- When I was 19 yrs old in my college days. I joined WYD 1995 – one of the best experiences in my life. - I was inspired and encouraged that time to serve the church lalo na nung nakita ko nang malapitan si Saint Pope John noon. Sabi nga sa theme: As the Father sent, so I am sending you… - Joined my 1st choir last March 1995 sa iang charismatic choir. - Ang papa ko against sa pag cho-choir - Nanaig ang calling ni Lord kaya ituloy ko ang pagcho-choir. - Nung una di pa po ako marunong kumanta at lagi din po kaming pinagagalitan ng pari namin kasi puro daw po pang charismatic ang mga kanta namin. - Kaya yung coordinator namin nasumikap magkahanap ng magtuturo sa amin. - Naka dalawa kaming conductor noon. At marami po kaming natutunan. - Sabi sa akin ng conductor namin kailangan daw ng exposure sa ibang choir para mas madaling matututo. - Kaya pinasali po ako sa isang choir na kung saan isa pong professional choir at napakagaling na conductor ang nagturo sa amin. - So naging dalawa po ang aking choir nung mga earlier years ko bilang mangangata kay Lord. - Pero eventually, lagi rin po kaming walang taga-tugtog noong araw pag sa misa kaya napilitan po akong mag self study na mag- aral tumugtog ng organ. - Sa awa naman ng Diyos at natututo po ako ng kaunti kahit nung umpisa pinagalitan din ako ng pari namin pero tinuloy ko lang po at eventually umayos naman ang pagtugtog ko. - Really God gives what you desire lalo na siguro kung makakatulong sa pagse-serve sa kanya. - Sa charismatic choir po… dito mas lumago ang pananampalataya ko, maraming seminar at formation tungkol sa choir ang napuntahan namin. - Dito ko rin naranasan o naranasan namin ang kumanta iba’t ibang lugar. Sa labas man o sa loob ng simbahan. - Nakakapag-service po nga po kami hanggang Batangas. Umulan man o umaraw, may bagyo man o wala. Lilima o dadalwa o mag-isa kang kakanta basta tuloy lang maglingkod kay Lord. - I remembered one instance, Noong 1999, kagagaling ko lang po sa prayer servce namin. Nagkaroon po ng malaking sunog sa barangay namin. Wala po kaming naisalbang gamit sa bahay kasi nag simula ang sunog sa likod ng bahay namin. - Pero mabuti ang Diyos dahil maraming tumulong sa amin lalo na ang mga kasama ko sa parokya. - Mas lalong ako kumapit kay Lord noon at patuloy ko siya pinaglingkuran. - Eventually din po, nagsimula na rin akong humawak ng choir. Una yung children’s choir ng parish school namin at yung sa couple’s. - Siguro I was destined to teach kahit di ako professional. Gusto ko lang na i-share sa iba kung anong talent man na mayroon ako. - Nung panahon na iyon really I was on fire in the serving the Lord. - Tuwing Linggo, mula 6 ng umaga hanggang gabi nasa service po ako. - I was singing 3 masses in the morning sa Parish church namin then prayer service sa hapon then sa Manila Cathedral sa gabi. - Sabi nga ng mother ko di na raw ako nakikita pag Linggo kung pede lang daw dun na raw ako magtulog sa simbahan o kaya mag-madre na raw ako.Joke lang po nya iyon. - At Iyon po ang buhay ko bilang lingkod ni Lord noong nasa Maynila po ako.
- But then, I went to Dubai para po mag-
trabaho. Pagkatapos po naming masunugan noon I became the bread winner ng family ko. Nakasamang natupok kasi ang pinagkakakitaan ng father ko. At meron pa po akong dalawang kapatid na pinag-aaral noon. - I have no choice but leave my family and my parish dahil I have to support my family. - For awhile, puro naman po trabaho ang naging focus ko during nasa Dubai ako, after 3 yrs andun pa rin ang desire na hopefully magkapag-serve din ako - Siguro dininig ni Lord ang prayer ko at nakasali po ako choir po ng Legion of Mary. - Accidentally kasi, minsan nagpraktis po sa apartment namin ang choir at nagtanong po ako kung choir sila. Sabi nila sa Legion daw po. Then tinatanong po nila ako kung gusto ko raw po bang sumali. Sabi ko po sige po. - So naging bahagi po ako ng choir at eventually naging choir director po. - During po nung ako ay nasa Legion of Mary, my devotion to Mama Mary deepen. - Marami pong Filipino choir sa Dubai at isang lang tagalog mass lang po dun tuwing kada Biyernes dun sa simbahan. Biyernes po kasi ang parang Linggo dun. - Kaya po ang schedule ng choir ay by- schedule din kaya minsan quarterly po kami nagse-serve. - Kaya ganun na lang po ang eagerness ng mga member ng choir tuwing nagpapatawag ng practice. - Usually po one month ang practice at preparation naming. before ng scheduled service namin. - At bilang OFW dun, when you belong to a community o organization like ng Legion of Mary there, you’ll feel a sense of belongingness and even having a second family. - Nakita ko po ang sincerity, commitment, closeness ng bawat members. - Kaya hanggang ngayon I still very close them, kahit sa facebook na lang kami nagco-communicate. - Ina-update pa rin nila ako sa mga events nila kahit na wala na ako dun. - Kaya when we left Dubai para na ring may iniwan akong pamilya doon. - Sa Dubai ko rin po pla nakilala ang naging asawa ko. Di po siya kasama sa choir, pero nakasama ko po siya sa trabaho at isa po siya Austrian. - Dahil po sa recession doon kaya nagdecide po kaming mag-asawa na umalis na ng Dubai at lumipat na dito sa Austria. - 3 days bago po kami umalis sa Dubai, nalaman ko rin po buntis na po ako. Answered prayer po kami kasi matagal na po namin hiniling na magka-anak dahil akala po naming di na kami mabibiyayaan ng anak. Dahil di po kami talaga makabuo noon. - Pero sa grasya ng Diyos binigyan kami ng anak. - So dito ko na po pinanganak ang anak namin at nagfocus muna sa aking anak at asawa.
- Bilang isang ina, masasabi ko na mahirap
pla mag-palaki ng anak.
- Mahirap din po pala na nasa ibang bansa ka
at wala kang sariling kamag-anak na matatakbuhan lalo na pag may anak ka na. Galing po kasi ako sa malaking pamilya at sanay na may dadamay na pamilya at kamag-anak.
- Pero buti na lang po at nabiyayaan po ako
ng asawa na tunay naman na mabait, responsible at very supportive. - Ang asawa ko po ay hindi katoliko pero kahit hindi po siya katoliko ay very supportive kahit po sa aking pagka-choirat pagiging isang Katoliko. Gaya na lang ng pagsama kung ako ay magsisimba. - Hopefully ay maging ganap na Katoliko din siya.
- Paano ko nga po pla nalaman ang PGG at
naging bahagi ng isang choir?
…… It was October 2014 when I joined the
choir… ……. How Sta. Cecilia Choir name came to be? - Mula nang umalis si Kuya Lando ay naiwan po sa akin ang choir. - Siguro calling ko talaga ang magturo. - Kaya kahit pa saan man ka man sa mundo, kung tinawag ka ni Lord, wla tayong magagawa kundi we have go to that call.
- At even though may umalis, meron namang
pinapadala si Lord. - Sa ngayon po, unti-unti pong kaming nadadagdagan at still on progress ang choir na matuto. - Kahit mahirap mag schedule ng mga practices dahil sa mga oras ng trabaho. Andun po ang willingness nilang matuto. - And you see their commitment to the Lord at passion and willingness to learn music. I would be happy to share my talent and teach. - Matiyaga po kasi akong tao basta nakikita ko po ang dedication. - I believe that we should develop our talents for the better glory of God. - We are not just choir but we are worshippers of God and we evangelize through the gift of music.
- So far po we have 9 active members ng Sta.
Cecilia Choir. - 3 sopranos, 3 altos and 3 Tenors. Wla pa po kaming Bass kasi wala pang pinapadala si Lord J
- Sa lahat ng dinanas ko bilang lingkod ni
Lord, I would say na di madaling maging lingkod pero kung alam natin kung sino ang pinaglilingkuran natin, everything will be fine. Sasamahan niya kahit saan. - As I read about this one quote, “when you go as servant of God, God goes with us” mapa-trial man o blessing. - I believe that when God gave us talents, we should give him back our time, our praises to him and all for His glory.
- At isa sa mga favourite quote ko sa a
servant ay mula kay St. Francis. Sabi nya “He who sings well prays twice”.
- And with the intercession of our Holy
Mother, who is a great example of integrity, may she always lead us to Jesus. Mariang Ina Ko
Sa 'king paglalakbay sa bundok ng
buhay Sa ligaya't lumbay maging talang gabay
KORO: Mariang ina ko, ako ri'y anak mo Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako Kay Kristong Kuya ko akayin mo ako