You are on page 1of 3

PAGBALIKWAS TUNGONG PAGSULONG: DANAS NG ILANG

KABABAIHAN SA KANILANG PAGTATANGHAL BILANG MGA


BABAENG SEX VARIANTS

Christine S.Morit, MAARFIL


Pamantasang De La Salle, Maynila
christine_morit@dlsu.edu.ph

Sa kontekstong Pilipino, politikal ang dating ng usaping paglihis sa kasarian ng isang tao
lalo’t nabibilang siya sa relihiyoso at heterosekswal na sistema ng bansa tulad ng Pilipinas.
Malimit ay isinasantabi ito upang ihiwalay sa tunay na pangyayari sa buhay at mapanindigan ang
hating sistemang ipinamana ng mga dayuhang nagsasabing ang pagkilos o pakikitungo nang
hindi akma sa kasarian ay isang malaking kasalanan. Sa kahit anong babasahin, pang-akademiko
man o pangkasaysayan, hindi nabigyang-linaw ang pagtatanghal sa kadakilaan ng isang taong
sex variant na magbibigay dalumat sa imaheng kanyang ipinakita na karapat-dapat tularan.

Mula kay Jeannete Howard Foster ang konseptong Sex variant na nagpapaliwanag sa
pagbalikwas o paglihis ng tao (partikular ay babae) sa gawi o kilos ng kasariang nakatakda sa
kanya. Bagaman kanluranin ang pinaghalawan, ang batis ng nilalaman ay makikitang akma at
nagpapakilala ukol sa pagpapakahulugan ng gampanin sa kasarian.

Sa pamamagitan ng pangangalap ng kuwentong buhay ng isang babaeng nagtatrabaho ng


gawaing panlalaki, gamit ang konseptong Sex variant, tinukoy sa papel na ito ang (1) dahilan ng
pagiging sex variant ng ilang kababaihan, (2) gampanin ng babaeng sex variant sa lipunan, at (3)
pagtingin ng lipunan sa babaeng sex variant. Mahalagang makapag-ambag ang papel na ito sa
pagsusulong ng pantay na pagpapahalaga sa mga kababaihang gumaganap bilang mga sex
variant sa Pilipinas.

Mga Susing Salita: Sex Variant, Kuwentong buhay, Jeanette Howard Foster, pagbalikwas,
pagsulong, Feminization Labor
KOREANOLISASYON: ANALISIS SA ESPASYONG KOREANOBELA
GAMIT ANG ANIM NA ELEMENTO NG PELIKULA NI PATRICK D.
FLORES

Christine S.Morit, MAARFIL


Pamantasang De La Salle, Maynila
christine_morit@dlsu.edu.ph

Abstrak

Tampok sa papel na ito ang masusing pagtalakay sa papalaking espasyo ng Koreanobela


sa Pilipinas na siyang umaangkin ng maraming kritiko sa kasalakuyan. Nais pag-aralan ito ukol
sa pagbabahid ng malaking impluwensya sa mga manonood. Bagaman hindi na bago sa Pilipinas
ang pag-angkat ng mga pelikula mula sa mga bansang Latino-Amerika na malapit sa mga
Pilipino dulot nang matagal na pananakop ng mga Kastila, hindi maitatanggi ang kakaibang
lakas ng pag-angkin ng Koreanobela sa atensyon ng mga Pilipino. Ang kanilang pagsikat sa
larangan ng pampanitikang pelikula ay nakalilikha ng panibagong pagpapahalaga sa pagtanaw
ng lokal at dayuhang espasyo na kasalukuyang bumabahid sa kultura ng Pilipinas.

Sa pagpapatuloy, paghahambingin ang estetikong taglay ng dalawang teleserye sa bansa,


ang Koreanobela at Filipinobela upang malinaw na makita ang pagkakalapit at pagkakalayo ng
mga ito sa usaping pelikula. Ang pagsusuri sa aestetiko ay nakabatay sa anim na elemento ng
sine ni Patrick D. Flores na inilapat sa teleserye; pelikula, dulang pampelikula, sinematograpiya
at disenyong biswal, editing, tunog at pagganap. Gamit ang metodong Focus Group Discussion
(FGD) na lalahukan ng anim na gurong tapat na tagasubaybay ng Koreanobela. Natuklasan ng
papel na ito ang malalim na dahilan sa pananahan at espasyong Koreanobela sa Pilipinas.
Mahalagang makapag-ambag ang papel na ito sa larangan ng pelikula.

Mga Susing Salita: Koreanobela, Hallyu, pelikula, dulang pampelikula, sinematograpiya at


disenyong biswal, editing, tunog at pagganap, FGD.
GINHAWA, DUSA, PAG-ASA: NARATIBO NG MGA PILING PUBLIC
SCHOOL TEACHERS HINGGIL SA PAGHARAP SA PAGSUBOK BILANG
GURO NG MASA

Christine S.Morit, MAARFIL


Pamantasang De La Salle, Maynila
christine_morit@dlsu.edu.ph

Abstrak

Tampok sa papel na ito ang masinsinang pagtalakay sa konsepto ng ginhawa, dusa, at


pag-asa mula sa karanasan ng mga piling public school teachers sa Metro Manila. Madalas
sabihing ang mga guro ang may pinakamarangal at dakilang propesyon sa lahat, ang kanilang
uniporme ay tinitingalang-langit, ngunit sa kabila nito ay ang hindi naisasalaysay na naratibo ng
mga tagapaghubog ng masa. Ang kanilang pakikihamok at pagpapaatili ng kanilang disposisyon
ay mahalagang salik upang matukoy ang mga posibleng solusyon sa kasalukuyang isyung
kinakaharap ng mga guro. Higit’lalo sa panahong ipinagkakait sa kanila ang karapatang pantay
na pagtingin ng pamahalaan sa maraming aspekto, nararapat malaman ang mga kwento ng
pakikipaglaban.
Sa pagpapalawig, isasagawa ang pag-aaral gamit ang metodong kwentong-buhay at
obserbasyon sa pang-araw-araw na karanasan ng mga guro. Mahalagang makapag-ambag ang
papel na ito sa kamulatan at kamalayan ng mga tunay na nangyayari sa mga guro sa
pampublikong paaralan.

You might also like