You are on page 1of 2

Riza Mae M.

Martorillas
2014-21241
PI 100 THR
Bilang ng Salita: 714
Dekonstruksyon ng R.A. 1425

Nakasaad sa Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Batas Rizal, na marapat na maisama sa
kurikulum ng lahat ng pampubliko o pribadong kolehiyo at unibersidad ang kursong tumatalakay sa
buhay at mga akda ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Kabilang sa kanyang mga nobelang
bibigyan ng pansin sa kurso ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Hindi maiitatangi na mabuti
ang mga layunin ng batas na ito. Itinataguyod nito ang dugong makabayan at pinag-aalab ang diwa ng
nasyonalismo sa bawat isang mag-aaral. Nilalayon ng kursong ito na gawing inspirasyon si Rizal at ang
kanyang mga makabayang adhikain upang mas maging malawak ang perspektibo ng mga estudyante
sa mga kasulukuyang isyu ng bansa. Malinaw ang mga nakasaad na layunin sa nasabing batas, ngunit
ito nga ba ay matagumpay na nakakamit sa apat na sulok ng paaralan? Napaiigting nga ba ang pagkilala
kay Rizal bilang bayani na dapat na humuhubog sa ating pagiging Pilipino? Naihuhulma nga ba tayo ng
kursong ito upang maging mas makabayan at mas mapairal ang nasyonalismo na paulit ulit na dinidiin
sa nabanggit na batas? Sa aking paningin, mas umiiral ang hindi. Binibigyan ng atensyon ng batas ang
pagmamahal sa bayan ngunit kung susuriin mabuti, mas nangingibabaw ang pagmamahal kay Rizal.

Nakalulungkot isipin ang realidad ng karamihan sa kumukuha ng kursong ito. Ang katotohanan
na ang pangunahing nakakamit ng batas ay magawang pambansang simbolo si Rizal. Ang kilalanin sya
bilang mahusay sa larangan ng agham at pagsulat, bilang tagapagtaguyod ng mapayapang himagsikan,
bilang ang ating pambansang bayani. Mas kinikilala ang taong nasa piso, imbis ang halaga, imbis na
maisabuhay natin ang kanyang mga adhikain at mas lalong mapaigting ang paulit ulit na binaggit na
nasyonalismo. Ang Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Batas Rizal ay kulang.

Nasyonalismo, ayon sa depinisyon nito, ay isang kamalayan na nagmumula sa pagkakaroon ng


konsepto ng iisang wika, kultura, at kasaysayan. Kung titignan sa aspeto ng wika, hindi gaanong
napagpapayaman ang ating salita sa mga kurso na itinuturo sa unibersidad. Kadalasan sa mga klase,
umiiral ang “code switching” dahil karamihan ay dito nga naman mas komportable sa talakayan.
Kaunti sa mga kurso na maaring kuhain ang nagbibigay ng pagkakataon upang mapalawig ang
paggamit ng ating pambansang wika, isa na rito ang kursong Rizal na ipinahayag sa R.A. 1425. Kung
nasyonalismo rin lang naman ang usapan, hindi gaanong nakakamit ang layunin na ito ng Batas Rizal
sa aspeto ng wika dahil may mga estudyante pa rin na hindi sinusubukang magpahayag ng kanilang
mga nais ibahagi sa wikang Filipino. Tunay na mas dapat bigyan ng halaga ang mismong nilalaman ng
kurso ngunit kung ang isa sa mga layunin ng batas ay nasyonalismo, mas mapagtatagumpayan ito sa
klase sa simpleng paggamit ng wikang Filipino.

1
Riza Mae M. Martorillas
2014-21241
PI 100 THR
Bilang ng Salita: 714

Nangingibabaw ang pagkakaroon ng diwang makabayan at nasyonalismo sa Batas Rizal ngunit


bakit ito isinentro lamang kay Rizal. Napakaraming mga bayani ang masasalaminan din ng mga
makabayang adhikain na magiging makabuluhan sa pagpapaalab ng pagmamahal sa bansa. Isa pa,
walang batas na nagsasabing si Rizal ang ating pambansang bayani. Kaya isa sa mga butas na nakita
ko sa R.A. 1425 ay tumututok ito sa pagtatag kay Rizal bilang pambansang simbolo na dapat alalahanin.
Nasaan ang nasyonalismo rito?

Lumipas na ang napakaraming panahon at sa aking paningin, tila hindi nagiging mabisa ang
Batas Rizal sa pagtupad ng mga layunin nito. Nakalulungkot isipin na may mga mag-aaral na matapos
kuhain ang kursong Rizal ay napapatanong pa rin kung ano bang kahalagahan nito sa kanilang
larangan. Nakalulungkot rin isipin na may mga institusyon at paaralan na hindi nabibigyan ng sapat
na badyet upang masuportahan ang kurso gaya ng nakasaad sa batas. Sa kabila ng pagkakaroon natin
ng batas ukol sa kursong nabanggit, bakit limitado pa rin ang kaalaman ng mga Pilipino kay Rizal.
Hanggang sa piso, Luneta, at iba’t ibang mga lugar na lamang ba na nakapangalan sa kanya ang ating
matatandaan? Napakalayo na ng narating ng ating teknolohiya, nawa’y mas magamit pa natin ito
upang mas mapatibay ang batas. Nawa’y mas maging maayos ang sistema at mas maging maayos tayo
mismo. Nawa’y gawin nating instrumento ang ating mga sarili sa pagpapalawig ng nasyonalismo kahit
sa simpleng pagbigay halaga sa kursong ito. Sa mga nararanasan natin ngayon, dapat na nating imulat
ang ating sarili at gumawa na ng aksyon dahil “Kung hindi ngayon, kailan pa?”.

You might also like