You are on page 1of 1

Sa May Bintana

James Coronel
Lagi na lang akong
Dumudungaw sa may bintana,
Upang masulyapan
Kahit anino mo man lamang.
Nagbabakasakaling ikaw ay lumingon,
Ano kaya itong aking nadarama.
Araw-araw ako'y
Naghihintay sa may bintana
Nananalangin sana'y
Hindi ka pa nagdaraan.
Parang bumibilis
Tibok nitong puso,
Pag-ibig ba itong aking nadarama.
Koro:
Napupuyat sa kaiisip
Nababato't naiinip
Laging laman ng panaginip.
Hindi kayang magtiis
Isang araw sa may bintana
Nang di kita masulyapan,
Makindatan man lamang.
Tumitigil ang buong mundo
Sa twing ika'y nagdaraan.
Koda:
...nagdaraan... ...sa may bintana...
...sa may bintana...

You might also like