You are on page 1of 2

PUBLICATION DEPARTMENT

NORTHERN QUEZON COLLEGE, INC.


Brgy. Comon, Infanta, Quezon
______________________________________________________________________
MENTAL HEALTH AWARENESS ADVISORY DURING THE
ENHANCED COMMUNITY QUARNTINE (ECQ)

Malusog na araw sa ating lahat. Panibagong araw, panibagong health tips na


naman para sa ating malusog na pamumuhay.

Hindi madali ang krisis na kinakaharap ng maraming bansa sa buong mundo


ngayon. Nagsimula ang lahat ng ito nang ideklara ng World Health Organization ang
biglaang pagkalat ng Corona Virus Disease o CoViD 19 na nagmula sa Wuhan, China.
Kaugnay nito ay ang pagkakaroon ng pangamba sa mga posibleng maidulot nito sa
ating kalusugan.

Kaya naman bilang tugon, narito ang ilang impormasyon at gabay upang
mapanatili ang ating malusog na pag-iisip sa gitna ng krisis na ating nararanasan.
Layunin din ng panawagang ito na makaiwas tayo sa mga panaganib na dulot ng
nakakahawang sakit.

1. PANATILIHIN ANG POSITIBONG PANANAW SA PAKIKINIG NG MGA


BALITA.

Hindi masama ang maging updated sa mga nangyayari, ngunit panatilihin ang
positibong pananaw habang inaalam ang mahahalagang impormasyon upang
hindi magdulot ng lubhang takot at pagkabalisa na maaring hindi makabuti sa
ating kalusugan. Mas makabubuti kung pipiliin na lamang ang mga
kakailanganing impormasyon mula sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid ng
balita. Marapat ding bigyang-pansin ang mga makatutulong sa paghahanda para
sa iyong sarili at mahal sa buhay.

2. KILALANIN NA WALANG MALI SA PAGKABALISA.

Kung ikaw man ay nakararamdam ng pagkabalisa, hindi ka nag-iisa. Sa


katunayan ang iyong nararamdaman ay natural lamang. Ayon kay Dr. Lisa
Damour, ang ganitong pakiramdam ay nakatutulong upang maging gabay sa
pagtukoy ng mga dapat gawin at dapat iwasan sa isang partikular na sitwasyon.
Nakatutulong ito hindi lamang sa ating sariling kaligtasan kundi pati na rin sa
iba dahil iniisip natin ang kanilang kapakanan.

Sa kasalukuyan kung saan humaharap tayo sa krisis na dala ng CoViD 19,


kinakailangang huwag tayong magpadala sa takot sa halip ay gawin lamang ang
mgasumusunod:

 Palagiang hugasan nang maayos ang mga kamay.


 Iwasan ang madalas na paghawak sa mukha.
 Umiwas sa matataong lugar at sundin ang mga panuntunan ng pamahalaan
tungkol sa Enhanced Community Quarantine.

3. LIBANGIN ANG SARILI.

Kapag tayo ay dumaraan sa mahihirap na sitwasyon, kailangan nating libangin


ang ating sarili. Maaari tayong magbasa, manuod ng paborito nating pelikula,
makinig ng musika o tumugtog ng instrumentong pangmusika, magsulat ng
mga tula, mag-ehersisyo, o 'di kaya naman ay gawin ang mga gawaing bahay na
makatutulong upang maiwasan natin ang lubhang pag-aalala. Maging matalino.
Huwag sayangin ang bawat minuto. Ilaan ang maraming oras sa pagkilala sa
PUBLICATION DEPARTMENT
NORTHERN QUEZON COLLEGE, INC.
Brgy. Comon, Infanta, Quezon
______________________________________________________________________
iyong sarili. Sa ganitong mga paraan ay magagawa nating mabawasan ang mga
negatibong pananaw na dala ng krisis na ating kinahaharap.

4. GAMITIN ANG SOCIAL MEDIA SA EPEKTIBONG PARAAN.

Likas sa mga kabataan ang pagiging malikhain at mapamaraan. Maaari tayong


makipag-usap sa mga kaibigan sa pamamagitan ng social media o 'di kaya
naman ay makilahok sa mga adbokasiyang nakatutulong sa epektibong
pagsugpo sa CoViD 19 gamit ang social media. Samantala, ipinapaalala rin na
mahalagang alam natin ang limistasyon sa paggamit nito.

5. DAM’HIN ANG IYONG PAKIRAMDAM.

Sa mga panahong kagaya nito, maraming bagay ang nagdudulot sa mga


kabataan ng pagkadismaya, pagkainis at pagkalungkot. Bilang isang kabataan,
ano nga ba ang pinakamabisang paraan na maaring gawin para maiwasan ang
mga ito? Simple lang. Hayaan mo ang iyong sarili na maramdaman ang lahat ng
ito. Nasasaktan ka? Damhin mo. Nalulungkot ka? Umiyak ka. Huwag mong
pigilan ang sarili mo. At makikita mo, mararamdaman mong magiging maayos
ka rin. Ang mahalaga ay ginagawa mo kung ano ang sa tingin mo ay tama.

6. MAGING MABUTI SA IBA.

Maraming kabataan at frontliners ang tinutukso dahil sa lumalaganap na virus


ngayon . Hindi natin kailangang balewalain ang lahat ng ito. Umpisahan ang
disiplina sa sarili. Maging bukas-palad at ilaan ang sarili sa pagtulong sa kapwa .
Ang anumang ating sasabihin ay may magagawang pagbabago. Napakahalaga
na piliin at pag-isipan nang mabuti ang bawat sasabihin upang 'di makasakit ng
damdamin iba.

Walang ibang makatutulong sa atin kundi ang mga sarili natin


"PAG-IINGAT AT DISIPLINA SA SARILI AY UGALIIN,
UPANG ANG ANUMANG SAKIT AY MALABANAN NATIN."

Magandang araw at maraming salamat.

Ang paala-alang ito ay hatid sa inyo ng NQCI Health Department at ng United Nations
Children’s Fund (UNICEF).

Source: https://www.unicef.org/coronavirus/how-teenagers-can-protect-their-mental-
health-during-coronavirus-covid-19

You might also like