You are on page 1of 1

May bahid ng pait itong mga ngiti

Sa isip ay di mawaglit
Lahat ng mga tanong "paano kung" at "bakit"
Na sa tuwing gabi
Ang dahilan kung bakit nananatiling dilat ang sanay mata kung nakapikit.

May konting kirot pa din kasi


Na kahit papaano'y di na kasing sakit ng dati
Kaya't kung baka sakaling muli ay magtagpo ng landas
Wag mo kong tingnan
Na parang estrangherong nakasalubong mo lang sa daan.

Bigyan mo naman ako ng simpleng ngiti


Baka sakaling mabawi
Ang lahat ng mga luhang pumatak
Saksi ang mga gabing malungkot ang buwan at ang mga bituin ay tahimik.

You might also like