You are on page 1of 107

SACA

SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

LEARNING MODULE
ARALING PANLIPUNAN G9 Y1

Mga Pangunahing
Konsepto ng
Ekonomiks

NOTICE TO THE SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 9 1
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

This learning module involved individualized instruction that allows learner to use self-
learning modalities SLM suited in their learning capabilities as well as distinctive localities of
the learners. The Saint Andrew Christian Academy Inc. aims to deal with high quality of
Education that promotes individual to reach the greater point of their knowledge thus, the school
itself will provide a learning module designed and aligned with the Most Essential Learning
Competencies MELCS instructed by the Department of Education with accordance of Private
Education Assistance Committee (PEAC) community, furthermore, The SACA Elementary,
Junior and Senior High School Teachers will continue providing caliber Education amidst of
Pandemic issue that currently happening across the world.
In this LM, all the parts or stages Including exploration, inquiries and probation of most
content were signified. Moreover, it is possible that some links and resources from this learning
module may no longer obtainable, hence, the teachers encouraged to allocate more alternative
learning resources or learning materials which deemed fit to the learners in relation to the
competencies and set standards. Teachers are quickened to make their own set of standards on
the learning plans and module that will surely be attainable of the school’s Mission and Vision.
This learning module can reproduce only by the authorized person such as School,
Teacher and student. Reproducing this learning module without the permission of the author may
receive punishable consequences set by the law under R.A no. 8293 or Intellectual Property Law
of the Philippines.

Talaan ng Nilalaman

ARALING PANLIPUNAN 9 2
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Yunit I: Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks 4

Panimula 4
Mga Aralin at Saklaw ng Yunit 5
Mga Inaasahang Kakayahan 5
Panimulang Pagtataya 6
Aralin 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks 9
Tuklasin
Alamin
Palawakin
Pagnilayan
Aralin 2: Alokasyon 19
Tuklasin
Alamin
Palawakin
Pagnilayan
Aralin 3: Produksyon 29
Tuklasin
Alamin
Palawakin
Pagnilayan
Aralin 4: Ang Pagkonsumo 37
Tuklasin
Alamin
Palawakin
Pagnilayan
Aralin 5: Mga Tungkulin at Karapatan ng Mamimili 45
Tuklasin
Alamin
Palawakin 49
Pagnilayan 50
Pangwakas na Pagtataya 51

Yunit II: Maykroekonomiks 56

Panimula 4
Mga Aralin at Saklaw ng Yunit 5
Mga Inaasahang Kakayahan 5
Panimulang Pagtataya 6
Aralin 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks 9
Tuklasin 9
Alamin 11

ARALING PANLIPUNAN 9 3
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Palawakin 12
Pagnilayan 16
Aralin 2: Alokasyon 19
Tuklasin 19
Alamin 21
Palawakin 24
Pagnilayan 26
Aralin 3: Produksyon 29
Tuklasin 29
Alamin 31
Palawakin 32
Pagnilayan 34
Aralin 4: Ang Pagkonsumo 37
Tuklasin 37
Alamin 39
Palawakin 41
Pagnilayan 42
Aralin 5: Mga Tungkulin at Karapatan ng Mamimili 45
Tuklasin 45
Alamin 46
Palawakin 49
Pagnilayan 50
Pangwakas na Pagtataya 51
Talasanggunian at mga Website na Ginamit sa Modyul 54

YUNIT I

ARALING PANLIPUNAN 9 4
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG

Karaniwan na sa tao ang maghangad ng napakaraming bagay na higit sa kanyang

kakayahang makabili ng mga ito. At dahil limitado ang kakayahang makabili ng lahat ng nais,
kailangan niyang magpasya kung alin lamang ang kanyang bibilhin. Katulad ng mga
mamamayan ng isang bansa, lahat ay naghahangad ng mabuting paaralan, maayos na pabahay, at
malakas na puwersang sandatahan. Bagama’t lahat ay mahalaga, walang kakayahan ang
pamahalaan na tugunan ang mga ito ng sabay-sabay. Kung gayon, alin ang uunahin nitong
tustusan at alin ang ihuhuli?

Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano pumili ang tao o lipunan ng bibilhin mula sa
kanyang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan, sa pamamagitan ng mahusay na
aloksayon o pagbabaha-bahagi ng kapos niyang pinagkukunang-yaman. Ito ay upang malubos
ang kanyang kasiyahan.

Tatalakayin sa modyul na ito ang katuturan at kahalagahan ng ekonomiks bilang isang

agham panlipunan. Sasagutin dito ang mga sumusunod na tanong: Ano ang ekonomiks at ang
mga sangay nito? Bakit mahalaga ang ekonomiks sa isang bansa? Paano makatutulong sa
pamamahala sa kaunlaran ng pamilya, mga industriya, at ng buong bansa ang mga konsepto at
prinsipyo sa ekonomiks? Ano ang alokasyon, pagkonsumo at produksyon? Paano nakaaapekto
ang mga ito sa pagdedesisyon ng isang indibidwal?

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag- Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga
unawa sa mga pangunahing konsepto ng pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang
ekonomiks bilang batayan ng matalino at batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-
maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. araw na pamumuhay.

 Saklaw ng Aralin

Ang module na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na paksa:

Arali
Pamagat Matututunan mo ang…..
n Blg.
1 Introduksyon sa Ekonomiks  Naibibigay ang kahulugan ng Ekonomiks

ARALING PANLIPUNAN 9 5
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

 Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa

pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan
 Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan.
2 Alokasyon  Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-
ekonomiya
3 Produksyon  Naibibigay ang kahulugan ng produksyon
 Naipapaliwanag ang mga salik ng produksyon
at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na
pamumuhay
4 Ang Pagkonsumo  Naibibigay ng kahulugan ng pagkonsumo
 Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo
5 Mga Katangian at Karapatan ng  Naipagtatanggol ang mga karapatan at
Mamimili nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang
mamimili

 Concept Map ng Aralin

Ito ang simpleng concept map ng mga paksang tatalakayin sa modyul na ito.

EKONOMIKS

Alokasyon Produksyon Pagkondumo Mga Katangian

Introduksyon
at Karapatan ng
sa Ekonomiks
Mamimili

PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa mga araling tatalakayin sa pamamagitan
ng pagsasagot sa mga katanungang ito. Bilugan lamang ang wastong sagot at sagutan
lahat ang mga tanong. Tandaan mo ang mga aytem at mga tanong na hindi mo nasagot
ay malalaman mo ang wastong sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng wastong sagot.
ARALING PANLIPUNAN 9 6
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

1. Isang agham panlipunan na ang layunin ay mapag-aralan at suriin ang pagpili,

pagdedesisyon, at paglalaan sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
a. Alokasyon
b. Pagkonsumo
c. Ekonomiks
d. Produksyon
2. Isang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yamang pang-ekonomiya.
a. Pagkonsumo
b. Produksyon
c. Alokasyon
d. Ekonomiks
3. Sino ang Ama ng Klasikong Ekonomiks?
a. Alfred Marshall
b. Adam Smith
c. David Ricardo
d. John Maynard Keynes
4. Anong sistemang pang-ekonomiya, na ang pamahalaan ay may sentralisadong
pagpapasya ng alokasyon ng pinagkukunang-yaman upang makalikha ng iba’t ibang
produkto at serbisyo.
a. Tradisyunal
b. Command
c. Free Market
d. Mixed
5. Anong salik ng pagkonsumo ang tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng
ginawang at serbisyo.
a. Okasyon
b. Pagkakautang
c. Presyo
d. Kita
6. Anong paraan ng pag-aanunsyo ang nagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa
produkto.
a. Testimonial
b. Paraang Brand
c. Bandwagon
d. Commercial
7. Anong karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa paglaban sa mga produkto na
nakasasama sa buhay at kalusugan.
a. Karapatan sa kaligtasan
b. Karapatang pumili
c. Karapatang mapakinggan

ARALING PANLIPUNAN 9 7
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

d. Karapatan sa kaalaman
8. Si anna ay bumibili ng isang litro ng mantika na palm oil, ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon naubos ang palm oil sa tindahan. May iniaalok ang tindahan ng spring oil
ngunit ayaw ni anna nito. Anong karapatan ng mamimili ang ipinapakita ng sitwasyon.
a. Karapatang mapakinggan
b. Karapatan sa kaalaman
c. Karapatang pumili
d. Karapatan sa patalastas
9. Anong salik ng produksyon ang tumutukoy sa kakayahan ng tao para sa pagsasagawa ng
mga proseso para sa produksyon ng produkto at serbisyo.
a. Kapital
b. Lakas paggawa
c. Lupa
d. Entrepreneurship
10. Sinong ekonomista ang pinakamaimpluwansya sa makabagong ekonomiya.
a. John Maynard Keynes
b. Karl Heinrich Marx
c. Adam Smith
d. David Ricardo
11. __________ ay ang pagsasama-sama ng mga salik ng produksyon upang makabuo ng
produkto o serbisyo na maiaalok sa mercado.
a. Ekonomiks
b. Pagkonsumo
c. Produksyon
d. Alokasyon
12. Si Alfred nakatapos ng business administration na kurso, napili niyang magtayo na
lamang ng negosyo at siya ang tumayong ulo nito. Anong salik ng produksyon ang
ipinapakita dito.
a. Lupa
b. Entrepreneurship
c. Kapital
d. Manggagawa
13. Ang pagpapasya ng tao ay idinidikta ng kaugalian, tradisyon, kultura, at paniniwala.
a. Tradisyunal
b. Command
c. Free market
d. Mixed
14. Ang ____________ ay ang pagsasama-sama ng mga hilaw na materyales upang makabuo
ng produkto.
a. Output
b. Hoarding
c. Shortage

ARALING PANLIPUNAN 9 8
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

d. Input
15. Ito ay sangay ng ekonomiks na sumusuri sa pangkabuuang ekonomiya.
a. Maykroekonomiks
b. Modern Ekonomiks
c. Classical Ekonomiks
d. Makroekonomiks
16. Ang __________ ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto o serbisyo.
a. Alokasyon
b. Produksyon
c. Ekonomiks
d. Pagkonsumo
17. Ang _______ ng produkto ang salik na naglilimita at makadaragdag sa pagkonsumo ng
mga produkto at serbisyo.
a. Kita
b. Presyo
c. Panahon
d. Pagkakautang
18. Ang pamahalaan ay hindi masyado nanghihimasok sa pagdedesisyon sa paggawa ng
produkto at serbisyo.
a. Tradisyunal
b. Command
c. Free market
d. Mixed
19. Ang ________ ay ang mga nagawang produktong maari nang bilhin ng mga mamimili sa
mercado.
a. Hoarding
b. Input
c. Output
d. Shortage
20. Ito ay sangay ng ekonomiks na sumusuri sa mga Gawain at pagpapasya ng bawat sektor
sa lipunan.
a. Neoclassical
b. Maykroekonomiks
c. Makroekonomiks
d. Classical

ARALING PANLIPUNAN 9 9
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANIMULA

Natural sa isang tao ang magkaroon ng pangangailangan lalo na ang mga

pangangailangan na sumusuporta sa kanyang buhay. Maliban sa mga pangangailangan, may mga
kagustuhan din ang mga tao na bihira o kailanman ay hindi matutugunan. Ito ay dahil limitado
ang kakayahan ng tao na matugunan ang lahat ng kaniyang kailangan at kagustuhan sapagkat ang
pinagkukunan nito ay limitado. Limitado ang mga produktibong yaman pang-ekonomiya tulad
ng likas-yaman at likas-tao.

Alam niyo ba na ang bawat kilos at desisyon natin ay may kinalaman sa ekonomiks? Ang
pagbadyet ng pera sa iyong sambahayan para sa pang araw-araw na gastusin ay isang aspeto na
may kaugnayan sa ekonomiks. Ang pagbili ng pagkain, pagbayad ng pamasahe, at pagbili at
pagpili ng mga gamit sa paaralan at sa iba pang kagamitan ay may kinalaman din sa ekonomiks.
Dahil kaugnay ng iyong pagbili at pagpili ng mga gamit o serbisyo ang pagpapasya kung alin sa
mga produkto o serbisyo ang karapat-dapat na mauna dahil sa limitadong pinagkukunang-yaman.

Ang ekonomiks ay hindi lamang natututunan at nalalaman sa paaralan kundi pati na rin sa
tahanan. Maaaring wala sa ating kamalayan na ang bawat desisyon at kilos natin sa araw-araw ay
may kaugnayan sa ekonomiks. Katulad sa pagpili ng bibilhin sa tindahan, pagbadyet ng baon sa
araw-araw, at pagbuo ng desisyon kung ba ang karapat-dapat na mauna sa mga bibilhin. Sa
araling ito, malalaman natin ang kaugnayan ng ekonomiks sa ating sariling pagdedesisyon at ang
epekto nito sa ekonomiya.

ARALIN I
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa kahulugan, konsepto at kahalagahan ng ekonomiks para
makatulong sa iyong matalinong pagpapasya sa pang araw-araw.

ARALING PANLIPUNAN 9 10
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 1: Picture Analysis

Panuto: Suriin ang larawan at bigyan ng sariling interpretasyon.

Badyet P50.00 Badyet P200.00

kuwaderno bag
load sa cell phone payong
ballpoint pen pabango

Badyet P100.00 Badyet P500.00

panyo libro
medyas bagong cell phone
wristband makeup

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinapakita ng larawan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Naranasan mu naba ang ganyang sitwasyon? Ipaliwanag.

3. Anong desisyon ang iyong gagawin, kapag nakaharap ka sa madaming sitwasyon?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 2: Tanong Ko, Sagot Mo!

Basahing mabuti at sagutan ang mga katanungan. Isulat ang T kung tama ang
pinapahayag ng pangungusap at M kung ito ay mali. Isulat ang sagot bago ang bilang.
_____1. Lahat ng suliranin ay may kaugnayan sa Ekonomiks.
_____2. Kinakailangang magaling ang guro upang maunawaan ng mga mag-aaral ang
asignaturang Ekonomiks.
_____3. Ang agham ay para lamang sa doktor.
_____4. Ang pagpapasiya ay isa sa mga tuon ng Ekonomiks.
_____5. Kailangan maging kritikal sa mga isyu sa lipunan.
ARALING PANLIPUNAN 9 11
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa Ekonomiks.

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang araw-araw na pamumuhay, kasapi ng

pamilya at lipunan?

Initial:

Revised:

Final:

Matapos mong masagutang ang iyong paunang kaalaman tungkol sa kahulugan at

kahalagahan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay, ihanda ang iyong sarili para sa
susunod na bahagi ng aralin upang iyong higit na malaman ang kahulugan, kahalagahan at
konsepto ng ekonomiks.

TALAKAYIN

Kahulugan ng Ekonomiks
Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia o “pamamahala ng
sambahayan.” Binubuo ito ng salitang oikos na ang kahulugan ay “sambahayan” at ng salitang
nomos na ang ibig sabihin naman ay “sistema ng pamamahala.” Hindi lamang ang pamamahala
ng sambahayan, ang sinasakalawan ng oikonomia kundi ang buong sektor ng lipunan at ng
buong bansa.
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na ang layunin ay mapag-aralan at suriin ang
pagpili, pagdedesisyon, at paglalaan sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Sinusuri nito ang mga pangyayari sa buong lipunan. Sinusuri din nito ang mga gawain,
kilos, at ugnayan ng indibidwal, pangkat, tagalikha, at gobyerno upang maintindihan ang mga
kaganapan at pangyayari. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng matalinong desisyon at
makagagamit ng siyentipikong pamamaraan.
Ang kabuhayan o material na pangangailangan ng lipunan o pamayanan ang paksa o
diwa ng ekonomiks. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong
ARALING PANLIPUNAN 9 12
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

produkto at serbisyo ang gagawi, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Ito
ay bunga ng suliranin sa kakapusan. Ang kakapusan ay kaugnay na ng buhay dahil may
limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon ang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang-
likas at kapital.

Apat na Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

1. OPPORTUNITY COST- tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na

handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
2. TRADE OFF- pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
3. MARGINAL THINKING-sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging
ito may ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
4. INCENTIVES-Maaaring ang desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa
bandang huli.

Gawain 4: Tanong Ko, Sagot Mo

1. Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan nakatutulong sa iyong matalinong

pagdedesisyon ang opportunity cost, trade off, marginal thinking at incentives?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, paano mo masasabi na matalino ang iyong pagdedesisyon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Kahalagahan ng Ekonomiks
Bawat isa sa atin ay bahagi ng ekonomiya na may mga tungkuling ginagampanan.
Pangunahin ditto ang pagiging mamimili kung saan nagpapasya tayo ng uri at dami ng produkto
at serbisyo na ating bibilhin. Bilang konsyumer o mamimili, lagi nating isinasaalang-alang ang
ating pakinabang at ang magiging epekto ng ating pasya sa mas nakararami.
Maging ang mga manggagawa ay nagpapasya rin kung anong trabaho ang kanilang dapat
na pasukan. Nakasalalay rin sa kanila ang pagtaas ng produksyon. Kapag ganado silang gumawa,
malamang tumaas ang kanilang produksyon at ito ay makabubuti sa lagay ng Negosyo at maging
sa ekonomiya. Ang kanilang kaalaman sa Ekonomiks ay makatutulong upang sila ay lalong
maging epektibong manggagawa.
Ang entreprenyur ay may malaking tungkulin sa paglago ng ekonomiy. Mahalagang
sangkap sap ag-unlad ng Negosyo ang kanilang makabagong pamamaraan at lakas ng loob.

ARALING PANLIPUNAN 9 13
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Kailangang maunawaan ng kahit sinong entreprenyur ang kalagayan at takbo ng ekonomiya

upang higit siyang maging epektibo sa kanyang larangan.
Bilang isang mamamayan, mahalaga ang kaalaman sa Ekonomiks upang:
a) makatulong sa pamahalaan sa wastong paggamit ng pinagkukunang-yaman;
b) maunawaan ang mga usapin ukol sa ekonomiya;
c) maging mapagmatyag at tumulong sa ikabubuti at ikauunlad ng ekonomiya;
d) maging matalino sa paghalal ng mga pinuno sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ng
plataporma de gobyerno ng bawa’t kandidato.
Samaktwid, ang kaalaman sa Ekonomiks ay nakabubuti sa bawa’t isa bilang ‘decision-maker’.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang matutunan mo ang kahalagahan ng ekonomiks
sa iyong pang araw-araw na pamumuhay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 5: Ilista Natin

Sitwasyon: Si Daphne ay isang mag-aaral sa kolehiyo. Ang pang araw-araw niyang baon ay
P200.00. Ang karaniwan niyang gastusin ay ang mga sumusunod:
1. pamasahe
2. pagkain
3. load sa cellphone
4. gastusin sa mga proyekto sa paaralan
Kung ikaw si Daphne, alin sa mga nabanggit na gastusin ang iyong unang bibigyang-halaga at
ang iyong pinakahuling bibigyang-halaga? Isulat sa unang bilang ang pinakamahalagang
gastusin at sa huling bilang naman ang pinakahuling gastusing iyong isasaalang-alang. Ano ang
iyong magiging desisyon at paano mo hahatiin ang buong halaga sa mga nabanggit na gastusin?
Ilagay sa talaan ang iyong sagot.
Gastusin Halaga (Piso)
1
.
2
.
3
.
4
.
Pangkalahatang Gastusin ARALING PANLIPUNAN 9 14
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Pamrosesong Tanong:
1. Anong gastusin ang iyong pinakauna? Bakit iyon ang iyong napili? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Anong gastusin ang iyong pinaka isinaalang-alang? Bakit iyon ang iyong napili? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Anong kaalaman ang iyong nai-apply sa gawaing iyong ginawa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 6: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na kaalaman
sa Ekonomiks.

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang araw-araw na pamumuhay, kasapi ng

pamilya at lipunan?

Initial:

Revised:

Final:

Saklaw ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay may dalawang pangunahing sangay; ito ay ang Maykroekonomiks at

ang Makroekonomiks. Ito ay nagbibigay-kaliwanagan sa malalimang pag-unawa ng ekonomiks
sa pag-aaral ng bawat sangay.
Ang maykroekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na mikros o mikro oikonomia na
ang ibig sabihin ay “maliit na pamamahala.” Ito ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri sa
mga gawain at pagpapasya ng bawat sektor sa lipunan. Ang mga sektor na ito ay ang
sambahayan na sektor o indibidwal at bahay-kalakal. Ipinaliliwanag ng maykroekonomiks ang

ARALING PANLIPUNAN 9 15
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

ugnayan at implikasyon ng bawat sektor sa ekonomiya sa pagpili, pagkonsumo, at produksyon

ng kalakal at serbisyo.
Samantala, ang makroekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na makros o makro
oikonomia na ang ibig sabihin ay “malaking pamamahala.: Ito ay isang sangay ng ekonomiks na
sumusuri sa pangkabuuang ekonomiya. Sinusuri dito ang pangkalahatang produksyon ng kalakal
at serbisyo at kabuuang kita ng buong bansa. Ipinaliliwanag din nito ang epekto ng trabaho,
presyo, produksyon, at suplay ng pera sa buong bansa at sa ibang bahagi ng mundo.

Ang mga Mahalagang Ambag at Kaisipan ng mga Ekonomista

Nabatid na natin ang kahalagahan ng ekonomiks sa lipunan at sa bansa. Sa paksang ito,

atin pang palawakin ang ating kaalaman sa paglingap ng ekonomiks mula sa classical,
neoclassical, at modern economics. Kikilalanin din sa paksang ito ang mga tanyag na pilosopong
pang-ekonomiya at ang kanilang mga natatanging ambag sa paglawak ng kaalaman sa
ekonomiks.

1. Adam Smith (1723-1790)

Ang teorya ng ekonomiks ay nakilala noong 1700s at 1800s. Dito
napansin ang kontribusyon ni Adam Smith. Si Adam Smith ay isang
Scottish classical moral philosopher na nakilala bilang “Ama ng
Klasikong Ekonomiks.”Siniyasat din ni Smith ang relasyon ng
sambahayan at bahay-kalakal sa pamamagitang ng demand at supply.

2. David Ricardo (1772-1823)

Si David Ricardo ay isang classical English political economist na
isang negosyante at matagumpay na stockbroker. Sa kanyang
pananaliksik, naniniwala siyang darating ang panahon na hihina ang
pag-unlad ng ibang kapitalista. Nakilala rin si David sa Law of
Comparative Advantage. Siya rin ang nagbigay-kaalaman sa konsepto
ng Law of Diminishing Returns.

3. John Stuart Mill (1806-1873)

Si John Stuart Mill ay isang English philosopher at classical economist
na naging simbolo ng Utilitarianism o Utilatarianismo. Ang
utilitarianismo ay isang teorya na nagbibigay ng kasiyahan at
kapakinabangan sa karamihan.

ARALING PANLIPUNAN 9 16
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

4. Alfred Marshall (1842-1924)

Isa siya sa mga maiimpluwensiyang tao sa agham ng ekonomiks. Ang
kaniyang mga akda ay mula sa pinagsamang kaalaman ng klasikal at
utilitarianismo na tinawag niyang “Neoclassical Economics.” Ang
kaniyang kauna-unahang edisyon na sumikat sa England ay ang
“Principles of Economic” na nailimbag noong 1890.

5. Karl Heinrich Marx (1777-1838)

Si Karl Marx ay tinawag na “Ama ng Komunismo” ng Neoclassical
school. Isa siyang German political philosopher na matalinong pinag-
aralan ang iba’t ibang uri ng komunismo. Ang kaniyang alituntunin ay
nagmula sa panahon ng industrial revolution. Nakilala si Marx sa
kaniyang mga akdang “Das Kapital” at “Outlines of the Critique of
Political Economy.

6. John Maynard Keynes (1883-1946)

Si john Maynard Keynes ay isang modern English philosopher na mas
kilala sa Keynisian school. Ito ay nagsimula noong nailimbag niya ang
kaniyang “The General Theory of Employment, Interests, and Money”
noong 1936. Siya ang nagbigay ng mga ideyang naging batayan ng mga
makabagong teorya, kaugalian, at pananaw sa makroekonomiks at
patakarang pang-ekonomiya ng pamahalaan.

Gawain 7: Bigyan ng Ambag Yan!

Punuto: Sagutin ang hinihingi sa bawat kahon. Ibigay ang bawat kaisipan at naiambag ng mga
ekonomista sa ekonomiks na nasa kaliwang kahon.

Ekonomista Kaisipan at Ambag sa Ekonomiks

1. Karl Heinrich Marx

2. Afred Marshall

3. David Ricardo

4. Adam Smith

5. John Maynard Keynes

ARALING PANLIPUNAN 9 17
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

6. John Stuart Mill

Gawain 8: Ibalita Mo!

Punuto: Pumili ng isang balita simula ngayong 2020 na nakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas.
Pagkatapos pumili sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit iyang balita ang napili mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang epekto ng balitang napili mo sa ekonomiya ng Pilipinas?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, miyembro ng pamilya at lipunan, ano ang epekto sayo ng
balitang napili mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 9: Doodle It

Panuto: Ang doodle ay isang pagguhit kung saan ang taong gumuguhit ay malayo ang iniisip sa
ginuguhit. Ang mga doodle ay mga simpleng guhit na maaaring magkaroon ng isang
kumakatawang kahulugan o kung anong hugis lang. Paano mo maipapakita sa pamamagitan ng
pagdodoodle ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang araw-araw na pamumuhay.

ARALING PANLIPUNAN 9 18
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 10: 3-2-1 Countdown

Panuto: Ibigay at sagutin ang mga katanungan.

3 bagay na natutunan mo sa pag-aaral ng ekonomiks.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2 kaalaman na natutunan mo sa pag-aaral ng ekonomiks.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
1 aspeto na mai-aapply mo sa pang araw-araw na buhay na natutunan mo sa ekonomiks.
______________________________________________________________________________
 Ngayong natapos muna ang mga gawain, ating alamin ang iyong natutunan sa buong aralin
na ating tinalakay.

Gawain 12: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa Ekonomiks.

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang araw-araw na pamumuhay, kasapi ng

pamilya at lipunan?
Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Ang ekonomiks ay may mahalagang papel sa buhay ng tao. Pinag-aaralan
nito ang kilos, gawi, at kaugalian ng isang tao kaugnay sa kanyang
pakikipagsapalaran sa kapaligiran at lipunang kanyang ginagalawan. Sinasaklaw
nito ang pag-aaral kung ano ang pinakamagandang pamamaraan upang maibahagi
ang limitadong likas-yaman upang matugunan ang walang hanggang
ARALING PANLIPUNAN 9 19
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANIMULA

Ang kakulangan sa pinagkukunang-yaman ay ang pangunahing problema ng sinuman.

Dahil dito, mahalaga na malaman ng bawat tao kung alin sa mga bagay ang dapat unahing
tugunan at kung ito ay isang pangangailangan o kagustuhan lamang.
Ang suliranin ng lipunan ay nag-uugat sa walang hanggang naisin ng tao sa harap ng
kakapusan ng pinagkukunang-yaman. Kung ang mga bagay na nagdudulot ng kakapusan ay
hindi mabibigyan ng pansin, maraming mga katanungan ang maaring harapin ng pamahalaan at
anumang sektor ng lipunan. Mahalagang alamin at isaalang-alang ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng bawat sektor upang ang mga katanungan ay maging gabay sa tamang Sistema at
mahusay na lokasyon ng pinagkukunang-yaman.

ARALIN II
ALOKASYON

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol
sa kahulugan ng alokasyon, at iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na
makatutulong sa iyong pagpapasya sa hinaharap na suliranin.

Gawain 1: 4 Pics One Word

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at bumuo ng isang salita na mag-uugnay sa apat na
larawan.

A O K Y A L
ARALING PANLIPUNAN 9 20
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

M A O S N L

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nabuo mong salita sa apat na larawan?
______________________________________________________________________________
2. Alin sa mga larawan ang sa tingin mo nagturo sa iyong tamang sagot?
______________________________________________________________________________

Gawain 2: Ilista Natin

Panuto: Alamin kung magkano ang kita ng iyong sambahayan sa isang buwan, gayundin ang
mga gastusin. Ilagay sa talahanayan kung ano-ano ang mga gastusin sa isang buwan. Ilagay kung
magkano ang inilalaang pera sa mga sinulat na gastusin.

Mga Gastusin Halaga (Piso)

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10
.
Kabuuang Halaga

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinapakita nang talahanayan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, paano napagkakasya ni nanay ang perang kinita kung nakalaan para sa
pang araw-araw na gastusin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bilang isang miyembro ng tahanan, ano ang iyong natutulong upang mabawasan ang mga
gastusin sa inyong sambahayan? Ipaliwanag.

ARALING PANLIPUNAN 9 21
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa alokasyon at iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya.

Kahalagahan ng alokasyon at suriin ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Initial:

Revised:

Final:

Matapos mong masagutan ang iyong paunang kaalaman tungkol sa kahalagan ng

pagbabadyet sa pang araw-araw na pamumuhay, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na
bahagi ng aralin upang iyong higit na malaman ang kahulugan ng alokasyon at iba’t ibang
sistemang pang-ekonomiya na makatutulong sayo sa tamang paglalaan ng mga gastusin.

TALAKAYIN

Kahulugan ng Alokasyon

Ang alokasyon ay isang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yamang pang-

ekonomiya.
Ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman ay karapat-dapat na pahalagahan ng mga
namumuno sa isang bansa upang matiyak ang pagkamit sa mga pangangailangan ng bawat
mamamayan.
Ang mabisang alokasyon ng pinagkukunang-yaman ay nagaganap kung ang paggamit ay
magbubunga ng kasiyahan. Napakahalaga na ang nakatakdang pinagkukunang-yaman ay
makapagbibigay kasiyahan at benepisyong maaaring makamit ng nakararami. Ito ay mangyayari
ARALING PANLIPUNAN 9 22
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

kung ang alokasyon ng pinagkukunang-yaman ay gagawin sa tamang paraan na hindi

makasasama sa bawat mamamayan at pakikinabangan ng bawat isa.
Ang pinagkukunang-yaman ay karapat-dapat na maipamahagi sa lipunan at dapat na
matiyak na nararamdaman ang mga benepisyong ito ng bawat mamamayan. Ang bawat sektor ay
dapat mag-desisyon kung anong kombinasyon o pagtatambal ng pinagkukunang-yaman ang
pipiliin upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan.
Upang maabot ang pinakamabisang paraan ng alokasyon, nararapat na bigyang pansin
ang iba pang pakinabang pakinabang sa paggamit ng pinagkukunang-yaman. Isang halimbawa
ay ang paggamit ng kahoy. Ang kahoy ay maaaring gamitin para sa pagpapagawa ng mesa at
upuan. Ito rin ay pwedeng ilaan sa paggamit bilang panggatong, bakod, material sa paggawa ng
bahay, at iba pang bagay na maaring gamitan nito.
Isa pang halimbawa ng paraan ng alokasyon sa alternatibong paraan ay ang paggamit ng
pera. Ito ay maaring magamit sa pagpapagawa ng bahay, o pagbili ng sasakyan, at pautang sa
merkado.
Sa paglalaan ng pinagkukunang-yaman, importanteng pag-aralan kung saan gagamitin at
sa paanong paraan makapagbibigay ng mas maraming benepisyo sa nakararaming mamamayan.

Gawain 4: Hanapan ng Ibang Gamit!

Panuto: Ibigay ang iba pang mga paggagamitan ng mga bagay na nasa kanang bahagi ng kahon
at sa kaliwa naman ay ang mga alternatibong paraan nito.
Halimbawa: Walis Tingting – Pang walis ng kalat - Pang agiw

Bagay Tunay na Gamit Ibang Gamit

1. Mesa
2. Gulong
3. Bag
4. Basket
5. Plastik Galon

Pamprosesong Tanong:
1. Ibigay ang kahulugan ng alokasyon sa iyong sariling paliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang iyong natutunan sa gawain 4? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 9 23
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

3. Sa iyong saliring paliwanag, ibigay ang kahalagahan ng iyong natutunan sa Alokasyon,

na maipapakita mo sa pang araw-araw na pamumuhay.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mahalagang Katanungang Pang-ekonomiya

Ang kakapusan sa ating pinagkukunang-yaman ang problema ng ekonomiya. Ito ay ang

walang-hanggan na kagustuhan at pangangailangan ng tao. Dapat nating unawain at suriin ang
mga kadahilanan nito upang matulungan tayo nitong magdesisyon kung paano natin mabibigyan
ng solusyon ang bawat kakulangan na ito. Maaaring matugunan ang mga pangangailangan kung
ating bibigyan-pansin at mapagdedesisyunan ang mga sumusunod na katanungan.

Kakapusan
?
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Gaano karami ang gagawin?
Para kanino gagawin?

Ang apat na katanungang ito ay tumutugon sa dalawang bahagi: ang produksyon at ang
pamamahagi ng produkto at serbisyo. Sa mga katanungan na ito ay mahalagang maging
mapagmasid tayo sa ating kapaligiran. Dapat tayong magkaroon ng kamalayan sa mga
nangyayari sa bawat sektor ng industriya at bansa. Dapat din nating maipamalas sa kaisipan ng
kahit sinong kasapi ng ating lipunan na may epekto sa ekonomiya ang bawat kilos at desisyon ng
kahit sinong indibidwal.
Nasasaklaw din ng apat na katanungang pang-ekonomiya ang pagpapasya kung paano
mapagkakasya ang pinagkukunang-yaman sa bawat sektor ng ekonomiya. Ang bawat nasabing
katanungan ay maaring matugunan nang maayos kung mabisa ang paraan ng alokasyon.

Gawain 5: Tanong Ko, Sagot Mo!

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan, ilagay ang iyong sarili sa bawat tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Dapat bang magtanim at gumawa ng maraming bigas ang Pilipinas?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 9 24
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

2. Anong mga bagong makinarya o teknolohiya ang dapat gamitin sa pagprodyus ng bigas?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Ang isang bans aba ay dapat gumawa ng mas maraming tubo kasya gulay o mas
maraming gulay kaysa tubo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Lahat ba ng mga produkto at serbisyo ay dapat ibigay sa lahat ng mamamayang Pilipino
o sa mga may kakayahan lamang?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 6: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na kaalaman
sa alokasyon at iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya.

Kahalagahan ng alokasyon at suriin ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Initial:

Revised:

Final:

Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Ang paglalaan sa kakulangan sa pinagkukunang-yaman ay nagpapasya ng uri ng

sistemang pang-ekonomiya. Ito ay tumutukoy sa istruktura, institusyon, at mekanismo na
maaring batayan ng lipunan upang sagutin ang apat na katanungang nakasaad sa suliraning pang-
ekonomiya.

Sistemang Paraan ng Paglutas sa mga Suliraning Estado (Katayuan) ng Tao sa

Pang- Pang-alokasyon at Pang-ekonomiya Lipunan
ekonomiya
ARALING PANLIPUNAN 9 25
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Tradisyunal Ang kapasyahan sa apat na Ang pangangailangan ay umaasa

napakahalagang katanungan ay idinidikta sa kung ano ang ibibigay ng
ng kaugalian, tradisyon, kultura, at kalikasan mula sa kanilang
paniniwala. Maaaring ang basehan ng kaugalian. Ang disbentaha nito ay
pagpapasya ng tao rito ay ang kanilang mabagal ang pag-usad ng
kinalakihan na gawain, nababatay na ekonomiya dahil sa lumang
dami, o kayamanan na matatagpuan sa kaugalian. Mabagal ang pag-usad
kanilang lugar o bansa. nito sa makabagong paggamit ng
teknolohiya at pag-aangkop sa
makabagong Sistema.
Karaniwang halimbawa nito ay
ang mga katutubo. Karaniwan ang
mga produkto at serbisyo na
ginagawa ng mga ito ay para sa
kanilang pamilya.
Command Ang pamahalaan o ang pinakamataas na Dahil ang pamahalaan o ang
posisyon sa estado ay may sentralisadong pinakamataas sa posisyon ang
paraan ng pagpaplano sa apat na gumagawa ng plano, karamihan
napakahalagang katanungan. Ang ng plano ay pabor sa mga
tagaplano sa sistemang ito ang namumuno kaysa sa lipunan. Ang
nagpapasya ng alokasyon ng mga tao rin ay walang kalayaang
pinagkukunang-yaman para makalikha ng pumili kung ano ang kanilang
iba’t ibang produkto at serbisyo. Ang kagustuhan.
pamahalaan din ang nagpapasya ng
presyo, kita, at sweldo. Ang benepisyo sa
command economy ay nakalaan para
matugunan ang mga pangangailangan ng
tao.
Free Market Sa sistemang ito, ang pamahalaan ay Ang bawat sambahayan at bahay-
o laissez- hindi masyadong nanghihimasok sa kalakal ay malayang nakagagawa
faire pagdedesisyon sa dami o konti ng bilihin. at nakapipili ng produkto at
May kalayaan ang bahay-kalakal kung serbisyo ayon sa dami ng kanilang
ano ang lilikhain na produkto at serbisyo. kayamanan. Ang may mas
Gayundin ang sambahayan ay may malaking kayamanan ang
Kalayaan sa pagpapasya sa kanilang nakabibili ng mas maraming
bibilhin. produkto at serbisyo kumpara sa
may kakaunting yaman.
Mixed May mga bans ana maaaring nasa gitna Ang mamamayan ay may
ng trdisyunal, command, at free market. malayang pagpili sa kanilang
Ito ay mga kombinasyon ng pamamaraan pangangailangan at kagustuhan.
sa paglalaan ng mga pinagkukunang- Ang tao ay may karapatang
yaman. Ang pamahalaan at ang mga magkaroon ng ari-arian. Sila rin
mamamayan ay maaaring magpasya sa ay may kalayaang makilahok sa
kanilang mga naisa gawin. Ngunit may gawaing pangkalakal na
mga bansa na maaaring nasa free market sumasang-ayon sa batas. May

ARALING PANLIPUNAN 9 26
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

at may mga batas ang pamahalaan na mga mamamayan ding maaaring

may mandato para sundin ng malimitahan ang pagpapasya at
mamamayan katulad sa pagtaas ng bayad paggamit ng pinagkukunang-
para sa mga benepisyo, pagkakaroon ng yaman dahil sa mga batas,
insurance, at pagtaas ng buwis. May kondisyon, at sitwasyon na
pagkakataon na pinapatnubayan ng maaaring ipataw ng ibang sektor
pamahalaan ang ibang gawaing kalakal ng bahay-kalakal at pamahalaan.
na mamumuhunan sa napiling
kapamuhayan. Ang pamahalaan din ay
may tungkuling magpanatili ng katatagan
ng presyo ng mga bilihin.

Ang laissez-faire ay nagmula sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay hayaang gawin
ang kanilang napili. Ito ay doktrina na imoluwensiya ng isang klasikong ekonomista na si Adam
Smith. Ang sistemang ito ay naisagawa noong 1750s na yumabong sa bansang Great Britain.
Ipinaliwanag ni Smith na ang gobyerno ay hindi dapat nakikialam sa mga pribadong sektor. Ilan
sa mga halimbawa nito ay ang pagmandato sa pagsasagawa ng mga regulasyon, pagtatakda ng
buwis, at iba pang patakaran na humahadlang sa pag-unlad ng mga sektor.

Gawain 7: Word Hunt

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ilalin ng word hunt. Hanapin ang sagot sa word hunt.
Ang salita ay maaaring pababa, pahalang, pataas, o palihis. Guhitan ang tamang sagot sa bawat
hanay ng word hunt. Isulat ang nakitang sagot sa patlang bago ang pangungusap.
Tandaan: Hindi counted ang sagot kung walang guhit ang word hunt.
L O L A N U Y S I D A R T K A
A A M K A S I Y A H A N A A P
B I I U I O X E D X G S A R R
E N A S U P A K A K I O C L E
I A M A S U D E Q Y F N O M S
M U O S I E X A A H L A M A I
U M R S X A Z M X E D I M R D
N E E I U W Z F Z J A C A X E
O L M Y A L O K A S Y O N A N
P K Y O Y S A R G I M G D S T
A G D A V I D O M R R E T E E
B H E T T E K R A M E E R F A
N N I W A G A G G N A O N A N
A D A M S M I T H E A P A B I
M A N I A T I R B T A E R G M

ARALING PANLIPUNAN 9 27
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

____________1. Nagmula sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay hayaang gawin ang
kanilang napili.
____________2. Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagpapasya ng tao ay base sa
kanilang kilalakihan na gawain o kayamanan na matatagpuan sa kanilang lugar o bansa.
____________3. Dito, ang pagpapasya ay nagmumula sa may pinakamataas na tungkulin.
____________4. Isang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yamang pang-
ekonomiya.
____________5. Siya ang klasikong ekonomista na naniniwala sa Kalayaan ng sektor ng
sambahayan at bahay-kalakal mula sa mahigpit na panghihimasok ng pamahalaan.
____________6. Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na binibigyan ng kapangyarihan ang
bahay-kalakal at sambahayan na mamili at magpasya sa produkto at serbisyo na gagawin at
gagamitin.
____________7. Sa anong bansa yumabong ang laissez faire?
____________8. Ano ang unang mahalagang katanungang pang-ekonomiya?
____________9. Anong posisyon ang pinakamataas sa Pilipinas?
____________10. Ito ang suliraning hinaharap ng bawat sektor sa ekonomiya.

Gawain 7: Compare and Contrast

Panuto: Ibigay ang pagkakamukha ng bawat sistemang pang-ekonomiya at ang pagkakaiba nito.
Contrast

Compare

Tradisyunal
Command
Free Market
Mixed

Gawain 8: Tanong Ko, Sagot Mo

Panuto: Ipaliwanag ang kasagutan sa bawat tanong sa loob ng tatlo o hanggang limang
pangungusap.
1. Sa iyong palagay, anong sistemang pang-ekonomiya ang mainam sa ating bansa?

ARALING PANLIPUNAN 9 28
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Naniniwala ka bang malulutas ng isang Sistema ang suliranin sa ekonomiya? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Magbigay ng halimbawa ng mga bansang nakabatay sa apat na sistemang pang-
ekonomiya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 9: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa alokasyon at iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Kahalagahan ng alokasyon at suriin ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang mekanismo, kaayusan ng mga
institusyon sa isang lipunan na siyang nag-uudyok sa mga mamamayan ukol sa
mga gawaing pamproduksiyon at pamamahagi ng mga bunga ng gawaing pang-
ekonomiya. May apat na sistemang pang-ekonomiya: tradisyunal, command,
free market, at mixed. Sa pamamagitan ng sistemang pang-ekonomiya,
inaasahan na ang suliranin sa alokasyon na kinakatawan ng mga tanong na “Ano
ang gagawin? Paano gagawin? Gaano karami ang gagawin? At Para kanino
gagawin?” ARALING PANLIPUNAN 9 29
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANIMULA

Ang isang ekonomiya ay pina-sisigla ng mga kompanya o bahay-kalakal na handang

lumikha ng mga produkto at serbiyong magbibigay kasiyahan sa tao.
Hangarin ng mga kompanya ang magkaroon ng pinakamataas na kita sa pinakamababang
gastos. Upang maisakatuparan ito, iba’t ibang paraan ang kailangang gawin sa pagbuo ng kalakal
sa pinakamababang gastos.

ARALIN III
Produksyon

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol
sa kahulugan at mga salik ng produksyon na makatutulong sa iyong
pang araw-araw na pamumuhay.

Gawain 1: Input-Output

Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Ibigay ang input ng produkto at output nito.
INPUT OUTPUT

ARALING PANLIPUNAN 9 30
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 2: 4 Pics Three Word

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at bumuo ng isang TATLONG salita na mag-uugnay sa
apat na larawan.

S N G K U R Y I A E

D N S A O L K P T O

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nabuo mong salita sa apat na larawan?
______________________________________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 9 31
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

2. Alin sa mga larawan ang sa tingin mo nagturo sa iyong tamang sagot? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang pinapahiwatig ng mga larawan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa alokasyon at iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Kahulugan ng produksyon at salik ng produksyon na nakakatulong sa iyong pang araw-araw

na pamumuhay

Initial:

Revised:

Final:

TALAKAYIN

Kahulugan ng Produkyon

Ang produksyon ay ang pagsasama-sama ng mga salik ng produksyon upang makabuo ng

produkto o serbisyo na maiaalok sa merkado. Ito ay ang pagbuo ng mga input para makagawa ng
output upang makabuo ng mga produkto at serbisyo na mapakikinabangan ng mamimili.
Ang input ay ang pagsasama-sama ng mga hilaw na materyales upang makabuo ng
produkto. Ang output naman ay ang mga nagawang produktong maaari nang bilhin ng mga
mamimili sa merkado. Upang magkaroon ng isang input at output, mahalagang malaman ang
mga salik ng produksyon na gagamitin upang makabuo ng mahusay ba produkto at serbisyo.

Gawain 5: Tanong Ko, Sagot Mo!

ARALING PANLIPUNAN 9 32
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan, ilagay ang iyong sarili sa bawat tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ipaliwanag sa pansariling kaalaman kung ano ang kahulugan ng produksyon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang malaman mo kung ano-ano ang mga input at output ng isang
produkto? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 6: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na kaalaman
sa alokasyon at iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Kahulugan ng produksyon at salik ng produksyon na nakakatulong sa iyong pang araw-araw

na pamumuhay

Initial:

Revised:

Final:

Salik ng Produksyon

Ang katagang salik ng produksyon ay tumutukoy sa mga pinagkukunang-yaman na

ginagamit upang makapaglikha ng produkto at serbisyo. Ang mga salik ng produksyon ay
binubuo ng lupa, kapital, manggagawa, at entrepreneurship.
1. Lupa
Napag-aralan natin sa kakapusan na ang mga yamang likas ay binubuo ng yamang likas
ay binubuo ng yamang lupa, yamang tubig, yamang enerhiya, at yamang mineral. Ito ay ang mga
yaman na nakukuha natin sa ating kalikasan na mahalaga bilang mga hilaw na materyales upang
makabuo ng isang bagong produkto. Ang salik na lupa ay maaaring gamitin sa mga
imprastruktura katulad ng gusali, mga daan, at tulay. Ang ibang yaman naman ay maaaring

ARALING PANLIPUNAN 9 33
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

makabuo ng kuryente, taniman, pastulan, at iba’t ibang pang produkto na nagmumula sa

kalikasan.
2. Kapital
Ito ang mga kagamitan na likha ng tao upang makatulong sa operasyon ng negosyo
katulad ng makina, kompyuter, at teknolohiya na Malaki ang ambag sa produksyon ng produkto
at serbisyo. Sa tulong ng kapital, mas napabibilis ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
Ang kapital ay may dalawang uri na maaaring magamit ng tao para sa pagdami at
pagbilis ng paggawa ng produkto at serbisyo. Ang una ay tinatawag na physical capital. Ito ay
mga tumatagal na gamit katulad ng makinarya, kompyuter, sasakyan, at iba pang kagamitan.
Ang isa pang uri ng kapital ay tinatawag na human capital. Ito ay ang mga kaalaman at
kakayahan ng tao na nakukuha at lumalago sa pamamagitan ng edukasyon at pagsasanay. Ito ay
tumatagal hanggang sa kakayahan ng tao habang nagtatrabaho. Ang salapi ay kasama sa kapital
dahil ginagamit ito sa paggawa ng mga produkto at serbisyo.
3. Manggagawa
Ito ay ang mga tao na nagsasagawa ng mga proseso para sa produksyon ng produkto at
serbisyo. Ang blue at white collar na manggagawa ay malaki ang tulong sa pagproseso ng mga
produksyon. Ang lakas ng pangangatawan, mental na kakayahan, at karunungan sa paggawa ay
nagbibigay ng maraming produksyon sa anumang pinagkukunan ng likas na yaman.
4. Entrepreneurship
Ang entrepreneurship ay isa sa mga salik ng produksyon na lumilikha at nagpapasya ng
mga produkto o serbisyo upang ialok ang mga ito sa merkado. Ito ay tinatawag na “Ulo ng
Negosyo” dahil ang mga entrepreneur ang may kaalaman sa operasyon at proseso ng negosyo.
Sila ang humaharap sa anumang panganib o walang-katiyakang resulta na makaaapekto sa
negosyo. Sa pamamagitan ng entrepreneurship, maraming produkto at serbisyo ang nalilikha at
nagagamit dahil sa kakayahan, kaalaman, at katalinuhan ng mga entrepreneur sa paggamit ng
mga pinag-kukunang-yaman para sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Kahalagahan ng mga Salik ng Produksyon

Ang apat na salik ng produksyon ay mahalaga sa pagproseso ng produkto. Ito ay

nagbibigay ng magandang daloy sa ekonomiya lalo na kung ang mga ito ay magagamit sa
matalinong paraan. Sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo, napauunlad ang ekonomiya kung
tuloy-tuloy ang magandang daloy ng produkto at serbisyo sa merkado o pamilihan.
Mayroong dalawang pangunahing pamilihan ang ekonomiya para sa patuloy na pagdaloy
ng produksyon. Ang mga ito ay ang resource market (input) at ang product market (output) na
kung saan nagtatagpo ang mga bumibili at nagbebenta para sa kanilang pangangailangan. Ang
resource market ay ang pamilihan kung saan makakukuha ng mga salik ng produksyon na
nagmumula sa sambahayan para bilhin ng bahay-kalakal. Ang product market naman ay ang
ARALING PANLIPUNAN 9 34
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

pamilihan kung saan makukuha ang mga produkto at serbisyo mula sa produksyon ng bahay-
kalakal para sa pangangailangan ng sambahayan.

Gawain 7: Train Map

Panuto: Ibigay ang mga salik ng produksyon para mabuo ang mga produkto. Ilagay ang mga
kasagutan sa kahon na nasa tren.
Halimbawa: (Lupa, Kapital, Manggagawa, at Entrepreneur)
Bahay
Lupang tatayuang ng Truk para sa bato at Engineer, Mason at mga Engineer at Ako
bahay at mga pera pangbili ng mga Construction Worker
materyales na kahoy materyales

1. Sala Set Entrepreneurship

Lupa Kapital Manggagawa

2. Rason Farm and Resort Entrepreneurship

Lupa Kapital Manggagawa

3. Saint Andrew Christian Academy Peñaranda, Inc. Entrepreneurship

Lupa Kapital Manggagawa

ARALING PANLIPUNAN 9 35
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong natutuhan sa gawain? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bilang mag-aaral ano ang kahalagahan ng produksyon at mga salik nito sa pang araw-
araw mong pamumuhay?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 8: Web Map

Panuto: Iyong talakayin ang apat na salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang araw-
araw mong pamumuhay. Ilagay sa kahon ang iyong sagot na nasa gilid ng bawat web.

ARALING PANLIPUNAN 9 36
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 9: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa alokasyon at iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya.

Kahulugan ng produksyon at salik ng produksyon na nakakatulong sa iyong pang araw-araw

na pamumuhay
Salik ng Produksyon
Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Ang proseso ng produksyon ay ang pagsasama-sama ng lupa, kapital,
manggagawa, at entrepreneurship upang lumikha ng mga produkto at serbisyo na
magagamit sa pagkonsumo.
Apat ang mahahalagang salik sa produksyon na siyang kinakailangan
upang mabuo ang proseso nito. Ang lupa ang itinuturing na di-nagbabagong salik.
ARALING PANLIPUNAN 9 37
Ang likas na yamang-lupa ay nagagamit kung may mga kamay na lilinang ditto at
ito ay lubos na pauunlarin ng paggawa.
Nakasuporta ang kapital sa pagpaparami ng mga kalakal. Upang mapaikot
ang tatlong salik, ang malikhaing entreprenyur ang kinakailangang magpaikot ng
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANIMULA

Madalas bumibili tayo ng mga produkto at serbisyo mula sa tindahan, mall, palengke at
iba pang lugar kung saan natin makukuha ang ating mga pangangailangan at kagustuhan. Ang
bawat indibidwal, bahay-kalakal, at iba’t ibang sektor ng ekonomiya ay kumokonsumo ng mga
produkto at serbisyo saan mang pamilihan.

ARALIN IV
Ang Pagkonsumo

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay susuri sa iyong kaalaman tungkol sa
kahulugan at mga salik ng pagkonsumo na makatutulong sa iyong pang
araw-araw na pamumuhay.

Gawain 1: Picture Analysis

Panuto: Suriin ang larawan at bigyan ng sariling interpretasyon.

ARALING PANLIPUNAN 9 38
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinapakita ng larawan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Naranasan mu naba ang ganyang sitwasyon? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 2: Ibadyet Natin

Panuto: Basahing mabuti at sagutan ang mga katanungan.

Si Julia ay isang mag-aaral sa Kapatagan National High School. Namamasaheros

lang si Julia tuwing papasok at uuwi. Ang kanyang allowance ay ibinibigay na ng
kanyang nanay sa unang araw ng buwan. Nagkakahalaga ang kanyang allowance na
P1,500.00.
Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Julia, paano mo babadyetin ang P1,500.00 sa loob ng dalawampung araw?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Naranasan mu nabang magbadyet ng iyong isang buwang allowance? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Gaano kahalaga na marunong kang magbadyet para sa mga produktong iyong

kinokonsumo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

ARALING PANLIPUNAN 9 39
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa pagkonsumo, uri ng pagkonsumo at ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

Kahulugan at uri ng pagkonsumo at mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

Initial:

Revised:

Final:

Matapos mong masagutan ang iyong paunang kaalaman tungkol sa kahalagan ng

pagbabadyet sa pang araw-araw na pamumuhay, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na
bahagi ng aralin upang iyong higit na malaman ang kahulugan at uri ng pagkonsumo at ang mga
salik nito.

TALAKAYIN

Kahulugan ng Pagkonsumo

Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto o serbisyo. Ang

sambahayan ang bumibili ng mga produkto at serbisyo para sa kanilang sariling paggamit o para
sa ibang paggamit bukod sa kaniyang pansariling kagustuhan.
Ang pagkonsumo ng tao ay maaaring nasa alin man sa nakasaad na uri ng produkto. Ito
ay maaaring sa pagkonsumo ng pangmadalian na pangangailangan katulad ng pagkain, kasuotan,
bag, at cell phone. Ang mga ito ay tinatawag na nondurable goods. Maaari din naman na ang
pagkonsumo ay pangmatagalan. Halimbawa ng pangmatagalang pagkonsumo ay ang pagbili ng
durable goods tulad ng kotse, bahay, at insurance. Mahalagang malaman ng mga
gumagawakung para kanino, gaano karami, at paano gagawin ang mga pangangailangan ng mga
tao para sa pagkonsumo.

Mga Uri ng Pagkonsumo

1. Tuwiran o Direkta
Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag sa ating pagbili at paggamit ng produkto at
serbisyo ay agarang natatamo natin ang kasiyahan at kapakinabangan. Halimbawa, kapag

ARALING PANLIPUNAN 9 40
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

kumain ka ng tinapay upang iyong tugunan ang iyong pagkagutom at matapos ito, napawi ang
iyong pagkagutom. Ang pagkapawi ng ating gutom ay isang uri ng pagtugon sa ating
pangangailangan na nakapagdudulot ng kasiyahan sa atin.
2. Produktibo
Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag bumili tayo ng produkto upang gamitin sa
paglikha ng iba pang produkto o serbisyo. Halimbawa, ang pagbili mo ng karayom upang
gamitin pananahi ng damit na iyong isusuot.
3. Maaksaya
Ang uri ng pagkonsumo na ang pagbili at paggamit ng produkto ay hindi tumutugon sa
pangangailangan ng mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya. Maaaring ang
ginawang pagbili ay bunga ng mga salik na nakaiimpluwensya sa ating pagkonsumo. Halimbawa
ng ganitong uri ng pagkonsumo ay ang pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan.
4. Mapanganib
Ang uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaring magdulot ng sakit at suliranin sa tao.
Ang pagbili at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamut ay isang halimbawa nito dahil kahit
nagdudulot ito ng kasiyahan sa gumagamit nito, ay nagsisilbing banta rin sa kalusugan ng tao.
Gawain 4: Venn Diagram

Panuto: Ibigay ang pagkakaiba at pagkakamukha ng durable goods at nondurable goods.

Pagkakaiba
Pagkakaiba
(Nondurable
(Durable
Goods)
Goods)

Pagkakamukha ng
Durable at Nondurable
Goods

Gawain 5: Ilista Mo

Panuto: Maglista ng tig-limang halimbawa ng produkto na iyong tuwiran o direkta, produktibo,

maaksaya, at mapanganib. Ilagay sa bawat kahot ang iyong sagot.

ARALING PANLIPUNAN 9 41
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Tuwiran o Direkta Produktibo Maaksaya Mapanganib

Gawain 6: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na kaalaman
sa pagkonsumo, uri ng pagkonsumo at ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

Kahulugan at uri ng pagkonsumo at mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

Initial:

Revised:

Final:

Mga Salik na Nakaiimpluwensya sa Pagkonsumo

1. Kita. Ito ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng ginawang produkto at

serbisyo. Ang pagkonsumo ng tao ay naaayon sa kit ana kanyang tinatanggap. Malaki ang epekto
ng kita sa ating pagkonsumo. Ayon sa pagsusuri ng ekonomistang si Ernst Engel, malaking
porsyento ng kita ng tao ang ginugugol sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan

ARALING PANLIPUNAN 9 42
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

tulad ng pagkain kapag maliit ang kita. Ngunit kapag lumaki ang kita lumiliit ang porsyento ng
kit ana ginugugol para sa pagkain, sapagkat napagtutuunan ng pansin ang pagkonsumo sa ibang
produkto na bahagi ng mga hilig ng tao – ito ang tinatawah na Engel’s Law.
2. Okasyon. Madalas na ang mga tao ay nagbibigay ng regalo o kaya ay naghahanda tuwing may
mga okasyon na magaganap tulad ng kaarawan, araw ng pagtatapos, Pasko, Bagong Taon, Araw
ng mga Puso, at iba pa. Mabili ang mga bulaklak, kard at tsokolate tuwing Araw ng mga Puso;
kandila at bulaklak kapag Araw ng mga Patay; mga damit, sapatos iba pa kapag Pasko, at iba pa.
3. Pag-aanunsyo (Demonstration Effect). Ang pag-aanunsyo ang pamamaraan upang hikayatin
ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto. Madaling maimpluwensyahan ang tao ng
mga anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at social media. Ginagaya
nila ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanuod kaya naman tumataas ang pagkonsumo. May
iba’t ibang paraan upang isagawa ito:
a. Bandwagon – nagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa produkto. Halimbawa
nito ang linya mula sa isang sikat na anunsyo sa telebisyon: “9 out of 10 Filipino use (tatak ng
isang sikat na sabon).”
b. Testimonial – pag-eendorso ng mga kilalang tao ng mga produkto.
c. Paraang Brand – pagpapakilala ng mga katangian ng produkto.
Ang pangunahing motibo sap ag-aanunsyo ay ang paghihikayat ng mga konsyumer
upang bumili ng produktong inaanunsyo upang tumaas ang kita ng prodyuser ng inaanunsyong
produkto.
4. Presyo. Ang presyo ng produkto ang salik na naglilimita at makadaragdag sa pagkonsumo ng
mga produkto at serbisyo. Ang pag-alam sa presyo o halaga na katumbas ng produkto at serbisyo
ay mahalaga upang mabatid kung kaya ng isang tao na bilhin ang isang produkto. Kadalasan,
mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami
silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.
5. Pagpapahala ng Tao. Ang ugali ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pagkonsumo. Ang
tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng mga bagay bagi ito bilhin,
mas prayoridad ang pagkonsumo sa mga pangunahing pangangailangan.
6. Panahon. Ang pagkonsumo ay naiimpluwensyahan ng panahon dahil nag-iiba ang
kinokonsumong produkto kapag nagbabago ang panahon. Kung tag-init, mas gusto nating
kumain ng ice cream at halo-halo at magsuot ng mga maniinipis na damit. Kung tag-lamig/tag-
ulan naman, mas gusto nating kumain ng lugaw o mami at magsuot ng mas makapal na damit.
7. Pagkakautang. Ang pagkonsumo ay naaapektuhan din kapag maraming utang na dapat
bayaran ang isang tao. Maaaring maglaan siya ng bahagi ng kanyang salapi upang ipambayad at
magdudulot ito ng pagbaba sa kanyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kanyang kakayahan na
makabili ng produkto o serbisyo.

ARALING PANLIPUNAN 9 43
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

8. Mga Inaasahan. Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa

pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kapag inaasahan ang pagdating ng isang kalamidad
tumataas ang pagkonsumo ng mga produkto na kakailanganin sa panahon ng kalamidad.

Gawain 7: New Analysis

Panuto: Basahing mabuti ang artikulo na nasa ibaba at sagutan ang pamprosesong tanong.
Mga nagbebenta ng mahal na face mask kakasuhan
ABS-CBN News

Kakasuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 7 tindahan sa Maynila dahil sa
umano ay pagbebenta ng face mask nang sobrang mahal. Bukod sa mga kasong haharapin gaya ng
profiteering at pagmanipula ng presyo, irerekomenda rin ng ahensiya sa Manila City Hall na ipasara
ang mga tindahan dahil sa pananamantala, ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo.
Ipinaliwanag ng DTI na ayon sa batas, dapat 10 porsiyento lang ang kita ng mga nagtitinda ng
mask kaya kung P65, halimbawa, ang presyo ng supplier, dapat nasa P72 lang ang bentahan. Pero may
mga konsumer na binentahan umano ng face mask sa halagang P150 sa may Bambang sa Maynila.
Iminungkahi na rin ng DTI sa Department of Health na patawan ng suggested retail price ang
face mask para mabantayan ang presyo. Tumaas ang demand para sa face mask, partikular sa N95
mask, bunsod ng pagbuga ng volcanic ash ng bulkang Taal.
Pero nilinaw na ng mga scientist na hindi kailangan ng mga taga-Metro Manila na mag-N95
mask dahil ligtas ang hangin, maliban lang kung sensitibo ang indibiduwal. Sa halip, prayoridad
umanong mabigyan ng N95 mask ang mga nananatili sa mga lugar malapit sa nag-aalborotong bulkan.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mensahe ang nasasaad sa artikulo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Anong paraan ang ginawa ng DTI base sa artikulo?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang nagtitinda, mamahalan mu din ba ang mask na isa sa mga produktong
kinukunsumo ng tao sa panahon ng suliranin? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 8: Picture Analysis

ARALING PANLIPUNAN 9 44
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at ibigay kung anong salik ng pagkonsumo ito.

1._____________________ 2._____________________ 3._____________________

8._____________________
7._____________________

4._____________________ 5._____________________ 6._____________________

ARALING PANLIPUNAN 9 45
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 9: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa pagkonsumo, uri ng pagkonsumo at ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

Kahulugan at uri ng pagkonsumo at mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Ang pagkonsumo ay isang malaking parte ng buhay ng mamimili
sapagkat ito ang kongkretong pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan. Ang
bawat mamimili ay may kanya-kanyang dahilan sa pagpili kung aling produkto o
serbisyo ang kanyang tatangkilikin. Ang mga salik na maaaring
makaimpluwensya sa mamimili ay ang kita, okasyon, pag-aanunsyo, presyo,
panahon, pagpapahalaga ng tao, pagkakautang, at mga inaasahan na sitwasyon.

PANIMULA

Madalas bumibili tayo ng mga produkto at serbisyo mula sa tindahan, mall, palengke at
iba pang lugar kung saan natin makukuha ang ating mga pangangailangan at kagustuhan. Ang
bawat indibidwal, bahay-kalakal, at iba’t ibang sektor ng ekonomiya ay kumokonsumo ng mga
produkto at serbisyo saan mang pamilihan.
Mahalaga na malaman ng mga mamimili ang tungkulin at karapatan nila sa mga nabiling
produkto at serbisyo at paano ang pagpili sa ikasasaya at ikabubuti ng bawat mamimili.

ARALIN IV
ARALING PANLIPUNAN 9 46
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

MGA TUNGKULIN AT KARAPATAN NG MAMIMILI

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa iyong kaalaman bilang
isang mamimili at maipagtatanggol ang iyong mga karapatan bilang
isang mamimili.

Gawain 1: Ilista Natin

Panuto: Punan ang talahanayan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang konsyumer.

Konsyumer
Tungkulin ng Mamimili Karapatan ng Mamimili

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay, bilang isang mamimili gaano kahalaga ang iyong mga katangian?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bilang isang mamimili, gaano kahalaga ang iyong mga karapatan? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 2: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa pagkonsumo, uri ng pagkonsumo at ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

ARALING PANLIPUNAN 9 47
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Kahulugan at uri ng pagkonsumo at mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

Initial:

Revised:

MgaFinal:
Tungkulin ng Matalinong Mamimili

Matapos mong masagutan ang iyong paunang kaalaman tungkol sa tungkulin at

karaparatan bilang isang mamimili, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin
upang iyong higit na malaman ang mga tungkulin at karapatan ng isang mamimili.

TALAKAYIN

Mga Tungkulin ng Matalinong

Mamimili

Ang pagkonsumo ng tao ay naglalarawan ng kung anong uri siya ng mamimili.

Karaniwan, nais nating lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit
natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang mga sumusunod ay
mga tungkulin ng matalinong mamimili.
1. Mapanuri
Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang,
pagkakagawa at iba pa. kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa
upang makapagdesisyon ng mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.

2. May Alternatibo o Pamalit

May mga panahon na walang sapat nap era ang mamimili upang bilhin ang produktong
dati nang binibili o kaya naman ay nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang
matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o panghalili
na makatutugon din sa pangangailangang tinutugon ng produktong dating binibili.
3. Hindi Nagpapadaya
May mga pagkakataon na ang mamimili ay matatapat sa isang tindero o tindera na
mandadaya. Ang matalinong mamimili ay lagging handa, alerto, mapagmasid sa mga maling
gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.

ARALING PANLIPUNAN 9 48
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

4. Makatwiran
Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng pagkakaroon ng limitadong badyet. Kaya sa
pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang
kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati narin ang digri ng
pangangailangan nito.
5. Sumusunod sa Budget
Ito ay kaugnay ng pagiging makatuwiran ng matalinong konsyumer kung saan ay
tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang kakayahang bilhin at kasiyahang maibibigay
sa kanya. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo. Ito ang
dahilan ng pagkahilig ng mga konsyumer sa sale, buy one take one o yung may mga give away o
libreng produkto.
6. Hindi nagpapanic buying
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto ng mga nagtitinda
upang hintayin ang pagtaas ng presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer,
dahil alam niyang ang pagpapanic buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.
7. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo
Ang pag-eendorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo
ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng
pag-aanunsyo na ginamit.

Gawain 3: Ilista Natin

Panuto: Basahin ang katanungan at lagyan ng star ang bawat sagot sa kahon.

1- Napakatalino 3- Hindi Gaanong Matalino

2- Matalino 4- Mahina

1 2 3 4
1. Naniniwala sa anunsyo
2. Sumusunod sa badyet
3. Mapanuri
4. Lagay lang ng lagay sa kart
5. Humahanap ng kapalit o alternatibo
6. Nagpapanic buying

ARALING PANLIPUNAN 9 49
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

7. Mahilig sa mura pero dekalidad na produkto

8. Hindi nagpapadaya
9. Palatawad ng binibiling produkto
10. May listahan ng binibili

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalagang malaman mo ang mga tungkulin ng isang mamimili? Ipaliwanag ng
tatlo o hanggang limang pangungusap.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 4: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na kaalaman
sa pagkonsumo, uri ng pagkonsumo at ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

Kahulugan at uri ng pagkonsumo at mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

Initial:

Revised:

Final:

Mga Karapatan ng Mamimili

Nagbibigay ng proteksyon ang pamahalaan sa mga mamimili sa pamamagitan ng

pagkilala sa kanilang mga karapatan tulad ng sumusunod:
1. Karapatan sa kaligtasan o proteksyon laban sa mga produkto na nakasasama sa buhay
at kalusugan.
2. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng sapat na pagkain,
pananamit, masusulungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisa upang
mabuhay.
ARALING PANLIPUNAN 9 50
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

3. Karapatan sa patalastas o mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya, at

mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na
gawain.
4. Karapatan sa kaalaman o consumer education bilang proteksyon sa mga panloloko
gayundin upang makatulong sa paggawa ng matalinong pagpapasya.
5. Karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya ng
konsyumer.
6. Karapatang mapakinggan o mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili lalo na
sa paggawa at pagpapatupad ng mga patakaran ng pamahalaan.
7. Karapatan sa pagtanggap ng kabayaran sa mga panloloko sa mga produktong binili o
sa serbisyong ginagampanan.
8. Karapatan sa Kalayaan at pagkakapantay-pantay at sapat na kalagayan sa buhay na
nagbibigay pahintuloy sa isang marangal at maayos na pagkatao.

Gawain 5: T-Chart

Panuto: Maglista ng sariling tungkulin bilang isang mamimili. Tukuyin ang iyong mga
mabubuting katangian at negatibong katangian.

Mabubuting Katangian Negatibong Katangian

Gawain 6: Ipaglaban Mo

Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay nakabili ng mga produkto at serbisyong depektibo na nasa ibaba.
Gumawa ng kaukulang letter of complaint na ipaparating sa DTI (Department od Trade and
Industry) o BFAD (Bureau of Food and Drugs).

1. Maling timbang ng karne

2. Lip Balm na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
3. Bagong bike na natanggal ang preno na sanhi ng iyong pagkakasugat ng malaki

ARALING PANLIPUNAN 9 51
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 7: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa pagkonsumo, uri ng pagkonsumo at ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

Kahulugan at uri ng pagkonsumo at mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo

Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
May mga tungkulin at karapatan ang bawat mamimili para mabigyan
ng proteksyon sa mga prodyuser na mapang-abuso. Inaasahan na sa iyong
natutunan ay magiging isang mapanuri at matalino kang mamimili.

Transisyon sa Susunod na Modyul

Naging mabunga ba ang iyong paglalakbay tungo sa pagtuklas, paglinang, at pag-
unawa sa pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan sa matalino at maunlad na
pang-araw-araw na pamumuhay? Tinalakay natin dito ang mga konsepto ng ekonomiks
bilang agham panlipunan, alokasyon at iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya, produksiyon
at mga salik nito, at pagkonsumo at iba’t ibang tungkulin at karapatan ng mamimili.
Napagtanto mo na ang ekonomiks ay nakatuon sa kung paano tinutugunan ng tao ang
kanyang walang katapusang pangangailangan. Makabuluhan ang pagkonsumo upang
magkaroon ng tamang alokasyon ng pinagkukunang-yaman. Ikaw bilang bahagi ng
sambayanang ito ay may magagawa upang matugunan ang suliranin sa kakapusan.
Kasama sa pagpaplano sa tamang pagdedesisyon ARALING PANLIPUNAN
ay ang pag-alam 9sa 52
pangangailangan ng tao (demand) na nagiging basehan ng produksyon ng mga bagong
produkto. Ang mga produktong ito ay tinatawag na supply. Ano ba ang supply at demand?
Ano ang nagaganap sa pamilihan sa pagbabago at paggalaw ng mga ito? Halina at ating
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Isang agham panlipunan na ang layunin ay mapag-aralan at suriin ang pagpili,

pagdedesisyon, at paglalaan sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
a. Alokasyon
b. Pagkonsumo
c. Ekonomiks
d. Produksyon
2. Isang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yamang pang-ekonomiya.
a. Pagkonsumo
b. Produksyon
c. Alokasyon
d. Ekonomiks
3. Sino ang Ama ng Klasikong Ekonomiks?
a. Alfred Marshall
b. Adam Smith
c. David Ricardo
d. John Maynard Keynes
4. Anong sistemang pang-ekonomiya, na ang pamahalaan ay may sentralisadong
pagpapasya ng alokasyon ng pinagkukunang-yaman upang makalikha ng iba’t ibang
produkto at serbisyo.
a. Tradisyunal
b. Command
c. Free Market
d. Mixed
5. Anong salik ng pagkonsumo ang tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng
ginawang at serbisyo.
a. Okasyon
b. Pagkakautang
c. Presyo
d. Kita

ARALING PANLIPUNAN 9 53
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

6. Anong paraan ng pag-aanunsyo ang nagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa

produkto.
a. Testimonial
b. Paraang Brand
c. Bandwagon
d. Commercial
7. Anong karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa paglaban sa mga produkto na
nakasasama sa buhay at kalusugan.
a. Karapatan sa kaligtasan
b. Karapatang pumili
c. Karapatang mapakinggan
d. Karapatan sa kaalaman
8. Si anna ay bumibili ng isang litro ng mantika na palm oil, ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon naubos ang palm oil sa tindahan. May iniaalok ang tindahan ng spring oil
ngunit ayaw ni anna nito. Anong karapatan ng mamimili ang ipinapakita ng sitwasyon.
a. Karapatang mapakinggan
b. Karapatan sa kaalaman
c. Karapatang pumili
d. Karapatan sa patalastas
9. Anong salik ng produksyon ang tumutukoy sa kakayahan ng tao para sa pagsasagawa ng
mga proseso para sa produksyon ng produkto at serbisyo.
a. Kapital
b. Lakas paggawa
c. Lupa
d. Entrepreneurship
10. Sinong ekonomista ang pinakamaimpluwansya sa makabagong ekonomiya.
a. John Maynard Keynes
b. Karl Heinrich Marx
c. Adam Smith
d. David Ricardo
11. __________ ay ang pagsasama-sama ng mga salik ng produksyon upang makabuo ng
produkto o serbisyo na maiaalok sa mercado.
a. Ekonomiks
b. Pagkonsumo
c. Produksyon
d. Alokasyon
12. Si Alfred nakatapos ng business administration na kurso, napili niyang magtayo na
lamang ng negosyo at siya ang tumayong ulo nito. Anong salik ng produksyon ang
ipinapakita dito.
a. Lupa
b. Entrepreneurship
c. Kapital

ARALING PANLIPUNAN 9 54
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

d. Manggagawa
13. Ang pagpapasya ng tao ay idinidikta ng kaugalian, tradisyon, kultura, at paniniwala.
a. Tradisyunal
b. Command
c. Free market
d. Mixed
14. Ang ____________ ay ang pagsasama-sama ng mga hilaw na materyales upang makabuo
ng produkto.
a. Output
b. Hoarding
c. Shortage
d. Input
15. Ito ay sangay ng ekonomiks na sumusuri sa pangkabuuang ekonomiya.
a. Maykroekonomiks
b. Modern Ekonomiks
c. Classical Ekonomiks
d. Makroekonomiks
16. Ang __________ ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto o serbisyo.
a. Alokasyon
b. Produksyon
c. Ekonomiks
d. Pagkonsumo
17. Ang _______ ng produkto ang salik na naglilimita at makadaragdag sa pagkonsumo ng
mga produkto at serbisyo.
a. Kita
b. Presyo
c. Panahon
d. Pagkakautang

18. Ang pamahalaan ay hindi masyado nanghihimasok sa pagdedesisyon sa paggawa ng

produkto at serbisyo.
a. Tradisyunal
b. Command
c. Free market
d. Mixed
19. Ang ________ ay ang mga nagawang produktong maari nang bilhin ng mga mamimili sa
mercado.
a. Hoarding
b. Input
c. Output
d. Shortage

ARALING PANLIPUNAN 9 55
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

20. Ito ay sangay ng ekonomiks na sumusuri sa mga Gawain at pagpapasya ng bawat sektor
sa lipunan.
a. Neoclassical
b. Maykroekonomiks
c. Makroekonomiks
d. Classical

LEARNING MODULE
ARALING PANLIPUNAN G9 Y2
ARALING PANLIPUNAN 9 56
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Maykroekonomiks

YUNIT II
MAYKROEKONOMIKS

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG

Ang maykroekonomiks ay isang sangay ng ekonomiks na sinasaklawan ang maliit na

sektor ng lipunan; ito ay ang sambahayan at bahay-kalakal. Ipinaliliwanag say unit na ito ang
ugnayan ng dalawang pangunahing sektor sa ekonomiya at kung paano nakaaapekto ang
kanilang pagpapasya, pagpili, at pagkilos sa ekonomiya ng bansa. Sinusuri din sa
maykroekonomiks ang batas ng demand kung saan ang pagpapasya ng konsyumer ay maaaring

ARALING PANLIPUNAN 9 57
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

mabago kung may pagbabago sa presyo ng mga produkto o serbisyo. Ang batas ng suplay ay
maaaring magbago dahil sa mga salik nito na maaaring makaapekto sa pagpapasya ng
prodyuser. Ang demand at suplay ay ilan lamang sa pinakamahahalagang teorya at mas
ginagamit na modelo upang maunawaan ang ugnayan ng mga sektor sa ekonomiya at sa iba’t
ibang istruktura ng pamilihan.

Ang salitang micro ay hango sa salitang Griyego na nangangahulugang, “maliit” nay unit
ng ekonomiks. Mahalaga ito upang maunawaan kung paano itinatakda ang presyo sa
pagpapasaya kung anong kalakal ang bibilhin at gaano karami ang bibilhin.

Mahalaga na maunawaan nang lubos ng mga mag-aaral ang mga konsepto na napapaloob
say unit na ito. Ito ay isang epektibong pamamaraan upang maging gabay sa pagsasaliksik sa
mga sitwasyon ng lipunan at maunawaan ang agham na araling panlipunan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag- Ang mga mag-aaral ay kritikal na
unawa sa mga pangunahing kaalaman sa makapag-susuri sa mga pangunahing
ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
at sistema ng pamilihan bilang batayan demand at suplay, at sistema ng
ng matalinong pagdedesisyon ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-
pambansang kaunlaran kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

 Saklaw ng Aralin

Ang module na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na paksa:

Arali
Pamagat Matututunan mo ang…..
n Blg.
1 Demand  Naibibigay ang kahulugan at batas ng
demand
 Natatalakay ang konsepto ng demand
 Natatalakay ang mga salik na
nakakaapekto sa demand sa pang
araw-araw na pamumuhay
2 Suplay  Naibibigay ang kahulugan at batas ng
suplay
 Natatalakay ang konsepto ng suplay
 Natatalakay ang mga salik na
nakakaapekto sa suplay sa pang araw-
araw na pamumuhay

ARALING PANLIPUNAN 9 58
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

3 Interaksyon ng Demand at Suplay Naipapaliwanag ang interaksyon ng

demand at suplay sa kalagayan ng
presyo at ng pamilihan
4 Ang Pamilihan at Iba’t Ibang Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang
Istruktura Nito istraktura ng pamilihan
5 Gampanin ng Pamahalaan sa mga Napahahalagahan ang bahaging
Gawaing Pangkabuhayan ginagampanan ng pamahalaan sa
regulasyon ng mga gawaing
pangkabuhayan

 Concept Map ng Aralin

Ito ang simpleng concept map ng mga paksang tatalakayin sa modyul na ito.

MAYKROEKONOMIKS

Ang
Demand Suplay Interaksyon Pamilihan at Gampanin ng
ng Demand at Iba’t Ibang Pamahalaan sa
Suplay Istruktura mga Gawaing
Nito Pangkabuhayan

PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa mga araling tatalakayin sa pamamagitan
ng pagsasagot sa mga katanungang ito. Bilugan lamang ang wastong sagot at sagutan
lahat ang mga tanong. Tandaan mo ang mga aytem at mga tanong na hindi mo nasagot
ay malalaman mo ang wastong sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Anong batas ang nagsasaad na ang presyo ang pangunahing pinagbabatayan ng mga prodyuser
sa tuwing magdedesisyon na magprodyus ng produkto o serbisyo.
a. Batas ng Ekwilibriyo
b. Batas ng Lumiliit na Kapakinabangan
c. Batas ng Suplay
d. Batas ng Demand
2. Anong salik ng ang nakapagpapabago sa suplay dahil sa pagbabago ng klima o panahon?
a. Pagbabago ng Teknolohiya
ARALING PANLIPUNAN 9 59
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

b. Mga Di-ekonomikong Salik

c. Pagbabago ng Presyo ng Ibang Produkto
d. Espekulasyon sa Bilihan
3.Tumutukoy na kapag ang quantity demanded ay humigit sa quantity supplied sa kasalukuyang
walang nagaganap na pagbabago sa presyo.
a. Surplus
b. Shortage
c. Price Floor
d. Price Ceiling
4.Tumutukoy na kapag ang quantity demand ay pantay lamang sa quantity supplied sa
kasalukuyang walang nagaganap na pagbabago ng presyo.
a. Pamilihan
b. Demand
c. Ekwilibriyo
d. Suplay
5.Isang matematikong pamamaraan upang iapakita ang ugnayan ng presyo at quantity demanded.
a. Supply Function
b. Supply Curve
c. Demand Schedule
d. Demand Function
6.Tumutukoy na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng
pamalit na mas mura.
a. Substitution Effect
b. Income Effect
c. Hoarding
d. Highly Competitive
7. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na anis at handang ipagbili ng mga prodyuser sa
pamilihan.
a. Pamilihan
b. Ekwilibriyo
c. Demand
d. Suplay
8. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-
ibang presyo.
a. Suplay
b. Ekwilibriyo
c. Demand
d. Pamilihan
9. Uri ng pamilihan na mangilan ngilan lamang ang prodyuser na nagbebenta ng produkto.
a. Oligopolyo
b. Monopolyo
c. Monopsonyo

ARALING PANLIPUNAN 9 60
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

d. Kompetisyon
10. Ito ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o serbisyo
kung kaya walang pamalit o kahalili.
a. Monopsonyo
b. Monopolyo
c. Kompetisyon
d. Oligopolyo
11. __________ o pagtatago ng produkto upang magkulang ang suplay sa pamilihan na
magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatangpresyo.
a. Income Effect
b. Substitution Effect
c. Hoarding
d. Highly Competitive
12. Ito ang nagpapahayag na mas Malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
a. Highly Competitive
b. Substitution Effect
c. Hoarding
d. Income Effect
13. Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gusting ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t
ibang presyo.
a. Supply Schedule
b. Supply Function
c. Demand Curve
d. Demand Function
14. Itinatakda ang __________ ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng
mga mamamayan at marami ang makinabang sa mga produkto at serbisyo.
a. Price Ceiling
b. Price Floor
c. Price Control
d. Price Freeze

15. Ang __________ ay isang kautusan ng pamahalaan sa pagpapatupad kung hanggang gaano
kababa ang presyo ng produkto o serbisyo.
a. Price Freeze
b. Price Control
c. Price Floor
d. Price Ceiling
16. Tumutukoy kapag ang quantity supplied ay humigit sa quantity demanded sa kasalukuyang
walang nagaganap na pagbabago ng presyo.
a. Surplus
b. Shortage
c. Price Floor

ARALING PANLIPUNAN 9 61
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

d. Price Control
17. Ang _______ ay isang kautusan ng pamahalaan sa pagpapatupad kung hanggang saan ang
taas ng presyo ng produkto at serbisyo.
a. Price Floor
b. Price Ceiling
c. Price Freeze
d. Price Control
18. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan maaaring makamit ng isang konsyumer ang sagot sa
kanyang pangangailangan at kagustuhan.
a. Demand
b. Ekwilibriyo
c. Pamilihan
d. Suplay
19. Ito ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang mamimili samantalang marami ang nagsusuplay.
a. Kompetisyon
b. Oligopolyo
c. Monopolyo
d. Monopsonyo
20. Ito ay uri ng pamilihan kung saan maraming prodyuser ang isang produkto at
magpapaligsahan ang mga ito upang maakit ang mga mamimili.
a. Monopolyo
b. Kompetisyon
c. Oligopolyo
d. Monopsonyo

PANIMULA

Magsisimula ang pagsusuri ng maykroekonomiks sa pamamagitan ng pag-aaral sa kilos

at ugali ng dalawang mahahalagang sektor: ang mamimili o konsyumer at nagtitinda o
prodyuser. Pagtutuunan ng pansin ang mamimili sa unang bahagi ng maykroekonomiks.

Paano ng aba kumilos ang isang mamimili sa loob ng pamilihan? Gumagawa ng desisyon
ang mamimili ukol sa kanyang pagkonsumo. Ibinabatay niya ito sa dami at presyo ng produkto
o serbisyo. Inaasahan ang pakinabang na matatamo mula sa desisyong kanyang gagawin. Pag-
aralan ang sumusunod na talakayan upang maunawaan ang konsepto ng demand.

ARALING PANLIPUNAN 9 62
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

ARALIN I
DEMAND

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa kahulugan, konsepto at mga salik ng demand na
nakakaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay.

Gawain 1: Tanong Ko! Sagot Mo!

Panuto: Mag-isip ng limang bagay na madalas o pangkaraniwan mong binibili araw-araw. Itala
ang mga bagay na ito at isulat ang bawat presyo at dami nito sa talahanayan. Ipagpalagay na
natin na walang pagbabago sap era o baon mo sa araw-araw.

Kabuuang Presyo kada Kabuuang

Produkto at Serbisyo
Dami Aytem Halaga Nito
1.
2.
3.
4.
5.
Pamprosesong Tanong:
1. Sakaling magtaas ng 10% ang presyo ng mga produktong karaniwan mong binibili, ito ba
ay bibilhin mo pa rin sa parehong dami? Kung oo ang iyong sagot, ano ang kadahilanan?
Kung hindi naman ang iyong sagot, ano ang iyong kadahilanan?
_____________________________________________________________________________

2. Kung bibigyan ka ng dagdag na baon na 50 pesos ng iyong magulang, magbabago ba ang
kabuuang dami ng iyong pangkaraniwang binibili? Bakit oo o bakit hindi?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 9 63
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 2: Maging Mapanuri

Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutan ang mga pamprosesong

tanong.

1. 5 pesos per piece noong taong 2019 2. 28 pesos per piece noong April 2020

1. Stephen Curry (Salary $40 million per year) 2. James Harden (Salary
$28.4 million per year)

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mas mahal ang mask noong April 2020 kaysa taon ng 2019?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Bakit mas mahal ang salary ni Stephen Curry kaysa kay James Harden?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Ano ang natutunan mo habang sinusuri mo ang mga produkto?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
ARALING PANLIPUNAN 9 64
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

4. Sa iyong palagay, anu-ano ang naging batayan ng pagpepresyo ng produkto o serbisyo?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa Demand.

Matapos mong masagutang ang iyong paunang kaalaman tungkol sa kahulugan,

konsepto at salik ng demand sa pang araw-araw na pamumuhay, ihanda ang iyong sarili
para sa susunod na bahagi ng aralin upang iyong higit na malaman ang kahulugan, konsepto
at mga salik na nakakaapekto sa demand.

TALAKAYIN

Kahulugan ng Demand

Ang bawat tao ay may mga demand. Nagsisimula ang demand sa mga kagustuhan at
pangangailangan na dapat tugunan.
Tumutukoy ang demand sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin ng
mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. May demand ang isang produkto o
paglilingkod kapag makapagbibigay ito ng kasiyahan o makatutugon sa isang pangangailangan.
Halimbawa kung ikaw ay nagugutom, pupunta ka sa isang kantina upang bumili ng pagkain. Sa

ARALING PANLIPUNAN 9 65
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

iyong pagbili isinaalang-alang mo ang iyong kagustuhan, presyo at higit sa lahat, ang halaga ng
laman ng iyong pitaka.

Batas ng Demand

Isang pangunahing panuntunan sa ekonomiks ang Batas ng Demand bilang batayan sa

pagpapaliwanag ng pagpapasya ng mga mamimili kapag bumili sila ng produkto habang
nagbabago ang presyo nito. Kaugnay rito ang dami ng demand (quantity demanded) na
tumutukoy
Sa bilang ng produkto o serbisyo na bibilhin ng mamimili sa isang takdang presyo. Ayon
sa Batas ng Demand kapag mababa ang presyo ng isang produkto mataas ang demand nito.
Subalit kapag mataas ang presyo ng naturang bilihin, mababa ang demand nito (ceteris paribus).
Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nakaaapekto
rito.
May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na
ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. Ang unang konsepto na nagpapaliwanag
ditto ay ang substitution effect. Ayon dito, kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga
mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Ang ikalawa ay ang income effect. Ito ay
nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag
mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas
maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, limiliit ang kakayahan ng kanyang kit ana
maipambili.

Taltong Pamamaraan sa Pagpapakita ng Konsepto ng Demand

1. Demand Schedule – ay isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang bagay o produkto na

kaya at gusting bilhin ng mamimili batay sa iba’t ibang presyo.
Demand Schedule para sa Papel
Presyo bawat piraso Quantity Demanded
Php 5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60

ARALING PANLIPUNAN 9 66
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa

papel sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php 1.00) bawat papel, limampu (50)
ang dami ng gusto at kayang bilhin ng pamimili. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na
ugnayan ng presyo at quantity demanded ng papel para sa mamimili.

2. Demand Curve – ang kurba ng demand (demand curve) ay isang grapikong paglalarawan ng
relasyon ng presyo ng bilihin at ng quantity demanded. Nagpapakita ang kurba ng demand na
balgtad na ugnayan ng presyo at ng quantity demanded. Kapag tumaas ang sariling presyo ng
bilihin, bumababa ang dami ng demand. Kung ang presyo naman ang bumaba, tataas ang dami
ng demand. Ang pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakapagpapabago sa dami ng

demand.
Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami
ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Makikita na sa pagbaba ng presyo tumataas ang quantity
demanded.
3. Demand Function – ay matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity
demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba.
Qd = f (P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo ang (P)
naman ang independent variable. Ibig sabihin nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo. Ang
presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili. Isa pang
paraan na nagpapakita ng demand dunction ay sa equation na:
Qd = a – bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded

ARALING PANLIPUNAN 9 67
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope = Qd
P
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demand sa bawat pagbabago sa presyo.
Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa,
surrin ang kompyutasyon sa ibaba.
Kapag ang P = 1 Qd =?
Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10(1)
Qd = 60 – 10
Qd = 50 piraso
Ipinapakita dito na gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng
quantity demanded kung may ibinigay na presyo.

Gawain 4: Jumbled Letters

Panuto: Buuin ang mga letra na nakarambol at bumuo ng mga salita. Basahing mabuti ang mga
gabay na katanungan upang iyong masagutan ang mga nakarambol na letra.
1. I R I S R E B U S T P A C E
2. E S P O L
3. D M D A E U N E L S E C D H
4. T F E O C I E N C E M F
5. A E R D U C D N E M V

Mga Gabay na Tanong:

1. Nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nakaaapekto rito.
2. Nagpapakita ng pagbabago sa quantity demand sa bawat pagbabago sa presyo.
3. Isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang bagay o produkto na kaya at gusting
bilhin ng mamimili batay sa iba’t ibang presyo.
4. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang
presyo.
5. Isang grapikong paglalarawan ng relasyon ng presyo ng bilihin at ng quantity demanded.

ARALING PANLIPUNAN 9 68
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 5: Ireport Mo

Panuto: Sa pamamagitan ng iyong sariling paliwanag, talakayin ang tatlong mahalagang

konsepto ng demand kung paanong nakaaapekto ito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay.
Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

Mga Konsepto ng Demand

Gawain 6: Magpalamig Ka Muna

Panuto: Suriing mabuti ang datos ng ice candy sa demand schedule sa ibaba. Sagutan ang mga
pamprosesong tanong.
Presyo (P) Quantity Demanded (Qd) Taong 2010 Quantity Demanded (Qd) Taong 2020
₱ 1.00 60 100
₱ 2.00 50 90
₱ 3.00 40 80
₱ 4.00 30 70
₱ 5.00 20 60

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit tumaas ang demand ng ice candy sa taong 2020?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ay nagtitinda ng ice candy, anu-anong paraan ang iyong gagawin upang hindi
bumaba ang quantity demanded sa taong 2021?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
ARALING PANLIPUNAN 9 69
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 7: Iyong Kompyutin

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon at kompyutin, ipagpalagay na ang demand function mo
ay Qd = 310 – 10P. Ipakita ang solusyon sa kanang bahagi ng box.

Presyo Bawat Quantity

Mug (Php) Demanded
55
45
40

Gawain 8: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na
kaalaman sa Demand.

Ano ang epekto ng demand at ang mga salik nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay?

Initial:

Revised:

Final:

Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand

Bukod sa presyo may iba pang salik upang mabago ang demand sa isang bilihin. Susuriin
din kung paano nakakaapekto ang kita ng mamimili, panlasa, presyo ng kaugnay na bilihin at
ang inaasahang kita ng mga mamimili sa demand ng bilihin.
1. Kita ng Mamimili
May positibong epekto ang kita ng isang tao sa demand ng isang produkto. Makabibili ng
higit na maraming produkto ang mga taong may mataas na kita. Mapapansin na tuwaing
ARALING PANLIPUNAN 9 70
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Disyembre kapag tumanggap na ng bonus ang mga manggagawa, mataas ang demand sa halos
lahat ng produkto. Ganito rin ang mangyayari kapag tumaas ang sweldo, tataas din ang demand
mula sa mga tao.
2. Panlasa
Isa ring salik na malaki ang epekto ng pagbabago ng demand ang panlasa ng mamimili.
Naayon ang panlasa nga tao sa kasarian, edad, sitwasyon, o pangangailangan, mga kaugalian, o
maari ring gawa ng kalikasan. Tuwing tag-init mataas ang demand para sa malamig na
softdrinks at ice cream. Subalit sa panahon ng taglamig bababa ang demand ng dalawang
produktong nabanggit. Sa araw naman ng mga puso kapag Pebrero, mataas ang demand ng mga
bulaklak at valentine card gayundin ang kandila sa Araw ng Patay. Mataas ang demand sa mga
nabanggit na produkto hindi dahil mababa ang presyo, kundi dahil ito ang hinihingi ng mga
kaugalian at sitwasyon.
3. Dami ng Mamimili
Maaari ding mapataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect.
Dahil sa dami ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa nito ang mga produktong
nauuso ngayon tulad ng mga smart phone, smart television at iba pa na maraming mamimili ang
gusting bumili para makasabay sa uso kaya marami ang demand nito.
4. Ang Espekulasyon o Inaasahan ng mga Mamimili
Kung inaasahan ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa hinaharap,
nahihikayat silang bilhin sa kasalukuyan ang isang produkto upang maiwasan ang mataas na
presyo. Bunga nito tumataas ang demand para sa nasabing produkto sa kasalukuyan. Kung
inaasahan naman ang pagbaba ng presyo ng anumang bilihin, ipagpapaliban nila ang pagbili sa
kasalukuyan at bibili sa araw na mababa ang presyo. Hahantong ito sa pagbaba ng demand sa
kasalukuyan.
5. Ang mga Presyo ng mga Kaugnay na Produkto
May epekto rin sa demand ng kaugnay na produkto ang presyo ng ibang produkto. Kapag
mataas ang demand sa ice cream sa anahon ng tag-init tataas din ang mga kaugnay nitong
produkto tulad ng asukal at gatas. Sa kabilang dako kapag tumaas ang presyo ng karneng baboy
maghahanap ang mga tao ng kapalit na produkto tulad ng manok, isada o karneng baka.
Magbabago ang demand para sa mga produktong napiling kapalit kaya tataas din ang presyo ng
mga ito.

Gawain 9: Ituos, Itala, Ikurba

Panuto: Ipagpalagay na ang demand function mo ay 5,050 – 10P. Kumpyutin ang quantity
demanded ng bag kung ang presyo ay ₱ 285.00, ₱ 215.00, ₱ 190.00, ₱ 175.00, ₱ 150.00. Ipakita
ang solusyon at pakatapos kompyutin iyong ikurba at itala.

ARALING PANLIPUNAN 9 71
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Quantity
Presyo
Demanded
(P)
(Qd)

Gawain 10: Ireport Mo

Panuto: Sa pamamagitan ng iyong sariling paliwanag, talakayin ang mga salik ng demand kung
paanong nakaaapekto ito sa iyong pang araw-araw mong pamumuhay. Isulat sa kahon ang iyong
kasagutan.

Gawain 11: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa Demand.

ARALING PANLIPUNAN 9 72
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Ano ang epekto ng demand at ang mga salik nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay?

Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Sa pag-aaral ng maykroekonomiks, mahalagang maunawaan ang mga
pundasyon nito. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong
nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Madali itong mauunawaan sa pamamagitan ng pag-aaral ng konseptong
nakaugnay rito gaya ng demand schedule, demand curve at demand function. At
makatutulong ang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa demand sa iyong pang
araw-araw na buhay

PANIMULA

Magsisimula ang pagsusuri ng maykroekonomiks sa pamamagitan ng pag-aaral sa kilos

at ugali ng dalawang mahahalagang sektor: ang mamimili o konsyumer at nagtitinda o
prodyuser. Pagtutuunan ng pansin ang mamimili sa unang bahagi ng maykroekonomiks.

Paano ng aba kumilos ang isang mamimili sa loob ng pamilihan? Gumagawa ng desisyon
ang mamimili ukol sa kanyang pagkonsumo. Ibinabatay niya ito sa dami at presyo ng produkto
o serbisyo. Inaasahan ang pakinabang na matatamo mula sa desisyong kanyang gagawin. Pag-
aralan ang sumusunod na talakayan upang maunawaan ang konsepto ng demand.

ARALIN II
Suplay

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa kahulugan, konsepto at mga salik ARALING
ng suplay naPANLIPUNAN 9 73
nakakaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay.
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 1: Tanong Ko! Sagot Mo!

Panuto: Mag-isip ng tig-limang produkto o serbisyo na may “kulang sa suplay” o “maraming

suplay” sa Pilipinas. Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

Kulang sa Suplay Maraming Suplay

1.
2.
3.
4.
5.

Pamprosesong Tanong:
1. Ipaliwanag kung bakit yang mga produkto o serbisyo ang nasa kahon ng kulang ang
suplay.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ipaliwanag kung bakit yang mga produkto o serbisyo ang nasa kahon ng marami ang
suplay.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 2: Maging Mapanuri

Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

ARALING PANLIPUNAN 9 74
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

1. kahit ilan ang bilhin 2019 2. 2 pcs per

person April 2020

1. 22.6 % for the previous year 2. 2.7 % for this 1st quarter of 2020

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit nagkaroon ng limitasyon ang pagbili ng face mask? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ipaliwanag kung bakit bumaba ang porsyento na kayang iprodyus na hand sanitizer ngayong
2020?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, anu-ano ang naging batayan ng pagbaba ng mga napoprodyus na produkto
o serbisyo?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa Suplay.

Ano ang epekto ng suplay at ang mga salik nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay.

ARALING PANLIPUNAN 9 75
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Initial:

Revised:

Final:

Matapos mong masagutang ang iyong paunang kaalaman tungkol sa kahulugan,

konsepto at salik ng suplay sa pang araw-araw na pamumuhay, ihanda ang iyong sarili para
sa susunod na bahagi ng aralin upang iyong higit na malaman ang kahulugan, konsepto at
mga salik na nakakaapekto sa suplay.

TALAKAYIN

Kahulugan ng Suplay

Ang supply at tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo nan ais at handing ipagbili ng
mga prodyuser sa pamilihan sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon. Kapag may
demand ang isang produkto mahihikayat ang mga prodyuser na gumagawa ng ganoong
produkto at ipagbili ito sa pamilihan. Batayan ang presyo ng isang produkto kung kalian nais
magsuplay ang isang prodyuser sa pamilihan. Ibig sabihin ang pagtaas ng presyo ang
humihikayat sa anilang magsuplay ng marami at kapag bumaba naman ang presyo, babawasan
nila ang kanilang produksyon.

Batas ng Suplay

Isinasaad sa Batas ng Suplay na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa

quantity supplied ng isang produkto. Kapag mataas ang presyo ng isang bilihin, tataas ang dami
ng produktong handing ipagbili sa isang takdang panahon. Kapag mababa ang presyo ng isang
bilihin, bababa rin ang dami ng produktong nais ipagbili sa isang takdang panahon (ceteris
paribus).
Ayon sa Batas ng Suplay, ang presyo ang pangunahing pinagbabatayan ng mga
prodyuser sa tuwing magdedesisyon na magprodyus ng produkto o serbisyo. Dahil dito, higit
ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo.
ARALING PANLIPUNAN 9 76
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Taltong Pamamaraan sa Pagpapakita ng Konsepto ng Suplay

1. Supply Schedule – ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gusting ipagbili ng

mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang supply schedule.
Supply Schedule para sa Papel

Presyo bawat piraso Quantity Demanded

Php 5 50
4 40
3 30
2 20
1 10
0 0

Ang schedule na nasa itaas ay tumutukoy sa quantity supplied para sa papel sa iba’t ibang
presyo. Halimbawa, sa halagang limang piso (Php 5.00) bawat piraso ng papel, kapansin-
pansing mataas ang magiging supply nito na limampung (50) piraso. Ipinapakita ditto ang
direktang ugnayan ng presyo at quantity supplied ng papel para sa prodyuser.

2. Demand Curve

Ang graph sa itaas ay batay sa supply schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa
graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied ay mabubuo ang supply
curve para dito. Kung tutuntunin ang mga punto mula sa A hanggang punto F ay makabubuo ng
ARALING PANLIPUNAN 9 77
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

isang kurbang pataas o upward sloping curve. Ang supply curve na ito ay nagpapakita ng
direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handing ipagbili ng mga
prodyuser sa mga mamimili.

3. Demand Function – ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity
supplied ay sa pamamagitan ng supply function. Ito ay ang matematikong pagpapakita ng
ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba.
Qs = f (P)
Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo ang (P)
naman ang independent variable. Ibig sabihin nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang
presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga prodyuser. Isa pang
paraan na nagpapakita ng supply function ay sa equation na:
Qd = c + bP
Kung saan:
Qd = dami ng suplay
P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)
b = slope = Qs
P
Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o negative. Ang slope ay
nagpapakita ng pagbabago sa dami ng suplay sa bawat pisong pagbabago sa presyo.
Supply Function mula sa Supply Schedule para sa papel: Qs = 0 + 10P
Kapag ang P = 1 Qs =? Kapag ang P = 5 Qs =?
Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P
Qs = 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5)
Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 50
Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso

Gamit ang supply function, makukuha ang dami ng quantity supplied kung may ibinigay
na presyo.

Gawain 4: Jumbled Letters

ARALING PANLIPUNAN 9 78
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Panuto: Buuin ang mga letra na nakarambol at bumuo ng mga salita. Basahing mabuti ang mga
gabay na katanungan upang iyong masagutan ang mga nakarambol na letra.

1. T E P C E T R I N
2. Y B A L P T G S N U P A S
3. P U L Y S U P E L S E C D H
4. O L E P S
5. P U R S U C Y L E P V

Mga Gabay na Tanong:

1. Bilang ng Qs kung ang presyo ay 0.
2. Ang presyo ang pangunahing pinagbabatayan ng mga prodyuser sa tuwing
magdedesisyon na magprodyus ng produkto o serbisyo
3. Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gusting ipagbili ng mga prodyuser sa
iba’t ibang presyo.
4. Nagpapakita ng pagbabago sa quantity demand sa bawat pagbabago sa presyo.
5. Nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handing
ipagbili ng mga prodyuser sa mga mamimili.

Gawain 5: Ireport Mo

Panuto: Sa pamamagitan ng iyong sariling paliwanag, talakayin ang tatlong mahalagang

konsepto ng suplay, kung paano ito nakaaapekto sa pang araw-araw mong pamumuhay. Isulat sa
kahon ang iyong kasagutan.

Mga Konsepto ng Suplay

ARALING PANLIPUNAN 9 79
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 6: Magpalamig Ka Muna Ulit

Panuto: Suriing mabuti ang datos ng ice candy sa demand schedule sa ibaba. Sagutan ang mga
pamprosesong tanong.
Presyo (P) Quantity Supplied (Qs) Taong 2010 Quantity Supplied (Qs) Taong 2020
₱ 5.00 50 100
₱ 4.00 40 90
₱ 3.00 30 80
₱ 2.00 20 70
₱ 1.00 10 60

Pamprosesong Tanong:
3. Sa iyong palagay, bakit tumaas ang supply ng ice candy sa taong 2020?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay nagtitinda ng ice candy, anu-anong paraan ang iyong gagawin upang hindi
bumaba ang quantity supplied sa taong 2021?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Gawain 7: Iyong Kompyutin

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon at kompyutin, ipagpalagay na ang demand function mo
ay Qs = 0 + 10P. Ipakita ang solusyon sa kanang bahagi ng box.

Presyo Bawat Quantity

Plato (Php) Supplied
45
38
28

Gawain 8: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na
kaalaman sa Suplay.

ARALING PANLIPUNAN 9 80
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Ano ang epekto ng suplay at ang mga salik nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay?

Initial:

Revised:

Final:

Mga Salik na Nakakaapekto sa Suplay

Bunga ng pagbabago sa mga kondisyon na kinakaharap ng bahay-kalakal na gumagawa

ng mga produkto ang pagbabago ng kurba ng suplay na nauukol sa consumer goods. Nagsasabi
ang mga ekonomista na bunga ang pagbabagong ito ng iba ibang kadahilanan tulad ng
pagbabago sa presyo, espekulasyon sa bilihin at pagbabago sa teknolohiya.
1. Pagbabago sa Presyo ng Salik ng Produksyon
Maaring makapagbago ng dami ng suplay ang presyo ng mga salik ng produksyon. Ayon
sa sumusunod ang presyo ng sangkap ng produksyon: renta o upa para sa serbisyo ng lupa,
sahod ng manggagawa, interes para sa serbisyo ng kapital at tubo para sa serbisyo ng
entreprenyur.
Kapag tumaas ang sahod ng manggagawa, tumaas din ang interes sa mga puhunan at
tumataas ang upa. Mataas ang kabuuang gastos sa produksyon. Kung gayon tataas ang presyo
ng mga produkto na maaring humantong sa pagbabawas ng produksyon. Samakatwid bababa
ang suplay sa pamilihan.
2. Pagbabago ng Presyo ng Ibang Produkto
Maaari ring maimpluwensyahan ng presyo ng ibang produkto and dami ng suplay.
Nangyayari ito kung magkaugnay (katambal o pamalit) ang mga produkto. Nakakaimpluwensya
ang pagbabago ng presyo ng isa sa suplay ng kaugnay na produkto. Ipinalalagay na higit na
mataas ang presyo ng suplay sa kaugnay na produkto.
3. Espekulasyon sa Bilihan
Bumibili ang mamimili sa kasalukuyan upang maiwasan ang pagtaas ng presyo sa
hinaharap. Ganito rin ang ginagawa ng mga negosyante. Halimabawa inaasahan na tataas ang
presyo ng bigas. Itatago muna ito at ilalabas na lamang kung mataas na ang presyo nito. Ganito
rin ang ginagawa ng dealer ng gasolina. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na
nagbubunga ng pagbaba ng suplay sa pamilihan.
4. Pagbabago ng Teknolohiya

ARALING PANLIPUNAN 9 81
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Magpapababa ang isang makabagong teknolohiya ng gastos sa produksyon na hahantong

sa pagtaas ng suplay. Magpapataas naman sa dami ng produktong nais gawin ang pagbaba ng
gastos. Kaugnay nito napabibilis ang paggawa at dumarami ang mga tapos na produkto. Upang
magkaroon ng malaking tubo nagkakaroon ng insentibo ang mga nagbibili ng produkto na
gumawa ng bagong produkto at bagong teknolohiya.
5. Mga Di-ekonomikong Salik
Nakapagpapabago rin sa dami ng suplay ng produkto ang mga di-ekonomikong salik
tulad ng pagbabago sa klima. Halimbawa maaaring masalanta o mawasak ng bagyo ang mga
taniman ng palay kaya ang suplay nito sa pamilihan ay bumaba.

Gawain 9: Ituos, Itala, Ikurba

Panuto: Ipagpalagay na ang supply function mo ay 0 + 10P. Kumpyutin ang quantity supplied ng
payong kung ang presyo ay ₱180.00, ₱160.00, ₱150.00, ₱135.00, ₱120.00. Ipakita ang solusyon
at pakatapos kompyutin iyong ikurba at itala.

Quantity
Presyo
Demanded
(P)
(Qd)

Gawain 10: Ireport Mo

Panuto: Sa pamamagitan ng iyong sariling paliwanag, talakayin ang mga salik ng demand kung
paanong nakaaapekto ito sa iyong pang araw-araw mong pamumuhay. Isulat sa kahon ang iyong
kasagutan.

ARALING PANLIPUNAN 9 82
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 11: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa Suplay.

Ano ang epekto ng suplay at ang mga salik nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay.

Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Sa pag-aaral ng maykroekonomiks, mahalagang maunawaan ang mga
pundasyon nito. Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais
at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Madali itong mauunawaan sa pamamagitan ng pag-aaral ng konseptong
nakaugnay rito gaya ng supply schedule, supply curve at supply function. At
makatutulong ang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa supply sa iyong pang araw-
araw na buhay.

ARALING PANLIPUNAN 9 83
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANIMULA

Ang pamilihan ay isang mahalagang lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili o
sambahayan at ang nagtitinda o bahay-kalakal. Ditto nagaganap ang mga transaksyon at
interaksyon ng bawat sektor ng ekonomiya. Sa interaksyon ng bawat sektor ay nalalaman ng
nagtitinda at mamimili kung ano ang produkto at serbisyo na maaaring ialok at makuha sa
pamilihan. Ang prodyuser at konsyumer ay may magkaibang konseppto sa presyo. Ang
konsyumer ay mas ninanais na ang presyo ay mas mababa para makabili ng maraming produkto
at serbisyo. Samantala, ang prodyuser ay nanaisin na mas mataas ang presyo para makagawa ng
maraming produkto at serbisyo upang ang kita ay tumaas. Mahalaga na magkaroon ng
pagkakasundo ang mga mamimili at ang mga nagtitinda upang magkaroon ng maayos at
masiglang ekonomiya.

ARALIN III
INTERAKSYON ANG DEMAND AT SUPLAY

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa interaksyon ng demand at suplay sa presyo at pamilihan.

Gawain 1: Picture Analysis

Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Sagutan ang mga pamprosesong tanong.

ARALING PANLIPUNAN 9 84
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinapakita sa larawan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Naranasan mu nabang mamili sa palengke? Ano ang iyong napapansin kapag
namamalengke?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gawain 2: Ulap Salita

Panuto: Pumili ng isa sa mga sitwasyon sa ibaba. Ipaliwanag kung ano sa iyong palagay ang
maaaring maging kilos ng mga mamimili at mga nagbibili sa pamilihan s agita ng ganitong
sitwasyon. Gamitin mong gabay ang iyong natutunan sa konsepto ng demand at suplay upang
masagot ang gawaing ito.

Maraming Nagmahal ang Maraming

nahihikayat bayad sa nahihikayat
sa bagong teknolohiyang sa bagong
patalastas ng ginamit sa patalastas ng
soft drinks. paggawa ng soft drinks.
mobile phone.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 9 85
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa Interaksyon ng demand at suplay.

Ipaliwanag kung paano ang interaksyon ng demand at suplay sa presyo at pamilihan.

Initial:

Revised:

Final:

Matapos mong masagutang ang iyong paunang kaalaman tungkol sa interaksyon ng

suplay at demand, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin upang iyong
higit na malaman ang interaksyon ng demand at suplay sa presyo at pamilihan.

TALAKAYIN

Kahulugan ng Ekwilibriyo

Ang pagdedesisyon ng mamimili at bahay-kalakal ay may epekto sa interaksyon ng

demand at suplay. Ang bawat desisyon ay nagkakaroon ng epekto sa dami ng demand, gayundin
sa dami ng suplay. May tatlong kalagayan na maaaring mangyari sa demand at suplay.
1. Ekwilibriyo – kapag ang quantity supplied ay pantay lamang sa quantity demanded sa
kasalukuyang walang nagaganap na pagbabago ng presyo.
2. Shortage – kapag ang quantity demanded ay humigit sa quantity supplied sa kasalukuyang
walang nagaganap na pagbabago sa presyo.
3. Surplus – kapag ang quantity supplied ay humigit sa quantity demanded sa kasalukuyang
walang nagaganap na pagbabago sa presyo.
Ang pagpantay ng quantity demanded at quantity supplied ay dapat walang epekto sa
pagbago ng presyo sa mercado. Ang mga variables na dapat malaman sa pagtaya ng ekwilibriyo
ay ang presyo (P), quantity supplied (Qs), at quantity demanded (Qd).

ARALING PANLIPUNAN 9 86
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong sariling paliwanag, ano ang shortage?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Sa iyong sariling palaiwang, ano ang surplus?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral gaano kahalaga na pag-aralan ang ekwilibriyo ng demand at

suplay? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 4: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na kaalaman
sa Interaksyon ng demand at suplay.

Ipaliwanag kung paano ang interaksyon ng demand at suplay sa presyo at pamilihan.

Initial:

Revised:

Final:

Sa talahanayan ay may iba’t ibang presyo ng pandesal at takdang quantity demanded at

quantity supplied sa buong linggo.
Presyo ng Pandesal Qd kada Buwan
Qs kada Buwan (libo)
kada Piraso (libo)
₱ 5.00 30 100
₱ 4.50 40 70
₱ 4.00 50 50
₱ 3.50 60 40
₱ 3.00 70 35
₱ 2.50 90 20

ARALING PANLIPUNAN 9 87
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Sa grapika sa ibaba, makikita ang relasyon ng presyo sa quantity demanded at quantity

supplied.

Ipinapakita rito na sa presyo na ₱4.00 ay pwedeng makamit ang ekwilibriyo sa dami ng

mamimili at dami ng produkto na maaaring magawa ng prodyuser na aabot sa 50,000 kada
buwan.
Kung may mga konsyumer na gusting bumili ng maraming pandesal sa mas mababang
presyo at ito ay gumalaw sa pamilihan at bumaba sa ₱3.00, maaaring hindi na nito makamit ang
ekwilibriyo dahil may epekto ito sa quantity demanded at quantity supplied.

Sa talahanayan ay naipapakita na kapag ang presyo ay bumaba sa ₱3.00 mula sa ₱4.00

kada pandesal, ang quantity demanded ay maaaring lumaki dahil mas marami ang makabibili
nito kahit ito ay labis na sa pagkonsumo ng mamimili sa isang araw. Mula sa ekwilibriyo,
quantity demanded na 50,000, ito ay lalaki pa sa 70,000. Samantala, ang quantity supplied ay
lumiliit sa 30,000 na lang. ito ang sitwasyon na maaaring magkaroon ng kakapusan sa pamilihan
dahil sa dami ng taong bumibili ng produkto.
Sa ganitong sitwasyon, ang mga nagtitinda ay maaaring magtaas ng presyo dahil sa
dumaraming bumibili ng produkto upang makamit muli ang ekwilibriyo.

ARALING PANLIPUNAN 9 88
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Kung sa isang sitwasyon na ang quantity demanded naman ay bumaba dahil sa taas ng
presyo ng bilihin, magkakaroon ito ng epekto sa quantity supplied.

Ipinapakita sa talahanayan ang epekto ng pagtaas ng presyo mula sa ekwilibriyo na

presyo na ₱4.00. naipapakita na ang quantity supplied ay humigit sa dami ng quantity demanded
na nagdudulot ng kalabisan sa quantity supplied.
Sa taas ng presyo, ang mamimili ay maaaring magbawas ng dami ng konsumo ng
pandesal. Sa presyo na ₱4.50, ang quantity demanded ay 40,000 lamang habang ang quantity
supplied ay nasa 70,000. Ibig sabihin, mas malaki ang suplay ng produkto dahil kakaunti lamang
ang bumibili dahil sa taas ng presyo nito.
Sa ganitong sitwasyon, maaaring maghanap ang mamimili ng alternatibong pagkain
kapalit ng pandesal na mas mababa ang presyo. Ang epekto naman nito sa prodyuser o
nagtitinda ay pagbaba ng presyo ng kaniyang produkto upang dumami muli ang bumili sa
kaniya upang makamit ang ekwilibriyo. Maaari ding magtinda ng alternatibong pagkain ang
tagapagtinda upang makabawi sa lugi o hina ng kaniyang kita.

Gawain 5: Iyong Lutasin

Panuto: Suriing Mabuti ang graph na nasa ibaba at sagutan ang mga tanong na nasa ibaba ng
graph. Bilugan ang iyong kasagutan.

ARALING PANLIPUNAN 9 89
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

a. Punto ng ekwilibriyo B J C A
b. Labis na suplay BC DJ BD CJ
c. Ekwilibriyong presyo 10 20 30
d. Ekwilibriyong dami 200 300 400
e. Labis na demand BC DJ BD CJ

Gawain 6: Kulang o Sobra

Panuto: Lagyan ng check ang kahon kung ang suplay ba ng mga produkto ngayong taon ng 2020
ay sobra o kulang.

Produkto Kulang Sobra

1. Face Mask
2. Cell phone
3. Bigas
4. Karne
5. Laptop
6. Alcohol
7. Vitamins C
8. Tubig
9. Iba’t Ibang Prutas
10. Face Shield

Gawain 7: Ipaliwanag Mo

Panuto: Ipaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa presyo at pamilihan. Isulat ang
iyong sagot sa kahon.

ARALING PANLIPUNAN 9 90
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Interkasyon ng Demand at Suplay

Gawain 8: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa Interaksyon ng demand at suplay.

Ipaliwanag kung paano ang interaksyon ng demand at suplay sa presyo at pamilihan.

Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Ang Ekwilibriyo ay kapag ang quantity supplied ay pantay lamang sa
quantity demanded sa kasalukuyang walang nagaganap na pagbabago ng presyo.
May Shortage kapag ang quantity demanded ay humigit sa quantity supplied sa
kasalukuyang walang nagaganap na pagbabago sa presyo. At Surplus naman
kapag ang quantity supplied ay humigit sa quantity demanded sa kasalukuyang
walang nagaganap na pagbabago sa presyo.

ARALING PANLIPUNAN 9 91
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANIMULA

Ang pamilihan ay ang unang pinupuntahan ng tao para sa kaniyang pangangailangan at

kagustuhan. Dito nagkakaroon ng interaksyon ang mga bahay-kalakal at sambahayan upang
makakuha ng mga produkto, serbisyo at kita mula sa mga binebenta nito. Ang mga produkto at
serbisyo ay makukuha sa iba’t ibang uri ng pamilihan.

ARALIN IV
PAMILIHAN

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa kahulugan ng pamilihan at iba’t ibang uri ng pamilihan.

Gawain 1: Picture Analysis

Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Sagutan ang mga pamprosesong tanong.

ARALING PANLIPUNAN 9 92
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinapakita sa larawan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Naranasan mu nabang mamili sa palengke? Ano ang iyong napapansin sa iba’t ibang
sulok kapag namamalengke?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 2: Word Hunt

Panuto: Hanapin ang mga salita sa mga nakarambol na letra sa kahon.

N O Y S I T E P M O K
A D G D G V B M Y A A
M E U M N O I N N A R
O L I G O P O L Y O T
U L P R U S U P P L E
P R U O P T O O E A L
O S T O L I G O A S B
A L N K O U Y E R S A
A O Y L O P O N O M X
M C Z E G A T R O H S

a. Monopolyo
b. Oligopolyo
c. Kompetisyon
d. Monopsonyo

Gawain 3: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

ARALING PANLIPUNAN 9 93
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Initial na kaalaman
sa pamilihan at iba’t ibang istruktura nito.

Ano ang kahulugan ng pamilihan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan?

Initial:

Revised:

Final:

Matapos mong masagutang ang iyong paunang kaalaman tungkol sa pamilihan at

iba’t ibang istruktura nito, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin upang
iyong higit na malaman ang kahulugan ng pamilihan at iba’t ibang istruktura nito.

TALAKAYIN

Kahulugan ng Pamilihan

Ang pamilihan ang nagsisilbing lugar kung saan maaaring makamit ng isang konsyumer
ang sagot sa kanyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong gawa ng mga prodyuser.
Ayon kay Case at Fair sa ekonomiks, ang pamilihan o mercado ay isang institusyon
kung saan ang mamimili at tagapagtinda o tagagawa ay nagtatagpo at nag-uugnayan para sa
pagpapalitan ng produkto at serbisyo.

Iba’t Ibang Istruktura ng Pamilihan

Nalaman na natin ang dalawang anyon ng pamilihan. Sa ilalim ng bawat anyo nito ay
may nakapaloob na mga uri ng istruktura ng pamilihan. Ang ganap na kompetisyon ay
napapaloob sa kompetisyon. Samantala, sinasaklawan naman ng di-ganap na kompetisyon ang
monopolyo, monopsonyo, monopolistikong kompetisyon, at oligopolyo.

ARALING PANLIPUNAN 9 94
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Ano ang istraktura ng pamilihan? Ito ay ang pagpapakita ng katangian ng bawat uri ng
pamilihan na maaaring makahikayat sa pagdedesisyon ng mga mamimili at bahay-kalakal sa
pagbili ng mga produkto at serbisyo sa mercado.

1. Kompetisyon
Kung maraming prodyuser ang isang produkto magpapaligsahan ang mga ito upang
makaakit ng mga mamimili nang sa gayon maging mabili ang kanilang produkto. Ang
paligsahan ay maaring sa kalidad ng produkto, estilo, material na ginagamit, garantiyang
ibinibigay at mga karagdagang paglilingkod tulad ng libreng paghahatid, pagkakabit,
pagkukumpuni at iba pa.

Di-ganap na Kompetisyon – kapag Nawala ang mga katangian ng ganap na kompetisyon,

magkakaroon ng di-ganap na kompetisyon. Sa pagkakataong ito, may hadlang na makapapasok
ang isang negosyante sa industriya may magkokontrol sa presyo at mabibilang na ang mamimili
at nagbibili.

1. Monopolyo
Ito ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o
serbisyo kung kaya walang pamalit o kahalili. Kapag may monopolista o iisang tagasuplay
lamang sa pamilihan higit na Malaki ang pagkakataon ng bahay kalakal na makontrol ang presyo
o ang dami ng produktong kanyang ipagbibili.
Dahil sa mga patent, copyright at trademark gamit ang Intellectual Property Rights, hindi
makapasok ang ibang nais na maging bahagi ng industriya na kaparehas sa hanay ng produkto at
serbisyong nililikha ng mga monopolista.
 Copyright – ay tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang
ang mga akdang pampanitikan o akdang pansining.
 Patent – ay pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang imbensyon. Ang produktong may
patent ay hindi maaaring gamitin, ibenta, iangkat, iluwas o isiwalat ang impormasyon ng
sinuman.
 Trademark – ay ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na
nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari rito.

2. Monopsonyo
Ang ganitong istruktura ang kabaligtaran ng monopolyo. Iisa lamang ang mamimili
samantalang marami ang nagsusuplay. Sa ganitong pagkakataon maaring pababain ng mamimili
ang presyo ng produkto o serbisyong nais niyang bilhin.

3. Monopolistokong Kompetisyon
ARALING PANLIPUNAN 9 95
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Ang ganitong istruktura ay pinagsamang monopolyo at ganap na kompetisyon. Marami

ang nagbibili at namimili ng magkaparehong produkto. Ang mga produktong ito ay kilala sa
kanilang pangalan o brand name. Ang magandang halimbawa nito ay sabon, toothpaste,
shampoo, cellphone, kape, softdrinks.

4. Oligopolyo
Karaniwang mangilan-ngilan ang mga industriyang nangangailangan ng mataas na antas
ng teknolohiya. Kabilang ditto ang mga industriya ng ginto, langis, semento, at iba pa.
Nangangailangan ang mga ito ng malaking kapital kaya mangilan-ngilan lamang ang prodyuser
na nakapapasok sa ganitong industriya.

Gawain 4: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Revised na kaalaman
sa pamilihan at iba’t ibang istruktura nito.

Ano ang kahulugan ng pamilihan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan?

Initial:

Revised:

Final:

Gawain 5: Jumbled Letters

Panuto: Buuin ang mga letra na nakarambol sa loob ng kahon. Ilagay sa bilang na nasa ibaba ang
iyong nabuong salita
L O L Y O P O I O G
N O P O O Y N S O M
P T M K I N O O S L Y I N O G O S K N O T M O P I E
E S P O K T Y M I N O
O P Y O M L O O N

ARALING PANLIPUNAN 9 96
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

1._____________________________________
2._____________________________________
3._____________________________________
4._____________________________________
5._____________________________________

Gawain 6.1: Siyasatin Mo

Panuto: Suriin ang bawat larawan at isulat ang istruktura ng pamilihan na kinabibilangan nito.

ARALING PANLIPUNAN 9 97
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

1._____________________________ 2._____________________________
_ _

3._____________________________ 4._____________________________
_ _

5._____________________________ 6._____________________________
_ _

7._____________________________ 8._____________________________
_ _

9._____________________________ 10.____________________________
_ __

Gawain 6.2: Siyasatin Mo

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng istruktura ng pamilihan ang inilalarawan ng mga sumusunod
na pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
ARALING PANLIPUNAN 9 98
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

______________1. Maraming nagtitinda sa pamilihan ng mga produktong magkakatulad.

______________2. Iisa lamang ang nagtitinda ng mga produkto sa pamilihan.
______________3. Walang nagaganap na kompetisyon sa pamilihan.
______________4. Ang mga nagtitinda ay nagkakaroon ng sabwatan sa pagtatakda ng presyo.
______________5. Mahirap pumasok ang mga bagong negosyante sa pamilihan.
______________6. Iisa lamang ang kumokontrol sa lahat ng aspeto ng pamilihan.
______________7. Ang negosyante ang nagtatakda ng presyo.
______________8. Ang presyo ng produkto ay itinatakda ng kompetisyon.
______________9. Ang mga nagtitinda ay naglalaban sa kalaidad ng kanilang mga produkto.
______________10. Ang mamimili ang nagtatakda ng presyo.

Gawain 7: Mapa Ng Pagbabago ( I-R-F)

Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong na nasa kahon, at ilagay ang iyong Final na kaalaman
sa pamilihan at iba’t ibang istruktura nito.

Ano ang kahulugan ng pamilihan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan?

Initial:

Revised:

Final:

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Ang pamilihan ay kung saan nagkikita ang mamimili at nagtitinda para sa
pagkakasundo ng presyo at produkto. May dalawang uri ng pamilihan ito ay ang
ganap at di-ganap na kompetisyon. Nakapaloob ang monopolyo, monopsonyo,
monopolistikong kompetisyo, at oligopolyo sa mga di-ganap na kompetisyon.

ARALING PANLIPUNAN 9 99
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANIMULA

Ang pamilihan ay ang unang pinupuntahan ng tao para sa kaniyang pangangailangan at

kagustuhan. Dito nagkakaroon ng interaksyon ang mga bahay-kalakal at sambahayan upang
makakuha ng mga produkto, serbisyo at kita mula sa mga binebenta nito. Ang pamahalaan ay
mahalagang mabantayan ang mga presyo sa pamilihan upang magkaroon ng pantay na paggawa
at pagbili ng produkto.

ARALIN IV
GAMPANIN NG PAMAHALAAN SA PAMILIHAN

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa kahalagahan ng
pamahalaan sa mga gampaning pangkabuhayan o pamilihan.

Gawain 1: Picture Analysis

Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinapakita sa larawan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang ugnayan ng dalawang larawan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

10
ARALING PANLIPUNAN 9
0
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

TALAKAYIN

Gampanin ng Pamahalaan sa Pamilihan

Alinsunod sa Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangunahing

tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang sambahayan.
Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo. Ang
pamahalaan ang pumipigil sa mga negisyante na umaabuso sa pagtatakda ng presyo ng kanilang
produkto. Ito rin ang nagtatakda ng mga presyo ng kalakal lalung lalo na ang mga produktong
tumutugon sa pangunahing pangangailangan.
May dalawang paraan na maaaring gamitin ng pamahalaan upang kontrolin ang presyo sa
mercado. Ito ay ang pagpapatupad ng price ceiling at price floor.
1. Price Ceiling – ay isang kautusan ng pamahalaan sa pagpapatupad kung hanggang saan
ang taas ng presyo ng produkto at serbisyo na maaaring ipataw ng prodyuser o bahay-
kalakal sa konsyumer.
2. Price Floor – ay isang kautusan ng pamahalaan sa pagpapatupad kung hanggang gaano
kababa ang presyo ng produkto o serbisyo na maaaring ipataw ng prodyuser o bahay-
kalakal sa konsyumer na hindi naman malulugi ang bahay-kalakal.
Mahalaga na magkaroon ng price control lalo na sa mga pangunahing bilihin. Itinatakda
ang price control ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan at marami ang makinabang sa mga produkto at serbisyo. Ang price ceiling ay
natatakda sa mga pagkain, gamut, at serbisyo katulad ng ospital lalo na kung may kalamidad.
Ang price floor ay natatakda sa mga bilihin katulad ng bigas na subsidy ng pamahalaan. Ito ay
kontrolado ng National Food Authority (NFA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Gawain 2: Tanong Ko, Sagot Mo

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at iyong sagutin.

1. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pamilihan?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Kung hindi makikialam ang pamilihan sa pagtatakda ng presyo, ano ang mangyayari sa
mga produktong pangunahing pangangailangan?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

10
ARALING PANLIPUNAN 9
1
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

Gawain 3: Venn Diagram

Panuto: Paghambingin ang konsepto ng price ceiling at price floor na nasa ibaba.

Gawain 4: I-balita

Panuto: Bilang isang mamimili, paano mo napapahalagahan ang gampanin ng pamahalaan sa

pamilihan. Ilat-hala mo sa kahon ang iyong kasagutan.

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain ng isang mag-aaral.

Tandaan!
Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan
ang sambahayan.

10
ARALING PANLIPUNAN 9
2
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Anong batas ang nagsasaad na ang presyo ang pangunahing pinagbabatayan ng mga prodyuser
sa tuwing magdedesisyon na magprodyus ng produkto o serbisyo.
a. Batas ng Ekwilibriyo
b. Batas ng Lumiliit na Kapakinabangan
c. Batas ng Suplay
d. Batas ng Demand
2. Anong salik ng ang nakapagpapabago sa suplay dahil sa pagbabago ng klima o panahon?
a. Pagbabago ng Teknolohiya
b. Mga Di-ekonomikong Salik
c. Pagbabago ng Presyo ng Ibang Produkto
d. Espekulasyon sa Bilihan
3. Tumutukoy na kapag ang quantity demanded ay humigit sa quantity supplied sa kasalukuyang
walang nagaganap na pagbabago sa presyo.
a. Surplus
b. Shortage
c. Price Floor
d. Price Ceiling
4.Tumutukoy na kapag ang quantity demand ay pantay lamang sa quantity supplied sa
kasalukuyang walang nagaganap na pagbabago ng presyo.
a. Pamilihan
b. Demand
c. Ekwilibriyo
d. Suplay
5. Isang matematikong pamamaraan upang iapakita ang ugnayan ng presyo at quantity
demanded.
a. Supply Function
b. Supply Curve
c. Demand Schedule
d. Demand Function
6.Tumutukoy na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng
pamalit na mas mura.
a. Substitution Effect
b. Income Effect
c. Hoarding

10
ARALING PANLIPUNAN 9
3
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

d. Highly Competitive
7. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na anis at handang ipagbili ng mga prodyuser sa
pamilihan.
a. Pamilihan
b. Ekwilibriyo
c. Demand
d. Suplay
8. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-
ibang presyo.
a. Suplay
b. Ekwilibriyo
c. Demand
d. Pamilihan
9. Uri ng pamilihan na mangilan ngilan lamang ang prodyuser na nagbebenta ng produkto.
a. Oligopolyo
b. Monopolyo
c. Monopsonyo
d. Kompetisyon
10. Ito ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o serbisyo
kung kaya walang pamalit o kahalili.
a. Monopsonyo
b. Monopolyo
c. Kompetisyon
d. Oligopolyo
11. __________ o pagtatago ng produkto upang magkulang ang suplay sa pamilihan na
magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatangpresyo.
a. Income Effect
b. Substitution Effect
c. Hoarding
d. Highly Competitive
12. Ito ang nagpapahayag na mas Malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
a. Highly Competitive
b. Substitution Effect
c. Hoarding
d. Income Effect
13. Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gusting ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t
ibang presyo.
a. Supply Schedule
b. Supply Function
c. Demand Curve
d. Demand Function

10
ARALING PANLIPUNAN 9
4
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

14. Itinatakda ang __________ ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng
mga mamamayan at marami ang makinabang sa mga produkto at serbisyo.
a. Price Ceiling
b. Price Floor
c. Price Control
d. Price Freeze

15. Ang __________ ay isang kautusan ng pamahalaan sa pagpapatupad kung hanggang gaano
kababa ang presyo ng produkto o serbisyo.
a. Price Freeze
b. Price Control
c. Price Floor
d. Price Ceiling
16. Tumutukoy kapag ang quantity supplied ay humigit sa quantity demanded sa kasalukuyang
walang nagaganap na pagbabago ng presyo.
a. Surplus
b. Shortage
c. Price Floor
d. Price Control
17. Ang _______ ay isang kautusan ng pamahalaan sa pagpapatupad kung hanggang saan ang
taas ng presyo ng produkto at serbisyo.
a. Price Floor
b. Price Ceiling
c. Price Freeze
d. Price Control
18. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan maaaring makamit ng isang konsyumer ang sagot sa
kanyang pangangailangan at kagustuhan.
a. Demand
b. Ekwilibriyo
c. Pamilihan
d. Suplay
19. Ito ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang mamimili samantalang marami ang nagsusuplay.
a. Kompetisyon
b. Oligopolyo
c. Monopolyo
d. Monopsonyo
20. Ito ay uri ng pamilihan kung saan maraming prodyuser ang isang produkto at
magpapaligsahan ang mga ito upang maakit ang mga mamimili.
a. Monopolyo
b. Kompetisyon
c. Oligopolyo

10
ARALING PANLIPUNAN 9
5
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

d. Monopsonyo

TALASANGGUNIAN AT MGA WEBSITE NA GINAMIT SA MODYUL

K-12 Basic Education Program

Peac Module

Araling Panlipunan (Alab) Ekonomiks

by: Beverly Alo-Alejandria

Ekonomiks Ngayon: Pinagaan at Pinaunlad

by: Josefina Baggay Macarubbo

Kamalaysayan: Ekonomiks
by: Lucila Perez-De Guzman

Araling Panlipunan Ekonomiks by: Glenda P. Del Rosario

https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/mahalagang-konsepto-ng-
ekonomiks
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Smith.gif
https://en.wikipedia.org/wiki/David_Ricardo
https://en.wikipedia.org/wiki/John_Stuart_Mill
https://en.wikipedia.org/wiki/Alfred_Marshall
https://tl.wikipedia.org/wiki/Karl_Marx
https://en.wikipedia.org/wiki/John_Maynard_Keynes
https://tl.wikipedia.org/wiki/Doodle
http://ohspmodularlearningforgrade8.weebly.com/mga-dapat-tandaan.html
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Strawberry_ice_cream_cone_(5076899310).jpg
https://www.netclipart.com/isee/iJRhmT_drawing-train-transportation-train-clip-art-black-and/

10
ARALING PANLIPUNAN 9
6
SACA
SAINT ANDREW CHRISTIAN ACADEMY PEÑARANDA, INC.

https://www.worksheetfun.com/2016/03/10/spider-web-coloring-one-halloween-worksheet/
http://clipart-library.com/spiders-cliparts.html
https://news.abs-cbn.com/news/01/14/20/mga-nagbebenta-ng-mahal-na-face-mask-kakasuhan
https://www.veritas846.ph/pangangalaga-sa-kita-ng-pamilya/
https://clipartstation.com/christmas-party-clipart-6/
https://moringagals.wordpress.com/about/
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/08/23/1844976/pagsirit-ng-presyo-
ng-bigas-pinasisiyasat
https://rmn.ph/weather-update-6/ulat-panahon-bb/
https://twitter.com/km_jessica_soho/status/820221312337518593
https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/396772/walang-malalakas-na-ulan-na-
inaasahan-sa-bansa-sa-miyerkules/video/
https://twitter.com/maynilad/status/954171556011302913
https://apeconomicscom.wordpress.com/blogs/
https://www.healthline.com/health/coronavirus-mask
https://www.pinterest.ph/pin/361976888796356474/
https://slideplayer.com/slide/14670669/

10
ARALING PANLIPUNAN 9
7

You might also like