You are on page 1of 36

IL N

IB A
I
B LA
DEPARTMENT OF EDUCATION

G HA
Region III - Central Luzon
A A
N AM SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
PI G P
IN
R
A
II
-A
D
G
PA
IN
H

Kuwento nina:
Melissa C. Ronquillo
Jocelyn G. Gongon

Guhit ni:
Jocelyn G. Gongon

Dibuho ni:
Phoebe Marie B. Santarromana
This material was contextualized by the
Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)
Department of Education
Regional Office III
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN

NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI


Schools Division Superintendent

CECILIA E. VALDERAMA, Ph.D.


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

VIVIAN R. DUMALAY
Education Program Supervisor, EsP

EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D.


Education Program Supervisor, LRMDS

PHOEBE MARIE B. SANTARROMANA


Layout Artist

JOCELYN G. GONGON
Illustrator

MELISSA C. RONQUILLO
JOCELYN G. GONGON
Writers

JERRY R. CAMACHO, Ed.D. NENITA J. BARRO


VIVIAN R. DUMALAY JOCELYN A. MANALAYSAY, Ph.D.
RAMILO C. CRUZ, Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR.
MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. MA. LEONORA B. CRUZ
CID Supervisors

SUSAN B. PELIPADA
Division Librarian II
Para sa mga mambabasa,

Ang kuwentong ito ay tungkol sa magkaklase
at magkaibigan na nagtulong upang itama ang
maling ginawa ng kanilang kaklase.
Ipinaliwanag ng dalawa sa maayos na salita
na hindi mabuti ang pagtatapon ng basura kung
saan-saan. Ipinamulat din nila sa kanilang
kamag-aral kung ano ang nararapat
bilang pagtulong sa kalinisan sa kanilang
paaralan. Sa huli, tinanggap ng batang lalaki
ang kanyang kamalian at itinuwid ito.

ARAL:
Ipinakikita dito ang pagpapahalaga sa
kalinisan, ang magandang dulot ng pagtatapon
ng kalat sa tamang basurahan, ang hindi
pagdadalawang-isip na itama ang mali ng
ibang tao sa maayos na pamamaraan at ang
pagtanggap ng sariling kamalian.
Published by the
Department of Education
Region III
Schools Division of City of Meycauayan

COPYRIGHT @ 2019
by ________

Copyright Notice:

Section 9 of Presidential Decree No.49 provides:

"No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic
of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit."

MGA TAGA-PATNUGOT
MELISSA C. RONQUILLO AT
JOCELYN G. GONGON
MGA MAY AKDA

JOCELYN G. GONGON
TAGA-GUHIT

PHOEBE MARIE B. SANTARROMANA


TAGA-LAYOUT

DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D.


CHIEF, CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D.


EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR, LRMDS

MA. LEONORA B. CRUZ


EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR, ARALING PANLIPUNAN

42
Lathalain ng

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region III

25
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
L unes ng umaga, unang
araw ng linggo sa
pagpasok sa paaralan.
Tahimik at malinis ang
paligid. Wala pang mga
batang nagtatakbuhan at
naglalaro. Iilan pa lamang
ang mga mag-aaral na
dumarating. Ang iba ay
hatid ng kanilang mga
magulang.
Araw-araw
pumapasok sina Ema
at Lani. Nasa unang
baitang pa lamang
sila ay masipag na
talaga silang
mag-aral.

6
A yaw nilang lumiliban sa
klase. Gusto nilang
matutunan ang araw-araw
na ituturo ng kanilang guro.
Hindi sila kailanman
nahuli ng pasok sa
kanilang klase. Palagi
silang pumapasok
ng maaga. Iniiwasan
nila ang pagpupuyat
upang di mahirapan
sa paggising, at
upang hindi rin sila
inaantok kapag
nagtuturo
na ang guro.

7
8
7
N
asa pasilyo ang magkaklase at
magkaibigang sina Ema at Lani.
Hinihintay nila ang pagdating
ng kanilang guro sa Ikatlong Baitang, si
Gng. Divina. Dito sila makikita araw-araw
habang wala pa ang kanilang guro at
sarado pa ang kanilang silid-aralan.

Madalas ay makikita silang


nag-uusap kasama ang iba
pang kamag-aral.

Minsan naman ay nagbabasa


sila ng libro upang di
mainip sa pag-iintay. O di
kaya ay nag-aaral sila ng
leksiyon lalo na kung
sila ay may pagsusulit.
Kung kaya lalong
naging malapit sa
isa’t isa ang
dalawang bata
dahil palagi
silang
magkasama.

9
M asayang nagkukuwentuhan
sina Ema at Lani tungkol
sa kanilang napanuod nang
nagdaang gabi. Ngunit pareho
nilang hindi natapos ang palabas
dahil kailangan nilang matulog ng
maaga. Ayaw nilang magpuyat
lalo at may pasok pa kinabukasan.
Para sa kanila, mas mahalaga ang
pag-aaral kaysa ang pagpupuyat
ng dahil lamang sa panunuod.
Gusto nilang palaging mataas ang
kanilang marka upang matuwa
ang kanilang mga magulang.

10
11
M aya-maya ay
nakita nila ang
kaklaseng si Jun.
Napahinto sila sa
kanilang pag-uusap.
Nagtapon ito ng balat
ng kendi sa daan
habang naglalakad.

Nagkatinginan
ang magkaibigan.
Kitang-kita nila
na sinadya nitong
itapon ang kalat
sa dinaraanan.

12
A ng hindi niya alam
ay may nakakita
sa ginawa niya. Hindi
sila makapaniwala na
nagawa ito ng kaklase.

Palaging sinasabi
ng kanilang guro na
iwasan ang magkalat
at panatilihin na malinis
ang kapaligiran ng
kanilang paaralan.

13
N ang makalayo si Jun ay
pinag-usapan nina Ema at Lani ang
dapat nilang gawin.

14
B ilang mag-aaral ay may tungkulin
sila na pangalagaan ang kalinisan
ng kanilang paaralan. Tungkulin din
nila na itama ang anumang mali na
kanilang nagagawa maging ng ibang
mag-aaral. Iyon ay isa sa kanilang
natutunan mula sa turo ng kanilang
guro. Nais nilang isagawa ang
anumang kanilang natututunan.

15
N aisip ng dalawa
na kausapin ang
kamag-aral sa maling
ginawa niya. Sabay
silang naglakad at
nilapitan si Jun.
Gusto nilang huwag
nang ulitin nito ang maling
pagtatapon ng basura sa
daan o kahit saan man.

16
A yaw nilang
may ibang
mag-aaral na gayahin
ang hindi magandang
ginawa ng kanilang
kaklase. Gusto din nilang
ipaalala kay Jun kung
ano ang turo ng kanilang
guro ukol sa mga basura.
Nais nilang marinig ang
sasabihin ng kanilang
kamag-aral. 17
18
I pinaliwanag ng magkaibigan
na hindi tama ang ginawa
niya, na dapat ay sa tamang
tapunan ilagay ang kalat
upang mapanatiling malinis
ang paaralan. Ipinaalala din
nilang puwede ding sa bulsa ng
shorts o ng bag muna ilagay ang
kalat kung walang makitang
basurahan. Sinabi nilang bawal
magtapon ng basura hindi lang
sa paaralan kundi kahit saan
man. May babala man na
nababasa o wala,
nararapat lamang
gawin kung
ano ang
tama.

19
H umingi ng pasensya si Jun. Hiyang-hiya
siya sa kanyang ginawa. Inamin niyang
hindi talaga siya naghanap ng basurahan upang
doon itapon ang kalat. Nagmamadali raw kasi
siya dahil iaabot niya ang baon ng kaniyang
kapatid. Aminado siya sa kaniyang maling
ginawa. Nagpasalamat naman siya kina Ema
at Lani. Pero nangako siya na hinding-hindi na
niya ito gagawin pa. Itatapon na talaga niya
ang basura sa basurahan o kung wala mang
makitang basurahan, ilalagay na muna niya sa
bulsa. Ito ay kaniyang gagawin hindi lang sa
paaralan kundi kahit saan mang lugar.

20
21
K akamot-kamot sa
ulo ang batang
lalaki na naglakad
pabalik at pinulot
ang balat ng kendi.
Sobrang hiya ang
kaniyang naramdaman.
Akala niya ay walang
nakakita sa pagtatapon
niya ng basura.
Naiisip niya na baka isumbong
siya nila Ema at Lani sa kanilang
guro. Kung mangyari man iyon,
hindi niya alam ang sasabihin sa
guro.

22
N aalala tuloy niya na iyon pa naman ang
laging paalala ni Gng. Divina, panatilihin
ang kalinisan ng kapaligiran. Ayaw na ayaw nito
na may nakikitang kalat sa loob o labas man ng
paaralan.

23
I tinapon niya ang kalat sa nakitang
basurahan, sa di-nabubulok. Pagkatapos
ay nakayuko siyang naglakad papunta sa
pasilyo ng kanilang silid-aralan. Hindi pa
rin nawawala ang kanyang pagkapahiya.
Tumingin siya kina Ema at Lani, nag-uusap
ito kasama ang iba pa nilang kaklase.
Maaaring naikuwento na ng dalawa ang
kaniyang ginawa. Hindi niya malaman ang
gagawin. Hindi niya magawang lumapit sa
iba pa nilang kamag-aral na unti-unti nang
nagdaratingan. Nanatili na lamang siyang
tahimik at nag-iisa.

24
25
S a biglang pagdating ng guro ng mga bata
sa Ikatlong Baitang. Binuksan ni Gng.
Divina ang kanilang silid-aralan at matahimik
na pumasok ang bawat mag-aaral. Si Jun ay
nanatili sa kaniyang kinatatayuan. Inintay
niyang makapasok ang lahat ng kaniyang
kaklase.

26
N
apansin niyang
naiwan sina
Ema at Lani.
Lumapit siya sa mga
ito. Nakiusap siyang
huwag na sana siyang
isumbong sa guro.
Ngumiti sina Ema at Lani.
Nangako silang hindi na
nila ito sasabihin pa kay
Gng. Divina at maging
kaninuman sa kanilang
kaklase. Nagpasalamat
si Jun sa dalawa at
pumasok na sa loob.
Naiwan sina Ema at Lani.

27
B ago pumasok sa
silid-aralan, ang
dalawa ay nag-apir muna.
Hudyat na ayos ang
kanilang ginawa. Masaya
na sila ay nakatulong para
sa kanilang paaralan.
Pumasok na ang
magkaibigan sa silid, oras
na nang pagsisimula ng
kanilang klase.
Narinig nilang tinatawag na sila ni Gng.
Divina. Pumasok na ang magkaibigan
sa silid-aralan. Pagkatapos magdasal ay
tiningnan ni Gng. Divina ang buong silid-
aralan. Naghahanap siya ng kalat kung
mayroon man. Napangiti ito dahil malinis
ang silid. Patunay na isinasagawa ng
lahat ang kaniyang paalala.

28
29
Curriculum Web

Learning Objective Performance Standard


Naipamamalas ang pagiging
Kalinisan at kaayusan masunurin sa mga itinakdang
alituntunin, patakaran at
batas para sa malinis, ligtas at
maayos na pamayanan.

Content Standard Learning Competency


Naipamamalas ang pag- Nakapagpapanatili ng
unawa sa kahalagahan ng malinis at ligtas na pamayanan
pananatili ng mga natatanging sa pamamgitan ng paglilinis
kaugaliang Pilipino kaalinsabay at pakikiisa sa gawaing
ng pagsunod sa mga tuntunin
at batas na may kaugnayan sa pantahanan at pangkapaligi-
kalikasan at pamayanan. ran.
EsP3PPP-IIIe-g-16

30
Pagsuri ng Pang - Unawa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Saan nangyari ang kuwento?

2. Sinu-sino ang magkakaklase?

3. Bakit kinausap ng magkaibigan ang


kanilang kamag-aral?

4. Mahalaga ba ang kalinisan sa paaralan?


Bakit?

5. Kung ikaw si Ema o Lani, gagawin mo rin


ba ang kanilang ginawa? Bakit?

31
Talahuluganan

1. Nabubulok – ito ay mga pagkaing nasira at napabayaan. Ito


din ay mga nalalantang basura at ginagamit bilang fertilizer o
pataba sa lupa. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga nabubulok
na mga bagay ay mga dahon, balat ng prutas, at dumi ng mga
hayop.

2. Di-nabubulok (non-biodegradable) – ito ay uri ng basura


na hindi nabubulok. Maaari ding mga basurang nareresiklo,
wala ng gamit, nakalalason o nakamamatay. Ang ilan sa mga
halimbawa ay mga bote, plastic at lata.

3. Nareresiklo – ito ay ang paggamit muli sa mga bagay na


kalimitan ay binabasura lang

4. Pasilyo – ito ay takdang daanan sa tabi o harap ng isang


bahay o paaralan.

5. Nag-apir – pagsalubong ng kamay ng dalawang tao upang


lumikha ng palakpak o tunog

32
Isagawa Natin: Pangkatang Gawain

Gumawa ng awit na tungkol sa kalinisan ng kapaligiran sa


tono ng mga sumusunod at itanghal ito pagkatapos:

Unang grupo – Bahay-Kubo


Ikalawang grupo – Ako ay may Lobo
Ikatlong grupo – Maliliit na Gagamba
Ikaapat na grupo – Leron-Leron Sinta
Ikalimang grupo – Kung Ikaw ay Masaya

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG AWIT

Nilalaman 10 puntos
Tamang Ritmo at Tono 10 puntos
Presentasyon 10 puntos
30 puntos
PAGPAPAKAHULUGAN

30-25 = Napakahusay
24-20 = Mahusay
19-15 = Mahusay-husay

33
Dagdag Kaalaman

Ang waste segregation ay paghihiwa-hiwalay o pag-uuri ng


mga basura mula sa nabubulok, di- nabubulok at nareresiklo.

SANGGUNIAN

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=SlFZXOfDK
sTYvgSvhoOwAg&q=larawan+ng+basurahang+nareresiklo&oq=larawan+ng+basura
hang+nareresiklo&gs_l=img.3...6

34
Biography
Ang may-akda ay panganay na anak nina Danilo D. Choo at
Victoria C. Enriquez. Ipinanganak siya noong ika-3 ng Abril, 1977. Siya
ngayon ay may asawa na at 2 anak. Kasalukuyan siyang naninirahan
sa Bahay-Pare, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan. Nag-aral ng
elementarya sa Mababang Paaralan ng Sto. Niňo, Plaridel, Bulacan
(1984-1990). Ang sekondarya ay tinapos niya sa Mataas na Paaralan
ng Marcelo H. del Pilar, Lungsod ng Malolos, Bulacan (1990-1994).
Nagtapos ng kursong Bachelor in Elementary Education Major
in Home Economics and Technology sa Bulacan State University,
Malolos City, Bulacan noong Abril, 1998 (1994-1998). Nagturo agad siya ng
Kindergarten sa Stella Orientis School, Malolos City, Bulacan sa loob ng tatlong taon
(1998-2001). Tumigil muna siya ng pagtuturo sa loob ng isang taon (2001-2002).
Nang sumunod na dalawang taon (2002-2004) ay isa siya sa naging Contractual
Teacher sa ilalim ng panunungkulan ng dating Gobernador Josefina M. dela Cruz
at nadestino sa Paaralang Elementarya ng Pajo. Agosto taong 2005 ay tuluyan
siyang naging permanenteng guro sa nasabing paaralan at hanggang ngayon
ay gurong tagapayo ng mga batang nasa unang baitang. Bukod sa pagiging
Grade Leader sa unang baitang ay LRMDS Coordinator din siya ng paaralan. Sa
kasalukuyan ay kinukuha nya ang Masteral Degree sa Governor Andres Pascual
College, Navotas City.
Ang may-akda ay anak nina Ginoong Enrique Giron at
Ginang Narcisa Giron. Siya ay bunso sa anim na magkakapatid
at ipinanganak noong ika-8 ng Pebrero, taong 1983. Sa
kasalukuyan siya ay may asawa na at isang anak. Sila ng
kanyang pamilya ay nakatira sa # 0610 24 de Agosto St.,
Caingin, Malolos City, bulacan. Nag-aral siya ng elementarya
sa Santa Cruz Central School, Ilocos Sur (1990-1996). Tinapos
niya ang sekondarya sa Pascual Rivera Pimentel Memorial
Academy, Ilocos Sur (1996-2000). Natapos naman niya ang
kursong Bachelor in Elementary Education Major in Work Education sa Bulacan
State University, Malolos City, Bulacan (2001-2005). Naging Substitute
Teacher siya sa loob ng dalawang buwan taong 2007 sa Lawa Elementary
School, Meycauayan City, Bulacan (Agosto-Oktubre). Noong taong 2007
ay naging permanenteng guro siya sa Paaralang Elementarya ng Pajo,
Lungsod ng Meycauayan, Bulacan hanggang ngayon at gurong tagapayo ng
ikatlong baitang. Siya din ay ang Arts Coordinator ng nasabing paaralan. Sa
kasalukuyan ay nag-aaral siya ng Masteral Education sa Dr. Gloria D. Lacson
Foundation Colleges, Inc.
Ang nagdibuho ng aklat na ito ay pangatlo sa limang
anak nina Ginoong Ruben Mantac Banquillo at Ginang Marites
Lacayanga Banquillo. Ipinanganak noong ika-5 ng Pebrero,
taong 1994 sa Lungsod ng Valenzuela. Siya at ang kanyang
asawa na si Ginoong Jan Russel Nusa Santarromana ay nakatira
sa Barangay Pajo, Lungsod ng Meycauayan Bulacan. Nag-
aral siya ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Perez,
Meycauayan, Bulacan taong 1999-2005. Tinapos niya ang
Sekondarya sa Meycauayan National High School, Camalig,
Meycauyan, Bulacan taong 2005-2009. Nakapagtapos ng kursong Bachelor
of Elementary Education sa Meycauayan College, Meycauayan Bulacan
taong 2013. Siya ay nagturo sa loob ng isang taon sa Meycauayan College
(2013-2014) bago naging Substitute Teacher ng dalawang buwan (July-August
2014). Siya ay naging permanenteng guro sa Paaralang Elementarya ng Pajo
noong September 2014 hanggang ngayon at gurong tagapayo sa ikalimang
baitang. Siya ay SBM Coordinator at School Facilities Coordinator ng naturang
paaralan. Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral ng Master of Arts in Education
Major in Administration and Supervision sa Governor Andres Pascual College

35
sa Lungsod ng Navotas.
S ina Ema at Lani ay magkaklase. Sila
rin ay magkaibigan. Sila ay mga
mag-aaral na masasabing may malasakit
sa kanilang paaralan. Alam kasi nila ang
kahalagahan ng kalinisan kahit na sila ay mga
bata pa lamang.

Paano ipinakita ng magkaklase ang kanilang


pagmamahal sa paaralan?

You might also like