Taong Akdamekio : 2018-2019 Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa
ANG WIKA AT ANG KULTURA
(Tagapagtalakay: Rosemarie Vero- Marteja)
• Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa
mundo at sa kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. • Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo , naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika. • Habang natututuhan ng isang bata ang kanyang katutubong wika, unti-unti rin niyang nakukuha ang kaniyang kultura. • Ang mga salita na napabilang sa leksikon ng isang wika ay matinding indikasyon sa uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo sa mga nagsasalita nito. • Halimbawa, ang bawat grupo ng mga tao ay may kani-kanilang paraan at terminolohiya sa pagbibilang ng panahon: • magsasaka - buwan ng pagtatanim at pag-ani • empleyado - walong oras sa bawat araw at naghihintay ng akinse ng bawat buwan • mag-aaral- nagbibilang ng semester sa pasukan at bakasyon
• Sa leksikon ng wika ay nagsasaad rin sa mga bagay na pinahahalagahan sa
mga nagsasalita nito. • Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan at mapapahalagan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. • Ayon sa aklat ni Geronimo, et.al. (2016), magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naming ang nagbibigay ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura. • Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. • Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa iba pangbagay na kaugnay sa pamumuhay ng mga tao. • Ayon naman sa lingguwistang si Ricardo Ma. Nolasco, dating Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, may bentahe ang pagkakaroon ng maraming wika at maraming kultura sa isang bansa. • Kurso : FIL 501- Linguistikang Filipino Term : Ikalawang Semestre Taong Akdamekio : 2018-2019 Propesor : Dr. Alvin Rom De Mesa
• Sa kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa Pambansang Seminar sa Filipino ng
KWF Sa Pamantasang Lungsod ng Maynila noong Mayo 10-12, 2006, sinabi niya na “bukod sa nabiyayaan tayo ng maraming katutubong wika ay mayroon din tayong wikang pambansa-Filipino at wikang internasyonal- Ingles. • Ang pagtutulungan ng mga wikang ito-lokal at dayuhan- ay siyang nagpapatotoo kung gaano ka-linguistically diverse at culturally diverse ang ating bansa, isang bagay na dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki. • Kabuhol ng wika ang kultura dahil sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Nahihinuha ang kulturang kinabibilangan ng mga tao sa kanilang wikang ginagamit.