You are on page 1of 1

TINGNAN: Pinagkaguluhan ang maraming isdang napadpad sa mababaw na parte ng dagat sa Purok 5,

North Poblacion sa Medina, Misamis Oriental noong Huwebes.

Sobrang lapit ng mga isdang ‘tuway’ sa likod ng seawall kaya napakadali itong nahuli ng mga residente.

Anila, masarap iprito, ihalo sa tinola, o ‘di kaya’y gawing paksiw ang ‘tuway’.

Ayon sa nag-upload ng video na si Ramsey Lago, aabot sa 200 kilong isda ang nakuha nila. Paliwanag ng
mga mangingisda, posibleng may mga malalaking isdang hinahabol ang mga ‘tuway’ kaya napadpad ang
mga ito sa mababaw na bahagi ng dagat. | ulat ni PJ Gisan, ABS-CBN News

BASAHIN: https://bit.ly/2tI48xG

You might also like