You are on page 1of 10

PINUPURI KITA PANGINOON (SALMO 29)

DISYEMBRE 15 PM
DISYEMBRE 16 AM
SALMONG TUGUNAN:
Pinupuri Kita, Panginoon
Sapagkat niligtas mo ako

Pinupuri Kita sapagkat ako’y ligtas


Di hahayaang kaaway magdiwang
Hinango ako sa daigdig ng patay
Inadya mo sa nanaog sa hukay!

Magsiawit kayong umiibig sa Kanya


Pasalamatan, Kanyang pangalan.
Ang galit Niya’y sandali lamang
Ang pag-ibig Niya ay Magpakailanman!

Nakikinig Siya at puno ng habag


Handa Niya akong tulungan
Panaghoy ay Kanyang ginagwang sayawan
O Diyos, Kita’y pinasasalamatan!
AWIT NG KAPAYAPAAN (SALMO 71)
DISYEMBRE 16 PM, 17AM
DISYEMBRE 17 PM, 18AM
SALMONG TUGUNAN:
Maghahari ang katarungan sa Kanyang panahon, kapayapaan
magpakailaman.

O Diyos, igawad mo sa hari ang iyong hatol


Sa mahal Niyang anak, ang katarungan Mo
Ang bayan Mo’y hukuman sa katarungan
At mga dukha nang may katuwiran.

Ang mga bundok, nawa’y dalhin ang kapayapaan


At mga kapatagan, katarungan sa lahat
Ang mga aba nawa’y ipagtanggol Niya
At dulutan ng ginhawa ang mga anak.

Maghahari ang katarungan sa kanyang panahon


At ang kapayapaan ay di magtatapos
Sa mga karagatan, Siya’y mamumuno
Simula sa ilog hanggang sa dulo ng mundo.

Nawa’y papurihan ang dakilang ngalan Niya


Tulad ng dakilang araw, magpakailanman
Basbasan nawa Niya ang lahat ng sangkatauhan
At mga bansa’y pupurihin ang ngalan Niya.
PUNUAN MO AKO (SALMO 70)
DISYEMBRE 18 PM
DISYEMBRE 19 AM
SALMONG TUGUNAN:
Punuan Mo ako ng pagpapala Mo
At aawitin ko’ng kapurihan Mo.

Ikaw lamang aking sandigan


Aking lakas upang ako ay maligtas
Pagkat ika’y batong aking lakas
Palayain Mo ako sa mga masasama.

Ikaw Poon, aking pag-asa


Tiwala ko sa Iyo’y noon pa man
Mula pa nang ako’y isinilang
Hanggang ngayon ako’y tinutulungan

Gawa Mo ay aking sasambitin


Katarungan mo’y aking ipagbubunyi
Ang turo sa’king kabataan
Pupurihin ko ang ‘Yong gawang kahanga-hanga
SALUBUNGIN ANG PANGINOON (SALMO 23)
DISYEMBRE 19 PM
DISYEMBRE 20 AM
SALMONG TUGUNAN:
Salubungin ang Panginoon
Siya ang hari ng kal’walhatian

Sa Panginoon ang sangkalupaan,


Ang mundo at sangkatauhan.
Siya ang nag-aayos ng karagatan
Mga tubig, pinagtitibay Niya.

Sinong aakyat sa bundok ng Poon?


Sinong tatayo sa banal Niyang pook?
Ang taong may malinis na puso
Di hangad ang bagay sa mundo

Tatanggap ng pagpapala
Ang taong nananalig sa Panginoon
Sa Kanya, Diyos ang itatangi
Banal Niyang mukha’y hahanapin
MAGALAK NA UMAWIT (SALMO 32)
DISYEMBRE 20 PM
DISYEMBRE 21 AM
SALMONG TUGUNAN:
Magalak na umawit sa Panginoon
Kayong banal umawit ng himig na bago.

Ang Poo’y pasalamatan, ang gitara’y gamitin


Sa pagtugtog ng lira, maghandog ng awitin
Aawitan s’yang parati ng bagong awitin
At buong lakas at galing mong tugtugin

Ang kanyang mga balakin, mananatili kailanman


At sa bawat salinlahi, ang pusong nag-aasam
Lahat tayo ay magdiwag sa Diyos na Panginoon
tayo’y magalak at pinili Niya tayo.

Buong puso ko at diwa sa Diyos lang nag-aabang


Pagkat Panginoon lamang, lakas ko at sanggalang
Sapagkat sa kanya lamang, puso’y may kagalakan
Magtiwala sa banal niyang ngalan.
Koda: ng himig na bago.
AWIT NI MARIA (1 SAMUEL 2)
DISYEMBRE 21 PM
DISYEMBRE 22 AM
SALMONG TUGUNAN:
Ang puso ko’y nagpupuri
Sa Panginoon kong tagapagligtas

Ang Puso ko’y nagpupuri sa aking Panginoon


Ang lakas ko’y galling sa diyos
Ako ay tumatawa sa mga kaaway
Nagpupuri sa Iyong mapagpalang kamay

Kanyang winawasak ang sibat ng mga malalakas


Ngunit mga aba’y pinatatatag
Ang mayroon ay nawawalan
Nguni tang gutom ay pinupunan
Ang baog ay binibigyan ng mga anak

Ang Poon ay tagabigay ng buhay at kamatayan


Siya lang ang aking tagapagligtas
Ang nagbibigay ng dalita at kayamanan
Itinataas ang tao sa kahirapan
Itinataas Niya ang mga abang alipin
Inihahanay sa mga hari
Sapagkat ang sandigan ng mundo;y sa kanya
Sa kanya galling ang buong sanlibutan
KALIGTASAN AY NARITO NA (SALMO 24)
DISYEMBRE 22 PM
DISYEMBRE 23 AM
SALMONG TUGUNAN:
Itaas ang ’yong ulo at ‘yong pagmasdan,
kaligtasan ay narito na

Ang kalooban Mo ay ituro , Mo o D’yos


Ituro Mo sa akin na aba Mong lingkod
Sa landas na matuwid turuan Mo ako
Ikaw lang ang D’yos ko’t Panginoon

Mabuti ang Poon at makatarungan pa


Makasalana’y Kanyang tinuturuan
Sa mababang-loob, Siya lamang ang gabay
Tinuturuan ng katarungan.

Tapat sa pag-ibig kung Siya’y umaakay


Sa tumatalima sa utos N’ya’t tipan
Sa tumatalima, Siya’y kaibigan
S’ya’y guro ng banal N’yang tipan
ANG KABUTIHAN NG PANGINOON (SALMO 88)
DISYEMBRE 23 PM
DISYEMBRE 24 PM
SALMONG TUGUNAN:
Ang kabutihan ng Panginoon,
Aking aawitin habang panahon

Aawitin ko ang ‘Yong pag-ibig o Diyos


Ang ‘yong katapatan sa lahat ng araw
Batid ko na pag-ibig Mo’y walang hanggan
Katapatan Mo’y sintibay ng kalangitan

Sa’king pinili ako’y mayroong tipan


Sa lingkod si David aking sinumpaan
Ang iyong angkan, aking itatatag kailian pa man
Sa bawat salinlahi, iyong kaharian

Sasabihin niyang “ikaw ang aking Ama


Ang Diyos, panulukan kong nagliligtas.”
Pag-ibig ko sa kanya’y mananatili kailanman
Para sa kanya’y tipang hindi magwawakas.
ARAW NG PAGSILANG (SALMO 95)
DISYEMBRE 24 PM
DISYEMBRE 25 (WHOLE DAY)
SALMONG TUGUNAN:
Ngayon ay isinilang dakilang mananakop
Sa ati’y isinilang si Kristong Panginoon.

Awitan ang Panginoon ng bagong awitin


Awitan ang Panginoon ng buong daigdig
Awitan ang Panginoon ng bagong awitin
Awitan ang Panginoon ngalan N’ya’y purihin

Ipagbunyi’y ipahayag ninyo sa bawat araw


Ang dakilang kaligtasan na galing sa Kanya
Inyong ipamalita sa lahat ng mga bansa
Ang kanyang kapangyarihan’t kahanga-hangang ginawa

Magdiwang ang Kalangitan, magalak ang kalupaan


Ang lahat ng nasa dagat umugong sa tuwa
Magdiwang ang kapatagan at lahat ng Kanyang bunga
Ang lahat ng mga puno, lumukso na sa tuwa

Lahat tayo ay magdiwang, narito ang Panginoon


Dumarating sa atin upang Siya ay mamuno
Siya ay may makatarungan, daigdig paghaharian
Tayo ay huhukuman nang may katapatan.
SALMO NG BAGONG TAON (SALMO 66)
DISYEMBRE 31 PM
JANUARY 1 (WHOLE DAY)
SALMONG TUGUNAN:
Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos at kahabagan

O Diyos, kaawaan at pagbigyan


Kami ay Iyong tanglawan
Ituro sa amin ang’yong daan
Sa bansa, ‘yong kaligtasan

Ang mga bansa’y magsaya’t magalak


Katarungan Mo’y umiiral
Ika’y maghahari sa’ming lahat
At kami’y ginagabayan

Nawa’y pagpalain natin ang Diyos


Tayo na kanyang nilalang
Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos
Lahat ng may takot sa kanya.

Koda: at tayo’y kahabagan

You might also like