Ako si, Mark ____ , na sumusulat sa ngalan ng Send Traiding ay sumasangguni
sa Lokal na Gobyerno ng Bauan upang kami ay matulungan na mairesolba ang aming problema na sa aming palagay ay karapatdapat na mapag-tuunan ng inyong pansin. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang nangyayaring anumalya sa pagitan ng Artemis Salt Corporation at ng mga truck na pag-aari ng ibang korporasyon. Ang mga nasabing truck na ito ay malayang nakakapasok at nakakapag sagawa ng transaksyon sa Artemis Salt Corporation sa kabila ng kawalan ng permiso galing sa gobyerno. Habang patuloy na naiisagawa ang anumalya na ito, kami ay naniniwala na ang aming karapatan sa isang patas na pamamaraan ng transakyon kasama ang Artemis Salt Corporation ay patuloy ring nalalabag. Malinaw na ang transakyon na ito ay taliwas sa nasasaad sa batas, samakatwid, ay ilegal at nangangailangan ng agad-agarang askyon. Mariin namin itong isinasaad, sapagkat, sa bahagi ng Artemis Salt Corporation, malinaw na ito ay isang kapabayaan sa pamamahala sa mga nauukol na tama at patas na transakyon na “salt hauling”, at sa bahagi naman ng mga truck na walang permiso galing sa gobyerno ng Bauan, ito ay isa ring kapabayaan sa pagtupad sa nararapat na obligasyon sa batas. Samakatuwid, kami po ay humihingi ng tulong na magawan ng aksyon ang nasabing pangyayari na patuloy pa ring ginagawa sa kabila ng pagiging ilegal nito. Maraming Salamat po!