You are on page 1of 1

Mahal naming Punong-Guro, Gng.

Elizabeth Caoayan, mga


kapwa ko guro, mga magulang at mga mag-aaral, magandang
umaga sa inyong lahat.

Ang paggamit sa Wikang Filipino ay isang paraan ng pag-


unlad ng ating buhay. Sa Pilipinas ay iba’t-ibang salita ang
ginagamit nating mga Filipino. Iisang bansa ngunit halos hindi
tayo nagkakaintindihan. Tayong mga Ilokano, kapag nagpunta sa
Maynila o katagalogan, kapag nagsasalita tayo ng Ilokano ay
hindi nila tayo naiintindihan. Kung magsasalita tayo ng Ilokano sa
mga tao sa Kanlurang bahagi ng Pangasinan ay ganun din na
hindi tayo mauunawaan. Paano tayo makipag-ugnayan sa mga
ibang tao na kapwa nating mga Pilipino kung hindi tayo
nagkakaintindihan? Iisang lahi, iisang kultura, iisang dugo at
iisang bansa, dapat may pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Inilunsad ni Manuel L. Quezon ang pagkakaroon natin ng Wikang
Pambansa. Nais niyang magkaisa ang mga Pilipino kaya dapat
na mahalin natin ang wikang Filipino. Sapagkat ito ang simbolo
ng ating kultura at lahing Filipino.
Gamitin natin ito sa lahat ng dako ng Pilipinas. Huwag natin
itong ikahiya sapagkat siya ang nagbubuklod sa atin. Tungkulin
natin itong ipagmalaki kahit sa ibang bansa pa. Ang mga
dayuhang pumupunta dito sa ating bansa, pilit nilang pinag-aaral
ang ating Wika dahil sadya itong kay ganda at may lambing ang
mga salita na tulad sa isang mahinghing Pilipina.
Kaya sa pagdiriwang na ito, ay maisakatuparan sana ang
mithiing mapahalagahan ang ating wika. Dapat nating mahalin
ang ating wikang Filipino, sapagkat ito ang daan patungo sa pag-
unlad ng ating bansa.

Maraming salamat po!

You might also like