You are on page 1of 33

Kritika at Alternatibong

Pedagohiya sa Track-based
na Kurikulum sa Filipino

Jonathan Vergara Geronimo


University of Santo Tomas
Daloy ng Pagtalakay
• Nilalaman ng Track-based na
kurikulum sa Filipino
• Kritika at Alternatibo sa Adyenda ng
Makabayang Edukasyon
• Sampol ng Pagtuturo
• Pagbubuo ng panukalang
pedagohiya
Programang Kto12
Deskripsyon ng kurso
• Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa,
mapanuri, at masinop na pagsusulat
sa piniling larangan
Pamantayang Pangnilalaman
• Nauunawaan ang kalikasan, layunin at
paraan ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang
larangan
Pamantayan sa Pagganap
• Nakabubuo ng
• malikhaing portfolio (akademik)
• pahayagang pang-isports (sports)
• magasing pansining o pandisenyo
(sining at disenyo)
• manwal (tek-bok)
Gramatika
• Paggamit ng mga kasanayang
komunikatibo (linggwistik,
sosyolinggwistik, diskorsal at
istratedyik)
AKADEMIK SINING AT DISENYO

talumpati Sulatin sa kulturang popular, sining


katitikan ng pulong panteatro, sining biswal, pagdidisenyo
posisyong papel ng istruktura
replektibong sanaysay
agenda
pictorial essay
lakbay-sanaysay
abstrak
sintesis/buod
bionote
panukalang proyekto

TECH VOC ISPORTS

dokumentasyon sa paggawa ng isang Sanaysay, rebyu at kritika sa iba’t


bagay/produkto ibang ulat, balita o aktwal na laro
naratibong ulat
paunawa/babala/anunsyo
menu ng pagkain
Kritika sa Track-based na
Kurikulum
• Hindi naglilinaw ng tiyak na
probisyon ukol sa pananaw at
tunguhin na nakasalig sa agenda
ng makabayang edukasyon
• Hindi nakasalig sa kasalukuyang
kalagayan at karanasan ng
edukasyon sa Pilipinas
• Hindi nakatahi ang kurikulum ng
Senior High School sa magiging
tunguhin at programa ng mga mag-
aaral hanggang kolehiyo (silbi ng
track-based?)
• May tendesiyang paulit-ulit ang ilang
kasanayang nabanggit na sa grade 11
partikular sa mga ouput sa
Akademikong strand
• Kulang sa matalinong pagpili ng
mga paksa at lohika sa paglalatag
nito partikular sa Sining at Disenyo
• Mga anyo ng sulatin ang tuon ng
lahat ng larangan samantalang
naiba ang latag sa Sining at
Disenyo
• Hindi nililinaw ang kurikulum sa
iba’t ibang larangan kung paano ito
magiging kapaki-pakinabang sa
potensiyal at pangangailangan ng
bayan
Alternatibo
• Ilinaw ang pananaw at tunguhing
pambansa sa praktika ng pagtuturo
salig sa karanasan/kalagayan ng
edukasyon sa Pilipinas
• Kailangang magamit ang wika sa
matalino at makabuluhang diskursong
pang-ekonomiya, pampolitika at
pangkultura ng bansa
• Gawing praktikal, awtentiko at
makapanlipunan ang mga gawain upang
mapalalim ang nasyonalismo at
pagpapahalaga bilang kasapi ng
komunidad, ng bansa at ng daigdig
• Gamitin ang paaralan bilang espasyo ng
pag-unawa sa lipunan at ang lipunan
bilang laboratoryo ng karunungan at
pagkilos
Sampol sa Kritikal na
Pagtuturo ng Pagsulat sa
Iba’t ibang Larangan
(Sining at Disenyo)
Pagkalahatang punto sa pagtuturo ng
kursong “Pagsulat sa Sining at
Disenyo”
• Nabibigyang-kahulugan ang mga susing
konsepto ukol sa tiyak na sining at disenyo
• Nakapagsusuri at nakasusulat ng papel sa
isang tiyak na sining at disenyo gamit ang
isang kritikal na lente
• Napahahalagahan ang isang tiyak na sining
at disenyo batay sa kanyang pambansa at
panlipunang papel.
PAGSULAT SA SINING AT DISENYO

PAGSUSURI
PAGPAPAHALAGA
PAGPAPAKAHULUGAN

DISKURSONG FILIPINO
NOVELTY SONGS BILANG
POETIKA NG LANSANGAN AT
KULTURANG POPULAR
PAGPAPAKAHULUGAN
• Kaligirang tradisyon at kasaysayan
• Produksyon ng kulturang popular
• Pormula/katangian bilang sining
Tradisyon at Kasaysayan
Produksyon ng Kulturang
Popular
Pormula ng Novelty Songs
bilang Sining
• adaptasyon sa mga tulansangan (tulang
panlasansangan na karaniwang nalilikha ng mga bata
sa kanilang paglalaro)
• paghalaw sa pang-araw-araw na karanasan
• tematikong pag-angkop sa okasyon at popular na
palabas
• imbentong paraan ng pagpapahayag
• paglalapat sa isang paulit-ulit na hakbang sa
pagsasayaw
• parodiya o panggagaya sa isang sikat na awitin o
pangyayari.
• KANTANG “BULAKLAK” NG VIVA HOT
BABES
PAGSUSURI
• Sa pag-aaral ni Michael Francis Andrada
(2007), natuklasan na ginamit at binago
ang mga tulansangan ng mga kabataan
sa proseso ng komodipikasyon at
monopolyong kapital upang patingkarin
ang aspektong seksuwal sa awitin at
gawing pornograpiko ang mga
tulansangan.
• Samantala, pornograpiko naman, ayon pa
rin kay Andrada, ang pagpapakete sa
awiting “Bulaklak” kasama ang sexy group
na Viva Hot Babes sa paglalapat nito ng
sensuwal na sayaw at pagsusuot ng
pinakamanipis na bikini sa pagtatanghal.
• MUSIC VIDEO NG KANTANG
“BULAKLAK” NG VIVA HOT BABES
Pagsulat ng Kritikal na Papel
• 1. Tukuyin ang mga literal at denotatibong
paksa/kahulugan ng kanta.
• 2. Pagsusuri sa ginamit na media para
itanghal ang kanta, lawak ng popularisasyon at
tagatangkilik nito.
• 3. Palitawin ang iba’t ibang diskurso sa
produksiyon ng novelty songs gaya ng
pinaghanguang konsepto, gamit ng wika, mga
kasangkot sa pagtatanghal (prodyuser at
artista) at paraan ng pagtatanghal
• 4. Pagpapalitaw sa nakatagong konotatibong
kahulugan at konteksto.
PAGPAPAHALAGA
• Paano aagawin ang kapangyarihang
ipinapataw ng mga kapitalista sa
pagpapakete ng tulansangan?
• Paano magagamit ang espasyo ng
lansangan bilang tagapaghubog ng
pambansang aspirasyon at
kamalayan?
Output
• Mag-organisa ng isang
pangkulturang pagtatanghal na
nagtatampok sa mga orihinal na
likhang novelty songs na tumatalakay
sa mga suliraning kinahaharap sa
pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino
IMPLIKASYON

PAGSULAT SA SINING AT DISENYO

PAGSUSURI
PAGPAPAHALAGA
PAGPAPAKAHULUGAN

MAKABAYANG EDUKASYON
DISKURSONG FILIPINO
Worksyap
• Paksa: Lakbay-sanaysay
• Natitiyak ang angkop na proseso ng
pagsulat ng piling sulating akademiko
• Nagagamit ang angkop na format at teknik
ng pagsulat ng akademikong sulatin
• Nakagagawa ng palitang pangkritik
• Natitiyak ang mga elemento ngpaglalahad
ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay
Padron ng Pagtakalay

PAGPAPAKAHULUGAN

PAGSUSURI PAGPAPAHALAGA

PAGSULAT
MARAMING SALAMAT PO!
jgeronimo.ust@gmail.com
@pulangtsok

You might also like