You are on page 1of 3

POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS

KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng Kwalitatibong Pananaliksik upang makakalap

at mabigyang interpretasyon ang mga nakolektang datos. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng

impormasyon mula sa primarya at sekondyarya mga sanggunian. Ang pagsagawa ng interbyu

sa mga respondente ay nabilang sa mga primaryang impormasyon. Samantala, ang mga

ideyang nakalap mula sa internet batay sa mga naunang pag-aaaral ay ginawang basehan para

sa mga sekondaryang sanggunian.

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga bihasang guro sa sekondaya na mula

sa Junior High School ng Pototan National Comprehensive High School. Sila ay napili at tinipon

gamit ang Purposive Sampling Method na batay sa layunin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili nng

mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa

maayos at lohikal na paraan. Ito rin ay isang detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang

imbestigasyon. Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangalap ng datos ang

mananaliksik, ano at paano.

Samantala, ang ginamit na disenyo ng pananaliksik sa pananliksik na ito ay paraang

komparatibo. Ang paraang komparatibo ay naglalayong maghambing ng anumang konsepto,

kultura, bagay, pangyayari at iba pa. Madalas din itong ginagamit sa mga pag-aaral na cross-
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS
19

national.

Ang pagsasagawa ng pag-aaral na nauukol sa paghahambing ng wika ay daan upang

mapa-unlad at mapadali ang kakayahang pang-unawa ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino at

Hiligaynon. Kabilang sa kabanatang ito ang teknik at mga kagamitang malaking ang

kinagampanan upang makatulong sa pananaliksik.

Sa pag-aaral na ito, ang layunin ng mga mananaliksik ay saliksikin at ilarawan ang

pagkakaiba at pagkakatulad ng pandiwa sa Wikang Filipino at Hiligaynon sa isang

linggwistikong pagsusuri at paghahambing.

Mga Respondente

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na "Pandiwa sa Wikang Filipino at Hiligaynon:

Isang Lingguwistikong Pagsusuri at Paghahambing" ay gumamit ng piling mga guro upang

maging kasangkapan sa pananaliksik na ito mula sa Pototan National Comprehensive

Highschool. Gagamit ang mga mananaliksik ng random sampling na pamamaraan upang

magkaroon ng pantay na representasyon ng mga datos.

Hahanap at pipili ang mga mananaliksik ng hindi hihigit sa limang (5) guro para maisagawa ang

pag aaral na ito.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa taong 2020. Ang mga mananaliksik ay

naghanda ng isang talatanungan na naglamaman ng iba’t ibang katanungan na kanilang

magagamit sa pag-aaral nito, saka pumili ang mga mananaliksik ng mga posibleng respondent
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS
20

na may bakanteng oras na mailalaan sapagsagot, ikatlo sila ay naghahanda ng interbyu gamit

ang mga katanungang kanilang ginawa, gumamit sila ng voice recorder o audio recorder upang

mas malinaw at madaling maintindihan ang bawat sagot sa katanungan.

Tritment ng mga Datos

Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

nangalap ng datos buhat sa mga aklat na may kinalaman sa kanilang paksa. Ang mga

mananliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa iba’t-ibang websayt sa internet, iba’t-ibang

tesis na maaaring iugnay sa paksa sa silid-aklatan mula sa iba’t-ibang eskwelahan. Bukod sa

mga nabanggit, ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa mga taong

ekspert o kaalaman sa paksang napili ng mga mananaliksik.

Matapos pagtibayin ang paksa, ito ang naging batayan ng mga mananaliksik para makabuo ng

mga talatanungan. Bumubuo ng tatlong katanungan ang mga mananaliksik upang maging

batayan ng magiging kabuuan ng pananaliksik.

You might also like