You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 5
Markahan: Ikalawa Linggo: 3 Araw 4

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang
A. Pamantayang Pangnilalaman
uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan
Naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa
kwentong binasa; nakapagsasadula ng maaaring
B. Pamantayan sa Pagganap
maging wakas ng kwentong binasa at
nakapagsasagawa ng charades ng mga tauhan
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di- pamilyar
na mga salita sa pamamagitan ng pormal na
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto depinisyon F5PT-IIc-1.10
Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
F5PB-IIc-6.1
Pagbibigay kahulugan sa mga salitang pamilyar at di-
II. NILALAMAN pamilyar
Pagsasabi ng sanhi at bunga ng pangyayari
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
MgaSanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ALAB FILIPINO, pahina 66
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-
ALAB FILIPINO, pahina 75
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
https://www.google.com.ph/search?
q=halimbawa+ng+sanhi+at+bunga
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa LR
Ahh Kaya Pala Ganon
Portal
ni: Jomar P. Magadaraog

5. Iba Pang Kagamitang Panturo laptop,projector, activity sheet, tsart


IV. PAMAMARAAN
Banghayin ang pandiwa ayon sa panahunan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin Naganap Nagaganap Magaganap
Pawatas
na pa lamang pa lang
1. laba
2. luto
3. ligo
4. saing
5. kain

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Basahin ang tula na nasa ibaba at tandaan ang mga
nakasalungguhit na salita.

Ahh Kaya Pala Ganon


ni: Jomar P. Magadaraog

Isang bata ang sinita ng Ale.


Kung bakit tinapon, ang basura sa kalye.
Hindi mo ba alam, na mahalaga ang kapaligiran.
Na sa ating lahat ay kapakipakinabang.
Huwag itapon ang basura, kahit saan.
Huwag din itong itapon, sa ilog at daan.
Iwasan ang paggamit, ng dinamita.
Gayundin ang pagputol, ng kahoy at iba pa.
Ihiwalay ang mga nabubulok, na basura.
Gawing pataba, ng may pakinabang pa.
Magtanim ng kahoy, at mga halaman.
Polusyon sa hangin, tubig,lupa ay dapat iwasan.
Kaya ikaw munting paslit.
Na sana’y may kaalamang naipuslit.
Ano ang masasabi mo, sa aking mga nabanggit.
At may natutunan, sa napakinggang pilit.
“Ahh Kaya pala Ganon” po.
Na ang kapaligiran talagang napakahalaga po.
Maraming salamat po sa inyong mga sinabi.
Kaya’t simula ngayon, kapaligiran aalagaan ko nang
mabuti.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Paglinang ng Talasalitaan
sa bagong aralin
A. Ano kaya sa palagay ninyo ang kahulugan ng
bawat salita na nasa ibaba?

1. sinita
2. dinamita
3. pataba
4. paslit
5. naipuslit

(Hikayating makapagbigay ng ideya ang mga mag-


aaral para sa kahulugan ng mga salita)

B. Ano ang mga pinagmumulan ng pagkasira ng


kapaligiran?

C. Ano naman ang resulta ng pangaabuso natin


sa kapaligiran?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ipahanap sa mga mag-aaral ang kahulugan ng mga


paglalahad ng bagong kasanayan #1 salita gamit ang diksyunaryo upang matiyak ang
tamang kasagutan.

1. Eksperto o taong may malalim na kaalaman o


kasanayan sa isang larangan.

2. Kalagayang pisikal o mental na nagpapahina


sa pagkilos, pandama, o gawain ng isang tao.

3. Problema o suliranin na susubok sa lakas o


kakayahan.

4. Pagkilala para sa kahusayan.

5. Paggamit ng agham upang mapadali ang


isang bagay o malutas ang isang problema.

teknolohiya kapansanan hamon


parangal moderno
dalubhasa
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pag-aralan ang halimbawa sa baba:
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Nagpuyat si Zei kagabi kaya inantok siya sa
klase.

Itanong: Alin sa dalawang may salungguhit ang sanhi?


Alin naman ang bunga?

Ipagawa sa mga bata ang gawin sa PAG-USAPAN


NATIN, mula sa pahina 75.
F. Paglinang sa Kabihasaan Gawin ang nasa ibaba:
(Tungo sa Formative Assessment)
1. Nagkaroon siya ng kanser sa baga dahil sa
labis na paninigarilyo.

 Ano ang kahulugan ng kanser?


_____________________________
 Alin ang sanhi?
_____________________________
 Alin ang bunga?
_____________________________

2. Kapag nag-aral ka ng maigi, makakapasa ka


 Ano ang kahulugan ng maigi?
_____________________________
 Alin ang sanhi?
_____________________________
 Alin ang bunga?
_____________________________

3. Natuwa siya, kasi lumisan na sila.


 Ano ang kahulugan ng lumisan?
_____________________________
 Alin ang sanhi?
_____________________________
 Alin ang bunga?
_____________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Basahin ang parirala sa ibaba:


araw-araw na buhay
Nasa Ospital si Neri dahil mataas ang lagnat.

1. Ano ang kahulugan ng salitang lagnat?

2. Aling parirala ang maituturing na sanhi?

3. Aling parirala naman ang tumutukoy sa


bunga?

Itanong: Kapag tayo ay maysakit ano ang


karaniwang dapat nating gawin?
(Pag-usapan ito sa klase)
Sa papaanong paraan natin mabibigyang pormal na
H. Paglalahat ng Aralin depinisyon ang isang pamilyar at di-pamilyar na salita?

Sa tulong ng paghahanap ng salita sa

Paano natin mailalarawan o matutukoy ang sanhi at


bunga?

Ang ugnayang sanhi at bunga ay ang paglalahad


ng dahilan ng pagkakaganap ng isang pangyayari
at ang kinalabasan o resulta ng pangyayaring ito.
Ginagamitan ito ng pangatnig na dahil/ dahil sa,
kung kaya/kaya, sapagkat/pagkat.

SANHI – tumutukoy sa dahilan

BUNGA- tumutukoy sa resulta

I. Pagtataya ng Aralin
A. Gamit ang diksyunaryo ibigay ang kahulugan
ng mga ss. na salita.

1. pagsubok
2. bahaghari
3. mensahe
4. bandila
5. komunidad

B.Isulat ang B kung ang parirala ay bunga at S


naman kung ito ay sanhi.

1. ___ Nag-aral ng mabuti si Alex


___ kaya mataas ang nakuha niyang marka
2. ___ Bumagsak si Joshua sa pagsusulit
___ dahil hindi siya nag-aral
3. ___ May sugat si Andy
___ kaya iyak siya ng iyak
4. ___ Bumaha sa EDSA
___ dahil sa malakas na buhos ng ulan
5. ___ Umakyat sa puno ang karpentero
___ kaya siya nahulog sa lupa
Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
J. Takdang-aralin/Karagdagang
Maaaring gumamit ng diksyunaryo. Gamitin ito sa
Gawain
pangungusap na may sanhi at bunga.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang


ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
na katulong ng lubos. Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?

G. Anong kagamitang ang aking


nadiskobre na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro

Inihanda ni:

MARY GEMELIE B. SORSOGON


Teacher - I

You might also like