalaga. "Wala naman, just wondering what the hell did he really do to you" sabi ng
binata. "Nothing bad, I swear" sabi ni Shirley.

"Okay, pero ano problema non? Last time sumulpot yung siga na kumuha ng cake mo
tapos ngayon kasama niya si Diablo. Geez, basagulero ba yan? Parang dikit niya
trouble ah" sabi ng binata.

"Hahaha si Boolbs? Duwag yan, imposible na basagulero yan. Mamas boy yan" sabi ni
Shirley. "Aray naman" sabi ng binata. "Ay sorry pati pala ikaw hahahaha" kantyaw ng
dalaga. "As if may choice kami, lahat kami under sa mama ko. She can be really
scary" sabi ng binata.

"Like me?" tanong ni Shirley. "Nah you are tame" sabi ng binata. "Like me?" ulit ng
dalaga with matching taas kilay. "Oh mas tame mama ko" banat ni Onofre kaya natawa
yung dalaga, dumikit saka hinawakan ulit kamay ng binata. "So one more round?"
tanong niya. "Yes please" sagot ni Onofre.

---------------------

Nararamdaman ko na ang galit ng #KelsNation ahahahaha...sakit no?

Naku nandito din pala si Diablo

Para sa tagasubaybay ng SP at ANT alam niyo naman na mangyayari at mangyayari


ang...
XAVIER vs ANTON 

=================

Chapter 47: Rekindle

Chapter 47: Rekindle

Isang hapon nakaupo si Dani sa study desk niya habang kausap si Veronica. "Sis he
texted me" sabi ng dalaga. "Oh ano sabi niya? Sinagot mo ba or are you still going
to ignore him?" tanong ni Veronica.

"Ewan ko nga e, two weeks na ako nagpapalusot, naubusan na ako ng palusot" sabi ni
Dani. "Ano sabi niya?" tanong ni Veronica. "Na namimiss niya kami at gusto niya
kami itreat sa labas" sabi ni Dani. "Uy papayag siya" landi ni Veronica kaya natawa
si Dani sabay tinignan ang anak niyang natutulog sa kama.

"Everytime may busina Ninny thinks its him. She misses him" sabi ni Dani. "E ikaw?"
tanong ni Veronica. "Ano kaya? Reply kaya ako pero wala na ako palusot" sabi ni
Dani. "Wow nilihis o, do you miss him?" tanong ni Veronica. "What if pumayag ako
makipagkita?" tanong ni Dani.

"Hay naku, humihingi ka ng payo or what?" tanong ni Veronica. "Payo, ano sa tingin
mo?" tanong ni Dani. "Go meet with him, halata naman you miss him too" landi ni
Veronica. "Oo its normal naman kasi naging close kami. Pero ayaw ko makialam, I
think sila na e" sabi ni Dani.

"Ahhhh kaya pala umiiwas. Wala naman nagbago sa status niya sa FB ah. Wala siyang
posts na photos na sila na" sabi ni Veronica. "Oo alam ko pero last time nagkausap
kami happy siya. Ayaw ko makasira sa happiness niya, nag expect lang talaga ako
pero from the start naman alam ko he wanted Shirley"

"I expected too much...ang bait bait kasi niya sa akin so I expected. Nalito ako,
di ko inalam lugar ko. I got so blinded and became selfish along the way" sabi ni
Dani. "So pano na yan?" tanong ni Veronica. "Alamin ko lugar ko, papayag ako for
Ninny. I can tell she misses him" sabi ni Dani.

"E ikaw?" hirit ni Veronica. "Syempre lalo na ako" bulong ni Dani. "Yun eh. So
replayan mo na" sabi ni Veronica. "Pano ako magrereply kausap kita?" sagot ni Dani.
"Sige na then, replayan mo tapos balitaan mo ako later" sabi ni Veronica. "Okay,
pag iisipan ko muna. Di pa ako sure" sabi ni Dani. "Style mo, balitaan mo ako
mamaya" sabi ng kaibigan niya kaya nagtawanan sila.

Kinabukasan ng umaga pinaghihila na ni Nina si Dani habang nagbibihis palang ito.


"Nof mama" sabi ng bata. "Wala pa baby, wait nagbibihis pa si mama o" sabi ni Dani.
"Fast mama" sabi ng bata saka pinagadadabog na yung pintuan ng kanilang kwarto.

Ilang minuto lumipas nagsisigaw si Nina nang marinig yung busina habang nanay niya
biglang kinabahan. Tibok ng puso ni Dani sobrang bilis, di siya mapakali pero anak
niya biglang tumakbo palabas ng pintuan. "Ninny wait" sigaw niya saka humabol.

Sa tapat ng gate nagtatalon na si Nina kaya paspas na binuksan ni Dani yung lock.
Paghila niya sa gate tumakbo agad palabas anak niya, bago maka react si Dani nakita
niya na si Onofre na binuhat yung bata saka niyakap ng sobrang higpit.

"Noooofff" sigaw ni Nina sa tuwa, ang binata nakapikit kaya naantig si Dani. "I
miss you so much" bigkas ng binata saka dahan dahan namulat at nakipagtitigan sa
magandang dalaga. "Hi" bati niya. "Hi" sagot ni Dani saka lumapit. Nagulat si Dani
nang tukain siya ng binata sa pisngi saka hinaplos sa likuran. "How are you two?
Namiss ko kayo sobra"

"Busy ka parin ba or can we spend the day together?" tanong ni Onofre. "Ah..free"
sabi ni Dani sa nanginginig na boses. "Dirty" sabi ni Nina saka hinaplos mukha ng
binata kaya natawa si Onofre at Dani. "No, new look lang" sabi ni Onofre.

"You look good..with that dirty look" sabi ni Dani. "Really? Tinamad ako magshave
sa totoo. So sabi ko try something new pero sabi ni Ninny dirty e" sabi ni Onofre
saka pinaghahalikan si Nina sa pisngi na kinatuwa ng bata.

"New car?" tanong ni Dani. "Kay ate, eto yung bagong issue ng company nila. Ganda
no?" sabi ng binata. "Sobra, buti pinahiram niya sa iyo" sabi ni Dani. "One day
lang, nagmakaawa ako talaga" sabi ng binata. "Car!" sigaw ni Nina saka pinagtuturo
yung kotse kaya natawa nalang si Dani.

Sa loob ng kotse walang tigil na nagdaldal si Nina, "She missed you, grabe ngayon
lang nagdaldal ito ng ganito" sabi ni Dani. "Well I missed you both so much. Pero
sure ka di ka busy ha" sabi ni Onofre. "Yes sure. Hala baby relax. Namiss mo Nof?"
lambing ni Dani.

"Miss Nof" sabi ng bata kaya natawa si Onofre. "Grabe two weeks is a long time.
Sorry din kung nakulitan ka sa akin" sabi ng binata. "Wala yon no, I was really
busy kasi talaga. School, mommy duties tapos sa company kasi we have a big shipment
so I had to help out" palusot ni Dani.

"Wow ha, parang stressful two weeks pero di halata kasi gumanda ka lalo. Its either
gumanda ka or namiss lang kita" sabi ng binata kaya napangiti si Dani ng husto.
"Inborn na yung ganda so namiss mo lang ako" banat niya. "Hahaha pero seryoso I
missed you both so much. So saan niyo gusto?" tanong ng binata.

"O Ninny where do want to go daw?" sabi ni Dani. "Askrim Nof" sigaw ng bata kaya
natawa yung binata. "Yes later, what else Ninny?" tanong ng binata. "Fays" bigkas
ng bata saka nag German kaya aliw na aliw si Onofre. "So how are you? May new
suitors ka ba or are you dating someone already?" tanong niya bigla.
"O Ninny daw, may suitors ka na ba daw?" biro ni Dani. "Hahaha she is too young,
seryoso are you seeing someone?" tanong ng binata. "No, grabe ka sa busy sched ko
wala ako panahon for that. Ikaw wala na ako balita sa inyo ha, kailan anniv niyo?"
bawi ng dalaga.

"Your rules Dani" sabi ng binata. "Okay fine, pero you seem happy" sabi ng dalaga.
"Syempre kasama ko kayo no. I really missed you two. Ilang beses ko gusto dumalaw
talaga pero nahihiya ako baka maka distorbo pa ako. Did you get the box of cinnamon
I had delivered?" tanong ng binata.

"Ay oo pala, last week. Sorry di na ako nakapag thank you don" sabi ni Dani. "No
worries" sabi ng binata. "Ninny loved it pero she kept looking for you. Nagwala
talaga siya kasi akala niya nagtatago ka" kwento ni Dani. "Awww, dibale babawi ako
Ninny" sabi ng binata.

Pagdating sa mall hawak kamay agad si Nina kay Onofre habang naglalakad. "Ay dedma
ako ng anak ko" sabi ni Dani. "Ninny saan tayo?" biro ni Onofre. "Wow sige enjoy
kayo ha" tampo ni Dani pabiro kaya natawa yung binata. "Lika nga dito. Saan tayo?
Lakad lakad muna?" tanong ng binata.

"Walk Nof" sabi ni Nina. "Okay then" sabi ng binata. "Uy baka ikaw yung may lakad
ha. Baka hanapin ka niya" sabi ni Dani. "Do not violate your own rules" sabi ni
Onofre. "Just saying, I don't want you to get into trouble" sabi ng dalaga.

Sa loob ng isang restaurant bago maupo, "Ako kakandong sa kanya, doon ka across me
because I want to see you" sabi ni Onofre. "Okay" sagot ni Dani na nagpipigil na
talaga. Pagkaupo nila napatigil ang dalaga pagkat titig na titig sa kanya talaga
ang binata.

"Huy" bigkas ni Dani. "Sorry, I really missed you. Order anything you like. Ninny
lika pili tayo, eto o turo mo ano gusto mo" sabi ng binata. "Nof wag masyado" sabi
ng dalaga. "Oh come on, two weeks Dani" sabi ng binata kaya lahat ng tinuro ni Nina
sinabi ng binata sa waiter. "Okay na ata yon, share nalang kami" sabi ni Dani. "Oh
no, sige na choose what you want. Please" sabi ni Onofre kaya tinaas ni Dani yung
menu para takpan mukha niya.

Pagkaalis ng waiter natense ulit si Dani pagkat titig ulit sa kaya yung binata.
"Nof ano ba?" pacute niya. "Sorry naman" sabi ng binata saka tinuka ang bata sa
pisngi. "Ninny does mommy have a suitor? Ha? May nagbibigay ba chocolates ganon?"
sabi ng binata kaya natawa si Dani.

"What if meron?" tanong ng dalaga. "Tsk, diba dadaan muna sa akin?" sagot ni
Onofre. "E wala ka ng two weeks" sabi ng dalaga. "Duh, sabi mo busy...oh I get it.
Meron ano?" tanong ni Onofre. "Wala no" sagot ni Dani. "Meron e, kaya busy ka kasi
meron. Sino siya?" tanong ng binata.

"Nof wala" sabi ni Dani. "Okay I believe you" sagot ni Onofre. "Pero madami nang
umaaligid" sabi ng dalaga. "Ows? Sino sino naman mga yan?" tanong ng binata kaya
natawa si Dani saka namula konti. "Uy nagseselos" biro niya. "May usapan tayo e,
dadaan muna sa akin diba?" sabi ng binata.

"May binanggit na ba ako sa iyo? Wala diba? So ibig sabihin wala pa" sagot ni Dani.
"Okay" sabi ni Onofre. "I kinda dig your new look" sabi ng dalaga. "Sabi nga din ni
ate okay daw so try ko sana pero ayaw ni Ninny. Dirty daw ako" sabi ng binata.
"Well fifty fifty kasi I like it" sabi ni Dani.

"Ninny dirty?" tanong ni Onofre kaya tinignan siya ng bata. "Dirty" sagot niya.
"Awww pero mommy wins this time, pwes sanayin mo ganito ako or else no ice cream"
biro ng binata at sinagot siya ng bata sa German na kinatuwa ni Dani. "Ay sumasagot
ka na ha" sabi ni Onofre at nagtuloy sa pagdaldal yung bata saka tinuro turo pa
yung binata.

"Wow may ganon na siya?" tanong ni Onofre. "Hahaha oo kasi may pinapanood si mommy
na drama na may girl na nagtuturo sa guy while she was scolding him. She did that
to dad kaya si mama tawa ng tawa, may video pa nga e" sabi ni Dani. "Di mo man lang
sinend sa akin" sabi ng binata.

"Ay oo, sorry naman" sabi ng dalaga. "Okay lang, two weeks lang pala kailangan para
maalis ang isang tao sa sistema" drama ng binata. "Hahahaha baliw, never gonna
happen. Anyway magkwento ka naman, what have you been doing?" sabi ni Dani.

"Well wala naman masyado actually. Since wala ako magawa nag advance reading for
the hardest subject I have. Then sinamahan ko ate Pat ko sa isang reunion, kasi
nandon ex niya so you know gusto niya ng shield. Dami ko nakain don then ano pa
ba? Wala masyado interesting e" sabi ng binata.

"Talagang sticking to the rules ha, never mo nabanggit" sabi ng dalaga. "There is
nothing to tell anyway. Ikaw, what have you been doing aside from thinking of me?"
landi ng binata. "Hahaha ang kapal o" sabi ni Dani saka tumawa din si Nina para
gumaya.

"Ah si Ton pala nakasama ko last week din. Nilibre niya ako ng meryenda" sabi ni
Onofre. "Oh kumusta na siya?" tanong ni Dani. "It was the most awkward experience.
Grabe kasama niya boyfriend niya. So okay lang naman with Ton diba? Pero that day,
ay grabe, ibang iba kasi..how do I say this ba? Unusual for me seeing two guys
holding hands and being malambing to each other"

"I mean all respect ako sa katulad nila, pero alam mo ba yon parang unusual lang
talaga. Pero all good kasi narealize ko na they really love each other. Unusual
lang talaga siya but yeah I felt that they are madly in love with each other" sabi
ni Onofre kaya natawa si Dani. "I can imagine what you went through" sabi niya.

"Pero in the end nainggit ako sa kanila kasi they found love and I am happy for
them" sabi ni Onofre. "Inggit? I think you found love already too" sabi ni Dani.
"Where? Ano yan parang Pokemon Go ba yan na lilibot libot din ako hanggang lumitaw
sa screen ko then capture?" tanong ng binata.
"What the hell is Pokemon Go?" tanong ni Dani. "Ah wala, umuuso daw e. Anyway
enough of the nonsense talk, namiss ko talaga kayo. I miss our talks, our kulitan,
my body is ready for one thousand kurots" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani ng
malakas.

"Seryoso ako, kahit umuwi ako ng sugatan ngayon okay lang kasi namiss ko talaga
kayo e" sabi ng binata. "Grabe ka naman, namiss ka din namin. Honestly Nof I missed
you a lot too" sabi ng dalaga. "Swerte mo di ako nangungurot" sabi ng binata.
"Nanghahalik lang e ano?" landi ng dalaga kaya natawa yung binata.

"O Ninny why are you so silent and just looking at me?" tanong ni Onofre.
"Naninibago siya siguro sa itsura mo" sabi ni Dani. "I miss you and your mom, so
Ninny don ka sa kabila at dito naman mama mo" biro ng binata kaya super natawa si
Dani.

"Sige na big girl ka na, tama na ang kandong. Ayan sit on your own tapos mamaya
lipat ka don ha at dito mama mo at siya naman yayakapin ko" biro ni Onofre pero
kinilig si Dani at muntikan nang napasipa. "No" bigkas ni Nina na tumayo saka
yumakap sa binata.

"Awww...she really missed you" sabi ni Dani. "Wag kang magselos, you will have your
chance later" banat ng binata kaya super natawa si Dani at inabot yung binata saka
kinurot. "Oh yeah, ayan na. Now I am not dreaming, I feel the pain, the happy pain"
landi ng binata kaya laugh trip sa tuwa si Dani.

Pagdating ng pagkain nila di makakain si Dani, titig lang siya sa binata habang
pinapakain nito si Nina. "Sarap Ninny?" tanong ni Dani. "Sarap" sagot ng bata saka
pumalakpak. "O kain ka na, gusto mo din ba subuan kita?" biro ng binata pero
sinagot ng dalaga isang matamis na ngiti.

"Ay teka, bagong necklace yan ah" sabi ni Onofre kaya super bungisngis si Dani.
"Ngayon ko lang sinuot kasi po may suot din siyang necklace na binigay ni mama. Di
siya magsusuot if di ako nagsuot" sabi ni Dani. "Really?" tanong ni Onofre. "Nof ha
you are started to be so funny making selos" sabi ng dalaga.

"Sorry naman, I know you don't wear necklaces, bracelets or even earrings" sabi ng
binata. "I do actually pero eversince magtabi kami sa bed I don't wear earrings
kasi forgetful ako minsan. Iwas aksidente na matanggal siya sa gabi tapos worst
case scenario makain niya or masugat siya" sabi ng dalaga.

"I see, okay okay you pass" sabi ng binata. "Grabe ka ha, so ano inisip mo may
nagbigay sa akin nito ganon?" tanong ni Dani. "May usapan kasi tayo diba? Daan muna
sila sa Onofre Bridge" sabi ng binata. "Iba na yan e" pacute ng dalaga. "E di iba,
basta case closed. Ninny eat some more. Sarap diba?" lambing ng binata.

Limang minuto lumipas tinitigan ulit ni Onofre si Dani, "Hey bitin ang isang araw
to catch up. Alam ko Sunday bukas pero I really would like to be with you two
again" sabi niya kaya medyo nabigla si Dani at nalilito na. "Ha..magsisimba kami
then baka kumain kami sa labas" sabi ng dalaga.
"Ah okay, next time ulit" sabi ni Onofre. "Sorry pero if you want we can stay out
hanggang six maybe" sabi ni Dani. "Too late na yon, baka pagod na si Ninny by then.
Okay lang madami pang next time" sabi ng binata. "Di naman na ako busy Nof e so
maybe...." sabi ng dalaga.

"Sure ka?" tanong ng binata. "Yeah" sagot ng dalaga. "Okay, siguro up to two ng
hapon today. Will that be okay?" tanong ng binata. "Oo naman, pero Nof" sabi ng
dalaga. "Hey focus, lets just enjoy okay?"

"Two weeks is a very long time, baboy parin si Ninny o. Oh the tummy is still big"
sabi ng binata kaya bungisngis yung bata na nakikiliti. Pagtuloy ng pagkain nahuli
ulit ni Dani ang binata na nakatitig sa kanya, "Yes?" tanong ng dalaga.

"Wala naman, to naman ngayon nalang ulit tayo nagkita kumain ka lang. Wag kang
mahihiya. May pinagmanahan naman si Ninny e" biro ng binata. "Hahaha baliw, baka
sabihin mo eto lang namiss ko, yung panlilibre mo. Sa totoo namiss naman talaga
kita" sabi ng dalaga.

"Yeah same here, grabe sana naman sa Thursday di ka busy para labas tayo" sabi ng
binata. "Pwede pa ba?" tanong ng dalaga. "Huh? Anong klaseng tanong yan? Usapan
natin every Thursday...oh may iba ka nang kausapan ano?" tanong ng binata.

"Baliw, I don't want problems" sabi ng dalaga. "Pano naman magkakaproblema? Dani
ha, sabihin mo lang kung ayaw mo" sabi ng binata. "Gusto ko" sabi ng dalaga. "O
gusto ko din, so are you free on Thursday or not?" tanong ni Onofre.

"Free" sagot ni Dani. "Good, dating gawi sunduin mo ako" sabi ng binata. "Pero Nof"
sabi ng dalaga. "Pero ano? Dani naman e, what is the problem?" tanong ng binata.
"Wala naman" sabi ng dalaga. "Wala naman pala, basta sa Thursday" sabi ni Onofre.

"Wow demanding" sabi ni Dani. "Sorry kasi I just really missed you. I miss
everything. Bawas bawasan sa kurot maybe" sabi ng binata. "Hahaha fine, so you are
here" sabi ng dalaga. "I am, sabi ko naman sa iyo e I will always be here. Ikaw
naman kasi busy ka kaya ayan two weeks tayo di nagkita. Diba Ninny? Panira tong
mama mo e ano?" lambing ng binata.

"I missed so much Ninnykels" sabi ni Onofre saka nanggigil at hinalikan ang bata sa
pisngi. Tinignan niya si Dani ng seryoso kaya nanigas ang dalaga.

"Lalo na ikaw. I missed you so much Dani"

_{&

=================
Chapter 48: Confusion

Chapter 48: Confusion

Sa isang coffee shop kalalapag ng waiter yung mga inumin nina Veronica at Dani.
"Alam mo sis naninibago ako sobra. May kotse ka na tapos eto nagyaya kang magkape,
parang hindi ikaw" biro ni Veronica.

"Magaling ba ako mag drive? Syempre di mo mapapansin kasi ang lakas ng ulan so I
was so slow. Paki ko kung businahan ako e ang lakas ng ulan e" sabi ni Dani. "Okay
lang naman, so many changes at parang gumanda ka lalo" landi ni Veronica. "Hahaha
alam ko na susunod mong sasabihin, hay sis grabe"

"Iniwasan ko na nga for two weeks and just one day with him wala na. Bumalik lahat
as in lahat lahat" sabi ni Dani. "Kwento ka" sabi ni Veronica. "Si Ninny she was so
happy. Nabanggit ko lang na lalabas kami with Nof, parang she understood me.
Nagulat ako kasi she picked her own dress" sabi ni Dani.

"Ows? She picked her own dress?" tanong ni Veronica. "Oo sis, we woke up early,
then I was cuddling her then nasabi ko lang na lalabas kami kasama si Nof. Sis
parang she understood me, parang naintindihan niya yung sinabi ko. Ewan ko ba basta
gulat na gulat ako tapos nagmamadali siya" kwento ni Dani.

"Tapos nung nandon na siya grabe yung yakap niya kay Nof tapos kitang kita mo she
was so happy. And I was there like frozen kasi he had this new look, hindi siya
nagshave...pogi pogi niya" dagdag niya kaya natili si Veronica.

"O tapos? Do not skip any part ha, baka may edit tong kwento mo" sabi niya. "Nag
ingat ako sis, I kept asking about them pero umiiwas siya e. Basta he kept saying
he missed us. Naniniwala naman ako kasi nanggigil siya kay Ninny tapos my God panay
ang titig niya sa akin"

"Grabe para akong matutunaw. Nag control naman ako, ayaw ko talaga makasira. Ayaw
ko din mag expect pero nakakainis siya e" sabi ni Dani. "So ano na?" tanong ni
Veronica. "Eto we text each other often again, every night Skype video call sila
with Ninny" sabi ng dalaga.

"Thursday bukas" landi ni Veronica. "Kaya nga e, natetense ako. I mean I don't know
how to act. Ayaw niya kasi umamin if sila na or hindi e" sabi ni Dani. "Stalker ka
naman, so ano nasagap mo?" biro ni Veronica kaya nagtawanan sila. "Wala e, as in
wala ako makitang clues sa walls nila. Baka di sila showy. Baka mali nanaman pag
interpret ko dito e, baka he just misses us lang talaga" sabi ni Dani.

"Ay wait, iba ba iniisip mo?" banat ni Veronica kaya natawa ng malakas si Dani.
"Gaga to, kakampi ba kita o hindi?" tanong niya. "Sis mahirap ang one sided" sabi
ni Veronica. "I know pero nalilito na ako, we accidentally kissed, when we talk
about it nadaan lang namin sa jokes"
"Actually yun lagi gamit naming jokes. I lost control, one night sa Skype vid call,
tinuturuan ko mag good night si Ninny tapos biglang sabi niya I love you Ninny. So
tinuruan ko si Ninny, I love you Nof pero sa totoo I was not teaching her" kwento
ni Dani.

"Yiheeee, ayon e. Mga the moves naman" landi ni Veronica kaya natawa si Dani at
nagtakip ng mukha. "Then he suddenly said I love you too...siguro nalito lang siya
or he just said that kasi...ah ewan ko. Basta hindi ako nakatulog ng gabi na yon"
sabi ni Dani.

"What? He said I love you too? Kailan yan?" tanong ni Veronica. "Tagal na no, pero
we never talked about it. Never as in never. Parang wala lang" sabi ni Dani.
"Yiheeee, pero teka babaero naman ata siya" sabi ni Veronica. "Di siguro, epal lang
siguro ako at nag eexpect masyado" sabi ni Dani.

"So pano na?" tanong ni Veronica. "Ewan ko, sumabay nalang. For Ninny nalang" sabi
ni Dani. "Well sa analysis ko lang ha, never nagka GF si Nof, ikaw parang best
friend niya. If ever sila ni Shirley then for sure mag share yan" sabi ni Veronica.

"Ganon nga siya, magkwekwento siya about them and nakakasira siya ng mood.
Nakakaloka kaya hearing his stories tapos nakikita mo masaya siya" sabi ni Dani
kaya laugh trip yung kaibigan niya. "Everytime that happens nalalagay ako sa lugar
ko pero after that maglalambing siya bigla o magbibiro, burado nanaman, wala ako
ulit sa lugar ko"

"Hay ewan ko na, ang hirap. Akala ko madadala ito ng pag iwas pero ang hirap sobra"
sabi ni Dani. "If you want kausapin ko siya. Prangkahin ko" saib ni Veronica. "Sira
wag na no, this is my fault. Nagpadala ako, kasi naman here comes a guy who could
accept me sabi ko"

"Sis nakwento ko naman na sa iyo diba? Porke may anak na ako parang may halong diri
na yung tingin ng iba sa akin" sabi ni Dani. "Hay naku wag mo pansinin yung mga
taong yon sabi e" sagot ni Veronica. "Pero si Nof never ganon tingin niya sa akin"

"Coincidence or fate, he took care of my baby nung naiwan siya. Up to now, wala
naman siya obligasyon pero he takes care of us. Syempre di lang yon, there is so
many things I like about him. Tignan mo iba usapan tapos bagsak sa like din lang
hahaha banat ni Dani kaya napangiti si Veronica.

"Ang hirap niyan sis" sabi niya. "Kaya nga e, kailangan ko matuto lumugar.
Kailangan ko matuto tumanggap, I cannot be selfish. Bahala na sis" sabi ni Dani.
"Mabait kasi siya e, pero parang mix, may pagka loko loko din yon e" sabi ni
Veronica. "Obviously, basta this is for Ninny. Sanay na si Ninny with him and he
teaches her a lot"

"Kahit ganon nalang siguro, sabay kanta ng Lucky hahaha" banat ni Dani. "Uy hindi
ba nagchecheck yon ng Youtube niya? Ang dami nang hits yung video nila ni Ninny no.
Last check ko parang naka two hundred thousand na ata tapos ang daming comments"
sabi ni Veronica.

"Di nga? As in? Kasi pag pinapanood namin siya yung kopya lang namin sa laptop e"
sabi ni Dani. "Oo kaya, pag dumami pa yan baka maging artista si Ninny" sabi ni
Veronica. "Hahaha di naman siguro and I am sure di papayag si Nof" sabi ni Dani.
"Uy wow, may say si Nof?" landi ni Veronica kaya namula si Dani at nagbungisngis.

Samantala sa bahay nina Dani kalaro ni Onofre si Nina sa salas. "Your mom is not
home yet, where could she be?" tanong ni Sarah. "School" sabi ng bata kaya naaliw
si Onofre. "Wow she knows" sabi niya. "Ay oo, the first few days grabe iyak niyan
pero nasanay din at alam na niya pag wala si Dani ay nasa school siya" sabi ng
matanda.

"Very good Ninny pero I think we have to call her now because her last class ended
hours ago" sabi ni Onofre kaya nilabas niya phone niya. "Wala ba siya sinabi sa
iyo?" tanong ni Sarah. "Wala po tita e, last time nakatext ko siya was this morning
before she went to school" sagot ng binata.

"Sige nga tawagan mo nga" sabi ni Sarah. Nilapag ni Onofre phone niya sa lamesa,
gagalawin sana ni Nina yung phone pero pinigilan siya ng binata. Nakaset sa speaker
phone, dinig na dinig yung pag right hanggang sa pagsagot ni Dani. "Mama" sigaw ni
Nina saka nagtitili.

"Baby! Nof nasa bahay ka?" tanong ni Dani. "Yup, Ninny that is mommy o" sabi ng
binata. "Mama!" sigaw ng bata. "Where are you?" tanong ni Onofre. "With Veronica,
nasa coffee shop kami at nagkwekwentuhan" sabi ng dalaga. "Ah kaya pala" sabi ng
binata. "Why are you there?" tanong ni Dani.

"Wala, kay ate ulit ako so dumaan ako muna dito. Kalaro ko si Ninny" sabi ng
binata. "Di ko naman alam e, dibale patapos naman na kami. Hatid ko lang siya then
uwi na ako" sabi ng dalaga. "Hey umuulan, wag kang magmamadali" sabi ng binata.

"Para maabutan sana kita" sabi ni Dani. "Huh, to naman parang last day on earth ko
na. Its okay, just drive safe" sabi ni Onofre. "Will you have dinner there?
Magdinner ka nalang diyan" sabi ni Dani. "Di ata, inaantay ko lang text ng ate ko
then diretso na ako sa place niya" sabi ng binata.

"Dinner ka na diyan kasi" sabi ng dalaga. "Busy kami kumakain ni Ninny" landi ng
binata. "Ano kinakain niyo?" tanong ni Dani. "Ninny what is this?" tanong ng
binata. "Epay" sabi ng bata. "Ano yon?" tanong ng dalaga. "Egg pie" sabi ni Onofre.
"Oh my God, ang daya mo! Alam mo favorite namin yan e, madami pa?" tanong ni Dani.

"Yung crusts nalang" biro ng binata. "Ang daya mo! Madami nakain si Ninny?" tanong
ni Dani. "Sobra, nagshare kami ng four slices already" sabi ni Onofre. "Oh my God
ang daya daya mo naman. Madami ka dinala Nof?" tanong ng dalaga. "Oo may matitira
pa sa iyo, crust nga lang kasi Ninny does not like it" sabi ng binata.

"Sige sige paalis na kami. Dinner ka diyan" sabi ng dalaga. "Not sure" sabi ng
binata. "Dinner ka diyan, wag kang aangal. Tawagan ko mama ko after this call" sabi
ng dalaga. "Ingat ka sa daan" sabi ng binata saka namatay yung tawag.

Isang oras lumipas binuksan ni Onofre yung gate para maipasok ni Dani yung sasakyan
niya. Pagkalabas ng dalaga ng kotse sinugod siya ng binata, "My God, I told you to
be careful. Nagmadali ka naman e. I know how long it should take for you to get
home. Ang aga mo so I know nagmadali ka" sermon ng binata pero imbes na mainis si
Dani napangiti ito ng husto.

Pagdating nila sa pintuan nandon si Ninny at may hawak na twalya. "Awww baby, mama
is not wet but thank you" sabi ng dalaga saka yumuko at pinaghahalikan yung bata.
"Tigas ng ulo mo talaga, its raining, I told you not to drive fast" tuloy ni Onofre
kaya pagkapasok nila napatingin nalang si Martin.

"E baka maubusan ako ng eggpie" sabi ni Dani. "Alam mo naman I always get more than
enough. Grabe ka, ang lakas ng ulan, basa yung kalsada tapos magmamaneho ka ng
mabilis" hirit ni Onofre. "Sorry na" sabi ng dalaga. "Ninny bad mama" sabi ni
Onofre.

"Aray ko anak" sigaw ni Dani nang kurutin siya ng bata sa pisngi. "Bad mama, very
bad" hirit ni Onofre. "Aray! Nof let her stop" sabi ng dalaga. "No, be fair. You
did something bad, basta umuulan you drive slow. Kahit magreklamo ibang tao wag mo
sila pansinin" sermon ni Onofre.

Tumalikod si Dani saka tinignan ama niya, si Martin napapangisi kaya ang dalaga
humarap na sa binata. "Okay I am sorry" sabi ni Dani. "Not to me, say sorry to
Ninny. If anything happens to you siya naman yung affected ng grabe. Next time will
you think about her" sabi ni Onofre kaya kinarga ng dalaga yung anak niya saka
lumapit sa binata.

"Sorry na, Ninny o Nof is mad o" sabi ng dalaga. "Rain" sigaw ni Ninny saka
pinagtuturo nanay niya kaya nagulat ang lahat. "Hahaha good Ninny, sige sermonan mo
pa" udyok ni Onofre. Nag German ang bata tila pinapagalitan nanay niya, nangurot pa
ito ilang beses kaya si Dani napapangiti.

"See, she knows. Matalino yan, para lang sa eggpie magmamadali ka" sabi ni Onofre.
"Para din maabutan kita" sabi ng dalaga. "Why? Mamatay na ba ako? Duh, tumawag ka
na kay tita, wala na ako powers tumangi" sabi ni Onofre kaya natawa si Sarah bigla.

"Tama na wag mo na ako pagalitan kasi" sabi ni Dani na naupo sa sofa. "Wag sasama
loob mo I just care for you two that much" sabi ni Onofre kaya ang dalaga binaon
mukha niya sa dibdib ng kanyang anak. Tili ng tili si Nina sabay yakap ng mahigpit
sa kanyang nanay.

"Sorry na Nof" lambing ng dalaga. "Okay, wala nang ulit yon. Alam mo naman mag
aantay ako e. Just say so na antayin kita at mag aantay ako. Ganon kadali yon" sabi
ng binata. "Okay, tama na" sabi ng dalaga.

Humarap ang binata saka dumilat, humiyaw si Nina saka tinignan din nanay niya at
dumilat din. "Hala! Tinuruan mo siya! Ma! Pa Nof taught Ninny to make dila!"
sumbong ng dalaga. "To naman nagsumbong pa" bulong ni Onofre pagkat lumapit si
Sarah.

Biglang dumilat si Nina kaya natawa ng malakas yung matanda. "She does it so cute,
iniipit niya dila niya" sabi ni Sarah. "Kailan mo tinuro ito?" tanong ni Dani.
"Kanina lang, binibiro ko kasi ayaw ko subuan ng eggpie. Everytime she wants more
nilalayo ko yung plate tapos dinidilatan ko siya and I pretend its all mine" sabi
ni Onofre.

"Ikaw talaga tinuruan mo nanaman ng kalokohan" sabi ni Dani. "Huh, balance lang
kasi we have a surprise for you pero wag muna ngayon kasi di pa namin napeperfect"
sabi ng binata. "May kanta ulit kayo?" tanong ng dalaga. "Hindi ah, basta saka na
yon" sabi ni Onofre.

"Now, I wanna see it now. Ano yon?" tanong ni Dani. "Ahem..Ninny..watch me whip"
birit ni Onofre. "Washi Ninny!" sigaw ng bata kaya nanlaki ang mga mata ni Dani
pagkat tinaas pa ng bata kamay niya saka humiga paatras. "You taught her how to
dance?" sigaw ni Dani.

"Hahaha how I wish, she just stands and bends her back. Pero in fairness tinataas
niya kamay niya tapos kumakaway" sabi ng binata. "I wanna see it, sige na. Patingin
nga" sabi ni Dani. "Wala pa, kasi kanina naalala ko lang yung song, we watched it
and she really thinks its her name. Kahit try mo eto o panoorin natin yung MTV
niya" sabi ng binata.

"No I wanna see the dance, sige na. Kahit ikaw lang tapos panoorin ko siya gumaya"
sabi ni Dani. "I will go get the camera" sabi ni Martin kaya natawa si Onofre.
"Wala pa talaga, its all me. All she does is scream upon hearing her name na Ninny
then she raises her hand and bends a bit kasi parang di niya macoordinate masyado
body niya" sabi ni Onofre.

Sampung minuto lumipas napilit ni Dani yung binata, si Nina talon na ng talon
habang yung binata panay ang kamot sa ulo. "Fine, sige play mo music" sabi ni
Onofre. "Okay Ninny watch me whip..." sabi ni Onofre with matching whipping actions
na sayaw. "Washi Ninny!" sigaw ng bata saka tinaas kamay niya at naglakad paatras
habang kumakaway.

"Liar! She knows! She knows!" sigaw ni Dani sa tuwa. "Hahaha wait kasi nga di pa
perfect e at natatakot ako baka matumba siya. "Ulit ulit" sigaw ni Sarah saka sinet
yung video kaya si Onofre biglang nahiya. "Its not much really" sabi ng binata.
"For us it is, sige na please" sabi ni Dani.

Umulit sina Onofre at Nina kaya naluha talaga sa tuwa sina Sarah at Dani. Pagkaupo
ni Onofre binuhat ni Dani saka pinaghahalikan. "So good baby, magiging artista ka
naman ata ha. Sing then now dance, talo mo na si mommy" sabi ni Dani.

"Mamaya na upload, dinner will be ready in twenty" sabi ni Sarah. Naupo si Dani
saka dumikit sa binata kaya si Nina pumalakpak. "I was gone for a few hours and now
you taught her something new" sabi ng dalaga.
"Not really, I just danced in front of her. Bilib na bilib siya sa akin" biro ng
binata kaya natawa si Dani. "I just wanted to amuse her, ginusto ko lang na marinig
yung tili at sigaw niya. Di ko naman inexpect gagaya pero honestly natumba siya
twice. Butt first pero di umiyak" sabi ng binata. "Hala, malakas?" tanong ni Dani.
"Hindi, parang slow motion naman. Ginagaya niya kasi ako kanina yung paatras so I
did it slower" sabi ng binata.

"Naiinggit ako sa iyo, you always teach her something new" sabi ni Dani. "Hey, tag
team tayo" sabi ni Onofre kaya nagulat yung dalaga at napangiti. "I meant what I
said naman e, I will be here for her always. Be here for you two. Guy figure nga e,
sagot ko na yung iba"

"You can continue the dancing with her, wag mo na galawin singing, ako na don" sabi
ni Onofre kaya super halakhak si Dani. "Aray ko ha, masakit yon ha" sabi ng dalaga.
"Pero simple dances lang. Parang exercise narin niya kasi di ako magsasawa
regaluhan siya ng mga gusto niyang kainin" sabi ni Onofre saka nakipagnose to nose
kay Nina.

Nanigas si Dani pagkat super lapit narin ng mukha ng binata sa mukha niya. "Si
mama" sabi ni Nina kaya nagulat si Dani pero game na game agad si Onofre na nakipag
nose to nose sa dalaga. Natawa si Dani, pigil kilig siya habang si Nina lumipat sa
binata.

"Parang gusto ko umakyat...may chocolates ulit kaya ako don?" biro ni Dani.
"Tsoklit?" tanong ni Nina. "Tsk ayan, naghanap na siya" sabi ni Onofre. "No baby,
joke lang yon" sabi ni Dani. "Tsoklit Nof" sabi ng bata. "Baby no, busog ka diba?
Busog, busog o big tummy. Oooh big tummy" sabi ng binata kaya humiyaw ang bata at
nakiliti nang inabon ng binata mukha niya sa kanyang tiyan.

"Be right back, bihis lang ako and freshen up before dinner" sabi ni Dani. Sampung
minuto lumipas bumalik ang dalaga na nakasimangot. "Wala" sabi niya kaya natawa
yung binata. "Ang figure Dani" sabi ni Onofre. "Sabi mo kahit tumaba ako e..."
pacute ng dalaga.

"Maawa ka naman, pano na sa wedding pag bubuhatin kita" biglang banat ni Onofre
kaya humiyaw talaga si Dani at nakagat yung binata sa braso. "Aray ko pooooo" sigaw
ni Onofre nang kagatin siya ni Nina sa pisngi.

"Ayan bakit mo kasi sasabihin ang ganon?" tanong ni Dani na kinikilig. "Aray, grabe
naman joke lang yon. Parang di ka na sanay" sabi ng binata. "Ayan kinalabasan ng
joke mo, ano masakit?" landi ng dalaga.

"Ninny go get the tsoklit" sabi ni Onofre. "Meron?" tanong ni Dani. "Hahahaha uto
uto ka talaga" sabi ng binata. "Ang sama mo, nakakatikim lang naman ako" tampo ni
Dani. "Ninny go get box, get box" sabi ng binata saka pinatayo yung bata. "Box"
sabi ni Nina. "Yes box, red box there o" sabi ni Onofre kaya naintriga si Dani.

"Ditow" tanong ni Nina likod ng isang upuan. "Oo box, red Ninny" sabi ng binata.
Nanlaki ang mga mata ni Dani nang makita yung pulang karton na hawak ng anak niya.
"Meron!" sigaw niya sa tuwa.

"Tsoklit Nof?" tanong ni Nina. "Yes" sagot ng binata. "Come Ninny, come to mommy.
Eat natin" sabi ng dalaga. Biglang niyakap ng bata yung karton saka dinilatan nanay
niya. "Hahahahahahaha good Ninny" sabi ng binata. "Ninny come, sige na anak" sabi
ni Dani pero yung bata tumakbo sa kusina.

"Lulu open" narinig nila kaya nagsimangot si Dani. "Sorry, didn't expect that to
happen" sabi ni Onofre. Todo simangot si Dani pero deep inside labis siyang
kinikilig dahil pulang heart shaped box yon.

VOt7�� ^�o

----------------------------

#confusion minsan chapter, parati kayo hahahahahaha

=================

Chapter 49: The Date

Chapter 49: The Date

Isang Sabado sa mall, "Kyassss" sigaw ni Nina kaya napalingon si Dani. "Ninny!"
sigaw ni Shirley saka tumakbo kaya yung bata talong ng talon. "Uy hello" bati ni
Dani, binuhat ni Shirley yung bata saka pinaghahalikan sa pisngi. "Kyassss o" sabi
ng bata saka pasikat sa relo niya.

"Wow, I missed you. Uy Dani hala gumanda ka lalo ah. Tama nga sabi ni Nof" sabi ni
Shirley. "Huh? Ano sinabi ni Nof?" tanong ni Dani. "Na gumaganda ka lalo, grabe wag
naman masyado. Baka mamaya pangit na ako bigla" sabi ni Shirley.

"Hahaha baliw, saan lakad mo?" tanong ni Dani. "Wala lang gala gala" sabi ni
Shirley. "Ah kasi wala si Nof" sabi ni Dani. "Nasa Tarlac ata sila diba? Wake ng
relative" sabi ni Shirley. "Oo daw ata, tara kain tayo. Nangulit si Ninny kasi
gusto daw niya fries" sabi ni Dani.

"Too early baby" sabi ni Shirley. "Walk" sabi ni Nina kaya binaba siya ng dalaga.
"Tara libot libot tayo" sabi ni Dani. "Sure, ang cute cute naman ni Ninny. So
kumusta kayo?" tanong ni Shirley. "Okay naman, si Ninny spoiled kay Nof masyado"
sabi ni Dani.

"Oo nga e, he always thinks about Ninny. Pero ganon ata talaga siya kasi pati mga
kapatid ko e kaclose niya narin" sabi ni Shirley. "Ah uy bagong store ito ah, tara
pasok tayo" sabi ni Dani. "Oo nga no, halata yung mga lagi dito ah" sabi ni Shirley
kaya nagtawanan yung dalawa.

Habang nagtitingin ng mga damit aliw na aliw yung mga staff kay Nina. "Ninny stay
close" sabi ni Dani palambing kaya kumapit yung bata sa blouse ng nanay niya. "She
loves the attention" sabi ni Shirley. "Ay oo, parang attention seeker nga yan e. Oh
did Nof tell you may dance number sila" sabi ni Dani.

"Really? Anong sayaw?" tanong ni Shirley. "Neyney" bulong ni Dani kaya nagtaka si
Shirley. "Bakit kailangan ibulong?" tanong niya. "Kasi pag marinig niya mangungulit
siya e di ako magaling sumayaw. As in ang kulit ni Ninny, pag nasama sila ni Nof
super kulit nila" sabi ni Dani.

"Lately ganon din sila ng mga kapatid ko. Parang bata si Nof. Mas close na sila ng
mga kapatid ko e" sabi ni Shirley. "So kumusta na kayo? Going strong ba?" tanong ni
Dani pero tumawa lang si Shirley saka ngumiti.

Isang oras lumipas sa loob ng isang restaurant kandong ni Shirley si Nina. "Baby
naman nakakahiya kay tita" sabi ni Dani. "No its okay, namiss ko si Ninny. Sakto
lang kasi libre mo" biro ni Shirley kaya natawa si Dani.

"Pero seryoso Dani gumanda ka lalo, nakakatibo ka na" banat ni Shirley kaya natawa
ulit si Dani kaya gumawa na si Nina. "Grabe naman to, wala naman ako ginagawa, or
maybe mataba lang ako konti nung first time natin nagmeet. Back to school na kasi
ako e" sabi ni Dani.

"Ay oo nasabi nga ni Nof yon, what is it Ninny?" tanong ni Shirley pagkat may
tinuturo yung bata. "Ano ba yon?" tanong ni Dani kaya napalingon sila. "Epay mama"
sabi ng bata. "No baby that is not egg pie, ano ba yon?" tanong ni Dani. "Cheese
cake" sabi ni Shirley.

"Chikik" bigkas ni Nina kaya nagtawanan yung dalawang dalaga. "Chikik mama" sabi ni
Nina. "Okay anak we will order one for you but first we eat okay?" sabi ni Dani.
"Alam mo I remember my brother and sister, nung two years old sila di naman sila
ganito e"

"Siguro Nina will be super matalino, you can sing, dance..." sabi ni Shirley.
"Washa Ninny" bigkas ng bata saka tinaas kamay niya at nagpaatras atras kaya super
hiyaw si Shirley sa tuwa. "Ayan na" sabi ni Dani. "Oh my God, ang galing galing"
sabi ni Shirley kaya super palakpak si Nina. "Attention seeker, gustong gusto niya
na pinupuri siya e" sabi ni Dani.

Pagdating ng pagkain nila naging abala si Shirley sa pagsubo sa bata. "Nakakahiya


naman, akin na siya" sabi ni Dani. "No its okay, we take turns nalang. Kaya ko
naman e at sanay ako no, I helped raise my wo siblings" sabi ni Shirley.

"Saw your photos pala, you fell sa bike?" tanong ni Dani. "Hahaha hindi ah, loko
loko na Nof yon e. Siya yung nahulog, I helped him up, di ko natantya weight niya
so I fell habang siya yung nakatayo na. I was laughing so hard then he took my
photo" sabi ni Shirley.

"Oh, kaya pala nakatawa ka" sabi ni Dani. "Sisa lang ang peg. Kaya umitim konti si
Nof dahil sa biking" sabi ni Shirley. "Okay lang naman, bagay naman niya skin tone
niya actually" sabi ni Dani. "Yeah, uy by the way sis, may patient kami sa center
na adik na adik sa products niyo"

"Yung banana chips niyo grabe may one box stash siya weekly" sabi ni Shirley. "Hala
talaga?" tanong ni Dani. "Oo no, tapos pinagdadamot niya. Old lady kasi e, pero she
loves it. As in she eats three packs a day, so everytime I see her I remember you
two" sabi ni Shirley.

"Salamat sa kanya at guaranteed future ni Ninny" sabi ni Dani. "Ang reyna daw ng
saging, that is what Nof calls Ninny" sabi ni Shirley. "Ah talaga? Loko loko yon
ah" sabi ni Dani. "Wait, gusto mo ba sumama sa Tagaytay? May wellness center daw
don. Balak namin pumunta ng friend ko" sabi ni Shirley.

"Wait parang narinig ko yan ah, yung bago ba yan yung may parang endless pool tapos
overlooking something ata" sabi ni Dani. "Yeah that one, may malaking discount na
makukuha si daddy. Ano gusto mo? Pero ikaw magdrive" sabi ni Shirley. "Hahaha sure,
kailan?" tanong ni Dani. "Ikaw ba, kung free ka. Kami anytime" sabi ni Shirley.

"Wait, I heard that you have to stay there for at least two days to avail of all
the amenities e" sabi ni Dani. "Yup" sabi I Shirley. "Tsk di ko ata kaya iwan si
Ninny ng ganon. Isa pa papagalitan ako ni Nof" sabi ni Dani. "Hindi, e di isama
natin sila. Mag stay sila hotel lang don. O madami naman pwede pasyalan don" sabi
ni Shirley.

"Pwede, we can share a room with your friend then kayo ni Nof" banat ni Dani.
"Pwede naman tayo, natitibo nga ako sa iyo e" landi ni Shirley kaya super halakhak
si Dani. "Para kang sira" sabi ni Dani. "Be open minded sis" hirit ni Shirley saka
natawa kaya nahawa din si Dani.

"So kumusta kayo ni Nof?" tanong ni Dani. "Bakit kami?" tanong ni Shirley. "To
naman o, how are you two? Inaantay ko yung status change niyo sa FB. Bakit wala pa?
Di mo pa sinagot?" tanong ni Dani kaya natawa lang si Shirley at nagtakip ng mukha.

"Uy wait, may sikreto ako sasabihin pero Nof must know that we know" sabi ni
Shirley. "Tungkol saan? Anong secret?" tanong ni Dani. "Kasi nung wedding he met my
old classmate na si Boolbs" sabi ni Shirley tapos biglang umariba sa tawa si Dani.
"Si bulbol" sabi niya kaya super natawa din si Shirley.

"Nakwento niya?" tanong niya. "Yeah" sagot ni Dani kaya laugh trip sila. "So ayon,
nagpapatulong si Nof kay Boolbs sa studies niya" sabi ni Shirley. "Really?" tanong
ni Dani. "Yeah, don't tell him that we know ha. I learned from a friend na lagi daw
sila magkasama lately"
"Di ko naman pinapansin si Boolbs really, nakwento lang ng friend namin na isa who
was at the wedding din" sabi ni Shirley. "Why cant we tell Nof?" tanong ni Dani.
"He could have easily asked me for help e. Pansin ko lang takot na siya magfail,
well mas gusto ko naman na kay Boolbs siya nagpapaturo kesa kay Sly" sabi ni
Shirley.

"Hahahaha wait, kay Sly?" tanong ni Dani. "Yeah, another friend told me lagi sila
sa library ni Sly. Tsss doon nalang sa mortal kong kaaway kesa don" sabi ni
Shirley. "Yiheee selos ah, past is past na no" sabi ni Dani. "Hahahaha I hate her
for how she treated Nof"

"Ang tanga niya sobra" sabi ni Shirley. "Uy relax, yung puso mo kay Nof na no" sabi
ni Dani. "Hahahaha sira, just saying. So don't tell Nof we know kasi baka matapakan
natin pride niya. I sense in him na he wants to really change, siya nga idol ko e
kasi my life needs that too" sabi ni Shirley.

"Idol ka diyan e boyfriend mo e" sabi ni Dani. "What is it baby?" tanong ni


Shirley. "Chikik" sabi ng bata. "Come, sige na ako na para makakain ka ng maayos.
Nakarami naman na ako e. Come Ninny chikik o" sabi ni Dani kaya lumipat ang bata sa
nanay niya.

Nagring phone ni Shirley pero nireject niya ito. "Was that Nof?" tanong ni Dani.
"No, wala yon. Sis I am learning how to drive pala" sabi ni Shirley. "Nof is
teaching you?" tanong ni Dani. "No, my dad. Si Nof sana pero naisip ko extra
bonding moments namin ni daddy din yon so si daddy nalang" sabi ng dalaga.

"Sabagay, bibili ka kotse mo?" tanong ni Dani. "Hindi no, makikihiram lang ako. We
already have two cars, tama na yon. Pero sis penge naman tips, ang hirap ng manual"
sabi ni Shirley. "Hahaha super, ay grabe yan kaya automatic pinabili ko" sabi ni
Dani. "Manual yung two cars namin e, wala ako choice" sabi ni Shirley.

"Sa manual din ako natuto, kaya mo yan sis" sabi ni Dani. "Two weeks na ako
actually pero takot parin ako talaga. I don't tell Nof kasi tatawanan niya ako. As
in pag sa amin lang okay ako pero pag lalabas na kami parang nagpapanic attack ako"
sabi ni Shirley. "Hahaha pareho tayo, ganyan na ganyan ako noon. Ay sis trust me
once you try real traffic you will get used to it. As in ganyan na ganyan ako nung
una. May times nga na susuko pa ako e" sabi ni Dani.

"I am just scared, baka mabangga, baka maside swipe, basta natatakot ako" sabi ni
Shirley. "Sis payo ko sa iyo, just relax. Kahit sa first try mo lang sa real road
my advice to you is relax. Ako bad ako kasi galit na daddy ko, I was like you
talaga pero eto ha"

"Baka sabihin mo mayabang pero eto talaga ginawa ko, inisip ko na my dad can pay if
ever may nabangga ako" sabi ni Dani kaya bigla silang nagtawanan. "Oo sis, parang
mayabang pero it helped a lot. Nung first time ko yun lang iniisip ko talaga and it
worked"

"I know it sounds bad pero if yun lang way to make you feel a bit comfortable try
it" sabi ni Dani. "Hahaha oo nga no, pero after I learned tagal din ako di nag
drive. So Nof helped me out sa refresher pero matic car na" sabi ni Dani.

"Cute ni Ninny, everytime we mention him she looks around" sabi ni Shirley. "Kayo
ha masikreto kayo. You can tell me, or why may problems ba kayo?" tanong ni Dani.
"Wala ah" sagot ni Shirley. "So why don't you want to talk about it? Private ba? If
so just say so titigil ako" sabi ni Dani kaya ngumiti lang si Shirley sa kanya.

"Ah okay private, I get it. Sabagay mas okay yung ganyan at kayo lang may alam ay
teka, don't tell me sinusundan mo pa yung three month rule na yon" sabi ni Dani
kaya natawa si Shirley. "Ang daldal talaga non grabe" sabi niya.

"Well sabagay sis, tama lang na isikreto niyo pala muna. Mahirap maging babae e
diba? If nagkaroon ka agad madami sila masasabi bigla e. Look at me, young mom pero
kung makahusga yung iba akala mo kung..." sabi ni Dani. "Don't mind them sis, the
funny thing is kahit yung mga edukado ganyan sila. Grabe sila makahusga, at sila pa
yung unang huhusga sa iyo" sabi ni Shirley.

"Yeah, grabe dapat sila nga yung uunawa muna e. Dapat sila yung rerespeto muna pero
hindi, sila yung unang trolls" sabi ni Dani. "They think porke edukado sila alam na
nila lahat which should not be. Anyway enough drama talk, sis naubos niya" sabi ni
Shirley kaya nagulat si Dani nang makita na wala nang cheesecake.

"Anak, hala. Kinamay niya hahaha" sabi ni Dani. "Sarap na sarap siya o, sinisimot
yung plate" sabi ni Shirley. "Anak naman e, nakakahiya ka naman. Did you like it?
Sarap baby?" tanong ni Dani. "Sarap" sagot ng bata. "Naku mukhang may new favorite
tong anak ko" sabi ni Dani.

"Sis personal question, mahirap ba?" tanong ni Shirley. "Having a child?" tanong ni
Dani. "Yeah" sagot ng dalaga. "Oh my God, are you preggy?" tanong ni Dani. "No! Uy
hindi" sagot ni Shirley. "Oh sorry" sabi ni Dani kaya nagtawanan sila. "Masarap
maging mommy, mahirap manganak pero being with Ninny is the best feeling"

"Kaya lang ayon, there are consequences if you are a single mom" sabi ni Dani. "Do
you ever imagine yourself with another guy?" tanong ni Shirley. "Not really kasi
focus ko si Ninny" sagot ni Dani. "What if someone arrives?" tanong ni Shirley.

"Well tignan natin, di ko masabi. Dapat mamahalin niya anak ko muna" sabi ni Dani.
"Just like Nof" sabi ni Shirley. "Yes, ay teka uy hala to. Someone like him of
course, grabe ka naman boyfriend mo yon" sabi ni Dani kaya natawa si Shirley.

"Pero if ever, someone like Nof. Kasi siya di niya ako hinusgaan, he even never
asked about alam mo na. Malaking tulong siguro yung experience ng ate niya kaya he
knew how to treat me and Ninny. Very thankful ako actually" sabi ni Dani.

"Si Nof...he is like a kid sometimes. Sometimes parang ang mature niya. Parang di
mo siya mabasa most of the time e. He can be this joker na sobrang makulit pero he
could be this super pikon na isip bata din. What I like about him is...he is
honest"
"Di naman siya dream guy material, di siya yung crush material pero siya yung
tipong...hmmm tsk ano ba?" sabi ni Shirley. "Right guy" sabi ni Dani. "Hmmm yeah,
he is an open book, o eto ako ganon siya e. Di siya yung nagpapanggap na iba" sabi
ni Shirley.

"The isip bata I get, oh trust me I get that part of him kasi ang dami niya
natuturo kay Ninny. Nagkakaintindihan nga sila e" sabi ni Dani kaya nagtawanan yung
dalawa. "Ninny where is daddy Nof?" biglang tanong ni Shirley.

"Hoy sis" bigkas ni Dani. "Dadenof?" tanong ni Nina. "Yes daddy Nof" sabi ni
Shirley. "Sis, wag naman ganyan, not a nice joke" sabi ni Dani. "Sorry naman pero
if ever sis, would you like Nof to be her daddy?" tanong ni Shirley.

"Hahaha grabe ka ha, wag kang ganyan sa boyfriend mo" sabi ni Dani. "If I was in
your shoes sis gusto ko" sabi ni Shirley. "Huy tumigil ka nga" sabi ni Dani.
"Dadenof" bigkas ni Nina saka pumalakpak kaya nagpanic na ang nanay niya.

"Ayan tignan mo, no Ninny nagbibiro lang si tita" sabi ni Dani. "Daddy Shirley
nalang" banat ni Shirley kaya super natawa si Dani. "Hoy ah, is there something I
should know?" tanong ni Dani.

"Di ba sinabi ni Nof sa iyo na tibo ako noon?" banat ni Shirley kaya laugh trip
sila sobra. "Were you?" tanong ni Shirley. "Joke lang, they just said I was boyish.
Kaya mga jokes ko minsan humor ng guys" sabi ng dalaga.

"Oo pansin ko nga yon lalo na nung nanood tayo ng movie" sabi ni Dani. "Ay eto na
ata si Nof" sabi ni Shirley saka sinagot phone niya kaya nakaramdam ng lungkot si
Dani. "Nof" bigkas ni Shirley kaya tinaas ni Nina mga kamay niya saka tinuro turo
ang dalaga.

"Hala gusto ka kausapin ni Ninny o" sabi niya. "Kasama mo sila? Kausapin ko nga"
sabi ni Onofre kaya inabot ni Shirley yung phone kay Dani. "Okay baby wait...eto na
ay grabe to" sabi ni Dani. "Nooofff" sigaw ni Nina saka nagtitili.

"Hala ang cute" sabi ni Shirley. "As if naman magkakaintindihan sila. Sige na
kausapin mo na anak" sabi ni Dani. "Nooof chikik Nof" sabi ng bata saka nag German
kaya laugh trip si Shirley.

Umayaw na si Nina kaya si Dani kumausap. "Oy" bigkas ng dalaga. "Why are you no
answering your phone?" tanong ng binata. "What do you mean?" tanong ng dalaga saka
check sa bag niya. "Ay sorry naka silent ako" sabi niya. "Kaya naman pala e, I have
been trying to call you since kanina" sabi ni Onofre.

"Sorry naman, o eto na kausapin mo girlfriend mo" sabi ni Dani saka soli ng phone.
"Hoy pasalubong namin ha" sabi ni Shirley. "Ano gusto mo iuwi yung pamigay na
cookies dito sa lamay?" tanong ng binata kaya natawa ng malakas si Shirley.
Nakaramdam ng matinding selos si Dani kaya tumingin nalang siya sa malayo. "Uwi ka
na daw para ilibre mo si Ninny ng chikik" sabi ni Shirley. "What is Chikik? Chicken
ba?" tanong ni Onofre.

"Cheesecake, she calls it chikik" sabi ni Shirley. "Ah, sure pag uwi ko. Pabalik na
kami later. Nakakahiya naman umalis no kasi we just arrived kanina. Pero uuwi din
lang kami" sabi ng binata.

"Mangga" sabi ni Dani. "Ay Nof mag uwi ka daw mangga sabi ni Dani" sabi ni Shirley.
"Sure, try namin maghanap" sabi ng binata. "You want to talk to Ninny again?"
tanong ni Shirley pero inuga na ni Dani ulo niya.

Tinago na ni Shirley phone niya saka ngumiti. "Pauwi na daw sila later, maghahanap
daw sila ng mangga. Sis you read my mind" sabi ni Shirley. "Preggy ka ano?" tanong
ni Dani kaya nagtawanan sila. "Porke mangga buntis na? O di ikaw din" bawi ni
Shirley. 

=================

Chapter 50: Mermaid

Chapter 50: Mermaid

Sa tabi ng pool talon na ng talon si Nina sa tuwa, "Wait Ninny, suot muna nating
floaters mo" sabi ni Onofre saka lumuhod. "Blue" bigkas ng bata. "Yes the water
looks blue Ninny. Okay are you ready? Oh wait let us get this camera ready" sabi ng
binata.

Nauna si Onofre sa pool saka inayos yung Go Pro sa gilid, "Okay Ninny lika na"
lambing niya saka sinundo yung bata at binuhat. Super tili si Nina saka pinagpapalo
yung tubig. "Hahahaha say hi to the camera, there o" sabi ng binata. Todo kaway si
Nina saka nagposing pa kaya laugh trip si Onofre.

"Float ka ha, don't be scared...relax Ninny. Behave" sabi ng binata. Parang takot
yung bata pero pagbitaw ng binata nag float naman yung bata. "Very good girl, very
good Ninny" sabi ng binata saka humawak sa bata at pinaghahalikan ito.

"Okay Ninny for the real project, hold breah ah. Sana maalala mo pa pero ganito o"
sabi ng binata saka nagpigil ng hinga. Gumaya yung bata kaya tinuka tuka ulit siya
ng binata sa pisngi. "Okay Ninny follow me okay?" lambing ng binata.

Pigil hininga si Onofre saka dahan nagpababa hanggang sa lumubog siya sa tubig
ngunit litaw parin ilong niya. Dahan dahan niya binaba si Nina kaya ang bata todo
pigil hininga hininga din. "Very good! Very very good Ninny" sabi ng binata. "Okay
now we go lower, watch me first ha" sabi ng binata saka lumubog talaga.
Pag ahon niya ng ulo niya palakpak si Nina kaya tumawa yung binata. "Can you do
that? Sabay tayo? Try natin ha" lambing ng binata. Sabay sila nagpababa, lubog na
sila sa tubig at kitang kita ni Onofre ang bata na nagpipigil ng hininga pero
nakapikit ito sa ilalim ng tubig.

Pag ahon nila todo yakap si Onofre sa bata na tumatawa ng malakas. "Very good girl.
Super good girl Ninny" sigaw ng binata sa tuwa. Ilang beses sila umulit hanggang
pinilit ng binata na buksan ng bata mga mata niya. "Ninny open eyes ha, open ha"
lambing ng binata.

Paglubog nila nakabukas talaga mga mata ni Nina, sa ilalim ng tubig kumaway ang
binata at kitang kita ni Onofre na ngumiti pa yung bata at naturo siya. Pag ahon
nila pareho silang hingal pero super yakap si Onofre sa bata. "Very good, did you
see me? Kita mo si Nof?" tanong ng bata at biglang nag German ang bata at tinuturo
yung tubig saka yung binata.

"Yes, you saw me. Come kabit natin yung stick sa Go Pro. You float first, can you
do that? Float Ninny, floot good girl ha" sabi ng binata saka binitawan saglit yung
bata para makabit yung stick sa camera.

"Ayan Ninny, swim tayo ha. Under water tapos may video para makita ng mama mo" sabi
ng binata. "Swim" bigkas ng bata sa tuwa saka pinagpapalo yung tubig. "Yes, grabe
ka atat ka. Okay are you ready?" tanong ng binata habang yakap yung bata sa may
kanan niya. "Ninny hold your breath" sabi ng binata at sabay sila nagpigil ng
hininga.

Lumubog na sila, lumangoy si Onofre dala si Nina at lumipas ang ilang segundo
umahon sila. Hingal yung bata pero nakayanan nito ngumiti. "Ninny look where is
your towel?" tanong ng binata kaya lumingon yung bata. Naaliw si Onofre sa gulat na
expression ng bata nung makita niya yung twalya sa malayo. "Nof o" sabi niya.

"See that, nag swim kasi tayo. Balik tayo don? Ha?" Go there tayo?" lambing ng
binata kaya muli sila pumailalim. Pag ahon nila napasigaw si Nina at pinagtuturo
yung twalya niya. "Yes baby kasi nagswim tayo" sabi ng binata.

Limang minuto lumipas pinakapit ni Onofre yung bata sa edge, "Ninny stay ha, dito
ka lang okay. Okay?" lambing ng binata at tinungo naman ng bata ulo niya. Lumayo si
Onofre hanggang sa gitna, "Ninny come, swim ka. Come to me, come Ninny" sabi ng
binata. "Swim" bigkas ng bata.

"Yes, under water ha, one..two..three" bigkas ng binata saka nauna siya umilalim.
Kitang kita niya yung bata na sumisid din at lumangoy talaga papunta sa kanya.
Nakuhanan ng video ni Onofre yon kaya pagabot ng bata sa kanya agad niya ito
niyakap at inahon.

"Very good! Oh my God very good" sigaw niya sa tuwa kaya ang bata naubo konti pero
super palakpak ng husto. "Are you okay?" tanong ni Onofre. "Swim" bigkas ng bata
kaya tumawa yung binata. Bumalik sila sa edge, alam na ni Nina ginagawa niya kaya
kumapit siya muna saka lumingon at pinanood yung binata lumayo.

"Wait wait baby" sabi ng binata saka bumalik inalis mga floaters ng bata. "Do not
worry baby I will not let anything bad happen to you. Okay, I know you can do this"
sabi ng binata saka lumayo ulit.

Ilang minuto lumipas tili ng tili si Nina habang tinuturan siya ng binata mag back
floating. "O nice Ninny ha, don't be afraid baby I am here" sabi ng binata. "Cundu"
bigkas ng bata. "Ah we go back now?" tanong ng binata. "Cundu Nof" sabi ni Nina
kaya binuhat na siya ng binata. "Okay rest first, okay?" lambing niya kaya umahon
na silang dalawa.

Bandang ala una nakarating sa condo sina Patricia at Dani. "Nof? Were home" sigaw
ni Patricia. "Hala ang kalat" sabi ni Dani. "Typical Nof don't worry, you should
see his room" sabi ni Patricia. "Nof? Ninny?" sigaw ni Dani pero walang sumasagot.

"Awwww" bigkas ni Patricia kaya lumapit si Dani at sumilip sa loob ng kwarto. Tulog
yung dalawa, si Ninny yakap yung braso ng binata habang napapalibutan sila ng mga
unan. "Knock out sila" sabi ni Dani. "Hayaan mo na, ihanda natin yung lunch muna
then we wake them up" sabi ni Patricia saka kinuhanan ng litrato yung dalawa.

"Send ko sa iyo mama, they just look so cute" sabi niya saka nauna nang lumabas.
Napangiti si Dani habang pinagmamasdan anak niyang mahimbing ang tulog habang yakap
yung braso ni Onofre. Lumabas narin siya pero muling lumingon saka may kakaibang
naramdaman.

Ilang minuto lumipas biglang lumabas ng kwarto si Onofre, "Is she awake?" tanong ni
Patricia. "Nope, nandito na pala kayo. Napagod si Ninny kakalangoy" sabi ng binata.
"Do you have photos?" tanong ni Dani. "Much better, we have videos. Transfer ko
muna sa laptop ni ate kasi Go Pro ni ate ginamit namin" sabi ng binata.

"Noooof" sigaw ni Nina kaya napalingon yung tatlo. "Gising na siya, I will go get
her" sabi ni Dani kaya dumiretso si Onofre sa salas. Pagkalabas ng kwarto sumugod
si Patricia. "Hello baby, how are you? Did you have fun?" tanong niya. "Ate inatake
mo ng tanong, isa isa lang kasi" reklamo ni Onofre kaya natawa si Dani.

"Memid Ninny" sigaw ng bata. "What?" tanong ni Patricia. "Mermaid, mermaid daw
siya" sabi ni Onofre. "Ah really? You are a mermaid?" tanong ni Dani. "Memid mama,
swim" sabi ni Nina. "Wait uploading ko na videos sa laptop" sabi ni Onofre.

"Mamaya na yan, kain na tayo" sabi ni Patricia. Habang kumakain tumayo si Onofre
saka kinuha yung laptop. "Sabi ko mamaya na diba?" sabi ng ate niya saka hinaplos
ulo niya pagkat nagtuloy si Onofre sa salas. "Tigas ulo niyan minsan" bulong ng
dalaga.

Pagbalik ng binata hinarap niya yung laptop. "Photos muna while eating" sabi niya.
"Close it" sabi ni Patricia, "Sige na Nof later nalang" lambing ni Dani kaya sinara
ng binata yung laptop. "Memid Nof" sabi ng bata. "Later Ninny, eat first" sabi ng
binata. "Eat" sabi ng bata kaya napangiti si Patricia at Dani.
"She listens to you" sabi ni Patricia. "Of course she does" sagot ng binata. "May
kakaibang powers si Nof pagdating kay Ninny" sabi ni Dani. "Ninny is Mermaid, Nof
is..." bigkas ng binata. "Chokoy" sigaw ng bata saka tumawa kaya laugh trip sina
Dani at Patricia.

"Swim again Ninny?" tanong ng binata. "No sick" sagot ng bata. "Ay wow!" sigaw ni
Dani sa tuwa. "Swim tomorrow?" tanong ni Onofre. "No sick" sagot ng bata. "If you
talk to her nicely she will understand at ganyan sagot niya kasi pagod. As in
napagod yan" sabi ng binata.

"Tired Ninny" sabi ni Onofre, biglang hinaplos ng bata noo niya saka napabuntong
hininga kaya grabe yung tawanan nina Dani at Patricia. "Ulit nga baby, pano yon?"
tanong ni Dani. "Ang taray non ha" sabi ni Patricia. "Tired whoooo" bigkas ng bata
saka umulit kaya bigla siyang niyakap ng nanay niya sa tuwa.

Nung matapos sila kumain agad sinindi ni Patricia yung laptop, sorry naiintriga na
ako e. Nof you do the dishes" sabi niya kaya tumayo yung binata at nagligpit ng
pinagkainan.

Unang video palang sigawan na sa tuwa sina Dani at Patricia kaya si Nina todo
palakpak. "Oh my God! Sumisid siya! Kaya niya?" tanong ni Dani. Biglang nagpigil
hininga si Nina kaya naaliw sobra si Patricia.

"Hala! Wala lumalangoy talaga siya. Oh my God" sigaw ni Dani. "Mimid Ninny" sigaw
ng bata. "Thank God for Go Pro" sabi ni Onofre mula sa kusina. "Hala anak, oh my
God, kumakaway pa siya o under water. Hala" sigaw ni Dani saka naluha bigla sa
tuwa. "No floaters pa" sabi ni Patricia. "Nof kaya niya ba talaga?" tanong ni Dani.

"Yup, ano sa tingin mo diyan na edit? Sya talaga yan. Pero syempre short distances
muna. Now you know why she got really tired" sagot ng binata. "E bakit si Karlo di
mo maturuan lumangoy?" tanong ni Patricia.

"Duwag yon, tapos ang arte ni ate Oli. Grabe ten minutes lang sa tubig tama na?
Pano matututo. At duwag si Kaloy, di tulad ni Ninny na matapang" sabi ni Onofre.
"Sabay I noticed that too, Kaloy is medyo shy type at takot nga sa madaming bagay"
sabi ni Patricia.

"Float" sabi ni Nina saka turo sa laptop. "Wow, baby is floating o" sabi ni Dani.
Kitang kita na takot yung bata pero napatigil sina Dani at Patricia pagkat
naririnig nila yung mga sinasabi ng binata sa bata. "Never be afraid Ninny ha, I
will always be here. Always so never be afraid...relax baby I got you" dinig na
sinabi ng binata video.

"We ask for a copy baby so we can show to lolo and lola" sabi ni Dani saka nagpunas
ng luha. "Wait may spare flash drive ako don, kunin ko lang" sabi ni Patricia.

Bandang alas tres ng hapon nagulat si Patricia pagkat may kumakatok sa unit niya.
Pagbukas nya ng pintuan nakita niya si Onofre ka karaga si Nina na umiiyak. "Hala
what happened?" tanong ng dalaga. "Cundu!" sigaw ng bata saka inabot mga kamay niya
sa dalaga.

Binuhat ni Patricia yung bata, si Nina tumigil sa pag iyak saka ngumiti. "Hala"
sabi ni Dani. "Ayaw niya umuwi" sabi ni Onofre. "You want to stay with me here?"
tanong ni Patricia. "Cundu" bigkas ni Nina kaya nagtawanan yung tatlo.

Bumaba si Nina saka hinila si Onofre, "Dirty Ninny Nof" bigkas niya. "Ahhhh loko ka
ah. Gusto niya mag bath tub" sabi ng binata. "Bakit pinaliguan mo siya kanina?"
tanong ni Patricia.

"Yes, I had too kasi galing kami pool. Nag tub bath siya" sabi ng binata. "Kaya
naman pala, may tub sa bahay pero sa room lang nina mama yon and she has never been
inside the bathroom there" sabi ni Dani.

"You want to sleep here Ninny?" tanong ni Patricia. "Hala ate" bigkas ni Dani.
"Okay lang naman, you two can take the room of Nof tapos si Nof sa sofa" sabi ni
Patricia. "Noooofff dirty Ninny" sigaw ng bata kaya napakamot yung binata sa ulo.

"You go with mama" sabi ng binata. "Noooooo" sigaw ng bata saka nagdabog. "Dirty
Ninny" sigaw niya saka nagtatanggal na ng shirt. "Hahahaha okay okay, lets go" sabi
ng binata. "Baka sumisid yan" sabi ni Dani. "Hindi, like I said you talk to her and
explain things"

"Ulit ulitin mo lang tapos magtyaga ka lang konti and she will get it" sabi ng
binata. Ilang minuto lumipas sa loob ng banyo tuwang tuwa si Nina sa kanyang bubble
bath. "Ninny last ten minutes ha" sabi ni Onofre na nakaluhod at nakikipaglaro sa
bata.

Sa may salas aburido si Dani, "Come on call your parents and tell them you are
sleeping over. You can take the room of Onofre tapos dito nalang siya" sabi ni
Patricia. "Nakakahiya naman ate" sabi ni Dani. "Anong nakakahiya? Ikatutuwa ko pa
nandito kayo. Sige na tapos mag iisip na ako ng lulutuin or better yet we send Nof
to buy food kasi may masarap na restaurant diyan" sabi ni Patricia.

After dinner karga ni Nof si Nina habang pinagmamasdan nila yung mga building. "So
many lights, nice no" sabi ng binata. "Inaantok na siya" sabi ni Dani na lumapit at
humaplos konti sa likod ng binata. "Sleep Ninny?" lambing ng binata pero di na
sumagot yung bata at humarap nalang sa kanya ito saka yumakap.

"Come baby, bed na" sabi ni Dani. "Noooo" bigkas ni Nina saka yumakap ng mahigpit.
"Its okay, I got her" sabi ni Onofre. "Grabe super English speaking ate mo, may
kausap ata siyang client" sabi ni Dani. "Oo grabe yan, they call up anytime as in
anytime. Ayaw niya sabihin sa akin ano new position niya e pero she does get calls
anytime and lahat sila foreigner" sabi ni Onofre.

"Nof thank you" sabi ni Dani. "For what?" tanong ng binata. "Ninny had a really
good time today" sabi ng dalaga. "Wala yon no, pati naman ako nag enjoy. Ang
problemahin mo pano uuwi hahaha" sabi ng binata. "Yun na nga e, pero ang ganda
talaga dito pag gabi" sabi ni Dani.

"Yeah, bright lights pero astig din dito pag bumabagyo ha. Makikita mo talaga yung
bad weather lalo na pag maliwanag" sabi ni Onofre. "Akin na si Ninny" sabi ng
dalaga. "No its okay, sige na go to bed, dalhin ko siya don later" sabi ng binata.

"Di pa ako inaantok" sabi ng dalaga. "Tara upo tayo" sabi ng binata kaya upo sila
sa sofa. "Dami nanaman niya natutunan ngayon" sabi ni Dani. "Matalinong bata ito,
inggit ako" sabi ni Onofre kaya bungisngisan sila. "Mahirap din pag lagi mo siya
iniispoil" sabi ni Dani.

"Why?" tanong ng binata. "Nasasanay siya e, mahirap pag masanay siya. Eventually
you will have no time for us. Syempre you have Shirley" sabi ng dalaga. "Ang kulit
mo talaga, I made a promise that I will always be here for you two. Always, promise
yon at di ko babaliin yon. Kung gusto mo permanent sagutin mo ako" banat ni Onofre.

Natawa si Dani at kinurot ang binata sa braso. "Loko loko ka" sabi ng dalaga. "Why
don't you like me?" landi ng binata. "Hahaha tumigil ka nga Nof" sabi ni Dani na
nakikiliti na. "You don't? Awww sad naman" sabi ng binata.

"Gagi, of course I do" sabi ni Dani saka dahan dahan napalunok. "O sagutin mo na
ako" landi ng binata. "Baliw, manligaw ka" sabi ng dalaga kaya tinignan siya ni
Onofre. Di nakatiis si Dani kaya natawa siya at tinadtad ng kurot ang binata.

"Hoy nagbibiruan lang tayo ah. Grabe ka, one day you will have a Ninny of your own
with Shirley" sabi ni Dani. "May Ninny na ako, tulog siya" sabi ni Onofre kaya
napangiti si Dani. "Nof, wag mo siya masyado ispoil" bulong ng dalaga.

"Wag kang makikialam okay? I know what I am doing. Ikaw ang kulit mo, will you
relax. I am not going anywhere naman. Ninny will always have me, pag kailangan niya
ako nandon ako, pati sa iyo tandaan mo yan"

"Ewan ko bakit mo ginagawang big deal kasi. Buti pa si Ninny she understands when I
tell her I am here she becomes brave. Ikaw kahit ilang beses ko ulitin takot ka.
Matuto ka nga kay Ninny for a change, she may not understand what I am saying but
she can feel what I am trying to tell her"

"Be the same, feel what I am telling you. Di lang ito bukang bibig, gagawin ko
talaga. Look at Ninny, wala siya takot kasi alam niya nandon ako kanina sa pool.
Maging ganon ka dn kasi. Life is the biggest swimming pool, anytime pwede ka
malunod"

"Be like Ninny, magtiwala ka din kasi sa akin" sabi ng binata. Dahan dahan sumandal
si Dani sa binata saka naglakas loob na yumakap. "Okay" bulong niya. "Ayan, just
chill Dani" sabi ng binata.

"Buhay ay parang swimming pool huh" biro ni Dani. "May sense ba? Hahaha basta wala
ako maisip e. Basta tiwala lang" sabi ng binata. "Okay, pero Ninny is very happy"
sabi ng dalaga.

"E yung nanay happy din ba?" tanong ni Onofre. "If Ninny is happy I am happy" sabi
ni Dani. "Nakakatawa ang buhay ano? Dati ang selfish natin, yung happiness lang
natin ang importante pero it changes"

"The happiness of others become our happiness too" sabi ni Onofre. "You talking
about Shirley?" tanong ni Dani. "Engot ka din talaga, kayo ni Ninny. Kung happy
kayo happy din ako. Matulog ka na nga, tara na ihatid ko na kayo, inaantok ka na e"
sabi ng binata kaya sumunod ang dalaga na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

"Turn off the lights?" tanong ng binata. "Wag sana" sabi ni Dani. "May lampshade
duh, off ko to para okay pero on mo yang lampshade" sabi ng binata. Pagkasindi ng
lampshade pinatay na ni Onofre yung ilaw sa kwarto. "Good night Nof" sabi ng
dalaga.

"Good night Dani. Good night Ninny" sagot ng binata. Bago magsara yung pintuan, "I
love.." bigkas ni Dani pero di niya ito tinuloy. "Love you both" narinig niya mula
sa binata saka nagsara na yung pintuan.

Kinagat ni Dani yung kumot na manipis saka napasipa kaya gumalaw bigla si Nina.
Nanigas si Dani saka tinignan anak niya, "Sorry baby...eeehhh" bulong niya saka
kagat ulit sa kumot sa kilig.

=================

Chapter 51: Turning Point

Chapter 51: Turning Point

"Ang cute ng photo niyo ni Ninny na naka bathrobe kayo" sabi ni Veronica sabay
higop sa kape niya. "Ay kasi araw araw kami nag afternoon bath together sa tub.
That is why dapat maaga ako uuwi today" sabi ni Dani.

"Pagdating ko excited na yan, tapos we stay in the tub for thirty minutes. Ang
sarap ng bonding namin sis at the same time nakaka relax ako. Of course she learned
to love tub baths from Nof" dagdag niya.

"Pero yung swimming video niya ha, grabe ang cute niya under water" sabi ni
Veronica. "As usual wala ulit ako don. Tinalo pa ako ng anak ko sa paglalangoy"
sabi ni Dani. "O bakit parang malungkot ka or something is bothering you" sabi ni
Veronica.
"Kasi di ko alam saan ako lulugar talaga e. Di umaamin si Shirley if sila na, si
Nof wala din kibo pag nagtatanong ako. I need to know" sabi ni Dani. "You don't
need to know, basta dumistansya ka nalang. Sabi mo last time Shirley is afraid that
she will be judged na nagka boyfriend agad siya"

"So maybe si Nof nirerespeto niya yon so tahimik din siya" sabi ni Veronica.
"Kaibigan ba kita? Sana sinabi mo na hindi sila" sabi ni Dani. "O pano kung hindi
sila? Liligawan mo si Nof?" biro ng kaibigan niya kaya nagtawanan sila.

"If hindi sila then I can speak freely. Maglalakas loob narin ako magsabi sa kanya"
sabi ni Dani. "Ano sasabihin mo?" tanong ni Veronica. "Na masarap yung cheesecake
na dinala niya nung isang araw" banat ni Dani kaya laugh trip ulit sila.

"Sis what if sila?" tanong ni Veronica kaya napabuntong hininga si Dani. "Di ko nga
alam e" bulong niya. "Ang labo mo talaga, isipin mo din pano na pag sila nga
talaga?" hirit ng kaibigan niya.

"Maiipit ako" sabi ni Dani. "Speaking of the devil, si Nof o" sabi ni Veronica.
"Tumigil ka nga, oo na I like him. You don't need to test me. Lilingon at lilingon
ako pag binanggit mo name niya" sabi ng dalaga.

"Pangalan nino?" tanong ni Onofre kaya naya nanlaki ang mga mata ni Dani habang si
Veronica super ngisi. Dahan dahan lumingon si Dani, sakto naman yumuko si Onofre
saka tinuka ang dalaga sa pisngi. "Sabi ko na kotse mo yon e. Pauwi na ako pero
sabi ko kotse mo yon" sabi ng binata saka hinila yung isang upuan saka naupo sa
tabi ng dalaga.

"Hi Veron" bati ni Onofre saka inabot kamay niya. Nakipagkamayan naman si Veronica,
si Dani nanigas nang tinignan siya ng binata. "Matagal pa ba kayo dito? If yes
oorder ako" sabi ni Onofre. "Ah..one hour pa siguro kasi I have to go home for
Ninny" sagot ng dalaga.

"Okay wait lang" sabi ng binata saka umalis. "May kiss talaga" landi ni Veronica
kaya nagtakip ng bibig si Dani. "Gaga greeting lang yon" sabi niya. "Greeting,
tapos sa akin shake hands lang?" hirit ni Veronica kaya kinilig si Dani.

"E kasi nga close na kami, if he does it to you baka mabastos ka or baka iba isipin
mo" sabi niya. "O baka patayin mo ako ano? Mabait siyang kaibigan kasi alam niya if
he kisses me you will kill me" banat ni Veronica kaya laugh trip sila.

Todo ayos sa sarili si Dani nang makita na pabalik na yung binata. Pagkaupo ni
Onofre sumandal ito konti kay Dani saka humigop sa baso niya. "Napapalagi ata niyo
dito ah, bakit may pinopormahan ba kayo?" tanong ni Onofre. "Wala no, bonding lang
naman" sabi ni Dani. "Veronica kanino ka nagpapacute dito?" tanong ng binata.

"Hahaha wala baliw" sagot ng dalaga. "Si Dani ano? Sino dito? Turo mo" sabi ni
Onofre. Pilyang Veronica tinuro ang binata kaya nagulat si Dani at nasipa ang
kaibigan niya. Di nagets ni Onofre kaya lumingon siya at may nakitang binata sa
table sa likuran nila.
"Oh mukhang lagi sa gym yon ah" sabi ni Onofre na pabiro na nagpalaki ng katawan
kaya natawa si Dani. "So maskulado pala ang taste mo, ngayon ko lang alam yon ah"
sabi ng binata saka pabirong nagflex kaya laugh trip yung dalawang dalaga.

"Bakit ka nag gaganyan? Insecure ka Nof?" pacute ni Veronica kaya nanlaki ang mga
mata ni Dani. "Di naman, kasi I promised her na lahat ng suitors dadaan sa akin,
ang laki pala nung type niya so dapat naman e palaki din ako para alam nila na may
makakabangga sila pag nagloko sila" sabi ng binata.

"Di ko type yon, nagbibiro lang yang babae na yan" sabi ni Dani. "Di naman yun ang
tinuturo ko kasi e" hirit ni Veronica kaya nasipa ulit siya si Dani. "E siya lang
naman yung gwapo sa kabilang table ah" sabi ni Onofre na muling lumingon.

"Ikaw yung tinuturo niya" sabi ni Dani kaya si Veronica na yung nagulat. "Ako?"
tanong ni Onofre. "Oo ikaw" sabi ni Veronica. "Uy Veron sorry ha pero taken na ako"
sabi ng binata kaya labis na nalungkot si Dani. Biglang inakbayan ng binata si
Dani, "Iba nalang Veron, ayaw ko kayo mag away ni Dani" sabi ng binata kaya natili
si Veronica habang si Dani natawa ng malakas.

"Ay kayo ba?" tanong ni Veronica. "Shhh secret lang, ayaw namin ipagsabi" banat ni
Onofre kaya di makapigil sa katatawa si Dani pagkat kiliting kiliti siya sa akbay
ng binata sa kanya. "Akala ko ba kayo ni Shirley?" tanong ni Veronica kaya
napatigil si Dani at tinignan yung binata. "Kami ni Shirley? Sino nagsabi? Uy wag
ka naman nagkakalat ng wrong info baka awayin ako ng babe ko" sabi ng binata saka
hinalikan sa pisngi si Dani.

Natili si Veronica, si Dani muling natawa at palambing na pinagsisiko yung binata.


"Joke lang" biglang sabi ni Onofre kaya muling nalungkot si Dani. "I know kasi if
ever kayo ako una makakaalam" sabi ni Veronica. "Katuwaan lang pero mahal ko yang
babae na yan" sabi ni Onofre saka uminom.

Si Veronica naman ang napasipa habang si Dani parang sasabog sa kilig. "Mahal mo
siya?" landi ni Veronica. "Yup, sila ni Ninny. Wala si Ninny so sa kanya pupunta
lahat ng pagmamahal ko at atensyon" lambing ng binata sabay akbay ulit kay Dani.

"Yiheeee, hoy Nof baka magalit si Shirley sa pinag gagawa mo ha" sabi ni Veronica.
"Ano nanamang issue yan? Porke lagi kami magkasama e kami na ba agad? Porke super
close kami ni Shirley kami na agad? Bakit di ka magduda sa amin ni Dani?"

"Lagi kami magkasama, close kami and we even kissed...wait she kissed me pala" sabi
ni Onofre kaya napahiyaw si Dani at nakurot ang binata. "O kaya kami ni Ton lagi
kami magkasama lately, bakit wala ako naririnig na issue about us?" hirit ng
binata.

"Pero Nof nililigawan mo si Shirley" sabi ni Veronica. "That is true, ahhhh I get
it. Hey look I am not an a-hole. I talked to Shirley and told them about Dani and
Ninny. Di naman ako manhid, if nasense ko there is something with me being with
Dani and Ninny then..." sabi ng binata kaya nalungkot si Dani.
"Then me and Shirley are going to have a serious talk. So far so good naman, we are
taking out time getting to know each other. Wala man ako alam sa relationships pero
di naman ako manhid at tanga" sabi ng binata.

"Ah, so if ever sabi ni Shirley na she does not like you being around Dani and
Ninny e lalayo ka na" sabi ni Veronica. "Huh, bakit ko gagawin yon? Ang alam ko
kasi relationships are founded on trust, if she cannot trust me with Dani and Ninny
then ano pa sa ibang bagay?"

"Diba? Dalawa ate ko, alam ko ano dapat iwasan at dapat hindi gawin. Pero kahit na
ganon di parin ako perpekto, I still screw up. What me, Dani and Ninny has is
special, if ever she asked me to let go of them then kahit na patay na patay ako sa
kanya e siya nalang bibitawan ko"

"Yung paghingi na bitawan ko sina Dani at Ninny, that is the biggest sign of no
trust at all. Well tignan mo naman si Dani kasi, automatic naman ata na kahit sino
namang girlfriend e magseselos. Diba? Tignan mo nga siya, sure ball automatic selos
aabutin mo" sabi ni Onofre kaya super ngiti si Dani na namula bigla.

"Pero Shirley understands, yan ang gusto ko sa kanya may tiwala siya sa akin. But
when the time comes she asks me to let go of Ninny and Dani, mas pipiliin ko sila.
Kaya sana wag umabot don" sabi ni Onofre kaya super ngiti si Veronica.

Kinagabihan kausap ni Veronica si Dani sa Skype, "So hindi pa sila" sabi ni


Veronica. "Oo nga e, grabe napiga mo siya kanina ah" sabi ni Dani. "You are
welcome, so ano now that you know hindi pa sila ano plano mo?" tanong ni Veronica.

"Di ko nga alam e, I feel happy knowing he will always be there for us pero
honestly kulang. Gusto ko maging selfish" sabi ni Dani. "You really like him" sabi
ng kaibigan niya. "I do, pero parang masyado naman ako selfish na ata"

"You heard what he said patay na patay siya kay Shirley. I need to respect that. I
should be happy that nandito siya para sa amin kahit ano mangyari. I need to learn
to accept that at iset aside ko muna selfishness ko" sabi ni Dani.

"For his happiness ganon?" tanong ni Veronica. "Oo, narinig mo naman sinabi niya e
at parang siya din lang masasaktan when it comes to a point na mamimili siya. Patay
na patay siya kay Shirley e" sabi ni Dani. "Gaga, yang letting go for his or her
happiness kalokohan yan"

"Di na uso ang mga martyr ngayon. Mga konting inarte sa huli malaking pagsisisi.
You have to be bold and take what you want, at least try. If you fail lesson
learned, move on. Do something and don't just sit there and let go"

"Ganyang ang buhay ngayon sis. Ang panaginip ay panaginip lang, hanggang doon lang
siya kahit samahan mo ng unli pagdadasal. Pero pag kumilos ka then yung panaginip
na yon tataaas ang tsansa na magkatotoo"
"Dreams will remain inside your head unless you start acting. Always remember that"
sabi ni Veronica. "Wow, sino ka ulit? Ano ginawa mo sa bestfriend ko?" biro ni
Dani. "Hahaha nabasa ko lang yon somewhere" sabi ng dalaga.

"Pero sis parang gusto mo naman ako maging bad person" sabi ni Dani. "Lahat naman
tayo in one way or the other naging bad person na sa ibang tao. Look, pag may gusto
tayo abutin natin, yes iwasan may matapakan na iba pero not all the time aware tayo
na meron tayo natatapakan or nadadaanan"

"Yes bad person tayo sa ibang tao. Pero pag tayo din naman pag may gusto tayo tapos
may humadlang sa atin, sila din bad person sa atin. Pero in reality we don't take
the time to learn the real story. Do we really take the time to ask bakit nila
ginawa yon?"

"If we only took time then...say for example, nagmamadali tayo for the last showing
of a movie, as in last na last na. Tapos along the way syempre nagdrive ka then all
of a sudden meron tong isang car na bumangga sa isang car tapos chain reactions"

"Galit tayo agad kasi may hinahabol tayo, we start ranting, cursing, then start
blaming them. E what if that person was in a hurry, nakarating balita na tinakbo
relative or loved one sa hospital, syempre tuliro at wala sa sarili. Diba? Can we
blame them?"

"Pero syempre we will never know that anymore kasi galit tayo e" sabi ni Veronica.
"Pero iba naman yon sis, iba naman yung pinag uusapan natin talaga" sabi ni Dani.
"Pareho lang yan, someone will always end up being the bad person. As long as we
have freedom, someone will always end up being that person" sabi ni Veronica.

"Ang hirap sis" sabi ni Dani. "Ikaw choice mo yan, let him go and be contented as
being a bestfriend or be selfish. Di naman sa kinukunsinti kita, I am not saying na
landiin mo siya para mapa sa iyo"

"Show him that there is another option. There is another choice. Make him feel
that. You still can do that kasi di pa sila. Pag sila na ibang usapan na talaga
yan" sabi ni Veronica kaya napabuntong hininga si Dani.

"Sis magmumukha akong masama. Madami sila masasabi. I don't want Ninny to grow up
having to suffer for that" sabi ni Dani. "Ah basta ako I did my part, if happy ka
na being a bestfriend to him then enjoy whatever you have"

"If you want more, do something already" sabi ni Veronica. "Sige na sis goodnight
na" sabi ni Dani. "Alright goodnight, kiss Ninny for me" sabi ni Veronica. "Thanks
for the time" sabi ni Dani saka pinatay na yung tawag.

Bago niya patayin laptop niya sumulpot isang pop up screen. "Oy bakit gising ka
pa?" sabi sa mensahe. Bago makasagot si Dani tumawag na si Onofre. Sinagot ng
dalaga yung video call saka ngumiti nang makita yung binata na kandong si Karlo.
"Hello Kaloy" sabi ni Dani.

"Why are you still awake?" tanong ni Onofre. "Nag usap kami ni Veron" sagot ng
dalaga. "Ha? Magkasama na nga kayo kanina ah" sabi ng binata. "Wala lang" sabi ni
Dani. "Oy baboy ka na Kaloy, sabi ko isa...tsk fine one more then enough ha" sabi
ni Onofre.

"Ikaw nag aalaga?" tanong ni Dani. "Nagrereview si ate e, nagising pa kasi tapos
nagutom. Matulog ka na" sabi ng binata. "Mamaya" sabi ni Dani. "Bakit mamaya e
maaga ka bukas" sabi ng binata. "Mamaya pa nga" sabi ng dalaga.

"Tita" bigkas ni Karlo saka tinuro yung dalaga. "Ngayon mo lang napansin? Ang baboy
mo na kasi e" sabi ni Onofre. "Hello Kaloy, sorry bubulong ako kasi baka magising
si Ninny" sabi ni Dani. "Umaabuso ka na Kaloy ha, pano ako? Magtira ka naman piggy
ka na talaga" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani.

"Nakita mo yon ang laki ng kagat niya. Madamot tong piggy Kaloy na ito, buti pa si
Ninny nagtitira para sa akin e" reklamo ng binata. "Byu" bigkas ni Kaloy saka nag
flying kiss. "Wow, love you too Kaloy" sabi ni Dani kaya bungisngis yung bata.

"Dani late na, matulog ka na" sabi ni Onofre. "O bakit ikaw maaga ka din bukas ah"
sagot ng dalaga. "Oo pero sanay na ako no. Get some rest" sabi ng binata. "Mamaya
na sabay na tayo" sabi ni Dani.

"Fine" sabi ng binata. "Nof naisip ko, after grad ko tuloy ko ata Masteral" sabi ng
dalaga. "So postpone kasal natin ganon?" biro ng binata kaya natawa yung dalaga.
"Oo postpone muna natin, pero pwede naman bago ako mag masters" sabi ni Dani na
nakikiliti.

"Up to you, so delayed din honeymoon natin pag ganon" hirit ni Onofre kaya laugh
trip na si Dani. "Nof, you are being naughty now" sabi niya. "Sorry" sabi ng binata
saka bigla siyang nasampal ni Karlo. "Bad" bigkas ng bata kaya natawa si Dani ng
husto. "Anong bad? Parang alam mo naman pinag uusapan namin. Bad ka diyan" reklamo
ng binata.

"Baka kasi he heard you say sorry" sabi ng dalaga. "Ay baka nga, pero loko to ah.
Nanampal ka, hoy Kaloy umayos ayos ka ha. Lalake ka. Suntok baka natanggap ko pa
pero sampal? Are you kidding me so ano gusto mo name ngayon Kilay? Kikay?" daldal
ni Onofre kaya laugh trip ulit si Dani.

"Ganyan ka pala with him" sabi ng dalaga. "Di naman, mahal ko din ito no. Ay show
tita mister pogi, sige na Kaloy" sabi ng binata kaya nag mister pogi pose naman
yung bata. "Ay wow naman, pogi Kaloy" sabi ni Dani. "Show tita gold, sige na show
tita gold" sabi ng binata.

Biglang nangulangot yung bata kaya halos masiraan ng bait si Dani. "Loko ka bakit
mo ituturo yan sa kanya?" tanong ng dalaga. "Ay loko ka wag mo ipapahid sa akin"
sigaw ni Onofre saka tumawa yung bata. "Hahaha ayan kasi" sabi ni Dani.
"May kulangot talaga siya, kadiri kang bata ka. Wag mo ipupunas sa akin. Ipunas mo
sa mommy mo" sabi ni Onofre. "Hahaha ang sama mo" sabi ni Dani. "Hehe, si ate kasi
maarte yon. Bonding nila actually, mangungulangot si Kaloy tapos hahabulin niya si
ate" sabi ni Onofre.

"Babe get some sleep" sabi ni Onofre kaya napatigil si Dani. "Later" bulong niya.
"Sige na, sabayan mo si Ninny" sabi ng binata. "Nof ano yung nakikita ko diyan,
yung malapit sa bed mo ata" sabi ng dalaga.

"Ah yung rose, oo nga nakalimutan ko ibigay sa iyo kanina" sabi ng binata. "For
me?" tanong ni Dani. "Oo sa iyo, nakalimutan ko talaga kasi ang kulit niyo ni
Veron. Saka ko na ibigay" sabi ng binata. "Pero may tatlo na ako dito ah" sabi ng
dalaga.

"Lima dapat para may very much. To naman o" sabi ni Onofre kaya super ngiti ang
dalaga. "Totoo ba yan?" landi niya. "Syempre hindi" sabi ng binata saka tumayo kaya
nalungkot si Dani. "Tinanong pa kung totoo, ayan o same as the others. Pero ibang
kulay naman. Pinatuyo din siya o" sabi ng binata kaya nagpigil ng tawa ang dalaga
pero labis na kinilig.

"So lima ganon?" tanong ni Dani. "Yup, ako yung pang anim sealed with a kiss" banat
ni Onofre kaya natili yung dalaga saka nagtakip ng bibig ulit. "Loko loko ka
talaga" sabi niya. "Di ako nagbibiro Dani, antayin mo lang huh" sabi ni Onofre.
"Sige na goodnight na. Goodnight Kaloy" sabi ng dalaga. "Wow, pano ako?" tanong ni
Onofre. "Goodnight Nof" sabi ng dalaga palambing. "Yun lang? Wala nang iba?" biro
ng binata.

"Ano pa gusto mo? I love you ganon?" tanong ng dalaga. "Joke lang, sleep well Dani"
sabi ng binata. "You too Nof.." bulong ng dalaga. "Psst" bigkas ng binata. "Ano?"
tanong ng dalaga. Dinikit ng binata dalawang daliri niya sa kanyang labi saka
dinikit ito sa screen.

Super ngiti si Dani, gusto niyang gumaya pero nagpigil siya. "What the heck" bulong
niya saka dinikit dalawang daliri niya sa kanyang labi saka dinikit din ang mga ito
sa screen. "Goodnight" sabi ni Onofre with matching smile kaya ang dalaga napangiti
din ng husto. 

=================

Chapter 52: Mortal

Chapter 52: Mortal

"Hoy Boolbs saan mo ninakaw tong kotse na ito?" tanong ni Shirley. "This is mine"
sagot ng binata saka tumingin sa rear view mirror. "Kukuha ka sasakyan compact pa
ang laki laki mong tao ka. Nof ilibre mo nga yan ng common sense" banat ng dalaga
kaya natawa si Onofre.

"Grabe kayong dalawa, sana naman naupo ka dito sa harapan Nof" sabi ni Bernard.
"Balak mo pa siya ahasin sa akin? My God Boolbs" banat ni Shirley kaya inuga nalang
ni Bernard ulo niya. "Sino ba kasi nakaisip ng reunion na ito?" tanong ni Shirley.

"Anak ni teacher Glenda kasi she is dying daw" sabi ni Bernard. "What? Gago ka wag
kang nagbibiro ng ganyan favorite teacher natin lahat yon" sabi ni Shirley. "No
joke, favorite batch niya daw tayo so her son Gerry tried to contact all of us.
Kasi lagi daw tayo ang kwento niya up to when she retired" sabi ni Bernard.

"Ano sakit niya?" anong ni Shirley. "Breast CA" sagot ni Bernard. "Oh my God
medical terms di na ako makakasabay" sabi ni Onofre. Niyakap ni Shirley yung braso
ng binata, "CA is cancer" lambing niya. "Oh pero diba pag ganon e aalisin lang
kasi yung asawa ng boss ng daddy ko ganon at nakasurvive naman" sabi ni Onofre.

"Yes but not for all. Kumalat na daw e" sabi ni Bernard. "Hala kawawa naman" sabi
ni Shirley. "Pero no one must talk about it. Gerry said lets all be happy kasi ayaw
niya ipaalam daw she is dying" sabi ni Bernard. "How the hell are we going to that
now? Alam ko na e, eeesh sana di mo sinabi"

"Nof kailangan talaga nito ng common sense" sigaw ni Shirley. "E ikaw!" sigaw ni
Bernard. "Ano pare?" tanong ni Onofre kaya umatras yung binata. "Hahahahaha bleh,
ano may sasabihin ka ba?" landi ni Shirley. "Madaya ka! Pano ako babawi ng maayos?
So one sided na ngayon ang laban, this is unfair" sabi ni Bernard.

"Pre, ayos lang bumawi basta sa maayos na paraan. Pasensya ka na kasi if she gets
offended I too get offended. Patas naman ako so piliin mo nalang pang bawi mo" sabi
ni Onofre. "Mwahahahahaha, o ano Boolbs may angal ka?" landi ni Shirley.

"Wala po" sagot ni Bernard kaya laugh trip yung dalaga. "Boolbs, okay din pala tong
kotse mo e, comfortable naman kahit compact" sabi ni Onofre. "Walang common sense,
kung babae like me pwede pa pero look at you two. Ang lalaki niyong karne. Feeling
ko nakikiuso lang tong si Boolbs e"

"Compact na hatchback, so ano balak mo mag asawa ng dwende ganon?" banat ni


Shirley. "Hey baka kulang sa budget, ano ka ba?" lambing ni Onofre. "Kulang sa
budget? Nof ang mahal kaya ng ganito. Obviously its new pa o, o ano Boolbs tama ba
ako?" tanong ng dalaga.

"Yeah" sabi ni Bernard. "2016 model ito kaya, tapos matic pa siya and look the
interior is really nice. Grabe Boolbs wala ka common sense, sana nagpatulong ka kay
Nof to get a second hand na maganda. Kahit 2015 or 2014 na SUV sana which is either
the same price as this or cheaper. O di sana mas komportable ka. Hay naku Boolbs"
sabi ni Shirley.

"Paki mo, basta meron" sabat ni Bernard. "Just saying, pero wala na. Nabili na e"
sabi ni Shirley. "Okay naman ah, very sporty nga e. Tipid ito sa gas diba?" sabi ni
Onofre. "Exactly" sabi ni Bernard. "Tipid ba?" tanong ni Shirley. "Grabe ka alam mo
yung presyo pero di mo alam full specs?" tanong ni Onofre.

"Aha! Nagbabalak ka din bumili!" sigaw ni Bernard. "Hindi" sigaw ni Shirley.


"Nagbabalak ka ba Shirls?" tanong ni Onofre. "Nagtitingin lang just in case my dad
asks me if I wanna get one" pacute ng dalaga. "Hahaha akala ko ba sharing kayo sa
current cars niyo?" tanong ng binata. "E kasi I heard them talking na ibenta yung
isang luma tapos kukuha ng mas bago. Di naman ako nag eexpect pero if ever that is
the case and they ask me what I want or if may suggestion ako e may mashare din ako
sana" sabi ng dalaga.

"Typical miss Shooli, lahat planado ahead of time. Ready sa lahat ng what ifs" sabi
ni Bernard. "Tanga! Kung ready ako e di sana naforesee ko na pagtataksilan ako!
Eeesh tanga!" sigaw ni Shirley kaya natameme si Bernard at Onofre.

Pagdating sa isang hardin ng isang bahay medyo out of place si Onofre pagkat kasama
ni Shirley yung mga dati niyang mga kaklaseng babae habang si Bernard naman kasama
yung mga lalake.

Tumabi si Bernard kay Onofre, sabay nila tinignan si Shirley, "Pre sorry pala if I
call you Boolbs. Baka pagalitan niya ako pag hindi e, delikado na" sabi ni Onofre.
"Wala yon, pero gago ka kunwari ka pang walang alam e sinamahan mo kami bumili nung
kotse" sabi ni Bernard kaya bungisngis si Onofre.

"Dude naman, yung cover natin baka mabuking tayo" sabi niya. "Do not underestimate
her, she knows a lot. Maniwala ka sa akin tahimik yan pero madami yan alam so be
careful. Its better if you be honest with her or else you might get into deep
trouble" sabi ni Bernard.

"Magagalit kaya yan pag nalaman niya naghuhustle tayo sa mga bilyaran?" tanong ni
Onofre. "Ewan ko pero subukan mo umamin" banat ni Bernard. "No thanks, pero
nagtanong ba parents mo where did you get the money for the downpayment?" tanong ni
Onofre.

"I just said I joined a contest and we won tapos yun ang share ko. Buti they didn't
ask anymore kasi sa dami ng sinalihan ko kasi lagi panalo" sabi ni Bernard.
"Mayabang ka din e ano?" banat ni Onofre kaya napakamot si Bernard. "Nagtanong ka
e, sumagot lang naman ako" sagot ng binata. "Walanghiya ka robot ka, isipin mo din
kasi muna sasabihin mo minsan. Tignan mo kanina na offend mo siya" sabi ni Onofre.

Nakita nila si Shirley na umiiyak katulad ng ibang mga babae na nandon habang
kausap nila yung dati nilang guro. "Favorite ni teacher si Shooli" sabi ni Bernard.
"Bakit? Matalino ba kasi sobra?" tanong ni Onofre. "No, kasi she got so depressed
when she lost her mom. Si teacher yung parang second mom"

"Yung school kasi namin noon laging involved ang parents. Madami activities with
parents and Shooli was kinda...you know seeing us with both of our parents. Bata pa
kami noon so non stop yung asaran namin. Narealize ko nalang mali ko nung high
school na kami"
"I realized how insensitive I was. Pero lalo din ako bumilib sa kanya kasi kahit na
ganon nangyari sa kanila e she still strived hard. Robot yan e, very competitive,
ang hirap niya sabayan minsan" sabi ni Bernard.

"Aminin ko ang hirap niya basahin nung umpisa. Nalilito ako sa lahat ng kilos at
mga sinasabi niya" sabi ni Onofre. "She is tough, oy tara don tinuturo tayo ni
teacher" sabi ni Bernard. "Sige ikaw nalang, di naman niya ako kilala e" sagot ni
Onofre. "Lika na" sabi ni Bernard saka pinilit na sumama yung binata.

"Teacher why are you crying? Did Shooli punch you?" biro ni Bernard kaya natawa
konti yung matandang guro na luhaan. "You still have curly hair" sabi ng matanda
saka hinawakan kamay ni Bernard. "Teacher this is his boyfriend" banat ni Shirley
kaya laugh trip yung mga kaklase niya.

Parang gulat yung guro kaya napakamot si Bernard, "No teacher, this is the
boyfriend of Shirley" pakilala niya. "Really? Shirley why did you not introduce him
earlier?" tanong ng guro. "Hello po, my name is Onofre" pakilala ng binata.
Hinawakan ng matanda yung kamay ng binata saka hinila ito.

"Magkano binayad niya sa iyo?" tanong ng guro kaya laugh trip bigla ang lahat.
"Bwahahahahaha nice one teacher" saib ni Bernard. "Hala si teacher o, look at me I
am so pretty now, I deserve a handsome boyfriend like him" banat ni Shirley kaya
napangiti yung guro.

"Hindi ikaw ang pinakamaganda, si Lovlynn parin ang pinakamaganda pero lahat kayo
Diyos ko you have grown up into pretty and handsome...naalala ko pa nung maliliit
kayo. Si Shirley laging may temper, bulilit na mainitin ang ulo" sabi ng guro kaya
laugh trip ang lahat.

"Itong si Bernard habol ng habol ng sa kanya, akala ko kayo magkakatuluyan" sabi ng


guro. "Yuck! Teacher naman!" reklamo ni Shirley. "Teacher babae po ang hanap ko at
hindi..." sabi ni Bernard. "Ano?" tanong ni Onofre kaya ngumiti nalang yung binata.

"O kakain ba tayo o hindi?" tanong ng guro kaya tumayo si Shirley sa likuran ng
wheelchair pero sumingit si Onofre. "Ako nalang, sige na join your classmates" alok
ng binata.

Dalawang oras lumipas buhat ni Onofre yung matandang guro habang nilipat niya ito
sa sofa. "Thank you iho" sabi ng guro. "Teacher is there anything you need?" tanong
ni Shirley. "Wala iha, I am so happy today" sagot ng matanda.

"How about your meds?" tanong ni Bernard. "Its not time for that yet, oh bakit
nandito pa kayo?" tanong ng matanda. "Dito muna kami teacher" sabi ni Shirley na
tumabi sa matanda. "E yung iba papasukin niyo din" sabi ng guro.

"Nauna na po sila teacher pero babalik kami lahat next week" sabi ni Bernard. "I
feel so young again, para akong nabuhayan. Naalala ko lahat, itong bulilit na
pangit na ito Diyos ko" sabi ng guro saka hinaplos pisngi ni Shirley.

"Tapos itong kulot na sobrang makulit na iyakin" sabi niya kaya natawa si Shirley
ng malakas. "Lagi ito pinapaiyak ni Shirley. Kwentuhan niyo pa nga ako lalo na ikaw
anak, pano kayo nagkakilala ni Onofre?" tanong ng guro.

"Nabili ko po siya sa SM" banat ni Shirley kaya natawa sobra yung guro. "Loko loko
ka parin talaga anak" lambing ng matanda kaya natawa na tuloy si Onofre. "E ikaw
Bernard, wala ka pa ba girlfriend?" tanong ng guro.

"Teacher naunahan niya ako bumili e, siya din dapat bibilhin ko" banat ng binata
kaya natawa ng malakas yung matanda habang si Onofre napakamot nalang. Biglang
naluha si Shirley, "Anak don't" sabi ng guro kaya si Shirley tumayo saka lumipat sa
tabi ni Onofre at niyakap ang binata.

"Teacher kasi e" sabi ng dalaga saka hagulgol kaya sumulpot yung anak ng guro pero
sumenyas si Bernard na maayos ang lahat. "Anak, this is life. Wala tayo magagawa if
its your time its your time. I thought ikaw yung makakaintindi kasi you have been
through this before" sabi ng guro.

"Shhhh tahan na" lambing ni Onofre. "Teacher how much time did they give you?"
tanong ni Bernard. "Six months but that was five months ago...ayaw ko na sana
ipaalam pero sinorpresa niyo naman ako" sabi ng guro.

"I was at peace already but I admit I started remembering you all. Now leaving is
more painful" dagdag niya. "Teacher, you look strong" sabi ni Bernard. "Yes but you
two know what cancer can do and what kind of traitor it is. Kayong dalawang
matatalinong anak ko, you two should know" sabi ng guro kaya lalong naiyak si
Shirley.

"You should have come to me, we could have helped you" sabi ng dalaga. "I know iha,
pero nanghihinayang ako sa gagastusin na pera. Iwanan ko nalang sa anak ko at
magiging apo ko" sabi ng matanda kaya lalong humagulgol si Shirley. "You should
have come to me! You knew about our center naman e, di ka naman namin sisingilin e"
sabi ng dalaga.

"I know that too iha pero nakakahiya" sabi ng matanda. "Ang daya mo naman e, ang
selfish selfish mo naman eeeehh" sabi ni Shirley saka lalong binaon mukha niya sa
dibdib ni onofre.

Tumayo si Shirley saka tumakbo palabas kaya hinabol siya ni Onofre. Sa may hardin
nahabol ng binata ang dalaga, niyakap niya ito ng mahigpit at ilang saglit nandon
narin si Bernard. "Boolbs dito ka" sabi ni Onofre.

"Why?" tanong ng binata. "Dito ka!" sigaw ni Onofre kaya lumapit yung binata. "Wait
here, you two wait here" sabi ni Onofre saka tinuka dalawang beses sa noo ang
dalaga.
Sa salas tumabi si Onofre sa luhaan na guro. "Is she okay?" tanong ng matanda.
"Madam, I really hate seeing her sad. With the way you were speaking a while ago it
seems you have said your goodbyes to everyone already" sabi ng binata.

"Oo iho, they gave me six months but I know what cancer does" sabi ng matanda. "So
if ganon ho e sana pwede niyo ako pagbigyan" sabi ng binata. "Ano yon iho?" tanong
ng matanda. "Honestly I am still getting to know her, ayon sa pagkakakaalam ko e di
niya matatanggap ito kasi biglaan"

"So sana po, give her the chance to get ready. You know her better than me, so give
her the chance to accept it. Sana tanggapin niyo yung alok niya. Kahit one month
nalang binigay sa inyo sana tanggapin niyo po please"

"Matalino po siya, alam niya ano yung sakit niyo at alam niya lahat ito pero pag
ganito e nablablanko po siya. Alam ko din po naghihirap na kayo pero sana naman
pagbigyan niyo siya. I am sure they will take of you"

"Wala naman po ako talaga alam sa medical terms or tungkol sa sakit niyo talaga.
Give her the chance sana, at the same time I am sure your son would like that
chance too. Sana wag muna kayo sumuko, accept her offer and in this world we really
never know what may happen"

"Look at me and her. She was hurting, she found me, a drunk stupid guy who too was
hurting. Yes that is how we met and look how close we became. I am not saying na
gagaling kayo pero I am wishing for it, wishing for it for her. Madam wag muna kayo
susuko sana"

"Pagbigyan niyo siya sana at ako din po tutulong ako kasi parents ko nasa drug
company. Baka may mga special drugs na makuha or I don't know, sorry po kasi wala
talaga ako alam sa ganito. A lot can happen in one day"

"Or kahit only a few hours, look at me and her. I was drunk that night but she
stayed with me for a few hours and from that little time something special came
out. Give everyone that chance madam, wag lang si Shirley, your son, your other
students, your friends and relatives"

"Everyday something magical may happen, so imbes sana sumuko kayo agad e mag ipon
nalang kayo ng magical moments na pwede niyo baunin sa pagbiyahe niyo mamaya. Just
like today, you said you are very happy. You never expected this something like
this day"

"Madami there can be many more days like this. Madam sa isang araw madami ang pwede
mangyari kaya sana pagbigyan niyo siya" sabi ni Onofre.

Hinaplos ng matanda yung mukha ng binata, tumingala siya saka tinignan ang kanyang
anak. "Ma please listen to him" bulong ng anak niya kaya tinignan ng matanda si
Onofre. "Okay..nahihiya ako sa kanya kaya kung pwede sana..." sabi ng matanda pero
ang bilis ni Onofre na lumabas.
Nadatnan niya na nakaback to back lang sina Shirley at Bernard sa hardin, lumapit
siya saka niyakap yung dalaga. "Call your dad, set it up" sabi niya. "What?" tanong
ng dalaga sa gulat. "Set it up, try ko narin tawagan mama at papa ko to see if they
can help out too" sabi ni Onofre.

"Pumayag sya?" tanong ni Bernard. "I convinced her, pero wala ako alam dito so
Shirley you take charge" sabi ng binata. Super yakap ang dalaga sa binata at muling
naiyak. "Nof yung totoo kasi" sabi ng dalaga.

Umalis si Bernard, pagkabalik niya napamura siya pabulong. "Nagiimpake na siya"


sabi ng binata. "Ha?" tanong ni Onofre kaya napangiti Shirley. "Ganyan si momsy,
laging atat. Remember? Oh my God is this really happening?" tanong ni Shirley.

"Hey, you want this to happen?" tanong ni Onofre. "I do" sagot ng dalaga. "Okay
call your dad now. Kung pwede pasundo siya kasi maliit din kotse nila" sabi ni
Onofre. "Tignan mo yan Boolbs, SUV sana kinuha mo e. Tanga tang aka talaga kasi e"

"O pano natin isasakay si Teacher ngayon? Hindi siya magiging comfortable sa kotse
mo. Saan natin siya isasakay ha sa bubong?" banat ni Shirley kaya nagulat yung
dalawang binata. "Eeesh tanga tanga kasi" sabi ni Shirley saka nilabas phone niya.

"Sorry about that" bulong ni Onofre. "Don't worry ganyan na yan noon pa. Ako lagi
niya nakikita. Pero whatever you told teacher salamat ng marami" sabi ng binata.
"Di ko nga alam kung may sense ako kanina e pero pumayag naman" sabi ni Onofre.

"Buti nalang may isang hindi robot dito. Kung kami lang dalawa malamang luhaan na
uuwi yan pero now look at her. Nabuhayan siya" sabi ni Bernard. "Minsan kailangan
mo gawin lahat kahit di mo na alam ginagawa mo para lang mapasaya isang tao. Kahit
magmukha ka nang tanga, kahit magmakaawa ka, kahit na mali ka basta mapasaya mo
lang siya"

"O diba mas maayos siyang tignan na ganyan kesa kanina na umiiyak. Its tough
keeping a smile on the face of a person but its easy to take it off. So don't be
stupid" sabi ni Onofre.

"Hey, bakit mo ako pinagsasabihan?" tanong ni Bernard. "Tanga ka e" sagot ng


binata. 

=================

Chapter 53: Sweets

Chapter 53: Sweets


"Hahaha yan si Boolbs?" tanong ni Dani. "Yup, tapos eto yung daddy ni Shirley tapos
eto yung mom niya which is her step mom" sabi ni Onofre. "Grabe super kulot talaga
siya hahaha. Pero grabe ang holding hands o, solid" sabi ni Dani saka tinuro yung
holding hands nina Shirley at Onofre.

"She loves her teacher so much, second mom turing niya diyan daw. They gave her six
months to live five months ago pero now she will undergo another round of chemo"
sabi ni Onofre. "Wait, is that even possible? Diba if they told you na may taning
ka na then that's it?" tanong ng dalaga.

"Dani wala talaga ako alam diyan e pero sabi ng dad ni at tito ni Shirley they can
try chemo. Of course wala guarantee but at least diba they could try" sabi ni
Onofre. "Oo nga, ay may sasabihin pala ako sa iyo, sinisiraan ka ata ng isang
barkada ko" sabi ng dalaga.

"Huh? Pano? At bakit naman ako sisiraan?" tanong ng binata. "Well di ko naman siya
kaclose, barkada meaning kaibigan ng isang kaibigan ko yon. Sabi niya nakita ka daw
sa isang bilyaran, not once but five times" sabi ni Dani. "True, I was with Boolbs"
sabi ni Onofre.

"And with Shirley?" tanong ni Dani. "Di ah, she does not know I am friends with
Boolbs" sabi ni Onofre. "Ahhh..okay" sagot ng dalaga. "Bakit naman ako sisiraan ng
barkada mo? Uy baka type ka" landi ng binata. "Ewan ko don, sabi ko lang sa kanya e
so what if nasa bilyaran?"

"Di ko magets purpose niya for that sumbong pero I acted as if I didn't care" sabi
ng dalaga. "Type ka non, pero gago siya ah. Lumaban siya ng patas" sabi ni Onofre
kaya nagulat si Dani at kinilig. "Hayaan mo na, di ko naman type yon e" lambing ng
dalaga.

"Pero ang gago niya, parang bata. Walang balls" sabi ni Onofre. "O yang puso mo,
kesa na maatake pamigay mo nalang...ay oo may nag mamay ari na pala niyan" sabi ni
Dani. "Ako lang nagmamay ari niyan, pag iba na may ari baka patay na ako. Diba?"
sabi ng binata.

"Gagi, figure of speech" sabi ng dalaga. "Kahit na figure figure pa yan, it does
not make sense. My heart is mine, your heart is yours, without my heart I die.
Without your heart, you die" sabi ng binata. "That's a fact Nof" sabi ng dalaga.

"Yes but if my heart and your heart beat together ay iba na yon" landi ng binata
kaya natawa yung dalaga sa malanding kindat ng binata. Nakarinig sila ng mga yapak,
"Ayan na yung inggitera narinig tawa mo" sabi ni Onofre.

Umakyat si Nina sa lap ng binata saka tumayo. "Japoy Nof" sabi ng binata. "Okay go
to mama" sabi ng binata. "What is japoy?" tanong ni Dani. "Jack and Poy" sagot ni
Onofre. "She knows? Imposible ka naman" sabi ng dalaga. "Well just watch" sabi ng
binata.
"Game Ninny, jack and poy!" sigaw ng binata saka nagpakita ng rock sign habang yung
bata paper. "Wow! She won! Hala marunong siya?" tanong ni Dani. "Watch, Ninny Jack
and Poy" sigaw ng binata. Gunting sa binata, yung bata papel pero bigla ito
nagpalit sa bato kaya natawa ng husto si Dani.

"Madaya yan e pero look its part of learning. Napansin mo nag isip siya ano dapat
sign na tatalo sa akin" sabi ng binata. "Japoy!" sigaw ng bata saka nagpakita ng
gunting kaya si Onofre nagpakita ng papel. Palakpak si Nina kaya si Dani aliw na
aliw.

"Okay lang magpatalo, ang goal dito mag isip siya. Three choices lang naman e. Pero
pag tumanda ito tapos ganito parin ginagawa niya kadayaan na ito" sabi ni Onofre.
Lumipat si Nina sa binata saka nakipagtitigan, "Ah gusto mo ganon ah sige" sabi ni
Onofre.

"Ano yan?" tanong ni Dani pero di kumikibo sina Onofre at Nina. Titigan lang yung
dalawa hanggang sa gumalaw yung bata. "Aha" sigaw ni Onofre pero tinuro siya ng
bata saka tumawa. "Madaya to talaga, pero okay lang" sabi ni Onofre.

"Ano ba yan?" tanong ni Dani. "Its like modified make me laugh, titigan kayo tapos
sino unang matawa o gumalaw talo. E madaya to e, she always thinks pag sinita ko
siya e ako yung unang gumalaw" sabi ng binata.

"Hahaha sira baka di niya maintindihan at ginagaya ka lang niya no" sabi ni Dani.
"Oo nga no, pero okay lang basta masaya siya. Game Ninny.." sabi ng binata saka
titigan ulit yung dalawa.

"Where is my cooking assistant?" tanong ni Sarah. "Naglalaro sila ma" sabi ni Dani
kaya nakinood saglit yung matanda. "They are not moving" bulong ni Sarah.
"Shhhh..just watch" sabi ni Dani.

Gumalaw si Nina, "Aha" bigkas ni Onofre kaya tumawa ng malakas yung bata saka
pinagtuturo yung binata. "I don't get it" sabi ni Sarah. "Ma yung unang gumalaw
talo pero I think Ninny does not understand it fully" sabi ni Dani. "Ah, come Ninny
watch cook" sabi ni Sarah. "Noooo" sigaw ng bata saka nakipagtitigan kay Onofre.

"Ninny come watch cook" sabi ng binata. "Watch cook lula" sabi ng bata kaya
napangiti si Sarah saka hinaplos ulo ng binata. "Good Nof lula" sabi ni Nina saka
humaplos haplos din sa ulo ng binata kaya laugh trip sina Dani at Sarah.

"Pansit" sigaw ng bata kaya natawa si Sarah. "No baby, its mami" sabi niya.
"Mommy?" bigkas ni Nina saka tinignan si Dani kaya laugh trip sila. "Noodles" sabi
ni Onofre. "Noodols" bigkas ng bata. "Yes there is many sabaw and then there will
be egg" sabi ni Onofre. "Special noodles yan si mama gumawa" sabi ni Dani.

"Ninny helped me kanina diba baby?" sabi ng matanda. "Mahirap po ba?" tanong ng
binata. "Matrabaho lang iho, paborito ito ni Dani, nakaka tatlong bowl siya" sabi
ni Sarah. "Di naman halata" sabi ni Dani kaya napatingin si Onofre sa kanya. "You
working out lately? Parang gumanda katawan mo" sabi ng binata.
"Really? How can you tell?" tanong ng dalaga. "Nakikita ko naman sa hips pero
siguro you are just wearing something tight today. I don't know" sabi ni Onofre.
"Hmmm sarap" bigkas ni Nina kaya lahat napatingin sa stove. "You like the smell?"
tanong ni Sarah. "Ang sarap ng amoy tita ah" sabi ni Onofre.

"O sige na maupo na kayo doon at malapit na ito" sabi ni Sarah. Ilang minuto
lumipas humigop si Onofre ng sabay saka umakting na napaso dila niya kaya si Nina
napatawa ng malakas. Napapangiti sina Martin at Sarah, umulit yung binata kaya si
Nina super tawa talaga.

"Hot, help blow..blow" sabi ni Onofre. "Very good baby ah" sabi ni Dani. "Okay you
try" sabi ni Onofre. Humigop yung bata mula sa kutsara, nanlaki ang mga mata niya,
"Sarap" bigkas niya saka titig ulit sa kutsara. "Ay thank you baby, mukhang nagmana
ito sa iyo Dani sa taste ng pagkain" sabi ni Sarah.

"Wait Ninny hot pa o" sabi no Onofre. "Blow" sigaw ng bata. "Okay okay relax grabe
gusto niya talaga" sabi ng binata. "Nof akin na, ako nalang" sabi ni Dani. "Ako na,
share kami dito. You just eat" sagot ng binata.

Napahigop ng malakas si Nina, "Baby no, no. Like this" sabi ni Onofre saka humigop
ng walang tunog. Sunod sa subok ni Nina wala nang tunog yung higop niya, "Very
good" sabi ni Onofre saka tinuka ang bata sa pisngi. Nakangiti si Dani, pagtingin
niya sa mga magulang niya nakita niya na pareho din silang nakangiti habang
pinapanood yung bata kumain.

"Nof itabi mo nalang yung gulay, ayaw niya" sabi ni Dani. "Gusto niya yan" sabi ng
binata saka tumusok ng gulay. "Try this, look o" sabi ng binata saka kumain at
pinakita na sarap na sarap siya. Pinakain din niya si Nina pero yung bata
pagkanguya inuga niya ulo niya.

"Ninny, eat that. Healthy baby. Sige na, vegetables so you will be strong" lambing
ng binata kaya paglunok ng bata super palakpak sina Sarah at Dani. Napahiyaw yung
bata at todo palakpak din kaya nilapit ni Nof yung isa pang gulay. Game na game na
kinain ni Nina yung gulay kaya palakpakan ulit sina Dani at Sarah.

"Now for the noodles, pero Ninny look" sabi ni Onofre saka sinubo yung isang dulo
ng noodles saka dahan dahan ito sinipsip papasok ng bibig niya. Napahiyaw si Nina
sa tuwa kaya umilit si Onofre. Aliw na aliw yung bata kaya gumaya ito. "Nof don't
let her play with the..." sabi ni Dani.

"Its okay, let her be" sabi ni Martin. "Wait, let her do it again" sabi ni Sarah.
Pagbalik niya may hawak na siyang phone at tuwang tuwa siyang nag video. "Si lulu
o" bigkas ng bata pagkat pati si Martin nakilaro na kaya tawang tawa si Dani at
Sarah.

"Ninny subo mo this" sabi ng binata. Pagsubo ng bata nung isang dulo sinubo naman
niya yung kabila kaya natawa si Sarah pagkat nanlaki ang mga mata ng bata. Sabay
sumipsip yung dalawa, patigil tigil si Nina pagkat naaliw siya habang si Dani
pumapalakpak.

Naputol yung noodle pero mabilis itong sinipsip ni Nina kaya tawanan yung iba. "You
and mommy" sabi ni Onofre kaya humarap si Nina sa nanay niya. Nung magkalapit na
mga labi nila nanlaki ulit mga mata ni Nina pero tinuloy ni Dani na halikan ang
kanyang anak. Tumawa ng malakas si Nina saka pumalakpak kaya ilang beses umulit
yung mag ina habang kinukunan sila ng video ni Sarah.

"Ang sarap tita" sabi ni Onofre. "Nakakain narin si Nof" sabi ni Sarah. "Lulu!
Lula" sigaw ng bata. "Give me the phone tita" sabi ni Onofre. Game na game yung
dalawang matanda bumigay sa request ng bata kaya sina Dani at Nina tilian at
tawanan nang magkiss din yung mag asawa.

"Nof mama" sabi ng bata kaya napatigil ang lahat. Tinignan ni Nina nanay niya at
saka si Nof saka pinatuturo yung noodles. "Ah..you and mommy again" sabi ni Onofre.
"Noooo" sigaw ng bata kaya di na mapakali si Dani. "She wont stop so you two better
do it" sabi ni Martin.

Isang minuto lumipas magkaharap sina Onofre at Dani, si Nina tili ng tili habang
pinapanood na nagkakalapit ang mukha nila. Sadyang pinutol ni Onofre yung noodles
gamit ngipin niya pero paspas na hinawakan ni Nina yung dulo saka dinikit sa labi
ng binata.

Natense si Dani, sobrang lapit na mga mukha nila pagkat kokonti nalang yung
noodles. Tumili na si Nina ng malakas kaya si Onofre muling pinutol yung noodles
saka humalik nalang sa pisngi ng dalaga. Napangiti si Dani at paspas na niyakap ang
kanyang anak. "Ikaw talaga, oh come on sabaw naman" sabi ni Dani.

Ilang minuto lumipas laugh trip si Dani, "Ma nahihiya siya o" sumbong niya. "Ano ka
ba?" reklamo ng binata. "Ma nahihiya siya, gusto pa niya" sabi ni Dani. "Nof madami
pa dito, hala kumain ka lang iho" sabi ng matanda. "Ah..ang sarap kasi tita" sabi
ng binata. "Thank you, wag kang mahihiya iho. Kumain ka lang. Go ahead" sabi ni
Sarah.

"Sabayan mo ako" sabi ni Onofre. "Sige na nga pero for the record third bowl ko
lang ito habang ikaw pang ilang na? Five?" banat ni Dani. Hiyang hiya si Onofre
kaya si Sarah napangiti nalang.

"Nooofy" sigaw ni Nina palandi mula sa salas. Ilang saglit nakabalik na yung bata
sa dining area. "Nooof play" sabi ng bata. "Wait baby, Nof is very matakaw" sabi ni
Dani. "Look who's talking" bawi ng binata. "Nof play" sabi ni Nina. "Wait baby o,
eating o" sabi ni Dani.

"Its okay, we can play now" sabi ni Onofre saka kinandong yung bata na nakaharap sa
kanya. Una nang tumitig si Nina, "Ah okay, sige" sabi ng binata kaya pumorma narin
siya. "Aha" bigkas agad ni Onofre kaya laugh trip ulit si Nina. "Hahahaha ang
bilis" kantyaw ni Dani.

"Ninny you and mommy" sabi ni Onofre at game na game lumipat yung bata. Habang
nagtititigan yung mag ina nag asar si Onofre. "Uy uy, di sila gumagalaw o. Ninny o
look" sabi ng binata pero mga mata lang ng bata ang gumalaw kaya muntikan nang
matawa si Dani.

Biglang tumawa si Nina pagkat ginawang pangil ni Onofre yung noodles. "Talo Ninny"
sabi ng bata kaya nagulat yung dalawa. "I won hahahaha" bigkas ni Dani kaya
nakitawa yung bata. "Wow ha, she accepted defeat? Ang daya naman nito" sabi ni
Onofre. "Talo Ninny" sabi ni Dani. "Talo" ulit ng bata kaya niyakap siya ng kanyang
ina.

Naglaro ulit yung mag ina, pilyong Onofre inilapit mukha niya sa tenga ni Dani kaya
ang dalaga natili. "Talo mama" sigaw ng bata saka tumawa. "Madaya ka Nof" sigaw ni
Dani. "Oh bakit ba? Quits lang, o one all" sabi ng binata.

"Mama play Nof" sabi ni Nina. "No baby Nof is eating" sabi ng dalaga. "Play" pilit
ng bata kaya game na game humarap si Onofre sa dalaga. Humarap din si Dani at
pinaupo si Nina sa lamesa.

Nagkatitigan yung dalawa, si Dani biglang natense pero nilakasan niya loob niya.
Tili ng tili si Nina, bungisngis yung bata at nag aantay sa sinong unang gagalaw.
Di nakayanan ni Dani yung titigan kaya gumalaw siya, "Talo mama" sigaw ni Nina saka
tumawa.

"Nagpapatawa ka kasi Nof e" sabi ng dalaga. "Anong nagpapatawa? At least she is
fair" sabi ng binata. "Game ulit" sabi ni Dani kaya muli silang nagharap. Nilapit
ni Onofre upuan niya at doon na talaga natense si Dani pagkat simula palang halos
magkalapit na mga mukha niya.

Super tili si Nina pagkat nagmamatigas yung dalaga, sinundot sundot ng bata yung
mga pisngi nung dalawa pero di sila gumagalaw. Humiyaw si Nina, palakpak yung bata
saka nilalapit narin niya mukha niya.

Super tili si Nina nang lalong naglapit ang mga mukha nung dalawa. Medyo
napapailing na si Onofre, si Dani halos halos maduling, gusto na niya tumawa para
magpatalo pero nagmatigas siya at nakipagtitigan parin sa binata.

Nung magkadikit na dulo ng mga ilong nung dalawa si Nina nagwawala na sa


matitinding mga tili. Biglang nagside to side mga ilong nila, super titigan sina
Onofre at Dani at tila nakuryente sila pareho nang dulo ng kanilang mga labi
nagkasagian na.

Bumuka mga labi ni Dani, ganon din nangyari kay Onofre. Si Nina tumawa ng malakas
at super natili, susumuko na dapat si Dani nang lower lip niya napagitna sa mga
labi ng binata. Nagulat ang dalaga nang hinuli ng mga labi ng binata ang kanyang
lower lip, pumikit si Dani at napatigil yung kanyang pagsuko.

Sa tuwa napahawak si Nina sa mga ulo nung dalawa, nadiin konti mga labi nina Onofre
at doon na naramdaman ni Dani na nagsuck ang binata sa kanyang mga labi. Labis
siyang nakuryente, nawala siya konti sa tamang pag iisip kaya napaganti siya ng di
oras.

Parehong napangiti sina Dani at Onofre, sabay sila namulat at nung magkatitigan
bigla silang nagkahiyaan. Nilayo ni Dani ulo niya, "Talo mama" sigaw ni Nina pero
tinignan ni Dani si Onofre. Nakaharap na yung binata sa lamesa at balik kain kaya
ang dalaga humarap sa kanyang anak saka niyakap ito. "Talo si mama" sabi niya.

Bumaba si Nina saka pumuntang salas, naiilang si Dani sa binata pero tumabi siya at
tinuloy din yung pagkain niya. "For Ninny" sabi niya. "Yung alin?" tanong ni
Onofre. "Yung nangyari kanina" sabi ni Dani.

"Oh that? Sorry pala" sabi ni Onofre. "Para kay Ninny nga e" sabi ni Dani. "Sinadya
ko ata" sabi ni Onofre kaya nagulat yung dalaga. "It happens, it was a moment pero
ayos lang, ikaw naman yan e" sabi ng dalaga.

"Sorry pero its may fault, di ako nakatiis. Yeah I kissed you and I am sorry" sabi
ng binata. Kinilig si Dani, siniko ang binata palambing, "Moment lang yon, it
happens" sabi ng dalaga. "I made it happen" sabi ng binata.

"Baliw, Nof there are moments ata na ganon talaga" sabi ni Dani. "I know but I...I
did want it to happen. I really wanted to kiss you" sabi ng binata saka tinignan
bowl niya. Di nakasagot si Dani, parang sasabog tiyan niya sa matinding kilig kaya
tinignan niya din bowl niya.

"Lulu mama Nof kiss" sigaw ni Nina bigla kaya sabay napalingon yung dalawa. "No! We
did not" sigaw ni Dani. "Ay lokong bata" bulong ni Onofre. "Lulu mama Nof kiss"
sumbong ulit ni Nina kaya napalingon na si Martin. "Did they?" tanong niya saka
tumayo ang bata sa sofa saka tinuro yung dalawa. "Ninny not true" sigaw ni Dani.
"Noodles diba? Noodles" singit ni Onofre.

"So you stay here with lolo then" banat ni Martin kaya natawa ng malakas si Dani.
"Hala si daddy" hiyaw ng dalaga pero di na siya pinansin ni Martin. "Oh boy" bulong
ni Onofre kaya humarap si Dani sa kanya.

"You want more?" tanong ni Dani sabay hawak sa bowl ng binata. "Alin?" tanong ng
binata kaya natawa si Dani saka inangat yung bowl. "Ah mami" sabi no Onofre kaya
nilapag ng dalaga yung bowl saka pinalo ang binata sa dibdib. "Dani sorry" sabi ng
binata kaya nagkatitigan sila ng matagal.

"Nof..dont be" sagot ng dalaga saka naglakas loob na ngumiti.

wSc��_=[��

=================

Chapter 54: Sandalan


Chapter 54: Sandalan

Isang araw sa loob ng kotse ni Dani abala si Shirley na pinagmamasdan si Dani


habang nagmamaneho ito. "Sis super easy pag matic, now ang badtrip lang talaga is
pag yung sinusundan mo sira yung back lights. Ay grabe babantayan mo talaga if
babagal siya e" sabi ni Dani.

"Ninney" bigkas ni Onofre. "Nofey" sagot ng bata kaya biglang nagtawanan yung mga
dalaga. Napalingon si Shirley para tignan yung dalawa sa likuran, "Ninney" sabi ni
Onofre saka umakting na wala siyang kabuhay buhay kaya gumawa yung bata. "Nofey"
sagot niya saka umakting na lumaypay din.

"Kunan mo nga sila ng video" sabi ni Dani kaya game na game na nag video si
Shirley. Tinuro ni Onofre si Shirley, "Bakit mo kami kinukunan?" tanong niya
pagalit kaya tinuro din ni Ninny ang dalaga saka nag German. Laugh trip yung
dalawang dalaga pagkat nagtaray talaga si Nina pero pagkatapos din lang tatawa siya
ng malakas.

"Ano?!" sigaw ni Onofre. "Ano?" gaya ni Nina pasigaw. "Ano? Tara!" sigaw ni Onofre.
"Ano!!! Tawaaaa" hiyaw ni Nina na ginagaya talaga yung galit na itsura ng binata
pero dahil sa tawanan nina Dani at Shirley ay nakitawa narin yung bata at
pumalakpak.

"Bakit kayo tumawa?" tanong ni Onofre. "What are you teaching her?" tanong ni Dani.
"Wala lang, just in case mapaaway siya e at least malamang nila palaban siya" sabi
ng binata. "Ay teka, tignan niyo ano mangyayari sa kanya. Alam na niya tong lugar
na ito e. Ninny look o, what is that building over here?" landi ni Dani.

Nanlaki yung mga mata ng bata, "Nooooo! Mama! Noooo" sigaw ng bata saka tumayo at
pinagyayakap si Onofre. "Ninny we need to go to the doctor for your bakuna" lambing
ni Dani. "Noooo! Sakit! Nof sakit" sigaw ni Nina kaya natatawa na si Shirley pagkat
nagpapanic talaga yung bata. "Ninny listen to me, you need this. Para healthy
Ninny" sabi ni Onofre pero bigla siyang kinurot ng bata sa pisngi.

"Kyaaas! Please" bigkas ng bata saka inaabot mga kamay niya sa dalaga. "Hala, okay
come" sabi ni Shirley saka kinuha yung bata. "Stop! Mama stop!" sigaw ni Nina saka
niyakap si Shirley. "Kyaaas sakit Kyass" sabi ng bata na naluluha na.

Pagkaparada nila nagwala si Nina kaya nahirapan si Shirley sa kanya. "Akin na" sabi
ni Onofre kaya sumama yung bata sa binata. "Everytime bibisita kami dito its either
me or si mama ang magulo ang buhok at puno kami ng kurot sa mukha" sabi ni Dani.

"Sige na mauna kayo, sunod kami" sabi ni Onofre. "Saan kayo pupunta?" tanong ni
Dani. "I will just prep her and talk to her" sabi ng binata. "Nof it wont work, mas
maganda diretso na tayo para matapos na agad" sabi ni Dani. Tinignan lang siya ng
binata saka naglakad siya palayo.
Ilang minuto sa loob ng clinic napatayo na sina Dani at Shirley nang makita sina
Onofre at Nina. Todo yakap yung bata sa binata, sumigaw na ito pero nakipagtitigan
si Onofre. "Ninny" lambing ng binata saka nakipag nose to nose sa bata. "Sakit Nof"
sabi niya.

"Yes I know, strong Ninny. Okay? Strong" sabi ng binata. Tumayo yung doktora saka
lumapit. "Nina ang laki mo na, is this your daddy?" tanong niya kaya napanganga si
Dani. Naluluha na yung bata pero paulit ulit na nagbulong yung binata sa tenga
nito.

May assistant na umalalay, inalis yung sapat ng bata saka pinatayo siya sa tapat ng
wall. "Wow Nina you grew taller" sabi ng assistant. Nakaluhod si Onofre na
pumalakpak kaya yung bata pumalakpak din. "Tall Ninny wow" sabi ni Onofre. "Tall
Ninny o" sabi ng bata kaya si Onofre tumayo saka siya naman yung sumandal.

"Tall Nof" sigaw ng bata kaya naaliw yung doktora. "Ang talkative na niya" sabi ng
matanda. "Mama tall!" sigaw ng bata kaya si Dani naman yung nagpasukat ng taas.
Sumunod si Shirley kaya si Nina nagpabuhat kay Onofre at kunwari sila yung
nagsusukat ng taas ng mga dalaga.

"Nof" bigkas sa nerbyos ni Dani nang paupin ng binata yung bata sa mga balikat
niya. "Wow Nina very tall" bigkas ng doktora kaya tili ng tili si Nina saka
nagtatawa pagkat yung assistant game na game na pumatong sa upuan para kunan
kunwari ng taas yung bata.

"Nina lets get your weight baby" sabi ng assistant. "Dani ikaw muna" sabi ni Onofre
at pumayag naman yung doktora. "Doc sorry po ha" sabi ng dalaga. "No its okay" sabi
ng matanda. "Ninny look o" sabi ni Onofre kaya lumuhod yung dalawa. "Overweight si
mama" sabi ni Onofre.

"No I am not" sigaw ni Dani kaya ang bata tumawa ng malakas. "Alis ka tapos salang
ka ulit" sabi ng binata. "Look Ninny o its moving, mommy heavy e" sabi ng binata.
"Kyaas" sigaw ng bata kaya sumunod si Shirley. "Ay mas mabigat" sabi ni Onofre kaya
biglang piningot ni Shirley yung binata.

Super hiyaw si Nina saka gumaya sa dalaga kaya laugh trip silang lahat. Sumalang si
Onofre. "Hibi Nof" sigaw ng bata kaya tumawa ng malakas si Dani saka tinambol
tambol tiyan ng binata. "Baboy Nof" sabi niya kaya tumalon si Nina at pinagpapalo
din tiyan ng binata.

"Aray ha, saktan niyo nga tong bata doc" sabi ng binata pabiro kaya lalo sila
nagtawanan. Sumalang si Nina, "Ayan ang baboy" sabi ni Onofre kaya ang bata natawa.
"Ninny baboy" sabi niya kaya napahiyaw si Dani sa tuwa. "Wow bumigat siya" sabi ng
assistant.

"Should I be worried doc?" tanong ni Dani. "Of course not" sabi ng matanda. "See I
told you, okay now for the pain" sabi ni Onofre saka binuhat yung bata. Sumigaw na
agad si Nina, "Nof sakit" sabi niya. "Ninny nag usap na tayo kanina" lambing ng
bata saka naupo.

"Kyas help sakit" sabi ni Nina. "Ninny look at me, look at me. Ninny strong" sabi
ng binata. "Noooooo sakit" sabi ng bata. "Ninny look me first" sabi ni Onofre kaya
game na game yung assistant na nagpahid ng cotton sa braso ng binata habang yung
doktora nagpakita ng injection.

Umakting na tinusok si Onofre, ang binata kunwari umiyak kaya lumapit si Dani at
hinaplos haplos ulo ng binata. Nakihaplos si Nina, si Onofre ngumiti saka pinatigas
muscle niya. "Strong Nof" bigkas niya ng madiin. "Strong! See Ninny strong" sigaw
ng binata.

Nung pahiran na ng alcohol braso ng bata kumapit ito at yumakap ng mahigpit sa


binata saka umiyak. "Ninny I am here. I am here baby. Don't be afraid" lambing
binata. Super sigaw ng bata nang matusok na siya, ilang segundo lang tumayo si
Onofre at sumigaw. "Strong Ninny! Hahaha strong" hiyaw niya kaya ang bata napatigil
sa pag iyak konti, pinatigas din braso niya at nagflex.

"Wow strong Ninny" sabi ni Dani. "Sakit Nooofff" bigkas ng bata saka umiyak ulit.
"Yes I know baby, strong Ninny. Super strong" sabi ng binata saka pinaghahalikan
yung bata. Pinatigas ulit ni Nina yung braso niya, "Sakit" bigkas niya. "Yes yes,
wala na yan later baby. Come Ninny strong ka na" sabi ng binata na lumabas ng
clinic.

"Hindi siya nagwala tulad ng dati" sabi ng assistant. "Kaya nga e, sana noon palang
sumasama na daddy niya" sabi ng doktora. "Ay hindi po niya daddy yon" sabi ni Dani.
"I know you have been saying single mom kai ha so its okay to admit siya yung
daddy" sabi ng doktora.

"Hindi po talaga" sabi ni Dani. "Suitor niya" banat ni Shirley kaya natawa si Dani.
"Boyfriend po niya yon" sabi ni Dani kaya nalito na yung assistant at doktora. "He
is not my boyfriend" sabi ni Shirley kaya nagulat si Dani. "Loko loko ka, boyfriend
niya po yon si Nof" sabi niya.

Nagulat silang lahat nang marinig nila yung tawa at sigaw ni Nina sa hallway.
Nakita niya si Onofre na nagkunwaring tumalsik at naupo sa flooring, nagpakita na
si Nina na pinapasikat muscles niya. "Ninny very strong" sabi ni Onofre kaya tumawa
ng malakas yung bata at nagtitili.

Tumayo si Onofre at naghubalan ulit yung dalawa kaya sobrang ingay sa hallway.
"Nakakahiya" sabi ni Dani. "Its okay, pag madami naman mga bata dito ganyan din
kaingay. Okay then see you next time" sabi ng doktora. "Doc thank you ha at si
daddy na pong bahala" sabi ni Dani.

"Yes iha don't worry about it. Diba balak mo pahikawan si Nina? Then if you do
bring him" sabi ng matanda kaya nailang si Dani saka tinignan si Shirley.
Pagkalabas ng mga dalaga nakita nila si Onofre nakahiga sa flooring at si Nina
laugh trip na pinapatayo yung binata.
"Alam mo talaga everytime nandito kami grabe magwala si Ninny" sabi ni Dani. "I
know, ganyan din mga kapatid ko" sagot ni Shirley. "Swerte mo sa kanya sis" sabi ni
Dani. "Swerte natin we all have him" sabi ni Shirley kaya nagtitigan sila.

"I guess you are right" sabi niya. "Imagine that if di kami napadpad sa beach that
night di namin sana nakita yang lasing na yan. Siguro if I didn't talk to him maaga
siya bumalik sa cottage nila pero he went home late at pinagtripan siya ng barkada
niya kaya napadpad siya sa inyo" sabi ni Shirley.

"My stupidity naman nagtiwala ako na iwan si Ninny kay Ton...only to find out I
left her with someone unknown pero it turned out to be him. Kaya ninang ka at
ninong siya, pahabol kayo" bana ni Dani kaya laugh trip sila.

Sa kotse pinag drive ni Dani si Shirley. "No, takot ako baka mabangga ko tong
kotse" sabi ng dalaga. "Kaya mo yan, lalambingin ko pa kasi si Ninny e" sabi ni
Dani. "Nof you drive" sabi ni Shirley. "Bugbog sarado ako" sabi ng binata sa
nanghihinang boses habang umaakting na nanghihina kaya laugh trip si Nina.

"Anak why are you hurting him?" tanong ni Dani. "Strong Ninny" sigaw ng bata saka
hinaplos lang dibdib ng binata pero si Onofre naman nagkunwaring nagkokombulsyon.
"Ninny very strong" sabi niya saka niyakap yung bata.

"Sakit pa Ninny?" tanong ni Onofre. "Sakit pa" sagot ng bata kaya tinuka tuka ng
binata yung braso ng bata. "Sakit pa?" tanong niya. "Sakit" sagot ni Nina. "Pero
strong na Ninny, very good konti lang cry" sabi ni Onofre. "Strong. Ice Cream Nof"
sabi ng bata. "Yes, Ice cream, fries, chikik, tsoklit" sabi ng binata kaya super
palakpak naman yung bata.

Pagkaandar ng kotse biglang sumigaw si Onofre. "Mamatay tayo! We are going to die!"
sigaw niya kaya humiyaw si Nina at natawa ng husto. "Nof! Ang gago mo! Nagnenerbyos
ako" sigaw ni Shirley.

"Were gonna die!" hiyaw ni Nof. "Die!!" sigaw ni Nina saka gumaya sa binata na
kunwaring hinimatay kaya tawang tawa si Dani. Limang minuto lumipas nanlandi si
Onofre. "Uy nagmamaneho ka na o" sabi niya. "Sana ganito lang, sana ganito lang"
sabi ni Shirley.

"Sis you are doing fine, grabe ka ease up a bit. Masyado kang tensed" sabi ni Dani.
"Sis" bigkas ni Nina saka nag German na tila nagtuturo kaya natawa ng husto si
Shirley.

Sa loob ng isang fastfood restaurant sobrang saya ni Shirley kaya tinawagan niya
agad tatay niya. Pagbalik niya niyakap niya si Dani. "Sagot ko to, ako maglilibre"
sabi niya. "As if papayag si Nof" sabi ni Dani. "Grabe, totoo sinabi mo. Oh my God,
I cannot believe I made it this far tapos kanina grabe the cars were too close
tapos they were so fast" daldal ni Shirley.

"Sis relax, that is daily driving life in the Metro. Kung takot ka kailan ka pa
masasanay? Diba?" sabi ni Dani. "O nasan sila?" tanong ni Shirley. "Nandon o, may
kakilala si Nof ata pero nakakahiya naman look. Nakikikain sila" sabi ni Dani.
"Hahaha oh my God look at Ninny, hala feeling niya naman sa kanila yung food" sabi
ni Shirley.

"Kaya nga e, ang loko ni Nof talaga. Para daw tipid" sabi ni Dani. Pagbalik nina
Onofre hiyang hiya si Dani pagkat may dala silang tray ng fries. "Nof grabe ka"
sabi ni Shirley. "What? Aliw na aliw sila kay Ninny so they gave all their fries to
her" sabi ng binata.

"Look pagbigyan niyo na, wag niyo basagin yung trip niya. Keep her happy, she just
undergone pain so I am trying my best to make her feel that was nothing. Para sa
susunod eto yung maalala niya, yes may sakit pero she will know that there is
something happy that happens next"

"Yes next time I will be there again. So let her be. Ninny is happy, nakalimutan na
niya yung pain kanina. O diba parang pag ibig lang na naka move on siya agad" banat
ng binata kaya tawanan yung dalawang dalaga.

"Ay pero Ninny no boyfriend until you graduate. Huh subukan mo lang ha. Dadaan sila
sa akin" dagdag ng binata kaya natameme si Dani. "Nof guess what, I called daddy
and he suddenly asked me what car do I want" sabi ni Shirley.

"Ows? Akala ko ba sharing is caring ka sa mag kotse niyo?" landi ng binata. "I
think I need one pero okay lang kasi sabi ni Daddy may gustong bumili nung isang
nirestore niya daw" sabi ng dalaga.

"Really? Which one?" tanong ng binata. "Yung red" sabi ng dalaga. "Oh my God, if he
sells that makakabili ka narin ng brand new like Boolbs" sabi ng binata. "Huh?
Restored car will sell that much?" tanong ni Dani.

"Oo kaya, mga old school tapos nirestore mo? Sus mabebenta mo yon ng mahal ano.
Lalo na sa mga tamad na collectors? Sus sure ball mataas yon. Maganda pa pagkagawa
ng dad niya" sabi ng binata. "Pero it took him three years to rebuild that car so
parang nanghihinayang ako for him" sabi ni Shirley.

"Honestly ganon naman purpose talaga ng iba e. To be able to sell them for a
fortune later. Yung iba naman gusto lang mag collect. Parang investment narin yon,
think about it. Pakonti konti gastos sa pag rebuild. Sabi mo three years yon, o
diba? If he sells that for let say seven hundred thousand o diba? Saan ka naman
pupulot ng ganon na biglaan?"

"Pero yung red na yon siguro if strict sa price dad mo he could fetch as high as
one million" sabi ni Onofre. "Really? As in?" tanong ni Dani. "Oo no, maganda naman
gawa ng dad mo. Plus factor tumatakbo pa siya tapos ang ganda naman" sabi ng
binata.

"Wow sis so anong brand new car bibilhin mo?" tanong ni Dani. "Hala wala ako alam"
sabi ni Shirley na halatang excited. "Shirls alam mo naman nandito ako para sa iyo
diba pero pag dating diyan ayaw ko sapawan daddy mo. He knows a lot about cars"
"If he really wants to buy you a car then use that again as bonding moments. Diba?"
sabi ng binata. "Oo nga no, pero what if he insists na ako mamili?" tanong ng
dalaga. "Then I will help you out, pero kanina pansin ko na parang type na type mo
kotse ni Dani ah" landi ng binata kaya natawa ng husto si Shirley at namula.

"Diba kayo yung nakahanap ng car na yon?" tanong ni Dani. "Siya, nagpasama lang
siya. Pero Nof okay din naman yung..." sabi ng dalaga. "Kotse ni Boolbs ano?
Matapos mo laitin tapos gusto mo din bigla" sabi ng binata.

"Bakit ko naman sasabihin na maganda kotse niya? Baka natuwa pa siya ng husto. Duh!
Pero in fairness its nice, its not really small" sabi ni Shirley. "Anong kotse ba
yon?" tanong ni Dani. "Hatchback na compact car" sabi ni Onofre. "Really?" tanong
ni Dani.

"Ayan magsama kayo, si Dani din pala type ang hatchback noon" sabi ni Onofre. "Ang
cute kaya ng ganon pero now may SUV na ako pero still I find hatchbacks cute" sabi
ni Dani. "Wag na baka sabihin ni Boolbs gaya gaya ako, saka na isipin yan" sabi ni
Shirley.

"Look at her, all happy siya. See that Ninny I told you diba?" lambing binata saka
tinuka ang bata sa pisngi pero yung bata umuga ng ulo pagkat ayaw padistorbo sa
pagkain niya. "Hahaha ang taray" sabi ni Shirley.

"You can count me" birit ni Onofre kaya nanlaki ang mga mata ni Nina saka
pumalakpak. "You can count on me like one two three I will be there" kanta ng
binata saka tinuka ang bata sa gilid ng noo.

"La la la la la la" birit ng binata pero ngayon kasabay na yung bata kaya super
natuwa si Dani at Shirley. "You can count on me like..." sabi ng binata. "One too
teee" bigkas ni Nina kaya napahiyaw si Dani at Shirley sa tuwa. "La la la la la la,
tododo dorooo" birit nilang sabay kaya naluha si Dani habang si Shirley labis na
napangiti.

"Very good girl, very intelligent girl. You don't have to be afraid of anything
okay? I will always be here for you whatever happens" palambing na sabi ng binata
saka tinuka ang bata sa pisngi.

"Wag kayong magselos na dalawa. Same goes to you both" sabi ni Onofre. "Ganyan din
ba ginawa mo kay Sly?" banat ni Shirley. "Ninny o bad word" sabi ng binata kaya
tinignan ng bata si Shirley.

"Sly" sabi ni Shirley kaya inuga ng bata ulo niya. "Shit" bigkas ng bata saka
hinaplos pa mukha niya. "Hala Nof" sigaw ni Dani habang si Shirley natawa ng husto.
"Sly" ulit niya kaya umulit yung bata.

"Nof!" sigaw ni Dani kaya ang binata natawa saka niyakap yung bata. "What? Katuwaan
lang naman e. Don't worry I will correct her later, for now nakakatuwa e diba
Ninny? Diba?" lambing ng binata.

"Jabeee!" sigaw ng bata kaya napalingon si Onofre. "Jollibee baby" sabi ni Dani.
"Jabee Ninny o, you want to go there? Picture kayo? You want?" lambing ng binata
kaya tili na ng tili yung bata. Biglang tumayo yung binata saka binuhat yung bata
at pinuntahan nila yung mascot.

"Nakakalito din minsan si Nof ano?" tanong ni Dani. "Yeah, minsan isip bata minsan
matured" sagot ni Shirley. "Pero maasahan" biglang sabay na bigkas ng mga dalaga
kaya napangiti nalang sila pareho.

9(Z

=================

Chapter 55: Motibo

Chapter 55: Motibo

"Nasan ka na? Nandito ako sa labas ng gate ng parking area" nakasulat sa isang text
message. "Wait lang, may makulit dito. Di ako makaalis" sagot ni Dani saka tinignan
yung binata na kumakausap sa kanya.

Dalawang minuto lumipas nagulat si Dani nang makita si Onofre sa malayo at


papalapit na sa kanila. Napangiti si Dani nung makalapit yung binata, si Onofre
tinignan saglit yung kausap ng dalaga, nanigas si Dani nang halikan siya ni Onofre
pisngi.

Napaatras konti yung kausap ni Dani at pinanood niya na kunin ni Onofre yung mga
gamit ng dalaga. "Lets go" sabi ni Onofre saka humawak pa sa kamay ng magandang
dalaga. "Ah..sige Ron" paalam ng dalaga kaya lumingon si Onofre saka tinignan si
Ron. "Yeah okay, sige next time" sabi ni Ron saka dahan dahan nang tumalikod at
naglakad palayo.

Bungisngis si Dani habang naglalakad sila papuna sa kanyang kotse, "What?" tanong
ni Onofre. "Parang ang harsh mo" sabi ng dalaga. "Sorry naman, teka do you like him
ba?" tanong ng binata. "No" sagot ng dalaga. "No naman pala e, sabi mo kasi makulit
e so ayon" sabi ni Onofre.

"Loko ka, kiss with holding hands ha" sabi ni Dani. "Para matapos na, di ka na
kukulitin non ever unless makapal talaga mukha niya. Teka sure ka you don't like
him ha, kasi if you like him Diyos ko kakailanganin ko mag bakla baklahan soon to
correct that mistake if ever" sabi ni Onofre.
"Hahahaha I don't like him, isa siya sa mga makukulit. Manhid sobra I already told
him may lakad ako pero daldal ng daldal" sabi ni Dani. Sa loob ng kotse nag ayos pa
ng sarili ang dalaga, "Grabe ka magmamaneho ka lang nagpapaganda ka pa? Tinted tong
kotse mo oy di ka makikita" sabi ng binata.

"Para sa iyo" pacute ng dalaga sabay tumawa. "Wow naman, pero pogi din yun ah, sure
ka di mo type yon?" tanong ni Onofre. "Hindi nga e, tignan mo di pa nga kita
pinakilala sa kanya e. If ever he was someone important I would introduce you to
him and vice versa" sabi ni Dani.

"Madami bang ganon araw araw?" tanong ng binata. "Not really, yung iba
nakakaintindi naman" sabi ng dalaga. "Syempre maganda ka e, expected na yan" sabi
ni Onofre. "Uy ano ba? Teka pano ka pala nakapasok?" tanong ni Dani. "Para paraan
na yan, you needed me and I was there" sabi ng binata.

"Naks, how sweet pero overkill masyado" sabi ng dalaga. "Overkill ba? Sa akin lang
naman e para di na sya mangulit" sabi ni Onofre. "Its fine" sabi ng dalaga saka
natawa ng sobrang lakas. "Huy kung makatawa ka, focus sa kalsada" sabi ni Onofre.
"E naalala ko itsura niya when you kissed me then held my hand"

"Para siyang nadismaya or nalugi bigla" sabi ng dalaga. "So san tayo?" tanong ni
Onofre. "First sorry at you had to come to my school kasi may tinapos kami kanina"
sabi ng dalaga. "Wala yon, give and take nga e" sabi ng binata. "Sasamahan mo ako
today, visit ako sa derma" sabi ng dalaga.

"Why may allergy ka?" tanong ng binata. "No" sagot ng dalaga. "Bakit ka
magpapaderma? Ano ba meron? Wala naman problema sa mukha mo or balat mo" sabi ni
Onofre. "Eh part of grooming" sabi ni Dani. "What? What grooming? You look fine,
ano ba problema?" tanong ng binata.

"Basta and you are coming with me" sabi ni Dani. "Natural aantayin kita sa labas"
sabi ng binata. "Nope, nagpa appointment ako for two. You and me" sabi ng dalaga.
"Hahahaha wait, pinapatamaan mo ba ako? Oo ano? Grabe whats wrong with my face?"
tanong ng binata kaya natawa yung dalaga.

"Nof wala naman, pero once in a while you pamper yourself naman" sabi ng dalaga.
"Alam ko pinapatamaan mo ako e. Ganyan gumalaw mga ate ko if they want to change
something in me or pag may di sila masabi. Ano ba problema sa mukha ko?" tanong ng
binata.

"Wala no. Porke derma may problema na? Di ba pwede pampering yourself lang?" tanong
ng dalaga. "Kung wala naman problema bakit pa magpapaderma? Pangit ba ako?" tanong
ni Onofre. "Di ah, gwapo ka kaya" sabi ng dalaga. "Ay talaga? O yun naman pala e,
bakit pa derma?" tanong ng binata.

"Grooming lang so that we always look good. Di naman lagi, pag may extra cash lang
naman at sale sila ngayon kasi" sabi ng dalaga. "Grabe ka gagastusan mo ang ganito?
Lets buy Ninny something instead" sabi ng binata. "I already did, naka discount
promo sila, yayain ko sana si Shirley pero busy daw siya" sabi ni Dani.
"Niyaya mo si Shirley?" tanong ng binata. "Yup, si Veronica busy din. So ikaw
nalang" sabi ng dalaga. "Mommy mo?" tanong ni Onofre. "Nauna na siya, ayaw mo ba
Nof? Kasi instead of eating out naisip ko lets try something new naman" sabi ng
dalaga.

"Oh..eh..baka may masabi yung iba" sabi ng binata. "Na bakla ka?" tanong ni Dani.
"Hindi, yung tipong maarte akong lalake ganon" sabi ng binata. "Hahahaha so?" sabi
ng dalaga. "Sabagay, sige tara" sabi ng binata.

"Teka pano tayo mag bonding don e kung sabay tayo na aanuhin?" tanong ng binata
kaya natawa ng malakas yung dalaga. "Matagal na process yon Nof, may iaapply sila
so we can get to relax and talk then after procedure may rest period ulit so tayo
ulit magkasama" sabi ng dalaga.

Tatlong oras lumipas sa loob ng kotse natatawa si Onofre. "Kakatyawan ako ng ate ko
at mama ko pag uwi ko" sabi ng binata. "Okay lang naman ah, mas lalo kang gumwapo"
sabi ni Dani. "Grabe ka di ba pantay mga kilay ko dati?" tanong ng binata. "Pantay
naman pero at least now mas malinaw yung form niya" sabi ni Dani.

"Grabe, what am I supposed to feel ba? Aaminin ko sinamahan ko mga ate ko sa ganyan
pero nag aantay lang ako sa labas usually. They feel happy naman after. Ikaw do you
feel happy?" tanong ng binata. "Of course" sabi ng dalaga.

"Does this mean you are getting ready na magpapaligaw ka ulit?" tanong ni Onofre
kaya natawa si Dani. "Para sa iyo, para lagi ako maganda sa paningin mo" banat ni
Dani kaya natawa yung binata. "Di na kailangan ng derma, pero seryoso Dani. Ginawa
mo ito para ready ka ulit magpaligaw?" tanong ng binata.

"Kasi mga ate ko nag gaganyan sila pag may type silang guy or preparing for
something like an event. May event ka bang pupuntahan?" tanong ng binata. "Hahaha
Nof ano ba? Sige sabihin mo na maarte ako or what pero I like doing this so I can
stay pretty. Yun lang, kung gusto mo rason e di para sa iyo" pacute ng dalaga.

"So parang wala lang ganon?" tanong ng binata. "Nof what if ganito na talaga ako?
Sabihin mo na maarte, vane, ano pa ba tinatawag sa mga taong panay ang bisita sa
derma? Its not like may pinaparetoke naman ako, kanina ba may niretoke sa iyo?"

"May inapply lang naman na facial mask tapos parang nilinisan lang naman face natin
diba? Ganon lang naman ako kasi alam mo naman na inborn na akong maganda diba?"
pacute ng dalaga kaya natawa si Onofre.

"Its not like we did something yung tinatawag nilang salamat Doc procedure" sabi ni
Dani. "Wala ka pinapagandahan, walang event, so you just do it because it makes you
feel happy?" tanong ni Onofre. "Yeah" pabulong na sagot ng dalaga. "Okay, and for
me diba?" landi ng binata. "Uhuhmmm" sabi ng dalaga kaya laugh trip si Onofre.

"Walanghiya ka, ang bilis ng uhuhmm tapos yung nod mo parang pilit pa" sabi niya.
"Hahahaha hoy nakita kita kanina type mo yung attendant" sabi ng dalaga. "Ganda
non, ano kaya mix ng lahi niya?" tanong ng binata.

"May Shirley ka na nga e tapos nagkakaganyan ka pa" sabi ni Dani. "Ay tignan mo
ito, you want me to understand you so you better understand me too. O ikaw hilig mo
magpaganda, ako naman mahilig ako pumuna ng magaganda" sabi ng binata kaya laugh
trip si Dani.

"Rason ng babaero yan ah" sabi ng dalaga. "Grabe ka, kasalanan ko ba kung akoy
nabiyayaan ng mga mata na marunong kumilatis ng kagandahan?" landi ni Onofre.
"Fine, sa ngayon di mo pa makikita epekto pero promise ko give it one day and you
will see your face glow" sabi ng dalaga.

"Pag nag glow na ba magbabago na tingin mo sa akin? Will I become the apple of your
eyes?" landi ng binata kaya napahalakhak yung dalaga ng husto. "Magugulat si
Shirley, baka lalo siyang mainlove sa iyo" sabi ng dalaga. "Ikaw ang labo mo,
parati mo sinisingit si Shirley"

"You are violating your own rules lagi. Magbago ka na oy. Di na pwede ang ganyan
kay Digong. Stick to the rules na kung ayaw mo malagot sa kanya" sabi ni Onofre.
"Baliw, hatid na nga kita" sabi ng dalaga. "No, dahil nilibre mo ako ng paganda
chorvah, I will take you out to dinner" sabi ng binata.

"Nof you know that late na, I have to get home or else hahanapin ako ni Ninny" sabi
ng dalaga. "Minsan lang naman, idiretso mo sa favorite Pares restaurant natin" sabi
ng binata. "Nof wala ata tayong ganon, baka kayo ni Shirley ang may ganon" sabi ng
dalaga. "Ay kami pala ni Sly ang may ganon" sabi ng binata. "Shit" bigkas ng dalaga
saka hinaplos mukha niya kaya natawa ng malakas yung binata.

"Wala pala tayong fave place ano? So you decide tapos doon kita ililibre" sabi ng
binata. "Or you can eat dinner sa bahay para makita mo si Ninny din today" sabi ng
dalaga. "Saka na si Ninny, Thursday nga ngayon e, ano ka ba? You and me, pero lets
buy something for Ninny of course" sabi ng binata.

Sa loob ng isang Japanese restaurant napadpad yung dalawa pero ang dalaga medyo nag
aalangan. "Whats wrong?" tanong ni Onofre. "Medyo late na kasi, di naman late pero
si Ninny kasi baka hinahanap na talaga ako" sabi ng dalaga. "Ano uwi na tayo? Take
out nalang tayo then" sabi ng binata.

Nag isip si Dani saka tinignan yung binata at napangiti. "Minsan lang naman e
diba?" sabi niya. "Kung sinagot mo na ako mamamya oo minsan lang, pero pag hindi pa
baka may ulit pa ito" biro ni Onofre kaya natawa ang dalaga at inatake ang binata
ng kurot.

Habang namimili, dumikit si Dani sa binata. "Nof bakit ang mura dito? Alam ko mahal
sa Jap restaurant pero bakit dito ang mura?" tanong ng dalaga. "Ewan ko nga din e,
sure ka ba Japanese restaurant ito? Baka Japanis, baka tira tira ng katabing real
Japanese resto ang benta" biro ng binata kaya laugh trip yung dalawa.

"Nof look, usually isang ramen bowl is two hundred to three hundred. Pero dito its
only eighty pesos to one hundred thirty pesos" bulong ng dalaga. "Bago kasi ata,
well there is a first for everything naman. Lets try" sabi ng binata. "I bet
maliliit lang bowls nila" bulong ni Dani. "Oh well there is a first time for
everything" sabi ni Onofre.

Pagdating ng pagkain nila pareho silang gulat. "Oh my God, malalaki talaga" bulong
ng dalaga. Pagkaalis ng waiter tumikim agad si Onofre, "Oh wow this is really good"
sabi niya. Tumikim din yung dalaga, super ngiti siya saka natuwa. "Hala ang sarap,
bakit ang mura dito?" tanong ng dalaga.

"Shhhhhh wag natin ipagkalat kasi pag sumikat ito baka doon na sila magmamahal"
bulong ng binata kaya natawa si Dani. Humarap ang dalaga para bumulong pero nagbiro
ang binata at hinanda ang kanyang mga labi. "Hahaha gagi ka ano ginagawa mo?"
tanong ni Dani. "Ay baka sa tuwa mo kasi mura e binabalak mo ako halikan" landi ng
binata.

"Hahaha baliw pero Nof hala ang sarap" sabi ng dalaga. "Kayang kayang sabihin
masarap kasi ang mura ano? Pero pag masyadong mahal pero masarap din e di masabi na
masarap ng malayo, masarap pero ang mahal ganon e" sabi ng binata. "Hahaha oo nga,
jackpot ito Nof. Maganda ambience, masarap pagkain tapos mura" sabi ni Dani.

"Masarap ba talaga o sumarap lang kasi kasama kita?" banat ni Onofre kaya napatigil
si Dani at kinurot ang binata. "Ikaw ha, nakakarami ka na" sabi niya. "Aray ko,
totoo naman yon. May chance na sumarap ang pagkain minsan. O kaya di mo napapansin
na di pala masarap kasi gusto mo yung kasama mo" sabi ng binata.

Muling napatigil si Dani, labis siyang kinilig kaya humarap sa binata para kukurot
sana pero di niya ito matuloy. "Nof ano ba nakain mo?" tanong nalang niya. "Why?"
tanong ng binata. "Para kanga no e, nang aano ka na" sabi ni Dani saka natawa.

"Ano ba mali sa sinabi ko? Totoo naman yon ah. Nung nagsimula ako magkaroon ng
feelings for Sly..." sabi ng binata. "Shit" bigkas ng dalaga saka humaplos sa mukha
kaya natawa ulit yung binata. "As I was saying, nung nagkaroon ako ng feelings
nagbago ang lahat. Di pa nga ako aware at times na kumakain kami pala e"

"Parang naka focus lang ako sa kanya. Mga ex barkada ko nga one time pinagtripan
ako e. Alam naman nila ganon ako sa kanya, syempre all my focus was on her, di ko
namalayan kinargahan nila empanada ko ng mga siling labuyo" kwento ng binata. "Hala
totoo ka?" tanong ni Dani.

"Yeah, napahiya ako sa harapan niya pero you know what I felt happy kasi inasikaso
niya ako tapos pinagalitan niya mga ex barkada ko" sabi ni Onofre. "So tuwing
kakain kayo sa labas ni Shirley wala ka malasahan ganon ba? Or di mo na alam ano
kinakain niyo" sabi ng dalaga.

"Why do you keep violating he rules? Repeat offender ka na. Gagawa gawa ka ng rule
tapos ikaw din lang lalabag" sabi ng binata. "So ano gusto mo mag pretend ako she
does not exist ganon?" tanong ng dalaga.
"No but...ang gusto ko yung tayo lang. I talk to you and you talk to me" sabi ng
binata. "Okay then, just you and me" sabi ni Dani. "Yan, tara kain" sabi ng binata.
"Nof pinagpapawisan ka, binudburan mo ba ng chili powder ramen mo?" tanong ng
dalaga.

"O wow, mukhang epektib paderma ko ata. Tignan mo na nabighani ka ata ng itsura ko.
Di ka na aware sa nangyayari sa paligid mo" landi ni Onofre kaya natawa ng malakas
si Dani. "O pinagpapawisan ka kasi may gusto kang sabihin sa akin na di mo masabi?"
bawi ng dalaga.

"Actually meron" sabi ng binata kaya pareho silang napatigil. Tibok ng puso ni Dani
sobrang bilis, si Onofre di mapakali na nag ayos ng upo niya saka humarap muli sa
dalaga. "Dani" sabi niya. "Yes Nof?" sagot ng dalaga sa nanginginig na boses.

"Ah..we met in an outrageous manner, sorry for the term kung mali ha. And we have
been good friends since then. Nasabi ko na ilang beses na si Ninny at dikit na sa
puso ko...e pati ikaw ganon narin"

"Dani..ewan ko pano mo matatanggap tong sasabihin ko pero here it goes" sabi ng


binata kaya halos hindi na makahinga ang dalaga. "Ah..eh.." bigkas ni Onofre saka
niyuko saglit ulo niya saka tinignan ang dalaga.

"Kung pwede sana lubos lubusin mo na" sabi niya. "Huh?" tanong ni Dani. "Sana di
last yung derma at kilay, diyos ko day isagad mo na. Nails, toes, ano pa ba
kailangan ko para beauty narin akech?" kabig ni Onofre sa pabading na boses kaya
napatigil si Dani saka napahalakhak ng malakas.

"Diyo ko girl siguro sign na ni Lord talaga yung pagiging only boy ko. Siguro mga
ate ko na nag ayos ng daanan ko tapos ikaw yung final mitsa para tuluyan na akong
mag out. Baka napansin ni Sylvia na magkabaro pala kami. Kaya Dani hala sagarin mo
na sis, baka eto na chance ko para sa aking grand evolution"

"Show me the way to become a butterfly" landi ni Onofre kaya super tawang tawa si
Dani na pinagkukurot ang binata. Hinawakan ni Onofre isang kamay ng dalaga, "Hay
girl I am so ready, parang in touch na ako finally with my feminine side. Kaya lang
baka manibago si Ninny sa akin" hirit ng binata.

"Will you stop" sabi ni Dani. "Di ba bagay?" tanong ng binata. "Hindi, lalake ka
Nof" sabi ni Dani. "Pano mo alam?" hirit ni Onofre saka nagtaas ng kilay kaya
bungisngis si Dani. "Because last time you kissed me" sabi ng dalaga.

"Ah kasi di ako nandiri, yes yes buking ako don" sabi ng binata. "We never talked
about that anymore" sabi ng dalaga. "Oo nga e, siguro nasabi naman na lahat ng
gusto sabihin about that issue" sabi ng binata.

"Which is?" tanong ng dalaga. "You said it was a moment and it happens, I agree to
that pero para sa akin...I did want to kiss you" sabi ni Onofre kaya napakapit
konti ang dalaga sa lamesa.
"Tapos sabi mo it happens again, pero honestly sa akin...yeah it happens nga
pero..."

"Ah..wishing it would happen again..and again...and again..." pabulong niyang


sinabi kaya si Dani paspas na napatingin sa bowl ng ramen niya.

5xÉ

------------------------------

Hala! Ano na yan? Hahahaha 

Tamlay niyo kahapon kasi neutral chapter hehe. Eto na magdradrama na ang Team
Shirley tapos magwawala na ang Kels Nations

=================

Chapter 56: No Escape

Chapter 56: No Escape

"Sinabi niya yon?" tanong ni Veronica. "Oo as in, akala ko I was dreaming pero I
really heard it. Pabulong niya sinabi pero paulit ulit" sabi ni Dani. "Binibiro mo
ba ako?" tanong ni Veronica. "Hindi, I swear he said it" sabi ng dalaga.

"Teka nga, this was about the kiss you two had a long time ago?" tanong ni Vernica
kaya namula si Dani. "Aha! Oh my God nag kiss ulit kayo lately?" tanong ni
Veronica. "It was like a game, it was Ninny's fault" sabi ni Dani.

"Ano naman kinalaman ng bata dito? Palusot ka pa. Did you two kiss lately? When?
How? Kwento!" sabi ng dalaga kaya nagtakip ng bibig si Dani at lalong namula. "Oh
my God, kontrabida ang peg mo sa sine. May girlfriend na siya tapos pumapapel ka?"
tanong ni Veronica.

"Excuse me! He kissed me. It was just a game they play with Ninny tapos nadamay
lang ako para sumali. I swear Ninny forced us to play" sabi ni Dani. "Grabe ka
tapos ginagamit mong palusot ang anak mo" sabi ng dalaga.

"Ay grabe ka, kung nandon ka lang sana. Anyway so it happened okay. Was I happy?
Honestly yes pero guilty din ako. Veron dumidistansya ako I swear, inaaccept ko na
magkaibigan lang kami pero siya kasi e. Ewan ko kung biro, lagi siyang nagbibiro
about stuff"
"Then yung nga kagabi, he said that pero I tried my best talaga na kunwari di ko
narinig. So iniba ko agad usapan as usual" sabi ni Dani. "Okay so now what?" tanong
ng kaibigan niya. "After dinner pinilit niya na siya magdrive. I said kaya ko. Then
he said gusto niya bisitahin si Ninny at siya daw magbibigay ng regalong food"

"So umuwi kami sa amin. Akala ko atat lang siya to see Ninny kasi he got out first
pero nawala siya. Akala ko joke, we looked for him, then he called up and told me
nagtaxi na daw siya. He just wanted to make sure I got home safe" kwento ni Dani.

"Yiheeeeeeee, so kinilig ka naman no" landi ni Veronica. "Kinilig to the point


nagising ko si Ninny. Ayon lumamon siya sa dala kong food tapos medyo napuyat tuloy
ako kasi naging hyper siya" sabi ni Dani.

"Hala ka, ano na yan Dani?" tanong ni Veronica. "Shit nga e, I should be happy pero
I somehow feel guilty kasi alam ko merong Shirley" sagot ng dalaga. "So up to now
walang pag amin na sila na?" tanong ni Veronica. "Sabi ko nga sa iyo baka tama
hinala ko e. Na sila na siguro pero they are not making it public" sabi ni Dani.

"Is that him?" tanong ni Veronica. Malayo palang sila sa parking area pero nakita
na ng dalaga si Onofre sa may kotse niya. "Oh my God, siya!" bigkas niya.
"Nakakapasok siya dito?" tanong ni Veronica. "He did yesterday, kasi nga kinukulit
ako ni...oh my God its really him" sabi ni Dani.

"Kinukulit ka ni?" tanong ni Veronica. "Basta he came over, kissed me sa cheek


tapos kinuha gamit ko then hinawakan niya kamay ko" sabi ni Dani. "Yiheeeee, Oh em
geee! He did that?" tanong ni Veronica. "He did, hala bakit siya nandito? How do I
look?" tanong ni Dani.

"Hahaha feeling guilty tapos how I look? Ganern?" landi ni Veronica. "Tsk ano ba
yan? Hala bakit siya nandito, teka nga dito muna tayo. Di naman siya nagtext, itext
mo nga ako baka delayed lang" sabi ni Dani. "Wag na, puntahan mo na" sabi ng
kaibigan niya. "Gagi samahan mo ako" sabi ni Dani.

"Hindi na, panoorin ko nalang kayo from here" sabi ni Veronica. "To naman e, hala
bakit siya nandito? Friday ngayon, wala naman kami usapan" sabi ni Dani. "Puntahan
mo na" sabi ni Veronica. "Samahan mo ako" sabi ng dalaga. "Di na kasi susunduin ako
ni Charles" sabi ni Veronica. "Tsk to naman o, samahan mo lang ako saglit" sabi ni
Dani.

"Bakit ba? Hala to, si Nof naman yan e" sabi ni Veronica. "I know but ewan ko ba I
feel nervous" sabi ni Dani. "Nervous? He is a good guy" sabi ni Veronica. "I know
that pero samahan mo ako para di ako maging kontrabida sa kwento nila" sabi ni
Dani.

"Go girl, kaya mo yan. Kung ayaw mo maging kontrabida e di maging leading lady ka.
Nof!" sigaw ni Veronica saka tumakbo. Napatingin si Onofre sa dikeksyon nila at
tanging nakita nalang niya ay si Dani. Kumaway yung binata kaya naipit na si Dani
at napakaway din kunwari ngayon lang nakita yung binata.
Pagdating ni Dani sa may kotse niya ninerbyos siya pagkat lumapit agad yung binata.
"Relax I wont kiss you, kukunin mo lang bag mo" sabi ni Onofre. "Salamat, so why
are you here?" tanong ni Dani. "Pina check up ko kotse ko sa shop ng barkada. One
day don kasi busy sila tapos sakto may isang kaibigan na naglibre nearby. After
that dumiretso ako dito" sabi ng binata.

"May lakad ba tayo?" tanong ni Dani. "Wala naman, nandito narin lang ako sa area so
sabi ko daanan na kita" sabi ng binata. "Wala bang foods diyan?" tanong ng dalaga
pabiro kaya natawa si Onofre. "Nanlibre lang kaibigan ko, nakakahiya naman humingi
ng take out" sabi ng binata na nauna na sa passenger side door.

Inunlock ng dalaga yung kotse, nauna pumasok si Onofre. Pagdating ng dalaga sa door
niya napatigil siya pagkat may nakaplaster na rosas sa may handle. Matagal niyang
tinitigan yon, napangit siya at sakto nakatingin si Onofre sa kanya mula sa loob.

Kinuha ng dalaga yung rosas, tinanggal yung plaster saka inamoy ito habang titig sa
binata na nasa loob ng kotse. Humarap na si Onofre, humawak si Dani sa handle pero
nanginig ang kamay niya. Pagbukas ng pintuan muli siyang nagulat pagkat may maliit
na karton ng tsokolate sa upuan niya.

Di na mapakali si Dani, dinampot niya yung box saka pumasok na sa loob. "Salamat"
bulong niya saka tinignan yung binata. "Salamat saan?" tanong ni Onofre. "For
these" sabi ng dalaga saka inamoy yung rosas. "Huh, di naman ako nagbigay ng mga
yan sa iyo ha" sabi ng binata.

"Oh come on" pacute ng dalaga. "Honest, dinikit ko lang naman yung rose sa handle
tapos iniwan yung box diyan. Wala naman ako sinabi na para sa iyo mga yan e" biro
ni Onofre kaya napangiti si Dani saka muling inamoy yung rosas.

"Makikisabay lang ako hanggang kanto tapos baba na ako doon" sabi ni Onofre.
Nilapag ni Dani yung maliit na karton pero ayaw bitawan yung rosas. "Coffee Nof?"
tanong niya. "Not today, you have to go home to make up for the time you lost with
Ninny yesterday" sabi ng binata.

Huminga ng malalim si Dani saka inamoy muli yung rosas. "Fresh rose" bulong niya
saka tinignan yung binata pero si Onofre nakatingin sa malayo. Inandar na ng dalaga
yung sasakyan, "Akin na hawakan ko muna" sabi ni Onofre pero ayaw bitawan ni Dani
yung rosas.

Pagdating sa kanto tinigil ng dalaga yung sasakyan, "Okay dito na ako. You drive
safe ha and I will see you two tomorrow, di ko sure if sasama si Karlo" sabi ng
binata. "Nof" bigkas ng dalaga. "Yup, ano?" tanong ng binata. "Salamat" sabi ni
Dani. Ngumiti lang yung binata saka lumabas na ng kotse.

Pagkauwi sa bahay para siyang zombie na pumasok ng bahay. Di niya napansin yung
sigaw ng anak niya, natauhan nalang si Dani nang maramdaman na may nakayakap sa
isang hita niya. "Hello baby" bati niya saka lumuhod at pinasikat yung rosas kay
Nina. "Smell baby, this is a real rose" sabi ni Dani.
"Hmmmm" bigkas ni Nina saka napangiti. Binuhat ni Dani si Nina saka sila umakyat sa
kanilang kwarto. Naupo ang bata sa kama, nilabas ni Dani yung maliit na chocolate
box mula sa bag niya, "Heart" bigkas ni Nina.

"Very good baby" sabi ng dalaga saka hinalikan ang anak niya sa labi. "Tsoklit"
sabi ni Nina. "Yes, do you want? Its okay you can open it" sabi ni Dani pero
binuhat lang ng bata yung maliit na karton saka inalog alog ito.

"Stay here baby ha" sabi ng dalaga saka kinuha yung maliit na vase sa drawer,
nagtungo siya sa banyo para kargahan ito ng tubig. Pagbalik niya napangiti siya
nang makita si Nina na nakadapa at pinagmamasdan lang yung karton ng tsokolate.
"Open na?" tanong ni Dani.

"Heart mama" sabi ng bata. "Yes baby, Nof gave it to me" sabi ni Dani na nagsimula
nang magbihis. "Nof" bigkas ng bata saka kinalkal bag ng nanay niya. Nilabas ng
bata yung phone, diniit thumb niya sa fingerprint scanner saka nagpipindot.

"Youtube baby? Naka off pa wifi" sabi ni Dani kaya lumapit siya. "Nooofff" sigaw ng
bata kaya nagulat yung dalaga pagkat naka open na yung gallery at sa screen ay
lirtrato ni Nina at Onofre. "Wow, ulit nga baby" sabi ni Dani saka binalik sa
homescreen yung phone.

"Hala!" hiyaw ni Dani sa tuwa nang makita na alam talaga ng bata pano pumasok sa
gallery. "Big big" sabi ng bata saka gumamit ng tig isang daliri sa bawat kamay
para palakihin yung litrato. Di natiis ng dalaga, niyakap ang anak niya saka
pinaghahalikan.

"Who taught you? Sino nagturo? Si Nof?" tanong niya. Tili ng tili ang bata, yumakap
narin ito sa nanay niya kaya si Dani napatitig sa litrato ni Onofre sa phone niya.
"Tomorrow he is coming baby, miss mo na ba siya? Ha?" tanong ng dalaga saka tinuro
yung litrato kaya dumapa si Nina saka hinalikan bigla yung phone.

Bandang alas otso nakaharap sina Nina at Dani sa laptop, nagulat yung bata nang may
nagpop up na mukha ni Veronica. "Skype" sabi ni Dani saka sinagot yung video call.
"Bonica" sigaw ng bata saka pumalakpak.

"Hello baby!! Ay naman ang mother bonding, same pajama" sabi ni Veronica. "Say
thank you tita, she is the one who gave your new shoes" sabi ni Dani. "Tikyuuu"
sigaw ni Nina saka nagtitili kaya natawa si Veronica. "Oist, ano nangyari kanina?"
tanong ni Veronica.

"Eeeehh tsk" tili ni Dani saka pinasikat yung vase na may isang rosas. "Halaaaa!!"
sigaw ni Veronica. "Ninny go get the heart baby, sige na baby" sabi ni Dani kaya
umalis yung bata. Pagbalik niya kumandong ulit siya saka pinasikat yung maliit na
karton. "Heart" sabi ng bata.

"Yiheeeeeee" bigkas ni Veronica at gumaya si Nina kaya natawa si Dani. "Ay alam mo
himala kasi di man lang pinaopen ni Ninny eto. As in parang she knew how important
this was to me" sabi ni Dani. "Impossible" sabi ni Veronica. "Ninny open na natin
ito" sabi ni Dani.

"Noooooo! Heart" sigaw ng bata saka inagaw yung box. "See I told you" sabi ni Dani.
"Is that from your daddy?" landi ni Veronica kaya natawa si Dani.
"Daddy..Nooooofff" sigaw ng bata saka tumawa kaya natulala yung mga dalaga. "Oh my
God" bigkas ni Dani.

"Tinuro mo yon?" tanong ni Veronica. "Hindi ah, baby who is your daddy?" tanong ni
Dani. Tila nalito yung bata kaya nag isip ito. "Who is your daddy?" tanong ni
Veronica. "Nooooff" sigaw ng bata saka pumalakpak at nagtitili.

"I did not teach her that, I swear" sabi ni Dani. "Are you saying si Nof nagturo sa
kanya?" tanong ni Veronica. "Imposible, baka nasabi lang ni Nina yon. Ikaw kasi
loko loko ka" sabi ni Dani. "Sorry naman so whats the meaning of all of those?"
tanong ng dalaga.

"Ewan ko nga, I was too afraid to ask. I said thank you, sabi niya for what? Sabi
ko para dito, then he said di naman daw niya binigay sa akin. Iniwan lang niya sa
kotse ko...etong rose naka plaster sa handle ng door ko then yung box nasa upuan.
Syempre siya naglagay, nagtaka nga ako kasi pagkaunlock ko ng car nagmadali siya
pumasok" sabi ni Dani.

"Yiheeeee, sana pinilit mo" sabi ni Veronica. "Gusto ko nga sana pero I was so
lost. Gusto ko sumigaw sa tuwa at parang ayaw niya pag usapan e" sabi ni Dani.
"Hala ka, ano na yan Dani" sabi ni Veronica. "Hala ka" ulit ni Nina kaya laugh trip
yung dalawang dalaga.

"I really don't know, I cannot afford to be the bad person. Di ko na alam ano
sasabihin ng mga tao sa akin. Single mom na nga tapos nang aagaw pa. Di ko kaya
ipahiya si Ninny ng ganon paglaki niya" sabi ni Dani.

"Grabe ka naman, suggest ko lang you talk to him" sabi ni Veronica. "Ayaw ko,
siguro wala lang mga ito" sabi ni Dani. "Pwede din naman na sign of thanks lang
maybe" sabi ni Veronica. "More" bulong ni Dani kaya natili yung kaibigan niya.

"Hay ewan ko sa iyo sis, sila na ba talaga o hindi?" tanong ni Veronica. "I really
don't know. Malihim sila masyado. Magkakasama kami one time, nung bakuna ni Ninny
pero wala e. Parang hindi naman sila na sila" sabi ni Dani.

"Kakalito ka, ano ba talaga?" tanong ni Veronica. "Parang sila, may moments na
parang sila. Ang sweet nila pero ganon din kami ni Nof. May moments na parang hindi
sila parang kami din ni..ay teka nga" sabi ni Dani.

"Aha!! Hahaha so kayo ni Nof ganon? May times na ganon" sabi ni Veronica. "Hahaha
nalito na ako gaga ka" sabi ni Dani. "Gaga" sigaw ni Nina saka humalaklak kaya
laugh trip yung mga dalaga.
"Bukas pupunta siya dito or lalabas kami" sabi ni Dani. "Ayan na, alam mo sis its
better if you ask him" sabi ni Veronica. "Ayaw ko mag assume, I really don't want
to be the bad person" sabi ni Dani.

"Rose and chocolates, ilang beses na? Ilang thank you na yan? Thank you for what?
Para matapos na you better ask. Or better yet mag usap kayo, if friends lang then
make him stop" sabi ni Veronica.

"What if I don't want him to stop?" tanong ni Dani. "Then be ready to be the bad
person" sabi ng kaibigan niya. "Hay" bigkas ni Dani saka dinikit mukha niya sa
mukha ng anak niya. "Bakit behaved siya? Is he listening to us?" tanong ni
Veronica.

"Yan nga din napansin namin ni Nof e, everytime nag uusap lang kami tahimik si
Ninny. Parang nakikinig siya" sabi ni Dani. "Who is your daddy?" tanong ni
Veronica. "Nooofff" sigaw ng bata kaya natawa ng malakas si Dani. "Maldita ka
talaga sis" sabi niya.

"The child has spoken, do not deny her" sabi ni Veronica. "Sira ulo, alam mo naman
na hindi pwede" sabi ni Dani. "Bakit hindi? You like him, yang mga roses and
chocolates, it could mean that he likes you too. O ano pa kulang?" tanong ni
Veronica.

"I don't want to be the bad person. And wag tayo mag assume masyado. He knows
matakaw ako at mahilig ako sa chocolates, etong roses ewan ko. Ayaw ko mag isip
masyado at ayaw ko mag assume" sabi ni Dani.

"Sabagay mahirap din yan kung panay tiny clues lang. Maybe its his way of taking
care of bestfriends" sabi ni Veronica. "Alam mo ayaw ko yang sinabi mo" sabi ni
Dani kaya nagtawanan sila.

"Natry mo na umiwas pero siya yung humahabol, hindi naman siya nanliligaw,
nagbibigay lang ng roses and chocolates at nagnanakaw ng halik" banat ni Veronica
kaya natawa si Dani. "Di kaya ibang level ng bestfriend na yan?"

"Di kaya ganyan sila nung Sly?" tanong ni Vernonica. "Shit" sabay na bigkas nung
mag ina saka sila humaplos sa mukha nila. Super natawa si Veronica kaya nakitawa
narin yung mag ina. "Grabe kayo ha, tatak Nof yan ah he loves doing that to his
face" sabi ni Veronica.

"Yun na nga e, there is no escaping him. Parang parte na siya ng buhay namin ni
Ninny kaya mahirap siya iwasan din to be honest. Maybe I am just being too selfish.
Maybe I have to learn to accept whatever we have right now"

"Siguro ganon dapat pero nagiging selfish ako pag kasama ko siya. Kahit di ko siya
kasama e" sabi ni Dani. "Sis, di ko sinasabi masamang tao ka, di pa naman" banat ni
Veronica kaya nagtawanan sila.
"Pero isipin mo yung mga nababansagan na cheater o mang aagaw. Ganito din kaya
pinagdadaanan nila? I am sure aware sila na meron na yung isa, still sige parin.
This is so confusing" sabi ni Veronica.

"Yeah, so confusing. Alam mo yung rules, alam mo yung tama at mali. Pero pag
tinopak ka ng selfishness nawawala ang lahat ng rules. You become greedy and morals
are...ewan ko sis"

"Ayaw ko talaga maging masamang tao" sabi ni Dani. "Hay, so what now?" tanong ni
Veronica. "I remember one time he said he was the yayo of Ninny, tapos sabi niya he
could me my yayo too"

"Baka ganon lang ginagawa niya. Sabi niya nasa puso na niya si Ninny...pati daw ako
kaya siguro this is his way of taking care of me too" sabi ni Dani.

"So yayo lang talaga" sabi ni Veronica. "Ewan ko...yun lang kaya ko isipin right
now without me being a bad person"

--------------------------------------

Kayo ano sa tingin niyo? Ganon nalang ba yon? Hahahaha

=================

Chapter 57: The Now

Chapter 57: The Now

Sabado ng umaga nagwala si Nina nang marinig yung busina ng isang kotse. Si Dani
kinabahan, inayos ang sarili saka sinamahan ang anak niya palabas ng bahay.
Pagbukas ng gate lalong nagwala si Nina nang makita yung kotse ng binata.

Paglabas ni Onofre napatigil siya at titig na titig siya kay Dani. Ang dalaga
natense pero biglang tumakbo anak niya para sugurin yung binata. "Hello baby girl"
sabi ni Onofre saka agad binuhat yung bata. "Noooof" sigaw ni Nina saka nag nose to
nose yung dalawa.

"Wow you are looking pretty today, just like mama. Pareho pa kayo suot" sabi ni
Onofre saka tinignan si Dani. Suot ng dalawa orange na hang shirt kung saan kita
konti puson niya at white walking shorts na maiksi konti. "Come Ninny whats in the
car?" tanong ng binata.

"Wow" bigkas ng bata saka natili kaya lumapit na si Dani. "Cupcakes" sabi ng
dalaga. "Pink" sigaw ni Nina saka nagturo. "Yes pink, then we have brown, yellow,
blue, okay go to mommy first para buhatin ko mga to papasok" sabi ng binata.

"Nagbake ate mo ulit?" tanong ni Dani. "Yup, she overdid it again. Naperfect niya
isa, pag ganon nangyari she wont stop. Di ko na maalala ano flavors basta assorted
na mga ito" sabi ng binata. "Hala naka lock on na mga mata niya o" sabi ni Dani.

"You look very pretty today pala" sabi ni Onofre kaya napangiti ang dalaga at
binangga ang binata. Pagkapasok sa bahay nilapag agad ni Onofre yung karton sa
lamesa. "Pink mama" sabi ni Nina. "Yes baby, wait lang ha" sabi ng dalaga. "Pink
Ninny? This one?" tanong ni Onofre.

Pagkaabot ng cupcake agad kumagat yung bata saka ngumiti. "Hmmmm" bigkas niya saka
gusto magpababa kaya binaba siya ni Dani. "O where are you going?" tanong ni Onofre
pero tumakbo yung bata papasok sa isang kwarto.

"Mang iinggit yan, nandon sina mama at papa sa kwarto kausap uncle ko sa Sykpe"
sabi ng dalaga. "Ah, kain ka narin. Tikim ka isa" sabi ng binata. "Later na, pero
ang dami nito ha" sabi ni Dani.

Napalingon yung dalawa, nakita nila si Nina hila hila si Martin. "Hello po tito"
sabi ni Onofre. "Nof, wait Nina, hindi naman mawawala yung cupcakes" sabi ng
matanda pero mapilit yung bata. "Get lulu" sabi ng bata kaya kumuha ng isa yung
matanda. "O here" sabi ni Martin. "Bown" bigkas ni Nina kaya natawa si Dani. "Brown
baby" sabi niya.

"Luuuullaaaa" sigaw ni Nina kaya lumabas narin ng kwarto si Sarah. "Oh wow,
cupcakes" sabi niya. "Nagbake ulit po ate ko kasi" sabi ni Onofre. "Get lula" sabi
ng bata kaya kumuha narin ng isa yung matanda. "Masarap ito, mamasa masa yung
chocolate" sabi ni Martin.

"Here" sabi ni Onofre saka inabutan ng isa si Dani. "Thanks" sagot ng dalaga at
kumagat agad. "Walk" sabi ni Nina saka hinila ang binata. "Walk? Where?" tanong ni
Dani. "Nof walk" sabi ni Nina kaya sumama naman agad yung binata sa kanya.

"You want to go to the park?" tanong ni Onofre. "Walk" sabi lang ng bata kaya
nagulat ang lahat. "Wow ha" sabi ni Dani. "Sige po samahan ko lang siya mag walk.
You want one more? Magdala ako ng isa pa?" tanong ng binata. "Noooo" sigaw ng bata
kaya nagtungo na sila sa pintuan.
"Sama na ako" sabi ni Dani kaya humabol siya. Habang naglalakad panay ang tingin ni
Onofre kay Dani kaya lalong natetense ang dalaga. "Grabe parehong pareho kayo ng
suot o" sabi niya saka lumuhod at hinaplos tiyan ng bata. "Pareho kayo ni mama o,
mama sexy, Ninny sexy din kunwari kahit malaki ang tiyan" banat niya.

Natili yung bata saka pinag hihila yung shirt ng binata. "What is it baby?" tanong
niya. "Ito o" sabi ng bata saka tinuro tiyan niya. "Ha? Bakit yang tyan mo?" tanong
ni Onofre. Nag German bigla yung bata na tila nagagalit kaya tumayo si Onofre.

"Ano daw?" tanong niya. "I don't know, what is it baby?" tanong ni Dani. "Eto o"
sigaw ni Nina saka tinuro tiyan niya. "I don't get it" sabi ni Onofre. Nagwala si
Nina saka inabot tiyan ng nanay niya saka tinuro sarili niyang tiyan.

Lumapit si Dani sa binata, "Keep still" sabi niya saka nilislis yung shirt ng
binata para maging hanging din ito. "Are you kidding me?" tanong ni Onofre kaya
natatawa na si Dani. Pag atras niya pumalakpak si Nina kaya si Onofre napakamot at
napalingon sa paligid.

"Are you kidding me?" tanong niya pero lumapit si Nina saka pinaghihila pantalon ng
binata. Doon na natawa si Dani, nilislis ni Onofre yung pantalon niya kaya todo
palakpak si Nina. Pagtayo ng binata todo kamot ito saka huminga ng malalim.

"Carry ko to, come on walk" sabi niya. Bungisngis si Dani kaya ang sama ng tingin
ng binata sa kanya. "Wag na wag mo ilalabas phone mo" sabi niya. "Sorry Nof" sabi
ng dalaga at paspas niyang kinunan ang binata ng litrato. "Aha" sigaw ng binata
saka tumawa pagkat mabilis siyang tumalikod.

"Ninny pose with Nof" sabi ni Dani. "Ay ang daya mo" sabi ng binata. "Nof poss"
sabi ng bata kaya napilitan ang binata na humarap. "Smile" landi ni Dani saka
natawa, "Fine, huh sige lang" sabi ni Onofre.

Pagdating sa park kalmado na si Onofre. "Its okay mag ayos ka na" sabi ni Dani.
"Ayo slang, para kay Ninny ito. Wala ako paki kung ano masabi ng mga kapitbahay
niyo. Hamunin ko nalang ng suntukan mamaya" biro ng binata.

"Slide Ninny?" tanong ni Dani. "No" sagot ng bata. "Swing?" tanong ni Onofre.
"No..walk" sabi ng bata saka hinawakan kamay ng binata. "Walk? Ano nakain niya?"
tanong ni Onofre. "I don't know" sabi ni Dani. "Go back na?" tanong ni Onofre.
"Housh" sabi ni Nina kaya napangiti nalang yung binata.

Habang naglalakad tumabi si Dani sa binata. "Mga moments na ganito ang mga di mo
dapat mamiss sa buhay ni Ninny kasi minsan lang ang mga ganito" sabi ni Onofre.
"Yeah I know" sabi ng dalaga. "Its good very focused ka sa kanya at di ka tulad ng
ibang moms na sige gala parin at back to regular programming tapos iiwan lang yung
baby sa magulang" sabi ng binata.

"Honestly Nof..almost" sabi ni Dani. "Almost?" tanong ng binata. "Yeah, kasi parang
namiss ko yung mga dati kong ginagawa, kasama barkada ang stuff pero may nasabi ka
sa akin dati e. That I cannot afford to miss moments of Ninny. No regrets ako" sabi
ng dalaga.

"Look what happened, dahil sa barkada I left her. Buti nalang talaga ikaw yung
kasama niya. Then after speaking to you, afer feeling that you are an okay guy sige
parin ako. Sumama parin ako sa kanila...thank God you are a good guy pero I will
never do that again" sabi ni Dani.

"If ako din lang kasama ni Ninny go ahead, alam mo naman aalagaan ko siya" sabi ng
binata. "I know that Nof pero I will never do that again. I would rather spend that
time with you two" sabi ng dalaga.

"Ikaw Nof, you should be out there enjoying life" dagdag ni Dani. "I know but I am
enjoying naman ah" sabi ng binata. "Pero you really don't have to be here" sabi ni
Dani. "Pinapaalis mo ba ako Dani?" tanong ng binata. "Hindi, mali lang pagkasabi
ko. I mean you should be with Shirley" sabi ni Dani. "Ayan ka nanaman e, always
breaking your rules" sabi ng binata.

"Nof I have to kasi.." sabi ng dalaga. "Focus on the now. Tayong tatlo lang ang
nandito ngayon so magfocus ka sa ating tatlo. Nandito kayo, nandito ako, period"
sabi ni Onofre. "Pero nga Nof, ang sinasabi ko is..." sabi ng dalaga.

"You do not know what you are saying" sabi ni Onofre kaya natahimik ang dalaga.
"Nalilito lang ako Nof" bulong ni Dani kaya bumagal yung lakad ng binata. Tumigil
si Nina, humarap sa binata saka tinaas mga kamay niya kaya agad naman siyang
binuhat.

"Nof bakit iba yung rose kahapon?" tanong ni Dani pero ang binata tila ayaw sumagot
at pinatili nalang ito si Nina. "Noooof" bigkas ni Dani na parang bata kaya huminga
ng malalim yung binata. "Kaya siya buhay kasi buhay din"

"I mean the old ones I think I was confused. I just wanted to say that I will be
there for you always like those roses that wont ever rot. Yesterday it was a fresh
one like the feelings..." sabi ng binata kaya si Dani kinikilig na bigla.

"Like the feelings I am having for you. Alam ko malalanta din yon pero I want to be
there when it happens to be able to give you a new one" sabi ng binata kaya
kinilabutan na si Dani. Gulong gulo isipan niya, kinikilig siya ng matindi kaya
nahihirapan na siyang maglakad.

"What are you trying to say?" bulong niya. "I already told you that Ninny made me
fall in love with her, she is part of my system already. Napamahal na ako sa
kanya...sinabi ko din noon pati ikaw pero Dani..."

"It beyond that, I said that with you being her mom pero as the days passed I have
started to like you as in like you. Like you beyond being he mom of Ninny but like
you as for who you are...plain and simple answer I like you Dani and I can say
that...I am in.." sabi ng binata. "Nof please" sabi ng dalaga. "I am in love wit
you as Dani and not as Ninny's mom" tuloy ng binata kaya parang may sumabog sa loob
ng tiyan ng dalaga.
"Nof kung nagbibiro ka please stop" sabi ng dalaga. "Yun na nga e, hindi ako
nagibbiro Dani. Mahal narin kita bilang ikaw e" sabi ng binata kaya naging tahimik
sobra yung dalawa. Tila nakakintindi si Nina kaya palipat lipat lang tingin niya
dun sa dalawa.

Pagdating sa garahe tumigil si Dani, "I am so confused, please tell me you are not
playing tricks on me" sabi ng dalaga. "I am not, sana walang magbago sa atin. I
really didn't want to admit that but you forced me. Since nasabi ko na I am not
expecting a reply naman"

"Hindi din ako nagmamadali, pinilit mo lang kasi ako umamin" sabi ng binata. "How
am I supposed to belive you when I know..." sabi ng dalaga. "Can you just focus on
the now please? What you think you know you really don't. Kilala mo na ako Dani, I
am sure malalaman mo narin if nagbibiro ako o hindi"

"Focus on the now, tell me what you feel. Shut off the other things you think you
know and focus on the now. Focus on the now, we are the only ones here" sabi ng
binata. Huminga ng malalim si Dani saka hinaplos mukha niya.

"Pink Nof" sabi ni Nina kaya natigil usapan nung dalawa. Kumuha sina Nof ng cupcake
saka naupo sa sofa. Si Dani nag aalanganin pero naglakas loob na tumabi sa binata.
"Kalimutan mo nalang ata mga sinabi ko" sabi ng binata.

"Nof wait, ang hirap kasi mag isip knowing.." sabi ng dalaga. "If you cannot focus
on the now Dani then its better if kalimutan mo nalang yung mga sinabi ko" sabi ng
binata. "How am I supposed to focus on the now when I know that.." sabi ng dalaga.

"Dani kalimutan mo nalang. Kung di mo kaya mag focus sa ngayon, sa mga sandaling
ito kung saan ang nandito lang ay ako at ikaw...I know its complicated but all I am
asking you is to focus on the now. You and me, block out other things that you
think you know"

"Kung ano nandito, kung sino ang nandito sana yun nalang muna isipin mo. I know
what you want to say but please...its complicated and its my fault but if you just
focus on the now, right now, me and you right here...everything will have meaning"
sabi ng binata.

"I am so confused Nof" sabi ng dalaga. "Dani I don't want you to use the things
that you think you know as your excuse. That is why I am asking you to focus on the
now where the ones who are here are you and me...and Ninny" sabi ng binata.

Biglang sinubuan ni Nina si Onofre saka nagpalipat sa nanay niya at sinubuan niya
din ito. "Thank you baby" sabi ng dalaga. "Dani kalimutan mo nalang sinabi ko. I am
sorry for bringing it up" sabi ng binata. "Nof its just too complicated, hindi ko
kaya gawin yung gusto mo" sabi ni Dani.

"How hard is it? Ang gusto ko lang magfocus ka, pero if you cannot its okay. Its
all my fault naman, everything is all my fault. This is the doing of a scared
heart...a heart fearing rejection and knowing nothing except that it wants to beat
alongside your heart" sabi ni Onofre.

"Right now?" tanong ni Dani. "Yes, just between you and me. All I want to know..no
mali, ang gusto ko lang malaman sa ngayon ay kung naniniwala ka sa akin" sabi ng
binata. "Ngayon?" tanong ng dalaga.

"Oo Dani, ngayon. I like you and I think I have fallen in love with you. Could you
just focus on me right now and what I have just said and tell me if you believe
me?" tanong ng binata sa mahinang boses.

Napalunok si Dani, binaon saglit mukha niya sa leeg ng kanyang anak saka tinignan
yung binata. "Naniniwala...pero.." sabi ng dalaga. "Pero hindi ka maka focus,
kailangan mo pa isipin yung ibang mga bagay bagay" sabi ng binata. "Nof naman e,
this is very complicated" sabi ng dalaga.

"Yeah I know and its may fault. I complicated everything. I am so sorry. I was
scared, I was afraid and I honestly have no idea about anything or how things
should be done. Dani kalimutan mo nalang yon, dating gawi nalang sana. Sana di
masira itong ano man meron tayo sa mga nasabi ko" sabi ng binata.

"Nof wait" sabi ni Dani kaya humarap ang binata sa kanya. "Right here, right
now..." sabi ng dalaga. "Dani its okay, mali ako alam ko. Ayaw ko masira kung ano
man meron tayo kaya I am so sorry for complicating things" sabi ng binata.

"Nof...nahihirapan ako sa gusto mong mangyari pero pag sa mga sandaling ito...right
now...right here...eto lang kaya ko isagot" sabi ni Dani saka ngumiti siya.
Napangiti narin si Onofre pero naudlot ang ngitian nila pagkat biglang sinubsob ni
Nina yung cupcake sa bibig ng binata.

"Rawwwrrrrr" hiyaw ni Onofre, natili si Nina ng malakas kaya binaon ng binata mukha
niya sa tiyan ng bata. "Help" hiyaw ni Nina saka nagtitili at nagtatawa. Napangiti
si Dani nang tumakbo anak niya pero hinabol ito ng binata.

"Raaawwrrr" sigaw ni Nina at siya naman yung humabol sa binata. Umakting na nadapa
si Onofre, pumatong si Nina saka pinagkakagat yung binata sa dibdib. Gumanti ang
binata at kinagat ang braso ng bata kaya si Nina sigaw ng sigaw. Walang magawa si
Dani sa sofa, nakangiti lang siya habang pinapanood yung dalawa pero mga mata niya
titig na titig sa binata.

Napahiga sa rug si Onofre, si Nina sumigaw saka natili pagkatapos nag dive sa
dibdib ng binata. "Aray ko Ninny" bigkas ng binata pero humiyaw yung bata, niyakap
ulo ng binata saka hinalikan ito sa ilong. Lalong napangiti si Dani, labis siyang
naantig pagkat kitang kita niya na gustong gusto ng anak niya yung binata.

Kinagabihan kausap ni Dani si Veronica sa Sykpe. "Knock out si Ninny, naglaro sila
buong araw" sabi ng dalaga. "Kaloka yung photo niyo sa Facebook hahaha" sabi ni
Veronica. "Si Ninny nangulit, as in she wanted Nof to be wearing something similar
to us"

"Pinalislis pa ni Ninny shirt niya para maging hanging din then naging target niya
si Nof" kwento ni Dani kaya laugh trip ang kaibigan niya. "Pero Veron, I asked him"
sabi ng dalaga. "Ayan yung inaantay ko, dali kwento" sabi ni Veronica.

"Yieeeeeee hahaha teka lang kasi" sabi ni Dani. Natili na sobra ang bestfriend niya
kaya si Dani hindi na mapakali. "Teka lang kasi, its very complicated e" sabi niya.
"Hoy, tell me! Now! Dali na ano nangyari. Wag ka nang mag e kasi e kasi basta
ikwento mo na" sabi ni Veronica.

Nakwento ni Dani ang lahat kaya walang tigil na kinilig ang kanyang kaibigan.
"Yiheeee haba ng hair o" biro niya. "Hahahaha teka lang kasi, I cannot be happy
kasi nga" sabi ni Dani.

"Focus on the now" banat ni Veronica. "Hahaha baliw, isa ka pa e" sabi ni Dani.
"Pero sis ano sa tingin was he being honest?" tanong ni Veronica. "I could feel it
was so real pero how can I believe him when I know Shirley is there? Diba? If wala
lang Shirley I could have given him a proper reply pero hindi ko kaya yung gusto
niya ipagawa"

"I tried and all I could give him was a smile pero deep inside gusto ko sumabog at
sabihin na sa kanya lahat. But i know Shirley is just there, ayaw ko din isipin na
masamang guy si Nof"

"I am so confused sis and happy at the same time" sabi ni Dani. "So ano nangyari?"
tanong ni Veronica. "Wala, we never talked about it. Naging busy siya with Ninny
na. As in siya nag asikaso kay Ninny the whole day. Laro sla ng laro hanggang sa
napagod si Ninny" sabi ni Dani.

"So what now?" tanong ni Veronica. "I want the now he is talking about so I will
try to make it happen. For the now he wants to happen I need answers...I need to
talk to Shirley" sabi ni Dani. "Huy not a good idea" sabi ni Veronica.

"It has to be done"

=================

Chapter 58: Ang Yayo

Chapter 58: Ang Yayo

Lingo ng hapon nakatanggap si Shirley ng isang text message. "Sis nandito kami ni
Ninny malapit sa inyo" basa niya. Imbes na sumagot tinawagan ni Shirley si Dani.
"Uy nasan kayo?" tanong niya. "Hi, ah dito sa parang mini park niyo" sagot ni Dani.

"Ah talaga? Wait puntahan ko kayo" sabi ni Shirley saka pinatay na yung tawag.
Tatlong minuto lumipas sa may mini park nagsisigaw na si Nina nang makita si
Shirley. "Hello baby" sabi ng dalaga saka yumuko at binuhat yung bata.

"Kitty" sabi ni Nina saka tinuro yung shirt ng dalaga. "Yes that is Hello Kitty,
wag mo hingiin ha kasi malaki ito para sa iyo" biro ni Shirley. "Hello sis,
nadistorbo ba kita?" tanong ni Dani. "Oh..tanong ko sana bakit kayo nandito pero I
think I have an idea. Tara sa bahay" sabi ni Shirley.

"Nakakahiya, dito nalang para makalaro si Ninny" sabi ni Dani. "Tara don so she can
play with my sister and brother" sabi ni Shirley. "Okay na dito sis, nakakahiya
naman wala kaming dala" sabi ni Dani. "Ano ka ba? Tara na don, come on Ninny lets
go inside the car na then go to our house" sabi ni Shirley.

Pagdating sa bahay nina Shirley humarap agad sina Wendy at Arthur, "Ninny this is
my sister Wendy, then brother Arthur. "This is Ninny and this is her mom Dani" sabi
ni Shirley. "She is the one with kuya Nof singing" sabi ni Wendy. "Yes, can you
play with her?" tanong ni Shirley.

"Come Ninny lets play" sabi ni Wendy at sumama naman si Nina. "Bibong bibo siya, I
could remember my siblings grabe mahiyain sila" sabi ni Shirley. "Nasan parents
mo?" tanong ni Dani. "Ah may pinuntahan sila saglit na meeting ng association dito"
sabi ni Shirley.

Sa hardin naupo ang dalawang dalaga, si Dani natetense habang si Shirley cool na
cool lang. "Ano kasi...its about Nof" sabi ni Dani. "What about him?" tanong ni
Shirley. "Hay, gusto ko maging honest sa iyo. Hindi ako masamang tao kasi Shirley"

"Kaya ako pumunta dito kasi yesterday he admitted some things" sabi ni Dani. "Oh my
God finally! Umamin na siya sa iyo?" tanong ni Shirley kaya nagulat si Dani at
litong lito na. "Ah..ah..he said some things" sabi niya.

"Grabe ka umamin siya o hindi?" tanong ni Shirley. "Ah.." bigkas ni Dani. "Hahaha
sis you can tell me" sabi ni Shirley. "How can you remain so calm? Boyfriend mo
siya" sabi ni Dani.

"Bestfriend" sabi ni Shirley. "What?" tanong ni Dani. "Nof is my bestfriend"


nilinaw ni Shirley. "But..you two are dating so by now I am sure boyfriend mo na
siya" sabi ni Dani. "We were dating, now we are just best of friends as in
bestfriends" sabi ni Dani.

"Binasted mo siya? Please don't tell me because of me" sabi ni Dani. "Hahaha of
course not sis. Walang basted na nangyari, alam mo its good Nof is a good guy. He
is very patient and we avoided committing a mistake" sabi ni Shirley.

"I am so lost right now" sabi ni Dani. "Dani, let me share this with you. When I
found out pinagpalit ako ng ex ko sa iba yes I was hurt but I never cried" sabi ni
Shirley. "Huh?" tanong ni Dani sa gulat. "Totoo, of course I felt hurt pero never
ako umiyak. I just felt numb, sad, angry and to be honest I felt so empty"

"In the first place I was not sure if I was in love naman talaga. My life is
complicated konti, nakwento ba ni Nof na parang robot ako?" tanong ni Shirley.
"Medyo, nabanggit lang ata" sagot ni Dani. "Yeah ganon ako, then there was a time
na may nanligaw sa akin, si ex ko, sabi ko sa sarili ko I am fed up, masyado ako
organized and focused on one goal so why not become a regular girl for a change"

"Nagpaligaw ako sa kanya, pero take note madami nagbalak noon" landi ni Shirley
kaya nagtawanan sila. "So ayon, everything was new to me. May times na uy nakakilig
sinabi niya pero itatanong ko lagi baka ginagago lang ako nito. O bakit niya ako
hinahawakan pero nakikiliti din naman ako" kwento ni Shirley kaya natawa ng husto
si Dani.

"Then later I found out that hindi ako naiiba sa kanya, organized din siya. So
sinagot ko later on, naging kami, then yes I admit my life was still organized and
parang may pattern but still I was learning to love him. Anyway fast forward,
pinagpalit niya ako and I felt so low"

"I blamed myself" sabi ni Shirley. "Ay" bigkas ni Dani. "So sa Pagudpud, that
night, ayon may isang lasing na kenkoy. Napatawa niya talaga ako and it was a
welcome feeling kasi all my friends they were consoling me so the more I felt bad
about myself na parang kawawa naman ako masyado"

"Turn off ako sa mga lasenggo to be honest pero that night he made me laugh so hard
that I wanted to stay a little bit longer. Dapat takot ako pero you know what
nagpaiwan ako sa kaibigan ko, I stayed with Nof that night"

"Oo lasing nga siya, pero I too felt the sincerity in his story about him getting
hurt. Naka relate ako, nilait lait ko pa nga siya sa utak ko, sabi ko hindi alak
ang solusyon pero here is this drunk guy making me laugh but at the same time
telling things that are true"

"Dapat worried ako, lasing e tapos sasabihin crush ako, pero you know what he never
did anything bad to me. Kaya siguro malakas loob ko kasi I knew Karate pero it
never came to the point I got ready to defend myself e. I felt secured so I just
enjoyed being with that drunk guy. We talked, he made so much sense about a lot of
things but I am sure hindi niya maalala kasi nga name ko nalang di niya maalala the
next day"

"Pero I stayed with him, we talked and he made so much sense. Nalito nga ako,
pagbalik ko sa cottage I forgot I was hurt. Parang I liked him at once hahaha. The
next morning medyo hurt seeing him with a little girl" sabi ni Shirley.

"Si Ninny" sabi ni Dani. "Yeah, hurt and peg, ay may anak na pero he looked
clueless, so I helped him out. Syempre di ako naniniwala na di niya anak yon. Mga
bolero guys you know, pero later on naniwala ako and lalo ako humanga sa kanya"
"He didn't recognize me and that was funny, sabi ko yeah right bolero pero totoo
pala hahaha. Then I saw him again with Ninny, sabi ko its either this guy is a good
liar or he is a really good guy kasi he was taking care a child of another person
instead of enjoying his stay there instead" sabi ni Shirley.

"Ouch" bulong ni Dani. "No offense meant. Pero bigla siyang nawala, sabi ko wala
na. Inis na inis ako sa sarili ko kasi nga medyo interested na ako sa kanya pero
wala na. Pakipot pa kasi e" sabi ni Shirley kaya natawa si Dani.

"Then sa mall, oh my God kinilig ako nang makita ko siya pero kasama si Ninny so
bagsak agad tuwa ko. Ginago na talaga ako nito sabi ko. Imposible naman na hanggang
doon kasama si Ninny. Diba? Pati naman siguro if ikaw nasa lugar ko iisipin mo na
bolero na yon e" sabi ni Shirley.

"Yeah pero tuloy mo kwento mo" sabi ni Dani. "Basta I was happy to see him. Ayon
umayos ang lahat nung nakilala narin kita sa wakas. Honestly sabi ko God must be
giving me so many signs, kasi nga sobrang daming chance encounters na e"

"So one day di ko natiis, ako na nagbigay ng number ko sa kanya. Yeah I really
liked him aaminin ko yon" sabi ni Shirley. "So what happened?" tanong ni Dani. "I
liked him but I was not sure. Alam mo yon? I feel good when I am with him kasi
anything goes"

"I even had to ask some friends to do some research about him. Nabanggit ba niya na
may isang babae na naghahanap sa kanya? Well wag kang magselos, friend ko lang yon.
Basta magulo isipan ko, I didn't know what I was doing and I wanted to know more
about him without asking him. Basta yon, so anyway si Nof..."

"Yung kwentuhan namin about silly things lang which is amusing to me. Pero
honestly, he was more like a yayo to me. Sorry for the term pero pag kasama ko siya
parang I can let go of everything else. Di ko kailangan magpaka robot mode"

"I don't need to be afraid to commit a mistake, kasi he inspires me. Bumagsak siya
sa grades but look at him striving hard and making things right. Part of learning
and those things I will never get to learn if I remain na robot. Di ko malalaman
mga yon pag perfectionist ako. Laging takot sa failure pero there are a lot of
things din pala you can learn from failures so sabi ko yes its okay to be scared of
it but if it happens it just means there is room for learning. So I was enjoying
so much things with him"

"Mula nung bata ako parang failure was not an option. Push ng push. I lost my
childhood, nung meron na akong mga kapatid medyo natauhan ako bakit hindi ako
nakaranas ng ganon? So many questions pero naalala ko it was only me and my dad
noon"

"He had to work, I had school, pag uwi kami lang dalawa. He takes care of me and I
do take care of him...I had to kasi I don't want to lose him like how I lost my
mom. So when Nof arrived in my life parang nag loosen up ako, di ako natakot kasi
sabi ko look at him, still happy amidst the failures"
"He is a good guy, sobrang good guy kasi yung mga barkada ko I remember may mga
kwento sila about guys na nagiging ganon kaclose nila then later may bad things na
nangyayari like taking advantage. Kay Nof wala so I felt so safe. Wala nag eenjoy
lang sa kulitan, asaran, basta nag eenjoy ako e"

"Then one day...I became selfish. I said we are dating" sabi niya. "Yeah nakwento
niya yon and he was so happy" sabi ni Dani. "I had to say that, naging selfish ako
kasi natakot ako sa iyo" sabi ni Shirley. "Huh?" tanong ni Dani.

"I was afraid to lose him so I said that. Alam ko mali ako, I was confused, ayaw ko
magmadali pero takot ako na mawala siya bigla so I said we are dating. Sorry about
that, I think that complicated a lot of things" sabi ni Shirley.

"I am lost again" sabi ni Dani. "Oh come on, nainsecure ako. Basta alam mo na yon.
I didn't know if I really like him as in liked him, I knew I liked him but I was
not sure" sabi ni Shirley. "Hahaha ano ba? Nalilito na ako sa iyo" sabi ni Dani
kaya nagtawanan sila. "Basta yon, I was afraid to lose him. Takot na takot ako so I
said we were dating"

"Naeenjoy asaran namin, kulitan, kid stuff talk and arguments, sis I was being a
kid again. Di naman kid pero bagsak lahat ng guards, I could be anyone I wanted
basta kasama ko siya. Parang yayo nga na alam mo na laging may sasalo sa iyo at
alam mo may mag aalaga sa iyo"

"Naisip ko lang yon by watching him taking care of Ninny and naisip ko na ganon din
ginagawa niya sa akin kasi most of the time when I am with him I am acting like a
kid. Then..." sabi ni Shirley.

"Aha, parang alam ko na. Sa wedding ano?" tanong ni Dani kaya nagtakip ng bibig si
Shirley. "Hay, mabait si Nof. Sobrang bait, he talked to me, naging honest siya sa
akin sis"

"Pero before he could speak inunahan ko siya. Di daw siya manhid, alam daw niya
kaya sabi ko din di rin ako manhid. Just like that we understood each other pero I
told him that I don't want to lose him and he said the same"

"Sis whatever he said to you yesterday totoo yon. Takot siya e, nakiusap siya na if
ever wag namin pag usapan kung ano status namin. Sabi ko that is a bad idea pero he
had a plan to which I didn't agree with"

"Umamin naman siya sa akin that he liked you, kaya lang natatakot siya. Di daw niya
alam pano ka liligawan. Ayaw niya maisip na he was just after...you know what kasi
naman yang itsura mo"

"Takot siya, he didn't know how to court you. I told him just be honest and true.
He said he didn't want you to think na kaya ang bait bait niya kay Ninny kasi may
habol siya"
"So I said start courting her normally, pero sabi niya natatakot siya kasi baka
biglang bumalik daw yung dad ni Ninny tapos baka daw mapilitan ka makipagbalikan
for Ninny's sake"

"Sabi niya kaya niya labanan daw lahat ng magiging suitors mo pero pag yung real
dad daw ni Ninny ang bumalik he will back off kasi Ninny daw has the right to be
with her real dad, so pag ganon daw wala siyang laban"

"So takot siya. Siguro that is why he didn't want you to know the real score
between us para may safety blanket siya. Honestly I don't know what strategy is
that or how its supposed to help but nag agree ako sa kanya but I told him it will
complicate things and make him look bad" sabi ni Shirley.

"It did a bit" bulong ni Dani. "He said if Dani can focus on the now.." sabi ni
Shirley. "Oo nga, he kept using that line, focus on the now" sabi ni Dani. "Oo he
taught me so much as he was practicing that line"

"If Dani could focus on the now then I would know if my heart was able to
communicate with her heart. If she could block out everything else and just focus
on the now and let our hearts speak to each other then I hope she would be able to
see the truth and she wont see me as a bad guy"

"If only Dani could focus on the now, on that moment when I am forced to tell her I
love her, if only she could block out everything else and let her heart listen to
what my heart wants to tell her then she would understand"

"But if she could not focus on the now and use the outside forces as an excuse then
my heart would have failed in reaching hers" kwento ni Shirley kaya biglang natulal
si Dani at nabalot ng pagsisisi.

"Shit" bulong ni Dani saka niyuko ulo niya. "Napaka simpleng tao ni Nof pero madami
ako natutunan sa kanya. He may not be a good speaker but I understood what he
wanted to happen. From him I learned that there are just too many rules governing
us"

"So many rules that prevent us from making decisions. Even if our heart is raring
to go our mind is stopping it because of so many rules. Napaka simple ni Nof, hindi
man niya nasabi ng buo ang gusto niya sabihin pero naintindihan ko ano gusto niya
mangyari"

"When it comes to love dalawa lang naman ang bida don, ikaw at siya. Kung
magpapaapekto ka sa mga batas at kung ano man nakapaligid sa inyo ibig sabihin
mahina yung pundasyon ng pag iibigan niyo o kaya di ganon ang nararamdaman mo para
sa kanya din"

"Naiintindihan kita Dani, maski ako pag ako naipit sa ganon di ko din alam ano
isasagot ko. Pero if you think about it and just focus on the two of you then
perhaps you will understand what he was trying to ask from you"

"Yes you knew that I was here, I am sure that is what you were thinking of. But
listen to me, you know him very well. He is a good guy, umamin siya knowing you are
aware of me, na ginusto niya na maging aware ka na meron ako.."

"But he admitted, umamin siya sa iyo kahit meron ako. Will you please tell me
honestly, nung umamin siya sa iyo naniwala ka ba sa mga sinasabi niya kahit alam mo
na meron ako?" tanong ni Shirley.

Huminga ng malalim si Dani saka nakipagtitigan sa kaibigan niya. "Oo" sagot niya.
"It took him guts to admit to you he loves you, to your eyes he might be a bad guy
already but if you could just focus on the two of you at one moment"

"Would you see him as a bad guy?" tanong ni Shirley. "No" sagot ni Dani. "How I
wish hindi tayo nag usap today, sana nagfocus ka nalang sa pinaniniwalaan ng puso
mo. Pero okay lang kasi in the first place his method was unusual pero aminin ko sa
iyo..."

"It makes perfect sense. Nowadays the love between two people are hindered because
of so many external forces. Magkaiba lang ng relihiyon hindi na pwede, magkaiba ng
social status hindi na pwede, ayaw ng magulang, gusto ng magulang, ayaw ng barkada,
gusto ng barkada"

"Lucky are those who could block out all those external forces and fight for what
they are truly feeling. Nasapol din naman ako sa estilo ni Nof" sabi ni Shirley.
"So you are in love with him again?" tanong ni Dani.

"Hahaha no sis, but yes love as a bestfriend. Nof will always be my yayo pero wag
mo sasabihin sa kanya yon. Para lang ako si Ninny na natutunan ang madaming bagay
for the first time, I am lucky I have Nof as my yayo to be able to guide me and
take care of me"

"So sis hindi dapat ako yung kinausap mo today pero I am happy narin that we spoke
to each other. Gusto ko din naman kasi malaman if totoo ka din sa kanya. The mere
fact you are here means you like him too" sabi ni Shirley kaya napangiti ng husto
si Dani.

"That is good, kasi if Nof takes care of me you should know I will do the same for
him. At sana Dani if maging kayo man e sana I can still be friends with him" sabi
ni Shirley.

"Oo naman" sagot ni Dani. "Ayan another positive answer" landi ni Shirley kaya
natawa si Dani at namula. "Shirley, sana naman hindi kayo nagka falling out dahil
sa akin" sabi ni Dani.

"Uy wow, grabe siya" banat ni Shirley kaya laugh trip sila. "Sis hindi, kung ano
yung naiisip mo kanina tama ka. He felt that too and I was so happy that he could
accept it pero sa totoo thanks at meron ka or else I would have suffered kasi I
would have hurt him"

"Buti nalang hindi umabot sa ganon" sabi ni Shirley. "I think I screwed up
yesterday" sabi ni Dani. "Hindi, mahal ka ni Nof. Hindi na yon mawawala I can tell.
Pero wag mo sana sabihin na nag usap tayo. It will spoil your proper response" sabi
ni Shirley.

"Mahal ko siya sis" sabi ni Dani. "I know. Two scared hearts, how cute" landi ni
Shirley kaya natawa si Dani. "So how about you?" tanong niya. "Hahahaha you don't
have to worry about me sis. My heart is back where it stopped beating the first
time..."

"High School grad..noon e"

r1y

--------------------

Diba ganon naman lahat ng first timers...pag bigo sa una magkakaroon ka na ng


takot...

At mga atat ang laging nabibigo lolololol...

One or two more chapters left... 

=================

Chapter 59: Not Alone

Chapter 59: Not Alone

Huwebes sa may main gate ng paaralan ni Dani nagulat si Onofre nang makita ang dala
karga ang kanyang anak. "Kuya visitor" sabi ni Dani sa guard inabot yung visitor's
pass sa binata. "Suot mo yan tapos pakikarga nga si Ninny" sabi ni Dani.

"You brought her to school?" tanong ni Onofre. "Nooofff" bigkas ni Nina kaya agad
siya binuhat ng binata. "May meeting kami saglit, libot libot muna kayo ha or sa
canteen kayo. Sorry talaga pero nakakainis ginawa nila kasi akong officer" sabi ng
dalaga.
"Okay, sige ako na bahala" sabi ng binata. "Baby mommy will be back ha, school
lang" sabi ng dalaga saka tinuka anak niya sa labi. Pagkalayo ng dalawa kumaway pa
si Nina. "School mama Nof" sabi ng bata. "Yes baby. You want to eat?" tanong ng
binata. "Walk" sabi ng bata.

Habang naglalakad ang daming pumapansin kay Nina kaya ang bata todo ngiti. "Ninny
when you grow up dito ka din mag school siguro" sabi ng binata. "Ninny school" sabi
ng bata. "Yes but not like this, school for kids first" sabi ng binata. "Mama"
bigkas ng bata saka nagturo kaya natawa si Onofre.

"No baby, kahawig lang pero very good eyes Ninny ha very pretty girl too" sabi ng
binata. Tahimik yung bata bigla at titig sa isang babae na kumakain ng turon. "Nof
anoh?" tanong niya. "Turon, you want turon?" tanong ng binata. Tumingala ang bata
saka tinaas mga kamay niya. Pagkabuhat sa kanya ng binata tinuro niya ulit yung
babae.

Nilapitan ni Onofre yung babae, "Hi miss, ah pwede malaman saan mo nabili yung
turon?" tanong ng binata. "Tron" bigkas ni Nina kaya naaliw yung babae. "Ang cute,
sa canteen" sagot niya. "See that Ninny its also banana" sabi ng binata. "Banana?"
bigkas ni Nina kaya pinakita naman ng dalaga yung kinakain niya. "Yes banana
wrapped in wrapper, then it has brown sugar ata or something like that" sabi ni
Onofre.

"Nof tron" sabi ni Nina. "Okay baby, miss salamat" sabi ni Onofre. "Ang cute ng
anak mo" sabi ng dalaga. "Salamat" sagot ng binata saka naglakad na palayo. "Did
you hear that baby? Ang cute mo daw" sabi ng binata saka tinuka ang bata sa pisngi.

Ilang minuto lumipas pumasok si Dani sa canteen at nakita agad si Onofre at Nina.
Pagkaupo niya pinasikat ni Nina yung kinakain niyang turon. "Tron mama sarap" sabi
ng bata. "Ay naku sweets again" sabi ni Dani. "Gustong gusto niya, second na ito"
sabi ng binata.

"Second? Ang laki niyan ah" sabi ni Dani. "Syempre hati kami. Type niya yung
crunchy wrapper na matamis" sabi ni Onofre. "Nung gumawa si lola ayaw mo" sabi ng
dalaga. "Tron sarap" sabi ni Nina saka kumagat at ngumuya ng dahan dahan.

"Ano gusto mo? Kunan kita" sabi ng binata. "Hindi na, kasi kanina pa niya
binabanggit yung fries" sabi ni Dani. "Fries. Yoko na" sabi ni Nina saka dinikit
yung turon sa bibig ng binata. "Ay Ninny ah, fries again. Utotin ka ulit mamaya"
sabi ng binata saka gumawa ng tunog ng utot na kinatuwa ng bata.

Super tili si Nina saka tumawa ng malakas, kumagat si Onofre sa turon saka tinignan
si Dani. Ngumiti yung dalaga kaya nilapit ng binata yung turon sa bibig niya.
Kumagat si Dani at biglang nainggit yung bata. "O akala ko ayaw mo na?" biro ng
binata saka nilalayo yung turon.

"Nof! Tron please" lambing ng bata. "Ay wow, saying please often now" sabi ni Dani
sa tuwa. "Of course, Ninny has manners. Here bite baby" sabi ng binata kaya
napangiti yung dalaga ng husto.

Ilang minuto lumipas sa parking area, "Toot toot" bigkas ni Nina kaya nagtawanan
sina Dani at Onofre. Tumawa si Nina saka tinignan nanay niya, "Mama toot toot" sabi
ng bata. "Toot toot daw" sabi ni Onofre kaya inunlock na ng dalaga yung kotse niya.

Sa loob ng mall habang naglalakad may isang lalake na biglang bumangga kay Nina
sabay sabi lang ng "Oops" saka umalis. Ang bata nadapa kaya agad lumuhod si Dani.
"Gago ka ba?!!!" sigaw ni Onofre kaya nagulat ang lahat ng tao sa paligid.
"Nabangga mo yung bata, nakita mo nang nadapa tapos didiretso ka lang?! Ha?!" hiyaw
ni Onofre sa galit saka pinagtutulak yung astiging lalake na taas noo pa.

"E di sorry" sabi nung lalake. Inuga ni Onofre ulo niya saka pinatigas kamao niya.
"Nof she is okay" sabi ni Dani. "Well I am not fine with she being okay, the point
is she got hurt already" sagot ng binata saka dinuro yung kaaway niya sa dibdib.
"Hey whats your problem?" tanong ng binata.

"Tara sa labas" hamon ni Onofre. "Nof enough, she is okay let it go" sabi ni Dani
kaya napalingon yung binata saka tinignan yung mag ina. Huminga ng malalim yung
binata saka tinignan yung kaaway niya, "Dasal ka di tayo magkita na di ko sila
kasama" sabi ng binata saka tumalikod na at pinuntahan yung mag ina.

Lumuhod si Onofre saka hinaplos yung mga tuhod ng bata. "Sakit?" tanong niya. Inuga
ni Nina ulo niya pero bumaba pa ng husto ang binata para halikan ang mga tuhod ng
bata. "Wala sakit?" tanong niya. "Jabeee" sabi ng bata kaya niyakap siya ni Onofre.
"Sorry baby its my fault, dapat mas aware ako" lambing niya.

Nakarinig sila ng sigaw ng mga babae, paglingon nila nakita nila yung nakaalitan
nilang lalake na bulagta sa sahig. "Ooops" sigaw ng isang sigang lalake saka dumaan
sa ibabaw nung nakahigang lalake.

Binuhat ni Onofre si Nina saka tumayo, dumikit si Dani saka kumapit sa shirt ng
binata habang pinagmamasdan nila yung sigang lalake na papalapit sa kanila. "Scary
person" bulong ng dalaga. "Don't be afraid I am here" sabi ng binata

Pagkalapit ng siga nakipagtitigan siya kay Onofre saka hinaplos yung tuhod ng bata.
Dumikit yung siga saka bumulong sa tenga ni Onofre, "Bantayan mo kasi maigi" sabi
niya ng malakas saka tinapik likuran ng ulo ng binata at naglakad na palayo.

Magrereact sana si Onofre pero humila si Dani sa shirt niya. "Let it go" bulong ni
Dani kaya tinignan siya ng binata ng matagal. Huminga ng malalim si Onofre saka
tinignan si Nina, tinuka niya ito sa noo saka ngumiti. "Jabeee" sabi niya. "Jabeee"
sigaw ng bata sa tuwa.

Ilang minuto lumipas aliw na aliw si Dani pagkat tila nalilito anak niya sa dami ng
pagkain sa lamesa. "So which do you want?" tanong ni Onofre. "Chikinoy" sabi ng
bata kaya pinagat siya ng binata sa manok. "Chicken Joy baby, buyoy ka" biro ng
binata.

"Sarap" sabi ng bata saka dumampot ng fries at sinubo din ito. "Ninny no, one at a
time. Like this o" sabi ni Onofre saka kumagat sa manok, ngumuya ng dahan dahan
saka lumunok saka kumuha ng fries. "One a time, okay?" lambing ng binata pero
kumuha ng fries ang bata saka sinubo sa bibig niya.

Tumawa si Dani, tumawa din yung bata kaya inuga ng binata ulo niya. "Bakit ka
tumawa, I was trying to teach her. Now she thinks what she is doing is funny" sabi
ni Onofre. "Oh relax, sarap na sarap siya sa pagkain" sabi ng dalaga. "I know but
every moment you have kailangan turuan mo din"

"Kailan mo tuturuan pag walang pagkain? Eto madami pagkain so its time to teach
her" sabi ng binata. "Don't worry you will have all the time to teach her" sabi ng
dalaga. Delayed reaction ang binata, nung tinignan niya yung dalaga e nakatingin na
ito sa malayo kaya di na siya nagtanong. "Nof spatiti" sabi ng bata kaya sabay
natawa sina Dani at Onofre. "Anak naman" sabi ni Dani na nagpipigil talaga habang
si Onofre pinuno bibig niya ng fries para di siya makatawa.

"Here baby" sabi ni Dani. Pagkasubo ni Nina ngumiti ito saka dahan dahan ngumuya.
"Nof she is chewing slowly, tinitignan ka niya to show she is doing it" sabi ng
dalaga. "Very good girl" sabi ng binata saka gumaya para sabay sila ngumuya ng
dahan dahan.

"Nof" bigkas ni Dani. "Yup" sagot ng binata. "The now" sabi ni Dani. "Uy wala yon,
forget about it" sabi ni Onofre. "No, Nof it was not easy..i understood what you
wanted but you should know that..."

"I am not alone anymore. I have Ninny. All my decisions have to include her, all my
decision should revolve around her. Nof if it was only me then I could have easily
replied but Nof I have her"

"Kung ako lang Nof nakasagot na ako agad agad pero iniisip ko siya. I cannot afford
to hurt her. Listen to me first sana" sabi ng dalaga. "Go ahead I am listening"
sabi ng binata habang sinusubuan yung bata.

"Ikaw nagturo sa akin na unahin ko si Ninny and I was just doing that. I could not
be deciding things for my own, I cannot be selfish, my decision will affect my
daughter" sabi ng dalaga. "Dani listen, its okay. We are fine, basta sa akin I love
Ninny and I love you" sabi ni Onofre.

"Nof teka lang kasi" sabi ng dalaga. "Dani we are fine, I get it. Nothing will
change I promise you" sabi ng binata. "What do you get? Tell me" sabi ng dalaga.
"Ano man yon ayos lang, walang magbabago" sabi ni Onofre.

Huminga ng malalim si Dani, "Spatiti" sabi ni Nina kaya nagtawanan yung dalawa.
"Ikaw ha wag kang tamad, ispa ge ti" bigkas ni Onofre. "Spatiti" sigaw ni Nina saka
tumawa mag isa kaya natawa narin yung dalawa.
"Ay Ninny look at the chicken bold na, bakit balat lang kinain mo?" tanong ni
Onofre kaya natawa yung bata. "Nof" sabi ni Dani kaya tinignan siya ng binata.
"What is it?" tanong niya. "Yung siga" sabi ng dalaga kaya napalingon si Onofre sa
may bintana at nakita yung siga na nakatayo sa labas at titig lang sa kanya.

"Teka nga, ano ba problema nito" sabi ng binata na tumayo. Hinawakan ni Dani braso
ng binata kaya nagkatitigan sila. "Just talk to him...you are not alone now Nof..."
sabi ng dalaga saka niyakap anak niya. Napalunok si Onofre, tinignan niya yung mag
ina saka napangiti. "I will be back" sabi ng binata.

Pagkabalik ng binata agad siya tinignan ng dalaga. "Ano sabi niya?" tanong ni Dani.
"Napaka weird ng tao na yon" sabi ni Onofre. "Ano sabi?" tanong ng dalaga. "He was
asking ano daw magandang iregalo sa babae" sabi ng binata. "Really?" tanong ng
dalaga. "Yeah, so sabi ko depends on the occasion, sabi niya birthday. So sabi ko
depends on how you know her, sabi ko regaluhan niya ng something na gusto niya"

"Tapos nagalit kasi daw di niya daw kaya kidnap si Brad Pitt" kwento ni Onofre kaya
natawa yung dalaga. "O tapos?" tanong ng dalaga. "So sabi ko blouse, or
accessories, then I said relo then I asked if he liked her. Nagalit bigla, porke
daw babae like agad, pero I could tell he likes her. E diba may kasama siya noon na
maganda na petite? So naisip ko na yung parang suot mo minsan"

"Yung gandang ganda ako sabi ko. Boyfriend polo shirt ba yon, so I suggested that,
I had to explain what it looked like. Sabi niya pag di daw nagustuhan nung girl
babalikan daw niya ako. Grabe napaka weird na tao" sabi ni Onofre.

"I saw you two shook hands" sabi ni Dani. "Nagpakilala kasi ako. Siya pala si Anton
pero wag ko daw sasabihin sa iba, parang may topak" sabi ni Onofre. "There is
something appealing about guys like him" sabi ni Dani. "Type mo yung ganon?" tanong
ng binata.

"Sabi ko there is something appealing lang, type agad?" sagot ng dalaga. "Nagtanong
lang naman, come Ninny sit on my lap" sabi ng binata kaya lumipat yung bata. "No
Ninny come back here" sabi ni Dani kaya nalito na yung bata. "Dito na para makakain
ka ng maayos" sabi ng binata.

"Nof kanina pa ako kain ng kain, ikaw naman kumain. Ninny here baby so that yayo
can eat" sabi ng dalaga kaya biglang nasaktan yung binata. "Iyayooooo" biglang sabi
ni Nina sa sobrang cute na boses kaya napangiti konti yung binata.

"Nof" bigkas ng dalaga saka tinuro yung binata, "Yayooooo" ulit ni Nina. "Of course
Ninny I will be your yayo as long as you need me to be" sabi ng binata. "Yayoooo"
sabi ni Dani kaya tinignan siya ng binata.

"Yayoo Nof" sabi ni Dani, "Yayooo Nooff" bigkas ni Nina saka pumalakpak kaya
nakikiliti ang binata at labis na napapangiti. "Yayo..." bulong ni Onofre. "I love
you" sabi ni Dani habang nakikipagtitigan sa binata. "Yayooooo" hiyaw ni Nina kaya
bumilis tibok ng puso ng binata at nakaramdam ng matinding saya.
"Baby talk?" bigkas ng binata. Ngumiti si Dani saka niyakap anak niya, "Yayoooo
Nof" sabi niya. "Yayoooo Nof" ulit ng bata kaya inuga ng binata ulo niya saka
napahaplos sa kanyang puso.

"Last night I kept practicing that line, naghahanap ako ng lakas ng loob. Ninny
woke up tapos ginagaya ako...pero ang nasasabi lang niya is yayooo...Nof ginusto ko
magbigay ng sagot sooner pero like I said I am not alone anymore. I had to think
hard for myself and Ninny...all the times we were together, good memories, all the
fun...my selfish self wants more of that and I am sure Ninny would too"

"Pano ako sasagot noon knowing there was someone else? I could not afford hurting
Ninny and placing a burden on her shoulder. Single mom na nga ako, alam ko dadalhin
na niya yon habang buhay tapos...ayon nga there is someone else in your life..."

"So Nof...I am not alone. I have Ninny" sabi ni Dani. "I know, siguro mali ako, I
was not trying to take you away from her. Hindi din na gusto kita tapos I will
accept her, hindi ganon. Naiintindihan ko yon, mali ko lang I spoke to you kasi di
pa naman talaga nakakapag isip si Ninny pero if only she could..."

"I would have asked her first...that is why I focused on you. I love Ninny, to be
honest nainlove ako una sa kanya. Sabit ka lang" banat ng binata kaya natawa yung
dalaga. "Totoo yon, sabit ka lang naman e pero thanks to Ninny I fell for you too"

"Nung una nalilito lang ako pero eventually nahirapan na ako itago yon. Ang daming
pwede sabihin, ang dami pwede ipaliwanag pero mahal ko kayo e. You say you are not
alone because you have her"

"Kung may espasyo pa sana isingit niyo naman ako" sabi ng binata. "Nof from the
start may malaking espasyo. There was this big empty spot but since you came to our
lives you filled it up..."

"Pero Nof eto din gusto ko malaman mo, with or without Ninny I would have fallen in
love with you. Kaya sana wag mo din isipin na minamahal din kita dahil lang kay
Ninny. My selfish self is in love with you too" sabi ni Dani saka nagngitian yung
dalawa.

Humarap si Onofre sa lamesa saka pinaghahaplos mga hita niya. "Happiest day in my
life" bulong niya kaya bungisngis si Dani na nakikiliti din. "Ninny why don't you
sit there o, big girl ka na diba? Sit alone na" biro ni Onofre kaya natawa si Dani
ng husto.

"Pero Nof" sabi ni Dani. "Teka lang, yang sasabihin mo ba ay makakaapekto sa


samahan natin or yang sasabihin mo ay pangamba mo lang?" tanong ng binata. "Listen
first, kasi iniisip ko na parang unfair sa iyo..." sabi ni Dani.

"Ah pangamba lang. Dani lahat ng pangamba mo itapon mo. Walang unfair dito. Kahit
di ako matalino alam ko na pagdating sa pag ibig wala naman siyang timbangan, yung
bang scale na hawak ni madam justice"

"Walang ganon Dani, kesyo binigay mo ganito, siya ganito lang...ganon parin yon
pagmamahal parin yon. Yun ang importante pagmamahal, walang unfair unfair dito. Ang
imporante meron"

"It does not matter what you are losing or gaining, what is important you are in
for it all the way. Basta mahal mo yung tao wala nang ganyan ganyan dito. Kaya kung
pangamba lang itapon mo mga yan"

"Kung pangamba tungkol sa akin wag kang matakot, nandito lang ako para mahalin
kayo" sabi ni Onofre kaya napangiti si Dani at medyo naluha. "Isa pa, about
Shirley" sabi ni Onofre.

"Nof my rules, abide by them" banat ni Dani. "But.." sabi ng binata. "Ano?" hirit
ng dalaga. "Wala po, Ninny busog?" tanong ng binata. Hinaplos ng bata tiyan niya
saka humarap sa kanyang nanay saka yumakap. "What is it baby?" tanong ni Dani.

Natili si Nina bigla saka tinuka tuka nanay niya sa ilong. "Nanlalambing lang,
ganito siya pag happy siya" sabi ni Dani. "Busog si Ninny so akin na mga to?"
tanong ni Onofre. Tinignan siya ng bata saka tinuro.

"Yayoooo" bigkas niya. "I love you too baby" sabi ni Onofre. "Love mo si Nof baby?"
tanong ni Dani. "Yayooo Nof" sabi ni Nina. "Love mo siya?" ulit ni Dani. "Yayooooo"
hiyaw ni Nina. "Love din siya ni mama e, love natin siya anak?"

"Yayooo natin" sabi ni Dani saka tinitigan si Onofre. "Yayoooo Nof" hiyaw ni Nina
saka inabot mga kamay niya sa binata. Pagkarga ni Onofre sa bata nagulat siya at
nakiliti pagkat nangigil ang bata sa pagyakap sa kanya. Tinuka tuka di ni Nina ang
ilong ng binata saka nakipag nose to nose.

"Kiss mo Nof for mama baby" sabi ni Dani. "Ay pwede pagdating sa ganon walang
utusan" biro ni Onofre kaya laugh trip si Dani. "Do you think she understands what
is going on?" tanong ng binata.

Dumikit ang dalaga saka hiniga niya ulo niya sa balikat ng binata. Tinuka ni Nina
ilong ng nanay niya saka tinuka naman ilong ng binata. "I think she does" bulong ni
Dani kaya tinignan siya ng binata at hinalikan din sa ilong.

Pumalakpak si Nina, humarap naman si Dani, napangiti sila sa isa't isa habang mga
ilong nila nagkikiskisan. "I Love you Dani" bulong ng binata. "I love you Nof"
sagot ng dalaga. Nagulat sila pagkat biglang sumigaw si Nina at nagtitili, niyakap
ng bata mga ulo nila saka nanggigil talaga.

"Yayoooooo" 
=================

Epilogue

Epilogue

Isang araw sa loob ng Jollibee abala si Nof na pinapakain si Nina. "Chew carefully
baby" lambing ng binata. Nagulat ang binata nang basta nalang naupo si Anton sa
tapat niya. "Oh pre" bigkas ni Onofre.

Napatigil si Nina sa pagkain saka tinignan yung bagong saltang binata. "Eat lang
baby, friend siya. That is Anton" sabi ng binata. "Hello cutey pie, my name is
Antwon..can you say that? Antwon" sabi ng siga. Bungisngis lang si Nina saka
nagtuloy sa pagkain niya.

"Hoy, di niya nagustuhan yung sinabi mong ek ek shirt" sabi ni Anton. "Grabe ka
naman, alam mo yang pagbibigay ng regalo parang sugal din naman yan e" sabi ni
Onofre. "Hindi, nagtiwala ako na magugustuhan niya. I made a promise, I never break
my promises" sabi ni Anton saka nakipagtitigan sa binata.

"Wow, seryoso ka? Para don lang gugulpihin mo ako?" tanong ni Onofre. "Oo, a
promise is a promise. Ano naman klaseng lalake ako pag di ako tumutupad sa mga
pangako ko pero you are with that cute girl so I am willing to give you a second
chance" sabi ng siga.

"Ano nanaman?" tanong ni Onofre. Naglabas ng maliit na zip locked back yung siga na
may dalawang sinulid sa loob. "O ano yan?" tanong ni Onofre. "Kikay kit ng
mangkukulam tanga" sagot ni Anton. "Hey watch your words" sabi ni Onofre pagalit
kaya tinignan ng siga yung bata.

"Fine, pero eto itong mas mahaba yung waist line niya tapos etong maiksi ganito
lang dapat kahaba" sabi ng siga. "Huh? Para saan?" tanong ni Onofre. "Eto pera,
bilhan mo siya shorts, yung maong. Soli mo sukli at dapat may resibo" sabi ni
Anton.

"Pati yan iuutos mo? Kaya mo naman gawin yan ah" sabi ni Onofre. "Clothes store ng
babae yon" sabi ni Anton. "O ano ngayon?" tanong ni Onofre. "Basta, ikaw ang gagawa
nito. May utang ka sa akin. Ngayon na dalian mo" sabi ni Anton.

"Nakikita mo ba busy ako? Sorry ka. Kung gusto mo mamaya samahan kita pagbalik nila
galing sa parlor" sabi ni Onofre. "Ah ganon?" tanong ni Anton. "Oo ganon, I am so
sorry Ninny just started eating" sabi ni Onofre.

"Ah ganon?" tanong ni Anton saka tumayo. "Oo ganon na nga. Kung may problema ka sa
akin saka mo ako singilin pag mag isa ako. Wag ngayon at family time ito" sabi ni
Onofre kaya umalis bigla yung siga.
"See that Ninny, madaming bully sa mundo pero you have to stand up to them. Pero
Ninny matuto ka din lumugar, not all fights are worth fighting, there are some
where you have to lose in order to win. I know I am not making sense now but do not
worry baby I will always be here for you" lambing binata.

Limang minuto lumipas bumalik si Anton, nilapag niya yung isang tray na puno ng
pagkain kaya nanlaki ang mga mata ni Nina. "Ang takaw mo naman" sabi ni Onofre. "Oh
this is not for me" sabi ng siga. "Suhol para sa akin?" tanong ni Onofre. "Hindi,
para kay cutey pie" sabi ni Anton.

"Huh?" tanong ni Onofre. "Come cutey pie, come to tito Antwon. This is all for you"
sabi ng siga. Tinaas ng bata mga kamay niya saka pinagtuturo yung siga. "Akin na,
gusto niya pumunta sa akin" sabi ni Anton. "Teka lang, basically you are still a
stranger" sabi ni Onofre.

Nagpumilit si Nina kaya napilitan si Onofre na ibigay ang bata. "This is all yours"
lambing niya kaya natatawa si Onofre. Todo palakpak si Nina, ang siga tinignan ng
masama si Onofre. "Ano? Dalawa kapatid ko" sabi niya. "Siga siga tapos may soft
side ka din" landi ni Onofre. "Dami moa lam, kunin mo na yung pera, mga sinulid
tapos bilhin mo na. Color grey, ash grey kunin mo" sabi ng siga.

"Tsk, I cannot leave her with you" sabi ni Onofre. Tinitigan lang siya ng siga kaya
napatayo yung binata. "She will be fine, kahit ganito ako tao parin ako" sabi ng
siga saka sinubuan si Nina.

Trenta minutos lumipas nakabalik si Onofre at nakahinga ng maluwag pagkat nakita


niya si Nina na tumatawa. "Hoy tama ba yung kinuha mo?" tanong ni Anton. "Oo, halos
pinagtawanan na ako doon" sabi ni Onofre. "Huh, sure ka tama yan ah. Pag yan
masikip sa kanya babalikan ulit kita" banta ng siga.

"Teka lang, so pano mo nakuha size niya?" tanong ni Onofre. "Para paraan lang yan"
sabi ni Anton. "Girlfriend mo ba yung maganda na maliit?" tanong ni Onofre.
"Kaibigan ko lang yon" sabi ni Anton. "Pero parang para sa kanya ito kasi maliit e"
hirit ng binata.

"Oo lapit na birthday niya" sabi ni Anton. "Ha? E so binigay mo na yung una pero di
niya nagustuhan?" tanong ni Onofre. "Hindi, sabay ko sila ibibigay" sabi ni Anton.
"Teka nga, sabi mo kanina hindi niya nagustuhan" reklamo ni Onofre.

"Awwww naniwala ka?" landi ng siga kaya napakamot si Onofre. "Tsss grabe ka, so
bakit may follow up gift e di mo pa naman pala nabibigay yung una?" tanong niya.
"Engot ka ba? Nag Google ako, nakita ko ano itsura pag suot ng babae ang ganon.
Parang wala nang ibang suot"

"Pano na kung di nga siya magsuot na ng pambaba tapos yun nalang suot? O kaya
magsusuot nga pero ang iksi iksi, mas maganda na ganito at maayos. Magegets niya na
pag sinuot yung polo na yon yan yung katerno dapat" sabi ng siga. "Awwww kaibigan
lang ba? You like her" landi ni Onofre. "May girlfriend na ako" sabi ni Anton.
"Oh, so kung meron e di sana sa kanya ka nagpatulong" sabi ni Onofre. "At ano naman
sa tingin mo maiisip niya? Ha? Mag isip isip ka nga" sabi ni Anton. "Ayaw mabuking
na merong iba" banat ni Onofre. "Hoy umayos ayos ka sa pananalita mo" banta ng
siga.

"Huh, that pretty petite girl who bosses you around. You like her" sabi ni Onofre.
"Umayos ka" sabi ni Anton. "Tsk tsk buking ka na" sabi ni Onofre. "Kaibigan ko lang
yon, at alam mo ba ang saya saya ko nung nakita kita last time kasi sabi ko wow the
best humingi ng advise ng ireregalo sa isang babaero" bawi ni Anton.

"Babaero? Sino ako?" tanong ni Onofre. "Oo ikaw, iba yung kasama mo nung wedding
tapos iba din yung mommy nitong si cutey pie. Sabi ko this is the best resource
person kasi babaero siya" sabi ni Anton.

"Excuse me, Dani is my girlfriend, siya yung nanay ni Ninny. Yung kasama ko sa
wedding that was Shirley, she is my bestfriend" sabi ni Onofre. "Oh so we have
bestfriends na babae. Kita ko yung pagyakap sa iyo, yung closeness niyo, huh ano
ngayon?" sabi ni Anton.

"Teka lang, para malinaw oo close kami at nung panahon ng wedding we were dating I
admit that. Wala pa kami ni Dani noon. I was dating Shirley" sabi ni Onofre.
"Whatever, so stop teasing me. Nasa parehong bangka pala tayo. Pareho tayo may
nobya at pareho tayo may bestfriend na babae" sabi ni Anton.

"Fine" sabi ni Onofre. "Hoy be honest with me, yung combo ng ireregalo ko e okay na
ba?" tanong ni Anton. "Oo okay na, kung wala namamagitan sa inyo wag ka masyado
magpaapekto kung okay o hindi. Regalo lang naman e" banat ni Onofre.

'Nanghuhuli ka e, sinusubukan mo ako utakan?" tanong ni Anton. "Sorry na, masyado


kang ano e" sabi ni Onofre. "Mama" sigaw ni Nina kaya napalingon si Onofre. Sabay
na dumating si Dani at Shirley at pareho silang napatigil at napatingin kay Anton.

"Ah Dani, Shirley, eto pala si Anton" sabi ni Onofre. "Antwooon" bigkas ni Nina
kaya napangiti yung mga dalaga. "Antwon mama" sabi ni Nina. "Yes baby I heard
already" sabi ni Dani saka naupo sa tabi ni Onofre at tinuka ang binata sa labi. Si
Shirley naman naupo sa tabi ni Anton kaya lumipat sa kanya si Nina.

"Antwon kyaaas" sabi ng bata. "Yes baby, oh what is this he has a gift for you?"
tanong ni Shirley. "Ay hindi, para yan sa bestfriend ni Antwooon, malapit na
birthday ng bestfriend ni Antwoon" landi ni Onofre.

Inuga ng siga ulo niya, "Oh bestfriend" sabi ni Dani. "Umamin ka na kasi" banat ni
Shirley kaya hinaplos ng siga noo niya. "Nof this food is too much. Masyado mo
naman iniispoil baby natin e" sabi ni Dani.

"Yan din sinabi ko sa kanya kanina e. Dapat iharap mo lang yung sakto. Kasi ang
bata habang nakikita na madami pagkain sige yan ng sige. Wala pa sila pag iisip
about tamang figure or di pa sila health conscious" biglang banat ni Anton kaya
napanganga si Onofre.

"Teka lang, ikaw nanlibre ng mga yan" sabi niya. "Tignan mo to, be a man and accept
your mistakes. Grow some balls, nahuli ka na biglang mawawala balls mo? Its so easy
to say sorry at di na mauulit diba? Hindi yung nagbibintang ka ng ibang tao" hirit
ng siga kaya natawa na si Onofre at hinaplos mukha niya.

"Nof gusto daw ni Dani sumama sa isang concert" sabi ni Shirley. "What concert?"
tanong ni Onofre. "Concert ng isang fave singer ko si Mikan" sabi ni Shirley. "Oh
its up to her" sabi ni Onofre. "I know but gusto ko kasama kita" lambing ni Dani.
"Okay don Nof kasi front act nila is Enan and Ikang, magaling sila as in" sabi ni
Shirley.

"Enan...why does that name sound familiar?" tanong ni Anton. "Ako nga never heard.
Ano naman klaseng mga pangalan yung Enan at Ikang?" tanong ni Onofre. "Nicknames
nga e, basta magaling sila. Anton do you know him?" tanong ni Shirley.

"I think yung Enan ay dating classmate ng isang kaibigan ko e. Oo ata kasi nung
kasama ko si Jay noon at ibang mga low level friends nakita namin siya e. May mga
kasama siyang babae at naka bike silang lahat" sabi ng siga.

"Bike? Enan is a biker?" tanong ni Shirley. "Hoy Shirley, don't tell me type mo
yung Enan kaya gusto mo manood nung concert na yan" sabi ni Dani. "Oh no, I love
music and he really sings well. I so love yung song nila ni Ikang na kasama sa
album ni Mikan na bago"

"Pero si Enan, very inspiring person yan. Kasi eto ha, he does not look good. Tapos
as a joke pinasali siya sa pageant. He still did and you know what he should have
won. I have watched his performance sa Youtube more than ten times. Grabe napaka
unfair ng mundo"

"Dapat siya nanalo e, oo he does not look that good pero he outshined the other
contestants. Pero in the end wala e, pageant nga so yung gwapo ang nanalo. Pero
kahit na ganon taas noo parin siya, yung mismong pagsali niya sa pageant that
already says a lot and yung pagkatalo niya that even says more about our society"
sabi ni Shirley.

"Ang daming satsat, ang simple ng tanong e. Type mo ba?" biglang banat ni Anton
kaya bungisngis sina Dani at Onofre pagkat biglang natakot si Shirley. "Humahanga
lang okay, at ano naman ibubuga ko sa girlfriend niya e artista yung girlfriend
niya"

"If you know Cristine, GF niya yon eversince. She was even there sa pageant to
support him" sabi ni Shirley. "Wow, artista ang girlfriend niya?" tanong ni Dani.
"Oo naalala ko na, nung nakita namin siya madami siyang kasamang mga babae at isa
don yung artista. Wala ako alam pero sabi nila e tapos singer pa daw yung isa" sabi
ni Anton.
"Oh my God, si Mikan biker din?" tanong ni Shirley. "Omaygaaaa" hiyaw ni Nina saka
hinaplos mukha niya. "Saan mo sila nakita? Saan sila nag bike?" hirit ng dalaga.
"Sa kalsada" sagot ni Anton kaya bumigay na sina Dani at Onofre sa tindi ng tawa.

"Nice talking to you naman, kakairita ka na" sabi ni Shirley. "O ano? Alangan na
nagbike sila sa ere, ano sila ET?" hirit ni Anton. "Che, Ninny bad yan" sabi ng
dalaga pero abala ang bata sa pagkain ng fries.

"Pre ingat ka kasi karatista yan" sabi ni Onofre. "I know kung fu too" sabi ni
Anton. "Oh so you do know huh" sabat ni Shirley. "Kung fu...kung fumatol ka sa
babae yang dalawang itlog sa pagitan ng legs mo ay palamuti lang. Kahit meron ka
non hindi ka lalake, putulin mo nalang tapos itapon" sabi ng siga.

"Wow. Bwisit na may sense" sabi ni Shirley. ""Okay I am sorry, let me make it up to
you. Pag pupunta kayo sa concert I will make you a promise na magkaka meet and
greet kayo with Mikan at Enan" sabi ni Anton.

"Kaya mo gawin yon?" tanong ni Onofre. "Hindi" sagot ng siga kaya natawa si Dani at
Onofre. "Pero pilitin natin na mangyari yon. Tulad ng sinabi ko kaibigan ko si Jay,
mukhang kaklase niya naman dati yung Enan at Jessica kasi yung isang kasama nila e"
sabi ng siga. "Ayon! Si Ikang yon" sabi ni Shirley.

"Para paraan lang yan, kaibigan ko si Jay, di makakatanggi yon katulad nitong si
lover boy" sabi ng siga kaya inuga ni Onofre ulo niya. "I can make things happen so
hoy pumayag ka na pumunta sila sa concert, samahan mo sila kasi madaming mga
masasamang tao ngayon" sabi ni Anton.

"Pero you know what, I think may something din sina Enan at Ikang, basta I can
tell" sabi ni Shirley bigla. "Bestfriend diba? Pero if ever may kilala din akong
ganon" landi ni Onofre kaya bigla siyang nabato ng fries sa mukha mula kay Anton.

"Hala" sabi ni Dani kaya lahat napatingin sa siga. "Sinungaling yan" sabi ni Anton.
"Shirley nakita mo naman sa wedding diba? Yung pretty petite girl na kasama niya"
sabi ni Onofre. "Yeah, girlfriend niya yon diba?" sabi ng dalaga.

"Nope, bestfriend niya yon" landi ni Onofre. "Oh hala" sabi ni Shirley. "Ahem, Jay
is my friend who happens to be friends with that Enan, Ikang and Mikan" sabi ng
siga. Biglang tumigil si Shirley at napangiti kaya nagulat si Onofre.

"Wow" bigkas ng binata kaya todo ngisi yung siga. "Para paraan lang yan brod" sabi
niya. "Anyway iwan ulit namin kayo" sabi ni Dani saka tumayo. "Saan kayo punta?"
tanong ni Onofre. Yumuko si Dani saka humawak sa mukha ng binata. "Window shop"
pacute niya saka tinuka ang binata sa labi.

"Bye baby, go back to tito Anton" sabi ni Shirley. Pagkaalis ng mga dalaga naglikot
si Nina. "Walk" bigkas niya kaya umalis narin yung tatlo. Habang naglalakad panay
ang tingin ni Anton sa bata. "I know it must be tough, di lahat kaya tanggapin yung
ginawa mo" sabi niya.
"Yeah, madami yung nanlalait narin sa akin. Tanga daw ako bakit daw ako pumatol
sa...can we not talk about it. I really don't care about what they say about me"
sabi ni Onofre.

"Akala ko talaga babaero ka, kasi yung Shirley yung kasama mo noon" sabi ni Anton.
"Buti nga pareho kaming patient e. Siguro pag naatat kami pareho baka hindi din
lang kami happy o nabigyan lang namin isa't isa tsansa na saktan ang isa't isa"

"Buti nalang nasanay ako mag antay, pero yung una kasi nag antay ako pero napunta
sa barkada ko" sabi ni Anton. "Huh, sinabi ko ba mag share ka? Ano tingin mo sa
akin BFF? Ano gusto mo papasok din tayo sa parlor at magpapamanicure?"

"Umayos ayos ka nga, ang drama mo, drama mo lang yon. Para kang hindi lalake" sabi
ni Anton. "Sorry naman, nadala sa usapan" sabi ni Onofre. "Alagaan mo maigi si
cutey pie, make her feel loved always. One day you will have to explain everything
to her but when you do that make sure umaapaw pagmamahal niyo sa kanya" sabi ng
siga.

"Lalim non ah, bakit may anak ka narin?" biro ni Onofre. "Wala pa. Ang drama ko ay
drama ko, basta nakakarelate ako kay cutey pie. Wag ka nang matanong" sabi ng siga.
"I see, alam mo si Ninny ang rason ang kaligayahan ko ngayon"

"Oo patay na patay ako kay Shirley aaminin ko yon pero si Ninny parang nagpigil sa
akin e. I wanted to spend time with Ninny always, pero pag ginagawa ko yon syempre
di maiiwasan nandon si Dani"

"Habang nakikilala ko Shirley e ganon din nangyayari kay Dani dahil kay Ninny. Sa
totoo wala naman akong obligasyon kay Ninny e, pero that two days in Pagudpud with
her...iba e. Napamahal ako sa kanya kaya love na love ko si Ninny. Then along the
way when I thought I was ready for Shirley I started to have second thoughts, kasi
ayaw ko na mawala si Ninny"

"Baka Shirley might think of something else kasi nga si Dani e. Pero alam mo all
the patience paid off. Me and Shirley were not meant to be, parang we just were
meant to be friends. If naatat kami siguro ewan ko lang, malamang nasaktan ko siya
kasi nga si Dani e"

"Funny how life works. Ngayon naniniwala na ako sa importance of time and patience.
Ngayon kasi, palitan lang ng like sa Facebook, mamaya palitan na ng social status.
One day together, two days maybe then palitan na ulit ng social status sabay
unfriend and block. Tapos dagsa na mga sad posts, meron pa mga engot na post ng
photo na umiiyak sila"

"Mga atat. Di porke fast lane na yung buhay ngayon e fast lane narin sa pag ibig.
Maari man nagbago na ng husto ang mundo pero ang pag ibig old school parin. Di
porke kinilig ka minsan may something na"

"Di porke crush mo magiging kayo na. May sense nga pinagsasabi nung mga lola don sa
TV. Love needs time to grow so be patient because a lot of emotions can fool your
mind and make you think you are in love when you are really not..."

"Dapat enjoy the getting to know each other, enjoy being friends. Take your time
and just let love grow" sabi ni Onofre saka tinignan yung siga na naka earphones.
Natawa nalang si Onofre kaya tingnan siya ng siga, "Bakit may sinasabi ka ba?"
tanong ni Anton.

"Wala pare" sabi ni Onofre. Inalis ni Anton earphones niya saka hinaplos ulo ng
bata. "Ngayon kasi akala ng madami pag kinilig ka ng madaming beses yun na yon e.
Ipunan ng kilig, mga bobo nagkalat e" sabi ng siga kaya nagulat si Onofre.

"Kilig kilig kilig kilig kilig, tsss akala nila its all about that. Mga bobo.
Tignan mo madaming mga palabas at babasahin, kilig kilig kilig kilig kilig, akala
nila magandang palabas na yon kasi inatake sila ng kilig pero in reality there was
no sense or it was shallow"

"They just drowned in the kilig kilig kilig kilig. Sasabihin hit daw kasi ang
daming kinilig pero ipapanood mo yan sa mga kritiko, baka mapahiya lang sila at
mapagsabihan na basura. Pero syempre matatakot yung kritiko magsalita kasi ang
daming kinilig e"

"Uy panoorin mo ito, uy basahin mo ito. Nakakilig promise. Dadami manonood or


magbabasa, lahat sila nalunod na sa kilig. Pero if you look at the bigger picture
there is nothing really there. It just revolves around a cliché or basically a
shallow story"

"Binudburan nalang ng kilig kaya akala ng madami maganda talaga siya. Ganon ang
buhay e, madaming tanga, madaming uto uto...di nila alam na may isang kilig lang na
sasakto sa bawat isa. Isang kilig na ikaw lang makakaramdam"

"Yung kilig na yon di mararamdaman ng iba, yung kilig na sa iyo lang para sabihin
sa iyo na she or he is the one for you. I am sure you felt that kilig kasi look at
you all happy now with Dani and this cutey pie"

"Kilig na kakaiba na ikaw lang makakaramdam at hindi mo kaya ipaliwanag" sabi ni


Anton. "So ikaw pare, naramdamam mo narin siguro yung kilig mo ano?" tanong ni
Onofre palandi. "Tsk, this is a learning moment for you"

"I am sharing words of wisdom so dapat mag accept ka lang at mag appreciate.
Sumasagot sagot ka pa e. Don't you get it, bihira mangyari ito, mapalad ka at
nagbabahagi ako ng words of wisdom sa iyo. You are so ungrateful" sabi ni Anton
kaya natawa si Onofre. "Bowlbowl" sigaw ni Nina kaya nagulat yung dalawang binata.

"What the hell are you teaching her?" tanong ng siga kaya binuhat ni Onofre si
Nina. "Bowlbowl Nof" ulit ni Nina saka nagturo kaya sa malayo nakita nila si
Bernard. Lumapit si Bernard kaya biglang tumawa ng sobrang lakas si Anton.
"Bowlbowl" pacute ni Nina kaya si Bernard todo simangot. "Wow, is that what you are
teaching her?" tanong niya. "No, baka si Shirley" sabi ni Onofre. "Bowlbowl" ulit
ni Nina kaya super lakas ng tawa ni Anton habang tinitignan si Bernard.

"Uy Bernard eto pala si.." sabi ni Onofre. "King, just call me king" sabi ng siga.
"Bernard" sagot ng kulot na binata saka inabot kamay niya. Tinignan lang ito ng
siga kaya agad na inatras ni Bernard yung kamay niya.

"Baby don't say that, my name is.." sabi ni Bernard. "Bowlbowl" sabi ni Anton kaya
nagtitigan yung dalawa. "Sige na mauna na ako" sabi ni Bernard. "Nandito si
Shirley, kasama niya girlfriend ko naglilibot sila" sabi ni Onofre. "Oh really? Ah
sige, may bibilhin pa ako e" sabi ni Bernard saka naglakad na palayo.

"Kasama niyo yun sa wedding" sabi ni Anton. "Oo nga, yan yung love interest ni
Shirley. Ang nakakatawa magkaaway mortal daw sila. Oh well goodluck to them" sabi
ni Onofre. "May angas din yon e" saib ni Anton.

"Lakas ng backer niya e, baka kilala mo" sabi ni Onofre. "Sino?" tanong ng siga.
"Si Diablo" sabi ni Onofre. "Xavier" bigkas ng siga pagalit kaya nagulat si Onofre.
"So kilala mo pala" sabi ni Onofre.

"There can only be one...and that is going to be me" sabi ng siga.

  THE END  

---------------------------------------------------------------

I DEDICATE THIS STORY TO ALL THE SINGLE MOMS

Maraming maraming salamat po sa pagbasa sa aking kwento. Thank you sa araw araw na
pagsubaybay ninyo.

Hanggang dito nalang po muna ako ulit kasi kailangan ko na mahanap buhay. I spent
two months writing this story and posting one chapter per day. Now I have to go
back to writing ebooks. Pasensya na kailangan din mabuhay, di kakayanin kung libre
lahat.

Pasensya narin sa mga nadismaya kasi di yung manok nila yung napili sa huli, pero
if you try and re read the story then hopeful it makes sense. I tried my best to
make it as real as possible, fiction na nga e di mag effort na ako gawin as real as
possible para mas lalo maka relate ang madami.

Di ko alam kailan ulit ako magkaka free time pero like always I will be back. Hanap
buhay muna ako kasi life isn't free hahahaha.

Is this really the end? Yes for the story YAYO. Perhaps cameo roles here and there
for Ninny and Nof...but that is a maybe.

What happens to Shirley? ... Third book in the MORTAL series maybe

Para sa mga tumatangkilik sa ebooks kong iba...yes malapit na ang SPARE TIRE 2
(Third Book) starring Xavier. (2017 for sure)

Yes meron din ANTON 2 and it seems di na maiiwasan ang paghaharap nila ni Xavier.

Enan? Ewan ko ano gusto niyo gawin ko paghiwalayain ko sila ni Tiny? Hahahaha.

WHAT IF SPIN OFF STORIES OF ENAN....yes One will fall under the Bespren Series
(Enan and Ikang)...one will fall under the HEART BEATS series (Enan and Mikan)....i
don't know when.

For now I will be busy with ALAMAT, naku ang daming natuwa pero ebook po ito...okay
pinagmumura na ako ng marami hahaha. Sensya na kailangan mag hanap buhay.

ALAMAT at MNK2....PANTASYA 2 is already done with 1600 pages. Yes 1600 pages yung
story so goodluck sa mga kurtina at tissue

Maraming salamat ulit sa inyong lahat. I shall return when I have time to spare. I
might return to write an action fantasy story para ipatikim ko din estilo ko sa
pagsulat ng ganon na kwento. Similar to my wholesome Salamangka and Resbak series.

THANK YOU ULIT SA LAHAT!!!

You might also like