You are on page 1of 1

Santos, Shara Joyce D.

ED-21
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino
Takda: TanggolWika.Kwento.Argumento.Dokumento2014-2017

Sa pag unlad ng wikang pambansa marami nang naniniwalang dapat Ingles na


ang gamitin dahil ito ang ginagamit na ng karamihan sa iba’t ibang bansa, ngunit ang
sariling wika ay hindi dapat kalilimutan dahil ito ang sangkap sa pambansang
pagkakakilanlan. Isang makapangyarihang instrumento na meron at may minamahal
tayong sariling wika. Dahil nga ang wika ay isang instrumento, maaari itong manipulahin
ng bawat isa sa pamamagitan ng hindi pakikipag-usap. Isang halimbawa ay ang pag
salita ng salitang banyaga upang hindi ito maintindihan ng iyong kausap at hindi
pakikipag-usap ay iyong nais dahil maaaring ipakita mo na ikaw ay mas mataas sa
kanya. Kung ating mapapansin, tayo tayo din naman ay nag-aaway away sa kung ano
ang ating wika. Sa aking tingin tunay na mahalaga ang ating wika dahil may mga bagay
na mas naiintindihan at naibabahagi kung ang wikang Filipino ang gamit.

Habang pinapanuod ko ang dokumentaryong ito ay tila parang naramdaman ko


ang lalim ng pinagmumulan ng bawat nagsasalita mula sa kanilang mga pananaw at
karanasan tungkol sa wikang pambansa, masasabi ko na may ibig silang ipahiwatig at
layuning gisingin ang bawat isa sa atin sa pagiging mas mapagpahalaga sa wikang
sariling atin. May isang pahayag sa bidyo mula kay Ricardo Nolasco na sinabi niya ito,
“Isang importanteng sangkap kung gusto natin ng Pambansang may pagkakakilanlan at
pagkakaisa, isang makapangyarihang instrumento ay ang pagkakaroon ng
Pambansang Wika. Palagiang sinasabi pero sa katotohanan palagian din nating
nilalabag”. Ang pahayag na iyon ay tila talagang tumagos at tumatak sa aking isip at
damdamin dahil para bang kahit na alam na natin ang problema at pinagdadaanan ng
ating wika para lamang ito ay mapanatili sa atin lalo na sa edukasyon ng bawat
estudyanteng Pilipino at ang pagrespeto sa iba’t iba nating wika at kultura tulad sa ating
mga katutubo. Tayong mga Pilipino’y may kakulangan sa pagpapa-unlad at
pagpapatibay ng ating wikang pambansa at ang mga ganitong dokumentaryo sana’y
mas mapagtuunang-pansin at panahon ng mga Pilipino dahil sabi nga ni Bienvenido
Lumbera, “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.
Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating
gumagamit din dito” mula sa pahayag niyang ito’y sana hindi natin malimutan na
maging malakas bilang mga Pilipino sapagkat ito rin ang magpapaanatili sa ating
sariling wika na maging matatag

You might also like