You are on page 1of 3

OTEDA, JAN KYLE S.

BSN 2-1 NO PARTNER

“Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa”


Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si Maymay kung kaya’t parang kapatid na
ang turing na sa kanyang mga alaga. May aso siyang si Bruno at pusa na
ipinangalanan niyang si Kiting.

Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at Kiting. Kahit ang mag-asawa ay


nagagalak sa saya sa mukha ng kanilang nag-iisang anak tuwing nakikipaglaro ito sa
mga alaga niya.

Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina Bruno at
Kiting. Isang araw, habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si Maymay
naman ay sumama kay Aling Iña sa tindahan, nag-away ang dalawa.

Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya namang natutulog sa sala ng
munting bahay ng pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil mahimbing na
sana ang tulog niya.

Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay pinag-kakagat niya. Hindi
naman nilakasan ng aso ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito ng mga
maliliit na pasa.

Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain habang awang-awa
siya kay Kiting. Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit masakit
rin sa kanya.

Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay. Umalis ulit si Aling
Iña at ang anak niya. Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang kanyang
kainan patungo kay Bruno.
Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang natitirang pagkain sa kainan ng pusa. Si
Kuting naman, umupo lang sa gilid at pinanood lang ang aso na kumain. Nasiyahan si
Bruno sa ginawa ng pusa at nagkabati rin sila.

Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay Maymay. Noong dumating sila ng nanay
niya ay hindi ito lumapit, tanging si Kiting lang. Nilapitan ng bata ang alagang aso at
hinimas-himas ang ulo nito.

“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro na tayo ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na ulit
kakagatin si Kiting, e, ang liit-liit pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya papagutoman muli si Bruno. Nagsisi rin
siya sa ginawa niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya
paparusahan ang mga alaga kahit ano pa man ang mangyari.

Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni Maymay at agad-agad itong tumayo
at lumapit sa pintuan – hudyat na gusto na niyang makipaglaro.

Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at Kiting. Hindi na rin nagagalit ang aso
sa tuwing hindi sinasadyang malaglag sa kanya ang pusa at magigising siya mula sa
mahimbing niyang tulog.

Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal na pagkain sina Bruno at Kiting. Nawala


na ang takot ng pusa sa malaking aso.
LAGOM

Si Maymay ay ang nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Ina na may alagang
aso na si Bruno at pusa na si Kiting. Araw-araw nag lalaro si Maymay, Bruno at Kiting,
ngunit hindi alam ni maymay na may inggitan na nagaganap sa pagitan ng dalawa
niyang alaga.

Isang araw habang wala sila maymay at ang kanyang mga magulang, nag away
si Bruno at Kiting. Nag karoon si Kiting ng mga maliliit na pasa dahil sa pag kagat sa
kanya ni Bruno, na ikinagalit ni Maymay. Dahil sa galit, hindi pinakain ni Maymay si
Bruno para matuto kahit labag sa loob niya.

Nung Nakita ni Kiting si Bruno na nanghihina dahil sa gutom, itinulak ni kiting ang
kanyang kainan patungo kay Bruno. Nasiyahan si Bruno sa pag bigay sa kanya ni Kiting
ng pagkain kaya nagkabati na rin sila.

Subalit masama parin ang loob niya sa kanyang amo kaya hindi na lumalapit si
Bruno kay Maymay pag dumadating. Nagsisi si Maymay sa ginawa niya kaya
ipinangako niya kay Bruno na hindi niya na uulitin ang pag paparusa sa kanyang mga
alaga kahit ano pa man ang mangyari. Naintindihan ni Bruno ang sinabi ni Maymay
kaya lumapit narin ito sa kanya.

Simula noon ay hindi na muli nag away sina Bruno at kiting, at lagi narin
dinadalhan ni Maymay ang kanyang mga alaga ng espesyal na pagkain.

You might also like