You are on page 1of 3

POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING& MATHEMATICS

Kabanata 4

PAGLLAHAD, PAGSUSURI AT KINALABASAN NG PAG-AARAL

Inilahad ng kabanatang ito ang mga datos ng ginawang paghahambing at pagsusuri.


Ang mga datos ay tumutugon sa mga suliranin tungkol sa katumbas, pagkakatulad at
pagkakaiba ng pandiwa sa Wikang Filipino at Hiligaynon ayon sa aspekto na batay sa panlaping
ginamit nito.

Talahanayan 4.1 Nagpapakita ng mga aspekto ng pandiwa batay sa panlaping


ginamit nito sa Wikang Filipino.

Salitang-ugat Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap


takbo tumakbo tumatakbo tatakbo
awit umawit umaawit aawit
sayaw sumayaw sumasayaw sasayaw
akyat umakyat umaakyat aakyat
lakad lumakad lumalakad lalakad
aral nag-aral nag-aaral mag-aaral
upo umupo umuupo uupo
buhat bumuhat bumubuhat bubuhat
langoy lumangoy lumalangoy lalalngoy
sulat sumulat sumusulat susulat

Ang pandiwa ay may iba’t ibang aspekto katulad ng pangnagdaan o naganap na,

pangkasalukuyan o ginagawa pa lamang at panghinaharap o gagawin pa lamang. Makikita sa

unang kulom ang sampung (10) halimabawa ng mga pandiwa na sa anyong salitang-ugat na

kung saan ang ibig sabihin ng salitang-ugat ay mga salitang buo ang kilos at dito hinuha ang

mga salitang nilalagyan ng panlapi. Habang, ang panlapi naman ay nangangahulugang ay isang

kataga o mga kataga na kinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng isang salitang-ugat upang

makabuo ng panibagong salita na may ibang kahulugan.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING& MATHEMATICS

Mayroong iba’t ibang uri ng panlaping ginagamit upankg ipakita na ang isang pandiwa

ay nasa aspektong pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap. Kung saan tinatawag na

unlapi ang isang panlapi kapag ang katagang idinaragdag ay inilalagay sa unahan ng salitang-

ugat upang makabuo ng panibagong salita. Ngunit, gitlapi naman ang tawag sa isang panlapi

kapag ang katagang idinaragdag ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat. Habang, hunlapi

naman ang tawag sa panlapi kapag ito ay idinaragdag sa pagkatapos o sa dulo ng salitang-

ugat.

Mapapansin nasa pangalawang kulom na ang aspekto ng padiwa ay nasa aspektong

pangnagdaan o naganap na kung saan nagsasaad na ang kilos ay nangyari o natapos na.

Kadalasang, ginagamitan gitlaping –um- ang mga salitang-ugat at minsan ng unlaping nag-

upang ipakita na ang kilos o aksyon ay natapos na o ginawa na ng taga-aksyon. Kaya, gumamit

ang mga mananaliksik ng gitlaping –um- at unlaping nag- upang ipakita na ang mga salitang

kilos sa ikalawang kulom ay naganap na o ginawa na ng taga-aksyon.

Samantalang, sa pangatlong kulom nasa aspektong pangkasalukuyan o ginagawa pa

lamang ang mga kilos na nangangahulugang nagaganap o ginagawa pa lamang. Minsan,

ginagamitan ito ng gitlaping –um- at –in- o hindi kaya ng unlaping nag- upang ipakita na ang

kilos ay nagaganap o ginaganap pa lamang. Inuulit din ang unang pantig ng salitang-ugat

upang lubos na maipakita na ang kilos ay ginawaga pa lamang. Kay, ang mga mananalikisik ay

gumamit ng gitlaping –um- at unlaping nag- at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat upang

makabuo ng panibagong salita na nasa aspektong pangkasalukuyan o gingawa pa lamang.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING& MATHEMATICS

Habang, sa pang-apat o panghuling kulom ng talahanayan makikita na ang mga salita

ay nasa aspektong panghinaharap o gagawin pa lamang. Kung saan ito ay nangangahulugang

ang kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang. Kadalasang, inuulit lamang ang unang

pantig ng salitang-ugat o hindi kaya ang unlaping nag- ay nag-iiba anyo at nagiging unlaping

mag- dahil sa prosesong asimilisasyon upang ipakitang ang kilos ay gaganapin pa lamang.

Kaya, ang mga mananaliksik ay gumamit ng unlaping mag- at inulit ang unang pantig ng mga

salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita na nasa aspektong pangkasalukuyan.

You might also like