You are on page 1of 1

FILIPINO 6

Ang bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of


speech), o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong
kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging
panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging
panleksikong tinutukoy.

Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944)


ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag na Balarilang
Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng
pananalita. Ang mga ito
ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pant
ukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. 

Mga salitang pangnilalaman (mga content word)


Mga nominal
Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng
pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari,
atbp.

Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa


pangngalan.

 Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o


nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita

Mga panuring (mga modifier)

Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing


o naglalarawan sa pangngalan at panghalip

 Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing


o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-
abay

Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

Mga Pang-ugnay (Connectives)


Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay
ng dalawang salita, parirala o sugnay

Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay


sa panuring at salitang tinuturingan

Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay


sa isang pangngalan sa iba pang salita

Mga Pananda (Markers)

Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging


nangunguna sa pangngalan o panghalip

Pangawing o Pangawil (linking o copulative) -
salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at
panaguri

You might also like