You are on page 1of 1

Ang Takdang Aralin Bilang Isang Gawaing Pampagkatuto

ni Michelle Alipio-Medina

Ang takdang-aralin na kilala rin sa Ingles na Homework Assignment ay tumutukoy sa


isang gawain na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral na inaasahang gagawin sa kani-kanilang
mga tahanan. At karaniwang sa mga ibinibigay na takdang-aralin ay nangangailangan ng
pagbabasa, pagsusulat, pagtataya at pag-eenkowd. Ibinibigay ang takdang-aralin upang
matanto ng guro ang mga natutunan at mga dapat pang bigyangg diin sa paksang pinag-
aaralan.
Ayon sa kasaysayan, ang pagbibigay ng takdang ay nagsimula sa kultura ng America.
Ngunit may panahon na itinigil ng mga paaralan ang pagbibigay nito dahil nakadaragdag
lamang daw sa mga pang-araw-araw na gawain.
Ayon sa pag-aaral ng mga taga-Duke University, may mabuting dulot sa student
achievement ang pagbibigay ng takdang aralin lalo na kung tama ang dami at tama ang paraan
ng pagbibigay nito. Dahil kung sobrang dami ang mga ibinibigay na takdang aralin, maaaring
mauwi ito sa pagkahupa (stress), pagkapagod, at kakulangan ng panahon upang mapag-aralang
mabuti ang mga aralin.
Makabubuti rin kung ang mga takdang aralin ay iniwawasto kaagad at binibigyang diin
ang mga dapat matutunan at hindi ang puntos o iskor lamang. Ang pagbibigay ng tugon o
komento ng guro sa mga takdang aralin ng mga mag-aaral ay mahalaga rin upang maging
malinaw sa mga mag-aaral ang mga dapat matutunan .
Iminungkahi ni Cooper, ang mga ibinibigay na takdang aralin ay hindi dapat lalampas sa
sampung minuto upang gawin ito. Tinawag niya itong “10-minute rule”. Mula sa
pinakamababang level magsisimula ito sa paggawa ng takdang aralin na sampung minuto at
habang papataas ang level ng pag-aaral ay madadagdagan ng sampung minuto ang
pagsasagawa ng mga takdang-aralin.
Sa huli, kailangang iangkop ng mga guro ang level, kakayahan at panahon ang mga
ibinibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral upang hindi maisakripisyon ang mga mabuting
bunga nito sa pagkatuto.

Sanggunian:
http://today.duke.edu/2006/03/homework.html.
http://en.wikipedia.org/wiki/Homework#cite_note-13

You might also like