You are on page 1of 2

PAGTATAYA

I. Tukuyin ang pamaraang ginamit sa pagpapaliwanag ng sumusunod na sipi: Bilugan mo ang


titik ng tamang sagot.

1. Marami ang taong namatay sa nagdaang bagyong Reming. Ang probinsya ng Albay ang higit na
naapektuhan. May mga natabunan dala ng lahar dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa. Marami
ring nawalan ng tirahan. Ang kalamidad na tulad nito ay nagaganap dahil sa pang-aabuso ng mga
tao sa kalikasan. Ang kabukiran ay patuloy na nakakalbo sa halip na maprotektahan. Laganap din
ang polusyon sa lupa, tubig at hangin. Hanggat hindi natuto ang tao na pahalagahan ang
kalikasan, ipreserba at protektahan ito, patuloy na babalik sa tao ang ganti nito.
A. Depinisyon C. Problema at Solusyon
B. Sanhi at Bunga D. Paghahambing at Pagkokontrast

2. Ang progeria ay isang uri ng sakit na di-pangkaraniwan. Dito, ang isang bata ay mabilis ang
proseso ng pagtanda. Isinilang na normal ang isang bata ngunit habang lumalaki ay nagbabago
ang anyo at nagiging kulubot ang balat, humihina ang mga vital organs at nagkakaroon ng
karamdaman na karaniwang taglay ng mga matatanda. Ang siyam na taon na bata ay
kahalintulad ng isang matandang ang edad ay 70 o 80 taon. Hanggang 15 – 16 na taong gulang
lamang tumatagal ang buhay ng mga batang may progeria. Ang ikinamamatay nila ay sakit na
pangmatanda at ang 15 o 16 na taong may progeria ay kahalintulad ng 100 taong gulang na
matanda.
C. Depinisyon C. Problema at Solusyon
D. Sanhi at Bunga D. Paghahambing at Pagkokontrast

3. Ang malnutrisyon ay maoobserbahan sa mga lugar ng mahihirap. Batay sa ulat ni Kara David,,
Ang Mercedes, Camarines Norte ay pinagkukunan ng yamang-dagat at maituturing na mayaman
ang kalikasan ngunit maraming kaso ng malnutrisyon. Dahil ditto, ang pamahalaan ay nagsagawa
ng feeding program upnag mabigyan ng kalutasan ang dumaraming kaso ng malnutrisyon, hindi
lamang sa lugar na binanggit ni Kara David.
A. Depinisyon C. Problema at Solusyon
B. Sanhi at Bunga D. Paghahambing at Pagkokontrast

4. Ang mga halimbawa ng mga akdang nasa anyong tuluyan ay ang mga sumusunod: maikling
kuwento, anekdota, nobela, pabula, dula, talambuhay at sanaysay. Sa anyong patula naman ay
epiko, soneto, awit, korido at balagtasan.
A. Depinisyon C. Enumerasyon
B. Kronolohiko D. Sekwensyal

5. Si Nora Aunor at si Vilma Santos ay parehong sikat na artista. Kapuwa sila tumanggap ng
parangal mula sa Famas, Urian at Metro Manila Film Festival . Marami ang humanga sa
kahusayan nila sa pag-arte. Sa kasalukuyan, nagkaroon ng pagbabago ang kanilang kalagayan sa
buhay. Si Vilma ay pinasok ang larangan ng politika at naging gobernador ng Batangas. Si Nora
naman ay pinasok ang Indie Films. Pareho pa rin silang sikat, si Nora sa larangan ng pag-arte
samantalang si Vilma ay sa larangan ng politika.
A. Sandi at Bunga C. Problema at Solusyon
B. Paghahambing at Pagkokontrast D. Pagsusunod-sunod at kronolohiko
6. Ang epekto ng suliraning ito ay ang bihirang pag-ulan, pagkatuyo ng mga lupain at pagkamatay
ng mga pananim. Nakakaapekto rin ito sa kalusugan ng tao gaya ng pagkakasakit sa baga,
iritasyon sa balat, pagkakaroon ng kanser kapag hindi naagapan.
A. Sandi at Bunga C. Problema at Solusyon
B. Paghahambing at Pagkokontrast D. Pagsusunod-sunod at kronolohiko

7. Siya si Sophia. Tsinita ang mata, may biloy sa pisngi, maamo ang mukha, makinis ang balat at
palaging nakangiti. Siya ang pinakabatang estudyante sa aking klase.
A. Depinisyon C. Enumerasyon
B. Kronolohiko D. Sekwensyal

8. Ang pagkalulong niya sa bawal na gamut ang nagdala sa kanya sa kulungan. Ang droga ang
siyang dahilan kung bakit maraming kabataan ang napapariwara sa buhay. Droga ang dahilan ng
maraming kasawian sa buhay. Upang matigil ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, ang
kailangan natin ay pagtutulungan ng pamilya, pamahalaan at paaralan sa pagsugpo sa droga na
siyang salot sa ating lipunan.
A. Problema at solusyon C. Sanhi at Bunga
B. Paghahambing at Pagkokontrast D. Sekwensyal at Prosedyural

9. Ang pag-ibig ay tulad ng halamang may tubig. Ang halamang may tubig ay lalago at patuloy na
nagbibigay ng pagkain sa iba pang nilalang na may buhay. Tulad ng pag-ibig sa kapuwa na
marunong magsakripisyo at hindi naghihintay ng anumang kapalit. Pag umiral ang pag-ibig sa
isang lugar, magkakaroon ng pagkakaisa at uunlad ang isang pamayanan.
A. Problema at solusyon C. Sanhi at Bunga
B. Paghahambing at Pagkokontrast D. Sekwensyal at Prosedyural

10. Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika nahahanay o nauuri sa string. Upang
tumunog ang instrumentong ito ay kailangang kalabitin ng kanang kamay at titipahin naman ng
kaliwang kamay.
A. Kronolohiko C. Depinisyon
B. Prosedyural D. Sekwensyal

You might also like