You are on page 1of 5

Extrajudicial Killings: Pagsugpo sa Droga

Briones, Emil John

Cuenca, Dave Adrian M.

Litargo, Gerard Ken M.

Mano, Lance Stephen R.

Zamora, Gabriel Kaimo B.

Briones, Dhevine B.

Fabalina, Irish Belle M.

Lacorte, Sam Alison L.

Livida, Dorothy Mary Ann P.

Mantuano, Donita Marie B.

Medrano, Kristina Mae


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Panimula o Introduksyon

Pagsugpo sa droga yan ang nakikitang motibo ng mga nangyayaring pagpatay.

Ito ay ang mga extra judicial killings na lantarang nakikita ng masa. May nagsasabing

ito ay nagkaron ng mabuting epekto at mayroon naman nag sasabing itoy nagkaroon ng

masamang epekto.

Gabi gabi kung makikita sa balita, mayroon palaging balita tungkol sa mga

napatay sa mga engkwentro ng mga pulis sa mga drug pusher at iba pang uri ng mga

kriminal. Pinapatay sila ng walang awa at tila hindi na pinahahalagahan ang buhay,

buhay na kinukuha nila ng walang pag-aalinlangan. Sa mga nasabing napapatay ay

umano'y nanlaban daw ang mga ito ang iba naman ay basta nalang itinatapon kung

saan-saan na maaari na ring ituring na summary killings. Sa pagpapatuloy nito, tikom

ang bibig ng pangulo sa mga katanungan ng tao kung sakop ito ng kampanya niya.

Mayroon malaking epekto ito sa ating pamumuhay. Sa ngayon, wala na sigurong mas

napapanahong sitwasyon upang maramdaman natin ang aplikasyon ng konsepto ng

due process kundi sa mainit na usapin ng extrajudicial killings (EJKs).

May iba't ibang epekto at aspeto sa usapin ng EJKs kung saan dapat mailapat

ang karampatang "due process". Malinaw sa ating Konstitusyon, sa mga umiiral na

batas, at sa rules of court ang mga karapatan ng isang suspek, akusado, at maging ng
mga sentensyado. Tama ang sinasabi ng mga human rights advocates na hindi porke’t

sila ay nagkasala ay wala na silang karapatan sa batas. Mayroon din dapat tamang

proseso na sinusunod sa imbestigasyon ng mga suspek sa isang krimen.

Higit sa lahat, ang pagpatay nang walang laban sa isang suspek ay

ipinagbabawal at itinuturing na isang malinaw na krimen ng ating batas. Kung hindi

susundin ang mga sinabing ito ng Konstitusyon at ng batas sa paghuli, pag-iimbestiga,

at paglilitis ng suspek at akusado, ano mang produkto ng gawaing ito ay maaaring

ipagpaliban at ideklarang ilegal dahil hindi ito umaayon sa prinsipyo ng due process of

law. Pumapasok sa usaping ito ang gobyerno at ang mga tagapagpatupad ng batas.

Sadyang napakabilis ng marami sa ngayon na husgahan ang kapulisan at maging ang

pangulo na siya umanong nagpapatupad ng pagpatay laban sa mga walang kalaban-

laban. Kadalasan, inaakusahan silang guilty agad sa EJKs.

2. Layunin ng Pag-aaral

Isinasagawa ang pag-aaral nito upang maipabatid sa mga mamamayan ang epekto ng

pagkakaroon at pagpapatupad ng Extrajudicial Killings. Ang pamanahong papel na ito

ay nagbibigay linaw sa mga Epekto ng Extrajudicial Killings sa bansa. Ito rin ay

naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Kinakailangan pa ba ipagpatuloy ang Extrajudicial killings?

b. Ano ang mga naging epekto ng pagpapatupad ng Extrajudicial killings sa bansa?

c. May maganda ba o masamang maidudulot ang pagpapatupad ng ExtraJudicial

Killings sa bansa
3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ng pamanahong-papel na ito ay naniniwala na ang pag-

aaral na ito ay napakahalaga. Ginagawa ang pagsasaliksik na ito upang maipatid sa

mga tao, lalo na sa mga kabataan ang mga dapat malamang detalye sa

napapanahong isyu ngayon patungkol sa pagsugpo sa droga.

Mahalaga ang mga datos at imopormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng

maitutulong nito hindi lamang sa mga matatanda ngunit pati na rin sa mga kabataan.

4. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw at kaalaman ng mga tao

hinggil sa mga nagiging epekto ng pagpapatupad ng Extrajudicial Killings (EJK)

sa bansa.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga taong may sapat na kaalaman

katulad ng mga nasa hayskul, kolehiyo at mga nakatatanda patungkol sa isyu na

napapanahon ngayon katulad ng Extrajudicial Killings. Naniniwala ang mga

mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng

pag-aaral na ito upang magkaroon ng kaalaman ang lahat ng tao hinggil sa

opinyon nila patungkol sa EJK at maisip kung ano ang mga epekto nito sa ating

bansa.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

You might also like