Professional Documents
Culture Documents
San Benito
San Benito
Ang San benito ay kilala bilang isang mabisang pangontra sa masasamang espirito,kulam,barang,palipad
hangin,engkanto at iba pa. Ginagamit din ito bilang proteksyon sa bala ng baril (liwas bala).
Madaling mapagana ang medalyon nito na kelangan mo lamang debosyunan sa loob ng 49 days na
walang patlang sa pamamagitan ng orasyon na kaakibat nito. Ang pagdedebosyon ay uumpisahan sa
unang byernes ng buwan na mapipili mong mag umpisa. Matapos ang 49 days na walang patlang ay
aalagaan mo ito ng dasal na basag sa harap at sa likod ng medalyon tuwing araw ng byernes bilang
pakain. Pwede rin ang dalawang beses kada buwan kung sadyang napaka busy mong tao. Wag din
kalimutan isimba mo ito sa araw ng linggo.Pwede ring pahiran ng holywater.
Napakaraming gamit ng medalyon na ito kung iyong tutuklasin. Magagamit mo ito bilang exorcsismo sa
sinasaniban ng demonyo o masamang elemento. Magagamit din ito bilang panggamot sa naeespirito o
nabati ng di nakikitang nilalang.
Magdasal ng..
1-Ama Namin
1-Aba ginoo
1-Sumasampalataya
Isunod ito:
PETULAM PERDATUM
EL PROBATUR SALUTARE
CRUX SACRA SIT MIHI LUX NON DRACO SIT MIHI DUX
------------------------------END----------------------------------
Ang medalyon ay nag iinit kung may paparating na panganib o di kaya'y pumipintig. Umiinit din ito
tuwing pinapakain ng dasal.
Hawakan ng kanang kamay sa tuwing pakakainin ng dasal ang san benito kasunod ng ihip sa medalyon.
Sa mga mag uumpisang buhayin ito ay wag kalimutang pabasbasan sa pari o sa lehitimong antingero ang
medalyon.
Wag basta maniwala sa mga nagpe presinta at nag aalok ng kanilang serbisyo dahil peperahan lang kayo
ng mga yan na kunwari eh may nalalaman sila. Wag din basta magtitiwala kahit kilala sila sa facebook na
nag aanting-anting. Karamihan sa mga yan ay matagal na sila sa facebook pero mga charlatan at mang
gagancho lang.