You are on page 1of 13

The Classroom Thief

Warning: Language, Mature content.

Main Characters:

Soleil Mildred Aquina

Jailen Prince Millosa

Charlotte Fey Jimenez

Clarissa Anne Llacuna

Roberto Jett Macan

Jose Alexander Nofuente

Jessica Layne Llacuna

Angelyn Abella

Lizelle Noxy Olson

Protagonist: Soleil and her group

Antagonist: Angelyn, a delusional


Prologue: 287

“Fuck, nawawala na naman signpen ko.”, maarteng sabi ni Fey

“Nagaaral ka ba?”, Clarisse asked, habang nagli-liptint.

“Tangina! Ako nga nawawala bag ko eh!”, sigaw ni Robert sa harap.

“Patay ka Robert yung phone mo. May nudes pa naman.”, Alex boldly said.

“Tanga, wala na. Dinelete ko na”

“What was that Rob? Seriously? Nudes!?”, Mae said, his not-good-looking girlfriend.

“Tsk. Oy! Ilabas niyo na yung bag ko may bomba yon!”, Robert screamed.

“Bobo bat ka pa kasi nag-bag?”, Alex asked, while playing on his cellphone.

“Wag mo kong gaya sayong tamad ka.”, Robert shot back.

“Sus, may bag nga wala namang laman.”, Jaile said, grinning.

“Hoy may laman yon! ‘kaw nga may dalang wallet, wala rin naming laman.”, Robert announced.

“Harsh mo naman kay Jaile, may laman naman wallet nya nakita ko. Bente.” , malanding sabi ni Clarissa.

“Nako, bente na nga lang laman, nakaw pa. Ano, pustahan?”, Robert said.

“Lah, ano pusta mo? Itlog mo?”, Ica said.

“’kaw talaga Ica. Di naman halatang crush mo ko.”, Robert said, which made Ica rolled her eyes.

“Kadiri, patuli ka muna boy.”, Ica answered, while raising her middle finger.

“OHH”, all of them yelled. Except for my ate.

“Ohh, isa diyan nakiki- ohh, di naman tropa.”, Robert said, while looking at Rick.”

All of them in the group laughed so loud. Pero agad din silang natahimik nang bumukas ng malakas yung pinto.

“Ano ‘ba ‘yan grade 10!?” Ingay nyo abot gate! Grade 10 na kayo, kung makipagdaldalan, parang elem!”, Ms.
Zandra shouted.

Sa sigaw pa lang ni Ms. Zandra, naupo silang lahat. Pati yung mga nips (not in proper seat). Nagising lahat ng
tulog. Natahimik lahat ng nagtatawanan. Yung mga feeling nasa salon, natigil sa pagbe-braid. Pinatay agad yung
music. Umayos ng upo yung mga naglalandian.

Then, I hid a smirk. Finally. Who’s next, again?


Chapter 1: 561

“Sinermonan na naman tayo amputa. High pitch pa!”, sabi ni Robert. Eh mas malakas pa nga boses niya kaysa
kay Ms. Zandra.

“”Oh!? Bat ako na naman!?”, sigaw niya ulit, kasi lahat kami nakatingin sakaniya na parang kasalanan niya.

“Oh diba? Pakalakas ng bunganga mo. Daig pa palengkera.”, sabi ni Alex.

“Tarantado tong- eh kayo nga nagtago ng bag ko eh!”, sigaw na naman ni Robert.

“So annoying.”, naunahan ako ni Fey magsabi.

“Sew ennaying.”, Robert said, mimicking Fey’s voice.

“Uy si Jaile!” sabi ni Clarisse.”

“Andito ka lang palang pisti ka eh! Diba sabi ko sayo bantayan mo bintana!?”, sabi ni Rob, na inambahan si Jaile.

“Oh, teka. May ginagawa kasi ako.”, sabi ni Jaile.

“Ulol, nakikipagharutan ka lang kay Angie, habang nage-emel eh!”, Alex said.

Wow. Kung sino pa yung mga lalaki sa’min yun pa malalakas bunganga. Mapapa facepalm ka na lang talaga pag
sila nagbabangayan eh.

“Ay, iba din. Kala ko ba break na kayo nun.”, Ica said, nang nakatakip palad niya sa bibig niya.

“Eh, ganun talaga pag gwapo!”, Jaile said, while shrugging.

“Ganun talaga pag pakboy.”, I teased him, then he pouted.

Among all of them, si Jailen pinakagusto kong tuksuhin. Ako lang kasi may kayang magpanguso at magpablush sa
kanya eh. And, he’s kinda cute ‘pag naka- pout.

“Tigilan niyo nga! By the way, meron akong sagap.” Sabi ni Jaile, habang nakataas pa isang kilay.

“Si Roy, tsaka yung kalbong grade 11? Nagsuntukan sila kahapon gagi.”, Jaile continued.

“Weh? Bakit?”, Fey suddenly joined the discussion.

“Kahapon, sa hallway nung uwian. Kasi daw, yung kalbong grade 11 pala yung nagkakalat nung picture nila Roy
at Nicole.”

“Sila pala yung nasa pic?”, Fey asked. Buhay talaga siya pag chismisan.

“Oo di lang obvious.”, Jaile answered.

“Eh ano naming big deal don, nagha-hug lang naman sila.”, Clarisse said, and I agreed.

“Muka kasing nagaano, kasi nakabaon muka ni Roy sa leeg ni Nicole. Tas si Nicole naman nakatingin sa langit.
Tas ang dirty pa nung caption nung pic.”, Jaile explained.

“Tanga, break na nga sila eh, wag na natin pagusapan sila.”, Rob said.

“Konti na lang kakaladkarin ko na yung grade 11 na yun.”, sabi ko.

Kasi, sa true lang? Sobrang gago po ng mga grade 11. Sila yung higher grade, pero mas isip bata pa sa grade 7.

“Sama mo na pati mga minions niya.”, sabi ni Clarisse.

“Ewan ko ba, ‘di pa rin ba tapos issue nila satin? Para silang mga tanga.”, Alex said.

Hanggang ngayon ba iri-reason pa rin nila yung issue dati na may isa saming grade 10 na nagnakaw ng funds nila,
kahit di naman totoo?
“Uy, akyat na kayo. May inspection sa room.”, sabi ni Klei, classmate namin.

Nagtinginan kaming lahat sa isa’t isa at mabilis na tumakbo paakyat sa room. Bullshit. May dala kong phone.

“Oof. Buti na lang lowbat selpon ko kanina kaya di ko dinala.”, sabi ni Rob. Nakasmirk pa. Pangit niya.

Kinakabahan na kaming lahat, hanggang sa biglang tumahimik. Ang intriguing ng scene banda don sa likod kasi
nagkumpulan dun silang lahat. Teka lang, dun ako nakaupo ah!?

“Ms. Soleil, care to explain?”, Ms. Nox said, looking at me, while carrying my bag and the 1000 worth money in
her other hand.

Lahat sila nakatingin sakin, na parang magnanakaw na nahuli. Hindi yun akin. Alam ko ring hindi ko yun ninakaw
pero shet. My heart’s beating so fast right now.

2: 804

“Seat down everyone. Let’s go Soleil.”, Ms. Nox said, guiding me to the faculty room.
Naupo ako. Pilit kong pinapakalma yung nanginginig kong kamay. Kasi baka mas pagbintangan ako pag ganitong
halatang kinakabahan ako.

“Is this yours?”, tanong ni Ms. Nox.

“N-No, Ms.”, Fuck. Why did I stutter? Shit.

“Then, why is it in your bag?”

“I don’t know, Ms.”, I said, pursing my lips, to calm myself.

My eyes are looking straight to hers.

“I don’t really know, Ms. At hindi ko po yan ninakaw.”

“Defend yourself.”

Mejo kumalma ko nung sinabi ni Ms. yon. I’m glad she’s giving me a chance to explain. Pero anong ieexplain ko?

“Hindi ko po alam kung kanino yan o pano napunta yan sa bag ko Ms.”, sabi ko.

She nodded, waiting for me to explain more.

“Kumakain lang po kami sa canteen kanina.”

She looked convinced. Dapat lang. Among all teachers, siya ang favorite ko.

Bumalik na kami sa room. Nagulat pa ko nung binuksan ni Ms. yung pinto ng padabog.

“Sinong malakas ang loob na naglagay ng pera na ‘to sa bag ni Soleil?”, She fiercely asked.

Nakatayo ako sa harap, observing each of them. Nanggigigil buong kalamnan ko sa nagset-up sakin ngayon.

“’Pag walang umamin, pupunitin ko ‘to.”, Ms. Nox fucking warned.

“Ms. Wag! Umamin na nga!? Sino ba naglagay ng pera ko sa bag nya!?”, sabi ni Aira, nang nakatayo.

What a deafening silence. Wala bang conscience yung may pakana nito?

“Ms. Si Fey at Angel lang naman naiwan dito nung naglunch break eh.”, Carlo said.

Bobo ni Carlo. He just got himself involved in the trouble. Kasama kaya naming kanina si Fey sa baba. Bobo
amputa.

“Is that tru-“

“Luh imbento! Sa baba ako kumain Carlo!”, Fey said, while standing and looking at Carlo. Nahuli ko pa bibig niya
na nagmura habang nakatagilid.

“Oo nga. Pero naiwan ka muna dito kasi nga may hinahanap ka diba?”, Carlo protested.

“Oo! Yung lunchbox ko at may nagtago kasi eh! Tapos bumaba nako agad!”

“Pano mo nalaman na may hinahanap siya?”, I asked Carlo looking straight at his eyes.

“Eh, halata eh.”, he said, looking away.

“Edi kayong tatlo natira kanina. Pinapanood mo siya diba?”, I said.

“Napansin ko lang bago ako lumabas ng pinto! Bakit bas akin napunta yung sisi?”, he stupidly asked.

Bida bida kasi.

“Oo nga. Napansin ko din na may hinahanap ka kanina, Fey.”, Jake said.

“Oh sige, kampihan mo friendship mo.”, bastos na reply ni Fey.


“Malay ba kasi natin kung sinong nagtago ng lunchbox mo? Or baka naman tinago mo talaga para kunyari yun
yung hinahanap mo?”, Jake said.

Guys are so stupid.

“Wag niyo nga kong pagbintangan!”, Fey yelled.

“Bat naman kakalkalin ni Fey yung bag ni Aira, eh diba nasa loob din kanina si Angel?”, I monotonously said. Para
malaman niyang walang kwenta pinagsasabi niya.

Biglang umangat yung maamong mukha ni Angel.

“Fey wouldn’t mind. Wala namang pake si Angel sa paligid niya eh.”, sabi pa ni Leo. Tropa rin to nila Carlo at Jake
eh tangina nila.

Yes, tangina sila. Porket binusted lang ni Fey yung lider-lideran nila, ganyan na sila sa kanya.

“Pano mo alam? Ikaw ba si Angel?”, Clarisse joined the debate.

Oh! So, it’s girls vs boys now, huh?

“Edi tanungin mo si Angel.”, Carlo said.

Right. Ba’t nga ba si Fey lang pinagiinitan?

“Angel, what do you know about this?”, Jaile joined our group.

4v3 na mga tol.

“I- I don’t know. I was just eating and writing stuff here.”, Angel said in a low soft voice.

“What stuff?”, Clarisse asked.

“Stories?”, Angel said, which made Fey rolled her eyes.

“Tigilan niyo na nga si Angel. Nangdadamay pa kayo ng inosente.”, Jake said.

Wow, just wow. Parang nagslowmo yung dinig ko dun sa last sentence niya. nAngdAdAmAy pA Kay0 nG
inos3ntE.

Then we heard a blast. Hinulog ni Ms. Nox yung mga libro namin sa table niya na nakapatong patong.

“Sakit nyo sa tenga grade 9. Pinapakinggan ko lang mga pinagsasabi niyo, para kayong mga kinder. Pag wala pa
pang umamin sakin, magaambagan kayo para palitan yung 1000 ni Aira, bukas. Magsisihan kayo hanggang
wakas.”, Ms. Nox said. Then, she walked out.

As soon as Ms. Nox got out of the room, agad na nagsisihan nga mga kaklase ko. At tama nga siya. Ang sakit sa
tenga. Habang nagbabangayan sila, nahuli ng mga mata ko yung pasimpleng ngiti ni Angel, for a split second.
Gago, naghahallucinate ba ko? That grin of hers screams like betrayal. Nakakakilabot. Wtf is going on!?

Kating kati na yung dila ko na ishare sa kanila yung napansin ko kanina. Pero ayoko muna magsalita ng tapos. I
plan to investigate her in a quiet way. Eto nanaman kasi yung instinct kong kakampi ko sa buhay. Never akong
ni-disappoint neto.

Even the prettiest face, has little secrets too, right?

3: 561

Finally, uwian.
Pinagmamasdan ko lang si Angel. Hinihintay ko siyang lagay mga books niya sa locker sa labas para matingnan ko
yung secret notebook niya, which she always have, since last year. Kahit sino samin walang may alam sa laman
non.

“Oy, Leil! tara na!”, Alex said.

“Sunod ako.”, Pabulong kong sabi.

“Kila ate virgin kami ah.”

Tumango ako tapos si Jaile naman ang nasa harap ko ngayon.

“What?”, I asked, because he’s too obvious na may sasabihin siyang something.

“Can we go to Mcdo?”, he said, pouting.

The fuck, Jaile?

“May gagawin ako eh”, I said, shrugging.

Tumahimik lang siya habang nakatingin sa baba. Puta ano bang gusto nito.

“Ah, may problema ka ata tol.”

Umiling siya. He’s blushing. Jusko naman.

“Sige na. Please?”, he plead, with those fucking puppy eyes.

“No.”, I said, refusing to be tempted.

~~~

“Ano sayo?”, Jaile asked.

In the end, andito kami sa mcdo. Dapat si Angel iniimbistigahan ko ngayon eh. Duh, ayokong mag ambag noh. Di
na nga ko makaipon ipon, may contribution pa for Aira. Ano yan lamay?

“Mcwater lang.”

He chuckled.

“Sabi ko water lang eh.”, sabi ko.

“Dun sa cr meron.”, he joked, placing our food on the table.

Kahit corny, napasmile pa din ako. Ang landi ah.

“Pero, seryoso, anong meron?”

He sighed, heavily. It was a long awkward silence between us, after he had come up with his words.

“Sol, hindi ko na kaya.”, he said, vehemently.

It’s been a while. Parang ngayon ko na lang ulit siyang narinig na tawagin akong “Sol”.

“Anong hindi mo kaya?”, I stupidly asked.

He just pouted.

“Hindi ko kayang-“

My phone alarm cut him off. Nagalarm nga pala ko for my medicine.

I pretended that it’s a phone call. So nilagay ko yung phone ko sa tapat ng tenga ko and said hello.
Then, nagkunwari akong nagulat para ma alarma siya.

“Sige, sige. Papunta na ko. Kailangan ko na umalis, pre. Thank you. Ba bay.”, I said, as I was leaving.

“Sol!”

I felt bad. Imbis na gumaan yung pakiramdam ko, lalo lang akong di makahinga ng maayos.

~~~

Before the class starts, I saw Angel na palabas ng room to get her books. That’s my cue. Mabilis na pumunta ako
sa upuan niya. I’m so lucky. Nakita ko yung secret notebook niya sa arm chair niya nang walang lock! I opened it,
quickly. Pero walang laman. As in, kahit anong sulat wala, exept her name in the front.

“Leil?”

Oh my god. I heard her voice from my back.

“Yes?”, I asked her back.

“What are you doing?”, she said in a soft voice while grinning.

“Ah, yeah, sorry, nasagi ko kasi notebook mo. Nalaglag.”, I reasoned out.

“Okay.”

“Bat nga pala walang laman yung notebook mo? Eh ‘diba palagi mo tong sinusulatan?”, I asked. Shit, halata ba
ko?

“Ah, puno na yung isa. Bago to.”, she said.

“Ahh, okay.”, I said, as I stepped backward.

Umatras ako para sana ibalik yung notebook niya sa arm chair niya kaso, nasagi ko lang yung upuan niya kaya
nalaglag din yung ibang notebooks na nasa chair niya.

And, shit.

I just saw my name in one of her notebooks’ back page.

And, not just my name!

Holy god. If I’m not mistaken, all of the names of my tropas are in there!

NAKASULAT PA IN RED TINT, GAGO KUKULAMIN BA KAMI NE’TO?

Chapter 4: 976

“Good morning, Ms. Nox!”, sabay sabay naming bati.


“Aira, here’s your money. Wag ka na ulit magdadala ng pera kung di mo kayang itago ng maayos.”

“Yes, Ms. Thank you po.”, sabi ni Aira.

“Ms. Sino po yung magnanakaw?”, tanong ko naman.

Medyo nagulat si Ms. Nox sa sinabi ko. Nakasalubong kilay tas mejo nakanganga. Hahahah ang cute ni Ms. Nox.
Pag hindi galit.

“Pasmado talaga bibig mo Roberto Jett.”, sabi niya habang umiiling-iling pa.

Roberto Jett amputang-

“Ms. Sino nga po!?”, sabi ko ng mejo malakas. Medyo lang naman.

“Secret.”, sabi niya, SABAY KINDAT.

Nahulog ata brip ko.

“Weh, Ms. ganyanan na po ah.”, pabulong ko na sabi pero narinig niya pa din.

“Basta, it doesn’t matter na. “, sabi ni Ms.

Conyo na ulit siya, good mood eh.

“Wag nyo nang pagchismisan or what, It will only make her uncomfortable. Hindi rin pwede na ipagkalat nyo sa
ibang section ang nangyari kahapon, okay?”

Si Ms. Nox ang damot. Mamaya ngang recess magpapacute ako dito para ichismis niya sakin.

~~~

“Uy, sino yung magnanakaw?”, tanong ko kila Fey, Leil, Clarissa, Jaile, at Alex.

Andito kami ngayon nagmi-meeting tungkol pa rin sa mystery thief. Pero parang ako lang ata yung hindi alam
kung sino yon.

“Hoy! Sino ba kasi siya!?”, sumigaw nako kasi di nila ko sinasagot. Kain lang sila ng kain.

“Robert, tangina! Ang lakas ng bunganga mo, nakatapat kapa sa tenga ko, puta nakamega phone ka ba?”, sabi ni
Alex.

Hindi naman ako nakamega phone ah. Bulag ba sya?

“At tsaka baka may makarinig sayo na ibang section. Mabilis pa naman kumalat simpleng issue dito.”, gatong pa
netong si Clarisse.

“Lagi nyo na lang ako pinagtutulangan.”, sabi ko , sabay nguso.

At saka lang nag angat ng tingin si Boss Soleil.

“Hoy! Wag ka ngang ngumuso jan. Hindi cute.” Sabi niya. 

‘Si Jailen lang naman cute na nguso para sayo eh. Mcdo mcdo pa kayo. ‘Di nang-aaya. Landi nyo.’, pero bawal ko
yun sabihin kasi baka tanggalin ako ni Leil sa group. HAHAHA.

“Bakit parang badtrip ata si Mildred?”, sabi ko para lalo pa siya mabadtrip.

Biglang tiningnan niya ko ng masama tapos tinaas yung hawak niyang tinidor. HAHAHAH.

Ayaw niya kasing tinatawag siya sa second name niya. Ako rin naman. Actually, buong name ko, ayoko. Ambaduy
eh. Roberto Jet Macan. O’diba? Bumawi lang talaga ko sa mukha.

Dahil sa naiisip ko, di ko alam na mukha na pala kong tangang nakangiti sa harap nila.
“Putangina natatakot na ko sayo.”, sabi ni Fey, na katabi ko.

“Guaaard.”, sabi naman ni Alex,

my over-reactors.

Kumakain kami habang nagbabangayan. Nagtawanan pa kami kasi daw may kanin na pumasok sa loob ng ilong
ni Fey. HAHAHAHA. Maarte pa naman yun.

Tapos may napansin ako. Ang tahimik nung dalawa. Ayoko naman magparinig kasi ako lang naman may alam na
mag-ex sila eh.

Yun pa naman yung unang rule namin. Bawal magjowa.

Charot.

Rule numbah 1. No secrets.

Actually, hindi na nga yun rule eh. Natural na saming di kayang magtago ng secrets sa isa’t isa, simula palang
nung elem kami. Pero complicated kasi yung kila Jai at Leil. Ayoko nga ikwento.

Ang hindi ko lang alam, bat ang tahimik nila ngayon. Na kala mo kahapon lang nagbreak.

“Speaking of Angel…”, finally, nagsalit na rin si boss, nung nakita niya si Angel.

Lahat kami automatic na napatingin sa kaniya.

“Kanina, nakita ko notebook niya. Nakasulat yung pangalan nating lahat. Hindi ko sure kung as in lahat tayo sa
group, but I’m sure nakita ko yung name ko, si fey, Clarisse, Alex, Ica, Rob and you.”, sabi ni Leil, sabay turo kay
Jailen dun sa “you”.

“Tapos naka red tint. Yung name ko and Ica, may strikethrough.”, pahabol niya pa nang walang expression sa
mukha niya.

“Hala gago!”, oa na sabi ko. “Ano yung strikethrough?”, tanong ko.

Binatukan naman ako ni Alex.

“Para kang tanga! Nag-grade 9 ka di mo alam strikethrough?”, oa din na sabi niya.

“Oh bakit ikaw? Nag-grade 9 ka nga di mo alam integer!?”, malakas na sabi ko para mapahiya siya.

Bigla siya natulala, tas tumingin sa paligid. HAHAHAH. One-one.

“Ang OA mo talaga Roberto! Talsik pa laway mong kupal ka!”, sabi niya.

“Luh change topic, aruyyy”

“Shh! Di pa nga tapos si leil, sumingit na agad kayo.”, masungit na sabi ni Fey.

Tiningnan ko si Alex ng masama. Tapos, sya din.

“Anong sabi ni Angelyn?”, tanong ni Clarisse, habang nakataas isang kilay.

“Gusto niya daw kasi tayong maging friends.”, sabi ni leil at nakataas din ang isang kilay.

“Gago anong konek?”, sabi ni Fey.

“Gurl, naisip ko rin yan”, sani ni leil, habang nakahalumbaba. “ Pero sabi niya, kaya daw may strikethrough kasi
kami pa lang daw ni Ica yung nakakausap niya… recently.”

Confused lahat ng mukha namin, kamuka nung parang sa meme. (????)


Nakataas tig-isang kilay nila Fey at Clarisse. Ako naman dahil di ko magawa yung putanginang talent na ‘yan,
nakataas dalawang kilay ko.

“Wara leym excuse.”, sabi ni Fey.”

“I second that”, sabi naman ni Clarisse.”

Bat ba sila nage-english speaking?

“Yeah, right.”, sabi ko, with accent.

Napatingin sila bigla sakin. Gago?

Tapos, gago? Kinilig si Fey? Na-amuse siya eh, huli ko.

“Mag-english ka pa Rob, baka ikaw na forever ko.”, sabi niya with sparkling eyes pa. Puta kadiri.

“Lagi ka talaga commercial noh?”, sabi ni Alex.

“Let’s cut the bullshit. Super feeling ko na may masamang plano yan si Angelyn satin.”, sabi ni Clarisse.

“Same tayo ng instinct, sis.”, sabi naman ni Fey.

“I thought so, too.”, sabi ni Leil. “Kung may plano siya satin… simple lang… magplano rin tayo.”

“O waw! Gusto ko yan. Anong plano?”, sabi ko

“Kaibiganin natin siya.”, sagot ni Leil, at nagtinginan kami sa isa’t isa.

‘Akala ko ba ayaw niyo sa kanya?’, sasabihin ko na sana pero naalala ko yung mas mahalaga kong tanong
kanina.

“Sino nga pala yung magnanakaw!?”

“SHH!”, sabay sabay nilang sabi.


Chapter 5:

“Okay ka lang Jailen?”, sabi ko sa pinakamatalik kong kaibigan. Wow.

Tumango lang siya. Ibig- sabihin, hindi siya okay.

Andito muna kami nakaupo sa court, para makalayo- layo naman sa maiingay at magugulo naming tropa.

“Uy, Jailen. Walang iyakan.”, sabi ko sakanya, nung mamasa na yung eyes niya.

“Ang landi mo talaga.”, bulong ko. Pero parang narinig niya yata, kaya umangat yung masama niyang tingin
sakin.

“Tol, kalma lang .”, sabi ko

“Patawanin mo nga ko Jett. Ang hirap na kasi ih… maging gwapo.”, sabi niya.

“I feel you bro.”, sabi ko habang tinatapik tapik pa yung likod niya.

“Pero seryoso nga, ano na ba dapat kong gawin?”, seryosong sabi niya, nang may nalaglag nang luha.

“Ano ba gusto mo?”, yun na lang natanong ko sakaniya.

Pinunasan niya muna luha niya. “Siya.”, habang nakatingin sa baba.

Ewan ko ba. Dapat dinadamayan ko siya eh, pero di ko maiwasang kiligin.

“Pre. Real talk-in kita ah. Tingin ko, hintayin mo na lang muna yung right time. Kasi ‘diba… Ikaw na may sabi… na
sure ka nang siya yung tamang tao. Tamang oras na lang hihintayin mo. Ayus diba? Eh gago, ako? Di ko alam
kung kailan dadating ‘yun parehas.”, advice ko sa kanya.

Grabe yung advice ko, puta life-changing. Ako rin, may natutunan sa advice ko.

“May utak ka rin pala noh?”, sa lalim ng advice ko sa kanya, yan ang sinagot niya.

“Tanginamo Jailen. Kung di mo lang talaga gusto si Leil, eh…”

Akala ko sasama tingin niya sakin, pero natawa lang siya ng mahina.

Alam niya na naman yun, dati pa. Kung di niya lang gusto si Leil, ako may gusto sa kanya.

You might also like