You are on page 1of 1

OVERTHINKER

Ito yung mga taong puyat dahil 3am na gising pa rin ang kaluluwa. Akala nila solo nila
ang universe kasi lahat na namamahinga maliban sa kanilang nilulunod ang isipan sa mga
samut-saring bagay wala namang kasiguraduhan.

Ito din yung tipo ng taong ang libangan ay paglaruan ang isipan at mas maraming mental
exercise kaysa pisikal.

Ikaw, saan ka nakahanay sa mga nabanggit?

Kasi ako doon ako nakahanay sa nilulunod ang isipan sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Dahil sa panahon ngayon na limitado ang ating galaw ang isipan lang ang malayang magliwaliw
sa kung saan-saan. Doon sa lugar na madilim at puno ng takot sa kaaway na nagkukubli sa mga
inosenteng nilalang walang kaalam-alam.

You might also like