You are on page 1of 26

Kritikal na Estratehiya sa

Pagtuturo ng Pagsulat sa
Iba’t ibang Larangan
(Sining at Disenyo)

Jonathan Vergara Geronimo


Daloy ng Talakay
• Pangkalahatang punto sa pagtuturo ng
pagsulat sa larangan ng sining at disenyo
• Pagbibigay ng tiyak na halimbawang
aralin at mga panukalang gawain sa
makabuluhan at kritikal pagtuturo ng
sining at disenyo
• Implikasyon sa tunguhin ng makabayang
edukasyon
Pagkalahatang punto sa pagtuturo ng
kursong “Pagsulat sa Sining at
Disenyo”
• Nabibigyang-kahulugan ang mga susing
konsepto ukol sa tiyak na sining at disenyo
• Nakapagsusuri at nakasusulat ng papel sa
isang tiyak na sining at disenyo gamit ang
isang kritikal na lente
• Napahahalagahan ang isang tiyak na sining
at disenyo batay sa kanyang pambansa at
panlipunang papel.
PAGSULAT SA SINING AT DISENYO

PAGSUSURI
PAGPAPAHALAGA
PAGPAPAKAHULUGAN

DISKURSONG FILIPINO
NOVELTY SONGS BILANG
POETIKA NG LANSANGAN AT
KULTURANG POPULAR
PAGPAPAKAHULUGAN
• Kaligirang tradisyon at kasaysayan
• Produksyon ng kulturang popular
• Pormula/katangian bilang sining
Tradisyon at Kasaysayan
Produksyon ng Kulturang
Popular
Pormula ng Novelty Songs
bilang Sining
• adaptasyon sa mga tulansangan (tulang
panlasansangan na karaniwang nalilikha ng mga bata
sa kanilang paglalaro)
• paghalaw sa pang-araw-araw na karanasan
• tematikong pag-angkop sa okasyon at popular na
palabas
• imbentong paraan ng pagpapahayag
• paglalapat sa isang paulit-ulit na hakbang sa
pagsasayaw
• parodiya o panggagaya sa isang sikat na awitin o
pangyayari.
• KANTANG “BULAKLAK” NG VIVA HOT
BABES
PAGSUSURI
• Sa pag-aaral ni Michael Francis Andrada
(2007), natuklasan na ginamit at binago
ang mga tulansangan ng mga kabataan
sa proseso ng komodipikasyon at
monopolyong kapital upang patingkarin
ang aspektong seksuwal sa awitin at
gawing pornograpiko ang mga
tulansangan.
• Samantala, pornograpiko naman, ayon pa
rin kay Andrada, ang pagpapakete sa
awiting “Bulaklak” kasama ang sexy group
na Viva Hot Babes sa paglalapat nito ng
sensuwal na sayaw at pagsusuot ng
pinakamanipis na bikini sa pagtatanghal.
• MUSIC VIDEO NG KANTANG
“BULAKLAK” NG VIVA HOT BABES
Pagsulat ng Kritikal na Papel
• 1. Tukuyin ang mga literal at denotatibong
paksa/kahulugan ng kanta.
• 2. Pagsusuri sa ginamit na media para
itanghal ang kanta, lawak ng popularisasyon at
tagatangkilik nito.
• 3. Palitawin ang iba’t ibang diskurso sa
produksiyon ng novelty songs gaya ng
pinaghanguang konsepto, gamit ng wika, mga
kasangkot sa pagtatanghal (prodyuser at
artista) at paraan ng pagtatanghal
• 4. Pagpapalitaw sa nakatagong konotatibong
kahulugan at konteksto.
PAGPAPAHALAGA
• Paano aagawin ang kapangyarihang
ipinapataw ng mga kapitalista sa
pagpapakete ng tulansangan?
• Paano magagamit ang espasyo ng
lansangan bilang tagapaghubog ng
pambansang aspirasyon at
kamalayan?
Output
• Mag-organisa ng isang
pangkulturang pagtatanghal na
nagtatampok sa mga orihinal na
likhang novelty songs na tumatalakay
sa mga suliraning kinahaharap sa
pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino
PARKE AT SIMBAHAN
BILANG TAGAPAGSALAYSAY
NG KASAYSAYAN
PAGPAPAKAHULUGAN
• Kasaysayan ng arkitektura sa Pilipinas
partikular sa mga simbahan at parke
• Papel ng mga simbahan at parke
• Disenyo/kaayusan ng mga simbahan
at parke
Pueblo
PAGSUSURI
Pagsulat ng Lathalain
• Panlipunang kaugnayan ng arkitektura
sa mga impluwensiyang historikal,
kultural at politikal
• Diskurso ng mga espasyo, disenyo, at
proseso ng produksiyong pansining
bilang diyalogo ng manlilikha, awdyens
at ahensyang may kapangyarihan
• Kontemporanyong saysay/halaga
PAGPAPAHALAGA
• Paano inangkin ng mga Pilipino ang
kapangyarihan sa espasyo ng ating mga
simbahan at parke?
• Paano maitatampok ang sarili at
katutubong estetikang Pilipino sa
pagtatayo ng isang simbahan at parke sa
kontemporanyong panahon?
Output

•Bilang pagpapahalaga sa tradisyon ng


malikhain at makabuluhang arkitektura
ng mga pambansang parke, kailangang
ipagpatuloy ang malikhaing pagdidisenyo
ng mga estrukturang ito na magtatampok
sa ating katutubong estetika at
kontemporanyong kasaysayan.
IMPLIKASYON

PAGSULAT SA SINING AT DISENYO

PAGSUSURI
PAGPAPAHALAGA
PAGPAPAKAHULUGAN

MAKABAYANG
DISKURSONGEDUKASYON
FILIPINO

You might also like